Untitled

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Detalyadong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 7

Karanasan at Implikasyon ng mga Digmaang Pandaigdig sa Kasaysayan


ng mga Bansang Asyano
March 27-31, 2023
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)

Ang mga mag-aaral ay naipamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at


pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon ( ika - 16
hanggang ika - 20 siglo).

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)

Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-


unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
( ika - 16 hanggang ika - 20 siglo).

C . Pamantayan sa Pagkatuto (Most Essential Learning Competency)

Ang mga mag-aaral ay natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang


pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano.

D. Mga Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natatalakay ang mga pangyayari at epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga


bansa sa Timog at Kanlurang Asya;
b. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng nasyonalismo sa paglaya
ng mga bansang Asyano sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang isang
mag-aaral; at
c. Nakagagawa ng isang Timeline, Flow Chart at Concept Wheel tungkol sa mga
mahahalagang pangyayari sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

II. NILALAMAN

1. Paksa: Ang Timog at Kanlurang Asya sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. 2014.237-238
2. Kagamitan: Manila paper, larawan, cartolina, marker, paper strips, PowerPoint
presentation, video presentation.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain (2 minuto)
Tumayo ang lahat para sa ating
panalangin.
Pangunahan mo nga ang panalangin
_______. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at

Magandang umaga sa lahat! Espiritu Santo, Amen……


Magandang umaga po Ginoong
Bago maupo ang lahat ay nais ko Villarin!
munang pulutin ninyo ang mga basurang
nakakalat sa sahig at pakiayos na rin ang
inyong mga upuan.
Maaari na rin kayong maupo kung
Opo Sir.
natapos niyo na ang aking pinapagawa.
Sa pagkakataong ito may magtatala
muna tayo ng mga liban sa klase.
Mabuti naman at maraming pumasok
(Pumalakpak ang mga mag-aaral)
sa araw na ito. Palakpakan ninyo ang inyong
mga sarili para diyan!
Ngayon ay meron na naman tayong
bagong aralin pero bago tayo magpatuloy ay
alamin muna ang ating mga kasunduan.
Pakibasa ng sabay-sabay ang ating Mga Kasunduan:
mga kasunduan. • Makinig ng mabuti
• Itaas ang kamay kung gustong sumagot
• Makilahok sa mga pangkatang gawain
Maraming salamat sa inyong pagbasa
class.
B. Balik-aral (1 minuto)
Bago tayo magpatuloy sa ating bagong
aralin magbalik-aral muna tayo sa ating
Maliwanag po Sir!
tinalakay noong nakaraang linggo.
Maliwanag ba class?
 July 18, 1914
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga
 Central Powers at Allies
katanungan at hanapin sa kahon ang mga
sagot.  Treaty of Versailles
 Balfour Declaration
1. Ito ang digmaang nagsimula
 Langis
noong 1914 at natapos noong
 Unang Digmaang
1918.
Pandaigdig
2. Sila ang dalawang mga alyansa
ng mga bansa na nabuo bago pa
man nagsimula ang Unang
Digmaang Pandaigdig.
3. Natuklasan ito sa Kanlurang
Asya noong 1914 na pinag-
interesan naman ng mga
bansang Kanluranin.
4. Isang kasunduan na naghudyat
sa pormal na pagtatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig.
5. Ang petsa kung kailan
nagsimula ang Unang
Digmaang Pandaigdig.
Sa pagkakataong ito ang gusto kong Maliwanag po Sir.
sagutan ninyo ang ating mga katanungan. Ako po sir! Ang sagot po ay Unang
Maliwanag ba class? Digmaang Pandaigdig.
Sino gustong sumagot sa unang Central powers at Allies po Sir.
bilang?
Ang sagot po diyan sir ay Langis.
Magaling! Ano naman ang sagot sa
pangalawang bilang _______? Batay po sa akin naalala, Treaty of
Mahusay! Sagutin mo nga ang Versailles po ang sagot diyan sir.
pangatlong bilang _______? Ang sagot po diyan sir ay July 28,
Tama! At ang pang-apat naman 1914.
_____? (Pumalakpak ang mga mag-aaral)

Magaling! Ang ang panghuling bilang


naman _______?
Tama! Napakahusay niyo sumagot
lahat. Dahil dyan, palakpakan ninyo ang
inyong mga sarili!
C. Pagganyak (3 minuto)
Panuto: Buuin ang mga salita sa ibaba sa
pamamagitan ng Letter Coding sa ibaba.
Sa pagkakataong ito ay gusto kong
kong suriin mabuti ang mga larawan sa itaas.
Pagkatapos niyong suriin ang mga larawan ay I K A L A W A N G
buuin ninyo ang mga salita sa ibaba gamit ang 9 11 1 12 1 23 1 14 7
letter coding.
D I G M A A N G
4 9 7 13 1 1 14 7
P A N D A I G D I G
16 1 14 4 1 9 7 4 9 7
Opo Sir!

