Kalakalang Panlabas L.P

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

LESSON PLAN

SUBJECT EKONOMIKS
NILALAMAN (CONTENT) KALAKALANG PANLABAS
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga
sector ng ekonomiya at mga patakarang pang-
(CONTENT STANDARD) ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong
at pag-unlad.
PAMANTAYANG PAGGANAP Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa
maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga
(PERFORMANCE STANDARD) sector ng ekonomiya at mga patakarang pang-
ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong
at pag-unlad.
LAYUNIN Pagkatapos ng 60 minutong aralin, ang mga mag
aaral ay inaasahang:
A. Naibibigay ang kahulugan ng Kalakalang
Panlabas
B. Napahahalagahan ang gampanin ng
pakikipagkalakalan sa pang araw-araw na
buhay.
C. Naipapakita ang mga mga patakaran at
programa, pakikipag ugnayan sa mga
bansa at mga kawalan at kabutihan sa
Kalakalang Panlabas sa pamamagitan ng
isang presentasyon.

Time Allotment 1 hour

MGA KAGAMITAN (MATERIALS) Mga larawan, mga biswal, kahon,


Aklat sa Ekonomiks: Manlunas, Jon Josef G., Aralin
35 “Kalakalang Panlabas”, Trinitas Publishing, Inc.,
2004, pahina 225-232
SANGGUNIAN (RESOURCES) https://www.slideshare.net/
GesaMayMargaretteTuz/kalakalang-panlabas
https://prezi.com/sfs4m_xysm8x/kalakalang-
panlabas/
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
1. PANALANGIN
Tayo ay magsipagtayo para sa isang
panalangin.
(Magsisitayo para manalangin)

2. PAGBATI
Magandang umaga mga mag-aaral.
Magandang umaga din po mahal naming guro.
3. PAGTALA NG LUMIBAN
Meron bang lumiban sa araw na ito?
Wala po.
4. BALIK -ARAL

Bago natin simulan ang ating paksang


aralin sa araw na ito balikan muna natin
ang inyong pinag-aralan.
Sino sa inyo ang makapagsasabi kung
ano ang paksang inyong tinalakay
kahapon? Guro ako po. Ang paksang tinalakay namin kahapon
ay tungkol sa impormal na sektor.
Tama. Maari ba kayong magbigay ng
mga halimbawa ng mga ilegal na
gawain na napapaloob sa impormal na
sector? Ang mga halimabawa po nito ay ang pag-aalok o
ang pagbebenta ng mga produkto at serbisyong
ipinagbabawal ng pamahalaan. Tulad ng
ipinagbabawal na gamot, pasugalan at mga bahay
aliwan.
Tama.
Simulan na natin ang bago nating aralin
sa araw na ito.

B. PAGGANYAK

Kung napapansin ninyo may hawak akong


kahon. Ano kaya ang laman ng kahon na
ito? Buksan natin para ating malaman.
(Bubuksan ang kahon)
Para mas exciting, gusto ko kayo ang
kukuha ng mga laman ng nasa kahon.
(Magtatawag ng walong estudyante)
Kumuha kayo ng tag iisa sa mga laman na
nasa loob ng kahon.
(Makakakuha ng larawan ng tsokolate, branded na
bag at sapatos, I-phone na cellphone, saging,
mangga, niyog, at mga aksesoryang gawa sa
Pilipinas mula sa kahon).

Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan?


May mga bagay po na galing sa ibang bansa at may
mga produkto po na galing sa Pilipinas.

Tama.
Ngayon naman ay tignan ninyo ang aking
hawak na larawan.
(Magpapakita ng larawan ng mundo na
nakapalibot ang iba’t ibang produkto na
gawang Pilipinas at ibang bansa.)

Ano ang mapapansin ninyo sa hawak kong


larawan? Guro, ang mga nakuha po naming larawan ay
ipinapakita sa hawak ninyong larawan. Ang mga
produktong Pilipinas po na gaya ng mangga at
saging ay ipinapadala sa ibang bansa at ang mga
produkto na gawang ibang bansa ay ipapadala
naman sa Pilipinas.

