Mga Aralin Pananaliksik
Mga Aralin Pananaliksik
Mga Aralin Pananaliksik
1
pakakaunawaan sa pagitan ng mga mananaliksik.
10. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at
deskripsyon. Bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik ay dapat na maisagawa nang
tama upang maging tama rin ang resulta. Nararapat lamang na ang kongklusyon sa
isang pag-aaral ay may kaakibat na matibay na ebidensya upang sumuporta dito.
PAGTATALAKAY
Mga Uri ng Pananaliksik
May iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa tatlong
kategorya: (1) basic, (2) action, at (3) applied na pananaliksik.
Basic ang tawag sa agarang nagagamit para sa layunin nito. Makakatulong din ang
resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral
na sa kasalukuyan.
Halimbawa ng basic research:
• Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa
paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid.
• Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila.
• Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga kabataan
sa isang barangay.
Action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikasyong
problema o masagot ang mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga
tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay
ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik.
Halimbawa ng action research:
2
• Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan.
• Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa
isang baitang sa isang paaralan.
• Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad.
• Paksang marami kang nalalaman – May mga kabutihan ang pagpili ng paksang
may malawak ka nang kaalaman sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga
gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito tulad ng mga aklat, datos, o mga taong
eksperto sa nasabing paksa bago pa man simulan ang pananaliksik.
• Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman – Madalas, may mga tao
kang higit na gusto pang makilala o mga bagay na hindi gaanong alam at gustong-
gusto mo sanang higit pang malaman o makilala.
• Paksang napapanahon – Maraming kabutihang maidudulot ang pagpili ng mga
paksang napapanahon. Magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta ng
iyong pananaliksik sapagkat magagamit ito ng nakararami dahil angkop o tumutugma
ito sa kasalukuyang pangangailangan.
• Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling
paksa ng mga kaibigan mo – Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili mong
paksa para maging kapaki-pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad mo mula
sa iyong mga bagong matutuklasan sa halip na pag-uulit lang sa kung anuman ang
natuklasan ng ibang mananaliksik.
• May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon – Tulad ng naunang
nabanggit, sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan at sa Internet
lang mangalap ng kagamitan at impormasyon.
• Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan – Gaano man kaganda ang
paksang napili mo kung hindi naman ito matatapos sa takdang panahon ay
3
mawawalan din ng kabuluhan. Nararapat na alam ng mananaliksik ang haba ng
panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at saka niya ito hati-hatiin sa bawat
bahagi upang matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa takdang araw ng
pagpasa.
4
Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa na sa dami
ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na matatapos sa takdang panahon
at hindi maihahanap ng angkop na kasagutan.
Malawak o Pangkalahatang Paksa
Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
Nilimitahang Paksa
Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Magaaral at ang Epekto nito sa
Kanilang Gawaing Pang-akademiko
Lalo Pang Nilimitahang Paksa
Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung
Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto Nito sa Kanilang
Gawaing Pang-akademiko
PAGTATALAKAY
Pangangalap ng Paunang Impormasyon
Sa mga naunang aralin sa kabanatang ito ay nalaman mo at natuto kang pumili at
maglimita ng paksa para susulating papel pananaliksik. Mula sa mga natutunang iyon ay
susunod naman na hakbang ay ang pagsulat ng pahayag ng tesis o mas kilala sa tawag sa
Ingles na thesis statement na hahanguin mula sa iyong paksa.
Para makabuo ng isang mahusay na pahayag ng tesis, ito ay nangangailangan muna
ng mga paunang impormasyon o mga kaalaman tungkol sa napiling paksa.
5
Mga Mapagkakatiwalaang Mapagkukunan ng Paunang Impormasyon
Sa pangangalap ng paunang impormasyon ay hindi muna ito ang malawakan at
malalimang pangangalap ng datos at impormasyon subalit kailangan ang kaalaman kung ano
at saan makakuha at makakalap ng mga magpakakatiwalaang impormasyon.
Maraming mga puwedeng mapagkukunan subalit maging maingat sa pagpili at
pagkuha ng impormasyon. Kinakailangang sisiguraduhin na beripikado, tumpak, mabisa, at
kompleto ang mga datos at impormasyon na kukunin.
Sa Internet kailangang maging mapanuri sa mga impormasyong makukuha. May mga
web site na maituturing na mapagkakatiwalaan kagaya ng mga domain extension na
nagtatapos sa .edu.gov at .org.
