Governor Son
Governor Son
Governor Son
They are the most-sought hot magnates in town with their oozing sex appeal,
connections, social and political status and wealth. What most does not decipher,
they aren't gods to be perfect.
------
DISCLAIMER
All characters appearing in this story are fictitious. Any resemblance to real
persons, living or dead are purely coincidental.
Please, be responsible of your thoughts and actions. This story does not influence
you to reenact the matured contents.
In reading a story, take what's useful, leave what's not. I'm glad you saw the red
flags, hindi ko sure, kung bakit kayo tumuloy basahin. Pero alam ko, mas binasa
natin hindi dahil kay Cadence, kundi para kay Sai.
I hope it raises awareness of how hard teenage pregnancy could be, please don't
romanticize that "Kinaya ni Sai magbuntis ng maaga, kakayanin ko rin" lalo na if
you are a teenager with no financial and mental stability. It would be hard for you
and for your parents. It's supposed to raise awareness, tapos ang nangyari, na-
inspire. Oh, no! You got it all wrong.
PROLOGUE
Buntis ako.
Iyon ang nakalagay sa hawak kong pregnancy test kit. Dalawang guhit. Ibig sabihin
buntis ako. May laman nang buhay ang aking t'yan. Maka-ilang beses kong inulit ang
P.T. na binili ko pa sa bayan at isa lang ang lumabas na resulta kundi iyong
dalawang linya. I am really pregnant.
Wala akong sakit. Iyong pagduduwal ko at pagbaliktad ng aking sikmura, iisa lang
ang ibig sabihin. Pati ang pagdalas kong dalawin ng antok at pagkahilig sa maasim
na mangga.
Gusto kong humagulhol sa takot. Paano ko sasabihin kay nanay at tatay? They won't
accept it. I am only eighteen. Wala pa ako sa senior high, hindi ko pa kayang
mabuhay sa sarili kong paa. Nahuli ako sa pagpasok noon. They are conservative. Isa
itong malaking kasalanan at kahihiyan para sa kanila.
Ni hindi nila alam na may nobyo ako. Masyado pa akong bata. Pero nakagawa na kami
ng panibagong bata.
Mas lalo akong nataranta ng muling bumaliktad ang sikmura ko. Agad akog dumuwal sa
nakaharap na bowl. Lalong umaalat ang panlasa ko, nanghihina ako. Ramdam ko ang
sobrang bilis na tibok ng puso ko. Para itong aalpas sa takot.
May marahas na pagkatok akong narinig. "Hoy! May tao ba riyan sa loob? Natatae na
ako!" mula sa labas, rinig kong sigaw ng pinsan kong si Nena. I was older than her.
Hindi ako magkandaugagang tinipon ang nagkalat na test kits sa lapag ng banyo.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Itinago ko iyon sa aking likod bago ko
binuksan ang pintuan ng banyo.
"Sai, and'yan ka pala! Natatae na talaga ako," she said. May dala s'yang timba ng
tubig. Tumungo ako at lumabas ng banyo para bigyan s'ya nang daan na makapasok.
Nanginginig ang tuhod ko pero pinilit kong hindi magpahalata.
"Hoy, ayos ka lang ba? Namumutla ka. May sakit ka pa rin?" nag-aalalang tanong
n'ya. Sinipat n'ya akong maigi. Inilagay n'ya rin ang kanyang kamay sa leeg ko para
damhin ang aking temperatura. Mukhang napansin n'ya ang ayos ko. Alam kong mukha
akong zombie.
I shook my head. Pinilit ko s'yang ngitian. "A-ayos lang ako. S-sige, una na ako."
iniwas ko ang sarili ko sa kamay n'ya at nanunuring mata.
Mabilis akong naglakad paalis ng banyo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala
akong ideya. Puno ng takot ang kalamnan ko.
Muli kong tiningnan ang hawak kong test kits. Tatlo iyon na pare-pareho ang
resulta. Buntis ako.
Nahinto ako sa paglalakad at pinahid ko ang luha sa aking mata. I cleared my mind
to think. Isa lang ang naiisip kong gawin ngayon. I will tell Cadence. I will tell
him that I'm pregnant. Mahal n'ya ako. He will sort things out. Malalampasan namin
ito.
Dala ang panibagong lakas at pag-asa, nagtungo ako sa batis kung saan una ko s'yang
nakita. At madalas ding tambayan naming dalawa. We even made love to that place.
It's our sacred sanctuary.
I was right. He was there. Nakasandal s'ya sa puno ng mangga habang nakapikit ang
mga mata. I smiled when he looked at me. Ang gwapo talaga ni Cadence. Parang isa
siyang character sa mga nababasa kong pocket book stories. He possessed that good-
looking features. Kahit twenty pa lang s'ya.
Nakapamulsa s'yang lumakad papalapit sa'kin. Binigyan ko s'ya nang isang mahigpit
na yakap. Nang bumitiw ako sa kanya, nakatingin s'ya sa akin ng seryoso.
I smiled. "Ikaw muna." pagpaparaya ko, makakapaghintay pa naman ang sasabihin ko.
Humugot s'ya nang malalim na paghinga. "I'm leaving, Everly." walang emosyon n'yang
wika.
Humigpit ang hawak ko sa pregnancy test kits. Nagguluhan akong tumingin sa kanya.
"Saan? Kailan ka babalik? Hindi pa tapos ang bakasyon n'yo rito 'di ba?""
"Hindi ko maintindihan." I was shaking my head while biting my lip. Gusto kong
maiyak. "Paano ako? Paano tayo?"
"Walang tayo."
That broke my heart. Literally. Ano iyon? Ganoon na lang iyon? Walang kami? Ibig
sabihin, ni minsan hindi n'ya man lang ako minahal?
"You should be thankful I have the decency to end what you think we have. I just
had fun. You had fun. That's it. Nothing more. Nothing less."
Mas lalong kumirot ang puso ko. How dare he say that? Everything I felt for him was
real.
Huminga ako nang malalim. Pinilit kong hindi umiyak sa harapan n'ya. "Cadence,
buntis ako."
I showed him the test kits. My eyes were pleading at him. "Paano kami ni baby? H-
hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito kay tatay. Magagalit sila sa'kin.
Cadence, I need you."
Umigting ang panga n'ya. "I'm not up for this, Everly. Hindi kita pinilit
makipagtalik sa'kin. You gave yourself to me willingly. Wala akong pananagutan
d'yan. Kung gusto mo, ipalaglag mo ang bata."
Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin s'ya. Sobra-sobra ang sakit na
nararamdaman ko, patuloy din ang pagluha ko. Hindi ko naman alam na gago pala ang
lalaking minahal ko.
Nagulat ako nang sampalin n'ya rin ako. Halos nabitawan ko ang test kits sa kamay
ko. "Don't act like a saint, ginusto mo 'yan. 'Wag ka mag-inarte. It was just a
game. I don't why you aren't aware from the start." he said coldly. Iniwan n'ya
akong namamanhid ang mukha.
Hindi na ako makahinga sa nangyari. I wanted to slap myself again. Kung panaginip
lang ito, sana magising na ako.
"Cadence!" sigaw ko sa papalayong bulto ng lalaki. Hindi na maampat ang luha ko.
Nanghihina akong napaupo sa batuhan ng batis. I was just looking at his retreating
back. Hoping he would come back and tell me, I shouldn't be afraid.
It didn't happen.
I was just sitting there. Yakap-yakap ko ang tuhod ko, crying really hard.
***
WARNING:
Confusion: Sai's age is eighteen. She was fifteen when they first met and grade
seven (mayroon bang fifteen na grade seven? yes, not all are privilege enough).
Although, the original age has real life basis (not me lol), is still fucked up.
Sorry. And sorry for the confusion. I'll try to edit it. And beware of red flags.
No minors.
Unang Kabanata
Kabanata 1
Ponce
Masakit sa balat ang sikat ng araw nang dalhan ko ng pagkain si tatay sa sakahan.
Wala akong dalang payong, iyong lunch box lang ang bitbit ko. Nasa gulayan si nanay
kaya ako ang naatasang magdala ng pagkain. Ito naman ang gawain ko tuwing bakasyon.
Malawak ang sakahan, ilang hektarya ng lupain ang sakop nito. Ito ang pinamalaki sa
lahat ng taniman sa hacienda. Ang hacienda kasi ang nagsu-supply ng bigas sa buong
San Andres at sa mga karatig bayan. Well, sobrang laki naman talaga ng hacienda,
abot nga yata ito kahit sa Mabato.
Katulad ng inaasahan kong madatnan, nakabilad pa rin sila sa araw. May ilang
magsasaka ang nakatigil sa mga kubo at nagpapahinga gaya ni Mang Tikin na agad
akong binati nang makita n'ya ako, pati ang kutis ko.
"Pasilong po," wika ko. Madali akong pumasok sa kubo.
"Aba, Sai, tanghaling-tapat, nagpapainit ka. Kaya ka lalong umiitim," sabi n'ya
habang umiinom ng tubig. Mukhang kasisilong din lang n'ya sa kubo.
Medyo napasimangot ako. "Black is beauty, Mang Tikin. Kumusta po?" Nagmano ako sa
matandang kasamahan ni tatay.
Nagkatawanan kami. Naupo ako sa tapat ni Mang Tikin. Ibinaba ko ang lunch box sa
tabi ko. Ako rin ang nagluto ng laman noon.
"Grabe, sobra naman po makalait," biro ko. Wala naman kasi sa akin ang mga biruan
nila. "Asan po si Amelia?"
Maitim ako. It's an old news. Totoo naman. Siguro dahil madalas ng akong magbilad
sa sikat ng araw. Dati, apektadong-apektado ako sa panunuksong maitim ako at
madalas na mapaaway. It doesn't matter now. Sumasabay na lang ako sa trip nila. Ano
naman kung maitim ako? Does that make me less of a person, huh? Naks! English!
Tumawa s'ya. "Nasa bahay, baka s'ya ang magdala ng pagkain. Magkikita kayo kapag
nagkataon. Oh, ayan na pala ang tatay mo. Maiwan ko muna kayo."
Pareho kaming napatingin sa papalapit na pigura. Si tatay nga iyon. Tumayo naman si
Mang Tikin at isinuot ang kanyang sombrero. Naglakad s'ya palabas ng kubo.
Sinalubong ko si tatay nang malinis na tuwalya pamahid n'ya ng pawis. Nagmano ako.
May dala s'yang malinis na dahon ng saging. Ibinaba n'ya ang kanyang itak sa tabi.
Pinaypayan ko si tatay. Nagsalin ako ang tubig sa dala kong baso, iniabot ko iyon
sa kanya.
"May dala po akong pagkain. Ako ang nagluto n'yan." pagmamalaki ko, ipinakita ko
ang lunchbox na dala ko.
Inilatag n'ya ang dala n'yang dahon ng saging sa maliit na mesa sa kubo. "Maupo na
po kayo, 'tay. Ako na ang maghahain ng pagkain." sabi ko. Alam kong pagod s'ya,
nakabilad pa sila sa araw.
Sinunod naman n'ya ang sinabi ko. Inuna ko ang sinaing kong kanin, ang prinito kong
talong, itlog na maalat na may kamatis at iyong special sauce ko na tuyong may
calamansi. Mayroon ding hilaw na mangga.
"Kain na po," Sumubo na ako ng kanin at ulam. Nagkamay ako, ganoon din si tatay.
Madalas namang hindi kami gumamit ng kubyertos lalo na kung sa bukid. Wala namang
masama sa pagkakamay, basta malinis.
Tumango ako habang nginguya ko ang sinubo kong pritong talong na isinawsaw ko sa
tuyo't kalamansi. "Nauna ko na pong dalhan si nanay," sagot ko at muling sumubo.
Ang presko ng hangin sa kubo kahit tirik ang araw. Muli akong tumingin sa lupang
sinasaka nila tatay, wala nang magsasaka roon. Lahat siguro'y kumakain na. At peace
ako sa palayan.
I always love this part of the year. Tuwing bakasyon, nakakauwi ako sa Tagbakan. I
just love the bukid life.
Gustong - gusto ko sa hacienda. Lahat ay kulay green, lahat sariwa. Fresh ang
hangin, fresh ang pagkain. Pakiramdam ko nasa isa akong paraiso. Ibang klase ng
paraiso.
Kaya ayoko sa school days. It means I have to leave this piece of comfort. This is
my territory. This is where I grew up. Mahalaga sa akin ang hacienda.
Sa tiyahin ko ako tumitira tuwing may pasok. Mayroon namang school na malapit dito,
pero mas pinili ni nanay na pag-aralin sa bayan. Nakapasa kasi ako roon, at
nainiwala s'yang mas maganda ang kalidad kapag doon ako nag-aral. Isa pa,
nakatanggap ako ng scholarship. Sayang naman kung pakakawalan ko. That's why I have
to leave the comfort of my home.
Hindi ako madalas umuwi ng Tagbakan tuwing mayroong pasok, sayang kasi ang
pamasahe. Imbes na umuwi ako, iniipon ko na lang iyon.
Iniligpit ko ang pinagkainan namin ni tatay, habang s'ya naman ay muling bumalik sa
trabaho matapos ang ilang minutong pahinga.
Ako na lang ang natira sa kubo, halos lahat ay nasa sakahan na at muling sinuong
ang tirik na araw para magtrabaho.
"Sai!" dinig kong tawag sa pangalan ko. Isinara ko ang lunch box. Uminom ako ng
tubig.
Nilingon ang pinagmulan ng boses, si Amelia at Jutay iyon. Nanlaki ang mata ko at
kumaway sa dalawa. Tumakbo sila papalapit sa kubo.
Niyakap ko sila pareho. Ngayon ko lang uli sila nakita. Nagtatalon kaming tatlo.
Naupo kami sa kubo. Tapos na ako sa paglilipit ng kinainan namin ni tatay bago pa
man sila dumating.
Tumawa kami pareho kaya sumama ang tingin n'ya sa amin. "Kararating ko lang. Dumaan
muna ako sa Alibijaban!" sagot ko.
Medyo umirap ako sa ere. "Tan kaya ito. Ito ang uso ngayon." depensa ko. "And
excuse me, black is beauty."
"Yes, black is byuti but too mats is uling!" Nagkatawanan silang dalawa ni Amy.
Nag-apir pa silang dalawa na parang wala ako sa harapan nila. Pumapangalawa na
s'ya.
"Nahiya ako, ang ganda mo," sarkastikong sabi ko.
Jutay flipped his imaginary long hair. He's gay. Hindi n'ya lang magawang maamin sa
magulang n'ya. Masyadong tradisyunal kasi ang tao sa bukid kaya takot s'yang
maglantad. Kami nga lang yata ni Amy ang nakakaalam. Kapag kasi ibang tao ang
kaharap n'ya. Lalaking - lalaki s'ya kung kumilos.
"Pasalamat ka, hindi ka pa nakikita nila Teryo. Ikaw na naman ang pag-iinitan ng
mga iyon." Humikab s'ya.
Umiling ako. "Wala akong pakialam sa kanila. Hindi rin naman nila ikina-gwapo ang
pang-aalaska nila,"
Sina Teryo iyong barumbado ng Tagbakan. Apat sila sa grupo --- si Teryo, si Jampul,
si Mamag at si Rambo. Ewan ko, F4 yata ang peg nila. Pero hindi sila mukhang F4,
mukha silang tubol sa totoo lang na jejemon. Akalain mo 'yon, mayroong tubol na
jejemon? Wow!
Ako iyong madalas nilang pagtripan dahil maitim ako., nakalakihan na nila ang pang-
aasar sa kutis ko. Halos magkakulay naman kami, in denial lang sila.
Maitim naman kasi talaga ako at hindi ko maitatanggi iyon, kahit noong bata pa.
Maliit din akong bata kaya ako ang madalas asarin. Hindi na nga ako halos
tumangkad.
Kahit naman maitim ako, mukha akong tao. And I have these long lashes. Mapula rin
ang labi ko kahit maitim ako. Hindi kagaya nila Teryo, sobrang itim ng labi nila
pati gilagid!
Napatanga sa kanya ni Jutay. "Anong degree? Baka agree! Hay nako!" pagtatama ni
Jutay.
"Pareho na rin iyon, basta naintindihan mo ang sinabi ko. Come on sense na iyon!"
giit pa n'ya.
Pareho n'ya kaming inirapan. Kung ako, maitim. Si Jutay, bakla na hindi pa open sa
lahat. Si Amy naman, madalas n'yang mapagpalit ang mga salitang ingles.
Nagkibit - balikat ako. Iba't iba naman ang talino ng tao kaya nga mayroong
multiple intelligence na tinatawag. Hindi lang sa mga gawaing pang-akademiko
nasusukat. Pero iyon ang ideal ko sa isang tao, iyong matalino sa academics. Ewan
ko kung bakit. Kaya nagkaroon ako ng crush doon sa schoolmate kong si Japet, kaso
natalo ko s'ya sa quiz bee. Kaya naglaho na lang na parang bula ang pagka-gusto.
Binuksan ni Jutay ang Piattos na dala n'ya. For sure, binili n'ya iyon sa sari -
sari store ni Aling Sabel. Pinapak namin iyon habang naghihintay kami ng lilom.
Nakakatamad maglakad ng tirik na tirk ang araw, wala kaming dalang payong baka
lalong masunog ang balat ko. Halos tumanga lang kami sa sakahan.
Mas masarap kong mayroong soft drinks na kasama iyong Piattos. Hindi na ako
naghanap pa, nakikihingi na lang ako sa dala nila.
Mukhang alam na alam nila. Alam ko rin naman, pero hindi gaano. Alam ko lang na
magkakaroon ng piging. Ang nanay ko ang punong abala pagdating sa mga gulay. Sa
susunod na araw ay pupunta ako sa mansyon para kuhanin ang listahan ng mga
kailangan sa mayordoma.
They gave me an "are you okay?" look. Parang hindi sila makapaniwalang wala akong
alam. "May piging! May kainan! Busog tayong lahat!"
"Okay," nagkibit - balikat ako. Mas lalo akong naguluhan. Alam ko naman na
magkakaroon ng handaan. "What's so special about that? What's the fuss?"
Itinaas ni Amy ang kanyang kamay sa ere. "Past ako d'yan." nakangising wika n'ya.
"Ang astig naman nakaraan ka na, Amy!" Tumawa si Jutay. Bumaling s'ya sa akin,
inirapan n'ya ako. "Bukod sa masarap na handa, uuwi rin ang mga Ponce!"
Nalukot ang mukha kong tiningnan sila. "E, lagi namang nasa hacienda si Don
Fausto!" I told them a matter-of-factly.
Napakamot sa ulo si Jutay sabay iling na parang isang hopeless case ako. "Hindi ka
nakikinig, Sai! Ang sinabi ko "mga", ibig sabihin noon, marami! Hindi lang iisa!
Hindi lang si Don Fausto! At haler, hindi ko pagnanasaan ang matanda! Darating lang
naman ang buong angkan ng mga Ponce! Iyong mayamang magpipinsang haciendero't
haciendera! Gets?!" Halos hindi na s'ya makahinga sa paliwanag n'ya sa akin. He
emphasized every word he said.
Natatawa akong sumuko. "Teka lang! Galit na galit? Kalma!" sabi ko nang tumatawa.
Uminom ako ng tubig para kalmahin ang sarili ko.
Inagaw ko sa kanya ang tsitsirya. Ako naman ang pumapak noon. Nagyon kasi, they are
talking animatedly. Medyo left out ang dating ko.
Nagkibit - balikat si Jutay. "Hindi ko alam, sis! Wala namang chika kung kailan.
Basta gigising na lang tayo isang araw, pareho na ang hanging nilalanghap natin!"
Tumili silang dalawa na parang kilig na kilig. Tinakpan ko ang tainga ko. Ang high
pitch! Baka mabasag ang eardrums ko.
"Are they worth the hype?" nakangiwing tanong ko sa kanila nang tumigil silang
dalawa.
Titig na titig sa akin si Jutay. Para bang offend na offend s'ya sa akin at sa
bawat kilos ko. "You're missing the fun! Walang patapon sa mga Ponce, lahat sila
pogi!" he said dreamily. Bumalik na naman ang pangangarap n'ya ng gising.
Tumawa ako.
"Paano n'yo naman nalaman? Hindi n'yo pa naamn nakikita. Ngayon lang sila
mapapadpad ng Tagbakan." I reasoned out. "And if that's the case, mas lalong
mahirap abutin iyon, 'di ba? Mayaman na pogi? Walang pag-asa ang isang mahirap sa
mayaman."
Marahas na buntong hininga ang binigay sa akin ni Jutay. "Sa facebook, dapat kasi
mag-facebook ka na!" iritado n'yang sagot. "Wala namang masamang mangarap, 'wag
kang epal! At saka, sa teleserye lang iyong ganoon,"
"In-add ko sila sa facebook, pero iyong iba lang iyong nag-accept sa akin! Puro mga
babae pa!" himutok ni Amy.
Napailing na lang ako. "Exactly! Sa teleserye lang din nai-in love ang mga
mayayaman sa mahirap. Dahil in reality, doon sila sa mga kapantay nila."
I sighed. Masamang - masama ang tingin sa akin ni Jutay. Sa kalaunan, hindi nila
ako pinansin.
Hinyaan ko silang pag-usapan kung sino ang mga poncio pilatong iyon. Wala akong
facebook o kahit anong social media account na nauuso. Wala naman akong smartphone.
Kahit iyong Nokia na 3310, wala ako. Aanhin ko naman iyon?
It has been the talk of the town. Apparently, hindi lang si Amy o si Jutay ang
nakakaalam ng pagbabalik nila. Wow, mayroong grand entrance. Everyone seems to be
excited and thrilled about them coming to Tagbakan but me. Mostly, girls. Kahit ang
pinsan kong si Nena, mukhang fangirl ng mga taong iyon.
Narinig kong usap - usapan iyon sa tindahan ni Aling Sabel noong minsang bumili ako
ng toyo at suka sa kanila. Hindi ko pa rin maintindihan kung para saan iyong hype.
Don Fausto's first born is going to run for the election this year. Tatakbo ito sa
pagka-gobernador ng Quezon. Kaya mayroong piging na gaganapin sa mansyon ng mga
Ponce. Magde-deklara sila ng kandidatura. Well, their family is well-associated
with politics. And I must say, isa ang mga Ponce sa matitinong politikong namumuno
sa bayan. Mulat na ako sa naturang kalakaran.
Maulan ang mga sumunod na araw kaya maputik iyong dinadaanan ko papuntang poso.
Buong gabing malakas ang pag-ulan. Pabago - bago ang panahon. Summer naman ngayon.
Suot ko iyong bota para hindi ako maputikan, dala ko sa isang kamay ang timba. Mag-
iigib ako ng tubig para sa alaga kong kabayo. Mas hassle kasi kong sa poso ko s'ya
dadalhin. Mas lalo itong madudumihan. Isa pa, madalas maraming gumamit ng poso,
makakaabala ako.
Nagtungo ako sa poso hindi kalayuan sa bahay namin. Ilang tao lang ang nakapila,
pero marami silang dalang timba.
"Uy, Sai!" si Regine iyon, may dala rin s'yang timba at kasunod ko s'ya sa pila.
Nakangiti s'ya sa akin. Hindi nga lang ako sigurado kung tunay ba iyong ngiti n'ya.
Kung mayroong F4 na grupo nila Teryo, mayroon din namang mean girls. Kasama roon si
Regine at mayroon pang dalawa. Si Lilah at Lucy. Si Lucy and leader nila, kapatid
s'ya ni Rambo.
Pinasadahan n'ya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "I'm payn! I'm payn!" sabi
n'ya, pumalakpak pa. Hindi ako sigurado kung sinong artista ang ginagaya n'ya. "Ang
itim mo pa rin, ano? Hindi pa nagbabago ang kutis mo,"
Naka-paste pa rin iyong ngiti n'ya sa mukha. I knew it. She's the same girl.
Kinakausap n'ya lang ako para sabihin ang kapulaan sa akin. Typical them. Halos
parehas naman kami ng skin color, medyo mapusyaw lang ang kanila.
Nagkibit - balikat ako. "That's how it is. I'm born having this skin color, might
as well, appreciate it."
"Anong connect?" nagtatakang tanong ko. "Wala namang masamang gamitin ko iyon,
walang masama kung marunong ako at wala ring masama kung maitim ako."
Nagtawanan iyong ibang nakarinig sa sagutan namin. Magkakakilala naman ang lahat ng
tao rito. Padabog s'yang nagbomba. Sinipa n'ya pa iyong timba ko bago s'ya umalis.
Nakita kong nag-thumbs up sa akin si Andoy, nginitian ko lang s'ya.
Hindi ko maintindihan kung bakit s'ya galit, sinagot ko iyong sinabi n'ya. Ako pa
iyong mayabang.
Binilisan ko ang pagbobomba, parami na rin nang parami ang gagamit ng poso.
Maghahanap ako ng pwedeng ipakain kay Meow. Binuhat ko ang timbang may lamang
tubig. Kahit maliit ako, madali ko iyong nagawa. Sanay ako sa gawaing bahay.
Medyo malapit na ako sa amin nang makarinig ako ng sunod - sunod na busina. And
before I could make way, mabilis ang patakbo nila na gumimbal sa mundo ko.
Natalsikan ako ng putik ng sunod - dunod na van na mabilis ang takbo. Hindi ako
makapaniwalang napatitig sa mabilis na sasakyan.
Muntik nang malaglag ang panga ko nang may ilalala pa pala ang kahuli-hulihang van.
Muntik na nito akong masagasaan. Sa kaba ko, nabuwal ako sa aking tayo. Nadapa ako
sa putikan. Nabitawan ko rin ang hawak kong timba, at bumuhos ang laman noon sa
binagsakan kong putik kaya mas lalong malagkit sa pakiramdam.
If anyone could see me right now in this mess, I would probably look funny. Wala
akong nagawa. I just stared at the moving vehicle. Hindi man lang nagawang tumigil
kung sino man ang sakay noon para itanong kung ayos lang ba ako.
Muntik na nila akong masagasaan! Gusto kong maiyak sa frustration. Mas naging kulay
putik ako.
Aping - api ang pakiramdam ko. Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko. Pinahid
ko ng kamay ang mga luha ko. Pinipilit kong kumalma.
I was crying in the side of that muddy road covered with sticky dirt! Naghahalo ang
emosyon ko, pero nangingibabaw ang inis. Isang kamalian ang pagpahid ko sa mukha
ko, as I did, nalalinan ang mukha ko ng putik. Mas lalong nag-unahan ang pagtulo ng
luha ko. I was really frustrated.
Hindi ko namalayang may tumapat na van sa harap ko. Bumukas ang sasakyan. Sumilip
ang isang lalaki. Binatilyo iyon na medyo singkit ang mata. May nakahandang ngiti
s'ya para sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Pinilit kong buksan ang bibig ko pero walang
lumalabas na salita. Nakipagtitigan lang ako doon sa lalaki.
"Leave her be." dinig kong sabi. Hindi ko nakita kong sino iyong nagsalita. "Mukha
namang pipi ang isang 'yan." masungit nitong dugtong.
Napakamot sa ulo iyong lalaking nakasilip. "Sorry, miss. May period iyong pinsan
ko." nakangisi n'yang sabi bago sumulyap sa loob ng van. Lumabas iyong dimples
n'ya. "Okay ka lang ba? Kailangan mmo ba ng tulong namin? We would like to help you
in any way,"
Ilang sunod akong umiling. Tumayo ako at kinuha ko iyong timbang dala ko. Mabilis
akong tumakbo palayo sa van na iyon. Napahiya ako. Sobra - sobra. Hindi ako
lumingon.
"Sai!" Sinipat ako ng tingin ni tatay. "Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura
mo?!" malakas ang boses n'ya.
Bago pa man ako nakasagot, nakarinig ako nang malakas na tili papasok sa bahay
namin. Agad na sinaway ni tatay ang maingay na si Nena. Mukhang siyang - siya s'ya.
Nanlaki ang mata n'ya nang tingnan ako. "Anong nangyari, Sai?!" napatakip s'ya sa
bibig.
Hindi ko s'ya pinansin. Umakyat ako sa kwarto ko, kumuha ako ng damit sa cabinet.
Patakbo akong pumunta sa banyo namin. Hiwalay ang nayo sa mismong bahay.
Nakapasok na ako sa banyo at agad na nagbuhos ng katawan. I was crying while I was
cleaning myself. Pahiyang - pahiya talaga ako sa nangyari kanina. Ipinagdadasal ko
na lang na sana walang nakakita nang pangyayaring iyon. Mas lalo na ang grupo nina
Teryo o ni Lucy.
"And'yan na ang mga Ponce," Nena beamed. Iyon agad ang bungad n'ya sa akin nang
makalabas ako ng banyo. Masayang - masaya s'ya at mukhang excited.
Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya. Naupo ako sa hapagkainan namin.
Isinandal ko ang sarili ko sa upuan.
"Inday, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Nena. Tumabi s'ya sa akin. "Bakit ganyan
ang hitsura mo?"
Napagtagpi - tagpi ko na ang mga pangyayari. Alam ko na kung sino ang may kagagawan
noon sa akin. Wala namang may-ari ng sasakyan sa mga nakatira sa Tagbakan.
Nakaramdam ako ng pagkainis. Napaka - arogante nila!
"Hindi mo na nga ako tinatawag na ate. Masyado ka pang demanding!" inis kong sabi.
"Itanong mo roon sa mga hilaw mong idolo!" I told her. Inirapan ko s'ya. Umakyat na
ako sa taas.
"Problema no'n?"
The news spreads like wildfire in that instant. Usap - usapang nasa Tagbakan na ang
mga Ponce. Kung may ikinatutuwa man akong bumalik sila, wala sa akin ang atensyon
nina Luna kahit nakakatawa iyong nangyari sa akin. They saw it.
Hindi pa rin maaalis na badtrip ako sa mga taong iyon. They are just so arrogant
and for sure, spoiled brats!
Unang araw pa lang nila rito, ginugulo na ng mga Ponce ang sistema ko! Kainis!
Ikalawang Kabanata
Kabanata 2
Ang batis
Siguro sila iyong klase ng mayaman na nagtatapon ng pera o kaya naman iyong
nanampal at nagpapamukha kung gaano ang halaga nila, nanunumbat at matapobre. Pwede
ring iyong sobrang entitled.
Ang sama ko para husgahan sila gayung hindi ko pa naman sila lubusang kilala...
pero inis talaga ako. At kung mamarapatin, huwag ko na sana silang makita. Please
lang.
My mind has been clouded by them since they arrived. I'm not sure if I am getting
obsessed with my thoughts. Hindi maganda ang ganoon. Hindi healthy!
Pero mas hindi healthy iyong mukhang kalansay na paparating habang nginunguya ang
bubble gum sa bibig. Hindi ako sigurado kong iyong bubble gum ba ay bago o iyong
nginunguya pa rin nila mula kahapon.
Well, yuck! Ew! Kinikilabutan ako habang iniisip ko iyong bubble gum sa bibig ni
Teryo.
"Hoy, itim!"
Napapikit ako nang makalapit sa may poso ang grupo nila Teryo at mag-isa lang ako,
kasama ang kabayo kong pinakamamahal. At para sa akin, mas mahal pa ang buhay ng
kabayo ko sa pinagsama - samang buhay nilang tatlo.
Andito na naman sila Teryo--- iyong mga siga sa amin. Apat sila. Si Teryo, si
Rambo, si Mamag at si Jampul. Ang F4 na jejemon!
Akala yata pag-aari nila ang hacienda. Sila iyong mga peste rito sa Tagbakan.
Feeling din kamo! Akala mo gwapo. Marami talagang namamatay sa maling akala.
Pinasadahan ni Teryo ang pulang buhok n'ya ng kamay.
Medyo nakakaangat ang pamilya nila kumpara sa karamihan dito, kaya ganoon sila kung
umasta. Napakayabang! Pero pare - pareho lang naman kaming trabahador ng hacienda.
Mabilis akong nagbomba sa poso. Pinainom ko ang kabayo ko at saka pinapaliguan nang
sumulpot ang grupo nila Teryo. Kasama nito ang mga kaibigan n'yang mukhang hindi
naliligo. Mukha pa ngang mas naliligo si Meow kaysa sa kanila.
"Nakabalik ka na pala, itim. Kailan ka pa? Siguro hindi ka lang talaga namin
makita." pasimula ni Teryo. Nagsitawanan naman ang mga kasama n'ya.
Sumulyap ako sa kanilang apat. Nakataas na naman ang buhok n'ya gamit ang
pipisuhing gel. He also dyed his hair red. Hindi ko alam kung sino ang peg n'yang
gayahin. Mukha s'yang ewan. Isa s'yang palong ng manok na tinubuan ng mukha.
Nakakaasar tingnan. Pasimple ko silang inirapan.
Muli sana akong magbobomba pero hinarangan nila ang dadaanan ko. "Isnabera ang anak
ng dilim!" ngising-ngisi si Jampul, mukha s'yang tubol. Ang dilaw ng ngipin n'ya.
Ang lakas n'yang mang-asar ng anak ng dilim, e halos hindi kami magkalayo ng kulay.
Nagtawanan silang apat.
Umitim lang ako ng konti dahil nanatili ako sa Alibijaban ng isang linggo at wala
akong ibang ginawa kung hindi maligo sa dagat.
"Wala akong time sa inyo, pwede ba umalis kayo sa harapan ko? May ginagawa ako kung
hindi n'yo nakikita!" mariin kong wika. Pinilit kong dumaan.
At least, ako kahit maitim, mukha naman akong tao. Hindi kagaya nila. Huminga ako
nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Tatabi ba kayo o sa inyo ko ibubuhos itong tirang tubig na ininuman ng kabayo ko?"
Nakipagtitigan ako kay Teryo nang masama. Nakangisi s'yang parang aso. Nakapalibot
sila sa akin at kay Meow, ang kabayo ko. "Saan mo kinukuha ang tapang mo sa liit
mong 'yan?"
"Hindi n'yo ba talaga ako titigilan?" naiinis kong tanong. Sinamaan ko sila ng
tingin.
"Oh, iiyak ka na ba? Iiyak na si Sai, anak ng dilim." pang-aasar ni Mamag.
Sa inis ko, ginalaw ko ang tali ni Meow. Sumipa s'ya sa ere. Napipilan ang grupo ni
Teryo, kanya-kanya silang sibat para makalayo sa kabayo ko. Kung sinuwerte ako,
baka nasipa ni Meow si Teryo sa mukha. Hindi naman nangyari kaya mas lalo akong
nainis.
Mabilis kong inakyat ang saddle ng kabayo ko bago pa man maka-recover sina Teryo sa
ginawa ko. Sanay naman akong akyatin iyon kaya hindi ako nahirapan. Pinalo ko iyong
likod ni Meow, tumakbo s'ya papalayo sa poso. Dala ko iyong timba. Medyo nabasa pa
ang bestida ko.
"Tangina kang itim ka! Bumalik ka rito!" sigaw ni Teryo habang papalayo na ako.
Mukhang galit na galit s'ya sa ginawa ko. Sinong hindi magagalit? I just gave them
a mini heart attack.
Napailing ako. Hindi ko sila nilingon. Hindi rin naman nila ako mahahabol kung
hindi sila sasakay ng kabayo.
Mas lalo pang bumilis ang takbo ni Meow ng wala na ako sa paningin nila. Wala na
akong ideya kung saang parte ng hacienda ako dinala ni Meow. Hilaga ang tinatahak
namin. Nakaramdam ako ng kaba, lalo na't pabilis s'ya nang pabilis sa pagtakbo.
Kahit laking hacienda ako, masyadong malawak ang lupain at hindi ko pa rin gaanong
kabisado lalo pa't hindi ako magaling magtanda ng direksyon. Kung balak libutin ito
nang buo, tiyak aabutin ng siyam - siyam.
Mukhang liblib ang tinatahak namin. Malalaki na rin ang mga puno. Ang bilis ng
paghinga ko. Sobrang nagwawala ang puso ko. Nakaramdam ako ng takot. Pahamak talaga
iyong grupo ng jejemon na F4! Argh!
I tried to pat its head calmly. Napahigpit ang hawak ko sa tali n'ya sa may leeg,
napasipa s'ya sa ere dahilan para mawalan ako ng balanse at mahulog ako damuhan
kasama ang timba.
Masakit!
Masakit iyong pagkakahulog ko, kagaya noong unang nahulog din ako sa kabayo.
Masakit ang parteng unang bumagsak sa lupa. Hindi naman ako napilayan.
Meow brayed. He kicked his feet on air before running again in the woods. Kahit
masakit ang tagiliran ko sa pagbagsak. Pinilit kong tumayo. Medyo iika-ika pa ako
noong una, nanlalabo rin ang mata ko.
I ran after Meow. Tumakbo ito sa kakahuyan. Hindi na ako pamilyar sa lugar. Hindi
ko pwedeng pabayaan ang kabayo ko. Mapapagalitan ako at malalaman nilang sinuway ko
iyong utos nila. Sobra ang kabog ng dibdib ko.
Hindi ko dapat sakyan si Meow ng walang kasamang matanda dahil hindi pa ako gaanong
bihasa.
"Meow!" tawag ko rito. "Meow, bumalik ka rito please!" pagkausap ko kung naririnig
at naiintindihan man ako ng kabayo ko.
Sinundan ko ang direksyon kung saan ko s'ya huling nakita bago s'ya tuluyang nawala
sa paningin ko. "Meow!"
Para akong nagtatawag ng pusa pero kabayo talaga iyong tinatawag ko. Napakamot ako
sa ulo. Cute naman.
Napatigil ako sa paglalakad. Wala na akong ideya sa susunod kong pupuntahan. Nagyon
ko lang napansin ang mumunting sugat ko. Hindi naman kasi gaanong masakit.
I walked again. This time, sinundan ko iyong naririnig kong lagaslas ng tubig. And
if there's water, there's a horse. Siguro? Ewan.
My eyes is focused on the batis. Namamangha ako sa nakikita. I've never been into
this part of Tagbakan. Medyo mapuno na ang parteng ito, but hidden in this mini-
like forest, mayroong batis. Asul na naglalaban sa berde ang kulay ng tubig.
Malinaw iyon. Namamangha talaga ako.
Napanganga ako. Parang gusto pang tumulo ng laway ko. This is such a beautiful
place.
Hindi ko alam kung natuklasan na ba ang lugar na ito? Baka hindi. Sana usap -
usapan. Sana madalas maging outing place ng mga taga-rito. Banaba falls lang ang
meron sa hacienda.
"Andito ka lang pala, Meow. Ang bad mo, pinahabol mo pa ako." pagkausap ko rito.
"Ang ganda dito, Meow!"
Kung may makakarinig sa akin. Sigurado akong mapapagkamalan akong kulang na ang
turnilyo ng utak.
Napatalon ako sa gulat. Hindi ko alam kung anong makikita ko kapag hinarap ko kung
sino man iyon. Ramdam ko ang tibok ng puso ko, sobrang bilis niyon.
Baka mayroong elemento sa parteng ito. Baka kuhanin ako ng kung ano mang elemento.
Nanunuot sa katawan ko ang takot at ang paulit - ulit na pagre-replay noong boses
ng nagsalita.
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Alam ko iyon! Alam kong ako ang tinutukoy n'ya
at pamilyar ang boses n'ya.
Sa wakas, nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin kung sino man iyon. Mukhang
alam ko na kung sino ang talipandas.
To my surprise, hubo't hubad iyong lalaki na ikinabilog ng mata ko.
Ilang dipa lang ang layo n'ya sa akin. Nanlalaki ang namimilog kong mata.
Hindi ko mapigilang mapasigaw. Labas iyong titi n'ya. Nakatitig iyon sa akin!
Nakatayo rin, mukhang proud pa! Halos lahat malaglag sa akin, pati iyong panga ko
at saka panty!
Mabuti na lang, hindi pinapansin ni Meow ang paghigpit nang pagkakahawak ko ng tali
sa kanya.
"Ano ba 'yan?! Nakatayo 'yang titi mo!" hindi ko mapigilang isatinig. Nae-eskandalo
ako.
Ngayon lang ako nakakita ng ganoon kalaki. I mean, I know I've seen such thing with
my playmates before. Minsan kasi, hindi naman uso magdamit lalo na kapag bata pa.
Madalas ding walang suot na brief ang mga kalaro ko.
Mukha namang ngayon n'ya lang na-realize na naka-burles s'ya. He looked at himself.
Nabigla ako ng hawakan n'ya iyong ari n'ya para takpan. Medyo nataranta rin yata
s'ya. Hindi naman iyon kasya sa mga palad n'ya.
Pulam - pula ang mukha ko. Sobrang nag-iinit ang pisngi ko sa ginawa n'ya.
"Hala!"
"Oh, really?" he was mocking me. "Kaya pala I could feel the intensity of your
stare."
"Feel mo lang iyon!" sabi ko pa. "At kung nakatingin man ako, kasi may mata ako!
Kasalanan mo! Kasalanan mo 'yan! Hindi ko rin naman gusto ang nakikita ko!"
Hindi ko alam ang tatakpan ng isang kamay ko, iyong bibig ko ba o iyong mata? Hawak
kasi noong isang kamay ko ang tali ni Meow.
Natataranta n'yang hinanap ang kanyang damit. Sa pagkataranta n'ya, nadulas s'ya at
nahulog s'yang muli sa tubig. He was caught off guard.
"Fu - ck!"
He was trying to swim but he seemed distress. Mukhang nahihirapan s'ya. I could
tell it by now. Ang tangkad n'ya. Wala pa yata ako sa balikat.
Medyo tanga ako sa part na 'yon. Ang bilis naman kasi ng pangyayari. I need
assurance.
Inilipat ko ng tayo si Meow at itinali sa isang bato. Siniguro kong mayroong access
pa rin s'ya sa tubig.
Kabang - kaba ako. Ito ang unang beses kong nakakita nang nalulunod. Nagpa-panic
ako. My whole body was trembling. I couldn't think properly. Ang bilis ng tibok ng
puso ko.
I closed my eyes, I dived into the water to save him. Marunong naman akong
lumangoy. He's bigger than I am. But I was able to drag him to the surface. Dinala
ko s'ya sa batuhan.
Ito iyong sinasabi ni Jutay noong muntik na silang masunugan. He was able to lift
the orocan containing their clothes. Ito iyong adrenaline rush na napo-produce ng
isang tao sa distress situation.
Hubad na hubad pa rin s'ya. Nag-iinit ang pisngi ko kasabay nang mabilis na tibok
ng puso ko.
I focused on his face. Ang haba ng pilik-mata n'ya, tapos ang tangos ng ilong tapos
walang tigyawat o kahit bakas man lang ng tigyawat. Ang kinis!
Napailing ako. Bakit ba iyon ang sinusuri ko? Gwapo naman s'ya, gwapo talaga. Pero
hindi dapat iyon ang concern ko ngayon. Mamatay na iyong tao pero iyon pa rin ang
iniisip ko. He looked pale. Nakapikit din ang mata n'ya.
Inilagay ko ang dalawang daliri ko sa may leeg n'ya. I was checking his pulse. It
was weak. Or maybe, I'm hallucinating. Kabado talaga ako. Mas naririnig ko yata ang
tibok ng puso ko.
My mind was occupied by different thoughts. What I'm trying my best to remember at
the moment, iyong seminar namin sa school about Disaster Risk Reduction. We were
taught about CPR and first aid kit. We had a demo and performed it by ourselves.
Natatakot ako, but do I have any choice? Every second counts.
On the other hand, if I didn't perform it the way it should be, ang pasyente ko
lalo ang mapupuwerwisyo. Instead of helping, I might create more damage. Sabi pa
noong nag-demo sa amin, may mga pagkakataong nababali iyong ribs!
Oh, mas lalong naghuramentado ang puso ko sa isiping iyon. Sobra akong natatakot.
Anong gagawin ko?
Huminga ako nang malalim. Kinakabahan talaga ako, english na iyong mga sinasabi ko.
Ibig sabihin kabang - kaba ako. Lumuhod ako sa tabi n'ya.
Itinapat ko ang magkahugpong kamay ko sa dibdib n'ya. Idiniin ko iyon ng ilang ulit
na may kasamang force. Paulit-ulit. I tilted his head, opened his mouth and gave
him an oxygen. Napapikit ako. I was praying, I was doing the right thing.
I was caught off guard when I felt his lips moving against mine. Napamulat ako at
nanlalaki ang mata. His eyes are also opened. It was twinkling with something else.
Gulat na gulat ako. Itinulak ko s'ya papalayo sa akin.
Iyong kabang humuhulagpos sa akin, napalitan ng inis at galit. He tricked me! "Ano
iyon? Joke? Halos mamatay-matay ako sa kaba? Tapos joke lang iyon? Masaya ka ba?
Masaya ka?" hindi talaga ako makapaniwala.
Tumayo ako at napapasong lumayo sa kanya. Inis na inis ako. Gusto kong maiyak sa
inis. I somewhat felt betrayed. Pinaglaruan n'ya ang nararamdaman ko. Halos mamatay
din ako sa kaba kanina. Basang-basa iyong suot kong bestida para sagipin s'ya.
Tapos... ninakaw n'ya ang first kiss ko! Hindi lang dampi iyon. At hinding - hindi
na maibabalik iyon sa akin! At alam kong mas matanda s'ya sa akin para
pagsamantalahan ako ng ganoon.
"At least, it ain't true. Mas gugustuhin mo bang nalunod talaga ako?" bored n'yang
sabi. Naupo s'ya sa batuhan na pinagdalhan ko. Lumong - lumo ako.
Tini-test n'ya yata talaga ang pasensya ko. Humarap ako sa kanya. Tiningnan ko s'ya
nang masama.
"Sana nga totoo para naman hindi nasayang iyong effort ko! Nakakainis ka! Hindi
nakakatuwa iyong joke mo! Sana happy ka!" singhal ko rito. I was enraged.
Hindi n'ya pinansin ang sama ng tingin ko. Parang wala lang iyon sa kanya. Nakatayo
lang s'ya habang naka-krus ang vraso sa dibdib. He doesn't even mind, he's naked.
"What's your name?"
Umismid ako. "Wala kang karapatang malaman ang pangalan ko." galit kong sagot.
"Para sabihin ko sa'yo, wala ka pang saplot. Sabagay, wala ka namang hiya."
Ah, maninisid.
"Hindi ko tinatanong."
"Just saying. Baka gusto mo akong murahin, you should do it right and with my name
on it. And you know what, ang dry ng lips mo."
Nag-init ang pisngi ko. Sobrang pamumula ng mukha ko. Ang kapal ng mukha n'yang
sabihin iyon! S'ya na nga itong may ganang humalik sa akin tapos manlalait pa s'ya.
Hindi katanggap-tanggap! Nagagalit ako! In-insulto n'ya ako.
Padabog akong humarap sa kanya. Buti naman may suot na s'yang damit. "Wala kang
karapatang magnakaw ng halik."
Kunot na kunot ang noo ko. "Ang kapal mo sa part na 'yon. Hindi ka rin naman
magaling humalik." I retorted back. Isang nakamamatay na irap ang natanggap n'ya
mula sa akin.
"Of course, you don't know how to kiss. How would you even appreciate it?"
Bumaling ako sa kabayo ko. "Meow, halika na. Wala tayong mapapala rito. Hindi
magandang idea na pumunta tayo rito ngayon."
Ayoko nang magtagal sa batis kasama ang tampalasang lalaking iyon. Wala s'yang
modo. Napakayabang pa n'ya. Isa pa, nilalamig na ako. Malamig din kasi ang hangin
sa parteng ito.
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Mas binilisan ko ang lakad ko, umasta akong
para s'yang hangin. Naabutan n'ya ako. He grabbed my hand. Mahaba ang biyas n'ya,
kahit tumakbo pa ako, magagawa n'ya pa rin akong abutan.
"Ano bang gusto mo?" inis kong singhal nang iharap n'ya ako sa kanya.
Inginuso n'ya ang kabayo kong gumagawa ng mumunting ingay. "Kabayo mo."
Nanlaki ang mata ko. "Ano?! Ang manyak mo naman! Pagnanasaan mo pati kabayo ko?"
hindi ko makapaniwalang sabi. Kulang na lang malaglag ang panga ko. Isa s'yang
manyak!
His lips twisted with a smile. Mukhang siyang-siya s'ya dahil nauwi ang ngiting
iyon sa halakhak. "Better instead of lusting on you, right? Wala ka pang boobs. Dry
ang lips mo. Listen, little girl, I need a ride back home."
Tinigasan ko ang ekspresyon ng mukha ko. Umiling - iling ako. "Hindi pwede. Hindi
ko kasalanan kung nagpunta ka rito ng walang dalang kabayo."
Tumaas ang kilay ko. "Madonna ang name ng kabayo mo? Baduy, yuck!"
He scoffed. "Coming from someone who named her horse Meow. How childish could you
get?"
Iritado ko s'yang tiningnan. "You just insulted me and Meow! No ride for you.
Bahala ka sa buhay mo! Kiss stealer!"
Padabog akong umalis palayo sa kanya. Umakyat uli ako sa saddle ni Meow at saka
naupo. Mukhang kalmado naman ang kabayo ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng
katawan. Nahulog nga pala ako kanina, tapos tumalon ako sa batis para sagipin ang
isang lalaking hindi naman pala talaga nalulunod. Hindi na rin virgin ang lips ko.
Napalabi ako. Gusto ko na namang maiyak.
A guy way taller than me stole my first kiss and his name is Cadence. I wonder how
old he is.
Nakakainis!
Huminga ako nang malalim. Hindi na ako sumulyap pa sa kanya. Nagngangalit talaga
ang kalooban ko sa pagnanakaw n'ya ng halik at pagpapanggap na nalulunod!
Pinatakbo ko nang mabilis si Meow palayo sa lugar na iyon. I don't plan on coming
back. Kahit gaano pa kaganda iyong batis, hinding - hindi ako babalik doon.
I was silently weeping for my first kiss stolen! Hindi naman nararapat iyon. Tama
nga ako, alam kong isa s'yang Ponce at tama akong sobrang entitled n'ya! Akala n'ya
siguro pag-aari n'ya lahat.
Ang lamig ng ihip ng hangin, nanunuot iyon sa basa kong damit. I was lucky enough,
my parents weren't home yet.
Matapos kong maligo, nilabhan ko na rin ang damit ko. Dahil bakasyon ngayon ako ang
naka-toka sa gawaing bahay. nagsaing ako at nagluto ng hapunan. Kahit abala ako sa
gawain ko, may mga sandali pa ring iniisip ko ang nangyari kanina.
I always think of my first kiss as something grand with the person I love and
having butterflies in my stomach just like how pocketbook stories were written.
Simula noong natuto akong mag-aral, nanirahan ako sa tiyahin ko sa bayan. Marami
roong pocketbooks, I read those. Self-taught din iyong English. Natutunan ko iyon
sa mga stories na nabasa ko.
Ikatlong Kabanata
Kabanata 3
Hatid
"Hoy, Nena!" tawag ko sa pinsan kong walang ibang ginawa kung hindi suklayin ang
kanyang buhok. Makalbo sana!
Kanina ko pa s'ya nakikita sa labas ng bahay namin, sinuklay nang sinuklay n'ya ang
medyo kulot n'yang buhok na parang wala ng bukas. Kung ako maitim, si Nena kulot
salot.
Umusok ang ilong ko. Napaka-walang galang talaga ng pinsan kong ito! Hindi na nga
n'ya ako tinatawag na ate, kung sumagot pa pabalang.
"Ikaw na lang ang pumunta mamaya sa mansyon sa gitna. Pinapakuha ni nanay ang
listahan." sabi ko.
Mula sa matalim n'yang mata, nanlaki ang mata n'ya at agad na napatayo nang marinig
ang sinabi ko. Kumikislap sa tuwa ang mata n'ya. Umirap ako sa ere. Umalis akong
naka-evil smile sa may bintana.
S'yempre! Isa siya sa mga nahuhumaling sa mga unggoy na anak ng may-ari ng hacienda
at alam kong hindi niya palalampasin ang bagay na iyon. Ako ang inutusan ni nanay
pero ayokong pumunta. And I'm taking her pagsintang purorot to my advantage. Alam
kong hindi s'ya tatanggi. Ngising - ngisi ako.
Hinding - hindi ako tatapak sa mansyon ng mga Ponce. At hinding - hindi ko makikita
ang talipandas na nagnakaw ng halik sa akin. That's just not any other kiss but my
first kiss! I wanted it to be romantic, pero walang kwenta ang nangyari. Sinabihan
n'ya pang dry ang lips ko.
"Oh, Sai, bakit andito ka pa? 'Di ba may pinapakuha ako sa mansyon? Nakalimutan mo
ba?" Sinulyapan niya ako. Nag-aayos si nanay ng gamit sa gulayan. "Pumunta ka na
habang maaga pa. Baka gabihin ka pa sa daan."
May kalayuan ang mansyon dahil sa gitna pa ito ng hacienda. Hindi madaling
makapunta roon. Sa lawak ba naman ng lupain ng mga Ponce, ewan ko na lang.
"Tiya," singit ni Nena sa usapan namin ni nanay. Posturang - postura ang ayos n'ya.
Iyong buhok n'ya ay nangingintab pa. Naks! Parang hinimod ng kalabaw. Gusto kong
matawa, humalukipkip lang ako sa gilid.
"Ako na po ang pupunta sa mansyon. Representative ni Ate Sai." masigla n'yang sabi.
Mukhang excited ang gaga!
"Pero tiya-"
"Marunong ka bang mangabayo, Nena?" taas - kilay na tanong ni nanay. "Kapag hindi
ka nangabayo papunta roon, aabutin ka pa ng siyam - siyam."
Oh, shoot. Hindi ko naisip ang bagay na iyon! Naalarma ako sa takbo ng usapan.
Hindi nga pala marunong mangabayo si Nena! Iyon lang ang means of transportation sa
hacienda.
"E, 'nay si Nena na lang po, minsan na nga lang gumalaw ang isang 'yan. Dadaan
naman si Mang Berting maya-maya, sumabay na lang siya. Sayang naman iyong postura
n'ya." pangungumbinse ko. Muntik pa akong matawa sa huli kong sinabi.
Nagkatnginan kaming dalawa ni Nena. Inirapan n'ya ako pero hindi naman n'ya binawi
ang sinabi ko. Tamad naman talaga siya!
Ibinigay ni nanay ang mga gamit kay Nena. "Anong masasayang? Hindi! Sasama 'yan si
Nena sa akin sa gulayan!"
Nena looked at me horrified at the thought. Naks! Reyna ng gulayan! Gusto kong
tumawa nang pagka-lakas lakas pero nag-sink in sa akin ang sinabi ni nanay.
Napatingin din ako sa kanya.
"Anong 'pero'? Ikaw ang inutusan ko, Sai! Lumarga ka na. Bilisan mo! Sa gulayan mo
na kami kitain."
Siniko ko siya at sinamaan ng tingin. "Dapat kasi nagtuto ka na! Nakakainis ka!"
iritado kong sinabi. Padabog akong lumabas ng bahay para sunduin ang kabayo kong si
Meow sa kuwadra.
Ah, nakakainis!
Dating pangarap kong makapasok sa loob ng mansyon. Mukhang matutupad iyon ngayon.
Kahit naman bukas iyon para sa lahat, hindi naman kasing kapal ang mukha ko kagaya
ng F4 na jejemon!
Napalunok ako. Sumidhi rin ang kabang nararamdaman ko. This is it, pansit!
Bago ako tuluyang pumasok sa vicinity ng mansyon, hinanap ko muna ang stable para
doon iwanan si Meow. It was a smooth ride. Kontrolado ko siya at mabilis kaming
nakarating. Pasalamat naman. Dahil as much as possible, ayokong magtagal sa lugar
na ito.
"Wow, nice one, miss!" dinig kong sabi ng boses panlalaki nang makababa ako kay
Meow.
"Hey, I'm Chance and these are my cousins," itinuro n'ya iyong pinaka-matangkad sa
kanilang tatlo at medyo kulot ang buhok. "Raius. And that one is Giovanne," iyong
nakapuyid ang buhok na top-knot.
Kinindatan ako noong huli n'yang ipinakilala. "Gio for short. Nice to meet you."
Tumango lang ako. Kinakabahan pa rin ako. Kaharap ko na ang mga Ponce. Kaharap ko
na ang apelyidong kinaiinisan ko simula noong dumating sila.
Ngumisi iyong isa. It was a half-smile. "Raius." Inilahad n'ya ang kamay n'ya.
Nahihiya naman akoong hiindi tanggapin iyon.
Hawak ko ang tali ni Meow sa kabilang kamay na gumagawa ng mahinang na ingay. "Nice
to meet you, Sai. Bago lang kami rito. First time namin! It was actually nice than
I imagined it to be. Ang galing mo nga palang mangabayo." ani Chance. Tunog slang
ang tagalog n'ya. Mukhang medyo friendly iyong Chance at madaldal.
Oh, tapos?
Napailing ako. "Nice to meet you all." matabang kong sabi bago nilampasan sila.
Naghanap ako ng free na kuwadra. Doon ko muna iiwan si Meow.
Hindi ko pa rin malilimutan iyong nagnakaw ng halik sa akin. Kaya kahit gaano sila
ka-friendly, hindi ko magawang ma-appreciate. Naiirita ako. Ilang araw akong hindi
nakatulog ng dahil doon. At hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang nangyari. Bigla
- bigla na lang papasok iyon sa isip ko ng walang pahintulot.
Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa stable kung hindi naman pala sila
marunong mangabayo. Pa-cool lang? Masipa sana sila ng kabayo! Ewan ko na lang.
Mabilis ang naging hakbang ko patungo sa mansyon. Namamangha pa rin ang buong
pagkatao ko sa nakikita. Hindi naman madalas na nalalagi ako sa ganito kalaking
bahay. Ayos din.
Sa harap ng mansyon, mayroong malaking fountain kung saan pwede na akong maligo.
Nakapalibot sa kabuuan ang iba't ibang klase ng bulaklak tapos may porch. Nakita ko
ang ilang kasambahay na naka-uniporme ang nagdidilig ng mga halamang iyon.
Nagtataasan ang mga sunflowers.
Lumapit ako sa mga nagdidilig ng halaman. Kilala ko sila. Halos lahat naman ng
taga-rito sa Tagbakan magkakakilala. At lahat ng nagtatrabaho sa hacienda ay dito
lang din lumaki.
"Ate Rica!" bulalas ko. Napatingin sila sa akin ni ate Mari. Ngumiti ako sa kanila
at kumaway. Anak sila ng kasamahang magsasaka ni tatay.
"Nasa kusina. D'yan ka na dumaan sa main door. Tapos kumanan ka, 'yon na ang
kusina." paliwanag nila.
Tumango ako kahit hindi ko gaanong naintindihan. Medyo bobo ako pagdating sa
diresksyon. Basta, kanan. Okay. "Sige, salamat ate!"
Tinungo ko ang main door ng mansyon. Pahirapan ko pang mabuksan sa laki ng pinto na
may carvings. Halos malula ako nang makapasok sa mansyon. Bumungad sa akin ang
grand staircase at malaking chandelier na may intricate design. Siguradong sabog
iyong tae ko kapag nabagsakan ako no'n. Oh, wow. Everything inside was luxurious.
Kahit iyong mga base. Baka pwede na iyong ipantubos sa buhay ko, sakali mang ma-
kidnap ako.
Tinapik ko ang pisngi ko para matauhan. Hindi iyon ang ipinunta ko rito. Ano bang
mga iniisip ko? Sinunod ko iyong sinabi nina ate Rica. Kumanan ako kahit naduduling
ako sa mga nakikita kong karangyaan. Ganito pala sila kayaman. Well, wala na namang
contest doon sa lawak pa lang ng lupain nila.
"Ay!" napatili ako nang masubsob ang mukha ko sa tiles. Nakipaghalikan ako sa
tiles!
Biglaan ang nangyari. Wala man lang pasabi. Ah, letse! Sana na-inform man lang ako
na makikipaghalikan pala ako sa tiles.
Noong una, mayroong nagnakaw ng halik sa akin. Tapos iyong second kiss ko, napunta
sa tiles! Ano ba 'yan?!
Mabilis akong tumayo. I was praying hard, walang nakakita. Sisihin ko na sana ang
katangahan ko pero hindi naman iyon ang may gawa. Mayroong transparent tape na
nakaharang sa dadaanan ko. Patibong iyon!
Nakakainis!
"Did you enjoy french-kissing the floor?" nang-uuyam na tanong ng lalaking - lalaki
na boses. "You look stupid."
Unti - unti ko s'yang hinarap. Tumambad sa akin ang pamilyar na mukha. Mukhang
gwapo pero maangas ang dating, may makapal na kilay at pilik-mata at sobrang pula
ng labi. Nakahalukipkip siya na may nakapaskil na ngisi sa labi.
Nag-init ang pisngi ko kasabay ng pag-iinit ng dugo ko. Pero pinagtaasan ko siya ng
kilay.
"What are you doing here, little witch? Looking for me?" confident n'yang asta. Wow
lang!
"May ikakapal pa ba ang mukha mo?" naiirita kong tanong. Ang yabang niya lang!
Inirapan ko s'ya at tinalikuran. Ayokong magtagal sa isang lugar kasama ang
magnanakaw ng halik. Baka sa susunod iba na ang nakawin n'ya. Pero ano naman ang
pwede n'yang nakawin?
"Saan ka pupunta?" lalaking - lalaki talaga ang boses niya. May accent ang
pagtatagalog niya.
Nanunuya s'yang humalakhak. "No, I'll just wait for your here. Balitaan mo na lang
ako."
Irap ako nang irap kahit hindi naman niya nakikita. Basta na lang lumakad ang mga
paa ko, pero mabilis din akong bumalik sa una kong pinanggalingan. Mukhang mali ang
dinaanan ko. Litong - lito na naman ako sa direksyon! It's just a simple left and
right! Nagugulo ang buong pagkatao ko.
Napatanga ako nang makita ko 'yong kiss stealer kung saan siya nakatayo kanina.
Tumaas ang makapal niyang kilay nang makita ako tapos lumaki ang ngisi.
Nagkibit - balikat siya. Tumaas ang kilay niya, at umaktong nag-iisip. "I don't
know the whereabouts of Manang Sisa. Sa kanan 'yong kusina."
Muli akong humakbang sa sinabi n'ya. Bago pa man ako makalayo, pinigil n'ya ang
braso ko. Madali niya lang nagawa dahil mas matangkad at mas malaki siya sa akin.
Nabigla ako kaya hindi agad ako nakagalaw. Halos nabuhat niya ako. Napapaso ako.
Iniharap niya ako sa tapat ng isang pintuan. "There. Kung saan ka pumupunta." sabi
niya kasunod ay halakhak.
Kumislap ang mata niya at umangat sa isang ngisi ang kanyang labi. "Why? Well,
starfish is a very nice creature. Very attractive. So, I'm nice, little witch? You
like me na?"
Ngumiti ako. "Oo, nice nga iyong starfish, but you know the bottomline? Wala silang
utak. Kagaya mo! Hindi ako stupid, ikaw 'yon! Bobo, estupido!" pang-aasar ko sa
kanya. Tumawa ako nang tumawa na para bang sobrang saya para mas lalong effective.
Hindi ko matatanggap na tinawag niya akong stupid! Lintik lang ang walang ganti!
Nobody calls me stupid. Dahil hindi naman talaga ako estupida.
Nangunot ang noo niya. Ang sama ng tingin niya sa akin, gumagalaw pa ang panga. He
looked very pissed, and I know, I won! That's my cue to leave.
Patakbo akong nagtungo sa pintong itinuro niya. Natagpuan ko ang isang matandang
babae na nakasuot ng salamin. Pinormal ko ang sarili ko.
"Magandang hapon po, Manang!" sabi ko. Lumapit ako at nag-bless ako sa matanda. Isa
akong huwaran, napakabait kno!
Ngumiti siya. "Bless you, 'nak. Ang laki mo na. Tamag - tama, heto't sinusulat ko
ang mga kakailanganin sa piging. Maupo ka muna."
Naupo ako sa isang stool sa island counter habang pinagmamasdan ang ginagawa ni
Manang Sisa. Naglilista siya ng mga gulay na panlahok sa piging. Sa naririnig ko,
mayroon daw mag chefs ang dadayo pa mismo rito. Napanguso ako.
Nag-angat ako ng tingin kay Manang. Tumango ako kahit medyo nagugulahan. Medyo
random siya. "Opo. Grade seven na po ako sa pasukan. Bakit po?"
Ngpatuloy siya sa paglilista. In-adjust n'ya pa ang suot na salamin bago muling
tumingin sa akin. "Wala naman. Balak kasi ni Don Fausto na pag-aralin dito ang mga
apo n'ya. Kaunting school lang naman ang pamimilian dito sa San Andres."
Namilog ang mata ko sa narinig. "Balak pong mag-aral dito? Akala ko po bakasyon
lang?" tensyonado ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung nahalata
niya ba ang tensyon sa boses ko.
Medyo nakakapanghina ang nalaman ko. Hindi na ako umimik hanggang sa matapos niya
ang ginagawa niyang paglilista. Hindi ko maatim na makakasama ko sila sa school ko.
Iyon lang ang lugar na hindi pa nasasakop ng ibang kababata ko. Ako lang aksi ang
nag-aaral doon. And I want to stay it that way.
Hindi ko alam iyong back door o kung saan iyon. Napakamot ako sa ulo. Mukhang
naintindihan naman niya kaya inihatid niya ako. Masyadong malaki ang bahay, kaya
naliligaw ako.
"Salamat po, Manang! Uuna na po ako." paalam ko rito saka ko binuksan ang back door
na sinasabi niya.
Nabuwal ako sa tayo ko. I saw the stars and light coming out, everything just
blacked out as I heard voices coming to the rescue.
Ilang oras akong nakatulog? Nasa gazebo ako. Ang sakit pa rin noong tinamaan ng
bola.
Kinusot ko ang mata ko. Pakiramdam ko ay naalog ang utak ko at buong pagkatao sa
tama ng bola. Kinapa ko ang bulsa ko kung saan nakalagay iyong papel na listahan.
"Sino? Si Natoy?"
Nagkibit - balikat ako at tiningnan ko ang lalaking nasa harap ko. Magulo ang buhok
niya at nakatitig din siya sa akin. Tumaas ang kilay ko.
Humalakhak siya. "Ang liit - liit mo, ganyan ka umasta. I'm Wyatt. Ako ang pinaka-
matanda rito." natatawa niyang sabi.
"Uuwi na ako." sabi ko. Gabi na. Mapapagalitan ako ni nanay. Kailangan ko pang
dumaan sa gulayan, dahil doon nila ako hihintayin.
Muling lumitaw iyong kiss stealer sa harapan ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
Nagpalipat - lipat ang tingin ko sa kanila. Pareho ko silang inirapan saka tumayo
ako.
"Ihahatid na kita." sabi niya pa na nagpataas ng kilay kong sadyang mataas na.
Naglakad ako papaunta sa kuwadra kung saan ko iniwan kanina si Meow. Nakasunod siya
sa akin. "Paano kung mapahamak ka sa daan?"
Nilingon ko siya at pagak akong tumawa. "I know this place better than you. Dito
ako lumaki kaya walang magtatangka o kung anuman." Binuksan ko ang kuwadra ni Meow.
Tinapik ko siya at hinimas ang kanyang balahibo.
Humalukipkip siya at sumandal sa isag kuwadra katabi ng kay Meow. "What about
ghosts?"
Natigilan ako.
Tumawa siya habang binubuksan ang isang kuwadra at kinuha ang kulay brown na
kabayo.
"That's my pet name for you." humalakhak siya habang sumasakay sa kabayo.
Hindi man lang niya ako tinulungang sumakay kay Meow. Why would he even bother? At
bakit mag-eexpect ako? Duh! Kaya ko namang sumakay kay Meow ng walang tulong.
"Bilisan mo naman!" sigaw ko rito. Nauuna na kasi ako, tapos ang bagal - bagal
niya. Nakakainis talaga!
"Sa liit mong 'yan, sobrang attitude mo. Hindi pwede sa akin 'yan." narinig kong
komento niya. "How old are you again? Ten years old?"
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Aba, letse! Mukha ba akong ten? Ten years old?
"Excuse me, I'm already fifteen!" I hissed at him. Kunot na kunot ang noo ko. I'm
definitely not ten years old. Maliit lang aki.
"Ano naman? You're still a kid." sabi n'ya pa na lalong nagpa-init ng ulo ko.
"There's a difference. Bukod sa three years mong mali na hula sa edad ko, thirteen
is already considered a teen. Stupid!"
Humalakhak lang siya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Nag-iinit ang pisngi
ko sa pagkapahiya at inis. Hindi naman dapat ako mahiya dahil ako ang tama.
Tumigl si Meow nang makarinig kami ng malakas na pag-atungal ng kabayo. Agad kong
naramdaman ang takot niya. Alam ko na ang susunod na mangyayari. No! Naalarma ako.
Kung sakaling sisibat si Meow, tatalon ako. Nakaramdam ako ng kaba.
Bago pa man mangyari ang inaasahan ko, hinawakan ni Cadence ang tali ni Meow. Hindi
ko namalayang nakalapit na siya sa akin. Hindi siya umimik, inilahad niya ang braso
niya. Agad kong naintindihan ang gesture niya. Marahan akong lumipat sa sakay
niyang kabayo.
He tried to tame him. Luckily, he did before he could run away. Nanginginig ang
buong katawan ko. Medyo natakot ako. Ilang beses na rin akong nalaglag sa kabayo.
Mas along bumagal ang takbo namin. Hawak niya pa rin si Meow na sumusunod lang sa
amin.
Umirap ako pero kumapit sa t-shirt niyang suot. Nagreklamo pa siya pero hindi ko
pinansin. Gusto ko na lang makauwi.
Narating namin ang greenhouse. Agad akong bumaba sa sakay niyang kabayo at kinuha
ko si Meow.
Pinakatitigan niya ako. "Don't you know how to say thank you?" nakataas ang kilay
niyang tanong.
"Oh, edi thank you!" labas sa ilong kong sabi. Inirapan ko siya at tinalikuran.
Narinig ko na naman ang halakhak niyang nanunuot sa balat ko. Hindi ko na lang iyon
pinansin at dumiretso kung saan ko pwedeng iiwan si Meow. Tinali ko muna siya
habang dumiretso ako sa loob ng greenhouse. Sinalubong ako ni Nena.
Umakto akong walang ideya sa sinasabi niya. "Aba, malay ko, Nena! Hindi ko alam
kung anong sinasabi mo." nagkibit - balikat ako.
Pumunta ako kay nanay at inabot sa kanya ang listahan. Nakatingin lang siya sa
akin. Hindi ko alam kung anong klase ng tingin iyon.
Ikaapat na Kabanata
Kabanata 4
Simula noong nakaraang araw, hindi ko nasalubong ang grupo nila Teryo na
ipinagpapasalamat ko. Dahil ayoko talagang makita kahit ang hibla ng buhok nila.
Nakakasira ng araw. Isa pa, hindi ko rin alam ang gagawin nila kapag nakita ako. I
just gave them a heart attack last time.
Kung mayroon akong isa pang iniiwasan, iyon ay ang makadaupang-palad ang kahit sino
sa mga Ponce. Ayoko. Period. Lalo na iyong mayabang na Cadence.
"Sai," tawag sa akin nang sumulpot na si Nena. Pababa pa lang ako sa kusina. "Anong
susuotin mo sa piging?" tanong niya na sinsabayan ako sa mga baitang ng hagdan.
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya, agad akong sumingit. "Hindi. Hindi ko alam."
sinabi ko nang tumatawa. Kitang - kita ko ang pagkainis niya sa akin.
I pretended not to hear her. Tumatawa akong parang baliw na nagtungo sa kusina.
Nadatnan ko si tatay na nagkakape. Nakatingin siya sa akin na parang wala na ako sa
katinuan.
Nanlaki naman ang mata ko. "Wala po! Over sa bintang. May ginawa agad?" OA ko ngang
sagot.
Umiiling - iling na lang si tatay. Mukhang hopeless case na ako sa kanya. Binaling
niya ang atensyon sa kapeng iniinom at sa pandesal. Kumuha ako ng tasa at nagtimpla
rin ng maiinom.
"'Tay, pahingi pong pandesal." paalam ko sabay kuha na sa isang tinapay. At least,
kung hindi naman siya pumayag, nakakuha na ako. Hindi naman siya sumagot tutal
nakakuha na ako.
Isinawsaw ko ang pandesal sa mainit kong kape. Ayoko kasi ng gatas. Tuwing
pumapasok ako sa school, gatas ang pinapainom sa akin. Medyo nakakasawa na. Pero
tuwing summer naeengganyo akong magkape kahit sobrang init ng panahon. Pakiramdam
ko nga, mataas na ang pagiging nerbyosa ko dahil sa kape.
Wait, ano raw? Joke ba iyon? Wala man lang warning si tatay!
Istrikto niya akong tiningnan. "Umayos ka ngang bata ka. May ginawa ka bang hindi
maganda sa kanila at ganyan ang reaksyon mo?"
Napaismid ako. Wala akong gingawa sa kanila. Iyong Cadence ang mayroong ginawa sa
akin. Ninakawan niya ako ng halik. Pero hindi ko naman pwedeng ipagkalat iyon. Mas
lalong hindi ko pwedeng sabihin iyon kay tatay, baka dumanak ang dugo.
"Hindi po! Kapag may gagawa nang masama, ako agad? Grabe, 'tay!" sinabi ko na lang
kahit medyo kinabahan ako. Ayoko talagang makaharap ang istriktong mukha ni tatay
lalo na sa ganitong pagkakataon. Cool naman sila, pero sobra nga lang istrikto.
Nagkamot ako sa ulo. "Bakit daw po kasi kailangan kong sumama?" tanong ko.
Malumanay na this time. Baka matamaan na talaga ako.
Inubos niya ang kanyang tasa ng kape bago nagsalita. "Gusto raw makita iyong
paaralan mo. Mukhang desidido na ngang dito na sila mag-aaral. Sayang ang
oportunidad sa siyudad."
Agad na umiling ako. Hindi ako sumang-ayon sa sinabi ni tatay. "Very wrong, 'tay!
Hindi lang naman po sa siyudad ang opportunities matatagpuan. At saka competitive
po ang school namin, baka sila pa po ang mahiya." buong loob kong pagmamalaki.
Nakita ko ang pagngiti ni tatay. "Alam ko 'nak. Alam ko namang magagaling kayo,
ikaw ay pruweba roon. Matalino kang bata at ikaw ang pag-asa ng mga Maligno.
Ayokong manahin mo pa ang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim, marangal pero aminin
natin, hindi sapat. Hindi nabibigyan ng importansya. Hindi ko minamaliit itong
atin, sinasabi ko lang na maraming oportunidad doon." madamdaming sabi ng tatay ko.
Tumango ako. Tagos sa puso at lagpas sa apdo ang sinabi niya. Well, we were just
having coffee and then, boom, nauwi sa makabagbag-damdaming usapan at sermon. Pero
isinasabuhay ko iyong mga pangaral niya sa akin at pinagbubuti ko sa pag-aaral.
Dahil kahit gulong ang buhay at walang kasiguruhan, maganda pa rin ang may diploma.
I'm doing my best for them. Hirap na hirap sila pero para sa akin, para kay Nena,
wala silang hinto. I want to make them proud. Iyon ang purpose ko sa mundo, to make
them proud. That's my first responsibility. Hindi ako dapat pumalpak.
Nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa tapat ng aming bahay. Alam ko na kung sino
iyon. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng bahay. Unang sumalubong sa akin ang
manghang - mangha na si Nena. Nakatakip pa sa bibig niya ang kanyang kamay.
Gusto kong itanong kay tatay kung bakit siya napapayag na sumama ako? Nakakainis!
Bakit ba kailangan nilang pumunta ng Camflora? Hindi pa naman ngayon ang pag-
eenroll.
Umirap ako sa ere. Naasar ako sa pagmumukha ni Nena'ng mukhang sumasamba sa mga
unggoy! "Sumama ka sa akin sa bayan!" hinigit ko siya papalapit sa sasakyan. Van
iyon. Agad na bumungad ang ilang kalalakihan at kasamang babaeng mukhang iritado.
"Hi, Nena!" banggit ng isang lalaking hindi ko namumukhaan. Bumaling siya sa akin.
"You must be Sai, ako si Lorenzo Chase. That's why girls are chasing after me." He
winked.
Teka nga lang, may nagtatanong ba?! Talagang napakakapal ng mukha nila! I'll be
happy when the day comes, at siya naman ang maghahabol sa babae. Huh, a taste of
his own medicine!
Hindi pa ako nakakasagot dito, lumapit na ang mokong na hinahanap ko. Umakbay siya
sa pinsan niya at bumulong na rinig ko naman. "Don't. Hindi uubra ang flirty side
mo sa duwende na 'yan." he whispered and laughed afterwards.
Bobo, rinig ko, e! Duwende?! But that's his plan, for sure. Ang iparinig iyon sa
akin para lalo akong mainis.
Tiningnan ko siya nang masama. "Bakit ako kailangang isama?" matalim kong tanong sa
kanila.
"Maybe because you are the only one here studying in Camflora?" sarkastikong sagot
ni Cadence. Inirapan ko siya. Naasar ako dahil may point naman pero parang
pointless. Dahil mag-aaral pa lang din ako roon.
"Kung ganoon, isasama ko ang pinsan ko papuntang bayan." sabi ko pa. Ngumisi ako.
"Okay. Let's go." Napawi ang ngisi ko sa bilis ng pagpayag niya. Argh!
Sumakay kami ng van pero nagpakilala muna iyong mga hindi ko pa nakikita. Kasama
rin si Chance at Raius pero wala iyong Gio. Binati ako ni Chance. May kasama silang
isang babaeng pinsan. It's Calliope Tatiana, according to them. Mukhang tipikal na
bratinela. Kasing hirap ng pangalan niya, iyong ugali. Tatlo lang ang babae nilang
pinsan. Iyong dalawa hindi ko pa name-meet.
And I realized, iyong Khalil ang nakakita sa akin habang nasa putikan. He was
trying to help me that day. Mukhang naalala niya rin iyon kaya ngumisi siya sa
akin.
Kasama nga si Nena at katabi ko siya. Nawala ang ingay niya, pasulyap - sulyap lang
siya sa paligid at madalas namamangha. Pareho kaming nanahimik kahit ang ingay ng
mga Ponce but with different reasons.
Nagco-concentrate ako para hindi masuka. Masyadong akong mahiluhin kapag nakasakay
sa mga sasakyan. It's on my mind. Pero hindi ko talaga mapigilan kahit uminom pa
ako ng bonamine. Medyo tolerable lang kapag sa bus na hindi air-conditioned,
nakakalanghap kasi ng hangin o kaya sa mga habal - habal at jeep.
Nakarating kami sa pinkamataas na parte ng daan. This is my favorite part going to
main. Itong mataas na daan kung saan kitang - kita ang lahat. Kahit ang bundok ng
Tagbakan. I can clearly see it.
Mukhang ganoon rin ang mga kasamahan namin dahil tumigil talaga ang sasakyan at
bumaba sila. Bumaba rin ako dahil hindi ko na talaga kaya ang amoy ng aircon ng
van. Kahit mabango naman iyon, ang baho para sa akin. That's my weakness.
Tinging - tingin sa akin si Cadence nang makababa ako. Parang sinusuri niya ang
buong mukha ko. Alam kong medyo namumutla ako gawa ng van at aircon experience ko.
Nasu-suffocate ako. Inirapan ko siya at pumunta sa may railings para mas ma-enjoy
ko ang view.
Kitang - kita ko ang mga taniman, ang greenhouses pati ang mga taong animo'y
maliliit na langgam. I giggled. Ang susunod naman kasing dadaanan ay ang niyugan at
saka manggahan.
"Whoa! Ang ganda rito, so sakop pa natin ito?" one of them asked. Hindi ko na
nilingon para pagtuonan ng pansin.
They are underestimating their land. Sabagay, hindi naman sila lumaki rito kaya
hindi rin nila alam kung gaano kalaki ang lupa nilang sinasakupan. This is just a
piece. Abot pa sila hanggang Mabato.
"Lupain pa rin ito ng Ponce, maliit na parte pa lang ito." Si Nena ang sumagot.
"Okay, so I wasn't even informed about this. Geez, akala ko maliit nlang ang lupa
ni Lolo. Imagine my shock when I learned this." boses iyon noong Lorenzo. Mukhang
si Nena ang kausap niya.
"Shut up, Lorenzo. Lahat tayo hindi alam na ganito ito kalaki." kastigo ng isa. I
think that's Zion. Mukhang masungit ang isang iyon. He always has an earphone to
shut other people out of his life and from being nosy.
Humarap ako sa kanila. Lorenzo shrugged. "We are, let's say, comfortable." he
answered.
Napairap ako sa ere. That's the typical answer of rich people. They are comfortably
living. Pa-humble ang tawag doon. Hindi naman alam iyon ni Nena. Kumamot na lang
siya sa ulo.
"Let's go!" It was Calliope Tatiana. Nakasakay na siya sa van sa harap. Doon ang
puwesto niya.
Nagulat ako nang si Cadence na ang nakaupo sa upuan ni Nena. Tumaas ang kilay ko.
He was looking at me differently. Agad na hinanap nang paningin ko si Nena. Nasa
dulong parte na siya nakaupo, kasama niya iyong Lorenzo. Kumaway siya sa akin.
"What? Sasakay ka ba o iiwanan ka namin dito?" tanong niya sa akin. His brow
arched.
"Edi, iwanan! Kaya kong maglakad pauwi!" akmang hahakbang na ako paalis ng van,
hinigit niya ako paupo sa tabi niya at inirapan. May nagsara naman sa pinto ng van
ng tuluyan. Akala ko, makakaalis na ako.
I was about to talk back, pero sumambulat agad iyong amoy ng aircon. Nahilo akong
naupo sa tayo ko. Pinilit kong takpan ng kamay ko ang aking ilong. I just couldn't
take it.
Tumikhim siya at bumulong sa tainga ko. "Are you okay?" tanong niya. Medyo nakiliti
ako kaya siniko ko siya. Lumayo siya sa akin nang tumatawa.
Bakit kasi magtatanong kung okay ba ang isang tao, kahit nakikita mo namang hindi?
Para bigyan ng pagkakataong magsinungaling ang isa? Asking if someone's okay,
that's for the first aid treatment. Kasama iyon doon!
Napaawang ang bibig ko nang buksan niya ang bintana ng van sa tapat niya. Agad kong
nalanghap ang hangin. Medyo bumuti ang pakiramdam ko.
"Hoy, Cadence! Bakit mo binuksan ang bintana? Tangina, sasakit ang ulo ko!" sigaw
ni Raius.
"Wala akong pakialam, Rai! Shut up!" natatawa niyang sagot pabalik.
"Bobo!"
Everything was in chaos. Sobrang ingay ng mga lalaking Ponce. They are all
bickering. Puro kagaguhan lang. Pero wala roon ang atensyon ko. Mas maayos na ang
pakiramdam ko. Binuksan ni Cadence ang bintana.
He did. His gesture warmed my heart. Pero siya pa rin ang kiss stealer ko. Hindi ko
iyon makakalimutan.
Pumarada kami sa tapat ng Camflora National High School. Agad na sumalubong sa amin
ang guard na si kuya Ampa. That's what we called him. Nakiki-kuya na ako, kahit
papasok pa lang ako sa Camflora. Recommended at pasado na ako. Inginuso niya ang
mga kasama ko.
Nanlaki ang mata niya. "Ni Don Fausto? Totoo pa lang andito sila?" may
pagkamanghang tanong ni kuya Ampa. Tumango ako.
"Aba'y oo naman. Nasa gym sina Santino." sagot niya. Oh, nice. Nasa loob ang mga de
Ayala.
The de Ayalas. Kung ang mga Ponce ay mga haciendero. Well, the de Ayalas are
islander. Naks! Sila ang hari ng Alibijaban. Sila ang nagmamay-ari ng maraming
establisyemento roon. And of course, ang mga Lim. Sila ang may-ari ng malalaking
tindahan dito. Tipikal na Chinese - Filipino family. Tatlong pamilya ang halos
nagmamay-ari ng buong San Andres.
They are known to rule in school. Kumbaga, sila ang campus crushes. Lahat sila
pogi, hindi ko lang sigurado kung matatalino. Well, I have a girl in my class and
she's a de Ayala. Si Catherine Nayeli. Siguro sa influence na rin nila kaya nasa
pilot section siya. She's nice but not bright.
"Oh, ang laki ng oval," si Nena ay namamangha. Ito ang first time niya rito. Iyong
oval na sinasabi niya, ground iyon na pwedeng paglaruan ng soccer at track and
field. Malaki talaga. Madalas doong tumambay ang mga estudyante tuwing hapon at
wala ng klase. Madalas doon mag-date ang estudyanteng mayroong katipan.
Umingos si Raius. "Where's the fun part in that?" tanong niyang kumakamot.
"Basta, sumama lang ako rito! Saka sinabi ko na iyong mga alam ko!" giit ko sa
kanila.
Itinuro ko iyong building ng grade 10. "Sa likod noon, andoon ang gym. May
naglalaro yata ngayon."
"Ano, tara?" pang - aakit ni Chance sa mga kasama. Maangas akong tiningnan ni
Cadence at pinagtaasan ng kilay. Problema no'b?!
Because they are boys, agad silang sumama kay Chance. Patakbo nilang sinuong ang
oval na nasisikatan ng mainit na araw. Ah, I can't risk my skin. Masusunog na naman
ako. Sumama sa kanila si Nena na nagpaalam at excited na makita rin ang gym. Maliit
lang naman iyon.
Natigilan ako nang bumungad sa akin ang mukhang walang pores ni CT. Siya na ang may
hawak na payong at naka-tingin sa akin. Nagtaas siya ng kilay. "Saan dito
makakabili ng maiinom?" She asked.
Hindi naman bukas ang mga canteen kapag bakasyon. Kaya sa labas lang ang mayroong
bukas na tindahan. Sinamahan ko siya sa palamigan sa labas ng school.
Their lives are really comfortable as said by Lorenzo. Mukhang wala siyang alam
even sa mga palamig sa kanto, sa tapat ng school. Wow!
Ibinili niya rin pati mga pinsan niya, kasama si Nena at ako. Nahiya naman ako sa
kanya. Ako na ang nagbitbit lahat noon dahil alam kong hindi niya kaya. Hindi ko
alam kung magkasing-edad lang kami o mas matanda siya sa akin. Ang tangkad niya
kasi.
We went to the gym. To my surprise, kalaro na nila ang mga de Ayala. Si Santino, si
Anselm, at si Cassian kasama nila si Lorenzo at Raius. Five vs. Five. Si Cadence,
si Zion, si Khalil at iyong Rocco kasama si Crispin de Ayala naman ang sa kabilang
team.
Namataan ko ang grupo ni Ruby Pearl. Batchmates ko sila at sila iyong nakakairita!
Mayayabang kasi at maarte! Maganda siya pero I can't stand her attitude. Isama pa
ang mga alipores niya.
"Go baby blue!" si Amor iyon, isa sa mga kaibigan ni Ruby Pearl. Ang sagwa ng
pangalan niya!
Humalukipkip ako. Inirapan ko si Cadence nang magtama ang aming paningin. Pasikat
siya! At mukhang gustong - gusto ang atensyon na natatanggap. Inubos ko ang palamig
ko sa isang tabi kasama si CT.
Bored na bored ako hanggang sa matapos ang laro. Ni hindi ko nga alam kung sino ang
nanalo. Nagpaiwan ako sa bleachers nang magpaalam na bababa si CT. Pupuntahan niya
ang mga pinsan niya.
"Uy, Sai!" si Ruby Pearl iyon. "Bakit ka andito? Bakit hindi ka nagbubungkal ng
lupa? Hindi pa pasukan, ha?"
Nagtawanan ang grupo niya nang makalapit sa akin. Pasimple ko silang inirapan. Ang
kapal nilang maliitin ang trabaho ng tatay ko. Kung hindi naman sa pagbubungkal ng
lupa at pagtatanim, ewan ko na lang kung mayroon silang makain.
Agad kong nakita ang pagkapikon niya. Bago pa man siya nakapagsalita. May nagsalita
nsa likuran ko. "Tara na, Sai." baritonong boses iyon ni Cadence.
"H-hi." pa-demure na bati ni Ruby Pearl kay Cadence. "Kinukumusta lang namin si
Sai. Friends namin 'yan."
"Hindi ako marami. At saka hindi tayo friends." mariin kong sabi, inirapan ko siya.
Matapos mong laitin ang pagbubungkal ng lupa? No way, highway!
Nawala naman ang ngiti sa labi niya. Nilingon ko si Cadence, nasa bulsa ang mga
kamay niya habang matamang nakatangin sa akin.
"Okay!" medyo high-pitched kong sabi. Hindi ako pwedeng humindi, lalong ayokong
maiwan sa grupo ni Ruby Pearl.
Hinila niya ako sa braso. Halos maduling ako habang sumasabay sa kanya. Masyadong
mahaba ang legs niya kaya ang bilis niya maglakad. Pakiramdam ko mahuulog ako
pagbaba ng hagdan. Nakakainis!
Agad kong inagaw ang braso ko sa kanya nang makalabas kami ng gym.
"Type mo? Si Ruby Pearl at mga alipores niya. Kung gusto mo ng tahimik na buhay ---
mukha namang mahilig ka sa mga patapon." iritado kong wika.
"Chill. Wala akong sinsabing type ko." humalakhak siya. Mukhang tawang - tawa.
Inirapan ko siya, mas nauna na ako sa van.
Oh, here goes another ride. Ayoko na talaga! Ayoko ng aircon! Ayoko ng amoy! I
shook my head. Namumutla na naman ako.
To my relief, binuksan na lang lahat ng bintana ng van. Hindi na rin binuksan ang
aircon. I was relieved. Salamat naman!
Katabi ko pa rin si Cadence na mukhang pagod. Nakasandal ang kanyang ulo sa seat
habang nakapikit.
"Sai, bilisan mo!" narinig kong sigaw ni nanay mula sa maliit naming sala.
Sinipat ko ang suot kong bestida sa salamin. Simpleng kulay blue na dress iyon.
Sinuklay ko ang buhok ko ng huling beses bago bumaba.
Ngayon gaganapin ang piging. Aligaga ang lahat, hindi ko lang ma-gets kung bakit.
Nauna na si tatay at Nena sa pagpunta sa mansyon. Tutulog pa kasi si tatay. Kami
naman ni nanay ang magkasama papunta.
"Bilisan mo na, tara na!" halos hilahin niya ako palabas. What's wrong with people?
Kung hilahin nila ako, parang wala lang.
Isang kabayo lang ang sinakyan namin. Maraming tao. Maraming sasakyan. At posturang
- postura rin sila.
Sumama ako kay Jutay at Amelia. Namataan ko rin sina Luna, tapos sina Teryo na
masamang - masama ang tingin sa akin. Taas na taas na naman ang buhok niyang
mukhang palong ng manok at kulay pula pa.
Nagsimula ang handaan. The de Ayalas are invited pati ang mga Lim. Medyo naloloka
ako kung gaano kabigatin ang mga taong invited sa piging.
So Cadence. That Cadence, the kiss stealer is the son of the future governor?
Nalaglag ang panga ko.
He saw me with that reaction. Kinindatan niya ako mula sa mini stage.
Oh my God!
Ikalimang Kabanata
Kabanata 5
Nahulog
Si Cadence. Iyong kiss stealer na nakita kong hubad sa batis, that guy is the son
of the future governor? Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay mali ako nang
pagkarinig.
Teka nga lang. E, ano naman? He's a Ponce, alam ko na iyon noong una pa lang. Ano
bang big deal kung anak nga siya noong tatakbong gobernador? Wala naman silang
significance sa buhay ko. Naks, significance. Hindi ko dapat isipin iyon. At saka,
hindi pa naman sigurado ang pagkapanalo noong tatay niya.
Buong gabi akong tuliro sa piging. Halos wala akong naintindihan sa kaganapan. Ang
alam ko lang maraming mayamang pamilya ang dumalo sa pagsasalo. I saw Catherine
Nayeli at ang mga kapatid niya. The former waved at me. Medyo nakaramdam ako nang
pagkahiya pero benalewala ko iyon dahil para sa lahat naman ang naturang piging
regardless of status sa buhay.
"Oh shet, shet! Ang daming poging nagkalat. Napakasuwerte ng isang normal na
nilalang kagaya ko. Praise the Lord! Salamat po sa pagpapasulyap sa mga poging
ito!" pareho kaming napahagikhik ni Amelia sa narinig. Totoo naman. Marami talagang
nagkalat na pogi sa buong lugar. Kaya tuwang - tuwa si Jutay.
"Uy! Amy, Jutay, Sai! Nice to see you here. Nag-eenjoy ba kayo?" si Chance iyon
nang namataan niya kami. Of all the Ponce, I think he is the most friendly. Mayroon
agad siyang nakapaskil na ngiti para sa lahat. Hindi siya gaanong intimidating
kagaya ng ibang pinsan niya. Hindi siya katulad ni Cadence. May angas. May yabang
sa katawan.
Lalaking - lalaki siya. Tuwang - tuwa pa. I was biting my lip hard. Nag-usap pa
silang dalawa na mas lalong ikinapula ng pisngi ng kaibigan namin.
"Okay lang ba kayong dalawa?" Chance asked us. Siguro ay nawi-weirduhan na siya sa
ikinikilos namin. Pareho kaming tumango ni Amy pero hindi ko talaga mapigilang
mapangisi.
"Oo, Chance! Ang ganda rito." sagot ni Amy.
"Good, good. Sige, enjoy lang kayo." sabi pa niya bago kami nilisan.
I couldn't contain my laugh anymore. Natawa na talaga ako, lalo pa't nakita ko ang
ekspresyon ni Jutay nang makalampas sa amin si Chance. Mukha siyang kilig na kilig
at parang sinisilihan ang puwet na hindi mapakali.
Nag-apir kami ni Amy at sabay na natawa. Nang humupa ang damdamin ni Jutay, pareho
niya kaming binigyan ng mahinang sapak.
Sumama ako kay Jutay at Amelia nang kumuha sila ng dessert na naka-serve. Pumila
kaming tatlo. Nasa pavilion ang mga naka-handang pagkain. Nakapalibot dito ang mga
engrandeng tables na may nakalagay na vase at fresh flowers na matatagpuan mismo sa
hacienda.
"Anong kinuha mo, Jutay?" tanong ni Amy na mukhang excited. She was eyeing Jutay's
plate.
"Iyong mga alam ko lang kainin. May lecheflan, buko salad, cupcake at biko. Iyong
alam ko ang lasa."
Bumaling ng tingin sa plato ko si Amelia. "Ang konti naman niyan, Sai. Diabetic ka
ba?" sabi niya habang sinusuri ang plato ko.
"Ha?"
"Boba, diet kasi, girl!" tumatawang pagtatama ni Jutay. "Iba na kapag diabetic.
Sakit na iyon!" Sinisimulan na niyang lantakan ang desserts niya.
Umirap sa amin si Amelia. Looking at her plate right now, she surely has many
desserts on the plate. Mas marami pa iyon sa pinagsamang dessert namin ni Jutay.
Tinusok ko ng tinidor ang isang slice ng pakwan tapos idi-nip ko sa chocolate
fondue. Heaven sa pakiramdam noong kumalat ang lasa sa dila ko. I love fresh fruits
more than any food. Ewan ko, kahit madalas kong nakakain iyondahil laki ako sa
bukid, hindi pa rin ako nagsasawa. Iyon ang comfort food kong tinatawag.
"Alam niyo kasi sa ganitong handaan, dapat tinitikman niyo lahat. Kumbaga, a big of
everyone." winika niya habang kinakain ang hindi rin pamilyar sa akin na dessert.
A big of everyone? Parang masayadong gore naman ang ganoon. Baka a bit of
everything ang sinasabi ni Amy.
Hindi ko alam kong matatawa ako sa kanilang dalawa o matataranta. "Tubig ang
kailangan ko, hindi baso!" iritadong sambit ni Jutay na umuubo pa rin.
Mabilis akong kumilos para kuhanan siya nang maiinom. Umalis ako sa table namin.
Mayroon waiter nag-aassist sa mga bisita. I'm trying to find one. Pero hindi iyon
ang nakita ko. Halos mabangga ko ang grupo nina Lucy sa pagmamadali. Magarbong
dress ang suot niya, iyong parang diretsong kinuha sa kurtina ng bintana na
nilagyan lang ng hugis. Napailing ako sa naisip.
Nginisian ko sila at nagpeace sign na parang korean, iyong balat lang iyong hindi
papasa. "Sorry. Hindi ko kayo nakita. Nagmamadali ako, akala ko rin kasi mga
kurtina, tao pala." tumatawa kong saad. Medyo napalakas pa iyon kaya nakuha namin
ang atensyon ng ilang bisita na malapit sa tayo namin.
People think it is easy to make me the target of bullying because I'm small and
somewhat dark-skinned. That's not the case, I fight back. Ayokong naapi ako at
ayokong mas lalong bigyan sila ng karapatang apihin ako kapag hindi ako lumaban. I
already made peace with the fact na maitim ako at tanggap ko na lahat ng kapintasan
ko. They can't use it against me.
Nagbago agad ang kanyang ekspresyon. Nawala ang ngisi ni Lucy at napalitan iyon ng
inis. Kahit yata saang bahagi ng mundo ako mapadpad, hinding - hindi mawawala ang
masasamang damo. Si Ruby Pearl sa school na pinapasukan ko, tapos mayroong Lucy at
Teryo dito sa Tagbakan. How nice. Maybe, kapag pinagsama-sama sila, they would get
along well.
"Hoy, Sai! Ang kapal ng apog mo." Regine hissed at me. Inirapan ko siya at
tinitigan mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang napagtanto, wala man lang
creativity ang pangalan ng isang ito.
"Okay," I dismissed her. "Save your breath, pamparami ka ng carbon dioxide, Regine.
Hindi na healthy."
Mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko kaya isang matalim na irap ang
natanggap ko mula sa kanila. Agad na napalitan ang matalim nilang mata ng pamumula
ng mukha. Wow, nagbu-blush, kakulay ko naman sila! Nagsikuhan silang tatlo.
"Ponce iyan!" rinig kong sabi nila. Nawala ang atensyon nila sa akin. "Hi!" sabay -
sabay nilang sabing tatlo.
Kumunot ang noo ko. Muntik na akong matumba ng sinadyang itama ni Regine at Lilah
ang balikat nila nang lampasan ako. Argh! Medyo masakit. Hinilot ko iyon.
"Hoy!"
Napatalon ako sa gulat. Napahawak ako sa batok ko, ramdam na ramdam ko iyong
hininga noong nagsalita sa likuran ko. Agad namang tumawa ang may sala.
Nilingon ko siya at masamang tiningnan. "Ano na naman?" mariing tanong ko. Masama
ang tingin ko sa kanya.
Humalakhak siya. Sapo pa niya ang kanyang tiyan. Mas lalo akong nakaramdam ng inis.
He was mocking me. Hindi naman ako clown para pagtawanan niya. Sinipa ko siya sa
tuhod.
Kinagat niya ang labi niyang tumingin sa akin. "Ang lakas mo maghamon ng away ah,
liit mo naman."
In-ekis ko ang kamay ko sa dibdib. "Oh tapos?" nanghahamong tanong ko rito. "Kung
tapos ka na at wala ka ng magandang sasabihin, pwede ka nang umalis sa harapan ko,
hindi ka magandang tanawin."
Kagat - kagat pa rin niya ang kanyang labi para pigilan ang pagtawa. Nakakainis si
Cadence! He cleared his throat and handed me a glass of juice. Melon juice yata.
Takado ko siyang tiningnan. Nginuso niya ang table namin. "Your friend might be
choking to death right now." kibit - balikat niyang sinabi.
Oh! Realization hit me. Muntik ko nang makalimutan si Jutay. Tinanggap ko iyong
juice niya, kahit dapat ay tubig. Mabilis akong naglakad pabalik sa table namin.
Hindi ko na pinansin si Cadence kahit narinig kong tinawag niya akong 'liit'. Patay
- malisya ako. Hindi iyon ang pangalan ko para tawagin niya akong ganoon.
"Jutay! Ito na iyong tubig --- ay, juice pala!" Iniabot ko iyon sa kanya.
Umirap siya sa akin. Tumawa naman si Amy. "Well, girl, wala na. Huli ka na. Patay
na iyong pasyente sa bagal mo."
Napakamot ako sa ulo. Nawala sa isipan ko ang pagkuha ng tubig nang mabangga ko
sina Lucy, tapos dumating pa si Cadence. Inagaw ko kay Jutay ang juice na ibinigay
ko sa kanya kanina. "Dahil buhay ka naman, akin na lang ito." sabi ko pa, tinungga
ko iyong juice baka sakaling kumalma ako.
Napatingin ako sa table sa hindi kalayuan sa amin. I almost choked when I saw the
kiss stealer looking at me. Bahagyang nakataas ang kilay niya. Medyo nakaramdam ako
ng kaba. Iba ang dating niya kapag seryoso.
Tiningnan ko siya nang masama. Halos natapos ang gabi sa ganoong senaryo. I
couldn't look back at him. Hindi ko magawang makinig sa usapan ni Jutay at Amy.
Panay tango lang ang ginawa ko.
Napailing ako.
***
Maaga akong nagising at gumawa ng gawaing bahay. Nagluto ako ng babauning pagkain
ni tatay sa sakahan at para kay nanay sa gulayan. Simpleng ginisang kalabasa lang
iyon at tortang talong.
Excited ako sa magaganap ngayong araw. Tuwing summer, mayroong tournament 'kuno' na
paganap si Don Fausto para sa mga anak ng trabahador sa hacienda. It has been a
tradition to us. Madalas mga lalaki lang ang kasali o iyong mga anak ng ranchero at
halos lahat ng kabataan ay nanonood.
I am trying to break the norm. Ako lang yata ang kasaling babae. Kahit si Jampul
--- iyong kasali sa F4 na jejemon, dalawang taon ng hindi sumasali. Hindi talaga
maganda iyong nangyari sa kanya noong nakaraan, nalaglag siya sa sinasakyang
kabayo, muntik pa siyang maapakan nito. Hindi na rin sumali sina Teryo. Sinapit ko
rin ang nangyari kay Jampul, ang kaibahan lang namin, hindi ako tumigil.
May premyo ang mananalo sa paligsahan nang pagpapatayog ng bulador habang sakay ng
kabayo. May school supplies, mga libro at kaunting pabuyang pera. Iyon ang
inaabangan ko buong summer dito.
Nagpatulong ako kay tatay na magpagawa ng base ng saranggola ko. I made it look
like a dragon. Astig iyong tingnan kapag nasa itaas na.
Ngumisi ako kay tatay nang makababa na siya ng maliit na kusina namin. Ipinagtimpla
ko siya ng kape. Binilhan ko na rin siya ng pandesal ng mayroong dumaang naglalako
kanina. Ganoon ang agahan niya.
"Mag-ingat ka, anak. Ayoko nang uuwi ka ritong mayroong gasgas ang tuhod mo.
Pinayagan kita dahil gusto mo iyan, pero kapag nakakita ako ng konting gasgas,
hindi ka na makakaulit." paalala ni tatay. Ini-ready ko na ang bulador na ginawa
namin. Halos nagkulong ako ng isang linggo para matapos ito.
Tumango ako sa kanya. "Okay lang naman po ang pangatlong beses na mahulog sa
kabayo." tumawa ako para takpan ang kaba. Alam kong seryoso iyong sinabi niya.
Walang nakakabali sa salita ng tatay ko.
Istrikto niya akong tiningnan. "Ayoko ng mayroong kahit anong gasgas, Sai." mariin
niyang sinabi habang paalis na kami ni Nena.
"Uy, Sai. Galingan mo. Dapat hatian mo ako sa premyo." pangungulit ng pinsan ko.
Napabaling ang tingin ko kay Nena. "Ang demanding mo naman! E, noong gumagawa ako
ng bulador, ni ipagtimpla mo ako ng kape, hindi mo magawa!" singhal ko sa kanya.
Kasama ko si Nena papunta sa mansyon. Siya ang may hawak ng bulador ko. Gusto niya
ring manood. Sakay kami ng kabayo kong si Meow. Aprubado naman ni tatay. Isa pa, si
Meow din ang gagamitin kong kabayo mamaya sa contest.
Nakaramdam ako ng kaba, bukod sa maraming manonood kung sakali mang mahulog ako sa
kabayo. Alam kong andoon din ang mga Ponce. Mas nagpakaba iyon sa akin.
Ngumisi ako nang makita ko ang mga kaibigan ko. Hawak ko ang tali ni Meow na maamo
naman ngayon. Kinuha nila kay Nena ang bulador kong ginawa. Tiningnan nilang mabuti
iyon. Nagpaalam si Nena na maglilibot pero alam kong sisilay lang iyon sa mga
Ponce.
"Ito ang pinakamaganda kong nakita so far. For sure, mananalo ito sa best in
design," komento ni Jutay. "Nilibot na namin ang mga kalaban mo. Kayo - kayo pa ri
ang maglalaban,"
Well, third place lang ako last year at gusto kong manalo ngayong taon. Kaya all
out dapat.
"Kaya lang, Sai," nag-aalalang wika ni Jutay. Nagkatinginan sila ni Amy. "Ano kasi,
nabago ang rules ng laro."
Nagtataka akong tumingin sa kanila habang hinihimas pa rin ang balahibo ni Meow
para good boy siya mamaya. "Ha? Paanong nabago? Wala namang rules ito! Kung sinong
mas matayog na saranggola, iyon ang mananalo. Kung sino ang maganda, may premyo
din."
Wala naman akong natatandaang seryosong rules and regulations ng laro. Katuwaan
lang naman ito.
Napakamot si Jutay. "Nagrequest kasi ang Don, dahil first time ng mga apo niya
rito, hiniling niyang sila ang magpalipad ng saranggola sa tradisyon." Nanlalaki na
ang mata ko sa narinig. Itinuro niya si Chris, iyong anak ni Manong Elpidio, na
suki rin ng tournament. May kasama siyang matangkad na lalaki. "Iyon si Quentin
Alejandro Ponce, siya ang magpapalipad ng saranggola ni Chris! Ang swerte!"
Napanganga ako. "Ano? Hindi pwede! Hindi naman patas iyon. Pinaghirapan kong gawin
ito!" frustrated kong daing.
Tumingin ako sa paligid. Well, it must be true. Totoo ang sinasabi ni Jutay na ang
mga apo ni Don Fausto ang magpapalipad ng bulador na pinaghirapang gawa namin. I
saw the cousins, namataan ko iyong Wyatt na kasama ni Jestoni at iyong Maddox na
hawak ang gawang bulador ni Japoy.
Naghihimutok talaga ang kalooban ko, por que sila ang nagmamay-ari nitong hacienda,
pwede na lahat. Hindi naman sila iyong naghirap gumawa ng bulador. Naiinis ako at
mukhang ako lang ang nakakaramdam noon. Everyone seems to accept it freely.
But I'm not like that, maybe I am too sentimental. Karapatan kong makaramdam kung
ano mang paghihimagsik ng damdamin ang nararamdaman ko ngayon dahil pinaghirapan ko
ang bulador. Ako ang nag-design, nagpatulong ako sa tatay kong gawin ang base at
ako ang nagpatse ng mga plastic pang-dekorasyon. Para sa iba, okay lang. Sa akin,
hindi. Pinaghirapan ko iyon. And I value things so much.
Huminga ako nang matalim. "Kung bawat isa, mayroong Ponce'ng magpapalipad ng
bulador? Sino sa akin?" kalmado kong tanong. I have an idea. Hindi ko alam kung
bakit pumasok iyon sa isipan ko. But don't let it be real. Piping dasal ko.
Tama naman si Jutay, may magagawa ba ako? Ganoong sa kanila ang lahat ng ito. Hindi
ako pwedeng magmatigas kahit gustuhin ko. Hiling iyon ng nakatataas sa akin.
Sakto ang pagtikhim sa likuran ko. Nakuha nito ang atensyon naming tatlo. Namula
ang buong mukha ni Jutay. Inginuso niya ang nasa likod ko.
Unti - unti kong humarap para makita ko kung sinong poncio pilato ang assigned sa
akin. Gusto kong panawan ng ulirat ng si Cadence ang bumungad sa akin. Seryoso
siyang nakatingin sa mga mata ko. Ang tangkad niya. Hindi rin siya magpapahuli sa
mga pinsan niya. Tapos ang kapal ng kilay, kaya kitang - kita ang bawat pag-arko
noon, kagaya ngayon.
