DLP in Health - Verenize Recilla

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Polytechnic University of the Philippines


Office of the Vice president for Branches and Campuses
Mulanay, Quezon Branch – General Luna Campus

Detailed Lesson Plan (DLP) Format

Paaralan Macalelon Central Elementary School Baitang/ Antas Ikatlo


Guro Verenize Mae A. Recilla Asignatura Health
Oras at Petsa 2:00 – 2: 40 pm – Hulyo 07, 2023 Markahan Ikalawa

I. LAYUNIN Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:


A. Natutukoy ang mga dapat gawin sa wastong pangangalaga sa
sarili at paggawa ng ng matalinong desisyon upang makaiwas sa
sakit.
B. Naisasagawa ang mga gawain at pangkatang gawain tungkol sa
wastong pangangalaga sa sarili at paggawa ng matalinong desisyon
upang makaiwas sa sakit.
C. Napapahalagahan ang mga natutunan sa wastong pangangalaga
ng sarili at paggawa ng matalinong desisyon upang makaiwas sa
sakit.
A. Pamantayang Nilalaman Maipamamalas ng mga mag- aaral ang pag- unawa sa wastong
pangangalaga ng sarili at paggawa ng matalinong desisyon upang
makaiwas sa sakit.
B. Pamantayan sa Pagganap Maisagawa ng mga mag- aaral ang pag- unawa sa wastong
pangangalaga ng sarili at paggawa ng matalinong desisyon upang
makaiwas sa sakit.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapaglalarawan ng mga wastong pangangalaga ng sarili at
(Isulat ang code sa bawat kasanayan) paggawa ng matalinong desisyon upang makaiwas sa sakit.
(H3DD-IIij- 8)
II. NILALAMAN Ang wastong pangangalaga ng sarili at paggawa ng matalinong
desisyon upang makaiwas sa sakit.
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay sa Pagtuturo K to 12 Curriculum Guide PHYSICAL EDUCATION AND HEALTH
pg.33
2. Mga Pahina sa Kagamitang Health 3
Pangmag- aaral Ikalawang Markahan – Modyul 5
Ang Wastong Pangangalaga ng Sarili at Paggawa ng Matalinong
Desisyon upang Makaiwas sa Sakit, pp, 1-12
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula sa
Portal ng Learning Resources
B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, Power Point Presentation, Marker, Photocopy, Manila Paper,
Flash Cards
https://www.youtube.com/watch?v=_5_SS4numcg
IV. PAMAMARAAN
A. Balik Aral sa nakaraang Aralin at/ Ngayon ay magbalik- aral muna tayo. Tatanungin ang mga mag-
Pagsisismula sa Bagong Aralin aaral kung tungkol saan ang tinalakay kahapon.
Mayroon akong inihandang gawain tungkol sa pinag- aralan natin
kahapon.
Panuto: Lagyan ng bilang ang larawan ayon sa wastong
pagkakasunod- sunod.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Mayroong ipapanood na music video sa mga mag-aaral at aawitin
nila ito matapos ito panoorin.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang pamagat ng awiting inyong pinanood at inawit?
2. Tungkol saan ang awiting inyong pinanood at inawit?
3. Ano ang ginagawa ng mga bata sa video?
4. Ginagawa niyo rin ba ito?
5. Tuwing kailan niyo ito ginagawa?
6. Base sa inyong inawit ay may ideya na ba kayo sa ating aralin
ngayong araw?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Sa pinanood at inawit na awitin ay ipinakita kung paano ang wastong
bagong aralin pangangalaga ng sarili at paggawa ng matalinong desisyon upang
makaiwas sa sakit.
D. Pagtatalakay ng baong konsepto at Ang Wastong Pangangalaga ng Sarili at Paggawa ng Matalinong
paglalahad ng mga bagong Desisyon upang Makaiwas sa Sakit
kasanayan #1
Tatanungin ang mga mag- aaral tungkol sa nakikitang mga larawan.

Ano kaya sa tingin ninyo ang ginagawa ng mga bata sa larawan?


Tama ba ang kanilang ginagawa sa pangangalaga sa kanilang mga
sarili?

Makikita sa mga larawan kung paano pinangalagaan at pinili ang


wastong pagkain na kakainin ng mga bata. Ang paglilinis ng kuko,
pagsisipilyo ng ngipin at pagkain ng masusustansyang pagkain ay
iilan lamang sa mga gawi ng isang pangangalaga sa sarili. Kung
ating aalgaan ang ating sarili tayo ay magkakaroon ng malusog na
pangangatawan, pag- iisip, pang- espiritwal at matalinong desisyon
ay kinakailangan upang sakit o karamdaman ay malabanan at
maiwasan. Mahalagang piliin ang mga pagkaing kakainin at bibilhin
upang lalo pang tumaas ang antas ng ating kalusugan.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto Narito ang wastong paraan sa pangangalaga at malaninong desisyon
at paglalahad ng mga bagong desisyon para sa kalusugan.
kasanayan #2
1. Pag- ehersisyo ng regular.