Sa lahat ng mga posibleng mapagkukunan, ang silid-aklatan pa rin ang
napakahalagang lugar sa inyong paaralan ang mapagkunan ng mga impormasyon sa
gagawing pananaliksik. Maraming maging sanggunian gaya ng aklat, almanac, atlas, at
encyclopedia, gayundin ng pahayagan, journal, at magasin. Sisiguraduhin lang kung kailan
inilimbag ang aklat sapagkat kung higit sampung taon na mula sa pagkalathala ang aklat ay
maaaring may mga bagong impormasyon na sa kasalukuyan na maaaring angkop sa
susulating papel pananaliksik.
Ang pananaliksik ay may iba’t ibang uri. Ang bawat uri ng pananaliksik ay may
kanyakanyang layunin na nais makamit at nangangailangan ng angkop na datos. Ang
mananaliksik ay nangangailangan ng tamang metodo sa pagkalap ng mga datos.
Isa sa uri ng datos ay datos ng kalidad o qualitative data na kung saan ito ay
nagsasalaysay o naglalarawan o pareho ang layunin. Halimbawa ng qualitative data ay
damdamin, lasa, tekstura, kulay, mga pangyayari at ang mga katanungang sasagot sa paano
at bakit.
Samantala, may mga papel pananaliksik na nangangailangan ng datos na numerika na
ginagamitan ng istadistika at ito ang datos ng kailanan o quantitative data. Ito ay tumutukoy
sa dami o bilang ng mga sagot ng mga sinarbey.
6
Ito rin ay nagbibigay batid sa mga mambabasa kung tungkol saan ang sulating
pananaliksik at nagbibigay direksyong sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa
paksang pinag-aralan.
• Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o posisyon.
• Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha kung
paano ito maaaring malutas.
• Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
• Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perkspektibo o pananaw.
• Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari/hindi
nangyari ang mga bagay-bagay sa nakalipas.
• Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito ng
marka.
• Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang paksa
kaya ito naging ganito o ganoon.
Matutunghayan sa ibaba ang mga halimbawa ng paksa at ang pahayag ng tesis na nabuo
mula rito. Ang mga halimbawa ay mula kina Dayag at del Rosario (2016).
Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa ibang lengguwahe
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal
7
na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang lengguwahe sa tono ng
orihinal na awit.
Paksa:
Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa telebisyon at pelikula Tesis:
Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga manonood ng telebisyon at
pelikula kaya suportado o tinatangkilik nila ito.
Paksa:
Mas pinipili ng mga tao ang mga kapehan bilang lugar para sa socialization kompara sa mga
fastfood outlets, restoran, o karinderya. Tesis:
Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapehan ay nakapag-project ng imahe sa lipunan sa
tulong ng media bilang lugar kung saan nagkikita-kita o nakikipagkilala ang mga tao na
sinusuportahan naman ng kanilang arkitektura, internal na disenyo, at pagtawag sa pangalan
ng kostumer na bumuli kaya siya nakikilala ng iba pang mga kostumer sa loob ng kapehan.
PAGTATALAKAY
Ano ang balangkas?
8
Dahil nakaplano na ang bawat bahagi ng sulatin sa proseso ng pagsulat ng
pananaliksik.
• Nakatutukoy ng mahihinang argumento.
Dahil sa pagbabalangkas ang nahahati ay malalaking ideya at nilalagyan pa ng
sumusuportang detalye para mapatibay ang argumento at matutukoy kung alin ang
mahina at dapat ayusin at rebisahing mga argumento.
• Nakakatulong maiwasan ang writer’s block.
Magkaroon ng direksiyon ang manunulat at mapag-isipan ang kanyang isusulat.
Uri ng Balangkas
1. Paksa o Papaksang balangkas (Topic Outline)- ito ay binubuo ng mga parirala o salita na siyang punong kaisipan.
Hal.
