Mabentang Lalaki

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Mabentang Lalaki: Komersiyal na Maskulinidad at Espasyong Pambenta sa Kalunsuran ng

Pilipinas

REUBEN RAMAS CAÑETE

Popularity is seductively easy to understand if we persist in the fallacious belief that we live in a
homogeneous society and that people are fundamentally all the same. But it becomes a much
more complex issue when we take into account that late capitalist societies are composed of a
huge variety of social groups and subcultures, all held together in a network of social relations in
which the most significant factor is the differential distribution of power.

-John Fiske (Telemon Culture, 1987)

-Ang sanaysay na ito ay isang pagpapalaganap ng mga konsepto ng espasyo at kasarinlan sa


kulturang Pilipino na sinimulan ni Edson Roy Cabalfin, Jr. Sa kanyang tala na "Mala-baklang
Espasyo sa Arkitekturang Filipino: Este tika, Morpolohiya, Konteksto," isinasaad niya na ang
mga espasyong pam- publiko katulad ng overpass at basketball court ay "tinitingnan bilang
isang dinamikong pangyayari.

-Hindi na tayo kai- langang manatili sa pagkabulag ng takot, na ang espasyo ay natural sa
suma- sailalim na pagbabagong-anyo. Hindi natin ito maitatatwa" (Cabalfin 2003, 207).

-Kaya't ang mga espasyo katulad ng overpass at basketball court ay ipinagdiwang bilang mga
lugar na hindi itinuturing na "itim o puti lamang," "bukas o sarado," o "pampubliko o
pampribado," nguni't bilang mga espasyo na "sensitibo sa mga pagpapahalaga, sensibilidad,
pangangailangan, adhikain, at pagkatao ng mga Filipino" (ibid., 209).

-Isa na rito ang pagturing ng espasyo bilang kodigo ng kasarinlan, isang bagay na tinukoy ni
Cabalfin sa kanyang umaapekto mga konsepto ng "mala-baklang espasyo" laban sa
"espasyong bakla," na parchong iniisip ang salitang "bakla" bilang isang pamantayan sa
kaisipang Multi-functional, na nag-uugat sa pag-iisip o gawain ng mga bakla bilang ka- kaiba.

-Kailangang ilunsad ang pana- naw na ang kasarian" (nakapako man sa isang konsepto o hindi)
ay hindi nauugnay sa iisang espasyo, kundi, ayon sa kaisipan ni Beatriz Collomina, paano ba
natuturing ang konsepto ng espasyo sa katanungan ng kasarian-

-Mahalagang pag-usapan ito dahil sa mabilis na pagbabago ng espasyong kalunsuran o urban


space sa Pilipinas sa nakaraang dalawampung taon.

-Bago ang taong 1972, dalawang lungsod lamang sa Pilipinas ang may popu lasyon na lagpas
isang milyon, ang Maynila at Lungsod Quezon. Sa kasalu- kuyan, lagpas dalawangpung
lungsod na ang nasa listahan nito. Ibig sabihin, sa loob ng limampung taon, aabot ng
walumpong porsyento ng populasyon ng Pilipinas ang titira sa mga kalunsuran.
-ESPASYONG PAMBILI AT ANG KALUNSURAN
-Matutukoy natin ito kapag tiningnan natin ang mga pagbabago ng retail space o "espasyong
pambenta," sa mga kalunsuran sa panahon mula noong matapos ang People Power Revolution
ng 1986 hanggang sa kasalukuyan (2007).

-Madalas itinuturing natin ang espasyong ito na "tindahan," nguni't hindi katulad ng konsepto ng
isang tindahan sa Kanlu ran (kung saan tumutukoy ito sa isang silid na harap sa kalye, at
merong bin tana, tarapal na pantawag pansin, at pintuan sa harapan; mga pader sa gilid; at
bubong o pangalawang palapag sa itaas), maraming uring espasyong pambenta ang makikita
sa isang lungsod sa Pilipinas.

-Ang kalsada ay nagiging espasyong pambenta rin, kung saan ay mga "yosi boy" at iba pang
ambulant vendors ay biglang susulong sa daan kapag nakahinto ang trapik upang mag-alok sa
mga nakasakay sa jeepney, kotse, o bus ng sigarilyo, kendi, juice, mineral, hopia, mani,
popcorn, bulaklak, laruan at pati na rin DVD. At siyempre, tinukoy din ni Cabalfin ang overpass
bilang isa pang espasyong pambenta. Para sa ating diskusyon, tututukan natin ang penomenon
ng "supermall bilang espasyong pambenta.

