Plea Bargaining in Drugs Cases Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 1

TALAAN NG NILALAMAN

PANIMULA .............................................................................................................. 3

PLEA BARGAINING ............................................................................................... 3

MGA PAGBABAGO SA PLEA BARGAINING SA ILALIM NG RULES OF


COURT .................................................................................................................... 5

PLEA BARGAINING SA MGA KASO NG DROGA ............................................ 7

BUOD NG MGA GABAY SA PLEA BARGAINING SA MGA KASO SA


DROGA .................................................................................................................. 25

Ang primer na ito ay naging posible sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng mga


sumusunod na Law Student Practitioners (LSPs):

AWISAN, Francis, Jr.


BLEZA, Alfonso Pio
DINO, Angelica Cecilia
HERNANDO, Hannah Francesca
SISON, Gino Alejandro
YOUNG, Jasper Brent

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 2


PANIMULA

Ang Primer na ito ay proyekto ng DLSU Law Clinic (DLC) sa ilalmin ng


Clinical Legal Education Program (CLEP) ng De La Salle University – Tañada-
Diokno College of Law. Naglalayon ito na mabigyan ang lahat ng Pilipino ng
impormasyon at gabay tungkol sa Plea Bargaining sa mga kaso ng droga, na
may pagbibigay-diin sa paglilinaw sa mga legal na proseso at pagresolba sa
mga magkakasalungat na alintuntunin tungkol rito. Ang Primer na ito ay
mababasa sa English at Filipino.

PLEA BARGAINING

1. Q: Ano ang Plea Bargaining batay sa mga desisyon ng Korte


Suprema?
A: Ayon sa Korte Suprema, ang Plea Bargaining sa mga kasong kriminal ay
“isang proseso kung saan ang akusado at ang prosekusyon ay gumagawa
ng paraan upang magkasundo sa isang disposisyon ng kaso na ipinapasa sa
korte upang ito ay mapa-aprubahan. Karaniwang kasama dito ang pag
tanggap ng akusado na nagkasala siya sa isang mas mababang kaso o sa isa
or ilang bilang lamang ng isang multi-count indictment bilang kapalit ng mas
magaan na parusa kaysa sa mas mabigat na pagkakasala."1

Bukod dito, sa kaso na Santobello v. New York, tinalakay ng korte na


pagkatapos magusap ang akusado at ang prosukusyon ukol sa plea, ang
disposisyon ng kaso ay isang mahalagang bahagi ng buong proseso. Ang
desisyon na ito ay pinapayagan ang akusado na lumaya sa mas maagang
petsa kumpara sa mga hindi pinalaya habang nakabinbin ang paglilitis.
Pinoprotektahan din nito ang publiko mula sa mga akusadong habitual
delinquents na nagnanais gumawa ng krimen habang sila’y pansamantalang
nakalaya dahil sa pretrial release.2

Mula sa nabanggit at kaugnay ng Section 2, Rule 116 ng Rules of Criminal


Procedure, dalawa ang kinakailangan sa Plea Bargaining:

1 Daan v. Sandiganbayan, G.R. Nos. 163972-77, March 28, 2008.


2 Santobello v. New York, 404 U.S. 257, December 20, 1971.

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 3


a) Ito ay dapat na may pahintulot ng biktima at ng prosekyutor; at;
b) Ang pagtanggap ng pagkakasala ay dapat sa isang mas mababang
pagkakasala na kasama sa kaso ng akusado.3

2. Q: May karapatan ba mag Plea Bargain sa ilalim ng Saligang


Batas?
A: Sa Estipona v. Lobrigo (2017),4 idineklara ng Korte Suprema na, “ang
isang akusado ay walang karapatan sa Saligang Batas na mag-Plea Bargain.
Kung ang prosekyutor ay gustong magpatuloy sa kanyang kaso laban sa
akusado kahit na gustong mag-Plea Bargain ang akusado, walang
pangunahing karapatan ang nilalabag sa ganitong pagkakataon. Sa ilalim ng
batas, hindi agarang tatanggapin ang alok sa pag-amin ng pagkakasala.
Nakadepende ito sa pahintulot ng biktima at ng prosekyutor, na nagsisilbing
kondisyon sa isang wastong plea of guilty sa isang mas mababang offense
na kinakailangang kasama sa inaakusang offense. Ito ay dahil ang
prosekyutor ay may kontrol sa prosecution ng mga criminal actions;
tungkulin nito na mag prosecute ng tamang offense, at hindi anumang mas
maliit o mas malalang offense, at dapat nkabatay sa kung ano ang maaaring
suportahan ng ebidensya."

3. Q: Kailan ginagawa ang Plea Bargaining?


A: Batay sa Rule 116, Section 2 ng Rules of Court,5 ang akusado ay maaaring
payagan ng korte na umamin ng guilty sa isang mas mababang pagkakasala
o offense na kinakailangang kasama sa inaakusang offense, sa arraignment.

Ang akusado ay maaari pa ring pahintulutan na umamin ng guilty sa nasabing


mas mababang pagkakasala pagkatapos na bawiin ang kanyang plea of not
guilty pagkatapos ng arraignment ngunit bago ang paglilitis.6

Bukod doon, ang Rule 118, Section 1 ng Rules of Court 7 ay nagsasaad rin
na ang Plea Bargaining ay binibigyang pagsasaalang-alang sa pre-trial
conference. Maglalabas ng utos ang korte pagkatapos ng arraignment at sa

3 Daan v. Sandiganbayan, G.R. Nos. 163972-77, March 28, 2008..


4 Estipona v. Lobrigo, G.R. No. 226679, August 15, 2017.
5 ROC, Rule 116, Sec. 2.
6 ROC, Rule 116, Sec. 2.
7 ROC, Rule 118, Sec. 1.

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 4


loob ng tatlumpung (30) araw mula sa petsa na nakuha ng korte ang
jurisdiction sa akusado, maliban kung may mas maikling panahong ibinigay
ng mga espesyal na batas o mga sirkular ng Korte Suprema.

4. Q: Sino-sino ang mga partido sa Plea Bargaining?


A: Ang mga partido sa Plea Bargaining na inilahad sa Rule 116, Section 2 ng
Rules of Court 8 ay ang mga sumusunod:

a) Ang akusado;
b) Ang biktima; at
c) Ang prosekyutor.

