Panuto: Itiman Ang Titik NG Wastong Sagot Sa Loob NG Bilog

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 10

Pangalan:_________________________________Taon at Pangkat:________________Iskor:__________
Panuto: Itiman ang titik ng wastong sagot sa loob ng bilog.
1. Siya ang kaibigan ni Rizal na tumulong sa kanyang maipalathala ang “El
Filibusterismo”.
a. Maximo Viola c. Emilio Terrero
b. Valentin Ventura d. Jose Maria Basa
2. Kanino inihandog ni Rizal ang kanyang ikalawang nobelang “El
Filibusterismo?
a. Marcelo H. Del Pilar c. Gomburza
b. Andres Bonifacio d. Francisco Baltazar
3. Saan inilathala ang nobelang “El Filibusterismo”?
a. France c. Europa
b. Paris d. Belguim
4. Sa paanong paraan tinulungan ni Kapitan Tiyago si Basilio?
a. Kinupkop niya ito. c. Pinag-aral siya kapalit ng
serbisyo.
b. Binigyan niya ito ng trabaho. d. Binigyan siya ng kaunting
ari-arian.
5. Sino ang tumulong kay Basilio upang makalayo-layo sa bayan ng San Diego?
a. Kapitan Tiyago c. Don Rafael
b. Crisostomo Ibarra d. Elias
6. Ang humanga kay Basilio sa kanyang kagalingan sa eskwelahan ay ang
_______.
a. kamag-aral b. dominiko c. kamag-anak d. kasintahan

