Yawhappa Abgpaas

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino VI

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag aaral ay inaasahang:
a. Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw ng pagbasa.
F6EP-IIIg-II
II. PAKSANG ARALIN
a. Paksa: Pagkuha ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pahapyaw na
Pagbasa
b. Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=3peZH3H8u88&t=683s at
FIL6 Q3 MODYUL2
c. Kagamitan:
d. Pagpapahalaga:
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-Aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban

B. Balik-Aral
Bago tayo magsimula sa ating
bagong aralin, balikan muna natin
ang tinalakay natin nung nakaraang
araw. Tungkol sa Pag-uulat tungkol sa
Tungkol saan ang tinalakay natin? Pinanood.
C. Panlinang na Gawain
 Pagganyak
Bago tayo magsimula sa ating
bagong aralin, ayusin natin ang
mga ginulong salita na makikita
sa ibaba.

YAWHAPPA PAHAPYAW

ABGPAAS

 Paglalahad
Ngayon mga bata basahin ng PAGBASA
pahapyaw ang kwento.

Babasahin ng mga mag-aaral.

Ang Regalo ni Mitos


Ni: Roselyn C. Roldan
Si Mitos ay isang batang nag-aaral
sa ikatlong baiting. Siya ay bunsong
anak nina Mang Tony at Aling
Leticia. Siya ay isang batang
matalino at mabait. Mahal na mahal
siya ng kanyang mga magulang at
tatlong kapatid na lalaki.

Pagsapit ng kaarawan ni Mitos,


maaga pa’y gising na ang kanyang
ama at ina. Abalang-abala sila sa
paghahanda ng mga pagkain sa
kusina. Narinig ni Mitos ang
masayang kuwentuhan nila.
Pinuntahan niya ang mga ito.
Ngayon mga bata sagutan natin ang Masaya siyang hinagkan at binati ng
mga katanungan tungkol sa binasa na mga magulang sabay abot ng isang
kwento. bag na yari sa papel. Binuksan niya
1. Sino ang batang binanggit sa ang bag at nakita niya ang laman
kwento? nito, isang bagong cellphone.
Napalundag siya sa tuwa. Hinagkan
2. Ano ang dalawang katangian ni at pinasalamatan niya ang kanyang
Mitos? mga magulang.

3. Ilan ang kapatid niyang lalaki?

4. Bakit binigyan siya ng regalo ng


mga magulang? Si Mitos
5. Ano ang ginawa ni Mitos nang
matanggap niya ang regalo ng
mga magulang? Siya ay batang matalino at mabait.

 Pagtatalakay Tatlo
Batay sa kwento na inyong binasa
aalamin natin kung ano ang pahapyaw Dahil kaarawan ni Mitos
na pagbasa.
Siya ay napalundag sa tuwa at
hinagkan at nagpasalamat siya sa
kanyang mga magulang.
Mabilis, ang gumagamit ng kasanayan
na ito ay pahapyaw na bumabasa ng
mga pahiwatig sa seleksiyon katulad ng Ang pahapyaw na pagbasa ay isa sa
Pamagat at Paksang Pangungusap. paraan ng pagbabasa, na kung saan
ito ang pinakamabilis na pabasang
Hindi lang tayo basta basta nagbabasa, magagawa ng tao.
kailangan makita natin ang pahiwatig
sa ating binabasa.

Ito ay kadalasana na malikhain at


nakukuha ang atensyon ng tao, dahil
kung maganda ang pamagat mas
mahihikayat ang mga tao na basahin
ang kwento o naisulat. Kailangan din
may kaugnayan sa ating babasahin Mga Pahiwatig sa Seleksyon
dahil nagbibigay ito ng pahiwatig sa A. Pamagat
mambabasa kung tungkol saan ba ang -titulo o title ng isang
kanyang binabasa. babasahin. Karaniwan ito ay
mayroong kinalaman sa
nilalaman ng buong teksto.
Ito yung isang pangungusap sa isang
talata kung saan nakapaloob ang
pinaka ideya ng buong talata kung
tungkol saan ang buong talata.
B. Paksang Pangungusap
-pangungusap kung saan
nakapaloob ang pangkalahatang
ideya ng babasahin. Maaari itong
Paraan sa Pagbasa ng Pahapyaw makita sa umpisa, gitna, o dulong
bahagi ng isang talata.
1. Tignan ang pamagat.
2. Pagbasa sa una at huling talata
3. Pagbasa sa una at huling
pangungusap ng talata.
4. Bigyang suri ang introduksyon,
larawan, at tsart.