Kung ang kaso ay walang biktima, ang opisyal na umaresto sa akusado ay


dapat naroroon sa panahon ng Plea Bargaining upang magbigay ng
pahintulot batay sa Directorate for Investigation and Detective Management
(DIDM) Investigative Directive 2018-20. Kabilang sa mga krimeng walang
biktima ang mga krimen na walang pribadong nasaktang partido, tulad ng sa
mga kaso sa droga.9

Dapat ding ituring ang hukuman na isang partido sa isang Plea Bargaining
agreement dahil sila ang may kapangyarihang tanggapin o tanggihan ang
alok sa Plea Bargaining na napagkasunduan ng mga partidong kasangkot.

MGA PAGBABAGO SA PLEA BARGAINING SA ILALIM NG RULES OF


COURT10

1940-1964 Ang Plea Bargaining ay isang tuntunin ng pamamaraan na


ginagamit sa hurisdiksyon ng Pilipinas mula noong Hulyo 1,
1940, sa ilalim ng Section 4, Rule 114 ng 1940 Rules of Court:

8 ROC, Rule 116, Sec. 2.


9 Legal Services, Philippine National Police, Updates on Plea Bargaining in Drug Cases, May 20, 2022,
http://ls.pnp.gov.ph/updates-on-plea-bargaining-in-drug-cases/
10 Estipona v. Lobrigo, G.R. No. 226679, August 15, 2017.

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 5


SEC. 4. Plea of guilty of lesser offense. — The defendant,
with the consent of the court included in the offense
charged in the complaint or information.

Ang probisyon na ito ukol sa Plea Bargaining ay makikita rin sa


Rule 118 ng 1964 Rules of Court, na nagkabisa noong Enero
1, 1964.
1985 Ang probisyon na ito ay binago sa Section 2 Rule 116 ng 1985
Rules of Court. Higit pa rito, ang terminong "Plea Bargaining"
ay unang binanggit at ginawang parte ng pre-trial sa ilalim ng
Section 2, Rule 118.

Ayon sa Section 2 ng Rule 116:

SEC. 2. Plea of guilty to a lesser offense. — The accused


with the consent of the offended party and the fiscal, may
be allowed by the trial court to plead guilty to a lesser
offense, regardless of whether or not it is necessarily
included in the crime charged, or is cognizable by a court
of lesser jurisdiction than the trial court. No amendment
of the complaint or information is necessary.

Sa Section 2, ng Rule 118 naman, nakasaad na:

SEC. 2. Pre-trial conference; subjects. — The pre-trial


conference shall consider the following:

(a) Plea Bargaining;


(b) Stipulation of facts;
(c) Marking for identification of evidence of the parties;
(d) Waiver of objections to admissibility of evidence; and
(e) Such other matters as will promote a fair and
expeditious trial.

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 6


1987 Idinagdag ang probisyon ukol sa double jeopardy sa Section 2
Rule 116 ng 1987 Rules of Court: "[a] conviction under this plea
shall be equivalent to a conviction of the offense charged for
purposes of double jeopardy."
2000 Isinaad sa 2000 Rules of Court na ang mga patakaran sa Plea
Bargaining ay nasasakop ng Section 1, Rule 116 (Arraignment
and Plea) at Section 1, Rule 118 (Pre-trial)
2019 Ang pag-amyenda sa Section 28 Rule 130 ng Rules on
Evidence ay nagbigay sa akusado ng paraan upang makipag-
negosasyon sa prosekusyon sa mga termino ng kanyang
parusa. Ito ay para walang takot na makipagnegosasyon ang
akusado na kung ang negosasyon ay hindi matagumpay, ito ay
gagamitin laban sa kanya sa panahon ng paglilitis.

Sec. 28. Offer of compromise not admissible. - xxx A plea


of guilty later withdrawn or an unaccepted offer of a plea
of guilty to a lesser offense is not admissible in evidence
against the accused who made the plea or offer. Neither
is any statement made in the course of Plea Bargaining
with the prosecution, which does not result in a plea of
guilty or which results in a plea of guilty later withdrawn,
admissible.

PLEA BARGAINING SA MGA KASO NG DROGA

5. Q: Konstitusyunalidad ng Plea Bargaining sa Mga Kaso ng Droga


A: Sa kaso ng Estipona v. Lobrigo, hinamon ni Salvador Estipona ang
konstitusyonalidad ng Section 23 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act
of 2002 (R.A. No. 9165) na nagbabawal sa Plea Bargaining sa mga kaso ng
droga.

Ipinahayag ng Korte Suprema na ang Plea Bargaining ay isang patakaran ng


pamamaraan (o isang rule of procedure). Ang mga patakaran sa Plea
Bargaining ay ginawa para magkaroon ng simple at murang pamamaraan

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 7


para sa mabilis na disposisyon ng mga kaso sa lahat ng korte. Dahil ito ay
paraan ng paglutas ng mga kaso sa pamamagitan ng kasunduan, ang Plea
Bargaining ay itinuturing ng Korte Suprema na isang "mahalaga," "esensyal,"
"lubos na kanais-nais," at "lehitimong" bahagi ng pangangasiwa ng hustisya. 11

Sa ilalim ng Section 5(5) Art. VIII ng 1987 Constitution, ang kapangyarihang


magpahayag ng mga patakaran na ukol sa pleading, practice, at procedure
ay eksklusibong kapangyarihan ng Korte Suprema. At dahil dito, ang Section
23 ng R.A. No. 9165 ay lumabag sa kapangyarihang ito ng Korte Suprema,
kaya idineklara itong labag sa Saligang Batas. 12

Alinsunod sa desisyon ng Korte Supreme, and Department of Justice (DOJ)


ay nag labas ng Circular No. 27-18 (Guidelines on Plea Bargaining
Agreement for R.A. No. 9165) na nagsasabing ang Plea Bargaining ay
pinapayagan na sa mga kaso ng droga.