7. Siya ang anak ni Tales na maagang namatay?


a. Juli b. Maria c. Lucia d. Angela
8. Nakuha ni Tales ang kanyang lupa sa pamamagitan ng _____.
a. pagbili b. pangungutang c. pagnanakaw d.
pagkakaingin
9. Ito ang kabuuang halaga ang dapat bayaran ni Tales sa pamahalaan.
a. 30 b. 50 c. 150 d. 250
10. Ang kurang makatutulong kay Juli upang mailigtas si Basilio dahil
malapit siya sa pamahalaan.
a. Damaso b. Sibyla c. Camorra d. Irene
11. Ano ang naging dahilan ng pagpapatiwakal ni Juli?
a. lubhang kalungkutan c. matinding paghihirap
b. inagawan ng puri d. nawala sa katinuan
12. Ano ang itinuring na hiyas ni Isagani mula sa kanyang kasintahan?
a. alaala b. larawan c. liham d. singsing
13. Siya ang kasintahan ni Isagani na nagpakasal sa iba.
a. Juliana b. Paula c. Paulita d. Maria
14. Ano ang kaugnayan ni Padre Florentino kay Don Tiburcio?
a. kapatid b. pinsan c. kaibigan d. kababata
15. Ano naman ang kaugnayang ni Padre Florentino kay Isagani?
a. ama b. tiyo c. kaibigan d. guro
16. Ano ang ipinakita ni Crisostomo kay Basilio labintatlong taon na ang
nakalilipas?
a. kabaitan b. kasakiman c. kalapastanganan d. lahat ng
nabanggit
17. Ang naging dahilan ng pag-alis ni Crisostomo sa San Diego ay ang
______.
a. tumakas upang di madakip b. makalimot sa masamang nangyari
b. magpayaman para maghiganti d. mag-aral sa ibang bansa
18. Ang ibinunyag ni Simoun kay Basilio sa gubat ng mga Ibarra ay ang
paghihiganti sa ______.
a. kasintahan b. pamilya c. kaaway d. pamahalaan
19. Ang “Filibustero” ay nangangahulugang kalaban ng ______.
a. kaibigan b. bayan c. simbahan d. pamahalaan
20. Isinulat ni Rizal ang kanyang ikalawang nobela dahil sa mga_______.
a. pasakit na kinaharap niya at ng kanyang pamilya
b. kayamanang kinamkam sa kanya
c. mananakop at mapang-abusong prayle
d. masugid na mambabasa
21. Ang maging ____ang naging mahalagang gampanin ni Kapitan Tiyago sa
buhay ni Basilio? a. tagapagligtas b.
guro c. ama d. amo
22. Binigyan ng kaunting halaga ni Ibarra si Basilio at sinabihang
magpakalayo-layo na ito. Ano ang mahihinuha kay Ibarra batay sa
pangungusap?
a. Siya’y nanuhol kay Basilio. c. Siya’y nagmagandang loob.
b. Siya’y nagbibigay ng limos d. Siya’y namamahagi ng salapi.
23 Ganun na lamang ang pagpapahalaga ni Kabesang Tales sa lupang
kaniyang sinasaka dahil_____.
a. namatay ang asawa’t pinsan niya
b. namatay ang asawa’t anak niya
c. namatay ang asawa’t kapatid niya
d. namatay ang asawa’t kaibigan niya
24. “Kailangang wisikan ng agua bendita si Kapitan Tiyago bago ilibing.” Ang
ibig ipakahulugan ng salitang nasalungguhitan ay banal na _____?
a. langis b. tubig c. pabango d. ulan
25 . “Hindi siya natunawan ng ipahid ang agua bendita sa kanyang pusod at
dinarasal ang sanctus deus.” Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang nakasulat
nang madiin?
a. banal na Diyos c. banal na aklat
b. banal na panalangin d. lahat ng nabanggit
26. “Magkaroon man ng kabag ay dasalin ang santo fuerte.”Ano ang ibig
sabihin ng salitang nasalungguhitan?
a. dakilang Diyos c. malakas na Diyos
b. magaling na Diyos d. makapangyarihang Diyos.
27. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinamalas ni Padre Florentino nang
tanggapin niya si Simoun sa kanyang tahanan?
a. mapagkawang gawa c. mabait na tao
b. magiliw sa panauhin d. mapagbigay na tao
28. “Huwag na kayong mag-abala pa o papanaw akong dala ang aking lihim!”
Anong damdamin ang namayani sa pahayag?
a. galit b. lungkot c. sama ng loob d.
kapanatagan
29. “Ah! Kayong mga kabataan sa kawalan ng karanasan at pagiging
mapangarapin ay para kayong mga paruparong sumusunod sa bulaklak.” Ano ang
nais ipahiwatig ni Simoun kay Basilio tungkol sa mga mag-aaral batay sa
pahayag?
a. matalino b. padalos c. hangal d. masipag
30. Anong klaseng pamahalaan ang masasalamin sa pahayag na “ Subalit
higit na kadakilaan ang mabigyan ng lunas ang lugaming bayang ito.”
a. malupit b. kaawa-awa c. mahirap d.
naghihingalo
31. Kung ikaw si Basilio, paano mo haharapin ang mga mapapait na
karanasan sa paaralang iyong pinapasukan?
a. Titigil na lang ako sa pag-aaral kaysa laitin.
