Play Sequence and Schedule1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Sampaguita

(Literature Play)
BSCE 2 BLK 2
Characters:
Sequence 1.1: (SA LABAS)
Jun and Ellen are live-in partners living at the heart of Quiapo, Manila. (N) likes it when (T) buys her Sampaguita as they wind down in
the streets. As they struggle to find their daily sustenance (N) becomes pregnant with (A), further degrading their way of life. As a
solution to this problem, (T) wants to find a job abroad to sustain the living of his soon to be daughter, family of three.
Cue Music: SFX: Busy streets // Fade out to sequence 2
Dialogue:
Nanay: Ano ba mahal ko, hindi mo naman ako kailangan bilhan lagi ng Sampaguita sa tuwing lalabas tayo

Tatay: Alam ko kasing paborito mo ang amoy ng Sampaguita, di bale mahal, balang araw, magiging isang kumpol ng
rosas ang mabibigay ko sayo.
Nanay: Sus, andmai dami nating gastusin, naisip mo pa talagang bumili ng mga rosas, e kung bili mo nalang kaya ng
gamit para kay tinay.
Tatay: Alam mo mahal, ang pagmamahal, hindi tinitipid. Tsaka wag kang mag alala, minsan lang naman tayo
lumabas.
Nanay: Ang oa? Siguraduhin mo lang na hindi tayo kakapusin kapag nanganak na ako ha?
Tatay: Oo na, oo na, ako na ang bahala, sisiguraduhin kong malusog mong maipapanganak si Tinay. Para sainyo
mahal, gagawin ko ang lahat.
Cue Music: Ligaya - Eraserheads (Chorus) // 30 seconds // Dance Number

Sequence 1.2: (AT HOME)


Dialogue:
Nanay: Ang corny mo talaga!
Tatay: HAHAHAHA sa sobrang corny nagugutom na ako mahal, tara uwi na muna tayo, medyo napatagal na ang
date natin HAHAHA.
Nanay: lagi naman ano bang bago. Tara na baka naghihintay na saatin si Shem!
(while this dialogue is delivered, walk outside the stage)
(Meanwhile, the background is preparing the stage for the next scene)
Cue Music: Home Ambience // File Name:
Nanay: Shem!! Dito ka ba? Shem! May dala kaming ulam ni kuya mo!
Tatay: (Uupo si si tatay sa isang bangko, kunwari magbubukas ng TV at manonoood)
Nanay: SHEM!!!
Tatay: Shem!! Ano ba!
Shem: Hala ate kuya, andito na pala kayo (lalabas si Shem na may kolorete sa mukha)
Tatay: Shem mag hilamos ka nga muna.
Nanay: May kanin pa ba tayo Shem?
Shem: Opo ate, nagsaing na po ako kanina, at nakapagluto na rin po ako kanina.
Nanay: Osige buti naman, sandali lang, uupo lang ako parang napapagod na ako.
Tatay: Ayos ka lang ba mahal, parang napagod ka sa lakad natin kanina ah.
Nanay: Siguro nga mahal, medyo bumibigat narin kasi si baby.
Tatay: Wait lang mahal, kukunan lang kita ng tubig. (Kukuha ng tubig)
Nanay: Jun! Jun!! Halika muna! (Sisigaw)
Tatay: Bakit mahal!!? Ano meron?
Nanay: AAAAAA manganganak na yata ako!!!\
Tatay: Jusko!! SHEM!! SHEM nasaan ka?! Tulungan mo muna ako! Manganganak na si ate mo!!
Shem: Ate! Ano po nangyare kuya?
Tatay: Mamaya na yan Shem, magtawag ka muna ng tricycle doon sa labas!
OFF - ALL LIGHTS
Ready for the next sequence
NARRATION: Matapos ang ilang araw ng pamamahinga at ilang lab tests, ay kinausap na ng doctor ang mag asawa.
ON - ALL LIGHTS
Sequence 1.3: (HOSPITAL)
(T) and (N) found out that (N) will be needing more money than expected. Since (N) will be delivering the child through C-sec.
Dialogue:
Tatay: Kamusta po ang lagay ng mag-ina ko doc.
