Aralin 4 - Sektor NG Paglilingkod - 0

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 37

ARALIN 4:

SEKTOR NG
PAGLILINGKOD
Ika-apat na Markahan
LAYUNIN
1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng
sektor ng paglilingkod.
2. Napapahalagahan ang mga patakarang pang-
ekonomiyang nakatutulong sa sektor ng
paglilingkod: batas na nagbibigay proteksiyon
at nangangalaga sa mga karapatan ng
manggagawa.
NILALAMAN
01 Mga Katangian 02 Mga Suliranin
ng Sektor ng sa Sektor ng
Paglilingkod Paglilingkod

03 Mga Patakarang 04 Mga Batas para


Pang-ekonomiya sa Karapatan at
sa Sektor ng Proteksyon ng
Paglilingkod mga
Manggagawa
SEKTOR NG PAGLILINGKOD
Ang sektor ng paglilingkod, na tinatawag ding
tertiary sector, ay binubuo ng mga negosyo o
serbisyo na nag-aalok ng mga intangible goods
o mga produktong hindi nahahawakan.
Kabilang dito ang retail, insurance, turismo,
pagbabangko, at entertainment.
Tinatawag na tertiarization ang pag-
angat ng sektor ng paglilingkod, bilang
malaking bahagi ng ekonomiya ng isang
bansa.
SEKTOR NG PAGLILINGKOD
Halimbawa ng mga gawain sa
loob ng sektor ng paglilingkod:
Pagtatrabaho ng mga tao sa
isang pabrika o industriya
Pag-aalok ng serbisyong
medikal para sa mga
empleyadong may sakit
Pagbebenta ng mga
subscription plan para sa
internet, cable, at telepono
Mga Bumubuo
sa Sektor ng
Paglilingkod
Mga Bumubuo sa Sektor ng
Paglilingkod
Bumubuo sa Sektor ng Paglilingkod
1. Transportasyon, Komunikasyon, at mga Imbakan – binubuo
ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng
publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga
pinapaupahang bodega.
2. Kalakalan – mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng
iba’t-ibang produkto at paglilingkod.
3. Pananalapi – kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng
iba’t ibang institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko,
bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers
at iba pa.
Bumubuo sa Sektor ng Paglilingkod
4. Paupahang bahay at Real Estate– mga paupahan tulad ng
mga apartment, mga developer ng subdivision, townhouse, at
condominium.
5. Paglilingkod ng Pampribado – lahat ng mga paglilingkod
na nagmumula sa pribadong sektor ay kabilang dito.
6. Paglilingkod ng Pampubliko – lahat ng paglilingkod na
ipinagkakaloob ng pamahalaan.
Mga
Katangian ng
Sektor ng
Paglilingkod
Product Factors
Magkaugnay ang produksiyon at pagkonsumo.
Gayunpaman, hindi katulad ng mga tangible na
produkto na maaaring maimbak, kailangang mas
mabilis na makonsumo ang mga serbisyo.
Kailangang maging handa ang sektor ng
paglilingkod sa pagbibigay ng tuloy-tuloy na
serbisyo. Halimbawa na lamang nito ang
serbisyong pangkomunikasyon sa telepono. Hindi
magiging katanggap-tanggap para sa
kumokonsumo kung ang paggamit niya ng
telepono (na kaniyang binabayaran buwan-
buwan) ay malilimitahan lamang ng walong oras
sa isang araw.
Product Factors
Ang pagbibigay ng serbisyo ay mas personal
kumpara sa pagbili ng mga produkto. Nakabatay
ang pag-unlad nito sa kalidad at kaayusan ng
serbisyong ipinagbibili.
Ang kaunlaran ng sektor ng paglilingkod ay
mahirap tuusin, sapagkat maraming pabago-
bagong aspekto o salik ang bumubuo rito.
Ang mga produkto ng sektor ng paglilingkod,
kagaya na lamang ng edukasyon, ay
nakatutulong hindi lamang sa komunidad kung
hindi sa pambansang kaunlaran din.
Labor Factors
Dahil magkaugnay ang produksiyon at pagkonsumo sa
sektor ng paglilingkod, nagiging mahirap paghiwalayin
ang kakayahan ng mga manggagawa at ang serbisyong
ipinagbibili sa pamilihan.
Iba ang papel na ginagampanan ng service employees
kumpara sa mga manufacturing industries. Ang kita ng
mga empleyado bilang service employees ay hindi
nakabatay sa dami ng produktong kanilang naipagbili o
naibenta, kung hindi sa uri o kalidad ng serbisyo at oras
na inilaan nila para sa kanilang trabaho.
Mas napa-uunlad ang mga indibiduwal na kakayahan
sa sektor ng paglilingkod, dahil ang isang manggagawa
ay nabibigyan ng mas malaking gampanin at exposure
sa kaniyang trabaho.
Enterprise Factors
Malaking bahagi ng sektor ng paglilingkod ay
binubuo ng mga Non-Government Organizations
(NGOs) at mga volunteer na manggagawa, kaya
naman maituturing na mas personal at individualistic
ang sektor.
Maituturing na mas mahalaga ang human capital
kumpara sa physical capital sa sektor ng
paglilingkod. Mas nakatuon sa kalidad ng trabaho
ang sektor na ito.
Ayon sa mga ekonomista, ang sektor ng paglilingkod
ay hindi gaanong sensitibo sa pabago-bagong takbo
ng ekonomiya, kung ito ay ikukumpara sa sektor ng
industriya.
Kahalagahan ng Sektor ng
Paglilingkod sa Ekonomiya ng Bansa
Noong taong 2008, nasaksihan ng daigdig ang paglago ng
industriya ng paglilingkod. Ang sektor na ito ay kumakatawan sa
halos 50% ng Gross Domestic Product (GDP) ng mga papaunlad
na bansa. Dahil sa patuloy na paglago ng sektor ng paglilingkod,
ang mga manggagawa na mula sa ibang sektor pang-ekonomiya,
tulad ng sektor ng agrikultura at industriya, ay mas pinipili na
magtrabaho na lamang bilang service providers.

