1 MTB - TG Tag Q1 W3

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Mother Tongue-Based

Multilingual Education (MTB-MLE)


Teacher’s Guide
Tagalog (Unit 1 – Week 3)
1
Mother Tongue - Based
Multilingual Education
(MTB-MLE)
Teacher’s Guide

Tagalog
(Unit 1 – Week 3)

This instructional material was collaboratively


developed and reviewed by educators from public and
private schools, colleges, and/or universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to
email their feedback, comments, and recommendations
to the Department of Education at [email protected].

We value your feedback and recommendations.

Department of Education
Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1
Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 1 – Week 3)
First Edition, 2013
ISBN: 978-971-9981-69-5

Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Br. Armin A. Luistro FSC
Undersecretary: Dr. Yolanda S. Quijano
Assistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz

Development Team of the Teacher’s Guide

Consultant : Rosalina J. Villaneza


Author : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,
Nida C. Santos, Grace U. Salvatus
Editor : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. Hinampas
Graphic Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong,
Deo R. Moreno
Layout Artist : Anthony Gil Q. Versoza

Printed in the Philippines ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-


IMCS)

Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue.


Pasig City, Philippines 1600
Telefax : (02) 634-1054, 634-1072
E-mail Address : [email protected]
Banghay Aralin MTB 1 – Tagalog
Ikatlong Linggo
I. MGA LAYUNIN
Ang mga mag- aaral ay inaasahang:
1. Naipapakita ang pagkamatulungin sa kapwa.
2. Nakapag-usap tungkol sa ipinakitang larawan batay sa sariling
karanasan.
3. Naibibigay ang unang titik ng pangalan ng mga larawan.
4. Naiipagtapat-tapat ang salita sa larawan nito.
5. Naibibigay ang pares ng mga salitang magkasingkahulugan mula sa
kwentong narinig.
6. Nakikilala ang kaibahan ng mga titik.
7. Naisusulat ang malaki at maliit na titik gamit ang tamang pagsulat.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa :
1.“Kahanga-hanga si Zeny”
2. Pagbigkas na Wika : Nakapag-usap tungkol sa ipinakitang
larawan batay sa sariling karanasan.
3. Kaalaman sa Alpabeto: Naibibigay ang unang titik ng pangalan
ng mga larawan.
4. Pagkilala sa Salita: Naiipagtapat-tapat ang salita sa larawan nito.
5. Ponolohiyang Kasaysayan: Naibibigay ang pares ng mga salitang
magkasingkahulugan mula sa kwentong narinig
6. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Nakikilala ang kaibahan ng mga
titik.
7. Pagsulat: Naisusulat ang malaki at maliit na titik gamit ang tamang
pagsulat.
B. Sanggunian : K-12 Curriculum

C.Mga Kagamitan: Tsart ng mga salitang magkasintunog, larawan ng


mga bagay magkasingtunog

D.Pagpapahalaga: Pagkamatulungin

E. Tema: Ako at ang aking pamilya

F.Kuwento : Kahangahanga si zeny

III. PAMAMARAAN
Unang araw

A.Gawain bago bumasa

1.Paghahawan ng Balakid

Ibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa pangyayari sa kwento

1
mag-anak – larawan namili- pagsasakilos
damit– larawan pamamasyal-pagsasakilos
laso– larawan paaralan- larawan

sapatos – larawan pulubi- larawan

2.Pagganyak

Mga bata nakapamasyal na ba kayo kasama ang inyong mga magulang?


Ano ang inyong naramdaman nang kasama ninyo sila? Bakit?
Naranasan na ba ninyo ang mahingan ng tulong?
Ano ang ginawa mo? Bakit?

3.Pangganyak na tanong

Pagpapakita ng larawan ng batang namamalimos:


Mga bata tingnan ninyo ang mga nasa larawan. Ano ang ginagawa ng
mga bata?Bakit kaya?

