Detailed Lesson Plan Kasuotan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Lipa

Banghay Aralin sa Work Period 1

I. LAYUNIN

1.Nakikilala ang mga kasuotang isinusuot sa bawat panahon.


2.Naiguguhit ang mga kasuotang isinusuot sa bawat panahon.
3.Nailalarawan ang mga uri ng kasuotang isinusuot sa maaraw at maulang
panahon.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Mga kasuotang isinusuot sa panahon ng Tag-araw at Tag-ulan


Sanggunian: Kindergarten Teacher’s Guide
Kagamitan: Mga larawan, laptop, worksheets

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata


A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pag awit ng Pambansang Awit
3. Panalangin
4. Pag ehersisyo ng mga bata
4. Pagtatala ng araw at panahon
5. Pagtatala ng liban

B. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o


Pagsisimula ng Bagong Aralin
Tungkol po sa panahon.
Bago tayo mag simula sa ating bagong
aralin ,ano ang ating tinalakay noong
nakaraan?
Maaraw, Maulan, Maulap,Mahangin at
Tama,pinag-aralan natin ang iba’t-ibang Bumabagyo.
uri ng panahon. Magbigay ng mga
halimbawa ng panahon.
Mahusay, ngayon ay tingnan ulit natin ang
mga simbolo ng panahon at banggitin ng
sabay-sabay ang iba’t-ibang uri ng
panahon na mayroon tayo sa Pilipinas,

Maaraw Maulap Maulan

Mahangin Bumabagyo

C. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Sa pagsisimula ng ating bagong aralin atin


munang panuorin ang maikling kwento.

Anu-ano ang dapat tandan habang


nakikinig ng kwento?
Huwag pong maingay
Umupo ng maayos
Mahusay, makinig ng mabuti at tandan Huwag makipag kwentuhan sa katabi
ninyo ang mga detalye sa kwento. Dahil
mamamya magtatanong si teacher.
Handa na ba kayong makinig?

Kung ganon, maupo ng maayos, mata ay


ituon sa vidyo at makinig ng mabuti. Opo!

(Magpapanuod ng maikling kwento ang


guro na pinamagatang “Ang damitan ni
Nanay ni Gng. Jie Pusing”).

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin

Ayon sa kwento na ating napanuod anu-


anong uri ng panahon ang nabanggit ni
nanay?
Tag-araw at Tag-ulan
Tama, tag-araw at tag-ulan. Anu-ano ang
mga damit na nabanggit sa kwento?

Sa inyong palagay ano ang ating


tatalakayin ngayong araw?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at (Iba’t – iba ang sagot ng mga bata)


paglalahad ng bagong kasanayan

Ngayon ay tatalakayin natin ang mga


kasuotan tuwing Tag-araw
at Tag-ulan.

Pag sinabi na Tag-araw ang panahon ay


maaraw, at mainit lalo na pag nasa labas
ka ng bahay.

Naalala nyo ba kung ano ang mga


kasuotang nabanggit sa kwento na sinabi
ni nanay na kakailanganin nila ngayong
Tag-araw?

At pupunta pa daw sila sa Star Mall. Ano


sando, shorts, palda, blusa
kaya ang kanilang bibilhin?

Ang sabi ni nanay dahil kapag Tag-araw


mainit ang panahon, kaya maninipis na
kasuotan ang mainam gamitin.
tsinelas, sunglasses, sombrero, payong at
May mga bagay din na ginagamit kapag pamaypay ni nanay.
Tag-araw.Gaya ng pamaypay, bintilador
at aircon.
At may mga pagkain rin na ating madalas
kinakain kapag Tag-araw. Halimbawa ay
ice cream, ice candy, halo-halo at
palamig.

Ngayon naman ay pag-aralan natin ang


mga kasuotan tuwing Tag-ulan. Pag sinabi
na Tag-ulan ang panahon ay maulan, at
malamig.
Balik tayo mga bata sa kwento na ating
pinanuod, naalala nyo ba ang mga
kasuotan na inililigpit na ni nanay dahil
panahon na daw ng Tag-araw at maiinit
ang panahon, saka nya na lang daw uli
ilalabas pag malamig at maulan na ang
panahon?
jacket, sweater, bonet, makakapal na pajamas,
Alam nyo ba mga bata tuwing Tag-ulan bota, kapote
masarap kumain at humigop ng sabaw na
mainit. Ito ay nakakatulong upang
mapawi ang nararamdaman nating lamig
tuwing Tag-ulan.

Ang sombrero at payong ay parehong


ginagamit tuwing tag-araw at tag-ulan
parehas nilang sinasangga ang init mula sa
araw at ang ulan. Pinoproteksyonan nila
tayo upang hindi derektang tumama ang
init ng araw sa ating balat at para hindi
tayo mabasa ng ulan.

(Papangkatin ng guro ang mga bata.)

Anu-ano ang dapat tandan habang


nagpapangkatang gawain?

PANGKAT 1
Panuto: Bilugan ang tamang kasuotan
kapag mainit ang panahon.

PANGKAT 2
Panuto: Ikahon ang tamang kasuotan
kapag malamig ang panahon.

PANGKAT 3 Tulong-tulong po.


Panuto: Gumuhit ng linya mula sa Huwag makikipag-aaway.
kasuotan at ikabit sa tamang uri ng Gagawa po ng tahimik.
panahon.

F. Paglinang sa Kabisaan (tungo sa


Pormatibong Pagtataya)

Panuto: Iguhit ang araw kung ang


larawan ay madalas nating kinakain
tuwing tag-araw at ulan naman kung
ang pagkain ay madalas nating kinakain
tuwing tag-ulan.
(Makikilahok ang mga bata na sagutan ang
inihanda ng guro)
___1. ___4.

___2. ___5.

___3.

G. Paglinang sa Kabisaan (tungo sa


Pormatibong Pagtataya)

Panuto: Iguhit ang araw kung ang


kasuotan ay madalas nating sinusuot
tuwing tag-araw at ulan naman kung
ang kasuotan ay madalas nating sinusuot
tuwing tag-ulan.
Makikilahok ang mga bata na sagutan ang
inihanda ng guro)

____1. ___4.

____2. ____5.

____3. _____6.

H. Paglalahat ng aralin

Mahalaga na ang ating kasuotan ay


angkop sa ating panahon. Upang
maproteksyonan ang ating katawan laban
sa init ng araw at lamig ng panahon.
Maaari tayong magkasakit o mapahamak
kapag hindi angkop ang ating kasuotan sa
panahon.
I. Pagtataya ng aralin

Panuto: Kulayan ang mga bagay na


dapat gamitin upang mapanatiling ligtas
sa init ng araw.
(Tahimik na magsasagot ang mga bata sa
sagutang papel)

TAKDANG ARALIN

Panuto: Gumuhit ng tatlong angkop na kasuotan tuwing tag-araw at tag-ulan. Kulayan


ang inyong mga ginuhit.

Inihanda ni:

JEANETTE N. PEREZ

You might also like