Doctor: According sa lab test results that we run no?, it shows that the baby is healthy though may complications
tayong nakita and yun na din ang dahilan kung bakit may pain na nararamdaman si mommy, but don’t worry we can still make
remedy for it.In your case possible po and normal delivery, however there are high chances of cervical infections. So we
encourage you to take the alternative instead, which is C-section.
Tatay: Doc? Magiging okay lang po ba ang mag-ina ko?
Doctor: Yes tatay, and yun din ang gusto natin mangyari no? And as I said, ang normal delivery po tatay ay may
dalang pangnib sa buhay ng iyong mag-ina. Kaya, we encourage you to take the alternative instead, which is C-section to
guarantee the safety of both mommy and baby.
Nanay: Doc? Magkano po kaya ang kailangang gastusin para dito?
Doc: to be honest mommy, dahil sa mga signs na ipinapakita ng katawan mo, it would take you around 100
thousand, to 120 thousand pesos mommy.
Nanay: *Nagulat
Tatay: Sige po Doc. Gagawan po namin nang paraan. Maraming salamat po.
Doc: Ayun lang po mommy and daddy, make sure to contact us immediatelly if you feel anything mommy. Ayun lang
naman, if you would excuse me.

Sequence 1.4: (BAHAY)


(T) and (N) finally reach home and discuss the diagnosis of the doctor.
Dialogue:
Tatay: Kamusta ang pakiramdam mo mahal? Nahihilo ka pa ba?
Nanay: Okay na ako, pero kailangan ko nang pahinga.
Tatay: Sigurado ka ba? Namumutla ka, ano tumatakbo sa isip mo?
Nanay: Wala Jun, kumain na muna tayo.
Tatay: Alam kong may bumabagabag sa isip mo ngayon. Sabihin mo sa akin para magawan natin ng paraan.
Nanay: Ba’t ba ang kulit kulit mo ha? Sa tingin mo matapos kong malaman ang gastusin sa panganganak ko,
makakapag isip ako ng maayos? Meron pa tayong renta at bills ha?! Ipapaalala ko lang!!
Tatay: Mahal, mahal sandali, kalma ka lang muna. Bawal sa buntis ang ma stress. Mahal, naiintindihan naman kita,
alam ko namang marami pa tayong mga gastusin, yan din naman ang inaalala ko. Gagawin natin to ng paraan, malalampasan
din natin ito.
Nanay: E paano Jun!? Sige nga? Jun hindi pa nga tayo nagbabayad ng upa!
Shem: Ate, Kuya! Lagi nalang kayong ganito! (Lalapit kay Nanay) Ate, ikaw naman wag ka masyadong mastress,
alam mo namang buntis ka at masama yan para kay baby!
(Pause)
Tatay: Elen, naalala mo pa ba yung isang offer sakin ni pareng betong, yung sa China, baka makatulong yun saatin
para mabawas-bawasan din ang gastusin natin dito sa bahay.
Nanay: Pareng Betong?!! Yung abroad? Nako Jun! Hindi ba’t napag usapan na natin yan? Sabi kong ayoko nga!
Ilang beses kong dapat sabihin sayo na ayokong mag abroad ka! Paano kami ng anak mo?
Tatay: Yun na nga mahal, paano na kayo? Kung maghihintay lang tayo dito walang mangyayari sa atin.
(Pause)
Tatay: Elen! Kung gusto mo tatawag ako kada-linggo, araw-araw. Alam mo naman na kahit malayo tayo, gagawa
ako ng paraan para mapalapit sayo.
Nanay: Sige. Pag iisipan ko.
Shem: Kuya, ako nalang ang kakausap kay Ate Helen, magpahinga ka nalang din ngayong gabi.
OFF - ALL LIGHTS
NARRATION: Matapos ang ilang minuto ay lumabas si Jun para makapag isip-isip.
Ready for the next sequence
ON - ALL LIGHTS
Sequence 1.5: (SA LABAS NG BAHAY)
(T) is drinking his morning coffee when Pareng Betong passes by. They had a conversation about Jun’s plan of going abroad.