B.Gawain habang nagkukuwento


Pagbasa ng guro sa kwento.

Basahin ng guro ang teksto ng kwento nang tuloy-tuloy.


Mga bata may babasahin akong kuwento.ang pamagat nito ay:
“Kahanga-hanga si zeny

Kahanga-hanga si Zeny

Namasyal ang mag-anak nina Mang Zoro at Aling Zara


kasama ang kanilang anak na sina Zeny at Zel. Namili sila
ng mga bagong damit at sapatos para sa pagpasok nila sa
paaralan. Kumain sila ng masasarap na pagkain.

Isinuot ni Zeny ang paborito niyang laso. Kulay lila ito.


Isinuot naman ni Zel ang kanyang relo na bigay nglolo niya.
Tuwang-tuwa ang dalawang bata sa kanilang pamamasyal.

Napansin ni Zeny ang isang batang pulubi habang naglalakad sila.

Nakaupo ito sa tabi ng lumang silya. Naawa si Zeny at binigyan niya


ito ng binili niyang tinapay. Nagpasalamat ang batang pulubi kay
Zeny.Nakita ni Aling Zara at Mang Zoro ang ginawa ni Zeny.
Napangiti ang mag-asawa sabay na sinabi,“Kay buti mo, Zeny”.
Umuwi silang may ngiti sa labi habang nakatingin si Zeny sa batang
pulubi.

Tanong :

2
Ano ang ginawa ng mag-anak?

Sino ang nakita ni Zeny habang sila ay naglalakad?

Ano ang ginawa ni Zeny sa kanyang nakita?

C.Gawain matapos bummasa

Pangkatang Gawain: Bago talakayin, pangkatin sa apat (4) ang klase at


ipagawa ang mga gawain

PANGKAT I: “Mamasyal tayo”

Iguhit ang pamilyang sama-sama sa pamamasyal

PANGKAT II: “Ang Saya”

Ipakita ang masayang pamamasyal ng isang bata kasama ang


kanyang mga magulang.

PANGKAT III: “Pahingi naman po”

Tingnan ang larawan. Kulayan ang magiging reaksiyon mo kung may


namamalimos sa iyo.

PANGKAT IV: “Salamay po ate”

Lagyan ng puso ang larawan ng bata na nagpapakita ng


pagkamatulungin.

Talakayan

Itanong ng guro:

Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

Ano ang ginawa ng mag-anak?

Tingnan natin ang ginawa ng:

PANGKAT I: *“Mamasyal tayo”

Ano ang binili ng mag-anak?

Isinuot ba nina Zeny at Zel ang kanilang paboritong gamit?

Ano ang naramdaman ng mag-anak pagkatapos mamasyal?

Tignan natin ang gawa ng:

PANGKAT II: *“Ang saya”

Masaya ba ang mga bata sa kanilang paboritong gamit?

Gusto ba ninyong mamasyal kasama ang inyong mga magulang?

3
Sino ang nakita ni Zeny habang sila’ymamasyal?

Tingnan ang gawa ng:

PANGKAT III: *“Pahingi naman po”

Ano ang naramdaman ni Zeny pagkakita sa batang pulubi?

Naawa ba siya?

Ano ang ibinigay ni Zeny sa batang pulubi?

Nagpasalamat ba ang batang pulubi?

Tingnan ang gawa ng:

PANGKAT IV: “Salamay po, ate”

Ano ang masasabi mo sa ugaling ipinakita ni Zeny?


Tama ba ang ginawa ni Zeny? Bakit?
Kahanga-hanga ba sai Zeny? Bakit?
Tutularan mo ba siya? Bakit?

C.Malayang Pagsasanay

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento. Lagyan ng


bilang 1,2,3,4,5, ang patlang

_______1. Namasyal ang mag-anak.

_______2. Tuwang-tuwa ang dalawang bata sa kanilang pamamasyal .

_______3. Umuwi silang may ngiti sa labi habang nakatingin si Zeny sa

batang pulubi.

