Ap Module 8 Week 8

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Pagkakatatag ng
Unang Republika ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raiza O. Lopez


Patnugot: Rosalin S. Muli EdD, CESE
Ricky C. Balingit
Tagasuri: Janet Y. Paras
Romeo P. Lorido
John Paul C. Paje EdD
Bryan M. Balintec
Tagaguhit: Shane Reza M. Amath
Tagalapat: Jacqueline E. Libut
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby M. Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Pagkakatatag ng
Unang Republika ng Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagkakatatag ng Unang Republika ng
Pilipinas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
ika-21 siglong mga kasanayan habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagkakatatag ng Unang Republika ng
Pilipinas!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Pagkatapos ng tatlong daan at tatlumpu’t tatlong (333) taong pagkakasakop


sa atin ng mga Espanyol, ang inaasam na kalayaan ay naideklara noong Hunyo 12,
1898. Ito ang panahon na ang bansang Pilipinas ay naging malaya para pamunuan
ang sariling bansa ng mga Pilipino.

Sa modyul na ito, malalaman ninyo ang mga pinagdaanan ng pagkakatatag


ng Unang Republika ng Pilipinas.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga pinagdaanang proseso ng pagkakatatag ng Unang


Republika;
2. naisasabuhay ang pagiging isang mabuting Pilipino base sa mga aral ng
kasaysayan; at
3. naipapahayag ang sariling opinyon o damdamin tungkol sa paksa sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang liham.

Mga Tala para sa Guro

Ang inyong patnubay at pagsubaybay ay kinakailangan


ng iyong mag-aaral upang matutuhan niya ang mga aralin at
masagutan ng wasto ang mga Gawain sa kagamitang ito.

1
Subukin

Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.

1. Sino ang naging pangulo ng Unang Republika?


A. Emilio Aguinaldo
B. Felipe Calderon
C. Apolinario Mabini
D. Mariano Ponce

2. Sino ang sumulat ng Saligang Batas na nagtadhana ng isang Republikang


Pederal?
A. Emilio Aguinaldo
B. Felipe Calderon
C. Apolinario Mabini
D. Mariano Ponce

3. Sino ang namuno sa Kongreso ng Malolos?


A. Emilio Aguinaldo
B. Felipe Calderon
C. Apolinario Mabini
D. Pedro Paterno

4. Sino ang nagpayo kay Aguinaldo na magtatag ng Pamahalaang Diktaduryal?


A. Emilio Aguinaldo
B. Felipe Calderon
C. Apolinario Mabini
D. Pedro Paterno

5. Ano ang naging taguri o tawag kay Apolinario Mabini?


A. Dakilang Lumpo
B. Utak ng Katipunan
C. Dakilang Tagapayo
D. Kuya ng Rebolusyon

6. Ano ang unang republika sa Asya?


A. Republika ng Biak-na-Bato
B. Republika ng Pilipinas
C. Republika ng Borneo
D. Republika ng Tsina

7. Bakit pinalitan ng pamahalaang rebolusyunaryo ang pamahalaang diktaturyal?


A. Upang mas maging malakas ang kapangyarihan ng pangulo
B. Upang maitayo ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan
C. Upang maging sikat sa buong mundo
D. Upang kilalanin ng mga Espanyol

2
8. Alin sa mga sumusunod ang magiging tungkulin ng Kongreso ng Malolos?
A. Tagapagpatupad ng batas
B. Tagahuli ng mga kriminal
C. Tagagawa ng mga batas
D. Tagapayo ng pangulo

9. Bakit hindi kinilala ng mga Amerikano ang Unang Republika?


A. Dahil ito ay walang silbi
B. Dahil ito ay sakop pa rin ng mga Espanyol
C. Dahil mas makapangyarihan sila sa Pilipinas
D. Dahil may balak silang sakupin ang bansa natin

10. Ano ang mga nagagawa ng mga Pilipino ng pasinayaan ang Unang Republika?
A. Malaya nang pumili ng kanilang nais na relihiyon
B. Naipapatupad ang mga batas na ginawa sa bansa
C. Nakagagawa na ng batas
D. Lahat ng nabanggit

Para sa Tagapagdaloy:
Ipasagot sa mag-aaral ang
paunang pagsusulit. Ipagpapatuloy
lamang ang mga gawain kung hindi
nasagot ng tama ang lahat.