Magaling. Sa pamamagitan ng larawang


ipinapakita ko sa inyo ay inyong malalaman K L A N G A K L A A P S A B N A L A
ang ating paksang aralin sa araw na ito.
Matutulungan pa kayo na malaman ito sa
pamamagitan ng jumbled letters na
ipapaskil ko sa pisara. Ito ay binubuo ng
dalawang salita. Ang unang letra ng
dalawang salita ay ibibigay ko na sa inyo
bilang clue
Ito po ay KALAKALANG PANLABAS.
Tama.

C. PAGLALAHAD

Ang ating paksang aralin sa araw na ito ay


Kalakalang Panlabas. Mula sa nakikita ninyo
sa hawak kong larawan ano nga ba ang
Kalakalang Panlabas?
Ito po ay ang pagpapalitan ng produkto ng mga
bansa.
Tama. At hindi lang produkto, maari din
pati pagpapalitan ng serbisyo at maging
paglilingkod ng mga bansa.

D. Pagtatalakay

Maraming mga dahilan kung bakit


nagpapalitan ng produkto at serbisyo ang
mga bansa. Isa sa dahilan na ito ay ang
pagkakaiba ng mga bansa. Anu-ano nga ba
ang pagkakaibang ito? Nasa loob ng kahon
ang mga pagkakaibang ito.

(Magtatawag ng estudyante)
Maaari ka bang kumuha ng isa sa mga
laman ng nasa kahon?
(Kukuha ng isa sa mga laman ng kahon)
Ano ang nakuha mo?

Ang nakuha ko po ay ang salitang Likas na


Sa tingin mo bakit isa sa dahilan ng Yaman.
pagpapalitan ng produkto ng mga bansa ay
dahil sa pagkakaiba sa likas na yaman?

Dahil po iba’t iba ang mga likas na yaman na


matatagpuan sa mga bansa, kung kaya’t bumibili po
o nag aangkat ang mga bansa ng mga produktong
wala sa kanila.
Tama. Halimbawa, ang Pilipinas ay isang
bansang tropikal kaya mayaman tayo sa
likas na yamang nabubuhay lamang sa mga
tropikal na lugar tulad ng saging, mangga at
niyog. Ito ay iniluluwas natin at ipinagbibili
sa mga bansang wala nito. Samantalang ang
mga bansang malalamig naman ay
nagluluwas sa atin ng mga prutas tulad ng
mansanas at ubas.

(Magtatawag ng estudyante)
Kumuha ka ng laman ng nasa kahon. At
sabihin mo kung ano ito.
Guro, ang nakuha ko po ay ang salitang
Teknolohiya.

Sa iyong palagay, bakit isa sa dahilan ang


teknolohiya kaya nagpapalitan ng produkto
ang mga bansa?
May mga bansa po kasi na mas advance ang
teknolohiya. Mas doon po gusto ng ibang mga
bansa na bumili.

Tama. Halimbawa na lang ang mga gadgets


o electronics na gawang Japan o Amerika
mas tinatangkilik ng mga tao ang mga gawa
dito dahil mas matibay at mas pang
matagalan nila magagamit.

(Magtatawag ulit ng estudyante)

Kumuha ka ulit sa kahon sabihin kung ano


ang nakuha at ipaliwanag kung bakit ito
naging dahilan ng pagkikipagkalakalan ng
mga bansa. paggawaAng nakuha ko po ay Panlasa.
Nagkakaroon po ng pagpapalitan ng produkto ang
mga bansa dahil po iba iba ang panlasa ng mga tao.

Korek ka diyan. Halimbawa ang bansang


Norwegian ay mas gusto ng karne kaysa
isda. Ang mga Swede naman ay mas gusto
ng isda kaysa karne. Kung pareho ang
produksiyon nila ng isda at karne, maaaring
magluwas ang mga Norwegian ng mga isda
sa Swede at ang Swede naman ay
magluluwas ng karne sa mga Norwegian.

(Magtatawag ng estudyante)

Maaari mo bang kunin sa kahon ang natitira


pang dahilan?
Ang nakuha ko po ay ang salitang Halaga. Isa po ito
sa dahilan ng pakikipagkalakalan dahil may mga
bansang may mababang halaga ng produksiyon, sila
po ang nakapagluluwas ng mga produkto sa mga
bansang mas mataas ang halaga ng produksiyon.

