DLP 29

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DETAILED LESSON PLAN FORMAT

DLP BLg. 29 Asignatura:Araling Baitang:9 Markahan :2 Oras: 1


Panlipunan

Mga Kasanayan: Napapangatwiran ang kinakailangang pakikialam at regulasyon ng AP9MYK-IIj-13


pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t-ibang
istruktura ng pamilihan upang matugunan ang pangangailangan
ng mga mamamayan.

Susi ng Pag-unawa na Ang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t-
lilinangin: ibang estruktura ng pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan.

1. Mga Layunin:

Kaalaman Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Price Floor at Price Ceiling.

Kasanayan Naibabahagi ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Price Floor at Price Ceiling.

Kaasalan Naipamamalas ang papel ng pamahalaan sa pamilihan.

Kahalagahan Napapahalagahan ang papel ng pamahalaan sa pamilihan.

2. Nilalaman Ugnayan ng pamilihan at pamahalaan

3. Mga Kagamitang  Ekonomiks (Batayang aklat,Manwal ng guro)


Pampagtuturo  Meta strips
 Power Point Presentation
4. Pamamaraan

4.1.Panimulang Gawain WORD HUNT


Hanapin at bilugan ang sumusunod na salita sa kahong nasa ibaba. Ang salita ay
maaaring pababa, pahalang, o pabaliktad.
1. DTI 6. Pamahalaan
2. DOLE 7. Pamilihan
3. Kakulangan 8. Presyo
4. Kalabisan 9. Price Ceiling
5. Minimum Wage 10. Price Floor
M E A D O L E N P A W P
S I E A E I O U A X U R
U A N R A W D E M L D I
B P T I A E I O A P A C
S O P A M I L I H A N E
I L G L Y U A N A B G F
D L X E D A M Q L E D L
Y O I R E N E W A R T O
O T K U D O R P A N I O
K A L A B I S A N G B R
P R E S Y O M A R T E B
S K A K U L A N G A N O
P R I C E C E I L I N G

1.Ano-Ano ang salita / Konsepto nab ago sa iyo?


2.Sa iyong palagay,sa anong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang mga salita/
konseptong ito?
4.2.Mga Gawain/Estratehiya ONCE UPON A TIME!
Ipabasa sa mag-aaral ang mga sitwasyong nasa loob ng kahon.Atasan silang buuin
ang maaring kahihinatnan nito batay sa kanilang sariling pagkaunawa.

1.Matagal nang magsasaka si Mang Francisco,Isang araw ay nabalitaan niyang ang


presyo ng kaniyang produktong palay ay binibili lamang sa murang halaga. Ang
presyo ay hindi kayang mabawi kahit puhunan niya sa binhi at fertilizer. Ano kaya
ang maaaring mangyari kay Mang Francisco?
Maaaring_________________________________________________
_________________________________ ________________________

2.Ang Gitnang Luzon ay sinalanta ng bagyo.Maraming palayan ang nasira.Ano kaya


ang maaring bunga nito?
Maaaring_________________________________________________
_________________________________ ________________________

3.Dahil sa katatapos pa lamang na bagyo nabalitaan ng pamahalaan na maraming


mga negosyante ang nanamantala sa pamamagitan ng pagtataas mg presyo.Ano
kaya ang maaaring gawin ng pamahalaan?
Maaaring_________________________________________________
_________________________________ ________________________

4.3.Pagsusuri 1. Paano ka nakabuo ng maaring kahihinatnan ng pangyayari?


2. Alin sa mga sitwasyon ang nahirapan kang bumuo ng maaaring kahihinatnan?
Bakit?

4.4.Pagtatalakay Ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan ay nahahati sa 2 uri:


1. Price Ceiling-Ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang
pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kanyang
produkto.
2. Price Floor-Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na
tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at
serbisyo.

4.5.Paglalapat 1.Mahalaga ba ang papel ng pamahalaan sa Pamilihan?


2. Paano nagkakaroon ng bahagi ang pamahalaan sa pamilihan?

5.Pagtataya 1. Ipakita ang pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng price ceiling at price floor.


6.Takdang- Aralin Sagutin ang sumusunod na pahayag o katanungan .

1. Isang organisadong sistemang pang-ekonomiya kung saan nagtatagpo ang


konsyumer at nagbibili o prodyuser upang magkaroon ng palitan.
2. Isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at
pangalagaan ang sambayanan.
3. Ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaan upang mapatatag ang presyo ng
mga pangunahing bilihin sa pamilihan.
4. Ito ay tumutukoy sa pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang
negosyante ang kaniyang produkto.
5.Ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na
nagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan
sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad (bagyo,
lindol, at iba pa).
6.Isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na ang tungkulin ay
palawigin ang sistema ng kalakalan at industriya sa bansa.
7.Isang pansamantalang pangyayari sa pamilihan na kung saan, ang
supplyng produkto ay hindi sapat sa planong ikonsumo ng tao.
8.Ang tawag sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa
mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
9. Isang pangyayari sa pamilihan na kung saan may sobra o higit
ang supply ng mga produkto sa dami ng planong ikonsumo o bilhin
ng tao.
10. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa Konstitusyon?
5. Paglalagom/Panapos 1. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng
na Gawain presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag
nito?
A. panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid.
B. pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa
presyo ng mga bilihin
C. pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga
konsyumer
D. patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante napalawakin pa ang
negosyo.
2. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at
hindi na makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong
gawi ng mga may-ari, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang
matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan.
Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng
mga produkto o serbisyo?
A. price ceiling
B. floor prices
C. market clearing price
D. price support
3.. Ang presyong mababa sa ekwilibriyo ay ipinatupad ng pamahalaan upang
mabigyang-proteksiyon ang mga mamimili. Ano ang magiging epekto sa
pamilihan kung ang pamahalaan ay magpapatupad ng price ceiling na
Php1?
Gamitin ang graph

A. Sa pagpapatupad ng price ceiling, ang pamilihan ay makararanas ng


ekwilibriyo.
B. Ang pagpapatupad ng price ceiling ay makapagdudulot ng disekwilibriyo
sa pamilihan. Ito ay lilikha ng shortage na 12 yunit ng produkto.
C. Ang pagpapatupad ng price ceiling ay makapagdudulot ng disekilibriyo
sa pamilihan. Ito ay lilikha ng surplus na 6 na yunit ng produkto.
D. Walang mangyayaring shortage at surplus sa pamilihan
sapagkat mabisa ang polisiya ng pamahalaan.

Inihanda ni:

Pangalan: Chito B. Gevise Paaralan: Sabang National High School

Posisyon/Designasyon: Teacher 1 Sangay: Danao City

Contact Number: 09434396615 Email address: [email protected]

You might also like