Ap 7 Notes
Ap 7 Notes
Ap 7 Notes
Silangang Asya
China
Isolationism
Patakaran kung saan may restriksiyon sa paglalakbay at pakikipagkalakalan sa ibang bansa, upang malimitihan ang
pakikipag-ugnayan mula sa labas dahil to ay bansang self-suffecient .
Ang china sa pamumuno ng mga Manchu(1644)
"Ang China sa Panahong Manchu"
1.Maraming nasakop na lupain.
2.Napaunlad ang bilang ng mga produktong mani,patatas at mais.
3.Malawak na industriya.
4.Mababa ang ibinayad na buwis.
Japan
Napaunlad ng Japan ang kaniyang ekonomiya, napatingkad ang kaniyang kultura at pagpapahalaga, at
napatatag ang kaniyang pamamahala dahil sa pagsasara ng kaniyang mga daungan mula sa dayuhan.
Noong 1853, ipinadala ni pangulong Milliard Filmore ng United states si commorade Matthew Perry upang
hilingin sa emperador ng Japan na bukasan ang kaniyang mga daungan.
Pilipinas
Unang dumaong sa isla ng Homonhon si Ferdinand Magellan,isang Portuguese na naglayag para sa Hari ng
Espanya noong Marso 16,1521. Bininyagan niya ng bagong pangalan si Rajah Humabon na Carlos bilang
parangal sa hari ng Espanya na si Haring Charles V. at ang kanyang asawa na si Hara Amihan at
pinangalanan niyang Juana ang asawa ni King Charles V.
Si Miguel Lopez de Legazpi ay ang ikalawang namuno sa ekspedisyon patungong Pilipinas matapos hindi
magtagumpay ni Ferdinand Magellan. Ang paglalakabay na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi,ang
nagtagumpay na masakop ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga local na pinuno at
paggamit ng dahas.
Itinayo ang unang pamayanang Espanyol sa cebu noong Abril 27,1565 mula dito ay sinakop din ang iba pang
lupain tulad ng Maynila na itinuturing na isa pinakamagandang daungan at sentro ng kalakalan sa asya.
Sanduguan-- ito ay isang ritwal na simbolo ng pagkakaisa ng mga datu. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa
bisig ng dalawang datu, at ang dugong umagos ay ilalagay sa kabibe o kaya ay ihahalo sa alak at kanila itong iinumin.
Kristiyanismo-ito ang relihiyon na ginamit bilang paraan ng pananakop na ipinalaganap ng mga Espanyo.
Indonesia
Dahilan ng pananakop
Mayaman sa Pampalasa
Ang Indonesia ay kilala sa pagiging mayaman sa mga pampalasa dahil sa likas na yaman nito, lalo na sa mga
produktong tulad ng pagsasaka ng mga pampalasang halaman tulad ng pala, luya.
Sentro ng Kalakalan
Ang bansa ay matatagpuan sa malapit sa mga pangunahing ruta ng kalakalan, kabilang ang pagitan ng Timog
Silangang Asya, Hilagang Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, at Australia.
Maayos na daungan
Ang malawak na coastline ng Indonesia ay nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng maraming mga natural na mga
daungan.
Singapore at Malaysia
Napasakamay ng mga British ang Singapore na noon ay bahagi pa ng Malaysia dahil naghahanap sila ng
angkop na daungan para sa kanilang mga barkong pangkalakalan mula India patungong China.Nakilala ang
Singapore bilang isa sa pinakamaganda at pinakamaunlad na daungan sa Timog-Silangang Asya.Kinontrol ng
mga British ang Singapore at kumite sila ng malaki mula sa pakikipagkalakalan sa mga karatig bansa at sa mga
bansang kanluranin.Naging pangunahing produkto na panluwas ng Malaysia ang goma at lata. Kumita ng malaki
ang british sa pagkontrol ng produkto.
Rubber -Ito ay orihinal na matatagpuan sa South America. Dinala ng mga British ang mga buto nito sa
Malaysia upang pasimulan ang plantasyon ng Rubber Tree sa rehiyon.
Upang mas mapabilis ang kanilang produksyon hinikayat ng mga British ang mga Tsino na mangdayuhan upang
maging mga manggagawa.
Divide and Rule Policy-ay isang paraan ng pananakop na kung saan ay pinag aaway-away ng mananakop ang
mga local na pinuno o mga mananakop ang iasang tribo upang masakop ang ibang tribo.
Burma
Ang resident system ay isang patakaran na ipinatupad ng mga British sa Burma.Ang british ay kinatawan ng
pamahalaang England sa Burma.Bilang kinatawan, kailangang manirahan ang British Resident sa Burma. Isa sa
kaniyang tungkulin ay ang pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang bansa.
French Indo-China
Nasyonalismo
Ito ay sistema ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng
identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang pambansang
pagsulong.