Filipino 2 Module
Filipino 2 Module
Filipino 2 Module
Department of Education
FILIP INO 2 Modules
Pangalan: ______________________________________________
Panuto:
Gawain 1
Basahin ang mga salita sa Hanay A at piliin ang kasintunog nito sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. bata (baso, beke, tuta)
Pagsamahin ang mga salitang magkakasintunog. Isulat ang sagot sa isang papel.
Lagyan ng tsek () ang sagutang papel kung ang mga salita ay magkakasintunog at ekis ()
naman kung hindi.
Gawain 2
Kumilos at Magkaisa
Maraming patapong bagay sa ating paligid tulad ng mga basyo ng bote at plastik na
nakatambak sa mga basurahan at looban ng ilang kabahayan. Ang mga lumang diyaryo at maruruming damit
ay nagkalat din kung minsan. Para sa iba, ang mga ito ay basura lamang, patapon, at wala nang silbi kaya
naman ang ating kapaligiran ay punong-puno ng mga kalat. Pinamumugaran tuloy ang mga ito ng mga daga
at insekto. Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig at sanhi ng pagbaha.
Nakasasama rin ang ilan sa mga ito. Nagiging sanhi ito ng pagdumi at pagbaho ng hanging ating
nalalanghap. Huwag na nating hintayin ang salot na idudulot ng mga basura. Panahon na para tayo ay
kumilos at magkaisa.
A. Isulat ang tsek () sa sagutang papel kung naranasan mo na ang pahayag at ekis ()
naman kung hindi.
B. Basahin at piliin ang pangunahing ideya o kaisipan ng teksto. Isulat ang wastong letra sa
sagutang papel.
1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-iingat ay isasaalang-alang. Palitan nang madalas ang tubig
sa plorera. Linisin ang loob at labas ng bahay. Maging malinis sa tuwina.
a. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang dengue.
b. Palitan lagi ang tubig sa plorera.
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig at ilong kapag
umuubo o bumabahing nang hindi makahawa ng iba. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
a. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon
b. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina ang nakukuha sa mga ito.
Nakatutulong din ang mga ito upang mapanatiling malusog ang katawan.
a. Ang mga prutas at gulay ay may maraming bitamina
b. Kumain ng prutas at gulay upang maging malusog ang katawan
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa mabilis na
pagtunaw ng ating kinain. Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng dumi sa loob ng katawan.
a. Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom ng tubig
b. Bilang ng iinuming tubig araw-araw
5. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin. May mga kemikal ito na
hindi mabuti sa katawan.
a. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin
b. May mga kemikal na makukuha sa junk food at nakalatang inumin.
Gawain 3
Isulat ang Tama o Mali sa sagutang papel.
_________1. Ang mahahalagang detalye ay makatutulong upang masagot ang mga
tanong sa kuwentong binasa.
_________2. Ang sulat at balat ay magkapareho ang tunog sa hulihan.
_________3. Ang pangngalan ay tumutukoy sa tao lamang.
_________4. Ang aklat ay ngalan ng hayop.
_________5. Sa pagsipi ng salita, dapat ay may tamang layo ang bawat letra.
Isulat sa sagutang papel ang tsek (✔) kung dapat gawin at ekis (🗶)naman kung hindi
dapat gawin.
Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga pangngalan sa bawat bilang. Isulat ang A kung
tao, B kung hayop, C kung bagay, at D kung lugar. Isulat ang wastong letra sa sagutang
papel.