2. Piliing mabuti ang pagkaing nagbibigay ng sustansya sa ating


katawan

3. Matulog sa tamang oras


4. Uminom ng gatas at 8- 10 na baso ng tubig araw- araw.

5. Panatilihing malinis ang pangangatawan gaya ng pagliligo araw-


araw

6. Uminom ng bitamina.

7. Maghugas ng kamay palagi


F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo Panuto: Punan ang patlang ng ankop na salita o parirala upang
sa Formative Assessment 3) mabuo ang mga pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot,
isulat ang iyong sagot sa inyong kwaderno.

resistensya sarili sakit

malinis bitamina

1. Ang prutas at gulay ay nagbibigay _____ sa ating katawan.


2. Mahalagang uminom ng ______ upang bilang dagdag proteksyon
laban sa mga sakit na kumakalat sa paligid.
3. Ang wastong pangangalaga sa _______ ay nagdudulot ng
kaginhawaan sa buhay.
4. Ang paggawa ng wastong pangangalaga sa kalusugan ay
nakatutulong upang maiwasan ang _____.
5. Ang pagiging ______ ang pangangatawan ay nilalabanan ang mga
sakit.
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- Pangkatang Gawain
araw na buhay Ipapangkat sa apat na grupo ang mga mag- aaral. Isasagawa ng
mga mag- aaral ang mga wastong pangangalaga sa sarili at paggawa
ng matalinong desisyon upang makaiwas sa sakit na kanilang
ginagawa sa pang- araw- araw na buhay. Pipili ng isang representive
ang bawat grupo upang bumunot ng isang sitwasyon na kanilang
isasadula. Bibigyan ng 10 minuto ang mga mag- aaral upang mapag-
usapan ang bawat grupo ang gagawing pagsasadula. Pagkatapos ay
gagawin ito sa unahan.

Babasahin ang rubriks sa mga bata bago ibigay ang oras na


paghahansa sa dula.

Rubriks
Deskripsyon Puntos Nakuhang Puntos
Wasto ang
ipinakitang
impormasyon sa 15
dula.
Angkop ang
isinadula sa tema ng 10
gawain.
Maayos at
makapukaw- pansin 5
ang dula.
Kabuoang Puntos 30

H. Paglalahat ng Aralin Mga katanungan:


1. Ano ang pamagat ng ating tinalakay?
2. Ano- ano ang mga wastong pangangalaga sa sarili at paggawa ng
matalinong desisyon upang makaiwas sa sakit?
3. Sa tingin ninyo mahalaga ba na malaman natin ang mga wastong
pangangalaga sa sarili at paggawa ng matalinong desisyon upang
makaiwas sa sakit? Oo o hindi?
4. Bakit kaya mahalaga na malaman natin ang mga wastong
pangangalaga sa sarili at paggawa ng matalinong desisyon upang
makaiwas sa sakit?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin ang bawat katanungan. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa inyong kwaderno.

1. Alin ang wastong pangangalaga sa sarili?

a. Maghilamos kasa dalawang araw


b. Maligo araw- araw
c. Magbihis ng damit kada dalawang linggo
2. Ano ang kailangang inumin ni Jaime upang lalong lumakas ang
kanyang katawan?

a. Softdrinks
b. Milktea
c. Bitamina
3. Si Ana ay bibili sa tindahan, alin sa mga ito ang dapat niyang
bilhin?

a. Kendi
b. Suman
c. Junk foods
4. Nagluto si Nanay Betty ng mga masasarap na gulay, ano ang dulot
nito sa katawan kapag kumain ka ng gulay.

a. Lalakas at sisigla ang katawan


b. Magiging sakitin
c. Hihina ang katawan
5. Ano ang makatutulong kay Rodel para gumaling ang kanyang
sakit?

a. Magpuyat
b. Kumain ng masutansyang pagkain
c. Huwag pansinin ang karamdaman

J. Karagdagang gawain para sa Takdang Aralin


takdang- aralin at application o Isulat sa inyong kwaderno ang inyong
remidiation takdang aralin.

Panuto: Sa inyong kwaderno, sagutan


ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano mapapangalagaan ng wasto


ang kalusugan?

2. Bakit kailangan maging matalino sa


paggawa ng desisyong
pangkalusugan?

V. REMARKS
VI. REFLECTION

Inihanda ni:

VERENIZE MAE A. RECILLA


Nagpakitang Turo

Isinulit kay:

ALEXIE M. TALENTO
Instructor III

You might also like