DLL Fil4q3w3feb27-Mar3,2023

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Asignatura: Filipino Petsa: Pebrero 27, 2023(Lunes)

Antas: Baitang 4 Binigyang Pansin ni:


Kwarter: Ikatlong Kwarter
____________________________
Guro: Felmar M. Lamac Villaluz V. Pahilagmago,EdD/Head Teacher III

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa
A. PAMANTAYANG
sa napakinggan. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita
PANGNILALAMAN
at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. PAMANTAYAN SA Nakasusunod sa napakinggang hakbang. Nakapagbibigay ng panuto,
PAGGANAP naisasakilos ang katangian ng mga tauhan sa napakinggang kuwento.
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano batay sa tekstong
C. MGA KASANAYAN SA napakinggan. F4PN-IIIb-h-3.2
PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat Nagagamit sa pagpapahayag ng sariling opinyon ang magagalang na
kasanayan) pananalita, sitwasyon. F4PS-III-12c12.12

 Pagsagot ng mga tanong na bakit at paano batay sa tekstong


napakinggan.
II. NILALAMAN  Paggamit sa pagpapahayag ng sariling opinyon nang magagalang na
pananalita/sitwasyon.

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Sa Bawat Hampas ng Alon Suhay 4 pahina 230-231


Pangmag-aaral
B. Kagamitan larawan, tsart, laptop, LCD
III.PAMAMARAAN
 Balik-aral: Dugtungan: Ang pagsulat ng awit ay kagaya ng
__________ na may ________ sa bawat linya.
 Pumili sa dalawang salitang maaring ipuno sa puwang: tugma, tula

Ipaawit: (Nasa aklat ng Musika at Sining 4 pahina 16)


A. Balik-aral at/o pagsisimula ng Batang Magalang
bagong aralin
Ang batang magalang ay kinagigiliwan Nang lahat ng taong kanyang
nakakausap Lalo sa nakakatanda, siya’y nagpipitagan Saan pa man,
kanino man sa lahat ng oras. Tanong: Nagustuhan niyo ba ang awit?
Paano kinagiliwan ng lahat ang bata?
 Sa araling ito, matutuhan ninyo ang pagsagot ng mga tanong na
B. Paghahabi sa layunin ng aralin bakit at paano sa tekstong napakinggan at paggamit sa pagpapahayag
ng sariling opinyon nang magagalang na pananlita.
Paglinang ng talasalitaan. Piliin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng
mga salitang nasa Hanay A. Isulat sapatlang ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
______1. maitataguyod una
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa _____ 2. Panganay kagamitan
bagong aralin ______3. materyales manipis
______4. pudpod pagpupursigi
______5. pagsisikhay maigagapang
tingnan ang ibig

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at  Itanong


paglalahad ng bagong kasanayan #1 Naranasan mo na bang makipag-usap sa nakatatanda? Paano mo ito
ginagawa sa magalang na pamaraan?
 Ipabasa muna ang mga tanong na sasagutin pagkatapos iparinig ang
kuwentong “Sa Bawat Hampas ng Alon” o di kaya’y ikuwento ng guro
sa pamamagitan ng masining na pagkukuwento.
Sa Bawat Hampas ng Alon
Enaj Bruce
Suhay 4 pahina 230-231

