Ikatlong Markahang Pagsusulit Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 8 Pangalan: - Petsa: - Marka: - Grado at Baitang: - Guro

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Pangalan: _________________________________ Petsa: _____________Marka: ____
Grado at Baitang: ___________________________Guro:

Panuto: Punan ng angkop na salita o parirala ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon, pagkatapos isulat ang sagot sa patlang.

Ang orihinal na salitang Griyego na isinalin sa salitang Filipino na “__________(1)” ay _________(2), na


nangangahulugang “________(3), _________(4), o _________(5).” Maaring ang biyaya ay ipagkakaloob
natin sa iba o kaya ito ay ipagkakaloob sa atin. May dalawang uri ang biyaya, ito ay ________(6) at
_______(7). Ang isa sa mga halibawa ng biyayang pisikal ay ______(8) at _______(9) naman sa biyayang
ispiritwal. Ang ________(10) ay isang pagpapakita ng pagkilala sa mga biyayang natatanggap na ginagawa
mula sa kaibuturan ng ating mga puso.
I. Panuto: Tukuyin ang mga pahayag batay sa paglabag sa paggalang. Isulat ang tsek (√) kung ito
ay kawalan ng paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad at ipaliwanag kung bakit
ito naging paglabag. Ekis (X) naman ang isulat kung hindi.
__11. Pagmamaneho ng sasakyan nang walang lisensya.
__12. Pagpapakalat sa social media ng mapanirang opinyon ukol sa isang barangay kagawad.
__13. Pagtulong sa matanda na tumawid sa kalsada.
__14. Pag-upo sa pampasaherong sasakyan habang may nakatayong matanda dahil walang maupuan.
__15. Hindi pagpasa ng proyekto sa isang asignatura.
II.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat
sa patlang.
__16. Paano maipamamalas ang kilos nagpapakita ng paggalang sa awtoridad?
A. Ipaglalaban ang dignidad ng pagkatao.
B. Malayang maipahayag ang mga kamalian.
C. Tinutupad nang may kondisyon ang mga kautusan.
D. Nakikiisa at laging sumusuporta sa mga mabubuting programa at proyekto.
__17. Sinisikap ng mag-asawang sina Rudolfo at Clara na turuan ang kanilang mga anak ng angkop na kilos
upang lumaking mabuting mamamayan ang mga ito. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na
kilos na ito?
A. Sumusunod sa mga utos ang mga anak ayon sa sariling kagustuhan lamang nila.
B. Mahilig sa pamamasyal nang sama-sama sa iba’t ibang lugar ang mga anak nina Rudolfo at Clara.
C. Sama-sama at laging magkakasabay sa oras ng pagkain ang pamilya nina Rudolfo at Clara kung masarap
ang nakahain sa mesa.
D. Palagiang paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap ng mga anak nina Rudolfo at Clara sa kanilang mga
magulang at nakatatanda.
__18. Alin sa sitwasyon ang nakakaimpluwensya sa mga kabataan ng pagsunod sa mga magulang at
nakatatanda?
A. Masigasig ang mag-asawang Arnel at Rita na turuan ng mabubuting gawi ang kanilang mga anak at
pagpapakita ng pagiging modelong magulang sa mga ito.
B. Higit na pinahahalagahan ni Ronie ang itinuro ng kaniyang mga guro kaysa sa itinuro ng kaniyang mga lolo
at lola para mabigyan siya ng mataas na grado.
C. Anak ng isang pulitiko si Myrna kaya kailangan niyang maging magalang sa mga nakakasalamuha na
matatanda.
D. Bilang punong barangay, naging prinsipyo na ni G. Reyes na maging matapat sa kaniyang tungkulin.
__19. Pinara at pinahinto ng traffic enforcer si Shirly dahil nakagawa ito ng paglabag sa batas trapiko, sa
halip na makipag-away at magyabang ay humingi ito ng paumanhin. Anong kilos ang ipinamalas ni Shirly?
A. pakikipagtalo sa awtoridad