(Ginawa ng mga mag-aaral ang


gawain)

Naintindihan ba class?

Bibigyan ko lamang kayo ng 2 minuto (Pumalakpak ang mga mag-aaral)


para buuin ito.
Ibibigay ko na sa inyo itong mga
kagamitan at maaaring simulan ang ating “Ikalawang Digmaang
gawain. Pandaigdig”
Palakpakan ninyo ang inyong mga
sarili dahil na buo ninyo ang mga salita ng
maayos.
D. Paglalahad (1 minuto)
Mga Layunin:
Ngayong nabuo ang mga salita ay nais
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
kong basahin ninyo ito ng sabay-sabay.
inaasahang:
Maraming salamat sa pagbasa class.
a. Natatalakay ang mga pangyayari at
Ang tatalakayin natin sa umaga nito ay
epekto ng Ikalawang Digmaang
tungkol sa timog at Kanlurang Asya sa
Pandaigdig sa mga bansa sa Timog at
panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kanlurang Asya;
Pero bago ang lahat ay alamin muna
b. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa
dati ang ating mga layunin para sa araling ito.
papel na ginagampanan ng
nasyonalismo sa paglaya ng mga
bansang Asyano sa panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
bilang isang mag-aaral; at
c. Nakagagawa ng isang Timeline,
Flow Chart at Concept Wheel
tungkol sa mga mahahalagang
pangyayari sa mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya.

Malinaw po Sir!
Malinaw ba ang ating mga layunin
class?
Mabuti naman pala kung ganon.
(Magpapakita ng isang video
presentation ang guro)
(Pinanood ng mga mag-aaral ang
Video Presentation: Ang Timog at
video presentation hanggang sa matapos)
Kanlurang Asya sa Panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
Nais ko na panoorin ninyo itong isang
(Binasa ng mga mag-aaral ang
maikling video presentation na may
handouts)
kaugnayan sa ating paksa sa araw na ito.
E. Pagtatalakay
(Nagbigay ng mga handouts ang guro
sa mga mag-aaral)
Bibigyan ko kayo ng mga handouts at
nais kong basahin at unawain ninyo itong nga
sipi na ibibigay ko sa inyo.
Ngayong tapos niyo nang panoorin ang
video na aking ipinakita sa inyo, ano ba ang Base po sa napanood naming video

kalagayan ng mga bansa sa Timog at sir ay tungkol ito sa mga nangyari sa mga
Kanlurang Asya sa panahon ng Ikalawang nasa sa Timog at Kanlurang Asya sa
Digmaang Pandaigdig? panahon ng Ikalawang Digmaang

May ideya ka ba_______? Pandaigdig. Pinapakita po sa video ang mga


labanan at ginawang hakbang ng mga bansa
laban sa iba pang mga bansa at matuldukan
na ang digmaan sa pagitan ng mga bansa.