Mas maraming oportunidad at trabaho ang nabubuksan sa loob ng


sektor ng paglilingkod. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng full
employment ng ekonomiya.
Mga
Suliranin sa
Sektor ng
Paglilingkod
Mga Batas para
sa Karapatan
at Proteksyon
ng mga
Manggagawa
Ang Sektor ng Paglilingkod sa Pilipinas
1980s - nagsimula nang umangat ang sektor ng paglilingkod sa bansa
Sa kasalukuyan, mas malaking bahagi ng GDP ng bansa ang nagmumula sa
mga serbisyo kumpara sa industriya
2011 - tinatayang 19.4 milyong Pilipino ang may trabaho sa loob ng sektor
ng paglilingkod.
Ang paglago ng sektor ng paglilingkod ay nalilimitahan ng paggalaw ng
lokal na pamilihan, mababang halaga ng mga pamumuhunan sa mga
impraestruktura, edukasyon, at hindi produktibong business climate.
Overseas Filipino Workers (OFWs) - sumasaklaw sa 9 hanggang 10
porsiyento ng GDP ng bansa noong 2003-2012.
Nakilala ang Pilipinas bilang isang remittance-dependent economies sa
mundo.
Ang Labor Code ng Pilipinas
Pinagtibay sa bisa ng Presidential Decree No. 442
noong 1974.
Isang dekritong nagbibigay ng mga probisyon,
karapatan, at tungkulin ng mga employer ukol sa mga
manggagawa ng bansa, simula sa kanilang aplikasyon
hanggang sa katapusan ng kanilang pagtatrabaho.
Ito ang pangunahing batas sa bansa na tumatalakay sa
mga karapatan ng mga manggagawang Pilipino.
Ang Labor Code ng Pilipinas
Service Incentive Leave – Ang bawat manggagawa na
nakapaglilingkod nang hindi kukulangin sa isang (1) taon ay dapat
magkaroon ng karapatan sa taunang service incentive leave (SIL) na
limang (5) araw na may bayad.