"Hoy, liit! I'm talking to you." Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa ere para
makuha ang atensyon ko. Iyong kilay niya, naka-arko. Ipinilig ko ang ulo ko.
"Anong sinasabi mo?" inis kong tanong kay Cadence. Wala akong naintindihan sa
sinabi niya. Parang bumuka iyong labi niya, para lang naman.
Kumunit ang noo niya kasabay ng pagtaas ng kilay. "Hindi ka nakikinig? Ang dami
kong sinabi." may pagtitimpi sa boses niya,
"Aba, malay ko." Inirapan ko siya. "Kung makapagtaas ka ng kilay, may karapatan ka
bang magalit?"
Humalakhak siya. Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang magulong buhok. Tiningnan
ko siya mula ulo hanggang paa. Gwapong - gwapo sa sarili sa kabayo costume, este
cowboy costume. Umirap ako sa ere.
"I'm asking you if it is okay to you? And I'm gonna ride your beloved horse, okay
lang ba?" He wriggled his eyebrows. Ngising - ngisi siya. Siniyasat niya ang gawa
kong bulador.
Inis ko siyang tinapunan ng tingin. "Bakit mo ako tinatanong kung okay lang sa
akin? Bakit may choice ba akong humindi? Siguraduhin mo lang na ipapanalo mo ito."
winika ko bago sulyapan ang dalawa kong kaibigang halos hindi makalunok ng sariling
laway.
"Tara!" akit ko sa dalawa. Naglakad ako papalayo kay Cadence. Hinila ko ang dalawa.
"Sai Everly Maligno." tawag ni Cadence sa buong pangalan ko. Nakaramdam ako ng
kilabot. There's something wron the way he said it. Napatigil kami sa paglalakad ni
Amy at Jutay.
Muli akong humarap sa kanya. May nakapaskil na ngisi pa rin sa kanya, tapos
expressive na na naman iyong kilay. Ang kapal. Kung titingnan kong maigi, well,
medyo gwapo naman siya. Fine, gwapo talaga sa Cadence. At nakakainis iyon.
Agad kong naintindihan iyon. Mas lalong umusok ang ilong ko sa inis. Taga-tapon
noong saranggola para lumipad? He was biting his lips to prevent from laughing.
Siniko ako ni Amy at bumulong siya sa tainga ko. "Una na kami, Sai. Doon lang kami
sa gilid manonood 'pag nagsimula na." paalam niya.
Gusto ko siyang sigawan sa inis pero hindi pwede. Madalas kapag naiinis ako sa
isang bagay o isang tao, at hindi ko nagawang gawin ang gusto ko, napapaiyak ako.
At iyon ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong maiyak sa frustration dahil sobrang
nakakainis ang lalaking nasa harap ko. Pero hindi ako pwedeng umiyak. Lalo na sa
harap niya.
Hindi naman ako madaling mainis. Pero pakiramdam ko kapag kay Cadence, kusang
napuputol ang pisi ng pasensya ko. Walang paglagyan ang inis ko. Sobra - sobra at
umaapaw pa. Mas immature pa siya sa akin, siya iyong mas matanda ng ilang taon.
"'Wag ka ngang sumimangot, that's bad luck. 'Wag kang bad luck, liit. Hindi tayo
mananalo. You like that?" Lumapit siya sa akin. Sinubukan niyang paghiwalayin ang
kunot ng noo ko pero tinampal ko lang ang kamay niya. Kinuha ko iyong bulador at
pumuwesto ako malayo kay Cadence. Sinigurado kong walang buhol iyong tali habang
hawak niya ang kabilang dulo. Sumakay naman siya kay Meow.
Naka-ready na kami. Isa - isa naman ang pagpapalipad ng bulador pero sunod - sunod.
Pang-lima pa kami ni Cadence. Kinakabahan ako. Maganda ang lipad noong kay Chris.
Sumunod iyon kay Jestoni, Japoy, Harry tapos kami na. He looked at me, tumango siya
sa direksyon ko. Nang magsimulang humakbang si Meow, I let go my kite to fly... to
fly as high as it can.
Tama nga ako, maganda siyang tingnan mula sa taas. It looks like a dragon. Like a
real one. Medyo napanganga ako habang pumapalakpak. I maybe too sentimental, but I
felt proud.
"Ay!"
Agad na napalitan iyon ng pangamba nang nahila pababa ang bulador. I looked at
Cadence. He was trying to control Meow. Nag-aalburuto na ang kabayo ko. Marahas ang
paggalaw niya habang sumisipa sa ere.
Napasinghap ako nng malakas sa pagkalaglag ni Cadence mula kay Meow. Halos lahat ay
napasigaw. Napalitan ng takot ang dibdib ko. Wala na akong pakialam kung anong
nanyari sa saranggolang ginawa ko. I was more concerned of Cadence's welfare.
Napasigaw na ako nang makita kong muling sumipas si Meow sa ere, at muntikan na si
Cadence. He was quick to dodge its feet. May ilang lumapit na kalalakihan para
awatin ang nagwawala kong kabayo. Bihasa sila sa ganoong trabaho. May nagbuhat kay
Cadence. Patakbo akong sumunod sa kanila.
"I'm fine, okay!" sigaw niya sa mga ito. "Hindi naman ako napuruhan at hindi pa
tapos ang laban. I can use Madonna."
"Mapapagalitan tayo ng Don, hijo. Pumirmi ka muna rito." sabi ni Mang Kaloy.
"Pwede po bang iwan niyo muna kami?" paalam niya sa mga rancherong tumulong sa
kanya.
"Sige, hijo. Tatawagin lang namin si Manang Sisa. Oh, maiwan muna namin kayo. Sai,"
Tumango ako kay Mang Kaloy.
Nakatitig lang ako sa kanya nang makaalis sila. Hindi ko alam ang sasabihin ko o
kung bakit ako andito. Ang alam ko lang, nag-alala ako sa kanya.
"Masama iyong idea na kayo iyong magpalipad ng bulador," panimula ko. "Hindi naman
kayo sanay."
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Um-arko na naman ang kilay niyang nagtatanong.
"And you want to fly the kite and risk yourself? Kung hindi ako ang nagpalipad
noon. Ikaw ang andito ngayon. And I don't know if you'd be lucky enough to dodge
its kick."
"Mas okay!" pahayag ko. Mas gusto ko iyon. Sumama ang pakiramdam ko noong makita ko
siyang mahulog kay Meow. Halos habulin ko ang hininga ko noong muntik na siyang
masipa ng kabayo. Hindi ko kaya. As much as I hate him, ayoko pa ring mangayri sa
kanya ang nangyari kanina. It's not a good feeling.
"Basta! Ang dami mong tanong. If it's about the prize, kaya gustong - gusto mong
maglaro noon, I could give it to you. Pwede kitang bilhan noon," He gritted his
teeth.
Nakaramdam ako ng pagkainis. "Hindi naman iyon! At saka, hindi iyon sa pagbibigay
ng free. Pinaghihirapan iyon. Nakakainis ka!" Inirapan ko siya.
Nangunot ang noo niya. "You know what, 'wag mo akong kausapin ngayon."
Napanganga ako. "Oh, edi 'wag! 'Wag mo rin ako kakausapin! Sungit!" sabi ko at
nagmartsa ako paalis ng gazebo. Hindi ko na siya nilingon.
Ako na nga iton concerned, so bakit siya pa ang may ganang mainis? Pumunta ako rito
dahil concern ako sa kanya, tapos nauwi kami sa away.
Medyo weird.
***
Was supposed to update earlier than this. Got to do some school activities, I
crammed haha. Start na OL class namin. I'm not that good balancing time.
Be safe.
Chi xx
Ikaanim na Kabanata
Kabanata 6
Boodle Fight
Nagkatotoo nga ang sinabi ni Manang Sisa. They are going to be my schoolmates. Some
of the Ponce, iyong iba, nasa kolehiyo na. Unfortunately, wala pang college sa
bayan ng San Andres. Madalas na nangingibang-bayan ang mga estudyante rito para sa
kolehiyo. Ganoon din ang mangyayari sa akin kapag natapos ko na ang senior high sa
Camflora. Matagal pa iyon, hindi ko pa dapat problemahin, hindi ko pa nga natatapos
ang junior high. It's a long way to go.
Nagkatinginan kami ni Cadence nang makababa ako ng van pero inirapan ko siya. Hindi
ko pa rin pinapansin ang gunggong. That's the rightest thing to do. I was worried
the last time. Nahulog siya kay Meow at muntik pa nitong masipa. Hindi ko pa rin
gets iyong nangyari pagkatapos noon. Ang sungit niya. I didn't talk to him after
that.
Hindi sa akin napunta iyong inaasam - asama kong prize at pagkapanalo. Binalaan na
rin ako ni tatay, baka sa susunod hindi na ako makasali. Nalaman niya iyong
nangyari. Lahat naman malalaman iyon, mabilis lang kumalat ang balita sa buong
Tagbakan.
"'Nay, doon po tayo." Itinuro ko kay nanay ang E-type building. Andoon kasi ang
nakahilerang teachers na tumatanggap ng enrollee para sa Pilot section. Agad kong
namataan sina Ruby Pearl kasama na naman ang mga alipores niya. Agad akong nag-iwas
ng tingin para hindi nila mapansin.
"Cadence, saan ka ba pupunta? Hindi riyan ang senior high!" rinig kong sigaw ni
Lorenzo sa pinsan niyang naaalibadbaran ako sa inis. Bahagya ko silang nilingon.
Nakasunod pala siya sa amin ni nanay.
Agad na kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko pa siya nakakausap.
At wala akong balak na kausapin siya.
"Sai, halika na. Bilisan mo. Mag-enroll na tayo. Nakakahiya kapag nauna pa sila sa
atin," winika ni nanay.
Bumalik ako nang tingin kay nanay at tumango. "Sige po, tara na po," sagot ko.
"D'yan kami, 'nay. Sa amin ang building na iyon."
Muli ay sumulyap ako kay Cadence. Hindi ko alam kung bakit. I just did, my guts
told me so. He was looking at me. Naka-arko iyong kilay niya sa akin pero mayroong
maliit na ngisi sa labi. Kinidatan niya ako, tapos ay kumaway paalis.
Medyo umawang ang labi ko. I could tell, malandi ang isang iyon. Puro siya kindat,
hindi naman niya ikinagwapo ng isang iyon. Pero gwapo naman kasi siya talaga. Ah,
nakakainis! Lalo na kapag umaarko iyong kilay niya. Hindi ko alam kung bakit, but I
was attracted to his brows.
Siya pa rin ang laman ng isip ko kahit sa pagtake ko ng exam, bukod sa requirements
at recommendation sa akin, I still need to take an exam. Mabuti na lang at naipasa
ko iyon. Pinuputakte niya ang isipan ko. I hate to think of it as a mystery needs
to unravel. Alam ko kung saan ito papunta.
Matapos kong mag-enroll, iniwan muna ako ni nanay sa school para mamili ng ilang
items na kailangan namin. Dahil hindi pa tapos karamihan sa mga Ponce, naiwan ako
kasama ang ilang kasambahay nila.
"Jala!" I shouted back. Humahangos siyang lumapit sa akin, saka ako niyakap. Pareho
kaming umikot na dalawa.
"Hoy, na-miss kita! Grabe lalo kang umitim!" natatawa niyang sabi na ikinasimangot
ko. Iyon agad ang bungad niya sa akin, hindi katanggap - tanggap!
"Mas lalo kang tumaba!" komento ko naman nang nakangisi. Tinampal niya ang mukha
ko.
"Aba, putangina mo!" nakabusangot niyang sigaw sa akin. Tumawa lang ako. Well,
medyo chubby talaga siya at wala namang masama roon. She doesn't take it
personally. Ganoon din sa akin. "Na-miss kita! Pilot din ako!" balita niya sa sa
kanyang section.
"Oh, naipasa mo ang exam?" medyo may sarkasmo ang himig ko. Malaki ang ngisi ko
nang mas lalo siyang sumimangot. "Binibiro lang kita," agad kong bawi.
"Edi ikaw na ang magaling!" inirapan niya ako at hinampas. Pansin kong nakaka-ilan
na siyang pamamalo sa akin.
"Namimihasa ka na!" bulyaw ko. Gumanti ako ng palo. Nilaksan ko na para sulit at
bahagyang lumayo.
Ang totoo, natutuwa akong kaklase ko siya. Si Jala lang ang naging Pilot sa mga
kaibigan ko. Akala ko ako lang ang magiging Pilot. Mabuting kasama ko si Jala. It's
going to be a tough year. Bago ang arrangement sa akin. Hindi na ako makikitira sa
tiyahin ko sa bayan. Uwian kami at kasama ko ang mga Ponce. Sa service nila ako
makikisabay sa pag-uwi. Plus, Ruby Pearl is in my class. Kung paan noyang naipasa
ang exam, hanggang ngayon ay malaking palaisipan sa akin. Nag-usap pa kami nang
kung anu-anong bagay bago siya nagpaalam sa akin.
"Una na ako." she told me. "Kita na lang tayo sa pasukan. Agapan mo ang pasok,
ipagtabi mo ako ng upuan. Kailangan magkatabi tayo!"
"'Wag ka munang umuna! Bata ka pa." sinabi ko pa. Umingos lang siya sa akin at
hinigit ang buhok ko. Pakiramdam ko ay matatanggal iyon sa anit. Sobrang lakas nang
pagkakahila niya. Ang taba naman kasi ng palad niya.
Nakarinig kami nang pagtikhim sa likuran ko. Pareho kaming napaharap ni Jala sa
taong nasa likod. I saw the cousins. Kasama roon si Cadence.
"Aray naman!" napalakas kong daing ng lalong hilahin ni Jala ang ilang hibla ng
buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi naman siya nakatingin sa akin. She
was ogling at them. Bumulong pa siya sa tainga ko. "Hindi mo pa nasasabi iyan sa
akin."
Pinakawalan ako ni Jala. Tumango ang ilang pinsan ni Cadence tapos ay nilampasan
ako. "Asan sila ate? Asan si Tita?" Cadence asked me.
Nangunot ang noo ko. "Kamag-anak ka?" maarte kong tanong pabalik sa kanya.
Pinagtaasan niya ako ng kilay at ngumisi pero hindi siya sumagot. He shook his
head. Nilampasan niya ako. Lumapit siya sa mga pinsan niya. Hinila ko si Jala
papuntang gate.
She looked at me, nang-uuyam niya akong tiningnan. "Wow, girl. Ang layo naman.
Salamat sa paghatid, ha?" walang kalatuy - latoy niyang sabi. "Nawalan na ako ng
balak umuwi. Gusto kong malaman ang tungkol sa mga kasama mo. Ang suwerte mo, girl!
For sure, umuusok ang p'wet ni Ruby Pearl sa inggit."
Umirap ako sa ere. Tinulak - tulak ko siya palabas. "Walang interesanteng bagay sa
kanila, okay?"
"Gwapo!" agad niyang sabi. "Hakot iyon! Kapag gwapo ka, madaling maging interesado
ang madla! Hello, face value!"
"Oh, tapos? I want a man with substance." pagdidiin ko. Sinamahan ko pa iyon ng
irap. May punto naman si Jala, at totoo iyon. Iba talaga kapag pogi, you are way
steps ahead compared to the normal people. Sasambahin. Iidolohin. Kahit anong klase
pang ugali ang meron ka. That's society's standards.
Tumawa si Jala. "Wala naman akong sinasabing jowain mo, girl. Ang sinasabi ko lang
naman, ang suwerte mo kasi araw - araw mo silang makikita. Don't tell me, may balak
ka? Sabihin ko lang sa'yo, grade seven pa lang tayo! Pero kung true love, why not?
Ang putangina!" sinabayan niya pa nang pagtawa. Natawa na lang din ako habang
bumabalik sa puwesto ng mga Ponce.
"Ayan na pala si Sai!" ani Lorenzo nang tumapat ako sa kanila. Nagtataka akong
tiningnan siya.
"Ano naman kung andito ako? Alam ko ring andito ako." agad na lumabas sa dila ko.
Matiim nila akong tinitigan. Napailing ako habang pinagmamasdan sila isa - isa.
Hindi man lang makaintindi ng joke. Minsan na lang, e!
Gusto kong maupo sana sa bench, pero agad kong isinantabe ang ideya. Sa tabi na
lang ni Cadence ang bakante.
"Gusto raw ni Cadence na kumain. Ayaw naming samahan dahil kanina pa kami tapos
kumain. Ikaw na lang ang sumama," ngising - ngisi si Lorenzo. Nakaramdam ako ng
asar sa ngisi niyang iyon. Nakaka-insulto ng bahagya.
Kagat - kagat ni Cadence and labi niya. Alam kong gusto niya ring ngumisi ng
pagkalaki - laki pero pinipigilan niya. Inirapan ko.
"Bakit kailangan ko pang samahan iyan? Makakain naman siya ng mag-isa at hindi ko
naman dala ang kaldero." pagtataray ko. Medyo maaga pa naman para sa lunch, pero
okay na rin.
Binitawan niya ako nang tumapat kami sa tindahan nina Aling Tesie. Sumimangot ako
at sinamaan siya ng tingin. Hinatak niya ako palapit sa isang upuan at ini-upo.
Napataas ang kilay ko at ngumisi. "Hindi. Alam mo bang hindi sanitized itong lugar,
tapos iyong mga pagkain, kahapon pa iyon tapos iniinit lang nila..." sabi ko.
Napalingon ako sa paligid. Ang sama ng tingin sa akin ni Aling Tesie. Nagpeace sign
ako. "Wala kang free sabaw, Sai, ah."
Nanlaki ang mata ko. "Hindi naman makatuwiran iyon, Aling Tesie!"
"Aba'y bawiin mo muna iyong sinabi mo! Sino iyang kasama mo? Kagwapong bata e!
boyfriend mo?" sunod - sunod na tanong niya. Hindi ko na pinansin pa si Aling
Tesie. Napakamot ako sa ulo at mas lalong napasimangot. Medyo palpak iyong naging
plano ko. Buti na lang ka-close ko naman siya, hindi ako napagalitan. Dahil kung
hindi, baka banned na akong kumain dito.
Naka-arko lang ang kilay ni Cadence at seryoso ang mukha niya. "What do we order?"
"Ikaw na lang ang kumain. Wala akong pera. Masarap naman kahit anong ulam nila.
Tapos humingi ka ng sabaw." sagot ko.
He shook his head. "Even if you have money, I won't let you pay. So, ano ngang
gusto mo? Well, maliban sa akin." he asked smugly.
Umusok iyong ilong ko. Makapal talaga ang mukha niya! Inirapan ko siya. "Kapal mo.
I'm just thirteen."
He just chuckled loudly. "You said yourself, hindi ka na bata," Kahit iyong ibang
customers, napatingin na sa amin. Gusto kong mahiya at magtago pero wala namang
pakialam si Cadence. Hindi na ako nakasagot nang pumunta siya sa nakahanay na mga
ulam. "Four rice po and that one, yeah, iyong may red sauce," tumuro pa siya. "Isa
pong sinigang and that chicken also, tapos apat na barbecue. And dalawa pong sabaw.
Thank you!" sabi niya kay ateng nagsi-serve na panay ang tingin sa kanya. Nagbayad
na rin siya ng pagkain. Medyo naloka pa ako sa dami niyang order.
Dinala niya ang tray sa table namin. Inihain niya ang kanyang order. Medyo
nakaramdam ako ng gutom. Inilagay niya iyong dalawang rice sa harapan ko.
"Ubusin mo iyan. Bawal mag-aksaya ng pagkain, okay? I ordered that for you." wika
niya at nagsimula nang kumain.
I just stared at him for a little while. Napansin niya iyon kaya kinindatan niya
ako. Inilapit niya ang mukha niya. "Gusto mo pa bang magpasubo?" tanong niya nang
tumatawa.
Itinaas ko ang tinidor ko at um-aktong sasaktan siya. Tumawa lang itong lumayo sa
akin. Nagpasya naman akong simulan na ang pagkain para pakainin na ang mga alaga ko
sa tiyan. Humigop muna ako ng sabaw. Masarap iyon at sobrang asim. Mala-asim kilig,
ganoon.
Nginuya ko muna iyong karne bago ako sumagot. "Usual time, seven o'clock. Isang
oras lang naman lahat dito kapag junior high."
"Dalawang van iyong gagamitin. The first van, six o'clock ang alis, then the other
one, eight a.m. pa. Nine ang oras ng klase ko." he said, informing me.
Nagkibit - balikat ako. "Okay, wala namang nagtatanong," nakangisi kong wika.
Napailing siya. He glared at me. Akala ko hindi na niya ako kakausapin, but he
continued talking. Minsan maayos iyong sagot ko, madalas sarcastic. Alam kong
triggered na siya sa akin.
"What are you going to choose in senior high? May plans ka na?"
Pinaglalaruan ko na lang iyong konting rice ko. Busog na talaga ako sa dami ng
kinain namin. Bumili pa siya ng sweets.
"Kahit ano, gusto ko sana ABM, tapos accountancy sa college. After that, I'll take
law. Gusto ko maging lawyer, pero hindi pa iyon sure. Hindi ko kasi alam kung kaya
ba ng magulang ko." wika ko, isinubo ka na iyong last bite ng ulam. Ibinaba ko ang
kubyertos at uminom ng malamig na tubig. "Bakit STEM? Doctor o engineer?" It was my
turn to ask him.
Ngumisi siya. "I just wanted to be different. Lahat ng pinsan ko either nasa
business field, some are in politics. I don't have a solid plan. Gusto ko lang
ito." he answered simply.
"Ang hirap naman kapag walang konkretong plano. Parang in research, wala kang
hypothesis, wala kang guide sa magiging outcome at sa gusto mong patunguhan noong
research. Pero ginusto mo iyan, pumasok ka r'yan, dapat panindigan mo," I told him.
He looked at me. Ilang beses siyang nagblink. "You sounded old for your age. You're
thirteen, pero alam mo na nag research?" he chuckled. "That's true, though.
Alright, tara na. Hindi pa kumakain sina Lorenzo."
"Sabi ni Lorenzo, kumain na sila kaya wala kang kasama!" I hissed at him.
Namula ang kanyang buong mukha. He shook his head. Nauna siyang naglakad palabas ng
karinderya ni Aling Tesie. Hindi niya ako hinitay. Gulong - gulo akong sumunod sa
kanya.
"Kain lang kami," rinig kong sabi ni Lorenzo kay Cadence. Kanya - kanya silang
nagsitayo. Nanliit ang mata ko.
Cadence spoke. "Busog ka na, Lorenzo." mariin ang pagkakasabi niya. Hindi ko makita
ang ekspresyon ng mukha niya.
"Ano?!" Napakamot ito sa ulo tapos tiningnan ako. "Sinabi ko bang kumain na kami?
Oh, shit! Hindi ba pwedeng nagutom uli? Hoy, Cadence!"
"See you later, Lorenzo." sabi pa noong Raius. He waved at us. Kumindat siya kay
Lorenzo na hindi na maipinta ang mukha ngayon. Ang sama ng tingin niya,
particularly kay Cadence.
Mabuti na lang hindi na nag-away ang dalawa nang dumating ang mga kasambahay nila.
Nakita ko rin si nanay kaya tinulungan ko siya sa mga pinamili niya. Uuwi na rin
kami pagkatapos kumain noong iba. We just waited for them.
This is going to be the new normal to me. Kasama na ang mga Ponce sa normal dahil
palagi ko silang makakasama kahit sa school o sa hacienda. Kailangan ko silang
pakisamahan. The only thing that I like about this set-up, I'm always coming home
to Tagbakan.
The election week came. Abalang - abala ang halos lahat ng tao sa Tagbakan at mas
lalong pinahigpit ang seguridad. Hindi kami pinayagang umalis sa hacienda ng basta.
Based on the survey, nangunguna pa rin ang papa ni Cadence sa mga tumatakbong
gobernador ng Quezon.
Matapos naming makapagluto. Inilagay namin iyon sa lunch box. Si Nena ang magdadala
ng pagkain ni nanay at ako naman ay kay tatay. Maitim na raw ako kaya hindi na
gaanong halata kapag nainitan pa ako. Napairap ako sa ere.
Sakay ako kay Meow papunta sa sakahan. Malayo pa lang ako, tanaw ko na ilang
kalalakihang nakabilad sa araw. May hinuha na ako kung sino sila, pero mas lalong
luminaw nang makarating ako ng tuluyan. They are here. Nanlalaki pa ang mata kong
bumaba kay Meow. Bago ko pa maabot iyong dala kong lunch box para kay tatay,
mayroon nang kumuha noon.
"Did you cook the ulam?"
Kilala ko ang baritonong boses na iyon. Si Cadence! Napaharap ako sa kanya, mas
lalong nanlaki iyong mata ko. Hubad na naman siya. Well, iyong pang-itaas lang.
Defined na ang kanyang katawan. May muscles sa tamang parte hindi gaya nina Teryo
na buto - buto. How old is he again? Seventeen yata!
Mayroong towel na nakasabit balikat niya. Medyo basa siya ng pawis. "Anong ginagawa
mo rito?" I asked Cadence. Nasisilaw pa ako at hindi makatingin sa kanya ng
diretso. Naaalala ko iyong sa batis.
Umismid ako. "Tabi nga muna," sabi ko habang kinukuha si Meow para itali sa malapit
na puno. Doon sa mayroong lilom bago ko balikan si Cadence. Kinuha ko sa kanya ang
dala kong lunchbox, pero hindi niya iyon binigay sa akin at nagpatiuna sa
paglalakad.
Pumasok siya sa isang kubo. Inilagay niya iyong lunch box sa isang mesa. Tapos
nagpahid siya ng pawis.
"May boodle fight mamaya for the farmers. Dito ka na kumain." He said while opening
the lunch box I brought. Tumusok siya ng kalabasa roon.
"Liit, narinig mo ba ang sinabi ko? I'm just gonna taste your cooked meal if pasado
na," nakangisi niyang wika. Sinubo na niya iyong isang piraso ng kalabasa. I waited
for him to finish bago ko siya irapan ng bongga. "Everly, this is salty." he
commented. Mabilis niyang inabot ang bottled water sa side.
Umawang ang labi ko. "Excuse me?! Tinikman ko iyan at sakto lang!" depensa ko sa
luto ko. Ang kapal niyang tumikim tapos pupulaan pa niya iyong luto ko. Nakaka-
offend. Hindi ko na rin napansin ang pagtawag niya sa akin ng Everly.
Sumimangot lang ako at humalukipkip. "Umalis ka na nga, may trabaho ka pa." I said
dismissing him. Nakikita ko pa iyong mga pinsan niyang nakabilad sa araw at mukhang
tuwang - tuwa naman sa ginagawa nila sa buhay. Sila lang yata ang naiinitan na
natutuwa pa.
Nang dumating ang lunch, tama nga ang sinabi ni Cadence, mayroong boodle fight na
magaganap. May malaking mesang inihanda sa ilalim ng malilom na puno ng mangga.
Hindi kasi kasya kung sa kubo. Namataan ko si tatay kaya agad na kumaway ako.
"Mayroon naman pala kayong boodle fight, 'tay. Sayang iyong niluto ko." reklamo ko
kay tatay nang makalapit siya sa tayo ko. Binigyan ko siya ng malinis na towel
pamunas ng pawis. Binigyan ko rin siya ng tubig na maiinom.
"Anong masasayang? Edi, isasama natin sa handa." sagot niya. Ginulo niya ang buhok
ko.
"Tay naman!"
Kinuha niya ang lunchbox na dala ko at inakbayan ako. "Dito ka na rin kumain, Sai."
sinabi pa niya. Pareho kaming naglakad papunta sa mahabang mesa. Agad akong
naghanda ng ngiti sa mga kasama ni tatay at nagmano. "Kumusta po?" magalang kong
bati.
Agad naman akong tumango. "Oo naman po, palalampasin ko ba naman ito?" nagkatawanan
pa kaming dalawa.
Ang daming pagkain! Ang daming ptutas din. For sure, inggit na inggit na naman ang
pinsan kong si Nena. Well, andito lang naman ang mga Ponce tapos nakahubad pa sila,
halos lahat.
Pumuwesto na ang bawat isa. Kasama ko si tatay sa gilid, malapit sa dulo ng mesa.
Nakita ko naman sina Cadence sa may gitna. Nakikipagtawanan pa siya sa isa sa mga
magsasaka hanggang sa napatingin sa akin. Ngumisi lang siya.
Nagdasal muna kami bago tuluyang kumain. Ang daming pagkain at hindi ko alam ang
uunahin kong kainin.
"Andito pala si Sai, e." narinig kong puna ni Ka Pepe. Isa siya sa pinakamatandang
magsasaka pero malinaw pa rin ang mata. "Aba ay malaki na, dalaga na. Ikaw ba'y may
boypren na o kaya ay kras?" tanong pa nito.
Parang pinagsisihan kong sumama pa ako sa kanila ng pagkain. Ako naman iyon na-hot
seat.
Nagkatawanan naman iyong mga magsasaka. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin pero
ramdam ko ang titig ng isa.
"Taaaay?!"
Kabanata 7
Kayuran
Cadence's father was elected as the governor of the province. It was supposed to be
a joyous victory, but something happened. Kuya Wyatt and his brothers got into an
accident. I'm not sure how they are doing now. Wow, english. Ang alam ko lang may
malalang nangyari sa ibang pinsan niya lalo na sa isang pinsan niyang babae. She
got blind because of the accident.
Wala naman ako masyadong alam sa politika. I'm only thirteen. Hindi doon umiikot
ang maliit na mundo ko. Dahil tapos na ang election season, kasunod naman noon ang
nalalapit na pagbabalik - eskwela. Kinakabahan ako. May sudden changes sa
mangyayari sa school at kasama ko ang mga Ponce.
"Nena, gumising ka na, kakain na tayo." rinig kong tawag ni Nanay kay Nena.
Napasimagot naman ako at nagpatuloy sa paghahain ng kanin. Sabay - sabay kami
ngayong araw sa almusal.
"Pababa na po!" Umirap ako sa ere. Pupungas - pungas pa si Nena ng tuluyan niyang
maitawid ang maliit naming hagdan. Tumabi siya sa akin. Pasimple ko namang siniko
siya at bumulong ako. "Wow. Prinsesang patawag!" komento ko. Inirapan lang niya ako
at naupo na.
"Kumain na tayo." tawag ni tatay sa atensyon naming dalawa. Istrikto niya kaming
tinitigan. Alam ko na ang ibig sabihin ng tinging iyon. Ako ang panganay, kahit
hindi kami tunay na magkapatid ni Nena, pinsan ko lang siya. Kaya ako ang
kailangang magbigay o magparaya sa kanya. At hindi ko siya pwedeng awayin. Minsan
unfair, kasi walang galang naman ang pinsan ko. Mas matanda ako sa kanya pero hindi
naman siya sumusunod sa akin.
Tuwing naiisip ko iyong boodle fight noong nakaraan, nahihiya pa rin ako kay Tatay.
Halos lahat sila tinukso ako. But I know the truth, walang halong biro sa sinabi
niya. Gagawin niya iyon kapag talagang nagkaroon ako ng kasintahan at nalaman niya.
Matapos naming magdasal. Nilagyan kami ng kanin ni tatay. Sinigang na baboy ang
ulam namin kaya ganang - gana ako kumain.
"Payag ka na ba talaga sa hatid - sundo ng sasakyan papunta sa school mo? Ayaw mong
tumira sa bayan?" tanong ni Tatay kaya napatigil ako sa pagsubo ng kanin. Muntik pa
akong mabulunan.
Tumango ako. "Opo, 'tay. Para lagi na rin akong andito. Hindi ko mami-miss ang
bukid." sagot ko. Marami pang tinanong si Tatay sa bagong set-up ng pag-aaral ko sa
bayan. I tried to answer him calmly.
Nagpatuloy kami sa pagkain nang makarinig kami ng sunod - sunod na katok. Well, it
doesn't sound urgent. Nagkatinginan kami ni Nena, umirap siya sa akin bago umalis
sa pagkakaupo para tunguhin ang pinto.
"May inaasahan ba tayong bisita?" tanong ni Nanay. Hindi naman umimik si Tatay.
Hinintay kong magsalita si Nena para sabihin kung anong kailangan noong dumating
pero hindi naman nangyari. Kitang - kita ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Nanay.
Hindi ko mahinuha ang hitsura niya. Nanatiling seryoso ang mukha ng ama ko.
Mabilis kong nilingon ang pinto. Nakatalikod ang tayo ko sa gawing pinto. Kagaya ng
ekspresyon ni Nanay, my jaw almost dropped. Habang si Nena naman ay parang tuod. Sa
tabi niya, andoon si Cadence. He was wearing a presko shirt and shorts. Nakangisi
siya. Mukha siyang tao. Nakakainis!
"Anong ginagawa mo rito, 'toy?" tanong ni Tatay. Hindi ko nahihimigan iyon ng kahit
anong pagtanggap sa bisita. Nakaramdam ako ng kaba at medyo napangiwi sa reaksiyon
niya.
"Hindi tinatanggihan ang grasya. Huwag kang mag-alala wala namang lason iyan."
winika ni Tatay. Nramdaman ko ang tensyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon um-asta
ang Tatay ko. Mabilis akong bumalik sa mesa. Inilagay ko ang plato at utensils sa
harap ni Cadence.
Hinila ko si Nena paupo, hanggang ngayon nakaawang pa ang labi niya at mukhang
hindi makapaniwala.
"Bakit ka naparito?" muling pag-uusisa ni Tatay sa bagong dating. Iyon din naman
ang tanong ko. Ipinaglagay siya ni Nanay ng kanin.
He smiled at me. "May ibibigay lang po sana ako kay Sai," sagot niya. Bahagyang
dumilim ang mukha ng ama ko. "At kay Nena." patuloy ni Cadence. Hindi ko napansin
iyong dala niyang paperbags. Hindi ko alam kung nararamdaman ba niya iyong takot. I
just know one thing, hindi siya gusto ni tatay sa pamamahay niya.
"Ano naman iyon? Bakit nag-abala ka pang pumarito? Hindi mo na lang ipinahatid?"
Mas lalong nalukot ang mukha ni tatay. "'Toy, makinig ka. Nasa probinsiya ka, nasa
bukid, ang kaharap mo isang magsasaka. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Hindi
ko ikinakahiya dahil marangal ang trabaho ko. Pero ang kausapin ako sa wikang hindi
ko maintindihan, nakaka-insulto siya para sa akin. Matuto ka sanang makipag-usap sa
tao nang naayon." pahayag ng ama ko.
Napuno ng katahimikan ang hapag. Kahit ako, pinipigilan ko ang paghinga. Istrikto
si tatay. Sinulyapan ko si nanay. Sa ganitong pagkakataon, mahirap baliin si tatay.
Gusto kong ipagdasan ang kaluluwa ni Cadence, isang pagkakamali niya, malilintikan
siya sa ama ko.
Sinsero siyang ngumiti. "Pasensya na po, hindi ko po gustong mainsulto kayo. Sanay
lang po ako sa salitang iyon at nangangapa po ako sa Tagalog." may confidence pa
rin ang sagot ni Cadence. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas na iyon.
Wow lang. He was even smiling and started eating the rice. Iniabot ko sa kanya ang
mangkok na mayroong lamang ulam.
Kahit mayroong tensyon, pinilit kong tapusin ang pagkain. Medyo nawalan ako ng
gana.
"Seventeen po. Senior high school." sagot ni Cadence habang humihigop ng sabaw.
Binalingan niya ang nanay ko. "Masarap po ang luto niyo, tita." sabi pa niya.
Nakita kong namula ang pisngi ni nanay. Pati ba naman siya?
"Ano iyong ibibigay mo sa dalawang babae ko?" nagsalita muli si tatay. Mukhang
hindi siya mauubusan ng itatanong kay Cadence.
Sumama ang tingin ni tatay. "Kaya kong bilhan ang mga anak ko ng gamit pang -
eskwela." giit niya.
Umiling si Cadence. "No, Sir." mabilis niyang sansala. "I mean, hindi po sa ganoon.
Para po iyon sa tournament ng saranggola. I'm sure, kung hindi ako ang pumalit sa
kanya, napanalunan niya iyon. Galing po iyon kay Lolo." he said.
Natahimik si tatay kaya nagpatuloy kami sa pagkain. Si nanay naman ang nagtanong
kay Cadence. Magalang naman ang bawat sagot niya sa pamilya ko.
Napatigil sa pagkain si Cadence. Bahagya siyang tumingin kay Nanay. May lumukob na
emosyon sa kanyang mata na hindi ko maintindihan. Ngumisi siyang muli. "Okay naman
po. Malaki ang responsibility sa bayan. Sana hindi siya mangurakot." Nagtawanan
silang dalawa sa huling sinabi ni Cadence.
Nagpaalam si nanay para ikuha kami ng minatamis na saging, kamote, ube at kuryoso.
Naiwan kami sa mesang apat. Si Nena ay hindi pa rin nagsasalita ngayon. Para siyang
napipi. Gusto kong matawa.
"Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko kay Cadence. Nagkibit - balikat lang
siya.
Tumikhim si tatay. Nagyuko na lang ako ng ulo. "Sabi mo, senior high school ka pa
lang, kaya mo na bang bumuhay ng pamilya?" tanong ni tatay.
Napanganga ako.
"'Taaaaaay?!"
Hindi niya ako pinansin. "Marunong ka bang magsibak ng kahoy?" muli niyang tanong.
Hala. Sobrang palala nang palala ang tanong ni tatay. Bakit siya nagtatanong ng
ganoon? Wala naman kaming ginagawang masama. Hindi ko naman boyfriend si Cadence.
Iniisip ba niya? Jusko! Umiling si Cadence.
Mabilis akong kumuha ng tubig at nilagok ko iyon. Pinaypayan ko ang sarili ko.
Pasimple akong tiningnan ni Cadence. "Everly, what's sibak?" he asked softy.
Bahagyang nakakunot ang kanyang noo. I just shook my head. Ayoko siyang kausapin
hangga't nasa harap namin si tatay.
Ipinagpasalamat kong dumating din agad si nanay dala ang kanyang minatamis. Kabang
- kaba ako. Hindi ko alam kung para saan ang takot ko. Hindi ko alam kung bakit
pakiramdam ko iba ang pakikitungo ni tatay. Maayos naman ang pakikitungo niya sa
iba. Bakit parang kay Cadence iba?
Natapos ang agahan ng hindi ko alam kung maganda ba o hindi. Ako ang naghugas ng
pinagkainan namin. Well, pakiramdam ko mawawalan ako ng hangin. That was too
intense. I sighed.
Matapos ang agahan nagtungo naman si tatay sa sakahan. Pupunta naman si nanay maya
- maya sa gulayan. Tandang - tanda ko pa ang huling binitiwang salita ni tatay kay
Cadence. "Naamoy kita, 'toy." And I don't know what that means.
Nang masolo ko si Cadence, agad ko siyang tiningnan nang masama. I glared at her.
"Ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka andito? Jusko, magkakaroon ako ng heart attack
ng dahil sa'yo!" inis kong wika sa kanya. Hininaan ko ang boses ko.
He just shrugged. Sumandal siya sa pasamano. "I told your father why I am here,
didn't I?" he wiggled his eyebrows. Ngumisi siya at kinuha ang paperbags. Iniabot
niya iyon sa akin. "These are for you and Nena."
"That's why I am here, right? Ipinagpaalam ko na." Napanguso ako. Hinila ko siya
palabas ng bahay.
"Anong kailangan mo? Cadence, natatakot na ako baka kung anong isipin ni tatay!" I
hissed at him.
Hindi siya nakasagot ng biglang lumabas si nanay. "Sai," tawag niya sa akin. She
looked at the both of us. "Mauuna na ako sa gulayan. Ikaw na muna ang bahala rito.
Anak, may tiwala kami ng tatay mo sa'yo." marahan niyang ginulo ang buhok ko.
I don't know but I felt so offended with that reminder. Tinanaw ko siya hanggang
mawala siya sa pangingin ko. Humugot ako nang malalim na paghinga, hinarap ko si
Cadence na nakahalukipkip. Nakatitig siya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka na rin. Baka kung
ano pang isipin ng magulang ko." iritado kong wika. Naglakad ako papalapit sa
pinto.
"Liit," he called.
Agad akong napaharap sa kanya. Nanliit ang mata ko. I almost forgot about it.
Umiling ako. "Hindi pwede." sabi ko. Hindi talaga pwede dahil malalagot ako. Hindi
naman niya ako pinagpaalam at paniguradong hindi naman ako papayagan lalo pa't
mainit ang dugo ni tatay kay Cadence sa hindi ko malamang dahilan.
"Okay, then. I'll wait hangga't pwede ka na." nakangisi niyang wika. He waved at
me. Tumakbo siya papalapit kay Madonna, iyong kanyang kabayo. Naghintay ako
hanggang makaalis na siya.
"Wow, Sai! Tingnan mo, mukhang mamahalin!" sigaw ni Nena mula sa loob ng bahay.
Agad kong pinuntahan kung saan nanggagaling ang boses, binatukan ko siya. Galit na
galit sa akin si Nena. Binato niya ako ng nadampot niyang gamit.
Akala ko ay galit sa akin si tatay noong nakaraan pero maayos naman ang pakikitungo
niya ng mga sumunod na araw. Siguro mali ako ng akala.
Hindi ko madalas makita si Cadence ng mga sumunod na araw. Madalas akong nasa
gulayan. I busied myself helping there. Natutuwa ako sa mga halaman. Ang lalaki ng
kalabasa. Ang healthy ng talong at mahahaba. The green environment is very
relaxing. Pwede na yata akong maging Botanist.
"Hoy, Nena! Patulong naman ako rito!" sigaw ko sa pinsan ko. Hindi ko sigurado kung
asan siya kaya kailangan ko pang sumigaw ng hindi nililingon.
"You need help?" Agad akong napalingon sa nagsalita. Kialala ko na iyong boses
niya. Tama nga ako ng makaharap ako. Halos tumingala pa ako sa tangkad niya. Well,
para siyang kapre.
Kinuha niya iyong malaking kalabasa ng walang pag-iingat kaya nanlalaki iyong mga
mata ko. "Grabe, dahan - dahan naman Cadence! Hindi ka bagay dito! Hindi mo man
lang alam ang pag-iingat sa halaman. Oh, tatapakan mo pa!" I hissed at him. I
looked around. Andito ang mga Ponce. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa
gulayan. But it surely attracted their fans. Kumaway sa akin sina Lorenzo.
Nginiwian ko siya.
"Hindi bagay dito, sa'yo bagay." banat pa niya. Nauuna siyang maglakad sa akin,
kasunod lang niya ako.
"Sai!" Gumala ang tingin ko para hanapin si nanay. Agad akong tumakbo papalapit sa
kanya. "Heto ang niyog. Gataan mo na iyan. Isama mo itong sitaw at malunggay diyan
sa kalabasa. Tapos hatiran mo ng pagkain ang iyong ama." paliwanag niya. Ngumisi pa
siya kay Cadence na papalapit sa amin bago siya tuluyang bumalik sa trabaho.
Kinuha ko iyon at isinilid sa dala kong bayong. Kinuha ko rin kay Cadence ang
kalabasa. Umirap pa ako sa kanya. Hinanap ko si Nena pero ang magaling kong pinsan
hindi ko makita. "Napaka talaga ng isang iyon," bulong ko sa hangin.
Dumiretso ako sa tarangkahan para kuhanin si Meow. Medyo kapos na ako sa oras kung
hahanapin ko pa si Nena. Kailangan kong dalhan si tatay ng pagkain pagkatapos kong
magluto.
Inilagay ko ang dala kong bayong sa harapan ng saddle. Paakyat na ako kay Meow pero
napatigil ako at muntik ng malaglag. Kasunod ko si Cadence and he is watching my
every move. "Hoy, naninilip ka ba?!" akusa ko sa kanya. Nakasuot lang ako ng
preskong daster.
Nagkrus siya ng braso sa dibdib. "Why? Gusto mo bang mayroong makita ako?"
Hindi ko kinaya, tuluyan akong nalaglag. Kinuha ko ang tsinelas kong suot at
ibinato iyon sa kanya. Tawa - tawa naman siyang lumayo sa akin.
Mabilis kong kinuha ang tsinelas ko at muling sumakay kay Meow. This time, tagumpay
na ako. Marahan ko siyang pinalo para umusad kami. Hinanap ng mata ko si Cadence,
but I could not find him. Nagkibit - balikat ako.
I was peacefully riding Meow --- that doesn't come out alright. Hindi pa ako
gaanong nakakaalis sa gulayan, narinig ko ang mabibilis na yabag ng kabayong parang
may hinahabol.
I just saw Cadence riding his horse beside me. Si Madonna. Katapat ko na siya at
pareho na lang ang bilis ng lakad ng mga kabayo namin. Tinaasan niya ako ng kilay
nang nasaktuhan niyang nakatingin ako sa kanya. Iyong kilay niya talaga makapal,
parang iyong mukha niya.
Muli ko siyang inirapan. Kapag nakikita ko si Cadence, hindi ko alam kung ilang
irap ang nakukunsumo ko sa kanya. "Hindi ka kasama," giit ko.
Hindi niya iyon pinansin. Hindi niya ako pinakinggan, dahil hanggang sa bahay namin
kasama ko siya. Inalalayan niya akong bumaba kay Meow at dinala niya iyong bayong
ko.
I glared at him. "Alam mo pareho tayong patay kapag umuwi si tatay at nadatnan
tayong magkasama." pananakot ko sa kanya.
Nanlaki ang mata ko. "Kadiri ka!" sigaw ko sa kanya. "Baka akala mong por que't
taga-probinsiya ako, papatol na ako sa'yo."
"Exactly why..." he trailed off. "nothing." Ngumisi pa siya. "Magluluto ka pa. May
I help?"
He shook his head. Inirapan ko siya. Wala naman pala siyang alam sa pagluluto. Pero
napangisi ako nang makaisip ako ng paraan para pahirapan suiya. May pagtulong pa
siyang nalalaman.
Mabilis kong binuksan ang bahay namin at inanyayahan siya pagpasok. Ipinahubad ko
iyong suot niyang panlalaking filp flops sandals.
"Cut the niyog into half." utos ko. "Pagkatapos mong ma-cut, kunin mo iyong
kayuran." tinuro ko iyong maliit na kabinet kung saan nakalagay ang pinapakuha ko.
He looked at me dumbfounded. "What? What the hell? What's kan --- what? That sounds
so... different." kinagat niya ang labi niya at parang um-aktong nag-iisip pero
nauwi naman iyon sa tawa. Napalabi ako.
Umalis ako sa harapan niya para kuhanin iyong kayuran. "It's a coconut grinder or
grater, boplaks. Come here." I told him and he obeyed. Tinuruan ko siya kung paano
niya iyon gagamitin.
He nodded. He looked very invested with it. Iniabot ko rin iyong itak ni tatay na
baka magamit sa kanya kapag hindi umayos si Cadence. Napahalakhak ako sa naisip ko.
Magkasalubong naman ang kanyang kilay na sinulyapan ako.
"You exert effort to cut that." Umirap ako sa ere. "Ano kaya mo ba?" mayabang kong
tanong pabalik.
Nginisian ko siya. "If I were a wild animal, your hacienda is my jungle, Cadence. I
know it better than you do. I was born here and I was taught of the things needed
for survival. I am the queen of the wild." nag-evil laugh pa ako. He just stared at
me weirdly. "So, yes. I know how to do it. Now, show me what you've got, boy."
Kinagat niya ang labi niya at bahagya akong inirapan. I just laughed at his
reaction. "Hindi lang pwede ang puro pagwapo rito, Cadence. Tandaan mo iyan." udyok
ko pa. "Nga pala, ipagsibak mo ako ng kahoy panggatong."
Nagtungo ako sa maliit naming lababo para hugasan ang mga gulay bago ko sila i-cut.
Mabuti na lang kanina pa ako tapos magluto ng kanin.
Bumalik ako sa kusina. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang
nangyari. "Hala!" Napailing ako. He technically cut the niyog into two. The problem
is its juices spill out on the floor. Dagdag gawain na naman para sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata at inirapan. Kumuha ako ng basahan para punasan iyon.
"Oh, yeah. Whatever. Pagkatapos mo sa task mo, ilagay mo iyong sapal sa isanng
supot." paalala ko kay Cadence.
"What's this?" Hawak niya ang isang bilog na medyo cream ang color.
"Tubo ng niyog, kinakain iyan. Tikman mo." sagot ko. Lumapit ako sa kanya.
His forehead creased. "Is this one of your jokes?" may pagdududa niyang tanong.
I stuck my tongue out. "Hindi 'no! Totoo ang sinasabi ko. Kailan ba kita niloko?
Guesto mo ako unang kumagat para masabi mong hindi iyan lason."
"Fine." Iniabot niya sa akin ang tubo ng niyog. Kumagat ako roon.
He did what I did. Sunod - sunod iyong kagat niya. Then, he looked at me. "Well, it
does not taste bad but not good either." Ipinagpatuloy niya ang pagkain noon.
"Basta, gawin mo na ang gawain mo." I said before I went back to the table. Hiniwa
ko na ang mga gulay na kailangan para sa lulutuin ko. Pareho kaming nagtrabaho ni
Cadence nang tahimik. From time to time, he would ask me if he's doing it
correctly.
Natapos ko ang pagluluto katulong si Cadence. He's very smug about it. Inihatid
niya ako malapit sa sakahan. Hindi ko na siya hinayaang makita ni tatay. I waved at
him goodbye. He did the same. Nakangisi akong dumiretso sa isa sa mga kubo.
Pero agad na nawala ang ngisi ko nang ma-realize ko ang isang bagay. Para kaming
nagbahay - bahayan kanina. Ako ang nanay. Siya ang tatay. It doesn't feel right
because I can see myself getting used to it.
It's not right. Sa isiping iyon, hinahalukay na ang buong kalamnan ko.
Ikawalong Kabanata
Kabanata 8
Lunch
Hindi pa sumisikat ang araw tapos na ako mag-ayos ng mga gamit para sa eskwela.
It's already five-thirty. Nakaligo at nakakain na rin ako. Suot ko na rin ang
school uniform ko. I don't really go to school without proper breakfast. Hindi
masyadong gumagana ang utak ko kapag ganoon. Ipinagluto rin ako ng aking ina ng
baon para sa lunch. First day of school, tuyo at nilabong saging ang baon ko tapos
mayroong hinog na langka.
Saktong alas - sais pumarada ang van na susundo sa akin. As expected, kasama ko ang
mga Ponce. Iyon ang maghahatid sa amin sa school. Sinamahan ako ni nanay para
magbilin ng laging paalala niya.
"Sai, iyong bilin ko sa'yo ha. Galingan mo, anak. Kinabukasan mo ang nakasalalay sa
edukasyon. Lagi mo iyong tandaan." pangaral niya sa akin nang makarating kami
malapit sa van. Tumango ako. That's what they always told me. Gulong ang buhay,
minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim pero iba pa rin kapag degree holder.
"Opo, 'nay. Salamat po sa baon ko." I thanked her. Humalik ako sa pisngi niya. The
driver smiled at us before he opened the door of the van. Patakbo akong lumapit
doon, Kumaway ako kay Nanay bago sumakay.
Agad na binalot ako ng lamig nang makasakay ako. Naupo ako sa pangalawang row ng
seats ng van. Mayroon akong isang katabing mayroong tahob na kulay maroon na
hoodie. Iisipin ko sanang si Cadence iyon pero mamaya pa ang oras ng klase niya. Sa
kabilang van siya sasakay, hindi siya sasabay sa amin.
Tinakpan ko ang ilong ko para hindi ko maamoy ang aircon. It is going to be my
biggest challenge everyday. Nasusuka ako sa aircon tapos ang lamig.
"Good morning, Sai." a voice greeted me from behind. Bahagya akong lumingon para i-
kumpirma kung isno iyon.
Medyo nanlaki ang mata ko. "Lorenzo?!" mahina ang boses kong tanong. Almost
everyone was taking a nap. Anong ginagawa ng isang iyon dito? He has all the
rights. Pero mamayang nine a.m. pa ang pasok nila. Kasama siya dapat ni Cadence.
Mukhang antok na antok siya.
He shook his head and rolled his eyes at me. "Just ask the devil." he said.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
I felt someone sneaking on my back. Tinangka noon na tanggalin ang bag sa likuran
ko. Bumalik ang tingin ko sa harapan, hanggang magawi ang tingin ko sa side kung
saan nakaupo ang hindi ko inaasahang nilalang. I saw Cadence staring back at me.
Antok pa rin siya.
Sa harap ko ay mayroong nakalahad na hoodie. It was a big one. Alam kong kay
Cadence iyon.
"What?" he whispered.
"Anong ginagawa mo rito? Sa isang van ka kasama 'di ba?" I whispered back at him.
He just shrugged. Tuluyan niyang kinuha ang bag sa likuran kong nakasakbit. Niyakap
niya iyon. Tinanggap ko naman ang jacket niya at isinuot. Sobrang laki noon sa
akin, amoy panlalaking pabango. I usually hate smelling perfumes while riding in
any kind of vehicle. Mas lalo akong nahihilo. But for some reason, hindi iyon
nangyari ngayon.
"What's your lunch?" naka-pikit niyang tanong sa akin. "Sabay tayong mag-lunch
mamaya."
Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi naman niya nakikita. "Kasabay ko si Jala
mamaya sa lunch," pagsisinungaling ko. Malapit lang ang bahay ni Jala sa school.
Hindi siya madalas kumain ng lunch sa schoo, malapit ang inuuwian niya. Sayang ang
pera.
Nakataas ang kilay niyang nakatingin nang mariin. "So, what? Edi sabay tayong
tatlo." he insisted.
"Hindi ka ba sasabay sa mga pinsan mo?" mas mahina ang boses ko. I don't want
anyone to hear our conversation. Baka kung anong isipin nila. On the other hand,
baka ako lang ang nag-iisip ng hindi maganda.
"No. They can eat by themselves." sagot niya at muling pumikit habang yakap ang bag
ko. Sumandal siya sa may bintana. He looks very sleepy. Napairap ako sa ere. Kung
hindi ba naman siya gumising nang maaga, he's probably sleeping soundly on his bed
by now. Mamaya pa naman ang klase niya. Hindi kagaya ko na mayroong seven a.m.
class.
He shook his head lightly. "Masamang tanggihan ang grasya sabi nga ng tatay mo. Ako
ang grasya, Everly." pang-iinis niya sa akin. Mahina siyang tumawa nang dumaplis
ang kamao ko sa braso niya. Nagmulat siya at pinitik ang ilong ko. "'Wag ka munang
magulo, I'm trying to sleep."
"Bakit kasi ang aga mong gumising? Edi sana, hindi ka naistorbo ngayon." I told him
a matter-of-fact.
He gave me a lopsided smile. "I'm just trying to make your day --- Aw! You're
hurting me!" natatawa niyang saad. Umiwas siya nang umiwas sa mga palo ko.
"Hoy! Magpatulog kayo! Dinamay niyo pa ako rito." suway ni Lorenzo na mukhang yamot
na yamot ang tono ng kanyang boses.
Napangisi naman ako. Pareho kaming naupo nang maayos ni Cadence. Kumindat siya bago
muling pumikit. Umirap ako sa ere. Nagkasya akong amuyin iyong hoodie niya. It made
me calm somewhat. Nawala iyong pagkahilo ko dahil sa aircon.
I tried to close my eyes to get a nap, hindi naman ako dinalaw ng antok. Excited
ang diwa ko sa unang araw ng pasukan. It is a new beginning and a new journey about
to unravel. Sabi nila, highschool life is the best. Am I about to experience that?
They say, it is the happiest phase of a student's life.
Pumasok ang van sa gate ng Camflora National High School. Agad akong naghanda para
sa pagbaba. Makailang beses akong huminga nang malalim.
Tumango ako sa kanya. Mabilis kong hinubad ang suot kong hoodie at iniabot muli
iyon kay Cadence. Nagtatakang tumingin siya. "I brought that for you. Baka malamig
sa room mo."
Napangisi ako. "Cadence, public school ito. Walang aircon ang rooms dito. Hanggang
pangarap lang iyon." paliwanang ko.
"What?"
Napailing ako. Mukhang hindi niya alam iyon. Probably, all his life sa private
schools siya pumasok. Muli akong tumingin sa bintana ng van. Maraming estudyante
ang nakatingin sa gawi namin. Sigurado akong kumalat na ang balitang dito papasok
ang mga Ponce. And they are excited to meet them. Hassle naman sa part ko, alam
kong maraming makiki-close din sa akin para kumuha ng impormasyon ukol sa kanila.
"I'll be going to the gym. Doon ako tatambay habang walang class." imporma sa akin
ni Cadence.
Tumaas ang kilay niya at ginulo ang buhok ko. Naiinis ko namang inayos iyon. Sabay
kaming bumaba ng van. Dala pa rin niya ang bag ko. Hindi niya iyon ibinigay sa akin
kahit anong pilit ko sa kanya. Sinukuan ko na ang pagkuha ng bag kong bitbit niya.
Lahat ng mata ay nakasubaybay ang tingin sa amin parang isang pelikula. Sabagay,
halos lahat naman ng kasama ko papasang artista. Wala pang alas - siyete para sa
flag ceremony kaya balak ko munang pumunta ng room namin para kumuha ng magandang
puwesto.
"Sai! Sai!" humahangos na tining ni Jala palapit sa akin. Nawindang ako ng sinugod
niya ako ng yakap. Halos mag-crash iyong bones ko dahil mataba siya kaya napangiwi
ako ng sobra.
"Iyong mga buto ko, grabe, Jala! Matatanggal yata ang mga buto ko sa higpit ng
yakap mo!" reklamo ko sa kanya.
"Hindi pa bukas ang room! Dapat ---" natilgil siya nang mapunta sa iba ang atensyon
niya. Agad kong sinundan ng tingin ang kanyang mata. I was right. She was looking
at Cadence, bewildered. Ang laki ng mata niya.
Wala sa amin ang atensyon ni Cadence. He was still carrying my bag like a pro.
Siniko ako ni Jala. "Sino siya? Ponce ba iyan? Tangina, Sai! Ang suwerte mo!"
"Shut up!" I hissed at her. "Ang ingay mo. Baka marinig ka niyan. Mamaya mo na ako
kulitin. Kailangan ko munang makuha ang bag ko."
May tumikhim sa likuran ko. Hindi ko na kailangang lumingon, kilala ko kung sino
iyon. Nakanganga si Jala na parang hindi makapaniwalang nasa harapan niya ang isang
Ponce. Napairap ako sa ere. What's so special about them? Hinarap ko si Cadence at
sinamaan ng tingin. Ngumisi lang siya sa akin.
Tumingin siya sa likuran ko. "Jala, right?" he asked my dear friend who looked very
stupid at the moment.
"Good. Sasabay akong kumain sa inyong dalawa mamaya, is that okay?" Nanlaki ang
mata ko. What I told him earlier was a lie. Pinanlakihan ko siya ng mata but she
was looking elsewhere.
"Ha?" Napakamot ako sa ulo. Hindi ako makakalusot. "H-hindi naman ako rito kumakain
e. Walking distance lang ang bahay namin at school. Si Sai na lang ang samahan mo,
for sure, wala naman siyang kasama mamayang kumain." panlalaglag pa ng kaibigan ko.
Nakakainis! Kainin sana ako ng lupa ngayon din.
Cadence glanced at me. Ngumisi siya sa kaibigan ko. "Thanks for the info. Someone's
lying here." he said while shaking his head. "Right, Everly?" nakakaloko niyang
tanong. Inirapan ko lang siya. Namumula ang mukha ko sa palpak na pagsisinungaling.
But I am dark-skinned, it is not noticeable.
Hinila ko si Jala palayo kay Cadence. Tinahak namin ang daan papuntang E-type
building kung saan ang assigned room namin. Nakasunod siya pero mayroong distansya.
"Ano iyon?" nanlalaki ang matang tanong ni Jala. "Are you guys in a sort of
relationship?" tanong pa niya. It was my turn to widen my eyes.
"Hindi! Annoying lang siya." depensa ko pero nakangiti na ang gaga sa akin. "Jala,
seryoso ka ba? Thirteen pa lang tayo, sinasabi ko sa'yo! Hindi ka pa nga nire-
regla!" mahinang singhal ko sa kanya.
Mahinang kinurot niya ang tagiliran ko. "Ano naman ngayon?" singhal niya pabalik.
Hindi namin namalayang nasa tapat na kami ng room. Unang bumungad sa akin ang mukha
ni Ruby Pearl. She's definitely taller than I am. For sure, mapipili siyang lumaban
ng Ms. Leadership para representative ng grade level namin.
Masama ang tingin niya, naka-ekis ang kamay niya sa kanyang dibdib. She looks like
an antagonist, well, she really is.
"Everly." It was Cadence. Siya lang naman ang tumatawag sa aking Everly.
I sighed and turned around to look at him. Walang gana akong humarap sa kanya.
Iniabot nita ang bag ko, mabilis kong binawi iyon at tinalikuran siya.
Inirapan niya ako, pero agad siyang ngumiti. Tumabi siya para makapasok kami ni
Jala.
"Everly," Muling tawag sa akin ni Cadence. "I'll see you later." seryoso niyang
wika. Para bang sinasabi niyang wala akong karapatang tumanggi o hindi na ako
makakatanggi pa. "Good luck on your first day, liit." I don't know but it sounded
good.
Ngumuso ako para hindi lumabas iyong pagngiti ko. Nakatitig sa akin si Jala pero
iyong ngisi niya alam kong nang-aasar. "Good luck din daw sabi ni liit, yieee!" she
teased. Hinanap niya ang kiliti sa tagiliran ko. I couldn't help but laugh.
Pareho kaming naghanap ng upuan na magkatabi. I settled my bag on the last row.
Pagharap ko sa pintuan, andoon pa rin si Cadence. Nakasandal siya sa may railings.
Ngumisi siya sa akin at kumindat. Nag-salute pa siya. I just shook my head and
rolled my eyes.
Nang umalis siya sa tapat ng room ko, parang bulate si Jala sa tabi ko, she kept on
teasing me.
Nagmartsa papalapit sa tayo namin si Ruby Pearl na mukhang masama ang panlasa sa
nakita. "Sino iyon, Sai? Ang pogi pero walang taste. Hindi kayo bagay." diretsang
sabi niya sa akin.
"Ponce," sagot ko. Namuo ang kuryosidad sa mata niya. "Hindi talaga kami bagay, tao
naman kasi kami, Ruby Pearl."
Sasagot pa sana siya nang dumating ang ilang SSG officers para mag-announce ng pila
para sa flag ceremony. We are tasked to line up in the ground. Inirapan lang niya
ako bago umalis sa tayo namin.
Sumunod kami para pumila sa hanay ng flag ceremony. Tuwing Lunes, mayroong flag
ceremony, lahat ng mayroong seven a.m. class inaasahang mag-participate. Humanay
ang respective classes, isang linya para sa mga babae at isa rin sa mga lalaki.
Nasa unahan pa ako ng hanay dahil maliit ako.
Sa buong school year, first day ng klase ang pinaka-boring para sa akin.
Orientation lang naman sa unang araw para sa mga activities sa buong taon. I waited
patiently for the dismissal. Jala was sleeping beside me. Unang araw pa lang
natutulog na siya sa klase.
Ginising ko siya ng i-dismiss kami ng last period namin bago mag-lunch. Kinuha ko
ang lunch box ko. I will find a good place to eat alone. I don't want to eat inside
the classroom. Alam kong pupuntahan ni Cadence ang room namin para manggulo. Kung
hindi gumana iyong plano kanina, tatakasan ko siya.
"Nagmamadali?" she asked me. Hindi ko naman siya mahila palabas ng room, mas malaki
siya sa akin. Halos itulak ako ni Ruby Pearl na mabilis ang hakbang. "Grabe, madugo
ang first period natin. Math agad. Paano na ako nito? Sai, agapan mo ang pasok
palagi. Kailangan kong kumopya ng assignment sa Math tuwing umaga." wika niya pa.
Wala sa kanya ang atensyon ko. I was not fast enough. Nasa labas ng room namin si
Cadence. Nakasandal siya sa railings, nakasakbit sa kanang braso niya ang isang
strap ng itim na mamahaling bag habang nakahalukipkip. Seryoso ang tingin niya sa
bawat kaklase kong lumalabas ng room. Namataan ko pang nakatingin si Ruby Pearl sa
gawi namin. Kasama niya si Amor na nagmamasid din. Nakakailang ang tingin nila.
"Andiyan pala ang sundo mo, Sai. Una na ako, happy lunch bebe girl!" Mabilis niya
akong iniwan sa tapat ni Cadence. She waved before walking away.
My lips thinned. Masyado siyang bossy. "Bakit hindi mo kasama sina Lorenzo? 'Di ba
kapatid mo iyong Hadley na grade ten tapos iyong isang babae?" sunod - sunod kong
tanong.
"Kabayong bundat." Inirapan ko siya. "Ayokong kumain sa room. Ayoko ring kumain sa
room mo." deklara ko. Kinuha niya ang lunch box sa kamay ko. Siya ang nagdala noon.
Hindi pa rin kami nilulumbayan ng tingin ni Ruby Pearl. Well, mamatay siya sa
inggit.
We went to the gym. Yes, sa gym. Wow, ang ganda noong better place niyang sinabi.
Halos wala namang tao roon dahil lunch break ng halos lahat ng estudyante. Naupo
kami sa pinaka-taas ng bleachers. He bought different beverages before he went to
my room. Dumaan muna siya ng canteen.
Mas okay na ito kaysa sa room kami kumain. Lalo na't nasa tabi lang ang mapagmatyag
na mga mata ni Ruby Pearl at ng alipores niya. Hindi ko alam kung bakit ako sumama
kay Cadence.
He opened my lunch box to see my baon for lunch. Medyo nahiya ako sa baon ko. Alam
kong wala akong dapat ikahiya, niluto pa iyon ni nanay para sa akin. Wala namang
masama sa ganoong baon. Pagkain naman iyon at malinis. It's totally fine.
"Do you eat steak?" he asked me. "Pwede ba tayong palit ng baon? I like your baon
more than mine."
Inilabas niya ang lunch box niyang may lamang garlic rice at steak. Then, there's a
fruit bowl. Literally. May laman itong fruits.
"Pero gusto ko rin ng nilabong saging." sabi ko sa kanya. Binigyan niya ako ng isa.
Nagsimula niyang kainin iyong nilabong saging tapos iyong tuyo na pinabaon ni
nanay. Wala naman akong nagawa kung hindi kainin iyong garlic rice at saka steak na
baon niya.
Wala akong ideya kung paanong nagustuhan ni Cadence ang baon kong pangmahirap. He
enjoyed the food. Mukhang bitin pa siya sa pagkain.
I usually eat alone during lunch time at school. Maliban na lang kung hindi umuuwi
si Jala para kumain ng lunch sa bahay nila. Napakapambihira noon.
Now, Cadence is with me. Hindi ko alam kung bakit mas naisipan niyang kumain kasama
ako kaysa sa mga pinsan niya. I am feeling scared it is going to be a new normal to
me. Sa totoo lang, ayoko ng pagbabago lalo na sa mga nakasanayan ko ng bagay. Hindi
lang iisang beses iyon nangngayri kahit tumanggi ako.
Araw - araw. Tuwing school lunch. Hinihintay niya ako. Kahit mag - over time si
Mrs. Carpio na A.P. teacher namin. Madalas siyang nakasandal sa may railings habang
nakasabit ang isang strap ng bag niya. He is waiting for me patiently.
Madalas niyang pinagpapalit iyong pagkain naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit.
Masarap naman iyong luto ng tagapag-luto sa bahay nila. I guess, iyong mga baon
niya mga pangmayamang food. Tapos iyong akin naman pangmahirap pero mas gusto niya
iyon.
Last day ng first week namin. Kasama ko si Cadence sa gym. It had been our place.
Unti - unti kong nagugustuhan iyon.
"Bakit ba lagi mong pinagpapalit ang pagkain nating dalawa? Hamak namang mas
masarap ang baon mo." Hindi na ako nakatiis, I asked him that question.
"They are so simple but they taste good to me. Siguro, one factor doon, niluto iyon
ng mama mo para sa'yo while mine was made by one of our kasambahay. There's a
difference." He shrugged, ininom niya iyong tubig na Absolute.
Nagkaroon ng konting simpatya sa akin ang salita niya, hindi ko ipinakita. Umismid
lang ako. "STEM ang tini-take mo at mayroon kayong Biology na subject. And here you
are, still using a plastic bottle?"
He just chuckled. "I know." Ngumisi siya sa akin. "Don't worry. I asked someone to
buy our tumbler. Bakit kasi walang mall dito sa San Andres?" kaswal niyang saad at
muling uminom.
Nangunot lang ang noo ko sa sinabi niya. "Nasa dulo ka ng Quezon, Cadence. S'yempre
ang target ng developers ay siyudad."
We finished our food. Uminom din ako ng tubig. He gave me different snacks for
later consumption. Kainin ko raw ang mga iyon kapag nagutom ako sa klase. Usually,
wala naman kaming break time sa hapon. Tinuruan pa niya akong sumuway sa teacher.
Halos lahat ng teachers, ayaw na ayaw nang kumakain sa klase.
I have Jala as my seatmate. Kaya ubos din ang biniling snacks niya para sa akin.
Enjoy na enjoy naman ang katabi ko.
"Remember your groupings, dear students. Your presentation will be on the last week
of June. I'm just giving it to you so you could have more time preparing. Isa pa,
sa July, magkakaroon ng cookfest. At iyong mananalo sa presentation natin, more
likely iyon ang ilalaban ng section niyo. I'm expecting more in your section, Pilot
students. You guys are selected. Have a nice weekend. Dismissed." Ms. Linab bid us
goodbye. Mabilis kong inayos ang gamit ko.
Medyo problemado ako sa presentation para sa TLE, ako ang ginawang assigned leader.
Binunot ang members ng group. To my horror, I was grouped with Ruby Pearl. Mabuti
na lang, kasama ko pa rin si Jala. Kasama pa namin ang dalawang kaklaseng lalaki.
Balak ko munang kausapin ang mga ka-grupo ko bago kami umuwi ng kanya - kanya.
"Jala, tawagin mo naman ang groupmates natin." utos ko kay Jala. Masama niya akong
tiningnan pero sumunod naman siya.
I looked at her as she talked with Ruby Pearl. The latter glanced at me. Ngumisi
siya. "Masyadong maaga, Sai. Matagal pa naman ang presentation." sinabi niya.
Kinuha niya ang kanyang bag at umalis ng room.
Napapikit ako sa inis. Both guys looked at me and shrugged. Sabay silang umalis.
Napailing ako.
Ikasiyam na Kabanata
Kabanata 9
Kinahig ng Manok
Sabado ng umaga ng ipasyal ko si Meow sa hacienda nang makapagpaalam ako kay tatay.
Namataan ko ang grupo nina Teryo sa malapit greenhouse kaya agad akong lumihis ng
daan. Ayokong mapaaway na naman sa kanila. They are probably helping with the
delivery of vegetables. Linggo na bukas. Mas maraming namimili tuwing linggo sa
pambayang palengke.
I was in the middle of the hacienda, when Meow started eating the grasses every
time he gets the chance. Bumaba ako sa shed para pakainin muna si Meow. Nagawa pa
niyang uminom sa maliit na sapa-sapaan na gawa ng minsang umulan.
Naupo ako sa bench, hinayaan kong matapos si Meow sa paglamon niya ng damo. Tanaw
ko ang mansyon ng mga Ponce and the cousins are probably in there.
Nakarinig ako nang malakas na yabag ng kabayo sa hindi kalayuan. I looked around
and searched who was riding the horse towards the shed. Papalapit iyon nang
papalapit sa amin ni Meow.
Bumagal ang takbo nito ng kaunti na lang ang pagitan ng tayo namin. It was Cadence
who was riding Madonna. His hair was bouncy and he was again shirtless. He's
blending in, he looks like a real rancher and he could ride the horse well.
"Hey," he grinned.
Bumaba siya kay Madonna na inilapit naman sa kumakaing si Meow. Lumakad siya
papalapit sa akin. "Look, your horse is officially dating mine." May himig nang
pang-aasar ang tono nito. Mukhang tuwang - tuwa na naman si Cadence. "What are you
doing here? Are you looking for me?" he asked with such confidence surpassing the
height of the roof.
"Alam mo, Cadence, I'd rather busy myself finding kuto of Meow if there is than
look for you. Ang kapal mo talaga." iritado kong wika. Nilampasan ko siya at kinuha
ang tali ni Meow.
"Wait, liit." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko. Sa kabilang kamay
niya hinawakan si Madonna. Hinila niya ako sa kung saan.
"Saan mo na naman ako dadalhin?" Umirap ako sa ere. Kung umasta talaga itong si
Cadence, akala mo kahit saan pwede niya akong hilahin. Pwedeng - pwede naman
talaga. He's taller and a lot bigger than me. Kayang - kaya niya akong dalhin saan
man niya naiisin.
Nakarating kami sa may gazebo. "Stay here. Dadalhin ko lang sa kwadra si Meow at
Madonna. Bagay talaga sila." He told me. Naupo ako sa couch.
Mas lalong lumaki ang gatla sa noo ko. "Baliw ka na, pati ba naman kabayo pinag-
iisipan mo ng ganoon?" Hindi makapaniwalang usal ko. Tumawa lang siya nang mahina
bago tuluyang umalis sa harapan ko.
I don't have the slightest idea why I am here. Hindi ko rin alam kung paano niyang
nalaman na malapit ako sa mansyon nila. Does he have a radar or some sort? Hindi
ako dapat magtagal. Kailangan ko pang magluto ng tanghalian. Subukan lang talaga
niyang sayangin ang oras ko.
Ilang sandali pa ay bumalik din siya. May suot na siyang shirt. Dala niya ang bag
niyang gamit sa school while there is a tray on his other hand. Marahas niyang
itinapon ang bag niya sa isang couch, samantalang iyong tray ibinaba niya sa
harapan ko.
"Hindi naman ako magtatagal. Kailangan ko ring umuwi agad. Magluluto pa ako ng
tanghalian ni tatay." sinabi ko.
"Yes, yes, I know. Madali lang ito." Hinalungkat niya ang kanyang bag. Inilabas
niya ang isang ream ng bondpaper at saka notebook niya. Pinagmasdan ko lang siya.
One thing that I can observe about him when he is being serious, nagsasalubong ang
kilay niya unconsciously. Mas gumaguwapo siya kapag ganoon.
Bumaling siya sa akin. "Do you know how to draw?" he asked me randomly. Napataas
ang kilay ko sa tanong niya.
He gave me his notebook. Tumayo siya at tumabi sa inuupuan kong couch. I could feel
a little awkward with our position. Mukhang hindi naman niya pansin iyon. "Mayroon
kaming assignment sa General Biology, that's a major subject, liit. I need to pass
that." He laughed. His laugh is sending something in my stomach. Hindi naman sa
natatae ako o ano, pero kakaibang feeling. Tapos ang lapit lapit pa niya sa akin.
"I can't draw."
Tiningnan ko ang notebook niya. Mayroon namang sulat doon. Kinagat ko ang labi ko
nang mariin. Gusto kong tumawa sa handwriting niya. Parang kinahig ng manok. It was
really a horrible handwriting.
I felt his hand pinching my cheek. Hindi ko na napigilan iyong tawa ko, sumambulat
na. Tawang - tawa talaga ako sa sulat niya. Required ba kapag lalaki na dapat
pangit ang sulat? Because Cadence is the embodiment of that.
Salubong na salubong ang kilay niya. Muli kong kinagat ang labi ko para pigilan ang
pagtawa. Kung mayroon akong hika, hinika na ako sa ganoong pagtawa. So, Cadence
Beckham Ponce is not so perfect at all. He has flaws. He can't write beautifully
and he can't draw.
I looked at him. Pulam - pula ang kanyang mukha hanggang tainga. Mukhang nahihiya
siyang nalaman ko iyon at pinagtawanan ko. E, nakakatawa naman talaga.
Huminga ako nang malalim nang paulit - ulit bago magsalita. "Hindi ko naman
maintindihan iyang sulat sa notebook mo. Ano bang assignment mo?" tanong ko sa
kanya.
He glared at me. Umalis siya sa tabi ko. Mukha siyang iritado. "'Wag na nga." he
said, annoyed. Padabog niyang ibinalik ang gamit niya sa kanyang bag.
I bit my lip again. He is really pissed. Sumobra yata ako. Medyo nabasa ko naman
iyong sulat niya. About cell iyong assignment niya sa Biology. Tumayo ako nang
tumayo rin siya.
"Cadence," I called him. Napakamot ako sa ulo. "Ano, joke lang kasi. Sorry naman.
Tutulungan na kita, promise! Hindi na rin ako tatawa talaga."
Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa mansyon. Iniwan
niya ako sa gazebo.
Naiwan ako sa gazebo. Medyo na-guilty ako sa ginawa ko. Tumingin lang ako sa
papalayong bulto niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ilang minuto rin akong
nakatulala roon bago ako pumunta ng kwadra para kunin si Meow.
Nakakainis naman. Malamang hindi ako makakatulog nito, he's making me so guilty. Oo
na, masama na iyong tumawa pero pangit naman talaga iyong sulat niya. Anong gusto
niyang gawin ko? Purihin iyon? E, sa nakakatawa talaga? Muli akong napakamot sa
ulo.
When Monday came, inabangan ko agad si Cadence sa pagsakay namin sa van papuntang
school para mag-sorry. Hindi kagaya ng dati, he was not there. Mukhang hindi siya
gumising nang maaga para sumabay sa amin. It's understandable. Alas nueve pa naman
ang klase niya.
His absence surely has an effect. It takes a toll on me. I feel alone. I hate it.
Konting panahon pa lang iyon at nasasanay na ako.
Mag-isa akong naglakad papuntang E-type building, walang Cadence na may hawak ng
bag ko. No one's following me.
Kumaway sa akin si Jala. Sinalubong niya ako sa pinto ng room namin. "Pakopya naman
ng assignment!" bulong niya. Mabilis niyang kinuha ang bag sa akin. I let her copy
may Math assignment.
Nadaanan ko ang nakataas ang kilay na si Ruby Pearl. "Our group needs to talk about
the presentation." winika ko sa kanya nang tumigil ako sa tapat ng kanyang upuan.
She was about to speak disapproval, but I didn't let her. No one should mess with
me right now. Naba-badtrip ako. "Kung ayaw mo naman, Ruby Pearl. You can tell me,
para hindi na ako mag-aaksayang isali ka pa sa grupo. Pwede kong sabihin kay Ms.
Linab na ayaw mong mag-participate so I will remove you instead, para walang
hassle."
Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya, naupo ako sa tabi ni Jala. She looked at
me with those big eyes. "Intense naman. Iba kapag Maligno." natatawang komento ni
Jala habang kumukopya ng assignment ko. "Paano nakuha ang value ng x sa number
three? Deputang Math, hindi alam ang salitang move on, kapag ex na, ex na dapat,
hindi na hahanapin ang value!? Iniwan ka na nga, e!" hirit pa niya sa tabi ko.
Hindi ko siya pinansin, wala talaga akong gana sa banters niya.
Nagsimula ang first subject ng lutang ako hanggang sa lunch time. Pumapasok sa
isang tainga ko, lumalabas din agad sa kabila. Mabuti na lang hindi ako natawag sa
kahit ano mang recitation.
I dreaded lunch time, alam kong walang darating na Cadence para sumabay sa aking
kumain. And I was right. Wala ngang Cadence na nagpakita sa tapat ng room namin ng
lunch na iyon. I expected it already. Doon pa lang sa hindi siya sumabay sa van
namin, alam kong mangyayari ito.
Pero kahit ang mga bagay na expected na nating mangyayari, mayroong kirot pa rin.
Slight lang.
Naunang lumabas si Jala para umuwi sa kanila. I went out of the room alone. Ayokong
kumain sa room namin ng mag-isa. Sakto namang dumating si Ruby Pearl na mayroong
dalang bottled gatorade. She looked at me mockingly.
"So," nang-uuyam siyang ngumiti. "Where's your Ponce boy?" tanong niya. Dumagdag
ang inis ko sa kanya. I didn't answer her question, I don't owe her anything, not
even an answer. Akala yata ng mga tsismosa, dapat laging may sagot sa mga tanong
nila.
Akmang lalampasan ko siya nang higitin niya ang braso ko pabalik. "Hindi ko gusto
iyang asta mo. Akala mo kung sino kang magaling por que't kapit ka ng isang Ponce.
Ngayon, asan ang ipinagmamalaki mo?" mapang-asar ang tono niya. "Asan Sai? Alam mo
ba kung nasaan? Nasa canteen. He's with a new bitch, a new prospect. But unlike
you, she's so much better. Kasama niyang kumakain ngayon si Ela Patricia. Iyong
Grade 12, same strand."
Inalis ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Tell me a good reason why should I
care? Oh, tapos? Anong gusto mong gawin ko? Kung affected ka, 'wag mo akong
idamay." Inirapan ko siya. Humakbang ako papalayo ng room. Hindi ko alam kung saan
ako dadalhin ng paa ko. Basta malayo kay Ruby Pearl o kahit sa kanino mang poncio
pilato na maaaring makikita ng luha sa mga mata ko.
I got really fed up that's why I am crying. Naiinis kong pinahid ang luha ko. I
found myself at the back part of the gym. No one seems to go there frequently. Doon
ako umiyak hanggang sa matapos ang lunch time. Ibinuhos ko sa isang trash can ang
baon kong pagkain. Alam kong masamang magtapon ng pagkain, pero nahihiya ako kay
nanay na hindi ko man lang ginalaw ang pagkain niyang niluto para sa akin.
Sinadya kong ma-late ng ilang minuto bago ako dumiretso ng room. Halos kasabay ko
lang dumating ang teacher namin sa unang subject sa hapon galing ng faculty room.
"Sai," tawag sa akin ni Jala. "Hina ---"
"Class, one seat apart. We will have a surprise quiz." Mabilis na putol ni Mr.
Chavez sa nagdadalan naming mga kaklase. Umangal naman halos ang buong klase sa
anunsiyo ng teacher namin sa Science kasama na roon si Jala na dapat ay mayroong
sasabihin sa akin.
"Ang dyahe naman! Quiz agad! Tapos hindi pa sinabi!" inis nitong bulong.
Nameywang ang teacher namin sa unahan. "What do you expect, people? May surprise
bang sinasabi beforehand? You're unbelievable, guys! Nasa pilot section kayo, you
are expected to perform best. Dapat sa ganitong pagkakataon lagi kayong handa. Show
me what you've got. Show me that you deserve to be in this section, hindi iyong
puro na lang kayo reklamo!" pangaral niya. "Number one, ready or not ready!"
Kagaya ng sinabi niya. We had a quiz in his subject. So far, mayroon naman akong
naisagot. I read my notes last weekend. Halos lahat ng tanong nabasa ko sa notes.
Siguro naman ay papasa ako.
Galit na galit si Jala nang matapos ang subject ni Mr. Chavez. Hinayaan ko lang
siyang mag-rant sa tabi ko. Hindi na ako sumagot. Wala talaga ako sa mood. I am
starving as well. Hindi ako kumain ng lunch.
I was still thinking about what Ruby Pearl told me. And I'm still thinking about
Cadence. Siguro, galit siya sa akin. At naiinis na ako sa kanya. Oo na, kasalanan
ko iyong pagtawa. Kung galit siya, galit din ako.
I just waited for the last subject. Kailangan ko pang makipag-usap sa groupmates ko
sa T.L.E subject namin, which one of them is Ruby Pearl. Naririndi na ako sa
pangalan niya. I would be glad if she's going to volunteer herself out of the
group.
Kaagad na sumagot si Ruby Pearl. "We should try a Masterchef worthy dish. Ops," She
looked at me. "Sorry, Sai. Alam mo ba iyong tinutukoy ko? Sorry, nakalimutan ko nga
palang wala kayong T.V. sa bundok. My bad." Nang-iinsulto siyang tumawa.
I don't know, what does she gain from insulting my way of life? Is that her purpose
in life? Does that make her feel good? I hope so. Sayang naman kung hindi. Jala
looked at me knowingly.
"Well, if you want a Masterchef worthy dish, isipin mo muna kung kaya ba nating i-
pull off iyon or will it lead us to disaster? Wala namang masamang mangarap, pero
dapat may means ka rin para abutin iyon. Hindi lang sapat ang pangarap, Ruby Pearl.
Tama ka nga, hindi ko alam kung anong palabas iyon sa T.V. at oo, wala kaming
ganoon. Pero hindi pa naman ako tinatakasan ng common sense ko, madali lang
intindihin kung para saan iyong T.V. show."
Huminga ako nang panandalian. Kung hindi niya ako balak tigilan, pwes, ibibigay ko
sa kanya ang gusto niya. "Bago mo ako paandaran ng mga napanood mong T.V. shows?
Ilan ka nga ulit sa quiz natin kanina sa Science? Ah, zero ba?" I was really
annoyed by her. Kanina pa siya. "Quite frankly, I am not easily impressed by how
many T.V. shows you've watched, Ruby Pearl. I am attracted with the person whose
brain works functionally. Doon mo ako mai-impress. And right now, you have to work
hard on that. There are more important things you should work hard for. In your
case, one of those is your brain enhancement and your way of thinking."
Mahinang humagikhik si Jala sa tabi ko. Masamang - masama ang tingin sa akin ni
Ruby Pearl nang matapos ko ang little speech ko para sa kanya. She triggered me.
Her face was red as ripened tomatoes and contorted with fury. Hindi naman nagsalita
ang dalawang groupmates namin. They looked at us, amused.
Wala naman akong pakialam sa scores. Pero dahil siya si Ruby Pearl, she needs some
slapping that physical beauty isn't everything. Lalo pa't bad tandem din iyong
attitude niya.
"Fine, edi ikaw na ang magaling." Galit niyang turan. Her eyes were as sharp as
daggers.
I just shrugged. "Thanks." I smiled. Mas lalong nalukot ang ekspresyon niya. Umirap
siya sa ere.
"Dahil ikaw naman ang leader ng group na ito, diskarte mo na kung saan at kailan
tayo magpa-practice. Ikaw na rin ang mag-isip ng lulutuin natin. Magaling ka naman
'di ba?" Hindi pa ako nakakasagot. Muli siyang nagsalita. "On the other hand,
nakatira naman kayo sa lupain ng mga Ponce? Mas mabuti kung doon tayo mag-practice
ng ipre-present natin. Para libre na rin iyong gagamitin nating ingredients.
Mayroon silang gulayan, right?"
Sumabat ang nakahalukipkip kong ka-grupo. "Oo nga naman, Sai." sang-ayon ni Chad.
"Ang mahal din kasi kung mamimili pa tayo sa palengke."
Napahilot ako sa sentido ko. "Teka lang," pigil ko sa kanila. "Nakatira nga kami sa
Tagbakan. At oo, mayroong gulayan ang mga Ponce. Sa mga Ponce iyon. Hindi sa amin.
Hindi kami ang may-ari ng hacienda para um-oo na doon tayo mag-practice. Hindi ako
pwedeng basta kumuha na lang din ng gulay. Nakakahiya." I made face. Why would they
think ganoon kadali iyon?
"Tama si Sai, nakakahiya sa mga Ponce." Tinanguan ako ni Jala. Masaya talaga akong
kasama ko si Jala kahit and'yan si Ruby Pearl. "Isa pa, mayroon naman tayong
ambagan na nakalaan pambili ng ingredients."
Tumayo si Ruby Pearl sa pagkakaupo niya sa teacher's table. "Pwede naman tayong
magsabi sa kanila 'di ba? Malakas ka naman kay Cadence, Sai?" she insisted.
Talagang pinipilit niya ang ideyang iyon. Hindi ko maintindihan kung anong gusto
niyang palabasin. Napapikit ako at huminga nang malalim. Last call. Kapag hindi
talaga siya pumayag, hindi ko na alam ang gagawin. "Hindi talaga natin pwedeng
piliting manghingi na lang ng gulay. Pero pwede tayong bumili sa kanila ng hindi
kagaya ng presyo sa palengke. Iyong may discount." I told them.
Sumang-ayon agad si Jala, Chad at Lester maliban kay Ruby Pearl. Ngumisi siya. "Ang
hina mo naman pala kay Cadence." komento niya.
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Naiinis ako kay Ruby Pearl, ewan ko ba pero
napakapakialamera niya. Inayos ko ang gamit ko, kami na lang ang natitira sa room.
Kahit iyong mga cleaners kanina pa tapos maglinis. I don't really want to entertain
her idea of going to the hacienda. Hindi naman kasi iyon sa amin. Mahigpit ang
security ngayon dahil na rin sa nangyari kay Kuya Wyatt at sa ilang pinsan pa nila.
Hindi basta - basta nakakapasok ng Tagbakan.
Naunang lumabas ang dalawang lalaking ka-grupo namin, kanina pa ready ang bag nila,
mabilis namang sumunod si Ruby Pearl.
"Bye, Sai!" Jala waved. Kumaway din ako sa kanya. Naghiwalay kami ng daan. Nagpunta
ako sa parking space kung saan nakaparada ang van. For sure this time, I will see
Cadence. I want to say sorry. Pero kapag hindi pa niya ako pinansin, hindi ko rin
siya papansinin. Nakakairita siya.
I saw Ruby Pearl and an unfamiliar girl there. They were talking to Cadence.
Bumagal ang lakad ko patungo sa kanila.
"Sai!" tawag sa akin ni Ruby Pearl. Feeling close? Gusto ko siyang irapan at medyo
supalpalin, pero mabait ako. Quota na siya kanina.
"I told Cadence about the problem with our cooking presentation. He agreed and said
yes." balita niya sa akin. "Akala ko ba hindi pwede?"
Hindi ko sinulyapan si Cadence. Kay Ruby Pearl lang ang buong atensyon ko. "Close
kayo?" hindi ko mapigilang itanong nang pabalang. Wala naman akong sinabing hindi
pwede, nakakahiya lang sa mga Ponce. Mukha namang hindi siya marunong makaramdam ng
hiya.
"Ha?"
"'Wag mo na kasing guluhin, Ruby." natatawang komento noong isang babae. "Hi, ako
nga pala si Ela Patricia. Same strand kami ni Cade, ahead lang ako." pagpapakilala
niya. Nakangiti siya sa akin nang malawak. "Cade, pinsan mo?" baling niya kay
Cadence. Wow, may endearment. How sweet.
Sa halip na sumagot ako, I crossed my arms. "Pwede bang magparaan kayo?" muli kong
tanong. Nagkatinginan kami ni Cadence, maaliwalas ang mukha niya. Hindi ko siya
nginitian. Dumoble ang inis ko sa kanya.
"Liit."
"Oh, sorry." Ela Patricia apologized. Umalis siya sa tapat ng pinto ng van. Nakita
ko pang hinawakan niya ang braso ni Cadence para mag-move siya. Nang makapasok ako
ng van, malakas kong isinara ang pinto nito. In their faces.
"Had a bad day?" Lorenzo asked. Nakaupo siya sa favorite spot niya. May nakalagay
siyang earphones sa kanyang tainga. "Ramdam ko ang impact. Ang lakas!" tatawa -
tawa niyang wika.
Ikasampung Kabanata
Kabanata 10
First time
Nahiya ako kay Tatay ng hindi sila dumating sa tamang oras. Mayroon siyang
trabahong naiwan sa sakahan pero dahil kailangan naming sunduin sila sa Mabato,
inilaan niya ang kanyang oras para sa mga kagrupo kong late.
Ako iyong nahihiya, alam ko kung gaano kahalaga ang oras niya para lang masayang
dahil hindi sila dumating ng tama sa oras. Halos isang oras din silang late. I felt
the irritation. May kasama pang frustration ang iritasyon na naramdaman ko.
Nabuhayan ako ng loob ng mayroong tricycle na pumarada sa tapat namin. I was right.
Sakay noon ang groupmates ko. Bumaba si Jala mula sa loob ng tricycle, kasama niya
si Ruby Pearl. Samantalang si Chad at Lester, nakaupo malapit sa driver.
"Sai!" patakbong kumaway sa akin si Jala. Malaking - malaki ang ngiti niya. "Hello
po," bumati siya kay Tatay at nagmano. "Pasensya na po na-late kami, mayroon kasing
pahuli - huli. Feeling V.I.P."
I know she's talking about Ruby Pearl. Mayroon pa itong kausap sa phone kaya hindi
agad lumapit sa amin. Tumango si Tatay nang nakakaintindi kay Jala.
"Magandang umaga po," Chad greeted. Ganoon din si Lester. "Nabili na namin iyong
pinapabili mo, Sai."
"Thanks, Chad!" nag-thumbs up ako sa kanya pero nagngingit-ngit talaga ang kalooban
ko.
Nagkamot ng ulo si Lester na parang may hiya. Tumingin siya sa akin at kay tatay.
"Pasensya na po, medyo late kami."
Anong medyo? Sobrang late. Halos isang oras iyon. Sayang ang oras ng tatay ko.
Gusto ko sanang magreklamo pero hindi na lang ako umimik. Hindi na ako nakisabat sa
usapan nila kaya paminsan - minsang sinisiko ako ni Jala.
Lumapit naman sa amin si Ruby Pearl matapos ang ilang minuto. She has this scowl of
disapproval on her face. Ni hindi man lang niya kami binati ni Tatay. "Ano? Nganga
na lang ba tayo rito?" Siya pa ang may ganang magtanong. Huminga ako nang malalim
para hindi ko pansinin ang turan niya.
"Sasakay kami sa ganyan? No way!" bulalas ni Ruby Pearl nang ma-grasp niya ang
nangyayari.
Si Jala ang sumagot sa hinaing nito. "Sa mga Ponce, beh. Hindi kay Sai iyong van.
Sino bang ka-grupo mo, Ponce ba? Maghanap ka ng van kong mga Ponce ang ka-grupo mo?
At saka, ano naman kung sumakay ng kabayo? Jusmeyo, beh. Wala ka man lang ka-
adventure adventure sa katawan!"
"Isa pa, pwede ka namang magpaiwan dito. 'Wag ka na lang sumama." dagdag ko sa
sinabi ni Jala.
My lips thinned. I felt bad. Mas dumagdag ang inis ko. Nagpatuloy si tatay sa
pagbibigay ng instruction sa kanila. Kasama sa kanya ang dalawang lalaki, sa akin
naman sasama si Ruby Pearl at Jala. Nagreklamo na naman si Ruby Pearl pero wala
naman siyang magagawa. She's complaining that I might be incapable of riding a
horse, baka mahulog daw siya.
In all honesty, gusto ko siyang ihulog talaga. But I won't. Sayang kasi sa pera ng
magulang ko, dagdag gastos din ang pagpapagamot sa kanya. Alam ko namang aartehan
niya ako.
She complained the whole ride as I expected. Masayang - masaya naman si Jala lalo
na noong dumaan kami sa parte na kitang - kita ang buong Tagbakan. Tumigil kami
roon para mag-picture ang gaga, pati iyong mga lalaki. Even Ruby Pearl was awed at
the scenery.
Sa kubo kami dumiretso malapit sa greenhouses ng hacienda. Para mas madali kaming
makakuha ng gulay kung sakaling mayroon pa kaming kailanganin. But I arranged most
of our needed vegetables for the sample testing.
"Salamat po, Tito." magalang na sabi ni Jala ng tuluyan kaming nakababa. Well, it
was kinda smooth ride. Mabuti na lang hindi ako kinalawang, baka bumalintong si
Ruby Pearl kung nagkataon. Nauna na iyong tatlo sa kubo. "Pasensya na po sa abala
at na-late kami."
"Walang anuman, Jala. Maiiwan ko na kayo rito. Galingan ninyo r'yan. Grado niyo
yata ang nakasalalay." Sabay kaming tumango ni Jala. Sumakay si Tatay pabalik ng
kabayo.
Nang makaalis si Tatay sa paningin namin, siniko ako ng magaling kong kaibigan.
"Sai! Sobrang lawak pala ng hacienda nila 'no? At shet , ang ganda! Kasing-ganda
ko!" pagbubuhat niya ng sariling bangko. Umirap lang ako sa ere.
Hinila ko siya patungo sa kubo kung saan naghihintay ang groupmates namin.
Natigilan siya paglalakad kaya pati ako nasama. "Uy, si Cadence!" Napatingin ako sa
pinagmulan ng mata niya. Totoo nga, si Cadence. Kasama niya ang ilang pinsan at
saka ilan sa mga kababata ko. I waved at Jutay. Kumaway naman ito pabalik.
Speaking of Cadence, hindi ko pa rin siya pinapansin simula noong hindi niya ako
pinansin. Wala na akong pakialam.
Inirapan ko ito nang magtama ang paningin namin. Muli ko siyang hinila patungo sa
kubo. Nadatnan naming kumakain ng prutas si Chad, abala sa pagce-cellphone si
Lester at naglalagay ng kolorete sa mukha si Ruby Pearl.
Ready na ang mga gamit namin. Andoon ang pugon at uling at saka mga plates kasama
ang blender na dala ni Lester. Nagsimula nang magpaapoy si Lester sa pugon.
"Sa akin, oo! Sa iyo ba Ruby Pearl?" pasaring ni Jala. Sinuway ko naman agad ang
loka.
"Bakit hindi na lang tayo magbake o ano pa man?" himutok niya.
"Mas gusto ko iyong idea ni Sai. Mahihirapan tayong mag-bake. Ano ka si Gordon?"
sabat ni Chad.
"Fine!"
We agreed on a vegetarian concept type of burger since snacks naman ang kailangan,
instead na patty iyong main spotlight no'ng burger, ukoy na puso ng saging ang
naisip naming ipalit doon. Modified na para mas masustansya. May kasamang smoky
pipino, kamatis at saka red pepper at sauce. Vegetable salad ang side dish. Carrots
shake ang sinuggest ni Jala para sa drink.
Paghahanda na rin para sa nutrition month iyon, magkakaroon kasi ng Cook Fest at
bawat section ang kasali. Magkakagrupo na kaming lahat na magkaklase sa Cook Fest
at sigurado akong kung sinon mananalo sa bawat groups, isa iyon sa lulutuin namin
sa nutrition month.
Ako ang naka-assign sa paghihiwa ng puso ng saging. Si Jala ang naghahalo ng harina
at siya rin ang bahala sa sauce noong burger, si Chad ang naghihiwa ng ibang gulay.
Si Lester ang naka-toka sa pugon. Habang si Ruby Pearl, minamanduhan niya kaming
lahat. Kung umasta siya, parang siya ang boss. Madalas ding nakatunghay siya sa mga
Ponce sa paligid. Alam kong nasa paligid lang si Cadence, pero wala talaga akong
pakialam. Medyo lang.
"Malapit ba rito ang mansiyon ng mga Ponce?" siniko ako ni Jala ng hindi nakatingin
si Ruby Pearl.
"Kung mangangabayo ka," Inilagay ko iyong hiniwa kong puso ng saging sa harina para
mag-mix, mayroon ding sibuyas iyon.
"Ewan ko sa'yo, Jala!" Inirapan ko siya. Bumaling ako kay Lester. "May baga na ba?
Ilagay mo na iyong kawali para uminit na."
Sinunod naman niya ang sinabi ko. After several minutes, nilagyan niya iyon ng
vegetable oil.
"Yow, people!"
"Ay puke na palaka!" malakas na sigaw ni Jala. Tawa naman ako nang tawa. Kahit
iyong ibang ka-grupo namin. Maliban yata sa isang maarte.
Napatngin ako sa boses na pinanggalingan. It was Lorenzo. Kunot na kunot ang noo ng
walang hiya na nakatingin sa kaibigan ko. "What the hell?! Mukha ba akong may pu "
"Shut up! Bibig niyo kailangan ng holy water." pabiro kong sabi sa kanila. Well,
isa si Lorenzo sa mga Ponce na madaling kausapin at biru - biruin. Mapagbiro rin
kasi ang gago. Hindi kagaya noong isa na sobrang pikon. Pangit naman talaga ang
sulat.
Nag-irapan silang dalawa bago siya tumingin sa akin. Nangalumbaba siya sa upuan ng
kubo. "What you doin', peepz?" he asked curiously.
"Hindi kaya obvious na nagluluto?" muling banat ni Jala bago pa man ako makasagot.
"I'm not talking to you, taba " He was cut off by Jala once again.
"Aba't putangina pala nito! Napakayabang mong gago kang ulol ka, ah! Ano naman
ngayon kong mataba? Ikaw ba ang nagpapakain sa akin?" gigil na gigil na wika ng
kaibigan ko. Triggered siya sa mataba na word. Nakakabaliw. Mababaliw na yata ako.
Ang gulo ng paligid.
He stuck his tongue out. "You're in my territory, chubby bunny. Don't trashtalk
me." Ngumisi ang gago. "Kayang - kaya kitang pakainin. What do you want? Just tell
me, I'm part owner of this hacienda. Magsabi ka lang kung anong gusto mong kainin
ipapakain ko sa'yo, pwede ring ako." Napa-face palm ako kay Lorenzo. Mapaglaro
talaga ang isang ito sa babae.
Pumagitna ako bago pa man magkaroon ng suntukan o wrestling. "Hoy, awat na!"
Lumapit sa pwesto namin si Ruby Pearl halos mabangga pa niya ako. Tinging - tingin
siya kay Lorenzo.
"Ang generous mo naman pala. Hindi ako mapili sa pagkain, kumakain ako ng kahit
ano." she even said. Napanganga naman ako. "Jala is already fat."
Wow lang. As in, wow. Spell EPAL. Spell feeling close. Ruby Pearl! Basta - basta na
lang siyang sumusulpot basta mayroong fresh meat na pwedeng makain.
"No, thanks. I don't like to eat dried food." seryosong wika ni Lorenzo. Mas lalong
napanganga ako. Ngumisi siya sa akin at hindi niya pinansin si Ruby Pearl. "Pahingi
naman kami ng niluluto niyo, ha. Si Cadence din daw." Kumindat pa ang loko bago
siya tuluyang tumakbo pabalik sa greenhouse.
"Magpapakain daw, patay gutom naman pala!" komento pa ni Jala. Wala roon ang isipan
ko.
Si Cadence? Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko pa rin siya papansinin kahit
kailan.
We made the burgers, sobrang swerte namin kasi gumana iyong combination ng
ingredients. Masarap siya at masarap din iyong sauce ni Jala. Dahil epal nga si
Lorenzo, hinakot niya ang mga kabataan ng Tagbakan. We gladly feed them with the
burgers we made. Kailangan din naman namin ng feedback.
Ramdam ko iyong titig ni Cadence habang kumakain siya ng burger. Iwas na iwas naman
ako. Hindi ko siya pinapansin gaya nang sinabi ko. Isa pa, nakaharang naman si Ruby
Pearl sa kanya. Edi, magsama silang dalawa.
"Hindi ba kasali ang senior high sa cook fest?" pagkausap ko kay Lorenzo na
kumakain pa rin.
He looked at me blankly. "May ganoon pala?" Hindi ko alam kung seryoso siya.
"Mabuti na lang walang binabayarang tuition sa Camflora. Sayang kasi, puro ka lang
pa-gwapo." Naiiling ako.
"I'm not! Photo journ nga ako, Sai! Akala mo ba?" agap niyang sambit. I know that.
Sikat naman kasi ang school paper. I wanted to be part of that too, pero hindi na
lang, kasi kailangan maging active doon, kaliwa't kanan ang training at meetings.
Some of the journalists compete in different levels, mayroong division, kapag
nanalo sa division, magco-compete ng Regional hanggang mapasama sa Nationals.
Maraming organization ang school, hindi lang talaga ako nag-lakas loob na sumali.
Mayroong YES-O for interested Science students and environmentalists, WISE for
interested in English, may journalism, may SSG officers, may history seekers. Too
bad, I can't join any of those organizations. Mahihirapan ako sa oras at pera.
"Puro ka naman tambay sa office ng school paper. Iyon lang yata ang ginagawa mo sa
school!" akusa ko.
Sa pwesto iyon ni Cadence, wala na siya roon. I saw him storming out of the kubo.
Kasunod niya si Ruby Pearl. Wow, pang-teleserye! Hindi ko maiwasang hindi mairita
sa hindi ko malamang dahilan. Nag-aalsa ang buong pagkatao ko.
"Ha? Ano bang dapat kong gawin?" takado kong balik tanong sa kanya. Kumuha ako ng
pipino, kinagatan ko iyon. I was trying to calm my whole being by eating. Hindi
naman umubra.
Lorenzo sighed. "You know, konting suyo lang naman doon, bibigay iyon. Sinasabayan
mo naman ng galit din, 'wag ganoon."
Nasamid ako sa sinabi niya. I took a glass of water. "Kung makapagsabi ka, parang
mayroon kaming relasyon ni Cadence!" Napaubo pa ako.
"You always say that, parang kapag napapaso ka. So, what?"
Umiling ako, iniwan ko si Lorenzo roon. He was feeding my brain with information
and possibilities. Ayoko noon.
Pasimple akong sumulyap kay Cadence at Ruby Pearl sa hindi kalayuan. They are
talking animatedly. I hated it. Nag-iwas ako ng paningin. Mayroong pakiramdam na
gusto kong bakuran si Cadence, hindi dahil lagi ko siyang kasama ay attached lang
ako. There's something else. Not that deep, but can lead to the deepest trench.
Iyong hindi madaling makaahon.
I was starting to see a new light. The new information started to make sense.
Pakiramdam ko, crush ko na si Cadence.
***
Friday ang presentation namin sa T.L.E. subject. Last period namin iyon. Dinadaga
na ako ng kaba noong first subject pa lang. Grades namin ang nakasalalay, mas
malaki pa namang porsyento nababase sa performance.
It intensified every minute. May namumuong kung ano sa tiyan ko. Hindi naman ako
natatae, pero namamawis ako ng lubos. Malamig pa iyong pawis ko. Kinikilabutan ang
balahibo ko.
Sumitsit si Jala sa akin. "Uy, ano? Ayos ka lang? Parang namumutla ka, ah." puna
niya habang naghihikab, A.P. subject namin before lunch.
"Ay, weh? At bakit naman? Magiging okay iyon, ano ka ba! At saka ready naman tayo,
ah." she reasoned out.
Sumandal ako sa upuan, mas lalong tumitindi ang sama ng pakiramdam ko. Nabales nga
yata ako.
Pasimple akong pumikit. Nakakahiya naman kung makikita iyon ng teacher namin. I was
praying really hard that the pain will fade immediately. Namumuo talaga sila sa
parteng tiyan ko hanggang sa may puson. 'Wag lang ngayon.
"Sai!" tawag ni Jala. "Dito ka ba kakain sa room? Labasan na!" tinusok - tusok niya
ang mukha ko. My eyes were still closed. "Nanlalamig ka, ah. Parang cold-blooded
animal." she laughed at her own kind of joke. "Sigurado ka bang okay ka lang?"
"Oo, iwan muna ako. Maglunch ka na!" pagtataboy ko sa kanya. Rinig ko pa ang
tawanan ng ilang kaklase namin but their voices faded in the background. Gusto ko
lang magpahinga. Nawalan na ako ng gana kumain.
Parang pinipilipit ang kalamnan ko sa loob. I can't distinguish the pain. Basta,
sobra. This is my first time feeling this kind of pain.
Hindi na ako sumagot. I took deep breaths to calm my nerves. Ayoko namang magpanic
sa sakit. Ayoko rin umiyak pero sobra talaga ang kirot sa loob. I stayed seated on
my chair. Nakasandal pa rin ako. Parang mas maayos iyon sa pakiramdam kaysa umub-ob
ako sa mesa.
"Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko. Napangiwi ako ng bigla na namang
kumislot ang sakit ng tiyan o puson ko.
Kinuha niya ang isang upuan, itinapat niya iyon sa akin. Doon siya naupo. Gumala
ang paningin ko sa room, ako na lang pala ang tao at si Cadence.
"I was always here, even when you got mad. Are you still mad, Everly?" masuyo
niyang wika. "Ako iyong dapat magalit pero mas nagalit ka naman."
Hindi ako sumagot. Mayroon pa siyang sinabi na hindi ko na masyado marinig. I was
concentrating so hard. Masakit na talaga! Parang gusto kong tanggalin na lang ang
puson ko tapos ibalik na lang muli kapag hindi na masakit.