6. Q: Pinawalang Bisa or binago ba ng DOJ Circular No. 27-


18(Amended Guidelines on Plea Bargaining for Republic Act No.
9165 Otherwise Known as the Dangerous Drugs Act, June 26,
2018) ang Plea Bargaining Framework na nakasaad sa A.M. No. 18-
03-16-SC (Adoption of the Plea Bargaining Framework in Drugs
Case, April 10, 2018)?
A: Hindi. Niresolba ng Korte Suprema ang pagkakaiba sa pagitan ng
Department of Justice (DOJ) Circular No. 27-18, na nagbabawal ng Plea
Bargaining sa mga kaso ng pagbenta ng iligal na droga sa mas mababang
krimen ng iligal na pagmamay-ari ng mga drug paraphernalia sa ilalim ng
R.A. No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at ang
Resolusyon ng Korte Suprema noong A.M. No. 18-03-16-SC na pinagtibay
ang Plea Bargaining Framework in Drugs Cases.

Ayon sa Korte Suprema, hindi pinawalang-bisa o binago ng DOJ Circular No.


27-1813 ang Plea Bargaining Framework o A.M. No. 18-03-16-SC.14 Ang una
11 Estipona v. Lobrigo, G.R. No. 226679, August 15, 2017.
12 Estipona v. Lobrigo, G.R. No. 226679, August 15, 2017.
13 DOJ Circular No. 27-18, Amended Guidelines on Plea Bargaining for Republic Act No. 9165,

https://www.doj.gov.ph/files/2018/DC/DC027-
2018JUN%20Amended%20Guidelines%20for%20Plea%20Bargaining%20dtd%2026%20Jun%202018(1).pdf
14 A.M. No. 18-03-16-SC, Adoption of the Plea Bargaining Framework in Drugs Cases,

https://oca.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2018/05/OCA-Circular-No.-90-2018.pdf

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 8


ay nagsisilbi lamang bilang isang patnubay na dapat sundin ng mga
prosecutor bago sila magbigay ng kanilang pahintulot sa mga
iminumungkahing Plea Bargains.15 Dahil ang Plea Bargaining ay isang
kasunduan sa pagitan ng mga partido, ang DOJ Circular No. 27 ay nagsisilbi
rin bilang counter-proposal ng prosecutor sa alok ng plea of guilty sa mas
mababang pagkakasala ng mga akusado.16

7. Q: Paano sinisimulan ang paghain ng Plea Bargain sa mga kaso sa


droga?
A: Ang Plea Bargaining ay sinisimulan sa pamamagitan ng paghain ng
akusado ng isang pormal na mosyon sa korte.17

8. Q: Pwede ba na umamin ang akusado sa mas mababang offense sa


Plea Bargaining?
A: Naka-depende ito sa uri ng offense na naka paratang sa akusado. Makikita
ito sa mga naka-lista sa OCA Circular No. 90-2018, o ang Plea Bargaining
Framework in Drugs Cases.

Bilang halimbawa, nakalagay sa Circular na maaring mag-plea bargain ang


isang akusado ng krimen na Pagdadala ng Ipinagbabawal na Droga para sa
mas mababang offense na Pagdadala ng Equipment, Instrument, Apparatus,
at iba pang Paraphernalia para sa ipinagbabawal na droga.

9. Q: Kailan maituturing na ang isang lesser offense ay kasama sa isa


pang offense?
A: Ayon sa Rules of Court 18, ang mas mababang offense ay maituturing na
kasama sa offense na naka paratang sa akusado kapag ang mga elemento o
essential ingredients nito ay makikita sa impormasyon para sa unang offense.

15 Nurullaje Sayre vs. Judge Xenos, G.R. Nos. 24413 & 244415-16, February 18, 2020.
16 Legal Services, Philippine National Police, Updates on Plea Bargaining in Drug Cases, May 20, 2022,
http://ls.pnp.gov.ph/updates-on-plea-bargaining-in-drug-cases/
17 Supreme Court of the Philippines, SC Provides Clarificatory Guidelines on Plea-Bargaining in Drugs Cases, July

28, 2022, https://sc.judiciary.gov.ph/28879/


18 ROC, Rule 116, Sec. 5.

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 9


Ang pag amin sa mas mababang offense ay isang mahalagang parte ng Plea
Bargaining. Kailangan itong gawin ng akusado para makapag-hain ng Plea
Bargain. Ang Plea Bargaining agreement ay paraan para maka-amin ang
akusado sa mas mababang kasalanan o offense.

Ang isang halimbawa ng mas mababang offense na kasama sa isa pang


offense ay homicide. Ang homicide ay kasama sa offense na murder.19 Ang
mga elemento ng homicide ay: 1) may taong pinatay; 2) pinatay siya ng
akusado ng walang kasamang justifying circumstance; 3) may intensyong
pumatay ang akusado; at 4) ang pagpatay ay hindi sinamahan ng qualifying
circumstances na Murder, Parricide o Infanticide.

Ang mga elemento na ito ay makikitang parte ng mga elemento ng murder,


kung saan: 1) may taong pinatay; 2) ang akusado ang pumatay sakanya; 3)
ang pagpatay ay may kasamang qualifying circumstances na makikita sa Art.
248 ng Revised Penal Code; at 4) ang pagpatay ay hindi Parricide o
Infanticide.

10. Q: Ano ang mga maituturing na mas mababang offense sa mga kaso
sa droga?
A: Ang mga mas mababang offense at ang mga pangkalahatang drug
charges ay ang mga sumusunod:

a) Pagdadala ng ipinagbabawal na droga


b) Paggamit ng ipinagbabawal na droga
c) Pagbebenta, pangangalakal, atbp. ng ipinagbabawal na droga
d) Pagdadala ng Equipment, Instrument, Apparatus, at iba pang
Paraphernalia para sa ipinagbabawal na droga
e) Pagdadala ng Equipment, Apparatus, at iba pang Paraphernalia para
sa ipinagbabawal na droga sa mga party, at mga pagtitipon at
pagpupulong.