Isang ulirang ama si Mang Kanor. Sa bawat araw na dumadaan,


wala siyang ibang inisip kundi kung paano maitataguyod ang buhay ng
kanyang mag-anak. Ang kanyang maybahay na si Aling Lita at ang
kanyang tatlong anak na sina Mariel, Sonny at Basilio.”
“Tatay, bukas po bayaran na po sa eskwela. Sabi po ng titser ko
kailangan na pong maibigay yong kalahati ng bayad sa pangkatang
proyekto namin”, ani ng panganay na si Mariel. “Ako rin po ‘tay,
kailangan na pong maipasa sa susunod na Miyerkules ang proyekto ko
eh. Hanggang ngayon po ay hindi ko pa nabibili ang mga materyales
na kailangan ko doon. Ako na lang po yata sa klase ang hindi
nakakapagpasa”, ang sabi naman ni Sonny.
“Hayaan ninyo mga anak, pag medyo maraming isda ang naiuwi
ni Tatay mamaya, natitiyak kong may maipambabayad na tayo sa mga
kailangan ninyo sa eskuwela”, ang malungkot ngunit determinadong
wika ni Mang Kanor.
“Talaga po, Itay? Ibig sabihin mapapalitan na rin ang pudpod na
sapatos ko? Tapos mabibilhan ninyo na rin ako ng bagong uniporme?
Yeheyy! Hindi na ko tutuksuhin ng mga kaklase ko”, ang walang malay
na wika ng bunsong si Basilio.
Napatingin na lamang si Aling Lita sa kanyang asawa. Naaawa
siya rito. Saksi ang mga puting buhok nito sa walang tigil na
pagsisikhay maibigay lamang ang pangangailangan ng kanyang
pamilya. Ngunit sa kabila nito, sadyang kulang pa rin ang lahat.
Nagdarahop pa rin ang kanilang pamilya . Sa kabilang banda’y masaya
pa rin sila. Malaking pasalamat pa rin ang iniuukol nila sa Poong
Lumikha. Bagamat salat sa pang-araw-araw na panganagailangan, buo
naman at masayang namumuhay ang kanilang pamilya. Dahil sa
bawat sagwan, sa bawat hila ng lambat, nandiyan ang pagmamahal
ng kanyang asawa sa kanilang mag-anak at sa bawat paghampas ng
alon sa dalampasigan, may hatid itong pag-asa na sila’y makakaahon
din baling araw sa patnubay ng Dakilang Maykapal.

Pasagutan ang mga sumusunod na tanong.


 Sino-sino ang tatlong anak ni Mang Kanor?
 Ano-ano ang kailangan ng bawat isa?
 Ano ang ikinabubuhay ng pamilya nila?
 Sa kabila ng kahirapan ng pamilya, ano ang ipinagpapasalamat nila? Bakit?
 Anong uri ng mga anak mayroon si Mang Kanor?
Ano-anong magagalang na pananalita ang ginamit ng mga anak ni Mang
Kanor sa pakikipag-usap sa ama?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Isulat ang Magagalang na pananalita sa patlang.


paglalahad ng bagong kasanayan #2
Magpakita ng pag-uusap na gumagamit ng magagalang na pananalita.
Pangkat I. Inutusan sa opisina ng punongguro upang kunin ang DLL ng
F. Paglinang sa kabihasnan Guro. Pangkat II. Humiram ng gamit sa kaklase.
(Tungo sa Formative Assessment) Pangkat III. Humiram ng aklat sa silid-aklatan.
Pangkat IV. Nagpaaalam sa guro para lumabas.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Makikipag-usap ka saiyong guro, paano k sasagot sa kanya?


araw na buhay
 Paano nagiging magalang ang isang bata?
 Ang isang bata ay nagiging magalang kung gumagamit ng
H. Paglalahat ng aralin
magagalang na pananalita sa lahat ng oras at anumang sitwasyon.

