Sat Q1 Epp Ia 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA
CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION

SCHOOL ASSESSMENT TEST IN EPP – INDUSTRIAL ARTS 5

Name: ____________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag o katanungan. Bilugan


ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay karaniwang tumutubo sa lahat ng lugar sa ating bansa. Maaari itong magamit sa paggawa ng
bahay, muwebles, at palamuti sa bahay. Anong lokal na materyales ito?
A. abaka B. kawayan C. niyog D.rattan

2. Kilala ito bilang “Puno ng Buhay” sapagkat lahat ng parte nito ay maaaring gawing iba’t ibang
produkto gaya ng walis, gamot, langis, tabla at marami pang iba. Ano ito?
A. abaka B. narra C. niyog D.
saging

3. Si Mang Karding ang pinakatanyag na latero sa kanilang bayan. Sa anong gawaing pang-industriya siya
nabibilang?
A. gawaing-elektrisidad C. gawaing-
kawayan B. gawaing-kahoy D.
gawaing-metal

4. Si Kardo ay gagawa ng isang upuan. Gusto niyang pakurba ang hugis ng kahoy na kaniyang puputulin.
Anong lagari ang dapat niyang gamitin?
A. back saw B. coping saw C. keyhole saw D. rip saw

5. Isang kawili-wiling gawain ang pagbuo ng isang proyekto ngunit nangangailangan ito ng dobleng
pagpaplano at pag-iingat. Ang mga sumusunod ay mga gawaing pangkaligtasan MALIBAN sa isa.
A.Balutin ang matulis at matalas na kasangkapan.
B.Iwasan ang pakikipag-usap sa kasamahan habang gumagawa.
C.Iwasan ang paggamit ng mga kagamitang kinakalawang, mapupurol o kaya’y may
sirang bahagi.
D. Kapag magbarnis normal lamang ang hindi paglalagay ng panakip sa ilong at bibig
dahil mainit at mahirap huminga.

6. Ang susi, kandado, alambre ay nakapaloob sa anong materyal na industriya?


A. himaymay B. kabibe C. kahoy D. metal

7. Ang aking kaibigan ay nagwewelding ng upuan para sa kanilang hardin. Sa anong gawaing
pangindustriya siya nabibilang?
A. gawaing-elektrikal C. gawaing-kawayan

B. gawaing-kahoy D. gawaing-metal

8. Ang punong nara ay magandang pagkunan ng mga de-kalidad na tabla at gawaing muwebles at iba
pa. Sa anong gawaing industriya nahahanay ang paggawa ng mga muwebles na yari sa tabla?
A. gawaing-elektrisidad C. gawaing-kahoy
B. gawaing metal D. gawaing-kawayan

9. Ito ang mga kagamitan para makita ang tama o eksaktong sukat ng gagawing proyekto?
A. barena at brace C. rip saw at back saw
B. maso D. zigzag rule o eskwala
10. Ito ay isa sa pinakamalaking halamang palmera na ang bunga ay pwedeng matamisin, ang ubod ay
maaaring ulamin at ang katas ay ginagawang tuba.
A. abaka B. buri C. kawayan D. rami

11. Alin dito ang dapat gawin upang mapangalagaan ang mga kasangkapan?
A. ilagay kahit saan
B. hayaang masira at kalawangin
C. ipahiram at huwag nang kunin pa
D. alagaan at panatilihing malinis at mailigpit sa tamang lalagyan

12. Ginagamit ito na pampaluwag o panghigpit sa mga gripo at dugtungang yari sa bakal.
A. barena B. C-clamp C. liyabe D. paet

13. Pinagagawa kayo ng inyong guro ng isang malikhain at makabuluhang proyekto sa asignaturang EPP.
Anong mga materyales ang naaangkop na gamitin para sa proyektong ito?
A. imported na materyales
B. magagara at mamahaling materyales
C. mababa ang kalidad o mumurahing materyales
D. mga patapong bagay na maaari pang pakinabangan