Tama! Kasama na rin sa ipinakita sa


video at nandyan rin sa inyong mga handouts
ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa mga bansang Asyano.
Sa puntong ito ay papangkatin ko kayo
sa tatlo.
Magsimulang magbilang mula 1
hanggang 3.
YOU COMPLETED ME!
Pangkat 1 – Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Pangkat 2 – Ang Kanluran at Timog Asya
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig 1, 2, 3……..
Pangkat 3 – Epekto ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya
Ang unang pangkat ay pupunta sa
kanang bahagi na mga upuan. Ang
pangalawang pangkat naman ay pupunta dito
sa gitnang bahagi na mga upuan at ang
pangatlong pangkat ay pupunta doon sa
(Pumunta sa mga kagrupo ang mga
kaliwang bahagi na mga upuan.
mag-aaral)
Ngayong nandiyan na kayo sa inyong
mga kagrupo ay makinig na kayo sa ating mga
panuto. Mayroon akong mga puzzle dito na
inyong kailang buuin at pagkatapos ay iulat at
ipaliwanag dito sa harap ng klase.
Meron akong ibibigay na puzzle sa
lahat ng pangkat kasama ang mga handouts ba
may lamang mga detalye tungkol sa
nakatalagang paksa sa bawat pangkat.
Maliwanag ba class?
Bawat pangkat ay dapat may tagapag-
ulat mamaya pagkatapos ninyong mabuo ang
mga puzzle.
Ngayon ay simulan niyo nang buuin Maliwanag po Sir!
ang puzzle at basahin ang iba pang detalye
tungkol dito at iulat sa harap.
Bibigyan ko lamang kayo ng 5 minuto
para sa buuin ito at pagkatapos ay iuulat na
ninyo ang inyong pangkatang gawain.
Ang inyong 5 minuto ay magsisimula
na ngayon.
Tapos na ang inyong 5 minuto. Ipaskil
niyo na ang nabuo ninyong puzzle at iulat ito
dito sa harap.
(Pinapaulat lahat ng mga pangkat)
Unang pangkat, maaari niyo nag
simulan ang pag-uulat sa inyong gawain.
(Binuo ng mga mag-aaral ang mga
Puzzle at binasa ang mga handouts)
(Ipinaskil ng mga mag-aaral ang mga
pahayag at mga salita sa pisara)

Magandang umaga po sa inyong


lahat. Kami po pala ang tagapag-ulat mula sa
Pangkat 1.

PANGKAT 1 – Ikalawang Digmaang


Pandaigdig
Nagsimula sa Europa ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig noong Setyembre
1939. Taong 1942, isang kasunduan ang
pinangunahan ng Estados Unidos ang
Tehran Conference na nagsasaad na kapwa
lilisanin ng Rusya at Britanya ang bansang
Iran upang makapagsarili at maging malaya.
Mayo 1946 nang sinimulang alisin ng Rusya
ang kaniyang mga tropa sa Iran na hindi
naman tuluyang naisakatuparan bagkus ay
nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis.
Itinuturing ito na unang di pagkakaunawaan
na dininig ng Security Council ng United
Nations (UN). Ito ang nagbigay-daan sa
Cold War na kinasangkutan ng Estados
Unidos at kaniyang mga kaalyado, kontra
naman sa Rusya kasama rin ang kaniyang
kaalyadong bansa.
Isa rin ang bansang India na kolonya
noon ng Inglatera ang naapektuhan matapos
ang digmaan dahil minsan na rin niyang
binigyan ng suporta ang Inglatera sa
pakikidigmang ginawa nito. Si Gandhi at
ang kaniyang mga kasamahan ay nagprotesta
tungkol dito dahil ayaw nila ng digmaan. Sa
Magaling pangkat una! Bigyan natin
pagtatapos ng digmaan lalong sumidhi ang
sila ng palakpak.
ipinaglalaban ng mga taga-India para sa
Susunod na mag-uulat ay ang pangkat
kalayaan ngunit ito ay naging daan upang
dalawa. Mga tagapag-ulat pumunta na dito sa
muling hindi magkaisa ang mga Indian. Sa
harap.
paglaya ng India noong 1947, ito ay nahati
sa dalawang pangkat, ang pangkat ng Hindu
at ng Muslim. Ang India para sa mga Hindu
at Pakistan para sa mga Muslim.
Maituturing na pinakamahalagang
pangyayaring naganap sa Asya ay ang
pagtatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig dahil dito inasahang makakamit
ang kalayaang minimithi ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya.
Yun lang po maraming salamat.
(Pumalakpak ang mga mag-aaral)

Magandang umaga po sa lahat. Kami


po ang mag-uulat sa pangkat dalawa.