"Liit, is there something wrong? You're looking pale. What's happening?" I felt his
hand on my wrist. Namamawis ako ng malamig. "You're not okay," he concluded.
Muli akong nagmulat ng mata. My eyes started to well up with tears. "Cadence,
masakit." hikbi ko.
Nakita ko ang pagkataranta ng mukha niya, at the same time, worry consumes his
face. Salubong ang kilay niya.
"Why? Have you eaten something? Kailan mo pa nararamdaman?" sunod - sunod niyang
tanong. He stood, inilahad niya ang kanyang kamay. "Let's go to the clinic. Can you
walk? Gusto mo bang buhatin na kita?"
Umakyat ang dugo ko sa mukha, mabuti na lang maitim ang kulay ko.
I tried to stand, nakaya ko naman. Kinuha niya ang bag ko, siya ang nagdala noon.
He even got my umbrella. Medyo nauna na ako sa kanya. Kaya ko pa namang lumakad,
pero masakit talaga.
"Everly,"
Nilingon ko siya. "I think, I know what you are suffering right now." Tumaas ang
kilay ko.
"Mayroong blood stain. You're having your first menstruation." kalmado niyang wika.
Napanganga ako. Tiningnan ko ang palda ko sa likuran. There's a bit of blood. Agad
akong nagpanic. Kahit naman itinuro na iyon sa amin, it is still the first time I
have my blood. Kaya pala mayroong malagkit.
Hinampas ko siya nang mahina. Hindi man lang niya sineryoso ang sinabi ko. Wala pa
rin akong lakas para makipagsabayan sa pang-aasar niya. "Tara na sa clinic,"
iginiya niya ako palabas ng room, he opened the umbrella he's holding. Dala niya
ang bag ko, may dalawang tumbler pa siyang dala, tapos hawak rin niya iyong payong.
Mabagal ang lakad namin. He was shielding his body to my stained skirt. Nang
makarating kami sa clinic, sinalubong kami noong nurse.
Si Cadence ang sumagot. "Masakit ang puson, first time niya." he answered. Kahit
ang sakit ng puson ko nagawa ko pa ring mahiya. "Nurse, do you have an extra palda?
Mayroon kasing stain ng blood iyong sa kanya."
"What do you mean first time?" Nanlalaki ang mata nitong tanong.
Tumikhim si Cadence, medyo nawawari ko na ang pagkapikon sa mukha niya but he still
answered her. "Menstruation,"
"Oh," the only thing she could say. Bumaling siya sa akin. "May dysmenorrhea. I'll
give you a pain reliever and hot compress. Mayroon d'yang napkin. Andoon ang C.R.,
feel free to use it. At," sinulyapan niya si Cadence. "Wala akong extra na palda."
"Thanks,"
Umalis ang nurse sa harap namin. Ikinuha ako ni Cadence ng napkin. Pulam - pula na
talaga ang mukha ko, hindi lang kita. I looked at the napkin when he gave it to me.
Reluctant akong tinanggap iyon. Napakamot ako sa ulo.
Tumaas ang kilay niya ng hindi pa ako pumapasok sa C.R. I bit my lower lip. "Do you
need anything, Everly?"
Parehong namula ang mukha namin. He was biting his lip as well. Seryosong - seryoso
ang mukha niya. Tumango - tango pa siya. "Oh, right. You need a panty."
Sinamaan ko siya ng tingin nang ulit - ulitin niya iyon. Panandaliang nawala ang
sakit ng puson ko. Tumawa siya. "I'll be back. Mabilis lang," Nawala siya sa
harapan ko.
Tulala lang ako nang makaalis si Cadence. Dumating ang nurse na mayroong dalang hot
compress at pain reliever. Iniabot niya iyon sa akin. "Pogi ng boyfriend." she
teased me.
Napailing lang ako pero hindi naman ako sumagot. Iniwan niya ako loob. I just stood
there, unsure of what I should do. Kinuha ko ang hot compress at itinapat iyon sa
puson ko habang naghihintay ako kay Cadence. Sobrang sakit pa rin. Hindi ko pa rin
mawari ang sakit. Hindi ko alam kung saan siya pumunta.
I was still thinking about the presentation. Kailangan ako roon. I need to do my
part. Isa pa ako ang leader ng grupo. Sana talaga mawala na iyong sakit. Letseng
first time!
Cadence is my first kiss. Cadence sees my first blood. He knew before I even
realized what is happening.
Nakakainis!
Ikalabing-isang Kabanata
Kabanata 11
Cutting Classes
Sinamahan ako ni Cadence hanggang maging maayos ang pakiramdam ko. He did not
attend his afternoon classes. Natu-turn off talaga ako sa mga lalaking nagcu-
cutting classes. Dapat ma-turn off ako sa kanya, that's what my mind is trying to
say pero bakit hindi naman yata nangyari.
He brought a brand new set of panty. Hindi ko naman kailangan ang lahat ng iyon. I
just need an extra, kasi malagkit iyong pakiramdam talaga. At saka, marami rin
siyang biniling napkins. Iba't ibang brand pa ng napkins. Kumuha lang ako ng
dalawang pack ng napkins at isinilid sa bag ko.
Ibinalik ko iyong ibang packs ng napkin pati iyong set ng panty kay Cadence. Bahala
na siya kung anong gagawin niya sa maraming extra. Sobrang awkward. Parang gusto
kong ilibing ang pagkatao ko ng buhay.
Wala rin akong ideya kung saan niya nakuha ang extra palda na uniform ng school.
Imposibleng kay Jala iyon, masyadong malaki ang beywang niya sa akin para magkasya.
The skirt was my exact same size.
Hiyang - hiya talaga ako. The only thing that is saving me from more embarrassment,
iyong maitim kong balat. At least, hindi halatang namumula ang kabuuan ng katawan
ko sa hiya.
May iba't ibang pagkaing nakahain sa gilid ng isang clinic bed na hindi naman
occupied. Dala rin iyong lahat ni Cadence. He even contacted Jala. She came to
visit me in the clinic before she went to our room. Siya rin ang nagdala ng excuse
letter ko na ipinagawa ni Cadence sa nurse.
"Ano, Everly? Gusto mo bang subuan pa para kumain ka lang? You haven't eaten any
lunch." seryosong wika ni Cadence.
Tumayo si Cadence ng hindi ako gumalaw, he walked towards the unoccupied bed
containing only with several foods and got the bowl of sopas, hindi ko alam kung
saan niya iyon nabili ng ganitong oras. Baka sa canteen. Pero kapag tapos na lunch,
usually ubos lahat ang tindang pagkain.
Inilapag niya ang bowl sa gilid ko habang kinuha niya ang upuan. Napakislot ako
nang maramdaman ko ang init sa bowl.
Mainit pa iyon at saka mukhang bagong luto talaga. Tapos na naman ang lunch. Bakit
nagluto pa sila ng panibagong sopas? Hindi kaya nagpaluto siya mismo sa canteen?
Napagastos ni Cadence!
Malapit na malapit na ang upo niya sa tayo ko. "Eat up, liit." he said.
Kinuha niya ang bowl sa gilid ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya
iyon, hindi zko sigurado kung paano magre-react. Ang lapit niya. I can see his face
up-close. Dapat turn off na ako kay Cadence dahil hindi siya um-attend ng klase
niyang pang-hapon. Pero crush ko pa rin talaga siya.
Medyo humaba ang kanyang buhok. I just know. I can still remember small details.
His brow arched. "Pati ba naman pagbuka ng bibig, ako pa ang gagawa?" Cadence
asked, grinning. "Like what you see? Ilang araw mo lang namang hindi pinansin ang
gwapong mukhang ito." mayabang na wika ng lalaking kaharap ko.
Inirapan ko siya. "Mana - mana talaga kayong magpipinsan. Manang - mana ka kay
Lorenzo!" I answered shaking my head.
Kumunot ang kanyang noo. "You talked to him last time, I saw you." mariin niyang
sabi.
It was my turn to raise a brow. "S'yempre, may bibig ako! Makakausap ko talaga
siya!" sagot ko nang pabalang, but got a point. Makakausap ko naman talaga si
Lorenzo kasi may bibig ako. Henyo. What a brainy comeback.
Mas lalong nangunot ang kanyang noo. He even uttered some words I haven't clearly
heard. Inirapan niya rin ako. Hindi ako makapaniwala. Bakit ba siya naiinis? Hindi
ko ma-gets kung anong pinuputok ng butse niya.
He sighed. "Kumain ka na. Soups are good for someone who has her period. Lalo na
kapag mainit." Iniumang niya ang kutsarang may lamang sopas malapit sa bibig ko.
Lumayo ako ng konti.
"That's the point, Everly!" sagot ni Cadence na magkasalubong din ang kilay. "Mas
maganda kung mainit para hindi na sumakit ang puson mo!"
Nakarinig kami ng pagtikhim mula sa likuran. I saw the nurse. Nakasilip siya sa
pinto at nakangisi siya sa amin. I saw amusement dancing in her eyes. "Pakihinaan
ang boses. 'Wag niyo naman masyadong ipamukhang single ako." natatawa nitong saad.
Kumaway pa siya bago niya kami iniwan.
Mahinahon na ang mukha ni Cadence ng bumaling ako sa kanya ng tingin. "Fine, I'll
blow it first,"
Ganoon nga ang ginawa niya hanggang maubos ko ang sopas. Hinihipan niya muna ang
isusubo niyang sopas. Medyo mainit na lang iyon pero tamang - tama lang. Nakakagaan
sa pakiramdam. Sunod - sunod naming kinain lahat ng binili niya.
"Masakit pa ba?" tanong nito. Inililigpit niya sa isang supot ang mga kinainan
namin.
Para akong hihimatayin sa sakit kanina. At mukhang aabangan ko ito sa bawat buwan.
Iyon ay kung regular ang buwanang dalaw ko. Mayroon kasing irregular, ilang buwan
bago datnan.
"Cadence," mahinang tawag ko. Itinigil niya ang kanyang ginagawa para lingunin ako.
He even raised a brow. "Anong ginawa mo noon?"
His lips tugged up a in an annoying smile. "Why are you so interested, huh? Gusto
mong malaman kung nambabae ako?" may pang-aasar ang himig niya.
Tinapunan ko siya nang masamang tingin. "Nagtatanong lang ako, hindi ako
interesado!"
"So, why would you ask if you are not interested?" taas - kilay niyang tanong.
My lips thinned. "Oh, how sure are you that anyone who asks is interested? Hindi ba
pwedeng nagtanong lang ako para may pag-usapan tayo?" tanong ko pabalik.
Mas lalong lumawak ang ngisi niya. "I get it. I get it. You are not interested with
what happened to me in those days. You are interested with me." He winked at me.
Kinuha ko iyong unan at ibinato sa kanya. Tawa nang tawa si Cadence. Natameme ako.
Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Sa sariling bibig nga nahuhuli ang
isda. And right now, I am a fish. Baka mukhang clown fish sa paningin niya.
"Hindi kita crush, Cadence. 'Wag kang feeling. Hindi ako interested." mariin kong
sabi nang maapuhap ko ang ilang salita.
His eyes were gleaming with mischief. Tuwang - tuwa siya. At the same time, mukhang
na-amuse siya sa nangyayari. He shook his head. Umupo siya sa clinic bed habang
nakapamulsa. His facial expression shifted into a serious one.
"Wanna know what I did the whole week you did not want to talk to me? Binabantayan
ka."
My cheeks reddened. Hindi naman halata. "At bakit naman? Kriminal ba ako para
bantayan?" pinatigas ko ang boses ko.
Ang baduy ni Cadence. Sobrang baduy niya pero nangingiti naman ako sa kabaduyan
niya. Nakakainis. This isn't healthy. Dapat hindi ako makaramdam ng ganoon. Dapat
hindi ko siya crush. Dapat i-uncrush ko siya.
Bakit sa ibang naging crush ko naman? Isang maling galaw lang nila, natu-turn off
na ako. Si Japet nga, natalo ko lang sa quizbee, hindi ko na crush nang sumunod na
araw. Pero si Cadence, nag-cutting siya. Nakaka-turn off iyon, pero crush ko pa rin
ang kumag. This is not right!
Itinuloy niya ang paglilinis ng kinainan namin. Okay na iyong pakiramdam ko.
Papasok pa rin ako sa last subject. Kailangan kong pumasok. Sayang iyong grades.
Performance tasks pa naman ang malaking porsyento sa grading system.
Humarap sa akin si Cadence ng seryoso. Akala ko galit siya na pinuna ko ang hindi
niya pagpasok. "Pareho tayong nag-cutting, Everly. Goals iyon."
Totoo naman. Masakit talaga iyong puson ko, hindi ko kayang pumasok ng klase sa
ganoong lagay.
Wala namang scheduled na quiz at puro lectures lang. Pero nag-aalala pa rin ako
kung saan kokopya ng notes. Hindi ko maasahan sa ganoon si Jala. Pipicture-an niya
lang iyon pero hindi naman isusulat sa notebook.
"Ako rin, masakit puson ko." panggagaya niya. He winked. Umaatake na naman ang
kaepalan ni Cadence.
Bumabawi yata sa ilang araw na hindi kami nag-usap. It's becoming normal. No, it
became normal. Kino-consider kong normal na magka-usap kami ni Cadence at iyong
pangungulit niya. Kaya noong hindi kami nag-usap ng ilang araw, parang lantang
gulay din ang dating ko.
Hindi ko namalayang tulala ako habang iniisip ko lahat ng iyon, Cadence poked me in
the forehead. Seryoso niya akong tiningnan. "'Wag mo masyadong isipin. Mahal ka
no'n." His lips tugged up with a slight smirk. I was brought back into reality.
Tinampal ko nang malakas ang kamay niya. Hanggang sa sunod - sunod ko na siyang
pinalo.
Sinasalag ng kanyang braso ang bawat palo ko. "Hey!" awat niya. "Stop that! Ang
liit mo, tapos ang lakas mo mamalo! What creature are you?!"
I glanced at the wall clock. It was nearly three in the afternoon. Three p.m ang
start ng klase namin sa T.L.E. Nakahalukipkip si Cadence habang nakasandal sa
pader. Ang laki na naman ng ngisi niya. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko.
Mukhang hinihintay kung kailan ako matatapilok para muling pagtawanan.
Unang beses pa lang ng buwanang dalaw ko, nagsisimula na akong mairita. Iba sa
pakiramdam. Lagi rin akong naco-conscious kung mayroong tagos at hindi talaga ako
mapakali. Bakit hindi lalaki ang nagkaroon ng ganito? Napaka-easy ng kanila. May
choice pa sila kung isasagawa ang sirkumsasyon.
Inihatid ako ni Cadence sa main canteen. Dala niya ang lahat ng gamit ko pati ang
gamit niya. Sa main canteen kami naka-assign para sa presentation. Doon sana sa
Home Economics Lab, but there is another class that's going to be held there.
Muli akong nakaramdam ng hiya nang makasalubong namin ang teacher ni Cadence sa
isang subject. I was scared at the same time. Baka mapatawag siya sa office o kaya
ng guidance counselor o kaya ibagsak siya noong teacher niya. Maraming posibilidad
na pumapasok sa utak ko. Isa siya sa mga nag-cutting na minalas.
It wasn't the first time I did not attend my classes, but I have a valid reason.
Hindi ko kaya ang sakit ng puson. Wala namang matinong reason si Cadence. He was
just there because he wanted to pester me or some sort. Am I a valid reason?
Pinilit kong hindi makinig sa usapan nila. Naupo muna ako sa table na may kalayuan.
Bahagyang nakatalikod sa tayo ko iyong teacher ni Cadence, nakaharap siya sa may
direksyon ko.
Wala akong ideya kung anong kinalabasan ng pag-uusap nila. Ang alam ko lang, cool
na cool siya habang nakikipag-usap sa teacher niya. Mukhang hindi niya nararamdaman
ang takot na nararamdaman ko para sa kanya.
After long minutes, nilapitan ako ni Cadence. He has this stoic face. Hindi ko
maaninag ang totoong reaksiyon niya.
He shrugged and pulled the chair in front of me. Naupo siya sa harap ko. "They had
a quiz. And zero ako since I did not attend his class. It doesn't matter. It will
be just fine." Cadence assured me when he saw my reaction.
My face fell. Iyon na nga ba ang sinasabi ko. "Anong 'it doesn't matter'? It will
affect your grades! Kahit single quiz lang iyon." may diin kong sambit.
Sumandal siya sa upuan. Mataman niya akong tiningnan bago magsalita. "Everly,
grades don't affect me. Grades are just numbers and they are not the definition of
success. A single failure will not define who I am. Pwede naman iyong mabawi."
confident niyang sabi.
"Success is subjective, Cadence. It has several definitions. For me, as long as you
are happy and contented in life, you are successful. Those grades mean something to
me. I consider them as success. Masaya ako kapag mataas ang grades ko, it will make
my parents proud and happy. That's priceless." paliwanag ko.
Ilang segundo akong tiningnan ni Cadence. Sumilay ang isang makamandag na ngiti sa
kanyang labi. Makamandag. Poisonous. That kind of smile will only bring danger.
"Not to me, Everly. I know how you strive for that and that's commendable, liit.
I'm proud. But loosen up a bit, will you? Don't compete with your expectations or
even someone's expectations of you. Lagi kang uuwing talunan."
Sasagot pa sana ako nang namataan kong papasok na sina Jala. Kasabay niya si Lester
at Chad na dala ang mga kailangan namin sa pagluluto. Muli akong dinaluhong ng
kaba. Hindi na kasama ang sakit ng puson ko. Purely, kaba na lang talaga para sa
performance.
Mukhang naintindihan naman agad ni Cadence. Tumayo siya sa pagkakaupo. He got his
bag on the unoccupied chair next to him. Pinitik niya ang noo ko. "Good luck. I
tasted your burger on your prep. It's good. Pasado na sa akin. Hm, pwede ng mag-
asawa." nakangisi niyang sabi.
I didn't answer, inirapan ko lang siya. Sakto naman ang dating ni Jala na may
malawak na ngisi.
Tumayo ako bago ko sinagot ang tanong niya. "Hindi naman kami nag-away," I told
her.
Tiningnan ko ang buong group namin, maliban kay Ruby Pearl. Nagbigay nang signal si
Ms. Linab para magsimula na ang lahat ng grupo. "Magsimula na tayo. Maganda iyong
feedback noong practice natin." Hindi ko mapigilang mapangisi.
We did the exact same thing we practiced making. Kabado ako sa kalalabasan. Gusto
ko talagang maging mataas iyong grades namin sa presentation. I always aim for the
highest. Wala namang masama roon. Mas masama kung walang goal sa buhay.
"Yes!" tuwang - tuwa si Jala. "Highest tayo! Thank you, Sai! Nakatikim man lang ako
ng mataas na grade kahit minsan!" Sinundan pa niya iyon ng evil laugh. Medyo may
saltik talaga itong si Jala. Hindi naman siya bobo, madalas lang talagang
magreklamo at panay ang tulog sa klase.
"Group work iyon. May ambag tayong lahat." I told her. Sabay kaming naglakad sa
parking space kung saan naka-park ang van ng mga Ponce. Inihatid ako ni Jala
hanggang doon.
"Ah, group work. 'Di ka sure kung may ambag si Ruby Pearl." she even said.
Nagkatawanan kaming dalawa.
Bukas ang van, mukhang kompleto na ang magpipinsang Ponce. Tanaw ko si Cadence na
bukas ang butones ng uniform na suot. Inilang hakbang namin iyon ni Jala.
"Uy, mangga!" Jala exclaimed. Parang ngayon lang siya nakakita ng mangga.
Si Chance ang sumagot. "Yes, we bought some. Gusto niyo ba?" alok pa ni Chance.
Sinunggaban naman iyon ni Jala. Lamang tiyan din iyon. Feeling close talaga ang
isang ito pagdating sa pagkain.
Inilagay ko muna ang bag ko sa upuan bago ako bumalik sa kumpol na magpipinsang
pinag-aagawan ang mangga. Napansin ko kaagad na andoon na rin ang bag ni Cadence.
Wow, lipat van siya. Napailing akong bumalik sa kanila. Cadence gave me a stick for
the mango. Tinanggihan kong kunin iyon.
"How was it?" bulong nito. I gave him a thumbs up. Naupo ako sa bench isang dangkal
ang layo sa kanya.
Bumaling ako kay Chance. "Nagsasayang kayo ng pera. Ang daming mangga sa Tagbakan.
Baka iyang manggang iyan, inangkat lang din galing sa hacienda." Kapag mayaman
talaga nagsasayang na lang ng pera.
"Iyong alamang talaga ang binili namin. Nadamay lang ang mangga," todo paliwanag pa
si Chance parang mayroong magbabago sa sinabi ko. Nagsayang pa rin sila ng pera.
Patuloy naman ang masayang pakikihati ng kaibigan ko, inalok pa ako ni Jala na
parang kanya talaga ang mangga.
"Kuya!" Napalingon ako sa gawi kung saan nanggaling ang boses. I saw Olivia
Clotilde emerging. Papalapit siya kay Cadence. "Where's kuya Hadley?" kunot - noo
nitong tanong. I looked away. Medyo naiilang ako sa presensya niya.
"I need help with my fucking Filipino assignment, I need a good piece of poem!" she
insisted. Nagmasid lang ako sa kanila. Hindi naman matapobre ang mga Ponce. Pero
may ilang hindi ko maabot. Dalawa roon ang kapatid ni Cadence. Si Hadley at saka si
Via.
Napatingin sa akin ang kapatid ni Cadence, nakirta kong umirap siya. Nag-iwas lang
ako ng tingin.
"What's the fuss?" Dumating si Lorenzo. Kasama niya si Gio at Calliope Tatiana.
Mayroon silang dalang mas maraming alamang. "Uy, Sai!" Dumako ang tingin niya kay
Cadence na nakaupo isang dangkal ang layo sa tayo ko. Tumango - tango pa siya. May
nang-aasar siyang tingin sa akin.
"I need him to help me with my poem. Wala naman sa inyong marunong gumawa ng tula,
incompetents!"
Lorenzo cleared his throat. "Excuse me, Via, but I am a poet." seryosong - seryoso
ang mukha niya. "Gusto niyo ba ng sample? Watch. I'm good in Filipino subject."
Tumahimik ang lahat at walang umimik. Mukhang walang naniniwala sa kanya. Oh, poor
Lorenzo. He recited his piece, anyway. And presented himself like makatang hilaw.
Mayroon pang galaw ng kamay.
"Oh giliw ko,
kung hindi mo
"Oh, shut up!" Via screamed. She was beyond irritated. Binato ni Cadence ng buto ng
mangga kay Lorenzo habang nalaglag iyong manggang nasa bibig ni Jala.
Napa-face palm ako. Puro kabalbalan ang alam ni Lorenzo. Magkakasakit yata ako ng
wala sa oras dahil sa tulang iyon. Nakaka-stress. Sana ay mahanap niya ang tamang
daan.
Galit na galit si Via for some reason which I understood. Hanggang Tagbakan iyon
ang usapan. Sa ibang parte naman napapadpad ang utak ko. I'm just really glad that
the presentation is done. And more than on speaking terms na muli kami ni Cadence.
I could feel my heart thumping really fast inside my chest as I told my parents
about my first menstrual cramp. Si nanay ang kumausap sa akin. She told me things
about my monthly period. But what remained the most is the word pregnancy. Alam ko
na rin naman iyon. Napasadahan ang ganoong topic sa Science class.
Mabuti na lang hindi sila masyadong nagtanong ng details. Puro pangaral lang sa
pagdadalaga ang pinaalala sa akin ni nanay. Hindi ko alam kung paanong sasabihing
si Cadence ang nag-asikaso ng halos lahat. Pati iyong panty at napkin ko. Just
thinking about that, it makes me blush. Siyempre, hindi kita sa mukha ko.
Pakiramdam ko sobrang hubad nang pagkatao ko kay Cadence. He knew almost everything
about me. Mas alam pa niyang unang dalaw ko. And he even bought a half dozen panty
for me. It's making me more awkward. Kung kanina, nahihiya ako. Mas lalo akong
nahiya nang ma-realize ko ang nangyari. I bit my lower lip.
"Sai!" Nena barged into the mini kitchen. Nagpri-prito ako ng talong. Sabado, kaya
kami lang ang naiwan sa bahay. Maagang pumunta si tatay sa sakahan.
Pinanlakihan niya ako ng mata. "May tagos ka!" bigla niyang sambit.
My eyes widened at what she said. Ibinaba ko ang hawak kong siyansi. Mabilis kong
sinipat ang likuran ko. I was looking for that blood stain she was telling me.
Pinukol ko siya nang masamang tingin. Kinuha ko ang siyansi para ibato sa kanya.
Pero naibaba ko rin iyon nang maamoy ko ang nasusunog na kawali. Sa pagkataranta
ko, hinawakan ko ito ng walang pot holder. Medyo napaso ako. "Napaka-epal mo, Nena.
Nakakaasar ka!" inis na inis kong wika.
Tinanggal ko ang sunog na talong sa kawali. Ipapakain ko iyon sa kanya. Matapos
niyang tumawa na parang walang bukas, muli siyang sumeryoso. She stayed in her
position. "Hindi kasi iyon ang sasabihin ko dapat."
"Wala akong pakialam sa sasabihin mo." Inirapan ko siya. "Kita mong nasunog ang
talong, iyan ang ulam mo mamaya." banta ko pa.
"Nakita ko naman, kakulay mo nga e!" Offend na offend ako sa sinabi niya dahil
badtrip ako sa kanya.
Nginisian niya lang ako nang pagkalaki - laki. Hawak niya ang kanyang alagang pusa.
Si Garfield iyon pero babae. Meron pa siyang isa, hindi ko lang alam kung saan
pakalat - kalat.
Alipustahin na si Nena, 'wag lang ang pusa niya. Matatalupan ng buhay ang sino mang
magtangkang galawin ang mga alaga niya. Iyon din naman ang gagawin ko sa
tampalasang mananakit kay Meow.
She was caressing its hair lovingly. Tumingin siya sa akin. "Si Cadence nasa labas,
hinahanap ka."
"Ha?"
Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit siya andito? Anong ginagawa niya rito? I looked
at myself. Kagigising ko lang. Kinapa ko pa ang mukha ko.
Huminga ako nang malalim. Relax, Sai. Kalma. Masyado kang halata. Nakakainis!
Nag-peace sign siya. "Joke lang," nakaupo na siya sa silyang gawa sa kahoy. Bini-
baby na naman niya si Garfield. Padabog akong lumapit sa kanya. Nag-angat siya ng
paningin sa akin. "Hindi mo ako sasaktan, Sai. Alam ko na ang sekreto mo. Alam kong
crush mo si Cadence! Kapag sinaktan mo ako, isusumbong kita kay tiya!" tumawa pa
siya. Mukhang witch siya sa paningin ko ngayon.
She nodded. Malakas kong pinitik ang kanyang noo. "Nakakainis ka!"
I walked out of the kitchen. Iritado talaga ako kay Nena. Naupo ako sa labas ng
bahay namin. Dagdag na rin sigurong nire-regla ako kaya mabilis mabago ang mood ko.
Akala niya nakakatuwa iyon. It wasn't really funny at all. At akala naman niya
matatakot niya ako sa ganoon.
"Pst,"
Sana kainin ako ng lupa kasama ang magulong buhok ko. Gawd.
***
Hello po, I made a group for my stories. If gusto niyo pong mag-join, you can
search Psycho's Asylum (Stories of PsychopathxXx) on facebook and you can share
your thoughts and feels there. Hehe. Thank you po for reading, have a good night! :
))
Ikalabindalawang Kabanata
Kabanata 12
Usapang paglisan...
Ilang araw nang tumatambay sa may amin sina Cadence kasama ang mga pinsan niya.
Wala akong konkretong ideya kung bakit madalas silang magawi sa parteng amin o kung
anong ginagawa nila. Minsan isa siyang malaking distraksiyon na pagala-gala at
sumusulpot sa kung saan. Ipinagkibit - balikat ko lang iyon.
Tinataon nilang nakaalis na si tatay patungong sakahan. Dumadaan sila sa bahay para
lang inisin ako. At hindi maiiwasang mayroon silang dalang kung anu - anong
pagkaing pinaluto sa mansyon.
Ayokong lumabas ng bahay kapag alam kong nasa paligid lang sila. Nagsimula na akong
makaramdam ng hiya sa katawan simula noong binilhan niya ako na panty at napkin.
Sino bang hindi makakaramdam ng hiya? Napakakapal ng balat kung ganoon. Isa pa, may
porsyentong nahihiya ako kay Cadence dahil crush ko siya.
I don't want him to know. I don't want him to have an idea. Lalaki ang kanyang ulo,
mayabang pa naman ang isang iyon.
Halos kasabay nang pagtambay ng mga Ponce, ilang araw na ring nilalagnat si Nena at
panay ang iyak. She was devastated not seeing Fieldgar for a week. Hindi na niya
nakita ang alagang pusa ilang araw na. Hindi rin siya nakakapasok dahil sa sakit.
Walang may ideya ni isa sa amin kung saan pumunta ang pusa ni Nena.
S'yempre, ako agad ang unang suspek sa bahay. Pero hindi naman ako ganoon kasamang
tao para iligaw ang kanyang pusa. It won't make me happy that someone's suffering
because of what I did. Minsan lang, isang temptasyon ang ideyang iyon. But I will
never do it.
Bitbit ang tray na may lamang maliit na palanggana at labakara, pumasok ako sa
kwarto ni Nena. Kailangan na rin niyang uminom ng gamot. Kung dati ang sarap niyang
asarin na ililigaw ko ang mga pusa niya, awang - awa naman ako sa kalagayan niya
ngayon.
Ipinatingin na rin siya ni nanay sa bayan, niresitahan naman ito ng gamot pero
hanggang ngayon hindi pa rin gumagaling. Factor din ang attachment niya sa alagang
pusa.
I touched her forehead. Mainit pa rin ang kanyang sentido. Itinabi ko ang tray sa
gilid ng kanyang higaan.
Napa-buntong hininga ako. "Nena, inom ka na ng gamot." mahina kong sambit. Marahan
kong tinapik ang kanyang braso para magising.
She opened her eyes and looked at me. Napuno nang luha ang kanyang mata. I hate
seeing her tears. Pinipiga rin noon ang puso ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko
hawak ang alaga niyang pusa. I swear, I didn't do anything about her pet.
"Sai," tawag niya sa pangalan ko. "Hindi ko na ikaw aawayin, ibalik mo lang si
Fieldgar."
Sumimangot ako. Hindi naman ako ganoon kasama. "Maraming beses ko ngang sinabi,
hindi ko naman iniligaw is Fieldgar. Kahit mukha akong hindi katiwa - tiwala, hindi
ko naman gagawin iyon."
Inalalayan ko siyang bumangon. I feel for her loss. Ganoon din ang mararamdaman ko
kung kay Meow iyon nangyari. I would be devastated. Naks, english na naman.
"Hindi naman masarap ang luto mo," she even told me. "Baka kaya hindi na siya
babalik."
Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon, may sakit siya kaya hindi ko pwedeng awayin.
Hindi naman siya marunong magluto. Sobrang nakaka-offend.
Nameywang ako sa harapan niya. "Ikaw na nga itong inaasikaso, ikaw pa iyong may
ganang insultuhin ako!" naiiling kong wika. "Kailangan mo nang gumaling, ilang araw
ka ng hindi naliligo! Yuck, ang baho mo!"
Tuwing weekend, ako ang naatasang gumawa ng gawaing bahay. Dapat katulong ko si
Nena pero hindi pa rin niya matanggap ang pagkamatay ni Fieldgar. I am declaring
her pet is already dead. Hindi ba't ganoon naman? Kapag hindi na bumalik, ibig
sabihin, patay na. Sometimes, it doesn't mean literally. Minsan patay na ang
nararamdaman ng isang tao kaya hindi na ito babalik, just like in those pocketbooks
I've read. Sad, but that's how it is.
Binuksan ko ang kwadra ni Meow. Balak ko siyang paliguan sa poso. Hinaplos ko ang
balahibo niya. He just made its horse sound.
"Don't ever leave me, Meow. I don't want to deal what Nena is dealing right now.
Sobra akong malulungkot." I told him. Maybe, he can understand me. Matatalino naman
ang mga alagang hayop. They can feel, too. Sometimes, they are more human than we
could ever be as humans.
Hindi naman ako malungkuting tao. But I don't know, if ever I feel that sadness to
the highest level, hindi ko alam kung kakayanin ko iyon.
"I won't leave you." Someone said from behind. Ang sunod kong narinig ay ang
paghalakhak. Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Kung mayroon akong sakit, patay na
ako ngayon. "Hindi sasagot iyang si Meow. Pero ako, sasagutin kita."
Kilalang - kilala ko na ang boses ni Cadence kaya hindi na ako lumingon pa.
Mayroong lahing kabute yata siya, kung saan - saan siya sumusulpot.
I pat Meow's head. I hugged my horse buddy. Wala akong pakialam kung mayroong
kabuteng nakatingin sa akin. Ilang minuto ko iyong ginawa bago ako humarap kay
Cadence at pasimple siyang inirapan.
Hindi ako sigurado kung sinong pinatutungkulan ng isang ito sa pahayag niyang iyon.
Was it meant for me? He's probably joking. Umiling ako. "Wala ka namang sasagutin
kasi wala naman akong tanong para sa'yo. Isa pa, 'wag kang magsalita ng patapos,
Cadence. Hindi ka roon sigurado. Pagbabago lang ang permanente sa mundo."
Yes, change is the only permanent in this world as they say. And somehow, it
saddens me. Feelings change. Relationships change. Everything basically changes.
He just shrugged. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Mukhang seryoso siyang nag-
iisip. Ah, may isip pala.
Sabay kaming naglakad patungo sa poso ng walang imikan. Hawak ko ang tali ni Meow.
Doon ako humuhugot ng lakas. Ramdam ko na naman ang pagtibok ng puso ko. Mabilis
iyon at kinakabahan.
Inilapag niya ang timba sa bunganga ng poso. Pumunta naman ako sa hawakan nito para
magbomba. Kitang - kita ko kung paano tumaas ang perpektong kilay ni Cadence. It
seems like he doesn't like what I did. Humakbang siya papalapit sa tayo ko.
I faked a shocked face. "Wow. Kaya mo ba?" Nang-aasar kong tanong. Hindi naman siya
sanay sa gawaing hacienda. Minsan, pasikat lang.
Inirapan niya ako at bahagyang tinabig paalis sa tayo ko. "I should be asking you
that. Sa liit mong 'yan, kaya mo?" Ngumisi siya nang nanghahamon.
"Baka ikaw ang hindi! Ma-muscles ka lang, pero wala namang halaga." I stuck my
tongue out. The war is on.
There's this spark in his eyes. "Ganoon? Gusto mo bang makita ang muscles at abs ko
habang nagbobomba para naman malaman mong may silbi sila?" may kaseryosohan ang
tono niya.
Agad akong naalarma. Well, I bet it's a good sight. Ang landi! Pero hindi iyon
magugustuhan nang makakita. Lalo na't magiging laman kami ng tsismis. Malisyoso pa
naman ang mga tao.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi pwede, Cadence!" may kalakasan ang boses ko.
Province has a lot of tsismosa't tsismoso. Kahit saan naman yata, they are already
breeding. Mas marami nga lang sa bayan namin. Ayokong mapalayas ng aking ama ng
wala sa oras.
Tinawanan niya lang ako. Sinimulan na niyang magbomba hanggang sa mapuno ang
timbang ipapaligo ko kay Meow. Safeguard pa iyong gamit kong sabon sa kanya para
mawala ang ninety-nine percent of germs. Matapos ko siyang sabunan, binanlawan ko
si Meow gamit ang tubig sa poso.
Napalingon ako kay Cadence nang maramdaman ko ang kanyang titig. Lantaran siyang
nakatitig sa akin, hindi man lang nahiya nang sumulyap ako. Wala naman talaga
siyang hiya. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak
niya sa sitwasyong iyon. His eyes speak more. But they were mysterious. More often,
mystery can attract a person. I am attracted.
"What you told earlier..." he trailed off. Muli akong sumulyap. Alin doon? Siguro
iyong bago kami nagtungo sa poso. Iyong eksenang nadatnan niya habang kausap ko si
Meow. "I won't leave you on purpose, Everly. If that happens, the situation calls."
Natigil ako sa pagbabanlaw. "Bakit mo sinasabi iyan?" mahina ang boses ko. "Kapag
gusto mong umalis, hindi kita pipigilan. Kung gusto mo nga, ihahatid pa kita sa
sakayan." Naiilang kong sagot.
Hinfi naman ako namimilit ng tao. But when it comes to Cadence. I don't know. Hindi
ako ganoon kahandang pag-usapan. Cadence is a total surprise. Pero mabilis siyang
nakapasok sa sistema ko. Crush ko na nga siya ngayon.
"I doubt that, Everly. I know, you'll cry." sigurado niyang wika. Nabalik ang
usapan sa paglisan.
Ibinaba ko ang tabo, hinarap ko siya. "Possibility wise. What's the point of
telling me that? Alam mo palang iiyak ako, so, bakit parang nagbabalak ka pa ring
umalis?" I asked. Huminga ako nang malalim. "Considering your idea na iiyak ako
kahit hindi naman ako iyakin." That's a one-fourth lie. Napaiyak nga ako noong
minsang na-frustrate ako sa kanya.
Umirap ako sa ere. "You always have a choice. Wow. What a talk. Cadence, sobrang
bata pa natin tapos ganito na iyong takbo ng usapan. Wala naman akong pakialam kung
umalis ka." I told him. I don't want to talk about it anymore. Sinipa ko ang timba
patungo sa bukana ng poso.
He was about to answer when a group of boys emerged. Walang iba kung hindi ang F4.
F4 na kinulang sa paligo. Naalibadbaran ako sa pagmumukha nila.
"Uy, Cadence!" agad na bati ni Teryo sa kasama ko. Wow lang. Close?
Mas lalo akong na-shock nang makipagkamay pa ang mga ito kay Cadence na tinanggap
naman ng huli.
"Uy, Sai." sabay - sabay nilang sabing apat nang makita ko. Abot - langit ang laki
ng ngiti nila. Pinanliitan ko sila ng mata. They must be up to something. Kilala ko
ang likaw ng bituka nila sa ilang taon na rin nilang pambubully sa kutis ko. "Ang
prinsesang maitim."
Nagtawanan sila. Nakita ko pa ang bungal na ngipin ni Mamag. Even Cadence laughed
with them. Bahagya ko siyang sinipa sa paa. "Belong ka sa group of animals na ito?"
Tumigil siya sa pagtawa at tumikhim. Tinaasan niya ako ng kilay. Namulsa siya.
"They work for me, Everly." he declared.
"Ang judgementol mo naman, Sai!" palag ni Teryo. Inirapan ko lang siya. "May oper
sa amin si boss Cadence."
"Anong klaseng trabaho, aber?" I asked them. Boss. Wow, boss Cadence.
Ngumisi iyong tatlo. "Simula ngayon kami ang taga-silbi nang maitim na prinsesa."
They bowed in unison.
Kumunot ang noo ko. Nakatitig lang ako sa kanila nang matagal. Anong nangyayari?
They weren't so nice to me before. We were enemies. Naguguluhan akong tumingin kay
Cadence.
"What? They are going to help you with your chores." kibit - balikat niyang saad.
Magkasalubong ang kanyang kilay. Hindi ko pa rin maintindihan.
"Para saan?" I don't quite see the need. "Sometimes, your actions are confusing me.
All of these that you're doing won't make sense if you won't explain further what
are these for."
Hindi siya umimik. Ginulo niya ang kanyang buhok His lips thinned. Titig na titig
lang siya sa akin. "Why am I being cornered by a thirteen year old girl, huh? Isn't
it so obvious?"
Humalakhak ang grupo nina Teryo. "Kahirapan kapag ano... kapag ano sa matalino.
Lahat may eksplinasyon dapat." Rambo commented. "Kaya ako sa katapat ko lang."
Inagaw nila ang timba at bomba sa akin. "Kami na nga, Sai! Trabaho namin ito!"
Hindi na ako nakapalag pa nang magsimula na silang magbomba. I looked at Cadence,
nakangisi lang siya habang pinagmamasdan ang reaksiyon ko. May epekto na iyong
ngising iyon. Crush ko na siya at baka dumagdag pa, panay ang ngisi niya sa akin.
Hanggang sa pagbuhat ng isang timba, ang grupo nila Teryo ang gumawa. Cadence
walked with Meow. Naguguluhan talaga ang buong pagkatao ko. Sumunod ako sa kanila.
Napakamot ako sa ulo. Pero agad ko ring ibinaba ang kamay ko. "Hindi ko sigurado.
Baka hindi ako payagan ni tatay. May sakit pa rin si Nena." sagot ko. Alam niyang
may sakit si Nena. Nagdala pa sila ng prutas ni Lorenzo para sa pinsan ko.
Napatango ako kahit napapailing. It's a tradition here. Mas pinaghahandaan pa ang
birthday ng mga hayop kaysa sa tao. Mas mahal nila ang mga alaga kaysa sa sariling
anak. Minsan nakakainggit.
"Sai!" Rinig kong tawag ni Nena. Mabilis akong naglakad papalapit sa amin. Bahagya
akong kinabahan. Baka kung anong nangyari sa kanya.
When I get there, I was shocked a bit. Nakabangon na si Nena at sa mga bisig niya,
andoon si Fieldgar. Kanina lang, wala man lang siyang lakas para bumangon. Bumalik
siya. Bumalik ang alagang pusa ni Nena.
"Are you feeling good, Nena?" Cadence asked her. She smiled widely at us and
nodded. Lumapit ako sa kanya para damhin ang kanyang leeg at noo. Surprisingly,
hindi na siya ganoon kainit. Mukhang nagmilagro talaga ang pagbabalik ng alaga
niya.
"Hindi ko nga alam, hindi pa ako nakakapagpaalam kay tatay! Hindi ako papayagan
noon!" I hissed.
"I'll be at your door early in the morning tomorrow. Ipagpapaalam kita." he said
surely.
Binitiwan ko siya nang makalampas kami sa poso. "Oo na. At Cadence," Tumigil ako sa
paglalakad. "Para saan ba ang grupo ni Teryo? Hindi ko naman sila kailangan.
Masyadong mayabang ang mga iyon."
"They are on duty every time I am not around. Don't worry about them, hindi na sila
bully." He wiggled his eyebrows. Tinanggal niya ang pagkakatali ni Madonna.
Napakamot ako sa ulo. "Wala naman akong pakialam kung bully sila. I can handle them
just fine. But this is too much."
Humarap siya sa akin. "None of these is too much, Everly. So, chill. Ako ang bahala
sa'yo." He winked. Sumampa na siya sa saddle ni Madonna. Mas lalo siyang nagmukhang
mataas sa kanyang tayo. He's like a king looking down on his subjects. Lumayo ako
kay Madonna nang sumipa ito sa ere.
"I'll see you tomorrow, then." Ngumisi siya at kumindat. Mabilis at sunod - sunod
ang yabag ng kanyang kabayo papalayo. I just watched him leave.
I don't know. Everything is confusing me. Now, I get it. Mahirap lumandi nang
maaga. Siguro dapat sa gabi. Ah, nakakainis!
Bumalik ako sa bahay. Kausap ni Nena si Fieldgar. Katabi rin niya si Garfield.
Nanlaki ang mata ko sa dalawang kuting sa mesa. Pareho namang babae ang pusa ni
Nena. Imposibleng magkaroon sila ng anak.
"Sai, may bago akong babies." She told me. "Si Star at si Lala."
Kumunot ang noo ko. "Wala ka man lang bang creativity?" tanong ko. I realized
something. "Magnanakaw iyang si Fieldgar, dapat dinidisiplina mo ang pusa mo!"
pasigaw kong sabi sa kanya. Nagmartsa ako papasok sa kwarto.
"Siguro wala na rin iyong parents nila kaya kinuha sila ni Fieldgar..." I heard her
defend her cat. Sasagot na sana ako nang marinig ko ang sunod na sinabi niya.
"Kagaya ko."
I sighed. She didn't bring that topic up in daily basis, but my heart ached for
her. Hindi na ako umimik. Hindi rin naman ako sigurado sa sasabihin ko. I don't
want to create more damage.
Iniisip ko ang mangyayari bukas para ma-divert ang atensyon. Excitement is flooding
all over me the whole night. Ganoon yata kapag may crush. Iyong totoong crush
talaga.
But every time, I see Cadence going into our home. Ang itak ni tatay ang unang
pumapasok sa utak ko. Hindi iyon maganda. Baka nga maitak talaga siya.
Hanggang sa dumating ang bukas, kabado ako. Hindi ako masyadong nakatulog kaya may
sikat na ng araw nang magising ako. Late akong nagising!
It's not good. Mabilis akong bumangon at tumakbo pababa. Sa likod ako dumaan
papunta sa C.R. Naghilamos ako at nag-toothbrush. Patakbo akong bumalik sa loob ng
bahay.
Saktong bumungad sa akin ang nakatalikod na si tatay. He was talking with a lot
of... teens. Buong kabataan yata ng Tagbakan ang kaharap niya. Anong nangyayari?
Lumapit ako ng bahagya sa kanila. Pumuwesto ako sa bandang hindi nila nakikita.
Well, maliit naman ako. Hindi talaga nila ako makikita sa may likuran ni tatay.
"Iuuwi po namin agad si Ever --- I mean, si Sai bago gumabi. That's a promise. Kung
mayroon po siyang gawaing bahay, kami na po ang gagawa noon. Just please, let her
be with m--- us today."
I could feel the tension. Totoo ngang ipagpapaalam ako ni Cadence. Pero bakit naman
hakot ang kabataan ng buong hacienda? Mukhang kanina pa sila nagdi-diskusyon.
Hanggang ngayon wala pa ring desisyon.
"Ilang beses ko nang sinabi, hindi pwede si Sai. Pasensya na Ponce. Hindi pa
magaling sa sakit si Nena. Walang magbabantay sa kanya habang nasa trabaho kami."
marahan at mahinahong wika ni tatay.
Narinig ko ang pagtikhim ni Cadence. I am not sure what he's going to say and I am
anticipating for the words. "Sige po, sa susunod na lang po. I understand. Salamat
po at pasensya na sa abala." I feel the heavy feeling on his voice but firm as
well. Hindi ko namalayang pinipigilan ko ang aking paghinga.
Cadence did not push his luck. He backed down and respected my father's decision.
Hindi siya nagpumilit. And somewhat, I appreciated that.
Rinig ko ang yabag nila paalis. Nagkatinginan kami ni tatay nang pumihit siya
paharap sa tayo ko. I smiled a little. May parte sa aking disappointed. I was super
excited last night. Ganoon talaga. But I understand tatay's decision.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Nauna na ako sa kusina para kunin ang tasa at
kapeng barako. Nilagyan ko iyon nang mainit na tubig mula sa thermos. Muntik pa
akong mapaso.
Naglakad ako pabalik sa mesa. Ibinaba ko ang kanyang kape. "Heto na po ang inyong
kape. Matapang na matapang saka mainit."
Hindi agad ako nakaimik. Gusto ko but instead, I said. "Wala pong kasama si Nena.
Dito na lang po ako."
Tiningnan niya ako nang matagal na parang sinusuri ang ekspresyon ko. Huminga siya
nang malalim bago muling nagsalita. "Pinapayagan kitang pumunta roon, Sai. Maaari
kang sumama sa kanila."
Napatigil ako paghahain ng kanin. Tama naman yata ang narinig ko. "Po? Paano po si
Nena?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Mabigat ang mga salitang iyon, but right now, it doesn't seem so. Pinayagan ako ni
tatay! Gusto kong pumalakpak sa tuwa pero pinagkasya ko na lang sa isang ngiti.
"Hindi ko po sisirain ang tiwala ninyo ni nanay."
Ikalabintatlong Kabanata
Kabanata 13
Promise
Ang daming pagkain, that's my first thought. Daig pa ng kabayo ni Cleo ang
pinagsamang birthday namin ni Nena. Pansit lang ang handa namin tuwing birthdays,
pampahaba ng buhay, if that really counts. Kasi kahit gaano karaming pansit ang
kainin, kapag oras na, oras na talaga.
Natatawa akong lumapit kay Jutay at Amy na invited din sa pagsasalo. Lahat naman ng
taga-rito, invited.
I was looking for Cadence. Siya naman ang nag-imbita sa akin dito kaya siya ang
unang hinanap ko.
"Alam mo may naaamoy akong malansa," Napalingon ako kay Jutay na maarteng
nakatingin sa akin.
Tumaas ang kilay ko. "Baka hindi ka lang nag-toothbrush tapos ulam niyo isda."
sagot ko. Pareho kaming humagikhik ni Amy nang sumimangot ito.
Tinampal ni Jutay ang aking braso. Binigyan niya ako nang nang-iinterogang ngiti.
Nanliit ang kanyang mata. "May namamagitan ba sa inyong dalawa ni Cadence? Ha,
Sai?"
Napamaang ako sa kanilang dalawa ng ilang segundo. Mukhang magaling talagang mang-
amoy ng baho si Jutay. He can sense it very well. Wala naman, maliban na lang sa
crush ko siya. Iyon lang ang may malisya.
"Alam mo, Jutay, gutom lang iyan. Sakto ang daming pagkain." pag-iiba ko sa usapan.
Inginuso ko sa kanya ang pagkain sa harap. Nabaling doon ang atensyon naming tatlo,
lalo na sa lechon. Nangingintab ang balat nito, masyadong mapang-akit. Nakakatakam.
Nagsimula na ang kainan.
Pumila kami para kumuha ng pagkain. Everyone is doing the same thing. Kumuha ako ng
paper plate at saka utensils. I'm really excited for the lechon. Gusto ko iyong
crispy skin. Si Mang Feipe ang nagtatadtad noon. Kung andito si Nena, mas matutuwa
iyon sa akin. Baka naman mabinat siya kung pinayagan ni tatay.
I was about to make another step, mayroong kamay na humarang sa akin dahilan para
hindi ako makalakad. Pati iyong kasunod ko sa pila napahinto rin. I looked up to
see Cadence, he's holding a plate of lechon. The best part. Iyong balat ng baboy.
Nakataas ang kilay niya.
He shook his head. Nakarinig ako nang pagtikhim sa aking likuran. Ako na pala ang
kasunod sa pagkuha ng pagkain. Kinuha ni Cadence ang isang kamay ko at inilagay
niya roon ang platong may lamang lechon skin. My hand was trembling a bit.
Mukhang nakatingin sa amin ang mga tao. Sa tangkad ni Cadence, sigurado ako.
Bahagya ko munang ibinaba ang ibinigay niyang lechon best parts sa gilid ng mesa
para kumuha ng cake, tuna pasta, fresh fruits na may chocolate fondue at s'yempre
iyong lumpia ala Ponce.
Minsan iniisip ko na lang, sana kabayo na lang ako ng mga Ponce sa next life ko.
Pati iyong panganganak, isini-celebrate ng bongga.
Sumunod ako kay Jutay at Amy, katabi ko si Cadence. Mukhang bagong gising siya.
Mukhang mas nakalimutan pa niyang mayroong selebrasyon sa kanila kaysa sa akin.
"I thought, you are not going." mahina niyang sabi habang humihikab. "So,
kagigising ko lang."
Pasimple akong ngumisi. "Walang nagtatanong," pambabara ko. I don't need to ask
anymore. Sinabi na niya agad.
He shot me a glare. Hindi siya umimik habang magkasabay kaming naglalakad patungo
sa table nina Jutay. Wala akong ideya kung nagalit ba siya, kung nagalit man siya
at hindi niya ako papansinin. Edi hindi ko rin siya papansin. Tapos ang problema.
Nanlaki ang mata ko nang muntik na kong matisod sa damuhan. Flat iyong daan pero
madadapa pa ako. Cadence was fast enough to hold my shirt. My face didn't have to
kiss the soil, but I was choke. Hindi rin nalaglag ang pagkain ko. It was heart-
dropping moment for me. At nakakahiya panigurado.
"Mabilis ang karma, liit." He said, chuckling. Kinuha niya ang isang plate ko. Siya
na ang nagbitbit noon patungo sa table nina Jutay. "I'll just get you water." Nag-
wiggle pa iyong eyebrows niya.
Naupo ako sa tapat ni Amy. Nasa side namin si Jutay. Takam na takam ako sa lechon.
I don't have lechon on my birthday, kaya sana kabayo na lang ako sa next life ko.
Bumungad sa akin si Jutay nang mag-angat ako nng paningin. He was looking at me
incredulously. Medyo nakakatawa iyong hitsura niya. "Sabi ko na nga ba!" akusa niya
habang sumusubo ng spaghetti. "Unang tingin ko pa lang alam ko na!"
Umiling lang ako at nagsimulang kumain. Whatever he has in mind, I don't want to
entertain the idea. Inuna ko iyong crispy skin na binigay mismo ni Cadence. I was
humming while eating the skin. Masarap. Tama iyong lasa. Minsan kasi mayroong
lechon na malutong nga ang balat, wala namang lasa.
"Sai!" Jutay wouldn't just give up easily, unless he fished for the information he
wanted. Inirapan ko lang siya at sinamaan ng tingin. "Fine! Dedma ang byuti ko!
Pero payong kaibigan lang, Sai. 'Wag masyadong pahalata, baka mai-tsismis ka ng mga
inggetera." He glanced at Lucy's table.
My eyes followed that direction. Nakatingin silang tatlo sa gawi namin. Mukhang
hindi nila gusto ang nangyayari. Jutay is actually right. It's the most stressing
part. Ma-issue kahit wala namang ginagawang masama.
May dalang apat na baso ng tubig si Cadence nang bumalik sa aming pwesto. He gave
one of us a drink. Tuwang - tuwa naman si Jutay.
"Thank you, pare." He even said. Muntik ko pang mailuwa ang kinakain ko para
humagalpak ng tawa. I just wish he would come out sooner. Pero hindi ko naman
business iyon.
Agad na bumalik ang atensyon ko kay Cadence na mukhang nagtataka sa pagtawa ko nang
malakas. Bumulong ako sa kanya. "Bakit ka ba andito? Nasa kabilang table ang mga
pinsan mo."
Nagsalubong ang kanyang kilay nang tumingin sa gawi ko. "Wala namang nagsasabing
bawal ako sa table niyo. So, what's the big deal?" Nahihimigan ko na iyon ng inis.
"Si Lorenzo nga pakalat - kalat kahit saang table."
Totoo naman. Bakit ba masyado akong affected? Wala akong ginagawang masama, isip
lang nila iyong marumi. Ako lang naman iyong may crush sa kanya. Hindi ko na
pinansin iyong tingin ng grupo nina Lucy.
Naupo siya sa tapat ni Jutay. Ako naman ay nagpatuloy sa pagkain. Cadence talked to
my friends while I eat my pasta and cake. Paminsan - minsan sumasabat naman ako sa
usapan nila. He's also stealing my food. Pasimple siyang kumukuha ng pasta gamit
din ang tinidor ko. Kaya panay ang sama ng tingin ko sa kanya. S'yempre, makapal
naman ang kanyang balat kaya wala lang iyon.
"You want more?" He asked seeing my paper plate, said ang laman. I just nodded.
Hindi pa talaga ako busog. And I will not deny that. Bakit kasi nauso ang pagiging
mahiyain? Kapag hindi pa busog sa birthday party, dapat matutong magsabi.
Umiling siya. "Kapag ikaw pinakain ko ng damo sa kahit ano, baka mag-complain ka,
liit." Umusok ang ilong ko sa sarkasmo niya. Bumaling si Cadence sa dalawa. "Kayo
ba? You want something else?" inisa - isa niya ang nasa table namin.
"How about you, Amy?" He asked my friend, still busy with her plate.
Napakamot lang ako sa ulo at inirapan ko sila. They are full of assumptions.
Assumera. My attention was diverted when Cleo --- Chantelle Cleopatra Ponce ---
arrived at the scene. Nakaalalay sa kanya si Maddox at Gio. She got blind in the
accident last election season. It's good to see her outside of the mansion. I
guess, it was tough for her.
"Ang hirap noon, 'no? Imagine, ilang taon siyang nabuhay nang nakakakita ng
perpekto tapos sa isang iglap, mawawala lang iyon." sambit ni Jutay. Kita ko ang
awa sa kanyang mukha.
Sumulyap sa kanya si Amelia. "Ang alam ko, hindi na siya pwedeng makakita." sinabi
niya habang tumutusok ng smoky ham. Iyon nga ang usap - usapan. Hindi ko naman
tinatanong si Cadence tungkol doon.
Simula noong nangyari ang aksidente, she hasn't gotten out that much. It is
refreshing to see her. Walang kangiti - ngiti ang kanyang labi. May suot siyang
malaking sunglasses. She still has the perfect Ponce genes.
Bago pa man makapagkomentong muli ang dalawa kong kasama, dumating si Cadence na
mayroong hawak na tray. Naparami yata ang dala niyang pagkain.
"Thank you, pare." muling sabi ni Jutay. Nagkatawanan kaming dalawa ni Amelia.
Magkasalubong ang kanyang kilay na inabante ang upuan, and sat on the chair next to
me.
Ang daming pagkain na nakahain sa harapan ko, hindi ko alam kung anong uunahin.
More lumpia at saka chicken wings. There are sweets too. Muli namin iyong
pinagsaluhang tatlo. Nakikikain din naman si Cadence pero madalang. Sa plato ko
naman siya kumukuha.
May nakahanda ring palaro at contest para kompleto ang selebrasyon ng kabayo. Doon
napunta ang atensyon ng lahat. Game na game naman si Jutay. Dumayo pa siya sa table
sa unahan kaya kami lang tatlo ang naiwan sa table. But Amy excused herself too.
Kanina pa raw siya natatae, hindi na niya kayang pigilan.
"Ano?" Nanatiling nasa unahan ang aking tingin. Kumakanta sa mini stage si Zion,
and actually, he sounds great. I wonder, kung marunong ding kumanta si Cadence.
Baka naman mayroon siyang hidden talent. "Do you sing too?"
"No, that's probably Tita's genes. Hindi sa side ni Papa." He told me. "He's not
even that good."
Nilingon ko siya. "Napakayabang mo, Cadence. To think, you can never be on that
level, puro ka yabang." prangka kong wika.
His forehead creased. "Nakarinig ka lang nang kumakanta, ika-crush mo na." Nakataas
ang kilay pa rin niya.
I shook my head. Hindi ko alam kung anong koneksiyon noon sa sinabi ko. Minsan ang
labo niyang kausap. "Sino namang may sabing crush ko iyon? I just recognized he's
capable of singing and has a good voice. May masama ba roon?"
"I can see it in your expression." walang katuturan niyang sagot. Nakipagtitigan
ako sa kanya nang matagal. Sinimangutan ko ang kanyang sinabi.
He just smiled haughtily. Tumayo siya sa pagkakaupo. "Let's get out of here."
My eyes became wide. "Saan naman tayo pupunta, aber? Dito lang ang alam ni tatay."
Ginulo niya ang kanyang buhok. Ngumisi siya sa akin. "Hindi naman kailangan lahat
ng bagay alam ng parents mo, Everly. Just this once, you know." seryoso niyang wika
habang hindi ako nilulumbayan ng tingin.
Piningot niya ang ilong ko. "I'm not gonna hurt you, liit. Never. Come with me,
please? Babalik tayo rito sa tamang oras."
I sighed. Unti - unti akong tumango. May tiwala ako kay Cadence. It just doesn't
feel good. Pakiramdam ko bini-betray ko ang tiwala sa akin ng magulang ko. I've
always been the good one. Kapag ayaw nila sa isang bagay, hindi ko na ipinipilit.
The moment I agreed to go with him, it's my responsibility already. Kung ano mang
mangyari, kasalanan ko na iyon kasi kusa akong sumama sa kanya. Choice ko iyon.
Choice kong sumama sa kanya. Hindi dapat siya sisihin dahil there are choices to
make, and I happened to choose something that would betray their trust on me.
Sa batis kami dumiretso ni Cadence sakay ang kanyang kabayong si Madonna. Abot
langit ang kaba ko sa bawat hakbang ng kanyang kabayo. Siguro dahil dinidibdib ko
pa rin iyong pagsama sa kanya. Hindi ako napilitan but I'm still anxious.
Iginiya niya ako pababa nang makarating kami sa bukana. Itinali niya si Madonna sa
isang puno ng talisay. Kagaya pa rin noong una, I was still awed by this hidden
treasure. Medyo nabawasan ang kaba ko sa sobrang ganda ng paligid.
Pinagsalikop niya ang mga kamay naming dalawa. "Cadence..." ungot ko rito.
Masyadong mabilis iyong tibok ng puso ko. Doble na iyong kaba lalo pa sa paghawak
niya sa kamay ko.
He glanced at me and shook his head, chuckling. "Everly, kamay mo lang ang
hinahawakan ko. Don't freak out. There might be some wild animals, mas mabilis
tayong makakatakbo. Don't you think?" Pinitik niya ang pisngi kong namumula, saved
by my skin tone, the tomato red face isn't noticeable. "Let's go."
Baka hindi kamo ako makatakbo, ngayon pa lang aatekihin na ako sa puso. Cadence...
I don't know what to call him.
Hinawi niya ang ilang matataas na damo para makadaan kami. Hindi niya pa rin
binibitiwan ang kamay ko.
Tumigil kami sa parteng batuhan ng batis. Ang ganda ng kulay ng tubig. It was
really clear, eminent and peaceful. Samahan pa ng huni ng ibon. Sobrang nature ang
vibe niyon. Sa probinsya na lang iyon uso.
Muling namula ang aking mukha ng kusang pumasok sa isip ko ang unang pagkikita
namin ni Cadence. He's totally naked that time. Pinagpawisan ako sa alaala. It
feels like I am so naughty for remembering that exact scene. Gusto kong mag-face
palm.
"Are you okay? Kinakabahan ka pa rin ba?" Biglang tanong ni Cadence sa tabi ko.
It shocked me to the core. Isang factor na kung ano - anong pumapasok sa isip ko
kaya ganoon na lang ang gulat ko nang nagsalita siya.
"Kabayong hubad!" I screamed loudly enough to scare the birds and for him to laugh
at me.
Hindi ko alam kung anong tinatawa - tawa niya, but he was really laughing hard as I
screamed earlier. "You remembered something 'no?" natatawa niyang tanong.
"W-wala." I kept my straight face. Kahit sobrang nag-iinit ang pisngi ko hindi ko
ipinahalata. I don't want him to know. Baka isipin niya isa akong pervert. Kusa
naman iyong pumasok sa isip ko.
Nang hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa, sumimangot na ako. "Pumunta pa tayong
batis para lang pagtawanan mo ako." iritado kong wika.
He shook his head. "Not really." Binitiwan niya ang kamay ko. At some point,
mayroong malanding espiritu ang nalungkot sa pagbitiw niya. "Do you wanna swim,
liit?"
Umiling ako, tinapunan ko siya nang masamang tingin. Hindi ako nagpaalam sa
biglaang punta sa batis, mas lalo akong mapapagalitan kung basa akong uuwi ng
bahay.
"Swim lang ako ng ilang minutes." paalam niya. Naningkit pa ang mga mata ko nang
maghubad siya sa mismong harapan ko. Itinapon niya sa aking ang shirt niya sa mukha
ko. Well, it smells right. Manly ang amoy ni Cadence, pero hindi naman masakit sa
ilong. Mayroon kasing sobrang tapang ng amoy.
"So, audience naman pala ako in a singular form? Baka nga naman malunod ka kagaya
noong una." In-emphasize ko iyong word na lunod.
He shot me that mapang-asar look. "Yep, kaya ako ang first kiss mo." He had the
guts to remind me. It is a wrong move. Tumatawa siya habang papalayo, hindi ko
naman siya hinabol. Ayokong mabasa ng wala sa oras.
Inilatag ko ang shirt ni Cadence sa batuhan. Doon ako naupo. Wala akong pakialam
kung marumihan iyon. Bahala siya sa buhay niya. S'yempre, hindi. Pero matigas ang
ulo ko kaya naupo pa rin ako sa shirt niya. Ipinagdikit ko ang aking tuhod at
yumakap. Madali ko iyong nagawa dahil maliit akong tao.
Nakamasid ako sa kanya habang naglalangoy. I just remembered, he told me that he's
a swimmer back in his previous school. Too bad, hindi afford ng school namin ang
swimming pool. There are more important things than the pool.
Kahit pagmamasid lang ang ginawa ko sa buong paligid, pumayapa ang pakiramdam ko.
Maybe, because the view is too beautiful, nakakahiyang makaramdam negative emotion.
Or maybe, because I am with him. I don't know. Maybe, both.
"You're in deep thoughts, liit. What are you thinking?" I am really in a train of
deep thoughts, hindi ko namalayang umahon na si Cadence. Umaagos ang tubig sa
kanyang katawan. Ilang agwat lang ang layo namin.
He sat next to me. Ilang inches ang pagitan. But not close enough, para mabasa ako
ng tubig sa katawan niya. "Feel na feel mo talagang upuan ang shirt ko, huh."
I didn't answer. Medyo lang. Ginulo niya ang kanyang buhok. Medyo natilamsikan ako
ng tubig. "Dapat nagdala ka ng towel mo, Cadence." I told him. For sure, lalamigin
siya n'yan. Worst case scenario, sipunin pa siya o kaya lagnatin. May klase pa
naman kami kinabukasan.
"Sorry," Cadence stated. Napagawi ang tingin ko sa kanya. Sumeryoso ang kanyang
mukha. I don't know why he's saying sorry to me. "I should have not pushed you to
come here."
Huminga ako nang malalim. "Choice ko namang sumama sa'yo rito. And we are
responsible for our choices. Kung ayaw ko namang sumama, hindi mo talaga ako
mapipilit. Hindi rin naman ito pilit." agad kong sagot.
"I felt like a total jerk. Alam kong hindi ka comfortable." I know, he's sincere.
Apology accepted. I didn't know I needed that. Dumampot ako ng maliit na bato,
itinapon ko iyon sa tubig.
"Buti alam mo," tumatawa kong banggit. Nagsalubong na naman ang kanyang kilay.
"Joke lang." Nag-peace sign ako sa kanya.
"So," He started off. I can see a little grin on his lips. "I just want to know
something."
"Do you have a crush on me, Sai Everly Maligno?" walang habas niyang tanong.
Napamaang ako sa kanya. Nag-hang sa ere iyong tangkang pagbato ko. Hindi ako
nakainom ng tubig pero feel na feel kong mabulunan sa oras na iyon. I felt my
cheeks reddened. Sa ganitong panahon, nagpapasalamat ako ng sobra sa kulay ko. At
least, I don't have to deal with that, too. Masyadong halata.
Nakamasid siyang parang agila, pinag-aaralan niya ang facial expression ko. Hindi
ko alam kung bakit bigla niya iyong itinanong. Masyado bang halata?
"Assuming mo naman masyado. Wow, sobra iyong confidence. Nag-uumapaw." Nag-iwas ako
ng tingin. "Ano naman ngayon kung crush kita?"
Napanguso ako. What's so big deal about it? Ano ngayon kung crush ko siya? At mas
lalong ano naman kung alam niya? Nakaramdam ako ng hiya. But, so, what?
"Kapag crush mo ako, ako lang dapat ang crush mo." sinabi niya nang seryoso.
Napanganga ako ng bahagya.
"Kapag crush, dapat marami. More chances of winning." kontra ko sa pahayag niyang
iyon.
His brows furrowed in annoyance. Mukhang hindi siya sang-ayon at asar na asar na
naman siya. Muntik pa akong ma-out of balance ng pitikin niya ang tungki ng ilong
ko. Masakit. Iritado ko siyang tinapunan ng tingin.
"Huwag ka ngang umastang hindi ganoon ang kalakaran. Based on my observation, mas
mataas ang percentage na lalaki ang hindi faithful sa crush nila? Kaya 'wag mo
akong artehan na parang offend na offend ka. Akala niyo yata God's gift to women
kayo, e." Mariin kong sabi. Dinama ko iyong ilong kong pinitik niya nang malakas.
"Noong nakaraan nga, kausap mo iyong Ela Patricia tapos noong sumunod naman. Si
Ruby Pearl. Salawahan ka."
Unti - unting nawala ang pagkakakunot ng noo niya, nauwi iyon sa mapang-asar na
ngisi. "Selos ka naman?" nanunudyo niyang tanong.
Medyo lang. Hindi ko isinatinig iyon. Wala namang relevance. He could talk to
people he wants to talk to, including girls. Hindi naman ako against doon.
"Sa'yo lang ako." Muli niyang pinitik ang ilong ko. "Even if you are totally
young."
I shook my head. "Malandi ka, Cadence." I told him. Totoo naman. "What's the
assurance?"
Humalakhak siya. Parang baliw. "Let's both promise on this batis. Isipin natin Styx
river ito,"
"Then, it's gonna be invalid." I reasoned out. Magkasalubong na naman ang kanyang
kilay.
"Cadence." I mimicked.
Ginulo niya ang kanyang buhok sa frustration sa akin. I just laughed at his
reaction. Serves him right, huh. "Kapag hindi mo tinupad iyong sinabi mo, tubuan ka
sana ng tigyawat na malaki sa ilong para hindi ka makahinga at magiging mahaba ang
buhok mo."
"Which hair?"
Pumailanlang ang kanyang halakhak. It echoed on the mini forest. I found myself,
irritatingly smiled at his reaction. Nang sumeryoso siya, he spoke the words that
made me gasp.
"I swear, I belong to you. From this day forward, I'm yours, Everly."
Ikalabing-apat na Kabanata
Kabanata 14
Ilang araw nang nagkakampo sa utak ko ang sinabi ni Cadence. Ang pangako niya sa
batis namin. We found it, so the batis is ours.
He's mine? What does that mean? Sa lahat ng tao, ako lang yata iyong ayaw siyang
itali sa akin o sa kahit na sino. I want him to explore and fly on his own. If he
already reached his goals in life, siguro pwede na roon.
Masyadong malawak ang mundo, matagal ang panahon. Pwedeng magbago ang lahat to be
so certain about things. To be certain about a promise. It's too good. Everything
that has "too" in the sentence, either way, is going to be a trap. Lahat ng sobra,
nakakasama. I have not lived my whole life yet, pero may ganoon na akong isip.
Nang sabihin niya ang mga katagang iyon sa akin, it feels good. For the record,
naniniwala ako. There's something about it, I can't explain further. There's
somewhat a sense of security and assurance. He gives me that feeling. It's a good
feeling. Pinanghahawakan ko ang good feeling na iyon.
"Sai," bulong ni Jala sa tabi ko. Ilang ulit niya akong siniko sa gilid ng kanyang
upuan.
I almost jumped out of my seat. Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang
mahinang tawanan ng mga kaklase ko. I blushed profusely. At least, hindi kita. Way
to go, my dear skin.
"Ms. Maligno, you're spacing out. Is there a problem?" Mrs. Carpio asked me.
Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Baka gusto mong i-share sa klase natin."
I bit my lip and shook my head. Nakakahiya. It's such a disgrace that I was spotted
not paying attention by a teacher. Big deal iyon sa akin. Muli akong tumingin sa
harapan, ayoko sanang makipag-eye contact, but she has hawk's eyes and they were
unavoidable.
Sinukat niya ang titig ko bago muling magsalita. "As I was saying, exam week na sa
susunod na linggo. Well, you have to review and do your best, I want good results.
Dapat hindi kayo absent-minded at focus kayo sa exam. Know your priorities." She
bid us goodbye. Mabilis siyang lumabas ng room namin.
"Nakakahiya kay Mrs. Carpio! Feeling ko na-disappoint siya sa akin." agad kong
wika.
Bumaling siya sa akin ng tingin habang isinusukbit ang kanyang bag sa likod. "Ano?
Anong nakakahiya?"
Napatitig ako sa kanya nang hindi makapaniwala. Inirapan ko siya. Isinilid ko ang
notebook ko sa aking bag at ballpen sa case. Humalakhak si Jala. "Hindi ko alam
kung bakit ka nahihiya, it's a normal thing. Fifteen minutes lang ang pinakang
matagal na attention span ng tao sa isang bagay. Don't yah worry, my friend. Lahat
tayo, dumaan sa ganyan. Hindi maiiwasan. Sanay na sanay na ako,"
She makes sense. I nodded at her. But it's unlikely of me. Hindi naman ako absent-
minded na tao. She's right. Maging si Jala man ang pag-alayan ng pangako ng isang
Ponce, matutulala rin siya buong araw. Baka maglupasay pa siya.
Sabay kaming lumabas ni Jala sa room. We both saw Cadence standing near the door
waiting for me. With his height, sobrang stand out siya roon. Mukha siyang kapre.
Gwapong kapre.
Walang palya siyang pumupunta sa room namin kahit busy rin siya sa senior high. Ang
counted lang na hindi siya pumunta, noong minsang nainis siya sa akin sa pagtawa ko
sa kanyang sulat-kamay. Nakakatawa pa rin tuwing naaalala ko iyon.
Jala looked at me with nang-aasar na expression. "See you later, Sai! Enjoy your
lunch!" she waved goodbye at me. "Which I'm sure, you are going to really enjoy!"
pang-aasar niya. Pati kay Cadence, kumaway siya at nagpaalam.
"Enjoy your lunch, too." Cadence replied. Pairap naman akong nag-wave sa kanya. I
just stared at her as she headed straight to the gate. Namumula ang mukha kong
tumingin kay Cadence nang tuluyang makaalis si Jala. Mabilis akong nag-iwas ng
tingin bago pa niya mahagip iyon.
He chuckled. Mukhang nakita niya ang ekspresyon kong parang natatae. "Let's go.
Usual place."
Ever since, he told me that, hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan.
Nakasunod lang ako kay Cadence. He's finally letting me hold my bag. Iyong lunch
box ko lang ang hawak niya, pati iyong kanya. He was holding an umbrella on his
other hand.
Usual spot namin ang gym tuwing lunch. Kaunti ang tao tuwing lunch time. They
usually eat in the canteen, iyong iba naman nasa room kumakain. It felt right to be
called our own. Sa pinakataas ng bleachers sa gym, amin iyon ni Cadence.
"What's your ulam?" he asked me after he settled on his seat. In-open niya ang
kanyang lunch box. Garlic parmesan wings with baby potatoes on the side. Literally
babies. Maliliit pa iyon. Yum.
Sabay kaming nagdasal bago kumain. Ako ang naglead ng prayer, bukas naman si
Cadence ang naka-assign. It's always like that. Nasanay na ako sa ganoon.
Hindi ko alam ang gagawin ko sakaling bigla iyong mawala sa akin. Naging attached
ako sa pangyayari. Hinayaan ko iyong pumasok sa sistema.
"You have to review me after eating, liit," He insisted again. Midterms nang senior
high school students. First grading naman namin. Mas nauna silang mag-exam kaysa sa
junior high school. I help him review every time. Hindi naman niya kailangan ang
tulong ko. Cadence is a smartass. Medyo pa-humble ang datingan.
They are all smart. Kahit si Lorenzo na hindi ko man lang nakitang humawak ng notes
nila, I saw his scores. Ginawa niya lang basahan ang kanyang exam papers. But they
were good. It's flowing in the genes.
Tumango ako. Tinusok ko ng tinidor ang baby potato at agad na isinubo. Bigla akong
namula nang magawi ang tingin ko kay Cadence. Saved by my skin color. He was
looking at me too, ang laki pa nang pagkangaga ko. Dati naman hindi ako gaanong
nako-conscious. Pero iba na ngayon, crush ko na siya tapos malandi pa siya. At alam
niyang crush ko siya.
Sinipa ko banda ang kanyang paa. Tuluyan na siyang humalakhak. "Beast mode na
naman. How can you ever be beast mode? When you say beast, it is something big and
scary which is opposite of you. You ain't big, you are like Jerry in Tom and Jerry
girl version. So, liit mode." Pareho niyang pinagalaw ang kanyang kilay. Sinundan
niya iyon ng halakhak.
My nose were flaring with irritation. "Cadence!" nangangalaiti kong sabi. Itinutok
ko sa kanya ang tinidor. Wala naman akong balak na saktan siya. He has his ways of
irritating me and they were effective. "Maliit lang ako kasi mukha kang kapre."
"I'm the handsomest kapre in town." mayabang niyang turan. He started eating my
packed lunch. Inirapan ko siya ng ilang beses.
Dapat turn off na ako kay Cadence. Nakaka-pikon. Ano ba kasing problema niya sa
height ko? Iyon lagi ang kanyang napagdidiskitahan. Sanay naman ako, pero iba kapag
si Cadence ang nang-asar. Ang dali kong mapikon.
Having my cute height has advantages. Minsan, nagreklamo siyang hindi siya kasya sa
upuang ginagamit nila. And huh! It's an advantage for me. Kahit saan pwede akong
magkasya.
"What are you thinking? You have that silly expression on your face. It's funny."
Cadence has this smug look. May munting ngisi sa kanyang labi. "Kung ako ang
iniisip mo, quit thinking of me right now. Andito lang ako, Everly. Hindi ako
mawawala." Pinaningkitan ko siya ng tingin. I gave him a death glare.
Tapos na kaming kumaing dalawa, nililigpit niya ang pinagkainan namin habang
nakaupo lang ako at pinagmamasdan ang kanyang ginagawa. Hindi ko namalayang
naglalakbay ang utak ko and I just kept looking at him. Siya na naman ang laman
utak ko. He's right about that, but I am never gonna admit it to his face. Just no.
"Cadence, kukuhanin ko na ang notes mo." paalam ko sa kanya. Sumulyap siya sa akin
nang magkasalubong ang kilay.
"Why do you have to ask every time? Liit, what's mine is yours too."
Nanlaki ang mga mata ko. My face became hot with the rush of blood. Natulala na
naman ako ng ilang segundo. Hindi na nakatingin sa akin si Cadence pero ramdam ko
pa rin iyong impact ng sinabi niya.
Huh? Ano iyon? Conjugal property? Hindi naman kami mag-asawa! Ipinilig ko ang aking
ulo.
Tumayo ako para kuhanin ang bag na nasa gilid. I searched for his printed reviewers
in the bag. Sinabi kong i-print niya iyona, specifically, his reviewers must be
readable. Napakahirap namang i-review kung parang kinahig ng manok ang kanyang
sulat.
Inuna ko iyong reviewer niya sa Biology. Science "daw" ang pinakang mahirap na
subject kay Cadence and it's also his weakness according to him. Hindi naman totoo.
Magaling siya sa lahat ng subjects. Less favorite siguro ang Science especially
Bio, puro memorization ang naturang subject kaya ayaw ni Cadence.
But it's thrilling for me. Experiments, learning such specimens, dissection, those
are interesting and fun. Sa second sem, magkakaroon sila ng dissection ng palaka.
That's the exciting part.
Tumabi siya sa akin nang mailigpit ang lunch box namin pareho. We still have thirty
minutes break. Gugulin namin iyon sa pag-aaral ng ilang subjects niya. Hindi lang
naman malandi si Cadence, he also takes his study seriously. That makes him more
standout than anyone else. Knowing the responsibility is nice, but trying to live
with it is commendable.
Umayos ako ng pagkakaupo. Ini-scan ko ang pages ng reviewer niya. Ilang ulit ko na
siyang ni-review, but he would insist to review him again.
Tumikhim ako. "Okay. Unang tanong, why is lysosome called a suicide bag?" I fired
the first question. I looked at him expectantly.
His forehead creased. "Hindi ba dapat more direct ang tanong mo?"
"Ha? Tapos na tayo sa ganoon, ibang atake naman. Mas madaling magre-retain sa utak
kung ganitong questions. Sobrang boring na ire-recite ko sa'yo ang definition tapos
isasagot mo lang iyong specific na hinihingi ko."
He just gave me a lopsided smile. Pinasadahan niya ang kanyang buhok ng isang
kamay. Ipinatong nito ang kanyang mahabang biyas sa bleacher. "You always have a
point, liit."
Ginawa kong pamaypay ang reviewers na hawak ko. "Ako lang ito, kapre." Mayabang
akong ngumiti.
Natatawang umiling si Cadence. Inirapan ko siya at nagputuloy. "First question nga,
why are lysosomes called suicide bags of the cell?"
Ngumisi siya sa akin habang binubuksan ang isang lollipop. He handed me one pero
tinago ko lang iyon sa bulsa ko. "Easy. They are called suicide bags because when
the cell is about to die, they burst in order to make a space for the new cells."
Inirapan ko muna siya bago ako tumango. "Good. What is smaller between atom and
cell?"
"That's obvious." paunang wika niya. Isinandal pa niya ang kanyang likod sa
pagkakaupo. "Cell is small but atom is smaller. We can see the cell using a
microscope, in which the other we can't."
Ibinaba ko ang reviewer ni Cadence at humarap ako sa kanya. Inayos ko ang palda ko.
"I only have one question left. Naka-depende sa sagot mo kung papasa ka ba sa
midterms niyo o hindi. Last question."
Sumimangot siya sa sinabi ko. "Unfair. Paano kapag hindi pasok sa standard mo?
Ayokong bumagsak, Everly. Wala akong ipapakain sa'yo sa future."
Sinipa ko ang kanyang paa nang mariin. Hindi man lang siya naapektuhan. May mapang-
asar na ngisi na naman ang kanyang labi. Minsan hindi ko gustong marinig ang mga
sinasabi ni Cadence, alam ko kung gaano kalakas ang hatak noon sa akin.
Gusto kong hablutin ang reviewer niya at gawin iyong pamaypay. Pinagpapawisan ako
nang medyo malagkit.
"You are so violent. Sa liit mong 'yan ang lakas mong sumipa." Tumatawa siyang
lumayo sa akin. "Hm, fire away, Everly. Ask me what you want."
Ilang minuto na lang magsisimula na ang klase para sa afternoon class. Ganoon din
ang schedule ni Cadence. Pareho kaming walang imik pababa ng bleachers. Ako lang
pala, he kept teasing me on our way down. Hindi ko siya gaanong pinansin dahil
okupado pa ng ibang bagay ang utak ko.
Nang malapit na kami sa room ko, hinarap ko siya. Ibinigay niya sa akin ang lunch
box ko.
Ngumuso ako. I remember the question. Hindi ko naman nalimutan, totally. I was shy
to ask. It's not even related to our review.
"Brain determines and analyzes our feelings towards a person... but why does the
heart take the credit?" kusa na lang iyong lumabas sa bibig ko.
Cadence stared at me for a second, contemplating what he's going to tell me.
Nakapamulsa siya habang seryoso ang tingin. "I am not a Science geek, Everly. I
don't even like Science. But I like the rush of blood whenever I am with you.
Maybe, heart takes the credit since without it pumping oxygenated blood, the brain
wouldn't function. If the brain did not function, then, I won't be able to analyze
that I... I like you... regardless of age."
My heart was pumping hard too fast. Mainly because, I feel the same way, too. I
like Cadence. Yes, regardless of age.
Hell week is coming. Can I focus for my upcoming exams? Bakit naman ganoon? Patuloy
sa pagpa-palpitate nang mariin ang puso ko.
***
"Earth to Sai,"
Pumalakpak si Jutay sa harapan ko. Gusot na gusot ang kanyang mukhang pinagmamasdan
ako.
Napakamot ako sa ulo. Kinuha ko iyong basket na dala ko at muling namitas ng gulay.
Ako muna ang pumalit kay nanay, may inaasikaso sila ni Nena sa bayan. Kasama ko si
Jutay na mayroon ding hawak ng basket lagayan ng mga pinitas na gulay.
"Tulaley na naman si ateng. Ano na, girl?" Inirapan niya ako sabay tapon nang
maliit na kamatis. Hindi sapol.
Tumayo ako nang matuwid. Malalim ang pinakawalan kong buntong - hininga.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng green house bago ako humarap kay Jutay. Pinandilatan
ko siya ng mata.
Ilang sandali, lumapit sa akin si Jutay, kinurot niya ako sa tagiliran. Muntik ko
pang mabitiwan iyong basket sa pagkabigla. May konting kirot. Tinapunan ko siya
nang masamang tingin.
Hinaplos ko iyong tagiliran kong kinurot niya. Damang - dama ko pa iyong pagtama ng
kanyang kuko na bumaon sa parteng tagiliran.
"Okay ka lang ba, Sai? Baka kasi hindi, concerned citizen lang naman ako." agap
niya. Malaking ngiti ang ibinigay niya sa akin, labas pa iyong gilagid.
Umirap ako sa ere. Akala yata ni Jutay, mapapatawad ko siya ng ganoon lang. Oh, no.
"Kapag magtatanong, kailangan bang may kurot na kasama?! Hindi naman ako napadalhan
ng memo, ganoon pala ang uso." asik ko.
Kinurot ko rin ang kanyang braso. Sobrang idiniin ko talaga iyong kuko. Muntik na
siyang sumigaw nang matinis, tinakpan ko lang ang kanyang bibig.
I widened my eyes. "Akala ko ba ayaw mong malaman nila? Kung makasigaw ka!"
Galit niya akong tiningnan. Tinanggal niya ang kamay kong tumahob sa kanyang
bunganga. "Aba naman, Sai! Kung makapangurot ka, punyeta! Sinong hindi sisigaw?
Parang kagat lang ng langgam iyong kurot ko sa'yo! Tapos iyon sa'yo naman parang
bubuyog!" may inis ang bawat labas ng kanyang salita.
Napakamot ako sa ulo. "Ikaw ang nauna, Jutay. 'Wag mong isisi sa akin na parang
kasalanan ko."
Medyo nahiya rin ako sa ganti ko sa kanya. I admit, it was too much. But it's
totally his fault. Kung hindi niya ako kinurot, hindi naman ako gaganti. At the
same time, nakaramdam naman ako ng konsensya.
Pinalungkot ko ang ekspresyon ng mukha ko. Baka sakaling maawa siya sa akin. "Sorry
na, Jutay. Ikaw kasi, e." Ngumiwi ako. S'yempre, may halong paninisi. I'm the
worst.
Sunod - sunod na irap ang natanggap ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalit. I felt
bad, but I know, hindi naman siya magagalit nang matagal.
Nagpatuloy ako sa pamimitas ng mga gulay. Hindi lang kamatis, mayroon pang mga
sili, okra at kalabasa. Kada basket na napupuno ko, iba't ibang gulay ang laman.
Medyo nahiya na ako kay Jutay, hindi ko muna siya ginulo hanggang matapos kami.
Isa lang ang pumasok sa isip ko habang inaayos ko ang mga basket na puno ng gulay.
I am still immature to be stressing about liking someone or having a crush on a
guy. Nakipag-away pa ako kay Jutay sa pangungurot niya at hindi ko pinalampas iyon
hangga't hindi ako nakaganti. Hindi dapat ako nai-stress sa ganoong bagay.
I like Cadence but I shouldn't be stressing myself on that. Tamang gusto ko siya at
gusto namin ang isa't isa. Wala namang masama roon. When the right time comes, doon
na lang ako mai-stress.
"Jutay, sorry ulit." I told him once I was done with my baskets. Lumapit ako sa
kanya para mag-sorry. This time, wala ng halong panunumbat kahit kasalanan naman
talaga niya.
Pinanliitan niya ako ng mata. He flipped his imaginary long hair. "Hindi ako
kumakausap ng slapsoil."
Sasagot pa sana ako sa sinabi niya, bigla na lang sumulpot ang grupo nina Teryo sa
harapan ko. They were smiling irritatingly at us. Labas na labas iyong ngipin ni
Teryo na kulay gold. Ginulo pa niya ang mukhang palong niyang buhok.
Napailing ako. "Kung kailan tapos na ako, saka naman kayo dumating. Nakikita ninyo
ang mga basket na iyon?" itinuro ko sa kanila ang mga basket ng gulay. Unti - unti
na iyong hinahakot ng mga tauhan sa hacienda. "Tumulong kayo roon."
Nawala ang ngiti nilang apat. Sabay silang kumamot ng ulo. Pinagsisihan yatang
nagpakita pa silang apat sa akin. "Aba'y inaabuso mo ang kabutihan namin,
prinsesang itim!"
"Kabutihan? Big word. Lumayas nga kayo sa harapan ko. Naalibadbaran ako." Itinaboy
ko sila hanggang tuluyang makaalis sa paningin ko. Wala naman akong pakialam kung
sinunod nila iyong sinabi ko.
Nag-inat ako ng dalawang kamay. Medyo napagod din ako sa trabaho. Mas lalo kong na-
appreciate ang trabaho ni nanay. Titig na titig naman si Jutay. It was like he was
looking at some kind of ghost.
"Paanong... wow! Bakit hindi na ikaw ang target of bullying ng mga iyon?" He was
awed. Manghang - mangha siya sa pangyayari.
Ngumisi lang ako sa kanya at nagkibit - balikat. Hindi ko rin naman talaga alam ang
puno't dulo. One day, they are working for Cadence. That's what I told Jutay.
Sabay kaming lumabas ni Jutay sa green house. Isinuot ko ang subrerong gawa sa buli
kahit hindi na tirik ang sikat ng araw. Itinali ko lang si Meow sa may tarangkahan
sa harap. I spotted him eating grasses. S'yempre, ano pa bang ibang gagawin niya
roon? Kahit ma-bore pa siya ng sobra, hindi naman siya makakaalis.
Napakislot ako ng bigla kong maramdamn ang paghampas ng palad ni Jutay sa braso ko.
"Sobra namang swerte mo, friend! Imagine, a guy like Cadence is exerting effort for
you." kinikilig niyang wika. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang nasa isip niya.
"Wow. Just wow." Umakto siyang pumalakpak. Itinaas niya ang dalawang kamay na
parang sumusuko. "Ang ganda mo. Wow." sarkastikong saad ni Jutay.
Nabaling ang atensyon ko sa daan. Ilang magagarang itim na sasakyan ang animo'y
pumaparada patungo sa mansyon sa gitna. Sinundan ko iyon ng tingin. Nang tuluyan
silang nawala sa paningin ko, gumawi ako kay Jutay. May bisita ang mga Ponce.
"Sino iyon?" I asked Jutay. Siya naman ang totoong magaling pagdating sa tsismis.
"'Di ba ikaw ang girlfriend?" may halong bitterness ang tono ng boses niya.
Nangunot ang noo ko. "The governor's in town with the first lady. Mukhang
makikilala mo ang pamilya ni Cadence. Madam Oleya Bettina is in town. Sikat na
sikat siya noon."
Hindi ko iyon alam. Cadence didn't mention it once. Nakaramdam ako ng kaba. It's
not I am going to meet them for real.
"Alam mo, Sai, sa mga telenovela. Kapag ang mayamang lalaki nagkagusto sa isang
dukha, inaapi ng matapobreng magulang." Jutay sighed heavily.
I walked towards Meow. Nakasunod si Jutay sa bawat hakbang ko. Pinakawalan ko ang
tali niya sa tarangkahan. "At alam mo, Jutay, sa telenovela lang iyon nangyayari.
At saka, bata pa naman kami ni Cadence. It's a long road ahead." sinabi ko pabalik.
Huminga siya nang malalim. "Iyon ang mas nakakatakot na parte, Sai. Nasa totoong
buhay ka. They could be worse than those telenovelas. Scripted iyon, ito hindi.
Sure ang happy ending nila. E, paano ang sa'yo?"
Hindi ko siya pinansin. Sumakay ako ng saddle ni Meow. Kumaway ako kay Jutay at
ngumisi nang malaki. "Things end the way they supposed to. Things end in their
right places. Ano ngayon kung matapobre sila? Hindi naman sila ang pakikisamahan
ko." I joked.
But deep down, I am nervous, too. Nervous for the things that await me.
KABANATA 15
"Sai!" Nena shouted from the house. Nakatunghay siya sa bintana at malayang
kumakaway. Malayo pa lang ako malakas na sigaw niya ang bumungad sa akin. My nose
wrinkled. Ano kayang nakain ng isang iyon? Kung makatawag parang wala ng bukas.
Medyo nahihilo pa ako sa pagbaba ng van. Nang makapasok ako ng bahay, sinalubong
niya ako nang malaking ngiti. Hawak na naman niya ang bagong alagang pusa --- si
Star at Lala. Nakasuot pa rin siya ng kanyang elementary uniform. Inilapag ko ang
aking bag sa mesa.
"Sai, nakita ko iyong mama ni Cadence! Ang ganda niya, mukhang hindi matanda!"
muling sigaw niya sa aming distansya. Malapit lang ang pagitan namin, nanuot ang
matinis niyang boses sa buong kalamnan ko.
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Ang panget ng description mo, Nena. Ang
bastos ng mukhang hindi matanda." Kung iba ang makakarinig noon, baka ma-offend sa
ganoong pananalita. Sumimangot sa akin si Nena.
Dumiretso ako sa water jag namin para kumuha ng tubig. Kanina pa ako nauuhaw,
sinamantala ko ang malamig na tubig. Mukhang maya - maya pa ang dating nila nanay.
Jutay was right. Reliable source naman talaga siya pagdating sa tsismis. Cadence's
parents are really in town. Ilang araw na sila ritong nanatili sa Tagbakan.
I coughed out loud. Ibinaba ko ang baso habang tinatampal ko ng malakas ang aking
dibdib. Sumandal ako sa gilid, habol ko ang paghinga.
"Hindi. Ang dami mong alam. Bakit naman niya ako ipapakilala, aber? Wala kaming
relasyon. Ang bata ko pa, Nena."
Inismiran niya ako. "Ang advance mag-isip. Hindi ko naman sinasabing may relasyon
kayo. Nagtatanong lang ako."
Umirap ako sa ere. Binalikan ko ang bag ko sa mesa. Nakaupo na si Nena sa silya
habang gumagapang ang kanyang alaga sa mesa. "Saan mo naman nakita?" I asked her.
"Dumaan kami sa mansyon kanina. Naabutan naming nasa labas siya. Mukha siyang
modelo, Sai. Wala kang panapat."
Sinamaan ko ng tingin ang paslit. May kasama pang pang-iinsulto, whenever she gets
the chance. Hindi naman ako makikipag-kompetensya sa mama ni Cadence. Binuksan ko
ang zipper ng bag ko na may lamang pasalubong. Cadence gave me chocolates and
candies earlier. Para kay Nena talaga iyong candies at ilang chocolates. Alam kong
matutuwa ang magaling kong pinsan.
I was hesitant to accept it at first. Baka kung anong isipin ng magulang ko. Hindi
naman ako nabibigyan ng ganoon. Ngayon lang, lalo pa't lalaki ang nagbigay. I
remember what he said earlier. "MASAMA BANG MAGBIGAY NG CHOCOLATES SA FRIEND?" And
we both laughed.
"Hindi ako bata, Sai." She rolled her eyes at me. "Pakisabi kay kuya Cadence. Thank
you. Mukhang masarap ang mga tsokolate." Humagikhik siyang binuksan ang isang pack
ng candies.
Napaka-plastic ng pinsan ko. She just called Cadence 'kuya'. Hindi man lang niya
ako matawag na ate! Tinuktukan ko siya sa noo bago ako pumasok ng kwarto. Hindi
naman siya nakapalag. Malamang pinalampas na rin niya dahil busy siya sa kanyang
tsokolate.
I shook my head.
Ibinagsak ko ang aking bag sa kwarto. Nagpalit ako ng pambahay bago ako muling
bumaba para magluto ng pagkain para sa hapunan. Wala na sa kusina si Nena, wala na
rin doon ang mga alaga niya.
She's probably just outside playing with them. Napakagaling talaga ng pinsan ko,
hindi man lang marunong magkusa na tumulong. Mapapagalitan na naman iyon dahil
hindi na siya nagpalit ng uniform. Baka marumihan pa ng sobra.
Nagmano ako kay tatay pati kay nanay nang sabay silang dumating. Handa na ang
hapunan. Kinuha ko ang bitbit ni nanay na mga gulay.
She looked really tired. Inabutan ko siya ng tubig. Ngumiti ako. "May exam results
na po kami. Nakuha ko na po ang test papers." sagot ko kay nanay. Napalingon si
tatay sa sinabi ko.
I took the examination last week. Maayos naman ang grades ko. "Kukuhanin ko po."
Hindi ko na hinintay ang sagot nila, patakbo akong pumasok ng kwarto. Madali kong
nakuha sa bag ang exam papers, mahipid pa iyong nakatupi.
Mabilis akong bumaba dala ang test papers. I gave the results to tatay. Sinuri niya
iyong mabuti. I looked at him expectantly.
He was referring on the Math result. Namali ako sa isang number sa pagkalito ko sa
computation. I gulped. "Isang number lang naman po, 'tay." I tried to say.
Matagal niya akong tiningnan. "Hindi 'lang', Sai. Ang isang pagkakamali pwedeng
makapagpabago sa buhay ng tao. Sa isang pagkakamali, pwedeng mawala ang lahat ng
pinaghirapan ng isang tao. Ganoon kabigat ang isang pagkakamali. Naiintindihan mo
ba?" Bumuntong - hininga siya at ibinalik sa akin ang test papers. "Kumain na tayo.
Tawagin mo na si Nena." anyaya ni tatay pero wala roon ang atensyon ko.
I looked at the test papers again. Ang bigat ng pakiramdam ko habang nakatingin sa
isang maling number. Kinagat ko ang aking labi habang naglalakad pabalik ng kwarto.
It felt like I disappointed him. Mataas naman ang scores ko, pero iba pa rin iyong
gusto niyang makita.
Sumabay ako sa pagkain nang masama ang pakiramdam. Iyong naramdaman kong excitement
para kanina biglang naglahong parang bula. I was there, but my mind was flying
elsewhere. It was the first time I heard that from my father. Kulang nga yata ang
effort ko.
***
"Sai, daanan mo sa green house ang mga gulay mamaya. Ipinapadala iyon sa mansyon.
Isama mo si Nena, manghihiram yata 'yan ng notebook sa kapatid ni Jutay." bilin ni
nanay habang naghahanda papuntang green houses. Kanina pa nakaalis si tatay. Maaga
akong nagising para ipagluto sila ng agahan. "Ewan ko ba r'yan sa pinsan mo, pati
pagsusulat, kinatatamaran."
Ngumiti siya sa akin. "Kaya dapat mas maaga, matuto na siyang maging responsable.
Hindi sa lahat ng oras, and'yan ako, ang tatay o ikaw para sa kanya. May mga bagay
na kailangan niyang matutunan mag-isa." Napatigil siya nang makita ang ekspresyon
ng mukha ko. Huminga siya nang malalim. "Alam ko ang iniisip mo, anak. Kailangan pa
ring matuto ni Nena."
Tumango ako kay nanay at kumaway nang makaalis na siya. Naiwan ako sa labas ng
bahay. Iniisip ko pa rin iyong reaksyon ni tatay kagabi. Ganoon pa rin ang
pakiramdam ko. It's getting into my system. Maybe, this is going to be my high
school life. This is high school life.
Nang matapos ako sa gawaing bahay, inihanda ko si Meow sa pagpunta namin ni Nena sa
gitna. Nag-pack ako ng pagkain para sa mga magulang kong nagtatrabaho sa sakahan at
gulayan. Inihatid ko ang lunch ni tatay sa sakahanng mas maaga. Hindi rin naman
kami nagtagal doon para sa habilin ni nanay.
"Ang tagal mo nang nangangabayo pero hindi mo pa rin kabisado." sigaw ni Nena sa
tapat ng tainga ko nang tumapat kami sa green house. Masakit iyon sa tainga kaya
hindi ko sinasadyang maitulak siya pababa ni Meow.
Medyo sinasadya.
Agad akong bumaba para daluhan siya. She was about to cry. Bahagyang namula ang
kanyang mukha, malamang sa inis.
I blinked, her features became more distinct. Hindi ko kamukha si Nena. She looks
better than I could ever be. That's a fact. Alam ko ring mas tatangkad siya sa
akin.
Imbes na pakinggan ako, nauna siyang maglakad patungo sa green house. Malalaki ang
hakbang na ginawa niya. She's still pissed.
Agad na namataan ko si nanay katabi niya si Aling Marta, mukhang hinihintay nila
ang pagdating namin ni Nena. Nakaabang na ang basket na dadalhin namin sa mansyon.
Ngumisi sa akin si Aling Marta nang makita niya ako. Kasamahan siya ni nanay sa
green house. Iyon ang pinagkakakitaan ng halos lahat ng kababaihang nasa Tagbakan.
"Ayos lang po, walang pong problema." agad kong sagot. Inabot ko kay nanay ang
pabaon kong lunch. Hindi naman iyon nakatakas ng paningin kay Aling Marta na
nakangiti.
"Aba, marunong na palang magluto. Alam mo ba ang sabi ng matatanda? Kapag marunong
na raw magluto, handa nnang magpakasal at mag-asawa." Nang-iintriga ang kanyang
mata.
Sa anong panahon kaya iyon nauso? Ngayon kasi uso na ang citations. According to de
los Reyes, M. panahon ng kupong - kupong, ganoon dapat.
Ngumiwi ako. "Kahit naman po marunong magluto o hindi, pwedeng mag-asawa. Hindi
naman po pagiging kasambahay ang criterion para makahanap ng lalaki." Binitbit ko
ang basket. "Dadalhin ko na po ito sa mansyon."
Parehong nalaglag ang panga nilang dalawa. Naging oportunidad ko iyon para
magpaalam. Hindi na nakasagot ang kahit isa kanila o bago pa man ako pagalitan ni
nanay, tumalikod na ako at humakbang palayo. Mabilis akong naglakad patungo sa
bukana. Kasunod ko si Nena. I shook my head. Si Aling Marta masyadong intrigera.
Ayoko sa ganoon.
Hindi naman gaanong mabigat ang laman ng basket. Madali ko itong nabitbit. Una kong
pinasakay si Nena kay Meow bago ako umakyat sa saddle.
She did. May kasamang pagkurot pa iyon sa tagiliran ko kahit nasa pagitan namin ang
basket na pinadala ni nanay. May konting hapdi. Hindi ako gumanti, my mind wasn't
focused on her.
Sana.
Napailing ako. Why am I even nervous about this? Wala namang masama! I tried
convincing myself, pero hindi pa rin ako mapalagay.
"Tutunganga na lang d'yan?" inis na wika ni Nena. Her voice sent me back to
reality. Nakababa na siya sa kabayo ko, pati ang basket.
Huminga ako nang malalim, dahan - dahan akong bumaba kay Meow. Isinunod ko iyong
basket. Nasa tapat kami ng mansyon. The more I stared at the enormous mansion, the
more I realized how wealthy the Ponces are. The more I realized about the statuses
in life. Does status really matter? Or they don't?
Akala ko dati ang mayaman para sa mayaman, but at some point, it doesn't work that
way every time. Hindi lahat ganoon ang kinahihinatnan. Some break the stereotypes.
Hindi rin lahat kagaya ng unang in-assume kong matapobre.
I blinked. Nang mag-focus ang mata ko sa taong papalapit, luminaw ang mukha ni
Chance. Siniko ako ni Nena at bumulong sa tabi ko. "Ako na ang magdadala kay Meow
sa kwadra, ikaw na lang ang pumasok sa loob."
Bumaling ang tingin ko sa kanya. I gave her a disapproving look. Hindi pwede!
Kailangan niya akong samahan hanggang sa loob ng mansyon.
She wrinkled her nose. Tumitig siya nang masama sa akin. "Ikaw ang inutusan ni
nanay. Isa pa, hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo sa akin kanina." maarteng
pahayag ng pinsan ko.
Para akong napako sa aking kinatatayuan habang pinapanood silang tuluyang makaalis.
Hindi lumingon si Nena kahit anong tawag ko sa kanya. I bit my lip. Medyo masinag
ang araw, pinapamawisan na ako. I used my hand to shield my eyes from the rays.
"Hey!" Humalakhak ang lalaki at nakipag-apir. "What are you doing here? Are you
looking for Cadence?"
I'm not here for Cadence. Well, partly. Baka may nakaw na silay sa kanya, pero kung
wala naman, okay lang. I shook my head. Binitbit ko ang basket na nakalapag sa
pangmayamang damo ng mga Ponce.
"Oh, really?" He eyed the basket I was holding. Mukhang naintindihan niya ang
pinunta ko sa kanila. "Gusto mo bang tulungan na kitang magbitbit? I'll carry it
for you." Offer ni Chance, hindi naman ako tumanggi. Baka mabitawan ko pa iyon sa
kaba ko.
I gave him the basket. Nagpasalamat ako sa kanya habang naglalakad kami papasok ng
premises ng mansyon.
"No worries, Sai. I got you." He smiled. Ngumiti naman ako pabalik.
In all honesty, Chance is the kindest among the Ponce. Wala siyang ere sa katawan.
Gwapo, charming at mabait. Girls would fall for him. Girls would fall for his
kindness. Girls would fall for how he treats them.
On the other hand, it is everyone's right to be treated right. Ganoon dapat ang
kalakaran. Chance and I weren't in any kind of relationship but just friends, yet
he's treating me the right way I should be treated. And I deserve that. Everyone
deserves that.
Naaliw ako sa kanyang kwento, pansamantala kong nalimutan ang kaba sa aking dibdib.
Panandalian lang iyon. The moment I stepped my foot in the mansion, I felt the
intense throbbing of my heart inside its cage. Again.
Tumungo kami sa bandang kanan. I remember the first time I went here, natalapid pa
ako ng dahil kay Cadence. The memory made me smile. It felt like a long time, but
it wasn't that long.
A tall, elegant woman in her late thirties descended in the staircase. Nakasuot
siya nang mamahaling bestida na humahapit sa kanyang magandang hubog na katawan.
Mukha siyang isang model na lumabas mula sa isang pahina ng magazine. And I know
exactly who she is, Oleya Bettina Ponce.
"No, tita. I didn't see Hadley since I got here. Nasa tabi - tabi lang po iyon."
Chance explained. "Do you need anything po? I'll do it myself. And oh, by the way,"
sinulyapan ako ni Chance. I gulped. Nabaling sa akin ang atensyon ng babae. Sinipat
niya ang kabuuan ko.
"This is Sai Everly Maligno, she's a friend. Schoolmate din po namin si Sai."
Chance told her. Nawala ang dila ko para makapagsalita o batiin man lang ang mama
ni Cadence.
Interesado niya akong tiningnan. "Maligno? Who are your parents, miss?" Oleya
Bettina asked.
Mas lalo akong kinabahan sa tingin niya. "A-antoine M-maligno a... at C-cessily."
natataranta kong sagot. Pinasadahan niya ako ng tingin. I felt like a mud dirt in
her scrutinizing stare. There's something about it, I can't pinpoint.
Lumipat siya ng tingin kay Chance. "No need. Tell Hadley, if you see him, I am
looking for him."
Nagtungo siya sa main door entrance ng mansiyon. Naiwan kami ni Chance sa bahaging
iyon ng mansyon. Kulang na lang mapanganga ako. My heart's thumping very fast.
Narinig ko ang paghalakhak ni Chance sa tabi ko. "Hinga, Sai. Huminga ka, okay?
Wala pang meet the parents iyan, ganyan na ang reaksyon mo? What more if Cadence
will introduce you to them?" Nag-wiggle pa ang eyebrows niya.
"Hindi naman iyon mangyayari. Bakit mo naman iniisip na mami-meet ko ang magulang
niya?" nanlalaki ang mata kong tanong. It got my curiosity.
"One of these days, Sai. Ihaharap ka noon sa kanila, as far as I know, my cousin is
serious about you."
Naiwan ang mga katagang iyon sa utak ko. Serious? Baka pag-asawahin na ako ni tatay
kapag nalaman niya ito. Chance chuckled again. "Tulala ka na naman! Let's go! I'm
sure, Manang Sisa is waiting for these fresh vegetables."
Chance and I went to their kitchen. And he's right, hinihintay na nga ni Manang
Sisa ang mga gulay na ipinadala sa akin ni nanay. Akala raw niya ay hindi pa iyon
makakarating, ipapasundo na sana sa isang tauhan sa mansyon.
Matapos kong iwan ang basket kay Manang, agad din akong nagpaalam. Naghihintay pa
si Nena sa labas. Alam kong maiinip ang isang iyon kapag nagtagal pa ako sa loob.
Inihatid ako ni Chance hanggang sa labas.
I was praying I would see Cadence, wala naman ang mokong. I wonder where he is, at
the moment. Nahihiya naman akong magtanong kay Chance. Baka kung anong isipin niya.
Nena was nowhere to be found. Ang buong akala ko sa may gazebo siya tatambay habang
wala ako. She wasn't there. Tiningnan ko ang kwadra ng mga kabayo malapit sa
mansyon.