Maternity Leave - Ang bawat nagdadalang-taong manggagawa na


nagtatrabaho sa pribadong sektor, kasal man o hindi, ay makatatanggap
ng maternity leave na animnapung (60) araw para sa normal na
panganganak o pagkakunan; o pitumpu’t walong (78) araw para sa
panganganak sa pamamagitan ng caesarian section, kasama ang mga
benepisyong katumbas ng isang daang porsyento (100%) ng humigit
kumulang na arawang sahod ng manggagawa na nakapaloob sa batas.
Ang Labor Code ng Pilipinas
Paternity Leave – maaaring magamit ng empleyadong lalaki
sa unang apat (4) na araw mula ng manganak ang legal na
asawa na kaniyang kapisan; Para sa layuning ito, ang
“pakikipagpisan” ay tumutukoy sa obligasyon ng asawang
babae at asawang lalake na magsama sa iisang bubong.
Solo Parents' Leave - ipinagkakaloob sa sinumang solong
magulang o sa indibidwal na napag-iwanan ng responsibilidad
ng pagiging magulang .
Ang Labor Code ng Pilipinas
Leave for Victims of Violence Against Women and their Children -
(RA 9262) - Ang mga babaeng empleyado na biktima ng pang-
aabusong pisikal, seksuwal, sikolohikal, o anumang uri ng paghihirap,
kasama na rin dito ang hindi pagbibigay ng sustento, pagbabanta,
pananakit, harassment, pananakot, at hindi pagbibigay ng kalayaang
makisalamuha o makalabas ng tahanan mula sa kaniyang asawa, dating
asawa o kasintahan ang may karapatang gumamit ng leave na ito .

Special Leave Para sa Kababaihan (RA 9710) - Kahit sinong babaeng


manggagawa, anoman ang edad at estadong sibil, ay may karapatan sa
special leave benefit kung ang empleyadong babae ay mayroong
gynecological disorder na sinertipikahan ng isang competent physician.
Ang Labor Code ng Pilipinas
13th Month Pay – Lahat ng empleyo ay kinakailangang magbayad sa
lahat ng kanilang rank-and-file employees ng thirteenth-month pay
anumang estado ng kanilang pagkakaempleyo at anoman ang paraan
ng kanilang pagpapasahod. Kinakailangan lamang na sila ay
nakapaglingkod nang hindi bababa sa isang buwan sa isang taon upang
sila ay makatanggap ng proportionate thirteenth-month pay. Ang
thirteenth-month pay ay ibinibigay sa mga empleyado nang hindi
lalagpas ng ika-24 ng Disyembre bawat taon.
Separation Pay – Kahit sino mang manggagawa ay may karapatan sa
separation pay kung siya ay nahiwalay sa trabaho sa mga dahilan na
nakasaad sa Artikulo 297 at 298 ng Labor Code of the Philippines.
Ang Labor Code ng Pilipinas
Retirement Benefits – Ang sinumang manggagawa ay maaaring
magretiro sa sandaling umabot siya sa edad na animnapung (60)
taon hanggang animnapu’t limang (65) taong gulang at
nakapagpaglilingkod na ng hindi kukulangin sa limang (5) taon.
Employee's Compensation Program - Isang programa ng
pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng isang compensation
package sa mga manggagawa o dependents ng mga
manggagawang nagtatrabaho sa pampubliko at pampribadong
sektor sakaling may kaganapang pagkakasakit na may kaugnayan
sa trabaho, pinsala, kapansanan, o kamatayan.
Ang Labor Code ng Pilipinas
Benepisyo sa PhilHealth - Ang National Health Insurance Program
(NHIP), dating kilala bilang Medicare, ay isang health insurance program
para sa mga kasapi ng SSS at sa kanilang dependents kung saan ang
walang sakit ay tumutulong sa pananalapi sa may sakit, na maaaring
mangangailangan ng pinansiyal na tulong kapag sila ay na-ospital.
Benepisyo sa Pag-IBIG - Ang Home Development Mutual Fund, na kilala
bilang Pag-IBIG (Pagtutulungan Sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko,
Industriya sa Gobyerno) Fund ay isang a mutual na sistema nang pag-
iimpok at pagtitipid para sa mga nakaempleyo sa pribado at pamahalaan
at sa iba pang grupo na kumikita, na suportado sa pamamagitan ng
parehas na ipinag-uutos na mga kontribusyon ng kani-kanilang mga
may-pagawa na ang pangunahing investment ay pabahay.
Ang Labor Code ng Pilipinas
Holiday Pay - tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas
ng isang (1) araw na sahod kahit hindi pumasok sa araw ng piyesta
opisyal.
Premium Pay - karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong
(8) oras na trabaho sa araw ng pahinga at special days.