 Paglalapat
Panuto: Basahin nang pahapyaw ang
kwento. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong sa ibaba.

Babasahin ng mga mag-aaral.


Naantalang Bakasyon
Ni: Roselyn C. Roldan
Ang pamilyang Cervantes ay
nagbabalak na magbakasyon sa
nayon. Naghanda sila ng mga damit
para sa dalawang linggong
bakasyon. Ipinaalam nang kanilang
amang si Mang Christian ang balak
nilang bakasyon sa kanyang mga
magulang sa nayon. Sabik na sabik
na silang makabalik sa nayon na dati
nilang tirahan. Ngunit dahil sa
pandemyang dulot ng COVID-19,
maraming ipinagbabawal ang ating
pamahalaan kasama na rito ang
1. Sinong pamilya ang may balak pagbiyahe sa ibang lugar upang
magbakasyon sa nayon? maiwasan ang pagkalat ng virus.
Pinatigil ang operasyon ng mga
2. Ano ang kanilang inihanda para sasakyang pandagat, panlupa, at
sa dalawang linggong panghimpapawid.
bakasyon?

3. Natuloy ba ang kanilang Ang pamilyang Cervantes


bakasyon? Bakit?

Naghanda sila ng damit para sa


dalawang linggong bakasyon.
4. Anong mga gawain ang
nabanggit sa kwento ang
ipinagbawal ng ating
pamahalaan? Hindi, dahil sa pandemyang COVID-
19 maraming ipinagbawal ang
pamahalaan.
5. Bakit ayaw ng pamahalaan na
magbiyahe sa ibang lugar?

Hindi pinapayagan ng pagbiyahe sa


 Paglalahat ibang lugar.
Ano ang pahapyaw na
pagbasa?

Upang maiwasan ang pagkalat ng


Tandaan: virus.
Ang isang mabilisang paraan sa
pagbibigay ng pangunahing paksa o
ideya sa isang tekstong binasa ay sa Ito ay isinasagawa sa mga seleksyon
pamamagitan ng pahapyaw na para sa mabilis na pagkuha ng
pagbabasa. Isinasagawa ito upang impormasyon.
mahanap ang mahalagang
impormasyon at maiugnay ang mga
detalye sa pagbibigay nang wasto at
pangunahing diwa ng kuwentong
binasa.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang teksto sa paraang pahapyaw. Pagkatapos, kumpletuhin ang
dayagram sa ibaba base sa nakuhang impormasyon sa tekstong binasa.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Sumulat ng buod ng talata sa nakuhang impormasyon sa Pahapyaw na
Pagbabasa.

Napakalaking hamon sa bawat magulang at mag-aaral ang paraan ng


pag-aaral sa panahon ng New Normal dahil sa pandemyang Covid-19.
Matiyagang kinukuha ng mga magulang ang mga printed modules para sa
kanilang mga anak. Sinisikap din nilang turuan at gabayan ang kanilang mga
anak upang ipaunawa ang bawat aralin. Hindi nila alintana ang pagod sa
maghapong paghahanapbuhay magampanan lamang ang tungkulin nila.
Samantalang patuloy naming inaalam ng mga guro ang kalagayan ng pag-
aaral ng kanilang mga mag-aaral at ginagabayan sa paraang online at
paggamit ng cellphone messenger. Ang pagkakaisa ng mga magulang at guro
ay napakahalaga upang masiguro na patuloy na maibibigay ang mataas na
kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral bagama’t iba’t iba ang paraan ng
pag-aaral sa kasalukuyan.

You might also like