PANGKAT 2 – Ang Kanluran at Timog


Asya noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
1. Ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay nagsimula sa
pagsakop ni Adolf Hitler noong
Setyembre 1, 1939 sa Poland.
2. Anglo-Iraqi War – ito ay ang
digmaan sa pagitan ng pamahalaan ni
Rashid Ali, isang masugid na
sumusuporta kay Adolf Hitler at ng
mga bansang Great Britain,
Australia, at Greece. Pagkatapos ng
digmaan, sinakop ng Britanya ang
Iraq hanggang 1947 upang
maprotektahan ang mga plantasyon
ng langis.
3. Operation Countenance (Pagsakop
ng Anglo-Soviet sa Iraq) – ito ang
pagsakop sa Imperyong Iran ng
Russia at British noong 1941. Ang
layunin ay masiguro ang mga Iranian
oil fields at ang mga Allied Supply

Mahusay ikalawang pangkat! Bigyan lines patungong Russia.

rin natin sila ng palakpak. 4. Ang India noong Ikalawang

Ang huling mag-uulat ay ang Digmaang Pandaigdig ay sakop pa

pangatlong pangkat. rin ng Imperyong British. Noong


Setyembre 1939, opisyal na
nagdeklara ng digmaan ang India sa
Nazi Germany. Nagpadala ito ng 2
5. Milyong sundalo upang labanan ang
Axis Powers sa Europa, Asya, at
Hilagang Africa.
6. Ang ikaapat, ikalima, at ikasampu na
dibisyon ng Indian Army ay
nakipaglaban sa Hilagang Africa.
Naging maigting at malupit ang
labanan ng India at ng Germany sa
pangunguna ni Erwin Rommel.
Yun lang po maraming salamat.
(Pumalakpak ang mga mag-aaral)

Magaling! Bigyan natin sila ng Magandang umaga po sa lahat. Kami


palakpak class. po ang mag-uulat mula sa pangkat tatlo.
Napakahusay niyong lahat dahil
nagawa niyo ng tama ang ating gawain.
At dahil diyan ay palakpakan ninyo
ang inyong mga sarili!
May katanungan ba kayo class?
Mabuti naman pala kung ganun.
F. Paghahalaw/Paglalahat (1 minuto)
Sa puntong ito upang malaman ko
kung mayroon ba talaga kayo ng natutunan sa
araling ito ay magtatanong muna ako ng iilang
mga katanungan sa inyo.
Pero bago yan ay magkakaroon muna
tayo ng isang laro. Pinangalanan ko itong
PANGKAT 3 – Epekto ng Ikalawang
“UP-DOWN”.
Digmaang Pandaigdig sa Timog at
Ito ay isang laro na kung saan susunod
Kanlurang Asya
kayo sa aking mga panuto. Kapag sinabi kong
1. Pagkakaroon ng kasarinlan ng mga
UP, ang gagawin ninyo ay kailangan nyong
bansa
tumayo. Kung sasabihin ko namang DOWN,
2. Maraming namatay na sundalo na
kailangan nyong umupo. Yung mahuhuling
sumabak sa digmaan
magkamali ay siyang sasagot sa ating mga
3. Paglago ng ekonomiya
katanungan.
4. Maraming gusali ang nawasak
Maliwanag ba class?
5. Pagkakaroon ng slave labour at
Mabuti naman pala akong ganun.
genocide
Ngayon ay sisimulan na natin ang ating laro.
6. Pag-unlad ng teknolohiya
(Ibinigay ng guro ang mga panuto)
At iyon lamang po maraming

UP! …..DOWN!.....DOWN!....UP!.... salamat.

Sa puntong ito ay mga mag-aaral na


(Pumalakpak ang mga mag-aaral)
tayo na sasagot sa ating mga katanungan.
Maaring maupo ang lahat at sisimulan
na natin ang pagbibigay sa mga katanungan.
Ang mauuna sa pagsagot ay si (Pumalakpak ang mga mag-aaral)
____________.
Ito ang digmaan na nagsimula noong Wala na po Sir.

Setyembre 1939.
Tama! Palakpakan natin si _______.
Susunod na katanungan ay kailangan
mong sagutin ________.
Sino ito isang pinuno sa digmaan na
nanguna sa pagsakop sa bansang poland
Setyembre 1, 1939.
Magaling! Palakpakan rin natin si
________.
Huling katanungan. Magbigay ng isang
epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
Timog at Kanlurang Asya.