Dialogue:
*(T) sips his coffee while waving his hands at Pareng Betong
Tatay: Pare! Kamusta? Ngayon lang ulit kita nakita ahh?
Pareng Betong: Ayos lang. Ano? napag-isipan mo na ba yung sinabi ko sayo? Anong sabi ni misis?
Tatay: ewan ko ba, di ko na alam ang gagawin ko. Patong-patong na problema namin kaya lalo kaming nagigipit. Si
misis naman, hindi pa buo ang loob na tumuloy ako sa China. Dahil dun nag-dadalawang isip akong umalis ng bansa.
Pare Betong: Pare konting suyo pa, para din naman sa mag-ina mo to diba? Sa ikakaginhawa ng buhay niyo.
Tatay: salamat talaga pare, susubukan ko ulit siyang kausapin.
Pareng Betong: Lakasan mo loob mo, kailangan talaga mag-sakripisyo para sa pamilya. Sige mauna na ko at may
aasikasuhin pa ko.
(T) enters the house.
//OFF - ALL LIGHTS
NARRATION: Nag daan ang iang mga araw, at sa patuloy na panunuyo ni Jun, napapayag niya na rin si Elen sa kanyang planong pag
a-abroad.
Ready for the next sequence
//ON - ALL LIGHTS
Sequence 1.6: (AT HOME)
(T) finally packs his things as he is being helped by his wife. We see (T) carrying many baggage as he turns his back and walks away
from (N) on the stage. (N) looking sad and longing for him.
Cue Music: Fade in from S1 //Home Ambience // Fade out File Name:
Dialogue:
Nanay: Mahal, wag kakalimutang kumain ha? Wag mong kakalimutan alagaan ang sarili mo, alam mo namang
palagi akong nag aalala sayo.
Tatay: Wag mo kong alalahanin mahal. Ikaw nga dapat itong inaalala ko, alagaan mo ang sarili mo at si Tinay, at
tawagin mo lang Shem kung may kailangan ka. Okay?
Nanay: At wag mong kakalimutan tawagan ako ha?
Tatay: Oo naman mahal, alam mong hindi ko kayang hindi maringin ang boses mo.
(Tatay will stand up carrying the luggage)

Sequence 1.7: (AIRPORT)


As (T) nears the end of the stage, (N) grabs his hand and hugs (T) from behind, (T) turned to (N), look on her eyes
Cue Music: Fade in // Sampaguita- Chorus // Fade out to Busy Streets SFX File Name
Dialogue:
Nanay: ‘Wag ka nalang kaya umalis?
Tatay: Nasa airport na tayo oh. Para sa anak natin. Mag-iingat ka ha? Wag mong papabayaan ang sarili mo.
Nanay: (Face full of worry) Ikaw din, mag-ingat ka dun.
Tatay: Mahal na mahal kita, at sayo ang babalik.
// OFF – ALL LIGHTS
Sequence 2.1: (CHINA)
PROJECT: Unang Kabanata: Pangungulila
PROJECT OFF:
Prepare for the next sequence.
// ON – ALL LIGHTS
Cue Music: Airport Ambience, busy people
(Setting: At a Chinese airport, Jun is searching for his agent.) (Actors are DOWNSTAGE, then will walk UPSTAGE after)
Dialogue:
Agent: (Sees Jun) Boss! Boss! Dito!
(Setting: At the house of his employer)
Tatay: (Arrives at the house of his employer. He faces his employer who is busy talking to the phone)
Tatay: (flustered) Go- good day boss.
Jess: (bubulong kay Employer)
Employer: (Kukunin ang papeles) Hmm, you’re a filipino huh?! I heard Filipinos are very indutriuos, you know I had
many Filipino workers before, (Magsisigarilyo) I like them, because they’re so dumb!! (tatawa ka dito paul)
Tatay: (Pause)
(Wife of employer comes in.)
Gu Fang: Ai! Ai! Ai! so hot out there! Oi, Lao Chen, I want grilled fish tonight-... (Sees Jun) Who’s this?
Employer: Oh this? Our new worker in the warehouse. A Filipino!
Gu Fang: Worker? (disgusted) What you do here?? (Speaking to Jun) Go to warehouse, there’s so much to do
there,. we don’t pay you to sit!