14. Napakahalagang malaman ng isang gumagawa ang tamang proseso sa paggawa ng proyekto. Alin sa
mga sumusunod ang wastong pagkasunud-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng bangkito?
I. Isa-isahing ipako ang mga bahagi nito.
II. Putulin ang mga bahagi. Sundin ang tamang sukat.
III. Sukatin ang materyales na gagamitin ayon sa iyong plano.
IV. Ihanda nag mga materyales at kasangkapan na gagamitin.
V. Gumamit ng katam sa paglilinis sa magagaspang na mga bahagi nito.
VI. Pakinisin ang bangkito gamit ang lihang papel bago pahiran ng barnis.
A. IV-II-III-I-VI-V C. IV-III-II-VI-I-V
B. IV-III-II-V-I-VI D. IV-III-V-II-I-VI
15. Si Ben ang inatasan ng kanyang lider para gawin ang panghuling ayos ng kanilang nilikhang patungan
ng aklat. Ang mga sumusunod ay mga paraang dapat na isasagawa ni Ben para maging maayos at pulido
ang proyekto MALIBAN sa isa.
A. Pahiran ng primer ang kahoy gamit ang brush.
B. Pinturahan agad ang kahoy kahit may nakitang butas ito.
C. Pahiran ng pintura ayon sa kulay na gusto at sikaping iisang ayon lamang ang paglalagay
ng pintura
D.Tiyakin na natanggal na ang duming maaring makaapekto o makasagabal sa iyong
pagpipintura tulad ng alikabok, mga hibla, patak ng tubig at iba pa.

16. Gumawa si Mang Sebio ng isang lamesa. Nang matapos ito, napuna niyang sumobra nang konti ang
laki ng isang paa nito. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Kalasin lahat ang parte at saka putulin ang sobrang bahagi nito.
B. Gumamit ng katam o lagari para tanggalin ang sobrang parte nito.
C. Hayaan na lamang ito total konti lang naman ang diperensiya sa haba nito.
D. Dugtungan ang maiksing paa para pumantay ang taas nito sa ibang bahagi.

17. Gumawa si Lucas ng alkansiya mula sa kawayan. Gusto niyang mapanatili ang kagandahan ng
kasangkapan sa mahabang panahon. Ano ang huling hakbang na kanyang isasagawa sa paglalapat ng
huling ayos sa ginawang alkansiya?
A. pagbabarnis B. pag-bleach C. pagliliha D. pagtatapal

18. Gumagawa si Koko ng kanyang lagayan ng gamut (medicine cabinet) na yari sa kahoy. Anong
kagamitan ang kailangan niya upang maibaon ang pako sa kaniyang ginagawa?
A. katam B. martilyo C. maso D. ruler

19. Ang mga mag-aaral ng ika-limang baitang ay may pangkatang gawain sa EPP. Ano ang una nilang
gawin para makabuo ng isang magandang proyekto?
A. pagbubuo B. pagpapakinis C. pagpaplano D. Pagpuputol

20. Gumagawa si Christian ng kulungan ng manok. Nakita niyang nakalabas ang isang sisiw dahil nakausli
pala ang pako kaya lumuwang ang bahagi nito. Anong hakbang ang dapat niyang gawin?
A. Hayaan na lang na ganoon.
B. Sarhan ng salamin ang butas
C. Ipasok na lang ang sisiw kapag nakalabas ulit.
D. Kumuha ng martilyo at pukpukin ang nakausling pako

21. Piliiin sa ibaba ang wastong pagkasunod-sunod ng mga paraan sa paggawa ng isang
Extension Cord.
I.Takpan ang convenience outlet.
II. Balatan ang kabilang dulo ng kable
III. Luwagan ang turnilyo ng male plug at iikot ang nakabalot na kable sa turnilyo at saka ito
higpitan gamit ang screwdriver.
IV. Hatiin sa dalawa ang kable hanggang walong sentimetro at balatan ang magkabilang
dulo nito gamit ang Long nose pliers.
V. Luwagan ang turnilyo na nasa loob ng convenience outlet at iikot ang nakabalot na kable
sa turnilyo at saka ito higpitan.

A. I,II,III,IV,V
B. II,I,III,IV,V
C. IV,III,II,V,I
D. V,IV,III,II,I

22. Sa paggawa ng extension cord, maraming pamamaraan ang nararapat gawin upang madali at
matagumpay na matapos ang proyekto. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang unang
hakbang sa paggawa ng extension cord?
A. Ikutin ang nakabalot na kable hanggang sa malinis na itong tingnan.
B. Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng proyekto.
C. Hatiin sa dalawa ang kable gamit ang mga kamay hanggang walong sentimetro.
D. Simulan ang gawain sa pamamagitan ng pagpasok ng kabilang dulo ng kable sa male
plug.