19 People v. Cortez, G.R. No. 131924, December 26, 2000

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 10


11. Q: Ano ang mangyayari matapos isumite ang isang proposal para
sa Plea Bargaining?
A: Matapos itong isumite, kailangang i-utos ng hukom ang isang Drug
Dependency Assessment, kung saan ang akusado ay:

a) Aamin na gumagamit ng droga;


b) Hindi aamin na gumagamit ng droga, ngunit makikitang positibo sa
isang drug dependency test; o
c) Makikitang negatibo para sa pag-gamit o pagiging dependent sa
droga.20

12. Q: Ano ang mga prosesong kailangang pagdaanan ng akusado


kapag umamin o nakita syang positibo sa pag-gamit ng droga?
A: Kailangang dumaan ang akusado sa paggamot o rehabilitasyon ng di
bababa sa anim (6) na buwan. Ang panahon ng paggamot o rehabilitasyon
na ito ay ibabawas sa parusa ng akusado. Kung hindi pa nasisimulan ang
parusa ng akusado, ang panahon ng paggamot o rehabilitasyon ay ibabawas
sa after-care at follow-up program ng akusado.21

13. Q: Ano ang mga prosesong kailangang pagdaanan ng akusado


kapag nakita siyang negatibo sa pag-gamit ng droga?
A: Ang akusado ay papakawalan sa oras ng pag-serbisyo nya ng kanyang
sentensya. Kung hindi, kailangang i-serbisyo ng akusado ang kanyang
sentensya, ibabawas ang counseling period na pinagdaanan nya sa
rehabilitation center.22

14. Q: Pwede bang i-demanda ng akusado ang pagtanggap ng kanyang


pag-amin sa mas mababang kasalanan?
A: Hindi. Kailangang magkasundo ang lahat ng mga kasali sa Plea Bargaining
bago ito tanggapin. Maliban dito, kailangan din, una sa lahat, ng pag-apruba

20 A.M. No. 18-03-16-SC, Adoption of the Plea Bargaining Framework in Drugs Cases,
https://oca.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2018/05/OCA-Circular-No.-90-2018.pdf
21 Supreme Court of the Philippines, SC Provides Clarificatory Guidelines on Plea-Bargaining in Drugs Cases, July

28, 2022, https://sc.judiciary.gov.ph/28879/


22 Supreme Court of the Philippines, SC Provides Clarificatory Guidelines on Plea-Bargaining in Drugs Cases, July

28, 2022, https://sc.judiciary.gov.ph/28879/

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 11


ng korte bago tanggapin ang Plea Bargaining. Kahit magkasundo pa ang mga
kasali sa Plea Bargaining, kung hindi makukuha ang pag-apruba ng korte,
hindi din matatanggap ang Plea Bargaining.23

15. Q: Pwede bang hindi tanggapin ng hukom ang pag-amin ng akusado


sa mas mababang kasalanan kahit na nagkasundo na ang depensa
at prosekyusyon?
A: Pwede. Kahit na magkasundo na pumasok sa Plea Bargaining ang
prosekyusyon at depensa, hindi ibig sabihin nito na agad-agad nang
tatanggapin ng korte ang Plea Bargaining proposal. Kailangang pagpasyahan
ng hukom ang pagtanggap o pagtanggi nito, habang sinasama sa
konsiderasyon ang mga nakapaligid na sirkumstansya at ang karakter ng
akusado.24

16. Q: Kailan hindi tatanggapin ng korte ang Plea Bargaining?


A: Hindi tatanggapin ng korte ang Plea Bargaining kung may tamang
objeksyon dito na naka-base sa ebidensya, kung saan maipapakita na:

a) Ang akusado ay isang recidivist, habitual offender, kilala sa komunidad


bilang drug addict o taga-gawa ng gulo, o kaya ay sumailalim na sa
rehabilitasyon ngunit bumalik muli sa paggamit ng droga, o nahatulan
ng pagkakasala ng ilang beses;
b) Malakas ang ebidensya ng pagkakasala. 25

Ang korte ang may karapatang magpasya kung malakas nga ba o hindi ang
ebidensya ng pagkakasala ng akusado, at eto ay gagawin lamang
pagkatapos ng pag-sumite ng ebidensya sa pagdinig ng hukuman. 26

Para malaman kung malakas ang ebidensya ng pagkakasala ng akusado,


itinanghal ng Korte Suprema sa People v. Tanes y Belmonte na, pagkatapos
isumite ang ebidensya ng pagkakasala ng akusado sa Korte, may karapatan
23 Supreme Court of the Philippines, SC Provides Clarificatory Guidelines on Plea-Bargaining in Drugs Cases, July
28, 2022, https://sc.judiciary.gov.ph/28879/
24 Supreme Court of the Philippines, SC Provides Clarificatory Guidelines on Plea-Bargaining in Drugs Cases, July

28, 2022, https://sc.judiciary.gov.ph/28879/


25 Supreme Court of the Philippines, SC Provides Clarificatory Guidelines on Plea-Bargaining in Drugs Cases, July

28, 2022, https://sc.judiciary.gov.ph/28879/


26 Teehankee v. Director of Prisons, 76 Phil. 756, July 18, 1946

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 12


ang akusado na mag cross-examine at magpakita ng ebidensya sa kanyang
pabor. Hindi sapat na affidavit lamang ang iprepresenta at babasahin lamang
ang kanilang mga laman. Ito ay hearsay evidence at hindi ito tatanggapin
maliban kung hindi tumutol ang akusado rito.27

17. Q: Sino ang mga itinuturing na recidivist at habitual offenders?


A: Ang recidivists at habitual offenders ay ang mga sumusunod:

a) Recidivist - Ayon sa Revised Penal Code28, ang recidivist ay isang tao


na, sa panahon ng paglilitis para sa isang krimen, ay nahatulan ng
huling paghatol sa isa pang krimen na nasa ilalim ng parehong pamagat
sa Revised Penal Code. Kailangan ang mga sumusunod upang
maituring na recidivist ang isang tao:

1. Ang nagkasala ay nasa paglilitis para sa isang krimen;


2. Ang nagkasala ay nahatulan ng huling paghatol para sa iba pang
krimen;
3. Ang una at pangalawang krimen ay nasa ilalim ng iisang pamagat
sa Revised Penal Code; at
4. Ang nagkasala ay nahatulan sa pangalawang krimen.

b) Habitual Offender - Ayon sa Revised Penal Code,29 ang isang habitual


offender ay isang tao na, sa loob ng sampung taon mula sa petsa ng
kanyang paglaya o huling pagkahatol sa krimen na serious or less
serious physical injuries, pagnanakaw (robbery at theft), estafa o
falsification, ay natagpuang nagkasala sa alinman sa mga nasabing
krimen ng pangatlong beses o higit pa. Ang mga sumusunod ay
kinakailangan upang ang isang tao ay maituturing na isang habitual
offender:

1. Ang nagkasala ay hinatulan sa alinman sa mga sumusunod na


krimen:
a) Serious physical injuries;
b) Less serious physical injuries;

27 People v. Tanes y Belmonte, G.R. No. 240596, April 3, 2019.


28 R.A. No. 3815, The Revised Penal Code of the Philippines, Article 14(9).
29 R.A. No. 3815, The Revised Penal Code of the Philippines, Article 62.