_______4. Napansin ni Zeny ang batang pulubi at binigyan niya ito ng


tinapay.

_______5. Namili at kumain sila ng masasarap na pagkain.

Ikalawang araw :

Balik –aral
Muling balikan ang kuwentong narinig “Kahanga-hanga si zeny.
Ano ang ginawa ng mag-anak?
Ano ang naramdaman ni Zeny nang Makita ang batang
pulubi?
Sino ang nakita ni Zeny habang sila’y naglalakad?

Ano ang naramdaman ng mag-anak pagkatapos mamasyal?

Paglalahad
Sa pamamagitan ng talakayan:

4
Ipabigay sa mga bata ang mga pangalan ng bagay sa kwento

damit laso silya


relo sapatos
Pagtatalakay:
Mga bata sa anong titik nagsisimula ang mga pangalan ng bagay?

Magpapakita pa ng ibang larawan ng bagay ang guro at ipasabi sa mag-aaral


ang pangalan ng mga ito

mesa upuan salami lapis bulaklak

Pagbigayin ang mga bata ng halimbawa ng mga pangalan ng bagay na makikita


sa loob ng silid-aralan at sabihin kung sa anong titik nagsisimula ito

Malayang Pagsasanay

Pangkatin ang mga bata sa apat (3) na grupo para sa isang laro:

Pagsasanay 1: “Pick me”

Laro: Tingnan ang mga larawan na nakadikit sa larawang puno. Paunahan sa


pagkuha ng tamang larawan ng bagay batay sa simulang titik na sasabihin ng
guro.

abanik
oo

sombrero

bola sapato
s

damit

lapis
papel

Pagsasanay 2:

Panuto: Pakinggan ang mga pangalan ng bagay na sinasabi ng guro. Tumayo


kung ang mga ito ay mga bagay na makikita sa loob ng silid-aralan at maupo
kapag hindi.

pisara mesa sasakyan lapis

5
kotse pambura aklat gunting

Pagtataya:

Panuto: Bilugan ang tamang simulang titik ng pangalan ng larawan.

1. bola b k m
2. mani m p k
3. susi l s r
4. relo t w b
5. laso l s o

Kasunduan

Gumupit ng mga bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. Idikit ito sa


notebook.
Ikatlong araw

1. Balik-aral

 Muling balikan ang kwentong narinig “Kahangahanga si zeny“ Sa


pamamagitan ng talakayan:
Ipabigay sa mga bata ang mga pangalan ng tao, bagay o lugar sa
kuwento
Mang Zoro Aling Zara Zeny
Zel laso relo
silya labi paaralan

2. Paglalahad
Ipabigay sa mga bata ang mga salitang magkasintunog mula sa
kwentong narinig:
laso-lolo tinapay-kulay pulubi-labi
binili-labi relo-Zoro

3. Pagtatalakay

Anong tunog ang naririnig ninyo sa hulihan ng salitang

lapis-tunog /s/ damit-tunog/g/ paaralan- tunog/n/


ipis-tunog/s/ ipit-tunog/g/ bayan-tunog/n/

Magkasingtunog ba ang mga salita?


Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkasintunog
Pabigayin ang katabi ng salita at magbigay ng katunog nito
4. Malayang Pagsasanay
Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng kahon ( ) ang salitang nasa kanan na kasingtunog ng
salitang nasa kaliwa

6
1. Lobo bola logo
2. pulubi labi aso
3. damit Sakit sukat

4. laso araw baso

5. labi tutubi lapis

Pagsasanay II

Panuto: Tingnan ang larawan sa loob ng bilog. Pagtapatin ang mga salitang
kasintunog ng pangalan ng larawan.