Magaling! Di ba kasama ari nito ang


pagkakaroon ng kasarinlan ng mga bansa,
Maliwanag po Sir!
paglago ng ekonomiya, pagkawasak ng
maraming gusali, pagkakaroon ng slave labour
at genocide at pag-unlad ng teknolohiya.
(Sinunod ng mga mag-aaral ang mga
Mahusay! Ngayon ay masasabi ko
panuto ng guro)
talagang kayo ay nakinig ng mabuti sa ating
talakayan kanina. At dahil dyan ay palakpakan
ninyo ang inyong mga sarili!
G. Pagpapahalaga (2 minuto)
Ngayong tapos na natin ang ating
talakayan, may gagawin tayong isang
maikling gawain.
PAHALAGAHAN MO NAMAN AKO! Ang sagot ko sa sa Ikalawang

Panuto: Sumulat ng isang maikling talata Digmaang Pandaigdig.


tungkol sa kung paano mo maipapakita ang
pagiging isang makabayan o pagkakaroon ng
nasyonalismo sa iyong sarili bilang isang mag-
aaral. Isulat ito sa isang kapat na papel.
Naintindihan ba class? (Pumalakpak ang mga mag-aaral)

Mabuti naman pala kung ganun.


Ngayon ay bibigyan ko kayo ng 3
Sa tingin ko po ang sagot diyan ay si
minuto para sagutan ito.
Ang inyong tatlong minuto ay Adolf Hitler po Sir.
magsisimula na sa oras na ito.
Tapos na ang inyong tatlong minuto
ipasa ang mga papel dito sa harap.
Ngayon ay bubunot ako ng iilang papel
mula sa inyong mga ginawa at gusto kong
babasahin ito ng may-ari ng papel.
Maliwanag ba?
Sisimulan ko na ang pagbunot sa mga (Pumalakpak ang mga mag-aaral)
papel.
Ang maswerteng mag-aaral na babasa
sa kanyang ginawa ay si __________.

Napakagaling niyong mga sagot!


Tunay kang naisasabuhay niyo talaga ang Isa sa mga epekto ng Ikalawang
pagiging makabayan na may kaugnayan rin sa Digmaang Pandaigdig sa Timog at
ating tinalakay sa araw na ito. Kanlurang Asya ang pagkamatay ng
Dahil diyan ay palakpakan ninyo ang maraming sundalo na sumabak sa digmaan.
inyong mga sarili.
H. Paglalapat (5 minuto)
Tunay na kayo talaga ay marunong
makinig at umunawa sa ating mga tinalakay
kanina. Kaya ngayon ay meron na naman
(Pumalakpak ang mga mag-aaral)
tayong isang pangkatang gawain.
Sa pagkakataong ito ay pa pangkatin
ko kayo sa tatlong grupo.
Panuto: Gumawa ng isang Timeline, Flow
Chart at Concept Wheel na nagpapakita sa
mga mahahalagang detalye tungkol sa mga
pangyayari sa mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya sa panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Pangkat 1 – Timeline (Pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang
Asya)
Naintindihan po Sir!
Pangkat 2 – Flow Chart (Ang Kanluran at (Sinagot ang mga mag-aaral ang
Timog Asya noong Ikalawang Digmaang gawain)
Pandaigdig) (Ipinasa ng mga mag-aaral ang mga
papel sa harap)

Pangkat 3 – Concept Wheel (Epekto ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga Maliwanag po Sir.
bansa sa Timog at Kanlurang Asya)

(Ang mga kasagutan sa gawain ito ay


maaaring magkakaiba dahil nakabatay
lamang ito sa personal na pang-unawa ng

Sa pagkakataong ito ay nais kong mga mag-aaral tungkol sa tinalakay na


pumunta kayo ulit sa inyong mga kagrupo paksa)
kanina sa ating talakayan.
Bago tayo magsimula ay tingnan muna
ninyo ang ating rubrics sa pagmamarka para sa
gawaing ito.
(Pumalakpak ang mga mag-aaral)
Rubrik sa Pagmamarka

Pamantayan 5 3 1

Ang diagram o chart ay


nagpapakita ng mga detalyadong
pahayag na angkop sa
nakatalagang paksa sa pangkat.
Presentable at maayos na nagawa
ang diagram o chart na
nakabatay sa halimbawa na
ibinigay.
Naipaliwanag ng maayos ang
diagram sa harap ng klase.

