Tungkulin at Antas NG Wika
Tungkulin at Antas NG Wika
Tungkulin at Antas NG Wika
Lingayen Campus
Lingayen Pangasinan
FIL 101
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Unang Semestre, Taong-Panuruan 2022-2023
Nilalaman:
1. Tungkulin ng Wika
2. Antas ng Wika
TUNGKULIN NG WIKA
Dito natin malalaman kung paano nagagamit magagamit nang mabisa ang wika sa iba’t
ibang uri ng sitwasyon o pagkakataon sa paraang pasalita man at pasulat.
1. Personal
Ginagamit ng tao ang wika upang maipahayag ang sariling damdamin at opinyon.
Halimbawa:
Ikanalulungkot ko ang pagbaba ng aking marka.
Ang pangungurakot ng mga namumuno sa pamahalaan ang puno’t dulo ng paghihirap
ng bansa.
2. Regulatori
Ito’y gumagabay at kumokontrol sa kilos at asal ng tao.
Halimbawa:
Tumawid sa tamang tawiran upang hindi mahuli ng pulis.
Mag-ingat sa pananalita upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa.
3. Intsrumental
Tumutugon sa pangangailangan ng tao at ang wika ay ginagamit sa pag-uutos at
pakikipagkapwa ng tao.
Halimbawa:
Mag-aral kang mabuti upang tumaas ang iyong mga marka.
Paki-ayos ang mga gamit mo upang malinis at maayos tingnan ang iyong silid.
4. Imahinatibo
Nagagamit ang wika sa pagsulat at pagbigkas ng mga akdang masining at
matalinhaga.
Halimbawa:
Kumikinang na mga tala sa langit abg kanyag mga mata na nakaakit sa aking pagtingin
kasama ang kanyang mga ngiti.
5. Interaksyunal
Ang wika ay ginagamit sa pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa
kapwa tao.
Halimbawa:
Kumusta ang unang araw mo sa pagpasok sa kolehiyo?
Ano ang balita sa iyo?
6. Impormatib
Ginagamit ang wika bilang tagapagpahayag o tagapagbigay ng datos o
impormasyon sa kapwa.
Halimbawa:
Ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2015 ay “Filipino: Wika ng
Pambansang Kaunlaran.”
7. Heuristiko
Ginagamit ang wika sa paghahanap ng impormasyon o datos tulad ng pagtatanong,
pananaliksik at pag-aaral sa pamamagitan ng sarbey at pakikipanayam.
Halimbawa:
Bilang kabataan, ano-ano ang mga katangiang hinahanap mo sa isang pangulo ng
bansa?
ANTAS NG WIKA
Ang antas ng wika ay sumasailalim sa katayuan ng tao sa isang lipunan. Ito ay malalaman
natin kung gaano ginagamit ng mga tao ang isang salita o paano iniaangkop ang mga salitang
ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon.
Ayon sa aklat ni Garcia, et al. (2010) narito ang dalawang hati ng antas ng wika:
1. Pormal – salitang ginagamit at kinikilala ng pamayanan, ng bansa at maging ng buong mundo.
Mauuri naman ito bilang:
a. pambansa – opisyal na wika ng bansa; naisabatas o ginagamit na upang mabigyang
kahulugan ang mga batas.
b. pampanitikan – karaniwang matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na may
matayog, malalim, at masining na uri ng mga salitang ginamit.
2. Impormal – tawag sa salitang simple, palasak at ginagamit sa pang-araw-araw na
komunikasyon. Mauuri ito bilang:
a. lalawiganin – diyalektal ang karaniwang tawag sa salitang ito. Palasak at natural sa
parrikular na lugar ngunit maaaring hindi maintindihan o iba ang ibig sabihin sa isang lugar/ sa
iba.
Halimbawa:
Daga (Bikol) – lupa
Daga (Tagalog – hayop
c. balbal – pinakamababang antas; bagamat kung susuriin ay mas mataas kaysa bawal
o bastos na salita. May iba’t ibang paraan ng pagbuo ng salita:
1. Paghihiram sa mga wikang banyaga
Flower at butterfly (Ingles) para sa “babae at lalaki”
Cats at dog (Ingles) para sa “pag-aaway
4. Pagbabaligtad/Metatesis
a. buong salita
tinapay – yapanit
patay – yatap
buntis – sitnub
b. pagpapantig
talak – kalat
tigas – astig
baka – kaba
8. Epinoms – ito ay mga salitang nalikha mula sa ngalan ng isang tao,. Dala ng salitang nalikha
ang katangian o partikular na pagkakakilanlan sa pinaghanguang pangalan.
Halimbawa:
PSUnian Vilmanian
Lycean Sharonian
9. Paglalapi - ang isang punong salita ay napararami at nanganganak.
buhay (s.u.) gabi (s.u.)
nabuhay ginabi
buhay-buhay gabi-gabi
hanapbuhay hatinggabi
10. Paggamit ng Numero – ang paggamit ng mga bilang sa pasalita at pasulat na pagpapahayag
ay may mga ibig sabihin o ipakahulugan.
1 2 3 – naloko o naisahan
1 4 3 – I love you
5 6 – tubo sa pautang
29 – balisong
45, 38, 22 – baril