Overtime Pay - karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa


walong (8) oras sa isang araw.
Night Differential Pay - karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi
na hindi bababa sa sampung porsiyento (10%) ng kaniyang regular na
sahod bawat oras ipinagtrabaho sa pagitan ng ika-sampu ng gabi at
ikaanim ng umaga.
Ang Labor Code ng Pilipinas
Service Charge - Lahat ng manggagawa sa isang establisimyento o
kahalintulad nito na kumokolekta ng service charges ay may karapatan sa
isang pantay o tamang bahagi sa 85% na kabuuang koleksiyon. Ang service
charges ay kadalasang kinokolekta ng halos lahat ng hotel, kainan o
restaurant, night club, cocktail lounges at iba pa.
Republic Act No.6727 (Wage Rationalization Act) - nagsasaad ng mga
mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang pasahod o minimum wage
na naaangkop sa iba’t ibang pang-industriyang sektor na kinabibilangan ng
sumusunod: hindi pang-agrikultura (non-agriculture), plantasyong pang-
agrikultura at dipamplantasyon, cottage/sining sa pagyari sa kamay, at
pagtitingi/serbisyo, depende sa bilang ng mga manggagawa o puhunan o
taunang kita sa ilang mga sektor
Salary Standardization Law of 2015
Ang batas na ito ay kilala rin bilang Executive Order No. 201.
Layunin ng batas na ito na itaas ang halaga ng sahod ng mga manggagawa
ng pamahalaan at bigyan ng mas maraming benepisyo ang mga sibilyan at
miyembro ng militar.
Sa pagpapatupad ng batas na ito, mapapansin ang sumusunod na
pagbabago:

Itinaas ang Minimum Salary Grade 1 mula PhP 9,000 tungo sa PhP
11,068, upang maging mas competitive sa pamilihan.
Itinaas ang suweldo ng mga manggagawa ng pamahalaan, upang
tumbasan ang hindi bababa sa 70% ng iniaalok na suweldo sa mga
pribadong manggagawa.
Tinanggal ang mga overlap sa alokasyon ng suweldo ng mga manggagawa ng
pamahalaan.
Nadagdagan ang take home pay ng mga manggagawa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mas maraming benepisyo.
Pinalawig ang performance-based incentive system, upang mabigyang halaga
ang mga empleyado na may mas mabibigat na tungkulin.
DOLE Department Order No. 174
Ang batas na ito ay pumapatungkol sa kontraktuwal na trabaho ng
mga manggagawa. Ito ay isang rebisyon ng Labor Code Articles
106 to 109.
Ayon sa batas na ito, ipinagbabawal ang pagkakaroon ng labor-
only contracting kung saan ang manggagawa at employera ay
napagigitnaan ng isang agency na nakikinabang sa bahagdan ng
sahod ng manggagawa.
Sa batas na ito, pinagbawalan ang mga agency na direktang
konektado sa kompanya na nangangailangan ng manggagawa na
magsuplay ng mga manggagawa rito. Mahigpit na ring
ipinagbabawal ang pagpirma ng mga manggagawa sa waiver ng
kanilang mga benepisyo, bilang manggagawa sa ilalim ng mga
umiiral na batas.
Pinakamahalagang Karapatan ng Manggagawa
Ayon sa International Labor Organization (ILO)
1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na
malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang
bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang
mapangaliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa
rito, bawal ang trabaho bunga ng ng pamimilit o ‘duress’.
4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.
Samakatuwid mayroong minimong edad at mga kalagayang
pangtatrabaho para sa mga kabataan.
Pinakamahalagang Karapatan ng Manggagawa
Ayon sa International Labor Organization (ILO)
5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na
suweldo para sa parehong trabaho.
6. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at
ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho
ay dapat walang panganib at ligtas.
7. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa
makataong pamumuhay.
Mga
Ahensiyang
Tumutulong sa
Sektor ng
Paglilingkod
Maraming
Salamat
Sagutan ang Pagsasanay sa Quipper
AP9_Q4_L4_SW4

You might also like