DLP Melvin Alvarez. Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III

I. LAYUNIN
Pagtatapos ng araling ito, inasahang ang mga bata ay:
a) Naipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng kultura at mga
kaugnay na konsepto,
b) Nailalarawan ang kulutra sa sariling lalawigan at batay sa ilang
aspeto ng pagkakakilanlang kultura.
c) Nakapagbibigay ng halimbawa ng ibat ibang halimbawa ng
katutubong kasuotan at katutubong kasangkapan.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Ang Konsepto ng Kultura
Sanggunian: Modyul 3, Aralin 1
K to 12- AP3KK-IIIa-1
Kagamitan: Mga larawan ng sina unang kagamitan, flash cards, visual aid
III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA BATA


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Mga bata magsitayo kayo at tayo’y
manalangin, Andrea pangunahan.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu


Santo, Amen. Makapangyarihang Diyos, Sa
pamamagitan ng iyong Anak na si Jesus,
Maraming salamat po sa araw na ito Sana po
ay gabayan nyo kami,Amen.

b. Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga rin po Binibining Alvarez!

c. Pagtatala ng mga pumasok at


lumiban sa klase.
Mayroon ba tayong lumiban ngayong
araw sa ating klase?
Wala po.
Magaling!

d. Balik aral
Bago tayo dumako sa ating aralin ay
magkakaroon muna tayo ng balik aral.
Tinalakay natin noong nakaraan nating
pagkikita ang mga likas na yaman. Ano ba
ang mga likas na yaman? Joana
Ito ay tumutukoy sa mg bagay na likha ng
[Type here]
kalikasan bukod sa tao.

[Type here]
Mahusay! Isang star para sayo

Ed, magbigay ng tatlong uri ng likas na


yaman
Yamang lupa, yamang tubig
at yamang gubat po

Magaling! isang star para sayo

1.Pagsasanay
Mayroon akong hinandang plaskard,
kapag itinaas ko ito basahin ng malakas
ang nakasulat.
Simula na.
PLANTSA
PALAMUTI
BANGA
KAGAMITAN
DAMIT
KATUTUBO
PAGPAPAHALAGA
KULTURA
Magaling mga bata!

Ito naming hanay na ito basahin ng


malakas, simulan na.

(Babasahin ng mga bata ng malakas)

Sa kabilang hanay naman basahin ng


malakas, simulant na.
(Babasahin ng mga bata ng malakas)

Magaling mga bata.

2. Pagganyak
Magkakaroon tayo ng isang aktibidad,
mayroon ako ditong limang larawan.
Bubuo kayo ng grupo na may siyam na
miyembro at bubuo ng puzzle. Ang
unang grupong makakabuo ay syang
panalo na may karagdagang puntos sa
pasulit mamaya.
Simulan na. (Bubuin ng mga bata ang puzzle)

Mahusay, grupo kayo ang naunang


natapos. Bigyan natin sila ng very good
clap.
(Ang mga bata ay magbibigay ng very good clap)

[Type here]
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Panimula
Base sa ginawa nating activity, ano
sa tingin nyo ang ating tatalakayin
ngayong araw? June.
Ang atin pong tatalakayin ngayong araw na ito
ay tungkol sa mga katutubong damit at
kagamitan.

Tama.

Alam nyo ba na ang lahat ng bagay


na nakapaligid sa inyo ay bahagi ng
ating kultura?
Bilang isang Pilipino, kailangan na
malaman na natin at ipagmalaki ang
ibat ibang kultura ng bansa.

C. Pagtatalakay
Angelika, pakibasa nga kung ano ang
kultura?
Kultura-ito ay ang uri at paraan ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar na
nagpapakita ng kanilang paniniwala,
kagamitan, moralidad, batas, tradisyon, sining,
relihiyon, kaugalian, pamahalaan at kaalaman
o Sistema ng edukasyon.
Salamat.

Ang kultura ng isang bansa ay


binubuo ng dalawang bahagi, Jhony,
pakibasa ang unang bahagi ng
kultura.
Materyal na kultura- ang mga bagay na
nakikita, nahahawakan o naririnig.

Salamat.

Ito ang mga materyal na kultura.


Pakibasa ng malakas
KASANGKAPAN
KASUOTAN
PAGKAIN
TAHANAN

Salamat.

