FPL Akad SLP-8

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG: Akademik

SENIOR HIGH SCHOOL (SMILE 8)

Pangalan : ___________________________ Baitang/Pangkat: ____________

Guro: _______________________________ Petsa ng Pagpasa: ___________

I. SUSING KONSEPTO

ANG SINING NG PAGSULAT AT PAGBIGKAS NG TALUMPATI

Ang talumpati ayon kina Julian at Bontoc (Pinagyamang Pluma Filipino sa


Piling Larang Akademik) ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong:

✔ humikayat
✔ tumugon
✔ mangatwiran
✔ magbigay ng kaalaman o impormasyon, at
✔ maglahad ng isang paniniwala

Ang TALUMPATI ay:

⮚ isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag ng isang paksa


na binibigkas sa harap ng tagapakinig;

⮚ Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang


mahalaga at napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng
tagapakinig;

⮚ Nauuri ito sa dalawa ayon sa balangkas:

● Una, talumpating may paghahanda-


Dito ay isinasaulo ng mananalumpati ang piyesa o kaya nama’y maaari
niya itong basahin lamang.

● Ang pangalawa,ay talumpating walang paghahanda. Ang talumpating


ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay ibinibigay lamang sa
oras ng pagtatalumpati. Sinusubok dito ang kaalaman ng
mananalumpati sa paksa.

RO_ FPL: Akademik _Linggo 8


1
Pangunahing Bahagi ng Talumpati

1. Panimula – kung saan ay inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na


ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla. Mahalaga ring isipin ang
Pagbati bagama’t ito ay bahagi ng panimula.

2. Katawan – ang siyang nagtataglay ng pinagsunod-sunod na bahagi na


naglalaman ng mga makabuluhang puntos o patotoo.

Samantala, ang Paninindigan – ay siyang nagpapatotooo sa


mananalampati sa kanyang sinabi sa bahagi ng katawan.

3. Kongklusyon. Ito ang bahaging nagbubuod o naglalagom sa talumpati.


Sa paghahanda ng talumpating bibigkasin, mahalagang isaalang-alang ninuman ang
hakbangin sa paggawa nito. Kasama na rito ang:
a. pagpili ng paksa, at
b. pagtitipon ng mga materyales na gagamitin.

Kapag tiyak na ang paksa ng talumpati maaaring pagkunan ng mga


impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karanasan na may
kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga
awtoridad sa paksang napili.

c. pagbalangkas ng mga ideya

Napapaloob ito sa tatlong pangunahing bahagi: ang panimula,


katawan at pangwakas.

d. paglinang ng mga kaisipan, dito nakapaloob ang mahalagang


impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na
inilahad sa balangkas.

Karagdagang Dapat Malaman ng Mananalumpati:

⮚ Ang mananalumpati ay dapat may maayos na tindig sa ibabaw ng entablado;

⮚ May kahulugan ang bawat galaw ng kamay at katawan sa pagtatalumpati na


tinatawag na kumpas;

⮚ Ang pagturo, ang palad na nakataob, ang tihayang kamay, ang pasuntok,

RO_ FPL: Akademik _Linggo 8


2
ang pagtaas ng kamay, ang paglakad-pasulong, ang paglakad-paurong, at iba
pa ay may mga kahulugan sa pagtatalumpati;
⮚ Napakahalaga ng ekspresyon ng mukha ng isang nagtatalumpati. Dito
makikita ang damdamin at katapatan ng mananalumpati na hindi dapat
ipagwalang-bahala;

⮚ Ang paksa ay nakadepende sa sitwasyong dadaluhan. Kailangan itong ibagay


ayon sa pangagailangan.Pangangampanya,
pagtatapos, eulogy, at kung ano-ano pa.

II.KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

✔ Nakasusulat ako ng talumpati batay sa nabasang halimbawa.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Gawain 1 - I- SHOOT MO!
Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang angkop na bola ng
tamang sagot na nasa ibaba upang i-shoot sa ring.

1. Isang uri ng talumpati na madalian at walang gaanong


paghahanda. Tinatawag ding impromptu sa Ingles.
2. Ito ang bahagi ng talumpating nagtataglay ng lagom o
buod ng mensahe.

3. Sa bahaging ito kadalasang napapaloob ang mga


argumento, isyu at suliranin at resolusyon may
kinalaman sa paksa.

4. Ito
ang pagbibigay-diin sa mga piling bahagi sa
pagtatalumpati upang maging kawili-wiling pakinggan
ang pagsasalita.

RO_ FPL: Akademik _Linggo 8


3
5. Tumutukoy ito sa maayos na tikas, tamang pagtayo,
panuunan ng tingin,at tamang paglakad sa pagpanhik at
pagbaba sa entablado

Gawain 2 – HUGOT MO… I-POST MO!


Panuto: Sa tulong ng talahanayan sa ibaba, isulat mo ang maaaring
suliranin o isyu ng iba‘t ibang paksang pantalumpati. Maglakip ng
damdamin sa pamamagitan ng HUGOT LINES
Tingnan ang unang halimbawa.
Hal.
Paksa Suliranin/ Isyu Hugot - Post

Social Amelioration Di lahat ng indigent Mahirap maging mahirap, ngunit


Program sa nabibigyan mas mahirap pala ang paasahin
COVID-19 ka ng nangako sa iyong
pandemic mamahalin ka at di iiwan.

Paksa Suliranin/Isyu Hugot-Post

1. Responsableng
paggamit ng
social media
2. Pagpapatuloy
ng curfew
pagkatapos ng
COVID crisis

RO_ FPL: Akademik _Linggo 8


4
3. Same Sex
Marriage

4. ABS CBN
Shutdown

5. Pagbabalewala
sa wikang Filipino
ng mga Pilipino

Gawain 3 – Basahin Mo! Isulat Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang isang halimbawa ng talumpati na nasa ibaba.