Tama ka din diyan. Halimbawa na lang dito


ang pagtangkilik natin sa gawang China
dahil mas mura ito kaya mas maraming
negosyante ang nag-aangkat ng mga
produkto galing China at ipinagbibili dito sa
Pilipinas.

E. PANGKATANG GAWAIN

Para mas maunawaan pa ninyong mabuti


ang ating aralin, magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Kayo ay igugrupo ko sa
apat. Bibigyan ko ang bawat grupo ng
kopya ng paksa na may kinalaman sa
kalakalang panlabas. Napapaloob na din sa
kopyang ito ang lahat ng nilalaman at
impomasyon ng inyong paksa. Kayo na ang
bahala kung paano ninyo ito ipepresenta sa
harap. Mahalaga na ang bawat miyembro
ay makikilahok. Mayroon kayong sampung
minuto para ito ay paghandaan at may
limang minuto naman ang bawat grupo
para sa presentasyon.

Pamantayan Puntos

Kaugnayan sa
Paksa 20

Presentasyon
20
Kooperasyon ng
bawat miyembro
10

Kabuuan
50
(Magsasagawa ng presentasyon)
Unang pangkat: Mga bansang nakikipagkalakalan sa
Pilipinas
Pangalawang pangkat: Patakaran at Programa sa
Kalakalang panlabas
Pangatlong pangkat: Kontribusyon ng mga OFW sa
Ekonomiya
Pang apat na pangkat: Kabutihan at Kawalan sa
Kalakalang Panlabas

Napakagaling ng inyong presentasyon at


dahil diyan tayo ay magpalakpakan ala
Spartan!
(Sasabihin ang resulta o score ng bawat
grupo)

F. PAGLALAHAT
Ngayong natapos na ang inyong
makabuluhang presentasyon, nais kong
malaman kung malinaw ninyong
naunawaan ang mga impormasyong
ibinahagi ng bawat grupo. Ang
presentasyon ng unang grupo ay tungkol sa
mga bansang nakikipagkalakalan sa ating
bansa. Sino sa miyembro ng pang apat na
grupo ang makapagbibigay ng sampung
nangungunang bansa na nagluluwas ng
produkto patungo sa Pilipinas?
Ako po guro. Ang mga bansang ito po ay Estados
Unidos, Hapon, Tsina, Singapore, Timog Korea,
Taiwan, Thailand, Saudi Arabia, Malaysia at
Indonesia.
Tama. Anong bansa naman ang kasama sa
sampung pangunahing bansa na umaangkat
ng produkto ng ating bansa? Ang mga nangungunang bansa naman po na
umaangkat ng produkto ng ating bansa ay ang
Hapon, Estados Unidos, Tsina, Singapore,
Hongkong, Timog Korea, Taiwan, Thailand,
TheNetherlands, at Alemanya.

Magaling. Para naman sa pangatlong


pangkat ito ang aking katanungan. Maari
ba ninyong ibigay ang pagkakaiba ng taripa
at quota ayon sa iprinisinta ng pangalawang
pangkat?
Ang taripa po ay ang buwis na binabayaran para sa
mga produktong dayuhan o sa mga produktong
iniaangkat samantalang ang quota naman ay ang
pagtatakda ng limitasyon sa dami ng produktong
dayuhan na maaaring pumasok sa bansa.
Tama. Para naman sa unang pangkat, ayon
sa pangatlong pangkat, ano ang mga
kontirbusyon ng mga Ofw sa ating
Ekonomiya?
Dahil po sa kadalasang dolyar ang perang kanilang
ipinapadala na tinatawag na remittance, napalalaki
ng mga OFW ang gross international reserves ng
ating bansa. Kapag mataas ang reserba, tumataas
ang halaga ng piso kung ihahambing sa salapi ng
ibang bansa.

Tama. Napakamakabuluhan ng iyong sagot.