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 13


c) Robbery;
d) Theft;
e) Estafa; or
f) Falsification.

2. Na sa loob ng sampung taon mula nang siya ay mahatulan o sa


pagtatapos ng kanyang sentensya para sa naunang krimen, ay
muli syang natagpuang nagkasala sa alin man sa mga nasabing
krimen; at

3. Na sa loob ng sampung taon mula nang siya ay mahatulan o sa


pagtatapos ng kanyang sentensya para sa pangalawang krimen,
ay muli siyang natagpuang nagkasala sa alin man sa mga
nasabing krimen.

18. Q: Bakit hindi pinapayagan ang iminungkahing Plea Bargain kung


ito ay hindi umaayon sa A.M. No. 18-03-16-SC (Adoption of the Plea
Bargaining Framework in Drugs Cases, April 10, 2018)?
A: Ayon sa Saligang Batas, ang Korte Suprema ay may kapangyarihang:

xxx

(5) Maglagda ng mga alituntunin tungkol sa pangangalaga at


pagpapatupad ng mga karapatang konstitusyonal, pleading, praktis, at
pamamaraan sa lahat ng mga hukuman, pagtanggap sa praktis bilang
abogado, integrated bar, at tulong na pambatas sa mga kapuspalad.
Ang gayong mga alituntunin ay dapat magtakda ng payak at di
magastos na pamamaraan para sa mabilis na pagpapasya sa mga
usapin, maging magkakatulad sa lahat ng hukuman na magkakaantas,
at hindi magbabawas, magdaragdag, o magbabago ng mga karapatang
makabuluhan. Ang mga alituntunin ng pamamaraan ng mga tanging
hukuman at mga kalupunan na mala-panghukuman ay dapat
manatiling maybisa hangga’t hindi pinawawalang-saysay ng
Kataastaasang Hukuman.30

30 Sec. 5(5), Art. VIII, Constitution.

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 14


Ang A.M. No. 18-03-16-SC ay naglalaman ng mga tuntunin na itinatag
alinsunod sa kapangyarihan ng Korte Suprema na mag talaga ng mga
panuntunan na nagsisilbing balangkas at gabay sa mga hukuman para sa
Plea Bargaining sa mga kasong may paglabag sa Comprehensive Dangerous
Drugs Act ng 2002 (R.A. No. 9165).31 Kaya naman, kung ang iminungkahing
Plea Bargain ay hindi umaayon sa mga patakarang itinatag ng Korte
Suprema, tulad ng mga tuntuning nilalaman ng A.M. No. 18-03-16-SC,
angkop lamang na hindi ito payagan ng hukuman.

19. Q: Bakit kailangan natin ang Plea Bargaining Framework?


A: Ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang Plea Bargaining ay isang
mahalagang bahagi ng restorative justice.32 Higit na mas mabuti sa estado at
sa akusado ang isang napagkasunduang mabilis na resolusyon ng isang kaso
kaysa sa mahaba at matagal na paglilitis. Ayon sa Korte Suprema, sa
pamamagitan ng pagpapaikli ng resolusyon ng isang kaso, mas
makakatulong ito sa rehabilitasyon at pagbabago ng isang nagkasala kung
papayagan ang Plea Bargain sa isang mas mababang krimen. 33

20. Q: Ano ang layunin ng pag payag sa Plea Bargaining sa kaso ng mga
droga?
A: Ang layunin ay hindi parusahan, ngunit bigyan ng rehabilitasyon ang mga
may drug offenses.34

Ayon sa People v. Borras,35 ang banta ng droga laban sa dignidad ng tao at


sa integridad ng lipunan ay walang humpay at lubos na nakasasama. Ang
ganitong kasamang epekto ay nararamdaman hindi lamang ng mga adik
mismo kundi pati na rin ng kanilang mga pamilya. Dahil dito, nanganganib
ang kaligtasan ng lipunan dahil ang pangunahing yunit nito, ang pamilya, ang
pinakabiktima ng banta ng droga. Kaya ang rehabilitasyon ay kinakailangan
upang maipagpatuloy ang reintegrasyon ng mga adik sa ating lipunan.

31 Estipona v. Lobrigo, G.R. No. 226679, August 15, 2017.


32 Nurullaje Sayre vs. Judge Xenos, G.R. Nos. 24413 & 244415-16, February 18, 2020.
33 Nurullaje Sayre vs. Judge Xenos, G.R. Nos. 24413 & 244415-16, February 18, 2020.
34 Nurullaje Sayre vs. Judge Xenos, G.R. Nos. 24413 & 244415-16, February 18, 2020.
35 People v. Borras, G.R. No. 250295, March 15, 2021.

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 15


Kaya naman, ang isang simple at malinaw na Plea Bargaining framework, na
pinag-isipang mabuti ng mga karampatang indibidwal sa batas, ay
makakatulong nang malaki sa paggabay sa hukuman at bar kapag ang mga
ito ay nahaharap sa Plea Bargaining sa mga kasong may kaugnay sa droga.
Dahil dito, napagdesisyunan ng Korte Suprema na kinakailangang gamitin
ang Plea Bargaining Framework sa mga kaso ng droga. Itong framework na
ito ay makikita sa susunod na talahanayan:36