b. Magsusumbong ako sa kinauukulan.
c. Hahayaan ko na lang sila at ipagpapatuloy ang aking pag-aaral.
d. Lilipat ako ng paaralan.
32. “Masasabi kong kasingganda ni Juli si Maria Clara.” Anong uri ng
paghahambing ang nasalungguhitang salita?
a. palamang b. pasahol c. magkatulad d.
modernisasyon
33. “Si Juli ay hindi gaanong madasalin kumpara sa mga ibang kababaihan.”
Anong uri ng paghahambing ang nakapaloob sa pangungusap?
a. palamang b. pasahol c. magkatulad d.
modernisasyon
34. “Si Juli ay may mataas-taas na pangarap kaysa kay Sinang.” Anong uri ng
paghahambing ang nakapaloob sa pangungusap?
a. palamang b. pasahol c. magkatulad d.
modernisasyon
35. “ Ibig ko ng mamatay, mamatay na mag-iiwan ng dakilang pangalan, mamatay
na nagtatangol sa kalayaan.” Anong katangian ang masasalim sa ipinahawag ni
Isagani?
a.mapagmahal sa bayan c. maimbuting binata
b. makasariling tao d. wala sa nabanggit
36. “Sa tuwing mamasdan ko ang bukang liwayway, lalong naghuhumindig sa
aking damdamin ang pag-asa sa kalayaan at kaunlaran ng aking bayan. Hindi
maglalaon, alam ko na iyan ay magiging katuparan.” Ano ang mahihinuha sa
pahayag?
a. May magaganap na pagbabago c. Magkakaroon ng pag-aalsa
b. Darating din ang pag-asa d. May darating na tulong.
37. “Kaawaan nawa ang taong nagbuyo sa kanya sa masama.” Anong katangian
ni Padre Florentino ang mahihinuha sa pahayag?
a. mabait c. mapagpatawad
b. maalalahanin d. mapagbigay
38.Nagmungkahi si Simoun ng sapilitang paggawa upang mabilis ang pag-
usad ng bapor Tabo. Anong kaisipan ang litaw sa panukala?
a. Diyos b. Lipunan c. Pamilya d. Pamahalaan
39. Kung ikaw ang isa sa mga tauhan sa akda, ano ang posibleng maging
epektibong paraan upang mapabilis ang pag-usad ng bapor Tabo?
a. pag-aalaga ng itik c. pagpapalalim ng lawa
b. sapilitang paggawa d. pagbabawal sa mga taong
naglalaba sa lawa
40. Sino ang pinadalhan ni Rizal ng liham nang siya’y naubusan ng pera?
a. Maximo Viola b. Valenti Ventura c. Jose Maria Basa d.
Marcelo Del Pilar
41. Ano ang pagkakatulad ng layunin ni Rizal sa pagsulat ng dalawang
nobela?
a. Ang makapaghiganti sa pamahalaan
b. Ang himukin ang mga Pilipinong mag-alsa laban sa pamahalaan
c.Ang buksan ang mata ng mga Pilipino
d. Lahat ng nabanggit.
Para sa bilang 42-47. Suriin ang bawat pangungusap at sabihin kung anong uri ng
matalinghagang pahayag ang nakapaloob sa pangungusap. Gamitin
ang mga pagpipiliin sa ibaba.
a. Pagtutulad b. Pagwawangis c. Pagmamalabis
d. Pagtatao
42. “Ah! Kayong mga kabataan sa kawalan ng karanasan at pagiging
mapangarapin ay para kayong mga paruparong sumusunod sa bulaklak.”
a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pagtatao
43. “Ayon kay Hermana Penchang, si Basilio ay isang demonyong nasa katawan ng
mag-aaral.”
a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d.
pagtatao
44. “Sintigas ng bato ang ulo ni Juli ayon kay Hermana Penchang.”
a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d.
pagtatao
45. “Si Basilio ay buto’t balat na nang siya’y makarating sa Maynila.”
a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pagtatao
46 . “Ayon sa isang hukom, si Tales ay parang isang langgam na kumakagat kahit
alam na matitiris siya nang pagayon lamang.”
a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d.
pagtatao
47. “ Ayon kay Tata Selo ang mga naniningil ng buwis sa kanilang lupa ay mga
buwayang kasama ang kanilang mga kaanak.”
a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d.
pagtatao
48. Nagpaalila si Juli dahil sa kagustuhang mapalaya ang kanyang ama. Ang
pahayag ay nagpapahayag ng ______.
a.makatotohanan b. di- makatotohanan c. opinyon d.
wala sa nabanggit
49 . “Hindi maglalaon ang bayan ay magkakaroon ng daang bakal.” Ano ang nais
ipahiwatig ni Isagani sa pahayag?
a. maayos ang kalsada c. may magaganap na pag-unlad
b. magiging malupit ang pamamalakad d. dadami ang kriminal
50. “Pangarap! Pangarap! Hindi ba ang inyong mga kalaban ay malalakas?” Ano
ang nais ipahiwatig ni Paulita sa pahayag?
a. kawalan ng tiwala sa nobyo c. pangamba sa kapahamakan
b. kawalan ng pag-asa d. pagdadalawang isip