Ang susunod na tanong ay para sa
pangalawang pangkat. Anu-ano nga ba ang
mga kabutihan at kawalan sa kalakalang
panlabas?
Ayon po sa pang-apat na pangkat marami pong
kabutihan ang naidudulot ng kalakalang panlabas
tulad ng masiglang kompetisyon, mahusay na
produksiyon, paglilipat o pagbabahaginan ng
teknolohiya at ang mas matatag na ugnayan ng mga
bansa. Ngunit sa kabila po ng kabutihang
naidudulot nito ,ayroon din itong d maganda dulot
tulad po ng kawalan o disadvantage sa isang bansa
pati na rin ang pagkalugi ng mga lokal na negosyo
na hindi kayang makipagkompetensiya sa mga
dayuhang produkto. Halimbawa na lang po ang
ating mga maliliit na negosyante na walang sapat na
kapital para mailuwas ang kanilang produkto sa
ibang bansa sila po ang pangunahing apektado dito.
Magaling mga mag-aaral. Tama lahat ang
inyong kasagutan.
PAGPAPAHALAGA
(Ipapaskil sa pisara ang kasabihang “WALANG
SINUMAN ANG NABUBUHAY PARA SA SARILI
LAMANG”)
Nais kong damdamin ninyong mabuti ang
nilalaman ng kasabihang ito. Iugnay ninyo
ito sa ating pinag-aralan. Ano ba ang
ipinababatid ng kasabihang ito? Para sa
bansa, sa pamilya, sa inyo bilang mag-aaral
bilang kaklase at kaibigan. Ano ang
mensahe sa atin ng kasabihang ito?
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili
lamang. Ibig sabihin po nito kung iuugnay natin sa
pakikipagkalakalan ng mga bansa, wala pong
magaganap na pakikipagkalakalan kung ang mga
bansa ay hindi makikipag ugnayan sa isa’t isa. Ang
pakikipagkalakalan po kasi ay isang halimbawa ng
pakikipag ugnayan, pakikipag kaibigan at
pakikisama. Wala pong magaganap na kalakalan
kung walang unawaan sa pagitan ng mga bansa.
Pagdating naman po sa pamilya, hindi po natin
masasabi na may pamilya tayo kung iisa lang po
tayo. Hindi tayo mabubuhay sa mundo kung wala
tayong pamilya na nag uugnay sa atin bilang tao.
Bilang isang mag-aaral naman po hindi maari na
palagi lang tayo mag-isa at nasa sulok lang ng
classroom. Kailangan din po natin ng makakausap,
makakasama at makakalamuha sa araw-araw upang
malaman din natin kung ano ang meron at wala sa
atin. Kailangan po natin makipag ugnayan nang sa
gayon mas mapaunlad natin ang ating mga sarili
bilang isang mamayan ng bansa, isang miyembro ng
pamilya, at bilang isang mabuting mag-aaral.
Napakahusay ng iyong pagpapahayag ng saloobin
ukol sa kasabihang ito.

PAGTATAYA

PANUTO: (WORD HUNT) Hanapin sa loob ng kahon


at bilugan ang limang pangunahing produktong
iniaangkat at ang limang pangunahing produktong
inilulluwas ng Pilipinas. Isulat ito sa ibaba kung saan
ito nabibilang.

C O C O N U T O I L N L
A R A T I L E S T S A A
C O Y F A B R I C S Z N
E A T I S D X C W R Y G
R G P A S U K A L B F I
E N E B S B N T O L D S
A I R A X C B T F G U H
L G A K R M K A C V X W
S A C A F R T B K C C Z
R S H J M A N G G A P R
E X I J G C N I K E L B
Q E L E C T R O N I C S

PRODUKTONG PRODUKTONG
INILULUWAS INIAANGKAT
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

KASUNDUAN
Magsaliksik sa internet at hanapin ang kahulugan
ng mga sumusunod. Isulat ang kasagutan sa inyong
kuwaderno at magbigay ng mga halimbawa nito.
1. Balance of payments
2. Exchange rate
3. Favourable balance of trade
4. Unfavourable balance of trade
5. Exchange rate

Prepared by:
Rebenica T. Dela Mata
Teacher Applicant

You might also like