3
Aralin
Pagkakatatag ng Unang
1 Republika ng Pilipinas

Sa matagal na panahong pananakop at pang-aapi ng mga Espanyol sa mga


Pilipino, maraming mga bayaning Pilipino ang nagbuwis ng buhay upang makamit
ang inaasam na kalayaan.

Balikan

Pagkatapos ng matagal na panahong pagkakasakop sa atin ng mga Espanyol,


ang inaasam na kalayaan ay naideklara noong Hunyo 12, 1898. Sa kauna-unahang
pagkakataon, naiwagayway ang watawat ng bansa na ginawa nina Marcela Agoncillo
at pinatugtog ang pambansang awit na nilikha ni Julian Felipe.
Ito ang panahon na ang bansang Pilipinas ay magiging malaya na para
pamunuan ang sariling bansa ng mga Pilipino.
Sa pagkakadeklara ng ating kalayaan, matinding ligaya ang naramdaman ng
mga Pilipino dahil ito ang inaasam na kapalit ng maraming buhay na ibinuwis upang
makamit lamang ito.

Piliin sa loob ng panaklong ang tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.
1. Noong Hunyo 12, 1898, naideklara ang ating kasarinlan sa (Kawit, Cavite o
Malolos, Bulacan?
2. Si (Apolinario Mabini o Hen. Emilio Aguinaldo) ang pinuno ng bansa nang ideklara
ang kasarinlan nito.
3. Ang pagdeklara ng kasarinlan ay hudyat ng pagtatapos ng mahigit 300 taong
pagkakasakop sa atin ng mga (Amerikano o Espanyol).
4. Ang (Bandang Bata o Banda Matanda) ang unang tumugtog ng pambansang awit
ng ideklara ang kasarinlan.
5. Ang tula na isinulat ni Jose Palma na pinamagatang (Ang Bayan Ko o Filipinas)
ang naging titik ng pambansang awit.

4
Tuklasin

Pagtatag ng Pamahalaang
Pakikipagpulong ni Aguinaldo
Diktaturyal at
kay Komodor George Dewey
Rebolusyon-aryo

Pagtatag ng Kongreso ng Pagkakatatag ng Unang


Malolos Republika ng Pilipinas

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga pinagdaanan ng bansa bago maitatag ang Unang Republika?
2. Ano-anong uri ng mga pamahalaan ang naitatag sa bansa?
3. Naging madali ba ang proseso ng pagtatag ng Unang Republika?

5
Suriin

Alinsunod sa nilalaman ng Kasunduan sa Biak-


na-Bato, nagtungo sa Hong Kong sina Aguinaldo
kasama ang 36 na iba pang rebolusyonaryo noong
Disyembre 27, 1897 at pansamantalang natigil ang
labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol.
Bumalik sa Pilipinas si Aguinaldo noong Mayo
19, 1898 ayon na rin sa utos ni Komodor George Dewey
na siyang pinuno ng plota ng mga Amerikano sa
silangan.
Nagpulong ang dalawa sa barkong Olympia sa
baybayin ng Cavite kung saan ipinahayag ni Dewey na
ang tanging layunin ng mga Amerikano ay tulungan itong makalaya sa mga
Espanyol.

Itinatag ni Aguinaldo ang isang Pamahalaang


Diktaturyal noong Mayo 24, 1898 na naglalayong
muling mapag-isa ang mga rebolusyonaryo sa ilalim
ng isang republika.
Sa payo ni Apolinario Mabini na tinatawag na
Dakilang Lumpo at Utak ng Himagsikan, pinalitan
noong Hunyo 23, 1898 ang Pamahalaang Diktaturyal
ng Pamahalaang Rebolusyonaryo na pinangunahan
ni Aguinlado bilang isang pangulo sa halip na isang
diktador.
Naipatupad ang pagtatayo ng iba’t ibang
sangay ng pamahalaan tulad ng pamahalaang lokal at kongreso.

Pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain, Malolos,


Bulacan ang kongreso noong Setyembre 15, 1898 na
tinawag na Kongreso ng Malolos. Ito ay pinamunuan ni
Pedro Paterno. Ayon sa dekretong lumikha rito, wala
itong kapangyarihang gumawa ng batas at
magsisilbing tagapayo lamang ng pangulo.
Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Saligang
Batas ng Malolos noong Enero 21, 1899 na isinulat ni
Felipe Calderon, nagwakas ang Pamahalaang
Rebolusyonaryo at itinatag ang Unang Republika ng
Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan.

6
Ang itinatag na republika ay binubuo ng tatlong
sangay: ang tagapagpaganap o ehekutibo, tagapagbatas
o lehislatibo at hudikatura. Magkakahiwalay ang
kapangyarihan ng mga ito. Pinaghiwalay din ang
tungkulin ng simbahan sa tungkulin ng estado. Ang
mga karapatan ng tao, kapangyarihan at tungkulin ng
mga opisyal ng pamahalaan ay nakasulat din dito.

May kalayaan ang mga mamamayan sa


pagpili ng kanilang relihiyon. Ang kapangyarihan
sa paggawa ng batas ay nakaatang sa asemblea
at ang mga kasapi nito ay inihalal ng mga tao.
Ang El Heraldo de la Revolucion ang
opisyal na pahayagan ng Unang Republika na
itinatag upang maiparating ang adhikain ng mga
Pilipino sa republika.
Marami ring mga pribadong pahayagan
ang lumabas gaya ng La Independencia ni
Antonio Luna, La Republica Filipina ni Dr. Pedro
Paterno at mga panlalawigang pahayagan na El
Nuevo Dia ni Sergio Osmeña.
Isang sistema ng walang bayad at
sapilitang edukasyong elementarya ang
itinadhana ng Saligang Batas. Itinatag ang
Military Academy sa Malolos para sa mga hukbo
at ang Liberty University of the Philippines.

Hindi nagtagal ang mahusay na pamamalakad sa republika dahil


nakipaglaban muli ang mga magigiting na pinuno ng republika nang sumiklab ang
digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Nadakip si Pangulong Emilio
Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901. Pinalitan siya ni Heneral
Miguel Malvar na nahuli rin noong Abril 16, 1902 na naging hudyat ng pagwawakas
ng Unang Republika ng Pilipinas o tinatawag ring Republika ng Malolos.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang tawag sa kongreso na pinasinayaan noong Setyembre 15, 1898?
2. Sino ang nagsilbing pinuno ng kongreso?
3. Ano ang pinagtibay noong Enero 21, 1899 na nagtakda ng pagwawakas ng
Pamahalaang Rebolusyonaryo?
4. Ano ang ibang tawag sa Unang Republika ng Pilipinas?
5. Ano-ano ang mga pagbabago sa bansa at sa pamumuhay ng mga Pilipino na
naranasan sa pagkakatatag ng Unang Republika?

7
Pagyamanin

Gawain A
Punan ng tamang sagot ang patlang. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain noong Enero 23, 1898 ang


_______________________________.
2. Si _______________________________ ang nahalal na pangulo ng Unang
Republika.
3. Si _______________________________ ang tagapayo ni Aguinaldo at
tinaguriang Utak ng Himagsikan.
4. Si _______________________________ ang humalili kay Aguinaldo bilang
pangulo nang siya ay madakip sa Palanan, Isabela.
5. Ang _______________________________ ang opisyal na pahayagan ng Unang
Republika ng Pilipinas.

Gawain B
Pagtambalin ang mga kaisipang magkaugnay sa Hanay A at B. Isulat ang titk
ng tamang sagot sa papel.
HANAY A HANAY B
_______1. Antonio Luna A. El Nuevo Dia
_______2. Pedro Paterno B. La Independencia
_______3. Sergio Osmeña C. La Republica Filipina
_______4. Apolinario Mabini D. Unang pangulo ng Unang Republika
_______5. Emilio Aguinaldo E. Utak ng Himagsikan
F. La Solidaridad
Gawain C
Buuin ang graphic organizer na nagpapakita ng tatlong sangay ng
pamahalaan noong panahon ng Unang Republika. Isulat ang iyong sagot sa papel.