Employer: Hey babe, just chill. You, (tuturo kay Jess) You bring him to the warehouse. Make him work
IMMEDIATELY!
Tatay: But….
Gu Fang: SHUT UP! (Dismissing Jun)
// OFF – ALL LIGHTS
Prepare for the next sequence.
// ON – ALL LIGHTS
Cue Music: Minus One; PERFORMANCE: Monette and Denden will sing a verse and Chorus of The Juans- Manalangin.
Cue Music: SFX: Phone Call
(Ellen will pick-up the phone on the other side.)
Nanay: Jun?! Jusko! Salamat at naman at nakatawag ka na rin! Kamusta ka jan? Kumain ka na ba? Wala naman
bang masakit saiyo? Napapagod ka ba? Magpahinga ka muna.
Tatay: Ayos na ayos lang ako dito mahal, huwag kang mag alala, at nagpapahinga naman ako nang maayos. Ikaw?
Kamusta na ang mag-ina ko? Miss na miss ko na kayo.
Nanay: Mabuti naman mahal, huwag ka ring mag alala, mabuti ang kalagayan namin ni Tinay, at nandito naman si
Shem na katulong ko sa bahay. Sobrang na mimiss na rin kita, at saka nga pala naka schedule na rin ang operasyon ko sa susunod na
buwan.
Tatay: Osige mahal, magpapadala na ako ng mga panggastos niyo ni Tinay at diyan sa bahay. Sasahod na rin
naman ako sa susunod na linggo asahan mo ma-
(Interrupted by Lao Chen finding the whereabouts of Jun, Lao Chen finds him and interrupts the call)
Nanay: Jun? Jun?! Ayos ka lang ba? *Phone call ends*
(Ellen is shouting on the other side trying to figure out what’s going on, on the other side)
Cue Music: SFX: Declined Phone Call
We hear Lao Chen abusing Jun as he defends himself,
Lao Chen: You good for nothing piece of trash! You dare use phone in the middle of work? You think we pay you to
do that?
Tatay: *still on defensive* I was calling my fam-
Lao Chen: You think we care about them! I only care about you work being done! You worthless piece of –
Gu fang: Chen!!! Come here for a minute!
Lao Chen: *Looks to the direction of the voice* *Looks to Jun* No food for a week, you hear me! Do it again and it’ll
be worse!
Tatay: *sobs, while laying on the ground* *He will slowly rise up and will be helped by his co-worker*
(This scene will be drowned by the music on the background and on the singing of Monette and Denden)
Cue Music: Fade minus one of Manalangin will fade out to SFX, after the Narration.
OFF – ALL LIGHTS
Prepare for next sequence
NARRATION: Nagdaan ang anim na taon nang pag aalay ni Jun ng dugo at pawis para sa kanyang pamilya. Ngunit ni isang beses ay
hindi niya nagawang umuwi at makatakas sa kanyang malupit na amo.
ON – ALL LIGHTS
Sequence 2.2: (MANILA)
Cue Music: SFX: Busy streets File Name:
(N) finds her daughter in the middle of the busy area. She finds (A) as she is buying a sampaguita for her.
Dialogue:
Nanay: Anak! (Kitang kita kay Ellen ang kaba at hingal) Kanina pa kita hinahanap. Alam mo namang andaming tao
dito, eh pano kung mawala ka?
Anak: Tingnan mo Nay oh! Binilhan kita ng sampaguita.
Nanay: Hay nako, sana sinabihan mo nalang ako kung gusto mo bumil ng sampaguita.
Anak: (Pause) // Malulungkot sa dito Ailyn
Nanay: Di bale, umuwi nalang tayo.
Anak : (Nods in submission)
(N) crossed with something to whom she owed money. Berating (N) for not paying her at the right time, while people on the street are
looking at them.
Dialogue:
(Ellen encounters Alig Bela. Though surprised, she tried to look away and act dismissive as if she had not seen her debtor.
Unfortunately, Aling Bela already saw her.)
Aleng Bela: Ellen! Hali ka nga dito! Bayad niyo?! Ilang buwan na kayong di nakakabayad ng renta!
