Epp - Home Economics 5 - Ikatlong Markahang Pagsusulit
Epp - Home Economics 5 - Ikatlong Markahang Pagsusulit
Epp - Home Economics 5 - Ikatlong Markahang Pagsusulit
Panuto: Basahin ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_______1. Bakit mahalagang matutunan ang pag-aayos o pagtatahi ng sira o punit na damit?
A. Dahil ito ay tungkuling dapat gawin.
B. Dahil ito ay nakatitipid sa pera, oras at lakas.
C. Dahil ito ay nagpapakita ng malinis at maayos na kasuotan.
D. Dahil ito ay nagpapakita ng wasto at matalinong pangangalaga ng kasuotan.
_______2. Ano ang tawag sa pinaglalagyan ng karete ng sinulid sa itaas na bahagi ng ulo ng makinang
de-pidal?
A. bobina
B. spool pin
C. needle clamp
D. kabinet o kahon
_______3. Aling kulay ng mga damit ang dapat ikula?
A. mga puting damit
B. mga pantalon na maong
C. mga may kulay na damit
D. mga kulay itim na panloob na damit
_______4. Bakit kailangang paghiwalayin ang mga puting damit at may kulay na damit sa paglalaba?
A. para mabilis matapos maglaba
B. upang di maghalo-halo ang amoy
C. para madaling labhan kapag nakahiwalay
D. upang hindi mamantsahan ng ibang kulay ang mga puting damit
_______5. Si Ann ay mamimili ng pagkain, alin sa mga sumusunod ang HINDI niya dapat gawin?
A. Ihanda ang talaan o listahan ng mga bibilhin.
B. Umalis agad matapos maibigay ang sukli saiyo
C. Bilangin mabuti ang sukli bago umalis sa tindahan.
D. Iwasan ang pagmamadali sa pamimili upang walang makaligtaan
_______6. Si Roger ay bibili ng prutas sa palengke, paano niya malalaman kung ito ay sariwa pa?
A. mura at lanta na
B. kulu-kulubot ang balat
C. malaki ngunit magaan
D. mabigat ayon sa kanilang laki, walang hiwa, sugat, o butas-butas
_______7. Binyag ng anak ni Cynthia, maghahanda siya ng pagkain, alin sa mga sumusunod ang
tamang pamamaraan?
A. Ihanda ang resipi
B. Panatilihing malinis ang pook-gawaan
C. Maghugas ng kamay bago hawakan ang mga lulutuin
D. Lahat ng nabanggit
_______8. Si Lita ay papasok sa paaralan, anong uri ng kasuotan ang nararapat niyang isuot?
A. gown
B. duster
C. uniporme
D. swimsuit
______9. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang dulot ng pagbili ng yaring damit?
A. marupok
B. lapat sa katawan
C. matibay ang pagkakatahi
D. maluwag sa katawan at madaling masira
_______10. Kapag naisakatuparan na ang isang proyekto, dapat lamang na maipakita at maipamalas
ang _________.
A. kamalian nito
B. halaga o gastos ng proyekto
C. karunungan sa paggawa nito.
D. kahalagahan at pagbibigay halaga sa proyekto.
______11. Pinakuluan ni Helen ang karneng manok upang ihalo sa gagawing palaman sa tinapay, ano
kaya ang paraan ang gagawin niyang paghahanda?
A. pagdidikdik
B. paghihimay
C. pagtadtad
D. pagtatalop
______12. Si Nelson ay mag-aaral sa ikalimang baitang, paano matiyak na ang pagkaing inihanda ay
masustansiya, sapat, at gusto niya?
A. matamlay
B. Bnatutulog sa klase
C. nawawalan ng ganang kumain
D. masigla, malakas, at malusog ang pangangatawan.
______13. Si Rowena ay mamimili ng mga sangkap na gagamitin sa kanyang kaarawan, alin sa mga
sumusunod ang dapat niyang gawin?
