Kabanata 1-5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

Ni: Liza L. Fransaliso


I- LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras, ang mag-aaral ay inaasahang:
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapwa
kayamanan - kahirapan at iba pa (F9PB-IVg-h-59).

II- NILALAMAN
Paksa: Sanhi at Bunga ng Pagkainggit- Noli Me Tangere Kabanata 1-5
Sanggunian: Noli Me Tangere (Dinisenyo batay sa kurikulum ng K-12)
pp. 29 – 36, Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 w/
Talasalitaan (noypi.com.ph), Noli Me Tangere: Kabanata 1 Ang Pagtitipon
- Padayon Wikang Filipino para sa Buod ng Kabanata 1 -5
Kagamitan: 1/8 size illustration board, yeso, pambura,

III- PAMAMARAAN
A. Pagganyak
Papangkatin sa anim ang klase. Isasagawa ng bawat pangkat ang “Paint
Me a Picture” batay sa sumusunod na sitwasyon:
1. Magarbong paghahanda tuwing may okasyon
2. Magiliw na pagtanggap sa mga bisita/ bagong dating na bisita
3. Pagmamano ng kamay sa mga matatanda/ pagmamano ng mga
bagong dating na bisita
4. Eksena airport
5. Paglalakwatsa sa oras ng klase
6. Pagiging tamad at walang sikap sa paggawa

B. Paghawan ng Balakid
Panuto: Alamin ang kahulugan ng mga talasalitaang ginuhitan sa ibaba
na mababasa sa Kabanata 1-5 ng Noli Me Tangere. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
HANAY A HANAY B
1. Ang mga mayayaman ay may paisano sapagkat A. kinalabasan
kaya nila itong sahuran.
1. Ang kalansing ng kampana ay hudyat na oras B. tinahak
na ng pagdarasal.
3. Maganda ang kinahantungan ng pag-uusap C. punong lungsod
nila.
4. Ang kabisera ng Luzon ay Makati. D. natigilan
5. Kahambal-hambal ang kanyag sinapit sa E. katulong
kamay ng kanyang amo.
6. Binaybay niya ang eskinita papuntang F. handaan
kantina.
7. Si Ibarra ay isang pilibustero. G. kaawa-awa
8. Napatigagal ako nang makita ko ang kaaway. H. rebolusyunero
9. May piging sa tahanang Santos dahil I. di sumasang-
gumradweyt ang anak nito. . ayon
10. Isa syang erehe. J. tunog
K. kutsara

C. Pagbibigay ng Pangganyak na Tanong


1. Ano ang kaisipang binigyang-diin sa Kabanata I ng Nolie Me Tangere?
2. Paano pinakitunguhan si Ibarra ng mga tao sa handaan? Anong pag-
uugali ang ipinakita niya sa piging?
3. Ano-ano ang mga katangiang dapat ipakita sa hapag-kainan?
4. Ano ang ikinamatay ng ama ani Ibarra? Isalaysay.
5. Sa kasalukuyan, maging sa buhay ng kabataan ay may pagkakataon
ding nagiging biktima sila ng kawalang katarungan sa lipunang
kanilang ginagalawan o maging sa loob ng tahanan o paaralan. Sa
kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay, laging mayroong isang bituin
na sumisimbolo sa bagong pag- asa. Para sa inyo, ano/ sino sila?

D. Pamantayan sa Pagbasa ng Tahimik


1. Umupo nang tuwid.
2. Hawakan ang babasahin sa dalawang kamay sa ibabaw ng arm chair.
3. Mga mata lang ang gagamitin sa pagbasa.
4. Itikom ang bibig.
5. Bumasa nang matulin.
6. Unawain ang binabasa.