Nanay: (Forcing a fake smile) Magandang umaga ho, Aling Bela. Sa katapusan po aleng Bela. Di pa po kasi
nakakapadala ang asawa ko ngayong buwan.
Aling Bela: (Tumingin at nginitian si Tinay) Ah ngayong buwan, ilang buwan na to ah, yan din ang sabi mo nung
nakaraan, nag abroad nga ang asawa mo wala parin naman kayong pera!
Nanay: (Tahimik)
Aleng Bela: Ngayong buwan ha? Kung gusto mo pagtrabahuin mo nadin yang anak mo!
After this encounter, they sit somewhere to call abroad to (T).
Dialogue:
Anak: nay, grabe naman po si aling bela
Nanay: hayaan mo na nak, malapit na rin naman umuwi ang papa mo konting tiis nalang
Anak: talaga po? Pwede po ba natin siya makausap ngayon?
Nanay: sige, gusto ko din siya makausap
(N) look at her phone only to see that it is out of battery life. (A) shows a clear sadness in her face.
Nanay: Nak, sa susunod nalang siguro.
// OFF – ALL LIGHTS
Ready for next sequence
// ON – ALL LIGHTS
Sequence 2.3: (CHINA)
We see (T) carrying his job at Xingxang, China, looking for an opportunity to call and contact his family in Manila.
Dialogue:
*Jether enters
Jether: Jun, napapansin ko kanina ka pa nagwawalis diyan, lingon ka pa ng lingon sa labas.
Tatay: naghahanap kasi ako ng tyempo para makatawag sa mag-ina ko
Jether: mamaya mo na isipin yan, baka mahuli ka pa uli , sasaktan ka na naman nung mag-asawa.
Tatay: Kaya nga Jeth, napapadalas na ang hindi ko pag tawag doon sa mag-ina ko, hindi ko lang talaga mapigilang
mag alala para sa kanila .
Jether: wag kang mag-alala, sigurado naman akong maganda ang kalagayan ng mag-ina mo, responsible naman
yung kapatid mong si Shem.
Tatay: Ganito nalang, pakihawak tong walis tatawag lang ako saglit sa kanila.
Jether: pero…….HOY! Nayari na
(T) hide from his boss. (G) entered the warehouse only to saw (JM) holding the broom. (G) called (L) to tell that (T) is neglecting his job.
His boss (L) sees him and starts getting angry and berating him for calling in the midst of work.
Gu Fang: Hey, isn’t Jun the one who’s supposed to do this? Where is he?
JM: *lowered his head and continued sweeping
Gu Fang: Oi Babe, Jun is missing
Lao Chen *opens the backdoor*
Lao Chen: YOU!!!! WHAT ARE YOU DOING??? HUH!
Tatay: *froze* Boss! I’m sorry, I was just calling my famil- *Bows as an apology*
Lao Chen *pull Tatay’s hair and face him*(Lao Chen will pull tatay on the other side of the stage)
(Meanwhile, on the other side of the stage Ellen will ready get ready for the dance performance)
Lao Chen: Why are you using your phone during work? HUH?!! YOU GOOD FOR NOTHING FILIPINO!! We are not
paying you to use phone during work huh?! Do your job!! PROPERLY! No, pay for three months!! No food!
Jether: *Walks up to Jun, and helped him pick us the mop and himself, then leaves the stage)
Cue music: PERFORMANCE: Fade In // Verse 1 of Sampaguita // Fade out
// OFF – ALL LIGHTS
Ready for next sequence
Sequence 3.1: Ikalawang kabanata: Pag-asa
PROJECT: Ikalawang kabanata: Pag-asa
PROJECT OFF
// ON – ALL LIGHTS
The sequence will open with Shem and Ellen preparing their meal for lunch. Shem and Ellen will talk about the call center job
opportunity that Shem applied to, and Shem got the job! Ellen also surprised Shem about a certain job at the factory that she will be
working on. Tinay will come bursting to the dinner table presenting all the awards that she got form school. She wants to tell al of this to
her father and call him right away. (Bday ni tinay, at tungkol sa trabaho)
Ellen: Shem, nga pala, diba’t nag apply ka ng trabaho sa concentrix? Kamusta na pala ‘yon?