-Ang dalawang dekadang sinasaklawan ng 1987-2007 ay nagresulta sa pagtayo ng malalaki't


mamahaling tindahan at shopping mall. Ang mga espasyong pam- bili na ito, katulad ng mga
"supermalls," ay naglalaman ng hindi lamang mga tindahan at kainan, kundi pati na rin mga
sinehan, pasyalan, munting parke't plaza (na madalas ay may programa, katulad ng konsyerto,
kontest, o live broadcast ng isang TV show), laruan ng video, at minsan pa nga mga simbahan
(madalas kapag Linggo).

-Nagsimula ito sa Europa noong ika-19 dantaon bilang mga "gallerias" at "arcades" na resulta
ng pagpapatayo ng bubong sa isang kalyeng may mga tindahan upang hindi mabasa ang mga
kostumer nito.

-Noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon, ang paglaganap ng suburban housing at superhighways


sa Estados Unidos ay nangangailangan ng panibagong uri ng galleria/arcade na maaring pag-
parkingan ng kotse

-Ang unang tinaguriang supermall sa Pilipinas, ang ShoeMart (o mas

kilala sa simpleng "SM") City North EDSA, ay nabuksan noong Enero 1987. Unti-unti itong
nadagdagan ng mga gusali hangga't umaabot na ang lawak nito ng anim na ektarya. Ang SM
Group na pinalago ng taipan na si Henry Sy ang pinaka-agresibong real estate developer ng
supermalls sa Pilipi aas ngayon, Lima ang supermalls nila sa Metro Manila pa lamang ang SM
City North, SM Megamall (binuksan noong 1992), SM Alabang (binuksan goong 1997), SM San
Lazaro (binuksan noong 2002), at SM Mall of Asia (binuksan noong 2006). Hindi pa kasali rito
ang mas maliliit na SM malls at department stores katulad ng nasa Cubao, Makati, Manila, at
Bicutan. Ang pamapangalawang supermall developer ay ang Robinson's Land, na nasa
pamumuno ng taipan na si John Gokongwei. Ang pangatlo ay ang Ayala Land na
pinamumunuan ng mestizong angkan ng Zobel de Ayala.

-Sa unang tingin, ang supermalls na ito ay maituturing "mala-bakla" dahil sa pababago-bago at
sa pagka-multifunctional ng kanilang espasyo.

-Sa loob ng isang malaking bubungan ay parang pilit isinisiksik ang buong lipu- nang Pilipino
upang mamamahinga, magpapalamig, o maglilibang.

-Di maiwasang pansinin na ang karamihan ng mga pumupunta sa supermall ay kabataan,


kasama ng kanilang mga mas nakatatanda, o mas madalas, kasama ng kanilang mga barkada.

-Makikita rin natin ang kaugnayan ng espasyo, kasarinlan, at komersyo sa mga lugar na ito,
kung papansinin natin ang iba't ibang tindahan na may espesyal na paninda na para lamang sa
mga tukoy na kasarian: ika nga, mga hit at hers na pook sa supermall kung saan makahahanap
at makabibili ka ng mga abubor, katulad ng c tume jewelry, underuar, pabango, scented candle,
o damit na may disenyo. Ngunit kahalo sa mga ligaya nito ay may mas madidilim na
pangyayari.

-Ang paggamit ng kabataan sa naipong salapi upang gumasta sa mga pansamantalang


kaligayahan ay lalong tumind nitong pagpasok ng bagong milenyo, na nagbunsod sa
pagyabong ng bu ness process outsourcing o mas kilala na call centers sa mga sentro katulad
ng Makati (Ayala Avenue), Lungsod Quezon (Libis), at Cebu (Lahug).

-ANG EKONOMIYA NG PAGNANAIS: KOMERSIYAL NA MASKULINIDAD

Dito pumapasok ang konsepto ng sekswalidad (na kaakibat ng kasarian, nguni't mas tutok ito
sa pagsisiyasat sa sariling representasyon, lalo na sa pangangatawan o body at pananabik o
desire) bilang dinamikong aspekto sa pakikipag-ugnayan ng kultura at ekonomiya sa espasyong
pambili.