1. __________________

Tatlong Sangay ng Pamahalaan 2.__________________

3. __________________

8
Gawain D
Lagyan ng bilang 1-4 ang mga larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa ating kasaysayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

3 3

3 3

Gawain E
Isulat sa iyong papel kung TAMA o MALI ang pahayag.

_______1. Ang Unang Republika ay kilala rin bilang Republika ng Malolos.


_______2. Kinilala ng mga Amerikano ang Unang Republika ng Pilipinas.
_______3. Ang Unang Republika ng Pilipinas ang kauna-unahang republika sa buong
Asya.
_______4. Pinasinayaan ang Unang Republika sa Kawit, Cavite.
_______5. Ang Unang Republika ng Pilipinas ay republika ng mga Pilipino para sa
mga Pilipino.

9
Gawain F
Bumuo ng isang timeline ng mga pangyayari tungo sa pagkakatatag ng
Unang Republika. Gamiting gabay ang mga petsa upang maisulat ang tamang
pangyayari sa loob ng kahon. Isulat ang mga sagot sa iyong papel.

Disyembre 27, Mayo 24, Enero 21,


1897 1898 1899

Mayo 19, Hunyo 23,


1898 1898

Isaisip

Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng _________________________ noong Enero


21, 1899 na isinulat ni Felipe Calderon, nagwakas ang Pamahalaang
Rebolusyonaryo at itinatag ang _________________________ sa Simbahan ng
Barasoain, Malolos, Bulacan.

Bagamat hindi kinilala ng mga _______________________ at ibang banyagang


bansa, ang Unang Republika ng Pilipinas ay isang tunay na Republika ng
Pamahalaang Pilipino at para sa mga Pilipino. Ito ay may tatlong sangay, ang
_______________________, _______________________ at _______________________.

Mahusay sana ang pagpapatakbo nito ngunit ito ay hindi nagtagal. Nadakip
si Emilio Aguinaldo sa _______________________noong Marso 23, 1901.

10
Isagawa

Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang hugis puso. Sumulat ng isang


pangako sa loob ng puso kung paano ka magiging mas mabuting mamamayan ng
bansa matapos mong malaman ang mga pinagdaanan nito bago maitatag ang Unang
Republika.

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

11
Tayahin

Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita na bubuo sa diwa ng pahayag. Isulat
ang iyong sagot sa papel.

tagapagpaganap Saligang Batas ng Malolos Hudikatura


Simbahan ng Barasoain Pedro Paterno Emilio Aguinaldo
Apolinario Mabini tagapagbatas Antonio Luna
Heneral Miguel Malvar Amerikano Espanyol

Pinasinayaan sa 1._____________________ sa Malolos, Bulacan ang kongreso


noong Setyembre 15, 1898 na higit na nakilala sa tawag na Kongreso ng Malolos na
pinamunuan ni 2._____________________.

Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng 3._____________________noong Enero 21,


1899, nagwakas ang Pamahalaang Rebolusyonaryo at itinatag ang Unang Republika
ng Pilipinas.

Sa ilalim ng pamahalaang ito, ang kapangyarihang tagapagpaganap ay nasa


kamay ng pangulo katulong ang kanyang gabinete na pinamumunuan ni 4.
_____________________

Ang itinatag na Republika ay binubuo ng tatlong sangay: ang

5. _____________________, 6._____________________, 7._____________________..


Magkakahiwalay ang kapangyarihan ng mga ito.

Si 8. _____________________ang nagsilbing pangulo ng republika hanggang


madakip siya ng mga Amerikano sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901.

Si 9. _____________________ ang humalili sa kanya na nahuli rin noong Abril


16, 1902 na naging hudyat ng pagwawakas ng Republika ng Malolos.

Ang Unang Republika ay hindi kinilala ng mga 10._____________________.


Dahil dito, namulat ang mga Pilipino sa tunay na pakay ng mga Amerikano. Ito ay
ang sakupin ang Pilipinas at hindi ipagkaloob ang kalayaan nito.

12
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang liham pasasalamat sa mga bayaning nagsakrapisyo upang


makamit ang ating kalayaan. Isulat ito sa iyong papel.