She was there, crying on the floor. Sa maduming sahig ng kwadra. Nasa harap niya
ang sopistikadang ina ni Cadence. Nakatalikod sa akin ang babae kaya hindi ko
makita ang ekspresyon nito.
Nahabag ako sa kinalalagyan ni Nena. Wala akong ideya kung bakit nakalupasay siya
sa kwadra at mas lalong hindi ko alam kung bakit siya umiiyak. Nakaramdam ako ng
inis para sa babae. Inaapi niya ang pinsan ko. I can't let that happen, kahit siya
pa ang ina ng lalaking gusto ko.
Hindi maproseso ng utak ko ang kanilang usapan nang papalapit ako. She was saying
something, but Nena's cries was the only thing I heard. It was agitating me.
"Castalla Nena! Bakit ka nakaupo r'yan?" sigaw ko kay Nena. Mabilis ang naging
lakad ko at dinaluhan ko siya. "Tumayo ka!" I hissed.
Nena looked at me. Basang - basa anng kanyang pisngi ng luha. Hinawakan ko siya sa
magkabilang braso para itayo. Pinagpagan ko ang kanyang bestida. I faced Oleya
Bettina with my determined look. "Excuse me, ma'am! Kung ano man po ang ginawa sa
inyo ng pinsan ko. It's still not the right way to treat her!" matigas kong sinabi.
Bawat salita, mariin. "Bata po ang kausap ninyo."
Baka akala yata nitong aatras lang ako ng basta. Hindi! Pinaiyak niya si Nena. Some
people are so entitled because of their statuses in life and their age that is why
they think it is okay to belittle someone. At por que't mas nakakatanda sila,
there's a sense of superiority para hindi i-respeto ang nakababata. Iyon ang maling
aspeto ng society. Alam kong nasa lugar ako para mangatwiran.
Her eyes were murderous. "Get out, you two! Out! Out!" nangangalaiti nitong wika sa
aming dalawa. "I don't want to see your faces here ever again!"
Magtayo siya ng sariling hacienda kung ayaw niya kaming makita rito. Matuwid si Don
Fausto para palayasin kami ng dahil lang doon. Hinila ko si Nena kasama ang kabayo
kong si Meow paalis sa harapan ng babae. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa
komprontasyong naganap. Wala akong ideya kung bakit siya galit sa pinsan ko, pero
ang i-trato niya ng ganoon si Nena, it will never be okay.
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Nang bahagyang makalayo kami sa mansyon, hinarap
ko siya.
Hindi ko pinatapos ang kanyang gustong sabihin. I hugged her. She doesn't need to
tell me, because I know. I know what happened back there, and it wasn't her fault.
I let her cry as I hugged her, namumuo rin ang luha sa mata ko.
Ikalabing-anim na Kabanata
Kabanata 16
Pagbisita
Maghapong walang gana si Nena. Hindi niya magawang kibuin ang kanyang mga alagang
pusa na hindi naman nangyayari. They are her world. Doon umiikot ang maliit na
mundo niya na mas lalong pinaliit ng pagkakataon.
Sabay kaming pamilya na kumain ng hapunan. Kahit si Nena, hindi pinalampas ang
pagkain sa hapag. Sumalo siya sa amin pero alam kong wala sa mesa ang kanyang loob.
She was still thinking about what happened yesterday. Ayaw lang niya na mag-alala
ang mga magulang ko at himayin ang kanyang problema.
Mabilis niyang tinapos ang kanyang pagkain at umakyat ng kwarto. Mayroon daw siyang
kailangang tapusing assignment. But I know better. She wants to be alone. Affected
pa rin siya sa nangyari kahapon. Kahit ako man ang nasa posisyon niya, iyon din ang
mararamdaman ko. Hanggang ngayon inis pa rin ako sa ina ni Cadence.
Kung pwede lang, hindi na dapat magtagpo ang landas naming dalawa. But it's
impossible. Her husband's family owns all of these wealth, giving her the right to
own everything in the hacienda. Another thing that makes it impossible not to see
her around, she's Cadence's mother. Hindi maiiwasang hindi magtago ang landas
naming dalawa.
Isa lang iyong hindi niya pagmamay-ari rito, iyon ay ang mga tao ng hacienda. She
can't buy me, she can't buy Nena or anyone here with her money. She needs to treat
us like how humans should be treated, at least. Mayaman lang siya, hindi niya
kayang bilhin ang dangal namin bilang tao.
Sumulyap sa akin si nanay nang makaalis si Nena. Umiwas ako ng tingin. Sumubo ako
ng maraming ampalayang may itlog para doon mabaling ang atensyon ko. Muli akong
tumingin sa upuan sa harap ko.
Matagal din ang pagtitig ko sa upuan ni Nena. Tumusok akong muli ng ampalaya at
nagkibit - balikat. "Baka po marami siyang school activities na kailangang
tapusin," pangungumbinse ko.
Kailangan kong palakasin ang palusot ni Nena. Wala akong ideya sa mangyayari kung
sakaling malaman ng magulang ko ang tungkol sa ginawa ni madam Oleya. Ayokong
isipin.
Tiningnan niya ako nang matagal bago muling bumalik sa pagkain. "Hindi naman nag-
aaral ang pinsan mo. Nakakapanibago."
Oo nga pala, hindi naman gumagawa ng assignments si Nena, minsan ako pa ang
gumagawa noon. It's not her priority. Mas gusto pa niyang maglaro sa labas ng bahay
o kausapin ang mga pusa niya kaysa gumawa ng gawaing may kinalaman sa school.
"Ikaw, Sai? Anong inaatupag mo sa paaralan? Baka puro kabalbalan ang iyong ginagawa
o pakikipaglapit doon sa Ponce." anas ng aking ama na masuring nakatingin sa akin.
Napasubo ako nang malaki - laking kanin para pagtakpan ang pag-iinit ng pisngi ko.
Sapul ng konti. Tatay is partly right.
Hindi lang sobrang lapit, nagawa ko pang landiin. On the other hand, hindi naman
ako iyong lumandi, nagpadala lang sa tukso kaya ang ending crush ko na ang ulupong.
"Wala naman pong masamang makipaglapit sa kanila, mabait naman po ang mga Ponce." I
tried to defend myself.
"Mabait?" Napailing si tatay. "Hindi lahat, anak. Hindi lahat. Huwag kang
pakasiguro. Kaya atupagin mo ang pag-aaral mo kaysa sa mga iyon. Ayokong bumababa
ang iyong grado. Hindi katanggap - tanggap." Binigkas niya ang mga kataga ng
mayroong diin.
May pahiwatig. May halong pagkainis. But if he doesn't want me to be close with
them, bakit hinayaan niya akong makihalubilo sa kanila.
Tumayo si tatay mula sa pagkakaupo. Wala ng laman ang kanyang plato. Bitbit ang
kanyang pinagkainan, inilagay niya iyon sa lababo.
Hindi pa ako tapos kumain ng hapunan, at wala akong ideya kung matutunawan pa ako
matapos niya iyong sabihin. I have this horrible feeling again. Nagkakampo sa isang
bahagi ng utak ko.
Sometimes, he's just strict and harsh. Maybe, it's his way to prepare me for the
real world.
Hindi ko lang maintindihan kung anong gusto niyang ipahiwatig sa mga Ponce. I don't
see anything wrong being close with them. Wala naman silang masamang ginawa sa
akin.
It was almost midnight when I finished doing my school tasks. Tulog na ang lahat sa
bahay, ako na lang ang natitirang gising. I felt like a ninja wandering around the
house. Patakbo akong umakyat ng kwarto nang pinatay ko ang ilaw ng sala. Baka
mayroong lumabas na ghost sa madilim na parte ng kabahayan.
Imbes na multo ang sumalubong sa akin, isang matangkad na kapre ang bumungad
pagbukas ko ng pinto sa kwarto. Halos mabitiwan ko ang hawak na bag sa gulat.
I thought it was just my imagination doing the trick as I almost stumbled. Inaantok
na ako, medyo nakakaramdam ng pagod lalo na sa nangyari kanina. Muntik akong
mapahiyaw nang malakas, natakpan lang ang bibig ko ng mala-kapreng kamay. Ang bilis
ng tibok ng puso ko sa gulat at takot.
Cadence is in my room.
"Anong ginagawa mo rito?" mahina kong bulong sa takot na magising ang mga magulang
ko.
If this were normal, I would probably be screaming at him. It's not. Kailangan kong
mag-ingat. Kapag nahuli si Cadence sa kwarto, pareho kaming malalagot kay tatay.
Hindi ko mapipigilan ang itak niya.
Ngumisi siya at naupo sa gilid ng kama. "Binibisita kita. I just want to see you.
Is that bad?" Pumungay pa ang kanyang malamlam na mga mata. Baka dahil sa antok.
Nasapo ko ang aking noo sa sari - saring emosyon na lumukob sa akin. Inilagay ko
ang bag sa table na malapit sa kama.
"Ganitong gabi talaga, Cadence? Gabi talaga? Nag-iisip ka ba? Edi sana bukas na
lang! Magkikita naman tayo bukas! Sa hospital nga, mayroong visiting hours, sa
bahay din namin! Curfew na, bawal na! Hindi talaga ako responsable kapag na-itak ka
ni tatay, sinasabi ko sa'yo!" mahina kong singhal sa kanya. Nahihirapan akong
sumigaw sa sitwasyon.
Hindi ako bayolenteng tao pero gusto kong saktan si Cadence sa pagkakataong ito
para matauhan. Ano bang ginagawa niya sa kwarto ko ng gabing-gabi?
"I'm thinking, okay? Iyon nga lang, ikaw lang iniisip ko." natatawa niyang sagot
pero agad na nagbago ang ekspresiyon ng kanyang mukha.
He messed his hair looking frustrated at me. Hindi talaga ako makapaniwalang nasa
harapan ko ang kapreng ito. "Just assure me one thing and I'll leave. If you don't,
sisigaw ako para maitak ng tatay mo. It's your conscience, Everly."
Mas lalo kong nasabunutan ang buhok ko. He's making me so frustrated as well. "Ewan
ko sa'yo, Cadence. Hindi ko na alam kung bobo ka o tanga. Sabihin mo na, bilis!
Tapos lumayas ka na bago pa magising si tatay at madatnan ka rito!"
I didn't know what to say. Nanatili akong nakatayo sa likod ng pinto nakatingin sa
kanya. May kakaiba akong kutob sa sinasabi niya. It felt like it's gonna be the
start of something. Something I don't want to know. Nangangambang kalbaryo para sa
akin. "Everly, assure me."
"Hindi ba dapat ako ang nanghihingi ng assurance mula sa'yo?" naisatining ko ng may
kalakasan. Tinakpan ko ang aking malaking bibig. Kabang - kaba ang dibdib ko, baka
na lang magising ang aking magulang.
Inirapan ako ni Cadence. Mayroon pa siyang binulong bago ko makita iyong pa-cute
niyang pout. Inirapan ko rin siya.
"Sa ating dalawa, baka ikaw pa iyong magbago, Cadence. Mas prone ka sa ganoon. Baka
isang araw, you'll realize this is just a game for you. Ako iyong maiwan sa ere." I
told him truthfully.
That's what I am thinking for the past days and somewhat, it scares me. Hindi ako
madaling ma-attach sa isang tao pero parang ganoon ang nangyari sa amin ni Cadence.
And I became so attached that if one day, he's gone. It's going to hurt me real
bad.
"I am the one asking for assurance here, Everly." Ngumisi siya at ginulo niya ang
kanyang buhok, tumayo si Cadence at lumapit sa akin. "I know what I feel for you is
real. People will tell us this feeling is invalid as we are just young and naive in
our age. They will say we know nothing about this thing. The truth is, they don't
know about us. They don't know about me. They don't know anything about you. I
would not invest much interest if I am not serious. Fuck the game, the real prize
is being with you. Hindi ko minamadali, but I want you to know, I am serious.
Papatunayan ko iyon sa'yo."
My eyes blinked several times. Hindi ko agad ma-comprehend ang kanyang sinabi.
Bumuka ang bibig ko para magsalita, but the words didn't come out right. I was
speechless. Are we really talking about this inside my room at midnight? Para
kaming magnanakaw na takot mahuli. Magnanakaw ng sandali. Napakamot ako sa ulo.
Marahan ko siyang itinulak papalayo. The place became small for the two of us. He
is towering me with his height. It was awkward.
Tanging paghinga at pagtibok ng puso ko ang aking naririnig. Wala akong asthma,
pero pakiramdam ko magkakaroon ako ng matinding hika dahil sa kanya.
"Alam mo Cadence, malandi ka." I murmured softly. "Pero nakipag-usap ka naman kay
Ela Patricia pati kay Ruby Pearl." muli kong akusa.
Kapag hindi ko kinakaya, I am trying to divert the topic. Ganoon ang nararamdaman
ko ngayon. Nakakainis kasi si Cadence!
Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang nagbabadyang pagtawa nang malakas.
"Silly. You are making me laugh. Ikaw talaga ang happy pill ko. So happy that I
might slip. What now? Give me an assurance, Everly. Hindi talaga ako aalis dito, I
swear."
His smile faltered at the last part. Napalitan ito nang pagkakakunot ng noo.
Ipinagkrus niya ang mga braso sa kanyang dibdib. "Really, huh? Itinatanggi mo?"
He rolled his eyes at me. I did the same. We ended up laughing without making any
sound, just happy faces. Tumuwid ako ng tayo. "Umalis ka na Cadence. Baka maitak ka
pa ni tatay kapag nalaman niya ang ginawa mo. Hindi ka noon sasantuhin. May
visiting hours kami. Bukas ka na lang mambulabog." Itinulak ko siya papunta sa
bintana. He just let me. Hindi ako ganoon kalakas para maitulak siya ng tuluyan.
Kusang tumigil ang buong katawan ko sa paggalaw. My eyes darted at him for a
glance. He looked serious. "I am sorry for what my mother did to you and Nena."
Huminga ako nang malalim. Sinalubong ko ang tingin ni Cadence. "Is she always like
that? Does she always treat people like crap? Naiinis ako, Cadence. Hindi niya
dapat ginawa iyon kay Nena. Sorry pero medyo sinagot ko siya kahapon. Nasa
katuwiran ako kaya pinaglaban ko iyon."
He smiled. "I know. She's pissed." mahinang tumawa ang kapre. Mukhang mas
nagustuhan pa nitong nagalit ang kanyang ina. "You know, you don't have to please
her. Hindi mo kailangang i-please ang kahit na sino. Just be yourself, Everly. It's
just refreshing to see someone who doesn't get scared to correct my mother of her
wrongdoings. And that's really the reason why I am here. I am sorry. Traumatized
yata ang pinsan mo."
Sumampa siya sa bintana at naupo roon na parang isang modelo. Pwedeng - pwede naman
talaga siyang magmodelo. Nasa kanya ang height at mukha. Napakatangkad ni Cadence,
mukha siyang kapre. Iyong pinaka-gwapong kapre.
Hinawi niya ang magulong buhok. How can he have a perfect genes? Samantalang ako
maliit na nga, maitim pa. Minsan unfair ang mundo. He showed me his boyish smile.
Pangiti - ngiti pa. Wala na, talo na. "I won't promise this is the last time I am
barging in your room, liit."
Umirap ako sa ere. "Ngayon pa lang ipagdadasal ko na ang kaluluwa mo." Napailing na
lang ako. "Hindi ka pwedeng pumunta rito nang basta - basta! Hindi mo alam kung
anong pinapasok mo."
"I am not promising." Kumindat pa ang gago bago nagpatihulog sa bintana ng aking
kwarto.
Ilang ulit akong nagblink, nanlalaki ang mga mata kong tumakbo papalapit sa
bintana. Mas sumidhi ang naramdaman kong kaba kanina pa sa pagtalon ni Cadence sa
bintana.
It wasn't that high, but I would never try to jump like Cadence did. Ang pusa lang
ni Nena ang nakaka-survive ng ganoon kataas. Pusa iyon, hindi naman siya pusa. Nasa
paa yata talaga ang utak niya kung minsan.
Tumingin ako mula sa bintana na tinalon niya. Agad kong hinanap kung saan bumagsak
si Cadence. He wasn't there anymore. Triple na ang tibok ng puso ko sa pag-aalala.
Awtomatikong napapikit ako ng may tumamang liwanag sa mukha ko. Nang magmulat ako,
sinundan ko ang tingin sa ilaw mula sa flashlight.
There I saw Cadence. Nakatayo siya malapit kay Madonna. Kahit sa madilim,
nangingibabaw pa rin siya. Kung ako ang nakatyo roon, malamang hindi na ako kita ng
naked eye. Kumaway siya at kumindat.
"Good night, Cadence." I murmured silently. "Good night. Please, don't break my
baby heart."
"Sai?!"
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Nena. Bigla akong natarantang
humarap sa kanya. May dala siyang unan at mukhang antok na antok pa. Mukhang wala
naman siyang alam
"Ha? N-nagpra-practice lang ako, may r-roleplay kami sa school. Matulog ka na. Ang
panget mo sa gabi." Ngumisi ako. Tinungo ko ang pintuan.
"Ikaw nga hindi ko makita, akala ko may naglalakad na damit, nagsasalita pa."
Umingos siya at lumagapak sa katre. Kama noong andito si Cadence, katre kay Nena.
Sosyal.
Inirapan ko siya. Bumaba ako sa kusina para kumuha nang maiinom. Tuyong - tuyo ang
lalamunan ko. Ilang baso ng tubig ang ininom ko bago ako bumalik sa itaas.
Napatingin pa ako sa kwarto nina tatay. There's nothing strange. Mukhang hindi
naman sila nagising sa kaluskos kanina.
Bumalik ako sa kwarto kung saan mahimbing na ang tulog ni Nena. Nahiga ako sa tabi
niya. Binalot ko ang sarili ko ng kumot.
I sighed.
Kalma, Sai. Lalo kang iitim kapag naii-stress. Napailing ako ng ilang beses habang
patuloy na nagpapabaling - baling sa katre.
As expected, bangag ako paggising kinabukasan. Halos lumuwa ang mata ko sa puyat.
Maaga pa naman ang simula ng klase, kahit si nanay ay napansin iyon nang ihatid
niya ako sa kanto kung saan ako susunduin ng van. Hindi ko rin namalayang medyo
nahimbing ang tulog ko sa balikat ni Cadence sa isang oras naming biyahe.
Mukhang wala lang ang puyat sa kapreng katabi ko. "Hey, andito na tayo." Cadence
whispered.
Nagmulat ako ng mata. Unang sumalubong sa akin ang paninitig niya sa mukha ko.
Hindi agad ako naka-buwelo. Tanging pintig lang ang sobrang rinig.
Kinusot ko ang aking mata, lumayo ako ng bahagya kay Cadence. Ayokong maging
awkward ang mga bagay sa pagitan namin.
Paninitig pa lang niya, ibang usapan na. I looked outside the van. There are
several girls, same with my age, giggling. Wala talagang pinipiling edad ang
paglandi.
Lagi namang ganoon ang eksena. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo ang mga ito.
Sabagay, kung mukha nga namang Teryo ang basehan, nakakamangha talaga ang mga
Ponce. Sobra namang perpekto nila.
Dala ni Cadence ang bag ko nang makababa kami ng van. Lagi naman niya akong
hinahatid sa E-type building. Medyo nasanay na ako sa kalakaran, pero ganoon pa rin
ang pakiramdam.
It's Santino Benedict de Ayala. Sikat din ang isang ito pagdating sa mga babae. The
islander. He's a player. Ang ibig kong sabihin sa sports. Parang ganoon na rin
pagdating sa babae. Kaklase siya ni Cadence, pareho sila ng strand na kinuha sa
senior high school.
Kami ang nasa pinakang harap ng lalaki, nakipagkamay si Cadence sa bagong dating.
Halos magkasing-height silang dalawa, ako lang ang na-out of place pagdating sa
tangkad. Umusok ang ilong ko.
"This is Everly. You may call her Sai." pakilala sa akin ni Cadence kay de Ayala.
Ngumiti lang ako, hindi ko alam kung ngiti ba iyon o ngiwi. Pero magkalapit naman.
It's just awkward being introduced to other people. Lalo na't hindi ko ka-level.
Mayaman sila.
"Hi there, little girl. Anong grade mo sa elementary?" Bumaling siya kay Cadence
matapos niya akong batiin. "Wondering if you can join the team for intrams lang
naman." Ibinigay niya ang isang leaflet kay Cadence na tinanggap naman ng huli.
Ano raw? Parang nabingi ang tainga ko, wala akong narinig. Cadence chuckled. He
looked really amused. "Ang liit niya, right?" he said, still laughing. "Boss ko
'yan."
Ngumisi iyong Santino. Inis pa rin ako sa kanilang dalawa. Elementary? Magsama sila
pareho!
Noon ko lang napansin ang kasamang babae ni Santino. Pasimple ko itong tiningnan
mula ulo hanggang paa. She looked cute. Maputi siya at medyo singkit ang mata.
Hindi rin papahuli ang kanyang height. Mukhang kasing-edad ni Cadence iyong babae.
Realization hit Santino Benedict. "Sorry, I forgot.This is Marlyn Ruseph. She's new
here. Family friend. Si Cadence at si Sai, right?"
"Hi!" ngumisi ang dalaga at naglahad ng kamay kay Cadence. Hindi niya ako pinansin.
Bago pa man niya nagawa, tinanggap ko ang malambot na kamay ng babae. "Sai,"
pakilala ko.
Mukhang hindi niya inaasahan iyon. Ngumiti lang siya at tinanngap pa rin ang kamay
ko. "Nice meeting you, Sai."
"Nice meeting you, too, Marlyn Ruseph. Sorry, may klase pa ako ng maaga. Mauuna na
ako sa inyo." I told them.
Masama yata ang panlasa ko ngayong araw, agad akong napikon sa kanila. I don't want
to cause any scene that's wy I headed to the building.
Namula ang mukha ko. Ngayon ko lang na-realize ang nangyari. It made me impulsive.
Nakakahiya. Mas binilisan ko pa ang lakad pero pumailanlang pa rin ang pagtawa ni
Cadence.
It's like music in my ears. Hanggang sa room, baon ko iyon. Inspirado ako buong
klase.
Ikalabimpitong Kabanata
Kabanata 17
Practice Game
"Go, future doctors! Go, future engineers! Go, go, go, STEM strand! STEM lang,
masarap! Hindi lang sa calculus magaling, pati sa basketball may ibubuga rin!
Wohoo!"
Wow, powerhouse. Anong konek? Nangibabaw ang matinis na boses, hindi ko lang
nasundan ng tingin ang sumigaw.
Malakas na hiyawan mula sa mga babae sa bleachers ang unang sumalubong sa amin ni
Jala nang makapasok kaming dalawa ng gym. Halos lahat yata mapa-babae man o pusong
- babae, nagchi-cheer sa players ng STEM na kasalukuyang nasa gitna ng court para
sa practice game. Ang kanilang strand ang assigned na gumamit ng gym pabor sa
rotational schedule na ginawa ng senior high.
Ang daming taong nanunuod. Dinagsa yata ang buong court ng kababaihan pati ang
ibang gay sisters, hindi lang sa kanilang strand, kahit ang mga juniors na kagaya
ko ay nasa court para saksihan ang laro. Masyadong matunog sa tao. Mahiilo yata ako
sa dami ng nanonood. They even got banners.
Ipinilig ko ang aking ulo, hinigit ko si Jala sa tabi ko. Mukhang aliw na aliw siya
sa nangyayari. Gusto kong takpan ang tainga ko sa sobrang ingay. But it was
inevitable, the cheers were too loud. Hinila ko si Jala sa dagat ng tao papunta sa
isang sulok ng gym.
Practice pa lang naman ngayon pero kung tumili ang iba parang wala ng bukas. Ano pa
kaya sa mismong intrams? Ewan ko lang kung andito sila para sumuporta o sumilay sa
mga gwapong players ng STEM. Speaking of players, kasama roon si Cadence.
Hindi niya magawang tumanggi kay Santino last time. Konti lang naman ang enrolled
na estudyante ng STEM at halos lahat mayroong sasalihan sa palaro ng intrams.
Cadence got so busy with practice for almost two weeks. Lalo na't papalapit ang big
day. Dalawang araw nang maghapon ang kanilang practice pero sabay pa rin kaming
kumakain ng lunch. Wala akong ideya kung paanong naisisingit niya pa iyon sa busy
na schedule niya.
I spotted the kapre in the middle of the court with his kapre height. Sa tangkad
niya, walang dahilan para hindi agad siya mapansin gaano man ang pagitan namin. He
looked focused on the game. Hindi kagaya ng iba niyang teammates na mukhang mas
ini-enjoy tinatamasang atensiyon mula sa mga babaeng nanonood. Magkalaban ang team
ni Cadence at Santino para sa practice game ng STEM.
Humanap kaming dalawa ni Jala ng upuan sa bleachers. We blended in the hyper crowd
very well. Tumabi kami sa dalawang babaeng mukhang windang na windang sa kaganapan.
Muli akong tumingin sa mga players na nasa gitna ng court na nagpapambuno sa bola.
They are all sweaty and tired. Mukha namang hindi maasim kagaya nina Teryo. Wala
yata sa bokabularyo nila ang salitang freshness.
Nakapangalumbaba ako. Hindi ako panatiko ng kahit anong isports. Nahihirapan akong
i-pirmi ang mga mata sa pinapanood na laro. Hindi ko maunawaan ang hype ng bawat
isa. Wala akong maintindihan. Basta, ang alam ko lang, mayroong puntos kapag nai-
shoot ang bola. Kaya sa isang player lang ako nag-pokus.
"Go, baby ko! Agawin mo ang bola kagaya nang pag-agaw mo sa puso ko. Yie!" Nanindig
ang lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang sigaw ni Jala sa aking tabi. Kinilig
pa nga ang bruha. "Nangangamoy sampalok din kaya sila? Mukhang mabango. Amoy
Johnson's baby powder si Santino. Amoy baby ko." Hagikhik ni Jala sa gilid na
sinisimot ang junk food na hawak. Dala niya pa iyon mula sa canteen, bago kami
nagtungo sa gym.
Nanlaki ang mata ko nang mang-agaw na lang ng bola si Cadence ng walang kahirap -
hirap. He aimed for a shot. Isang tumataginting na three points. Malakas na hiyawan
muli ang inani nito sa crowd pero mukhang wala naman siyang pakialam. The crowd
went really wild. Wild din ang tibok ng puso ko.
He shook hands with Santino after getting that three-point shot. Nagpahid siya ng
pawis gamit ang towel sa kanyang balikat. My heart leaped at what he did.
Kay Cadence ang buong atensiyon ko, wala kay Jala. Ganoon na lang ang pagkagulat ko
nang maramdaman ko ang mabigat niyang kamay na bumatok parteng leeg. "Napakayabang
naman, por que't nakabingwit ng Ponce! Ano, ganoon na lang, friend?" singhal nitong
may kalakasan.
Hinimas ko ang parteng binatukan niya. Masakit! "Akala mo naman ang gaan ng kamay
mo, ha? Mababali yata ang mga buto ko!" Kasing bigat niya ang kanyang kamay. I
could see stars.
Hindi ako umimik sa kanyang turan. Inirapan ko si Jala, I kept caressing my back.
Muling bumalik ang tingin ko kay Cadence. They were still playing. Ipinasa ng ka-
team ni Cadence sa kanya ang bola. He's now dribbling it. Tumira siya para sa two
points. Again, shoot. Nag-cheer ang lahat. Mukhang hindi lang siya pumuntos para sa
team niya, pati rin sa akin.
Napawi noon ang malakas na sapak ni Jala. Nakakainis. I can't even stop myself from
smiling. Akala ko ba swimmer siya? Bakit pati sa basketball, magaling din? Inangkin
na niya ang lahat.
Napairap ako nang marinig ko naman ang panirang boses ng kaibigan ko. Kahit kailan
talaga panira ang isang ito.
Ngumuso ako para itago ang pagngisi. Ayokong makarinig nang komento mula kay Jala.
Baka ako naman ang makasapak sa kanya. Last minute nang game, pareho kaming
bumaling sa unahan.
Huling puntos ay nanggaling kay Santino. At siyempre, bilang taga-hanga ang
kaibigan ko, sa lalaki napunta ang kanyang atensiyon. Todo cheer din siya sa side
kasabay ng ibang estudyante. Dikit ang score ng dalawang team.
I hope they play well in intrams. Sa ngayon, si Cadence at Santino ang patuloy na
bumubuhat sa team. Propaganda lang yata iyong ibang kasama sa team nila.
Nang matapos ang laro, nagtipon - tipon sila sa kabilang side ng bleachers. Mayroon
yatang meeting mula sa adviser na tumatayong coach nila. Isa - isang nagsialisan
ang mga estudyanteng nanonood sa practice. The commotion finally died down.
May ilang nagpaiwan sa court. Iyong iba ay doon na nag-retouch at nagsuklay. Unang
namataan ko ang grupo nina Ruby Pearl na tumakas sa cleaners kanina. She stayed in
the bleachers with her friends.
Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit. Humarap ako sa kaibigan kong puro kalokohan
ang alam. Sinamaan ko siya ng tingin. Minsan hindi ko alam kung saan niya nakukuha
ang mga ganoong ideas. Hindi naman nakakatulong sa pag-angat ng ekonomiya.
Umismid ako. "Hindi ito teleserye para sa ganoong pakulo, ayokong maging laman ng
tsismis. Kita mo? And'yan lang si Ruby Pearl sa tabi. Isa pa, hindi naman bagay si
Cadence para maging pag-aari ko." I answered.
"Sa tingin mo, hindi pa ba? Laman na laman ka ng tsismis, girl. Sa bawat classroom,
sigurado ako nababanggit ang pangalan mo. Kapag name-mention si Cadence, malamang
dawit ka rin doon. You are just too dense to notice. Malamang sa pagsama pa lang
niya sa'yo tuwing lunch, tsismis na iyon!" sunod - sunod niyang litanya.
Napamaang ako.
Dinama ko ang pulso sa kanyang wrist. Sa haba ng sinabi niya, hindi ko alam kung
huminga pa ba sa mahabang durasyon si Jala. Alam ko namang mayroong point ang
kanyang sinabi, malamang talaga sa malamang, napag-usapan na ako ng iba dahil sa
mga Ponce.
"Wala akong pakialam sa kanila, hindi ko hawak ang isip at bunganga ng ibang tao.
Kung pinag-uusapan nila ako, may God bless them. Sana ikayaman nila ang tsismis."
Ngumisi ako sa kanya.
Imbis na sumagot ang kausap ko, wala na sa akin ang kanyang atensyon. It was on the
court, napasubo siya ng isang chip. Sinundan ko ng tingin ang sinusulyapan niya.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, epal. Kung hindi mo gagawin, may ibang magfe-
feeling. God bless them ka pang nalalaman." paninisi nito.
Natatandaan ko ang babae. Apparently, she's the new girl. Kasama siya ni Santino
noong nag-usap sila ni Cadence. I was there. At nahihiya pa rin ako sa tuwing
maalala ko ang naging reaksiyon ko. Hindi iyon pinalampas ni Cadence, he was
teasing me every time he got a chance.
Marlyn Ruseph was heading towards the group with her bottled water.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang lumukob sa akin. For some reason, I felt nervous
that my instinct was becoming real. Mas lalong lumakas ang panibugho sa dibdib ko
nang tumapat ito kay Cadence.
She handed him the bottled of water. Kay Cadence siya lumapit. Kay Cadence niya
ibinigay ang tubig. Si Cadence ang target niya. Parang napipi ang lahat. Nobody
dared to talk. It was like one of those scenes in the movies Jala told me and
looked perfect. Parang mayroong napunit sa aking hindi naman dapat. It was just a
bottle of water. Pero sobrang nawiwindang ang emosyon ko.
Confused siyang nilongon ni Cadence na nakakunot ang noo. She told him something. I
didn't have the chance to hear what he had to say. Sa layo ng pagitan naming
dalawa, it was impossible to hear what they were talking.
Naguguluhan ako sa sarili ko. Alam ko naman ang tama at mali, sa ngayyon, puro
irasyunal na bagay ang pumapasok sa kokote ko. It wasn't right but I wanted her to
be rejected.
"Ang epal ni ateng! Ano, itumba na ba natin? May kakilala akong pwedeng tumumba
d'yan, tumba lang talaga." Jala spoke again. This time, I was thankful she did.
Kinuha ko ang gamit ko saka tumayo. "Tara na, umalis na lang tayo rito." aya ko sa
kanya. Hindi ko magawang salubungin ang kanyang mata.
Maybe, it was my immature self trying to control over the situation. I don't like
it. Nakakaramdam ako ng mga bagay na hindi naman dapat. Sa bottled water pa talaga.
Nakakainis!
"Hoy, Cadence! Lagot ka kay Sai kapag tinanggap mo raw iyan! No more Everly! D'yan
ka na lang sa mukhang hipon!" Nagpanting ang tainga ko sa kahihiyan sa pagsigaw ni
Jala sa court. Nanayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Pulam - pula na naman
ang pisngi ko hindi naman halata sa kulay ng balat ko. Ni hindi ako makagalaw.
Alam kong lahat ng mata ay nakasunod sa amin ngayon kahit hindi ko personal na
nakikita. Narinig iyon ng lahat. Narinig iyon ng teammates niya. At mas lalong,
rinig na rinig iyon ni Cadence. May ilan pang sumipol at tumawa sa pinagsasabi ni
Jala.
"Everly,"
It was Cadence's voice. It sent me back to reality I was trying to avoid. Hindi ako
sigurado kung hallucination ba ang narinig ko o totoong nasa likuran ko si Cadence?
I don't know. It is the least of my concern, I just want to get away.
Humigpit ang hawak ko sa bag. I inhaled deeply and walked the fastest as I can.
Hindi ko na kakayanin pa kung mananatili ako sa gym matapos ang ginawa nang pahamak
kong kaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya naging kaibigan in the first
place! Hindi normal ang utak ni Jala, sabotahe!
Hingal na hingal ako nang tumigil sa malawak na oval ng Camflora. Halos hindi na
ako huminga kanina para makalayo lang doon. Napasalampak ako sa damuhan. Phinagis
ko ang bag ko sa side.
Marami pa ring tao sa oval ng ganitong oras. It was getting late. Huminga ako nang
malalim. I put my hand near my chest. Bahagya akong pumikit. Pinakiramdaman ko ang
tibok ng puso ko. Para akong hinabol ng kabayo sa bilis.
My eyes widened.
I looked up to see Cadence in front of me. Noon ko lang siya napansin. He followed
me the whole time. I was a little appalled. Hindi ako makapagsalita. I can't even
think straight.
Tumunganga lang ako sa kanya. He was standing with his messy hair. Suot pa rin niya
ang basketball jersey na may number na five. Sa likod noon ay may nakasulat na
Ponce.
The sun was already setting. The orange-pink sky added an effect to the handsome
kapre in my front. The scene was perfect, until I remember what happened in the
gym. Gusto ko na lang maging jumbo hotdog sa kahihiyan, wala lang, naisip ko lang.
Maiba naman.
"Hindi ko tinanggap iyong bottled water, with or without Jala reminding me. Napaka-
selosa ng boss ko. I know you'll feel betrayed or some sort if I did." Humalakhak
ang kapre sa huli niyang sinabi.
Naiinis pa rin ako. He messed his hair even more. Nakadagdag naman iyon ng puntos
sa messy look niya. I rolled my eyes at him.
Cadence walked towards my left and sat beside me. Hindi pa siya nakakapagpalit ng
damit pero ang bango pa rin niya. Pasimple kong sininghot iyon. Niyakap ko ang
dalawang tuhod ko. Hindi ko alam ang sasabihin kay Cadence, kaya minabuti kong
hindi na lang umimik. Isa pa, nahihiya pa rin ako sa ginawa ni Jala.
"You mad?" pinitik niya ang braso ko. "Come on, Sai Everly Maligno... Ponce, talk
to me."
"Ah, doon lang pala magre-react. Don't worry, on the process pa lang." Kumindat ang
magaling nang lumingon ako sa kanya. I gave him a death glare. Humalakhak lang ang
loko. "Don't be jealous. Why are you even jealous? As if, ako iyong lumapit doon sa
tao. Hindi naman ako ang lumapit. Not that I am considering the idea." Ngumisi ito
at umiling. "God, Everly, you are making me so happy."
"Kung wala kang masabing maganda, tumahimik ka!" I hissed. Kinurot ko siya sa
tagiliran. He just chuckled. "Those weren't my words, those were Jala's. Wala
namang masama kung tanggapin mo iyong ano... Hindi naman kita ano..."
"Hindi pa, Everly," Ngumisi si Cadence. "Gusto mo ba?" nanunukso ang kanyang tono.
He, then, shook his head. Ginulo na naman niya ang buhok na humahawi sa mukha. "As
much as I want to, no, let's just stay like this until we are both ready. We are
too young, Everly. Ayokong itali ka, at pagdating na tama na ang panahon, doon ka
naman magsasawa at ayawan ako. Not yet. I can wait for you. No matter how long."
"Hindi nga ako nagseselos. Ang dami mong sinabi." pagalit ang tono ng boses ko. I
was trying to hide the relief in my voice. Siyempre, hindi naman iyon totoo. I was
jealous. I hated it when that girl, Marlyn Ruseph made a move. It stung. But I
hated it more that I felt something I shouldn't have.
Sabi nila, malalaman kung totoo ang nararamdaman kapag nakadama ng panibugho ng
dahil sa isang tao. Was it real? Maybe, I was just too overwhelmed with my
emotions. Pero kanina, sobrang selfish ko. Gusto kong ipagdamot iyong atensiyon
niya. Gusto kong sa akin lang iyon.
"Hoy, gagabihin na tayo, pa-date date lang kayo d'yan. 'Wag ganon, mars!" I heard
Lorenzo's voice in the background. Napailing ako. Sumulyap ako kay Cadence na
saktong nakatingin din sa akin.
"Hindi ka na galit?"
I shook my head slightly. Hindi ako galit, I was just confused and a bit irritated.
He gave me that boyish smile. "You were jealous, huh? Alam mo namang sa'yo ako."
"Malandi kang kapre! Dapat nasa puno ka lang! Tayo na nga, gagabihin na tayo
pauwi!" Pinagpagan ko ang suot kong palda bago tumayo.
"Dapat ang duwende, nasa cute na tambak ng soil." Tumawa pa ang kapre sa sarili
niyang sinabi, hindi naman nakakatawa. "What? Tayo na? Kasasabi ko lang..."
Dinampot ko iyong naipong damo. Binato ko si Cadence gamit ang tumpok na damo. Ang
bilis ng reflexes niya, agad siyang nakatakbo papalayo. Hindi man lang siya inabot
noon. He maintained the distance between us. Alam kong tina-tantiya niya ang pag-
aalburuto ko. Inirapan ko siya bago ako naglakad patungo sa parking space ng mga
Ponce.
"Sabi ko, tumayo ka na! Kapag kinain mo ang lahat ng sinabi mo, Cadence. Tubuan ka
sana nang mahabang buhok at magka-pimples ng malaki sa ilalim ng ilong. Malandi ka
masyado!"
Isang halakhak lang ang natanggap ko. With his long legs, mabilis na nakalapit si
Cadence sa akin. Ang haba ng kanyang biyas.
"I am not bluffing." Kinurot niya ang pisngi ko. "Bilis, liit. Ang bagal mong
lumakad. Sarap mong buhatin." he murmured while holding my bag as if trying to lift
me up.
Agad naming natanaw ang mga Ponce sa parking lot ng school. Mukhang kami na lang
ang hinihintay. Agad kong napansin si Lorenzo na nangungulangot sa gilid, he was
also wearing a jersey. Number nine. Player din siya ng kanilang strand. Baka maging
magkalaban pa sila ni Cadence sa intrams.
"You are going to our booth tomorrow. Ibibigay ko sa'yo ang tickets bukas. You can
bring Jala with you or anyone. 'Wag lang lalaki."
"Ha? Mayroon kaming klase, Cadence. Hindi naman sapilitan ang pagbisita sa mga
booth. Marami namang pupunta sa booth niyo. Sa daming taong pumunta sa practice,
malamang dadagsain din ang booth ninyo."
"Don't care about them. 'Wag na sila pumunta, basta ikaw, you must be there."
"You'll be given time for sure. Baka nga wala kayong klase bukas para i-support ang
activity ng senior high. Or at least, the classes are not regular." the kapre
insisted.
He can be so persistent at times. Pupunta naman talaga ako sa booth nila, ayoko
lang sabihin iyon sa kanya. May parteng naiinis pa rin ako sa nangyari kanina. I
know, it was irrational and weird but I was still irritated.
Nagkibit - balikat ako na ipinagsalubong ng kilay niya. Mukhang hindi siya titigil
hangga't hindi ako napapayag. Parang wala akong kawala. He looked at me with so
much intensity. Ako na iyong nahiya at nag-iwas ng tingin.
Kumamot ako sa ulo. Sira na anamn ang plano ko. "Oo na! Oo na! Kainis!"
The kapre grinned widely. He looked so happy. I can't help but noticed my irregular
heartbeats. Hindi ko alam. Hindi ko gusto kung saan ito papunta.
Ikalabing-walong Kabanata
Kabanata 18
A threat
Tama ang hinuha ni Cadence kahapon, hindi regular ang klase namin para sumuporta sa
event ng senior high. Iyon ang sinabi ng aming adviser bago kami iniwan sa room na
magkakaklase.
Maaga pa para sa event, gumawa muna ako ng assignment sa A.P na sa sunod na linggo
pa ang deadline. At least, hindi ko na iyong iintindihin sa susunod na linggo. Alas
otso pa ang simula ng mga booth. Wala pa rin si Jala. Kung mayroon kaming klase
ngayon, mamumuro na talaga siya sa first period. Kaya napakainit ng dugo ng
teachers sa kanya, palagi siyang late.
Nag-angat ako nang paningin ng mayroong umupo sa tabi ko. Akala ko si Jala ang
dumating, mali pala. Si Donnella, ang secretary ng klase.
Kilala ko naman sa pangalan ang mga kaklase ko, pero hindi ko sila gaanong
nakakausap. Taga-sunod sila ni Ruby Pearl. Kami ni Jala ang black sheep sa grupo at
madalas hindi pansinin. Ayos lang naman sa akin.
Kaya nagulat akong tumabi si Donnella sa inuukopa kong upuan, wala namang
natatandaan akong nag-usap kami. Maliban na lang siguro sa groupings.
"Uy, hi," malapad siyang ngumiti. "Narinig ko iyong nangyari kahapon, trending ka,
girl. Kayo ba ni Cadence?"
Nalukot ang noo ko sa narinig. Sinasabi ko na nga ba, hindi naman nila ako
kakausapin kung wala silang kailangan.
Ah, tsismis.
"Weh? 'Di ba lagi kayong sabay kumain tapos lagi ka rin niyang hinahatid sa room?"
medyo malakas ang pagkakasabi ni Donnella, pansin kong lumingon ang ilan sa mga
kaklase namin. I know they are trying to hear a tsismis so bad. Gusto nilang
malaman ang estado namin ng isang Ponce para may mapag-usapan sila sa boring na
araw.
She was taken aback by what I said. "Nagtatanong lang naman ako." defensive nitong
sagot. "Kung ayaw mong sumagot nang maayos, hindi naman kita pinipilit."
Gusto kong umirap sa ere, pero hindi ko ginawa. Siya pa itong may ganang magalit. I
pressed my lips before I decided to answer her. Nakatayo na siya mula sa
pagkakaupo. "Sinagot kita nang maayos. Ikaw itong ayaw maniwala. Nagtataka lang ako
kung bakit ka pa magtatanong kung hindi mo rin paniniwalaan? At saka, ano naman
kung kami ba o hindi ni Cadence, uunlad ba kayo? Ikayayaman mo ba? Hindi naman."
Siya itong magtatanong, hindi naman naniniwala sa isasagot. Magagalit kapag hindi
narinig ang gusto nilang sagot. Naiinis ako sa mga ganoong klase ng tao.
"Oh, tubig! Tubig kayo na malamig para sa burned area!" Rinig na rinig ko ang hiyaw
ni Jala na kararating pa lang na may nakakalokong ngisi sa labi. Sa kanya napunta
ang atensyon naming lahat, napakaaga niya para sa kasunod na subject.
Kitang - kita ko ang pag-irap ni Ruby Pearl sa tayo ko. Isa pa ito!
"Epal," bulong nito sa hangin. I can perfectly read the movement of her lips.
"Inggit." Jala bantered. Nakita rin pala nito si Ruby Pearl. Tinapik ko siya sa
braso para tumigil sa pagngawa. Away agad ang inaatupag niya gayongwala pa siyang
ilang minuto sa room. I gave her the tickets Cadence gave me yesterday. Para na sa
aming dalawa iyon.
"Science exhibit iyon? Ano 'yon, maghahalo sila ng chemicals, pagkain ang lalabas?
Kung gusto mong pagkain, meron sa TVL." Inirapan ko siya. Ipinasok ko sa bag ang
notebook at ballpen.
Ilang minuto pa ang bibilangin, bago kami bumisita sa booth nila Cadence.
Naghahanda na rin ang iba kong kaklase. I know they are excited as I am. Kumbaga,
tour na rin namin ito sa kung sakaling alin ang pipiliin naming strand sa senior
high. Pero alam kong mas excited silang makasilay ng pogi. Marami noon sa senior
high. Mga prominenteng genes ng San Andresin. Napailing ako.
Hindi ako nakapalag kay Jala nang hilahin niya ako sa canteen bago kami dumiretso
ng senior high building. Dumaan muna kami sa canteen para bumili ng palamig. May
kalayuan iyon sa e-type. Imbes na mabusog kami ng palamig, paakyat pa lang pabalik,
tunaw na tunaw na iyon sa tiyan ko. Gutom na ulit siya nang makaakyat kami. Minsan
hindi ko gets ang logic ni Jala.
True enough, some students were staring at me like I did something terrible. Baka
pinag-uusapan nila dahil sa kutis ko. Nagbubulungan sila na parang hindi ko halata.
Ano ako, si Dora? Super duper mega-ultra blind. Well, no. Hindi ako kasim-bulag ni
Dora.
Gossips nowadays spread like wildfire. Hindi ko iyon mapipigilan. Pero hindi ibig
sabihin noon kailangan kong magpaapekto.
Mas lalo akong napangiwi nang makarating kami ni Jala sa building ng senior high.
Ang haba ng pila sa bawat booth! Napakamot ako sa ulo. Mukhang iba naman ang
pinipilahan ng mga estudyante. Hindi mismong booth.
Nilingon ko ang magaling kung kaibigan, pinapapak niya ang junk food na dala. "Saan
naman, aber?"
"Lalandi ako, bawal ka kasi may bebe ka na, itim." Ngising - ngisi nitong sagot.
Iisipin kong nagbibiro lang siya, wala akong ideya na marunong palang lumandi ang
biik. Hindi na ako nakasagot nang tumapat na kami sa entrance ng booth ng STEM.
Tatlong lalaki ang nakabantay sa unahan --- isang Ponce na may nakakalokong ngiti
sa akin, isang de Ayala at isang Lim.
Isang singkit, isang kapre at isang maka-Diyos. Sana lahat malakas kay Bro. Gets ko
na kung bakit halos hindi umusad ang pila. Dahil sa kanila.
Ngumisi iyong singkit na lalaki sa amin bago siya magsalita. Ah, Lim. Ramdam ko
tuloy ang paghigpit ng kapit ni Jala. "Good morning, guys. Welcome to our booth. I
am Zinc Lazarus Lim together with Cadence Beckham Ponce and Santino Benedict de
Ayala. We are STEM students. Basically, we are going to guide you on what are you
going to see in our booth, plus the do's and don'ts..." he paused for a bit. "The
first one, bawal ang pagkain inside."
Sumulyap ito sa kaibigan kong may hawak ng tortillos. Pasimlpeng nagreklamo si Jala
pero itinago din sa bulsa ang kanyang pagkain.
Nilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng entrance. Halos babae ang nasa pila. Pero mas
na-amaze ako sa design, it looked like some kind of futuristic space ship get away
kind of entrance kagaya ng mga sci-fi movies. Wala akong ideya kung paanong na-pull
off ang ganoon ng low budget.
Hm, mukhang hindi low budget. Mga bigatin ang ilang estudyante ng STEM. Si Cadence
pa lang, masyado nang galante.
"When we say STEM, it isn't just about Science nor Math nor Tech nor Engineering
alone. Those were combined into one to hone students in several field of
expertise." Muling natuon ang atensiyon ko sa harapan, attentive akong nakinig kay
Lim kahit iyong gilid ng mga mata ko ay nasa isang Ponce. Ayokong tumingin ng
diretso kay Cadence, alam kong nakatingin siya sa gawi ko.
"Zinc, energy naman, aba!" sigaw mula sa loob ng classroom. Hindi tuloy maiwasang
mapatawa kaming nasa labas na naghihintay. Boses ng babae iyon.
He just rolled his eyes and continued speaking. "For the first part, as you can
see, mayroong microscopes na nakalatag sa table. So, we are going to show you a bit
of what we do in STEM. Sa bawat microscope, mayroong iba't ibang specimen. One is
an onion root tip, second is RBC and lastly, sperm cell."
Nanlaki ang mga mata ko. Sperm cell? Tumawa ito. "Just kidding."
Si Cadence ang sumunod na nagsalita. Gusto ko sanang tawanan siya pero pinigil ko
ang sarili ko. Baka isipin ng ibang nababaliw na ako. Hindi ko pa siya nakikita
kung paano umakto sa klase. "If you take STEM in the future, your amazement today
will suddenly turn into why did I even take this shit." My brow raised
automatically at his introduction.
"Bawal pala. Sorry for the term. So, in the entrance you'll have your way with the
microscope. Observe the several whys. Bakit onion root tip ang madalas gamitin?
What is it for? I'm not going to spoil you. Malamang itatanong din iyan kapag
tumuntong kayo ng senior high and you chose STEM."
Umingos ako sa narinig. "Baka naman hindi mo lang alam." I can't help but comment.
It was loud enough to be heard. Nalimutan kong hindi lang pala kami ang taong
naroon.
Tinapik siya ng mga kasamahan. Nag-thumbs up sa akin si Santino. I just bit my lip,
bahagyang nahiya ako sa naging reaksiyon. Baka napahiya rin si Cadence. My cheeks
burned in embarrassment. Mabuti na lang hindi halata.
He is not pissed. Playful ang kanyang tono. Ako naman ang umirap sa ere.
Pinatutungkulan na naman niya ang height ko. Wala namang bago.
"Here in the entrance, you will deal with microscope. Sa pagpasok niyo ng room, it
was divided into four sections. The first one is a herbarium museum with pressed
plants. Iyon second one, it's a research section. Some of our classmates will
present the research briefly. Hindi naman kayo mabo-bore kasi hindi naman buong
research, just a part and the product of the research which is the bicycle-
generating-electricity." Santino discussed.
Hindi ako makapag-focus sa lalaki, panay ang kurot ni Jala sa braso ko. She has a
crush on this de Ayala guy. Sa halos lahat naman ng grade level, mayroon siyang
crush. Mukhang type din niya si Zinc.
We proceeded with the microscope. Namangha ako sa cells ng onion root tip,
masyadong malinaw ang larawan. Kung hindi ako nagkakamali, iba't ibang proseso iyon
ng cell division. Sumunod ang herbarium collection where they presented the right
process of pressing the plants.
Engrossed na engrossed ako sa bawat madadaanan. I was eager to know more. Exciting
ang strand ni Cadence that I almost forgot about him. Kung wala siya sa exit door
ng kanilang room, malilimutan kong nasa paligid lang siya.
Siya pala ang bantay sa exit. Inisod niya ang papel sa harapan ko na may kasamang
ballpen. She looked agitated as she waited for me to sign in the paper.
Mabilis kong kinuha ang ballpen at nagsign. I was frowning the whole time. Kung
ayaw niya akong makita, ganoon din ang nararamdaman ko sa kanya. Ramdam ko pa rin
ang inis kay Marlyn Ruseph.
Ibinalik ko sa kanya ang papel. I looked back to see Jala, wala na siya sa likuran
ko. Wala akong ideya kung saan pumunta ang bruha. She was just talking to me
earlier about something I forgot. Baka nga lumalandi ang biik.
I glanced at Cadence after writing my name on the piece of paper. Nakaabang pa rin
siya sa pinto. Tumaas ang kilay ko, he should be in the entrance entertaining the
students.
"Hoy!"
"Hoy ka rin." Ginulo niya ang buhok at ngumisi. "Let's go somewhere... else."
I crossed my arms. "Event niyo ito! Kawawa naman ang mga kaklase mo. Easy easy ka
lang tapos sila nahihirapan. 'Wag ganon."
He rolled his eyes. "You didn't see me behind the scene. 'Wag mo akong niju-judge."
Hinawakan niya ang braso ko. He dragged me slowly out of the booth. Ni hindi ko
magawang hilahin ang braso ko palayo sa kanya.
Gumawi ako ng tingin sa entrance kung saan siya nakapuwesto kanina. But the other
two were also gone. Napalitan na iyon ng ibang estudyante. Not quite good-looking
like them. Ramdam ko ang panlulumo ng mga naka-pila sa booth ng STEM.
"Saan tayo pupunta, Cadence?" tanong ko nang makababa na kami ng building. Ilang
estudyante ang napapatingin sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makarating kami sa gate. I forcefully tried to stop
him on his track. Muntikan akong sumubsob sa likod niya.
"Saan ba talaga tayo pupunta? Bawal lumabas! Hindi tayo palalabasin, Cadence!" I
warned him. Malapit na kami sa guard house. We will not stand a chance. Nakaka-
sungit pa naman ng guard kahit kakilala, parang may-ari ng schoo. Daig pa ang
principal. Ayokong mapahiya kami ni Cadence. Minsan kasi ganoon sila.
Nilingon niya ako at tinitigan. He shook his head. "Trust me, okay? Pwedeng
lumabas, ako ang batas."
"Yabang! Saan ba kasi tayyo pupunta?" I asked him again. Hindi talaga ako kontento
sa sagot niya. I wanted to know where he was going to take me.
Imbes na sagutin niya ang tanong ko. Muli niya akong hinila papalapit sa gate. Kita
ko pa iyong pagsaludo niya sa guard namin na tumango naman sa kasamahan ko. Natutop
ang bibig ko. Samantalang halos hindi ko na magawang huminga.
Muling nanlaki ang mga mata ko. In-ekis ko ang aking braso sa dibdib. "Ha? Sasakay
tayo d'yan? Hindi, ayoko! Baka madisgrasya pa tayo! May pangarap pa ako. Marami pa
akong pangarap!" I told him quite hysterically. Sunod - sunod ang bawat bigkas ng
salita, hindi na ako huminga.
He frowned. Nagsalubong ang makapal niyang kilay. "Everly, calm down. Don't freak
out. Hahayaan ko bang masaktan ka? As if." Inirapan niya ako. "I know how to drive
a motorcycle. I own a Harley Davidson back in the city."
Nanliit ang mata ko. "Harley? Babae mo?" Umusok ang ilong ko. "Wala ka pang
driver's licence 'no!"
Tumawa ito nang nakakaloko. "Selosa." Cadence shook his head. Inilahad niya ang
kanyang kamay sa akin. "What's the point of having one if someone can't drive
decently? I'm experienced, no need to worry. I won't let anything or anyone harm
you under my watch. Do you trust me?"
Ilang minuto akong natahimik bago tumango. Ironically, I trust him. Kahit mukhang
hindi siya mapapagkatiwalaan kasi masyado siyang gwapo. He could be a face of a
heartbreak waiting to happen.
I just wish, it wasn't my heart that he's going to break. Hindi ko alam. Hindi ko
alam ang gagawin kung sakaling mangyari iyon.
Nilibot namin ang bayan ng San Andres gamit ang motorsiklong inarkila niya sa
kanyang kaklase. Natakot ako sa una. But he made me feel safer that I'm with him.
Wala akong ideya kung bakit. Payapa ang buong pagkatao kapag kasama si Cadence
kahit mag-away kaming dalawa sa buong durasyon.
The idea of him being with me made me feel safe. But the idea of being safe fears
me for no apparent reason. Kapag payapa, wala kang ideya sa susunod na pwedeng
mangyari.
I should not worry about that. Present time ang dapat kong pagtuunan ng pansin.
Kumain kami ng iba't ibang klase ng street foods. Halo-halo na iyon sa tiyan ko.
Tumambay kami ni Cadence sa pier ng San Andres. Umaga pa naman kaya hindi masakit
sa balat ang pagtama ng sikat ng araw.
"Can you meet me at Christmas midnight?" Cadence asked randomly as he threw a stone
in sea. Nakaupo siya sa gutter, samantalang nanatili akong nakatayo. It felt like I
was towering him for a moment. Maganda iyon sa pakiramdam.
Nagtama ang paningin naming dalawa. "Bakit? Anong meron?" tanong ko pabalik.
Kumamot ako sa ulo. "Why do we have to wait that long? Pwede mo namang sabihin sa
akin ngayon." pagtatangka ko.
Baka konting push pa, madulas si Cadence at sabihin niya ang kanyang gustong
sabihin. Kahit hindi ako sigurado kung handa akong marinig.
"For once, Everly, let me win an argument." he grunted and rolled his eyes at me.
Muli siyang kumuha ng maliit na bato at ibinato iyon sa dagat. It created an
impact, but after that, muling tumining ang tubig. I wish to be like the water, it
always return to its peaceful aura after the wreck.
Ngumisi ako sa kanya. "Suko ka na ba? Sige, para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo.
Susubukan kong kitain ka ng panahong iyon."
"You promise?"
I shook my head. "I don't. I don't like promises. Isa pa, sinabi kong susubukan
ko."
It was my turn to roll my eyes. "Susubukan ko. Iyon lang ang kaya kong ipangako,
susubukan ko."
"It's fine for me." Cadence gave me that hypnotizing smile. Tumayo siya mula sa
pgakakaupo. Muling ramdam ko na naman ang panliliit sa height niya. "Let's go
back?"
Ngumiti ako, saka tumango. We walked back to the small parking lot where Cadence
parked the motorcycle.
Sinalag ko ng palad ang init ng araw. It was getting hotter, too. Sabay kaming
naglakad patungo sa motorsiklo.
Ang bilis ng mga paa niya, agad siyang nakarating sa nakaparadang motorsiklo.
Nakapamulsa siya habang hinihintay akong makalapit. That playful smirk didn't take
off his face. Nakakainis!
"Your damn kulay makes you unique and stand out of all the girls. Aside from your
brain full of wonders, Everly. Don't ever feel less because of your color and
height. It's not an imperfection, those were your unique qualities." seryosong wika
ni Cadence.
Napatigil ako sa kinatatayuan ko. My cheeks became hotter with what he said. He's
right, I should be really thankful I have my skin color. Dahil sa pagkakataong
mamumula ako sa hiya, hindi halata. "Uy, she's smiling..." He even teased. Sinuntok
ko siya sa kanyang braso.
We did not stay longer in the pier. Kinailangan din naming bumalik ng school bago
mag-lunch, mayroon pa silang meeting ng team mates niya sa basketball na gaganapin
mamayang hapon.
Masaya ako. Nasulit ko na naman ang sandaling kasama siya. Paano kong bawian ako
nito?
***
"Sai, kanina ka pa! Para kang uod na nilagyan ng asin, ang galawgaw mo!" puna ni
Jala. Mukhang kanina pa siya hindi nasisiyahan sa ginagawa ko. I was stomping my
foot on the floor quite hardly.
Hindi ko pa natatanong si Jala kung saan siya sumuot ng bigla na lang mawala sa
tabi ko sa booth ng STEM. Wala roon o kahit sa kanya ang atensyon ko.
Kinakabahan ako.
This is Cadence's game day. Kinakabahan ako. Mas kinakabahan ako sa kanya. Hindi ko
na siya nakita matapos kaming kumain ng sabay kaninang lunch. Dumiretso agad siya
sa kanyang mga kasamahan.
The event started quickly. Hindi nawala ang kaba ko kahit may inihandang mga pakulo
ang emcee at may intermission numbers. Wala roon ang puso kong abot langit ang
kaba. My eyes were looking everywhere. I was looking for Cadence. Baka sakaling
masulyapan ko siya agad bago ang kanilang laro. I can't find him anywhere I look.
Sila ang first game. Mas lalong sumidhi ang kaba ko ng tinawag na ang both teams
para ipakilala. Kahit ang lakas ng sigaw ng nasa paligid, mas nangingibabaw pa rin
ang pagtibok ng puso ko.
Isa - isang pinakilala ang mga players. I waited for him to be called. Tinawag ang
kanyang pangalan pero walang Cadence na sumulpot. Nagtataka akong tumingin sa
harapan. Mukhang pansin din iyon ni Jala na nilingon ako.
Wala akong maisagot, dahil kagaya niya, hindi ko rin alam kung asan ito. I grabbed
my things. Tumayo ako at sinukbit ko ang aking bag.
Nag-excuse ako sa mga estudyanteng katabi namin sa bleachers sa pagdaan ko. Inis
akong tiningnan ng ilang kababaihan. I looked around to find someone I can ask
where Cadence is. Saktong namataan ko si Lorenzo. Kapapasok lang niya sa gym. He
was wearing his basketball uniform.
Tinawag ako ni Jala ng ilang ulit. Dire-diretso ang paa ko patungo kay Lorenzo. He
was also looking around. Parang mayroon siyang hinahanap.
Trumiple ang tibok ng puso ko. "Anong nangyari?!" I hissed at him. Kinakabahan ako
sa inaasta niya.
Unti - unti na akong napipikon sa bagal ng sagot ni Lorenzo. Hindi ako makakuha ng
direktang impormasyon sa kanya. Naguguluhan akong iniwan siya roon. Tinungo ko ang
exit, halos patakbo akong naglakad matunton lang nang mabilis ang clinic. Kabang -
kaba ako.
Bakit nasa clinic si Cadence? Anong nangyari? Ilan lamang iyon sa mga tanong ko.
Hangga't hindi ako nakakarating doon, mananatili iyong katanungan.
I was near. Almost. Yet I saw Marlyn Ruseph entering the clinic. Napa-slow motion
ang paglakad ko. Mas lalong binaha ng tanong ang aking isipan. Pero wala na akong
pakialam kung sinong poncio pilato ang nasa loob ng clinic. Si Cadence ang
pupuntahan ko sa loob.
Bago ko pa magawang maitulak ang pinto ng klinika, may humigit sa braso ko. It was
forceful and unfriendly. Masakit at alam kong magmamarka kahit sa kulay ng balat
ko.
I looked up but I was welcomed with a hard slap. Parang mawawala ako sa wisyo sa
lakas ng impact ng sampal, but I could see a glimpse of the one who did it.
Cadence's mother was in front of me. Galit niya akong tiningnan. "Kapag may
nangyaring masama sa anak ko, you're gonna pay for it, cheap girl." It was a
threat. I know that.
Binitiwan niya ako pagtapos niyang bigkasin ang katagang iyon. Tulala akong naiwan
sa may kainitang araw.
No, it was not the sun's hotness that made me cry that day.
Ikalabing-siyam na Kabanata
Kabanata 19
Secrets
"Tangina, yes! Tapos na rin ang depotang exams! Hindi naman tinuro ang pisti!"
sigaw ni Jala sa labas ng E-type building. May ilang teachers ang napalingon dito
at tawanan ng mga estudyanteng nakarinig sa sinigaw niya. I sighed exasperatedly.
Minsan boplaks din talaga ang isang ito. Kulang sa aruga.
Dagdag sa effect ng sigaw niya, tinapon ni Jala ang ilang scratch papers sa ere na
sinimot din nito pagkatapos bago pa matawag sa guidance office. Naiiling akong
lumapit dito. Jala was crazy. At least, good crazy. Minsan nakakahiyang maging
kaibigan niya.
Totoong nakakapagod ang school, kung hindi lang ako natatakot na pulutin sa
kangkungan at mawalan ng magandang kinabukasan, isang malaking temptasyon ang
paghinto. Mas pinapahalagahan ko ang oportunidad na mayroon ako. Some kids my age,
they matured easily to provide for themselves. Maraming gustong mag-aral, ang
pagkakataon lang ang pumipigil.
Buong akala kong tapos na ang rant ni Jala, she kept going instead. Paminsan -
minsan akong sumasabat sa kanya kahit narinig ko na iyon ng ilang beses.
"May naisagot ka ba sa depotang Math na 'yon? Tanginang x 'yan, kapag iniwan ka na,
bakit mo pa hahanapin ang value? Walang value sa mga taong mang-iiwan!" Jala ranted
as we passed several students down the hallway. Math na naman. Her hate in Math is
transparent. Muli akong napailing.
Tuwing pinag-uusapan ang Math subject, mayroon siyang paghugot na parang broken-
hearted, feeling lang naman ang babaita.
"Baka sinasabi mo lang iyan ngayong wala ka pa namang ex, pero pagdating ng
panahon, marupokpok ka rin. Sinasabi ko sa'yo, Jala." Inirapan ko siya.
She just wrapped her big arms around my shoulder. Maliit akong tao, at chubby ang
kaibigan ko. Ipit na ipit ang pakiramdam ko sa bisig niyang mataba.
We both laughed.
Sometimes, I can't help myself but think of the future. Minsan sumasagi sa isip ko
kung paanong mai-in love si Jala o kung sinong malas ang matitipuhan niya. Hindi ko
masabi sa rami niyang lalaki. It would be funny to know. Once and for all, love can
be radiating as the sun, but can also represent purple nightshade. Dreadful and
poisonous. Most of the time, love is like myself, nonsense.
At the end of the hallway, we both saw Cadence. Nakapamulsa itong may sukbit na
bag. He was looking at us with a playful smile plastered on his lips. Sinamaan ko
siya ng tingin.
Sabi nila, pagbabago lang ang permanente sa mundo. Sa unang pagkakataon, I want
things to be as they are right now. Gusto kong maging parte si Cadence ng buhay ko
ngayon at sa mga susunod na panahon. Pareho pa kaming bata, but I know myself and I
dread this thing to happen. Hindi ko naman magawang i-ahon ang sarili ko sa kanya.
Nothing changed between us. He was still the same Cadence like before. Mapang-asar
pa rin ang kapre. I never told him about his mother threatening me the last time I
saw her. I never told him about the incident in the clinic. Akala ko sa telenobela
lang mayroong ganoon, pero mas inaabangan kong mag-alok siya ng pera para layuan ko
si Cadence.
"Anong mukha? Mukha pa rin!" Medyo na-conscious ako sa aking ekspresyon na mabilis
na natabunan nang matabil kong dila.
Umirap ang kapre sa sarkastiko kong turan. Kinuha niya ang aking bag upang siya ang
magdala. "You look like in a deep thinking of someone." Nangungunot pa rin ang noo
niya bago siya ngumisi. "Don't worry, mahal ka noon."
He crossed his arms around his chest, smirking. "So, you are thinking about me,
huh?"
"Mahal mo nga ako?" natatawa kong tanong. I managed to ask it in a playful tone and
laughed nervously. And since I am nervous, gumagana ang utak ko para magsalita ng
english. Sa lahat ng subscription, doon pa ako nag-subscribe sa unli stupidity.
Maygad, Sai.
Something hit my nose. Ang sama ng tingin ni Jala matapos pitikin ang ilong ko nang
malalaki niyang daliri. "Kalmahan niyo ha! Mahiya naman kayo sa single! Mga walang
modo! Mauna na nga ako!" Walang pasabi siyang naglakad paalis.
Naiwan akong nakamasid sa papalayong bulto ni Jala. Nang lumipas ang ilang segundo,
iniwasan ko ang pagtatagpo ng mata ko kay Cadence. It was slightly awkward.
"Maglalaba."
Iniwasan kong mapairap. "Ni hindi nga ako sigurado kong marunong kang maglaba ng
brief mo," pang-aasar ko sa kanya.
Cadence frowned deeply. "Shut up, liit. Marunong akong magwash ng clothes."
I didn't believe him for a second. Mag-wash ng clothes? Napatawa ako ng pasimple.
It was evident that he knew nothing.
Nginisian ko siya nang nag-uuyam bago makihalubilo sa ibang Ponce. Narating namin
ang maliit na parking lot ng school, kumpleto na halos ang lahat sa pag-uwi ng
Tagbakan. Walang kibuan ang mga ito nang makasakay kami ng van. Even Cadence didn't
talk a lot.
The whole ride was so quiet as if I was hearing the sound of crickets. Lubos ko
iyong naiintindihan, kahit ako ay pagod din sa katatapos na exams. Ang konsolasyon
lang, tapos na at hindi ko na kailangan pang isipin.
"Do you want to know something? Do you want an answer to your question?" biglang
tanong ni Cadence sa tabi ko. His eyes were closed, but he was talking to me I
could tell. Alam kong ako ang kinakausap niya. Ako lang namana ng kanyang katabi sa
upuan.
Tumaas ang kilay ko sa naging tanong niya. Anong answer to my question? Medyo
naguluhan ako. "Ano? Pa-suspense ka pa, bakit hindi mo na lang sabihin?"
Malinaw pa iyon sa akin. It was on the day we spent together before his mom
threatened me. Hindi naman madalas ang mama ni Cadence sa Tagbakan. She probably
didn't stand the life in the farm. Ganoon pa man, abot langit pa rin ang kaba ko
tuwing naaalala ko siya.
He shook his head. "Not now, Everly. It's..." Narinig ko ang paghugot nang malalim
na paghinga.
Muli pa sana akong magsasalita nang huminto ang van na lulan namin. Nasa kanto nang
aming bahay. Napabuntong - hininga ako habang dinampot ang aking gamit. Tumingin si
Cadence sa akin at ngumisi.
Muli akong lumingon kay Cadence. "Matagal pa iyon, Cadence." Kumaway ako sa kanila
kahit wala namang nagbigay ng atensiyon sa akin maliban kay Cadence bago ko
tuluyang sinara ang pinto ng van. Nginisian ko rin ang driver.
"Salamat po, kuya Vincent." I told him like I always do. Sumaludo si kuya Vincent.
Nanatili akong nakatayo roon habang pinagmamasdan ang papalayong van. I sighed.
Things are getting more complicated than they really are. I can't seem to stop
myself from falling in the trap.
Matuling lumipas ang araw, sunod - sunod ang aktibidades sa school. December is
fast approaching. Mukhang mas mapapabilis pa ang pagdating ng buwan kaysa sa
pagtakbo ni Jala sa P.E. class namin noong isang araw. She really took her time
walking, imbes na tumakbo. Hindi alintana ang galit na sigaw ng aming teacher.
So far, no encounters of madame Oleya. Mukhang nasa siyudad ang ginang o kasama ng
gobernador. Wala akong balak alamin.
Hindi ako sigurado kung walang nakarinig sa tanong ko, walang sumagot. Mas lalong
namuo ang curiosity sa buong katawan ko. It was like they were enchanted with
something.
I spotted Lucy and friends. Nakikigulo din sila sa palayan at mukhang manghang -
mangha sa nakikita. Akmang itutulak ko ang nasa harapan ko, mayroong humila sa
aking braso papalayo sa dagat ng manonood.
"Sai!" his scream echoed quite loudly. Si Jutay. Kasunod niya si Amy sa likuran na
ngumisi sa akin at kumaway.
Madalas kong makita ang dalawa sa green house tuwing tumutulong ako kay nanay.
Sabay - sabay kaming napalingon sa isang tili kasunod ng ilang halakhak. Muli kong
napagtanto ang komosyon.
"Aba, malay ko. Kararating lang din namin nang matagpuan ka rito." tugon ni Amy.
Kulang na lang ay malaglag ang aking panga. Unang bumungad sa akin si Teryo at ang
kanyang palong ng manok na buhok, wala siyang suot na pang-itaas. Mayroon siyang
hawak na net na hindi ko mawari kung para saan. Ilang ulit na tumikhim si Jutay,
malamang iniiwasan niyang tumili kagaya ng ibang babae.
Sino nga ba namang hindi mapapatili ng ganoon ang madadatnan? Pero bakit yata tili
na parang kinikilig?
Akmang hahakbang na ako palayo, nahagip ng aking mata ang isang pamilyar na pigura.
My eyes widened in disbelief. Si Santino iyon!
Sinuyod ko ang paligid. Tama ako! Si Santino iyon. At iyong Lim! Kaklase ni Cadence
ang mga iyon. Kasama nila si Hadley, iyong kapatid ni Cadence at saka si Chance.
May hawak silang malaking plastic bag. Wala akong ideya kung bakit may ganoon
silang hawak.
"Hoy!"
He opened his eyes and looked at me. Bahagyang naningkit ang mata niya sa sikat ng
araw, diretsong tumatama sa aking balat. "Anong ginagawa mo? Ayos ka lang?" I asked
somewhat bewildered and worried. Akala kung ano nang nangyari. Kinabahan ako nang
lapitan ko siya, halos lumundag ang puso ko.
"Liit," Cadence got up and sat on the grass. Mukha siyang batang nagsusumbong. "We
were trying to catch a frog for dissection. Damn it."
Namilog ang aking mata. It made sense now. "Bakit hindi ka tumutulong sa mga
groupmates mo?"
Hindi ko lang alam na ngayon sila manghuhuli ng palaka. Kagrupo niya si Santino at
iyong Lim. Kaya pala mayroong hawak na net si Teryo at may dalang plastic bag sina
Hadley at Chance.
Naupo rin ako para magpantay kaming dalawa. Niyakap ko lang ang aking mga binti.
Kumunot ang noo ni Cadence, halata ang inis sa kanyang ekspresyon, letting out an
irritated sigh. "Those fucking frogs!" He hissed under his breath.
Kinagat ko ang aking labi para iwasang tumawa sa kanyang reaksiyon. Cadence looks
defeated by those frogs. I was laughing internally. Muntik pa akong mabilaukan sa
pagpipigil ko ng tawa.
He gave me a little pouty expression before rolling his eyes. "They are frogs,
Everly. Frogs! Fuck! How nuisance."
It was my turn to roll my eyes. "Dapat kayo iyong nakokonsensiya, papatayin niyo
sila tapos kayo pa iyong galit. That's so unfair, Cadence. Sinisira ninyo ang
balanse ng kalikasan." I reasoned out, more likely I blabbered.
"Good point, liit. But here's the thing, it won't be called balance if some
organisms tend to have much growth rate than the other species. They would be
considered as pests. Iyong algae, they are common but having more would trigger to
algal bloom that would lead to the demise of other organisms kasi they consume
oxygen and block the sunlight from passing through. Ganoon din sa frog species."
Cadence explained further than I could understand.
Pinilit iyong i-proseso ng utak ko. For once, I felt completely dumb and pressed my
lips together so I could not speak to humiliate myself. Medyo inis ako sa nangyari,
I set aside the thought. It wasn't Cadence's fault that he is more knowledgeable in
that field. Isa pa, hindi naman siya kompetisyon at hindi siya nakikipag-
kompetensiya. I was still immature to accept some defeat.
Agad akong bumalik sa realidad. Ilang uli akong kumurap. Bumungad sa akin ang
concerned niyang ekspresiyon. Para akong napapasong tumayo.
"Sorry," bulong ko bago ko nilisan ang kinatatayuan niya. Naglakad ako pabalik sa
ilang kababaihang okupado ng tanawin.
He called me again, but I didn't look back. Mas binilisan ko pa ang aking lakad
papalayo sa lugar. Tinawag din ako ng aking mga kaibigan. Maging sila ay hindi ko
nagawang lingunin. Nagtuloy - tuloy ako sa paglalakad. Pakiramdam ko ay nagmukha
akong tanga at napahiya sa harapan ni Cadence. It seemed to me that sometimes I am
just an annoying know-it-all.
***
Natutop ako sa tayo ko nang marinig kong magsalita si nanay. It was late at night.
Matapos kong gawin ang aking assignment, nagtungo ako sa aming kwarto ni Nena. I
stumbled upon them, talking. Mahina ang kanilang boses, pero malinaw pa rin ang
rehistro nito.
"Hindi ba't mas makakabuti kong lumipat na tayo sa mas madaling panahon? Lumiliit
ang mundo, Anton. Ayokong maipit sa gulong may kasiguruhang tayo ang matatalo."
Malamyos ang kanyang boses.
Maingat akong humakbang ng mas malapit sa kanilang kwarto. Iniwasan kong makagawa
ng ingay o bagay na maaaring makapagbuking sa presensya ko. Alam kong hindi dapat
ako nakikinig sa usapan ng mas nakakatanda sa akin. It was completely rude and
unmannered. Pero ko maiwasan ang curiosity na nararamdaman.
Rinig na rinig ko ang pagbuntong - hininga ni tatay. Ramdam ko ang bigat ng takbo
ng kanilang usapan.
"Hindi." It was firm. Kagaya ng nakasanayan kong tono niya. "Walang aalis dito.
Kapag umalis tayo, parang tinanggal na rin natin ang kanyang karapatan. Ang pag-
alis at pagtalikod sa problema ay isang kaduwagan. Walang sikreto ang maitatago
habang buhay, kung dumating man ang bagay na iyon, kailangan nating gawin ang
tama."
Nanatili akong nakatayo ng ilang minuto bago ko tinungo ang aming kwarto ni Nena.
Gulong - gulo ang utak ko at wala akong nainitindihan sa daloy ng pinag-usapan.
Inilapag ko ang bag ko sa gilid ng katre.
Biglang nanlaki ang aking mata, muntik na akong mapasigaw sa gulat kung hindi
tinakpan ng salarin ang aking bunganga. Cadence ushered me to the side of the room,
still covering my mouth.
Pinanlisikan ko siya ng mata at bahagyang kinurot ang kanyang tagiliran sanhi upang
mabitiwan niya ako. "Damn! What a violent move!" he hissed.
Tiningnan ako ni Cadence ng ilang segundo. "You are mad, aren't you?"
"Ano ba kasing ginagawa mo rito ng ganitong oras?" This time, mahinahon na ako.
I remembered the incident. Hindi naman ako galit kay Cadence. Mas naiinis ako sa
sarili ko sa naging reaksiyon ko sa nangyari. It wasn't his fault, he was just
stating a mere fact. I was just immature to take offense of that. At dahil doon,
nahihiya akong kausapin siya.
"Hindi ako galit," agad kong wika. "Sorry na. Pero ano bang ginagawa mo rito?
Gabing - gabi na naman!" I was tempted to shout at him. Mas lalong magiging magulo
kapag ginawa ko ang bagay na iyon. Sumulyap ako kay Nena na mahimbing nang
natutulog sa katre.
Tinitigan niya ako. "I have a peace offering for you."
"Ano? Cadence, kapag nahuli ka ng tatay ko, tatagain ka no'n!" kabang - kaba kong
sabi.
Hinila niya ako papalapit sa bintana, which I am guessing, doon siya dumaan para
makapasok ng kwarto namin ni Nena.
Inilahad niya ang kamay sa akin para alalayan akong bumaba rin ng bintanang hindi
naman ganoon kataasan.
Napapikit akong inabot ang kanyang kamay at tumalon pababa. Wala akong narinig na
tunog. My body didn't land on the surface. Binuhat ako ni Cadence, nagyo'y tumatawa
na.
"Are you sure you are eating right? You are not mabigat."
Hindi siya umangal at mabilis akong sinunod. Muli niya akong hinawakan sa braso, he
led me to the side of our house. May picnic blanket na nakalatag, sa ibabaw ay may
picnic basket.
Tumango ako. Wala naman akong ibang magagawa, kasama na niya ako. My heart was
pounding hardly in my chest. Sa kaba? Sa excitement? Ewan ko, magkahalo yata.
Naupo ako sa kanang bahagi ng picnic blanket, tumabi sa akin si Cadence. Malinaw na
malinaw kong nakikita ang buwan sa tayo namin pati ang mga bituin. I sighed.
"Sorry for dragging you here again." I didn't answer. Nagpatuloy siya sa paglalabas
ng pagkain sa picnic basket. Nilagay niya iyon sa paper plate. Napamaang lang ako
sa kanya, pero muling hindi ko nagawang magsalita.
Agad kong napuna ang pamumula ng mukha ni Cadence sa naging reaksiyon ko. "Sorry, I
can't cook something better. Ayoko namang gisingin ang mga kasambahay ng mansyon
para lang ipagluto ako."
Lumamlam ang aking mata. Hindi nakalagpas sa aking paningin burns sa kanyang kamay
ng iabot niya sa akin ang platong may lamang pancit canton. It was just a simple
gesture, but it warms my heart. Hindi naman nasusukat ang effort sa kung gaano ka-
extravagant ang isang bagay. It is the thought that always counts.
Ngumiti ako sa kanya. "Thank you, kapre. It is appreciated, kahit hindi naman
talaga ako galit."
"We dissected the frogs already." kwento niyang kunot na kunot ang noo.
Cadence shot me a glare and shook his head. "I jsut realized, isang pagkakamali ang
pinili kong strand."
"Sumuka si Santino sa sight nang hiwain namin ang skin nito." he continued.
Mahina akong tumawa at nagpatuloy sa pagkain. "Sounds like gore, tapos kumakain
tayo?"
"Hm, you want to talk about other things? Sorry, I brought that up. That was the
last time you talked to me."
"Cadence," I whispered his name softly. "Anong gagawin mo kung malaman mong ampon
ka?"
His brow raised. "What? I don't know." Naguguluhan niya akong tiningnan. Mukha
siyang nag-iisip ng tamang isasagot. "I don't even know if it would change a thing.
Fine, quite impactful. Siguro, I would seek to know my parents, but that's all.
Hanggang doon lang. They wouldn't be part of my life. Complete strangers just like
how they wanted. Bakit, ampon ka?"
His question hurt more than it should. I let out a sigh. "Hypothetical question." I
paused. "Pakiramdam ko may nililihim sila sa akin."
"Hypothetically, you're right. Would you view your parents in a different way?"
tanong niya.
Natahimik ako, pero agad din akong umiling. "They are still your parents,
biologically or not."
"Nagtatanong lang ako kung sakaling may posibilidad," We stayed in the picnic
blanket for minutes while enjoying the silence.
Niligpit niya ang basket na pinaglagyan niya ng utensils at pagkain pati ang picnic
blanket. Tumayo ako sa tabi niya habang pinagmamasdan ang mga bituin.
"Thank you, Cadence."
"Okay," Ako naman ang umirap. Tinanggap ko ang inilahad niyang kamay. Sumampa ako
sa kanya para makaakyat ng bintana. Cadence was trying to steady his body as he
tries to stand. It was long minutes when I finally did so. Tagumapy akong nakaakyat
ng bintana ng aming kwarto.
He just winked at me. Bumaba ako sa sahig. Hinintay kong mawala sa aking paningin
ang kanyang papalayong bulto bago ko isinara ng tuluyan ang bintana. Tahimik akong
huminga nang malalim.
Nang humarap ako sa kama, ganoon na lang ang gulat ko nang matagpuan si Nena na
nakaupo. Nagkusot siya ng mata.
Kabang - kaba ako. Kulang na lang bumulagta ako sa sahig para takasan ang tanong ni
Nena.
Wala pang segundo, muli siyang nahiga sa katre. Noon lang ako nagpakawala ng
pinipigil kong paghinga. I was in closed call with death.
***
Merry Chistmas everyone! Thank you for being here, for trying this story and
waiting patiently for the updates. Got caught up with school activities. Love
y'all.
Chi xx
Ikadalawampung Kabanata
Kabanata 20
Happy Birthday
"Merry Christmas din po sa inyo!" pagbati ko pabalik nang umagang iyon matapos kong
umigib sa poso pampaligo ko kay Meow.
Oh, kaybilis ng araw. Parang noong isang linggo lang bakasyon pa at wala pang mga
Ponce, ngayon may Cadence na ako. Ay, iba pala iyon. It was evident how time flies
so fast. Ang bilis ng panahon. Baka sa susunod may boyfriend na ako. Harot.
Natatawa ako habang pinapaliguan ko si Meow. Ilang ulit ko siyang sinabon para
fresh naman ang aking alaga sa pasko. "Merry Christmas, Meow!" maligaya kong bati.
"'Wag ka munang maglikot, ha. Sayang pampaligo ko sa'yo."
Nagtunog kabayo lang siya bilang sagot. Malamang, mas nakakagulat kong magsalita
siyang tunay. Nang matapos akong paliguan siya, nilinis ko ang botang suot ko bago
ako tuluyang pumasok ng bahay. Bumungad sa akin si Nena na tumutulong kay nanay sa
pagbabalot ng lumpiang shanghai para mamaya sa noche buena.
Mukhang busy silang pareho sa lumpia, hindi nila namalayan ang pagpasok ko. Hindi
na ako tumulong sa pagbabalot ng lumpia wrapper, pero siniyasat kong mabuti ang
gawa ni Nena, alam kong puro hangin lang ang laman noon. Iiwasan ko iyon mamaya sa
pagkain.
Maagang dumating si tatay mula sa sakahan. Mayroon siyang bitbit na bilao ng biko.
Nagpa-order ng mga kakanin sina Jutay na panghanda sa salu - salo.
Inabot niya sa akin ang dala niyang bilao at nilagay iyon sa mesa. Holidays are my
favorite time of the year. Bukod sa maraming ganap, paborito ko ito dahil
nakakasama ko ang magulang ko ng matagal. Marami silang oras sa tuwing holidays
kaysa sa birthday ko o iba pang okasyon.
"'Tay," kabado ako, pero kailangan kong sumubok. "Pwede ba akong sumama kay Jutay
magsimba mamayang gabi?"
May misa sa pavilion nina Cadence para sa salubong. Gusto kong magalit sa sarili
ko, paskong - pasko, nagsisinungaling ako kay tatay. A part of it was true,
magsisimba naman talaga ako pero kikitain ko rin si Cadence mamayang gabi.
Kinagat ko ang aking labi sa kaba. I need to think fast. "Ah, eh, bale pwede naman
po ako magdalawa ng simba, 'tay." agad kong sabi. "Payagan niyo na po akong
magsimba kasama sina Jutay, please."
Bumuntong - hininga ito. "Oh, siya, sige. Basta't umuwi ka rin agad pagkatapos ng
simba. Maliwanag, Sai?"
My eyes widened at Nena's words. Natumbok niya kasi ito. Sinamaan ko siya ng tingin
at inirapan. Hindi ko alam kung narinig iyon ni tatay o si nanay na kaharap niya.
Mukhang hindi naman pinansin ang panglalaglag ng aking pinsan.
I wond if his mother would be celebrating her Christmas in the mansion. Kung doon
ito magpapasko, sana naman hindi kami magpanagpo. Ayokong makita ang ina ni
Cadence.
At least, pinayagan ako ni tatay. One step closer to the plan. Nakakainis naman
kasi si Cadence, he really insisted to meet me at midnight. Ako naman, gusto ko rin
siyang makita ng personal. Hindi malamig ang pasko ko. I shook my head. Iba talaga
ang tama kay Cadence.
***
Simple lang ang suot kong bestidang kulay asul. Pinatungan ko iyon ng kulay abong
sweater, baka lamigin ako sa simbang salubong. Alas-siyete ng gabi ay nagsimula
akong gumayak. Dahil solo lang ako, si Meow ang sasakyan ko papuntang gitna. Sanay
na ako kay Meow, sa mga nagdaang buwan, mas lalo kong pinaghusayan ang
pangangabayo. Kabisado ko na ito.
"Sai," tawag sa akin ni Nena na nilingon ko. "Mukha kang lumpiang sunog na
binalutan ng blue wrapper."
Agad na sumama ang timpla ko sa kanyang description. Paanong blue wrapper? Hindi
naman hapit ang suot ko. "Mukha kang pancit cantong panis." Inirapan ko siya at
nagpatuloy sa pagsusuklay.
Lumapit siya sa akin. "I-hingi mo ako ng regalo kay Cadence, isusumbong ko kayong
dalawa kapag wala kamo." sabi pa nito. Aba, namblackmail pa nga!
Muntik nang malaglag ang aking panga. "Anong isusumbong mo?" iritado kong tanong.
Ang totoo, kinakabahan ako. Baka mayroon siyang natatandaan noong mga panahong
bigla na lang sumusulpot si Cadence sa bintana ng kwarto namin. Sa aming dalawa, si
Nena ang hindi katiwa - tiwala.
"Sikret! Bakit ko naman sasabihin ang isusumbong ko? Ano ako, hilo?" Tumawa ito
nang nang-aasar. Gusto ko siyang batukan sa asar pero pinilit kong hindi siya
pansinin. Nagpanggap akong wala akong narinig sa kanyang sinabi.
Sinuklay ko pa ang aking buhok kahit alam kong pinagmamasdan ako ni Nena. "Hindi na
ako pinapasama ni Tiya sa gitna."
"Ewan ko." Nagkibit - balikat siya. "Narinig ko silang nagtatalo noong nakaraan,
nasa school ka pa."
Napalunok ako. Biglang naiba ang dating sa akin ng takbo ng usapan. "Anong narinig
mo?" pang-uusisa ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-expect na marinig.
Hindi ako sumagot. May parte sa aking kinabahan. May isang beses ko ring silang
narinig na nag-uusap. A part of me was convinced it was about me. Pakiramdam ko
mayroon silang lihim. Wala akong ideya kung paano kong mabubulgar ang sikreto.
Gusto kong maliwanagan, pero iniisip ko ring wala ako sa posisyon para magtanong.
Kahit malinaw sa aking ang bawat salita, kagaya ni Nena, hindi ko rin lubos na
naintindihan. Mas bata sa akin si Nena. Sometimes, there are things I could not
fully understand. I am young and still dumb.
"May fireworks display daw pagkatapos ng misa," bulong sa amin ni Jutay habang
naghohomiliya ang pari, nasa third row kami nakaupo mula sa huli. Ang daldal pa rin
niya kahit may pari sa unahan.
Napansin kong mas maraming kabataan ang sumisimba tuwing simbang gabi, pero sa
totoo lang at judgemental akong tao, hindi ko alam kung anong kanilang rason. O
kagaya ko, parang panakip butas lang iyon para sa ibang gawain? Sumisilay lang ba
sila sa pari? Sumisimba para makagala pagkatapos? Why do it? Kung half-committed
lang din naman si misa.
Naglumikot ang aking mata sa paligid. Andoon ang mga Ponce, pero hindi mahanap ng
aking paningin ang pinunta ko rito. Wala si Cadence.
"Ang pogi talaga ni father," humagikhik na boses narinig ko. I shook my head.
Lumabas din ang totoo.
Nang matapos ang misa, mas lalo kong hinanap si Cadence. I was tempted to ask his
cousins, but I refrained myself from doing so. May bigay na regalo ang mga Ponce
para sa dumalo ng misa. It didn't excite me as much to my friends's excitement. Mas
lalo akong nababahalang wala si Cadence sa grupo ng mga dumalo sa misa. Gusto ko
muna siyang kausapin.
Nanatili akong nakasunod kay Jutay at Amy, kahit wala sa kanila ang diwa ko. I
pretended to hear what they were saying. Ilang beses akong huminga nang malalim,
kinakalma ko ang aking sarili.
The fireworks display. Mukhang magsisimula na ito. Huminga ako nang malalim.
Nagsimulang pumaibabaw sa madilim na kalangitan ang iba't ibang kulay ng fireworks.
It was fascinating, but my heart wasn't focused on the display. Hindi iyon ang
pinunta ko, bukod sa misa.
Siniguro kong manghang - mangha ang mga kaibigan ko sa kaganapan bago ako sumibat
paalis ng lugar. Tumungo ako sa pwesto kung saan ko tinali si Meow.
"Hi! Ako ito si Sai, hindi kita ninanakaw." mahina kong bulong sa kabayo. "Let's do
this together, Meow. We're a pair. Kung sakaling mahuli ako, ikaw ang magiging
karamay ko."
Kabang - kaba ako. It was like disobeying my parents in another level. Para akong
makikipagtanan kay Cadence. Ganoon ang pakiramdam ko. Sumampa ako sa saddle, muli
akong tumingin sa paligid. I made sure, nobody saw me leaving. Mabilis lang ako,
promise.
I hit Meow subtly. Mayroong flashlight si Meow na suot sa kanyang noo. Tumakbo ito
nang kusa sa direksiyon kung saan kami patungo. Iniwasan kong dumaan sa mga daang
alam kong madalas ang mga tao sa hacienda.
My heart was pacing rapidly. Pabilis nang pabilis kasabay ng pagtakbo ni Meow.
Sobrang lamig ng hangin na tumatama sa balat ko, pero naghahabol ako sa paghinga sa
kaba.
"Tigil, Meow." I told my horse. Natandaan ko ang papasok ng batis. "Dahan - dahan
lang,"
Muli itong naglakad nang marahan papasok. Hinawi ko ang ilang sangay ng kahoy na
bahagyang humaharang sa dadaanan namin. Sunod kong narinig ang mahinang pagaspas ng
tubig. I somehow sighed in relief. It was my sign that I arrived at the exact
location.
Pinatigil ko ang aking kabayo upang makababa ako sa kanya. Hinawakan ko siya sa
tali at ginawi sa sekretong batis na natagpuan namin ni Cadence. May natatakot na
parte ko, pero andito si Meow. This time, hindi niya ako iiwan kagaya nang madalas
niyang gawin. I was sure of it.
Maganda ang tanawin tuwing umaga. Maganda ang kulay ng tubig at malinaw. But I
didn't know it was also magnificent at night. Bumabakas dito ang replika ng buwan
na nagsisilbing liwanag. Tinanggal ko ang flashlight sa ulo ni Meow and turned it
off. Mas lalong kita ang ganda.
"Nagustuhan mo ba? Naalala ko ikaw din ang kasama ko noong una nating nakita ang
lugar. Mas una mo palang nakita kaysa sa akin." Meow made sounds. Umuna ito sa
tubig ng batis, he started sipping the water. Hinayaan ko lang siya, nanatili ako
sa batuhan.
Pinilit kong labanan ang takot ko. Sa bawat kaluskos na aking maririnig pati ang
pag-ihip ng hangin, kulang na lang tumalon ako at tumili. Hindi mawala ang kaba sa
dibdib ko sa bawat pagtakbo ng oras. Ang tagal ni Cadence dumating. Dapat mas nauna
siya sa tagpuan namin, pero siya itong late na.
Gusto kong maiyak sa kaba at takot. Ilang ulit akong nagdasal na hindi makatagpo ng
multo o engkanto, kahit ang katagpo ko sa dilim ay kapre. Cadence told me to be in
the batis. Sabi niya may sasabihin siya sa eksaktong gabing ito. I also want to see
him, kahit siya na lang ang regalo ko sa pasko. He didn't tell me to wait, yet I
did. I was waiting for him.
No Cadence. Nilalamok na ako sa aking tayo, pero wala pa rin kahit anino niya. Si
Meow hindi ko alam kung anong nararamdaman niya habang naghihintay kami.
Wala na ang fireworks display. Nasa batis pa rin kami ni Meow naghihintay sa kanya.
Nang mamuo sa utak ko ang impormasyon, mabilis na namasa ang aking mga mata. I
started crying with my baby blue dress wrapped with gray sweater. Napaupo ako sa
batuhan hawak ang tali ni Meow.
Siya ang nagsabing dapat akong pumunta. He was the one who insisted. Pakiramdam
ko'y sinuway ko ang aking mga magulang para mapagbigyan siya, pero hindi niya ako
sinipot. Tumuloy ako at naghintay kahit sobra ang kabog ng aking dibdib.
Hindi ako sinipot ni Cadence sa madilim na kakahuyan sa may batis. Walang Cadence
na dumating kagaya ng sinabi niya, kagaya ng ipinangako niya. Hinayaan niya akong
mag-isa. Sumakit ang puso ko. My heart was too young to be broken by unfulfilled
promise.
"Sai,"
Lumundag ang puso ko nang marinig ang boses na hindi ko inaasahan. Abot - langit
ang aking kaba. "'T-tay?" naiiyak kong sabi.
Biglang luminaw ang anyo ni tatay mula sa pinanggalingan namin ni Meow kanina. May
dala siyang flashlight na nakatutok sa amin. Pinahid ko ang luha ko sa suot kong
sweater.
"Umuwi na tayo," agad niyang sinabi. Hindi ko mawari kung galit ba siya sa akin.
Pero lumapit kaming dalawa ni Meow. "Sabi ni Amy, mukhang napagtripan ka raw ng
grupo nina Teryo."
Hindi ako sumagot. Hindi naman iyon totoo. Alam kong ginawa lang nila iyong alibi.
Salamat na rin, hindi ko alam kung anong gagawin kong palusot sa pag-uwi. Pero kung
hindi dumating si tatay, may balak pa ba akong umuwi?
"Madalas ako rito noong kabataan," sambit niya. "Hindi ko alam na dito ka napadpad.
Nahinuha ko lang, baka natagpuan mo rin ang batis."
Tumango ako. "Umuwi na po tayo," Wala akong ideya kung paano sasagutin sinabi niya.
A part of me still wanted to wait. May parte pa ring umaasa na anumang segundo ay
darating pa si Cadence. Pero imposible gayung sinusundo na ako ni tatay. Mas lalong
sumidhi iyong sakit.
Tiningnan ako ni tatay, pero hindi ito nagsalita. Tinulungan niya akong umakyak kay
Meow. Inalalayan niya kami hanggang makalabas ng tagong parte. May isang kabayong
nakatali sa hindi kalayuan. Iyon ang sasakyan niya pabalik.
The ride home was welcomed with deafening silence. Nakakapagod. Nakakapanghina.
Most of all, I felt betrayed. I felt betrayed by the one I really, really like.
***
Nag-abang ako sa labas ng mansyon ng mga Ponce. Gusto kong makita si Cadence at
kung maaari, gusto kong sumbatan siya. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng
naramdaman ko ng gabing na hindi niya ako sinipot sa batis. Gusto kong linawin sa
kanya kung gaano akong nasaktan.
I even hoped, he was going to see me in my room when everyone else was sleeping.
Para magpaliwanag. Kung ano man ang magiging paliwanag niya, sigurado akong maluwag
kong tatanggapin. Naghintay ako habang umiiyak. Again, I was disappointed by his
absence. Hindi ko dapat maramdaman iyon pero wala akong nagawa. Ni hindi ko nakita
ang kanyang anino.
Ilang ulit ko nang nakita si Lorenzo, si Chance sina Raius na pagala - gala sa
labas ng mansyon, isang beses hindi ko nasulyapan si Cadence.
Hindi na ako nakatiis ng biglang sumulpot si Hadley sa may kwadra. Nilapitan ko ang
lalaking kapatid ni Cadence. Nakahalukipkip ito habang pinagmamasdan ang mga
kabayo.
Hindi niya ako tuluyang hinarap, he was still watching the horses.
Nagsisi ako ng bahagya na ito ang nilapitan ko. Ilang beses kong nakita ang iba
nilang pinsan. Pero mas mabuti na rin siguro, mas alam ni Hadley kung asan ang
kapatid niya.
Hadley looked at me, as if assessing my whole life with one stare. "Mukha ba akong
employee ng lost and found?" ma-ere ang kanyang bigkas. Sarap niyang bigwasan.
Umiling ako. "Hindi naman, pero ikaw ang kapatid kaya baka alam mo naman."
"Matalino ka naman daw," Ngumisi ito. "Then, why can't you take the hint na tapos
na ang laro ni kuya?"
Kinagat ko ang labi ko. "Anong ibig mong sabihin?" lakas - loob kong isinatinig.
Hindi nawala ang ngisi nito. "He left you, Sai and he's not coming back. Have a
nice day ahead and Merry Christmas." Iyon lang ang kanyang sinabi at nilisan ang
kwadra. Naiwan akong tulala. I swallowed hard. Anong ibig nitong sabihin?
Tama siya, may utak naman ako. Nakakaintindi naman ako ng English, pero bakit
parang hindi ko maintindihan ang narinig ko? Anong ibig sabihin noon? Gulong - gulo
ang buong pagkatao ko.
I refused to believe. Hindi ako naniniwalang totoo iyon. Bawat araw pumupunta pa
rin ako sa mansyon, hinihiling na masulyapan ko si Cadence. Pero sa bawat araw,
disappointment lang ang sumasalubong sa akin. Ni isang beses hindi ko siya
nasilayan.
The betrayal turns into concern until it turns out to be what it supposed to be. A
heartache.
Dumaan ang bagong taon, walang Cadence ang nagpakita sa akin. I even waited for him
in the batis. Walang dumating. Sa bawat araw na lumipas, I was starting to lose
hope. I was starting to be eaten by what Hadley said. Baka tama siya. Baka laro
lang iyon kay Cadence, at nang magsawa siya, he left me without saying goodbye.
Masakit iyon. Masakit maiwan. Pero mas masakit maiwan ng hindi alam ang dahilan.
Mas masakit maiwan kapag hindi alam kung ano ang nagawang mali para magbago ang
isip. He could have told me. Wala akong balak pigilan siya kung balak naman niyang
umalis. But I wish, he had the decency to end what we have formally. Hindi iyong
iniawan niya akong nakanganga sa ere. Nangangapa sa nangyayari. Walang ideya kung
babalik pa siya.
I was young, I may not understand things fully, but one thing's for sure. What I
felt for him was real, and this heartache, it was painfully real. Siya ang unang
nagpatibok ng puso ko, siya rin ang unang nanakit dito.
Isang buwan.
Dalawang buwan.
Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam. Sampu. Labing - isa. Labing - dalawa.
Isang taon...
Dalawang taon...
Tatlong taon...
He didn't come back. Naglaho siyang parang bula. Without anything. He left without
saying a word like I didn't matter to him. And that hurts the most.
It felt like it happened yesterday. I could still picture him vividly in my mind.
His playful smirk. His mannerisms. His good - looking features.
"Happy birthday, Sai!" Kinusot ko ang aking mata. "Happy birthday, anak!"
Surprised. That's the first thing to describe the emotion I felt seeing my family.
Nakapalibot sa akin s nanay at Nena na mayroong dalang banner. Happy 18th birthday,
Sai Everly na letter-cuts. Mukhang pinaghandaan nila ang araw na ito. Gusto kong
maiyak sa efforts nila.
"Thank you, 'nay! Thank you, Nena! Bakit may ganito pa?" natatawa kong tanong.
"Kaya nga! Ang arte! Ganda ka?" Tinapon ko ang unan kay Nena. Umilag lang ito.
"Mag-wish ka,"
Ano namang iwi-wish ko? Do they come true? Para namang hindi. Hindi naman nangyari
ang naturang wishes ko noon. But I wish for one thing. Ipinikit ko lang ang mata ko
at inisip ang aking kahilingan. Hinuyupan ko ang kandila sa birthday cake.
"Thank you," Ngumuso ako. I wasn't expecting anything. Kahit pansit at bati nila ay
okay na ako kagaya ng mga dating birthday ko. O kahit walang handa. Na-surpresa ako
sa banner at cake ng dalawa.
"Ang tanda mo na, Sai!" komento ni Nena, habang naghihiwa ng kapirasong cake.
It was true. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang... why do we often recall
the past? Mahalaga pa ba iyon?
Napailing ako.
Chi xx
Kabanata 21
Deja vu
I always loved the farm, but the same place now suffocates me with memories. Sabi
nila, normal lang naman maramdamang iyon. Lahat dumadaan sa ganoong bagay,
teenagers do some stupid things, kasama na siguro doon ang magtiwala at masira ang
tiwala at ma-in love, and they say, it would be easy for me, kasi bata pa naman ako
nang maramdaman ko iyon. Just a normal thing to do to make my feelings invalid.
What do they know? Wala, wala silang alam. Kasi kung meron, they should know the
answer, why after all those years it still hurt?
Kinapa ko ang aking dibdib at huminga nang malalim. I threw a stone at the water.
How I wish, I am like the water, after being disturbed by the stone, it goes back
to its natural state, unbothered.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, gusto kong makalayo pero bumabalik pa rin
ako kung saan mas lalong bumubuhos ang alaala.
Ang batis.
Malamang naghihintay pa rin ako ng kasagutan. Sana ganoon lang kadali, sana mismong
batis na lang ang sumagot sa mga tanong ko. But of course, it will never answer my
questions. Kaya ibabato ko na lang dito ang pwede kong ibato.
"So, you are still going here," My body became rigid at the statement. Pero mas
lalo akong naguluhan nang mapagsino ko ang bagong dating. Agad akong nakaramdam ng
inis, wala siyang karapatan sa batis. Nor do I. Pero para sa akin, the batis was
mine. "Kahit alam mong hindi na siya babalik."
Parang punyal ang kanyang mga salita, because they were true. "Hindi tayo
magkaibigan, Hadley. 'Wag mo akong kausapin,"
Inayos ko ang jacket ko. For the last time, tinapon ko ang natitirang bato. I don't
know if that makes sense or anything, but at least it keeps my mind occupied.
Hinarap ko ang lalaki.
He's almost the same height as him. Parehong maganda ang genes, hindi
maipagkakailang magkapatid nga ang dalawa. The mere sight of him irritates me.
Hindi na siya residente ng Tagbakan, hindi na siya sa Camflora pumapasok, bakit
kailangan niya pang bumalik dito? O pumunta ng batis?
My hate was probably misdirected, but I really hate Hadley. I don't like to
associate myself with anything Ponce. Kung pwede ko lang lisanin ang lugar, ginawa
ko na. Hindi pa, hindi pa ako makakatayo sa sarili kong paa.
Hadley found me in the batis one time. Sinundan niya ako, iyon ang aking hinuha.
Ever since that day, pumupunta - punta na siya sa silent sanctuary ko.
Siguro nagbabakasyon siya rito. Wala akong pakialam. Minsan lang akong umuwi ng
Tagbakan, tuwing weekends. Linggo ngayon, babalik na rin ako sa bayan sa tiyahin
ko. Sa kanila ako tumutuloy tuwing may pasok. That's how things were supposed to be
until the Ponces came along. Nasira ang balanse ng buhay ko.
Iyong pakikisabay sa mga Ponce, I got rid of it. Ayoko nang kahit anong koneksiyon
sa kanila. Tama na ang hacienda at ang Tagbakan o iyong pinsan nilang nang-iwan sa
ere, but since he was gone, I didn't bother keeping up the relationship with them.
Hindi ko tinakpan ang disgusto sa aking ekspresyon. "Una, wala kang alam sa buhay
ko kaya wala kang karapatang pakialaman ako. Kung hindi mo iyon gets, bumili ka ng
utak." Nagkibit - balikat ako at umirap. "Too bad, hindi lahat ng bagay nabibili ng
pera."
Kung pwede ko lang silang iwasan, gagawin ko. Pero paano? Pag-aari nila ang
hacienda. Pakiramdam ko lumiliit at sumisikip ito bawat araw. Good thing that some
of the cousins are already gone to college. I don't have to deal with them anymore,
just the ache he engraved in my system.
"Sai!" Si Nena. Ito ang bumungad sa akin pagbaba ko kay Meow. Sumimangot ako.
"Nanganak na si Fieldgar, iyong totoo na!"
Magnanakaw ang kanyang pusa ng ibang pusa, ramdam ko ang kasiyahan niyang
nakapagluwal na ito ng sariling anak. Napailing ako.
"Edi congrats, mommy na siya." I was both sarcastic and relieved. At least, Nena
won't fight with other kids for the new babies that her cat stole.
Pumasok ako sa loob ng bahay, natanaw ko pa ang maliliit na supling na dumidede kay
Fieldgar. The cat has the mother instinct to be over-protective. Mukhang kahit kay
Nena ay ayaw nitong ipaubaya ang kanyang mga anak. It's like she matured throughout
the journey.
Ipinagluto ko muna ng tanghalian si Nena, pati ang dadalhin niya sa green house kay
nanay at sa sakahan bago ako sumakay sa habal - habal pa-bayan. Ayokong gabihin pa.
Mabuti na lang available ang motor ni Teryo, iyong mukhang palong na tinubuan ng
mukha. Isa na iyon sa pinagkukunan ng kabuhayan nila.
Ang pinagkaiba lang ngayon, yellow green na neon ang kulay ng kanyang buhok. Mas
lalong masakit sa mata. Hindi na nila ako gaanong pinagtri-tripan ang kulay ko.
Mukhang nagmature din ang premature nilang utak.
Kayumanggi pa rin ang kulay ko. Inakala kong pupusyaw ang aking balat pagtuntong ko
ng diese-sais, wala namang nabago. Maitim pa rin ang aking balat. Tumangkad lang
ako ng ilang inches, pero kumpara kay Hadley, baka hindi ako umabot ng balikat.
