Ap5 - q1 - Mod3 - Pinagmulanngfilipino - v1.2 FOR PRINTING

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Pinagmulan ng mga Filipino
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pinagmulan ng mga Filipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Norberto C. Ebuen
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Lynn C. Demafeliz

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Isang magandang araw sa iyo!


Sa modyul na ito ay iyong
matututuhan ang “Pinagmulan ng mga
Filipino”. Ang iba’t ibang paliwanag at
kuwento tungkol sa pinagmulan ng
mga Filipino ay nagpapatunay ng
malalim na interes sa lahing Filipino.
Makikita sa ilustrasyon ang
ipinapalagay na isang paliwanag kung
paano nagkaroon ng mga katutubong
Filipino sa ating bansa.
Ang modyul na ito ay nahahati sa
tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod:
Pinagkunan: commons.wikimedia.org

Aralin 1 – Mga Teorya ng


Pinagmulan ng mga Filipino
Aralin 2 – Mito at Relihiyon Tungkol sa
Pinagmulan ng mga Filipino

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral na gamit ang modyul na ito, inaasahang makakamit mo


ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency- MELC) at
mga kaugnay na layunin:

1. Natutukoy ang mga salaysay tungkol sa pinagmulan ng mga Filipino;


2. Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas ayon sa teorya
(Austronesiyano), mito (Luzon, Visayas, Mindanao), at relihiyon (MELC); at
3. Nakabubuo ng pansariling paninindigan sa pinakakapani-paniwalang pinagmulan ng
lahing Filipino.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ito ay teoryang nabuo na nagpapaliwanag na ang ninuno ng mga Filipino
ay maaaring nagmula sa Timog China.
A. Austronesian Migration
B. Negritos
C. Alamat ni Malakas at ni Maganda
D. Ang kuwento ni Adan at Eba
2. Ang sumusunod ay mga makaagham na teoryang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng
mga Filipino maliban sa isa. Ano ito?
A. Teorya ng Core Population
B. Teorya ng Wave Migration
C. Teorya ng Austronesian Migration
D. Alamat ng Unang Filipino
3. Siya ay isang arkeologong Australyano na nagsabi na ang mga Austronesian ay ang
mga ninuno ng mga Filipino. Sino siya?
A. Peter Bellwood
B. Felipe Landa Jocano
C. Henry Otley Beyer
D. Dr. Albert Fox
4. Isa sa malilikhaing kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga Filipino ay ang mito
tungkol kina Sicalac at Sicavay. Alin sa sumusunod ang may wastong detalye?
A. Nilikha sila ng Diyos sa ikaanim na araw ng kaniyang paglikha.
B. Nagmula sila sa isang halamang kawayan na nabiyak.
C. Nagluto si Loar ng mga putik na nasunig, nahilaw, at katamtaman.
D. Sila rin ang tinutukoy na Adan at Eba sa kuwento sa Bibliya.

1
5. Siya ay isang Amerikanong arkeologo na bumuo ng teoryang Wave Migration bilang
batayan ng pinagmulan ng mga sinaunang Filipino, na may paliwanag na dumating
ang pangkat-pangkat na mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.
A. Peter Bellwood
B. Felipe Landa Jocano
C. Henry Otley Beyer
D. Wilhelm Solheim I

Modyul

3 Pinagmulan ng mga Filipino

Tulad ng mga sinaunang lipunan sa ibang bahagi ng mundo, ang Pilipinas ay tirahan ng
mga katutubong pangkat ng tao may ilang libong taon na ang nakalilipas. Pinatutunayan ito ng
mga nasusulat na datos, mga sinaunang kasangkapan o artifact at maging mga labi ng tao na
tinatawag na fossil.
Tinalakay sa nakaraang modyul ang mga teorya at kuwento tungkol sa pinagmulan ng
kapuluan ng Pilipinas. Muling balikan ang iyong pinag-aralan sa nakaraang modyul.

Balikan
Unawain ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ang ipinakikita ng bawat larawan. Magbigay ng
isang detalye sa bawat larawan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Larawan

Detalye

Tuklasin

2
Suriin

Katulad ng pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas, mayroon ding mga teorya at salaysay


na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng lahing Filipino. Pinatunayan ng mga Espanyol noong
panahon ng kanilang pananakop sa Pilipinas na may maunlad na pamumuhay ang mga
Filipino. Kung gayon, mapatutunayan na mayroon nang mga katutubong Filipino sa kapuluan
ng Pilipinas sa matagal na panahon.