Offense Charged Plea Bargain na


pinapayagan Komento

Section Parusa Dami Section Parusa

Section 11(3). Pagkakakul- .01 gramo Section 12. Pagkakakulo- Sa lahat ng


Pagdadala ng ong ng 12 hanggang Pagdadala ng ng ng 6 na pagkakataon,
Ipinagbabawal na taon at 4.99 Equipment, buwan at kahit ang
na Droga (Pag isang araw gramo Instrument, isang araw maximum period
ang dami ng hanggang Apparatus, at hanggang 4 ng parusa ay
shabu, opium, 20 na taon iba pang na taon at naipataw na,
morphine, at multa Paraphernalia multa mula kinakailangan pa
heroin, cocaine mula para sa P10,000 rin ang drug
ay mas P300,000 Ipinagbabawal hanggang dependency
mababa sa 5 hanggang na Droga P50,000 test.
gramo) P400,000
N.B.: Kung ang
Ang korte ay akusado ay hindi
may umamin sa pag
diskresyon gamit ng
na magpataw ipinagbabawal
ng minimum na droga, pero
period at siya ay nag
maximum positive sa drug
period, batay dependency
sa parusang test,
ibinigay ng kakailanganin
batas. Isang niyang dumaan
deretsong sa treatment at
parusa mula rehabilitation na
6 na buwan hindi bababa sa
at isang araw 6 na buwan, na
hanggang kukunin mula sa
isang taon ay parusang

36OCA Circ. No. 90-2018, Plea Bargaining Framework in Drugs Cases, May 4, 2018, https://oca.judiciary.gov.ph/wp-
content/uploads/2018/05/OCA-Circular-No.-90-2018.pdf

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 16


Offense Charged Plea Bargain na
pinapayagan Komento

Section Parusa Dami Section Parusa

maaari rin ipinataw sa


ipataw. kanya at sa
period ng
Section 11(3). Pagkakakul- .01 gramo Section 12. Pagkakakulo- kanyang after-
Pagdadala ng ong ng 12 hanggang Pagdadala ng ng ng 6 na care at follow-up
Ipinagbabawal na taon at 299.99 Equipment, buwan at program kung
na Droga (Pag isang araw gramo Instrument, isang araw ang parusa ay
ang dami ng hanggang Apparatus, at hanggang 4 hindi pa na
marijuana ay 20 na taon iba pang na taon at ipataw. Kung
mas mababa at multa Paraphernalia multa mula ang akusado ay
sa 300 gramo) mula para sa P10,000 mag negatibo sa
P300,000 Ipinagbabawal hanggang drug
hanggang na Droga P50,000 use/dependency
P400,000 , siya ay
N.B.: papakawalan
Ang korte ay kung naipataw
may na ang parusa.
diskresyon Kung hindi pa
na magpataw naipataw ang
ng minimum parusa,
period at babawasan ang
maximum ipinataw na
period, batay parusa ng
sa parusang counseling
ibinigay ng period sa
batas. Isang rehabilitation
deretsong center. Pero,
parusa mula kung ang
6 na buwan akusado ay mag
at isang araw apply para sa
hanggang probation para
isang taon ay sa mga offenses
maaari rin sa ilalim ng R.A.
ipataw. No. 9165,
maliban sa
illegal drug
trafficking or
pushing sa ilalim
ng Section 5,
kaugnay sa
Section 24 ng
batas, ang batas
sa probation ang

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 17


Offense Charged Plea Bargain na
pinapayagan Komento

Section Parusa Dami Section Parusa

dapat mag
apply.

Section 11(2). Pagkakakul- 5 gramo Section 11(3). Pagkakakulo


Pagdadala ng ong ng 20 hanggang Pagdadala ng ng ng 12 na
Ipinagbabawal na taon 9.99 Ipinagbabawal taon at isang
na Droga (Pag hanggang gramo na Droga araw
ang dami ng habangbuh- hanggang 20
shabu, opium, ay, at multa na taon, at
morphine, mula multa mula
heroin, cocaine P400,000 P300,000
ay hindi hanggang hanggang
bababa sa 5 P500,000. P400,000.
gramo, pero
hindi tataas sa N.B.: Ang
10 gramo.) korte ay may
diskresyon
na magpataw
ng minimum
period at
maximum
period, batay
sa parusang
ibinigay ng
batas.

Hindi Ang Plea


bababa sa Bargaining ay
10 gramo hindi
pinapayagan.

Section 11(2). Pagkakakul- 300 gramo Section 11(3). Pagkakakulo


Pagdadala ng ong ng 20 hanggang Pagdadala ng ng ng 12 na
Ipinagbabawal na taon 499 gramo Ipinagbabawal taon at isang
na Droga (Pag hanggang na Droga araw
ang dami ng habangbu- hanggang 20
marijuana ay hay, at na taon, at
hindi bababa multa mula multa mula
sa 300 gramo, P400,000 P300,000
pero hindi hanggang hanggang
tataas sa 500 P500,000. P400,000.
gramo.)

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 18


Offense Charged Plea Bargain na
pinapayagan Komento

Section Parusa Dami Section Parusa

N.B.: Ang
korte ay may
diskresyon
na magpataw
ng minimum
period at
maximum
period, batay
sa parusang
ibinigay ng
batas.

Hindi Ang Plea


bababa sa Bargaining ay
10 gramo hindi
pinapayagan.

Section 12. Pagkakakul- Section 15. 6 na buwan Kung ang


Pagdadala ng ong ng 6 na Paggamit ng ng treatment akusado ay
Equipment, buwan at ipinagbabawal at umamin sa
Apparatus at isang araw na droga rehabilitation paggamit ng
ibang pang hanggang 4 ipinagbabawal
Paraphernalia na taon, at na droga, o
para sa multa mula itinanggi ang
ipinagbabawal P10,000 paggamit ng
na droga hanggang ipinagbabawal
P50,000. na droga pero
siya ay nag
positibo sa drug
dependency
test.

Ang akusado Kung ang


ay dadaan sa akusado ay nag
counselling negatibo sa drug
program sa use/dependency
rehabilitation
center

Section 14. Pinakamata- Section 15. 6 na buwan Kung ang


Pagdadala ng as na Paggamit ng ng treatment akusado ay
Equipment, parusa sa umamin sa

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 19


Offense Charged Plea Bargain na
pinapayagan Komento

Section Parusa Dami Section Parusa

Apparatus, at ilalim ng ipinagbabawal at paggamit ng


iba pang Section 12. na droga rehabilitation ipinagbabawal
Paraphernalia na droga, o
para sa itinanggi ang
ipinagbabawal paggamit ng
na droga sa ipinagbabawal
mga party, at na droga pero
mga pagtitipon siya ay nag
at positibo sa drug
pagpupulong. dependency
test.

