Semi Detailed Lesson Plan in Music

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

SEMI-DETAILED LESSON PLAN IN MUSIC 1

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. makilala ang kaibahan ng solong linyang musikal at
maramihang linyang musikal;
b. makalalahok nang masigla sa pag-awit ng may iba’t-ibang
linyang musikal; at
c. malinang ang kakayahang makasabay sa tyempo ng mga
awiting may iba’t-ibang linyang musikal.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Solong Linyang Musikal at Maramihang Linyang Musikal
B. Sanggunian: PIVOT 4A Learner's Material (Module)
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, Laptop, MuseScore, Speaker,
Mga Larawan, Piano, Libro, at iba pang biswal na kagamitan.
D. Pagpapahalaga: Pagkakaisa at pakikipagtulungan.

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Paglalahad ng mga Pamantayan sa Silid-Aralan
4. Pagbilang ng mga Dumalo
5. Pagbabalik-aral
Ang guro ay magpapakita ng larawan ng mga hayop. Sasabihin
ng mga studyante kung ang kilos nila ay mabilis o mabagal.
1. Base sa mga larawang ipinakita:
a. Anong mga hayop ang may mabilis na kilos?
b. Anong mga hayop naman ang may mabagal na kilos?
2. Kung ihahambing ito sa musika, anong elemento ng musika
ang tumutukoy sa bilis at bagal ng isang awitin?
3. Bakit importanteng ang tempo sa isang musika?

B. PAGGANYAK
Patatayuin ng guro ang mga estudyante. Kakanta ang lahat ng
isang pambatang awitin na “Ako ay may Lobo”.

AKO AY MAY LOBO ( 2020 ) | Hiraya TV


Gabay na mga Katanungan:
● Madalas ka bang umaawit ng mga awiting pambata?
● Paano mo ito inaawit? Inaawit mo ba ito ng may isahang
himig o maramihang himig?

C. PAGLALAHAD
Tulad ng mga bagay sa paligid, ang musika ay nagtataglay din ng
tekstura. Mayroong mga himig na inaawit lamang ng isang tao. At
mayroon din nama na pagkakataon na kahit marami ang umaawit, pero
dahil iisa ang tono, nagigig manipis pa rin ito pakinggan.
Kaya naman ang isang musical line ay maaring maging manipis o
makapal ayon sa daloy ng musika at sa paraan ng pagkakaawit. Ang
round ay isang paraan ng paikot na pag-awit. Ang mga awit na ito ay
nakapangkat at hindi sabay-sabay na nagsisimula, kaya ay hindi rin
sabay-sabay natatapos kantahin. Samantala, ang unison naman ay
sabayang pag-awit na may iisang himig.
Ang single musical line ay may iisang melody o himig lamang na
inaawit ng lahat. Habang ang multiple musical lines ay mga melody o
himig na inaawit nang sabay ng iba’t-ibang pangkat ng mang-aawit.

Upang mas maunawaan ang pagkakaiba ng single at multiple


musical line, awitin natin ng naka-unison o sabay-sabay ang awit na “Row
Row Row Your Boat”.

https://musescore.com/user/20692717/scores/4609790

Kung mapapansin niyo ang pyesa, mayroon lamang tayo na isang


melodic line kaya ito ay isang halimbawa ng solong linyang musikal. At
dahil iisa lamang ang melodic line sa ating pyesa, ito ay kinanta natin ng
unison.

-Ano ang mapapansin niyo sa musical score na ito?


-Dahil dalawa na ang melodic line, ito ba ay single musical line o ito ay
multiple musical line?

-Hahatiin ang klase sa dalawang grupo at kakantahin ang pyesa nang


naka round. Mauunang kumanta ang unang grupo, at susundan naman
ito ng pangalawang grupo.

https://musescore.com/user/180164/scores/2693221

-Noong kantahin natin ang “Row row row your boat” nang naka-round,
ano ang napansin niyo sa naging texture ng ating kanta? Kumapal ba o
numipis?

D. PAGLALAHAT
● Paano mo inawit ang “Row Row Row your Boat” sa unang pagkakataon?
● Paano mo naman ito inawit sa ikalawang pagkakataon?
● Ano ang pagkakaiba ng pag-awit mo sa una at ikalawang
pagkakataon?
● Bakit mahalaga ang texture sa isang musika?

E. PAGLALAPAT
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat at isagawa ang hinihinging
anyo ng pagkanta.
1. Unang Pangkat: Awitin sa anyong unison ang kantang “Are You Sleeping,
Brother John?”.
2. Ikalawang Pangkat: Awitin sa anyong round ang kantang “Are You
Sleeping, Brother John?.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa patlang ang “T” kung tama ang isinasaad sa pangungusap, at
“M” naman kung mali. Gawin ito sa iyong papel o kuwaderno.

___________1. Ang single musical line ay may iisang melody lamang na inaawit
ng lahat.
___________2. Kung minsan kahit maraming umaawit pero iisa ang tonong
ginamit, nagiging manipis pa rin itong pakinggan.
___________3. Ang musical line ay maaring manipis o makapal ayon sa daloy ng
musika at sa paraan ng pag-awit nito.
___________4. Sa pagkakaroon ng saliw ng instrumento ay kumakapal ang
tekstura ng awit.
___________5. Kumakapal ang tunog kapag may iisang melody lamang.
___________6. Tulad ng mga bagay sa paligid, ang musika ay nagtataglay din
ng tekstura.
___________7. Ang awit ay may manipis na tunog kapag isang melody lamang
ang dumadaloy at nagiging makapal naman kapag maraming tinig, tunog, o
melody ang magkakasabay.
__________8. Unison ang tawag sa sabayang pag-awit na may dalawang himig.
__________9. Ang round ay isang paraan ng paikot na pag-awit.
__________1o. Sabay-sabay natatapos kapag ang awit ay nasa anyong round.
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Tukuyin ang pyesa ng awit na nagpapakita ng single musical line at
multiple musical line. Isulat ang SML kung ito ay single musical line, at MML
naman kung ito ay multiple musical line.

___________1. Dona Nobis Pacem

___________2. Gorgeous

___________3. One Last Time

___________4. Sweetly Sings the Donkey

___________4. Hey, No! Nobody Home

Inihanda ni:
Divsha Andreia C. Medina
BEED 3-A

You might also like