Shem: Ahh tungkol po doon, tumawag saakin kani-knina lang yung company, at tanggap na ako!
Ellen: *matutuwa, lalapit kay shem* Talaga? Hay, salamat naman! Mababawasan na rin ang bigat ng babayran ng
sahod ni Jun!
Shem: Opo ate, ayoko na ring magign tambay rito sa bahay.
Ellen: Actualy, may balita rin ako, alam alam mo yung factory dito banda sa may Escolta?
Shem: Ano ate?
Ellen: Naghahanap sila ng mga bagong empleyado, dahil nung nakraaan nag si tanggalan sila, e naisipan ko baka
doon nalang kami mag trabaho ni Jun. Mabuti na yun, na malapit kaming dalawa, at hindi tulad ngayon.
Shem: Kausapin natin si kuya tungkol iyan kapag tumawag na siya ulit.
Tinay: *Running towards Ellen* Nay!!
Ellen: Oh kamusta ang school anak?
Tinay: Nay, tingnan niyo po! Nakakuha ako ng maraming maramng star!!
Ellen: Ang galing galing naman ng anak ko, halatang may pinagmanahan,
Shem: Galing mo naman Tinay, O tara na kumain na tayo, baka nagutom ka na rin kakatakbo mo kanina.
(Habang kumakain)
Ellen: Malapit na pala birthday mo Tinay! Anong gusto mong regalo?
Tinay: Barbie!!
Ellen: Okay sige, bibili tayo pag nakapagpadala na si tatay mo. Gusto mo tawagin natin siya mamaya? Sabihan mo
siya na malapit na birthday mo.
Tinay: Opo nay! Sabihin ko rin po na marami akong star!
Cue Music: SFX: Phone Call
// LIGHTS
Ready for next sequence
// ON – ALL LIGHTS
Sequence 3.2: Warehouse
Three workers including Jun will talk about their life after them getting here abroad.
Jun: Hello? Anak! Kamusta na? Ellen, mahal ko, bakit kayo napatawag?
~Tinay: Tay!! Tingnan mo po oh, marami akong star! First ako sa school!!
Jun: Anak! Pinapangiti mo naman si Tatay! Ang galing mo talaga, nagmana ka talaga saakin.
~Ellen: Hoi,
~Tinay: Tatay, malapit na po ang birthday ko, gusto ko ng barbie!
Jun: Osige anak, asahan mo na mern ka nang barbie sa birthday mo!
~Tinay: Tatay, kailan ka po uuwi?
Jun: Ah anak… malapit na. Onting hintay nalang anak ha? Malapt na rin umuwi ang tatay.
~Tinay: Sige po Tay, aabangan kita ha?
Worker 1: *Shouting from afar* Jun, si boss andito na!
Jun: Anak, Ellen, Shem, mag iingat kayo ha? Mahal na mahal ko kayo.
Cue Music: SFX: Declined Phone Call

Cue Music: PERFORMANCE: Sampaguita // Second Verse & Chorus //


Jun: *Quickly hides his phone behind then continues doing his work* *Went to worker 1* Enteng, maraming salamat ha?
Gusto lang tlaga ako makausap ng anak ko, first honor!
Jether: Aba! Congrats pare, mabuti naman at nag aaral nang mabuti ang anak mo.
Worker 1: Magandang balita yan pare, dahil kahit papaano alam nating may napupuntahan ang dugo at pawis natin
dito sa abroad.
(three will walk on the edge of the stage and will sit)
Jun: Ooga Enteng, pero sa loob ng anim na taon na hindi ko sila nakikita, sobra na rin ang pangungulila ko sakanila.
Jether: Oonga, Jun, sa tinagal tagal natin dito mukhang ikaw palang ang di nakakuwi ng Pilipinas.
Enteng: Jun kung gusto mo –
Jun: Ayos lang ako mga pare, susubukan kong mag pa alam sa boss, sa mga susunod na araw, at pag naka luwag
luwag na ako.
Enteng: Buti naman kun may plano ka pare.
Jether: Tara balik na tayo sa trabaho, maabutan pa tayo master.