I. Tanggapin agad ang sukli sa pinamimili
II. Ihanda ang talaan o listahan ng mga bibilhin.
III. Bilhin nang pakonti-konti ang sangkap sa araw-araw
IV.Suriing mabuti ang kalidad at halaga ng mga bibilhin
A. I & III
B. II & IV
C. I & II
D. III & IV
______14. Si Francis ay mamimili ng karne sa palengke, alin sa mga sumusunod ang dapat niyang
isaalang-alang?
A. Mamula-mula at natural ang kulay, malambot at siksik ang laman.
B. Matigas o nagyeyelo, nilalagyan ng pangkulay na pula para magmukhang sariwa.
C. Walang masangsang na amoy, walang guhit o mantsang maitim sa kalamnan at malambot.
D. A&C
______15. Si Dennis ay gustong magluto ng adobong manok, ano ang mga sangkap ang kailangan
niyang ihanda?
A. kamatis,gabi at kangkong
B. karne ng manok,toyo,mantika
C. repolyo , asin at karne ng baboy
D. bawang,luya,sibuyas,suka,paminta
______16. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop sa paghahanda ng ligtas na pagluluto ng
pagkain?
A. Iwanan ang niluluto at manood ng telebisyon.
B. Malinis, may sapat na liwanag at bentilasyon sa kusina.
C. Maingat sa paggamit ng matulis at matalim na kagamitan.
D. Iangkop ang temperatura sa niluluto para maiwasan ang pagkasunog ng pagkain.
______17. Habang ikaw ay nagpipintura sa bubong ng iyong tahanan, hindi mo namalayan na may
pintura na pala ang iyong damit. Ano ang iyong gagawin?
A. Kaskasin ng mapurol na kutsilyo.
B. Budburan ng asin ang sariwang pintura.
C. Kuskusin ng bulak na may gaas o thinner.
D. Lagyan ng yelo ang mantsa upang tumigas ito bago kaskasin.
______18. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong pangagalaga ng kasuotan?
A. Pabayaan ang mantsa na dumikit sa damit.
B. I-hanger ang mga malinis na damit panlakad.
C. Punasan ang mga uupuang lugar bago umupo.
D. Pahanginan ang mga damit na basa ng pawis.
______19. Hindi sinasadyang natapunan ng syrup ang iyong damit habang ikaw ay kumakain sa
paaralan. Batay sa iyong napag-aralan maliban sa zonrox, alin sa mga sumusunod na
bagay ang dapat mong gamitin?
A. gaas
B. alcohol
C. katas ng kalamansi
D. mainit na tubig at sabon
______20. Sa pagluluto ng sinigang na isda, maliban sa sampalok, alin sa mga sumusunod ang maari
mong isangkap na pampaasim at nagpapasarap dito?
A. ampalaya
B. kamyas
C. kamote
D. okra
______21. Maraming nagsasabi na masarap kang magluto at kaakit-akit ang paghahanda ng nilutong
mong pagkain. Paano mo ito gagamitin upang makatulong at madagdagan ang kita ng
inyong pamilya?
A. Magpatayo ng malaking restaurant.
B. Magluto ng libre kapag may okasyon.
C. Maghintay ng magpapalutong kapitbahay.
D. Magtayo ng maliit na karinderya bilang simula.
______22. Naghahanda ka ng iyong labahin ng napansin mong may tastas ang uniporme mo ngunit
sira ang makinang de-padyak ng nanay mo. Paano mo ito kukumpunihin?
A. Huwag muna itong labhan.
B. Hintayin na magawa ang makina.
C. Hintayin si nanay upang siya ang manahi.
D. Tahiin na lang ito sa kamay ayon sa napag-aralan.
______23. May proyekto kayo sa inyong paaralan na gumawa ng isang kagamitang pambahay na
maaaring pagkakitaan. Ano ang maari mong isagawa?