Pakinggan ang babasahin kong teksto. Sagutin ang mga kasunod na


I. Pagtataya ng aralin tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

J. Karagdagang gawain para sa “Puto! Puto kayo riyan! Aling Mameng, eto na ang order ninyong
takdang aralin at remediation puto!” Ito ang paulit-ulit na sigaw ng batang iyon sa may tarangkahan
ng bahay ng ninang ko. Mameng nga pala ang pangalan ng ninang ko
at may malaking tindahan siya sa gilid ng bahay.
“Psst! Psst, Dorcas! Huwag masyadong malakas at may bisita
ako,” boses iyon ng ninang ko.
“Ay, sori po! Naku, mainit pa puto! Ako po ang tumulong
magluluto niyan!” nagmamalaking sabi ni Dorcas. Sumilip ako sa
siwang ng bintana at nakita ko ang isang batang marahil ay walong
taong gulang. Malusog siyang bata at may kayumanging balat.
Nakababa na sa mesang nasa harap ng tinadahan ang bilaong may
lamang puto.
“Salamat, Dorcas, ha. Bukas dalhan mo ulit ako. Iyong espesyal na
may itlog na laman. Alam mong nagbabakasyon dito ang inaanak ko
kaya nais kong patikimin siya ng ating puto,” sabi ni Ninang.
“Hayaan po ninyo at pinakaespesyal na puto ang irarasyon ko po
sainyo bukas. Diyan na po kayo at marami pong salamat. Puto! Mainit
na puto! Agad akong nag- ayos ng sarili at lumabas ng kusina. Nais
kong tikman ang tindang puto ni Dorcas. Talagang hanga ako sa
batang iyon. Maliit pa ay marunong nang tumulong sa magulang.
1. Ano ang pagkaing itinitinda?
A. guto B. buto C. luto D. puto
2. Sino ang nagsasalaysay sa kuwento?
A. Dorcas B. Mameng C. inaanak ni Mameng D. kapitbahay
3. Bakit pinahihinaan ang boses ni Dorcas?
A. Pangit ang boses niya. B. Paos ang boses ni Dorcas. C. May bisitang
tulog po si Aling Mameng. D. May nag-aaral sa loob ng silid.
4. Anong magalang na pananalita ang isinagot ni Dorcas nang
pahinaan ang kanyang boses?
A. Maraming salamat po. B. Ay, sori po! C. Pasensiya na po! D.
Puwedepo bang magbili?
5. Paano nakatutulong si Dorcas sa kanyang pamilya?
A. Nagtatrabaho sa factory. B. Nagtitinda ng puto. C. Namamasukan
sa isang tahanan. D. Naging guro sa paaralan.
Makinig ng balita sa radyo o TV. Mag-ulat ng isang balita mula saiyong
IV. MGA TALA
narinig o napanood.
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya/technique sa
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Asignatura: Filipino Petsa: Pebrero 28, 2023(Martes)


Antas: Baitang 4 Binigyang Pansin ni:

____________________________
Kwarter: Ikatlong Kwarter
Guro: Felmar M. Lamac Villaluz V. Pahilagmago,EdD/Head Teacher III

IV. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
A. PAMANTAYANG unawa sa napakinggan. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
PANGNILALAMAN pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan
at damdamin.
B. PAMANTAYAN SA Nakapagbibigay ng panuto, naisasakilos ang katangian ng mga
PAGGANAP tauhan sa napakinggang kuwento.
C. MGA KASANAYAN SA Nagagamit ang pang-abay, pariralang pang-abay sa
PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat paglalarawan sa kilos. F4WG-IIIa-c-6
kasanayan)
Paggamit ng pang-abay, pariralang pang-abay
V. NILALAMAN
sa paglalarawan ng kilos
KAGAMITANG PANTURO
C. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Sa Bawat Hampas ng Alon Suhay 4 pahina 230-231


Pangmag-aaral
D. Kagamitan larawan, tsart, laptop, LCD
VI. PAMAMARAAN
 Ano-ano ang magagalang na pananalita ang ginagamit mo sa pakikipag-
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng usap?
bagong aralin  Muling ipaawit ang awiting “Batang magalang” Itanong: Ano ang
naramdaman mo pagkatapos mong umawit ng “Batang Magalang”?
Sa araling ito, matutuhan ninyo ang paggamit ng pang-abay, pariralang
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ipabasa nang tahimik ang talata. Ilagay sa mga puwang ang mga
bagong aralin pariralang pang-abay na nabasa.

Maagang pumunta sa palengke si Aling Maring. Araw kasi ng


pamamalengke ngayon at tiyak na marami ang magsisiksikang
mamimili. Maayos niyang inihanda ang kaniyang paninda at
magalang na pinagbilhan ang kanyang mga suki. Tuwang-tuwang
namili ang mga parokyano dahil sa maayos na daloy ng pamilihan.
Matiyaga ding nagbabantay ang mga may katungkulan upang
mabantayan ang mga presyo ng bilihin. Sa pag-uwi ni Aling Maring
sa kanilang tahanan, taimtim siyang nagpasalamat sa Diyos dahil sa
magandang nangyari sa araw na iyon.