(May nabasag/nahulog si Jether, t dali daling pumunta si Lao Chen para i-check, aamin na sana si Jether pero inako ni Jun
ang kasalanan)
Lao Chen: What did I hear? Who’s hands broke this?! HUH?! Speak right now, and I’ll make it easy for the three of
you, so who?!
Jether: *hesitant* It was m-
Jun: It was me, boss. I broke the vase.
Lao Chen: I knew it! *grabs Jun by the shirt and throws him down* If you’re just going to mess up my business, then
you better leave! You good for nothing Filipinos!!
(Lao Chen leaves the room)
Worker 1: *reaches hand to Jun* Ayos ka lang ba jun?
Jether: Jun! di mo naman kailangang gawin yun para saakin, kaya ko naman e
Jun: Ayos lang pare, sanay na rin naman ako.
Enteng: Bilib na bilib talaga ako sayo pare, kahit gaano ahirap ang buhay nagagwa mo parin piliin maging mabuti.
Jether: Kaya nga Jun, dahil sayo, maipagmamalaki ko na isa akong Pilipino kagaya mo.
Enteng: At kahit ano pa ang sabihin nung animal na amo natin, ay masasabi parin nating taas-noo tayong mga
Pilipino.
Jun: Maraming salamat mga pare, balang araw makakaalis rin ako dito.
Jether: Wag mo nang pangarapin Jun *Mag aabot siya ng pera* Heto Jun kahit maliit lang na pandagdag sa pag uwi
mo nang Manila.
Enteng: Tutulong rin ako sa pag uwi mo Jun, kailangan mo nang makita ang pamilya mo.
Jether: Umuwi ka muna sakanila Jun. Tama lang din muna na magpahinga ka sa loob ng pitong taon ng hirap mo
dito.
Jun: Maraming Salamat mga pare! Hining hindi ko makakalimutan ang araw na ‘to! *yakap dun sa dalawa*
Jether: O dahan lang Jun, hindi kami ang asaw mo ha?
Enteng: Ipunin mo yang mahihigpit mong yakap kapag nakita mo na ang mag-ina mo.
// OFF – ALL LIGHTS
Ready for next sequence
Sequence 4.1: Ikatlong Kabanata: Paglisan
PROJECT: Ikalawang kabanata: Pag-asa
PROJECT OFF
Cue Music: Sampaguita // Third Verse & Chorus //
Kumare 1: Hay nako! Sabado nanaman! andami nanamang labahin!
Kumare 2: Sinabi mo pa! Tamo yung anak ko parang lumalangoy palagi sa putikan! Ikaw Helen? Kamusta ka?
Helen: Ganyan na ganyan din si Tinay, puro mantya ang damit!
Kumare 1: Tara na tapusin na natin ito,
Kumare 2: Siya nga pala mga mare, mag iingat pala kayo ha? Balita ko kasi talamamk na ang mga krimen dito sa lugar natin
Helen: Nabalitaan ko rin yan mare, mag iingat din kayo.
Kumare 1: nung nakaraan lang ay may snatcher dito sa may Espana
Kumare 2: Nako doon pa naman dumaan mg aanak ko papuntang school.
Helen: Hinahatid ko pa nman si Tinay kaya makakhinga hing pa ako ng maluwag.
Kumare 1: Si pareng Jun, Helen kamusta na siya doon sa abroad?
Helen: Ayos lang, pero may klaunting pag aalala parin, pero nakapagsabi na rin namna siyang malapit na siyang umuwi.
Kumare 2: Magandang balita Helen! Isama kamo ako sa mga pasalubong/-.
Helen: Sasabihan ko siya mare. Gustong gusto ko na siyang umuwi, nag iba na ang halimuyak ng mga samapguita simula
nugn umalis siya, ibang iba ang amoy ng sampaguita kapag galing sakanya. Kaya naghahanda narin kami sa kanyang pag uwi, mahilig
pa naman yun mang sorpresa si Jun.
Kumare 1: Wag kang mag alala mare, mag kakasama sama rin kayong uli ng pamilya mo.
Tinay: Inay!
Helen: (papasok sa loob) bait anak?