Ang akusado Kung ang


ay dadaan sa akusado ay nag
counselling negatibo sa drug
program sa use/dependency
rehabilitation
center

Section 5. Pagkakakul- .01 gramo Section 12. Pagkakakul- Sa lahat ng


Pagbebenta, ong hanggang Pagdadala ng ong ng 6 na pagkakataon,
pangangalakal habangbuha .99 gramo Equipment, buwan at kahit ang
atbp. ng y hanggang (methamp Instrument, isang araw maximum period
ipinagbabawal parusang hetamine Apparatus, at hanggang 4 ng parusa ay
na droga kamatayan, hydrochlor iba pang na taon at naipataw na,
(Methampheta at multa ide o Paraphernalia multa mula kinakailangan pa
mine mula shabu para sa P10,000 rin ang drug
hydrochloride P500,000 lang) Ipinagbabawal hanggang dependency
o shabu lang) hanggang na Droga P50,000 test.
P10,000,00
0. N.B.: Kung ang
Ang korte ay akusado ay hindi
may umamin sa
diskresyon paggamit ng
na magpataw ipinagbabawal
ng minimum na droga, pero
period at siya ay nag
maximum positive sa drug
period, batay dependency
sa parusang test,
ibinigay ng kakailanganin
batas. Isang niyang dumaan

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 20


Offense Charged Plea Bargain na
pinapayagan Komento

Section Parusa Dami Section Parusa

deretsong sa treatment at
parusa mula rehabilitation na
6 na buwan hindi bababa sa
at isang araw 6 na buwan, na
hanggang kukunin mula sa
isang taon ay parusang
maaari rin ipinataw sa
ipataw. kanya at sa
period ng
kanyang after-
care at follow-up
program kung
ang parusa ay
hindi pa na
ipataw. Kung
ang akusado ay
mag negatibo sa
drug
use/dependency
, siya ay
papakawalan
kung naipataw
na ang parusa.
Kung hindi pa
naipataw ang
parusa,
babawasan ang
ipinataw na
parusa ng
counseling
period sa
rehabilitation
center. Pero,
kung ang
akusado ay mag
apply para sa
probation para
sa mga offenses
sa ilalim ng R.A.
No. 9165,
maliban sa
illegal drug
trafficking or

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 21


Offense Charged Plea Bargain na
pinapayagan Komento

Section Parusa Dami Section Parusa

pushing sa ilalim
ng Section 5,
kaugnay sa
Section 24 ng
batas, ang batas
sa probation ang
dapat mag
apply.

Hindi Ang Plea


bababa sa Bargaining ay
1.00 hindi
gramo pinapayagan.
(methamp
hetamine
hydrochlor
ide or
shabu
only)

Section 5. Habambu- .01 gramo Section 12. Pagkakakulo Sa lahat ng


Pagbebenta, hay hanggang Pagdadala ng ng 6 na pagkakataon,
pangangalakal hanggang 9.99 Equipment, buwan at kahit ang
atbp. ng parusang gramo Instrument, isang araw maximum period
ipinagbabawal kamatayan, (Marijuana Apparatus, at hanggang 4 ng parusa ay
na droga at multa lang) iba pang na taon at naipataw na,
(Marijuana mula Paraphernalia multa mula kinakailangan pa
lang) P500,000 para sa P10,000 rin ang drug
hanggang Ipinagbabawal hanggang dependency
P10,000,00 na Droga P50,000 test.
0
N.B.: Kung ang
Ang korte ay akusado ay hindi
may umamin sa
diskresyon paggamit ng
na magpataw ipinagbabawal
ng minimum na droga, pero
period at siya ay nag
maximum positive sa drug
period, batay dependency
sa parusang test,
ibinigay ng kakailanganin
batas. Isang niyang dumaan

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 22


Offense Charged Plea Bargain na
pinapayagan Komento

Section Parusa Dami Section Parusa

deretsong sa treatment at
parusa mula rehabilitation na
6 na buwan hindi bababa sa
at isang araw 6 na buwan, na
hanggang kukunin mula sa
isang taon ay parusang
maaari rin ipinataw sa
ipataw. kanya at sa
period ng
kanyang after-
care at follow-up
program kung
ang parusa ay
hindi pa na
ipataw. Kung
ang akusado ay
mag negatibo sa
drug
use/dependency
, siya ay
papakawalan
kung naipataw
na ang parusa.
Kung hindi pa
naipataw ang
parusa,
babawasan ang
ipinataw na
parusa ng
counseling
period sa
rehabilitation
center. Pero,
kung ang
akusado ay mag
apply para sa
probation para
sa mga offenses
sa ilalim ng R.A.
No. 9165,
maliban sa
illegal drug
trafficking or

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 23


Offense Charged Plea Bargain na
pinapayagan Komento

Section Parusa Dami Section Parusa

pushing sa ilalim
ng Section 5,
kaugnay sa
Section 24 ng
batas, ang batas
sa probation ang
dapat mag
apply.

Hindi Ang Plea


bababa sa Bargaining ay
10.00 hindi
gramo pinapayagan.
(Marijuana
lang)

21. Q: Maari bang mag-sumite ng aplikasyon para sa probation ang


isang taong kinasuhan sa ilalim ng Comprehensive Dangerous
Drugs Act of 2002 (R.A. No. 9165)?
A: Sa ilalim ng A.M. Blg. 18-03-16-SC or Adoption of the Plea Bargaining
Framework in Drugs Cases, nilinaw ng Korte Suprema na ang mga taong
kinasuhan sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002 (R.A.
No. 9165) ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa probation. Dahil
dito, ang mga patakaran sa probation sa ilalim ng Probation Law ng 1976
(P.D Blg. 968) ang gagamitin sa mga ganoong sitwasyon. Sa ilalim din ng
framework na nabanggit, ang mga taong kinasuhan sa ilalim ng Section 5 ng
R.A. 9165 ay di maaaring magsumite ng aplikasyon para sa probation dahil
saklaw ng probisyong ito ang krimen ng drug trafficking at drug pushing.
Maliban rito, binanggit din ng framework na kung ang kaukulang parusa ay
habambuhay na pagkakabilanggo hanggang kamatayan, ang akusado ay di
maaaring magsumite ng aplikasyon para sa probation.37

37 A.M. No. 18-03-16-SC, Adoption of the Plea Bargaining Framework in Drugs Cases.

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 24


22. Q: Ano ang naaangkop na proseso para sa mga youth drug
offenders?
A: Ang Board Regulation No. 6, Series 2019 ng Dangerous Drugs Board ay
nag bibigay ng alternatibong parusa sa mga youth drug offenders o ang mga
children in conflict with the law. Ito ay sa pamamagitan ng treatment and care
programs, na maihahalintulad sa Plea Bargaining dahil ang mga kabataan ay
binibigyan ng pagkakataon na sumailalim sa rehabilitation program sa halip
na hatulan ng parusang pagkakakulong.