Nagkalaman ang parteng dibdib ko na parang burol, hindi man lang naging bundok. The
good side, walang umaalog kapag tumatakbo. I'm still the same Sai as before. Wala
halos ipinagbago. Iyon nga lang, hindi na ako bata. I have to make choices of my
own, like adults do. Minor choices. And those choices would make my future.
"Salamat, Teryo."
Umibis ako mula sa motor. Inabot ko sa kanya ang aking bayad. Ngumisi lang ito at
kumibot ang labi. "Ingat, anak ng kadiliman."
Tinapunan ko siya nang masamang tingin. "Sumemplang sana ang motor mo, Christmas
light." Medyo biro, medyo hindi.
Hanggang ngayon kabuntot ko pa rin ang salitang anak ng kadiliman. Kung ako maitim,
siya naman ay Christmas light. Iyon nga lang, Christmas light na may depekto.
Tumawa ito at pinasibad na ang kanyang motor. Tinanaw ko siya hanggang makalayo.
Nang tuluyan nang makaalis si Teryo sa harapan ko, bumaling ako sa gate ng bahay.
Wala akong narinig na sagot. Dumiretso ako papasok ng bahay. Mukhang nasa
kapitbahay pa siya at nakikipag-tsismisan kay Aling Letty. Gusto ko na lang umuwi
ng Tagbakan kung minsan, but I don't have much of a choice. Ayokong mag-uwian,
sayang ang pamasahe lalo na't umayaw ako sa pagsabay sa mga Ponce.
Well, malapit na rin naman ang bakasyon. But that's the thing, I don't like much
either of my two choices. Dehado ako alin man sa dalawa. The only place that is
keeping me sane is Camflora National High School, pero kahit doon ay marami pa ring
alaala.
"Hoy!"
Sinara ko ang notes kong binabasa at tiningnan ang bagong dating. Naupo si Jala sa
harapan ko. Jala was the only constant. Alam na alam niya ang lahat ng nangyari.
Hindi na siya chubby, the right term would be curvy. Kaya hindi ko na siya madalas
alaskahin kahit madalas pa rin niya akong tinatawag na maitim. Defined ang kanyang
katawan. Naturally, mas malaki iyong boobs niya sa akin. Kahit isampal niya iyon
kay Ruby Pearl, pwedeng - pwede.
Ngayon ko napansin ang suot niyang salamin sa mata. She was smiling. "Kumusta naman
ang grado ng mata mo?" I asked her. Nagpatingin siya ng kanyang mata nitong
nakaraang weekend.
Hindi ko magawang panatilihin ang seryoso kong aura. Hinampas ko siya ng aking
notes. "Buti naman pasado ang grado ng mata mo, baka ikaw itong hindi pumasa!"
panloloko ko.
Sumimangot siya. "Tangina, baka hindi nga! Ngayon na yata ilalabas ang kasama sa
moving up pati ang honors list."
Bahagya akong nakaramdam ng kaba. It was what I aimed to have before --- to be on
top of that honor's list. Lalo na't pagkatapos nito, senior high school na ang
kasunod. Kinagat ko ang labi ko.
"Ilalagay nila sa bulletin board iyon malamang. Gusto mong tingnan natin mamaya
pagkatapos ng klase?" Jala suggested.
Tumango ako kahit hindi sigurado. I am not confident it would be me on that top
one. Pero mas natatakot ako kung paanong sasabihin ko ang balita kay tatay. That's
the only way I could make them proud, pero mukhang hindi pa mangyayari.
Tatlong taon ang lumipas, maraming nagbago lalo na sa akin. Pati ang ilang pananaw
ko sa buhay. Hindi lang basta - basta sa academics umiikot ang buhay ko, pero hindi
rin ibig sabihin noon, nagpapabaya ako sa pag-aaral.
I just realized, there are more important things than being on the top list. Mas
mahalagang mayroong natutunan, grades don't measure someone's learning. It would
bring some pride, pero hanggang doon lang. I don't want to castigate myself for not
having the result I wanted anymore, even if I did enough. Tanggap ko ng hindi ako
laging bida at mayroong mas magaling sa akin sa mga gawaing pang-akademiko. And I
don't need to compete with everyone.
Nang mag-uwian, sabay kaming naglakad ni Jala patungo ng bulletin board. Ilang
estudyante rin ang nakatunghay na. I looked up to see the list. Parang mayroong
bumara sa lalamunan ko habang binabasa ito.
"Yes, pasado ako!" tuwang - tuwa si Jala. I just smiled. Nahawa ako sa kasiyahan ni
Jala kaysa kainin ng takot kung paano ko ipapaalam sa magulang ko. She was happy
being able to pass. And here I am worrying...
Top three ako sa overall ranking. Ngumisi ako. It's not that bad, but for my
father, it isn't enough. Niyugyog ni Jala ang aking balikat. "Congrats, dilim! Ikaw
talaga ang matalino sa ating dalawa, bobo nga lang pagdating sa..."
Pinanlakihan ko siya ng mata at siniko nang pabiro. Papansin masyado, talaga namang
ia-announce pa niya sa mga makakarinig? Well, everybody knows or at least has a
hint. Sikat siya sa Camflora. Crush ng bayan. Hinatak ko siya palayo ng bulletin
board, dumadagsa na rin naman ang estudyante.
"Hindi ko nakita ang pangalan ni Ruby Pearl," bulong niya agad sa akin nang
makalayo kami. "Mukhang hindi siya pasado. Pasalamat na lang ako, kahit nasa
laylayan, at least, pasa. Akalain mo pa iyon, ilang beses ko pang tinulugan ang
letseng Math."
Ilang ulit siyang napagsabihan noon. It was also sarcastic. Galit na galit kay Jala
ang Math teacher namin sa kanya. Kung maaari lang siyang maiumpog sa pader,
malamang nagawa na ni Sir. Hindi pa rin siya nagbabago sa kanyang mga kalokohan.
Naupo kaming dalawa sa bench kaharap ng malaking oval. Inilapit ko ang aking bag sa
dibdib. Ayoko pang umuwi ng bahay. Pinagmasdan ko ang ilang dumadaang estudyante.
Ilang beses ko nang tinangkang hindi banggitin ang pangalan niya, but what's the
point? Ganoon din si Jala. Either way, nasaktan ako.
Nagkibit - balikat ako at nagbuga ng hangin. "Malay ko, bakit hindi mo itanong sa
kanya? Baka sagutin ka." Sinabayan ko pa nang mahinang pagtawa. It sounded a little
off and bitter, hindi ko na lang pinansin.
"Bigla na lang kasi siyang nawala. Siya lang naman iyong nawala. Iyong mga kapatid
niya, iyong mga pinsan niya, andito. Siya lang ang naglahong parang bula."
Ni minsan hindi namin napag-usapan ang patungkol kay Cadence. Hindi iyong malinaw
na usapan. Wala akong ideya sa dapat kong maramdaman ngayong binubulatlat ni Jala.
"Ewan ko nga. Baka dahil sa nanay niya. Hindi ko alam!" Umirap ako sa ere. "Hindi
naman mahirap ang magsabi ng paalam. Sa totoo lang, wala na akong pakialam."
It was what Marlyn Ruseph said. Kinausap ako ng babaeng iyon matapos mawala ni
Cadence. May impluwensya raw ang kanyang Tita Oleya sa naging desisyon ni Cadence.
Well, it still didn't make sense. Ang sarap niyang ingudngod sa tae ni Meow ng
panahong iyon. Graduate na ang babae kaya hindi ko na magagawa.
"Ay, weh? Neknek mo! Lokohin mo na lahat, 'wag lang ako! Never!" Umiling - iling si
Jala. "Paano naman siya magpaalam, aber? Ehem, ehem 'Paalam, Everly. Sibat na ako.'
o 'Paalam, Everly. Hindi na kita gusto.' Aw, sad." panggagaya niya sa boses ni
Cadence.
Paano nga ba magpaalam ng hindi mapanakit? When endings, no matter how happy or
sad, are painful to bear.
***
"Pangatlo lang?"
Pangatlo lang? Pag-uulit ng diwa ko. It was no small feat. I did my best to achieve
that. Pinaghirapan kong makamtan ang ganoong bagay. At para sabihing lang iyon ng
tatay ko, nanliliit ang buong pagkatao ko. May kumurot sa puso ko. Hindi
makatarungan. Parang kailangan ko pang patunayan ang sarili ko lalo na sa kanila.
Huminga ako nang malalim. "Pangatlo lang po ang kinaya ko, 'tay." mahinahon ang
boses ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko ng pakiramdam na hindi ako sapat. May
bumabara sa aking lalamunan, nagbabadya rin ang mga mata ko.
Namuo ang emosyong hindi ko mawari. Galit? Disappointment? Siguro, pareho. Mas lalo
akong nanliit. "'Wag mong sabihin sa aking 'yan lang ang kinaya mo, nagpabaya ka sa
pag-aaral! Hindi katanggap - tanggap! Ano bang nangyayari sayo, Sai?" malakas ang
kanyang pagkakasabi. Nagyuko ako ng ulo.
Hindi agad ako naka-imik. Wala akong maisagot. Hindi naman totoong nagpabaya ako.
There were things I could not control on my own. Certainly, not the ranking. Ang
mahalaga, may natutunan ako sa pagpasok. Hindi iyon sapat sa kanila.
"Pag-aaral na lang ang gagawin mo, Sai! Hindi mo pa magawa nang maayos! Hindi ka
naman ganyan dati!"
Nagulat ako sa pagbulyaw niya. Ipinagdiinan niyang maigi ang pagiging pabaya ko.
Mas madalas pagkakamali ko ang ang nakikita nila. Biglang nagtubig ang aking mata.
Bilang ako lang ang Maligno, alam kong ako ang inaasahan ni tatay. Pero minsan
nakakasakal na ang expectations niya sa akin.
He's expecting so much from me. Pero hindi naman ako robot, kahit robot nagkakaroon
ng deperensya, mas lalong hindi ako perpekto. I am really, really pressured. Ayoko
nang ganoong pakiramdam.
Naiisip kong sana hindi na lang ako nagsipag dati, ako rin naman ang nagbigay ng
dahilan kung bakit ganoon kataas ang kanilang expectations sa akin. It was too
much. Pagdating sa pag-aaral, ang hirap maging anak ng mga magulang ko.
"Kahit ano naman pong gawin ko, hindi pa rin po kayo proud. Kahit lagi akong top
one noon, lagi niyo pa ring sinasabi. Galingan ko pa, mas may igagaling pa ako."
Pinahid ko ang mga luha sa mata ko. "Pero ni minsan hindi niyo sinabing proud kayo
sa mga na-achieve ko. Laging kailangan kong patunayan ang sarili ko. Kailangan kong
makipag-compete sa sarili ko bawat taon. Kailangan mas may igagaling. Napapagod na
po ako."
Natigilan si tatay sa sinabi ko. Lumamlam ang galit sa kanyang mukha. That's what I
really felt. Sa kahit anong effort ko, hindi sapat para sa kanila. Ipinamumukha
nilang walang kwenta ang mga nagawa ko na.
I shook my head slightly. "Aakyat na po muna ako." Tumungo na ako sa hagdan patungo
sa aming kwarto ni Nena ng hindi hinintay ang kanyang sagot. I was still crying my
eyes out.
Nasasaktan pa rin ako sa mga salita ni tatay. Ginawa ko naman ang lahat. Nag-aral
akong mabuti. Kahit nasaktan ako sa pag-alis niya, hindi ko iyon hinayaang
makaapekto sa pag-aaral ko. I just no longer cared about the ranking. Wala akong
bagsak. Matataas lahat ng grades ko. Minsan ang unfair.
Naampat na ang luha ko, I decided to take a stroll in the hacienda with Meow. Baka
sakaling malibang ko ang aking sarili, hindi ganoon kalungkot sa part ko. Bago ko
pa magawang makasakay kay Meow, rinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.
"Sai, saan ka pupunta?" sigaw pa ni Nena. Karga niya ang bagong anak ni Fieldgar.
Nakabuwangwang ang buhok niyang kulot.
"Ang labo mong kausap! D'yan ka na nga!" Bahagya akong nainis sa inasta niya.
Nena just grinned widely. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin. "Teka lang!
May nasagap akong balita." Tumawa pa ito at gumalaw ang dalawang kilay. Tiningnan
niya ang magiging ekspresyon ko.
Deja vu.
Mga bagay na dating nangyari na at muling nauulit. Already seen. Parang ganoon. And
if that really works, should I bother to revise the ending? Napailing ako. Ano
ngayon kung bumalik ang gobernador? Hindi naman ibig sabihin noon, babalik din
siya. Wala akong pakialam. Talaga, strong ka?
Natagpuan ko ang sarili ko sa batis. I should hate this place, but I didn't. Dito
niya ako pinaasa at iniwan. Pero hindi ko magawang lisanin. Patuloy ko pang
binabalikan. Mas nakakapag-isip ako habang pinagmamasdan ang batis. Ito ang
kumakalma sa akin.
Maybe, because its ambiance is soothing to see. Maaliwalas. Malinis ang tubig. Very
nature vibe. Nakakahiyang magalit sa ganito kagandang lugar. Muli akong nangolekta
ng pebbles para itapon sa rumaragasang tubig. It's therapeutic.
Gumaan ang pakiramdam ko. Unit - unting nawala ang iniinda kong masakit na salitang
binitiwan ni tatay. Pansamantalang naglaho ang agam - agam ko sa buhay.
I hummed a melody. Kahit bahagyang sintonado ang boses ko. I didn't care. Ako lang
naman ang tao sa batis, walang ibang makakarinig ng sintonado kong boses.
For awhile...
Agad akong naalarma nang makarinig ako ng kaluskos. Napatigil ako sa ginagawa.
Magpakita lang talaga sa akin si Hadley sa lugar na ito, ibabato ko sa kanya ang
lahat ng pebbles na nakolekta ko imbes na sa tubig. Bungo niya ang makakatanggap ng
pebbles.
Humarap ako sa bagong dating. Inihanda ko na rin ang speech ko. "Hanggang ngayon ba
naman---"
I gulped.
Nahanap niya ang mga mata ko. Hindi ko magawang tumingin sa iba. We stared at each
other for a minute or so. Mas matagal pa sa ilang minuto. Humigpit ang hawak ko sa
mga pebbles na dala kong dapat ibabato sa kanya. Pero hindi ko magawa. Kahit
paghinga ay hindi ko magawa. Nanginginig ang buong kalamnan ko.
He looked leaner, more manly, more handsome. He looked better than before. Kung
gwapo na siya noon, mas lalo na ngayon. Baka mas lalong tumangkad pa. Nangangatal
ang labi ko at hindi ko mahanap ang sariling boses.
Hindi ko mawari ang dapat maramdaman. Sari - saring emosyon ang lumukob sa akin.
But I was too numb to pinpoint anything.
Unti - unti siyang lumapit ng walang isang salita. Humakbang ako patalikod. I don't
want to close the space between us. Ayokong magkalapit kami. Nataranta ako ng
nagbabadya ang luha mga mata ko.
"Hi, Everly." That voice, it became more baritone.
Cadence.
I slipped. Nadulas ako sa batuhan. Tumama ang aking katawan sa malamig na tubig ng
batis. Ang malas!
Kabanata 22
Harana
"Earth to Sai!"
Sinamaan ko ng tingin si Jala. Ngumisi lang ito sa akin at nagpeace sign. Ilang
ulit na niya akong tinawag sa pangalan ko. The moment my mind spaced out, she would
call my name. Inis na inis ako rito. Can't she just let it pass?
Nakakawala ng gana ang talk ni Mr. Montero sa unahan. We were in the gym for his
dull speech. Kung hindi ba naman ito paulit - ulit ng sinasabi, edi walang
problema. Hindi kami makausad. Kanina ko pa gustong umalis ng gym at magpahangin.
"Ms. Maligno!"
Tumaas ang kilay ko. Nagtawanan naman ang ilang mga kaklase kong nakarinig,
hanggang ngayon katatawanan pa rin ang apelyido ko. Maligno raw kasi. Ano bang
magagawa ko? At least, maganda ang pangalan ko.
She nodded.
Agad na tumayo si Jala sa pagkakaupo. Kinuha ko ang gamit ko, sinukbit ko ang aking
bag saka tumayo. Sounds of disappointment were heard in our bleacher. Halos
magprotesta ang ilang kaklase ko. Kagaya ko, bored na bored na rin sila sa moving-
up talk ng matandang instructor.
Naging teacher namin si Mrs. Acosta sa Filipino subject ngayong year. She was also
a teacher in senior high school at mayroon din siyang hawak sa grade eight
students. I was assigned to help her check assignments, quizzes and exams. Kumbaga,
student assistant ako ng guro.
Alam kong may ipapagawa si ma'am, and I'd rather take it than stay in the gym for
the rest of the day. Ang moving-up at graduating students lang naman ang mas
napaaga ang exams, the rest has regular classes.
"Thank you, best friend. You are a saving grace!" bulalas ni Jala ng nasa bukana na
kami ng gym.
Umiling ako. Ang OA ng isang ito. "Ewan ko sa'yo. Basta tulungan mo ako sa gawaing
ipapagawa ni Ma'am Acosta."
We headed to the faculty room. Sa senior high ang faculty room ni Mrs. Acosta, kaya
doon kami dumiretso ni Jala.
"Teka lang!" awat nito sa pagkatok ko. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Her
eyes widened. Mas lalong tumaas ang kilay ko.
Hinanap ko ang pagsisinungaling o pangloloko sa kanyang mukha. Her face was masked
with a serious expression. Parang binuhusan ako nang malamig na tubig, kasing lamig
noong sa batis.
Sinundan ko ang gawi ng kanyang tingin para hanapin si Cadence. Ilang ulit ko itong
pinasadahan ng tingin pero wala akong nakita. It was another prank by Jala.
Nakumpirma ko ito ng bigla kong narinig ang kanyang pagtawa.
Umiling - iling ako. My lips thinned. Hindi ako natutuwa. Nakaramdam ako nang
pagka-pikon, at gusto kong maglupasay sa iyak. Halo - halong emosyon ang
nararamdaman ko at para akong sasabog.
Ilang ulit nang nagawa ni Jala ang prank na iyon simula noong bigla na lang siyang
nawala. At hanggang ngayon, ganoon pa rin ang reaksiyon ko.
Jala stopped laughing when she saw my expression. "Hoy, sorry na. Joke lang kasi."
"Oh, kasama mo pala si Jala." Bumati si Jala sa dalawang guro. "Good morning din,
Jala. Tamang - tama, dalawa kayong pwedeng magtulungan. Don't worry, yakang - yaka
niyo naman ang checking of papers. Ikaw ba, Beb, you need assistance? Dalawa ang
bata ko rito."
Ngumiti lang ang ginang at tumanggi. "Research papers ito ng mga bata ko. Go lang."
"O siya, may klase pa ako. Kayo na muna ang bahala rito, Sai."
We settled on the chairs in front of her desk. Magkaharap kaming dalawa ni Jala.
Pero hindi ko siya pinansin. Hinati ko ang papel na tsi-tsekan naming dalawa,
kinuha ko ang akin. Tig-isa kami ng answer key.
"Hoy, grabe, 'wag ka nang magalit. Joke lang naman iyon. Sorry na!" mahinang wika
ni Jala.
Hindi pa rin ako kumibo. May bahaging napipika pa rin sa kanya. Gusto ko lang ng
katahimikan. Muli akong huminga nang malalim. Minsan kasi kapag paulit - ulit na,
nakakapikon din. Lalo na kung sa paulit - ulit na jokes na iyon, may parte pa ring
umaasa.
Wala akong ideya kung paano ko haharapin si Cadence, when almost most of the time,
I wished he was on the same place with me. And how I wished, he didn't leave me
hanging.
Ngayong nagbalik siya, hindi ko alam kung anong mararamdaman. It was the least
expected thing to happen, halos wala na iyong pag-asang bumalik pa siya.
Basang - basa akong umuwi matapos ko siyang makita sa batis, kagaya noong una ko
ring nakilala ang kapre. I tried to save him that time, and he tried to save me
this time. Pero nauna na ako sa batuhan at patakbong bumalik kay Meow. I headed
back home, crying and soaked with plenty amount of water.
"Sai... Sai..." Muli kong narinig ang kanyang boses. Tumaas ang kilay ko pero hindi
umimik. "Sai, pansinin mo na ako..."
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, lumiko ang tinta ng ballpen. I glared at Jala.
Kumamot siya sa ulo. She already stopped what she was doing. Nag-aalalang tumingin
siya sa akin.
"Sai, si Cadence..."
Tumalim ang titig ko sa kanya. Balak yata nitong tuluyan akong mainis.
I shook my head extremely annoyed. Muli akong bumalik sa pagche-check pero muling
hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan sa ginagawa.
Kinalma ko ang sarili ko para hindi makapagsalita ng hindi maganda. Inis na inis
ako inaasta ni Jala. Kanina pa siya at mukhang walang balak tumigil. A joke was
supposed to be funny. Pero hindi naman niya ako nakikitang nasisiyahan, bakit pa
niya ipinipilit?
"Tumigil ka na, Jala, pwede ba? Kanina pa ako nagtitimpi sa'yo! Once is enough.
Nakakatawa 'yon? Nakakatawa? P'wes, sa akin hindi!" kalmado pa rin ako. Bawat
bigkas ko lang ay may diin.
Hindi niya ako pinansin. She kept looking on the door. "Si Cadence nga..."
"Cadence!"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. It was a wrong move. Nagtama ang aming
paningin.
This time, tama si Jala. Cadence is here in flesh.
Jala's mouth parted. Mukhang hindi siya makapaniwala sa nakita. Kahit kagayang -
kagaya ng kay Jala ang nararamdaman ko iniwasan kong mapanganga. Agad akong nag-
iwas ng paningin. Ilang agwat lang ang layo nito.
Three years.
Ma'am Zarosa ushered him to get inside the faculty room. Nanatili akong nakatutok
sa ginagawa ko pero mas naririnig ko ang paghuhuramentado ng aking dibdib. Mas
dumiin ang pagkakahawak ko sa red ballpen.
Dang it, heart. Stop beating so fast. You are not in a race. I gritted my teeth.
"Kumusta na, hijo? Grabe, ang tagal mong nawala. How are you? Are you fully
recovered?" tanong ni Mrs. Zarosa. "You are looking good. Tumangkad ka pa yata
lalo. Ano ba iyan? Donate naman sa tangkad, hijo."
Pumikit ako. Nakalimutan ko, she was his teacher in senior high school. Sa Biology.
Ano bang pakialam ko? They are two tables away from us. Rinig na rinig ko ang
kanilang usapan.
Hinawakan ko ang aking batok, kinikilabutan ako. Cadence is like a ghost from my
past. He is.
"I'm fine, ma'am." Humalakhak ang lalaki. "Mayroon po akong dalang kakanin and
fruits fresh from the farm. Ihahatid po ni Kuya Vince ang mga prutas. Dala ko na po
ang kakanin."
"Nako, nag-abala ka pa, Cadence. Salamat. Gusto ko ito, ang dami. Sobra pa ito sa
buong faculty." natutuwang sabi ni Ma'am Zarosa.
Pretend you don't hear anything, Sai. Concentrate. Concentrate. Kailangan pang
matapos ang task na pinapagawa sa akin ni Ma'am Acosta. That's it. Tama iyon.
"Ladies over there, come here! Magmeryenda tayo! Ang dami nitong kakanin, saluhan
ninyo kami ni Cadence."
I froze for a second. Umakto akong walang narinig. One, mali. Two, mali. Three,
check.
"Sai..."
"Dela Fuente po, Ma'am Zarosa at hindi po ako tumatanggi sa grasya." agad na sagot
ni Jala. Letse! Tumayo si Jala para lumapit sa mga ito. At talaga namang iiwan niya
ako... para sa pagkain.
"Ayan ang gusto ko, come here, Ms. Dela Fuente. Ms. Maligno, join us..."
Sumulyap ako sa table nila. "Thank you po, Ma'am. Hindi po kasi ako kumakain ng
kakanin." I declined politely.
Of course, that's a lie! Paborito ko ang kakanin. But I wouldn't dare say it. Ang
konsolasyon na lang, hindi ako nilaglag ni Jala. Kahit tinraydor ako ng isang iyon
pagdating sa pagkain.
Hindi ako umimik. Hindi ako sumagot sa sinabi ni Cadence. Wala siyang karapatang
kausapin ako.
Nakahinga ako nang maluwag. At least, she wouldn't push it farther. Nagpatuloy ako
sa aking ginagawa. Binilisan ko ang pagche-check ng mga papel. Gusto ko nang
makaalis ng faculty room sa mas lalong madaling panahon. I don't want to stay here
any longer. It suffocates my whole being.
Halos mapatalon ako sa gulat ng mayroong naglapag ng paper plate na may lamang
biko, palitaw at budin. Unti - unti akong nag-angat ng paningin. Although, I was
expecting his face to see. May kakaiba pa ring pakiramdam nang makita ko siya sa
malapitan. It almost took my breath away. Gusto kong panawan ng ulirat.
***
Kinagat ko nang mariin ang aking labi. I could vividly remember what happened. May
parte sa aking nahihiya sa inasal ko ng panahong iyon. I stormed out of the faculty
room. Nakakahiya kay Ma'am Zarosa.
Gusto kong bumalik si Cadence, pero ngayong bumalik siya, hindi ko naman matanggap
ang pagbabalik niya matapos ang halos tatlong taon. Ganoon katagal. Ganoon katagal
akong naghintay. At komplikado ang nararamdaman ko.
Ang kapal niyang bumalik ng Tagabakan na parang walang nangyari, kung umakto siya
parang nagbakasyon lang siya ng isang linggo kung saang lupalop ng Pilipinas o ng
ibang bansa. Ang kapal ng mukha niyang isipin na pagbalik niya, ganoon pa rin sa
dati ang lahat. Ang kapal ng mukha niyang isiping ganoon pa rin ako sa dati.
But really, what changed in me? Akong - ako pa rin iyong Sai na naiwan. Wala namang
nabago sa akin.
I wanted to ask him why he left the town all of a sudden. Kung bakit din bigla
siyang bumalik. Makapal na kung makapal ang mukha ko, wala akong karapatan upang
magtanong. He doesn't owe me any explanation. But I would ask him the whys.
"Kawawa naman ang bangus, kakulay mo na, Sai!" Tinabig ako ni Nena. Kinuha niya ang
siyanse kong hawak, siya na ang kusang nagbaliktad ng isda sa kawali. Tama nga
siya, bahagyang sunog na ang isda. "Nakakainis ka kamo! Ang sarap pa naman ng
bangus!"
Ibinigay ko sa kanya ang mangkok na paglalagyan ng isda. Siya na ang nag-take over
nang pagpri-prito. I was restless. Hindi naman ako dapat maapektuhan, pero heto
ako, apektado. Si Cadence ang laman ng utak ko.
Kahit ang bangus na sunog ang mapunta sa plato ko, wala akong pakialam. Hindi na
ako nakipagtalo pa kay Nena sa distribusyon ng pagkain. Sabay kaming kumain ng
tanghaliang pamilya. Lumiban si tatay sa sakahan, gayon din ang aking ina. Mamaya
ay luluwas sila ng bayan para sa isang kasalan.
"Kayo na munang dalawa ang bahala sa bahay, habang wala kami. Nena, iyong anak ng
pusa mo, kung saan saan naman mapunta, tapos iiyak - iyak ka kapag hindi mo
nahanap."
"Ikaw, Sai." She gave me a knowing look. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara't
tinidor, tumango ako.
Habang wala sila, ako ang in charge sa bahay. At habang wala si nanay, ako muna ang
papalit sa kanya sa gulayan sa green house. Madali lang naman ang trabaho, sana
lang hindi ko roon makasalamuha ang taong iniiwasan ko.
Hanggang ngayon, hindi pa kami nag-uusap nang maayos ni tatay. It was like there is
a silent war going on between us. I don't know how to approach him. Ano bang
sasabihin ko pa? Mukhang kahit anong sabihin ko, hindi pa rin niya tanggap na
ganoon lang ang nakuha ko. I am still a failure and disappointment.
Ilang bilin pa ang ilang ulit na pinaalala ni nanay hanggang matapos ang
tanghalian.
Nauna akong pumasok sa loob, inabala ko ang sarili ko sa mga gawaing bahay hanggang
sa mapagod ako. Pinakain ko si Meow. Inilibot ko rin ang aking alaga hindi kalayuan
sa aming parang.
Pero hindi ko magawang pumunta sa lugar kung saan alam kong makakapag-isip ako nang
tama. I can't risk going to the batis. Sa isiping, andoon si Cadence ay pumipigil
sa akin. Ayoko munang makadaupang-palad ang kapre. Pinalipas ko ang maghapon sa
bahay.
Kinabukasan pa ang uwi ni nanay, kaming dalawa lang ang naiwan ni Nena. Hindi na
kami isinama sa kasalang magaganap. Hindi rin naman ako mahilig sa ganoong
pagtitipon.
Tumayo ako at tumungo sa aparador. Kumuha ako ng sweater at isinuot ko iyon. Gusto
kong magpahangin muna, baka sakaling mahimasmasan ako at tuluyan nang makatulog.
Marahan kong binuksan ang bintana ng hindi magising si Nena na mahimbing na ang
pagkakatulog.
The stars shined in the darkness. Hindi makulimlim kaya kitang - kita ang mga
bituin na nagkalat sa kalangitan. Well, I'll never get tired of watching the stars.
Pinagkasya ko ang aking sarili sa bintana. I wrapped my arms around my knees.
I realized what it was --- no, I realized who it is. Tao ang naglalakad na
napagkamalan kong bagay. Si Teryo! At ang kanyang palong na buhok na nag-iba ng
kulay. Agad na nangunot ang noo ko. Anong ginagawa niya rito ng hatinggabi?
Baka naman napadaan lang. I sighed. Mabilis kong isinara ang bintana.
Muntik na akong matakot ng dahil kay Teryo. Kung hindi ba naman kulay neon green
ang buhok. Bahagya akong natawa.
Bumalik ako sa katre namin ni Nena. Hindi pa ako tuluyang nakakahiga nang makarinig
akong muli ng tunog. Bahagya itong bumabasag sa tahimik na gabi.
Sina Teryo iyon malamang! Muli akong tumayo at lumapit sa bintana. Balak ko itong
sitahin, natutulog na si Nena at matutulog na rin ako. Sa ibang bahay na lang siya
mambulabog kamo.
Binuksan kong muli ang bintana, patuloy pa rin ang pagtunog ng gitara mula rito.
When I opened the window, agad akong pinanlamigan ng kamay. Unang nagtama ang aming
paningin. Ngumisi ito at kumaway.
I froze. Hindi ako makagalaw sa tayo ko. Para akong nahipnotismo ng kung anong
maligno. Pero hindi ba dapat ako ang maligno? Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong
gumalaw sa tayo, my knees became jelly and my heart started to pace fast and loud
inside the cage.
Cadence was strumming the guitar. He could. Tumingin muna siya sa akin bago nito
bigkasin ang unang liriko ng kanta.
I did my best
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa liriko ng kanta. It was meant for me.
Mukhang sinulat iyon para sa akin, kahit hindi. I could feel it. May koneksyon iyon
sa akin.
I couldn't look away. I stared at him as he stared at me while still singing the
song. Nanunuot sa aking balat ang liriko ng kanta. Heto na naman ang kilabot
feeling. Tinatayuan ako ng balahibo.
I didn't know Cadence could sing this good. May parteng mas lalong nainis sa akin.
Gusto ko siyang patigilin, pero hindi ko magawa. Magsisinungaling ako kung
sasabihin kung hindi ko gusto ang kanyang pagkanta.
Ito ba ang tinatawag nilang harana? Alam kong outdated na iyon sa panahon ngayon,
but there are the whole bunch of animal kingdom rallying in my system.
Forgetting is easy
Stuck in my head
Humunga ako nang malalim. Pumikit ako ng ilang sandali. My tears were in the verge
of falling but I couldn't cry. I refrained myself from crying.
Nabuhay nito ang lahat ng emosyong tinago ko at pinipilit ibaon. And I realized, I
missed him.
Mas nakakainis iyon! Ang ganda ng boses niya. Si Cadence na ang pinagpala.
That's the last line. Nag-strum pa rin siya ng gitara. He was still looking at me.
Hindi niya ako nilumbayan ng tingin sa buong durasyon ng kanta.
With all the courage I could muster, padabog kong sinara ang bintana ng kwarto.
Hindi ko na kayang pigilan pa iyong luha ko. Sumandal ako sa kasasara kong pinto.
Matapos ang tatlong taon, magpapakita siya sa Tagbakan. Ginugulo na naman niya ang
tahimik kong buhay. Tapos ang sasabihin lang niya sa akin sa una naming pagkikira
'Hi, Everly' gamit ang kanyang baritonong boses. Dadaanin niya sa kakanin. Ngayon
naman, heto siya at nanghaharana!
I shook my head. Pinahid ko ang aking pisngi. Nang gumawi ang mata ko sa higaan,
nakaupo na si Nena. May ngisi ito sa labi habang magka-krus ang kanyang braso.
"Kumusta naman ang puso, Sai? Kaya pa ba?" ngising - aso nitong tanong.
"Matulog ka na, Nena."
Bahagyang nanlaki ang mata ko. So, alam pala niya iyon? Totoong nagigising siya ng
mga panahong pumupunta si Cadence sa kwarto namin? Hindi ko sinagot ang sinabi
niya. Tumungo ako sa kabilang side ng katre. Nagtalukbong na ako ng kumot, mariin
akong pumikit.
Rinig ko pa si Cadence. "Everly, let's talk, please." His voice was soft and
tender.
Dinampot ko ang unan, tinaklob ko iyon sa aking tainga para hindi ko marinig ang
pleas niya.
***
Chi xx
Kabanata 23
Tayo na?
It's funny how I avoided things most of the time, but ended up being in the same
place of that exactly. Magulo, parang ako. Minsan mas naiinis ako sa aking sarili o
sa mga desisyon ko sa buhay. I am done scolding myself.
Huminga ako nang malalim at humakbang patungo sa direksyon ng tubig. Ramdam ko ang
tibok ng puso ko. Mabilis. Marahas. Nakakapanindig balahibo. Parang gusto kong
panawan ng ulirat. Isang beses pa akong bumuntog - hininga, natanaw ko ang pigura
ng isang lalaki.
Matapos ang ilang ulit na pagtatalo ng kalooban ko, I finally agreed to this talk.
Once and for all, nang matapos na ang mga haka - haka ko. Para masagot na ang mga
tanong ko noong nawala siya.
Walang patawad sa malakas na pagtibok ang puso ko. I could hear it loud and clear.
Kabang - kaba ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ba dapat si Cadence ang
kabahan? Siya itong magigisa sa mantika. Hindi ako. I was tempted to go back where
I left Meow.
Pinasadahan ni Cadence ang kanyang buhok, he flashed a slight smile. Itinapon niya
ang hawak na bato sa tubig. Huminga ako nang malalim. Hindi ko sinuklian ang
kanyang ngisi. I walked towards him.
I am here for a reason. Pag-uusapan namin ang nangyari noon para matapos na. Para
matahimik na ako nang tuluyan. But I couldn't deny the awkward atmosphere. Wala
akong ideya kung paanong mag-uusap kami nang mapayapa, e halos ayokong magsalita.
Napako ako sa tayo hindi kalayuan sa tayo niya.
"Everly," he called my name like the way he used to. "Are you alright?"
He doesn't seem nervous, and it annoys me somehow. Ang kapal ng dating noon sa
akin. Pero bakit nga ba siya dapat kabahan? Kung tutuusin, wala naman siyang dapat
ipaliwanag sa akin. Wala akong karapatang mag-demand ng kasagutan mula sa kanya.
Ano nga ba niya ako? Pinaasa lang.
"Do you mind to sit first before you fry me with questions?" he asked with a slight
smirk. Ngayon ko napagtuunan ng pansin ang picnic blanket na nakalatag sa may patag
na parte. Mayroon ding basket doon.
Umasim ang mukha ko. Napuno nang mapait na pag-iisip ako. Well, that's what
supposed to happen the night he dumped me three years ago. Ganoon sana, hindi iyong
umuwi akong luhaan at sinundo pa ni tatay sa batis. Pagkatapos noon, hindi na siya
nagpakita. At ngayon, muli siyang bumabalik.
Sumunod ako kay Cadence ng hindi umiimik. Hindi ko pa rin mahanap ang naturang
boses ko. I was afraid I am completely unable to talk. I sighed again. Kinagat ko
ang labi ko nang mariin.
Sinipat niya ako ng tingin nang makarating kami sa nakalatag na picnic cloth.
Sinamaan ko ng tingin ang naturang bagay. Halatang - halata ang sinusupil niyang
ngiti sa labi. Tumaas ang kilay ko ng may pagtatanong.
Cadence gave me a sly smile, he shrugged. "I just thought you'd be taller by now,"
natatawa niyang wika.
Agad na umusok ang ilong at tainga ko sa narinig. Anong karapatan niyang mag-
comment sa height ko? Inis ko siyang tinapunan ng tingin. "Alam mo ang gago mo."
Kusang lumabas iyon sa bibig ko. Lumalabas na double meaning.
Gusto kong bawiin ang sinabi ko, pero kahit bawiin ko pa iyon, alam kong hindi na
nakaligtas sa pandinig niya. E, bakit? Totoo naman. Napanguso ako.
His playful expression changed. Napalitan ito ng seryosong reaksyon. "I know,
Everly, I'm so sorry."
Hindi ako sigurado sa dapat kong maramdaman, I felt numb. "Can we please sit
first?" Cadence offered.
Naupo kaming dalawa sa magkabilang parte ng picnic blanket. Sinadya kong hindi
lumapit kay Cadence kahit wala naman siyang nakakahawang sakit. Ilang minutong wala
akong ideya sa gagawin. Bumalik na naman ako sa pag-iisip kung bakit nga ba ako
pumayag na makipag-usap sa kanya. Ni hindi ko magawang umimik nang maayos.
My face reddened at the sudden thought of what they did the other night. Si Cadence
at ang grupo ni Teryo. Mabuti na lang, walang ganoon kalapit na bahay sa amin sa
Tagbakan, malamang na-issue na kaming dalawa.
At mas malamang, makakarating ang ganoong bagay kay tatay. Baka nga i-tuloy niya
iyong balak niyang pag-asawahin ako nang maaga kung sakaling magkaroon ako ng
boyfriend. Hindi ko boyfriend si Cadence, pero ganoon ang iisipin niya.
"How have you been when I wasn't around?" Bumalik ako sa realidad na kasama ko si
Cadence. I shot him a dagger look. Nangalikot ang aking kamay sa basket sa pagitan
naming dalawa. Mayroon itong lamang sandwiches, kinuha ko ang isa.
"'Wag mo nga akong kausaping parang magkaibigan tayong dalawa." angil ko. Kinagatan
ko ang sandwich, I avoided his gaze.
Hindi ko na hinintay pang alukin niya ako, at least, busog ako kung sakali man
maisip kong mag-walk out mula sa kapre.
I heard his chuckle. Bahagya akong nabigla sa pagtawa niya, nagngitngit ang
kalooban ko. Ano ba iyong tinatawa - tawa ng magaling?
"True. We're not friends, you were supposed to be my girlfriend at that time."
Halos mabitawan ko ang sandwich, bumara pa ang kalahati nito sa aking lalamunan.
When I looked at Cadence, I flushed even more. Titig na titig ito sa akin, bahagya
pang nakakunot ang kanyang noo. His lips thinned. "What the hell, liit?! Magdahan -
dahan ka naman! Hindi ka mauubusan ng sandwich. Sa'yo ang lahat ng iyan." gigil ang
boses nito.
"Don't call me that!" I hissed back. Kung gigil siya sa akin, mas gigil ako.
"Call you what? Liit? E, maliit ka naman talaga! Hindi ka na nga lumaki!"
Hinampas ko ang kamay niya palayo. Binigyan ko siya ng isang pamatay na irap.
"Excuse me, tumangkad ako ng ilang inch!" binigyang diin ko ang sinabi ko.
Muli niyang pinitik ako, this time, tumama iyon sa ilong ko. "Now, we're talking,
Everly." He smiled. Iyong ma-poging smile na binibigay niya kagaya ng dati.
Napanganga ako nang husto. Muli siyang humalakhak to my annoyance.
Inirapan ko si Cadence. "Hindi tayo close. D'yan ka magaling." pagalit kong wika at
tinapos ang pagkain ng sandwich. Muli akong uminom ng tubig mula sa bottled water
na inabot niya.
Gusto kong palakpakan ang sarili ko. Walang pag-aalinlangan at bahid ng kaba ang
boses ko, kahit halos mamilipit na ang puso ko sa pagbundol sa aking dibdib. I
looked at him in the eye trying to intimidate a six footer above. Cadence looked
away.
"I didn't leave you on purpose, I told you, I wouldn't." kalmado nitong sagot.
Mas lalong nangumot ang noo ko. "Ano iyon? Bigla ka na lang nagising tapos wala ka
na pala sa Tagbakan at nasa kung saang lupalop ka na napadpad ng wala man lang
pasabi! Wow, hanep! Ano, super sperm ka ba? Iyong sperm na lumangoy sa pool pero
nakabuntis pa rin?" sarkastikong banggit ko.
Cadence looked at me right in the eye. "That's the thing, Everly. Hindi ako
nagising."
Naguluhan ako sa sinabi niya. Tumaas ang aking kilay. "What do you mean?"
"You want to know the truth?" He sighed. Namulsa siya at tiningnan ako ng may
kakaibang emosyon. "That night when I abandoned you, I was attacked. I was almost
there. I could almost see Meow from the distance. I was almost near. That's when I
realized someone was following me. You know, how dirty politics could be. Hindi
naman napatunayan ni Papa, but their hunch was the dirty family of politicians was
behind the attack." Rinig ko ang bigat ng paghinga ni Cadence. "I was almost there,
but I couldn't go. I had to take another path, to distance them away from you. God
knows how much I wanted to be with you that night, Everly. I just can't because of
those people."
Shock was the understatement of the century. Halo - halo ang emosyon kong
nararamdaman. It wasn't finished yet, another bomb dropped.
***
Maraming dahilan kung bakit umiiwas ako sa isang tao. Una, dahil naiilang ako o
galit. I don't want my wrath to go beyond. Ang pangalawa, dahil hindi ko alam kung
paano ko pakikiharapan ito. Ganoon ang nararamdaman ko para kay Cadence. Hindi ko
alam kung paano ko siya pakikiharapan matapos ang kanyang rebelasyon.
It shook my world to the core. Ang dating mga bagay na pinanghahawakan ko noon
bigla na lang nabali. I thought I could take what he was about to say, but I
didn't. Confusion took over my being.
Kung totoo ang sinabi ni Cadence, in the first place why would he lie to me? Para
makakuha ng simpatya? He's not like that. I knew he was telling the truth. And I'm
more bothered that no one actually told me.
May parte sa sarili ko ang nahihiya, I judged him harshly without knowing what he
gone through. Bakit pa ako magde-demand na magpaalam siya kung buhay pala niya ang
nakasalalay? Ngayon ko naintindihan kung bakit ganoon ang pakikitungo ni Hadley
noong nakausap ko siya at sinabi niyang hindi na babalik si Cadence.
For sure, he wouldn't. He wasn't supposed to be back here. But he is here.
Ang d'yahe lang na nagalit ako sa kanya kahit wala naman akong karapatan. But it
doesn't mean that my emotions are invalid either. Pero hanggang doon na lang dapat.
Alam kong hindi ko naman siya iiwasan ng ganoon katagal. I just needed space to
think. Gusto ko ring mag-sorry sa naging asta ko. And maybe, we would go back to
being friends. Naks, kaibigan.
Awtomatikong pinaypayan ko ang sarili ko nang maramdaman kong muli ang sikat ng
araw. Bilad na bilad kaming lahat sa initan para sa practice ng moving up. Napairap
ako sa ere. Mukhang mas lalong iitim na naman ako sa lagay na ito. At least, hindi
napansin ni Jala ang pagiging tuliro ko.
Nang matapos ang practice dumiretso kami sa canteen para bumili ng maiinom. Jala
asked for a soda and I bought a bottled water. Humanap kami ng bakanteng table para
tumambay sandali.
Wala pang ilang minuto kaming nakakapagpahinga sa table na inookupa namin. A sudden
chaos erupted in the canteen. Jala and I turned around to see what was happening.
Halos mailuwa ko ang tubig nang mapagtanto kung sino ang bagong dating.
My heart started to race fast. Kung kailan hindi ako handa, saka naman ito
nagpapakita. Ano bang ginagawa niya sa Camflora? Hindi na siya rito nag-aaral.
Bakit pa siya pinapapasok ng guard? Akala ko mahigpit sila pagdating sa outsiders.
Umirap ako sa ere.
Tiningnan ito ni Jala. Habang ang mga mata ko nakatutok sa kanya. "Taken na ang
seat." She shrugged.
Mabilis ding nawala ang ngiti ko sa sunod na sinabi ni Cadence. "I brought a
merienda. I just thought, baka gusto niyong magmerienda." True to his words,
mayroong itong ibinabang tray ng iba't ibang delicacies sa harap namin.
Tumaas ang kilay ng kaibigan ko. She has that feisty look on her face. "Anong
tingin mo sa akin, nasusuhulan ng pagkain? Aba! Oo naman! Hindi ako tumatanggi!
Sige, maupo ka na r'yan, iyong isa lang naman d'yan ang hindi pa taken." Sinabayan
pa iyon ng halakhak ng walanghiya.
Tumayo si Jala at kinuha ang tray ng pagkaing inilapag ni Cadence. She went to
another table, giving us the space. When I looked around, napansin ko ang ilang
matang walang pakundangan ang nakatingin sa gawi naming dalawa.
Cadence sat on the chair where Jala seated earlier. Suot niya ang isang comfy shirt
with dog tag pa nga, pinasadahan niya ang kanyang buhok at ngumiti sa akin.
"Why are you so aloof? Are you still mad at me?" May himig nang pagtatampo ang
kanyang boses. His eyes didn't leave mine. "I'm really sorry, Everly."
I shook my head gently. "Hindi na ako galit. Malinaw na pareho sa atin ang
nangyari. Hindi ko lang alam kung paano... paano pakikitunguhan ka." Nagkibit -
balikat ako.
"Should I leave you alone?" mayroong distinct na emosyon ang nakapaloob sa kanyang
boses. Hindi ako sumagot. Hindi ako sigurado sa dapat kong sabihin. Pinaikot ko sa
aking kamay ang plastic bottle. Do I want him to leave me alone?
"I can't do that, just so you know. I'm here to pursue what I couldn't when I
wasn't around."
Bahagyang umawang ang aking bibig sa narinig. Sigurado akong tama ang pandinig ko.
Hindi lang ito mag-sink in sa akin.
"Wow, faster than light! May lakad ka ba, Cadence? Nagmamadali ka?" nanlalaki ang
mga matang tanong ko. Mas epic sana kung mayroon akong tubig na ininom tapos
maluluwa ko sa kanya. Nakakainis! Nag-usap pa lang kami noong isang araw, tapos
heto na naman siya. Pwede bang bukas na lang?
"Talagang pinapaalam mo lang sa akin? Hindi mo man lang ba itatanong kung may
chance ka? At saka, pagkatapos talaga nating mag-usap... hindi pa nga tayo maayos
na maayos."
"One thing that I learned from that incident, tomorrow is never promised. I could
be dead by that time." He stated. Alam kong tama ang kanyang sinabi. Walang may
hawak sa kung anong dala ng bukas. "Why do I ask if I have a chance? Shouldn't I
work harder to have that chance? Whether you like me or not, I should prove to you
that I am worthy." Nag-wriggle pa ang kanyang eyebrows.
Ramdam ko ang pag-angat ng dugo ko sa aking mukha. Kung hindi lang dahil maitim
ako, alam kong mamumula ang aking kabuuan. I was flustered. Why does Cadence have
to be so blunt? Mas lalo pang nakipagkarera ang tibok na kumakabog sa aking dibdib.
"So, tayo na?" inosente kong tanong. Tumaas ang kilay ni Cadence, it was like he
was contemplating what I just said. Bago pa man siya maka-huma, tumayo ako sa
pagkakaupo at ngumisi. "Joke!" bawi ko sabay binuntunan ko pa ng tawa.
"Practice na daw ang movers! I mean, moving up students. This time, sa gym na raw
ang practice." announce ng isang estudyante.
Ilang beses akong huminga nang malalim. Hindi ako makapaniwalang sinabi ko iyon.
Tama namang sa bibig nahuhuli ang isda. Marahan akong naupo sa bleacher habang
hindi pa nagsisimula ang practice. My heart was still beating fast.
I realized we weren't so young anymore.
***
Ilang araw kong iniwasang hindi makatagpo si Cadence kahit alam kong hindi ko naman
iyon magagawa ng panghabangbuhay. Kahit ang grupo pa nina Teryo, iniiwasan ko rin.
Alam ko namang alagad sila ni Cadence. Their loyalty was his. Hanggang ngayon
iniisip ko pa rin kung bakit kahit sila Teryo hindi man lang sinabi sa akin ang
nangyari kay Cadence. Kung kailan kailangan ko ang mga tsismosa, saka sila hindi
effective.
Iyong mga cells ng kahihiyan na hindi tumubo sa akin noong labing tatlong taong
gulang ako, ngayon na lang biglang nagsulputan.
Nakakainis!
Wala pa ako sa gitna ng hacienda, mabilis na bumagsak ang bawat butil ng ulan.
Sinabayan pa ng malakas na kulog at kidlat. Wrong timing naman, eh! Gumala ang
aking mata nang masisilungan pansamantala kahit sa mga kubong nakapalibot sa buong
hacienda, pero wala!
Isang malakas na kulog at kidlat pa ang gumulantang kay Meow. Napasigaw ako ng
bigla na lang itong tumalon nang mataas. I lost my footing and came crashing to the
ground. Mabuti na lang napaatras ako agad ng bigla niyang sinundan ang naunang
talon.
Mukhang takot ito, pero hindi gaya ng dati, hindi ito tumakbo sa kung saan. I
struggled to get up on my own. Nanakit ang buong katawan ko sa pagtama sa lupa.
Letse!
I closed my eyes for a moment and let the rain poured in my face. Basa na lang din
naman ang damit kong suot, at wala na akong magagawa. One lick made me open my
eyes, it wasn't Meow.
Si Madonna!
Nakatunghay si Cadence sa ginagawa ko, sakay siya ni Madonna. Mukha akong tanga.
Ang lakas pa rin ng ulan pero ganoon na lang ang pag-iinit ng mukha ko. Mamumula
ito kung sakaling maputi ako. Hanggang ngayon ipinagpapasalamat kong hindi iyon
kita sa kulay ng balat ko. May papikit - pikit pa akong nalalaman, ano iyon nasa
music video? I shook my head slightly.
I tried to sit again, pero hindi ko magawa. I groaned in annoyance. "I saw you
approaching the mansion, I followed you here." Bumaba siya kay Madonna at dinaluhan
ako. "Mabuti na lang sinundan kita, magkakasakit ka sa pagpapaulan, liit,"
Kinuha ko ang kanyang kamay at inalalayan ako sa pagtayo.
"Gusto mo bang sumilong muna? I'll lend you some clothes to change in. Maligo ka
rin para hindi sipunin." he asked me. Marahan niyang inayos ang buhok kong
buhaghag. "Ihahatid kita kapag tumila ang ulan."
Hinampas ko siya sa braso. Aba, magaling! Baka itakin siya ng tatay ko. On the
other hand, I agreed. Agad kong kinastigo ang aking sarili. Asan na iyong planong
iiwasan si Cadence? Pero heto ka naman.
Tinulungan niya akong umakyat kay Madonna. Samantalang kay Meow naman siya sumakay.
Titig na titig lang ako sa kanya.
I sighed.
Kabanata 24
Porn
Back to basic. Back to what it was like before. Ni katiting hindi ako nagsisi.
Napailing ako. I know I should have guarded my heart from any possible pain. I am
not doing anything.
Siguro kailangan ko ring pagdaanan ang isang mapanakit na bagay para maramdaman ko
talaga kung paano mabuhay. It was stupidity. Kung saktan mang muli ni Cadence ang
puso ko, hindi ko iyon kontrolado. It is his choice to make. And I hope, he
doesn't. I don't know what else to feel with the second blow.
Umaga pa lang ay bumangon na ako para ipaghanda sina nanay ng agahan. Mamaya pa ako
susunod sa greenhouse para tumulong sa pamimitas ng gulay. May mga araw na
tumutulong na rin ako sa pagtatanim. Mukhang mayroon din akong green thumb na
tinatawag. I can plant. Samantalang natuyo't ang mga halamang inalagaan ni Nena.
Hindi na ito muling tumulong sa pagtatanim.
I coughed as the smoke billowed in the air. Ilang sunod - sunod akong napaubo.
Ilang araw na rin akong inuubo simula noong umulan at hindi agad ako nakauwi ng
bahay. Sa may kamalig nina Cadence kami sumilong. Ayokong pumunta ng mansyon nila,
nahihiya akong magpakita sa mansyon, hindi na rin ako pinilit ni Cadence.
Napalingon ako sa gawi ni nanay na kababa lang ng hagdan. She was combing her hair
with a neat brush. Dumiretso siya sa mesa upang magtimpla ng kape.
"Sabi ko sa'yong uminom ka ng gamot. Mayroon tayong solmux d'yan. Baka mas lalo
pang lumala, malapit na ang moving up mo." Narinig ko ang pagsasalin niya ng mainit
na tubig galing sa thermos.
I shook my head. "Hindi po iyon pwede, 'nay. Ayoko pong mag-self medicate. Iinom ko
na lang po nang maraming tubig."
"Hindi po, 'nay." confident kong sagot. "Hindi naman po ako tinatablan ng sakit,"
Noong mga paunang araw lang naman nagbabanta ang lagnat, noong mga sumunod, mukhang
nadala na rin sa pag-inom ng tubig.
Kumuha ako ng mangkok para isalin ang ampalayang initlugan. Malay ko ba kung anong
tawag sa lutong ito. Ipinaghain ko na rin ng kanin si nanay.
"Anong balak mo pagkatapos ng grade ten, Sai? Anong kukunin bang track sa senior
high ba iyon? Desidido ka na ba?" usisang muli ni nanay nang mailapag ko ang
sinandok kong kanin. "Dapat ngayon pa lang desidido ka na sa gusto mong gawin sa
buhay."
Nag-isip ako ng ilang segundo. Next school year, senior high na ako. Pagkatapos ng
dalawang taon, kung papalarin, mag-aaral ako ng kolehiyo. Para sa isang taga-bukid,
it was to be thankful for. Hindi lahat ay nakakaabot sa ganoong estado. At isa ako
sa mga pinagpala. Alam ko ang hirap ng mga magulang ko para igapang sa pag-aaral.
"Kung papayagan niyo po ako, gusto kong mag-ABM." I answered. Pinagdaop ko ang
dalawang kamay. "Accountancy, Business and Management po ang ABM. Kung kakayanin
din po, gusto kong kumuha ng Accountancy sa college."
Sa hindi malamang dahilan, kinakabahan ako. Tanggap ko naman kung sakaling hindi
kaya ng mga magulang kong pag-aralin ako ng Accountancy. Pwede akong kumuha ng
Education course o Agriculture para naman makatulong sa kanila.
Hindi pa nakakasagot si nanay, narinig ko ang boses ni tatay. Kagigising lang nito
at mukhang hindi maganda ang pasok ng umaga. "Ang taas - taas ng pangarap mo, Sai.
Hindi mo naman pinag-iigihan ang pag-aaral. Wala kang mararating kung puro patayog
lang ang alam mo at kulang ka sa gawa. Sa kangkungan ka rin pupulutin."
My eyes easily watered. Hindi ko na nagawang itago ang pagluha. Umagang - umaga
sasambulat na naman ang panunumbat niya.
"Sinasabi ko lang ang totoo, Ces." mariin din ang bigkas nito sa bawat salita.
"Lalo pa't kung ano - anong iniintindi ng batang 'yan."
Pinahid ko ang luha ko. Bumalik ako sa ginagawa. Kumuha ako ng pinggan at kutsara
para sa agahan ni tatay. Nawalan ako ng ganang sumabay sa pagkain. My heart was
broke into shreds, lalo pa't sa kanya ko narinig ang ganoong bagay. Parang
hinusgahan na rin ako nng sarili kong ama.
"Wala rin naman pong masama sa kangkungan. At ang tagumpay hindi naaabot ng walang
pagkadapa." mahina kong sinabi bago ako umalis ng hapagkainan.
I was deeply hurt by what he said. I couldn't stop my tears. Kinagat ko na lang ang
labi ko para hindi pa makagawa ng anumang ingay. And at some point, I hated how he
could be right.
Minsan lang naman akong pumalpak, palpak na palpak pa. Sa pamilyang ito,
napakahalaga ang honor at integridad. Halos araw - araw na lang nagtatalo kaming
dalawa. It wasn't like this before. At naiinis ako, mas lalong nadadagdagan ang
lamat sa pagtanda ko. We were drifting apart. Kahit hindi naman dapat ganoon, but
it was happening.
"Asan ba sila Teryo? Kailangan sila rito, napakatatamad ng mga gunggong na iyon!"
Natawa ang dalawa kong kasama. Umirap naman ako sa ere. It was no surprise. Matagal
nang tamad ang grupo ng feeling F4.
Tumayo ako upang bitbitin ang basket ng pinamitas kong kamatis. Marami na ang
kabataang tumutulong sa gulayan, sina nanay na ang nagtatanim. Kami ang naatasan sa
pamimitas at pag-aani.
Inilagay ko iyon sa mahabang mesa para mahakot ng dapat sana ay grupo ng feelingon
ng Tagbakan na mukhang missing in action ngayong araw. Muli akong kumuha ng isang
basket at bumalik sa aming pwesto nina Jutay.
Her face was contorted with a little worry. "Hindi ba't marunong ka namang
mangabayo?"
"Aba'y magaling 'yan, ate Marites! Pangangabayo lang pala, e, yakang - yaka iyan ni
Sai!" sabat ni Jutay. Konting distansya lang ang namamagitan sa amin, mukhang
napuno na rin niya ang isang basket at nakasunod sa akin.
Pinandilatan ko ito ng mata upang tumigil. Ang hambog ni Jutay, hindi naman ako
gaanong magaling. "Ano po bang meron?" I asked the woman.
Kumamot ito sa ulo. "Hindi kasi sumipot sina Teryo para ngayong araw. Kailangan na
kasi ito sa mansyon ngayon. Kailangang madala na ang mga gulay." May halong
pagkataranta na rin ang babae. "Napakatamad kasi nitong sina Rambo!"
Mahirap mangabayo lalo pa't mayroon kaming dalang mga gulayin papunta sa mansyon ng
mga Ponce. Hindi ako sigurado kong kaya ko iyon ng hindi nag-aalburuto si Meow.
"Sai, sige na, oh." She convinced me. "Wala lang talagang magdadala ng mga ito sa
mansyon. Sasamahan ka ni Jutay, dadagdagan ko ang araw ninyo ngayong dalawa. Saka,
pagkatapos ninyong dalhin ang mga gulay, maaari na kayong lumiban."
Napakamot ako sa ulo. Siniko ako ni Jutay habang bumubulong - bulong sa gilid.
"Aba, hoy, sayang din ang dagdag kita. Nag-iipon ako, gaga."
Inirapan ko ang bakla. "At kapag nalayot ang gulay, ikaw ang sisihin ko!" inis kong
sagot bago kinuha ang ilang basket ng gulayin para i-deliver sa mansyon. Tuwang -
tuwa naman si Aling Marites sa naging desisyon ko at isa raw akong hulog ng langit.
Hindi naman ako demonyo.
***
Naningkit ang mata ko nang mapagtanto ang binata. Si Lorenzo Chase! He's one of the
actual Ponces who aren't really snob and easy to get along. Ahead ang lalaki sa
akin, kaya isang taon matapos mawala ni Cadence, sumunod si Lorenzo para sa
college.
He was in town most vacations. Pero dahil iniwasan kong makasalamuha ang karamihan
sa kanila, hindi rin kami nagpanagpong dalawa tuwing bakasyon. It was really long
time no see.
Lorenzo looked at me from head to toe. Ngumisi itong parang aso. "Parang walang
nagbago, ah. Liit pa rin. Pero liit pa rin ba ni Cadence?"
Pinamulahan ako ng mukha. Bahagya pa akong nahiya, pero naalala kong hindi nga pala
halata sa balat ko. The greatest weapon invented in history was no other than my
skin. Kahit anong blush, hindi tumatagos.
"Kailan ka pa?" I asked the guy. Sinulyapan ko si Jutay. "Si Jutay. Naalala mo pa?"
Tumawa si Lorenzo. "Ano ka ba, Sai? I'm always visiting here, palagi ko naman
silang nakikita tuwing andito ako. Ikaw iyong ngayon lang ulit. Galit ka pa rin ba
sa kanya?" I know, he's referring to Cadence. Umiling ako nang marahan.
Tinulungan niya kaming magbuhat ng basket. Lorenzo looked leaner with muscles on
the right places, there's no doubt. He looked better than ever. Ramdam ko ang
patagong pagnanasa ni Jutay sa binata. Pero wala pa ring tatalo kay Cadence. Para
siyang Nido, still the number one. I shook my head.
"I figured, it was what Cadence would want. Ilayo ka sa kung ano mang gulo ng
pamilya. Isa pa, anger is easy to manage than sadness. Sadness will pull you down.
And I personally wouldn't like seeing you cry, Sai."
Nasalubong pa namin ang ilan sa clan ng Ponce. Kagaya ni Cadence o ni Lorenzo, isa
sila sa biniyayaan ng magandang genes. Walang patapon sa pisikal na anyo. Kahit si
Chantelle na hanggang ngayon hindi pa rin nakakakita.
"Thank you, Lorenzo." Ngumiti ako sa kanya. "Pero sana sinabi niyo man lang sa
akin. Hindi na naman kita sinisi. But I thought, I deserved to know a bit of the
truth." kalmado kong wika.
"Sorry na, liit."
Inirapan ko siya. Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob kay Lorenzo o kahit
kay Cadence. Wala namang kahihinatnan kong sakaling magalit pa ako sa kanila. I was
deprived of truth for years, pero at least ngayon, alam ko na kung anong totoo.
"Pasyal kayong muli rito, Sai. You owe me after all those years you haven't even
tried to see me. Grabe naman ang galit mo sa gwapo kong ito."
I rolled my eyes at his remark. Wala pa rin talagang pagbabago, hanggang ngayon,
may hangin pa rin ang utak ni Lorenzo. Kumaway ako sa kanya ng patalikod. We
proceeded to the main door.
Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko na ito nagawang kuhanin pabalik ng
hilahin niya ako pataas ng hagdan. I haven't been in this part of the mansion.
Hanggang sa ibabang parte lang ako, hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga
nakikita. I wouldn't afford any of those vases if I ever tripped and broke one.
Baka buhay na ang kapalit noon.
Simula nang magka-isip ako sa Tagbakan, isa yata ako sa mga batang nangarap na
makatapak sa mansyon sa gitna. At isa rin sa pangarap ko na magkaroon nito paglaki,
pero ngayon, imposible pa iyong mangyari.
"Is that Sai?" taas - kilay na tanong ng kapatid ni Cadence. Kalalabas lang nito sa
isang kwarto mula sa kanan. Nahihilo ako sa laki ng kanilang bahay. Sinamaan ko ng
tingin si Hadley.
"Oo, didn't you see? Kaya 'wag kang istorbo." seryosong saad ni Cadence, hinila ako
nito patungo sa isang kwarto na halos katapat noong kay Hadley. Ngumisi lang ang
lalaki ng lingunin ko pa ito. I rolled my eyes at him.
Medyo gago pa rin siya sa paningin ko. Isa siya sa mga lumason sa isipan ko noong
panahong wala si Cadence. Binuksan ni Cadence ang pinto ng kanyang kwarto. Bumungad
sa akin ang malaking espasyong higaan. Triple ang laki nito kaysa sa kwarto namin
ni Nena. Halos magsinglaki na ito ng kabuuan ng aming bahay.
"Anong ginagawa natin dito?" I asked him, still eyeing every corner of his room.
Ngumisi si Cadence. "Wala naman. Unless, may gusto kang gawin natin dito." may
pakahulugan niyang sabi. Isinara niya ang pinto.
Inundayan ko siya ng sapak sa braso. The pain bounced back and instantly hit my
balled fist. Letse! Masakit! Parang bato iyong tinamaan ko.
His brow raised. "Liar! I know you have no business there. Tapos na kayo ni Jutay,
'di ba?"
He shook his head. "Malaki na 'yon, kaya na noon ang sarili niya. Just chill, okay?
Wala akong gagawing hindi mo gusto," ngumisi pa ang malandi.
"Akala ko nasa north pole tayo," Muli akong umirap sa obvious niyang tanong. "Hindi
naman ako nilalamig. Sakto lang." sarkastikong sagot ko.
Cadence chuckled. Nilapitan nito ang aircon at mayroong pinindot na button. Hindi
ko alam kung pinatay ba niya o pinahinaan lang. Ramdam ko pa rin ang lamig. Baka
magka-hypothermia ako.
Kulay green ang pintura ng kwarto. Hindi naman ito masakit sa mata kagaya ng kulay
ng buhok ni Teryo. It was a different hue, like nature. Sa sliding door, makikita
ang ilang metro ng hacienda sa gitna.
Sumilip lang ako roon, pero hindi ko binuksan ang sliding door. Baka makita pa ako
ng kung sino, mas lalo akong ma-issue at makarating pa ang balita kay tatay at mai-
takwil ako ako ng wala sa oras.
"Ay!"
Tinakpan ko ang aking mata na may konting butas para makasilip. Napatili ako ng
wala ng damit si Cadence. Hubad na ang kanyang pang-itaas na damit. Maghuhubad na
rin ba ako? My eyes widened. Agad kong tinampal ang pisngi ko.
"Bakit ka naman naghuhubad? May kasama kang babae sa kwarto, Cadence!" I yelled at
him.
"Babae ba? Akala ko tuod na sampayan." komento nito habang pinasadahan ako ng
tingin. Namilog ang mata ko. Agad kong tinawid ang pagitan naming dalawa at kinuha
ang unan sa kama para ihampas sa kanya. "Oh, si Jerry susugod na."
Mas lalong umusok ang ilong ko sa inis. Jerry? Tom and jerry? Napakawalang - hiya
talaga nitong si Cadence! Sa bilis ng hakbang ko, nagawa ko siyang ma-korner sa
isang sulok ng kwarto at pinaghahampas ng unan. Jerry pala, ha!
"Ang sama ng ugali mo, kapre!" Ilang ulit ko siyang hinampas ng unan. Tawa lang ito
nang tawa. "Magdamit ka nga!" singhal ko pa.
Hiningal ako pagkatapos. Kapos ang hiningang naghabol ako ng oxygen. Ilang ulit
akong huminga nang malalim. Napagod ako sa paghahampas sa kanya.
Pinitik niya ang ilong ko. "Paano kasi ang liit - liit mo, lalamigin ka talaga."
Muli ko siyang hinampas ng unan na nagawa naman niyang salagin ng kamay. Inabot
niya sa akin ang isang hoodie, I realized, iyon ang jacket na ginagamit ko tuwing
sabay kaming papasok ng Camflora noong mga panahong dito pa siya nag-aaral.
Tinanggap ko ang hoodie at isinuot. Just like before, bahagyang mas malaki pa rin
ang hoodie sa akin. Lagpas iyon ng beywang ko. Muli akong naupo sa gilid ng kanyang
kama.
"I'll ask someone to bring us food." Inabot nito ang telepono sa gilid.
Umarko ang kilay ko. Minsan ang pa-VIP pa rin niya, kaya naman nitong kumuha sa
kanilang kusina, mag-uutos pa sa isang kasambahay. Napailing ako.
"Yes, ate. What do we have ba? Okay, spaghetti po, potato fries at chips." I heard
him say.
"Kahit ano,"
Inirapan niya ako at dumako sa telebisyon. Kinuha niya ang remote at binuhay ito.
Nagpanting ang tainga ko sa sunod na narinig. Ungol iyon ng isang babae. Mas lalo
akong nagulantang sa nakita ko sa screen.
Halos mabitiwan pa niya ang remote para lang mapatay ang telebisyon. Ilang ulit
niya iyong pinindot bago tuluyang magblack out ang telebisyon. He also opened the
DVD player to release the tape.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. Kitang - kita ko ang
pamumula ng tainga ni Cadence, indikasyon itong hiyang - hiya ang kapre. Tumikhim
ako ng ilang beses para pigilan ang pagtawa. But I couldn't hold my laughter any
longer.
Mas lalo akong tumawa nang malakas. Pikon na pikon na naman si Cadence. Kinabig
niya ang unan at ibinato sa akin. Hindi agad ako nakaiwas kaya tumama iyon ng sapul
sa mukha ko.
Akala ko ako na ang nanalo, pero nagawa nitong supilin ang dalawa kong kamay at i-
pin sa aking ulunan. Nag-iba kami ng posisyon. Imbes na ako ang nasa itaas kanina,
nagawa niyang paibababawan ako. He started to tickle my weak spots. Napuno ng
halakhak ko ang buong kwarto.
Pareho kaming natigilan sa sunod - sunod na katok ang pumailanlang sa loob. Nanlaki
ang mga mata ko. I realized our position. Nag-init ang aking pisngi. Itinulak ko si
Cadence, but he seemed stunned as I was earlier.
"C-cadence..."
Kabang - kaba ako. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso sa isiping
mahuhuli kaming dalawa. Wala naman kaming ginagawang kakaiba, pero may takot pa
ring parte.
Bigla itong tumayo, inalalayan niya ako paupo pero imbes na tanggapin ang kanyang
kamay. Tinabig ko ito at sumuot ako sa ilalim ng kanyang kama para magtago sa kung
sino man ang nasa labas ng pintuan.
Narinig ko pa ang malakas niyang paghalakhak bago tumungo sa pinto at pagbuksan ang
tao.
Ang sunod - sunod na yabag ni Cadence ang narinig ko papalapit ng kama. "You may
come out of your hiding place, Everly. Wala ng ibang tao."
I sighed. Pasimple akong gumapang palabas nang masikip na pagitan ng kanyang kama
at sahig. To my surprise, nakaabang si Cadence na may nakalahad na kamay sa akin. I
accepted his hand and he lifted me up easily.
Pinagpagan niya suot kong hoodie. At pinahid niya ang mumunting pawis na namuo sa
noo ko. Nang magkatinginan kaming dalawa, sabay kaming bumunghalit ng tawa. Well,
it was really funny and my reaction was priceless.
***
Chi xx
Sana
Inilagay ko sa bag ang flyer na inabot sa akin ni Jala. Kahit hindi ko na iyong
tingnan, alam ko na ang nilalaman noon. Maugong na ang balita sa buong campus at
halos lahat ay nagdidiwang sa announcement. The Graduation ball is a treat for
senior high school graduates and grade ten movers.
Jala looked at me excitedly. Mamula - mula pa ang chubby cheeks niya and she has
this animated look on her face. I could see the excitement in her eyes. Kagaya ng
ibang estudyante, masayang - masaya rin si Jala sa news. Napakamot ako sa ulo.
"Ano, Sai? 'Wag mong sabihing hindi ka na naman dadalo! Aba, grab the chance.
Minsan lang magsagawa ang school natin ng ganitong event. Ni wala nga tayong prom,
it could pass as our prom!" she reminded me.
Totoo naman iyon. Sa halos ilang taon kong nanatili sa Camflora, hindi sila madalas
nagpapasinaya ng mga ganitong pagtitipon. Selebrasyon lang ng mga normal na
aktibidades sa bawat buwan kagaya ng cook fest at iba pang programa sa school, pero
wala kaming prom kahit ang mga naunang batch sa amin. This was the least they could
do.
Hindi naman ako kill joy, normal naman akong teenager na naghahangad din ng prom.
Ang totoo ay gusto ko ring maranasan ang ganoong klase ng event.
But prom or graduation ball isn't practical for me. Saan ako hahagilap ng susuotin
ko? Kung hindi ako bibili o sisita ng damit, wala akong isusuot. Iyon pa lang ang
impraktikal na ng dating. Hindi ako mayaman. Mas lalong hindi tumatae ng pera ang
mga magulang ko. Ang pangrenta ng damit sa prom, pwede na iyong ilaan sa ibang
bagay na mas mahalaga. Para sa pag-aaral ko ng kolehiyo.
"Isipin mo, minsan lang naman iyon, Sai! Baka hindi na natin iyon ma-experience sa
susunod," pangungumbinse pa ng kaibigan ko. Binuksan niya ang baong tsistirya.
Tumingin ako sa malawak na oval. I saw different students going back and forth.
Nagtambay muna kami ni Jala sa ground bago umuwi. Ang oval ng Camflora ang
pinakasikat na tambayan ng mga estudyante tuwing hapon. Malawak kasi ang oval.
"Alam ko nga kasi. Kaso s'yempre, baka hindi ako payagan ni tatay. Kilala mo naman
iyon 'di ba? Isa pa, kahit gustuhin ko naman, medyo impraktikal iyon. Magpapakasaya
ako ng isang gabi? Tapos iisipin ko iyon ng ilang buwan." I sighed loudly.
"Magkaiba naman ang gusto at pangangailangan. At sa ngayon, iyong kailangan ang
dapat na i-prioritize."
Jala rolled her eyes at me. "Nakakainis ka! Nakakainis kasi may point ka!" Inubos
niya ang Cheez it na pinapapak. Hinimod pa niya ang cheese sa kanyang daliri.
Natawa ako.
Hindi makapaniwala nito akong binalingan ng tingin. Umubo pa ito ng peke. "Sayang
nga, e. Patapon pagdating sa pag-ibig!" Umiiling - iling nitong sinabi.
Umirap ako sa ere. "Nahiya naman akong pagdating sa pagkain, ipagkakanulo ang
kaibigan niya ng ilang taon." pasaring ko kay Jala.
Hindi lang ito pasaring, totoo naman talaga. Gawain niya ang ganoon. Ilang beses
niya akong inilaglag para sa pagkain.
Muling inirapan ko ang babae. I doubt that. Basta pagkain, mas matimbang iyon kaysa
sa akin.
Hanggang dumating ang weekend, iniisip ko pa rin ang Graduation Ball. Umuwi ako ng
Tagbakan para tumulong kay nanay sa greenhouse. May bayad din ang pagtulong ko,
pangdagdag sa ipon sa college.
He is my father. Kahit naman nagtatampo ako, gusto kong magkaayos kami sa mas
lalong madaling panahon. I just couldn't find time to talk to them. Well, mas
malaki ang oras na ginugugol nila sa palayan at gulayan kaysa ang manatili sa
bahay. Naiintindihan ko iyon at nagpapasalamat ako. Alam ko namang ginagawa nila
ang lahat para mapakain kami ng sapat at mairaos ang pangangailangan naming
pamilya.
Ngumiti siya sa akin at inusisa ang niluluto kong ginataang kalabasa. "Mukhang
masarap. Umaasenso ka na sa pagluluto." Tumawa ito. Ilang sandali ko siyang
pinagmasdan.
Visible na ang ilang linya sa noo ng aking ina, tanda ng taong pagta-trabaho. But I
still could see her beauty in her early age. I just knew she was a beauty before,
ganoon din ang tiya Catalina, ang nanay ni Nena.
Sinupil ko ang pagngiti. "Sasaglit lang po ako sa gulayan, maglalaba po sana ako ng
mga labahan natin at baka may ipalaba rin sina Aling Marites, pwede ko pong
labhan."
Tumaas ang kanyang kilay at nangunot ang noo. "'Wag mong pagurin ng lubos ang
sarili mo, Sai. May kailangan ka ba sa school?" She asked me while sipping the
coffee I made for her.
Kumamot ako sa ulo. Natumbok ni nanay. As much as possible, kung gugustuhin ko mang
um-attend ng Graduation Ball, at least, hindi na ako hihingi sa kanila nang
panggastos. Mayroon naman akong ipon, pero ayokong gastusin iyon. That's for my
studies. Bale, kukuha na lang ako ng extra kung mayroong palabada ang mga tao dito
sa Tagbakan.
I nodded slightly. "Paraang ganoon po, 'nay. Pero hindi po bonggang gowns ang suot.
Pagtitipon lang po sa mga estudayanteng magmo-moving up at ga-graduate." paliwanag
ko.
Inalis ko ang kawali sa kalan at nagsalin ng tubig sa takure upang iinit. Sayang
ang baga ng apoy.
Tumango - tango si nanay. "Pwede naman iyong isingit sa budget natin, Sai. Huwag mo
nang patusin iyong labahan ng mga kapitbahay. Mapapagod ka lang. Tama na iyong sa
gulayan." Nanay smiled kindly. "Natutuwa akong nakakaya mong tumayo sa sarili mong
paa, anak. Pero andito pa rin kami ng tatay mo. Tandaan mo iyon, kami pa rin ang
dapat na bumuhay sa inyo ni Nena."
Sinuklian ko ang masuyo niyang ngiti. "Alam ko naman po iyon, 'nay. Salamat po."
Mas inagahan ko ang pagbisita kay Meow. Pinakain ko muna ang aking alaga. Kahit
binawalan na ako ni nanay na tumanggap ng labahan, hindi ko pa rin tinanggihan ang
ilan. Sayang din kasi ang kakarampot na kita. Magiging choosy pa ba ako?
Ilang oras akong nag-ani ng mga gulayin bago ako dumiretso sa poso upang maglaba.
Wala ring gaanong tao. I just saw Lucy and friends. Hindi ko sila pinagtuunan ng
pansin. Mas mukhang nagtsi-tsismisan silang tatlo kaysa tapusin ang tambak na
labahan. They didn't seem to notice me either.
Nagbomba ako para ibabad ang mga damit. Hiniwalay ko ang puti sa mga de-kolor na
damit. Pinabula ko ang tubig sa banyera. Naupo ako sa malaking bato na hindi basa.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang ingay ng kabayong papalapit sa may poso. Gumawi
ako kung saan nagmumula ang ingay. Napailing ako nang mapagtantong si Cadence ang
bagong dating, sakay siya kay Madonna. Mukhang andito na naman ang kapre para
manggulo. Ano pa nga bang aasahan ko?
Umakto akong hindi napansin ang pagdating niya, nagpatuloy ako sa pagkukusot ng
damit na labahan ni Aling Marites, sa kanila ang inuna kong labhan. She was
generous the last time.
Tumigil ako sa pagkukusot ng may humablot sa kanang braso ko. Hindi na ako nagtaka
nang tingalain ko ang lapastangan. Ang mukha ni Cadence na ilang agwat ang layo
mula sa akin ang bumungad.
Imagine, kung ang mukha ni Teryo ang unang bumungad sa akin, baka nahimatay na ako.
Pasalamat na lang at good-looking si Cadence. Hindi nakakaasiwang tingnan. My heart
skipped a beat.
"Naglalaba ka?" tanong nito nang nakataas ang kilay. Pinasadahan niya ng tingin ang
palanggana at ang tambak na damit.
Umirap ako sa ere at binawi ang aking brasong hawak niya. "Hindi, Cadence.
Nagsasaing ako ng mga damit."
"I have my connections everywhere. Nasa iisang hacienda lang naman tayo, liit. Alam
ko ang bawat galaw mo." mayabang nitong turan.
He eyed me, lost. "Are you going to wash all of that?" Hindi nito makapaniwalang
tanong.
"Hindi ba obvious?" I asked sarcastically. "Kaya tsupi na! Marami akong kailangang
tapusin!"
Hindi tumayo si Cadence kahit anong sabi ko. Sa halip, kumuha siya ng isang short
mula sa labahan at in-eksamin ito sa malapitan. He looked at me with confusion in
his eyes.
"That's not even yours! Short iyon ng bata. Wala ka namang kapatid na maliit."
"It's not mine! Kana Aling Marites iyan, 'no. Tumanggap ako ng labahan nila. Kaya
alis na, nakakaabala ka na, Cadence. Kailangan ko pang tapusin ang mga ito."
Nagsisimula na akong mairita. Hindi ako makausad, it's not good for business.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "They pay me. What do you think? May pangangailangan
ako. Kailangan kong pagtrabahuhan iyon." And it's a fulfillment earning my own
money, iyong akin talaga at hindi ko hiningi sa aking magulang.
Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "You could have told me... I can provide for
you."
It was my turn to raise an eyebrow at him. "At bakit aber? Hindi mo ako palamunin,
Cadence. Magulang ba kita?" Nanliit ang mata ko. "Isa pa, kung iyong ipapangkain mo
sa akin, galing pa rin sa mga ninuno mo. Aba, magbanat ka ng buto mo."
Umarko ang kanyang labi sa isang mapang-asar na ngisi. "I'm not your parent,
Everly. But we can be parents together." He winked.
Nanlaki ang mata ko. Nag-init ng husto ang aking pisngi. Mabuti na lang hindi
halata ang pamumula ng aking mukha. I don't even blush, but I could feel the
intense heat circulating in my face.
Kumuha ako nang malaking bula at pinahid ko iyon sa mukha ni Cadence. I glared at
him.
Cadence just chuckled. Ang aliwalas tingnan ng kanyang mukha. My attention was
easily diverted by how good-looking he really is. Hindi ko namalayang dumakot ito
bula at pinahid iyon sa parte ng ilong ko. Napakurap ako ng ilang beses bago ko
tuluyang naintindihan ang kanyang ginawa.
I was about to react violently. Hinawakan nito ang magkabilang braso ko. He looked
at me straight in the eyes. "You started it first. Ngayon ikaw ang pikon." Pinitik
niya ang noo ko. "Let me help you, Everly."
Ako rin ang sumuko. I let him help with the clothes. Mukha namang madali itong
turuan. Gone the playful Cadence, nang magsimula kaming dalawa, he looked focused
with washing. Magkasalubong pa ang kanyang dalawang kilay habang ginagawa ang
pagba-brush ng mga damit. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Labahan lang pala ang
makakapagpatahimik sa isang ito.
Umiling ako ng bahagya at nagpatuloy sa ginagawa. Wala pang isang oras, natapos
namin ang labahan sa full force namin ni Cadence. He made it really easy and
helpful with the chore.
"Salamat sa tulong mo," I smiled shyly. Iniisip ko pa namang manggugulo lang ang
kapre kanina. It turned out, he was a good help.
Nag-inat ako ng braso habang nagbobomba siya sa poso. Huling banlaw na namin at
isasampay ko na ang mga damit.
His lips formed a taunting smirk. Bigla akong kinabahan sa pagngisi niyang iyon.
Alam kong maloko si Cadence.
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Sana hindi ka na lang tumulong kung
manghihingi ka naman pala ng kapalit," Naiinis kong sambit. Ano na naman ang
patibong nito? He's cunning, sometimes. "Edi hati tayo sa bayad nina Aling Marites,
wala namang problema sa akin."
"Money is not an issue for me, Everly." Tumatawang sinabi ni Cadence. Binuhat niya
ang isang timba at sinalin ang tubig na laman sa palanggana. Nagflex pa ang muscles
niya. For sure, sinadya niya iyong gawin.
Tumapat siya sa akin. I was easily intimidated by his height. "I'm not asking for
money. I am appointing myself to be your date in the Graduation ball." ngiting -
ngiti ang kapre. Muli siyang nagbomba sa poso.
Kumunot ang noo ko. Pati iyon, alam niya rin? Hindi naman nakakapagtaka kung alam
niya. I pressed my lips. "Paano ka naman nakasisiguro na gusto kong um-attend
doon?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Ayaw mo ba?" He stopped what he was doing. Tiningnan niya ako ng walang
pagkailang. Ako ang hindi makatingin nang maayos.
When I looked at him, hindi mapunit ang ngiti ni Cadence sa labi. I don't know what
made him so happy. Umiling ako.
Tinapos namin ang labahan, kahit sa pagsasampay ay sinamahan ako ni Cadence. Mas
matangkad siya akin, gamit na gamit ang kanyang tangkad sa paglalagay ng damit sa
sampayan. It was too easy for him.
Tatawa - tawa ito habang hirap na hirap akong abutin ang sampayan. Letse! Sino bang
gumawa ng sampayang hindi abot ng tao? Ayaw yata nilang magpasampay! Ang sarap
sipain ni Cadence! Nakakainis!
Busangot ang mukha kong inirapan siya. He just wouldn't stop laughing. Kinurot ko
ito sa tagiliran. Umayos siya ng tayo at kinuha ang ilang banyerang pinaglagyan
namin ng labahan.
Si Cadence ang nagbuhat noon. Takang - taka pa ito kung paano kong nagawang dalhin
ang mga banyera sa poso. Ang hindi niya alam, pinahila ko kay Meow ang mga iyon.
Cadence groaned loudly. Hindi ko alam kung anong ikinaiinis niya. Ano naman kung
tumanggap ako ng labada? Hindi naman siya required na tulungan ako. Kaya ko namang
tapusin iyon, aabutin nga lang ng siyam - siyam.
"T-tay..."
Hindi nakaligtas sa akin ang pagtawag niya ng 'tay' kay tatay. At kung hindi iyon
nakaligtas sa akin, malamang ganoon din kay tatay. Mas lalo akong kinabahan. Siniko
ko ng bahagya ang katabi ko.
"'Wag mo akong tawaging tatay, hindi kita anak, hijo." Mahinahon ngunit mariin ang
pagkakawika niya. Para akong hihimatayin. Ito na siguro ang pinakatatakutan ko, ang
pagsamahin sila sa iisang kwarto.
"K-katatapos lang pong maglaba, 'tay. Kanina pa po ba kayo?" Pinilit kong kalmahin
ang sarili ko. Kinuha ko ang banyera kay Cadence. I avoided his gaze. Hindi naman
ito umangal at inabot nito iyon sa akin ng tuluyan. Nauna na akong maglakad.
Ilang patalim ang nag-uunahang tumusok sa dibdib ko. Nagsimulang umulap ang mga
mata ko. Para akong sinaksak ng sarili kong ama sa dibdib. Hindi ako makapagsalita.
The words struck me.
"Hindi po malandi si Sai Everly, Mang Von." rinig kong sabi ni Cadence. "At wala po
kayong karapatang pagsalitaan siya ng ganoon." His tone was firm.
Hindi ko sila magawang lingunin, anumang oras babagsak ang luha ko. I don't want
anyone to see my pain. Pero hindi ko sila magawang iwanang dalawa, baka may
mangyaring masama.
"Wala ka ring karapatang pagsalitaan ako, bata. I-respeto mo ang pamamahay ko."
Huminga nang malalim si Cadence. "I don't believe that respect should be earned. I
do believe that it should be given to everyone equally. Making someone earn respect
is a form of superiority. Pero sa ipinapakita niyo po ngayon, wala po kayong
karapatang magdemand ng kahit anong respeto." There was an evident disgust on his
tone. "Sa atin pong dalawa, mas kilala niyo si Sai Everly. At alam kung alam
ninyong hindi siya ganoon. Mauuna na po ako."
Rinig ko ang yabag ng pag-alis ni Cadence. I was still frozen on the spot. Hawak ko
pa rin ang mga palangganang pinaglabhan namin kanina. Ngayon ako nakaramdam nang
panghihina. Pakiramdam ko'y ubos na ubos ang lakas ko.
Marahas kong pinahid ang mga luhang nagsimulang tumulo ito. I looked at my father.
"Ang baba naman po ng tingin ninyo sa akin," mariing usal ko bago ko ito iwan sa
may tapat ng pintuan. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Dumiretso ako sa
banyo. Nasalubong ko pa si Nena na takang - taka ang mukha.
Nagkulong ako sa kwarto namin. Hindi ako tumigil sa pag-iyak. Hindi ko lang maisip
na ganoon ang tingin niya sa akin. Ang baba ng pagkatao ko. Wala naman akong
ginagawang masama. Wala naman kaming ginagawang masama ni Cadence. Maigi sana kung
mayroon siyang basis.
Para namang hindi sila dumaan sa pagiging kabataan, o hindi sila nagkaroon ng
hinahangaan noon. Sobra akong nasaktang sa kanya pa nanggaling ang salitang iyon. A
word could be so painful when it came from someone I loved the most.
Mas lalong lumalala ang lamat naming mag-ama. Hangga't sarado ang isip niya sa mga
bagay, hindi ko alam kung paano kami magkakaayos na dalawa.
***
"Ang tamlay mo, may nangyari bang hindi maganda? Buong maghapon kang matamlay."
puna ni Jala. She was readying her bag. Uwing - uwi na ito.
Umiling ako at hindi umimik. Hindi pa ako handang sabihin ang nangyari kay Jala.
Ang dami ko ng utang na kwento sa kanya. I just couldn't find the right time to
talk to her about my problems in life. Ayokong pasanin niya ang pasanin ko.
"Hindi ka ba pinayagan sa Grad Ball?" She asked worriedly. "Ano ka ba, 'wag ka na
malungkot, friend. Ako nga, kahit um-attend ako roon, wala naman akong idi-date."
I just smiled.
"Tara na?" Mukhang tapos na siyang mag-ayos ng gamit. Konti na lang ang estudyante
sa gym. I grabbed my bag. Nauna akong tumayo at naglakad kay Jala.
"Sana lahat sinusundo kapag pagod na," humagikhik ang bruha. Naguguluhan akong
tiningnan ang kaibigan ko, wala sa akin ang atensyon niya. Sinundan ko ang kanyang
paningin. Only to find Cadence at the entrance of the gymnasium. He looked cozy
waiting for me.
Cadence has a soft smile plastered on his face seeing me. Umayos siya ng tayo at
sinalubong kaming dalawa ni Jala.
Tumaas ang sulok ng labi ng huli. Nauwi iyon sa pagtawa. "Kahit hindi mo na
ibalik." Tumatawa nitong sabi. "Malungkot iyang si Sai, paligayahin mo nga. Mauuna
na ako sa pag-uwi. Ingatan mo si Sai, Cadence."
Hindi pa ako nakakasagot, tumakbo na si Jala papalayo sa aming dalawa. Naiwan ako
kay Cadence na nakalahad ang palad umaasang tatanggapin ko.
Hindi ito sumagot, hinawakan niya ang kamay ko. It felt warm. Bumilis ang tibok ng
puso ko, nabuhay ang matamlay kong kalamnan. Cadence didn't answer my question,
ganoon pa man, nagpatianod akong sumama sa kanya.
We went to high area in San Andres. Naglatag si Cadence ng picnic blanket na pwede
naming upuan. Tanaw ko mula sa tayo namin ang kabuuan ng bayan, kahit ang pier at
ang maliit na parte ng Alibijaban hagip ng paningin ko.
Humilig ako sa kanya. "Medyo. At least, you know how to make me feel slightly
better." Our hands were still clasped together and it was a good feeling.
Kabanata 26
Wedding Dress
Maliit ang bayan ng San Andres, kasing liit ko, konti lang ang available shops sa
mismong gitna. Walang ibang mapagpipilian o pwedeng puntahan. Para sa iba, madali
lang naman ang makapunta ng kabilang bayan o sa siyudad. That's not the best choice
for me. Mabibilang lang ang mga panahong nakatapak ako sa lupa ng siyudad. Wala
naman akong maraming pera upang mag-aksaya ng pamasahe.
Dismayado ako sa paghahanap nang isusuot para sa graduation ball. It would be one
in a life time, and I decided to go with it. Sariling pera ko naman ang gagamitin.
Kung pwede lang at kung kaya ko lang, gusto ko nang magsarili. Mahal ko si tatay
for the reason that he is my father, pero hindi ibig sabihin noon, mayroon na
siyang karapatang pagsalitaan ako ng kung ano - ano lalo naman kung walang
katotohanan.
Hindi ako pag-aari ng mga magulang ko. At sana maisip nilang hindi por que't ako
ang mas bata, kailangan ko lang silang intindihin kahit mayroong mali. At hindi por
que't anak nila ako, he could torture me with inflicting words.
Naririndi ako sa tuwing maririnig ko ang bawat salita nang panunumbat. Binuhay nila
ako, responsibilidad nilang gampanan ang pagiging magulang. Sa totoo lang, hindi
iyon utang na loob. It's toxic to think like that.
I sighed loudly. Hindi ko naman akalaing aabot kami sa ganitong punto. Nasasanay na
ako sa lamig ng pakikitungo ni tatay. Kahit tingnan ako sa mata, hindi niya magawa.
Ngumisi si nanay. "Tubig na lang, Miss. May iba pa bang pagpipilian?" tumatawa
nitong tanong habang tinatanggal ang malaking sombrero.
Tumalikod ako at kumuha ng baso. "Mayroon po tayong kape, kung gusto niyo rin po,
pwede ko kayong ipagtimpla ng fresh dalandan juice." Kumamot ako sa ulo.
"Okay na ako sa tubig, anak." She just smiled gently and sat on the chair.
Mukhang pagod na naman ang aking ina sa gulayan. Hapon na rin nang makauwi ako,
nagsimula na kaming maghanap nang susuotin ni Jala para sa grad ball. Hindi pa ako
nakakapagpalit ng school uniform.
Nagsalin ako ng tubig sa baso mula sa pitsel. I handed her the glass of water.
Bumalik ako sa kusina para isalansan ang basket ng gulay.
Lumapit si nanay sa lababo para ilagay ang basong pinag-inuman niya. Tumango ako
kahit hindi ko ito sinulyapang muli.
"Pinuntahan na po namin ang ilang shops sa bayan, pero wala pa po kaming nakita."
sagot ko. Napaka-arte ni Jala na pumili nang susuotin, pero totoo namang walang
kalatoy - latoy ang mga options ng ibang store.
Humarap ako kay nanay at ngumiti. "Salamat po," Ibinuka niya ang kanyang braso nang
malapad, she extended her hands in the air. Alam ko ang ibig sabihin noon, unti -
unti akong lumapit sa kanya at yumakap. I felt her warm hug. Secured ako sa yakap
na iyon.
Bumulong siya sa tainga ko. "Dalaga ka na, Sai. Noon lang nakikipag-away ka pa sa
grupo ni Teryo." Ramdam ko ang pag-iling niya.
Napanguso ako. "Hanggang ngayon naman po, 'nay, nakikipag-away pa rin ako sa
kanila."
Inangat niya ang mukha ko. She looked at me in the eye. "Kamukhang - kamukha ko
ikaw. Kahit sa kulay ng balat noong kabataan ko. Hindi mapigilan ng tatay mo ang
iyong paglaki." Tumawa ang aking ina bago nagpatuloy. "Minsan masyadong overacting
ang tatay mo pagdating sa'yo. Alam kong mayroon kayong tampuhang dalawa. Minsan
nakakasakal siya, masama kung makapagsalita. Pero sigurado naman akong gusto lang
niya ang makakabuti para sa inyo ni Nena."
I kept my mouth shut. Huminga ako nang malalim, hindi pa ako handang pag-usapan ang
bagay na iyon. "Ganoon talaga ang magulang minsan, Sai. Hindi naman kami perpekto.
At kapag naging magulang ka rin, malalaman mo iyon." Umiling - iling si nanay. "Ano
ba iyan? Napunta na tayo sa usapang pagiging magulang. Enjoy mo muna ang iyong
kadalagahan, anak."
Muli akong yumakap nang mahigpit sa kanya. Nanay hugged me back. Bago pa man kaming
maghiwalay na dalawa. Narinig ko ang high pitch sound ni Nena. Dinaluhan niya kami
ni nanay.
"Group hug!" Nena even exclaimed. Isiniksik niya ang sarili sa pagitan naming
dalawa. Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran. "Gusto ko rin ng yakap!" Tinabig
niya ang aking kamay.
Nagtawanan kaming tatlo. Si nanay na ang humiwalay. "Kapag wala kayong nakitang
damit ni Jala, sabihin mo sa akin."
I nodded.
"Ikaw naman, Nena, maligo ka. Kaamoy mo na ang mga pusa mo." My cousin rolled her
eyes. Mabilis itong nagtungo sa kwarto. Nagpaalam din akong susunod kay Nena upang
magpalit ng uniform na kanina ko pa suot.
Nadatnan ko ang aking pinsang nakaupo sa gilid ng katre. Mukhang inaabangan nito
ang pagdating ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
She just looked at me with her scrutinizing eyes. May inilabas siyang bagay mula sa
bulsa. Itinapon niya iyon sa direksiyon ko. Takang tumingin ako sa kanya. Mabuti na
lang nasalo ko ang kahon bago ito bumagsak sa sahig.
Kuya? Wow, close sila? Dati galit na galit siya kay Cadence. Umirap ako sa ere.
Nasuhulan din ang isang ito kagaya nang magaling kong kaibigan. Hindi na ako
umimik.
Binuksan ko ang box na binigay ni Nena. It was a pressed rose with a letter. Miss
you. Napailing ako kahit napapangiti. Madalas ko namang makita si Cadence. Kung
nasaan ako, andoon din siya. I'm not complaining at all. Maingat lang akong hindi
magkrus ang kanilang landas ng aking ama. Ayoko ng panibagong world war.
Itinago ko ang bulaklak sa drawer pati ang note na kasama nito. Mahirap na kung
makikita itong pakalat - kalat sa buong bahay. Inirapan ako ni Nena na may
nakakalokong ngiti.
"Sa una lang masaya," malamang komento ng loka. Napailing ako. I stuck my tongue
out at her. Ayokong bigyan ng kahulugan ang pahaging niya.
Masaya ako ngayon. Maaaring hindi bukas. Ano naman? Ganoon naman talaga ang buhay,
walang kasiguruhan. Walang permanente. I can only hope for the better. For now,
Cadence makes me happy.
I am happy.
In a short notice, mas lalong papalapit nang papalapit ang grad ball na inaabangan
ng lahat. Imbes na matuwa ako, nakaramdam ako ng kaba. I haven't found a good dress
for the ball. Parang pinagsisihan kong sumali sa ball. Mali yata ang naging
desisyon ko. It was stressing me out.
Si Cadence ang sumundo sa akin ng hapong iyon, sumaglit kami sa Klsm8s upang
magmeryenda, of course, with Jala invited. Hindi naman iyon papahuli sa pagkain.
Pinuntahan namin ang ilang shops na hindi nabisita noong nakaraan. Hindi ko na
pinasama si Cadence sa sunod naming pinuntahan. Nakapili na si Jala nang masusuot.
It was just a simple black bardot fishtail midi dress. Saktong - sakto ang size sa
kanya ng damit. Fitted at bagay ang dress kay Jala. Gusto ko rin sana ng black
dress, kaso baka dumagdag pa iyon sa kulay ko. Mas lalo akong iitim sa ganoong
kulay at baka hindi na ako makita sa gabi ng pagtitipon.
The party theme was black and white. I am looking for a white dress, light colors
ang bagay sa kulay ko. Ilang minuto kaming naghanap ng dresses sa loob ng shop pero
kagaya ng dati, nauwi iyon sa wala. I couldn't find anything I want. Mukhang walang
kasyang damit sa akin.
Minsan nakakainis na kulang na kulang sa pasilidad ang bayan. Hindi naman sakop ng
tungkulin ng ama ni Cadence na magpatayo ng establisyemento na nagtitinda ng mga
damit.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng lalong lumalapit ang araw ng grad ball. I
couldn't go without a dress to wear. Sayang naman kung hindi ako makakapunta.
Nagbayad na ako ng entrance. Ganoon talaga sa public school, may fee tuwing
mayroong pagtitipon.
"Sa akin ka pa talaga nagtanong, Sai? Sa tingin mo naman, paano ako magkakaroon ng
pambabaeng damit?" histerikal na wika ni Jutay. Agad ding nanlaki ang mata nito at
tumingin sa paligid bago umakto nang maayos. Nakalimutan niyang nasa pampublikong
lugar kaming dalawa. "Aba, kung hindi ka naman aarte, pwede kitang ipagtahi ng
kurtina namin."
Hinampas ko ang braso ng bakla. Napatawa ako sa kanyang turan. Kapag hindi pa ako
nakahanap ng damit na susuotin, baka maghanap nga ako ng kurtina. Baka iyon naman
ang umusong fashion trend ngayong taon.
Jutay shook his head. "Taong - bundok tayo, sa tingin mo naman sinong mayroong
fancy dress na masusuot lang naman ng isang araw?" Napatango ako.
Mas nakaka-stress ang paghahanap ng damit! I dropped the topic. Bakit wala man lang
mala-fairy godmother na kayang gumawa ng milagro? Isa lang naman ang sagot, hindi
ako si Cinderella para mangyari ang bagay na iyon. And it was a fairytale. Ibig
sabihin, walang ganoon sa totoong buhay.
Sasabihin ko na lang din kay Cadence na hindi na ako tutuloy sa pagdalo ng Grad
ball. He thought I had it under control. Ang hindi niya alam, wala pa akong
nahahanap ng damit na isusuot. For some reason, ayoko namang abalahin siya. Gagawa
iyon ng paraan para matuloy ang pag-attend namin sa grad ball.
I sighed.
Kumaway si Jutay para lumapit ako. Agad naman akong sumunod sa pinagagawa niya.
Kabisado ko na ang kanyang isip. Mukhang may panibago itong tsismis. Siya naman ang
pinaka-updated dito sa Tagbakan.
"Maiba tayo at malilimutan ko pa." Pinaypayan ni Jutay ang kanyang sarili, bago
ibunyag ang mainit - init niyang balita. "Alam mo bang buntis si Lucy?"
My eyes widened. Si Lucy? Ang lider ng mean girls kung intinuturing dito sa
Tagbakan? Kaibigan ni Regine? I didn't see that coming. Hindi naman ako invested sa
tsismis, nabigla lang ako sa ganoong balita. Wala akong ideya.
"Ito pa ang matindi, ayaw daw panagutan noong nakabuntis." Mas lalo akong
napailing. "At balak yatang ipa-abort ang bata. Hay nako! Ginusto naman niya iyon,
tapos ngayon idadamay niya ang bata?!"
Nagkibit - balikat ako. It was the least of my concern right now, pero hindi ko
maiwasang hindi magsalita. "Bakit ang lalaki may choice na takbuhan ang batang
pinagbubuntis pero bakit kapag babae walang karapatang umayaw? Hindi ba ang unfair
naman? Pareho nilang ginusto, the man is to be blamed for his actions as well."
"Kung ikaw ba ang nalagay sa ganoong sitwasyon, ico-consider mo rin ang aborsiyon?"
tanong nito ng may curiosity. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. Pakiramdam ko
tuloy, sinusuri ako ng aking kaibigan na parang specimen sa microscope.
"Karapatan ng babae ang kanyang katawan," Huminga ako nang malalim. "Hindi ko alam.
Wala naman ako sa ganoong sitwasyon. Baka hindi ko masikmurang ipalaglag ang sarili
kong dugo, pero hindi ibig sabihin noon, may karapatan na akong diktahan ang
kagustuhan ng iba."
At kahit hindi ko naman naging kaibigan si Lucy o hindi maayos ang aming
pakikitungo sa isa't isa, I feel bad for her. Bumalik ako sa pagpapakain kay Meow,
bago tuluyang nagpaalam kay Jutay. Baka kung ano pang mai-tsismis ng isang ito.
Inabisuhan niya akong tutulungang makahanap ng dress for a night.
Mukhang lost case na rin ang grad ball. Napapailing akong bumalik ng bahay.
***
"Sai, may pansit sa mesa." Sinalubong ako ng ngiti ni nanay. She looked extra happy
today. Hindi ko alam kung bakit. Nadatnan ko si Nena sa mesa, kumakain na ito ng
pansit na dala ng aking ina. Sandali niya akong sinulyapan, bumalik din ang tingin
niya sa pagkain.
I started devouring the food. Tamang - tama rin ang dating ko mula sa gulayan.
Masarap ang pansit. Sakto sa kumakalam kong sikmura.
"Hindi na lang po siguro ako dadalo," sagot ko sa kanya. Kahit sayang ang fee at
wala iyong refund. Gusto ko namang maging memorable ang grad ball hindi bilang
isang katatawanan.
She just smiled. "Oh, siya, tapusin mo na ang pagkain. May ipapakita ako sa'yo."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Nena. Mukhang excited si nanay. Mabilis kong tinapos
ang aking pagkain.
Sinundan ko siya papunta ng kanilang kwarto. Hindi naman ako madalas pumasok ng
kwarto ng magulang ko, napakalinis nitong tingna. Parang wala man lang alikabok.
Hindi kagaya ng amin ni Nena, tinambakan ng pinsan ko ng basura. Bukod sa mga pusa
niya, mahilig siyang mangalikot ng mga bagay. Gusto niya nang bumubuo mula sa
scratch.
May inilabas siyang kahon mula sa aparador na ibinaba niya sa katre. The box looked
vintage but it was neat. Mukhang alagang - alaga ito.
Lumapit ako at naupo sa katre. Ipinatong ko ang kahon sa binti. Marahan kong
binuksan ang kahon. Bumungad sa akin ang puting tela. Namilog ang mga mata ko nang
ilabas ko ang puting tela sa kahon. Hindi lang ito basta tela, it was a dress! It
was a simple tea-length dress. Lace ang parteng taas ng dress at mabuka iyon
pababa.
I was still in shock to answer my mother right away. Hindi ako makapagsalita. Alam
ko kung saan niya iyon ginamit. Sa civil wedding nila ni tatay. Nakikita ko lang
iyon sa ilang pictures na mayroon sila. But I never knew my mother owned the dress.
Hindi ko naman ito nakita ng minsan, ngayon lang.
Tumawa si nanay sa naging reaksiyon ko. "Binili iyan ng tatay mo para sa kasal
namin. Kahit masyadong impraktikal dahil isang beses lang namang isusuot, pinag-
ipunan niya iyan. Sabi niya, hindi man daw mayaman ang pinakasalan ko, ang damit
daw na iyan ang sisimbolong kahit mahirap ang buhay, gagawin niya ang lahat para
maiahon sa hirap ang pamilyang bubuuin niya." Her eyes were a bit teary recalling
the memories. Nakatunghay lang ako kay nanay.
Parang gusto ko ring maiyak. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kay tatay. If
her, running away from her parents before to be with my father isn't enough
testimony, I don't know what is.
"Ibibigay ko iyan sa iyo. Alam kong gustong - gusto mong um-attend ng ball. Naging
teenager din naman ako, alam ko ang ganyang pakiramdam noon,"
Tumikhim ako. I finally found my voice again. "Pero 'nay, hindi naman po ako
magpapakasal." nahihiya kong sinabi.
Nasapo ko ang aking noo. I was overwhelmed. Sobrang halaga ng damit na ito para
ipagkatiwala niya sa akin sa Grad ball. Hindi pa ako ikakasal, and this was a
wedding dress.
I have the same figure as my mother. Alam kong kasya ang damit sa akin. But I was
still freaking out. Wedding dress ang suot ko para sa ball. It wasn't just a normal
dress. May parte pa rin sa aking hindi makapaniwala.
Ilang araw akong naghanap sa mga shops ng walang napala. Kay nanay ko lang pala
matatagpuan ang hinahanap ko. Masaya ako at the same time, kinakabahan.
Tumayo ako at yumakap sa aking ina. "Salamat po, 'nay." I whispered gratefully.
Pumikit ako habang nakayakap sa kanya.
My father nodded. "Ipinakita ko kay Sai ang isusuot niya, tama kang babagay ito sa
kanya."
Muntik akong mabulunan. Binalikan ko ang kahon at binitbit. Ramdam ko pa rin ang
tensyon. "Mauuna na po ako. Salamat po." Tumungo ako sa kwarto naming dalawa ni
Nena. Wala siya roon. Ilang beses akong napabuntong - hininga. I was happy. Pero
pakiramdam ko may malaking tinik na nakatusok sa aking lalamunan sa hindi ko
malamang dahilan.
Hinimas ko ang aking sentido. Itinago ko muna ang kahong may lamang wedding dress
ni nanay sa sarili kong aparador.
Akala ko hindi na matutuloy ang pagdalo ko sa grad ball. Kahit si Jutay at Amy
walang ibang alam na pwedeng pagkuhanan ng damit. Thankfully, my mother has her
wedding dress.
I couldn't wait for this once in a lifetime ball I am going to attend to with a
wedding dress.
***
"Ano?" wala sa wisyong tanong ko. I was still unaware of what was happening.
Tiningnan ko ang paligid, nasa kwarto ako. Sariling kwarto namin ni Nena.