Suhay 4 pahina 214 Ipuno sa tsart ang inaasahang sagot sa mga


tanong.
a. Pansinin ang mga ginawang sagot. Anong salita ang inilalarawan
ng bawat isa? Anong tawag sa mga salitang ito?
Salungguhitan ang pang-abay.
1. Mabilis na lumalamig ang panahon.
2. Masayang ikinuwento ni Ma. Jobelle ang kanyang ginawa sa
kanyang kaibigan.
3. Sabay na pupunta ang pamilya nila sa Davao.
4. Mataimtim na nagdasal si Nicole para sa kaligtasan ng kanyang
Ama.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at 5. Sabik naming pinagmasdan ni Roan ang kuhang larawan ng
paglalahad ng bagong kasanayan #1 kaibigan. Bumuo ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na
pang-abay at pandiwa.

maaga maglakbay
buong husay maghahanda
noong isang taon sumagot
padabog tumulong
bukas Sumunod
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
Hanapin sa Hanay B ang pariralang pang-abay na puwedeng
idugtong sa hanay A.
Hanay A Hanay B
1. Napakasaya ng aming klase A. maagang gumising
F. Paglinang sa kabihasnan 2. Ang mga bata ay B. kahapon
(Tungo sa Formative Assessment) 3. Darating ang aking tito C. sa palengke bukas araw
4. Pupunta kami D. sa susunod na
5. Ang mga bisita ay E. masayang sinalubong
F. noong pasko

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Paano ka sumusunod sa utos ng iyong guro? Magulang?


araw na buhay
Ano ang pariralang pang-abay? Ang pariralang pang-abay ay
maaring naglalarawan kung paano (pamaraan), saan (panlunan), o
H. Paglalahat ng aralin
kalian (pamanahon) ang isinasaad ng pandiwa.

I. Pagtataya ng aralin Buuin ang talata. Gamitan ng mga pariralang pang-abay sa ibaba
ang bawat puwang upang mabuo ang diwa ng talata.
Nang inakyat ni Angel ang hinog na manga. - _____________ang kapit sa
bawat sanga ng puno. ___________ni Angel ang manga. ______________
ang nanlilisik na malaking ahas na nakapulupot sa kabilang sanga.
_____________si Angel, sa labis na takot bigla siyang nagpadausdos
pababa ng puno. Ang katakamang makain ang hinog na manga ay
napalitan nang labis na pangangatog ng buong kalamnan. Salamat
sa Diyos at hindi siya nahulog at nakagat ng ahas.

J. Karagdagang gawain para sa Bumuo ng munting kuwentong naranasan mo. Gumamit ng mga pang-
takdang aralin at remediation abay o pariralang pang-abay.
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya/technique
sa pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Asignatura: Filipino Petsa: March 01, 2023(Miyerkules)


Antas: Baitang 4 Binigyang Pansin ni:
Kwarter: Ikatlong Kwarter
____________________________
Villaluz V. Pahilagmago,EdD/Head Teacher III
Guro: Felmar M. Lamac

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
PANGNILALAMAN napapalawak ang talasalitaan
B. PAMANTAYAN SA Nakabubuo ng timeline batay sa binasang talambuhay, kasaysayan.
PAGGANAP
C. MGA KASANAYAN SA Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na
PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat depinisyon. F4PT-IIIc1.10
kasanayan) Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto. F4PB-IIIad-3.1
Pagbigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na
II. NILALAMAN
depinisyon  Pagsagot ng mga tanong tungkol sa binasang teksto
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Ang Taoist Temple a. Yaman ng Lahi 4 (Wika at Pagbasa) pahina 114-
Pangmag-aaral 117
B. Kagamitan Kagamitan: larawan, tsart, laptop, LCD
IV. PAMAMARAAN
Ikahon ang mga pariralang pang-abay sa loob ng pangungusap. 1.
Masayang sumagot ang bata sa tanong ng guro.
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng 2. Maingat na kumilos ang mananayaw ng Katutubong sayaw. 3.
bagong aralin Maganang kumain ang batang bagong ligo. Itanong: 1. Anong lugar sa
atin ang dinarayo ng mga tao? 2. Bakit ito dinarayo? (Maaring
magpakita ang guro ng mga tanyag na tanawin sa sariling lugar)
 Sa araling ito, matutuhan ninyo ang pagkuha ng kahulugan sa
B. Paghahabi sa layunin ng aralin pamamagitan ng pormal na depinisyon at pagsagot tungkol sa
binasang teksto.
Magpakita ng mapa ng Pilipinas kung saan makikita ang Cebu. Itala sa
talahanayang nasa ibaba ang mga nalalaman mo tungkol sa Cebu.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin

Pagganyak na tanong: Bakit dinarayo ang Taoist Temple?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Paglinang ng Talasalitaan: Ibigay ang kasinghulugan ng salitang


paglalahad ng bagong kasanayan #1 binigyang depinisyon sa ibaba. Dugtungan ang web. Maaring
magdagdag kung marami ang maibibigay ng mga bata. Pagawain ng
sariling pangungusap ang mga bata. a. Maunlad-patuloy ang pag-
asenso o pagyaman
b. Gara-kagandahan ng isang lugar o bagay
c. temple-isang lugar na sambahan o dalanginan
d. turista-mga bisita mula sa ibang lugar
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at  Ipabasa nang tahimik ang kuwento.
paglalahad ng bagong kasanayan #2 Ang Taoist Temple
Yaman ng Lahi 4 pahina 114

Maunlad na maunlad ang pinakamatandang lunsod ng Pilipinas,


ang Lungsod ng Cebu. Ito ang pangunahing lunsod sa bahaging timog
ng ating bansa.
Sa Beverly Hills matatagpuan ang mga bahay na nagtitimpalakan
sa laki at gara. Dito rin nakikita ang Taoist Temple na tunay na
makapigil-hininga sa ganda. May paniniwala na malalaman ng
sinumang magsadya rito ang kasagutan sa kanilang katanungan sa
loob lamang ng ilang minuto sa pamamagitan ng pagdalangin sa Diyos
sa templo. May mga bagay na pipiliin, dadamputin, ihuhulog sa sahig
at iikot, at saka magtatanong. Nasusulat sa tanging papel sa wikang
Tsino na tagapagpaliwanag sa templo. Sadyang dinarayo ng mga
turista ang Taoist Temple.

(Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4 pahina 114 St.


Mary’s Publishing Corp.)
 Ipaalala ang pamantayan sa pagbasa nang tahimik. a. Gamitin lang
ang mata sa pagbabasa. b. Umupo nang maayos at huwag
makipagkuwentuhan. c. Intindihing mabuti ang binabasa. d. Maging
handa sa pagsagot ng mga tanong.
 Balikan ang sinagutang talahanayan. Kompletuhin ito ayon sa iyong
natutuhan mula sa binasang teksto. Ipasagot ang mga sumusunod na
tanong. 1.Tungkol saan ang binasang teksto?
2. Ano ang pinakamatandang lunsod sa Pilipinas?
3. Saan makikita ang Taoist Temple?
4. Paano inilarawan ang Cebu? Bakit inihalintulad ito sa Beverly Hills?
5. Ano-ano ang ginagawa sa Taoist Temple?
6. Bakit nagpupunta ang mga tao rito?
7. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa mga taong nagpunta rito?
8. Ano-ano ang bagong kaalaman na natutuhan mo buhat sa teksto?
Ipabasa sa mga mag-aaral ang sagot nila sa hanay na bagong
kaalaman.
1. Ipagawa sa bawat pangkat ang sumusunod na gawain upang
mahikayat ang ibang tao na mamasyal sa Cebu.
Pangkat I- Patalastas
Pangkat II- Rap
Pangkat III- Poster
Pangkat IV- Islogan
2. Matapos ang inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat upang
ipakita ang kanilang proyekto. Bigyang halaga ang ginawa ng bawat
pangkat.

Basahin ang buong talata. Gawin ang nasa ibaba ng talata.


Isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas ang Bulkang Mayon.
Matatagpuan ito sa Legazpi, Albay. Dinarayo ito ng mga turistang galing sa
iba’t ibang bansa.
Sinasabing isang kababalaghan ang hugis balinsuso nitong walang
pingas. Kahit saan mang panig tingnan, hindi nagbabago ang hugis nito.
Dating isang bulkang natutulog ngunit nang minsang sumabog ito, daan-
daang tao ang nasawi at nalibing nang buhay sa kumukulong putik nito. Sa di
kalayuan sa bulkan, naroon ang simbahan ng Cagsawa. Natabunan ang
simbahang ito at ang pinakamataas na bahagi lamang ng tore nito ang
naiwang saksi sa malagim na pangyayari.
Sa kasalukuyan, nagiging aktibo na naman ang Bulkang Mayon.
(Hango sa Yaman at Lahi 4 pahina 115)

A. Pinatnubayang gawain: Punuan ang sagot sa kabilang kolum

F. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment)

B. Gawin ng magkapareha: Punan ang hinihingi sa tsart.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Paano mo maipagmamalaki ang kagandahan ng sariling pamayanan?


araw na buhay
Dugtungan tayo!
Sa pagbabasa ng kuwento, kailangang 1. _______mabuti ang bawat2.
H. Paglalahat ng aralin _________. Tumigil sa mga 3. ____________. Intindihing mabuti ang
4. _________________.
Sagot: 1. unawaing 2. binabasa 3. bantas 4. Teksto
I. Pagtataya ng aralin A. Basahing mabuti ang teksto. Saguting ang kasunod na tanong.
Napakahalaga ng mineral. May mineral sa halos lahat ng bagay sa
ating paligid. Mineral ang tasa ng ating lapis at ang tansong
kinalalagyan ng pambura nito. Mineral din ang yeso, luwad, langis,
pilak, ginto at bakal. Ang yelong tubig na ginagamit nating
pampalamig ay isang uri ng mineral.
Mahalaga rin ang mineral na pagkaing pangkatawan. Kung
magkulang sa mineral ang ating katawan, ang gawain ng iba’t ibang
bahagi nito ay hindi magagampanan nang maayos. May Iron na
makukuha sa mga gulay na luntian. Kailangan ang iron sa paggawa ng
dugo. Ang asin na nakukuha sa tubig dagat ay mineral din na
kailangan ng katawan. Ang calcium ay nakukuha sa dilis, balut,
bagoong at keso. Pampatibay ito ng buto. Kailangan din ang iodine.
Nakukuha ito sa mga pagkaing galing sa dagat.
(Hango sa Yaman ng Lahi 4 Pahina 116)
1. Saan-saan makikita ang mga mineral?
A. sa halaman lang B. sa mga tao C. sa lahat ng bagay sa paligid
2. Ano ang mangyayari kung magkulang tayo ng mineral sa ating
katawan?
A. magiging masaya tayo B. maaari tayong magkasakit C. kaagad
tayong tatanda
3. Paano nagiging matibay ang ating mga buto?
A. Uminom ng maraming tubig. B. Kumain ng mga pagkaing mayaman
sa Calcium. C. Kumain palagi ng karne.
4. Bigyang kahulugan o depinisyon ang mineral.
A. Ang mineral ay sangkap mula sa kapaligiran.
B. Ang mineral ay kailangan lang ng katawan.
C. Ang mineral ay mula lang sa mga ginto.
5. Ano ang Iron?
A. Ang Iron ay makukuha sa mga gulay na luntian.
B. Ang Iron ay galin sa mga halamang ugat.
C. Ang Iron ay bakal.
Mga sagot. 1. C 2.B 3. B 4. A 5. A
B. Piliin ang titik na tumutukoy sa kahulugan ng salitang ginamit sa
pangungusap.
1. Ang mineral ay _______ na makukuha sa ating paligid.
a. sangkap b. sustansiya c. bakal d. plastic
2. Ang mineral ay __________ kailangan ng ating katawan.
a.sustansiya b. iodine c. yaman d. gulay
3. Ang Iron ay isang ________ makukuha sa mga gulay at isda.
a. bakal b. sustansiya c. kalawang d. fiber
4. Ang Iodine ay nakukuha sa mga pagkaing galing sa _______.
a. dagat b. gulay c. prutas d. kanin
Mga sagot: 1. A 2. B 3.b 4. A