Gawin itong huwaran upang makabuo ng sariling talumpati. Gamitin ang RUBRIC sa
ibaba upang magsilbing gabay sa epektibong paggawa ng talumpati sa paksang
napili mo

RO_ FPL: Akademik _Linggo 8


5
Sa Muling Pagsukbit ng Sandata
Ni: Leo C. Brizuela, Jr.

I. Hindi maaaring baguhin ang kasaysayan. Iba-ibang kuwento ang naitala sa


likod ng katapangan ang nakakubli sa mga dahon ng nakalipas.

Sa lahat lahat ng naririto sa bulwagang ito, isang pagpupugay.

II. Mga kalalakihang pinarusahan kahit walang kasalanan;


paggapos at pagbusal/ sa mga nagtangkang magsalita at sumalungat;
panggagahasa sa kababaihang walang kalaban-laban;
pagharap sa angil ng mga punglo/ at talas ng bayoneta;
kalungkutan ng paghihiwalay ng asawa sa kabiyak; ama sa anak;

anak sa magulang; at kapatid sa kapatid…

Ilan ito sa mga senaryo na iginuhit ng kasaysayan sa ating bansa. Mga


trahedyang nag-iwan ng pilat at kirot sa ating mga kababayang naging bahagi ng
masalimuot na buhay sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Paano nga ba maisasantabi sa buhay ng mga Pilipino ang bakas ng Martsa


ng Kamatayan/ o mas kilala bilang “Death March?” Isang martsa na animo’y
prusisyong walang Santo/ ng kalalakihang Pilipinong sumugal sa kalayaan.

Ang 140 kilometro o 90 milya ay pinauusad ng mga nakaantabay na mga


kawal-Hapones na handang bumuga ang baril o kaya’y tumusok ang bayoneta -
isang paglalakbay na kakambal ng dugo at buhay mula Bataan patungong kampo
O’Donnell sa Capas, Tarlac.

Sa mga talang ito, ano nga ba ang silbi ng kasaysayan sa kasalukuyan? May
halaga pa ba ito sa lahing Pilipino at kabataang nabuhay sa isang naiibang
panahon? Isang panahong may sariling mga suliraning sumusubok sa katatagan ng
bansa at masang Pilipino.

Mga kaibigan, hindi lingid sa lahat ang sari-saring isyung kinasasangkutan ng


Pilipinas sa kasalukuyan. Idagdag pa rito ang patuloy na pagtaas ng kaso ng krimen
na sangkot ang kabataan gaya ng cyber bullying, sex scandals, droga at
pornograpiya na dagdag-pasanin ng ating bansa.

Kung ang ating panahon ngayon ay digital era, bakit hindi ito gamiting
instrumento sa u ri din ng henerasyon ngayon? Ang mga dokumentaryo ng kagitingan
ng ating mga bayani ay dapat bigyang-pansin at ipamahagi sa mga paaralan upang
magbigay-linaw at inspirasyon sa lahat ng henerasyon.

Ang pagsasapelikula ng iba’t ibang kwento ng kanilang buhay ay maaring


simulan ngayon, upang magsilbing salamin ng tamang pagkilos at mga disisyon.

RO_ FPL: Akademik _Linggo 8


6
Gamitin ang impluwensiya ng social media upang makapagbahagi nang mas
makabuluhang posts, shares at likes sa mga usaping pangkasaysayan at
pagbabago.

II. Panahon ngayon ng pagbalikwas at hindi pagtakas; panahon ng paggising at


hindi pananahimik; panahon ng pagiging makatao at hindi pagiging walang
silbi…sapagkat tayo… tayo ang mga itinakda upang muling isukbit ang mga
sandatang dati nang isinalong ng panahon. Tayo ang magpupunla sa bagong
henerasyon ng pamanang kalayaan.Tayo ang makabagong mga beterano ng
digmaan na magsasabuhay at pagyayamanin ang dakilang kasaysayan ng lahing
Pilipino…para sa isang lipunang malinis; para sa isang lipunang payapa; at para sa
mas ligtas na kinabukasan ng bansang Pilipinas.

Magandang hapon sa inyong lahat!

Sanggunian:Talumpating Piyesa
Ni: Leo C. Brizuela, Jr.

IV. RUBRIC SA PAGPUPUNTOS

Gagamitin sa Gawain 3
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 5
pagsulat ng talumpati gamit ang tatlong bahagi at wastong
pagkakasunod-sunod.
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani- 5
paniwalang talumpati
Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto at 5
angkop na paggamit ng wika
Nakabubuo ng talumpating may batayang pananaliksik 5
ayon sa pangngailanagan.
Kabuoang Puntos 20

RO_ FPL: Akademik _Linggo 8


7
V. REPLEKSIYON

Gamit ang Learners Response Journal, buoin ang di-tapos na pahayag


bilang sariling pagninilay.

VI. SANGGUNIAN

⮚ Julian, A. at Lontoc, N.(2016): Ang Talumpati: Pinagyamang Pluma Filipino sa


Piling Lang- Akademik.Phoenix Publishing House Inc. Quezon City;

⮚ Brizuela, L. (2020) Talumpating Piyesa, Di Limbag

VII. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

1. daglian Subhektibo ang Sagot Gagamit ng Rubric


2. kongklusyon
3. katawan
4. bigkas
5. tindig

RO_ FPL: Akademik _Linggo 8


8
Inihanda ni:

MELANIE T. ABILA
Ligao NHS, Sangay ng Lungsod Ligao

Tiniyak ang kalidad ni:

LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


Pandibisyong Superbisor sa Filipino

RO_ FPL: Akademik _Linggo 8


9

You might also like