_____________________________
_____________________________

________________________________

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

_____________________________
_____________________________

Rubriks sa Pagwawasto ng Karagdagang Gawain

5 4 3

Nilalaman Punong-puno ng Maganda ang mga


‘Di makatotohanan
ideya ideya

Napakaayos ng Maayos ang Medyo magulo ang


Organisasyon pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng
mga bahagi ng mga bahagi ng mga bahagi ng
liham liham liham

‘Di gaanong
Intensyon Napakalinaw Malinaw
malinaw

13
14
Rubrik sa pagwawasto ng Isagawa
5 4 3
Nilalaman Punong-puno ng ideya Maganda ang mga ‘Di makatotohanan
ideya
Organisasyon Napakaayos Maayos Medyo magulo
Intensyon Napakalinaw Malinaw ‘Di gaanong malinaw
Rubriks sa Pagwawasto ng Karagdagang Gawain
5 4 3
Nilalaman
Punong-puno ng ideya Maganda ang mga ideya ‘Di makatotohanan
Napakaayos ng Medyo magulo ang
Organisasyon Maayos ang pagkakasulat
pagkakasulat ng mga pagkakasulat ng mga
ng mga bahagi ng liham
bahagi ng liham bahagi ng liham
Intensyon Napakalinaw Malinaw ‘Di gaanong malinaw
Tayahin Gawain F
1. Simbahan ng Barasoain Disyembre 27, 1897 – Pumuntang Hong Kong si
2. Pedro Paterno Aguinaldo.
3. Saligang Batas ng Malolos Mayo 19, 1898 – Bumalik sa Pilipinas si Aguinaldo.
4. Apolinario Mabini Mayo 24, 1898 – Itinatag ang Pamahalaang
5. tagapagpaganap o ehekutibo Diktaturyal.
6. tagapagbatas o lehislatibo Hunyo 23, 1898 – Itinatag ang Pamahalaang
7. hudikatura Rebolusyonaryo.
8. Emilio Aguinaldo Enero 21, 1899 – Itinatag nag Unang Republika.
9. Heneral Miguel Malvar
10. Amerikano.
Gawain E Gawain C Gawain B Gawain D
1. MALI 1. Tagapagpaganap o 1. B
2. TAMA Ehekutibo 2. C 3 2
3. TAMA 2. Tagapagbatas o 3. A 1 4
4. MALI Lehislatibo 4. E
5. TAMA 3. Hudikatura 5.D
Isaisip Balikan Subukin
1. Saligang Batas ng Malolos 1. Kawit, Cavite 1. A
2. Unang Republika ng Pilipinas 2. Emilio Aguinaldo 2. B
3. Tagapagpaganap o Ehekutibo 3. Espanyol
3. D
4. Tagapagbatas o Lehislatibo 4. Banda Matanda
5. Hudikatura 5. Filipinas 4. C
6. Palanan, Isabela 5. A
Gawain A 6. B
1. Unang Republika ng Pilipinas 7. B
2. Emilio Aguinaldo 8. D
3. Apolinario Mabini 9. D
4. Miguel Malvar 10. D
5. El Heraldo de la Revolucion
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

"Araling Panlipunan K To 12 Curriculum Guide". 2020. Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/kenjoyb/araling-panlipunan-k-to-12-
curriculum-guide.

Antonio, Banlaygas, Dallo, Eleonor D., Emilia L., Evangeline


M.n.d. Binagong Edisyon -Kayamanan – 6. Manila,
Philippines: Rex Book Store.

Baisa-Julian, Lontoc, Ailene G. ,Nestor S. 2017. Bagong Lakbay Ng Lahing


Pilipino 6. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Koordineytor: Alma M. Dayag
Phoenix Publishing House.

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) – Teach Pinas. Teach


Pinas, 2020. https://www.teachpinas.com/ k-12-most-essential-learning-
competencies-melc/.

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be Contributor.


2020. "Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade 12 SY
2020-2021". Deped Click. https://www.deped-click.com/2020/05/most-
essential-learning-competencies.html.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region III
Learning Resource Management Section (LRMDS)
Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)

Telefax: (045) 598-8580 to 89


Email Address: [email protected]

You might also like