J. Karagdagang gawain para sa Basahin at sagutin ang teksto sa Yaman ng Lahi 4 pahina 117
takdang aralin at remediation
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya/technique sa
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Asignatura: Filipino Petsa: March 02, 2023(Huwebes)


Antas: Baitang 4 Binigyang Pansin ni:
Kwarter: Ikatlong Kwarter
____________________________
Guro: Felmar M. Lamac Villaluz V. Pahilagmago,EdD/Head Teacher III

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t
A. PAMANTAYANG
ibang teksto.
PANGNILALAMAN
Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.
B. PAMANTAYAN SA Nakagagawa ng mapa ng konsepto upang maipakita ang nakalap na
impormasyon o datos.
PAGGANAP
Nakasusulat ng sariling kuwento o tula.
C. MGA KASANAYAN SA Nakakukuha ng tala buhat sa binasang teksto. F4EP-IIIc-F-10
PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat Nakasusulat ng buod/lagom ng binasang teksto. F4PU-IIIc-2
kasanayan)
Pagkuha ng tala buhat sa binasang teksto.
II. NILALAMAN
Pagsulat ng buod/lagom ng binasang teksto.
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Ang Taoist Temple Yaman ng Lahi 4(Wika at Pagbasa) pahina 114-117
Pangmag-aaral
B. Kagamitan larawan, tsart, laptop, LCD
IV. PAMAMARAAN
Tumawag ng isa o dalawang mag-aaral na pwedeng magkuwento ng Taoist
Temple.
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng
Gamitin ang Madulang Pagkukuwentong Pamamaraan
bagong aralin
 Sino ang pinakamagaling magkuwento ngayong araw?
 Bakit siya ang pinakamagaling?
 Sa araling ito, matutuhan ninyo ang pagkuha ng tala, buod o lagom buhat
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
sa binasang teksto
Pabalikan ang tekstong Taoist Temple. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa at ipasagawa ang gawain sa Bago Bumasa.
bagong aralin

1. Gamitin ang bintana ng Karunungan


2. Gamit ang isang buong puting papel, tupiin sa apat na bahagi upang
makabuo ng bintana. Sa gitnang bahagi ay magkaroon ng tuping korteng
diyamante.
3. Ilagay sa gitna ang pamagat ng teksto: Ang Taoist Temple
4. Sa Unang bahagi, gawing kaliwa, Iguhit ang larawan ng isang templo.
5. Sa ikalawang bahagi, Isulat ang mga salitang naglalarawan sa Taoist
Temple.
6. Sa pang-apat na bahagi, ibaba ng gawing kaliwa. Isulat ang mga ginagawa
sa Taoist Temple
7. Sa pinakahuling bahagi, Isulat kung bakit maraming dumarayo rito.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1

Muling Ipabasa ang teksto sa Yaman ng Lahi 4 pahina 114


Maaaring magsangguni ang mga bata sa pagtatala ng mga tala mula sa
tekstong binasa.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Mula sa mga naitalang kasagutan sa bintana ng karunungan. Gabayan ang
paglalahad ng bagong kasanayan #2 mga mag-aaral sa pagbuo ng lagom o buod ng teksto.Isulat sa 85 maikling
talata ang mga naisulat na pangungusap sa bintana ng karunungan.

 Basahin ang teksto. Punan ang graphic organiser sa ibaba ayon sa


hinihinging tala.
Napakahalaga ng mineral. May mineral sa halos lahat ng bagay sa ating
paligid. Mineral ang tasa ng ating lapis at ang tansong kinalalagyan ng
pambura nito. Mineral din ang yeso, luwad, langis, pilak, ginto at bakal. Ang
yelong tubig na ginagamit nating pampalamig ay isang uri ng mineral.
Mahalaga rin ang mineral na pagkaing pangkatawan. Kung magkulang
sa mineral ang ating katawan, ang gawain ng iba’t ibang bahagi nito ay hindi
magagampanan nang maayos. May Iron na makukuha sa mga gulay na
luntian. Kailangan ang iron sa paggawa ng dugo. Ang asin na nakukuha sa
tubig dagat ay mineral din na kailangan ng katawan. Ang calcium ay
nakukuha sa dilis, balut, bagoong at keso. Pampatibay ito ng buto. Kailangan
din ang iodine. Nakukuha ito sa mga pagkaing galing sa dagat.
F. Paglinang sa kabihasnan (Hango sa Yaman ng Lahi 4 pahina 116)
(Tungo sa Formative Assessment)