23. Gagawin mo na ang proyekto mo sa EPP, nakalagay sa tool box ang lahat ng iyong kailangan
upang makapagsimula ng gawaing elektrisidad. Ano ang nararapat mong gawin bago ka magsimula?
A. Tingnan ang mga kagamitan.
B. Simulan na agad ang proyekto.
C. Magpatugtog ng musika upang ganahan sa paggawa ng proyekto.
D. Tingnang mabuti kung kumpleto ang mga kagamitan bago gamitin at ayusin ang mga
may sira o crack bago gamitin.

24. Ang paggawa ng isang proyekto na ginagamitan ng elektrisidad ay dapat na gumamit ng


angkop na kasangkapan sa paggawa. Bakit?
A. para mabuo at maipasa sa takdang oras
B. para makabuo ng isang kanais-nais na proyekto
C. para ito ay maging matibay at hindi madaling masira
D. para maisagawa nang maayos ang proyekto at maiwasan ang anumang sakuna

25. Sa anumang gawaing may kinalaman sa elektrisidad, nararapat isaalang-alang ang paggamit ng
personal na kagamitang pangkaligtasan. Ano ang maiiwasan kung gagamitin ang mga personal na
kagamitang pangkaligtasan?
A. mabilis na pagtapos sa sinimulang proyekto
B. mabilis na pagkaubos ng oras, lakas at materyales
C. pagkasira ng mga kagamitan sa paggawa sa proyekto
D. anumang uri ng aksidente na dulot ng init, ingay, kemikal, mekanikal at elektrikal

26. Ang mga kagamitang pangkamay ay mga kagamitang ginagamitan ng kamay at hindi na
nangagailangan ng elektrisidad. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
A. electric jigsaw
B. hacksaw
C. lamp holder
D. portable electric drill
27. Hindi ibinaba ni Ben ang fuse box bago niya kinumpuni ang kable ng kuryente. Kung ikaw si Ben,
gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
A. Oo, para masimulan at matapos agad ang gawain.
B. Oo, magaling naman ako sa mga gawaing elektrisidad.
C. Hindi ko tiyak kung kailangan pa bang patayin ang pinanggagalingan ng kuryente bago
ang gawaing elektrisidad.
D. Hindi, ibababa ko muna ang pinanggagalingan ng kuryente upang maiwasan ang hindi
kanais-nais na pangyayari.

28. Alin sa mga sumusunod ang mga personal na kagamitang pangkaligtasan ang gagamitin kapag
tayo ay gagawa ng isang proyekto o gawaing pang-elektrisidad?
A. goggles, pako, martilyo, lagari
B. goggles, fishing rod, net, hook, bait
C. goggles, insulated gloves, sleeves, hood
D. goggles, test tube, flask, graduated cylinder

29. Matagal natapos ni Allan ang kanyang gawaing elektrisidad dahil naubos ang kanyang oras sa
kahahanap ng mga gagamitin niyang materyales. Ano ang maipapayo mo sa kanya upang mapabilis
ang kanyang paggawa?
A. Ipagagawa ko na lamang sa mas nakakaalam upang mas mabilis itong matapos.
B. Magyaya ng kasama para may mauutusan kapag may kulang o may hahanapin ka.
C. Magsimula nang napakaaga habang tulog pa ang mga kasama sa bahay upang walang
isturbo.
D. Siguraduhing kumpleto ang mga kagamitan o materyales at suriin kung may sira ba
ang mga ito bago magsimula.

30. Ano ang dapat mong gawin pagkatapos gumawa ng gawaing pang-elektrisidad?
A. Iwan ang mga gamit at hayaang si nanay ang magligpit.
B.Iwanang nakabukas ang pinanggagalingan ng kuryente.
C.Utusan si tatay na mag-ayos at magligpit ng mga ginamit.
D.Siguraduhing lahat ng mga kagamitan ay maiayos at mapatay ang pinanggagalingan ng
kuryente.