E. Pagsagot sa Pangganyak
1. Ano ang kaisipang binigyang-diin sa Kabanata I ng Nolie Me Tangere? –
pagkamaginoo-
2. Paano pinakitunguhan si Ibarra ng mga tao sa handaan? Anong pag-
uugali ang ipinakita niya sa piging? -
3. Ano-ano ang mga katangiang dapat ipakita sa hapag-kainan? – depende
sa sagot ng mga mag-aaral-
4. Ano ang ikinamatay ng ama ani Ibarra? Isalaysay. – kahirapan ng
kalooban sa loob ng bilangguan na hindi niya nakayanan-
5. Sa kasalukuyan, maging sa buhay ng kabataan ay may pagkakataon
ding nagiging biktima sila ng kawalang katarungan sa lipunang kanilang
ginagalawan o maging sa loob ng tahanan o paaralan. Sa kabila ng mga
pinagdaraanan sa buhay, laging mayroong isang bituin na sumisimbolo
sa bagong pag- asa. Para sa iyo, sino ang tinutukoy sa kabanata? –
Maria Clara-

F. Pagbibigay ng mga Tanong sa Pag-unawa


Kabanata 1:
1. Sino si Don Santiago delos Santos? Anong deklarasyon ang
kanyang ipinahayag na nagdulot ng malaking kasiyahan at
pananabik sa mga taong nakaalam nito?
2. Sino-sino ang mahahalagang taong dumalo sa pagtitipon?
Masasabi mo bang masaya sila? Bakit?
3. Paano inilalarawan ni Padre Damaso ang mga Pilipino? Bakit kaya
tinalikuran ni Padre Damaso si Ibarra habang pinag-uusapan nila
ang katangian ng mga Indio?
4. Bakit nilisan ni Padre Damaso ang San Diego? Sino ang nagsiwalat
ng katotohanan ito? Kung ikaw ang teniente, isisiwalat mo rin ba
ang buhay ni Padre Damaso?
5. Ano ang ginawang pamamagitan ni Padre Sibyla upang hindi
humantong sa lubusang pagkagalit sina Padre Damaso at ang
teniente?

Para sa Kabanata 2:
1. Bakit napatigagal si Padre Damaso nang makita niya si Don
Crisostomo Ibarra?
2. Ilarawan si Crisostomo Ibarra. Alin sa kanyang mga katangian ang
lubos mong hinangaan? Bakit?
3. Aling tuntunin sa pakikipagkapwa ng mga Pilipino ang sinasabing
nilabag ni Crisostomo Ibarra sa akda? Kung ikaw ang nasa
kanyang kalagayan, gagawin mo rin bai to? Bakit?
4. Sa inyong palagay, bakit itinuturing in Ibarra ang mga Pilipino na
pinakamahalagang hiyas ng ating bayan? Ganito pa rin ba ang
pagpapahalagang ating lipunan sa mga kababaihan sa
kasalukuyan? Ipaliwanag.
5. Masasabi mo bang sa kasalukuyan ay tanggap na ng lipunan na
ang babae ang unang gumagawa ng hakbang upang makipagkilala
sa lalaki? Bakit?

Para sa Kabanata 3
1. Paano nagsimula ang kwento sa kabanata 3?
2. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinapakita ng mga tauhan sa
handaan?
3. Magbigay ng mga aral na nakapaloob sa Kabanata 3?

Kanabata 4
1. Sino si Tenyente Guevarra? Ano ang kaugnayan niya sa ama ani
Ibarra?
2. Ilarawan ang ama ani Ibarra? Ano ang kanyang ikinamatay?
3. Bakit sinabing erehe at pilibustero ang pamilya ni Ibarra?

Kabanata 5
1. Sino ang tala sa gabing madilim sa kabanata 5? Ilarawan siya.
2. Sino ang maituturing ninyong pag-asa sa kabila ng kalungkutan o
paghihirap sa buhay? Bakit?
3. Anong aral ang natutunan sa Kabanata 5?

G. Pagsasanay
1. Ano-anong mga katangian at kapintasan ng mga Pilipino ang
inilalarawan ni Rizal sa akda sa unang kabanata? Masasalamin pa rin
ba ang mga katangian at kapintasan ng mga Pilipino sa kasalukyan ang
mga katangian o kapintasang nabanggit sa akda? Bakit?
2. Ano ang kaugaliang Pilipino ang nabanggit sa akda na nakikita pa rin sa
kasalukuyan? Patunayan.
3. Ano ang pamamalakad ng pamahalaan noon na nangyayari pa rin sa
ngayon? Patunayan.
4. Bilang mananampalataya, paano mo pinamamahaalaan ang tiwala sa
Diyos sa kabila ng mga pagssubok o dagok sa buhay?
5. Saa ngayon, paano mo pinangasiwaan ang pagmamaupit ng iba sa inyo?