saki susi
t

labi laso
pulubi
tutu gab
bi relo i

5.Pagtataya

Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga pangalan ng larawan sa mga salitang


kasintunog nito

1.laso . . labi

2.relo . . gulay

3.pulubi . . kalan

4.tinapay . . walo

5.paaralan . . baso

Ikaapat na araw

1. Balik- aral

7
Muling balikan ang mga salitang magkasintunog

laso-lolo tinapay-kulay pulubi-labi

binili-labi relo-Zoro

Pagbigayin ang mga bata ng halimbawa ng mga


salitang magkasintunog
Pagbigayin ang katabi ng salita at magbigay ng katunog
nito

2. Paglalahad

Pagpapakilala ng mga letra sa alpabeto

 Isa-isahin nga guro ang mga titik ng alpabeto

A B C D E F G H I
J K L M N O P Q S
T U V W X Y Z

3. Pagtatalakay
 Ipakikilala ng guro ang malaki at maliit na titik sa alpabeto.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg HhIi

Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq

Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy

Zz

 Ipapakilala ng guro kung ang salita ay nagsisimula sa malaki o maliit


na titik.

baso bola kama silya lapis


Colgate Sunsilk Karen Liza

4. Malayang Pagsasanay

Pagsasanay 1
Panuto: Pagtapatin ang malaking Letra sa Hanay A at maliit titik sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1.B   p
2.S   l
3.D   b
4.L   s
5.P   d
Pagsasanay 2
Panuto: Alin ang naiiba sa titik? Lagyan ng puso ang tamang sagot.

8
1. d d d D
2. S s S S
3. T t t t
4. K K k K
5. o O o o

5. Pagtataya
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Lagyan ng tsek () ang tamang unahang
letra ng pangalan ng larawan.

bulaklak k b l

kotse k l p

pusa v p L

mesa m n o

lapis k l v

Ikalimang araw

1.Balik-aral

Balikang muli ang napag-aralan mula sa unang araw hanggang sa


ikaapat na araw.

 Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkasingtunog

laso-lolo tinapay-kulay pulubi-labi

binili-labi relo-Zoro

 Ibigay ang maliit na letra ng sumusunod na malaking titik


A----
B----
C----
D----
F----
2. Pagusulat ng letra

Ipakita ang wastong pagsulat ng malaking letra at maliit na letra


(Babakatin ng guro ang letra sa flashcard gamit ang daliri)

Tumawag ng mag-aaral na nais gawin ang ginagawa ng guro.


Isulat ang malaki at maliit na letra sa hangin, mesa, palad, likod
kasabay ng pagbilang ng istrok o linya ng letra.
Sipiin ang maliit at malaking letra sa alpabetong ibinigay.

______________________________________________

9
______________________________________________

______________________________________________

_____________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

1. Malayang Pagsasanay
Pangkatin ang mga bata sa apat (4) na grupo para sa isang laro

Laro 1 Letter Box


Panuto: Kahunan ang lahat nang malaki at maliit na titik

J B j M X n

C l J j h A

T j s J o j

Laro 2 “Hephep! Hurray!”


Panuto: Pakinggan ang mga salitang binabasa ng guro. Isigaw ang
Hephep Kung ang salita ay magkasingtunog at Hurray kapag hindi.
1.aso-baso
2.bulaklak-kabinet
3.ipis-lapis
4.araw-ilaw
5.dahon-sabon
Laro 3 “Copy me”
Sipiin ang letra sa alpabetong ibinigay
4.Pagtataya

Panuto: Lagyan ng Ekis (x) ang salitang nasa kanan na kasintunog ng


salitang nasa kaliwa.

10
bulaklak alak ilaw

tasa kalesa aso

gagamba timba tabo

mani kama patani

yoyo lapis sigarilyo

11
For inquiries or feedback, please write or call:

DepEd-Bureau of Elementary Education,


Curriculum Development Division

2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA)


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347

E-mail Address: [email protected],


[email protected]

ISBN: 978-971-9981-69-5

You might also like