[Type here]
Karl, pakibasa ang ikalawang bahagi. Salamat
Di materyal na kultura- kabilang dito
ang mga kaugalian, pamahiin, kilos at gawi.

Ito ang di materyal na kultura. Pakibasa ng malakas


EDUKASYON
KAUGALIAN
PAMAHALAAN
RELIHIYON
PANINIWALA
SINING O AGHAM
WIKA

Ngayon dadako naman tayo sa katutubong


damit at kagamitan

Ang dalawang uri ng Materyal


kultura muna ang ating
tatalakayin sa araw na ito.

Ang una ay ang mga kasangkapan.


Noong bago dumating ang mga
banyagang mananakop, walang
kasangkapan ang ating mga ninuno.
Lumipas ang panahon, natuto silang
gumawa ng iba’t ibang uri ng
kagamitan. Narito ang ilang larawan
ng mga ginawang kagamitan ng
ating mga ninuno.

Ang mga ito ay inukit, hinasa,


pinakinis at nililok nila ang mga ito
ayon sa kagamitang nais nilang
mabuo.

[Type here]
Ang ikalawang materyal na kultura
ay ang kasuotan.

Katangi-tangi rin ang pananamit ng


ating mga ninuno noon. Nagkakaiba-
iba sila ayon sa kanilang pinagmulan
at pag- aangkop sa klima ng
kapaligiran.

Pakibasa ang uri ng kasuotan ng


mga lalaki noon.
Pakibasa ang una, Jona.

Kangan- pang itaas na damit na walng kwelyo


at manggas.

Salamat. pakibasa naman ang


pangalawa, Mj.

Bahag- kaperasong tela na ginagamit pang


ibaba.

Salamat. Pakibasa naman ang


panghuli, Dorothy.

Putong- kapirasong tela na iniikot sa ulo.

Salamat.

Ngayon naman dadako tayo sa damit


ng mga babae noon. Pakibasa ng
una, renz.
Baro- Pang itaas na mahabang manggas na
parang jacket.

Salamat. pakibasa naman ng pang


huli, Sevi.

Saya- kapirasong tela o tapis na iniikot sa


baywang. Patadayng naman ang tawag ng mga
taga visayas dito.

[Type here]
Salamat.

Nakayapak o walang sapin sa paa


ang ating mga ninuno noon. Sari-
saring alahas din ang kanilang
isinusuot, katulad nang singsing,
kwintas, hikaw at pulseras. Yari ito
sa ginto at mamahaling bato na
kanilang namimina.

D. Kasanayan sa Pag-unlad

Upang ating malaman kung


maintindihan ninyo, ang ating pinag-
aaralan, naghanda ako ng isang
activity. Pakibasa ng panuto, Alysa.
Panuto; pangkatang Gawain. Ilagay ang larawan
na nararapat sa lagayan.
Salamat, ngayon bumuo ng grupo na
may limang grupo.
Simula na.

(Ang mga bata ay sasagot)

Magaling mga bata.

Magsiupo ang lahat. Magaling


grupo. Palakpakan ninyo ang inyong
mga sarili

E. Paglalahad

Tignan natin kung naintindihan na


ninyo ang ating pinag aralan ngayon.
Ano na nga ang pinag aralan natin
ngayon? Einah.

Ang atin pong tinalakay sa araw na ito ay


tungkol sa mga katutubong damit at
kagamitan

Tama. Maaari mo bang uliting ang


kanyang sinabi, Drew.

(uulitin ng bata ang sagot)

[Type here]
Magaling!
Maari ka bang magbigay ng iba pang
mga paraan na magpapakita ng
pagpapahalaga sa kultura, Dawn

Salamat.

Maari ka bang magbigay ng mga


paraan na magpapakita ng
pagpapahalaga sa kultura,Rex.

Mahusay!

Natutuwa ako na natuto kayo


sa aralin natin ngayon.

MATERYAL NA DI MATERYAL NA
KULTURA KULTURA
Barong Ritwal
Plantsa Katoliko
Putong Po at Opo
Saya Pag aaral
Baro Linggwahe

IV. PAGTATAYA
Panuto: Bilugan ang mga salitang ating natalakay sa aralin na may kaugnayan sa
kasangkapan at kasuotan.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumuhit ng isang halimabawa ng katutubong kasangkapan at katutubong
kasuotan.

Inihanda ni:
Melvin Alvarez
BEED 1

[Type here]
[Type here]
[Type here]
[Type here]

You might also like