PT MTB Mle 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
Schools Division of Isabela
Benito Soliven North District
MALUNO INTEGRATED SCHOOL-MAIN
Maluno Sur, Benito Soliven, Isabela

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MTB-MLE 3


SY 2022-2023

Pangalan:___________________________ Iskor:______________
Baitang at Pangkat:_______ LRN: _______ Petsa:_______________
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Paano nakatutulong sa mga mamamayan ang sitwasyon na ito?


“Isang bagong ordinansa ang inilabas ng ating Mayor na paigtingin ang pagpapatupad ng
Gulayan sa Bakuran ngayong panahon ng pandemya.”
A. Sa aking palagay. sa tulong nito hindi na kailangan lumabas ng mga tao upang bumili
ng mga pang-ulam sa araw-araw at maiwasan ang pagkalat ng sakit.
B. Bibigyan ng premyo ang may pinakamagandang gulayan.
C. Mahal ang mga bilihin sa palengke.
D. Mura ang mga bilihin sa palengke.
2. Ano ang iyong paniniwala tungkol sa sitwasyon na ito?
“Bawat paaralan dapat magkaroon ng mga programa upang paunlarin ang ating sariling
awit at sayaw.”
A. Naniniwala ako na sa pamagitan ng programang ito ay mas mapaunlad at
maipagmalaki ang sariling atin.
B. Malapit ng malimutan ang ating mga katutubong awit at sayaw.
C. Mas pinili ng mga kabataan ngayon ang mga hip hop dance.
D. Mas pinili nilang wag makialam.
3. Ano sa iyong palagay ang maaaring mangyari kapag nasunod ang sitwasyong ito?
“Ang ating mga batas pantrapiko tumutulong para sa kaayusan at payapang kilos ng mga
tao sa kalsada o lansangan.”
A. Sa aking palagay, maiiwasan natin ang mga disgrasya at upang tayo’y maging ligtas
habang nasa daan.
B. Sa aking palagay, maraming mga tao ang naglalakad na lang sa daan.
C. Sa aking palagay, maraming pulis ang nagbabantay sa kalsada.
D. Sa aking palagay, huwag na lamang makialam.
4. Ano ang magiging kahihinatnan nhg sitwasyong ito sa mga batang mag-aaral?
“Marami sa mga bata ngayon inuuna pa ang paglalaro sa computer kaysa paggawa ng
takdang-aralin.”
A. Para sa akin, mas nahuhumaling sa mga laro sa computer kaysa paggawa ng
takdang-aralin kaya ang resulta ay maaring bumaba ang kanilang grado.
B. Para sa akin, paborito nila ang paglaro ng computer.
C. Para sa akin, nahihirapan sila sa mga takdang-aralin.
D. Para sa akin, huwag na lamang makialam.
5. Ano ang paniniwala mo tungkol dito?
“Mas maagang oras ng curfew para sa mga kabataan.”
A. Naniniwala ako na mas ligtas tayo kapag nasa loob na ng tahanan pagsapit ng dilim.
B. Maraming mga bata ang gumagala sa gabi.
C. Mainam maglaro sa labas.
D. Wala akong paniniwala.
6. Anong bahagi ng pahayagan ang babasahin ni Gino kung siya ay naghahanap ng
pelikulang mapapanood?
A. Anunsyo Klasepikado
B. Libangan
C. Obituwaryo
D. Pamuhatan
7. Anong bahagi ng pahayagan ang babasahin mo kung ang tanong ng tatay ay “Tumaas ba
ang palitan ng dolyar?”
A. Editoryal
B. Negosyo
C. Pamuhatan
D. Pangunahing Balita
8 Anong bahagi ng diyaryo mababasa ang buhay ni Pacquiao bilang boksingero?
A. Editoryal
B. Libangan
C. Obituwaryo
D. Palakasan
9. Saan matatagpuan ang buong detalye ng balitang ito “Super Bagyo, Nanalasa!”?
A. Editoryal
B. Lathalain
C. Obituwaryo
D. Pangunahing Balita
10. Anong bahagi ng pahayagan ang dapat mong basahin kung usto mong basahin ang
tungkol sa kagandahang taglay ng Samal Island?
A. Lathalain
B. Libangan
C. Negosyo
D. Obituwaryo

II. Panuto: Suriing mabuti ang mga impormasyon na makikita sa graph at sagutin ang mga tanong
tungkol dito. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

11. Anong taon ang may pinakamataas na ani ang Pamilyang Reyes?
A. 2020
B. 2018
C. 2016
D. 2017
12. Ilang sako ng bigas ang kabuuang ani ng Pamilyang Reyes sa taong 2020?
A. 80
B. 140
C. 180
D. 200
13. Anong taon magkaparehas ang kabuuang ani ng Pamilyang Reyes?
A. 2016 at 2018
B. 2017 at 2019
C. 2018 at 2020
D. 2020
14. Ilang kabuuang sako ng bigas ang ani ng Pamilyang Reyes sa taong 2020 at 2019?
A. 240
B. 250
C. 260
D. 270
15. Tungkol saan ang pictograph?
A. Ani ng Pamilyang Reyes sa kanilang palayan mula taong 2016 hanggang 2020.
B. Ani ng Pamilyang Reyes sa kanilang palayan sa loob ng apat na taon.
C. Ani ng Pamilyang Reyes sa kanilang palayan.
D. Ani ng Pamilyang Reyes sa kanilang gulayan.

III. Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

16. Anong programa o aktibidad ang ating gagawin?


A. Magtanim ng puno
B. Maglinis ng bakuran
C. Brigada Eskwela 2020
D. Brigada Pagbasa 2021
17. Paano mo nalaman na mayroong programa o aktibidad na pagtatanim ng puno?
A. Dahil sa larawan ng lugar na walang puno
B. Dahil sa larawan ng mga bata na naglalaro
C. Dahil sa larawan ng tao na nagtatanim ng puno
D. Dahil sa larawan ng kamay na may tanim ng puno
18. Ano ang gagawin kapag nakakita ng gamitong larawang guhit?
A. Hindi na lang papansinin
B. Hahayaan nalang na ang mga matatanda ang gumawa.
C. Basahin at intindihing mabuti upang hindi magkamali at upang magawa ang gustong
ipabatid ng larawang guhit.
D. Basahin at balewalahing mabuti upang hindi magkamali at upang magawa ang gustong
ipabatid ng larawang guhit.
19. Pinangangalagaan ba nito ang ating paligid? Bakit o bakit hindi?
A. Ewan. Hindi ako nagtatanim ng puno.
B. Opo. Tungkol ito sa pagtatanim ng puno.
C. Hindi. Madumi at makalat tingnan ang paligid.
D. Hindi. Makalat tingnan ang paligid.
20. Paano mo nalaman na mayroong programa o aktibidad na pagtatanim ng puno?
A. Dahil sa larawan ng lugar na walang puno
B. Dahil sa larawan ng mga bata na naglalaro
C. Dahil sa larawan ng tao na nagtatanim ng puno
D. Dahil sa larawan ng kamay na may tanim ng puno
Para sa bilang 21-25, basahin nang may pag-unawa ang talata at alamin ang layunin ng may-akda
sa pagsulat nito. Isulat ang wastong titik ng iyong sagot sa patlang.

A. nagbibigay ng impormasyon B. nanghihikayat C. nanlilibang

____21. Isang araw, sinabi ng tatay nina Lyra, Minda, at Tina na mamasyal sila sa bayan. Sabik na
sabik ang tatlo dahil ito ang kanilang kauna-unahang pagkakataon na pupunta sila sa
bayan. Hindi pa kasi sila nakararating sa malalaking pamilihan. Kinabukasan, sina Lyra,
Minda, at Tina ay nagkunwaring sila ay nasa bayan na.
____22. Ang nilagang itlog ang isa sa mga paboritong pagkain ni Joshua. Tinanong niya ang
kaniyang nanay kung paano ito lutuin. Agad namang inisa-isa ng kaniyang nanay ang
gagawin. Una, ilagay ang itlog sa kaldero. Lagyan ito ng tubig at hayaang kumulo.
Pagkaraan ng ilang minuto, hanguin ito at palamigin.
___23. Ang paggawa ng isang saranggola ay madali lamang gawin. Kailangan mo lang ng tiyaga at
dapat masaya ka sa iyong ginagawa. At siyempre kailangan mo rin ng kagamitan kagaya
ng kahoy o patpat, plastic, glue o pandikit, at mahabang lubid.
___24. Tuwing natatanggal ang aking mga ngipin, inilalagay ko ito sa ilalim ng aking unan.
Naniniwala ako sa mga sabi-sabing bumibisita ang tinatawag nilang tooth fairy. Ayon sa
mga pelikulang aking nakikita sila ay naglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo para
mamigay ng regalo sa mga batang mababait na natatanggalan ng ngipin. Nagbibigay ito
ng kasiyahan hindi lang sa mga bata kundi pati na rin sa mga magulang. Gusto mo bang
makatanggap ng regalo? Kung ganoon ay maging mabait at masunurin kang bata.
___25. Ibang saya ang aking naranasan noong nakaraang bakasyon nang pumunta kami sa zoo
kasama ang aking pamilya. Maraming mga magagandang tanawin ang aming nakita at
nalaman tungkol sa ibat ibang mga hayop. Lubos din ang aking kasiyahan nang
naranasan kong magpakain ng ibon at iba pang hayop sa zoo. Ang karanasang iyon ay
isa sa mga bagay na hindi ko makalilimutan.
Para sa bilang 26-30, basahin nang may pag-unawa ang bawat bilang at tukuyin ang aspekto ng
pandiwa nito.
26. Anong aspekto ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap na ‘Ang mga ibon ay
umaawit.’?
a. naganap na
b. nagaganap
c. magaganap pa
d. pandiwa
27. Anong aspekto ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap na ‘Naliligo ang mga bata sa
ulan.’?
a. naganap na
b. nagaganap
c. magaganap pa
d. pandiwa
28. Anong aspekto ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap na ‘Si Karlo ay nagwalis sa
bahay kahapon’?
a. naganap na
b. nagaganap
c. magaganap pa
d. pandiwa
29. Anong aspekto ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap na ‘Mabilis tumakbo ang
batang lalaki nang habulin siya ng malaking aso noong nakaraang Linggo.’?
a. naganap na
b. nagaganap
c. magaganap pa
d. pandiwa
30. Anong aspekto ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap na ‘Si Mila ay bibili ng
magandang damit para sa kaniyang kaarawan.’?
a. naganap na
b. nagaganap
c. magaganap pa
d. pandiwa

Inihanda ni: Sinuri ni:


MARIESON C. UNAY MARILOU M. GERARDO
Teacher III Master Teacher I

Pinagtibay ni:

FEVELYN J. ACUPAN
Principal II

Lagda ng magulang:_______________
_______________

You might also like