Araling Panlipunan: Pagpapahalaga Sa Mga Programa NG Pamahalaan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

4

4
Department of Education
National Capital Region
S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan -Modyul 5
Pagpapahalaga
sa mga Programa ng Pamahalaan

Manunulat: Eleonor V. Bobis

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 0
Alamin

Mahalaga ang gampanin ng mamamayan sa pagsulong ng kaunlaran ng


bansa. Kailangan ang pakikiisa at pakikilahok ng mamamayan sa mga
programa ng pamahalaan upang makamit ang mga layunin ng bansa sa pag-
unlad.

Sa araling ito ikaw ay inaasahan na:


1. napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng pamahalaan;
1.1 nakikiisa sa mga programa o proyekto ng pamahalaan;
1.2 aktibong nakikilahok sa mga gawain ng pamahalaan tungo sa
kabutihang panlahat

Subukin

Lagyan ng tsek (√) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng paglilingkod ng


pamahalaan at ekis (X) kung hindi.

_______ 1. Pagbubukas ng mga makabagong daan at tulay.


_______ 2. Pagtataguyod sa mga likas na Yaman.
_______ 3. Paghihikayat sa mga mamamayan na bumili ng mga imported na
Produkto.
_______ 4. Pagpapataw ng mataas na buwis sa mga bilihin.
_______ 5. Paglulunsad ng mga programa ukol sa bakuna.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Balikan

Sa nakaraang aralin ay iyong nasuri ang mga programa at mga proyekto


ng pamahalaan para kabutihan panlahat o nakararami. Upang masukat ang
iyong natutunan, sagutin mo ang inihandang gawain.

Gawain
Tukuyin kung anong proyekto o programa ng pamahalaan ang isinasaad ng
bawat salita o parirala. Isulat ang Letra ng wastong sagot sa patlang.

A - Kalusugan
B - Edukasyon
C - Kapayapaan
D - Ekonomiya
E – Imprastruktura

___1. Alternative Learning System ___6. MRT- LRT Grand Unified Station Project
___2. Build Build Build Program ___7. Distance Learning
___3. Dengue Control Program ___8. Clark International Airport New Terminal
___4. Education For All ___9. Measles Elimination Campaign
___5. K to 12 ___10. Pantawid Pamilyang Pilipino

Tuklasin
Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa
bahaging ginampanan ng pamahalaan para
mapabuti ang lahat ng mamamayan?
Sa susunod na bahagi ng modyul,
malalaman mo ang kahalagahan ng aktibong
pakikilahok ng bawat mamamayan sa mga
proyekto at programa ng pamahalaan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Suriin
Basahain at Unawain.

Mahalaga ang pakikiisa ng mga mamamayan sa mga programa ng


pamahalaan. Nakatutulong ito upang lalong mapabilis ang pag-unlad ng
bansa.

Ilan sa mga halimbawa ng pakikiisa sa mga programa ay ang mga sumusunod:

1. Pakikiisa sa mga inilunsad na kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan


upang maiwasan ang paglaganap ng mga sakit.
2. Pagsunod sa mga ipinatutupad na batas ng lipunan
3. Pakikiisa sa panawagan ng pamahalaan ukol sa pangangalaga ng
likas na yaman.
4. Pakikiisa sa programa ukol sa kalinisan at tamang paraan ng
pagtatapon ng basura.
5. Pagtupad sa programa ng edukasyon na Education For All, na
naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon
6. Pagdalo sa inilunsad na seminar ng pamahalaan upang madagdagan
ang kaalaman lalo na sa mga kasalukuyang kaganapan.
7. Paggalang sa bawat isa ay pakiisa upang magkaroon ng kapayapaan
8. Paggamit ng wasto sa mga inilunsad na proyekto ukol sa
imprastruktura.

Sa kasalukuyan, dahil sa lumalaganap na karamdaman ang mga


mamamayan ay nakikiisa sa mga inilunsad ng pamahalaan programa ukol sa
kalusugan ang mga pagsunod sa maayos at ligtas na pamumuhay. Kasunod
din nito nang pakikiisa ng Kagawaran ng Edukasyon na maglunsad ng
Komprehensibong Learning Continuity Plan (LCP) na siyang tutugon sa
kasalukuyang pangyayari sa bansa. Kailangan suportahan at isaayos ang
kurikulum upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa
panahon ng pandemya.

Patuloy ang paghikayat ng pamahalaan na makiisa sa mga programa


upang labanan ang pandemya. Manatiling nakikiisa at nagsisikap para sa
patuloy na pag-unlad ng bansa.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Pagyamanin

Gawain
Isulat kung paano ka makikiisa sa mga sumusunod na programa.

