Pagbasa-3
Pagbasa-3
Pagbasa-3
Ikaapat naMarkahan
Modyul 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Pananaliksik
Sina Calderon at Gonzales (1992), ay nagbigay ng mga layunin sa pananaliksik tulad ng mga sumusunod:
1. upang makasumpong ng sagot sa mga suliraning hindi pa nabibigyang-lunas
2. upang makabuo ng batayang pagpapasiya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan, at iba pa.
3. upang makapagbigay-kasiyahan sa pagiging mausisa
4. upang makatuklas ng bagong kaalaman
5. upang mapatunayan ang mga umiiral na kaalaman
Etika ng Pananaliksik
Maipamamalas ng mananaliksik ang katapatan sa mga sumusunod na pamamaraan:
1. Ang mananaliksik ay nagbibigay pagkilala sa lahat ng pinagkunan niya ng datos o impormasyon.
2. Gumagawa ang mananaliksik ng karampatang talaan ng mga hiniram niyang idea o termino.
3. Nagbibigay siya ng karampatang pagkilala sa mga salitang kanyang hiniram o ginagamit para sa kanyang
pag-aaral.
4. Hindi siya nagtatago ng mahahalagang datos upang mapaganda at mapalakas o mapatibay ang nais
niyang argumento o konklusyon. Hindi siya nagtatago ng datos para maikiling niya ang kanyang pag-aaral
sa isang panananaw.
5. Mapaninindigan niya ang konklusyon at interpretasyon ng kanyang pag-aaral dahil sa maingat at
masinop niyang pagkalap ng datos.
Ang mananaliksik din ay dapat umiwas sa plagyarismo. Hindi siya dapat nagnanakaw o nangongopya ng
datos, idea, pangungusap, pag-aaral, buod, at iba pa. Dapat ay nagbibigay siya ng karampatang pagkilala
sa pinagmulan ng kanyang datos o pinagkunan ng mga impormasyon.
Uri ng Pananaliksik
A. Batay sa Pakay o Layon
1. Batayang Pananaliksik (Basic Research)
➢ Umiinog ito sa pagiging mausisa ng mananaliksik. Maaaring ito ay tungkol sa iisang konsepto o kaisipan,
isang penomenong di mauunawaan o isang suliraning nararanasan sa lipunan, sa sarili, o sa kapaligiran.
Maaaring magkaroon ng kasagutan o kapaliwanagan kapag natapos ang pananaliksik.
Halimbawa:
❖ May posibilidad bang magalugad ng tao ang kalawakan ng buwan?
❖ Paano malulutas ang lumalalang kahirapan?
2. Praktikal na Pananaliksik (Applied Research)
➢ Umiinog ito sa layuning mabigyang kalutasan ang isang praktikal na problema sa lipunan. Malaki ang
maitutulong nito sa sangkatauhan.
Halimbawa:
❖ Paano matutulungan ng pamahalaan ang mga batang lansangan?
❖ Paano maiiwasan ang mga suliraning may kaugnayan sa COVID-19?
B. Batay sa Proseso
1. Palarawang Pananaliksik (Descriptive Research)
➢ Naglalarawan ito ng pangyayari, diskurso, o phenomenon ayon sa pananaw at karanasan ng kalahok sa
pananaliksik.
Halimbawa:
❖ Ang pagtatrabaho ng mga Pilipinas sa ibang Bansa
❖ Ang lumalalang karahasan sa lipunan
2. Pagalugad na Pananaliksik (Exploratory Research)
➢ Ito ay pag-uusisa, paggagalugad, at pagtuklas sa isang phenomenon o ideya.
Halimbawa:
❖ Paraan ng pagpili ng iboboto ng mga kabataan
❖ Paraan ng pakikiangkop ng mga Migranteng Pinoy sa mga kasamang dayuhan Manggagawa.
3. Pagpapaliwanag na Pananaliksik (Explanatory Reseach)
➢ Nagpapaliwanag o nagsusuri sa pinag-aaralan.
Halimbawa:
❖ Epekto ng computer games sap ag-uugali, pag-iisip at kalusugan ng Estudyante
❖ Relasyon ng kakayahang ekonomikal sa Espiritwal na pagpapahalaga ng mga kabataan
4. Eksperimental na Pananaliksik (Experimental Reseach)
➢ Nagpapaliwanag ito sa kinahinatnan, sanhi, at bunga batay sa salik o baryabol na ginamit na disenyo ng
pananaliksik.
Halimbawa:
❖ Mga salik na nakaaapekto sa pagiging Masayahin ng Pre-schooler
❖ Kabisaan ng Modyul bilang alternatibong Kagamitan sa pagtuturo
5. Pahusga ng Pananaliksik (Evaluation Research)
➢ Tinataya kung ang pananaliksik, proyekto, o programa ay naisagawa nang matagumpay. Matukoy ito
batay sa resulta kung itutuloy pa o hindi na ang proyekto o programa.
Halimbawa:
❖ Ebalwasyon ng Pagtuturo ng online class sa Tagum National Trade School
Ang pinal na draft ay ang huling pagsulat ng burador ng pananaliksik. Sa bahaging ito
ay kailangang labis na bigyang pansin ang mga pagwawastong isinagawa ng tagapayo sa mga
naunang burador na ipinasa.