Ngayon ay bibigyan ko lamang kayo


ng limang minuto para gawin ang gawain na
ito.
Ang inyong limang minuto ay
magsisimula na ngayon.
Ang inyong limang minuto ay tapos na
simulan niyo nang ipaskil ang inyong mga
gawain.
Unang pangkat maaari niyo nang
simulan ang inyong pag-uulat sa inyong
gawain…….
(Pinapa-ulat lahat ng mga pangkat
hanggang sa ito ay matapos)
Napakahusay! Natapos ninyo ang ating
gawain. Ngayon ay talagang nakikita kung
tayo ay tunay na mayroong mga natutunan sa
ating tinalakay sa araw na ito.
At dahil dyan palakpakan ulit ang
inyong mga sarili!
IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga
katanungan at ibigay ang mga sagot na hiningi (Pumunta ang mga mag-aaral sa
ng bawat bilang. kanilang mga kagrupo)
1. Noong ____________ ay nagsimula
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
2. Anong taon lumaya ang bansang India
mula sa mga mananakop pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
19___?
3-4. Magbigay ng dalawang epekto ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa timog
at Kanlurang Asya.
5. Ito ang digmaan sa pagitan ng
pamahalaan ni Rashid Ali at ng mga
bansang Great Britain, Australia at Greece.

Sa puntong ito ay bibigyan ko lamang


kayo ng limang minuto para sagutin ang ating
pagtataya. Pagkatapos ng limang minuto ay
magwawasto na tayo sa inyong mga
kasagutan.
(Ginawa ng mga mag-aaral ang
Maliwanag ba class?
gawain)
Ang inyong limang minuto ay
(Ipinaskil ng mga mag-aaral ang mga
nagsisimula na ngayon.
gawain)
Tapos na ang inyong limang minuto
ngayon ay magwawasto na tayo sa inyong
(Ang mga output sa gawain ito ay
mga sagot.
Magpalitan ng papel sa iyong katabi. maaaring magkakaiba sa aktwal na diagram
o chart na pinagbatayan sa gawain)
Sinong gusto sumagot sa unang (Nag-ulat lahat ng mga pangkat)
bilang?

Tama! Ano naman ang sagot sa


pangalawang bilang ______?
Tumpak! Ano naman sagot sa
pangatlong bilang ______? (Pumalakpak ang mga mag-aaral)

Tama! Sinong gustong sumagot sa


pang apat na bilang? Yes ________?
Magaling!
Mga Sagot:
Tama! Ngayon ay gusto kong bilangin
1. Setyembre 1939
ninyo ang tamang mga kasagutan at isulat ito
2. 1947
sa itaas na kanang bahagi ng inyong kapat na
3-4. Pagkakaroon ng kasarinlan ng mga
papel.
bansa, maraming namatay na sundalo na
Sino nakakuha ng 5 itaas ang kamay?
sumabak sa digmaan, paglago ng
ekonomiya, maraming gusali ang
4, 3, 2, 1…?
nawasak, pagkakaroon ng slave labour at
Magaling at maraming nakakuha ng
genocide at pag-unlad ng ekonomiya.
perfect score sa ating pagtataya. Sana sa
5. Anglo-Iraqi War
susunod ay ganito parin mga marka ang iyong
makukuha sa bawat pagtataya sa ating
gagawin sa ating mga susunod na mga
talakayan.
Maliwanag ba class?
Palakpakan niyo muna ang inyong mga
sarili dahil malalaki ang mga score sa inyong
nakuha sa ating pagtataya.
V. Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng isang Slogan tungkol sa
kahalagahan nasyonalismo sa isang bansa Maliwanag po Sir!

bilang isang paraan upang makamit ang (Sinagot on ng mga mag-aaral ang

kalayaan nito. Ilagay ito sa isang short bond pagtataya)


paper.

(Nagpalitan ng papel ang mga mag-


aaral)
Ako po Sir ang sagot ko ay
Setyembre 1939.
Ang sagot po Sir ay 1947.

Ang sagot sa pangatlo at pang-apat


na bilang ay paglago ng ekonomiya at
pagkakaroon ng kasarinlan ng mga bansa.
Ang sagot ko po Sir ay Anglo-Iraqi
War.

(Itinaas ng mga mag-aaral ang


kanilang mga kamay)

Opo Sir!
(Pumalakpak ang mga mag-aaral)

Inihanda ni: Ipinawasto kay:

VINCENT L. VILLARIN AILEEN M. OMAMALIN


Pre-Service Teacher, BSED-SS Cooperating Teacher, AP 7

Nagrerekomenda ng Pag-apruba:

EPIFANIO GABAME E. PIEDAD EMD


Department Head, AralPan

Inaprubahan ni:

JUDITH P. QUEZON EdD


School Principal III

You might also like