1. Education For All


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Bio- intensive gardening (pagtatanim ng organikong paraan kahit sa maliit
na lugar lamang)
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Pagpapatupad ng curfew hour
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Isaisip

Ang pakikiisa sa mga inilunsad na programa ng pamahalaan ay


malaking hamon upang maipagpatuloy ang kaunlaran ng bansa. Dito
nakasalalay ang mabilis na paglago ng ekonomiya kung ang mga mamamayan
ay marunong makiisa sa ipinatutupad at inilunsad na mga programa ng
pamahalaan. Kaakibat nito ang malusog, payapa at matalinong mamamayan
na siyang magbubunsod upang maging tagumpay ang buong bansa at
makilala sa pandaigdigan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Isagawa

Gawain
Itala ang mga programa ng pamahalaan na ipinatutupad sa inyong barangay.
Ipaliwanag kung paano ka nakikiisa at ang iyong pamilya.

1. Kalusugan
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Edukasyon
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Kapayapaan
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat kalagayan o pangungusap. Bilugan ang letra
ng wastong sagot.

1. Si Aling Amor ay may anak na limang taon gulang. Nagpatalastas ang


kagawaran na magkakaroon ng Pambansang Palistahan. Ano ang nararapat
na gawin ni Aling Amor?
A. Huwag pansinin ang patalastas ng kagawaran
B. Sa susunod na taon na lamang ipalista ang anak
C. Makilahok sa programa ng kagawaran sa Pambansang Palistahan
D. Sa bahay na lang muna mag-aral at sa susunod na taon na lamang
magpalista
2. Programa sa inyong lungsod ang paghihiwalay ng mga basura, nabubulok
at di-nabubulok. Paano ka makikiisa sa programa ng lungsod?
A. Maglagay ng basurahan ng nabubulok at di-nabubulok sa inyong
tahanan
B. Makiusap sa kapitbahay sa paglalagay ng mga basura
C. Pagsamahin na lamang ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok
D. Sunugin na lamang ang mga basura
3. Sa panahon ng pandemya ay hinaharap ng Kagawaran ng Edukasyon ang
‘Bagong Normal’ , sa kabila nito ay naglunsad ang kagawaran ng
Komprehensibong Learning Continuity Plan upang patuloy na
matugunan
Ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Paano ka makikiisa sa programa ng
Kagawaran?
A. Huwag munang mag-aral sa panahon ng pandemya

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
B. Tumulong muna sa paghahanapbuhay sa mga magulang
C. Mag-aral at tumulong sa paghahanapbuhay sa magulang
D. Maaaring mag enrol sa paaralan na kung saan mo kaya upang maabot
mo ang mga aralin tulad Distance Learning
4. Nabalitaan mo na mababa ang kita ng palay ng iyong lolo, paano mo siya
matutulungan na lumaki ang ani ng kanyang palay?
A. Sabihin na dumalo sa mga seminar na ibinabahgi ng pamahalaan
para sa mga magsasaka
B. Tumulong sa pagtatanim ng palay
C. Bigyan siya ng dagdag na puhunan sa pagsasaka
D. Ibenta na lamang ang lupang sakahan
5. Napansin mo na medyo mataas ang mga paninda ng iyong nanay kung
ihahambing sa mga katabi niyong tindahan. Ano ang maari mong imungkahi
sa iyong nanay?
A. Tumulong sa pagtitinda
B. Sabihin na may programang ipinatutupad ang pamahalaan ukol sa
mga bilihin
C. Maari mong bawasan ang halaga ng inyong paninda
D. Dagdagan mo ang mga paninda ng iyong nanay

Karagdagang Gawain

Tapusin ang mga sumusunod na pahayag.