I. Panimula
A. Kahalagahan ng Pag-aaral
B. Saklaw ng Pag-aaral
C. Pagbibigay- kahulugan
II. Mga Pangunahing Pagkain
A. Mayaman sa Enerhiya
B. Mayaman sa Protina
C. Mayaman sa Bitamina at Mineral
III. Mga Epekto ng Pangunahing Pagkain
9
A. Mabuting Epekto
1. Nagpalakas ng katawan
2. Nakatulong na makaiwas sa sakit
3. Nakapagpapasigla ng katawan
IV. Konklusyon
I. Panimula
II. May tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
A. Ang mga pagkaing mayaman sa enerhiya
B. Ang mga pagkaing mayaman sa protina
C. Ang mga pagkaing mayaman sa Bitamina at Mineral
III. Mga Epekto ng Tatlong Pangunahing Pagkain
A. Mabuting Epekto
1. Ang pagkain ay nakapagpapalakas ng katawan
2. Ang mga pagkain ay maaaring makatutulong sa pag-iwas ng sakit
3. Ang mga pagkain ay maaaring naging sanhi ng pagiging masigla ng isang tao.
IV. Konklusyon
1. Ang pagkain ay sadyang kailangan ng tao upang mabuhay. Kailangang matutuhan din kung anong pagkain ang
mararapat na kainin upang manatiling malusog at masigla ang ating katawan .
Ang Konseptong Papel
10
o Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
3. LAYUNIN- dito mababasa ang tunguhin o hangarin ng pananaliksik base sa paksa.
o Tinatalakay sa bahaging ito kung ano ang gustong matamo at matuklasan ng
mga mag-aaral sa pananaliksik.
o Maaaring isulat ang mga ito ng paisa-isang pangungusap o patalatang
pangungusap.
4. METODOLOHIYA/ PAMAMARAAN- ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng
mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri
naman niya sa mga nakakalap na impormasyon.
o Paraan:
o Literature Search
- Pangangalap sa
Internet o Uri ng
Pangngangalap ng Datos
- Talatanungan,
Pakikipanayam,
Obserbasyon,Sarbey
5. INAASAHANG OUTPUT o RESULTA- dito ilalahad ang inaasahang kalabasan o
magiging resulta ng pag-aaral.
o Maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na
papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.(dahil sa patuloy na
pangangalap).
11
ARALIN 4: PANGANGALAP NG IMPORMASYON AT PAGBUO
NG BIBLIYOGRAPIYA (KARAGDAGANG ARALIN)
PAGTATALAKAY
Bibliyograpiya
Ang paggawa ng bibliyograpiya ay isang kasanayang susubok sa sipag, tiyaga, at
katapatan ng isang mananaliksik. Ang magandang balita sa panahon ngayon ay marami ng
web site na tumutulong sa mga mananaliksik upang gumawa ng kanilang bibliyograpiya.
Layunin nilang mapagaan ang gawain ng mga mananaliksik at mabigyan ng tamang kredito
ang pinagmulan ng mga impormasyon.
Habang nangangalap ka ng impormasyon o datos para sa iyong gagawing
pananaliksik ay siguraduhin naihanda mo na rin ang bibliyograpiya o talasanggunian .Ito ay
nagpapakita ng talaan ng aklat, dyornal, pahayagan, magasin,di nakalimbag na batis katulad
ng pelikula, programang pangtelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga social media
networking site na pinagkuhanan mo ng impormasyon. Mahalagang magkaroon ng
bibliograpiya o talasanggunian ang isang pananaliksik o aklat sapagkat ito ay isa sa katibayan
ng pagiging makatotohanan ng pananaliksik o aklat na ginawa. Sa pagsulat ng bibliyograpiya
o talasanggunian, mahalagang makuha ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat o
artikulo, lugar ng publikasyon, tagapaglathala, at taon kung kailan ito nailathala.
• Maghanda ng mga index card na pare –pareho ang laki. Karaniwang 3x5 pulgada ang
ginagamit ng iba.
• Isulat sa mga index card na ito ang mga impormasyon ng iyong sanggunian. Ang
ganitong paghahanda ay makatutulong para sa paggawa ng pinal na bibliyograpiya.
• Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian.
Maaari itong ilagay sa kahon, folder, o sobre.
May iba’t ibang paraan ng pagsulat ng bibliyograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:
• Silid- aklatan- kung saan naglalaman ng maraming aklat, peryodikal at iba pang
babasahin.
12
• Internet- kung saan makakuha tayo ng maraming impormasyon, bagama’t dapat
maging maingat sa pagpili ng impormasyon.
• Social Media Networking site- na maaari ring mapagkukunan ng impormasyon.
Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng Tala
Baisa- Julian,Ailene et al
Pinagyamang Pluma
8 p.287
Ibat’ Ibang Paraan ng Pagpapahayag
5. Maaari ring gumamit ng code upang tukuyin ang sanggunian. Ang sistemang ito ay
gumagamit ng titik at numero upang maging code sa notecard.
Baisa- Julian, Ailene et al ←may-akda
Pinagyamang Pluma
Ang titik A ay tumutukoy
sa unang sanggunian at A8
6. Tiyakin ang uri ng talang gagamitin. Ang uri ng tala ay magiging batayan ng isang
maayos at sistematikong pagsasaayos ng mga tala.
Mga Uri ng Tala
• Direktang sipi-Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin. Sa
paggamit ng direktang sipi kinakailangan lagyan ng panipi(“”) ang bawat nakuhang
tala.
13
• Buod ng tala- Ginagamit ito kung nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang
ideya ng isang tala, tinatawag itong synopsis.
• Presi- ang tawag kung ang gagamitin ay buod ng isang tala. Sa paggamit ng presi
pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de bista ng may-akda.
• Sipi ng sipi- Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Sa ganitong
uri ay gagamitin din ang panipi.
• Hawig o Paraphrase- Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na
payak na salita ng mananaliksik.
• Salin/Sariling Salin- Sa pagkakataong ang mga tala ay nasa wikang banyaga, ito ay
ginagamitan ng pagsasalin. Ito ay paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba
pang wika.
Pagsulat ng Pinal na Bibliyograpiya
Pagkatapos makalap ang mga impormasyon para sa iyong pananaliksik at naisulat na
ang pansamantalang bibliograpiya sa mga notecard o index card, ngayon isulat mo na ang
pinal na bibliyograpiya. Sa puntong ito, natanggal mo na ang mga sanggunian na hindi mo
magagamit at naidagdag mo na rin ang ilan pang gagamitin mo. Aayusin ito sa paraang
paalpabeto ang pangalan ng may-akda ng sangguniang ginamit.
AKLAT:
Narito ang mga impormasyong isasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay aklat.
14
Kung isa lamang ang may-akda:
Chicago APA
Dayag,Alma M.Lakbay ng Lahing Pilipino 3. Dayag, A.M.(2014)Lakbay ng Lahing
Quezon City: Phoenix Publishing House, Pilipino 3.Quezon City. Phoenix Publishing
2014 House
15
Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang Pansinin na sa pagsulat sa ikalawang
pangalan ay isinusulat ng buo at nauuna ang pangalan ay nauuna na ang initials ng
pangalan kaysa apelyido. pangalan kaysa sa apelyido.
Kung hindi nabanggit. ang may-akda o anonymous ang nakalagay sa title page, ang
pamagat na lamang ng aklat ang isinusulat sa bibliyograpiya. Ang pamagat ang ginagamit sa
alpabetisasyon.
Chicago APA
The Plight of Filipino Teachers. Cavite City: The Plight of Filipino Teachers (1998) Cavite
Grayson Publishing House, 1998 City: Grayson Publishing House.
PERYODIKAL- tumutukoy ito sa anumang publikasyon nang regular. Narito ang mga
impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay peryodikal:
16
Ginagamitan ito ng hanging indention.
DI NAKATALATHALANG SANGGUNIAN
Narito ang mga impormasyon isinama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di-nakatala:
• May-akda
• Pamagat
• Anyo ng manuskrito
• Tala tungkol sa pinagmulan ng lokasyon ng sanggunian
• Petsa ng pagkasulat
Manuskrito
Chicago APA
Del Rosario, Adrian Paolo,”Harmful Effects Del Rosario, A .D. (2008) Harmful Effect of
of Computer Games to Teenage Students.” Di Computer Games to Teenage Students( Di –
nakalimbag na manuskrito. Nasa pag-iingat nakalimbag na manuskrito) De La Salle
ng may-akda. 2008. University, Dasmariῂas.
DI NAKALIMBAG NA BATIS
17
nag-prodyus o Taon ng
pagpapalabas
Chicago APA
Quintos, Rory B., director. Anak. Kasama Quintos, R. B. (director).( 2000)Anak
sina Vilma Santos at Claudine Baretto. Star (Pelikula). Philippine: Star Cinema
Cinema, 2000.
18
Almario, Virgilio S. (2014). KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Quezon City: Komisyon sa Wikang
Filipino.
Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City, Philippines: Pheonix Publishing House, Inc.
Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2019). Pinagyamang Pluma SHS (K to 12) TWE: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Kramer, J. (2020). How to Write Bibliographies. Cebu City: Phoenix Publishing House.
Labor, K. L. (2017). Isang Sariling Wikang Filipino: Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Filipino. Metro
Manila.
Leyson, L. D., Montera, G. G., Rebamonte, G. C., Perez, A. A., Largo, R. C., & Macan, R. S. (2007).
Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta. Cruz, Manila: TCB Book Supply.
Montera, G. G., Perez, A. A., Gawahan, R. L., & Canega, J. I. (20112). Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa
Pananaliksik. Cebu City: Likha Publicatuon.
PAGTATALAKAY
Ang mga Nakalap na Tala
PAGSASAAYOS
Pagsusuri
Sa pagsusuri ng mga talang nakalap:
Siguruhing ang mga impormasyong nakuha ay konektado sa binuong tesis.
Kung isasaisip ang tesis habang sinusuri ang mga nakalap na tala, makikita mong may mga
talang nararapat isama at mayroon din namang hindi dapat isama dahil malayo ang mga ito sa
binuong tesis.
19
Huwag kalimutang suriing mabuti ang mga ideya at i-klasipika ito bilang pangunahin at
pantulong na ideya.
Upang lalo mong maunawaan ang paksa at madagdagan pa ang ideya, isulat mo ang ibang
komentaryo tungkol sa paksa at nakalap na tala. Matapos isa-isahin ang mga tala, timbangin
kung sapat na ba ang nakalap upang mapagtibay nito ang binuong tesis at anumang pahayag
na isasama mo sa iyong papel. Matapos ang masusing pagsusuri ng mga nakalap na tala,
maaaring rebisahin nang kaunti ang tesis.
Organisasyon ng Papel
Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong tala, ang susunod mo namang
gagawin ay kung paano mo i-o-organisa ang mga kaisipang ito upang maisulong mo ang tesis
ng iyong sulating pananaliksik. sa pag-oorganisa ng papel, isinasaalang-alang ang tesis at ang
mga datos o impormasyong nasuri.
Mahalaga ang organisayon ng papel sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat ito ang susi upang
madaling maunawaan ang iyong papel, kaya nararapat lamang na humanap ng paraan upang
mahusay na mapagtagni-tagni ang mga talang nakalap.
20
na ang sani at sisiyasatin ang bunga, o kaya ay alam na bunga at
sisiyasatin naman ang sanhi.
Halimbawa:
Ang kinahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa computer
games
Ang dahilan ng maagang pag-aasawa
Panghuling Balangkas
Matapos mong pag-isipan kung ano o ano-ano ang gagamitin mong prinsipyo upang
maorganisa ang iyong papel ay maaari mo nang buoin ang panghuling balangkas. Ngunit
hindi dapat makalito sa iyo ang tawag na “panghuling balangkas” dahil maaari mo pa rin
itong baguhin habang isinusulat mo na ang iyong papel sapagkat marami pa ring ideya o
kaisipang pumapasok sa iyong isip.
Sa pagbuo ng panghuling balangkas, tiyakin ang mga posisyon ng pangunahin at
pansuportang ideya.
Siguraduhing may hindi bababa sa dalawang ideya sa bawat libel o antas ng
balangkas.
Kapag nakabuo ka ng isang maliwanag na panghuling balangkas ay hindi ka
mahihirapan sa pagsulat ng iyong draft o borador.
MGA SANGGUNIAN
Almario, Virgilio S. (2014). KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Quezon City: Komisyon sa Wikang
Filipino.
Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City, Philippines: Pheonix Publishing House, Inc.
Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2019). Pinagyamang Pluma SHS (K to 12) TWE: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Kramer, J. (2020). How to Write Bibliographies. Cebu City: Phoenix Publishing House.
Labor, K. L. (2017). Isang Sariling Wikang Filipino: Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Filipino. Metro
Manila.
Leyson, L. D., Montera, G. G., Rebamonte, G. C., Perez, A. A., Largo, R. C., & Macan, R. S. (2007).
Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta. Cruz, Manila: TCB Book Supply.
Montera, G. G., Perez, A. A., Gawahan, R. L., & Canega, J. I. (20112). Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa
Pananaliksik. Cebu City: Likha Publicatuon.
21
http://padillojenifer.blogspot.com/2013/02/blog-post_11.html
22