Ang bata ay dapat munang sumailalim sa ASSIST (Alcohol, Smoking, and


Substance Involvement Screening Test) at sa drug dependency examination
bago siya payagang sumailalim sa treatment and care program, alinsunod sa
mga alituntunin ng Section 9 ng Board Regulation.

Nililinaw din ng Board Regulation na ang mga children in conflict with the law
ay maaaring sumailalim sa treatment and care program bago o kasabay ng
interbensyon o diversion program sa ilalim ng Juvenile Justice Act (R.A. No.
9344). Ito ay nakabatay sa pagpapasiya ng LSWDO o social welfare and
development officer.

Ang treatment and care programs sa ilalim ng Board Regulation ay maaari


lamang simulan kapag sumang-ayon ang mga magulang o guardian ng bata
o kapag inutos ng korte. Kinakailangan din nilang sumang-ayon na isumite
ang bata sa random drug test habang siya ay nasa ilalim ng treatment and
care program.38

BUOD NG MGA GABAY SA PLEA BARGAINING SA MGA KASO SA


DROGA

Bilang paglilinaw sa mga alintuntunin sa Plea Bargaining sa mga kaso ng


droga, naglabas ang Korte Suprema ng mga naaangkop na patakaran na
makikita sa website ng Korte Suprema (https://sc.judiciary.gov.ph/28879/):39

38Board Regulation No. 6, Series 2019 of the Dangerous Drugs Board.


39Supreme Court of the Philippines, SC Provides Clarificatory Guidelines on Plea-Bargaining in Drugs Cases, July
28, 2022, https://sc.judiciary.gov.ph/28879/

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 25


1. Ang pag-aalok para sa Plea Bargaining ay dapat simulan sa
pamamagitan ng pagsulat ng pormal na motion na inihain ng akusado
sa korte.

2. Ang mas mababang offense kung saan ang akusado ay nagmumungkahi


na umamin ng pagkakasala ay kinakailangang kasama sa sipampang
offense.

3. Pagka-tanggap ng panukala para sa Plea Bargaining na sumusunod sa


mga probisyon ng Plea Bargaining Framework ng Korte sa Mga Kaso sa
Droga, iuutos ng hukom na magsagawa ng drug dependency
assessment. Kung ang akusado ay umamin sa paggamit ng droga, o
tumanggi ngunit napag-alamang positibo pagkatapos ng isang drug
dependency test, siya ay sasailalim sa paggamot at rehabilitasyon sa
loob ng hindi bababa sa anim (6) na buwan. Ang nasabing panahon ay
dapat mai-kredito sa kanyang parusa at sa panahon ng kanyang after-
care at follow-up na programa kung ang parusa ay hindi pa rin naibigay.
Kung ang akusado ay mapapatunayang negatibo sa paggamit ng
droga/dependency, siya ay pakakawalan sa takdang oras ng pagsilbi,
kung hindi, siya ay magsisilbi sa kanyang sentensiya sa kulungan, pero
ang panahon ng pagpapayo sa rehabilitation center ay ibabawas.

4. Bilang patakaran, ang Plea Bargaining ay nangangailangan ng kapwang


kasunduan ng mga partido at nakadepende sa pag-apruba ng korte.
Anumang magkaparehong kasunduan ng mga partido, ang pagtanggap
sa alok na umamin ng pagkakasala sa isang mas mababang pagkakasala
ay hindi pwedeng demandahin ng akusado bilang karapatan, ngunit ito
ay isang bagay na nakadepende sa pagpapasya ng hukuman.

Kahit na magkasundo ang prosekusyon at ang depensa na pumasok sa


isang Plea Bargain, hindi nito ibig sabihin na awyomatikong aaprubahan
ng mga korte ito.

5. Hindi papayagan ng korte ang Plea Bargaining kung ang pagtutol sa


Plea Bargaining ay wasto at sinusuportahan ng ebidensya at pinapakita
na:

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 26


a) ang nagkasala ay isang recidivist, habitual offender, kilala sa
komunidad bilang isang adik sa droga at mahilig manggulo,
sumailalim sa rehabilitasyon ngunit nagkaroon ng relapse, o
maraming beses nang sinampahan ng offense; o
b) kapag malakas ang ebidensya ng pagkakasala.

6. Ang Plea Bargaining sa mga kaso ng droga ay hindi papayagan kapag


ang iminungkahing Plea Bargain ay hindi umaayon sa Plea Bargaining
Framework in Drugs Cases na inisyu ng Korte.

7. Maaaring i-overrule ng mga hukom ang pagtutol ng prosekusyon kung


ito ay nakabatay lamang sa batayan na ang panukala ng Plea Bargaining
ng akusado ay hindi naaayon sa katanggap-tanggap na Plea Bargain sa
ilalim ng anumang panloob na tuntunin o alituntunin ng DOJ, bagama't
alinsunod sa Plea Bargaining framework na inilabas ng Korte, kung
mayroon man.

8. Kung tututol ang prosekusyon sa panukala ng Plea Bargaining ng


akusado dahil sa mga bagay na nakasaad sa item no. 5, ang trial court
ay inaatasan na dinggin ang pagtutol ng prosekusyon at magpasya sa
mga merito nito. Kung nakita ng trial court na tama lang ang pagtutol,
dapat nitong ipagpatuloy ang paglilitis sa krimen.

9. Kung ang akusado ay nag-aplay para sa probation sa mga pagkakasala


na mapaparusahan sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act
of 2002 (R.A. No. 9165), maliban sa illegal drug trafficking o pagtutulak
sa ilalim ng Section 5, kaugnay ng Section 24 nito, ang batas sa
probation ay mag-aaplay.

Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 27


Primer on Plea Bargaining in Drug Cases 28

You might also like