1. Makikiisa ako sa mga programa ng pamahalaan sapagkat
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Itataguyod ko ang mga programa ng pamahalaan upang _______________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Mahalaga ang mga programang pang-edukasyon dahil _________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Maikling Pagsusulit
Basahin ang bawat kalagayan at piliin ang tamang sagot. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Si Mark ay isang OFW. Dahil sa pandemya ay nagbawas at pinauwi ang mga
manggagawa sa kanyang pinapasukan. Saan siya maaring pumunta at
sumangguni para sa mga programa ng OFW na nawalan ng hanapbuhay?
A. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA)
B. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
C. Philippine Overseas Employment Agency (POEA)
D. Kagawaran ng Paggawa (DOLE)
2. Matiyaga at masipag sa pag-aaral si Abby. Ngunit dahil sa lumalaganap na
sakit ay hindi muna pinahintulutan na magbukas ang klase. Naging suliranin
ni Abby kung paano siya makapagpapatuloy ng pag-aaral. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. Maaring pumili ng kanyang sariling paraan ng pag-aaral modular o online
B. Huwag na muna mag-enrol at palipasin ang pandemya
C. Bumili ng mga gadgets na makabago
D. Ayusin ang mga gadgets na hindi p nasasaibibilang
3. Isa sa mga programa ng barangay at kalunsuran ay ang pagpapaganda ng
kapaligiran. Si Mang Jesus at Veronica ay nais sumali sa mga pagpapaganda
ng paligid, ano ang maaring gawin nina Mang Jesus at aling Veronica. Paano
sila makikiisa ?
A. Magtanim ng mga gulay sa paligid
B. Hayaan na ang iba na magtanim
C. Makiisa sa proyekto ng gulayan sa barangay
D. Kumuha ng mag-aasikaso para sa pagsasaayos ng paligid
4. May paanyaya ang inyong barangay ukol sa seminar sa paggawa ng sabon.
A. Makinig at ihambing ang paggawa mula sa naunang seminar
B. Utusan at sabihin sa kasama sa bahay na siya na lang ang dumalo
C. Maaring makinig at gamitin pagkakitaan ang natutuhan
D. Huwag pansinin ang paanyaya ng barangay
5. Nalaman mo na nagkaroon ng alitan ang iyong ama at ang inyong
kapitbahay, ano ang maari mong itulong sa kanila?
A. Kausapin at igalang ang kanilang mga saloobin
B. Kausapin mo ang inyong kapitbahay ukol sa alitan nila
C. Mag-ulat sa Barangay ukol sa pangyayari
D. lumipat ng tirahan
6. Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinabi niya sa iyo ang kanilang kultura at
paniniwala.
A. Igagalang ko ang kanilang kultura at paniniwala
B. Hindi ko papansinin ang kanyang mga sinasabi
C. Ipagpapatuloy ang paglalaro
D. Sasabihin ko ang mga hindi magagandang gawi sa kanila
7. Naglunsad ng programa ang Kagawaran ng Edukasyon sa TV, na maaring
makatulong sa iyo sa pag-aaral mo sa Distance Learning.
A. Manood araw araw at huwag na lang pumasok sa klase
B. Huwag panoorin dahil nakakaabala ito sa pag-aaral

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
C. Maging Gabay ito sa iyong pag-aaral
D. Maaring isabay ito habang nag-aaral
8. Nalaman mo na dadating ang iyong mga pinsan mula sa ibang bansa. Paano
mo sila hihikayatin muling mamasyal sa ating mga magagandang pook
pasyalan ?
A. Sabihin ang mga magagandang programa ng Kagawaran ng Turismo
B. Sumama sa kanilang pamamasyal
C. Huwag sumama sa kanila at hayaan na lamang sila
D. Isangguni sila sa mga pook pasyalan na malapit
9. Paano ka makakatulong upang hindi tuluyang lumaganap ang pandemya?
A. Makiisa sa panawagan ng pamahalaan ukol sa mga mabubuting gawi
ng Kalusugan
B. Huwag sundin ang mga paalala basta palakasin ang katawan
C. Manatili lamang sa tahanan at balewalain ang mga kautusan
D. Pumunta sa ibang lugar kung saan kakaunti ang tao
10. Si Selma ay isang kasambahay. Nais niyang makatapos ng pag-aaral, ano
ang maaaring imungkahi sa kanya?
A. Manatili na lamang sa pagiging kasambahay
B. Mag-aral muna at iwanan ang pagiging kasambahay
C. Umuwi na lamang sa kanilang bayan
D. Sumangguni sa DepEd at humingi ng payo ukol sa kanyang nais

Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4 p. 273-275


RBS Serye sa Araling Panlipunan. Rex Bookstore ( Binagong Edisyon 2017)

Mga Website:

1. brainly.ph
2. deped.gov.ph

Susi sa Pagwawasto

5. √ 5. B
4. 4. A
10. D B 5.
3. 9. A B 4. 3. D
8. E A 3.
2. √ 2. A
7. B E 2.
1. √ 6. E B 1. C 1.

SUBUKIN BALIKAN TAYAHIN

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eleonor V. Bobis

Editor: Aaron S. Enano

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: [email protected]

. 191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9

You might also like