31. Nasira ang switch ng ilaw sa iyong kwarto. Ano ang unang gagawin bago ito kumpunihin?
A. kumuha ng switch
B. bumili ng bagong ilaw
C. huwag patayin ang ilaw
D. patayin ang pangunahing switch

32. Bakit dapat nating sundin ang mga wastong hakbang sa paggawa ng extension cord at iba pang
gawaing pang-elektrisidad?
A. upang maipagmalaki sa mga kaibigan
B. upang madaling matapos ang paggawa
C. upang maging maayos at wasto ang paggawa
D. upang maiwasan ang sakuna o aksidente sa paggawa

33. Ang kagamitang nasa larawan ay ginagamit upang masukat ang boltahe ng kuryente sa
proyektong gagawing may kinalaman sa gawaing elektrisidad. Ano ito?

A. fuse
B. multi tester
C. switch
D. utility box

pinterest.ph/pin/639229740837237380/

34. Ang Long Nose Pliers ay isang kagamitang pang-elektrisidad, Ano ang gamit nito?

A. Ginagamit na pamutol ng bakal.


B. Ginagamit na panghawak o panghigpit.
C. Ginagamit sa pagbabaluktot ng mga metal na tubo.
D. Ginagamit na panghawak o pamutol ng manipis na kable ng kuryente. Maaaring
magamit o makapasok sa maliit na espasyo dahil sa mas manipis nitong dulo.

35. Ang screwdriver ay isang kagamitang pang-elekrisidad. Paano ang tamang paggamit nito?

A. Kung ang screw ay ayaw mahigpitan gamit ang screwdriver, gumamit ng hacksaw.
B. Hawakan ang screwdriver sa handle, ipihit pakaliwa kung ang nais ay sikipan ang screw,
pakanan naman ang pagpihit kung ang nais ay luwagan.
C. Hawakan ang screwdriver sa handle at itapat sa screw na nais higpitan at pukpukin ng
martilyo ang handle nang may sapat na puwersa.
D. Hawakan ang screwdriver sa handle, ipihit pakanan kung ang nais ay sikipan ang screw,
pakaliwa naman ang pagpihit kung ang nais ay luwagan.

36. Ang pagpaplano sa paggawa ng proyekto ay isang mahalagang paghahanda sa anumang gawaing
sisimulan. Alin ang hindi mabuting dulot ng pagpaplano?
A. masasayang ang oras, pagod at materyales
B. makagagawa ng isang de-kalidad at maayos na proyekto.
C. magsisilbing alituntunin upang matapos nang maayos ang proyekto.
D. makatutulong ito upang makatipid sa oras, pagod, at mga gastusin sa materyales.

37. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng conduits/pipes kapag gumagawa ng mga gawaing
pangelektrisidad?
A. Ang conduits/pipes ay mahalaga dahil dito ipinagkakabit-kabit ang mga wire.
B. Ang conduits/pipes ay mahalaga dahil ito ay nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente.
C. Ang conduits/pipes ay mahalaga dahil dito ipinapadaan ang mga wire para
maproteksiyonan ito sa pagkasira.
D. Ang conduits/pipes ay mahalaga dahil sinisigurado nito na hindi malalaglag, mahuhugot
o matatanggal ang wire sa pagkakabit.

38. Aling bahagi ng plano kung saan isusulat ang mga kagamitan sa paggawa ng mga gawaing
napapaloob sa paggawa ng proyekto?
A. mga hakbang
B. mga kasangkapan
C. mga layunin
D. pangalan ng proyekto

39. Sa bahaging ito makikita ang lahat na gagamitin upang mabuo ang isang proyekto.
A. layunin
B. mga materyales
C. pamamaraan
D. pangalan ng proyekto

40. Ang mga sumusunod ay batayan para sa mabilis at maayos na paggawa ng isang proyekto
MALIBAN sa isa.
A. Piliin ang simple at payak na proyekto.
B. Paggamit ng mga mamahaling materyales.
C. Piliin ang proyektong binubuo ng mga materyales na madaling makita at mabili sa
pamayanan.
D. Ibilang ang mga materyales, kagamitan, at hakbang na gagamitin sa pagpapaganda ng
proyekto.

You might also like