B. pakikipag-areglo sa traffic enforcer
C. paggalang sa batas na ipinapatupad ng awtoridad
D. pagsasawalang bahala sa kasalanang nagawa
__20. Hindi biro ang ginagawa ng mga kinauukulan upang malutas ang mga suliranin dala ng COVID-19. Alin
sa sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod ng mamamayan sa awtoridad?
A. Hindi pagsuot ng face mask kahit saan pumunta.
B. Sumusunod sa mga batas na ipinatutupad kapag may nakakakitang awtoridad.
C. Manatili sa bahay hanggang ipinatutupad ang community quarantine.
D. Makipagkaibigan sa mga doktor para may madaling malalapitan sa oras ng pangangailangan.
__21. “Igalang mo ang iyong ama at ina”. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapamalas ng pinakaangkop na kilos
ng pahayag?
A. Kung kailan inuutusan ay saka lamang kikilos.
B. Tumutupad sa mga utos ng magulang kung may kapalit.
C. Sinusunod nang buong paggalang ang mga turo ng magulang.
D. Malugod na sinusunod ang utos ng mga magulang kung may gustong hilingin sa kanila.
__22. Ang pagmamalasakit sa mga nakatatanda ay pagpapakita ng paggalang. Alin sa mga sumusunod ang
angkop na kilos ng paggalang sa nakatatanda?
A. ipaubaya na lang sila sa DSWD
B. hindi nakikialam sa nais nilang gawin
C. paggabay sa matandang tumatawid sa kalsada
D. pag-aalaga ni Dino sa isa sa kaniyang mga lolo na laging nagbibigay ng pera sa kaniya
__23. Ang inyong punong barangay ay nagpanukala ng isang malawakang clean-up drive. Dahil panahon ng
pandemya, ang may edad na 18-50 taong gulang na mamamayan ng barangay ang pinapayagang makiisa sa
paglilinis ng kapaligiran. Ano ang maaaring gawin ng mga mamamayan na hindi maaaring lumabas upang
maipakita ang pagsunod at pakikiisa sa utos ng awtoridad?
A. pagbibingi-bingihan sa napakinggang panukala
B. paglabas ng bahay upang pumunta sa mga pasyalan
C. ipagwalang bahala dahil sa mas importante ang pansariling gawain
D. unahin munang linisin ang sariling bakuran
__24. Paano natututunan ng bata ang paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad?
A. Likas itong natututunan mula pa sa pagkabata.
B. Namamana ang ganitong gawi sa mga nakatatanda.
C. Kung nagpapakita ang bata ng kaniyang interes na matuto.
D. Nalilinang ang pag-uugali mula sa pagtuturo ng liba’t ibang institustyong panlipunan.
__25. Anong pagpapahalaga ang dapat na pagyamanin upang maisapuso ang pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad? Pagiging:
A. Masinop sa lahat ng kilos at gawain
B. Pagkamalikhain at ipakita ito bilang talento
C. May pagpapahalaga sa mga turo ng magulang at sa mga batas na ipinatutupad
D. Masipag sa mga gawaing pangkabuhayan upang makatulong sa mga magulang sa paghahanapbuhay
III. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Suriin kung kakikitaan ba ito ng
pagpapasalamat at kawalan nito. Magbigay ng mga patunay.

Magkapatid sina Jean at John. Pagdating sa mga gawaing bahay, binibigyan lamang ni John ng
magagaan na mga gawain si Jean dahil hindi pa nito kaya ang ibang gawain dahil maliit pa lamang
ito. Sa kabila nito, nagrereklamo pa rin si Jean. Pinagsabihan niya ang kanyang kuya na dapat daw
ay hindi siya bigyan ng trabaho dahil siya ang bunso. Hindi nito ikinatuwa ang pagtulong sa
kanyang kuya bagkus nagdadabog siya habang ginagawa ang kanyang gawain.

21-26. Patunay:
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

IV. 27- 46. ( 20 puntos)


Gamit ang salitang “PAGGALANG”, bumuo ng akrostik na nagpapamalas ng pagsunod o paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad.

You might also like