Oratorical Speech
Oratorical Speech
Oratorical Speech
CSE presents sexuality with a positive approach, emphasizing values such as respect,
inclusion, non-discrimination, equality, empathy, responsibility and reciprocity. It
reinforces healthy and positive values about bodies, puberty, relationships, sex and
family life.
Mandato kasi ng Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Act of 2012
(Republic Act 10354) ang pagkakaroon ng angkop na reproductive health education. Kabilang
sa mga dapat talakayin dito ang mga isyung tulad ng proteksyon mula sa maagang
pagbubuntis, pang-aabusong sekswal, gender-based violence, at responsableng asal. Upang
gabayan ang paghahatid ng CSE, nilabas ng DepEd ang DepEd Order No. 31 s. 2018.
Bilang Chairman ng Committee on Basic Education, Arts and Culture sa Senado, noon pa natin
ibinigay ang babala na ang pagpapatupad ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic ay
maaaring maging sanhi ng lalong pagdami ng mga batang ina. Iniulat ng POPCOM na noong
2020, mahigit 2,000 mga sanggol ang isinilang ng mga batang ina sa Cordillera, mas mataas ng
46.43 porsyento mula sa mahigit 1,600 na isinilang noong 2019.
Para sa taong 2019, ang mga menor de edad na 15 pababa na naging ina ay mahigit 62,510
mula sa 62,341, base sa ulat ng POPCOM. Ayon pa sa komisyon, mahigit 2,000 na mga batang
may edad na 10 hanggang 14 ang nanganak noong 2019, mas mataas ng tatlong beses mula
sa 755 na naitala noong 2000.
Ang kagandahan ng Republic Act No. 11510, o ang Alternative Learning System Act, kung saan
ang inyong lingkod ang pangunahing may-akda at sponsor, ay nagbibigay ito ng pagkakataon
sa mga batang ina na muling makapag-aral.