A. Bumili na lang sa palengke.
B. Hayaang mababa na lang ang marka.
C. Hintayin na makagawa ang iba para may basehan.
D. Maghanap ng lumang damit, at gawing proyekto
______24. Nalagyan ng tinta ang iyong uniporme. Paano mo matatanggal ang mantsa nito?
A. Lalagyan ng Alcohol
B. Lalagyan ng katas ng kalamansi.
C. Kukuskusin ng basahan na may gaas.
D. Ibababad sa mainit na tubig na may sabon.
_____25. Paano mai-alis ng may pag-iingat ang iyong tinahi mula sa makina? Pagsunod-
sunurin ang tamang hakbang kung paano maialis ang tinahi mula sa makinang de-
pedal.
1. Itaas ang presser foot.
2. Putulin ang sinulid ng gunting.
3. Hilahin ang tela o tinahi sa likuran ng makina papalayo rito.
A. 1 - 2 - 3
B. 2 - 3 - 1
C. 1 - 3 - 2
D. 3 - 2 – 1
_____26. Sa paghahanda ng pagkain para sa iyong pamilya, ano ang hindi nararapat mong gawin?
A. Ihanda ang resipi.
B. Magsuot ng mga alahas sa kamay.
C. Maghugas ng kamay bago hawakan ang mga lulutuin.
D. Piliin ang tamang dami at uri ng pagkaing kailangan ng pamilya
_____27. Ano ang maaari mong gawin upang maging kaakit-akit ang pagkain na iyong ihahanda?
A. Magplano ng pagkain na pang isang linggo.
B. Ibatay ang pagkaing ihahanda sa Food Pyramid
C. Magplano ng pagkaing makukulay at kaakit-akit sa paningin.
D. Bumili ng pagkaing nilagyan ng kulay upang maging kaakit-akit.
_____28. Paano mo malalaman na sariwa ang isda na bibilhin mo sa palengke?
A. Malaki, walang hiwa, sugat, o butas-butas.
B. Malinaw ang mata, makintab ang kaliskis at dikit sa laman.
C. Siksik ang laman, manilaw-nilaw ang taba, may masamang amoy.
D. Magaspang ang balat, malambot ang laman, at namumula ang mga mata.
_____ 29. Si Dante ay naglaro ng basketbol. Ano ang dapat niyang gawin upang mapangalagaan
ang kanyang uniporme?
A. I-hanger at isilid sa cabinet.
B. Tupiin at ilagay kasama sa malilinis na damit.
C. I-hanger at pahanginan ang damit na basa sa pawis.
D. Ilagay kaagad sa basket ang basang uniporme kasama ng ibang maruruming
damit.
_____ 30. Si Helena ay mamalantsa ng kanyang bestida. Ano ang unang hakbang na kanyang
gagawin?
A. Plantsahin ang kwelyo at manggas ng bestida.
B. Plantsahin isa-isa ang pleats, likod at harap ng bestida.
C. Baliktarin muna at plantsahin ang bulsa, kuwelyo, balikat, likod at harap ng
bestida, manggas, at laylayan.
D. Ibalik ang karyagang bahagi nito at ayusin ang pleats ayon sa tupi / tiklop nito
plantsahin ito mula laylayan pataas.
______31. Si Kiko ay mamimili ng sangkap sa lulutuing niyang adobo. Ano ang dapat niyang isaalang-alang?
A. Piliin ang imported na sangkap.
B. Piliin ang imported pero murang sangkap.
C. Piliin ang lokal, maayos at murang sangkap.
D. Piliin ang sangkap na may di kanais-nais na amoy.
_____ 32. Paano mo masasabi na ang isang damit ay hindi naplantsa?
A. Ang damit ay madumi
B. Ang damit ay kusot-kusot
C. Ang damit ay mukhang bago
D. Ang damit ay mabango at malinis tingnan
______33. Ano ang tawag sa pinapatungan ng mga paa upang patakbuhin ang makinang de-
padyak?