Mga Teorya ng Pinagmulan ng mga Filipino Ang teorya ay paliwanag o kaisipan


May iba’t ibang teorya na naglalarawan tungkol sa isang bagay na dumaan sa
kung paano nagkaroon ng mga Filipino sa ating makaagham na pananaliksik ngunit
hindi pa napatutunayang totoo.
kapuluan.

Teorya ng Austronesian Migration

Ang isa sa katanggap-tanggap na teorya ng pinagmulan ng mga Filipino


ay ang Teorya ng Austronesian Migration. Ibig sabihin nito, nagmula ang lahing
Filipino sa migrasyon o pandarayuhan ng sinaunang pangkat ng tao na
tinawag na Austronesian. Ayon kay Peter Bellwood, isang arkeologong
Australyano, ang mga Austronesian ay mga sinaunang tao na lumilitaw na mga
ninuno ng mga tao sa rehiyong Timog-Silangang Asya. Kabilang dito ang lahing
Filipino. Naglakbay ang mga Austronesian mula timog China patungong
Taiwan. Pagkatapos ay naglakbay sa Pilipinas at sa mga karatig-bansa nito
tulad ng Indonesia, Malaysia, at Papua New Guinea. Nakarating din sila sa mga
pulo ng Guam, Samoa, at Hawaii. Unawain ang ruta ng mga Austronesian sa
mapa ng Timog-Silangang Asya.

Arkeologo –
isang
dalubhasa sa
pag-aaral ng
sinaunang
panahon sa
pamamagitan
ng mga
sinaunang
gamit at labi
ng tao.

Pinagkunan: commons.wikimedia.org

Teorya ng Core Population


Ang Teorya ng Core Population ay
paliwanag ni Felipe Landa Jocano na isang
antropologong Filipino. Ayon sa kaniya,
ang lahing Filipino ay nagmula sa isang
malaking pangkat ng mga sinaunang tao
sa Timog-Silangang Asya.

Batay sa teorya, nagmula ang


lahing Filipino sa Timog-Silangang Asya at naglakbay patungo sa mga kapuluan ng Pilipinas.
Napansin din ni Jocano ang pagkakapareho ng mga unang tao sa Pilipinas at sa iba pang
sinaunang tao sa Timog-Silangang Asya. Halimbawa dito ang mga labi ng taong Tabon na
natuklasan at ipinapalagay na nabuhay 23,000 taon na ang nakalilipas.
Antropologo – isang
Idinagdag pa ni Jocano na hindi maituturing na malawakang
dalubhasa sa pag-aaral ng
pandarayuhan ang naganap sa pagdating ng mga sinaunang Filipino
sa bansa. Kundi ito ay unti-unting pandarayuhan at maaaring pinagmulan at
tumagal nang mahabang panahon bago tuluyang maging ganap ang pamumuhay ng mga
dami ng mga sinaunang Filipino sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. sinauna at katutubong
tao.

3
Teorya ng Migrasyon

Ang isa sa pinakalumang teorya na nagpaliwanag tungkol sa


pinagmulan ng mga Filipino ay ang Teorya ng Migrasyon o Wave Migration
Theory. Ito ay naging salaysay at pag-aaral ni Henry Otley Beyer na isang
antropologong Amerikano.
Batay sa kaniyang teorya, nagkaroon ng tao sa Pilipinas sa
pamamagitan ng paglalayag at pandarayuhan ng mga pangkat ng tao na
nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya.

Bawat pangkat ay may kani-kaniyang panahon sa pagdating sa


Pilipinas. Gayundin naman, ang bawat pangkat ay nagtataglay din ng
natatanging kultura sa pagtungo sa bansa. Mayroong tatlong pangkat ng tao
ang nandayuhan sa Pilipinas ayon kay Beyer. Ang mga Negrito na unang
pangkat na nandayuhan sa Pilipinas, sumunod ang Indones, at ang huli ay
ang mga Malay.

Sa kasalukuyan, batay sa ilang mga pag-aaral, nagpakita ng kakulangan sa ebidensiya


at katotohanan ang paniniwalang ito ni Henry Otley Beyer.

Mito at Relihiyon Tungkol sa Pinagmulan ng mga Filipino

Maliban sa mga maka-agham na paliwanag tungkol sa pinagmulan ng mga Filipino,


mayroon ding mga salaysay o mito, at kuwentong panrelihiyon ang nagpapaliwanag kung paano
nagkaroon ng lahing Filipino. Ang mito ay katutubong salaysay na nagpapaliwanag tungkol sa
isang pangyayari, sitwasyon o pinagmulan ng isang bagay at maiuugnay sa mga kakaibang
nilalang. Dalawa sa tanyag na mito ay tungkol kay bathala na nagngangalang Laor at salaysay
na tungkol kay Sicalac at kay Sicavay.