Hindi ko alam kung paanong nakapasok ito sa kwarto. I gazed at the window, bukas na
bukas ito at mukhang magdadapit hapon na. My mouth gaped. Ilang oras na lang ang
ball. Natataranta akong tumingin kay Jutay.
"Kalma, Sai!" He rolled his eyes once more. "Kaya nga ako andito 'di ba? Para
ayusan ka. Tinakas ko pa ang mga makeup ni inday." Inday ang tawag niya sa
nakatatanda niyang kapatid na babae.
Nagmamadali akong bumangon upang magsepilyo at maghilamos ng mukha bago make up-an
ni Jutay. Hindi ako sigurado kong marunong siya magmake up. Hindi naman kasi ito
ladlad kaya hindi ko alam kung paano siya natuto sa pagmi-make up.
It was a gruesome hour with Jutay. Masyado itong istrikto. Maluha - luha pa ako ng
lagyan niya ako ng eyeliner. My face was barely touched with any make up materials.
Hindi ito sanay sa ganoong luho. He curled my hair, iyong isang side nilagyan niya
ng hairpin.
Hindi naman maitatangging maganda ang kinalabasan nang pag-aayos sa akin ni Jutay.
Pakiramdam ko panibagong tao ako sa hitsura ko, o sa unang pagkakataon, nagmukha
talaga akong tao. Mabilis din itong umalis bago pa maabutan ng mga magulang, kahit
kay nanay siya mismo nagpresintang ayusan ako.
"Wow, may white lady!" Nena exclaimed as she saw me. Hindi nito nilakihan ang bukas
ng pinto. "Literal na white lady, iyong damit lang ang kita!"
Suot ko na ang wedding dress ni nanay at nagkasya ito sa akin. My reflection looked
expensive in the mirror. There was no trace of dugyot na Sai. Mukha akong tao.
Inirapan ko si Nena at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Naghihintay na sina tiya sa ibaba." she even said. Muli niyang isinara ang pinto.
Bahagya akong nakaramdam ng kaba. Lalo na kay tatay. Ayokong mag-away kami ngayong
gabi. Huminga ako nang malalim ng ilang beses bago ko napagdesisyunang bumaba na
para tagpuin ang mga magulang ko.
"Sai!"
Nahihiya akong ngumiti kay nanay. Maluha - luha siyang tiningnan ako. "Ang ganda
mo, anak." Hindi niya mapigilan ang pagluha.
Dinaluhan siya ni tatay na humahagod sa kanyang likod. "Tumigil ka nga, Ces. Hindi
naman ikakasal ang anak mo para umiyak ka ng ganyan." wika ni tatay.
Mas lalo akong napangiti. "Tahan na po, 'nay." Lumapit ako sa kanya para bigyan ito
ng isang yakap. Nang kumalas siya, dinampian niya ng palad ang mukha ko. "Ang
ganda," She smiled through her tears. Muli sana itong magsasalita nang makarinig
kami ng katok sa pinto.
Namutla ako ng bahagya sa isiping si Cadence ang nasa likod ng pintuan. Hindi ako
tumingin kay tatay. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.
"Oh, siya, mag-iingat ka roon, anak. Enjoy mo ang gabing ito." paalala ni nanay.
Tumango ako sa kanya kahit kabang - kaba. Sumunod ako kay tatay na naunang pumunta
ng pinto at pagbuksan ang walang - pasabing bisita.
Si Teryo!
Nanlaki ang mata nito nang makita ako. "Naks, Sai! Mukha kang tao." komento nitong
may ngisi. Naka-pormal itong suot.
"Mukha kang demonyo." Inirapan ko ito, kinabahan ako sa kanya. I could hear my
heart beating fast inside my chest.
Tumawa lang si Teryo. "Ako po ang maghahatid kay Sai." paalam ni Teryo. Tumango si
tatay pero walang sinabi.
Inalalayan ako ni Teryo. Huminga ako nang malalim. Hanggang ngayon, nanunuot pa rin
ang kaba ko sa aking balat. Magaling! Si Teryo talaga ang bumungad sa akin!
Kabanata 27
Confession
Kabanata 27
Confession
Hinatid ako ni Teryo sa may bukana ng Tagbakan gamit ang kanyang motorsiklo. Ramdam
na ramdam ko ang hangin sa aking balat sa kaskas ng pagpapatakbo niya. Napailing
ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang talagang suot ko ang wedding
dress ni nanay.
Dadalo ako ng grad ball ng suot ang isang wedding dress. May masamang pamahiin ba
sa ganoon? Wala akong ideya.
Huminga ako nang malalim. Hindi tamang nag-iisip ako ng mga bagay na ikasasakit ng
ulo ko. For once, I let myself attend an event out of my comfort zone. Dapat lang
na maging masaya ang gabing ito.
Halos masilaw ako sa nakaparadang jeep wrangler sa bukana. I was relieved to see
it, at least, hindi ako magtittis sa isang fancy car nang nahihilo at gustong
masuka sa amoy ng aircon. Cadence took that into consideration.
Naaninag ko ang ilang bultong nakapalibot sa sasakyan. Alam kong ang feeling F4 ang
kasama ni Cadence. He has been friends with them since the last three years ago.
Hindi ko magawang maintindihan kung anong nakita niya sa grupo ni Teryo. Sang-ayon
naman akong maaasahan sila pagdating sa kalokohang taglay.
Pasmado ang bibig, akala naman gwapo. Mukha pa rin silang tubol. Pinigilan kong
manggigil sa kanilang dalawa, pinagpag ko ang suot kong dress nang makababa ako ng
motorsiklo. Tinanggal ko ang helmet na pinasuot sa akin ni Teryo. I was hoping,
hindi noon nasira ang pagkakaayos ni Jutay sa buhok ko.
"Ayos, ah."
"Talagang ayos," Muli akong umirap. I pursed my lips and looked around to see
Cadence.
Sakto naman ang pagharap nito sa akin, mukhang mayroon pa itong kausap sa cellphone
na hawak. The moment our eyes met, the corniest passage in the pocketbooks I have
read before, parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko at tanging siya lang ang
mahalaga. Titig na titig din ang kapre sa akin.
Imbes na magsawa ako sa pagmumukha ng binata, araw - araw ko naman itong nakikita,
hindi iyon mangyari. I was drawn even more to his face. Sa makakapal niyang kilay,
defined jaws na kayang magparamdam ng inis o galit, matangos ang kanyang ilong at
may mapulang labi. He wasn't the boy I met the first time, he grown up to be a
good-looking man. Mas lalo siyang gumwapo. Mas lalong naging defined ang aura niya.
Good-looking beast. Kapre pa rin siya hanggang ngayon sa paningin ko. He is taller
than he was before. Kung matangkad na siya sa akin noon, mas lalo na ngayon.
Bumalik ako sa realidad nang makarinig ako ng pagtikhim. Ilang ulit na umubo ang
feeling F4. Nag-init ang pisngi ko. Nakatulala ako kay Cadence nang matagal,
nasaksihan pa iyon ng mga tsismosong mukhang unggoy.
"Ehem, ehem." Sinapo pa ni Jampul ang kanyang dibdib. "Ano? Magtitigan na lang ba
kayo buong magdamag, boss? Baka kayo'y mahuli na sa pupuntahan."
"Pagabi na rin, sibat na kami, boss. Naihatid na naman namin ang anak ng dilim,"
sang-ayon ni Teryo.
Humalukipkip si Cadence at naglakad patungo sa tayo ko. "One more thing, take our
picture." He was referring to them.
Umiling si Cadence na halata ang kunot sa noo. Natawa ako ng biglang um-arko ang
kilay nito. "Kami lang dalawa. Hindi kayo kasama," His tone was firm.
"Ah, sila lang palang dalawa." Tumawa si Teryo at iniabot nito ang camera na hawak
ng kapre sa tabi ko. Lumingon ako kay Cadence na nakatitig din sa gawi ko. His eye
brow rose in question.
Tumaas ang kilay ko. "Ngayong gabi lang?" Walang alinlangan kong tanong sa kanya.
Nakakainsulto naman yatang maganda lang ako ngayong gabi. All those times, hindi
naman pala siya nagagandahan sa akin.
Ang lakas ng loob kong magtanong. Well, dati pa namang makapal ang aking mukha.
Hindi naman halata sa balat ko kong napapahiya ako.
Narinig ko ang paghalakhak ni Cadence, uminit ang aking pisngi pero hindi naman
halata ang pamumula. Umakbay siya sa balikat ko at hinapit ako papalapit sa kanyang
katawan. He was wearing a sand suit matching my light cream and white dress.
I was a bit shocked hearing it from him. Ang inaasahan ko ay mapang-asar na banter
mula sa kanya. Kung namumula lang ang aking balat, malamang kasing - pula nang
kamatis ito. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang pagngisi ko sa narinig.
Kumindat pa ang kapre.
"Smile!" The feeling F4 gang cheered, I did. Masaya akong ngumiti sa camera nilang
hawak habang si Cadence nakaakbay sa akin. Ilang ulit kaming kumuha ng pictures na
magkasama. I couldn't help but smile.
Nang muli akong sumulyap kay Cadence, his handsomest smile was plastered on his
face. At that moment, nakatulala lang ako sa kanyang mukha. Malakas ang pagtibok ng
puso ko, all I could hear was the sound of my heartbeat, nothing else matters but
us. Normal pa ba ang nararamdaman ko para sa isang tao? Normal pa bang ganito ang
epekto ng kanyang presensya sa buong pagkatao ko?
Cadence faced me with confusion in his eyes. Nagbukas - sara ang kanyang bibig ng
ilang beses bago naapuhap ang tamang salita. "W-what did you say?" he asked,
unsure.
Ngumisi ako nang nakakaloko para pagtakpan ang kabang nararamdaman. "Bawal na
ulitin sa bingi," sinabi ko sa kanya.
His jaw clenched. Mukha itong mapipikon hangga't hindi ko inuulit ang sinabi ko at
mapupuno ng frustration. "Can you say it again, please?" Alam kong hindi siya
titigil sa tuluyan kong masabi ang precious words na iyon.
"Narinig mo naman kung anong sinabi ko. What you hear is what I said."
Mas lalong bumilis ang nag-uunahang tibok ng puso ko. I was nervous to say the
words again. Pero wala naman akong balak na bawiin ang mga salita.
"Everly, please..." There was desperation in his tone. Seryosong - seryoso ang
kanyang mukha.
"Uy, bossing, kanina pa tapos, ano, sisibat na ba kami?" Napunta ang atensyon ko sa
grupo nina Mamag nang magsalita ang isa sa mga lalaki. Si Rambo yata iyon.
Muntik na akong mapatalon nang pumailanlang ang boses ni Cadence. "Damn it, Rambo!
Just fucking go! You don't have the right to ruin this moment."
Natanaw ko pa ang tulalang mga mukha ng kanyang sidekicks sa Tagbakan. They were
out of words. Magsasalita pa sana si Teryo, pero mukhang nagpigil na ang lalaki at
tahimik na umalis. When Teryo's group was gone, I let out a small chuckle at
Cadence's tantrum.
Naiwan kaming dalawa ni Cadence sa may bukana ng Tagbakan kasama ang jeep wrangler
na pag-aari yata ng kapre. Hindi ako sigurado, pero alam kong ang may-ari noon ay
isang Ponce.
"We can stay here for the night until you tell me what you said earlier." He
crossed his arms around his chest. May munting ngisi sa kanyang labi. At hindi
nakatakas sa akin kung gaano ka-gwapo siyang tingnan sa ganoong tayo.
Hindi siya umalis sa kanyang tayo kahit anong gawin kong paghila. Imbes na matuwa
ako sa kanyang asta, mas nakaramdam ako ng inis. Binitiwan ko ang kanyang braso. It
was my time to cross my arms.
"Mag-aaway ba tayo rito?" iritado kong tanong. Kumamot siya sa ulo at ilang minuto
akong tinitigan. Ngising - ngisi naman ito.
"Ako? Makikipag-away sa'yo? Ikaw iyong boss dito," He was about to mess my hair but
stopped midway, mukhang nalinawan ito nang makita ang ayos ko. Ginulo niya ang
kanyang buhok. "Hmp, damot, isa lang naman. Promise, hindi ko na ikaw kukulitin,
ulitin mo lang talaga."
I rolled my eyes. "Ano ba gusto mong marinig, ha? Na mahal na kita? Oh, tapos? Ano
naman ngayon? Nanggigil na ako sa'yo, Cadence."
"Ewan ko sa'yo, bungol!" I pushed him out of my way. Mauuwi na naman sa pang-aasar
niya ang confession ko. "Kapre na nga, bungol pa!" Mabilis akong naglakad patungo
sa jeep wrangler na nakaparada. Sa haba ng biyas ni Cadence, hindi ako madaling
nakatakas sa kanya.
"Dang, mahal mo ako. Mahal mo ako, Everly." He has the audacity to say that out
loud a lot of times. Paulit - ulit, parang pinapamukha sa aking patay na patay ako
sa kanya. Hindi naman totoo.
Sumandal ako sa jeep wrangler at pinameywangan siya. "Para kang sirang plaka,"
komento ko.
"I'm just fucking happy." Cadence stopped talking, and stared at me, smiling like
an idiot. Hindi ko magawang masakyan ang humor niya. Tuwang - tuwa ang kapre.
Hinampas ko ang kanyang braso ng hindi pa rin ito tumigil sa paninitig. Naaasiwa na
ako sa hiya. He shook his head and chuckle. Sa inis ko, kinurot ko siya sa
tagiliran. "Ano ba? Pupunta ba tayo o hindi? Late na tayo, kapre!"
"Yes, we are going, liit!" Pinasadahan niya ang kanyang buhok gamit ang daliri.
"But can I do this real quick?"
Hindi halik ang bumungad sa akin kundi ang pagtawa ng magaling. Mas lalong nanuot
sa balat ko ang kahihiyan. I expected a kiss and got nothing but a mocking laugh.
Inis na inis akong sinapak ko si Cadence bago sumakay ng jeep wrangler. I hopped
myself in.
"Everly..." masuyo nitong banggit sa pangalan ko. "I'm just kidding. I just wanted
to see your reaction."
Tiniklop niya ang kanyang labi upang hindi ngumiti. Deep inside, ngising - ngisi
ang kapre. Umirap ako sa ere. "Always when I'm with you," He bit his lip. "We can
kiss, you know. Do you want a kiss?"
I looked at him dead in the eye. "Stop annoying me, Cadence. Don't make me regret
this night and hope I just stayed at home." Oo, ako na ang pikon. Gigil na gigil
talaga ako sa kanya.
Cadence sighed. "I'm sorry, Everly." Umikot siya sa jeep wrangler na sasakyan
namin. "It was weird seeing you annoyed makes me happy. Cute mo kasi kapag inis na
inis ka." Ipinatong niya sa legs ko ang bouquet ng sunflowers.
Hindi ako umimik. Sa unahan lang nanatili ang mata ko, baka biglang mabura na lang
ang pagkainis ko sa kanya kapag humarap ako kay Cadence. Mahirap na. Malambot pa
naman ang puso ko pagdating sa kapreng mapang-asar. Nakakainis!
"Let's go?" Nanatili pa rin akong tahimik. Binuhay niya ang engine ng sasakyan bago
muling bumaling ang tingin sa gawi ko. "Please, don't be mad." Naramdaman ko ang
malambot na bagay sa aking pisngi. Natigilan ako.
"Alam ko,"
Cadence chuckled. Pinaandar niya ang sasakyan para makausad kami. Unti - unti kong
naramdaman ang kanyang kamay hinuhuli ang akin. Wehn he finally did, he intertwined
our fingers together and put a soft kiss on it.
Umirap ako sa ere, pero hindi matatago ang ngiti ko sa kanyang ginawa. Sabi na,
marupok. Oh, Sai Everly.
***
Sinalubong kami ni Jala sa entrance ng gymnasium. Sa gym gaganapin ang grad ball.
With a few decorations, it was good to go. Maraming mata ang lumingon sa amin sa
pagdating ko kasama si Cadence. Mayroong halong inggit ang pagsulyap ng karamihan.
Wala naman akong magagawa sa ganooong bagay.
Hinila ako ng magaling kong kaibigan sa table na para sa amin. "Ikaw na lang ang
perfect, ganoon? May lovelife na, maganda pa ang dress. Saan mo nabili ang dress
mo?" tanong nito, hindi pa man lang ako nakakaupo nang maayos. Bastos talaga!
"Pinahiram sa akin ni nanay," Namamangha niya akong tiningnan. "Wedding dress niya
ito, okay?"
"So, sa simbahan na ang diretso niyong dalawa pagkatapos ng event?" Her eyes were
so wide. Para siyang batang naghihintay ng sagot sa kanyang tanong. My cheeks were
fueled with heat. Pasalamat na lang akong hindi iyon halata sa aking mukha.
Nabaling ang atensyon ko ng mayroong waiter na mayroong dalang juices ang dumako sa
table. Dahil student party ito at mostly minors, bawal ang alak o anumang inuming
nakalalasing. Monitored din ang mga pagkain lalo na ang mga ipinagbabawal na gamot.
Nagsimula ang programa sa pagbubukas ng emcee, siyempre, hindi mawawala ang ilang
boring talks at welcome remarks. Hindi nagtagal at bumalik si Cadence sa table
namin. He just greeted some of the people he knew.
May pagkain, may juice na inumin, may ilang pakulo ang mga emcee para maging lively
ang audience, pero sa totoo lang, it wasn't really my crowd. Hindi ko feel ang
pagtitipon, I would rather stay at home and never attend occasions like this one.
Ang highlight lang ng gabi ko, magka-holding hands kami ni Cadence sa ilalim ng
table.
After the program, it was time to do whatever we want. Bukas na ang gitna ng gym
upang maging dance floor. I just saw how everyone went wild as the music started to
be hyped. Halos lahat ay nasa gitna at umiindak, kasama na roon si Jala. She was
dancing and banging her head with the song. Inaakit ako nitong sumayaw, ako lang
iyong tumanggi.
Gumawi ako ng tingin sa kanya at umiling. "Hindi kaya ng sikmura ko," Muli akong
sumulyap sa dance floor. I don't have the confidence to dance like them. "Pwede ka
namang sumunod sa kanila kung gusto mo, I'll be okay here." Inginuso ko ang dagat
ng tao sa gitna.
True to his words, Cadence stayed with me through the hype of the dancefloor.
Pareho naming pinanood ang mga estudyanteng nag-eenjoy sa pagsayaw. We both laughed
if we spotted something funny. Kontento ako sa ganoon. Kontento akong masaya kaming
dalawa.
The music changed. From its fast beats, it became intimate. Slow dance instrumental
version was playing with the loud speakers in the gym. "So, let's give it up for a
sweet dance."
"Aba'y putangina!" Malakas na sigaw ni Jala na rinig sa buong hall. Natatawa akong
napapailing. Everyone laughed at her reaction. Mabilis itong bumalik sa aming table
nang matauhan sa sinabi.
"Nakakahiya!" she said out loud. Tumawa ako sa realisasyon ni Jala. Aware naman
pala siyang nakakahiya ang pinaggagawa niya sa buhay.
She rolled her eyes at me. Nauwi ang kanyang atensyon sa drinks sa table namin.
"For couple ang kanta, hindi ba kayo sasayaw? I give up the stage for you two,"
Nanlalaki ang mata ko habang nagpapabalik - balik ang tingin sa dalawa. "Come on,
liit, let's dance. I let you get away earlier, not this time."
I gave him a death glare. "Ikaw na lang ang sumayaw." Iminuwestra ko pa ang gitna,
puno na ito ng partners ang sumasayaw sa marahang tugtugin. Nang bumalik ang mata
ko sa kanya, nakalahad na ang kamay niya.
Jala pushed me to accept Cadence's hand. Napatayo tuloy ako ng hindi inaasahan at
inalalayan ni Cadence. Huminga ako nang malalim. I promised myself to enjoy this
evening and tried to make the best memories possible out of it.
Inirapan ko siya. Hawak niya ang kamay ko habang papalapit kaming dalawa sa gitna
ng gym para makihalo sa mga estudyanteng sumasabay sa slow dance. He put his hands
on my waist, and I tried to put mine on his shoulder.
Napakamot ako sa ulo. Literal na hindi ko kayang abutin si Cadence. Kung hindi lang
maitim ako, kitang - kita ang pangangamatis ng aking pisngi. Cadence was trying not
to laugh at our ordeal, but he was dying inside for sure. Nanatili akong nakatayo
roon ng hindi alam ang gagawin.
"Do you want me to carry you?" He teased, he had the audacity to do so.
Hinampas ko ang kanyang dibdib. "Ang sama ng ugali mo! Shut up!" I hissed.
Mas lalo kong narinig ang kanyang halakhak. Napanguso ako. He was really mean. Agad
na nagbago ang ekspresyon ko ng bigla na lang hapitin ni Cadence ang aking baywang,
he lifted me up of the floor and carried me to make our faces even. Kinalma ko ang
sarili ko sa kanyang ginawa.
He just shook his head. Mukhang hindi naman ako mananalo sa kanya, ayoko namang
gumawa ng eskandalo sa gitna, I let him do that for once. Eventually, mapapagod din
naman siya sa pagbuhat sa akin para maisayaw ako.
Nagkibit - balikat siya. "Kahit saan. Kahit saan tayo mapadpad. Tayo lang dalawa."
He smiled lazily.
Get out of the gym? Go to places? Sounds impossible, but fun. I knew, this
opportunity wouldn't come again. Without thinking, I said yes.
Just like what he promised, after the dance, we walked out of that gymnasium. No
one seemed to notice, hindi rin ako nagpaalam kay Jala. Magkahawak kamay kaming
nagtungong dalawa sa parking lot ng school kung saan nakaparada ang jeep wrangler
ni Cadence.
We drove around the area, enjoying the colorful streetlights and the quiet night.
Sa ganitong oras, wala na halos sasakyan ang gumagala sa gabi. This was the total
opposite of the city, and I love it.
Nabigla na lang ako nang iparada niya ang sasakyan nang maabot namin ang mataas na
destinasyon. Umikot ang mata ko para i-survey ang kabuuan ng pinagdalhan niya sa
akin.
"Anong gagawin natin sa simbahan, Cadence?" I asked, hindi ko alam kung matatawa
ako o hindi. Ngayong gabi pa yata nito balak magbawas ng kasalanan.
My jaw dropped.
***
Kabanata 28
Moving up
"Seryoso?!" Sinapak ko ang braso ni Cadence. "Bakit nga tayo andito?!" I hissed at
him again.
Umikot ang mata ko sa madilim na parte ng simbahan. Sabi ng matatanda, bukod sa mga
hospital, mas maraming ligaw na kaluluwa sa simbahan. Ewan ko ba kay Cadence,
horror story yata iyong sa aming dalawa.
Bukas na bukas ang simbahan para sa lahat sa kahit anong pagkakataon. Hindi na ako
nagulat kung nabuksan iyon ni Cadence ng itulak niya ang pinto. Hindi naman gaanong
madilim ang kabuuan, may mga lamparang nakapalibot sa buong simbahan. I could also
see a glimpse of the moon.
"Mauuna akong maglakad sa aisle. You can start walking as soon as I arrived there."
Tiningnan ko ang kapre ng ilang segundo. I was still thinking if he meant us to get
a wedding play.
"I've never been this serious." He said and chuckled. Pinisil niya ang ilong ko.
"Come on, let's do this. Hindi naman kita pipikutin. Kahit gusto pa kitang itali,
hindi pa naman pwede."
"Totoo naman," His hands went to his pockets and shrugged. "We can't make this real
yet. The ironic thing was, our ancestors married at the young age. Now, that's just
unacceptable."
Muli ko siyang inirapan. "Oo na, dami mo pang sinabi. Kainis ka!" Itinulak ko siya
papalayo sa akin, tumawa lang ang kapre bilang sagot. Lumakad ito papalapit ng
altar, nanatili ako sa bukana ng simabahan habang naglalakad siya papalayo sa tayo
ko. It was just the two of us. In the middle of the night. In the church.
Hawak ko ang isang piraso ng sunflower mula sa binigay niyang bouquet. Hindi ko
alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba. Ganito rin ba ang nararamdaman ng isang tao
sa totoong kasal? Mayroong kaba, nakaka-excite at masaya. Halo - halong emosyon.
It was silent, but there was rhythm. Siguro sa tibok ng puso ko. Mabagal at
kalkulado ang paghakbang ko. Sa kanya lang nakatuon ang aking mata, hindi ko
magawang ibaling sa iba ang paningin ko. Tanging bukas na lampara lang ang
nakatunghay sa aming pag-iisang dibdib 'kuno' at ang mga santong nasa simbahan.
The dim lights were doing Cadence a favor. Ang pogi niya sa paningin ko. Few more
steps, magpapantay na kaming dalawa. Siya lang ang tinitingnan ko buong durasyon ng
aking paglalakad. Hindi ko man lang napansin ang isang baitang sa may altar.
Agad ako nitong dinaluhan, lupasay na ang aking katawan sa floor. Ibinangon ako ni
Cadence, my head rested on his arms. Habol ko ang aking paghinga. "How do you feel?
Did you hit your head on the fucking floor?"
"I think..." Hinawakan ko ang kanyang kamay upang kumuha ng suporta. "I think, I
can see an angel now."
Pinitik niya ang noo ko. Humalakhak ako sa naging reaksyon niya lalo na sa pamumula
ng tainga nito. Inalalayan ako sa pagtayo ni Cadence, walang hirap naman akong
nakatayo. Nakaramdam ako ng konting hilo sa pagkadapa. Kaya ko namang tumayo.
Pinagpagan ko ang wedding dress na pinahiram ni nanay. Hindi naman ako masyadong
nahilo.
"Wow naman, matapos kung madapa? Wala man lang konsiderasyon," I stuck my tongue
out at him.
"Just because you tripped and fell, you wouldn't want to continue?" Cadence gave me
an intense look. Kumamot ako sa ulo at ngumuso. It was supposed to be a joke. Bakit
parang mauuwi pa sa sermon?
He shook his head and smirked playfully. "Asawa," Kinurot ko siya sa tagiliran.
Puro kalokohan!
Hinila niya ako sa pinaka-sentro ng altar ng hindi binibitiwan ang palad ko. Ilang
minuto kaming nakatayo sa gitna. It was just our eyes talking. Kinagat niya ang
kanyang labi.
My eyes widened. "We have vows?" Wala akong hinanda na kahit ano. Hindi ko alam na
mayroon siyang pakulong ganito.
"Anong gusto mo, kiss the bride agad? I know my lips taste heaven, but it can
wait." Kumindat pa ang loko. Mabilis na uminit ang aking pisngi. Mabuti na lang
hindi halata sa balat ko. Muli ko siyang hinampas sa braso. Iyong medyo malakas.
Hindi pa ako nakuntento, kinurot ko rin siya.
Nagawa pa nitong tumawa sa paghampas ko sa kanya. Nasasalag niya naman ang pag-
atake ng kamay ko at pinirmi niya sa pamamagitan ng paghawak sa akin nang mahigpit.
Tumikhim siya bago muling nagsalita. "Sai Everly Maligno," binigkas niya ang aking
buong pangalan ng may ngisi. "Do you take me to be your lawfully wedded husband, to
have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or
poorer, keeping yourself solely unto me for as long as we both shall live?"
He bit his lip to hide his smile. It was my turn to ask the same question to
Cadence. Kahit hindi naman ito totoo, kinakabahan pa rin ang buong pagkatao ko.
"Do you take me to be your lawfully wedded wife, in sickness and in heath?" I
paused for a moment. "Hindi ko kabisado." Ngumiwi ako.
"I do, wife." Cadence answered with a smile. Hindi iyong mapang-asar niyang ngiti.
It was the rare one I see in special occasions. "Always."
Our eyes met. I just fell for the guy all over again. Why do I feel like emotional?
Parang mayroong bumara sa lalamunan ko.
"By the authority vested in us, I now pronounce us husband and wife." He breathed
hard. "Can I kiss my bride?"
Pinag-krus ko ang braso sa aking dibdib. Matagal kaming nagtitigang dalawa. Umakto
akong nag-iisip bago tumawa.
Muntik na akong mapasigaw ng bigla na lang akong buhatin ni Cadence sa ere para
magpantay kaming dalawa. Ipinalibot ko ang aking kamay sa kanyang leeg pangsuporta.
He has a point, hindi kami magpapang-abot na dalawa sa height ko.
I closed my eyes to feel the moment as our lips touched. This time, hindi ako
nabigo sa paglapat ng aming labi. It was a soft, endearing kiss. Nostalgic. I
kissed him once. Hindi iyon sinasadya. Masyadong maloko lang si Cadence para i-
trick ako na halikan siya. Hindi naman pala nalulunod ang kapre, nanghalik pa.
Nagsimulang magtubig ang mata ko, iba't ibang emosyon ang pumapaloob sa akin. The
feelings were too much to handle.
Mabilis na naghiwalay ang aming labi nang makarinig kami ng pagtikhim. Nataranta
ako at nakaramdam ng takot. Imbes na bumaba kay Cadence, tinapon ko sa kanya ang
katawan ko para yakapin siya. Takot ako sa mga elemento, kahit anak ng dilim ang
bansag sa akin ng grupo ni Teryo.
"Magandang gabi po, Father." magalang na bati ni Cadence. Mas lalong natakot akong
harapin ito at nakaramdam ng hiya sa pari sa nadatnang tayo namin ng kapre.
"Hindi naman kayo nagtatanan, ano?" tanong ng pari. "Momol lang? Mga kabataan
talaga ngayon. Mag-momol na nga lang, napili pa sa simbahan. Walang ligtas points
kay Lord." Pabiro ang tono nito pero nakaramdam ako ng hiya.
Kinagat ko ang labi ko. Bumaba ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan ko
siya sa braso. Iniwasan kong mapatingin sa pari. "Sorry po, Father. Mauuna na po
kami." Hindi pa man nakakasagot ang isa sa kanila, hinila ko na paalis si Cadence.
I almost ran out of the church. Baka kung ano pang masabi ng kapre.
Hinigingal kaming pareho nang makalabas kami ng tuluyan ng simbahan. Pigil na pigil
ang tawa ng kapre hanggang makarating kami ng parking lot. Inundayan ko ito ng
suntok sa tagiliran. Napaka-epal niya kamo.
"Paano ba iyan, kasal na tayo. Akin ka na?" Sinundan pa niya iyon nang malanding
tawa.
"When did I ever have someone else?" Nanghahamong tanong ni Cadence. Nakataas ang
kilay nito habang nakatuon ang kamay sa kanyang baba.
"Hindi mo na tanda? Kinausap mo nga si Ruby Pearl. Tapos pati iyong Marlyn Ruseph!"
Pinanlakihan ko siya ng mata. Naalala ko na naman iyong maarteng Marlyn Ruseph na
iyon, iyong tinawag ni Jala ng hipon.
Mas lalong kumunot ang noo nito sa mga pangalang binanggit ko. Maya - maya'y
narinig ko ang paghalakhak niya.
"Selosa," Kinuha niya ang kamay ko at pinagdaop ang aming daliri. "Ang selosa. They
are not even my type. Ikaw lang ang type ko."
Pinitik niya ang noo ko. "May problema ka?" He was taunting my nose. Binuhat niya
ako upang iupo sa hood ng jeep wrangler. Cadence sat beside me. Hinubad niya ang
suot na coat at pinatong sa aking balikat.
Overall, gentleman siya ngayong gabi. Hindi masyadong nakakairita. Sumandal ako sa
kanyang balikat habang pinapanood ko ang kalawakan. We used to do stargazing even
before. Iyong mga panahong basta na lang itong pumupunta ng dis-oras ng gabi sa
bahay at guluhin ang buong pagkatao ko.
Nanatiling magkahawak ang aming kamay sa pagtunghay sa mga bituin. "Paano kung
hindi tayo para sa isa't isa, Cadence?" tanong ko ng hindi tumitingin dito.
"Pilitin natin?" He laughed softly. "Let's be the right person for each other."
Nagkibit - balikat siya. "I don't know. I don't have the slightest idea, Everly.
Hindi ko pwedeng sabihing to just love. It fails, as the person fails. Love is not
the requisite of being the right person. Maybe, we can make it work by knowing
ourselves even better to understand what we want." Kinagat niya ang kanyang labi.
"Sinapian yata ako ni father. Kaso nonsense."
Pareho kaming natawa. We enjoyed the night by watching the stars. Panaka - naka
kaming nag-uusap na may kasamang midnight snacks. Well, hindi mawawalan ng pagkaing
dala si Cadence. Kulang pa ang pepperoni pizza at quesadilla kay Jala kung sakaling
kasama namin ang kaibigan ko.
"I want to be this free," sinabi ko. "Ayokong matapos ang gabing ito." Nakaramdam
ako ng lungkot. Baka sa paggising ko, iba na.
Pinisil ni Cadence ang kamay kong hawak niya. He grinned. "Don't worry about
tomorrow, liit. Bukas, sa iyo pa rin ako. At sa susunod pang bukas."
***
"'Nay, si tatay po?" Pang-ilang ulit ko na iyong tanong hanggang ngayon hindi pa
rin ako mapakali. Ilang beses na rin akong luminga, sakaling naligaw ang aking ama.
Kanina ko pa hinihintay si tatay. Hindi pa naman late, mayroon pang oras para
makahabol siya.
"Darating iyon. Tumigil ka nga muna sa isang pwesto." I realized, I was pacing back
and forth.
Kinalma ko ang sarili ko. Alam ni tatay na moving up ngayon. Sinabi ko sa kanya at
pinaalala. Sinabi niyang dadalo siya kahit alam kong masama pa rin ang loob nito sa
rank ko. Ayos na iyon.
Nauna kami kana tiya, sa kanila na kami nagpalipas ng gabi. Kasama rin si Nena ni
nanay. Si tatay na lang talaga ang kulang. Nasa paligid lang si Cadence. Kasama
niya ang kanyang mga pinsan.
Nakihalubilo muna ako sa ilang kaklase ko para hindi masyadong kabahan. Isa pang
late si Jala. Kanina ko pa hinihintay ang isang iyon. Ni hindi ko nga alam kung
bakit ako kinakabahan.
"Sai!" Pamilyar na boses iyon ni Jala. She waved her hand and ran towards my
direction. Excited nitong tinalon ang pagitan naming dalawa. Napailing ako pero
agad ding napangiti at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap. Parang ilang
taon kaming hindi nagkita.
Her happiness resonates with mine. "We did it! Ang bilis ng panahon, senior high na
ang kasunod! Love na love kita, Sai!" Halos mabuhat na niya ako sa sobrang
excitement na taglay. Bumulong siya sa tainga ko. "Salamat na lang at pinagaya mo
ako sa Math."
"Parasite ka kasi," S'yempre, joke lang. But jokes are half meant. Aminado naman
ang bestfriend kong may lahi siyang parasite at mabilis ang mata ano mang aspeto.
Mapa-lalaki man o quiz.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko, tinawag nito ang photographer at nagpa-picture
kaming dalawa. Maraming beses. Demanding pa ang chubby kong kaibigan kay kuyang
kumukuha ng litrato.
"Last na, promise!" Pati ang lalaki napapakamot na sa ulo. Kanina pa nitong
sinasabing last na, pero hindi pa rin matapos - tapos. Hindi na nakahirit si Jala
nang magsalita ang masters of ceremony. Napatingin ako sa gawi kung saan nakaupo
ang pamilya ko.
Sa labas ng gym, pipila ang mga estudyante sa pagpasok ng magmo-moving up. Kumaway
ako kay nanay na nasa bleachers, si tatay ang dapat maghatid sa akin papunta sa
pwesto. Siya rin ang dapat magsabit ng medalya ko. Ngumiti si nanay pero ramdam
kong may mali. Wala pa rin si tatay?
"Tara na, Sai. Nasa labas na si Papa," Hinila ako ni Jala patungo sa pila.
Nagpatianod lang ako sa hawak niya.
Wala akong ibang ginawa kung hindi lumingon sa paligid hinahanap ang bakas ni
tatay. Ayokong isiping hindi siya darating sa espesyal na okasyong ito.
Mabagal ang lakad ko hanggang makarating ako sa tayo ko sa pila. Nauna sa akin si
Jala sa apelyido niya habang nasa gitna ako. Kinagat ko ang labi ko nang pasadahan
ko ang mga estudyanteng kasabayan ko. Kasama nila ang kanilang mga ama.
Mariin akong pumikit para kalmahin ang sarili ko. May oras pa naman para dumating
si tatay. Baka naligaw lang iyon, pero sinabi ko naman sa kanya kung saan kami
tatayo.
"Liit..." Nakatayo ang kapre sa gilid. He was the blocking my view from the sun. I
didn't bother to talk. Alam kong babagsak ang luha ko ng wala sa oras. "I'm proud
of you,"
Tumango ako bilang tugon. "Tatawagin ko na ba ang mama natin para samahan ka rito?"
Hinampas ko siya ng walang lakas. Napangiti ako kahit may hapdi akong nararamdaman.
Inirapan ko siya. Hindi pa rin mawawala ang bigat ng dibdib ko. I avoided an eye
contact.
Muli akong tumango sa kanya. Cadence proceeded to call my mother. Wala pang ilang
sandali, dinaluhan ako ni nanay. Kahit siya, hindi ko magawang tingnan sa mata.
Iiyak ako. Iiyak ako kapag nakita ko ang awa.
"Congrats grade ten students and good luck in your paths chosen!"
Tumayo ang lahat at kanya - kanyang picture sa bawat sulok ng gym. Nagkaroon din ng
class picture ang bawat section. Hinila ako ni Jala kung saan - saang parte para sa
picture taking. Pudpod na ang sapatos ko sa gaslaw niya.
"Cadence!" Kumaway si Jala na sinundan ko ng tingin. Ang kapre nga. "Picture kayo
ni Sai!" Malakas pa ang boses na sinabi nito. May iilang napalingon sa direksyon
namin. Given na naman na hakot atensyon na ang isang Ponce.
Umakbay sa akin si Cadence at hindi na ako nakapalag. Hindi ko alam kung ngingiti o
ngingiwi ako sa camera. Lalo pa't pinagtitinginan kami ng tao na dalawa. Nahihiya
rin ako kay nanay, kausap lang nito ang magulang ni Jala.
Pinilit kong ngumiti sa harap ng camera, nagbabakasakaling may isa man lang na
maganda sa shots naming dalawa. Ipapa-laminate ko pa iyon kapag talagang meron.
"Are you okay?" Masuyo ang boses ni Cadence. Inayos niya ang buhok na tumatakip sa
aking mukha. Siningit niya iyon sa likod ng aking tainga.
I shook my head. Hindi naman talaga ako okay. Simula pa noong hindi um-attend ang
aking ama. Isa ito sa pinakamahalaggang araw para sa akin at gusto kong masaksihan
niya ito. No, I wasn't okay.
Wala ako sa mood hanggang uwian. Nagpaalam kami ni nanay sa pamilya ni Jala.
Inaakit pa ako nitong sumalo sa kanilang mag-anak pero ako na ang tumanggi. Gusto
ko nang umuwi ng Tagbakan, nagluto rin naman si nanay ng konting salu - salo sa
bahay.
"Gurang ka na, tapos ka na ng grade ten!" Ngumisi si Nena na nag-aabang sa
tricycle. Nauna na siya sa loob, sunod naman akong pumasok. Umarkila kami ng
tricycle hanggang sa Mabato. Susunduin kami ni Teryo mula roon. Cadence protested.
Gusto pang magpabida, baka tamaan kaming dalawa kapag sasakyan nila ang ginamit.
Kinakabahan ako nang makababa sa motor ni Teryo. Si nanay ang naunang bumaba
patungo sa bahay. Kasunod nito si Nena na mabibilis ang hakbang. Huminga ako nang
malalim bago sumunod sa kanila. Kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Naghintay kami roon ng anak mo? Hindi ka man lang sumipot! Hinintay ka ni Sai! Von
naman! Kung kailan tayo tumatanda, parang paurong!" rinig na rinig ko ang boses ni
nanay mula sa labas. Halatang may panunumbat sa tono ng pananalita nito. She was
always composed. Pero ngayon ramdam ko ang galit niya.
Bumagsak ang balikat ko. Hindi ako makagalaw sa aking tayo. Iyong luhang kanina ko
pa pinipigilan, kusang nagbagsakan. Malalaki ang patak. Sunod - sunod. Imbes na
tumuloy ako sa bahay, natagpuan ko ang aking sariling naglalakad papalayo. Walang
direksyon ang patutunguhan.
Hawak ko ang tali ni Meow sa isang kamay ko. Kinuha ko ito sa tarangkahan bago ako
tuluyang sumibat.
Gaano ba karami ang isipin niya para malimutan ang isang bagay na ilang beses kung
pinaulit - ulit sa kanya? Alam niya kung gaano kahalaga sa akin ang moving up
ceremony. I tried understanding him. Hindi ko magawang magtampo kanina, mas binalot
ako ng pag-aalala para sa kanya. Iyon pala, nalimutan niyang may anak siyang
umaasang darating siya sa pagtitipon.
Wala akong pakialam kung suot ko pa rin ang school uniform na sinuot namin sa
moving up. Marahas kong pinahid ang malalaking butil ng luhang dumaloy sa aking
pisngi.
Sumakay ako kay Meow nang makalayo kaming dalawa sa bahay. Bahagyang malabo ang
paningin ko sa pag-iyak. Niyakap ko si Meow. I just let my horse takeover the
destination this time. I don't care where he wants to take me. Ang gusto ko lang
makalayo at makapag-isip at umiyak. Ang sama sa loob.
Nang mag-angat ako ng paningin, pamilyar na daan ang tinatahak niya. Pinahid ko ang
aking luha. Natatawa akong napapailing tapos sa huli'y iiyak. Ang d'yahe. Si Meow
lang yata ang kayang umintindi sa akin. Mas lalo akong napaiyak, buti pa iyong
kabayo alam kung anong gusto ko kahit hindi ko sabihin. Kahit hindi ako magdemand.
Ang batis. Ang batis namin ni Cadence. Ang karamay ko tuwing may dinadamdam ako.
This is where I belong.
Kabanata 29
Underwater
Nauwi ng ilang oras ang dapat sanay pagpapahangin ko sa batis. Hindi ako umuwi para
kumain o magpalit ng pambahay na damit. Ang hirap magtampo ng walang laman ang
tiyan lalo na kung wala namang susuyo. Sa susunod siguro, kailangan kong magbaon ng
pagkain. Pa-konsuwelo na lang ang magandang batis na natatanaw ko.
Kanina ko pa gustong magbabad sa tubig, marunong naman akong lumangoy kahit langoy
aso.
Hinubad ko ang suot kong polo pati ang palda. Sinama ko rin ang suot kong sando.
Nag-aalinlangan ako kung huhubarin ko rin ang shorts, sa huli'y hinubad ko rin ito
hanggang matira na lang ang panty at baby bra.
I looked at my reflection in the water. Maitim ako, pero pantay ang aking kulay.
Kinapa - kapa ko ang aking didib, mayroon namang kapiranggot na laman. May
nahahawakan naman ako ng konti. May hubog din naman ang aking katawan. Kung si
Jala, hubog-gasul samantalang ang akin hugis coke, coke na kumipis. Natawa ako sa
sariling deskripsyon.
The trick of the water is powerful. Kahit walang laman ang tiyan, basta't
lumalangoy sa parte ng tubig, mawawala ang gutom na pakiramdam. Imbes na lalo akong
magutom, I enjoyed the freshness of the water.
Wala pa rin ako sa mood para umuwi. Ayoko pang harapin si tatay o sino man sa
pamilya. Gusto ko munang mapag-isa. I have been thinking the possible reasons why
my father did not come to my moving up ceremony. Hindi maapuhap ng utak ko ang
dahilan. Ang daming rasong inisip ko para pahupain ang aking tampo. He said it
himself, nakalimutan niya.
Ano pa bang reasons ang gusto kong marinig? It's the worst feeling, iyong pilit
akong naghahanap ng rason para madali kong malimutan ang ginawa ni tatay, pero wala
naman talagang malalim na dahilan. Talagang hindi lang ako ganoon ka-importante sa
kanya kaya hindi man lang niya naalala. That's hurting me more than anything.
Siguro, nagtatampo pa rin ito sa ranking. Kasalanan ko naman iyon, my whole life
revolved in making them proud, sa isang iglap, isang disappointment na hindi ako
ang nakakuha ng unang pwesto. Isa sa siya sa mga taong mas matigas pa sa bato kung
manindigan. It was making me frustrated. Ang taas ng kanilang expectations na
ibinigay.
Huminga ako nang malalim. Ilang layers na ng bato ang pinagpatong - patong ko gilid
ng batis simula pa kanina pambaling ko ng atensyon. Dito ko isinabit ang hinubad
kong uniform, sando at shorts. Pinalutang ko ang sarili ko sa batis, pumikit ako
para mas damhin ang tubig sa balat.
Tago ang lugar ng mga puno kaya hindi ko na kailangang mangamba sa init ng araw.
Maitim ako pero kailangan ko pa ring protektahan ang aking balat sa mas lalo pang
pag-itim. Mas lalo akong tutuksuhin ng grupo ni Teryo.
"Nice view," Narinig ko ang boses na may kasunod na halakhak. Sexy ang pagtawang
iyon.
Maybe, he left. Mas mabuti kong umalis na ito. Nag-iinit ng husto ang aking mukha,
hindi lang mukha, halos ang buong katawan ko sa hiya. I was only wearing my
underwear, kulay yellow pa ang panty ko.
Hindi pa ako nakakapagdiwang nang maayos, something grabbed my foot, hinila ako
noon pababa. I couldn't even make a sound as my head splashed underwater.
Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang hinahanap ang salarin. I was thinking of a
different entity. Pero napagtanto kong hindi iyon buwaya o kung ano mang monster sa
ilalim ng tubig. It was just Cadence.
My eyes widened when he revealed himself to me. Mukha itong chill na chill. He even
had the audacity to smirk. Sinapak ko siya sa dibdib. Wala na rin itong pang-itaas.
Mas lalong namilog ang mata ko. Cadence wrapped his hands around my waist. It would
have been a romantic gesture, but I am out of breath. Quite literally.
I need to breathe. I need some air. Bago ko magawang sumenyas kay Cadence, he
leaned towards my direction, sinakop nito ang pagitan naming dalawa. He cupped my
face and gave me an underwater kiss.
Ang tibok ng puso ko ang pinakamaingay sa katahimikan. I closed my eyes to feel the
rhythm of our kiss. Inaral ko ang paggalaw ng kanyang labi upang sabayan ito. If I
would die with the lack of oxygen, then, I will die remembering the kiss we shared
passionately. Underwater. But Cadence used it to transfer oxygen in my mouth.
Kinakapos ang paghinga naming umahon sa tubig. Hawak pa rin ako ni Cadence sa
beywang. Dahan - dahan akong nagmulat ng mata. Cadence was staring at me intently.
There was a grin on his face.
Ilang segundo kaming nagtitigan. Nablanko lang ang utak ko, wala akong maisip na
pambara kay Cadence. My heart was palpitating so hard at his sudden confession.
Mariin kong kinagat ang labi ko.
Nag-twinkle ang mata ng kapre. Para bang nanalo ito sa lotto o anumang jackpot
round. "Really?" Hindi nito makapaniwalang tanong.
"Oo," mabilis kong sagot. "Basta ikaw ang magbubuntis!" Inirapan ko siya at
itinulak ng bahagya para maglayo ang aming katawan. Yumakap ako sa sarili ko.
Naiiling - iling ito sa pagtawa. "They say, pwede naman daw maglihi ang lalaki,"
Pinasadahan ako nito ng tingin. He bit his lip and chuckled again seeing my
reaction. Inambahan ko siya ng suntok.
Sinapak ko siya sa dibdib. Not hinting anything, e huling - huli naman ito.
Napailing ako. "Umahon na tayo, nilalamig na ako rito." Iniwan ko siya sa kanyang
tayo. I swam back to the safety of rocks. Sumunod naman sa akin si Cadence. Nauna
na itong umibis sa gilid.
"I thought, you are feeling cold. Bakit hindi ka pa umaahon?" Inabot nito ang damit
kalapit ng uniform ko.
"Tumalikod ka muna!" utos ko rito.
His eye brow rose in question. "What? I saw that already." He told me a matter-of-
fact. "Isa pa, you have seen mine, too. And I'm totally naked." nakangisi nitong
sinabi para bang nagmamalaki. Well, may ipagmamalaki naman siya.
Pinamulahan ako ng mukha, kahit hindi naman kita sa balat ko. Minsan napakabalahura
ng bibig ng kapre. Ang sarap pasakan ng tinapay. Pinilit kong limutin ang bagay na
iyon, ipapaalala niya lang. Sinimangutan ko siya.
"Isuot mo, let's go somewhere else." Tinalikuran niya ako. Sinuot ko nang mabilis
ang shirt na inabot niya. The size of the shirt didn't match my size. S'yempre, mas
malaki iyon sa akin.
Medyo nagsisi akong naligo sa batis ng walang ibang dala kung hindi sarili. Hindi
man lang ako nakapagdala ng panty na pamalit.
Nakapamulsa itong humarap sa gawi ko. Seryoso ang kanyang paninitig. "Mas mataranta
ka kapag wala ka ng suot na panty." He was smirking at me.
Pumulot ako nang maliit na bato at binato ko iyon sapol sa kanya sa inis ko.
Mabilis ang reflexes ni Cadence at madali itong nakailag sa pagtama ng bato. Umirap
ako sa ere.
Hinawakan niya ang aking kamay nang huminto ako sa pag-aalburoto at hinila sa kung
saan. Namataan ko sa bukana si Madonna, ang kabayo ni Cadence. Nasa mismong harap
ko tinali si Meow, ilang hakbang pa ang layo sa tayo namin.
He glanced at me. "Iwan muna natin si Meow. It would be easier to ride Madonna. She
knew the place." Pinagtaasan ko siya ng kilay pero hindi na ako nagreklamo. Secured
naman si Meow sa pinagtalian ko sa kanya at marami siya roong mahahanap na damo.
Sumampa ako sa saddle sa tulong ni Cadence. Siya naman ang sunod na sumakay kay
Madonna. He encircled his arms around my waist. Hawak naman ng isang kamay niya ang
pamalo sa kabayo. True enough, Madonna where we were going. It was deeper in the
mini forest.
Magkadikit ang katawan namin ni Cadence. His breath was hot against my nape. It was
sending a tingling sensation all over my body. Teenagers are hormonal, but I didn't
know this hormonal. Magkalapit lang kaming dalawa, ramdam ko na ang tensyon. Wala
naman ito sa akin dati. Kinagat ko ang labi ko nang mariin. Ang landi mo, Sai!
Kastigo ko sa sarili ko.
Siniko ko ito para magtigil. Nakakainis! Mas malandi siya sa akin! Rinig ko ang
pagtawa ng kapre. Nauna itong bumaba kay Madonna, inilahad niya ang kanyang kamay
sa akin para tulungan akong makababa. Nakasukbit sa kanya ang school uniform ko.
Doon lang ako nakahinga nang maluwag.
Naglumikot ang aking mata nang makababa ako kay Madonna. I looked at the whole
place. I was stunned. In the middle of the forest, there was a small tree house
built. Mukhang bagong gawa iyon.
Tumango ang kapre sa tanong ko. Nagbukas - sara ang aking bibig. Hindi ako
makapaniwalang tiningnan siya.
"What, Everly? You don't believe me?" Nanghahamon nitong tanong. He bit his lip
waiting for my answer.
"No," He shook his head. "I can't let them in here. This is our place. I built it
myself, believe me."
"Naniniwala ako," Nginitian ko siya. "Ang ganda. Ang galing mo. Pwede ka nang..."
Sinadya kong putulin ang sasabihin.
"Pwede ng karpintero," I stuck my tongue out at him. Tumawa ako nang malakas ng
sumimangot ito.
"Karpintero is fine. Pero mas gusto ko kung magiging asawa mo and we'll build a
life together."
"Pumunta ako sa bahay niyo, I found Nena, she was looking for you. Sabi nito hindi
ka raw niya makita. Hindi ka pa raw kumakain," Tinabi niya ang buhok na nakaharang
sa aking mukha. "Is there a problem?"
Bumigat na naman ang pakiramdam ko nang maalala ang puno't dulo ng lahat.
"Nalimutan ni tatay na um-attend sa moving up. Sa lahat ng bagay na pwede niyang
kalimutan, isa pa sa pinakamahalagang araw sa buhay ko..."
"Do you want to talk about it now or do you want to eat first?" Ginulo niya ang
buhok ko. "Kumain ka muna. Kanina ka pa hindi kumakain. It's not healthy, Everly."
I nodded. Hindi ko na itatago kay Cadence ang gutom ko. Gutom talaga ako.
Nalilimutan ko lang tuwing nakababad ang katawan ko sa tubig.
"Ladies first,"
Sinunod naman niya ang sinabi ko. Ang kapre ang naunang umakyat sa lubid na hagdan
patungong tree house. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang nakaukit na mga letra sa
katawan ng puno.
It wasn't our names. Drawing iyon ng hindi ko malaman kung unggoy o tao. Patago
akong tumawa, offend na offend pa naman ang kapre kapag nalalait ang drawing at
penmanship niya.
Tinulungan ako ni Cadence na umakyat ng tree house. Medyo mahirap apakan ang lubid.
Nakaantabay ito sa pag-akyat ko. Unang bumungad ang halimuyak ng pagkain. Maliit
lang ang tree house, the interior fits one small table. There were clean blankets
and towels on the side. Hinagis niya sa akin ang isang tuwalya.
Matapos niyang ibigay ang tuwalya, naupo ito sa gilid. Si Cadence na rin ang
naghanay ng mga pagkaing magkakasya sa maliit na mesa.
In the middle of the table, mayroon siyang cake. It says, Congratulations, then it
has a drawing of a small stick woman, galing mula sa big stickman. Gusto kong
matawa, pero imbes na tumawa, naramdaman ko na lang ang pagkabasa ng aking pisngi.
"I tried to bake the cake, uh, it looks okay." He shrugged. "I just don't know how
it tastes."
Pinahid ko ang luha ko. Pumantay ako kay Cadence at niyakap ko ito mula sa likuran.
Wala na akong pakialam kung anong lasa noon, ang mahalaga nag-effort siya.
"For you, liit. Just..." Cadence sighed. "Just don't expect a perfect taste. I am
not a professional cook. I am just trying to learn. It wasn't easy for someone
spoonfed his whole life."
"The thought and effort count," I said truthfully. "At saka walang panget ang lasa
sa taong gutom," Humalakhak ako. Tinulungan ko siyang ihain ang mga pagkain sa
mesa. Hindi mawawala ang kanin. Ilang tupperwares ang naglalaman ng iba't ibang
klase ng ulam.
May barbecue, fried liempo, chicken meatballs. May lumpiang togue, paborito ko
iyong sa maanghang na sauce at saka baked ham sandwiches. Ramdam na ramdam ko ang
hindi pag-uwi sa pananghalian. Ang huling kain ko ay breakfast pa. Hindi pa totoong
kain iyon sa kaba.
"Dig in,"
Tumingin ako sa kanya. "Hindi ka ba kakain?" tanong ko rito ng pagkain ko lang ang
inasikaso nito.
"Later. Kumain ka na." Tumayo si Cadence at lumipat sa gawi ko. Naguguluhan akong
sinundan siya ng paningin. Naupo siya sa may likuran ko. "Let me brush your hair."
"Ha? Bakit? Nag-aaral ka bang maging hairstylist? Karpintero lang noong nakaraan?
Hairstylist naman ngayon?" It was fun annoying him. Lalo na kapag simangot at hindi
maipinta ang kanyang mukha. Sinadukan ko muna siya ng pagkain bago ako nagsimulang
kumain.
"I thought it was a sweet gesture," Cadence murmured. He was already playing with
my hair. Sinusuklay na niya ito.
"Kailan ka pa naging sweet? Anong nakain mo?" I laughed when he groaned.
Muntik ko nang mailuwa ang meatball na nginunguya ko sa kanyang sinabi. Sakto sana
ito pabalik ng tupperware na pinagmulan. Mabilis akong inabutan ng tubig ni
Cadence. Hindi ako makaimik. Pinaypayan ko ang sarili ko para kumalma.
"Cat got your tongue?" He asked smugly. Alam nitong wala akong maisagot. Tahimik
akong kumain.
Nang matapos si Cadence, bumalik ito sa dating pwesto. May ngising hindi maalis sa
kanyang labi. Ang sarap talagang supalpalin, pero mas masarap labi niya. Ang landi!
Nakakainis!
We talked over lunch. Past lunch na rin iyon. It was almost quarter to four. Ganoon
ako katagal na nagliwaliw sa batis. Nagkuwentuhan kaming dalawa matapos kumain. I
shared my thoughts. Sinabi ko kay Cadence ang lahat nang bumabagabag sa akin habang
nilalantakan namin ang cake na binake niya. He just listened.
"Ang sama ko ba para makaramdam ng ganoon? Minsan parang ang unfair nila, parang
hindi ako sapat. Ginawa ko pa rin naman ang best ko." Bumaling ako sa kapre.
Nakaunan ako sa kanyang braso. Nilatag niya ang blanket at doon kami nahiga.
Sumandal ako sa muscles niyang ipinagyayabang.
"Your feelings are valid, Everly. I know how much you value and respect your
parents, and I don't really have that good relationship with mine. They are both
busy in their own worlds. Communication is still the key, I guess, tell them your
thoughts." Pinitik niya ang ilong ko. He kept on caressing my hair.
Muli akong bumuntong hininga. Hindi ko na alam kung ilang beses akong nagbuga ng
hangin tuwing pag-uusapan namin ang nangyari sa moving up.
"Mahirap din kausapin ang taong close-minded." Ngumiwi ako. I don't want to speak
ill about my family, pero iyon ang napansin ko kay tatay. Hindi siya bukas sa
bagong kalakaran. "Mahal ko si tatay pero masyado siyang old-fashioned, wala namang
masama sa pagiging old-fashioned, kaso minsan, hindi talaga sila bukas sa mga
panibagong ideya. Stuck lang sila sa mga bagay noon, they didn't adapt to the
change brought by the new generation."
"I agree. My mother's hard-headed and close-minded, for being privilege, I guess.
Dad, he's okay, but he's always busy. I never really had time to bond with him."
Tumango ako. Nangalumbaba ako sa chest niya. Biglang bumukas ang curiosity ko sa
magulang ni Cadence.
"Asan na ang mommy mo?" Hanggang ngayon, hindi ko pa rin malilimutan ang ilang
encounters ko sa nanay ni Cadence. She was mean and clearly doesn't like me. Kung
pupwede lang, ayoko na itong makitang muli.
"Enjoying her lavish lifestyle in the city," Nagkibit - balikat si Cadence. Mukhang
ayaw na nitong pag-usapan ang kanyang ina.
Tinitigan ako nang matagal ni Cadence. "I hope not." Mariin nitong sinabi. He
sighed. "That's the thing, she has no idea I am back here."
***
Madilim na nang maihatid ako ni Cadence hindi kalayuan sa mismong bahay namin. I
saw Nena still outside of the house. Balik na sa uniform ang suot ko. Natuyo naman
ang suot kong undergarments sa ilalim ng shorts at sando.
"Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap," she said calmly. Hindi naman
madalas ganoon ang tono niya. May parte sa aking kinabahan.
She shook her head. "Hindi pa ako kumain simula kanina. Wala ka."
Nagulat ako sa sagot ng pinsan ko. Tinitigan ko siya nang matagal. Hindi ako
makapaniwalang hinintay niya ako para kumain kami ng sabay.
"Kumain na tayo ng hapunan," Nakaramdam ako ng awa para kay Nena. Sigurado akong
gutom na ito.
Tumango lang ako. I was expecting that. I was expecting them to be mad, more than
concerned. Nagpalipas lang naman ako ng oras sa batis. Pakiramdam ko sasabog ako
kung mananatili lang ako sa bahay at magpapanggap na okay sa akin ang lahat.
Sabay kami pumasok ni Nena sa loob, sa kusina kami nagtungo. Ipinaghain ko ang
pinsan ko. Mukhang niluto pa rin ni nanay ang mga handa para sa selebrasyon ng
moving up. Napangiti ako kahit papano.
"Saan ka galing?" mula kay tatay ang boses. I could hear the anger in his voice.
Huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya. "Nagpalipas - oras lang po, 'tay."
"Hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta. Ganyang ba ang natutunan mo?
Lumalaki kang nawawalan ng asal at nagiging pariwara."
"Kung ano man po ang natutunan ko, galing iyon sa inyo." Sinulyapan ko si Nena,
hindi ko na magagawang sumabay sa pagkain sa kanya. Nilagpasan ko si tatay pero
marahas nitong hinigit ang braso ko paharap sa kanya.
His grip was firm. Bumabakat iyon sa balat ko. "Sumasagot - sagot ka na! Kung
ganyan ang iyong asta, hindi ako magkakamaling sa kangkungan ka lang din pupulutin.
Wala ring patutunguhan ang buhay mo. Ang taas pa naman ng pangarap ko sa'yo."
Tiningnan ko siya sa mata. Naiiyak ako, but I refused to let my tears fall. "Hindi
po ako takot bumagsak at lumagapak sa lupa. Marunong po akong tumayo. Kung tama man
po kayo na sa kangkungan ako pulutin, ipagbibili ko po ang mga kangkong para
makaahon." Hinigit ko ang aking braso at tuluyang tinalikuran ang aking ama. Akala
ko tapos na siya.
Ikatatlumpong Kabanata
Kabanata 30
Visitors
Bakit kailangan kong layuan si Cadence? Virus ba siya? Wala naman sigurong masama
kung maging magkaibigan kaming dalawa.
Naghalikan na kaming dalawa. We also held hands. Those things were not part of
friendship. Siguro para sa iba, normal lang na halikan ang kaibigan. Friends with
benefits. Hindi sa akin.
Our kisses were more sentimental. Hindi ko naman hahalikan si Jutay sa labi, si Amy
o kahit si Jala.
Iba iyong sa amin ni Cadence. Parang kami pero parang hindi. Walang maayos na
label. Ngayon lang ako nahiyang linawin ang bagay na iyon lalo na at palalim nang
palalim. Pero para sa akin, kami na. I let him kiss me and I responded to his
kisses. Weren't that enough proof?
Kaya ko na namang mag-isip ng pansarili, hindi na ako bata. Hindi na ako kagaya ng
dating naka-depende sa kanila para tuluyang makalakad. I can think for my own.
Siguro, kung kailangan kong madapa para matuto sa mga pagkakamali ko, gagapangin ko
para makatayo.
Ilang araw na rin akong nangingilag kay tatay. Hindi naman kami madalas mag-usap
dati, pero mas lumala iyon ngayon. Halo - halo ang emosyon ko, nagtatampo pa rin
ako sa hindi pagsipot niya sa moving up ceremony. Para sa akin, big deal iyon. I
sighed.
Tapos na ang eskwela, normal na buhay sa bukid ang naghihintay sa akin. Ibig
sabihin, kailangan kong tumulong sa gulaya at kailangan kong gumawa ng mga gawaing
bahay. Madalas bago ako umuwi galing sa greenhouse, nagkikita muna kami ng kapre.
Si Nena na ang naghahatid ng pagkain ni tatay sa sakahan. She was starting to ride
a horse, madalas iyong kabayo ng hacienda, hindi ko naman magawang ipahiram si
Meow. May topak din ang isang iyon.
Ako pa rin ang naghahanda ng pagkain. I think my cooking skills definitely got
better.
Those two summers were the hardest for me. Halos hindi ko mainda ang pananatili ng
Tagbakan. Ayoko nang bumalik sa ganoong estado. Pero madalas pa rin akong bumisita
sa batis kahit wala na si Cadence.
"May mga dayo raw, ah! Bisita yata ng mga Ponce," iyon ang bungad ni Nena nang
makapasok ito ng bahay. "Kapoy!" Nagpaypay siya ng sarili gamit ang kamay. Akala
niya makaka-generate iyon ng hangin.
Tumirik ang mata ko sa kanya. Ang kapal ng mukha ng isang itong magreklamo, iyon
lang naman ang gawain niya buong maghapon. Anong nakakapagod doon?
"Bisita? Sino raw?" tanong ko ng may kyuryosidad. Walang nabanggit si Cadence. Baka
kako, iyong nanay niya. Hindi pa ako handang haraping muli ang ginang.
Nena shrugged.
Handa na ang niluto kong chop suey at saka kanin sa mesa. Naupo na si Nena sa
kaharap kong upuan. We ate in silence. Alam kong kapag nag-usap kaming dalawa, puro
pang-uukray ang lalabas sa aking bibig at pangungutya mula sa kanya. Maya - maya ay
gagayak na ako patungong greenhouse. Mas masarap manatili sa greenhouse ng
tanghaling tapat.
Una kong napansin ang hindi mapakaling si Jutay, inilapag ko ang sombrero sa isang
rack. Sinipat ko ang kabuuan ng greenhouse. Busy ang halos lahat. Kumuha ako ng
basket at nagsimulang lumakad papalapit sa tayo nila ni Amy. They were harvesting
the squash.
"Sai!" malakas na wika ni Amy nang makita akong papalapit. Ngumiti ako sa kanya.
"Dala ko iyong manggang hinihingi mo, kuhanin mo na lang mamaya pagkatapos nating
mamitas ng gulayin."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Thank you, Amy! Iniisip ko pa lang, naglalaway na
ako." natatawa kong sinabi.
Medyo matagal ko nang kinontrata ang mangga sa kanya. Simula pa lang ng buwan,
sinabi ko na iyon.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Jutay. Nameywang siya sa harap ko. "Bakit
naglalaway ka sa mangga? Naglilihi ka ba? Buntis?" Napatakip ang isang kamay niya
sa bibig.
Agad ko itong sinamaan ng tingin at sinipat ang paligid. Nagkataon namang may agwat
ang pagitan namin sa ilang kabataang namimitas din ng mga gulayin. Kung hindi,
malilintikan sa akin si Jutay.
Kahit hindi naman totoo at kumalat, mas tumatatak pa rin sa tao ang tsismis. At
hindi lang tsismis ang kinatatakutan ko kundi ang galit ni tatay. Pakiramdam ko mas
paniniwalaan niya ang tsismis kaysa sa sarili niyang anak.
"Pahamak ka!" Inundayan ko ito ng sapak. "Masyadong advance ang utak mo!"
"Aray! Depota kang yawa!" Jutay hissed. Inawat naman kaming dalawa ni Amy,
pumagitna siya sa aming dalawa ng bakla niyang kaibigan. "Hindi ka man lang ba
aware na mukha na lang ang puhunan ko!"
"Kung mukha ang puhunan mo, malamang mamatay ka na't lahat lahat sa hirap hindi ka
pa rin mabebenta!"
Nalaglag ang kanyang panga. Ilang ulit na kumurap si Jutay, hinigit niya ang buhok
ko ng medyo mahigpit. "Ang kapal ng mukha mo! Pareho lang tayong hindi maganda!"
gigil na gigil nitong wika.
"Umayos nga kayo! Tama na! Mga bwiset!" Pinaghiwalay kami ni Amy. She was shaking
her head at the scene.
"Alam kong hindi ako maganda. May karapatan pa rin akong manlait ng kapwa panget!"
I stuck my tongue out at him. Tawang - tawa naman ako sa pagmumukha ni Jutay.
"Napakawalang - kwenta mong kaibigan, Sai! Kinabukasan ko ang sinisira mo," akusa
pa niya.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Amy. She just shrugged. Hindi ko maintindihan ang
sinasabi ni Jutay. Hindi rin ako sigurado kung seryoso siya, we always fight like
this, mga bata pa lang kami. It wasn't new, in fact, a very old scene from us.
He was Cadence's classmate in his senior high. Natatandaan ko pang sinabihan ako
nito noon na mukha akong elementary. For some reasons, naiintindihan ko ang
kanilang reaksyon. Kahit maraming gwapo sa Tagbakan, hindi pa rin kami nauumay
makakita ng mga panibagong mukha.
Sinong tumatanggi sa blessing? For sure, Cadence would not appreciate what I had in
mind.
Pero agad na nagbago ang emosyon ko nang makita ko ang nasa likod ni Santino. The
girl was familiar. S'yempre, hindi ko malilumutan ang mukhang iyon. Kasama niya sa
Marlyn Ruseph at katabi pa nito si Cadence.
Our eyes met for a couple of seconds, he mouthed something I could not decipher.
Inirapan ko ito, nakalingkis pa sa kanya ang babae.
Imbes na ituon ko sa kanila ang atensyon ko, nagsimula kong putihin ang kalabasa.
Nagngangalit ang buong kalooban ko, pero kailangan kong kumalma. May gumagapang na
selos sa dibdib ko. Hindi na bago sa akin ang pakiramdam na iyon. Lalo na kapag
kasama niya ang babaeng tinawag ni Jala na hipon.
It was upsetting my guts. Baka masugod ko pa silang dalawa, mas lalong lalaki ang
gulo at makakarating sa mga magulang ko.
"Ayan ang kinabukasan ko, Sai!" malanding tinig ni Jutay ang nagpabalik tanaw sa
akin sa realidad. Kaya naman pala aligaga, may gwapo.
Hindi ako sumagot, nagpatuloy ako sa gawain. Mas mabuti kong mabilis akong
matatapos bago ako tuluyang kainin ng inis. I didn't even bother looking at the
entrance to see the new comers. Wala rin akong pakialam kung umalis na sila ng
greenhouse.
Pero saan naman sila pupunta? At talagang magkasama pa sila ni Cadence. Kumukulo
ang dugo ko sa isiping iyon.
"Hoy, babaita! Pati ang tanim mabubunot mo na! Kalabasa lang ang inaani natin!"
rinig kong singhal ni Jutay.
Pinilit kong alisin ang tensyon sa aking katawan, nakakaawa namang mapagdiskitahan
ang walang kalaban - labang mga halaman.
"Galit na galit, gusto manakit?" boses iyon ng lalaki. Nag-angat ako ng paningin
para hanapin ang nagsalita. I found Santino standing inches away. He was smirking.
"Sabi ko na nga ba familiar. Gusto ko lang mag-hi, Sai. It was nice meeting you
again here,"
Nang tumingin ako sa paligid, kami na ang sentro ng atensyon ng nasa greenhouse.
Nakatayo lang sa gilid si Amy habang pinagmamasdan kaming dalawa, samantalang
nanlalaki ang mga mata ni Jutay at mukhang hindi makapaniwala.
Nginitian ko rin si Santino. We weren't that close, but I appreciated the gesture.
"Masaya rin akong nakapasyal kang muli rito." Alam kong hindi ito ang kanyang unang
beses dito. Kasama ito sa paghuli noon ng palaka sa sakahan.
He just nodded. "Teka lang, si Jutay at Amy pala, mga kaibigan ko. Si Santino."
pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko, kahit medyo imposibleng matandaan nito ang
kanilang pangalan.
"Hey, am I missing the fun?" isang matinis na boses mula sa babae ang pumailanlang
papalapit sa tayo namin. Sa isang iglap, gusto ko nang lisanin ang lugar. "Sorry,
I'm busy catching up with Cadence. Si Cadence kasi e, ayaw akong pakawalan,"
"Ano ba?! 'Wag ka ngang mahiya sa kanila, I'm sure, they don't mind. Right?"
Ilang ulit akong sumagap ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. Iniwasan ko ang
tingin ni Cadence.
"You look familiar, nag-meet na tayo 'no!" Hinarap ko si Marlyn Ruseph. Umaktong
nag-iisip ang babae. "Wait, is your name Saya?"
Mas lalo akong nairita sa tono ng boses niya at saka sa tanong. My name is
definitely not Saya, and I am definitely not saya at this very moment. Gusto kong
mangalbo ng tao.
"Sai. My name is Sai," I told the girl. And the guy you're trying to flirt with is
mine. I wanted to blurt out.
"Siguro," Bumaling ako kay Santino. "Hanggang kailan kayo rito?" I don't want to
sound off, pero ganoon yata ang dating. Tumawa ang binata.
"Kadarating lang namin, paaalisin mo agad? We'll stay here for two days, I guess.
Depends, really."
Sagad na sagad na talaga ang inis ko sa kartawan. Mas dumudoble iyon bawat
segundong lumilipas kaharap si Marlyn Ruseph at si Cadence. Hindi na ito nakahawak
kay Cadence pero dikit pa rin nang dikit ang linta.
Nang tumama ang paningin ko kay Cadence, he pouted and whispered. "I'm being
harassed."
"We'll go na, baka nakakaabala na kami sa mga trabahante niyo," Her tone wasn't
right, it felt like mocking.
I watched them leave us. Halos ipagtulakan na ito ni Cadence para hindi makalapit
sa kanya. Somehow, it relieved me. Pero sa tuwing maaalala kong mananatili sila
rito ng ilang araw, mas nakaramdam ako ng pagkainis. Subukan lang talagang
magpagapang ni Cadence sa babaeng iyon, I swear, I'd go berserk and kick his balls!
Walang dapat na magtatangka sa Maligno.
Hindi mawala ang ngisi ni Jutay sa labi, tumigil na ito sa pang-uukray. Pero hindi
naman maalis sa isip kong nasa Tagbakan si Marlyn Ruseph, kasama pa nito si
Santino. Maybe, bunch of their classmates were here and visiting Cadence. Wala ako
sa sarili habang namimitas ng kalabasa.
"Salamat sa mangga, Amy." sinabi ko at kinuha ang supot ng mangga na itinabi niya
para sa akin.
Matapos ang trabaho namin sa greenhouse, madalas magkikita kami ni Cadence. Mukhang
hindi iyon mangyayari ngayon. Mayroon itong mga bisita at may parte akong naiinis
sa kanya.
Ang sarap ng mangga sa alamang, saktong may pinadala ang tiya. Iyong mangga na lang
ang pagbabalingan ko ng galit. Nagpaalam ako sa dalawang uuwi na. This time, it was
true.
Dala ang supot ng mangga, mabilis kong pinuntahan ang pinagtalian ko kay Meow.
Inatake ako ng kaba ng hindi ko mapansin ang alaga kong kabayo sa paligid ng
tarangkahang pinagtalian ko rito. I bit my lip hard. The panic seeped in.
Nakawala ba ito? Imposibleng mayroong kukuha rito ng walang paalam. Kilala ng mga
taga-rito ang kabayo ko at kahit maloko sina Teryo, hindi naman sila nangingialam
ng hindi nila pag-aari.
Hindi. Natatandaan kong mahigpit ang pagkakatali ko kay Meow. Nadala na ako ng
minsang makatakas ito.
Kabang - kaba ako. Naglakad ako paabante habang tinatawag ang kabayo. Mukhang na-
recognize nito ang boses ko, nakarinig ako ng sagot mula sa kalayuan. It was
horse's sounds.
Malalaki ang hakbang na dinaluhan ko si Cadence. Hinambalos ko rito ang dala kong
supot ng mangga sa naghahalong inis at galit ko.
"Shit, stop it, Everly! Ang liit liit mo ang lakas mong manapak!" Sinalag niya ang
bawat palo ko.
"I don't even know why she showed up," He rolled his eyes.
His lips thinned and his jaw clenched. Mas lalong nagbago ang kanyang emosyon. "Why
does it matter? Gusto mo bang andito si Santino?" iritadong tanong ng kapre.
Mas lalo akong sumimangot. Ano naman ang koneksyon noon? Eh, siya nga itong may
Marlyn Ruseph na dumalaw. Hindi pa niya ako inabisuhan.
"Hindi, pero sana sinabi mo!" pagalit kong sagot. Hinablot ko ang tali ni Meow sa
kanyang kamay. "Doon ka na sa Marlyn Ruseph mo! Aalis na kami ni Meow."
Napalitan ng ngisi ang inis nitong ekspresyon. He crossed his arms in his chest and
looked at me with that smug smirk of his. Tumaas ang kanyang kilay.
Kalmado akong humarap kay Cadence. "Hindi. Hindi ako nagseselos." I answered
sarcastically. "As a matter of fact, natutuwa ako para sa inyong dalawa. Sana
matigok na kayo pareho at sana hindi masarap ang ulam ninyo." Inambahan ko siya ng
aking kamao at inirapan.
Inayos ko ang supot ng mangga, muntik na itong mabutas sa paghampas ko kay Cadence.
Thankfully, it didn't.
Bigla akong natigilan nang marinig ko ang malakas na paghalakhak ng kapre. Hawak na
nito ang kanyang tiyan. At talagang tuwang - tuwa pa ito. Mas lalo akong nainis.
Kinurot ko ang kanyang braso.
He stopped laughing and examined the part of his arms where I dug my nails. "You're
so violent, Everly." Ilang segundo kaming nagtitigan, and I was not planning to
lose. But he was cunning, halos mapasigaw ako ng buhatin niya ako at isakay kay
Madonna. Madali niya iyong nagawa, mas malaki siya kumpara sa akin.
Hindi pa ako nakakahawak nang maayos kay Madonna nang paluin niya ito patakbo.
Kulang na lang lumabas ang kaluluwa ko sa unang hampas ng hangin sa aking balat. I
got a hold of the situation. Nasanay ako sa takbo ni Madonna. Nang lumingon ako sa
likuran, I saw Cadence riding Meow, hindi naglalayo ang agwat sa amin.
Without him telling me, I knew where we were heading. To our sanctuary. Madalas
doon kami tumambay. Nobody really knew the place except us. In that part of the
hacienda, we can be ourselves.
"Are you still mad?" Bungad ni Cadence nang makaakyat siya sa taas ng tree house.
Hindi ako sumagot at inirapan ko siya. Tumabi siya sa akin. "So, nagseselos ka
nga?"
Umismid ako.
"Malamang, malinaw naman kagaya ng sikat ng araw ang feelings ko sa iyo," Bumuntong
- hininga ako. "Matagal nang umaaligid iyong babae. Bakit ba ako ang kasama mo?
Hindi ba may bisita ka?"
"Ang panget mong host, Cadence. Hindi ka man lang nahiya sa kanila."
Napailing ako. "Mawawala rin naman ang selos ko, saka hindi naman ako galit.
Magagalit ako kung mayroon kang gagawing mali," paliwanag ko sa kanya.
He seemed not to listen, ibinaba niya ang bed comforter at inilatag sa maliit na
espasyo ng tree house, tumayo ako para bigyang - daan ang kanyang ginagawa. Matapos
niyang mailatag ang comforter, hinigit niya ako pahiga. Magkasalo kami sa isang
unan. Mahigpit niya akong niyakap.
We stayed hugging each other for a while. It is comfort knowing someone got me in
his arms despite my troubles. Pahingahan ko si Cadence.
Agad na nawala ang inis at galit na nararamdaman ko para rito. Pero sa tuwing
sumasagi sa isipan ko si Marlyn Ruseph, medyo naiinis pa rin ako.
His brows furrowed even more. "Siya ang humawak sa akin," He tried to explain.
"Iyon nga, nagpahawak ka pa rin," Bumabalik na naman ang inis ko. Maayos na kanina,
para na naman kaming aso't pusa. Naupo ako sa comforter. "Ikaw ang mas matanda sa
atin, ikaw ang dapat nagdadala ng relasyon."
I rolled my eyes at him. Umimik pa talaga at ayaw magpatalo. Kinalma ko ang sarili
ko. Dapat ako ang immature dito, pero mas immature si Cadence. Paano kami magwo-
work na dalawa?
Napanguso ako.
"I must kiss liit to make up," Nanlaki ang mata ko, but it was too late to dodge
his face. Nakalapat na ang labi niya sa labi ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Tama yata ang liriko ng kanta ni Katy Perry, we kiss, we make up.
But it wasn't just kissing. May naramdaman akong kakaina. Huminto si Cadence sa
paghalik sa akin. Pinitik niya ang ilong.
"You should be in control with this thing, Everly." His breathing was rogue. "I may
not control myself, if you are uncomfortable, just tell me to stop."
Kinagat ko ang labi ko. "Paano kung g-gusto ko?" nauutal kong tanong.
Napa-face palm siya. He looked away. "Why am I being tested and tortured?"
Humarap si Cadence. His face looked concerned. "How about the consequences, Everly.
How about that?" He sighed. "You're a minor, you're young."
"I am on the right age to think for myself, Cadence. Sa Pilipinas, mas mababa pa
ang edad ng pwedeng magbigay ng consent," sinabi ko. "I just don't think I can give
it to someone else. Can we do it?"
"E-everly..."
Kabanata 31
Doubts
May nangyari sa amin ni Cadence.
Nauwi ang mga halik sa kapusukan. Sa loob ng tree house na pag-aari naming dalawa.
Tinupok kami ng init ng katawan at kyuryosidad. Tahimik kong kinipkip ang kumot na
pinagsaluhan namin, nanatili akong nakatingin sa bubong na nagsisilbi ring kisame.
Cadence's hand was on my small waist, his face was facing the pillow. May taglay na
init ang kanyang kamay. He was also silent, hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa
isip niya. Am I in shock?
Sa totoo lang, hindi ko alam. Pinagsisihan ko ba? Hindi ko rin alam. But I think
that intimate moment was beautiful.
I sighed.
Bumaling ang mukha sa akin ni Cadence, kagat niya ang kanyang labi. "Did you regret
what we did?" Cadence asked softly, parang ikababasag ko ang tanong niya.
I looked at him in the eye, bahagya akong tumagilid upang magpantay ang mukha
naming dalawa. "Iyong totoo? Hindi ko alam. Not that I totally regretted what
happened, siguro ang tumatakbo lang sa isip ko ngayon, sana ginawa natin iyon ng
medyo mas matanda na tayo," sagot kong totoo. "Pero hindi ko pinagsisihang ibigay
sa sarili ko sa'yo, I don't see myself doing it with someone else."
Umayos ng tayo si Cadence, kinapa niya ang kabuuan ng aking mukha. Tinitigan niya
ako ng may intensidad.
"I'm the one old enough to refrain myself, but I failed in doing so. I'm sorry for
giving in with the temptation, Everly." He admitted. "I'm sorry that I don't regret
any of it." Inilapit niya ang katawan niya sa akin, ginawaran niya ako ng halik sa
noo. "How do you feel now?"
Masakit talaga. Saksi ang dugo sa comforter. Hindi lang parang may nabutas, parang
inararo ang kabuuan ko. I knew, he tried to make me feel comfortable. Pero mas
nangibabaw talaga ang sakit.
Siguro dahil na rin sa petite kong katawan at saka maliit ako kaya apektado ako ng
sakit. Isa pa, tunay siyang malaki ang kargada. Mas lumaki iyon kaysa nang una kong
makita. Mangiyak - ngiyak ako habang nasa ibabaw si Cadence, baka bumaon ang kuko
ko sa kanyang likod bawat galaw niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Pasimple kong sinapak ang kanyang dibdib. "Anong next
time, Cadence?!" naeeskandalo kong tanong. May gana pa akong maeskandalo, eh may
nangyari na nga!
"W-wala!" Kahit ako, hindi kumbinsido sa sagot ko. Wala man lang firmness!
Hinapit niya ang aking beywang papalapit sa kanya. Medyo malikot ang kamay nito,
kung saan - saan dumadako, akala yata ng kamay niya siya si Magellan at may free
expedition. Tinampal ko iyon.
Cadence just chuckled. "Oh, is that your boob? I thought, I was still holding your
tummy. Hindi ko kasi makapa ang pinagkaiba." Nakakaloko nitong wika.
Umusok ang ilong ko, matapos niyang paglaruan ang boobs ko habang ginagawa namin
ang milagro, iinsultuhin niya ako, nakakainis!
"Ah, ganoon? Parang kanina naman, daig mo pa ang sanggol na naghahanap ng gatas ng
ina." iritado kong patutsada.
"Kaso wala akong napigang gatas." Pinamulahan ako ng buong mukha, sigurado akong
hindi lang mukha ang namumula sa akin, kung hindi buong parte ng katawan ko.
"Lumalaki naman ang tinapay kapag minamasa ng panadero. Let me do the work."
Napatigil kaming dalawa. Kalma, Sai! Masakit pa ang sensitibong parte, kinagat ko
ang labi ko at umalis sa ibabaw ni Cadence na parang walang nangyari. Tulala lang
ito. Pinaypayan ko ang sarili ko. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin.
Marupok! Malandi!
"Baka naman magsawa ka na, nakuha mo na ako." isinatinig ko para basagin ang
bumalot na katahimikan.
His eyes darted on me. Mayroon siyang malaking scowl sa noo. "Why would you even
think that? I'm getting more addicted, Everly." Umirap siya at bumulong. Masyadong
mahina iyon para umabot sa pandinig ko.
"Paano kung sakaling malaman ng magulang ko? O ng magulang mo? Tapos paghiwalayin
tayo? Anong gagawin natin?" Muli kong tanong. I was curious, at the same time, it
made me nervous. Iniisip ko pa lang ang mga senaryong iyon, kinakabahan na ako.
Tumaas ang kilay ni Cadence. "I thought, in the traditional way, ipapakasal nila
tayo? Something happened already." Nagtaas baba ang kanyang kilay sa sinabi. Hindi
ako makapaniwalang tiningnan siya at inirapan. What he said could be true, but it
annoyed me for some reason.
Isinuot kong muli ang damit na suot ko kanina bago niya iyon hubarin sa katawan ko.
Halos magdidilim na siguro, hindi ko na namalayan ang oras. Pati ang emosyon ko.
Kanina lang, may pagseselos pa akong nararamdaman kay Marlyn Ruseph, now, it
vanished.
Masakit pa rin ang pagitan ng hita ko. Kung ako lang ang masusunod, ayokong
gumalaw. Pero hindi pwedeng manatili kaming dalawa sa kubo, kailangan kong umuwi.
Baka itakwil na ako sa bahay. Inipon ko ang dala kong mangga na bigay ni Amy. Hindi
ko alam kung paano akong uuwi nang masakit ang pagkababae, sasakay pa ako ng
kabayo. And sometimes, horses can be rough and tough.
"Are you sure you don't want to spend the night here?" Cadence asked playfully.
Napailing ako. "Baka patay na tayong pareho bukas kung madadatnan ni tatay," Just
thinking about it made me shiver. Inalalayan ako ni Cadence na sumakay sa kabayo
ko. Ihahatid niya ako pero sakay ito kay Madonna.
Nang makasakay ako sa kabayo, alam kong hindi magiging madali ang daan sa pag-uwi.
My body hurts, especially down there. Masakit. Kinagat ko ang labi ko, gusto kong
saktan si Cadence. Bakit ang laki noong sa kanya? Abnormal yata ang ganoon, hindi
naman ganoon ang size ng Pilipino. Kakaiba at nakakasakit. Kainis!
I was right, the ride home was exactly painful as I imagined it to be. Hinatid ako
ni Cadence malapit sa may bahay namin. He was careful not to be seen. Pareho kaming
malalagot kung sakali.
Halos matumba ako pagbaba kay Meow. Dahan - dahan ang paglakad ko papasok ng bahay
nang maipasok ko sa kwadra ang aking alaga. Dala ko ang supot na binigay ni Amy na
may lamang mangga.
"Bakit ganyan ang lakad mo? Para kang nalumpo." usisa ni Nena makita ako.
Muntik nang mamula ang aking mukha, hindi lang halata sa kutis ng balat ko. Ilang
pares ng mata ang dumako ang tingin sa gawi ko, mabuti na lang hindi ko nabitiwan
ang supot na hawak ko sa tingin nila. Nasa hapagkainan ang buong pamilya at mukhang
naghihintay sa pagdating ko.
Kinagat ko ang aking labi at nagmano kay nanay at tatay. Inilapag ang dala kong
mangga. Inayos ko rin ang lakad kahit masakit talaga ang pagitan ng aking hita.
Ayon pa kay Nena, mukha akong nalumpo. Nilumpo ni Cadence.
"Sa..." Huminga ako nang malalim. "Tumambay po muna ako kana Jutay, pasensya na po
hindi ko namalayan ang oras."
Tumango si nanay. "Oh, siya. Kumain ka na. Patapos na kami, hindi ka na namin
naisabay,"
Gusto ko nang maglaho sa harapan nila, ayoko nang dagdagan ng isa pa ang pagtatakip
na ginawa ko. Hinayaan naman ako nitong pumasok ng kwarto, kumuha ako ng damit at
dumiretso ng banyo. Mabilis akong naligo at naglinis ng katawan. I was hoping the
bath would ease my body ache. Hindi ako sigurado. Pakiramdam ko mas lalo akong
lalagnatin.
Nang matapos akong maligo, hinintay kong matuyo ang buhok ko bago magpahinga. Ang
bigat ng talukap ng aking mata. Mag-isa akong kumain ng hapunan. Hindi ko na sila
naabutan sa kusina and it was a good thing, kaysa magisa ako sa sariling mantika.
"Bakit ka ganyan maglakad, Sai? Pilay ka ba?" pangungulit ni Nena. Ang sarap niyang
sungalngalin. Napaka-epal.
"Oo na lang, Nena. Ang tsismosa mo, pero pagdating sa iba, walang silbi," Umirap
ako sa ere.
"Para nagtatanong lang," Padabog itong nahiga sa kama.
Kagaya ng inaasahan ko, hindi nga bumuti ang pakiramdam ko nang sumunod na araw.
Nagkaroon ako ng sinat. Hindi ko iyon masyadong ipinahalata iyon, baka mag-alala pa
si nanay at dalhin ako sa doctor. Siguro naman ay normal magkaroon ng lagnat
matapos makipagtalik. Sinapo ko ang noo ko, agad na nag-init ang pisngi ko sa
tuwing pumapasok ang mga bagay na iyon sa aking isipan.
Kahit masama ang pakiramdam tumulong pa rin ako sa mga gawaing bahay. Pumapasok din
ako sa gulayan. Wala namang nagbago sa pakikitungo ni Cadence, he was still the
same annoying man, nasa Tagbakan man ang mga dating kaklase niya o wala. Mas
madalas pa kaming magkasama tuwing hapon.
May parte sa aking nagseselos sa isiping iyon, ako ang girlfriend ni Cadence. Not
the other girl. Rumor is rumor. Sometimes, it isn't true. May mga pagkakataon
namang tama, pero hindi sa pagkakataong ito.
Sa tuwing may bisita ang mga Ponce, madalas na nasa mansyon kami. Kinukuha nila ang
extra service para mapanatiling maayos at malinis ang mansyon. Hindi lang si
Cadence ang pakalat - kalat sa buong kabahayan, his cousins were also there. Busog
na busog na naman ang mata ng malanding si Jutay.
Matapos ang shift, balik sa dating gawi. Magkikita kami ng patago ni Cadence. We
went to our secret place. The batis wasn't our little secret anymore. May ilang
nakakaalam na ng lugar, pero hindi ang ginawang tree house ni Cadence para sa aming
dalawa. Madalas kami roong magtambay.
"Si Cadence?" tanong ko kay Hadley nang makasalubong ko ang lalaki sa hallway ng
mansyon. Tiningnan niya ako ng ilang segundo bago ngumisi.
"Ewan ko, baka nasa sidechic niya. What's her name again? Ah, Marlyn Ruseph." Sa
tono ng pananalita niya, alam kong nagbibiro lang ang lalaki at gusto akong asarin.
Nagtagumpay naman ito.
Hindi ko pa rin makakalimutang pinagmukha nito akong tanga, I hated Cadence for his
lack of explanation.
Pati pala ang mga lalaki, tsismoso. Inirapan ko siya. "Wala ka na roon." iritado
kong sagot sa kanya.
"Hindi naman siya ang jojowain ko," Muntik ko nang matampal ang sarili ko, kung ano
ano ang lumalabas sa aking bibig. It just slipped off my tongue. Minsan kusa na
lang tumatabil ang dila ko.
Ano ba naman iyon? Anong pinagsasabi ko?
Hindi na ako nakapagsalita ng biglang dumating si Raius. Binati ako ng lalaki, pero
si Hadley ang sadya nito. They talked. Wala akong ideya kung dapat na ba akong
umalis, pero hindi ko pa nakukuha ang sagot sa tanong ko. Ang dali lang naman ng
tanong ko, asan na ba si Cadence?
"Baka anino ko lang ang nakikita mo," pabalang kong sagot sa napaka-obvious niyang
tanong. Nakikita naman niya ako sa harapan niya, aba, malamang.
"Hindi naman malabong anino nakikita ko. What do you need ba?"
"Si Cadence,"
Tumawa si Raius at ngumuso sa parteng likuran ko. Hindi ko binalingan ng tingin ang
lalaki. Nagulat na lang ako ng biglang mayroong humigit sa akin, ipinatong ng
salarin ang kanyang braso sa aking balikot nang payakap.
"Aray naman, Cadence!" bulyaw ko. Hindi na kailangan pang lingunin ang lalaki para
makilala, I just knew his antics well. Walang ibang komportableng gagawa noon kung
hindi siya.
"Hanap mo ako?" bulong nito sa aking tainga. Siniko ko si Cadence. Malamang narinig
ng kapre ang usapan namin ni Hadley, kaya ang lakas ng loob na mang-alaska.
Raius laughed.
Hindi na ako nakapagpaalam sa mga ito nang hilahin ako ni Cadence pataas, kung
hindi niya lang ako hawak, baka sumubsob na ako sa hagdan. Ang haba ng kanyang
biya, ang bilis din ng kanyang bawat hakbang. Wala man lang itong pasintabi sa
taong maliit ang biyas.
Tumungo kami sa kanyang kwarto. He locked the door. Pinahinaan niya ang aircon at
naghubad ng damit. Cadence knew I couldn't stand the cold temperature. Naupo ako sa
kanyang kama. Hindi naman ito ang unang beses na pumasok ako ng kwarto niya.
Si Santino ang madalas kasama ni Cadence habang nasa Tagbakan ang ilang kaklase
niya. Lagi sila sa sakahan, tumutulong sila roon. That's one of the places I'm sure
Marlyn Ruseph hates. Hindi niya magawang sundan doon si Cadence.
Ilang araw din silang namalagi dito at pumasyal sa Banaba falls. Inimbita ako ni
Cadence, pero hindi naman ako sumama. Alam kong hindi ako papayagan ni tatay kaya
hindi na ako nag-abalang makipagtalo.
Ito na rin ang huling araw ng trabaho namin sa mansyon, nakaalis na ang mga bisita,
balik na kami sa dating gawi sa gulayan.
"Sai!"
She smiled at me. "Pwede ba kayong mag-extend pa nina Jutay dito sa mga gawaing
bahay. Alam mo namang buntis si Rica sa unang anak. Wala kami masyadong katulong."
"Okay lang po sa akin, Manang Sisa." agad kong sagot. "Pero nakaalis na naman po
ang mga bisita. May darating pa po uli? May nalaglag yatang kutsara't tinidor."
pabiro kong sinabi.
"Oo, neng. Darating ang mga Ponce, alam mo na, ilang buwan na lang uli, eleksiyon
na naman at kandidatong muli ang Papa ni Cadence. Andito silang muli upang ligawan
ang balwarte." My smile faded. The information struck in my mind. Darating ang mga
Ponce, muli silang babalik dito at hindi imposibleng babalik din ang ina ni
Cadence.
"Ha? Ah, eh..." Tumikhim ako para ibaon ang kabang nararamdaman sa dibdib. "Parang
ganoon na nga po."
"Ay, nako. Aasahan ko ang tulong ninyo, ha. Kulang lang talaga ang tao ngayon sa
mansyon," Muli itong numiti.
"Nga pala, narinig kong top ka raw sa school. Narinig ko kay Cadence, madalas
niyang i-kwento sa mga pinsan niya, ay ewan ko ba sa batang iyon, mukhang
natitipuhan ka yata." Tumawa ang ginang. Hindi naman pumalya sa pag-iinit ang
pisngi ko, mabuti na lang hindi halata.
Clueless ang matanda sa pagitan namin ni Cadence. I shook my head slightly. Kung
alam lang ni Manang Sisa kung gaano kalandi ang alaga niya, napagsasabihan namang
huwag humarot kapag nasa mansyon lalo na kung may ibang tao. Kabang - kaba ako
tuwing muntikan na kaming madatnan ng mga kasama nila sa bahay. Cadence loves to do
back hugs. Clingy ito.
"Siguro'y proud na proud sa iyo si Von at Cess." Agad na nablanko ang ekspresyon ng
mukha ko.
Sana.
Nakukulangan sila sa ganoon. Nakukulangan silang hindi ako ang nasa unang pwesto,
kahit kasama naman ako sa top sa sobrang taas ng expectations nila sa akin. Sana
proud din sila.
"Mauna na ako, Sai." Manang waved. "Salamat sa tulong ninyo ni Jutay. Isa talaga
kayo sa mga kabataang aasahan ko rito at sa mga susunod na araw. Alam kong kayo'y
mga responsable."
Kinapa ko ang aking dibdib. Malakas ang pagtibok nito. Maybe, I need to ready
myself for another rollercoaster ride. Ngayon pa lang, kinakabahan na ako. Iyong
kaba ko, kaba ng isang api sa teleserye habang magbabalik ang kontrabida. I bit my
lip. But I am not sure if I am the main character. Baka isang extra lang pala ako
rito.
Namilog ang mga mata ko nang mamataan ko si Cadence papasok ng kusina. Ako lang ang
mag-isa roon, tumulong pa ako kay Manang sa pagsasalansan ng mga gulay na pinuti
namin sa greenhouse. May sinagot lang na tawag ang matanda.
Mabilis ko itong hinigit sa gilid. Sa una'y magproprotesta pa ang kapre pero agad
din itong ngumisi nang makita ang pagmumukha ko.
"You miss me that much, huh?" His tone was mischievous. Ginawaran ko siya ng sapak.
"Ouch, ang bayolente, Everly!"
"Sorry. Sorry..." Hinimas ko ang parteng tinamaan ng aking kamao. Ayoko nang
patagalin pa, I want to talk to him with things that bother me.
Tumaas ang kanyang kilay. "Is there a problem? I know that look." He crossed his
arms and proceeded to stare at me. Kilalang - kilala na ako ni Cadence.
"Totoo bang babalik na ang magulang mo rito?" I asked. Kanina pa akong hindi
mapakali simula nang malaman ko iyon kay Manang Sisa. I'm not sure if I should be
happy I knew about it beforehand or not, and prefer not to know it at all.
He looked away. "Yes, Everly. They are coming here. For the election proper."
"Sabi mo, hindi alam ng mommy mo na andito ka sa Tagbakan. Alam na ba niya ngayon?"
Bawat tanong ko may kaakibat na kaba.
I paced back and forth. Kabang - kaba ako. Hindi ko alam ang gagawin. The anxiety
of meeting her again gets stronger.
Isang hakbang pa ang ginawa ko, hinila ako ni Cadence papalapit sa kanya at
kinulong sa kanyang bisig. "Are you nervous?" He whispered against my ear. I didn't
realize my body was trembling.
"Natatakot ako."
Hindi lang basta nerbiyos ang nararamdaman ko kung hindi takot. Natatakot ako kapag
bumalik ang nanay niya. Iniisip ko pa lang ang huling pagtatagpo namin at ang
malakas niyang sampal pinanghihinaan na ako ng loob. Alam kong hindi niya ako
gusto. Bilang tao, mas lalong hindi ako nito gusto para sa anak niya.
"You don't have to please her, Everly." masuyong sinabi ni Cadence. "Not even me,
or anyone. You don't owe anything to anyone. Do you understand that?"
Tumango - tango ako at pumikit. Kinalma ko ang aking sarili sa yakap na mahigpit ni
Cadence. It was warm and welcoming and I love his scent.
"Ah, ano po..." Napakamot ako sa ulo. "Muntik na po akong madulas, nasalo lang po
ni Cadence." palusot ko.
Nagkibit - balikat ang matanda. "Sige, iisipin ko na lang na wala akong nakita.
Hindi ko kayo nakitang magkayakap ng ilang minuto at ilang tikhim pa ang aking
ginawa para maramdaman ninyo ang aking presensya. Nasalo nga lang."
Mas lalong nag-init ang pisngi ko, lalo pa't rinig ko rin ang pagtawa ni Cadence sa
aking likuran. He has that triumphant laugh. Nakakainis! Palpak ang palusot ko kay
Manang! Si Cadence kasi.
***
Hi! I'm not going to detail the bed scene for Sai and Cadence. And if someone may
ask, "hindi detailed ang bed scene pero mabubuntis?". Well, this issue is very
rampant these days and teenage pregnancy exists. I hope, it won't just be subjected
to those kind of scenes but an eye-opener, somehow. Iyon lang, you have came this
far with me, and I know you are a responsible reader. And thank you for not judging
me over one scene.
Chi xx
Kabanata 32
Calleja
Siguro pasalamat na lang akong hindi tsismosa si Manang Sisa, kung ano man ang
nasaksihan niya sa pagitan namin ni Cadence hindi nakalabas ng mansyon. Baka kung
may balat ako sa p'wet, nakarating ang bali-balita kay tatay. Malaki ang kabuuan ng
hacienda, pero maliit lang ito pagdating sa mga tsismis. Hindi rin malisosya ang
matanda.
Kagaya ng pinagako namin sa matanda, madalas kaming nasa mansyon ng ilang araw para
tumulong sa mga gawaing bahay. Dala ko pa rin ang kaba sa pagbabalik ng pamilya
Ponce. Wala akong ideya sa eksaktong araw ng pagdating nila, hihintayin ko na lang
na umugong ang balita sa buong Tagbakan.
Tuwing hapon matapos ang gawain ko sa mansyon, magkasama kaming dalawa ni Cadence
bago nito ako ihatid pauwi ng bahay. Even at work, he still pesters me. Walang
palya.
Napasigaw ako ng wala sa oras ng may humablot sa aking braso ng biglaan. Walang
ibang gagawa sa akin ng kalokohan, ang kapre lang. Magkatabi kaming dalawa sa kama
ng kwarto niya. It was decided we watched a movie. He tricked me, akala ko pa naman
romance comedy ang papanoorin namin. Pero imbes na rom-com movie, sa horror ito
napunta.
Hindi naman ako matatakuting nilalang, but I hate the intense sound effects in the
movie. Ayoko rin nang nagugulat. Ayoko sa mga multo o sa mayroong elemento. Mas
gusto ko ang mga mystery thrillers na may killer, mas mataas ang survival chance
maliban na lang kung tanga ang bida.
"Liit, lower your voice, they might hear you and think we are doing something
else." He wriggled his eyebrows. Sumandal ito sa headboard ng komportable.
Pinaningkitan ko ng mata si Cadence. "Ikaw lang naman ang madumi ang utak."
Inirapan ko siya. Nawala na ang pokus ko sa movie. "Iba na lang ang panoorin natin.
Sabi sa'yong ayoko ng horror. Cadence, ano ba?! Ang likot ng kamay mo!"
Tinampal ko ang kanyang kamay na pinupuntirya ang tagiliran ko. Alam ko ang
tumatakbo sa utak niya. It was the oldest trick in the book to tickle me. Hindi ko
pa rin naiwasan ang mabibilis niyang kamay.
The next thing I knew I was laughing with him. Halos mawalan na ako ng paghinga sa
pangingiliti ni Cadence. I was oblivious to everything. Nawala na rin sa utak ko
ang horror na pinapanood namin kanina. It was just me and him.
Nang tumigil si Cadence, his eyes looked serious staring at my face. Nakapaibabaw
siya sa akin. Umangat ang dugo sa aking pisngi sa bawat titig niya. He put my hair
behind my ear.
"Ang liit mo," tumawa ang kapre. Napairap naman ako at napanguso, akala ko pa naman
kikiligin ako sa sasabihin niya. He sighed and cupped my face. "You're like a cute
porcelain doll. Minsan natatakot akong baka mabasag na lang kita."
Umiling ito. "I don't think so." Nagkibit - balikat si Cadence. Bumitiw siya sa
pagkakahawak sa beywang ko at naupo siya sa kama. "I'm so happy being with you."
"Ako rin," huminga ako nang malalim. "Pero hindi ko maiwasang hindi matakot. Ang
scary naman kasi ng pamilya mo, langit at lupa pa ang pagitan nating dalawa." I sat
with him on the bed. Humilig ako sa balikat ni Cadence.
Cadence shook his head and smirked. "Certainly, langit at lupa ang agwat natin, ang
liit mo, eh." His eyes were twinkling as he looked at me over his shoulder.
Sa inis ko, mahina ko siyang siniko sa t'yan. Cadence was extra dramatic, um-akto
itong parang tumagos sa kanya ang ginawa kong paniniko. Ang layo noon sa bituka.
Nailang ako sa intensidad ng paninitig nito lalo nang magbaba ang kanyang tingin sa
labi ko.
"Manghahalik ka?" I rolled my eyes, pero iba naman ang eratikang pagtibok ng puso
ko.
He chuckled. "Pwede ba? If only you want."
Nag-isip ako ng ilang segundo bago sagutin ang tanong niya. "Isa lang," sinabi ko.
Mas lalong napangisi ang kapre. "Sure na 'yan? One lang?" Tumaas ang kanyang isang
kilay.
Ginulo ni Cadence ang buhok ko, umirap ako sa ere. Unti - unting lumapit ang
kanyang mukha para sa isang masuyong halik. My heart's been hammering inside my
chest, anticipating for the kiss quite excitedly.
Ilang beses na kaming nagsalo sa romantikong halik. But every time he kisses me
always feels good. Hindi kagaya ng mga pocketbooks na nabasa ko, the kiss in real
life with the person I am so attracted to is indescribable. Walang kapareho.
Bago pa man maglapat ang aming labi ni Cadence, napabalikwas ako ng tayo ng may
kumatok sa pinto ni Cadence. Mariin kong nakagat ang labi ko, tumingin ako sa
kanya.
Another knock on the door was heard. He sighed exasperatedly. Pinasadahan niya ng
kamay ang sariling buhok.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa kwarto ni Cadence. Wala naman itong instruksyong
sinabi. Kailangan ko bang magtago? Kahit madalas kaming magkasama at madalas
mapadpad sa kwarto niya, kinakabahan pa rin ako sa tuwing mayroong dumadarating
para usisain si Cadence. I still felt awkward. Mas lalo akong naiilang kung
sakaling makita nila ako.
Si Hadley ang kausap nito sa kabila ng pinto. "They are asking if you are not so
busy to play basketball. Lorenzo wants to play."
"Ano pa nga ba? Why did they even think of inviting you? Kill joy!" bored na
patutsada ni Hadley.
Pinagsarhan ni Cadence ang kapatid ng pinto. Bahagya akong nakahinga nang maluwag
nang makaalis ang lalaki. Naglakad siyang muli pabalik ng pwesto niya kanina. Agad
na nawala ang scowl nito nang makabalik sa akin. Sumiksik si Cadence sa tayo ko.
I raised a brow. "Saan na naman tayo pupunta?" Kanina pa lang tinanggihan niya ang
kapatid, tapos siya naman itong gustong lumabas.
"In our place." Nagtaas - baba ang kanyang kilay. Nag-init ang aking pisngi. Our
place. Ang tinayo niyang kubo malapit sa batis kung saan may nangyari sa aming
dalawa.
Sa tuwing mapapadpad ang isip ko sa gawing iyon ng tree house, isa lang ang
naaalala ko. Ang pinagsaluhan naming init.
Piningot niya ang aking ilong. "Kung ano - anong iniisip mo, baka magkatotoo."
Mas lalong namula ang aking mukha, hindi naman iyon kita sa aking balat. Kinurot ko
ang nahagip kong braso ni Cadence. He just groaned, hindi naman ito umangal kahit
minsan pakiramdam ko napapasobra na ang pagiging pisikal ko, ni hindi siya
gumaganti.
Kumuha ng shirt si Cadence at mabilis niyang isinuot iyon. Nag-iwas naman ako ng
tingin. Nang matapos itong magbihis, bumaba kami ng mansyon. Wala kaming
nakasalubong na pinsan ng kapre. Siguro, naglalaro sila ng basketball gaya ng sabi
ni Hadley.
Hindi ako nahirapang sumakay sa kabayo. Cadence put my hands encircling his waist.
Ayos naman ako kahit nakakapit lang sa shirt niya. I was almost hugging him.
Kinagat ko ang labi ko at napailing.
I nodded in response. "Yeah," Huminga ako nang malalim. No, I wasn't fine. "Paano
kung may makakita sa atin?" Kabang - kaba ako.
My eyes widened at his answer. Tinampal ko ang kanyang likod. He's being sarcastic.
Mabilis na umakyat ang dugo sa aking mukha. If it weren't for my color, I'd be
reddish as tomato. Pero dahil maitim ako, maroon na lang.