A. Drive wheel
B. Needle clamp
C. Tension regulator
D. Treadle / tapakan o pidal
______34. Bakit kailangang maging maayos ang paghahanda ng pagkain sa hapag kainan?
A. Upang matuwa ang mga bisita
B. Upang ganahan ang mga kakain
C. Upang maging kaakit-akit ito sa paningin ng mga tao
D. Upang maipakita ang tamang kaayusan ng hapag- kainan
______35.Ito ang pagtatahi nang pinong-pino at paulit-ulit. Naihahalintulad ito sa tahi ng makina. Ginagamitan ito
ng sinulid na kapareha ng kulay ng damit o malapit sa kulay, at pinong karayom din ang ginagamit dito.
A. Pagbuburda
B. Pagsusulsi
C. Pagtatahi
D. Pagtatagpi
______36. Si Clariz ay nasa bahay lamang. Anong uri ng damit ang nararapat niyang isuot?
A. pambahay
B. pampaaralan
C. pansimba
D. pantanging okasyon
______37. Ang ________ay ginagamit na pantanggal ng nakadikit na chewing gum sa damit.
A. Asin
B. Kalamansi
C. Yelo
D. Zonrox
______38. Alin sa mga sumusunod na paraan ang hindi kasali sa pamamalantsa?
A. Ihanda ang mga paplantsahing damit.
B. Dagdagan ito ng sapin kung nais ng makapal
C. Ihanda ang plantsahan. tiyaking marumi ang sapin ng plantsahan.
D. Tiyaking din na malinis ang plantsa at walang kalawang. I-set ang temperatura ng
plantsa ayon sa uri ng damit na paplantsahin.
______39. Si Mary ay mamalantsa ng polo. Anong bahagi ang dapat niyang unahin?
A. balikat
B. kuwelyo
C. laylayan
D. manggas
______40. Ang mga mag-aaral sa ika-limang baitang ay mananahi ng serbilyeta o table napkin. Alin sa mga
kagamitan sa pananahi ang dapat nilang gamitin?
A. karayom
B. salamin
C. sinulid
D. tali
______41. Ito ay ginagamit na panghawak sa telang tinatahi na may matalas at matulis ang dulo?
A. aspile
B. gunting
C. karayom
D. sinulid
______42. Bahagi ng makinang de-padyak na nagpapaandar o nagpapahinto nito.
A. Thread Guide
B. Balance wheel
C. Stitch regulator
D. Tension regulator
______43. Kung ang bed o kama ay patungan ng tinatahi sa makinang de-pidal. Ano naman ang tawag sa
pinaglalagyan ng sinulid sa ilalim ng makina?
A. bobina
B. kabinet
C. treadle
D. shuttle
_____44. Ito ay batayan ng pinakamahusay na inererekomendang pagkonsumo ng pagkain mula sa bawat pangkat.
A. Food Pyramid
B. Glow Food
C. Grow Food
D. Go Food
_____45. Ang kanin at kamote ay napabibilang sa pangkat ng Go Food, anong pagkain naman ang napapabilang sa
pangkat ng Grow Foods?
A. karne at isda
B. saging at itlog
C. gulay at prutas
D. pasta at tinapay
_____46. Isang paraan ng pag-alis ng lukot sa damit upang bumalik ang dating hugis at anyo
dulot ng paglalaba.
A. Pag aalmirol
B. Paglalaba
C. Pamamalantsa
D. Pagsasampay
_____ 47. Sa pag-alis ng mantsang tsokolate sa damit? Ano ang iyong gagamitin upang maalis
ang mantsa?
A. Malamig na tubig.
B. Katas ng kalamansi.
C. Mainit na tubig na may sabon.
D. Tubig at sabong panligo o mild soap.
_____ 48. Ano ang tawag sa pangkat ng mga pagkaing nagbibigay lakas?
A. Food pyramid
B. Glow Food
C. Go Food
D. Grow Food
_____ 49. Anong prutas ang epektibong pampaputi sa unipormeng naninilaw ang kilikili?
A. bayabas
B. kalamansi
C. mangga
D. santol
_____50. Si Juana ay maglalaba, pinagbukod-bukod niya ang mga damit bago labhan, Alin ang
unang dapat labhan?
A. panlaro
B. mga puti
C. uniporme
D. may kulay