4
Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Pinagmulan ng mga Filipino”,


masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 1
Keywords Diagram. Kompletuhin ang dayagram sa pamamagitan ng pagtala ng
mahahalagang salita o keywords tungkol sa mga teorya, mito, at salaysay panrelihiyon.
Pagkatapos ay bumuo ng konklusyon tungkol sa pinagmulan ng mga Filipino. Sagutin sa
hiwalay na papel.

PINAGMULAN NG MGA FILIPINO


Mga Teorya o Makaagham na Paliwanag Mito at Salaysay Panrelihiyon
Teorya Keywords Mito at Relihiyon Keywords

Isaisip

Gawain 2
Tanong-Sagot. Ipinaliwanag sa modyul na ito ang mga teorya at salaysay tungkol sa
pinagmulan ng mga Filipino. Unawain ang sumusunod na tanong at isulat ang iyong mga
sagot sa kuwaderno o hiwalay na papel.

5
Isagawa

Gawain 3
Paninindigan Ko. Ikaw ay nagtatrabaho sa isang kompanya ng pahayagan bilang
tagapagsulat. Inatasan ka na sumulat ng editoryal o sanaysay ng sariling paninindigan
tungkol sa pinagmulan ng mga Filipino. Gawin ito sa hiwalay na papel. Isaalang-alang ang
mga gabay sa pagsulat ng editoryal sa ibaba.

• Pumili ng pinaniniwalang teorya o salaysay.


• Banggitin ang dahilan ng pagsuporta sa teorya o
salaysay.
• Isulat ang iyong sariling paninindigan sa kahalagahan ng
pag-alam sa pinagmulan ng lahing Filipino.

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________
___________

Rubriks sa pagmamarka ng gawain.


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Kompleto at wasto ang isinasaad na katangian tungkol sa
Nilalaman 10
teoryang pinapaksa.
Paliwanag Mahusay at makatotohanan ang mga paliwanag. 10
Kabuuan 20

6
Tayahin

Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na
papel.

1. Ang teoryang ito ay nagsasabi na nagmula ang unang Filipino sa Timog China noong
2500 B.C.E.
A. Core Population Theory
B. Austronesian Migration theory
C. Wave Migration Theory
D. Si Malakas at si Maganda

2. Ito ay labi ng tao na nahukay sa yungib ng Tabon Cave sa Palawan noong 1962.
A. Negrito
B. Callao man
C. Homo sapiens
D. Tabon man

3. Pinaniniwalaan ang teoryang ito na ang pinagmulan ng lahing Filipino ay ang pangkat-
pangkat ng tao tulad ng mga Negrito, Indones at Malay?
A. Core Population Theory
B. Austronesian Migration Theory
C. Wave Migration Theory
D. Mito at salaysay panrelihiyon

4. Alin sa sumusunod na salaysay ang nagsasabing nagmula ang mga unang Filipino sa
paglabas nila sa isang malaking kawayan?
A. Kuwento nina Adan at Eba
B. Kuwento nina Sicalac at Sicavay
C. Kuwento nina Makisig at Maganda
D. Kuwento ng Tabon man

5. Alin sa mga teorya ang isa sa katanggap-tanggap na paliwanag ng pinagmulan ng unang


tao sa Pilipinas at sinabing unti-unti at mabagal ang pandarayuhan ng mga sinaunang
tao sa Timog-Silangang Asya patungong Pilipinas?
A. Wave Migration Theory
B. Austronesian Migration Theory
C. Core Population Theory
D. Wala sa nabanggit

7
Karagdagang Gawain

Gawain 4
Ang Aking Family Tree. Pagkatapos mong alamin ang pinagmulan ng mga Filipino, muli mong
balikan ang pinagmulan ng iyong pamilya. Gumawa sa hiwalay na papel o bond paper ng Family
Tree na nagpapakita ng pinagmulan ng iyong pamilya. Magbigay ng 2 hanggang 3 pangungusap
na naglalarawan sa pinagmulan ng iyong pamilya. Makikita sa ibaba ang halimbawa ng family
tree. Maaaring magdisenyo ng sariling family tree.

Gawain 5
Ang Aking mga Ninuno. Kung mayroong internet
connection sa tirahan, magsaliksik tungkol sa TABON MAN CALLAO MAN
mahahalagang detalye sa mga labi ng Tabon man at ng
Callao man. Gawin ito sa hiwalay na papel. Tiyakin na
maibigay ang pinagkunan o reference ng iyong
pagsasaliksik.

You might also like