Tinay: (umiiyak) Nanay! Kailan po ba uuwi si tatay?
Helen: (comforting) Anak hindi bat nakapagsabi na ang tatay na malapit na siyang umuwi?
Tinay: Kailan nay?! (Nagdadabog) Inaasar po nila ako? Sabi nila hindi na raw po uuwi si Itay! At mawawalan na raw po ako
ng papa.
Helen: Hindi yan totoo anak! Uuwi ang tatay? Okay? Wag kang makikinig sakanila, Ipapahabol natin sila kay Tito mo Shem.
Tulungan mo nalng ako sa paguwi ni tatay ha? Magluluto tayo ng paborito niya.
Tinay: Sige po nay. (Pumupunas ng luha)
// ON – ALL LIGHTS
Sequence 4.2:
Cue Music: Sampaguita // Third Verse & Chorus //
Driver: Boss! Dito! Pasaan tayo boss?
Jun: Ah sa Escolta lang, sabihin ko nalang kung saan pag malapit na tayo.
Driver: Walang problema boss! *nag-drive* Mukhang galing tayong malayong bansa a.
Jun: Ah opo, galing China, mahirap ang buhay, kailangan mag hanap-buhay.
Driver: *Buntong-hininga* Alam na alam ko ang pakiramdam boss. Gagawin ang lahat, ika nga nila. Pero bakit
walang sumundo sayo boss?
Jun: Ah gusto kong ma sorpresa ang mag-ina ko pag-uwi ko, kaya di ko muna pinasabi kung kailan ako uuwi.
Driver: Napakabuti mong haligi ng tahanan, tatay. Kaya nakakalungkot
Cue Music: SFX: Brakes
Jun: Manong, hindi pa po ito escolta ah. Malayo pa yun dito.
Driver: Pagpasensyhan niyo na Tatay.
(Papasok ang dalawa pang holdapers)
Driver: Gaya nga ng sabi ng iba, gagawin ang lahat, para sa pamilya.
Jun: *Magpupumiglas* *Titigil* Manong, parang awa niyo na nagyon ko lang makikita ang mag ina ko sa oob ng
pitong taon!! *iiyak na ng onti*
Driver: Wala kaming gagawin saiyo tatay, ibigay mo lang ang bag mo at wala tayong magiging problema.
Jun: Manong wag po ang aking bag! Matagal kong pinag-ipunan ang mga pasalubong na to! Parng awa niyo na!
Wala na po akong lakas at pagod na pagod na ako!
Driver: Pasensya na po, pero kailangan ring may maiuwi kami sa aming pamilya. *Looks at the two at the back* Kayo
na ang bahala jan.
Jun: *Magpupumiglas* AHHH wag ang bag ko!
Holdaper 1: Akin na bag mo! Ibigay mo na! O sasaksakin kita!
Holdaper 2: Wag ka nang masyadong magalaw:
Jun: *Nakalabas ng kotse*
(Hahabulin niya ng mga holdaper, at dito na masasaksak si Jun)
(Gagapang si Jun papunta sa gitna ng stage para abutin ang kanyang pamilya sa kabila, ngunit di niya ito maaabot)
Jun: Ellen!! Tinay!!
Driver: *lalabas ng kotse* Ano ginawa niyo? Sabi ko kukunin lang ang bag! *Itutulak ang isang holdaper*
Holdaper 1: Nanlaban e!
Holdaper 2: Sabi ko sayo tama na! Bakit mo pa tinuloy, malilintikan tayo nito!
Driver: Humanda sa sakin! Kunin mo na yung bag!
Holdaper 2: Baka maabutan pa tayo ng pulis, Tara na!
Jun: Shem… Tinay… Ellen!
(People will gather around the body of Jun)
DIRECT LIGHT – REPORTER
Reporter: Sariwa pa ang dugo nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa isang abandunadong sa isang
dumpsite. Tadtad ng saksak ang biktima na ayon sa tala ng barangay, kinilalang si Jun Evangelista ng San Andres, Bukid, Maynila.
Batay sito sa wallet na natagpuan sa bulsa nito.

ENDING
Cue Music: Gitara

You might also like