I bit my lip so hard. Muntik pa akong mawalan ng balanse nang magsimulang tumakbo
si Madonna patungo sa batis. Her move caught me off guard, tama ring nakayapos ako
kay Cadence.
"Let them stare, Everly. Handa naman akong magpaitak sa tatay mo kung sakali." He
even laughed at his own remark. I dropped the topic. Hindi na ako sumagot, hindi ko
alam ang sasabihin ko sa kanya.
Sana nagbibiro lang ang kapre, sigurado akong seryoso si tatay sa sinabi nitong
baka nga maitak ang lalaki. Cadence didn't know what he was getting himself into.
In just swift minutes, we arrived at our place unscathed. Walang nakakita sa aming
dalawa patungo sa tagong bahagi ng hacienda. Magkahawak ang kamay kaming bumaba ni
Cadence at naglakad paloob ng batis. This is place felt surreal every time I come
here. It screams contentment. Baka dahil dito kami unang nagkita ni Cadence, dito
mayroong umusbong na hindi ko inaasahan and it was beautiful.
I swallowed hard. Ibang usapan ang mga magulang niya, lalo na si madame Oleya. His
mother was giving me nightmares. Naranasan ko kung paano ako pakitunguhan ng
ginang. And it wasn't pleasant.
Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang kamay. "Ito na ba ang parteng kailangan nating
itigil kung anong meron tayo?" Humarap ako sa kanya. Pinanatag ko ang aking
kalooban, my heart was pounding hard against my chest. It wasn't the feeling of
having butterflies inside my stomach. It was anxiety building up.
Muli kong kinagat ang labi ko para pagtakpan ang nagbabadyang pag-alpas ng hikbi.
Kung sakaling darating ang puntong magtatapos ang namamagitan sa aming dalawa, alam
kong totoong masasaktan ako.
He raised his brow. Iniangat niya ang mukha ko. "What the hell? Why are you about
to cry? I was just telling you, they are coming back." Now that he mentioned me
crying, tumulo ng kusa ang mga luhang pinipigilan ko. Cadence sighed. "I'm serious
about you, Everly. Kung balak nilang tumutol, handa akong magtanan tayo."
"Crazy for you," He rolled his eyes. "Seryoso nga ako. Kaya kitang buhayin. Kaya
kong umalis sa marangyang buhay na nakasanayan para makasama ka."
Pinahid niya ang aking luha sa pisngi. "Sinasabi mo lang 'yan ngayon, Cadence."
Tinitigan ko siya sa mga mata. "Kung sakaling mangyari ang sinasabi mo, baka
kagalitan mo lang ako sa huli. Ako lang ang magiging sagabal sa'yo at sa mga
pangarap mo, Cadence."
"Why would I hate you? Why would I hate the woman I love? I'm willing to give
everything up just to be with you." He poked my nose. "Stop crying, I hate seeing
your tears. Hindi kita iiwan. Kapag pinaglayo tayong dalawa, itatanan kita. Iiwanan
natin ang lahat."
Unti - unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Lumapat ang kanyang labi sa
aking noo habang pinapahid niya ang aking luha.
Wala akong ideya kung anong magiging reaksyon ko para sa proposal ni Cadence.
Magtatanan kaming dalawa? Kaya ko bang iwan ang lahat para relasyon namin? Wala pa
akong sagot sa tanong na iyon. It means leaving everything including my parents,
Nena, my friends, the hacienda and even Meow. Kakayanin ko bang wala sila?
I closed my eyes as felt Cadence inside of me. Kagaya pa rin noong una, may hapding
dulot pa rin ito pero hindi na gaanong masakit. Mas nangingibabaw ang sensasyon.
Hindi lang isang beses naming ginawa ni Cadence. Hindi lang din sa tree house. We
did it in the batis. Wala akong katiting na pagsisisi sa katawan.
Pabalik - balik ako ng mga sumunod na araw sa mansyon para sa trabaho naming tatlo
ng mga kaibigan ko kay Manang Sisa. We were helping Manang in the kitchen as she
prepared different dishes. Nagkatinginan kaming tatlo nina Jutay nang sunod - sunod
na sasakyan ang bumusina. Tunog pa lang, alam ko na agad ito.
"And'yan na sila, bakit ang aga?" tarantang wika ni Manang. Sinenyasan niya kaming
bilisan ang ginagawa. Kinakabahan akong nagpatuloy sa paghahanda ng kitchen
utensils para sa mga bagong dating.
My hands were shaking. Sa sobrang kaba ko, dumulas ang mga hawak kong babasaging
pinggan. It created a loud noise as it hit the floor. Hindi lang ito tumunog nang
malakas, nabasag din ang mga gamit.
"Sai!"
I bit my lip to prevent my sobs from coming out. Nahihiya ako at naiiyak. I was too
careless. Nagpanic ako nang makita ang basag na pinggan. Agad ko iyong dinampot,
hindi ko alam kung para itapon o para titigan kung mayroon pa akong magagawa para
idikit ang mga piraso.
Si Amy ang unang dumalo sa akin, pinatayo ako nito. Sumulyap ako kay Manang na
nakatingin sa pangyayari. She didn't look happy, mukha itong disappointed, may
halong pag-aalala rin ang ekspresyon nito.
Iniwan ni Jutay ang pagbabalat ng gulay at lumapit sa aming dalawa. Rinig ko ang
buntong hininga ni Manang. "Napakamahal ng mga pinggang iyan." pagkausap nito sa
sarili. "Collection iyan ni Ma'am Oleya."
Hindi ako nakakibo. I stopped in my tracks as I heard the name of Cadence's mother.
"Bakit mo ba dinampot ang pinggan? Alam mong basag na, nabubog ka ba?"
Umiling ako. Hindi ko alam. Napansin ko lang ang sugat nang mapagtuunan ng pansin
ni Amy ang kamay ko.
"Hugasan mo ang sugat, Sai. Mayroong first aid kit sa kanang banyo, ipakuha mo kay
Amy. Sige na." Manang Sisa dismissed us.
Amy guided me to the bathroom in the right wing. Sinunod nito ang sinabi ni Manang.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng kaibigan ko. She gave me a sympathetic smile.
Tinapat ko ang kamay ko sa running water at hindi sumagot. Matapos kung mabasag ang
mamahaling pinggan na pag-aari ng ina ni Cadence, hindi ako sigurado kung okay lang
ako. Kulang pa ang sweldo ko sa pag-extra sa mansyon sa mga gamit na nabasag ko. I
should have been more careful.
Tahimik na hinugasan ni Amy ang sugat ko, ininspeksyon niya ito at sinabong maigi.
Medyo mahapdi pero tiniis ko na lang, wala naman akong choice.
"Kinakabahan ako,"
Tumaas ang kanyang kilay. "May gana pa silang umayaw sa'yo? Mas lalo silang magalit
kung sa akin nagkagusto ang anak nila, tatanga - tanga." ngumiti si Amy. "'Wag mo
pakaisipin, be yourself and be panic."
Hindi ako sigurado sa narinig ko. Be panic? Baka be unique ang ibig sabihin ni Amy.
Pinabayaan ko na lang, I don't have the heart to correct her after being so
comforting to me.
"Salamat," Tinapos niya ang pagtugon sa sugat kong natamo sa paglalagay ng bandage
gauze sa palibot ng aking kamay.
Bumalik kami ni Amy sa kusina. Wala na roon ang mga bubog nang nabasag kong
pinggan, mukhang pinalinis na ni Manang. Hindi namin iyon napag-usapan nang bumalik
ako at nagpatuloy sa trabaho.
Nagpahinga muna ang mga Ponce nang makarating ang mga ito ng Tagbakan. It gave us
more time to prepare and help Manang Sisa in her cooking. I tried to help as much
as I can, naging maingat ako sa paggalaw ng kamay kong may sugat. We stayed at the
mansion until lunch time to serve them food.
"Patingin nga niyang sugat mo, Sai. Tumigil na ba ang pagdudugo?" I nodded.
Ipinakita ko kay Manang ang may bandage gauze kong kamay. "Sa susunod, mag-iingat
ka."
"Ayos lang po, Manang. Sorry po." Nagui-guilty pa rin ako. "Magkano po ba iyong mga
nabasag ko? Promise po, pag-iipunan ko."
Umiling ang matanda. "Ano ka ba?! Hayaan mo na iyon, sa sunod mag-ingat ka na lang.
Ako na ang bahala."
"Manang Sisa," kabadong tawag ni Jutay. Pareho kaming napalingon dito. "Um,
hinahanap po ni Ma'am Oleya iyong favorite plate niya raw po. Hindi raw po ito
kakain sa ibang pinggan." Jutay's voice was shuddering. I knew it was bad.
Muling nagtagpo ang mga mata namin ni Manang. Hindi ako mapakali. Alam ko namang
ang tinutukoy nitong mga glassware ay ang ilang nabasag ko kanina.
Nagpaypay ng sarili ang kaharap ko. "Grabe pala, tingin pa lang makamandag na. Sai,
tama bang pamilya ang papasukin mo?"
Napanguso ako.
Kapag hindi ko nakasundo ang sinuman sa pamilya nila, itatanan daw ako ni Cadence.
Am I seriously thinking about that right now? Mariing kinagat ko ang labi ko.
"Dadalhin ko muna itong ilang putahe pa." Kinuha niya ang tray sa ibabaw ng counter
at naglakad muli papuntang veranda. Habang dala nila ang mga pagkain, nililigpit ko
na ang ilang kalat sa kusina.
Dumating si Manang na busangot ang mukha. Nakaramdam agad akong hindi naging
maganda ang pag-uusap nila. Hindi ako umimik kahit gustong - gusto kong tanungin
ang matanda sa nangyari. May guilt pa rin ako. Kung hindi ba naman ako careless,
hindi ko mababasag ang mga gamit.
Ako ang naiwan sa kusina ng muling lumabas si Manang. Hinugasan ko na ang ilang
kitchen utensils habang wala pa ang mga kasamahan ko. I heard footsteps going to
the kitchen. Alerto akong tumingin sa dakong pintuan.
Pumasok ang isang lalaki. Medyo nanlaki pa ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung
sino ito. Ang gobernador! Ang papa ni Cadence. Stealing glance at his father, I am
sure, Cadence would also look like him when he reaches that stage of life. Hindi
maitatanggi ang resemblance niya sa kanyang ama.
Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang gobernador. I saw him when he was
introduced to the crowd, pero hindi ko ito nakadaupang - palad nang malapitan.
"Good afternoon," pormal na pormal ang boses nito. "Can you get me a glass of
water, miss?"
"Okay po,"
Akala ko'y aalis na ang gobernador matapos nitong magpakuha ng tubig, pero hindi.
Siguro ay may kailangan pa ito. Naglakas - loob akong magtanong.
"May kailangan pa po ba kayo?" I asked the governor. I conversed with the governor
in the province.
To my surprise, he shook his head and smiled. Kuhang - kuha nito ang ngiti ni
Cadence.
"Po?" Naguguluhan akong tumingin sa lalaki. Hindi ko alam kung anong tintukoy niya.
Instead, he just smiled which confused me even more. Hindi naman pala ganoon ka-
seryoso ang gobernador kagaya ng inaasahan ko. Well, he reminded me so much of
Cadence. After all, he's Cadence's father.
"A Calleja."
Signs
Nasa kusina si nanay, naghuhugas ito ng mga plato sa maliit naming lababo. Tumango
ako at nagmano. It was half truth, nakatulog ako sa kwarto ni Cadence matapos ang
maghapong trabaho namin sa mansyon. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Hindi rin
naman ako ginising ng kapre.
Nagising na lang akong nakayakap ito nang maghigpit sa akin at mahimbing din ang
tulog. He looked like an angel when he is asleep. Ilang minuto kong tinitigan ang
natutulog na si Cadence bago ko napilit ang sarili kong bumangon. I don't have the
heart to wake him up.
Naglakas - loob akong tumayo at dahan - dahang umalis sa kanyang kwarto. Pasalamat
na rin ako, hindi ko nakasalubong ang nanay ni Cadence sa pag-alis ng mansyon at
hindi man lang ito nagising.
Pinunasan nito ang may sabon bago ako pinahintulutan sa kanyang kamay. "Nauna na
kaming kumain, ipaghahanda na lang kita ng hapunan."
"Kahit ako na po, 'nay, kaya ko na naman pong ipaghanda ang sarili ko." sinabi ko.
Nahihiya naman akong magpaasikaso, alam kong pagod din sila sa gawaing pambukid.
Mas mainam na kung magpahinga sila.
Wala akong nagawa kung hindi sumunod, kagaya ng utos ni nanay, naupo ako sa silya
katapat ng mesa. Pinagsandok ako ni nanay ng kanin at ulam. I could smell the sharp
odor coming from the dish.
"May bagoong po?" Kinagat ko ang labi ko, sa isiping may bagoong ang lutong kare -
kare, parang nagbago ang pakiramdam ng sikmura ko, mukhang bumaliktad yata ito.
Hinain ni nanay sa harap ko ang pagkain. Sumabog sa ilong ko ang amoy ng kare -
kare. It didn't smell good. Agad akong tumakbo patungo sa banyo sa labas upang
sumuka. Ang sama ng aking panlasa. I tried to puke what I ate earlier, pero wala
namang lumabas sa aking bibig kung hindi bahagyang malapot na likidong parang
laway.
"Bakit ka sumuka? Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo, Sai?" sunod - sunog
ang tanong ni nanay. Hinawakan niya ako sa braso.
Umiling ako. "Sumama lang po ang pakiramdam ko, baka po nahanginan lang." sagot ko.
"Pero pwede po bang iyong mangga na lang po ang kainin ko? Parang nawalan po ako ng
gana sa kare - kare, may bagoong po."
Tiningnan niya ako. "Sigurado bang ayos ka lang?" she asked again.
I just nodded in reply.
Hindi na nag-usisa si nanay kahit pakiramdam ko'y hindi ito kumbinsido. She just
let the topic go. Nauna na ito sa kanilang silid. Samantalang nagsimula akong
magbalat ng mangga. I was craving it so bad. Mas appetizing pa ito kaysa sa ulam na
inihanda ni nanay. So, I proceeded to eat it with rice.
Hindi ko nagustuhan ang amoy ng bagoong sa kare - kare, matapang ang amoy nito para
maging sensitibo ang ilong ko. Kanina pa akong naglalaway sa mangga, sa mansyon pa
lang, naiisip ko na pagkain ng mangga. Gusto ko iyong hilaw na hilaw.
***
Permanente na ang trabaho namin nina Jutay sa mansyon, noong isang araw lang,
nakipagtanan ang katulong na kasamahan ni Manang Sisa. She was left with us three.
Hindi pa rin makakabalik si ate Rica dahil kapapanganak lang nito.
S'yempre, mas mataas ang sahod sa mansyon kaysa sa gulayan, may benefits pa na
laging nakikita ang kapre. Pero mataas din ang anxiety level ko. Pinalad ako ng
ilang linggong hindi makasalamuha ang ina ni Cadence at hindi ko alam kung hanggang
kailan ko matatagalan iyon.
"Por syur, marami na namang poging bisita ang mga Ponce." Humagikhik ito. Hindi ko
na narinig ang mga sumunod nilang pinag-usapan.
Break namin ng tanghali, we were eating on the back of the mansion. Hindi na kami
pinapauwi ni Manang tuwing tanghali. Pabor din naman iyon sa amin. Napatingin ako
sa dalawang nagtatawanan.
"Ano, 'te? Mabubusog ka n'yan?" Halos mapatalon ako sa pagkakaupo nang marinig ko
ang boses ni Jutay. Pinanliitan niya ako ng mata. "Mangga lang ang kakainin mo?
Buong maghapon pa tayo rito baka nakakalimutan mo."
Kinagat ko ang labi ko, napasulyap ako sa mesa namin, ilang buto nang mangga ang
nakatambak sa harap ko. Nagkatinginan kaming dalawa.
Ang totoo, mangga lang ang gusto kong kainin sa buong maghapon. Huminga ako nang
malalim.
It was a lie. Imbes na kumain ako ng almusal, sumuka ako ng banyo. Medyo masama ang
pakiramdam ko ilang araw na tuwing umaga, pero pinilit ko pa ring pumasok.
"Dadapilin ka, Sai! Dapat kumain ka kahit papano, saka masarap naman ang lutong
ulam." dagdag ni Amy.
They dismissed the topic eventually. Pero kahit wala na roon ang usapan naming
dalawa, bumabagabag pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari. Pakiramdam ko'y may
mali. Hindi lang ako sigurado kung ano.
Naliligaw pa rin ako sa kabuuan ng mansyon kahit ilang ulit na akong nakatapak at
nalibot ang lugar. I felt my stomach grumbled as I asked the question. Alam ko ang
ganoong pakiramdam, I'm going to throw up. Again.
Inginuso ni Amy ang kanang direksyon pagpasok namin ng mansyon. Bago pa siya
makapagsalita, mabilis ang naging lakad kong tinungo ito. Naabutan ko pa ang sink
bago ako tuluyang sumuka. Bumaliktad na naman ang sikmura ko.
Parang hinalukay ang intestines ko, pero wala naman akong naisuka kung hindi
malapot na likido. Nanghihina ang buong katawan kong tumuon sa lababo. Matutumba
yata ako. Pinagpawisan din ako nang malamig.
Her eyes were fierce like dagger. Pambahay lang ang suot niya pero napaka-
sopistikada ng dating.
Wala akong ideya kung paano kong sasagutin ang ginang. Natutop ang dila ko at hindi
makapagsalita. Ni hindi ko alam kug anong tinutukoy niya.
"You are seducing my son. I saw you in and out of my Cadence's room. Ang bata mo
pa, hija. Malandi ka na." She said every word full of spite.
"Hindi ko po alam kung anong problema niyo sa akin," mahinahon kong sinabi. "Hindi
ko na rin po problema kung nagpapalandi si Cadence. It takes two to tango. Kung
malandi po ako, nagpalandi naman po ang anak ninyo."
Halos tumalon ang kaluluwa ko sa gulat sa malakas niyang sampal sa aking pisngi.
Natigagal ako. Tumabingi ang aking mukha. Sa normal na sirkumstansya, hindi naman
ako iyakin, pero sunod - sunod na tumulo ang luha ko sa mata. I bit my lip to
refrain from sobbing.
Nawala ang matapang kong awra. Kung sina Teryo nagawa kong labanan, bakit sa mama
ni Cadence, parang aping - api ako?
Kahit kailan hindi ko naintindihan ang pinuputok ng butse niya. Simula't sapol,
mainit ang dugo sa akin ng babae. It was something I couldn't fathom. Why is she so
mad at me?
"Hinding - hindi ako papayag sa ano mang meron kayo ng anak ko. You are nothing but
a slut and hampaslupa!" Muli akong sinampal ng ginang. I was again insulted.
Instead of defending myself from her, natagpuan ko ang sarili kong umiiyak sa bawat
salita niya. Pakiramdam ko ang baba ng pagkatao ko at wala akong magawa upang
ipagtanggol ang sarili.
"Ma!"
Biglang may kumabig sa akin, his back was towering over me. Sinalag ni Cadence ang
kanyang katawan sa pagitan namin ng mama niya.
"What the hell?! Why can't you leave Everly alone? Wala naman siyang ginagawa
sa'yo!" Nagulantang ako sa lakas ng boses ni Cadence. "We've talked about this."
"Are you choosing her over me?! Oh my God! I can't believe you, Cade!"
"You're the one being unbelievable, Ma." He replied coldly. "The next time I saw
you lay a finger on her, and it's over for you."
"How dare you?! Anak lang kita!" Hinawakan ni Cadence ang kamay ko. Iginiya niya
ako palabas ng CR kung saan ako nakorner ng nanay niya.
"I'm your son, Mama, and you have to respect me as much as I do to you, that also
means respecting the woman I chose to love." Hinigpitan ni Cadence ang magkahugpong
kamay naming dalawa.
Hindi ko na nagawan sulyapan ang ina ni Cadence. Sigurado naman akong umuusok ang
ilong noon sa inasta nito. I couldn't also look at Cadence. My mind and body was
shocked as we walked away on that scene.
Basa pa rin ang pisngi ko sa pag-iyak sa komprontasyong naganap. Agad iyong pinahid
ni Cadence nang makarating kami sa kwarto niya. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama.
He looked at my bare face, his eyes were worried. "I'm sorry I was late to rescue
you from the evil queen. Does it hurt?" He even joked the first line, masuyong
nagtanong si Cadence. "Do you need some cold compress so it won't swell?"
Umilig ako.
"It's okay. Okay naman ako. Mukhang mag-aaway pa kayo ng mama mo ng dahil sa akin.
Sorry, kapre." napanguso ako. I tried to stop my tears from falling again but it
wouldn't budge.
Inilapat niya ang noo sa akin. "Stop saying sorry. Wala kang kasalanan." Cadence
kissed my forehead softly. "Ako dapat ang humingi ng paumanhin, hindi kita
naipagtanggol kanina. Nasaktan ka tuloy."
Yumakap ako sa kanya. Muntikan pa kaming gumulong sa carpeted floor ng kwarto niya
sa bigla kong panyayakap. Cadence laughed. So did I.
Hindi ako nagtagal sa kwarto ni Cadence. Agad din akong bumalik sa trabaho nang
makumbinse ko itong ayos lang talaga ako. I was still shaken a bit. Pero may
trabahong naghihintay sa akin sa ibaba.
Nag-usisa si Amy kung bakit ako natagalan sa CR, mukhang hindi naman nakarating sa
mga ito ang pagsugod ni madame Oleya. Nagsinungaling ako sa sagot ko sa kanila.
Ayoko nang madamay pa ang mga kaibigan ko.
After that incident, mas lalong humirap ang trabaho ko sa mansyon. Ang daming utos
ng ina ni Cadence. Lahat naman iyon sinusunod ko sa abot ng aking makakaya. Walang
araw na hindi ito nagbigay ng utos. Minsan tinutulungan ako ng mga kaibigan ko pero
busy din sila sa nalalapit na pagdiriwang.
Pati ang kwadra ng mga kabayo, sa akin nito pinalinins. Hindi ko naman iyon
trabaho. May mga taong nakatalaga para maglinis at magpaligo ng mga kabayo. I was
lucky to have an experience with Meow.
Minsan pinapapunta niya ako sa gulayan upang kumuha ng mga sariwang prutas para sa
shake na hindi naman nito iinumin. Wala naman akong karapatang magreklamo. Kahit si
Manang Sisa, walang magawa.
"Where are you going?" taas ang kilay nang papalapit na si Cadence.
Natanaw ko ang grupo nina Teryo hindi kalayuan. Sinangga ko ang init ng araw para
makita ang kabuuan niya.
His brow rose even more. "I saw you going there earlier. Ang init, babalik ka na
naman?" tanong nito. "Akala ko ba inaalagaan mo ag kutis mong maitim?" He chuckled
at his last remark.
"Isn't it right?"
"Bakit ka babalik doon? The sun's as hot as me." He wriggled his eyebrows. Sumandal
siya sa haligi ng kwadra. Mas lalong napairap ako. Ang kapal ng apog niya kamo.
"Wala akong choice. Mali ang nakuha kong prutas." I told him.
More likely, nagbago na naman ang isip ng kanyang ina sa gusto nitong kainin para
mas lalo akong mahirapan. I didn't say that. Ayokong palakihin pa ang away nilang
mag-ina.
Hindi pa ako nakakasagot, tinawag na niya ang kalalakihan. Ang F4 na mukhang tubol.
Hindi naman sila ganoon ka-panget, I just hated them before for bullying my skin
color. Mukha lang talaga silang na-puberty hits hard. Ngayon batak na batak na rin
sila sa gawaing pang-hacienda.
Tumikhim si Rambo. Nagkatinginan kami ni Cadence, kumindat pa ang loko kaya rinig
ko na naman ang kantyaw ng grupo ni Teryo. Para silang mga bulateng nilagyan ng
asin. Nakakainis!
"Hinog na papaya, siguro mga tatlo para mayroong pagpilian. Iyong maganda ang
quality. 'Wag niyo itulad sa inyo."
"Awts, Sai!" Humawak pa sa tapat ng dibdib si Mamag for dramatic effect. I shook my
head at his drama.
"Sa mama ni Cadence, kaya dapat fresh ang puti sa papaya." sagot ko rito nang
nakapameywang.
"Kay mama?"
Tumago ako.
"She d-doesn't like papaya?" pag-uulit ko. Hindi ako kumbinsido kung tama ang aking
unang narinig.
My jaw almost dropped. Out of nowhere, bigla na lang nagsipaglaglagan ang mga butil
ng luha ko. Siguro, sa pinagsama - samang stress at pago hindi ko na napigilan ang
pag-iyak. She has been summoning me to get the fruits she wanted.
Matapos kong kumuha ng watermelon, pinya, singkamas at kahit ube, ire-reject niya
ang mga iyon at magpapakuha ng papaya. She doesn't even eat the fruit!
Pinaalis muna ni Cadence ang grupo ni Teryo. He looked confused at my tears. Kahit
ako naguguluhan kung bakit ako umiiyak, hindi naman ako iyakin. These days, I was
so sensitive at anything. Pati yata ang pagkamatay ng mga lamok, kulang na lang ay
iyakan ko. Hinigit niya ako sa bahagyang tagong parte ng kwadra.
"Is there anything I can do? Just tell me, litt." He wiped my tears. "Why are you
crying all of a sudden?"
Humikbi sko nang humikbi. "Iyong m-mama mo kasi, pagod na pagod ako... hindi naman
pala niya kakainin iyong mga pinapautos niyang prutas. Pabalik - balik na lang ako
lagi sa greenhouse." Hindi na ako nakatiis, isinatinig ko ang hinaing ko kay
Cadence.
He gritted his teeth. His expression of worry changed into annoyance. Pinasadahan
niya ng mga daliri ang kanyang buhok upang guluhin ito sa frustration.
"How many times did she do it?"
"H-hindi ko alam..."
"Cadence..." Pinahid ko ang natitirang basang luha sa pisngi ko. Masuyong gumawi
ang atensyon niya sa akin. "'Wag mo nang awayin ang nanay mo. Okay naman ako. Hindi
na ako iiyak. Mama mo 'yon. Hindi ko naman sinabi iyon para magpakampi at awayin mo
siya."
Kinabig niya ako papalapit sa kanya, sumubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. I
could hear his heart beats. Mabilis ang tibok ng kanyang puso gaya ng akin. They
have their own rhythm.
"I'm not promising, Everly." He sighed. "I hate how she treats you like garbage and
crap. Hindi mo iyon deserve."
"Hayaan na lang natin, baka mapagod din siya sa trip niya sa buhay." pangungumbinse
ko pa rito.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at siuklian ko rin iyon ng yakap.
Napabahing ako nang maamoy ko ang pabango ni Cadence. Ang sakit sa ilong.
Mas lalong nagtaka ang kanyang mata. Pasimple niyang inamoy ang shirt na suot. "I
just showered, what's wrong with your nose?" magkasalubong ang kilay niyang tanong.
Mas lalong kumunot ang noo nito. "What the fuck?!" Cadence was confused. "I was
using the same perfume since the first time I saw you. Sasabihin mo sa akin, all
these time, kaamoy ko sina Teryo?" Mukha siyang offend na offend.
Ngumuso ako. "Basta! Ang baho! Ayoko ng amoy mo, palitan mo 'yan!" Medyo naiinis na
ako.
He shook his head. Isip na isip siya sa nangyayari. Hindi pa ito nakakasagot nang
makarinig kaming dalawa ng kaluskos patungong kwadra. Kinagat ko ang labi ko.
Naghiwalay kaming dalawa ni Cadence. Ibinalik ko si Sandro sa kanyang pwesto.
Binati ko ang namumukhaan kong tauhan ng hacienda. They also greeted me, pero mas
nakipaghuntahan ang mga ito kay Cadence. Sumenyas lang akong babalik na ako ng
mansyon. He just nodded and winked at me. Hindi pa ako sigurado kung napansin iyon
ng mga kausap niyang lalaki.
"Nakabalik ka na? Ang bilis naman!" bulalas ni Amy nang pumasok ako ng backdoor.
"Ay, wow! Buti nautusan mo, napakabatugan pa naman ng mga iyon!" Mas lalong lumawak
ang ngisi ko. S'yempre may back up. Sigurado akong kung hindi dahil kay Cadence,
hinding - hindi mauutusan ang grupo ni Teryo.
Tumulong ako kay Amy sa pagbabanlaw ng mga hinugasang plato. Naka-assign si Jutay
sa paglilinis ng mansyon, Manang Sisa was with him. Bumaba lang si Manang upang
ipagluto ng tanghalian ang mga Ponce. Assigned si Amy sa paghuhugas ng mga
glasswares na ginamit sa lunch.
Personal assistant yata ang role ko rito sa mama ni Cadence. I shook my head.
Muntik nang maalpasan ni Amy ang hawak na pinggan sa gulat sa bagong dating. She
looked terrified and trembling.
Humarap ako sa ginang. The woman was fuming mad. May dala itong supot na may lamang
tatlong papaya. Nakabalik na sina Teryo, nalimutan ko pa lang paalalahanan ang mga
itong ibigay muna sa akin ang papaya, hindi sa mismong mama ni Cadence.
Laking gulat ko ng bigla niyang itapon sa harapan ko ang hinog na papaya. The
ripened papaya broke into pieces. Nagkalat iyon sa buong sahig. Alam kong takot na
takot si Amy sa nasaksihan, humawak pa ang malamig niyang kamay sa braso ko.
Sayang ang papaya. At panibagong linisin na naman ang nagkalat nitong mga pira -
piraso.
"I specifically told you to bring me these! Anong karapatan mong utusan ang mga
lalaking iyon? Ikaw ang katulong dito!" She shouted again. Nagyuko lang ako ng ulo
para hindi ko masalubong ang matatalim niyang tingin.
"Hindi sila ang binabayaran ko!" galit na galit nitong sabi. "Gusto mo bang mawalan
ng trabaho? Do you want this job or not? Kayang - kaya kong tanggalin ka rito sa
mansyon or sa greenhouse, at kayang - kaya kong palayasin ang angkan mo rito, Sai!"
Pinilit kong magpokus sa bawat salitang binibigkas nito, pero hindi roon bumaling
ang atensyon ko. I felt nauseous suddenly. Huminga ako nang malalim para isantabi
ang pakiramdam, pero hindi iyon nawala. It even worsened.
Namamawis ako nang malagkit. Wala na akong masyadong pakiramdam sa paligid. Hilong
- hilo ako.
The next thing I remember, bigla na lang bumagsak ang katawan ko sa sahig. Nawalan
ako ng malay.
***
Chi xx
Kabanata 34
Backstory
Nagising ako sa pamilyar na kwarto namin ni Nena. Tiningnan ko ang aking kabuuan, I
was still wearing the same clothes I wore earlier. Luminga - linga ako sa paligid.
I was trying to recall the incident that happened.
"Tiya! Gising na po si Sai!" narinig ko ang malakas na hiyaw ni Nena. Noon lang ako
napalingon sa gawi niya. She was looking at me, wide-eyed. Wala pa ako sa wisyo.
Hindi ko tanda kung paano akong napunta sa ganitong lagay.
"May amnesia ka?" Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Nena. "Natumba ka raw at
nahimatay. Dinala ka rito ni kuya Cadence."
Magtatanong pa sana ako nang bumukas ang pinto. Inuluwa noon si tatay imbes na si
nanay. His face looked serious. Agad akong nakaramdam ng kaba.
Pinilit kong alalahanin ang mga pangyayari. Unit - unti iyong bumabalik sa aking
ulirat. Inutusan ako ng mama ni Cadence na kumuha ng prutas sa greenhouse, and she
rejected the first batch just like what she was doing most of the time.
Tinulungan ako nina Teryo para kumuha ng papaya, at nagalit ang ginang. She
confronted me and the last thing I remembered, I passed out.
"Alam ko naman po iyon, gusto ko lang pong kumita ng sarili kong pera..." Iniwasan
ko ang kanyang mga mata.
"Inaapi ka ba sa mansyon?"
Mas lalong trumiple ang tibok ng puso ko. Marahan akong umiling. "H-hindi po,"
Hindi ako sigurado kung matatawag na iyong pagsisinungaling. Halos kapareho lang ng
pang-aapi ang pagpapahirap.
Natatakot akong baka mas lalong magkagulo kung sasabihin ko sa magulang ko ang
totoong nangyari, isa pa, lalabas rin at mahahalungkat ang totoong ugnayan namin ni
Cadence.
Patago ang relasyon naming dalawa sa takot kong tutulan iyon ni tatay. Her mother
is already against us, I don't want another obstacle.
"Anong nangyari?" muling pag-usisa ni Nena. "Bakit ka nahimatay? May sakit ka ba,
Sai?"
Umiling ako bilang sagot. "Hindi mo ba narinig ang usapan namin ni tatay?" Inirapan
ko siya. Hindi siya ang makakapagpaamin sa akin.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ko at pinagkrus ang braso sa kanyang dibdib. "Alam mo
bang galit na galit si tatay noong hinatid ka ni kuya Cadence at Lorenzo na walang
malay? Sinuntok ni tatay si kuya Cadence sa panga."
My eyes widened. Ilang minuto akong tumitig kay Nena. "Pakiulit ng sinabi mo!"
Kumunot ang kanyang noo at napailing. "Sabi ko, sinuntok ni tatay si kuya Cadence
sa mukha, baka nga nabungian siya ng ngipin." nakangiwing kwento niya. Nagpatuloy
si Nena sa pagtutupi niya ng kanyang damit. Hindi niya pinansin ang tulala kong
estado.
Nang tumimo sa isip ko ang sinabi niya, napatayo ako mula sa pagkakaupo sa katre.
Mabilis kong tinungo ang pinto.
"Saan ka na naman pupunta?" Hinigit ni Nena ang braso ko. Her face looks worried.
"Kung balak mo puntahan si kuya Cadence, 'wag ngayon. Baka mas lalo lang lumala,
lalong magagalit si tatay."
Bumitiw siya sa pagkakahawak sa akin. Huminga ako nang malalim. Nena was right.
Baka mas lalo pa akong makadagdag sa problema kapag pipilitin ko ang gusto ko. I
felt emotional. Naiiyak na naman ako sa kalagayan namin ni Cadence.
Hindi ko lubos na maisip na sinuntok siya ni tatay. Alam kong hindi siya gaganti. I
was worried about him.
Muli akong bumalik sa reyalidad nang magsalita si Nena. Tumango ako sa kanya bilang
sagot. I need a little bit of time to think on my own and things are awkward for
her. Pasalamat na lang ako at hindi siya gaanong papansin ngayon, sinaalang - alang
niya ring wala ako sa mood.
Naupo ako sa kama, I was too stressed with Cadence's mother and with what happened
earlier. Pinikit ko ang mata ko, wala pang ilang segundo, nakaramdam ako ng
paghalukay ng t'yan ko.
I composed myself before I went back to our house. Dumiretso ako sa kwarto namin ni
Nena. Wala roon ang pinsan ko, pero mayroong isang baso ng tubig ang iniwan niya sa
mesa katabi ng kama. Inisang - lagok ko ang baso.
Hindi pa ako nakakabalik sa kama, kumalam na naman ang aking sikmura, agad akong
natakam sa maasim na mangga. I bit my lip. These past few days, that's the only
fruit I wanted to eat.
Bumaba akong muli sa kusina. I still have some mangoes, binigyan ako ni Amy ng
panibagong supot nang mapagtanto nitong nahihilig ako rito. Nagbalat ako ng mangga.
Imbes na bagoong ang ipares ko sa mangga, isinawsaw ko iyon sa sukang may sili. It
was the best mango I ever tasted. Pati panlasa ko, pabago - bago sa panahon.
Tumigil lang ako sa pagkain nang mapansing paubos na ang supot ng manggang ibinigay
sa akin ni Amy. Balak ko pa namang tipirin iyon. Pero isang sunggaban lang, ubos na
agad ang mangga. Napakamot ako sa ulo.
I yawned and returned to our room to take a rest. Ipagpapasabukas ko na ang mga
pangyayari. Pagod na pagod pa rin ang katawan ko.
***
"Cadence!"
Paakyat na ito ng hagdan nang tawagin ko, mabilis ang lakad kong papalapit sa
kanya. Ilang araw akong hindi pinapasok ni tatay sa mansyon upang makapagpahinga
matapos ang insidenteng nahimatay ako. Hindi ko siya nakita ng medyo matagal.
Nagpumilit lang akong pumasok sa trabaho ng araw ng pa-piging ng mga Ponce.
Balita sa akin ni Nena, madalas bumisita si Cadence tuwing tulog ako. Pero bilin ni
tatay na hindi papasukin ang binata.
Tumigil ito sa unang baitang at humarap siya sa gawi ko ng walang emosyon. His eyes
were cold. He stared at me blankly. Somehow, it scared me.
"Totoo bang..." Huminga ako nang malalim para kumalma. "Totoo bang sinuntok ka ni
tatay? Nasaktan ka ba? Sorry, hindi niya ako pinayagang lumabas ng bahay hangga't
hindi pa raw ako magaling. Wala naman akong sakit."
Kumunot ang noo ko. "May problema ba? May problema ba tayo?" naguguluhang tanong ko
kay Cadence.
Mas lalo akong humakbang papalapit sa kanya. Sinuri ko ang kabuuan ng kanyang
mukha. Tumingkayad ako para mas makita ko ang mukha niya nang malapitan.
Itinaas ko ang aking kamay para damhin ang balat ni Cadence. There was still a dark
lump on the side of his lips. Mukhang tama ang sinabi ni Nena, sinuntok nga ni
tatay si Cadence.
"Sorry..."
Agad akong nagbaba ng kamay nang makarinig kami ng pagtikhim. Bumilis ang tibok ng
puso ko. Ilang baitang ang layo ng Papa ni Cadence. Pormal itong nakatayo roon.
Nakaramdam ako ng konting hiya.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Una na ako," Muli kong sinulyapan ang gobernador.
"Magandang araw po, governor." I slightly vowed my head.
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Ang bigat ng pakiramdama kong nilisan ang
sala. It wasn't what I expected when I saw him. Pakiramdam ko ang lamig ng
pakikitungo niya sa akin. Bago naman humantong sa ganito, ayos naman kami noong
nakaraan.
What changed?
Ibinaon ko muna ang kung anong mayroon sa pagitan sa amin ni Cadence upang makapag-
focus ako sa kusina. Abalang - abala ang lahat sa mga gawain para sa piging na
gaganapin mamayang gabi.
Nginisian ko lang ang matanda at humingi ng paumanhin sa ilang araw na absences ko.
Si tatay naman ang hindi pumayag sa pagpasok ko, sinunod ko na lang siya para tapos
na ang usapan.
"Sai, ako na." offer ni Rambo. Binitiwan ko ang buhat kong upuan. "Nabalitaan
naming hinimatay ka raw, ah. Sobrang matapobre yata ang mama ni boss."
"Salamat,"
"No problem, kami ang mapapagalitan ni boss kung hahayaan ka naming magbuhat nang
mabibigat." Nakangisi nitong sinabi. Umiling ako at nagpaalam sa kanya.
Everyone was trying to takeover my work. Si Jutay at Amy, hindi rin ako masyadong
pinapatulong sa paghuhugas ng mga kasangkapan. Ayoko ng walang ginagawa. Mas lalong
hindi mapakali, maswerte akong hindi ko pa nakakasalubong ang ina ni Cadence sa
liit ng hacienda para sa aming dalawa.
Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Balatan mo na lang itong ube, at hati - hatiin
mo ng parisukat." I nodded. Binuksan naman ni Manang Sisa ang mga gatas na nasa
lata.
"Ah," That's all I could reply. She was referring to Cadence's father.
"Noong una, pariwara ang magkakapatid na iyan, lalong - lalo na si Benjie. Sino ba
namang mag-aakalang magiging public servant ang loko - lokong bata?" Tumawa si
Manang. "Buti na lang nakakakilala ng matinong babae iyang si Benjamin. Tumuwid ang
landas, natuto ng mas simpleng buhay, hindi lang puro pagwawaldas ng pera. Paborito
nilang dalawa ang ube halaya."
Hindi ko naman akalaing ganoon pala ang ginang. It was nice to know she isn't just
that bitchy.
Manang Sisa shook her head and laughed. "Sino bang nagsabing si Oleya ang tinutukoy
ko?"
Muli siyang umiling. "Hindi, Sai. Hindi si Oleya ang tinutukoy ko."
I bit my lip. "Kung hindi po siya? Bakit po sila ang kasal ngayon? Bakit po siya
ang kasama ngayon? Bakit po siya ang napangasawa?"
All this time, nakatunghay lang ako kay Manang. Hindi nawala sa kanya ang atensyon
ko.
Manang smiled cryptically. Magtatanong pa sana akong muli nang makarinig kami ng
yabag papasok ng kusina. Bumungad ang babaeng kanina lang ay pinag-uusapan naming
dalawa. Hindi ako nito binigyan ng pansin.
Hindi na nasundan ang kwentuhan namin ni Manang Sisa tungkol sa lovestory ng Papa
ni Cadence. Hindi ko nagawang itanong ang mga bagay na gusto kong bigyan ng
kasagutan. Nanatiling curios ang pagkatao ko sa kanyang sinabi.
Baka masyadong miserable ang buhay ng ina ni Cadence kaya gusto rin nitong
pahirapan ang nasa paligid niya. It isn't my story to tell. Tinapos ko ang paggayat
sa natitirang ube at tumulong sa pagluluto ng ube halaya.
***
Umuwi lang ako at nagpalit ng damit. Sumabay na sa akin si Nena patungong gitna.
Pareho kaming bestida ang suot. I was wearing a mustard-colored summer button dress
while she was wearing a floral pattern skater dress. Nabili ko ang bestida sa
lumang tiyangge.
Inihanap ko ng pwestong pagtatalian si Meow sa kwadra kasama ng mga friends niyang
kabayo bago ako nagtungo sa mansyon. Obligado pa rin kaming tumulong sa pagsi-serve
kung sakaling dumagsa ang tao. We were assigned in the kitchen most of the night.
Marami ng tao ang nasa pavilion. Luminga - linga ako sa paligid para hanapin si
Cadence. Si Hadley lang ang nakita ko sa magkakapatid, ni hindi ito ngumiti sa
akin.
Sumama ang tingin sa akin ni Jutay, umirap ang kanyang malalantik na pilik - mata.
"Huwag mo akong kausapin kung ganyan ang itatawag mo sa akin, Sai. Aba, punyeta!"
pikon na pikon nitong wika. Mas lalo akong natawa. Nag-apir kaming dalawa ni Amy.
"And'yan na pala kayo," Mabilis ang lakad ni Manang papasok ng kusina. "Pasensya na
kayo at mukhang hindi ninyo mae-enjoy ang unang bahagi ng pagtitipon."
"Wala pong problema, saka mga talumpati lang naman po iyon. Medyo boring." Kinurot
ko si Jutay sa tagiliran. Tumingin ito sa akin ng masama. "Joke lang po, Manang."
"Dito muna kayo, para mas madali ko kayong magagilap kung sakaling may ipapagawa
ako sa inyo."
"Nga pala, may pagkain dito, pwedeng - pwede na kayong kumain kailan niyo
gustuhin." Manang told us. S'yempre, the food is in the kitchen.
May ilang mga paalala si Manang bago niya kami iniwan sa malaking kusina. Nasa
kusina ang chefs para sa event. I could hear the music outside. Ang sigla nitong
pakinggan.
"Totoo," sang-ayon ni Amy. "Mas okay siguro kong nasa labas din tayo at
nakikisaya."
They both looked at me. "Silipin lang natin ang pavilion?" Jutay wriggled his
eyebrows. Mabilis na tumango - tango si Amy bilang tugon.
Umiling ako. Hindi naman ako killjoy, pero mas gusto kong manatili sa loob. Baka
magalit si Manang kapag hindi niya kami nadatnan sa kusina.
"Babalik din agad tayo." pangungumbinse pa ni Amy pero muli akong umiling.
Mabilis na nawala ang mga ito sa paningin ko. Nawala ang atensyon ko sa dalawaa ng
tawagin ako ng cook, she made me cut small pieces of onions. Sinunod ko ang klase
ng gayat na gusto nito.
Sampung minuto na ang lumilipas hindi pa rin bumabalik sina Amy at Jutay. Kinagat
ko ang labi ko, kinain ko rin ang sinabi kong hindi ako lalabas. Natagpuan ko ang
sarili kong binabaybay ang sala ng mga Ponce, pero imbes na sa labas dumiretso,
naagaw ang atensyon ko ng pamilyar na pigura.
Napatigil ako sa paghakbang. Marlyn Ruseph was going upstairs. I blinked several
times. Nang masiguro kong siya ang babae, humakbang din ako kung saan siya patungo,
gumawa lang ako ng pagitan naming dalawa. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko.
Tanaw na tanaw ko siya hindi pa man ako nakakaakyat ng tuluyan sa hagdan. She was
eyeing the rooms. Kinagat ko ang labi ko habang hinihintay siyang gumalaw.
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kong tinatahak nito ang
daan patungo sa kwarto ni Cadence. Kitang - kita ko ang pagkatok niya sa pinto.
Pero mas lalo akong nabigla nang bumukas ang pinto ni Cadence, I couldn't see his
face, at pumasok ang babae.
Nakaramdam ako ng iba't ibang emosyon. I was jealous. Ako lang dapat ang may
karapatang pumasok sa kanyang kwarto, wala ng ibang babae
Anong gagawin nila roon? Gagawin din ba nila iyong ginawa namin ni Cadence tuwing
nasa kwarto niya? I'm not talking about sex, but the small kisses, the giggles and
cuddles.
Pigang - piga ang puso ko. Tumakbo ako pababa ng hagdan, nawala ang lakas ko para
komprontahin silang dalawa. I felt betrayed.
Wala na akong pakialam kong saan papunta ang mga paa ko. I was distraught. Halos
tumilapon ako nang mabunggo ko ang isang poste, pero hinawakan ako noon sa braso
para pigilan ang pagkahulog sa sahig.
"Wala, bitaw!"
Hindi ko na ito kailangan pang sabihan ng isa pa, binitiwan ako ng lalaki. Halos
mawalan pa ako ng balanse.
Lumingon ako sa kanya. "Saan ka galing? Halika na, may trabaho pang utos si Manang!
Kanina ka pa namin hinahanap!"
Nagkatinginan kami ni Hadley. He was about to say something, but I didn't stay to
hear it. Sumunod ako kay Jutay. Hindi ko alam kung anong ipa-prioritize ko, gustong
- gusto ko nang umuwi sa bahay at magkulong sa kwarto pero may naiwan pa akong
trabaho.
Tinulungan ko silang mag-serve sa bawat tray. Ilang ulit akong nagpabalik - balik
sa kusina to transfer food on the main venue. Nakaramdam na ako ng pagod at
panghihina.
Hindi ako sumagot. Kumunot ang aking noo nang maamoy ang kakaibang amoy mula sa
isang putahe. I bit my lip. I felt like my stomach was churning in annoyance with
the sharp smell coming from the dish.
"May bagoong ba ito?" tanong ko kay Jutay ng hindi nililingon ang bakla.
Tinakpan ko ang aking ilong. Huminga ako ng ilang ulit para alisin ang mabaho at
malansang amoy.
"Bicol express 'yan, Sai. Mayroon 'yang bagoong. Ano bang problema kung meron?" He
raised a brow.
"Sensitive ang ilong ko sa amoy." Ibinigay ko kay Jutay ang serving. I can't take
the smell anymore. "Nasusuka ako."
"Hala! Shet!" Nataranta ang kaibigan ko. He looked unprepared with the situation.
Tinuro niya ang daan patungong CR. Malalaki ang hakbang kong tinungo ang bowl upang
sumuka. Bawat pagsuka ko ng walang lumalabas, parang hinahalukay ang aking t'yan.
Naiiyak ako.
Hindi lang ito ang unang insidente ng pagsusuka ko. I really need to go and see a
doctor. Baka kung anong sakit na ang mayroon ako.
Pinahid ko ang gilid ng aking lab at nagmumog ng tubig sa sink. Naghilamos ako ng
mukha, pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na alam ang gagawin.
Binalikan ko si Jutay matapos kung sumuka ng walang laman. He was just standing
there, eyeing me from head to toe. Mayroong kakaibang ekspresyon ang nakapaskil sa
kanyang mukha.
"Mayroon ka bang parang weird cravings?" isa pang tanong niyang tumutugma sa
nangyayari sa akin ngayon.
Ako? Buntis?
Kabanata 35
Consequences
Ako? Buntis?
May nangyari sa amin ni Cadence. Hindi lang isang beses. We did the sacred thing
many times. Kabang - kaba ang buong pagkatao ko. I observed myself, my cravings and
my sick stomach every morning. Madalas din ang pagiging antukin ko.
Hindi pa ako dinadatnan. Agad kong binilang ang mga araw. Kagat - kagat ko ang labi
ko. Anong gagawin ko kung sakaling totoong buntis nga ako?
Nabitiwan ko ang hawak kong baso ng bigla na lang hampasin ni Nena ang mesa. Tuliro
ako at wala sa sarili. Ganoon na lang ang ngisi ng magaling kong pinsan.
"'Wag mong pakaisipin, hindi ka mahal no'n." she even said. Naglabas ito ng tasa at
kape.
Hindi ko pinansin si Nena, buo na ang aking desisyon. Kailangan kong pumunta ng
bayan para makasiguro. Mabilisan akong naligo nf hindi pa bumabangon ang mga
magulang ko para mag-almusal. Tanging kami ni Nena ang sobrang agang nagising.
Problemado ako simula ng buksan ni Jutay sa isipan ko ang posibilidad na maaaring
buntis ako.
"'Nay!"
She looked at me. Nag-iinat pa ito ng mga braso. "Ang Aga mo, anak. May problema
ba?"
"Wala naman po, gusto ko lang po sanang magpaalam dahil birthday ng kapatid ni
Jala, imbitado po ako. Kung pwede po sana akong makaluwas ng bayan." Nilunok ko ang
aking kaba. I tried to play it cool.
"Walang problema, nga pala, pupunta ka na rin lang naman, hatiran mo na sila ng
inaning prutas na kaparte natin." utos nito.
I nodded. Mabilis kong sinunod ang sinabi ng aking ina. Binalot ko ang dalawang
malaking pakwan. Their size bother me, kapag nagkataon, ganoon ang kahihinatnan ng
tiyan ko.
Wala pang alas diyes, sumugod na ako sa tambayan nila Teryo. Sila ang kilala kong
kayang mamasada papasok at palabas ng hacienda. Mas mahihirapan ako kung sasakay pa
ako sa Mabato. Siya ang naghahatid sa akin noon kana Tiya.
Lumingon ito sa akin na may lollipop sa bibig. Pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Anong sadya mo? Bakit naparito ang anak ng dilim?" natatawang tanong nito.
Kung hindi lang ako nagmamadali at wala sa mood makipag-biruan, papatulan ko ang
kanyang sinabi. I didn't want to entertain another inconvenience.
"Saan ang punta mo? Hindi mo kasama si boss?" may gana pa itong magtanong.
Umirap ako sa ere. "May pupuntahan akong birthday." maikli kong paliwanag.
Busangot na busangot ang mukha kong nameywang sa kanya. "Nanggigil ako, Teryo!
Isusupalpal kita, makikita mo ang hinahanap mo." Iritadong - iritado ako sa
pagmumukha niya.
"Kalmahan mo, Sai!" tatawa - tawa itong itinaas ang kamay sa ere. "Para kang
naglilihi, galit na galit?"
Napatigil ako. Pinamutlaan ako sa sinabi ni Teryo. I looked away. Was I the only
one oblivious to what's happening inside my body?
"Sakay na."
Inayos niya ang tayo nang nakaparadang motor. Nang makasakay ako sa puwesto,
pinasibad niya ang motor paalis ng Tagbakan. Ang bilis ng takbo ng motorsiklo,
kasing bilis ng tibok ng puso ko.
Narating namin ang bayan ng mabilis, hindi na rin ito nagtanong. Nagpababa ako sa
dulo ng eskinita nina Jala. Ibinilin ko kay Teryo na sunduin ako nito matapos ang
dalawang oras.
Pakiramdam ko'y sobra pa ang dalawang oras, ayoko namang bumalik ng maaga baka mas
lalong magduda ang magulang ko. Ang paalam ko sa kanila sa birthday ng kapatid ni
Jala ako dadalo. Ang totoo, wala namang birthday party na magaganap at hindi rin
birthday ng kapatid niya.
Agad akong sinalubong ng kanilang asong si Bantay sa gate. Ilang beses na akong
nakapunta sa kanila kaya kilala na rin ako ng aso. Bumukas ang pinto at bumungad
ang naka-shorts na matambok. Agad na tumakbo si Jala sa gate ng kanilang bahay,
muntik pa itong madapa.
"Sai!" excited nitong binuksan ang gate. "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka
napadalaw?" Niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi naman ako makaganti sa hawak kong
supot ng dalawang bilog na bilog na pakwan.
Tumango - tango si Jala, kinuha niya ang supot. "May problema ba? Hindi mo ako
idadahilan sa simpleng bagay?"
"Sigurado ka ba?"
"Oo, medyo." Napailing ako. I tried to hold back my emotions. Biglang bumalik ang
takot. "Promise, I will tell you. I just have to do one thing."
Hinawakan ni Jala ang kamay ko nang mahigpit. She nodded at me. "Whatever your
problem is, I know you'll survive it. Kung sawi ka man, tandaan mo lang palaging,
andito lang ako." Muli niya akong niyakap. "Salamat sa pakwan, Sai."
Hindi nagtagal nagpaalam na rin ako kay Jala upang puntahan ang sadya ko sa bayan.
Hindi naman kalayuan ang botikang bibilhan ko ng pregnancy test kits. Nilakad ko na
lang ang pagitan noon.
Ilang minuto kong tinitigan ang sign ng botika. Huminga ako nang malalim ng ilang
sunod bago ko itinulak ang pinto at pumasok sa loob. Isang babae lang ang
nagbabantay, maybe, I was lucky.
Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Ano po ang sa inyo?" She politely asked.
Nanginginig ang tuhod kong lumapit sa counter. Tanging kabog lang ng dibdib ko ang
naririnig ko. I didn't think I clearly pronounced the names.
"Ilan po?"
Wala sa sariling napatango ako. Mabilis ko ring binawi at napailing ako. "H-hindi
po, p-pangalawang beses na po..."
Tumawa ang babae. "Pasensya na, sa mama mo nga pala. Akala ko sa'yo, eh."
Hindi na ako nagkomento, binayaran ko ang presyong sinabi ng babae. Kabang - kaba
kong tinanggap ang maliit na supot. Nang makalayo ako sa pharmacy, tinapon ko ang
resibo at ang supot na pinaglagyan ng PTs, pinagkasya ko iyon sa aking bulsa.
Hinintay ko si Teryo sa shed kung saan ang pinag-usapan naming waiting place.
Kulang na lang lamukin ako sa paghihintay sa tagal ng lalaki. Wala pa akong kain.
Going into Jala's house for her brother's party was just an alibi. Ayokong gumastos
ng malaki.
"Akala ko ba may pupuntahan kang birthday party, bakit ang aga mo namang umuwi?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya, nagdire-diretso ako sa banyo upang simulan ang
kailangan kong bigyan ng kasagutan. Kung ano ang resulta ng binili kong pregnancy
test kits.
Huminga ako nang malalim, I peed, and placed an amount of pee on the four of them
just like what I was instructed to do. Sunod - sunod ang ginawa ko. I closed my
eyes, my heart was palpitating hard inside my chest.
Buntis ako.
Iyon ang nakalagay sa hawak kong pregnancy test kit. Dalawang guhit. Ibig sabihin
buntis ako. May laman nang buhay ang aking t'yan. Maka-ilang beses kong inulit ang
P.T. na binili ko pa sa bayan at isa lang ang lumabas na resulta kundi iyong
dalawang linya. I am really pregnant.
Wala akong sakit. Iyong pagduduwal ko at pagbaliktad ng aking sikmura, iisa lang
ang ibig sabihin. Pati ang pagdalas kong dalawin ng antok at pagkahilig sa maasim
na mangga.
Gusto kong humagulhol sa takot. Paano ko sasabihin kay nanay at tatay? They won't
accept it. I am onlyeighteen. Wala pa ako sa senior high, hindi ko pa kayang
mabuhay sa sarili kong paa. Nahuli ako sa pagpasok noon. They are conservative. Isa
itong malaking kasalanan at kahihiyan para sa kanila.
Ni hindi nila alam na may nobyo ako. Masyado pa akong bata. Pero nakagawa na kami
ng panibagong bata.
Mas lalo akong nataranta ng muling bumaliktad ang sikmura ko. Agad akog dumuwal sa
nakaharap na bowl. Lalong umaalat ang panlasa ko, nanghihina ako. Ramdam ko ang
sobrang bilis na tibok ng puso ko. Para itong aalpas sa takot.
May marahas na pagkatok akong narinig. "Hoy! May tao ba riyan sa loob? Natatae na
ako!" mula sa labas, rinig kong sigaw ng pinsan kong si Nena. I was older than her.
Hindi ako magkandaugagang tinipon ang nagkalat na test kits sa lapag ng banyo.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Itinago ko iyon sa aking likod bago ko
binuksan ang pintuan ng banyo.
"Sai, and'yan ka pala! Natatae na talaga ako," she said. May dala s'yang timba ng
tubig. Tumungo ako at lumabas ng banyo para bigyan s'ya nang daan na makapasok.
Nanginginig ang tuhod ko pero pinilit kong hindi magpahalata.
"Hoy, ayos ka lang ba? Namumutla ka. May sakit ka pa rin?" nag-aalalang tanong
n'ya. Sinipat n'ya akong maigi. Inilagay n'ya rin ang kanyang kamay sa leeg ko para
damhin ang aking temperatura. Mukhang napansin n'ya ang ayos ko. Alam kong mukha
akong zombie.
I shook my head. Pinilit ko s'yang ngitian. "A-ayos lang ako. S-sige, una na ako."
iniwas ko ang sarili ko sa kamay n'ya at nanunuring mata.
Mabilis akong naglakad paalis ng banyo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala
akong ideya. Puno ng takot ang kalamnan ko.
Muli kong tiningnan ang hawak kong test kits. Tatlo iyon na pare-pareho ang
resulta. Buntis ako.
Nahinto ako sa paglalakad at pinahid ko ang luha sa aking mata. I cleared my mind
to think. Isa lang ang naiisip kong gawin ngayon. I will tell Cadence. I will tell
him that I'm pregnant. Mahal n'ya ako. He will sort things out. Malalampasan namin
ito.
Dala ang panibagong lakas at pag-asa, nagtungo ako sa batis kung saan una ko s'yang
nakita. At madalas ding tambayan naming dalawa. We even made love to that place.
It's our sacred sanctuary.
I was right. He was there. Nakasandal s'ya sa puno ng mangga habang nakapikit ang
mga mata. I smiled when he looked at me. Ang gwapo talaga ni Cadence. Parang isa
siyang character sa mga nababasa kong pocket book stories. He possessed that good-
looking features. Kahit twenty pa lang s'ya.
Nakapamulsa s'yang lumakad papalapit sa'kin. Binigyan ko s'ya nang isang mahigpit
na yakap. Nang bumitiw ako sa kanya, nakatingin s'ya sa akin ng seryoso.
I smiled. "Ikaw muna." pagpaparaya ko, makakapaghintay pa naman ang sasabihin ko.
Humugot s'ya nang malalim na paghinga. "I'm leaving, Everly." walang emosyon n'yang
wika.
Humigpit ang hawak ko sa pregnancy test kits. Nagguluhan akong tumingin sa kanya.
"Saan? Kailan ka babalik? Hindi pa tapos ang bakasyon n'yo rito 'di ba?""
"Hindi ko maintindihan." I was shaking my head while biting my lip. Gusto kong
maiyak. "Paano ako? Paano tayo?"
"Walang tayo."
That broke my heart. Literally. Ano iyon? Ganoon na lang iyon? Walang kami? Ibig
sabihin, ni minsan hindi n'ya man lang ako minahal?
"You should be thankful I have the decency to end what you think we have. I just
had fun. You had fun. That's it. Nothing more. Nothing less."
Mas lalong kumirot ang puso ko. How dare he say that? Everything I felt for him was
real.
Huminga ako nang malalim. Pinilit kong hindi umiyak sa harapan n'ya. "Cadence,
buntis ako."
I showed him the test kits. My eyes were pleading at him. "Paano kami ni baby? H-
hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito kay tatay. Magagalit sila sa'kin.
Cadence, I need you."
Umigting ang panga n'ya. "I'm not up for this, Everly. Hindi kita pinilit
makipagtalik sa'kin. You gave yourself to me willingly. Wala akong pananagutan
d'yan. Kung gusto mo, ipalaglag mo ang bata."
Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin s'ya. Sobra-sobra ang sakit na
nararamdaman ko, patuloy din ang pagluha ko. Hindi ko naman alam na gago pala ang
lalaking minahal ko.
Nagulat ako nang sampalin n'ya rin ako. Halos nabitawan ko ang test kits sa kamay
ko. "Don't act like a saint, ginusto mo 'yan. 'Wag ka mag-inarte. It was just a
game. I don't why you aren't aware from the start." he said coldly. Iniwan n'ya
akong namamanhid ang mukha.
Hindi na ako makahinga sa nangyari. I wanted to slap myself again. Kung panaginip
lang ito, sana magising na ako.
"Cadence!" sigaw ko sa papalayong bulto ng lalaki. Hindi na maampat ang luha ko.
Nanghihina akong napaupo sa batuhan ng batis. I was just looking at his retreating
back. Hoping he would come back and tell me, I shouldn't be afraid.
It didn't happen.
I was just sitting there. Yakap-yakap ko ang tuhod ko, crying really hard.
Umuwi ako nang luhaan kasama si Meow. Pinilit kong itinago ang halos namamaga kong
mata sa pag-iyak. Ibinalik ko si Meow sa tarangkahan. I inhaled a deep breath to
calm my nerves.
Nanonood lang si Nena sa gilid, she looked like she was about to cry. Hinila ni
tatay ang buhok ko palabas ng bahay namin. Masakit. Wala akong ideya sa nangyayari.
Pero kumabog ang dibdib ko sa isiping alam na nila ang lihim ko.
Nakaramdam ako ng pagkahilo sa sampal niya, pero pinilit kong tingnan ang kanyang
tinutukoy. Halos lumuwa ang bituka ko sa tiyan nang makita ang isang pregnancy test
kit. Kinapkap ko ang tinago kong PTs, tatlo lang iyon.
Tinalikuran ako ni tatay. His shoulders were shaking. Dinaluhan ako ni nanay para
tumayo, but her eyes, they mirrored disappointment.
"Saan kami nagkulang, Sai? Saan kami nagkulang sa'yo bilang magulang mo?" garalgal
ang kanyang boses. May tumusok sa puso ko.
I saw my father as a strict man. I saw him as someone who isn't capable of showing
emotions to anyone. At ang makita siyang umiiyak sa harapan ko, pinipiga ang puso
ko ng pira - piraso. Bumaluhong ang luha sa aking mata. May bumalakid sa aking
lalamunan. And he was asking himself his worth as a father. It broke my heart.
"Tatay, sorry po... p-patawarin niyo po ako. Wala po kayong mali, ako po ang may k-
kasalanan..." iyak ako nang iyak.
"Sai, ilang beses kong ipinaalala sa'yong hindi tayo mayaman. Pero matalino ka, may
magandang kinabukasan ang nakalaan sa'yo. Ikaw na lang ang pag-asa ng mga Maligno
na makaahon para sa kahirapan, hindi para sa amin ng nanay mo, kung hindi para sa
sarili mo rin. Ako ba ang mali? Ako ba ang nagkulang? Ako ba ang masyadong
mahigpit? Ganoon ba kami kawalang - kwenta para hindi mo igalang?" sunod - sunod
ang pagtulo ng luha ni tatay.
Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ng mga magulang ko. Ni hindi pumasok sa
kukote ko ang consequences ng ginawa ko, ni hindi ko naisip na maaari akong
mabuntis. Ang tanga tanga ko! Naturingan akong matalino pero hindi ko ginamit ang
utak ko para makapag-isip nang maayos.
"Cess..."
"T-tay..." I called his attention, pero kahit ang tingnan ako ay hindi niya magawa.
Mas lalong bumagsak ang luha ko sa pisngi.
Bumalik si nanay na dala ang mga gamit ko. Lahat ng damit at iba ko pang gamit. My
eyes widened. I was expecting it, pero hindi pa rin ako makapaniwalang totohanin
nila ang iniisip ko.
Tinawid ko ang pagitan namin ni tatay, hagulhol ko ang namayani sa malamig na gabi.
Lumuhod ako sa harap niya.
"Sana naisip mo 'yan bago mo ginawa ang bagay na dapat ay hindi mo ginawa." His
voice was firm.
"Pinag-isipan mo iyon, Sai. Matalino kang bata. Nagdesisyon ka para sa sarili mo,
panindigan mo iyan," Kinuha niya kay nanay ang mga gamit ko. Itinapon niya iyon sa
nakaluhod kong anyo. "Simula ngayon, wala ka ng tatawaging magulang. Simula ngayon,
sarili mo na lang ang meron ka. Kung ma-swerte ka, baka panindigan ka ng taong
nakabuntis sa'yo..."
"T-tiyo..." My cousin was crying hard. "Ito lang naman po ang unang beses na
nagkamali si ate Sai. Buong buhay niya po, wala siyang ibang ginawa kung hindi
sundin kayo. Ang unfair nama po kung isang pagkakamali niya lang, itatakwil niyo
na."
Tumalim ang titig ni tatay sa pinsan ko. "Gusto mo bang sumama sa ate Sai mo,
Nena?"
Mabilis akong tumayo upang kuhanin ang mga gamit kong nagkalat sa lapag. Lumapit
ako kay Nena.
"Wala kang magiging kinabukasan kapag ako ang kasama mo," bulong ko sa kanya.
Umiling ako bilang sagot. "Dito ka lang, kailangan ka rito, lalo na ni Meow."
Pinilit kong ngumiti. "Kapag naging maayos ang lagay ko, kukuhanin kita rito..."
Hindi na ako tiningnan ni tatay, pumasok na ito sa loob ng bahay namin. Naiwan
kaming tatlo nila nanay sa labas. I tried to calm myself and did my best not to cry
I'm pregnant at sixteen, ayokong mapahamak ang anak ko. Hinding - hindi ko
ipapalaglag ang magiging baby ko kahit iyon pa ang kagustuhan ng ama niya, kahit
kamuhian kaming dalawa ng mundo.
Tama si tatay sa isang bagay. Nagkamali ako, kailangan kong panindigan ang
consequences ng ginawa ko.
"Sorry po, 'nay. Alam kong hindi noon mabubura ang disappointment mo..." I hugged
her for the last time. Niyakap ko silang pareho. Sana mas naging mabuti akong
ehemplo kay Nena. Sana pagdating ng panahon, mapatawad ako ni tatay.
Hindi ako sigurado kung kailan ko sila makikitang muli. Everything was a blur. Wala
akong plano. Wala akong ibang maaasahan kung hindi sarili ko lang. Gusto kong
magalit kay Cadence. Kung kailan ko siya kailangang - kailangan, saka niya ako
iniwan sa ere.
Huli kong pinuntahan ang alaga kong kabayo na simula bukas ay ibinilin ko sa
pangangalaga ni Nena. Niyakap ko ito nang mahigpit.
Funny how I thought we were the ones inseparable, but here I am, leaving my best
buddy.
As I walked away from home, unti - unti kong naramdaman ang kahungkagan ng pag-
iisa. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko alam ang sariling destinasyon.
Wala akong ideya kung paano ako makaka-survive ng unang gabi.
Kabanata 36
Siyudad
Ang lalim ng gabi. The stars were clearly seen on the horizon, they were
elucidating the path I've chosen to take. Sila na lang ang nagsisilbing gabay ko sa
magulong landas.
Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa panahong wala akong ibang
makakapitan kung hindi ang sarili ko, what choice do I have? Magpakatatag sa
gumuhong piraso ng sarili ko.
May buhay na ang nakasalalay sa magiging desisyon ko. Kahit ano pang pagtatakwil ng
mundo, magiging malakas ako para sa kanya. Siya na lang natitirang panghuhugutan ko
ng lakas.
Hindi ko alam kung bakit kung kailan kailangang - kailangan ko ang mga taong
nakapaligid sa akin saka ako naabandona? Pero tama naman sila, kagustuhan ko ito,
siguro kailangan kong pagdusahang mag-isa.
At wala akong karapatang magreklamo, dahil nagkamali ako. Naging mapusok ako.
Pumikit ako at hinaplos ang aking tiyan. Hindi naman halata ang umbok, sa liit kong
tao, hindi ako sigurado kung magiging halata iyon.
Wala pa akong kahit anong plano. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hindi naman
pwedeng kana Jala. Siguradong mapapagalitan siya ng kanyang magulang kung
magkukupkop siya ng isang tao.
I have one thing in mind, kailangan kong magtrabaho para sa magiging anak ko habang
nasa sinapupunan ko siya.
"Wala kang hindi kakayanin Sai, para sa magiging anak mo. Magiging mahirap, pero
'wag na 'wag kang susuko." pagpapalakas ko ng loob sa aking sarili. Pinahid ko ang
ilang butil ng luhang umalpas sa aking pisngi.
Muli kong inayos ang dala kong bagahe, sinimulan kong maglakad palabas ng hacienda.
Siguro umaayon na rin ang adrenaline, nagagawa kong buhatin ng hindi gaanong
mabigat.
Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng busina ng sasakyan papalapit iyon
sa direksyong tinatahak ko. I was unsure of what to do. Nakaramdam ako ng konting
hiya. Alam ko namang mula sa mga Ponce ang sasakyan. Hindi ako sigurado kung alam
nila ang nangyari sa amin ni Cadence. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad sa kabila
ng hiya ko.
Tumigil sa mismong harapan ko ang sasakyan. I was blinded by its lights. It was the
same car Cadence used on the grad ball. Bumilis ang tibok ng puso ko. Did he change
his mind?
Hindi ito ang inaasahan kong lulan ng sasakyan. Sa likod nito nakapwesto si Teryo
at Rambo. Kumaway ang mga ito sa akin at matipid na ngumiti.
Nagtataka akong tumingin sa kanila. Paanong nalaman nila kung nasaan ako? Paanong
nalaman ng mga itong pinalayas ako nina tatay?
I was still confused. "Bakit kayo andito? Bakit niyo ako tinutulungan?"
He just shrugged. "For a simple reason, we're not that heartless to dump you like a
hot potato." walang gana nitong sagot.
"Saan ang d-destinasyon ninyo? Kahit ibaba niyo na lang ako sa bayan."
"I'm going to Manila. Teryo and Rambo will stay here." paliwanag ni Hadley. "You're
carrying my brother's baby. Mas mapapanatag ako kung sasama ka sa akin, Sai."
Hadley smirked. "Sigurado kang mayroon ka pang babalikan? Tinakwil ka nang sarili
mong pamilya." His words added salt to my open wounds. Hindi ako makasagot, tama
naman ang lalaki.
It was easy to grasp. Bata lang ang habol niya sa akin kaya gusto niya akong
malapit sa kanya. Pero ano bang mawawala sa akin sa offer ni Hadley? Wala. Wala ng
mawawala sa akin, upos na upos na ako.
Maybe, it was the best thing for my child. Wala na akong ibang babalikan pa rito,
pati ang pamilya ko inayawan na rin ako. Wala na akong ibang mapupuntahan.
Bumaba sina Teryo sa mismong bukana ng Mabato. Ginulo nito ang buhok ko.
"'Wag kang magpapaapi kung saan ka man mapadpad." Ngumisi si Teryo. "Mami-miss
namin ang anak ng dilim."
"Hayaan mo, babantayan namin si Nena at Meow para sa'yo. Kapag maayos na ang lahat,
bumalik ka rito." saad ni Rambo.
Tinitigan ko silang dalawa, pwedeng ito na ang huling beses kong makita ang isa sa
kanila. Hindi ko inakalang darating ako sa ganitong punto. Pinilit kong pigilang
lumuha. We were never really friends but they are the familiar faces I see
everyday, and seeing them reminds me of home. My previous home, now I am banned.
Wala na akong mauuwian. Wala na akong tahanan.
"Mag-iingat kayo,"
Tumango ang dalawa. "Ikaw rin. Saka ang baby mo, Sai. Alagaan mo ang sarili mo."
Madalas kong kaaway sina Teryo lalo pa noong mas bata ang gulang ko, pero ngayon
nakaramdam ako ng lungkot. Sana pagdating ng panahon, muling magtagpo - tagpo ang
mga landas namin.
"Baka pwede niyong tingnan si Meow at si Nena. Pakisilip naman ang bahay. Pati na
rin ang mga magulang ko." Huling habilin ko. Garalgal ang aking boses. At ramdam
kong kahit sila, nararamdaman ang aking hinagpis.
Humarurot ang sasakyan ni Hadley palabas ng hacienda. My eyes kept looking back.
Mini-memorya ko ang bawat puno, arko at ang bakas ng kinalakihan kong bukid. Hindi
ako sigurado kung kailan ako makakabalik o kung makakabalik pa ako.
Tahimik akong umiyak sa gilid habang pinagmasdan ko ang lahat. Hindi kami nag-usap
ni Hadley. Wala naman kaming dapat pag-usapan. Litong - lito pa ang utak ko sa mga
pangyayari.
Nang dumaan kami ng Camflora, mas lalo kong naramdaman ang lungkot. It brought back
all the memories. Tumigil ang jeep wrangler sa mismong tapat ng gate.
"Would it make you feel better to go inside for the last time?" Hadley spoke.
Umiling ako. It would just slap me hard in the face. Muling umusad ang takbo ng
sasakyan.
Hindi ko sinagot ang kanyang tanong. Oo, sigurado akong hindi gusto ni Cadence ang
nasa sinapupunan ko. He said it himself. And I don't want to doubt myself just for
a bit of hope.
Pagod na akong umasa. Pagod na ako sa mga pangako ng taong hindi naman kayang
tuparin ang kanilang binitiwang salita.
Pinahid ko ang trace ng luha sa aking pisngi. Pansamantala akong pumikit. Siguro sa
dami ko nang iniisip, hindi na dumagdag pa ang motion sickness kong nararamdaman
tuwing nasa sasakyan. My mind and body was so exhausted.
Nagising akong pasikat na ang araw. It was already peeking through the trees.
Ramdam ko ang bahagyang malamyos na hangin sa aking balat, siguro ay nilamig ako ng
todo kung walang leather jacket na nakapatong sa upper body ko.
Tuluyang pumasok sa aking alaala ang sunod sunod na pangyayari. I sighed. Parang
mas mabuting hindi ako nagising, muli akong nasampal ng reyalidad. Pwede bang kung
kailan maayos na ang lahat, doon na lang bumalik ang aking ulirat?
My reality was in a jeep wrangler with Hadley, the brother of the guy I love,
trying to help me or some sort. The stereo was playing a song. Napagtuunan ko ng
pansin ang nilalaman ng kanta.
Alam ko na wala ka na
Hadley was wearing dark shades. Hindi nito ako sinulyapan pero may pinihit naman
siya sa kotse, biglang lumipat ang kanta ng ibang istasyon. Pumailanlang ang liriko
ni Moira Dela Torre.
Kinagat ko ang aking labi nang maramdam ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Pinatigil
ko kay Hadley ang jeep wrangler sa gilid.
Mabilis akong bumaba upang isuka ang lahat ng kinain ko sa buong maghapon. Tulala
akong tumingin sa kawalan matapos kong sumuka. Wala na naman ang aking lakas.
Narinig ko ang pagtikhim ni Hadley na nagpabalik sa akin sa kasalukuyang estado.
Bumalik ako ng sasakyan. Hapong - hapo ako. "Siguro, morning sickness yata."
He shook his head. "This is damn stupid," bigla niyang sinabi. "My brother is
stupid."
Mas lalong sumama ang panlasa ko nang banggitin niya ang kanyang kapatid. "Oo,
napakagago ng kapatid mo. Pero pwede bang 'wag mo nang sabihin pa ang kahit anong
may kinalaman sa kanya?"
Hindi ito sumagot. "We're almost near Lucena. Let's stop by at some place to eat."
imporma sa akin ni Hadley.
"Okay."
I have to endure at least another six hours going to the city. Kung malas pa,
aabutin ng siyam - siyam sa haba ng trapiko. Dumaan si Hadley sa isang fast food
drive-thru upang um-order ng pagkain namin ng breakfast.
"Umagang - umaga? That's not even on the menu." Umirap ako sa ere, bakit pa ito
nagtatanong kung hindi naman pala iho-honor ang gusto kong kainin? "Yes, eight
pieces chickenjoy bucket, two orders of bacon, egg and cheese pancake sandwich. And
ten pieces of peach mango pie. That's all."
After getting the ordered food, nag-park si Hadley sa tapat ng McDo. Napakunot ako
ng noo, that's rude. Manggagamit ng parking space.
He gave me the breakfast meal, pero mas naengganyo akong unahin ang peach mango pie
na hindi naman lasang mangga. Pero masarap naman ito. Hindi iyon rejected ng
lumalaking bean sa aking sinapupunan. Wala itong reklamo. Sana hindi ko lang
magawang isuka mamaya sa biyahe kapag nag-alburuto na naman ito.
Pagkatapos naming kumain, muli kaming bumalik sa daan. I tried to sleep again on
the way to the city, pero hindi na iyon tumalab sa akin. Madalas kumalam ang
sikmura ko. Bandang alas tres ng hapon kami nakarating sa siyudad.
My eyes were wandering around. Sobrang laki ng siyudad para sa akin. It was making
me nervous. Wala na ang nakasanayan kong mga puno ng saging, palayan at tanaw na
tanaw ang bulubundukin.
Panibagong mundo. This isn't my jungle where I can rule, this the place where I can
get lost easily. Hindi ito ang nakasanayan kong lugar, pakiramdam ko hindi ako
kabilang.
Pumarada ang jeep wrangler ni Hadley sa parking lot ng isang mataas na gusali. The
building itself was intimidating. Nakakahilo iyon sa sobrang taas. Lahat ng gusali
sa siyudad, masyadong mataas. Ganoon si Cadence. Ang taas niyang abutin, akala ko
kaya ko, pero hindi pala. Hindi naman totoo ang nararamdaman nito para sa akin.
Pinigil ko ang sarili kong pakaisipin ang lalaki. How can I forget him easily? Nag-
iwan pa ito ng alaala sa pamamagitan ng sperm niya.
Kinuha ni Hadley ang bagahe kong nasa likod ng sasakyan. Pinagbuksan ako nito ng
pinto. Nanginginig ang tuhod kong lumabas. Hindi talaga ako sigurado kung paanong
makakatagal sa panibagong lugar na hindi masyadong pamilyar. It isn't my nature.
The city is an expensive place. Hindi kagaya sa probinsya, pwedeng humingi ng tanim
sa kapitbahay, pwede nang mabuhay. Pero dito, halos lahat may presyo. Pati ang
pananamit ko, out of place.
Tama ba ang desisyon kong sumama sa Manila? I wasn't sure. Baka nadala lang ako ng
emosyon. Wala na akong ibang matatakbuhan. Galit ako kay Cadence, pero sumama ako
sa kapatid niya? Did I choose the right decision?
Pinagpasalamat kong kami lang ang tao sa elevator, mas lalo akong nanliliit kapag
pinagtitinginan ng mga tao. Out of place talaga ako sa lugar.
Nang makarating kami sa third floor, may sumabay na dalawang teenager kagaya ko.
They stared at me weirdly. Then, they looked at each other and laughed. I was
uncomfortable. Tumungo na lang ako at pinagmasdan ang tsinelas kong hindi
magkapareho, ngayon ko lang iyon napansin.
Hindi na ako humaharap tuwing nagbubukas ang elevator at may taong lumalabas o
pumapasok. I know I'm unpleasant to their eyes.
Nauna itong lumabas ng lift. Mabilis akong sumunod palabas ng elevator. Luminga -
linga ako sa paligid. Everything was luxurious, I didn't belong here.
He swiped a card on one of the doors, it automatically opened. Namamangha ako pero
hindi ko naamn ipinahalata. I was never part of the luxury side of the world.
Mahirap lang kami, kontento ako sa ganoong estado. Napakapit ako sa suot ko.
"Hadley," tawag ko sa atensyon ng lalaki. "Hindi ko afford ang ganito. Wala akong
ipambabayad sa'yo."
Ibinaba niya ang dalang bagahe ko sa mukhang mamahaling sofa. Nahiya naman akong
malapatan iyon ng lumang gamit. Humarap siya sa gawi ko.
Hindi ako naniniwala sa libre. Lahat ng serbisyo, may bayad. Siguro kaya ako
naloloko, sanay ako sa ganoong kalakaran. Lumaki ako sa probinsya na pwede ang
libre, I was in my little bubble, I wasn't trained in the real world. Kahit yata
feelings, hindi na rin libre.
"Sino bang nagsabing kailangan mong magbayad? Hindi rin naman ako ang magbabayad ng
unit na ito."
Kinurot ko ang aking sarili. May parte pa ring umaasa sa puso ko kay Cadence gaano
man kasakit ang ginawa niya sa akin. Oo, ang tanga. Sobra.
"You have no choice, Sai." Tumingin ito sa wrist watch na suot. "I'll be going.
Ikaw na muna ang bahala sa sarili mo for now. There are foods and groceries in the
ref. May telephone d'yan, I'll call to check on you. Pwede mo ring gamitin kung
gusto mong magpa-deliver sa lobby. I'll buy you a phone, so you could contact me
anytime you need me."
Namilog ang aking mata. "Hindi ka rito nakatira?" confused kong tanong.
Ang laki ng unit kung ako lang ang nakatira rito. Hadley shook his head slightly.
"Am I supposed to live here with you, Sai? No, I value my life." The guy laughed.
"Ingatan mo ang magiging pamangkin ko."
Ngumiti pa rin ako ng tipid at kumaway ng sumibad ito paalis ng unit. Kung paano
tinanggap ni Hadley ang nasa sinapupunan ko, sana ganoon din si Cadence. I
shouldn't dwell on my hopes and get crashed by it every time there is a chance.
Dapat masanay na akong wala ang presensya nito.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal ko sa pagtayo hanggang makaalis ng
tuluyan si Hadley. Parang ayokong gumalaw sa tayo ko sa isiping baka makabasag ako
ng mga gamit na nasa loob ng condo. Ang bagahe ko lang ang cheap item na hindi
kabilang sa kabuuan ng buong lugar.
Dahan - dahan akong lumapit sa glass windows, bahagya kong hinawi ang kurtina. Mula
sa tayo kitang - kita ko ang siyudad, ang maraming sasakyang bumubuhol ng trapiko
at nagtataasang buildings na nakapalibot. The view was nice. It was truly a land of
opportunity.
Kumusta na kaya sila? Ito ang unang beses na nalayo ako sa pamilya. Kumusta si
Meow? May nagpakain man lang ba sa kanya? Si Nena? Malungkot ba ang isang iyon na
umalis ako? Hinahanap kaya ako ni nanay? Galit pa si tatay? My tears started to
fall.
Gustong - gusto kong bumalik. Pero wala na akong babalikan pa, siguro hangga't wala
akong napapatunayan.
Bumalik ako sa mahabang sofa upang ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko pa nalilibot
ang buong unit. May hiya ako. Siguro sa sofa na lang ako matutulog mamayang gabi.
Ilang damit lang ang nakalagay sa aking dalang bag. Kinuha ko ang wallet kung saan
nakalagay ang naipon kong pera mula sa pagtatrabaho sa mga Ponce, kasama na roon
ang mga naipon ko noong bata ako. Lumaki ako sa hirap, alam ko kung paano maging
masinop sa mga bagay at pera.
Minabuti kong bisitahin ang kwarto. Halos malaglag ang panga ko, mukhang mas malaki
pa iyon kaysa sa bahay namin sa Tagbakan. Mayroon iyong malambot na kama, mayroong
malaking closet na wala naman akong ilalagay na maraming damit. At may sariling
bathroom.
Mas kaaya - aya ang kama kaysa sa sofa na balak kong higaan mamayang gabi.
This is the place where I will spend most of my time during my pregnancy. I was
trying to familiarize myself with the place.
Naligo ako nang mabilis sa banyo at nagpalit sa pajama at makapal na tela ng shirt.
Malamig sa condo, hindi ako nakakatagal sa lamig.
Napapakain na naman ako. Pero mangga ang tumatakbo sa aking utak, naghanap ako ng
pwedeng kainin sa ref. Wala akong nakitang mangga, pero mayroon akong nakitang mga
tsokolate at gatas. Muli kong isinara ang ref.
Masyado yatang mahal ang mga pagkain, ayaw tanggapin ng t'yan ko.
Wala pang ilang oras, hindi na ako mapakali sa unit. I tried to entertain myself
with the television, but it didn't work. Mas madalas akong napapatulala kaysa
manood ng pelikula. My insides need the fixing.
Kinagat ko ang aking labi. Ang laki - laki ng lugar, pero ang lungkot - lungkot sa
pakiramdam. Mayroon ako ng mas higit, pero hindi ko madama ang totoong saya.
I had no one to share little things that make me happy, I had no one to share my
meals, I had no one to share my misery. I had no one to share what I'm going
through with my pregnancy.
Wala akong ideya kung bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito. Para saan?
Masama ba akong tao? Kaya kailangan akong parusahan? Pumatak na naman ang luha ko
sa pisngi. I curled myself into a ball.
Ang bilis ng pagbabago. Ang bilis ng pagbabago sa buhay, madalas ang mapadpad sa
lugar na hindi inaasahan. At sa pagbabagong iyon, walang ibang pwedeng gawin kung
hindi ang maging handa.
I just knew one thing, walang kasiguruhan at puro pakikibaka ang buhay.
At mayroong umaasa sa aking ipagpatuloy ko ang hamon kahit mahirap. Pero hindi ko
alam kung hanggang saan ako tatagal.
***
Ulan - Cueshe
Chi xx
Kabanata 37
Tahanan
Madalas dumalaw si Hadley sa unit dala ang iba't ibang pasalubong. He will bring
some groceries and shopping bags. Some of the shopping bags contain dresses for me.
Pero mas marami ang para sa anak ko. Sinamahan niya rin ako sa isang check up,
healthy naman ang lumalaking bean sa aking sinapupunan.
It's been three months since we went to Manila. Sa tatlong buwan na iyon, wala
akong ibang inisip kung hindi ang mga taong naiwan ko sa Tagbakan. Were they
missing me as much as I miss them? Naaalala pa kaya nila ako? The only thing I
could do is wonder.
Miss na miss ko ang pamilya ko, kung maaari lang gusto ko nang bumalik sa piling
nila kasama ng alaga kong kabayo.
Bawat pagpatak ng gabi, hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot. I was still
crying myself to sleep. Ang pagod sa pag-iyak ang nagsisilbing pampaantok ko tuwing
gabi.
Hindi ko man aminin, pumapasok pa rin sa isipan ko si Cadence. Where was he? If
he's already in the city, mayroon bang tyansang magtagpo ang mga landas naming
dalawa?
It sucks thinking someone who wasn't even thinking us, someone who wants us gone.
Yet I still wish, he is here with me. The wounds he inflicted were still hurting my
body and soul. Iniwan niya ako kung kailan kailangang - kailagan ko siya. Ang
malala pa, umasa ako na mayroon talagang namamagitan sa aming dalawa.
Patuloy ang pagiging evident ng aking tiyan, the baby bump became obvious. Hindi
naman sobrang laki, pero halata na ito. Lalo na kapag tinitingnan ko sa salamin. My
baby was really growing.
Ibinaba ko ang walis tambo nang marinig ko ang pagri-ring ng aking phone. Hadley
bought me a phone. Touch screen iyon at sigurado akong mahal ang pagkakabili niya.
Hindi ko pa ito matanggap. I don't want to owe him so much. Sobra na iyong pinatira
niya ako sa condo unit nila. It was more than okay. Masyado pang magarbo ang condo.
Ayokong tanggapin ang phone, kaya tinapon niya na lang ito sa trash can. Nagulat
ako sa inasta ng kapatid ni Cadence. Hindi ako mayaman para mag-aksaya ng ganoon
kalaking pera pero mayaman ang angkan ni Hadley. Nanghihinayang ako sa phone, sa
huli, tinanggap ko na rin ito kaysa itapon na lang niya sa basurahan.
Wala naman akong ibang ginagawa sa phone, sumasagot lang ako ng tawag tuwing
nangangmusta ito sa baby. I don't use social media. Ito ang unang beses na
nagkaroon ako ng phone. Wala naman kaming pambili ng mga luho. Isa pa, hindi ko
naman gaanong kailangang ang phone.
Napakaraming gamit pambata ang binili ni Hadley para sa anak ko kahit hindi pa
nalalaman ang gender. Hiyang - hiya na ako sa lalaki. Ang dami na nitong naitulong
para sa aming dalawa ni baby. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang kanyang
gender.
Sinagot ko ang tawag sa isiping ang kapatid ni Cadence ang nasa kabilang linya.
Muli kong ipinatong sa bed side table ang phone ko. Bumalik ako sa pagwawalis sa
kwarto, wala namang alikabok. Pero hindi ako sanay ng walang ginagawa, pinapakintab
ko na lang ang marble floor nito.
During my three months stay, ilang beses pa lang akong nakalabas ng unit na mag-
isa. The city terrified me. Hindi ito ang kinalakihan ko. The buildings, wide roads
and busy people were too intimidating.
Parang mawawala ako sa lawak ng lugar, hindi ko alam kung paano mamememorya ang
pasikot - sikot. Kahit ang pagsakay ng jeep, natatakot ako.
Matapos ang paglilinis ko sa kabuuan ng unit. Tumungo ako sa kusina upang gumawa ng
meryenda. Nilantakan ko ang manggang binili ni Hadley noong isang araw. Ipinares ko
ang mangga sa palamang tsokolate. Everything tastes better with mango. Ito pa rin
ang gusto kong kainin.
Pagkatapos ko ng mga gawaing bahay, bumababa ako ground floor para makapaglakad -
lakad. Hindi pa naman gaanong mabigat ang dinadala ko, kayang - kaya ko pang
maglakad ng hindi gaanong mabilis mapagod. It was my form of exercise and a way of
remembering the neighborhood.
Tumango ako at matipid na ngumiti. Kumaway ako sa kanya habang tinatahak ko ang
exit door.
My usual routine is just a mile, passing some shops. Minsan dumadaan ako upang
tumingin ng mga gamit pambata. Hanggang tingin pa lang ako, hindi ko pa alam ang
gender ng magiging anak ko, hindi muna ako bibili. Sayang naman kung hindi niya
iyon magagamit.
Hadley tried to give me some cash but I declined his offer every time. Sobra na ang
ginawa niya para sa aming mag-ina. And I would be forever thankful to him. Balak
kong magtrabaho kapag naipanganak ko na ang baby ko. Susubukan kong suportahan siya
sa abot ng aking makakaya ng ako lang. But my pregnancy made my state vulnerable
and I needed help. Hadley helped.
Pumasok ako sa isang baby boutique, lumibot ang aking mata sa kabuuan ng store.
There were cute dresses for both girls and boys. I found cute mittens. Bumuntong -
hininga ako. Binitiwan ko ito at ibinalik sa dating ayos.
Wala pa akong naiisip na pangalan para sa magiging anak ko. Kapag babae ang aking
baby, parang gusto ko itong ipangalan sa isang bulaklak. Pero kapag lalaki, wala pa
akong maisip. May parte sa aking natatakot, pero mas lamang ang excitement sa aking
katawan. No matter what happened, my baby would always be worth it.
Bumalik ako sa condo, muli akong binati ng guard pagpasok ko ng entrance. Sumakay
ako ng elevator patungo sa floor ng unit. Ni-swipe ko ang keycard ng condo unit.
Naiwan ko pala ang phone ko loob ng kwarto. Ilang missed calls ni Hadley ang unang
lumabas sa screen. Kumunot ang aking noo. I composed a text for him, 'Bakit?'.
Hindi ako naka-receive ng reply.
Muli kong ibinaba ang phone sa bedside table para pagbuksan ang bagong dating.
Malamang kaya tumatawag si Hadley, bibisita ito ng mas maaga. Hindi ko naman
nasagot ang kanyang tawag, naiwan ko ang phone sa unit nang bumaba ako.
I faced my fear.
In her black fitted dress and black stiletto, Madame Oleya stood in front of me.
Her eyes were like of the snake, they were menacing. The fear sank in. Kabang -
kaba ako.
Halos itulak niya ang pinto makapasok lang ito ng unit. Muntikan akong matumba sa
ginawa niya. Napahawak lang ako sa mesang may nakalagay na vase. Dire - diretso
itong pumasok sa loob.
"I knew it. My gut is always right." mariin nitong sinabi. Nakarating siya sa sala.
Ibinaba niya ang kanyang gamit sa couch. She looked at me with her glaring eyes.
"Kung hindi ang panganay ko, ang ikalawa naman ang pagsasamantalahan mo? Ganoon ba
talaga kababa ang pagkatao mo? Wala ka ba talagang respeto para sa sarili mo?"
Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Cadence's mother was really
rude. Pinilit kong alalahanin ang kabutihang ginawa sa akin ng magkapatid upang
hindi ko ito masagot ng hindi tama.
Tinuruan ako ng respeto ng mga magulang ko, hindi lang sa mga taong nakakatanda sa
akin, kahit sa mga bata. It's not to be earned. It is to be given equally to
everyone. Walang pinipiling estado.
"Wala po akong ginagawang masama, tinulungan lang po ako ni Hadley," mahinahon ang
boses ko. Humawak ako sa suot kong bestida. My hands were trembling as I spoke.
"Tinulungan?" Tumawa ito ng walang laman. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
Tumaas ang kilay nito nang mapansin ang umbok ng aking tiyan. "You mean, you
seduced them into hooking up with you? 'Wag masyadong mataas ang pangarap mo, Sai,
you're poor. Hindi ka nababagay sa isa sa mga anak ko. Talagang nagpabuntis ka pa?
Sigurado naman akong sa ibang lalaki 'yan."
"Hindi po ba ganoon din kayo? Nagpabuntis din kayo kay gobernor kahit hindi naman
kayo iyong mahal niya? Ang pinagkaiba lang natin, mayaman po kayo. Pero kung gaano
ako karumi kagaya ng sinasabi mo, ganoon ka rin po." winika ko ng walang pag-
aalinlangan.
Natatandaan ko pa ang kwento ni Manang Sisa. She was in my shoes before. Hindi ko
alam kung anong pinuputok ng butse niya ngayon. Parehas lang kaming disgrasyada,
kung iyon ang tinutumbok niya.
Isang malakas na sampal ang ginawad niya sa akin. Tumagilid ang aking pisngi sa
kabila. It hurts. Parang nayanig ang aking kaluluwa.
"How dare you disrespect me like that, you little slut?!" Galit na galit ang
ginang. "Wala kang breed! Hindi ka pa marunong rumespeto ng tao, lalo nang
nakakatanda sa'yo! Ang kapal ng mukha mo!" She slapped me again.
Kitang - kita ko ang pamumula ng kabuuan ng kanyang mukha. Her expression became
more deadly.
Kinagat ko ang labi ko, wala talaga akong breed. Hindi naman ako isang aso.
I sighed.
Ang daling sabihin ng mga masasakit na salitang iyon sa akin, pero noong binalik ko
sa kanya ang pabor. Ako pa ang mali. Ako pa ang may kasalanan. Ako pa ang walang
respeto.
"How dare you disrespect me like that as well? You were asking for respect when you
can't even respect me. Sige po, pag-usapan natin ang salitang respeto. Hindi po por
que't kayo ang nakakatanda, kayo na ang tama! Not all the time. I don't take
bullshits from anyone." I said every word firmly. "Respect goes both ways, it's not
a one-way thing. Everyone is to be respected by default. Walang nakakataas, mayaman
ka man o mahirap. Pare-pareho lang tayong tao. You don't demand what you cannot
give yourself. Wala po kayong karapatang tawagin ako ng kung ano - anong names!"
Kinalma ko ang sarili ko. Hinawakan ko ang aking baby bump para kumuha ng lakas.
Sinubukan kong huminahon. "Ayos lang naman po sana kung hindi niyo ako gusto bilang
isang indibidwal o para sa anak po ninyo. Choice niyo po iyon, pero 'wag niyo po
akong pagsalitaan ng mga bagay na wala naman kayong alam. Wala po kayong karapatang
husgahan ako, hindi niyo po ako kilala. Pangalan ko lang po ang alam ninyo, hindi
ang pagkatao ko." I stood for myself.
Ilang minuto itong hindi umimik. Our eyes met. Walang gustong magpatalo sa staring
contest. Hindi nagbago ang tingin ng ina ni Cadence. Wala akong ideya kung anong
nasa isipan nito. I don't need any confrontation, it may affect the growing fetus
in my womb.
Nabigla ako nang hawakan niya ang aking buhok. She literally snatched my hair.
Nasasaktan ako sa paraan ng pagkakahawak niya sa buhok ko. Hinila niya ako patungo
sa labas ng unit.
"Aray! Bitiwan niyo po ako!" I tried to take control of her hand, hindi ko nagawang
magwagi sa hawak ni Madame Oleya. Gigil na gigil ito.
She dragged me towards the door. Tanging nagawa ko lang ay protektahan ang nasa
sinapupunan ko habang iniinda ang pagkakahawak niya sa aking anit. It felt like I
was going to lose all my hair. Ramdam na ramdam ko ang galit nito.
Itinulak niya ako palabas ng pintuan. Nawalan ako ng balanse kaya halos matumba ako
sa sahig, mabuti na lang naituon ko ang aking isang kamay para hindi masubsob ang
aking tiyan. Wala siyang awa. Alam niya ang kalagayan ko, paano na lang kung
makunan ako sa ginawa niya?
"Wala po kayo sa posisyon para saktan ako! Lalong - lalo na ang batang dinadala ko.
Mas masahol pa ho kayo sa hayop, wala man lang kayong awa!" bahagyang tumaas ang
boses ko. "Kadugo niyo po ang dinadala kong gusto niyong saktan!" Pinigilan ko ang
pagluha.
Pinagkrus niya ang kanyang braso sa kanyang dibdib. Ngumisi ang babae at umiling.
"Wala akong pakialam. I'm sure you're just saying that to get sympathy. But I'm
going to put you in your right place. Hindi ka nababagay dito. Hindi ka nababagay
sa pamilya namin." She spat in my face. My eyes widened with shock.
Nanliliit ang tingin ko sa sarili matapos niya akong duraan. Sunod - sunod ang
pagtulo ng aking luha. Awang - awa ako para sa sarili ko.
Wala siyang karapatang palayasin ako, si Hadley ang nagdala sa akin sa unit. Siya
lang ang may karapatang gumawa noon. Nasa loob ang bagahe ko, pati ang phone na
binigay ni Hadley para makontak ko siya. Tanging pera lang ang dala ko sa aking
bulsa.
She smiled sardonically. "You know what Hadley did? Sinama ka niya rito sa Manila
para iligaw na parang isang pusa. Hindi ka na makakabalik sa mga buhay namin."
Pinagsarhan niya ako ng pinto.
Kung lalayas man ako, kailangan ko ang mga gamit kong iyon. Ilang ulit akong
nagdoor bell. Hindi ako pinagbuksan ni Madame Oleya kahit anong pagmamakaawa ang
gawin ko sa kanya. She didn't let me inside the unit. Pipi siyang nakinig sa
panaghoy ko.
May ganoon pala talagang tao. She won't budge even if I plead and kneel in front of
her. Wala siyang awa. Hindi siya tao... ang sama sa pakiramdam na magalit sa kapwa
pero hindi ko mapigilan ang hinanakit ko.
Ilang guwardiya ang tumungo sa floor ng unit sa utos ng ina ni Cadence. They were
trying to take me out of the building as requested. Iyak ako nang iyak.
"Kuya, kahit ang mga gamit ko lang po ang kukuhanin ko sa loob." pagmamakaawa ko sa
mga ito.
Saan na ako ngayong pupulutin? Wala akong ibang mapupuntahan. The city isn't my
jungle, I get terrified of it.
Hindi ko namalayang lumapit sa akin ang guard na palagi kong binabati sa tuwing
lalabas ako ng unit para makapaglakad sa karatig na shops ng condo.
I bit my lip to stop myself from crying. Kinuha ko ang panyong binigay niya sa
akin. Pinahid ko ang mga luha na dumaloy sa aking pisngi.
Tumango ako kay manong guard. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Ang daming
tanong sa aking isipan kung bakit sa akin nangyayari ang ganitong bagay. What did I
do wrong? Why am I getting punished?
Ilang sandali pa, may tumapat sa aming isang taxi. Natagpuan ko ang sarili ko sa
loob ng sasakyan. I broke down inside of the car. Kahit pilitin kong ayusin ang
sarili ko para kay baby, hindi ko magawa. Ramdam na ramdam ko ang hinagpis.
Wala silang karapatang apihin ako ng ganoon. They know nothing about me. Parang
hindi ako tao kung ituring nila... ang sakit! Kahit saan ako pumunta, hindi ako
tanggap.
Biglang tumigil ang taxi sa isang iskwater area. The place was overcrowded. Ang
daming bata ang nagkalat sa paligid. At kahit kalsada ay naging playground nang mga
ito.
Nagtatanong akong tumingin sa driver ng taxi na lulan ko. "Isang libo!" medyo
malakas ang boses nitong sambit.
Napamaang ako sa kanya. Muli akong tumingin sa labas. "Hindi naman po ito..." Hindi
ko naituloy ang sasabihin ko sa kanya. I never told him the place I wanted to go.
Ang boplaks! "Ang mahal naman po ng singil niyo."
"Anong mahal? Ayan ang sinasabi ng metro ko," inis nitong turan.
I looked at him. "Baka naman po, kuya... walang - wala lang po talaga ako ngayon.
Masyado naman pong mahal ang singil mo."
Umiling ito. "Sabi ng iyon ang nakalagay sa metro ko! Bayaran mo iyan, tangina
naman! May paiyak - iyak ka pang nalalaman. Akala mo naman maaawa ako sa'yo."
Inilabas ko ang perang nadala ko, ilang taon ko itong ipon sa pa-extra extra sa
trabaho. Sininop ko ang lahat ng pera ko na sana ay ilalaan ko sa pag-aaral. Pero
ngayon, sa ibang bagay ko iyon gagamitin. Para sa magiging anak ko.
I wasn't okay at all, but I needed to continue. Kailangan kong magpakatatag para sa
nasa sinapupunan ko.
Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang trese mil na ipon ko. Inabot ko ang
isang libong hinihingi ni manong driver mabigat man sa loob ko. Wala akong alam sa
kalakaran ng siyudad. It makes me vulnerable to be taken for granted.
Bumaba ako ng taxi, luminga - linga ako sa paligid. I secured the money in my
pocket.
Ang balak ko ay humanap nang matutuluyan. Kung susuwertihin, iyong mura lang. Sunod
kong gagawin ay humanap ng trabaho kahit buntis ako at lumalaki na ang tiyan. Kaya
kong tumao sa mga tindahan. Kaya ko pa rin ang magluto o maging kasambahay. Lahat
gagawin ko para makaraos kami ng baby ko.
Ilang bahay ang pinagtanungan ko, milya ang aking nilakad. Wala akong mahanap na
pwedeng rentahan na papasok sa budget ko hanggang sa sumapit ang gabi. Hindi kaya
ang advance deposit ng rent. Hindi ako tatagal ng isang buwan sa ibang gastusin.
Wala akong ibang dala kung hindi ang naipon ko, lahat ng gamit tulad ng mga damit
ay naiwan ko sa unit ni Hadley.
Kailangan kong tipirin ang pera, marami pa akong pangangailangan lalo na ang
magiging anak ko.
Kumain ako sa isang karinderya bago ako muling naghanap. Ramdam ko na ang pagod,
pero hindi pa rin ako tumigil. Wala yata sa akin ang swerte para makahanap ng
panibagong matitirhan.
Mas lalo akong natakot lugar nang gumabi na at pagala - gala pa rin ako. Muling
bumuhos na naman ang emosyon kong patuloy kong pinipigilan, ayokong umiyak kahit
sobrang lala ng aking sitwasyon.
I saw some kids in the street. Mayroon lang silang latag na karton para sa malamig
na gabi. Tumulo ang aking luha. It was my reality now. I was as homeless as they
were.
Bukas na bukas muli akong maghahanap ng pwedeng matuluyan. Titiisin ko ang lamig ng
gabi. I was so tired. Ang gusto ko na lang ay matulog. Pero hindi malambot na kama
ang bumungad sa akin kung hindi ang matigas na semento ng kalsada at maalikabok na
paligid.
Siniguro kong walang makakakuha ng pera ko kung sakaling may magtangka. Pagod na
pagod ang aking katawan pero sa bawat kaluskos nagigising ang aking diwa.
Akala ko, iyon ang una at huling beses na magpapalipas ako ng gabi sa kalye ng
lungsod. But I was wrong. It didn't happen once.
Halos ito na ang kumupkop sa akin ng mga sumunod na araw. Tuwing umaga, naghahanap
ako ng pwedeng pagtrabahuhan. Pero ni isang establisyemento, hindi ako natanggap.
Ni birth certificate, wala akong dala. Buntis pa ako.
Wala akong ibang naging kakampi kung hindi ang usok ng tambutso ng mga sasakyang
dumaraan sa araw - araw at ang makukulay na mga ilaw tuwing gabi. Ang kalye ang
nagsilbing tahanan.
Mas marami ang oras na nawawalan ako ng pag-asa, pero sa tuwing hinahaplos ko ang
aking tiyan, wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang magpatuloy sa hamon ng
buhay.
Kabanata 38
Greatest Soldier
Habang nagtatagal ako sa siyudad, unti - unti ring nauubos ang perang ipon ko. Wala
akong ibang matuluyan kung hindi ang kalye ng lungsod. Ilang linggo akong
nagpalaboy - laboy. Walang dumating na tulong.
I couldn't afford the rents and down payments. Imbes na gastusin ko ang pera sa
renta, sa pagkain ko ito inilalaan. Hindi ako pwedeg magutom, mayroong umaasa sa
sustansya sa aking katawan.
Mukhang hindi ako mamamatay sa gutom, pero magkakasakit sa usok at paiba - ibang
panahon. Ang init sa tanghali, siya namang lamig sa gabi.
"Ma'am, wala po ba talagang slot? Baka naman po pwede akong makapagtrabaho sa inyo?
Kailangang - kailangan ko lang po," Pang-ilang store na ang napuntahan ko. Wala ni
isa ang tumanggap sa akin.
Mapangmata ako nitong tinitigan mula ulo hanggang paa. I was caressing my bulging
belly. Nanliliit ako sa mga tingin nito.
"Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi nga kami tumatanggap ng mga bagong tindera!" she
said loudly. It caught the attention of other customers.
Napatingin sa gawi namin ang ibang suki na bumibili sa maliit na space ng kanilang
shop. I bit my lip. Nagbaka-sakali lang naman ako na naghahanap sila ng tindera,
may nakapaskil sa labas mismo na for hiring kaya ako nagtanong.
Nagpasalamat ako sa babae kahit ang bastos ng asta nito. Bago ako tuluyang
makalabas ng kanilang shop, narinig ko pa ang malakas na bulungan nila ng kapwa
niya tindera.
That's none of their business. Ang dali nilang husgahan ang pagkatao ko sa isang
pagkakamali. They were wrong on one thing, hindi ko inaasa sa iba ang
responsibilidad ng magiging anak ko sa aking mga magulang.
Kahit hirap na hirap na ako sa walang kasiguruhang tinatahak, kahit gustong - gusto
ko nang umuwi sa pamilya ko hindi ko magawa, nagkamali man ako, pero gusto kong
patunayang kaya kong tumayo sa sariling paa, kaya kong harapin ang problema ng mag-
isa, at kaya kong patunayang hindi sa isang pagkakamali nasusukat ang halaga ng
isang tao, hindi ito ang nagde-determina sa magiging katayuan niya sa buhay.
Nakikiligo ako sa mga public restrooms na may bayad na sampung piso. It had been my
reality since Madame Oleya forced me to move out of Hadley's unit. Takot na takot
ako, nagmakaawa ako sa kanya ng ilang beses, but my pleas were never heard. She
never cared.