-halaga (value) ng isang kultural na produkto (katulad na lang ng sine, o mga dalawang moda:
ang halagang panggamit (use value). at ang halagang pampalit (exchange value). Malinaw ang
talakayan ni Terry dam) bilang isa sa c Nowell (1983, 57) tungkol sa mga aspektong ito:

-Ang pagkakaiba sa "klasikal" na Marxistang pananaw sa relasyon ng hala gang panggamit at


halagang pampalit, at sa kontemporaryong pagtingin ng mga mala-Marxistan iskolar ng pag-
aaral ng kultura, ay nakabatay sa pagkakaintindi ng produkto bilang kakaiba at iba-iba, na ayon
kay Novell, ay hindi sistematikong napag-aralan ni Marx. Ito ay nauugat sa kahirapan na sipin
ang produkto hilang pagmamay-ari lamang ng isang gumagawa. Ayon pa kay Novell (1998,
477).
-Ang pagbibigay ng halaga sa isang produkto ay nakabatay sa iba-ibang konsiderasyon: Maaari
nating isipin na ang pangangailangan para sa wing produkto ay nagtutulak ng mga kostumer
upang gumasta o maghanap ng singkatulad nito, pero mas mura.

-Simula noong 1987, nang binuksan ni Ben Chan ang una niyang tindahan ng Bench sa loob ng
SM Makati, ito ay ang pinaka-agresibong nagpalaganap ng konsepto ng lalaki bilang obheto ng
pagnanais sa mga kostumer.

-ang lalaki bilang object at katuwang sa pagtibay ng neoliberalist lifestyle na pumasok kasabay
ng EDSA Uno. Sa pagtatalakay niya kay Richard Gomez sa mito ng "pagka- lalaki," tinukoy ni
Rolando Tolentino ang Bench ad ni "Goma" (ang kilalang palayaw ng ngayo'y kumakandidato
bilang Senador) bilang representasyon ng lalaki na tila naghahanap ng katalik o kakosa upang
makamtan ang kan yang sentral na "pagkalalaki:"

-Hindi lamang si Goma ang lalaking pinaunlakan ng Bench na maging image model nila.
Nariyan din si Joemari Yllana, Diether Ocampo, Jon Hall, Mare Nelson, Antonio Aquitania,
Wendell Ramos, Jay-R, Richard at Raymond Gutierrez, Sam Milby, Rafael Rosell, Zanjoe
Marudo, at marami pang iba. Sa katunayan, umunlad na ang Bench, at hindi lamang "damit"
ang binebenta nito. Pabango, relos, styling gel, make up, at ang pinakakilala nilang produkto,
ang underwear, ay makikita sa mga iba-ibang Bench stores sa SM, Robinson's, o Ayala
supermalls, kung saan madalas silang makita sa pinakasentro't pinakamalaking mga
espasyong paninda nito. Meron

-Kataga ng mga billboard ads sa labas, ang Bench stores ay may mga beckit displays sa loob
ng kanilang mga tindahan (na madalas ay malalaki at maluluwag kumpara sa mga ordinaryong
tindahan ng damit sa mall) na umuulit sa mga imahen na nakapaskil sa billboards.

-Ito ay nagpapakita hindi lamang ng mga modelo na "nakasuot ng mga damit at underwear,
kundi ang katanyagan na nagreresulta sa pagsuot nito ng mga "tunay na lalaki."

-Ang atraksyon ng Bench ay nagmumula sa mga daring nitong ads, na kung saan ang
ordinaryong damit katulad ng pantalon ay nabibigyan ng halagang sekswal dahil sa pagpapakita
nito sa konteksto ng mga lalaking kanais-nais.

-Ang underwear fashion shoes ng Bench ang siyang kinikilala hindi lang bilang kaganapan sa
industrya ng pananamit sa Pilipinas, kundi lang pinalawak na plataporma sa pagbenta ng
imaheng lalaki. Malakas na musika't mga mala-circus o di ba'y mala-gay bar na mga numero
ang mara ranasan ng libo-libong manunuod nito mula noong 2003.

You might also like