H. Paglalapat
Isusulat ng mga mag-aaral sa taong hugis na papel ang kanilang
natatanging kakayahan sa sarili na alam nilang tunay na
pagkakakilanlan nila. Ibabahagi ito sa klase.

IV- EBALWASYON
Panuto: Basahin ang kwento sa ibaba na pinamagatang “Kwento ni Mabuti.”
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat ng
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

KWENTO NI MABUTI
ni: Genoveva Edroza Matute

Umiikot ang istorya sa isang gurong tinatawag na Mabuti. Hindi man ito ang
kaniyang tunay na pangalan, ngunit ito ang naging tawag sa kaniya dahil hilig niyang
banggitin ang “Mabuti” sa kaniyang mga sinasabi. Marami rin siyang kuwentong mabuti,
kabilang ang kuwento ng kaniyang anak na nais niyang maging doktor.

Maraming humahanga kay Mabuti at kabilang ang mag-aaral na si Fe. Bilib


siya sa husay sa pagtuturo ng paboritong guro. Ngunit mayroong matutuklasan
si Fe tungkol sa kaniyang idolo. Isang araw kasi, mayroong problema si Fe. Umiiyak siya
noon sa silid-aklatan ng paaralan. Mababaw lang naman ang hinaharap niya
ngunit sadyang iyakin si Fe. Dumating ang gurong si Mabuti at nakinig sa salaysay ni Fe.
Maya-maya pa ay naiyak na rin si Mabuti. Nabanggit niyang mabuti na
lamang ay mayroon siyang kasamang umiyak. Nalaman ni Fe na kahit ang isang guro ay
mayroon ding suliranin. Nalaman niyang pangalawang asawa lang si Mabuti.

Namatay ang asawang doktor ng guro at doon nito nalamang hindi siya ang orihinal
na asawa. Hindi niya magawa ang burol sa kanilang bahay dahil ang orihinal na pamilya
nito ang nakapiling sa kaniyang mga huling sandali. Gayunman, lumipas man ang
panahon, idolo pa rin ni Fe ang paboritong guro at lagi niyang naiisip ang kuwento ni
Mabuti.
1. Matapos basahin ang kwento, anong damdamin ang nangingibabaw rito?
A. kagalakan B. kasiyahan
B. kalungkutan D. kasiglahan
2. Anong bisang pampanitikan ang nakapaloob sa sumusunod na pahayag?
A. Pandamdamin C. Pangkaisipan
B. Pangkaasalan D. Wala sa nabanggit
3. Anong tunggalian ang nangingibabaw sa kwentong nabasa?
A. tao laban sa sarili C. tao laban sa lipunan
B. tao laban sa kapwa D. Wala sa nabanggit
Para sa aytem 4-9, ibigay ang kahulugan ng sumusunod na nakahilig na
matatalinghagang salita.
4. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay.
A. dalisay C. kaayusan
B. kagandahan D. kabutihan
5. Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig.
A. narinig C. nasambit
B. naisigaw D. naibulong
6. Nakasasaling ng damdamin.
A. nakadadala C. nakakagana
B. nakadadamay D. nakaaagaw
7. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang
isangpilit na ngiti sa kanyang labi.
A. namutla C. nanginig
B. namula D. natuliro
8. Ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon.
A. nagpatuloy C. humadlang
B. nagpatigil D. tumulak
9. Sa
hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko
ang lahat.
A. walang sapat na katibayan C. walang sapat na kagalingan
B. sapat na kaalaman D. di sapat na pagsusuri
10. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng guro MALIBAN SA ISA.
A. mabait C. maunawain
B. mahusay D. masunurin

V- TAKDANG ARALIN
Basahin at unwain ang kabanata 16 – 18. Ilarawan ang pangunahing
tauhan sa bawat kabanatang nabanggit. Isulat sa kwaderno ang inyong sagot.
SUSI SA PAGWAWASTO

Ebalwasyon
1. B 6. A
2. A 7. A
3. C 8. C
4. B 9. A
5. A 10. D

You might also like