2. Sumulat ng 2-3 pangungusap na maaaring maging buod ng teksto sa itaas.


Isulat sa anyong talata.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-
Nasasabi mo ang mga impormasyong dapat sabihin sainyong magulang?
araw na buhay
Paano mo ito nagagawa?

Ano ang pagtatala? Ano ang buod o lagom?


Ang pagtatala ay isang paraan upang mapadali ang pag-unawa sa
H. Paglalahat ng aralin binasa. Ang buod o lagom ay pinaikling kuwento o pagsasalaysay mula
sa mahabang kuwento na hindi kailangang mabago ang mga
pangyayari sa kuwento.
I. Pagtataya ng aralin Basahin ang Kuwento. Gamitin ang bintana ng karunungan. Isulat ang mga
hinihinging tala o impormasyon.
Isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas ang Bulkang Mayon.
Matatagpuan ito sa Legazpi, Albay. Dinarayo ito ng mga turistang galing sa
iba’t ibang bansa. Sinasabing isang kababalaghan ang hugis balinsusong
nitong walang pingas. Kahit saan mang panig tingnan, hindi nagbabago ang
hugis nito.
Dating isang bulkang natutulog ngunit nang minsang sumabog ito,
daan-daang tao ang nasawi at nalibing nang buhay sa kumukulong putik
nito. Sa di kalayuan sa bulkan, naroon ang simbahan ng Cagsawa.
Natabunan ang simbahang ito at ang pinakamataas na bahagi lamang ng
tore nito ang naiwang saksi sa malagim na pangyayari.
Sa kasalukuyan, nagiging aktibo na naman ang Bulkang Mayon.
(Hango sa Yaman ng Lahi 4 pahina 115)

1. Gamitin ang bintana ng Karunungan


2. Gamit ang isang buong puting papel, tupiin sa apat na bahagi upang
makabuo ng bintana. Sa gitnang bahagi ay magkaroon ng tuping korteng
diyamante.
3. Ilagay sa gitna ang pamagat ng teksto.
4. Sa Unang bahagi, gawing kaliwa, Iguhit ang larawan ng isang Bulkang
Mayon.
5. Sa ikalawang bahagi, Isulat ang kakaibang katangian ng bulkan.
6. Sa pang-apat na bahagi, ibaba ng gawing kaliwa. Isulat ang kahindik-
hindik na pangyayari nang sumabog ang bulkan.
7. Sa pinakahuling bahagi, Sumulat ng isang buod o lagom ng teksto.

J. Karagdagang gawain para sa Magsaliksik ng isang kuwentong Pabula. Sumulat ng buod sa


takdang aralin at remediation nasaliksik na pabula. Idagdag saiyong Portfolio.
V.MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya/technique sa
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
Asignatura: Filipino Petsa: March 03, 2023(Biyernes)
Antas: Baitang 4 Binigyang Pansin ni:
Kwarter: Ikatlong Kwarter
____________________________
Guro: Felmar M. Lamac Villaluz V. Pahilagmago,EdD/Head Teacher III

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG “Isinagawa ang Lingguhang Pagsusulit Filipino 4”
PANGNILALAMAN
B. PAMANTAYAN SA
PAGGANAP
C. MGA KASANAYAN SA
PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat
kasanayan)
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral
B. Kagamitan
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng
bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #1
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment)
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-
araw na buhay
H. Paglalahat ng aralin

I. Pagtataya ng aralin

J. Karagdagang gawain para sa


takdang aralin at remediation
V.MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya/technique sa
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

You might also like