51. Ano ang mahalagang ginampanan ni Padre Florentino sa buhay ni


Simoun bago ito namatay?
a.tagapag-ingat ng lihim ni Simoun c. sandigan ni Simoun
b.tagapagtanggol ni Simoun d. lahat ng nabanggit
52. Kung ikaw si Basilio, pipiliin mo rin bang huwag maghiganti?
a.Oo, dahil tapos na iyon.
b. Oo, dahil hindi na maibabalik ang buhay.
c. Hindi, dahil mahal ko ang nawala kaya ipaglalaban ko sila.
d. Hindi, dahil buhay ang kinuha kaya dapat buhay rin ang kapalit.
53. Tama ba ang ginawang pagpapaalila ni Juli para sa ama?
a. Oo, dahil ama niya ito at kailangan niyang magsakripisyo.
b. Oo, dahil iyon ang nararapat na gawin ng isang anak para sa ama.
c. Mali, dahil iyon ay ayaw ni Tales.
d. Mali, dahil siya’y babae at dapat siyang mag-aral.
54. Makatwiran ba ang ginawa ni Isagani sa nobya na pagsasabing nalalapit
na ang pagbabago sa kanilang bayan?
a. Oo, dahil nobya niya ito kaya dapat lamang na pagkatiwalaan niya si
Paulita.
b. Oo, dahil iyon naman talaga ang magaganap.
c. Mali, dahil makasasama ito sa plano ni Simoun.
d. Mali, dahil hindi dapat isiwalat ang mga lihim.
55. Tama ba ang inasal ni Paulita na pakikitungo kay Isagani?
a. Oo, dahil wala na itong pag-ibig sa kanya.
b. Oo, dahil iyon ang kanyang nararamdaman kaya dapat lang itong ipakita.
c. Hindi, dahil meron silang pinagsamahan.
d. Hindi, dahil nasulsulan lang ito ng kanyang tiyahin.
56. Makatwiran ba ang ginawa ni Padre Florentino na pakipagsabwatan kay Don
Tiburcio upang di mahanap ng kanyang asawa?
a. Oo, dahil kaibigan niya ito at dapat silang magtulungan.
b. Oo, dahil malupit ang kanyang asawa.
c. Hindi, dahil masama ang magsinungaling lalo na’t pari siya.
d. Hindi, dahil mali ang pagtatago sa asawa.
57. Ano ang pinakalayunin ni Simoun sa kanyang pagbabalik?
a. balikan si Maria Clara c. magpayaman
b. ipaghiganti ang ama d. mawala ang mga mapang-abuso
58.Tama ba ang naisip ni Simoun na paraan ng paghihiganti?
a. Oo, dahil nararapat lamang silang magdusa.
b. Oo, dahil ito ang kanyang desisyon.
c. Mali, dahil marami ang madadamay.
d. Mali, dahil masama ang maghiganti.
59. Ninais na lamang ni Paulita na pakasalan si Juanito kaysa kay Isagani dahil
sa ______.
a. kayamanan c. iniwan siya
b. galit d. lahat ng nabanggit
60.Napaaga ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago habang nasa ospital naman
ito at nagpapagaling dahil sa _______.
a. may lihim na naghahatid sa kanya ng apyan
b. hindi magaling ang mga doktok na tumutingin sa kanya
c. may lumalason sa kanya habang wala si Basilio na nagbabantay sa kanya
d. lihim niyang nilalason ang kaniyang sarili

PAGKAING PANGKAISIPAN: “ hindi mo mararanasan ang tagumpay sa buhay


kung hindi ka makakaranas ng pagsubok sa buhay ’’

You might also like