Wala akong ideya kung nalaman ni Hadley ang ginawa ng mama niya, o siguro, tama ang
babae. Para sa kanila, walang halaga ang buhay ko at sinama lang nila ako sa
lungsod upang iligaw ng landas.
Pumasok ako sa karinderya upang kumain, um-order lang ako ng kanin at humingi ng
libreng sabaw. Tinitipid ko ang perang dala ko. Paminsan - minsan bumibili ako ng
prutas. Back home, hindi ko na kailangang bumili, sagana ang hacienda.
Umiling - iling ito. "Ay, nako, pasensya na, hindi pa kami naghahanap ng panibagong
tao." magalang nitong sagot.
Ngumiti ako ng matipid. "Ayos lang po, nagbabaka-sakali lang naman po ako. Salamat
po." I thanked the woman.
Ganoon pa man, nanghihinayang pa rin ako. Kailangan ko nang trabaho sa mas lalong
madaling panahon. Kapag mas lalo akong na-tengga, lalong walang mangyayari. Hindi
ko alam kung hanggang saan kami aabutin ng anak ko. Ang malas ko yata talaga.
"Hoy, bawal d'yang matulog!" Halos mapalundag ako nang marinig ko ang tinig.
Mabilis akong bumalikwas upang tumayo. Nagsipagtayuan din ang ilang mga batang sa
kalye natutulog. Isang tanod ang bumungad sa amin na may dalang flashlight.
Nakasuot ito ng pang-tanod.
Mabilis kong kinuha ang aking bagahe na may lamang konting pinamili ko. Hahanap ako
ng panibagong pwesto sa pagtulog.
Napatigil ako sa paglalakad, humarap akong muli sa lalaki. "Ako po?" Tinuro ko ang
sarili ko.
"Ikaw iyong bagong salta rito, hindi ba? Kilala ko na halos ang lahat ng palaboy
dito." sinabi ng lalaki.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Halata na ang puti sa buhok nito. He
glanced at my belly. Halata naman iyon sa suot kong damit.
"Delikado na magpagala-gala ka sa kalsada na ganyan ang iyong lagay. Kung gusto mo,
sumama ka sa akin. May alam akong pwede mong tirhan, pansamantala." paanyaya nito.
Hesitant ako sa pahayag ng tanod. "Ayoko pong mapunta sa foster care," Nilinaw ko.
Kapag napunta kami roon, pwede akong ibalik sa Tagbakan o pwedeng magkahiwalay kami
ng anak ko.
The man shook his head. "Hindi. May pera ka ba? May alam akong murang rentahan ng
isang kwarto, malapit lang dito."
Kumurap ako. Tama ba ang narinig ko? Ito na yata ang sagot sa mga dalangin ko
tuwing gabi.
"Talaga po?" My heart raced faster, nangibabaw ang pag-asa sa aking boses. "Mura
lang po ba talaga?"
Halos maiyak ako sa tuwa. Dinala ko ang mga gamit ko, kasunod ng matandang tanod.
Mabilis ang naging lakad ko, I was excited. Hindi na ako matutulog ko sa magaspang
na semento. Hindi na ako malalamigan sa walang bubong at haligi na kumupkop sa akin
ng ilang linggo. Pero pasalamat pa rin akong kinupkop nito ng ilang linggo.
Pumasok kami sa madilim na eskinita. May naamoy pa akong baho at pakislap - kislap
lang ang isang poste ng ilaw. Dumating kami sa dulong bahaging wala akong natatanaw
na kabahayan.
Nakaramdam ako ng pangamba. I kept my distance at the guy. It was sketchy. Parang
gusto kong tumakbo papalayo, pero hindi ko magawang ihakbang ang aking paa.
Lumingon sa akin ang lalaki. Nakangisi ito. Pinakita niya ang hawak na paddle.
"Asan ang pera mo? Ilabas mo ang pera mo, kung hindi masasaktan ka sa akin." banta
ng tanod.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang hakbang ang ginawa ko paatras ng hindi ko
inaalis ang tingin sa kanya.
Bakit ang bilis kong magtiwala sa isang tao? Ang bilis kong maniwala. I was
sheltered in the province my whole life, I didn't experience distrust from people.
Mas nauuna kong makita ang kabutihan ng isang tao, kaysa ang kasamaan nito. It
wasn't a bad trait. Pero bakit parang ngayon pinamumukha sa akin ng tadhanang hindi
dapat ako nagtitiwala ng basta lang?
My mind was alerted. Abot - langit ang kaba ko. "Walang makakita sa'yo kung mamatay
ka man dito, wala ring maghahanap na pamilya, palaboy - laboy ka lang sa kalsada."
Mas lalo akong umatras.
"Bakit po kayo ganyan?" lakas ang loob kong tanong. "Bakit po kailangan niyo pang
manamantala ng ibang tao? Kung tutuusin, mas mapalad po ang kalagayan ninyo sa
buhay kaysa sa akin. Nakakakain po kayo nang maayos, may tirahan po kayong may
bubong at may trabaho po kayo, bakit po kailangan niyo pang gawin ito sa tulad ko?
Buntis po ako, kuya. Wala akong ibang matatakbuhan." Mahinahon kong sinabi.
"Putangina, walang personalan, neng! Trabaho lang!" Tumawa ito. It echoed like a
demon. "Ano ibibigay mo sa akin ang pera o malilintikan ka?"
Nanginginig ang buong kalamnan ko. Tanging pera na lang ang mayroon ako at ilang
damit, kapag nawala pa ito, hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng anak ko.
Hindi ko alam kung paano na kami mabubuhay sa isang lugar na hindi pamilyar sa
kinaliakihan ko.
Walang tao. Wala akong pwedeng hingian ng tulong. I was drained.
Humakbang akong muli paatras nang paatras, I used the momentum an sprinted out of
the eskinita. Baka iyon na lang ang huling tyansa. Kailangang - kailangan ko ang
pera. At kung makuha man ng lalaki ang gusto niya, wala ring kasiguruhang hahayaan
niya kami ng anak ko ng walang galos. Alam kong maaari niya kaming mapatay sa
madilim na eskinita.
Sa unahan nakapokus ang aking mata, hindi ko nakita ang malumot na parte ng
eskinita na may tubig na basa. Unang lumapat ang p'wet ko sa sementong daan. Ang
lakas ng impact noon.
Hinaplos ko ang aking umbok na tiyan. Iyak ako nang iyak. Ang sakit ng aking likod.
"Tatakbo - takbo ka pa, iyan ang inabot mong tangina ka!" galit na galit na sigaw
ng lalaki.
Tumingin ito at ngumisi ng parang demonyo. Nag-uunahan ang luha sa aking pisngi.
"Maawa na po kayo! 'Wag niyo po kaming s-sasaktan. 'Wag niyo po kaming p-
pagnakawan, wala na po akong natitira para sa sarili ko. P-please po!" garalgal ang
boses ko sa pagmamakaawa.
"Hindi! Mas lalo ka pang masasaktan, pinahirapan mo pa akong hayop ka! Ilabas mo
ang pera o..." Tiningnan niya ang tiyan kong halata na ang laki. Itinapat niya ang
hawak na paddle. "Uunahin ko ito..."
Patuloy ang pag-alpas ng luha ko. Wala na akong lakas humindi. Wala na akong lakas
lumaban.
Kinuha ko sa aking bulsa ang natitirang pera. Mayroon pa akong humigit kumulang na
sampung libo. Pawis ang naging puhunan ko upang makuha ko ang perang iyon. Sa isang
iglap, kukuhanin lang ng isang taong walang kaluluwang magtrabaho. Ang perang iyon
na dapat ay ipapakain ko sa aking sinapupunan.
That's the least thing I could do to protect my child. 'Wag lang siyang masaktan,
ibibigay ko ang lahat pati ang buhay ko.
Demonyong tumawa ang lalaki. "Aba'y ibibigay din pala, pinahirapan mo pa ako. Ano
kaya kung patayin kita rito?" He shook his head. "Sinong gusto mong maunang
saktan?"
Para akong lantang kulay, ang mata ko na lang yata ang gumagana sa katawan ko. Puro
pag-iyak lang ang alam na gawin.
"A-ako na lang po ang s-saktan mo, 'wag lang ang b-baby ko..." pagmamakaawa ko
rito.
The next thing I knew, his paddle hit my face hard. Nag-aagaw ang dilim at liwanag.
May narinig akong pito at mga yabag paalis ng tayo ko.
Para akong sinampal nang malakas na wala ng pag-asa. Minsan hindi ko maiwasang
mapatanong sa existence ng lumikha. Sapat na bang dahilan ang pagkakamali ko para
parusahan ako ng ganito? Bakit kailangan kong maranasan ang mga ganitong bagay? I
was so hopeless.
Wala naman akong ginawang sobrang masama, hindi naman ako pumatay ng tao. Pero
bakit kailangan kong maghirap ng ganito?
Ang sama ko ba para kuwestiyunin ang mga bagay na dapat hindi? Pero asan siya
habang ninanakawan ako at pinalo ng paddle? Why didn't God intervene? Hirap na
hirap na ako. Kung sadyang mahirap ang buhay, bakit pa ako nabuhay? Hindi ko naman
ginusto ito.
Nagising pa rin ako sa kabila ng lahat. Gusto ko nang matapos ang paghihirap ko.
I was still in the narrow street where I was left last night. Nobody dared to help
me, I guess.
Masakit na masakit ang buong katawan ko pero pinilit kong maupo. Tanging ilang
damit ko na lang na nagkalat ang tangi kong kasama. Wala ng kahit isang singkong
duling ang natira sa akin.
Ilang beses akong lumunok. Kailangan ko ng tubig para maibsan ang uhaw ko.
Tinitigan ko ang umbok at hinaplos ang aking tiyan. Naiiyak ako. Kumapit ang anak
ko. Hindi niya ako iniwan. I wiped my tears. My baby is a little survivor. Hindi
man lang ito natinag kahit gaano kahirap at masakit ang naranasan naming dalawa
kagabi.
Ilang minuto ang tinagal ko bago ko nagawang tumayo. Siguro, hangga't nagigising pa
ako, kailangan ko pang kumilos para sa amin ng anak ko. Pagod na pagod na ako.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Bumagsak na naman ako sa lupa. I need to
find a job. Wala na kaming tirahan ng anak ko, mamatay pa kami sa gutom. Ano bang
kasalanan ko sa mundo? Kung pahihirapan ako, sana 'wag ng idamay ang anak ko. Wala
siyang kasalanan.
Kumalam ang aking sikmura pero wala akong natirang pera. Wala pa akong plano kung
paanong makakahagilap ng pera. Kailangan ko bang isangla ang kaluluwa ko sa
demonyo?
Kasabay ng pagkalam ng sikmura ko, bigla itong sumakit. Napahawak ako sa sirang
railings upang kumuha ng suporta. The pain was excruciatingly painful. Kinagat ko
ang aking braso para hindi ako mapasigaw. Tears formed in my eyes. Ilang piping
dasal ang inalay ko.
I rested for a bit. Tinitigan ko ang aking binti kung mayroon ditong umagos na
dugo. Ito yata ang tinatawag na pregnancy cramps, nabasa ko iyon sa ilang articles
tungkol sa pagbubuntis. It was common. Wala naman akong pampa-konsulta sa doctor
kung sakaling mayroong problema.
Kanina pa ako uhaw na uhaw at nagugutom pero wala pa rin akong mailagay sa sikmura
ko.
Tumapat ako sa isang maliit na karinderya. Ang bango ng nilutong ulam, I was hoping
the smell could ease my hunger. Ni isang kusing wala akong pambili ng pagkain.
Maybe, I was too prideful. Imbes na bumalik ako sa amin at magmakaawang tanggaping
muli, andito ako nagpapakasakit sa Manila. Bumalik man ako, alam kong hindi ako
tatanggapin ni tatay hangga't hindi ko natutunang akuin ang responsibilidad. Wala
akong natitirang ibang options.
Nahihiya akong tumungo sa labas. I wanted to cry, but I'm too tired of crying and
pitying the situation I was in. Lumuha man ako ng sandamakmak, hindi nito ako
maiiahon sa kasalukuyan kong realidad.
On the sidewalks, there were food stools. Nakahain lang ang mga paninda. Hindi lang
iisang beses kong naisip na magnakaw na lang ng pagkain sa mga nakalatag na prutas
at kakanin. Gutom na gutom ako.
I shook my head. Hindi ako pinalaki ng magulang kong maging magnanakaw. Hindi ako
lumaking hindi alam ang pinagkaiba ng tama sa mali. Hindi ko kayang kumain ng
galing sa nakaw at hindi ko kayang ipakain iyon sa magiging anak ko. Hindi ko alam
kung hanggang kailan ako tatagal ng wala man lang kain.
Naupo ako sa gilid ng sidewalk. Wala na akong lakas. Nagpahinga muna ako ng
sandali.
"Bago ka rito?" Lumapit sa akin ang isang babae, halos magkasing-edad lang kaming
dalawa. Mas payat lang ito sa akin. I almost flinched. Nakaramdam ako ng takot mula
sa engkwentro ko kagabi. "Rugby, gusto mo?"
"B-buntis ako..." Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "W-wala akong p-pera..."
Hindi ko magawang sumagot. Wala. Wala nga akong magawang ipakain sa sarili ko.
Umiling ito ng bahagya. "Bago ka pa nga, hindi mo alam ang kalakaran dito. Alam mo,
miss, kapag pagkain ang binili ko, mas ma-konsumo, mas madaling maubos. Pero kapag
ito, nawala na ang gutom ko, high pa ako? Saan ka pa?" She laughed bitterly.
"Tanga kasi nang nagluwal sa akin, kung in-abort niya ako, mas matutuwa pa siguro
ako. Mas magiging masaya pa ako. Buhay nga ako ngayon pero pinapatay naman ako ng
realidad ng mundo. Putangina lang. Hindi ko naman ito ginusto. Ang daling sabihing
hindi kasalanan ang ipinanganak na mahirap, pero kasalanan na ang mamatay na
mahirap, tinanong man lang ba ako kung gusto kong mabuhay sa mundong ito?" May
lapnit ang kanyang mga salita.
Pipi akong nakinig sa kanya kahit nabigla ako sa ilang sinabi ng babae. Muli siyang
suminghot ng rugby. "Kaya kung ako sa'yo at and'yan na ang batang iyan, ipa-ampon
mo na lang sa mayaman. Walang magagawa ang pagmamahal kung pareho kayong gutom."
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko man aminin, pero may konting sense ang sinasabi
niya. Sinasabi nilang laging hangad ng isang ina ang kabutihan ng kapakanan ng
kanyang anak. Pero kakayanin ko ba?
Hinaplos ko ang aking tiyan. Siya na lang ang natitirang mayroon ako. Igagapang ko
ang aking anak mairaos ko lang sa hirap.
Ngumisi ito. "Sobrang inosente mo. 'Wag sanang sirain ng mundo." Tumayo ito sa
pagkakaupo sa sidewalk at naglakad papalayo.
Naiwan akong mag-isang nakatingin sa papalayong bulto ng babae. It was such a weird
encounter. Pero bigla akong nakaramdam ng mayroong karamay pansamantala.
Nang umalis ang babae, muli kong naramdaman ang pag-iisa. I sighed.
Buong maghapong walang laman ang aking tiyan. I searched in the streets of Manila,
but found nothing. My stomach was already aching wanting for a bit of food. Hindi
na ako makapaghintay ng milagro na may isang mabuting nilalang ang mahabag sa aking
kalagayan at pakainin ako ngayong gabi.
Ang bigat ng loob kong tumungo sa isang basurahan ng kasasarang restaurant. I was
digging for some food inside the trash bin. Awang - awa ako para sa sarili ko. But
I have to do anything to survive, maliban na lang sa pagnanakaw o gumawa ng masama
sa kapwa. Leftovers naman ang mga tinapong pagkain sa basurahan.
Lumandas ang ilang patak ng luha ko habang pinipilit kong kainin ang burger na
hindi masyadong kinain ng kung sino mang bumili nito. Hindi ko mapigil ang pag-iyak
sa panlulumo. I didn't imagine, I would reach this point of desperation in my life.
Sobra - sobra ang awa kong nararamdaman. Bakit ako? Bakit ako ang kailangang
makaranas nito? Do I deserve this punishment?
Nakarinig ako ng pagkalansing ng barya sa tapat ko. I swallowed hard. Someone gave
me coins. Nilingon ko ng tingin ang babaeng naglagay ng barya. Agad ko itong
dinampot at nagpasalamat sa babae.
Pumunta ako sa isang stool na nagtitinda ng mga palamig. "May tubig po kayo? Pwede
pong makabili kahit limang piso?"
Kumunot ang noo ng matandang nagtitinda. "Palamig ang tinitinda namin. Ito baso,
kumuha ka na lang doon ng tubig." Itinuro niya ang jar na may lamang tubig. Mabilis
kong tinanggap ang binigay nitong plastic cup sa akin.
The moment the water graced my mouth, I felt relieved. "Salamat po."
Ngumiti lang ang tindero. Kahit libre ang sinabi ng matandang lalaki, nag-iwan pa
rin ako ng limang piso sa takip ng lagayan ng palamig. I don't want to owe anything
to people.
Nagpahinga ako sa may sidewalk, hindi ko magawang makatulog matapos ang nangyari ng
nakaraang gabi. It would haunt me for the rest of my life. Huminga ako nang
malalim.
I looked up to the stars. Cadence and I had a special bond with the stars. Kumirot
ang puso ko. Are we looking at the same star right now? Hindi ko pa rin
maintindihan kung bakit niya ako iniwan sa ganitong kalagayan. Does he even
thinking about me?
Alam niya ba ang ginawa sa akin ng kanyang ina? Alam niya ba kung gaano kahirap sa
akin ang buhay at tadhana?
Sa paglalakad ko, nadaanan ko ang isang tulay. Mas marami pa yata ang iskwater na
nagkalat sa parteng ito. Humawak ako sa railings. Gusto kong lumiban na sa kabila.
Paano kong tapusin ko na ang lahat ng paghihirap ko ngayong gabi?
Ang totoo, pagod na ako. Niloloko ko lang para ang sarili ko sa pag-asang ubos na
ubos na. Gusto ko nang wakasan ang lahat. Parang wala nang saysay pang magpatuloy.
They say, God give the hardest problems to his greatest soldiers. I closed my eyes,
I'm not one of those greatest soldiers. I'm not a soldier. Ang hina ko. Wala na
akong lakas lumaban, konti na lang bibitiw na ako. I just want to rest already.
Naramdaman ko ang ang munting galaw sa aking sinapupunan. My baby moved inside my
womb. Muling bumaluhong ang mga luha sa aking mata. I cried so hard.
Hindi ako sinusukuan ng anak ko, dapat ganoon din ako sa kanya.
Kabanata 39
Miracle
When everything falls apart, my only alliance is myself and my an unborn child.
Hindi ko kailangang iasa ang kapakanan ko sa mga taong wala sa aking tabi sa
panahon ng paghihirap.
Sa pagguho ng mundo, tanging sarili ko lang ang dapat kong asahan at wala ng iba. I
learned the hard way.
Nang dumating ang puntong wala ng pag-asa, tanging pagiging malakas lang ang pwede
kong kapitan. Wala akong ibang choice. The experience must toughen me for my child.
Less tears, more resources, new plans. There was no other way but to adapt to the
environment I was in.
Ganoon talaga siguro ang mundo, unfair ito para sa lahat at may parte sa aking
gustong kamuhian ito.
Iniinda ko pa rin ang naturang pasakit. Hindi ko alam kung paano akong nakatagal at
nanatiling kumapit sa malagim na tadhana. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi
maging malakas para sa batang nasa sinapupunan ko. Hinaplos ko ang umbok ng aking
tiyan.
"May dala akong tinapay at mainit na sopas," sinabi ng bagong dating. Tumingin ako
sa pinto ng maliit na barong - barong. Sumilip si Emma, kagaya ng sabi niya,
mayroon itong dalang pang-alis ng konting hinagpis.
Nagkrus ang landas naming dalawa, unang beses rugby pa ang kanyang dala. Matagal na
ang babae sa lungsod, dito na ito nagkaisip kaya alam niya ang kalakaran. Somehow,
we managed to become friends despite the circumstance.
Mayroon naman akong konting pera sa naipon kong paglalako ng bakal at bote. Hati
kami sa mga kinita namin.
"Doon sa may patay sa kabilang kalye. Kung araw - araw mayroong patay dito sa may
atin, edi maayos na ang buhay natin, tutal wala rin naman silang silbi." maanghang
na komento nito.
Umiling naman ako. Isinalin niya ang naiuwing pagkain sa iisang bowl na mayroon ang
barong - barong, inilagay niya ang iba sa malinis na pinggan. Mas madaling maka-
diskarte si Emma sa mga lamay ng patay.
Hindi ko tinanggihan ang alok niya. Lumapit ako sa mesang may kalumaan na.
Dinispatsa na ito ng totoong may-ari pero sinalba lang nga mga gaya naming walang
ibang pagkukunan ng resources kung hindi ang mga bagay na tinapon nang iba.
Emma looked at me dead in the eye. "Hindi, Sai. Ito na ang realidad natin. Kahit
anong kayod mo, hanggang dito pa rin tayo, tayo pa rin ang nasa laylayan. Ang
mayaman, patuloy na yayaman. Ang mahirap at pinagkaitan, mananatiling sadlak." And
I knew, she was right.
Hindi ako sumagot. Magkaiba kami ng pananaw sa bagay na iyon. Hindi ko ipamimigay
ag anak ko. Igagapang ko siya sa hirap.
Tinapos ko ang pagkain ng sopas at nagtira para sa mamaya. Hindi ko rin inubos ang
rasyon ng tinapay. Nagpasalamat ako kay Emma. I will always be forever thankful to
her. Kinupkop niya kami ng anak ko sa maliit niyang barong - barong. It was a
better place than the city's streets.
Ang mahalaga nakakaraos kami ng anak ko. Ilang trabaho na rin ang pinasok ko,
minsan nangangalakal ng mga bakal bote, nagtitinda, tumatanggap ng labada sa may
kayang buhay dito sa area.
"Sampaguita po, ate! Pang-alay sa mga santo!" Ngumiti ako sa babae. Konti pa lang
ang benta ko.
"Magkano?"
Inabutan niya ako ng perang sinabi ko. I gave her the remaining sampaguita.
Nagpasalamat ako sa ginang. Akala ko aabutin pa ako ng siyam - siyam upang maubos
ang paninda ko. Mabilis kong tinago ang pera sa aking bulsa.
Being in the city thought me things --- minsan, hindi mabangis na hayop ang kalaban
kung hindi mismo ang kapwa tao.
Dumaan muna ako sa isang karinderya upang bumili ng kanin at humingi ng konting
sabaw sa plastic, para naman mayroong lasa ang pagkain namin mamaya. Bumili rin ako
nag tigpi-pisong bangus ng junk foods. Iyon ang inu-ulam namin paminsan - minsan.
Nagpasalamat ako kay Manang na nag-abot ng supot. Dinagdagan niya rin ang sabaw at
mayroon pa itong konting laman. Dumiretso ako sa may tulay, kung saan nakatayo ang
barong - barong ni Emma.
Ang taas ng mga pangarap ko noon sa buhay, hindi ko naman inaasahang sa ganitong
buhay pala ako babagsak. Ngayon, masaya na ako kung makaraos kami ng isang araw na
hindi gutom. Ito ang kagustuhan ng tatay ko, ang tumayo ako sa sarili kong paa na
walang pag-alalay nila.
Dumating akong nasa bahay na rin si Emma. Agad kong napansin ang pasa niya sa gilid
ng kanyang labi. Kumunot ang aking noo. Ibinaba ko ang supot sa lumang mesa.
Kinagat ko ang labi ko. Si Goryong. Taga-rito din sa iskwater. Feeling hari ang
isang iyon sa lansangan, mayroon din itong mga alipores. He reminded me so much of
Teryo. Ang pinagkaiba lang nilang dalawa, may puso ang huli. I was still reminded
of the previous chapters of my life.
"Baka hindi lang basagin noon ang mukha mo sa susunod. 'Wag mo na lang pansinin at
patulan." pangaral ko, wala rin namang magagawa ang away na iyan.
She shook her head. "Pare-pareho na nga tayong dumi ng lipunan, magpapatapak pa ako
sa kapwa dumi. Hindi ko gusto ang ganoon."
Hindi na ako sumagot. Isa yata sa pinagkapareha naming dalawa, matigas din ang
kanyang ulo. Hindi siya basta umuurong, pinaglalaban niya iyong alam niyang tama.
Huminga ako nang malalim. Kanina pa humihilab ang tiyan ko, pero kailangan ko pang
magtrabaho at kumita ng pera kanina kaya sumige pa rin ako.
Naupo muna ako sa sahig na may latag na karton para hindi gaanong malamig sa puwet.
I caressed my big, round belly. Marami akong naipagkait sa anak ko ultimo ang mga
check-ups, hindi ko nagawang maibigay sa kanya. Tanging alam ko lang na kumakapit
siya sa movements nito, minsan sumisipa ito sa aking tiyan.
Napasigaw ako ng biglang umarangkada ang sakit. Hindi ko matuon saang parte.
Bumaling sa akin si Emma.
"Ano...ng nangyayari, Sai?" may pag-aalalang tanong niya. Naupo siya para tingnan
ako. Namamawis nang malapot ang noo ko.
Pinilit kong ikalma ang aking sarili, ilang beses akong humugot ng paghinga.
"Lalabas na yata ang bata. M-manganganak na yata ako..." imporma ko sa kanya. My
water broke.
Panic was evident in her eyes. Wala kaming alam sa ganitong bagay. Pero wala rin
naman kaming pera para mai-admit sa isang klinika. Mayroon naman yatang libreng
panganganak sa mga residente ng lugar, wala akong kahit anong papeles na
magpapatunay na isa akong residente. Those rights were neglected by the system.
Ang totoo, hanggang ngayon bulok pa rin ang sistema ng bansa pagdating sa
healthcare assistance, mayroong pondo na binubulsa ng mga nasa pwesto.
"Mayroong gloves akong binili saka alcohol at gunting. Linisan mo muna ang mga
gamit." mahinahon kong utos kay Emma. If we both panic, it would turn out to be a
disaster.
Ang buong akala ko mas matanda ako sa babae, pero mas matanda ito sa akin ng isang
taon. Payat lang ito at nabuhay sa kalye.
Natatakot ako sa posibleng mangyari. Pumikit ako nang mariin, I drew long breaths
to prevent myself from feeling the sudden gush of pain. Pinilit ko ang sarili kong
muling tumayo, naglatag ako ng malinis na banig.
Habol ko ang bawat paghinga. Hindi lang tiyan ko ang humihilab, halos ang buong
katawan ko nakakaramdam ng sakit.
Muling bumalik si Emma sa barong - barong. Dala na niya ang mga gamit, may kasama
rin itong isang may edad na babae. Si Aling Wilma. Hindi ito doktor, pero halos
karamihan ay sa kanya pumupunta tuwing manganganak. Siya na lang ang natitirang
pag-asa ko para mailabas ang aking nasa sinapupunan.
"Tangina, Aling Wilma. Anong kagat ng langgam? Baka kamo, langgam na kasinglaki ni
Barney." She was shaking her head. Pauli - uli ito sa maliit na espasyo. Mukhang
mas kinakabahan pa si Emma kaysa sa akin.
Tanging hiling ko lang sana wala masyadong maging komplikasyon. Sana magkaroon ako
ng pagkakataong makita ang anak ko. Ayokong mamatay ng hindi man lang siya
nahahawakan. Ayokong ipasa ang responsibilidad ko sa aking anak sa kaibigan ko.
"Malapit na, konting push pa!" Rinig ko ang mga boses sa paligid.
I whimpered in pain, but I did what I was instructed to. Ilang beses akong umire,
ubos na ubos ang aking lakas, hanggang makarinig ako ng pagtangis ng isang sanggol.
The cries symbolized a new beginning. Nagsiunahan ang pagtulo ng aking luha.
Matapos ang sakit at paghihirap, hindi ko alam na mapapawi agad ito ng saya,
narinig ko pa lang ang pag-iyak ng aking munti.
Mas lalong bumaluhong ang luha sa aking mata. The news made me cry even more.
Gustong - gusto ko na siyang mahawakan. Ni hindi ko alam ang gender niya, hindi na
kami muling nakabalik sa mga check - ups. Lalaki ang anak ko. Siguro, lalaki para
punan ang pagkukulang ng mga lalaking dumaan sa buhay ko.
"Anong ipapangalan mo sa kanya?" Matapos nilang linisan ang anak ko, binalot nila
ito sa malinis na lampin. Binigay nila sa akin ang umiiyak na sanggol.
His cries immediately stopped when I held him in my arms. Ako ang umiyak nang
masilayan ko ang aking anak. It felt like everything paid off. He was so little. He
was so tiny. But he is my little bundle of joy.
Hinding - hindi ako magsising dumaan sa hirap makapiling lang ang munting sanggol
na nasa mga bisig ko. Hinding - hindi ako magsising ipinaglaban ko siya.
"Sige na, Sai. Magpahinga ka, kailangan mo ng lakas. Ako na muna ang bahala sa anak
mo." Hinanda niya ang palangganang maraming lampin. Iyon muna ang magsisilbing
higaan ng baby ko.
Hanggang ngayon, wala pa akong naiisip na ipangalan sa kanya. I know, I should come
up soon with my baby's name. Pero ngayon, hinihila na ako ng antok. My body and
mind was so exhausted. Ang mahalaga, ligtas ang anak ko. Malusog siya.
The next days will be hard, but I promise to do everything for my son.
***
"Fresh na ang baby ko," binigyan ko siya ng halik sa pisngi. I smiled. "Ang bango -
bango na. Hindi pa rin ako makapaniwalang nanggaling ka mula sa akin, anak. Siguro
kong makikita ka ni tatay, mawawala lahat ng galit niya sa akin. You're hard to
resist. Mahal na mahal ka ni nanay. Pakiradam ko ubos na ubos ako noong nakaraan,
ngayon mayroon na akong panghuhugutan ng lakas." pagkausap ko kahit mahimbing naman
itong natutulog.
Kahit pagmasdan ko siya buong magdamag, hindi ako nagsasawa. Nahihirapan akong iwan
siya kay Emma kapag kailangan kong magdoble-kayod. Miss na miss ko na agad siya.
Wala namang naging problema, my breasts can produce milk for my baby. Hindi ko iyon
inaasahan, maliit naman ang hinaharap ko. Tuwing iniiwan ko siya kay Emma,
nakahanda na ang gatas niya sa botelya.
He already had his first check-up last week. Naturukan na rin ang baby boy ko ng
mga kailangan niyang doses. Malusog ang anak ko, kahit ang dami naming pinagdaanang
dalawa.
Madalas siyang rumaraket sa gabi, samantalang ako naman sa umaga. Siya ang
magbabantay sa anak ko sa umaga, sa halip na itulog na lang niya ang buong isang
araw habang nagbebenta ako ng bakal bote, sampaguita, at kung minsan suma-sideline
sa pagtatawag ng pasahero ng jeep.
Masaya na akong nakakalikom ng apat na daan. Hanggang doon muna ang makakaya ko,
pagtuntong ko ng legal na edad baka mas makahanap pa ako ng permanenteng trabaho.
Inilabas niya ang tupperware na may lamang lugaw at ilang piraso ng tinapay.
Nakaramdam ako ng gutom.
"Para sa iyo 'yan, para mas lumakas ka. At maraming gatas si baby." Kumuha siya ng
kutsara at nilagay sa tupperware. She gave it to me.
"Hindi ko iyan mauubos. Hati na lang tayo." Hiyang - hiya ako kay Emma. Wala naman
siyang responsibilidad sa amin ng anak ko, pero hindi siya nagdalawang - isip na
tulungan ako. She barely even know me.
"Nakakain na ako matapos ang raket, para talaga iyan sa'yo..." Emma insisted.
My eyes were a bit teary. "S-salamat. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat
sa'yo."
Umirap ito sa ere. "Ang drama." komento pa niya. "Patapon na rin naman ang buhay
ko, siguro ito lang ang panahong makakagawa ako ng tama."
Muli kong sinulyapan ang anak ko. Hindi pa man nagsisimula ang aking trabaho, gusto
ko nang bumalik sa kanya.
"Sige, una na ako. Magpahinga ka rin kapag tulog si baby. Kailangan mo ng tulog."
sinabi ko. Kumaway ako at mabilis na naglakad paalis ng barong - barong kung saan
ko iniwan pansamantala ang aking anak.
Pauwi na ako nang madaanan ko ang isang boutique. Agad nakaagaw ng aking pansin ang
kulay asul na mittens. Alam kong mas dapat kong paglaanan ang ibang bagay, pero
hindi ko magawang makaalis ng boutique ng hindi binibili ang blue mittens.
Nangako ako sa baby kong ibibili ko siya noong nasa condo unit pa ako ni Hadley.
Muling bumalik sa akin ang alaala.
"Sai!" frantic na sigaw ni Emma. Humahangos itong lumabas ng pinto. She looked
pale.
Kumunot ang aking noo, bahagyang dumagundong ang aking dibdib. "Bakit?"
"Si baby mataas ang lagnat! Hindi ko alam. Nakaidlip ako noong tanghali kasabay
niya. Paggising ko hindi na ito matigil sa pag-iyak..." Mabilis akong pumasok sa
loob para tingnan ang kalagayan ng anak ko. He was still crying and clearly in
discomfort.
If I would recognize the fast beating of my heart and fear, magiging mahina ako. It
was just a weakness and I don't want that. Lalo na ngayon kung kailan kailangang -
kailangan ako ng aking anak.
Sumakay kami ng tricycle patungo sa pinakamalapit na klinika. Iyak pa rin ito nang
iyak.
"Emergency po!" pasigaw ang boses ko. Nakaalalay lang sa akin si Emma.
Tinitigan ako ng babae mula ulo hanggang paa. "Neng, mayroong pila." walang emosyon
nitong sinabi.
"Ma'am, emergency po ito, kailangang matingnan agad ang anak ko!" mariin kong
sagot.
Mukhang dumagdag pa ang pagtataas ko ng boses sa pag-iyak ng anak ko. "Tahan na,
tahan na, andito si nanay. Hindi ka papabayaan ni nanay." mahinang bulong ko sa
kanya, sakaling tumigil ito sa pag-iyak.
Bilang isang inang nakikita ang paghihirap ng anak, hindi ko iyon maintindihan sa
ngayon. Ang alam ko lang kailangan ng anak ko ng doktor, kailangan nilang unahin
ang pangangailangan ng baby ko.
Bigo kaming umalis ng pampublikong klinika. Hindi ako makapaghintay. Sumakay kaming
muli sa tricycle upang pumunta sa isang pribadong clinic.
My eyes watered. Muli akong lumabas ng tanggapan ng clinic. Yakap ko ang anak ko sa
aking bisig. Hindi maampat ang pagtulo ng aking luha. Emma was waiting for me
outside.
She looked at me with worry in her eyes. "Sa hospital tayo..." pinasakay niya ako
ng tricycle. I was so disoriented. Pinipilit ko namang labanan para sa anak ko,
pero takot na takot ako para sa kanya. I just want him to feel better. Pwede naman
ako ang umako ng kanyang pagdurusa, bakit kailangang siya pa ang mahirapan?
Hiling ko lang sa bituin, gumaling lang ang anak ko, ibibigay ko sa kanya ang
magandang buhay.
I can't give him that. I'm not the fitted mother for him. Puro ideolohiya lang ang
alam ko, kulang ako sa gawa. Hindi ako sapat.
Huminga ako nang malalim. "'Wag na po kayong mag-worry, mommy. Okay na po si baby,
pwede na po siyang ma-discharge. Bale, may ilang mga paalala lang po, i-bath niyo
siya sa maligamgam na tubig. If your baby has a high fever again, lukewarm water
lang naman po ang katapat. No need to use for cold water or alcohol. You may settle
the bills with the cashier." Ngumiti sa akin ang doctor at magalang na nagpaalam.
Halos wala pa akong tulog. Para na akong lantang gulay sa pag-aalala. Nagtungo ako
sa cashier para tingnan ang bill namin. Kahit gusto ko na siyang iuwi, wala akong
ganoon kalaking halaga. Kailangan ko munang dumoble ng trabaho para mabayaran ang
hospital bills ng anak ko.
Ginawa kong umaga ang gabi makaipon lang ako ng sapat na panggastos sa hospital.
Pagod na pagod ang katawan ko. May mga pagkakataong gusto ko na lang sumuko, pero
sa tuwing naalala ko ang cute na baby boy, I couldn't just give up for him. Baka
ito na ang huling sandali kong maiparamdam kong mahal na mahal siya ni nanay.
Sobrang sakit. Pero iba - iba ng paraan. Ngayon, gusto ko lang siyang mabigyan ng
mas maraming oportunidad. Ni hindi ko magawang mapakain ang sarili ko, anong
ipapakain ko sa kanya? Pagmamahal?
Ako na lang ang mamatay sa gutom at lungkot, 'wag lang ang anak ko. Ako na lang ang
magdusa sa desisyon ko, magkaroon lang ng magandang buhay ang anak ko. Kapag
nagkasakit siya, mas mapapadali ang pagdala sa hospital. Mas maalagaan siya. At may
tiyansang magkaroon siya ng buong pamilya.
Pinahid ko ang sunod - sunod na luhang dumaloy sa aking pisngi habang pinagmamasdan
ko ang pagbubukas ng isang madre sa gate. She saw my baby in the basin. Luminga ito
sa paligid, pero siniguro kong walang makakakita sa akin.
Tiningnan niyang maigi ang anak ko at dinampot ang sulat sa papel. Sinundan ko ng
pagbasa ang nakasulat.
Trojan Miracle.
Tumalikod ako nang umiiyak. Ramdam ko ang pagbiyak ng aking puso sa bawat hakbang.
***
NO SPOILERS!!!
Let other readers have the same excitement as they read this chapter. Open for
peaceful discussion. Thank you for waiting!
Chi xx
Ikaapatnapong Kabanata
Kabanata 40
Nanay
Huminga ako ng malalim. I was next in the line of long applicants. Kailangang -
kailangan ko ang trabaho. Kinakabahan ako, pero mas nangunguna ang determinasyon
kong matanggap sa posisyon. Marami akong bagay na kailangan kong patunayan, at
kailangan kong makapag-ipon ng pera.
Tumayo ako at hinipid ang paldang suot ko. I was wearing white polo and black skirt
for the formal interview. Sumunod ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Kabubukas
lang ng isang restaurant and I grabbed the opportunity to apply for a job in
managerial position.
Medyo suntok sa buwan, wala akong binatbat pagdating sa credentials. Pero
naniniwala ako sa kakayahan ko at kung gaano kataas ang position na in-apply-an
ako, ganoon rin ang pangangailangan ko ng pera. I need to step up my game.
A strict woman came to see me, she was already in her fifty's. Mayroon siyang suot
na makapal na salamin.
"If I would base it on your credentials, I wouldn't hire you. Hindi ka nakatapos ng
senior high school, you have the guts to apply for such a high position,"
Pinasadahan niya ako ng tingin sa kanyang suot na spectacles.
I remained composed all throughout her stare trying to make my insides tremble.
Kinakabahan ako, pero hindi ako magpapatalo sa tinging iyon. I still smiled after
hearing what she had to say about me.
"Actually, ma'am, you were right on that part where probably I have the lowest
credentials among all the applicants here. Pero basing on the salary din po, you
should not have expected such high credentials for your employee. You see, that's
the problem in the Philippines, we want the best or someone who has the highest
creds, but do we pay them the same amount of how high their credentials were?
Hindi, dahil bare minimum lang din po ang kikitain namin." mahinahon kong pahayag.
The lady stared at me for a long time. Wala akong ideya kung anong tumatakbo sa
isipan nito, medyo nagtaka akong hindi pa nito ako pinalabas ng pinto. Sometimes,
truth sounded rude. The moment I aired my sentiments I know I wouldn't have the
chance to get this job.
Maraming taon na akong minaliit, hindi lang sa height ko, pero dahil wala akong
natapos na degree. At hindi laging ganoon ang mangyayari, hindi laging magkakaroon
sila ng tiyansa para apihin ako.
"What's the best quality that you could offer in this field?" muling tanong ng
babae.
I recalled all the skills that I have, my father always believed that I was
intelligent. Madalas niyang sabihing ako ang pag-asa ng mga Maligno. But I didn't
make an intelligible decision when I needed to do so. Medyo lumiko ang takbo ng
buhay ko. It was an understatement, my direction went south badly.
I took a deep breath and smiled. "I have a motherly instinct. I would consider and
treat this job, the restaurant and my co-workers like they are my own child. I
would always prioritize their needs, their safety and their growth more than my
interests. That's what mothers do. That's what also a good manager should be."
Tinitigan ako ng babae. Wala itong ibang sinabi kung hindi tatawagan ako kung
sakaling naipasa ko ang job interview. Medyo nanlumo akong lumabas ng silid. I
messed up my chance. Alam ko iyon, hindi ko lang talaga nagustuhan ang komento
nito.
Madalas lost case na kapag ganoon, hindi na rin siguro ako maghihintay pa ng tawag.
Matapos ang interview ng alas dos, dumaan muna ako sa isang karinderya upang
kumain. Umaga pa lang nakapila na ako para sa trabaho. Marami ring aplikante ang
nauna pa sa akin.
"Isa pong kanin at saka pork menudo, pahingi rin po ng sabaw." dagdag ko kay ate na
nasa may counter. Inilabas ko ang pitaka kong maliit para magbayad.
Nakaukit pa rin sa alaala ko kung paano akong nabuhay ng sabaw lang ang laman ng
tiyan at sampung pisong kanin. It was the hardest moments of my life. Wala akong
trabaho, wala man lang akong mapagkunan ng pangkabuhayan, wala akong ibang
nasandalan sa mga oras na kailangang - kailangan ko ng karamay.
Kinuha ko ang tray na may lamang pagkain. Naupo ako sa pinakang sulok ng
karinderya. Time passed by so easily, pero hindi ang siyudad. Nanatili akong hindi
kabilang sa malaking lungsod. I was still an outsider after years of trying to fit
in.
Alam ko kung saan ako nabibilang, pero hanggang ngayon, hindi pa ako pwedeng
bumalik sa aking pinagmulan. Wala pa akong napapatunayan sa sarili ko. Marami pa
akong kailangang i-tama sa buhay.
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang phone ko. Lumang model pa iyon
at hindi touchscreen. Hindi naman ako nabuhay sa teknolohiya, nagagamit ko lang
iyon kapag mayroong tumatawag sa akin.
Tiningnan ko ang caller sa phone. It was Emma. We have been friends after the six
years, siya lang ang maaasahan ko.
Tumawa ang nasa kabilang linya. "Wala naman. Nangangamusta lang. Kumusta naman ang
interview mo?" tanong nito.
I sighed. "Hindi ko alam, tatawagan daw nila ako kung sakaling nakuha ko ang
position. Pero hindi na rin ako aasa, namata na ako sa credentials pa lang.
Sigurado naman akong mas maraming deserving doon." Sumubo ako ng kanin na may
kasamang ulam na menudo.
Nakakaluwag - luwag na ako, hindi na gaya ng dati pero hanggang ngayon mas gusto
kong kainin ang kaning mayroong sabaw kaysa sa masasarap na ulam. Iyon lang ang
nakakayanan kong pagkain dati, iyon ang sumalba sa buhay ko ng mga panahong hindi
ko kayang buhayin ang sarili ko.
"Ayos lang iyan, may mga susunod pa. Isipin mo lang kung para kanino ka
nagsusumikap." paalala ni Emma bago nito ibaba ang tawag. Tumango ako kahit hindi
naman niya nakikita.
Hindi ako nagsisi sa naging desisyon kong ipaubaya ang aking anak para sana sa mas
magandang buhay. I only chose what I thought what was best for him. Kahit sobrang
hirap sa akin, kahit sobrang sakit sa parte ko bilang isang ina, pero wala akong
magawa. I had limited sources and choices back then.
It struck when I had to leave him in the hospital to make ends meet. Ilang trabaho
ang kinuha ko para lang mapunan ang gastos sa hospital, ilang gabi ang pinagpuyatan
ko matapos ko lang ang mga labada, ilang araw akong walang kain, may maipambayad
lang ako at ilabas siya ng hospital.
Ang sakit - sakit pa rin tuwing bumabalik ang mga panahong iyon sa alaala ko.
Matagal na panahon ang lumipas, but the pain, it stayed the same like it was
before.
Para akong napilayan, nawala ang pinanghuhugutan ko ng lakas upang ipagpatuloy ang
buhay.
Minsan, hindi iyon maiintindihan ng iba, ang sakripisyong kailangang gawin ng isang
ina. Hangga't wala sila sa posisyong tanging pangarap na lang ang natitira para sa
magandang buhay, pero ni isang kusing walang kakayahang tuparin iyon, that
sacrifice would be meaningless. Isang opsyon na lang ang natitirang pagpipilian ko.
Para sa kanila ang dali - daling ipaubaya ng anak ko sa ibang tao, it was never
easy. Parang pinatay na rin ako nang paulit - ulit.
Dumaan muna ako sa supermarket ng isang mall na malapit kung saan ginanap ang job
interview upang makapamili ng ilang groceries para sa bahay. Nasa budget ko pa
iyon. I added the necessities and toiletries on my cart. Saka isang garapon ng
stick-o.
Bumalik ako sa apartment namin ni Emma, nakapagpundar na kami ng pera para maka-
renta ng isang maliit pero maayos na apartment. May dalawang kwarto ito, mayroong
maliit na kusina at sala. It wasn't fancy, but it is a home. Matagal na kaming
hindi tumitira sa barong - barong.
Wala pa si Emma sa bahay nang dumating ako ng apartment. Inayos ko muna ang mga
pinamili ko. Tumungo ako sa kwarto upang magpalit ng damit na pambahay. Mayroon pa
akong labada, pero mamaya na ako maglalaba. Hanggang ngayon, ilang trabaho pa rin
ang pinagsasabay - sabay ko.
Nagbakasakali lang naman ako job hiring hindi kalayuan sa amin. Magandang
oportunidad sana iyon.
Pagod ako, hindi pa tama sa oras ang pagkain. Ayoko namang umalis sa pila, hindi ko
alam kung kailan ako matatawag para sa interview.
Inihanda ko ang ingredients ng biko, mayroon kaming small business ni Emma. Mga
kakanin. Lahat nang natutunan ko noon kay nanay, nai-benta ko na iyon ngayon.
Noong una, madalas akong naglalako ng ganoon, pandagdag sa kita. May nakakilala na
rin sa mga benta namin, mayroon ng suking bumibili. Madalas iyong kapares ng mga
handaan. Kapag nami-miss ko ang pamilya ko sa Tagbakan, gumagawa na lang ako ng
biko para maalala ko sila.
Sa bawat taong lumipas, naaalala pa kaya nila ako? Ni minsan kaya sumagi sa
kanilang isipan na hanapin ako? They didn't know what I had gone through, kung alam
kaya nila ang nangyari sa akin? Would they choose to lower their pride and accept
me again in their lives?
I still miss them. I still wish I could go back. Pero hindi pa sa ngayon. Hanggang
nasa putikan pa ako, wala pa akong planong bumalik. Hangga't hindi ko pa
naisasaayos ang sarili ko, I'm not considering going back. Na-disappoint ko na
sila, ang tanging gusto kong gawin maging proud sila sa akin kapag muli kaming
nagkita.
Tinapos ko ang ginagawa. Pinalamig ko muna ang biko bago ko binudburan ng latik sa
ibabaw. Ilang plastic containers ang nalagyan ko. Hindi naman lumilipas ang isang
araw, mayroon kami laging order.
I secured the orders before I went to my room for some nap. Sinusundan ako ng mga
alaala sa pagtulog ko. Isang cute na baby boy ang nasa bisig ko, bigla na lang
itong nawala nang mapalinga ako. Kahit yata sa paniginip, namamasa ang aking mga
mata sa tuwing naaalala ko ang pag-iwan sa kanya.
Masaktan man ako nang paulit - ulit, walang makakapantay sa sakit na naramdaman ko
ng mga oras na iyon bilang isang ina na walang ibang choice kung hindi ipaubaya na
lang ang pinakamahalagang bahagi ng aking buhay.
Nagising ako nang umiiyak. It was still haunting me to this day. I hugged my knees.
Pinilit kong supilin ang boses ng hinagpis ng pag-iyak. I calmed myself. Pinahid ko
ang aking mga luha.
It's been six years and the pain is still the same.
Ayoko nang maranasang muli ang sakit na naramdaman ko noon. I don't want to go back
to that state anymore.
Nang mai-kalma ko ang sarili ko, agad din akong bumangon at nagtungo sa maliit
naming kusina. Mag-aalasais nang gabi, kailangan kong makapagluto ng pagkain.
Sigurado akong gutom na iyon.
Simpleng chicken adobo lang ang niluto ko, alam kong paborito iyon ng isa. Ilang
minuto matapos kong magluto, nakarinig ako nang pagpihit ng seradura ng pinto.
Pumasok si Emma, pero hindi sa kanya natuon ang atensyon ko.
He has a big smile on his face, his smile is the most precious to me. He gave me
his toothy grin. "Binilhan ako ni tita ng Jabilee toy! Look, oh." It was a complete
set of Jolly Zafari adventure. He has been a fan of Jollibee, kahit hindi niya ito
ma-pronounce ng tama.
Masaya niyang ipinakita sa akin ang kanyang new toys. But my eyes were just staring
at my son's face.
"Sana sumama ikaw kanina sa amin ni tita. Na-miss kita, nanay."
Lumuhod ako sa harapan niya para yakapin ito. Trojan is five now. And he is an
articulate and he can communicate very well. Miss na miss ko rin ang anak ko.
Magkasama kaming dalawa pero hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa ginawa ko
noon at kahit alam kong iyon ang mas nararapat.
No one can ever deny the fact that he is his father's son. Trojan Miracle is the
exact replica. Dinala ko ito ng siyam na buwan, wala man lang namana sa akin ang
anak ko. He's the fluffier version of his father.
***
Tumalikod ako nang umiiyak. Ramdam ko ang pagbiyak ng aking puso sa bawat hakbang.
I stopped on my tracks when I heard his cries. Hindi ko magawang humakbang paalis.
Pinag-isipan kong mabuti ang magiging desisyon ko sa buhay. I wanted my kid to
survive the cruel world. I wanted him to have a life better than I could give.
Pakakawalan ko siya, hindi dahil gusto kong malayo sa kanya. But I had no other
choice. Kung hindi mapait ang kapalaran sa akin, I would always choose to be with
him. Pipiliin at pipiliin kong makasama siya.
I wanted to hate life for being so cruel to me. Bakit ako lang iyong nagdurusa sa
pagkakamaling dalawa naman kaming gumawa? Bakit ako lang iyong nakaranas ng
ganitong sakit?
Wala na ako sa sarili kong tumakbo pabalik kung saan ko iniwan si Trojan. Patuloy
ang pag-agos ng luha ko. Dala na siya ng madre papasok. Nakasara na ang gate.
"S-sister, iyong b-baby ko po..." paos na paos na ang boses ko sa pag-iyak. Pero
hindi ako tumigil hangga't hindi ako nililingon ng madreng may hawak sa anak ko.
Kahit maubos ang boses ko, tanging pangalan niya ang isisigaw ko.
Kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod, gagawin ko. Ibalik lang nila sa akin ang
baby ko. Ayoko. Masakit. Sobrang sakit. Akala ko kaya ko na wala ang anak ko. Akala
ko kaya kong ipaubaya sa iba ang pag-aalaga ng aking munti. Pero hindi. Mamamatay
ako.
The nun glanced at me. Mabilis itong bumalik sa gate upang pagbuksan ako. She was
looking at me, shocked expression was evident on her face. Tiningnan niya ako mula
ulo hanggang paa.
Hindi kaaya - ayang tingnan ang suot kong damit, alam ko iyon. Wala na akong
pakialam kung mayroong sira ang suot kong bestida o magkaiba man ang tsinelas kong
suot sa paa. All I care now is my son.
Napatango ito. "Pwede bang samahan mo muna kami sa itaas? Sigurado akong gusto kang
makausap ng mother superior tungkol dito."
May parte sa aking ayaw sumama sa madre. Gusto ko nang i-uwi ang aking anak sa
barong - barong. Pagsisikapan ko. Kung kinakailangang mas doble pa ang kayod,
gagawin ko. 'Wag lang kaming maghiwalay na dalawa.
Ang selfish ko. Ang selfish - selfish ko. Dapat mas inuna kong mabigyan ng
magandang buhay ang aking anak kaysa sa kagustuhan kong makapiling siya. Wala akong
nagawa kung hindi sumunod sa madre. Ibinigay niya sa akin ang gamit ni Trojan.
Tahimik akong naupo sa isang malambot na upuan. Lumibot ang aking paningin sa
maliit na opisina. The office was neat. Isang matandang madre ang biglang pumasok
sa kinaroroonan namin. Siya siguro ang tinatawag na mother superior.
Hindi ko magawang agarang sumagot sa tanong ng madre. "S-sai Everly Maligno." sagot
ko.
"Nice to meet you, Sai." She smiled kindly. "Hindi na bago iyong case mo, actually,
marami nang nag-iwang ng kanilang sanggol sa tapat ng gate. But yours was kinda
different. We could see you were hesitating, unlike the others, buong - buo na ang
desisyon nilang iwan ang kanilang mga anak. What makes you different?"
"G-gagawin ko po ang lahat, magsusumikap pa ako. Doble kayod po ang gagawin ko, p-
promise, hindi ko siya pababayaan. P-please lang po, iyong anak ko lang po ang
gusto ko."
Nagkatinginan ang dalawang madre. Tumikhim iyong may hawak sa anak ko. "Ilang taon
ka na? Mayroon ka bang magulang na uuwian? Mayroon ka bang maayos na tirahan?"
marahan nitong tanong.
Kinagat ko ang labi ko. "Hindi ko po tatakasan ang responsibilidad ko, kung
kailangan ko po siyang igapang para lang buhayin ang anak ko, gagawin ko po."
Natatakot ako. Baka hindi nila ibalik si Trojan sa akin.
Bumuntong - hininga ang madreng mas nakakataas ang posisyon. "Bata ka pa, hija.
Bilang itinalaga ng samahang ito na nag-aaruga ng mga bata. Parang hindi ko yata
kayang payagan na ibigay sa'yo ang anak mo, kahit ikaw pa ang nagluwal."
My heart sank. Hindi iyon pwede! Umiling - iling ako. Hindi ako makakapayag.
"Hear me out, hija. Pareho kayong menor de edad. Hindi naman ako makakapayag na
pagala - gala kayo sa ka-Maynilaan. I wouldn't like that idea. At makakasama iyon
sa baby mo." Hindi ko magawang tumanggi, totoo ang sinasabi niya. "Let your son
stay in our care for the mean time. Kung gusto mo, pwede ka ring manatili rito.
Pero kung hindi mo naman gusto, maaari mong bisitahin ang anak mo kahit kailan mo
gusto. In two years time, you would turn eighteen. Pwede mo na siya uling makasama.
Hindi ka namin pipigilang kuhanin ang anak mo."
Ang bigat pa rin sa dibdib. Kahit gustong - gusto ko siyang makasama, hindi palagi.
I agreed. It was the best thing I could do for now. Pero hindi ako pumayag na
tumira roon. Pinagpatuloy ko ang pagta-trabaho mapa-umaga man o gabi. Madalas akong
bumisita kay Trojan. Tinupad naman ng mga madre ang binitiwang salita.
I would do everything to be the best mother I could be for my son. Mas lalo akong
naging determinadong kumita ng pera, para sa pagtuntong ng dalawang taon, handa na
ako para kuhanin siya.
Wala akong susukuan para sa anak ko. I am motivated by my little sunshine. Mahal na
mahal ko ang anak ko. Mahal na mahal siya ni nanay. Ibinigay siya sa akin ng mas
maaga pero siya pa rin ang pinamagandang regalo para sa eighteenth birthday ko.
Walang bonggang selebrasyon.
***
"Nanay, sad ka ba? Bakit ka nagka-cry?" His little hands reached for my face, he
wiped my tears gently.
Napailing naman ako at tumawa. "Hindi po ako umiiyak, masaya lang ako, anak. Nag-
enjoy ka ba sa pinuntahan ninyo ni tita Emma?" tanong ko rito. They visited the
Shelter for the Angels of Saint Philomena.
Madalas pa rin kaming dumadalaw sa mga madre. Ang laki ng pasasalamat ko kay Sister
Lily at Sister Alex at sa lahat ng mga madre roon. Tuwing may free time at budget,
nagvo-volunteer ako sa mga gawain doon. We were always welcome.
"Ha? Bakit naman? Sabi mo, miss mo na ang mga sisters." Hinawi ko ang kanyang
buhok.
"Opo," Trojan Miracle pouted. My heart melted with his cuteness. "Pero hindi naman
ikaw kasama, nanay. Hindi ako masyadong enjoy."
Niyakap ko siya ng mahigpit. He just giggled. "Aw po, nanay! Ipit na si Trojan."
reklamo nito. Pinakawalan ko naman ang bata - batuta.
He nodded his head and gave me a wet kiss on both of my cheeks. Tawa - tawa ito.
Muling naagaw ng kanyang atensyon ang dalang laruan.
Bumaling ako kay Emma na nanunood sa aming mag-ina. She was smiling at us. Hindi ko
alam kung paano siyang pasasalamatan. Siya ang naging sandalan ko sa lahat. Hindi
niya ako iniwan. Ilang buwan lang kaming magkakakilala noon, pero parang ilang taon
na kaming magkakilala. She was a great friend. Hindi ko alam ang gagawin kung wala
siya noong mga panahong wala akong matakbuhan ng tulong.
Hinding - hindi ko pa rin malilimutan ang lahat ng pinagdaanan ko. Pero ngayon,
priority ko na lang ang aking anak. I want to be a good mother for him. Siya ang
pinakamahalaga sa akin.
***
NO SPOILERS, PLEASE!!!
Let the other readers experience the same emotions you have felt in this chapter or
throughout this journey!
Happy Father's Day (belated), to all the fathers out there! But also to all single
mommas who have been a father figure, salute! Happy Athletics Day, Cadence!
Tinakbuhan mo responsibilidad.
Chi xx
Kabanata 41
Questions
Hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako sa trabaho. Ang buong akala ko wala
na akong pag-asang makuha ang position matapos ang interview. It didn't quite
turned out well.
Pakiwari kong hindi ako nagustuhan ng interviewer sa matabil kong dila. Hindi ako
nakapagpigil na sumagot dito. Pero heto nga't natanggap pa rin ako. Ganoon yata
talaga kapag mayroong lucky charm. Bilog na bilog pa naman iyong lucky charm ni
nanay.
Pumasok ako ng kwarto naming mag-ina, paiyak na ang anak ko. Humihikbi na ito kahit
hindi pa nakamulat ang mata. Hindi ito sanay na hindi ako kapiling sa pagtulog,
kapag nagising siya ng hatinggabi na wala ako, iiyak ito nang iiyak. Kahit katabi
niya sa pagtulog si Mr. Johnny ang stuffed toy niyang malaking bear, hindi pa rin
ito makampante hangga't wala ako.
I sighed. Mabilis kong inilapag ang gamit kong dala. Hinubad ko rin ang uniform ng
restaurant at nilugay ang aking buhok. Mabilis akong sumampa sa kama para daluhan
siya.
Niyakap ko papalapit sa akin ang aking anak, hinalikan ko ang kanyang noo. His
chubby arms wrapped around me, he instantly stopped crying. Trojan Miracle knew his
nanay's presence even without him opening his eyes to see me. Hinding - hindi ko
ipagpapalit ang bond namin sa kahit ano.
Nag-usap na kaming dalawa bago ako magtrabaho sa restaurant. Alam niyang panggabi
si nanay. Sabi niya big boy na raw siya, kaya na niyang matulog na mag-isa. Pero
pagdating ko pa rin ng madaling araw, naiiyak pa rin ito.
"Big boy nga ni nanay si Trojan Miracle," natatawa kong wika habang pinagmamasdan
siya. "Mahal na mahal iyan ni nanay." Pinugpog ko siya ng halik sa mukha.
Seeing my child, all my worries and stress vanished out of thin air. Napapalitan
iyon ng kasiyahan. My body was fully recharged. Walang hindi kakayanin ang isang
ina para sa kanyang anak.
Nagising ako nang mayroong mga basang halik ang umuulan sa aking mukha. Nagmulat
ako ng aking mata sa inosenteng baby na pinagmamasdan ang pagtulog ko. Pinahid ko
ang aking mukha.
"Nanay, may morning stars ka po," Tinuro pa niya ang left eye ko. Napailing naman
ako at kinusot ang aking matang itinuro niya. "Good morning po, nanay. May pasok po
si Trojan. Gising na po ikaw."
Kinagat ko ang aking labi. "'Nak, sabado po ngayon," marahan kong sinabi.
Trojan Miracle was already attending pre-school. He was very excited going to
school. Pang-hapon ang anak ko, ako pa rin ang naghahatid at sumusundo sa kanya
bago ako pumasok ng trabaho. His excitement reminds me of how I was so enthusiastic
to learn when I was in his age. Hindi man namana ng anak ko ang features ng aking
mukha.
Marunong na siyang sumulat ng kanyang buong pangalan. For the mean time, he was
using my surname. Alam kong darating ang panahon na mas lalo niyang maiintindihan
ang sitwasyon, maraming mabubuong tanong sa kanyang isipan lalo na sa mga bagay na
may kinalaman sa kanyang ama.
It's really what I fear the most, when I have no answers to give to my child. At
maaaring masaktan siya sa mga sagot. As much as I don't want him any harm, I won't
shelter him from his true identity. Minsan gustong - gusto nating protektahan ang
isang taong mahalaga, pero sa pagprotektang iyon, doon siya mas lalong masasaktan.
It was never the intention, but the impact of the action. Kahit ang intensyon ay
para sa makakabuti, pero kabaliktaran ang nangyari, hindi pa rin pwede.
Matalino ang anak ko, unti - unti na siyang nagiging mulat. Minsan sinabi na niya
sa akin na ang baby daw kailangan ng nanay at tatay. Hindi ko alam kung natutunan
niya iyon sa paaralan, o na-obserba niya sa batang dumadaan na kasama ang kanilang
magulang.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, hinihintay kong tanungin niya ako kung
nasaan ang kanyang tatay. But he didn't go there yet. Nabago ang usapan sa
pagtatanong niya tungkol sa mga bituin.
Yumakap sa akin si Trojan. "Ibig sabihin noon nanay, makakasama ko ikaw sa buong
day?" His eyes widened.
"Pero 'di ba po, pagod ka po sa work?" Nakalabi niyang tanong. Hindi pa rin siya
bumibitaw sa pagkakayakap sa akin. Hinaplos ko ang kanyang buhok.
"Hindi napapagod si nanay kapag kasama si Trojan, kaya Trojan Miracle ang name mo
'di ba, anak? Kasi ikaw ang milagro ni nanay." Ngumiti ako sa kanya. "Anong gusto
mong gawin natin ngayong araw?"
Humaba ang nguso niya, tila ba nag-iisip. "Magrest na lang po tayo, nanay."
His gesture really warmed my heart. He was already mature. Mas gugustuhin niya pang
magpahinga kami kaysa sa sarili niyang kagustuhan. But I want him to enjoy his
childhood, minsan lang siya maging bata. Kaya ako nagsusumikap para sa kanya, para
mabigyan siya ng magandang buhay at hindi na niya kailangang isantabi ang kanyang
kagustuhan.
"Hindi papayag si nanay. Gusto ko mag-enjoy si Trojan ngayong araw. Gusto mo bang
mag-mall, anak?"
"Okay, magpapahinga si nanay. Tapos punta tayong mall. Pwede na ba iyon sa'yo?" His
eyes twinkled with glee. Agad siyang tumango. Muli niya akong pinaulanan ng basang
halik ang aking kabuuan ng mukha.
Trojan Miracle helped me with the bed. Tinuturuan namin siya ng paunti - unti sa
mga gawaing bahay. Halos akuin naman ng kanyang tita slash ninang Emma ang mga
gawain. Hindi naman ako pumapayag. Kailangan din matuto ng anak ko sa mga gawaing
bahay, at mas magandang simulan iyon ng maliit pa siya.
Ayokong matutunan niya ang stereotype na babae lang dapat ang nasa kusina at pwede
na siyang maghari - harian. Kung lalaki siyang ganoon, makukurot ko siya sa singit.
Wala namang problema ang anak ko sa paggawa ng mga gawaing bahay. Instead, it also
became our bonding.
Hinipid ko ang ayos ng kanyang buhok. Binihisan ko siya ng kulay asul na polo at
pang-ibabang cream-colored shorts at saka sneakers na mayroong design na blue frog.
Simpleng pants at medyo hapit na shirt lang isinuot ko.
After my pregnancy, I gained some weight. Hindi na ako patpatin. Tumangkad din ako.
Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Tanging balat ko na lang ang nagpapaalala ng
nakaraan. Kahit lumaklak ako ng gluta, hindi pa rin siguro iyon tatalab. I don't
have to fit with the beauty standards the society had set. Wala akong kailangang
patunayan sa iba.
Bumalik ako sa realidad ng mayroong chubby na kamay ang na umaabot sa akin. Trojan
looked at me with so much innocence.
"Nanay, ang ganda niyo po, baka mabasag na ang salamin natin," nakangising wika ng
anak ko.
Napakamot naman ako sa ulo. Hindi ako sigurado kung niloloko ba niya ako. Parang
may himig ng joke, eh. Saka mababasag iyong salamin? Umiling - iling ako. Marami
nang nalalaman ang anak ko.
Tumawa ako. "Big boy na? Bakit lagi pa ring hinahanap si nanay sa pagtulog?"
Pinindot - pindot ko ang tungki ng kanyang ilong.
He pouted. "Big boy na po, pero need si nanay." Trojan answered cutely. Niyakap ko
siya nang mahigpit at pinanggigilan.
Nagpaalam kaming dalawa kay Emma. Pinilit namin itong sumama pero hindi na raw,
mayroon pa ngang orders sa bahay ng kakanin na ipi-pick up ng customers. Patuloy pa
rin ako sa paggawa. Doble ang pagsisikap. Trojan hugged her before we leave.
Nagpasalamat naman ako sa kanya.
Trojan insisted to walk to the tricycles. Ayaw niya magpabuhat, mahihirapan daw
ako. Hindi naman ako makakapayag na malanghap niya ang maraming alikabok.
Magkahawak - kamay kaming dalawa na tumungo sa paradahan ng tricycle.
He excitedly slid into the tricycle. Nag-abot ako ng bayad kay manong bago pumasok
ng tricycle, namumukhaan ko naman ang driver. Matagal na rin naman ako sa lugar
kaya bahagyang alam ko na ang pasikot - sikot. Pinaglaruan niya ang kamay ko habang
buma-biyahe.
Hindi lang siya lumalaking matalino, magalang din ang anak ko. That's a
fulfillment. Ang hirap maging ina, lalo na kapag walang katuwang sa buhay. Pero sa
tuwing makikita ko kung paano lumaki ang anak ko ng may paggalang, I am incredibly
proud.
I was holding Trojan while we went to the entrance. He was jumping in excitement.
Natutuwa akong very appreciative siya sa mga bagay. Ilang beses na kaming nakapunta
ng mall pero parehong reaksyon pa rin ang nakukuha ko sa kanya. His excitement
never faltered.
Dinala ko siya sa World of Fun upang maglaro. He loves it there. Minsan nagkakaroon
pa siya ng kaibigang batang kasing-edad niya.
Bahagya akong nagtaka na maraming tao roon, I realized mayroong mall show ang isang
artista para sa promotion ng pelikula. Lope Tatiana. Dumagundong ang aking dibdib
sa pamilyar na pangalan at mukha. Inayos ko ang suot kong cap.
May parte sa akin ang gusto nang umuwi pero ayoko namang masira ang kasiyahan ng
anak ko.
It's been six years. Wala na akong balita ni isa sa kanila. Namuhay ako ng tahimik.
Hindi ako bumalik upang guluhin sila. Kung ako ang papiliin, ayoko nang maglapit pa
ang aming mga mundo. Tahimik na buhay lang inaasam ko para sa anak ko.
Natatakot akong kapag muling nag-krus ang landas namin, mas lalo lang magulo ang
buhay namin. I don't want my kid to get hurt the way I was put in that position.
Kahit ako ang paulit - ulit na masaktan, huwag lang ang aking anak. They didn't
like his existence.
"Nanay, oh! Panalo po ako ng maraming tickets." Tuwang - tuwa niyang balita sa
akin. I gave him a big smile. He collected his earned tickets. Ipapampalit niya
iyon ng laruang gusto niya. Dito niya rin nakuha ang bear stuffed toy niyang si Mr.
Johnny.
Medyo competitive ang anak ko pagdating sa mga laro. And he was really focused to
earn many tickets. Mas madiskarte ito kumpara sa akin. Ni hindi ko alam kung paano
niya iyon nagagawa.
Pina-count namin ang tickets sa counter nang mapagod ng maglaro si Trojan. Kinarga
ko na siya, alam kong pagod na ito kaya hindi nagreklamo. We almost got three
thousand tickets. Pinalitan namin iyon ng gusto niyang robot toy car. Kahit pagod,
kita ko ang ngiti sa mukha ng anak ko.
"Nanay, may show po! Pwede po ba tayo mag-watch?" tukoy niya sa artista. It was a
free show. Makikipag-unahan nga lang sa mga panatiko. It already started, kaya
marami talaga ang tao at halos hindi namin magawang sumingit ni Trojan.
"It's okay, nanay. 'Wag na lang po tayo manood. Kita ko lang po iyong poster ng
magandang girl," Nabaling ang atensyon niya sa kanyang toy car. Ngumiti naman ako.
That wasn't just any other girl, it was his biological relative. Totoo niya iyong
tita. If he knew, he would be elated knowing he has an actress tita.
Bumaba kami ng ground floor para kumain sa Jollibee na paborito ng aking munti.
Hindi naman madalas siyang kumain ng fastfood, minsan lang. Ayokong masanay siya sa
ganoong pagkain, I always cook vegetables for him. Paborito niya ang ampalaya at
kalabasa.
It was an achievement. Maraming bata ang ayaw kumain ng gulay. Pero nagawa kong
pakainin si Trojan. At nagustuhan niya ito.
Um-order ako ng jolly spaghetti with chicken at sundae para kay Trojan. Ayaw niyang
kumain ng kanin kapag hindi ako ang nagluto. I just ordered large fries for me.
Hindi naman ako masyadong fastfood fanatic. Lumaki ako sa probinsya na fresh ang
mga gulay at ulam. The city's food doesn't appetite me that much.
Pinisil ko ang kanyang pisngi. "Ikaw talaga. 'Di ba sabi ko, honest ka dapat?"
pabiro kong tugon.
Ang supportive naman ng anak ko. He's really appreciative. Pero hindi naman ako
nababagay sa ganoong karera. Dark-skinned girls are not well-received in the
industry. Kaya patok na patok ang mga beauty products na nag-eenhance ng kulay ng
balat. People don't appreciate other colors than white.
"Honest po ako, nanay. Sa akin po ikaw ang pinaka sa lahat. Ikaw ang pinaka-
maganda. Ikaw ang pinaka-mabait. At walang makakapantay sa nanay ko."
My eyes were a bit teary hearing those words from him. Sa lahat ng pinagdaanan ko
sa buhay, si Trojan ang pinakamagandang dulot. Hindi ko itatangging may pagkakamali
ako at hindi dapat tularan, nabuntis ako ng maaga, pero hinding - hindi ako
magsisising si Trojan Miracle ang bunga. He's the sweetest. Mas natagpuan ko ang
daan kasama ang anak ko.
Pinahid ko ang ice cream sa gilid ng kanyang labi. Marunong na siyang kumain ng
kanya. Hinihimay ko lang ang chicken at hinalo ang spaghetti. Paminsan - minsan
gusto pa niya akong subuan ng pasta.
His little gestures are my fuel to do even better. He warms my heart with his
affection.
Kumaway pa sa akin ang landlord ng paakyat na kami ng big boy ko. Pinagbuksan kami
ni Emma ng pinto. Agad niyang sinalo ang pasalubong namin sa kanya.
Sumama ang tingin ko sa kanya. Umirap naman ito sa ere. "Hindi ko iyon ginagamit
para saktan ang damdamin ni Trojan, dahil masasaktan din ako kapag nasaktan ang
batang iyan. Deskripsiyon lang iyon, Sai. Katotohanan. At marami pa siyang
katotohanang haharapin sa mga susunod. Kailan ba naging masama ang pagiging mataba?
Sige, pagiging healthy. Sumama lang naman ang salitang iyon gawa ng mga pintasera."
She has a point, but Trojan is still a child. It might damage his confidence in the
future. Alam ko namang walang masamang tukoy si Emma lalo na pagdating sa anak ko.
Anak na rin ang turing niya rito.
Umungot lang ito ng ibaba ko na sa kama. Habol pa rin ang kanyang kamay sa akin.
Marahan ko naman iyong tinanggal upang makapagpalit ng damit at makapaglinis ng
katawan. Balot na balot yata ako ng alikabok. Nagpalit ako ng pajamas.
Masayang - masaya ako ngayong araw. Every day I have a reason to smile because of
him. Nang masiguro kong tulog na tulog na si Trojan. Lumabas ako ng kwarto upang
kausapin si Emma.
I told her about almost meeting a relative. Mayaman ang mga Ponce, they can be
whatever they want. Mayroon pa silang magandang genes na pipilahan sa show
business.
"Oh, bakit ikaw ang natatakot sa kanila, Sai? Wala kang ginawang masama sa kanila.
Sila ang may atraso sa'yo at sa anak mo, sila iyong hindi dapat makampante. Gulong
ang buhay, baka sila ang lumagapak sa putikan."
Huminga ako nang malalim. "Hindi ako natatakot sa kanila, natatakot ako para sa
anak ko."
***
"Anak, may baon kang sandwich para sa recess niyo, dalawa iyon. Pwede mo i-share sa
friend mo, okay? Pero pwede mo ring ubusin ng ikaw lang." Tumawa naman ito at
napakamot sa ulo. I also laughed. "Pinabaunan ka rin ng tita ninang mo ng chuckie,
'di ba favorite mo iyon? Pero kailangan mo ring ubusin ang tubig mo, para
dehydrated."
Tumango si Trojan. "Okay po, nanay." Sumaludo ang kanyang kamay. "Copy po!"
Inayos ko ang kanyang buhok at uniform. Pumantay ako sa kanya. "Kiss nga ni nanay,"
Hindi naman ito nagdalawang isip pa, agad niya akong binigyan ng halik sa pisngi.
Medyo basa pa iyon.
"Mahal na mahal ka rin ni nanay. Be a good boy, okay?" Nag-thumbs up naman ito bago
pumasok sa classroom nila dala ang kanyang baon. Gusto kong busog siya sa eskwela,
kaya kahit hindi naman lunch, mukhang packed lunch ang pabaon ko sa anak ko.
Muli itong sumulyap sa akin at kumaway. I waved back. Nang masiguro kong ayos na
siya sa kanyang tayo. Umalis na rin ako at bumalik sa apartment. Marami pang orders
ng kakanin ang kailangan kong lutuin, sa gabi naman ay may pasok ako sa restaurant.
Alas-siyete iyon.
Habang mayroong pasok si Trojan, paggawa ng kakanin ang inaatupag ko. Si Emma naman
ang nagde-deliver ng mg order na hindi for pick up. Sa susunod kong suweldo, baka
humanap na kami ng pwesto sa palengke malapit dito. Sigurado naman akong masarap
ang luto ko. Pamana pa iyon ni nanay. Nami-miss ko na ang pamilya ko sa hacienda. I
sighed.
Halos mag-aalas singko na nang namalayan ko ang oras. Napapikit ako nang mariin.
Agad akong tumakbo ng labasan para sumakay ng tricycle, kailangan ko pang sunduin
ang anak ko. Nako, ayaw na ayaw noon nang naghihintay. Masyadong mainipin.
Kinagat ko ang aking labi. Kung pwede ko lang paliparin ang tricycle, ginawa ko na.
Magtatampo iyon. Madali namang suyuin ang anak ko. But I didn't want him to feel
neglected. Nalingat lang talaga sa oras ang nanay niya.
"Good noon po, ma'am. Si Trojan Miracle po?" Nanatili ako sa labas.
Hindi ko alam kung paano ako kakalma ganoong alam kong nawawala ang aking anak.
Ayokong mag-isip ng masama pero doon napupunta ang aking isipan.
Pinahid ko ang aking luha. Ginawa nga ng adviser nito na tawagan ang guards upang
maglibot sa buong campus. Sinamahan niya rin akong puntahan ang mga spots na
maaaring puntahan ng anak ko. My son is gifted, it will be easy for him to know how
to commute. Pero hindi naman ako tiwala sa ganoon. He is still young.
Sa bawat paglipas ng segundo, mas lalong nababahala ang aking puso. If I am going
to lose my son, I will die.
Mabilis ang mata kong tiningnan ang tinuro niyang direksyon. May kalayuan iyon. But
I know my son. Kilalang - kilala ko ito, mula sa postura niya, kanyang mga gawi,
lahat ng gusto at ayaw niya. Alam na alam ko.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Mrs. Alarcon, tumakbo ako papalapit sa small
park sa loob ng campus. Ang anak ko na lang ang naglalarong mag-isa sa swing.
May parte sa aking naiinis, hindi man lang ito nagpaalam sa teacher niya. Basta -
basta na lang itong umalis ng room nila. Hindi ganoon ang sinabi ko anak ko. I told
him to be always respectful.
I was stunned when I saw him. Nakatungo lang ito. Hindi na maayos ang kanyang suot
na polo at may konting dumi. Iyong lunch box at gamit niya nasa ibaba. Bahagyang
marumi rin ang mga ito. I bit my lip. Nahabag ako sa kalagayan ng aking anak.
Nag-angat ito ng paningin. His eyes were full of tears. Mas lalo akong nasaktan.
Agad niyang pinahid ang kanyang luha at tumakbo papalapit sa akin. Lumuhod ako para
magpantay kaming dalawa.
"S-sorry po, nanay..." My heart was breaking with his cries. "Hindi ko naman po s-
sinasadyang hindi magpaalam kay teacher. Inabangan po ako ng grade one p-pupils sa
labas ng r-room namin."
Parang gustong magpanting ng tainga ko sa narinig. Pero pinilit kong kumalma para
sa anak ko. Gusto kong marinig ang sasabihin niya.
"Nanay, sabi po nila putok daw ako sa buho," Mas lalong umiyak siya. Humiwalay siya
sa akin. "Hindi naman po ako amoy putok!" Inamoy - amoy pa niya ang kanyang kili -
kili. I saw frustration in his eyes.
Hindi ko alam kung matutuwa akong hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga katagang
iyon, pero nakaramdam ako ng galit para sa mga batang inapi si Trojan. Wala silang
karapatang apihin ang sinumang bata lalo na ang anak ko. Wala silang alam.
Gusto kong umiyak. Dapat bata pa lang, tinuturuan sila ng magandang asal. They were
lucky to have both. Pero hindi kasalanan ng ibang may kulang sa pamilya ang
kakulangan nila. I mentally noted I have to talk to the teachers of those kids.
Parang sila ang kulang sa aruga.
Naaawa ako sa anak ko. Hindi niya kasalanan. Wala siyang kasalanan pero siya itong
nagdurusa.
The question I dread the most was being asked my five-year old son. "H-hindi ba
niya ako l-love?" His voice hinted sadness. I hate it.
Gusto kong itanong kung hindi pa ba sapat si nanay sa kanya, pero hindi ko kaya.
Ang selfish noon. He's just five-year old. He has questions and he want answers.
I looked at him in the eye, and smiled. "Mahal ka noon, anak. Wala namang magulang
na hindi mahal ang anak niya. Lalo na..." Huminga ako ng malalim. "Lalo na kung
makikita ka niya ngayon, kung gaano ka mapagmahal, kung gaano ka kabait, kung gaano
mo kamahal si nanay. Kapag malaki ka na, maiintindihan mo rin ang lahat. Pero
ngayon si nanay muna."
"Baby ka pa ni nanay, kapag super big ka na. Kapag mas matangkad ka na kay nanay."
Binuhat ko siya. Binitbit ko rin ang dala niyang gamit. Yumakap lang siya sa akin.
Nagpasalamat ako sa adviser niya bago kami tumungo sa gate at sumakay ng tricycle.
Hanggang ngayon mabigat na mabigat pa rin ang loob ko.
Kabanata 42
Departure
Kinausap ko iyong adviser noong mga batang nam-bully kay Trojan. They told me they
would take care of it. Pumayag naman ako kahit hindi gaanong kumbinsido. Gusto ko
sanang kausapin ang mga magulang noong mga bata, sila na mismo ang magdisiplina sa
mga anak nila.
Minsan mas malawak pa ang pang-unawa ng anak ko sa mga bagay na hindi gaanong sakop
pa ng isipan niya. Isang masakit na parte na siguro ng pagiging isang ina ang
masaksihang nasasaktan ang aking supling dahil sa maling desisyon ko noon sa buhay.
Pero hindi ko mapigilan ang inis mga batang umaway kay Trojan.
Nadatnan ko ang dalawang nag-uusap sa maliit naming sala. Magkatabi silang dalawa,
naka-unan kay Emma si Trojan. Naka-pajama na ang anak ko, pinapanood niya ang
paborito niyang animated movie. Papasok pa lang ako ng trabaho. I was wearing my
uniform already.
"Tita ninang, ang buhok mo po." reklamo nito ng may tumabing na buhok sa kanya.
Napailing naman ako.
Inayos ni Emma ang tayo ni Trojan para hindi ito ma-istorbo sa panonood.
Pinagmasdan ko lang ang interaksyon ng dalawa. Tuwang - tuwa ako sa bond nilang
mag-ninang. Hindi sila blood-related, pero ang pagmamahal ni Emma para sa anak ko
nag-uumapaw. They would watch movies together. Pare - parehong movies lang, hindi
naman nagsasawa ang anak ko.
Minsan tinuturuan ni Trojan ang tita ninang niya na sumulat at magbasa. Lumaki sa
lansangan si Emma, mas inuna niya ang realidad ng buhay kaysa sa edukasyon, mas
inuna niyang maghanapbuhay kaysa matuto. She's a fast learner. At hindi lang talaga
sa eskwelahan nasusukat ang talino ng isang tao. Her wisdom came from experience.
She survived the cruelty of the world, she is smart. She's someone to be proud of.
"Anong gagawin mo kung inaway ka uli noong bullies sa school niyo?" biglaang tanong
ni Emma.
"Kapag wala kami roon para ipagtanggol ka, pwede mo namang ipagtanggol ang sarili
mo, lalo na kapag nasa tama ka, taba. Hindi ka dapat nagpapasuntok, kapag sinuntok
ka, suntukin mo rin." I've been telling him that same thing. Wala namang masamang
lumaban lalo na kung sobra - sobra na ang ginagawa nila.
"Bad po iyon, tita ninang. Ayoko po maging bad, ayoko po manuntok." I sighed at his
answer. Ngumiwi ako.
It has been the constant topic in the household. Ayoko nang maulit pa ang
nangyaring iyon kay Trojan. Baka ako mismo ang sumugod sa mga batang iyon. Kung
naghahanap sila ng away, siguraduhin nilang doon sa papatol. Papatulan ko sila para
sa anak ko.
Minsan iniisip ko kung saan siya nagmana. Definitely not from his father. He's too
precious to be considered like him.
Nabaling ang atensyon nito sa akin nang magpakita ako sa kanilang dalawa. He was
smiling widely. Umayos ito ng tayo at tumakbo papalapit sa akin. "Tita ninang,
pause po ng movie..." habilin pa niya sa kanyang tita ninang. Napailing naman ako.
"Papasok na po ikaw nanay?"
I nodded. "Pa-kiss nga si nanay." Lumuhod ako para pumantay sa kanya. He giggled.
Hinalik - halikan ko ang kanyang leeg. Medyo makiliti iyon kaya tawa nang tawa ang
baby. His laugh is so contagious. Siya ang nagsisilbing lakas ko.
Nagpaalam na ako sa dalawa. Ibinilin ko rin kay Emma na 'wag pakainin ng sweets si
Trojan. Baka naman sumobra na sa sweets ang isang iyon. Sumakay ako ng tricycle
patungo sa restaurant.
Spice Lounge. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap sa trabaho.
Agad akong binati ng mga kasamahan ko sa panggabing shift.
I checked the stocks of ingredients first, we still have for weeks. Sa susunod na
linggo, the stocks need to be refilled. Kasama iyon sa job description ng trabaho
ko.
Tumungo ako sa kitchen. Ngumisi sa akin ang chef na naka-assign ngayong gabi. Si
Dustin. Iyong pinag-uusapan ng dalawang babaeng staff na mayroong crush dito.
"You can check the taste. Here." He gave me a spoonful of his prepared dish. Nahiya
naman akong hindi tanggapin iyon. Tinikman ko ang binigay niya. Wala namang
makakatangging masarap talaga ang luto ni chef Dustin. Seafood could never go
wrong.
Tumingin siya sa akin, his brow rose in question. "It's good." komento ko. Ngumiti
ako nang matipid sa lalaki.
Medyo tumaas ang kilay ko, ano bang gusto niyang marinig? Sigurado naman akong
mayroon itong panlasa, alam niyang masarap ang kanyang luto. Hindi ako iyong dapat
i-please, iyong customers. The customer's satisfaction is the priority.
I shook my head. May iba pa akong kailangang asikasuhin. "Miss, dumadami na po ang
diners." tawag sa atensyon ko ni Mia. Tumango naman ako at sumunod sa kanya.
"Yes po,"
"That's great."
"We are going out after the shift, baka pwede ka, ma'am?" paanyaya nito.
Ngumisi sa akin si Mia. "Kaya nga, ma'am. Night out lang. Hindi ka pa namin nakaka-
bonding." Her eyebrows wriggled.
Matipid akong umiling. Alam naman nilang may anak akong kailangang uwian. They know
about Trojan. Hinding - hindi ko naman ipagkakaila sa kanila ang anak ko. Hindi rin
naman natatapos sa restaurant ang trabaho ko, mayroon pa akong responsibilidad sa
bahay.
Kahit ilang night outs pa ang ma-miss ko, wala pa ring makakapantay sa saya kapag
ang baby ko ang kasama ko. Ayoko nang umiiyak iyon sa paghahanap sa akin sa
pagtulog.
Bumalik kami sa loob ng restaurant. Just as she said, maraming diners na nga ang
naka-puwesto sa loob. Seven to eleven pm are the busiest time in the restaurant.
Doon kadalasang dagsa ang diners na kumakain ng dinner. Nakaraos naman ang gabi na
satisfied ang diners. That's my job.
Alas tres ng madaling araw ng magsara ang restaurant. Even in dawn, the city's
still alive. Bukas na bukas pa rin ang bars and restos kaliwa't kanan kaya madas
mag-aya ang mga kasamahan ko sa trabaho.
Umiling ako. Ilang beses pa niya akong pilitin, isa pa rin ang magiging sagot ko.
Hindi ako sasama sa kanila. I was cringing by the fact that they are calling me
'ma'am', they were older than me.
"Alam mo naman ang priority ko," I just smiled. Trojan Miracle above all.
"Alam naman namin iyon, pero hindi naman masamang lumabas ng paminsan - minsan."
She shrugged. "Feeling ko nga, type ka n'yan ni chef Dustin, e. Nagpalipat talaga
ng ganitong shift, makasama ka lang. Mukhang tanggap din naman na may anak ka."
Muli akong umiling at ngumisi. "Hindi ako naghahanap ng lalaki," natatawa kong
sagot.
Mas lalong lumawak ang teasing smile niya. "Nako, mas okay kaya iyon. Humanap ka ng
taong tanggap ka at ang baby mo. Maswerte ang mga babaeng ganoon, hindi lahat ng
nakakahanap ng panibagong pagmamahal lalo na kung mayroong sabit." Bahagyang
nagpanting ang tainga ko sa huling sinabi nito. I was offended. Huminga ako nang
malalim.
Siguro, dati. Hinihiling ko ang ganoong bagay, but I survived without the help of
any man in my life. I find it really offensive that people try to underestimate me
and always think I need a man to survive. Naitaguyod ko ang anak ko ng walang
suporta ng isang lalaki.
A woman's will power to survive shouldn't be undermined. Lalong - lalo na kung para
sa anak.
Hindi ako nagpatalo sa agos ng buhay para lang kumuhang muli ng batong ipu-pukpok
ko sa ilo at hindi ako mamatay sa kawalan ng isang lalaki. Hindi rin kailangan ng
anak ko ng lalaking sa una lang magaling.
Hindi ko kailangan ng lalaki, iyon ang totoo. Kung sakali mang tatanggap muli ako
ng isang lalaki sa buhay ko, hindi dahil kailangan ko siya, it's because my heart
learned to trust again.
Muntik akong mapatalon ng may tumikhim sa likuran ko. Isang matangkad na lalaki ang
bumungad sa akin ng humarap ako. Chef Dustin is still here. Akala ko kasama na ito
sa mga staff na umalis.
Sumulyap ako sa kanya. He can't really get the hint I'm not interested in any of
his offers. Gustong - gusto ko nang makauwi sa anak ko. "Hindi na, sanay akong
nagco-commute. Pero salamat sa offer."
Ngumisi ako. "No. Learn to accept a no. Salamat sa offer pero hindi ko
tatanggapin." Pumara ako ng tricycle at mabilis na sumakay. Hindi ko na ito
tiningnang muli. Napailing naman ako.
***
Trojan excitedly brush his teeth. I was watching him in the mirror. Mayroon pa
itong choreo sa pagsisipilyo. This little cutie is a happy pill. Ang kulit - kulit
ng anak ko. Excited siya, dadalaw kami sa Shelter for the Angels of Saint
Philomena. Miss na miss na raw niya sina sisters at ang mga batang kalaro niya
roon. They are his brothers and sisters by heart.
I prepared home-cooked meals for the kids. Sa ngayon, iyon pa lang ang kaya kong
magawa para sa kanila. If only I can adopt those kids, I would. Mas lalong
napalapit sa amin ni Emma ang mga bata ng shelter.
"Sister Lily! Sister Alex! Andito po si Trojan! Bless po!" Nagkatinginan kaming
dalawa ni Emma, napailing - iling ito sa pagtakbo ni Trojan.
Mas lalo akong napatawa. Totoo naman, Trojan Miracle is like a bouncing ball. A
bouncing ball of happiness.
Bumaba ako ng tricycle dala ang basket ng pagkain at nagbayad sa driver. Para iyon
sa lunch, saka mga prutas at kakanin na gawa ko para sa mga bata at sa mga sisters.
Buhat - buhat na ni Sister Alex si Trojan, hindi na masyadong mabuhat ni Sister
Lily. May katandaan na ang madre.
Sumunod siyang tumakbo sa mga bata. They looked excited when they saw us coming.
Natutuwa akong halos lahat ng bata ay kasundo ng anak ko. Sinalubong naman kami ng
mga madre, pareho kaming nagmano sa kanila.
"Kumusta naman Sai? Natutuwa akong natanggap ka sa trabaho," bati nito sa akin at
tinanggap ang aking kamay.
Ngumiti ako. "Thank you po, Sister. May malaki pong inspirasyon." Sumulyap ako sa
batang nakikipaglaro nang habulan sa mga batang nasa shelter. Dala niya ang ilang
toys na hindi na niya masyadong nilalaro.
Trojan is giving them to the kids. Kaya hindi masyado tambak ang laruan niya sa
bahay. Si Mr. Johnny, ang malaking stuffed toy lang ang hindi niya sinasama sa
pamimigay.
He would share his toys to other kids and I think, that's just beautiful. And I'm
so proud of him. Hindi ko siya tinuruang gawin ang bagay na iyon, kusa at bukal sa
loob niyang ginawa ang pagbibigay.
"Hindi kami nagkamali sa desisyon namin noon. Nagagalak ang kalooban namin sa
tuwing pagmamasdan ang anak mo. He's such a happy child. Salamat sa paggabay sa
kanya, Sai," I smiled. My heart was so touched. "At sa'yo rin, Emma."
"Wala po iyon, sila na ang pamilya ko." Emma just shrugged. Nagpaalam siya sa madre
upang sundan si Trojan at makipaglaro sa mga bata.
Sinundan ko lang ang mga ito ng tingin. Sumama na rin si Sister Alex sa mga ito
bitbit ang pasalubong namin. Kaming dalawa na lang ni Sister Lily ang natirang nag-
uusap. Rinig na rinig ko ang tawa ng aking anak sa hindi kalayuan.
"Kayo po, Sister? Kumusta naman po ang Shelter?" tanong ko rito. Naupo kaming
dalawa sa isang bench. Kitang - kita ko ang mga bata mula sa tayo namin.
"Nakakaraos naman sa awa ng Diyos," She sighed. "Hindi ko pa alam kung saan kami
pupulutin sa susunod na buwan. Alam mo naman, gusto na itong ipasara at patayuan ng
ibang establisyemento. Kawawa ang mga bata."
Napuno rin ang kalungkutan ng puso ko. "Titingnan ko po kung ano pong magagawa ko."
sinabi ko. Kahit alam ko namang wala akong magagawa. Ano ba namang laban ko sa may-
ari ng lupa na kinatitirikan ng Shelter?
But I wish, they have mercy for the kids. Ito na lang ang nagsisilbing tirahan
nila. Mas mahalaga ang kanilang buhay kaysa kahit anong establisyemento ang
ipapagawa ng may-ari.
"May awa ang Panginoon, hindi Niya tayo pababayaan." She smiled at me.
Tumango ako. I had my doubts when it comes to the most powerful being. Pero tao
lang ako, marami akong tanong tungkol sa mga bagay. At hindi iyon masasagot ng isip
kong limitado lang ang alam.
Nabaling sa ibang paksa ang usapan namin ni Sister Lily, nai-kwento ko rito ang
minsang pambubully kay Trojan ng mga bata sa school niya.
Napailing ang madre. "Ang mga ganoong bata ay kulang sa gabay ng magulang. Sila
iyong naghahanap ng pagmamahal at kalinga. Sa palagay nila, kapag ginawa nila ang
ganoong bagay, makakakuha iyon ng atensyon ng kanilang magulang. Si Trojan Miracle,
kung tutuusin, siya ang may kulang na magulang pero busog siya sa pagmamahal ng ina
at mga nakapaligid sa kanya, kaya lumalaki siyang tama. Be kind to them, Sai. Iyong
kasalanan nila ang ating kagalitan but without resentment for the individual.
Bagkus, ituro natin iyong mas matuwid na landas." Pinisil niya ang aking kamay.
Kaya gusto ko ring dumalaw sa Shelter, sobra ang karunungan ng mga madreng nakilala
ko. Ganoon na lang ang pagiging mabuti ng anak ko. He was surrounded by such good
people who love him unconditionally. Isang factor lang ang genes, but a child is
shaped by the environment and his surrounding.
Pawisang tumakbo sa amin si Trojan kasama ang ilang batang kalaro niya. They all
hugged me. Ngumisi ako at kinamusta ang mga bata. Masaya silang nakipag-usap. They
even thanked me for the toys. Hindi naman iyon sa akin. It was my child's idea. Isa
pa, wala naman iyon. Parang anak ko na rin silang lahat.
Sama - sama kaming kumain ng lunch sa small dining area ng Shelter. Ang saya rin ng
puso ko na masaya ang mga bata. They were fun and free. Nangunguna sa pagtawa ang
anak ko. Sulit na sulit ang paglalaro niya, kahit madapa ng ilang ulit, tuloy pa
rin ang likot.
Departure is always hard. Saying goodbye to someone gets harder and harder every
time. Ganoon ang pakiramdam ng anak ko sa tuwing umaalis kami ng Shelter. Hindi ko
nama siya masisisi, I've been there a lot of times and I knew the feeling. Kung
pwedeng doon na lang manatili, pero hindi.
I heard his small cries on the way home. Hinaplos ko ang kanyang likod.
"Anak, babalik naman tayo... 'wag na ikaw malungkot." Pinahid niya ang kanyang
luha. I kissed his head. "Gusto mo ng Jollibee?"
"Sorry po, nanay. Medyo sad lang po si Trojan. Sabi po ni Adrielle, mawawala na raw
po ang Shelter, narinig niya raw po kay Sister Lily at kay Sister Alex, hindi niya
raw po sinasadya." He looked at me with those teary eyes. "Pwede po bang sa bahay
na lang po sila?"
Niyakap ko siya. Napabuntong hininga ako. Kasasabi lang ni Sister Lily. Titingnan
ko kung anong pwede kong magawa para sa kanila. They have been so generous to me.
Gagawin ko ang lahat para maibalik ang utang na loob. Hindi lang iyon basta utang
na loob. Pamilya na rin ang turing ko sa kanila.
"Mag-aaral po akong mabuti, nanay. Para po yumaman ako sa paglaki ko, tapos
ibibigay ko sa kanila ang Shelter. Tapos hindi mo na po kailangang magtrabaho, kayo
ni tita ninang." seryoso niyang sinabi.
Hinalikan ko ang kanyang noo. "You can achieve that without a doubt, anak. Basta
ilaan mo ang puso mo. Si Trojan Miracle pa ba? Anak 'yan ni nanay."
***
Tulog na tulog pa si Trojan nang magising ako para mamalengke. Naligo muna ako at
nagbihis, maya - maya ay magigising na rin ito. Hihintayin ko na siyang magising
para mag-almusal.
"Nanay!"
Umiiyak na naman si Trojan ng hindi ako nito makita sa pagmulat ng mata. Mabilis
akong pumasok ng kwarto.
"Andito si nanay," Naupo ako sa kama para patahanin ito. Ang big boy na umiiyak pa
rin kapag wala si nanay. He hugged me.
"Hindi na po ako baby!" Tumawa na lang ako nang magpabuhat pa ito sa akin palabas
ng kwarto.
Bumili ako ng pandesal kanina, pinalamanan ko iyon ng keso. At saka kanin, itlog at
hotdog. Mayroon din siyang hot chocolate. Tinawag ko rin si Emma para sabay - sabay
na kami sa breakfast.
"Mamamalengke si nanay ngayong araw." paalam ko kay Trojan. "May gusto ka bang
ipabili?"
Nanlalaki ang mata niyang sumulyap sa akin. "Pwede po bang sumama ako nanay?" He
asked cutely.
"Anak, hindi mo mae-enjoy ang palengke. Medyo smelly doon." Napakamot ako sa ulo,
hindi ko alam kung paano ko hihindian si Trojan, sa cute niyang iyan. Mas lalo pang
humaba ang nguso.
Emma shook her head. "Hayaan mo na ang nanay mo sa palengke. Malansa kasi maraming
isda. Sumama ka na lang sa akin." Nagpasalamat naman ako sa pagsalo ni Emma.
Ayokong mawala siya sa dami ng taong nagsisiksikan.
Bumaling ang atensyon nito kay Emma. "Saan po, tita ninang?"
"Gusto ko po iyon!" Pumalakpak ang anak ko. "Nanay, pwede po ba akong sumama kay
tita ninang sa talyer?"
"Kung gusto mo, anak," Pinahid ko ang gilid ng kanyang labi na mayroong ketsup.
"'Wag lang masyadong malikot doon, medyo mahirap labhan iyong damit na nalagyan ng
grasa, okay?"
Matapos ang agahan, I proceeded to go the the store to run some errands. Sa mall
muna ako pumunta bago pumunta ng palengke upang mamili ng sariwang karne at isda.
Dumaan muna ako sa supermarket para mamili ng canned goods, noodles, toiletries at
iba pang kailangan sa apartment.
Medyo naliligaw pa ako sa aisle ng grocery store. Hindi ko mahanap ang paboritong
snack ni Trojan. Nasa section dapat iyon ng snacks, pero hindi ko rin mahanap kahit
iyon. He want the chocolate Hello Panda, the one in red color. Ginugupit niya iyong
panda sa cartoon tapos idini-dikit niya iyon sa isang cardboard.
I shook my head. Patuloy akong nagpalinga - linga sa paligid. I was pushing my
shopping cart.
"Sorry! Pasensya na talaga, hindi ko napansin ang nasa unahan ko." Kinagat ko ang
aking labi at ilang beses na humingi ng paumanhin. May suot na cap ang lalaki,
hindi ko masyadong makita ang mukha nito at may kausap sa phone.
Gusto kong kastiguhin ang sarili ko. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan. Tinuturo
ko iyon sa anak ko, hindi ko magawang i-apply sa sarili ko. Mabilis akong humawi sa
direksyon niya.
And finally, natanaw ko sa dulo ng aisle ang kanina ko pang hinahanap na Hello
Panda. Nakahinga ako nang maluwag.
Lumingon ako rito, bahagyang nawala ang ngiti ko sa labi nang mapagtanto kung sino
ang lalaki.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko ito inaasahan. Ibang - iba ang hitsura nito.
Nagkalaman ang lalaki, he has muscles on the right places. Parang biglang nagkaroon
ng glow-up. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya.
Napalunok ako ng laway sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin ko. Does he still have
connection with his family?
"Ilang taon... ilang taon ka naming hindi nakita." Tinanggal niya ang suot na cap.
Mas lalo kong nakita ang mukha nito. "Akala namin patay ka na..."
Lumapit siya sa tayo ko, niyakap niya ako. I just stood there, doing nothing. The
memories came back to me. Every single one.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa bawat tanong niya. A sudden lump formed my throat.
I never thought seeing someone so familiar have this effect on me. Parang gusto
kong umiyak. Ilang taon ko silang hindi nakita.
"S-sorry, aalis na ako!" Hinatak ko ang cart. Sari - saring emosyon ang muling
bumalik. Kasama na roon ang takot lalo na para sa anak ko. "Nagmamadali ako,
pasensya na."
Tinalikuran ko siya pero agad din akong napatigil. Muli ko itong nilingon.
"Paki-kumusta naman ako kana tatay, pakisabi miss na miss ko na sila." I told him.
I was trying to hold back my tears.
Muli akong tumalikod, kung sakaling bumagsak man ang mga luha ko, ako lang ang
makakakita.
"Sai," I stopped on my track to hear what he was about to say. "Patay na ang tatay
mo."
Sunod - sunod na bumagsak sa aking pisngi ang luhang pinipigilan kong malaglag.
Ang daya niya, hindi na nga siya um-attend ng graduation ko noon, hindi niya pa
magawang maghintay na magtagumpay ako. Hindi niya man lang nagawang hintayin kami
ng anak ko.
***
Halo! You may check out Kryptonited, it's already completed. Thank you! Sali kayo
sa group Psycho's Asylum (Stories of PsychopathxXx). Please answer the questions
hehe.
Chi xx
Kabanata 43
Sulat
Pinangako ko sa sarili kong uuwi lang ako sa amin kapag maayos na ang lahat, kapag
nagtagumpay na ako sa buhay, kapag kaya ko nang iharap ang sarili ko sa kanila ng
hindi lang bilang isang suwail na anak.
It wasn't the case. Bumalik akong wala pang napapatunayan sa sarili ko.
Binabaybay ng bus ang daan patungong San Andres, marami pang tanong sa aking isipan
ang hindi masagot. Anong nangyari kay tatay? Wala akong ideya. Ni hindi ko man lang
naitanong kung kailan pa. Ang sakit - sakit bilang anak na iyon ang bubungad sa
aking pagdating, matapos ang ilang taong pagkakahiwalay namin.
Nagpaalam ako sa trabaho. Binigyan ako ng tatlong araw na leave upang bumalik ng
San Andres at dalawin ang mga mahal ko sa buhay.
Ako lang mag-isa. Iniwan ko si Trojan kay Emma. I don't want to risk him. Balak
kong kumbinsihin si nanay na sumama sa akin sa lungsod para magkasama kami. Silang
dalawa ni Nena. Dapat nasa kolehiyo na si Nena, nag-aaral kaya siya?
The bus stopped after long hours. Nag-aalinlangan akong bumaba ng sasakyan. Inayos
ko ang suot kong sombrero. Nagpahuli ako sa maraming pasahero na bumaba ng bus.
Konting gamit lang ang dala ko. Ilang pares ng damit at jeans. Hindi naman ako
magtatagal dito.
Bawat hakbang kong tinatahak, may kabang pumapaloob sa aking dibdib. My eyes
wandered around the whole place. Sa may palengke ang pwesto ng sinakyan kong bus.
Ang daming ipinagbago ng bayan. Mas lalo itong umunlad kumpara noon. Maraming taon
akong hindi man lang nakatapak ng San Andres.
Binayaran ko ang namasada. Huminga ako nang malalim at bumaba ng side car. Tumungo
ako sa gate ng tiyahin ko. Ganoon pa rin ang kanyang bahay, walang pinagbago.
"Tao po! Tiya!" Isang babaeng may katandaan ang lumabas ng bahay. May suot itong
salamin.
Her eyes widened when she saw me at the gate. "Sai? Sai? Ikaw ba iyan?" Patakbo
niyang binuksan ang gate ng kanyang bahay upang salubungin ako.
She hugged me. "Kumusta? Ang tagal mong nawala. Akala namin..."
"Si nanay po, tiya? Kailangan ko pong makausap si nanay. Pwede niyo po ba akong
samahan papuntang Tagbakan?" Kumakalabog pa rin ang puso ko, hindi ito mapakali.
"Tagbakan?" Nangunot ang kanyang noo. "Matagal ng wala sa Tagbakan ang pamilya mo.
Hindi na sila roon nakatira."
Umawang ang aking labi. Hindi ako makapaniwala. It wasn't what I was expecting.
Paano? Bakit? Mas lalong nadagdagan ang tanong sa aking isipan. Naguguluhan ako.
Ang dami kong hindi alam simula nang nilisan ko ang bayan.
Sinamahan ako ni tiya sa bandang Mabato, doon na raw nakatira ang aking mga
magulang. Kabang - kaba ang buong pagkatao ko nang bumaba kami ng habal - habal.
Isang maliit na bahay ang bumungad sa aming dalawa. Maliit iyon pero mukhang maayos
naman at malinis.
Hindi ko alam kung anong madadatnan ko sa loob ng bahay na iyon. Kumabog pa lalo
ang aking dibdib. My knees were trembling. Ipinasok ko sa aking bulsa ang kamay
kong nanginginig sa kaba. Ilang beses kong huminga nang malalim.
"Tara na," Hinawakan ni tiya ang braso ko, maliliit ang hakbang na lumakad kami
patungo sa pinto. Si tiya ang kumatok sa pintuan, bahagya akong nagtago sa likuran
niya.
Bumukas ang pinto, iniluwa noon ang nanay ko. My eyes started to water, kung paano
ko siyang iniwan noon, ganoon pa rin ang kanyang hitsura, may ilang hibla lang ng
puti ang nadagdag sa kanyang buhok.
"May kasama ako," sagot ni tiya. Bahagya akong lumabas mula sa pagkakatago sa likod
ni tiya.
Unti - unting rumehistro ang mukha ko kay nanay. Nabitin ang kanyang ngiti sa ere.
Sunod - sunod na pumatak ang luha sa kanyang pisngi. Mabilis niyang tinakbo ang
pagitan naming dalawa upang yakapin ako ng mahigpit. Ang buong akala ko, galit pa
rin siya sa akin.
Bumaluhong ang aking luha. Humagulhol siya ng iyak habang nakayakap sa akin. I
hugged her back. Miss na miss ko siya. Miss na miss ko sila. I could feel what my
son's feeling every time he hugs me. Wala pa ring makakapantay sa yakap ng isang
ina.
Matapos ang ilang minutong yakap, pinatuloy niya kami sa bahay. The house was neat
and clean. Iniwan kaming dalawa ni tiya upang makapag-usap nang masinsinan.
Nilibot ko ang paningin sa buong sala. Ang daming litratong nakasabit sa dingding
na kahoy. Most of them are my pictures during recognition day. Pictures ko tuwing
sinasabitan ng medalya. Kaming dalawa ng tatay ko. Even the medals I got was
displayed in the living room. I was having mixed emotions seeing the pictures.
Kalmado na si nanay. Ikinuha niya ako ng baso ng tubig. Tinanggap ko naman iyon at
ininom. Marami pa ring katanungan ang bumabaha sa aking isipan lalo na nang
mapagmasdan ko ang mga nakasabit na litrato.
Hinawakan ni nanay ang aking braso. She looked at the pictures I was looking.
Bumuntong hininga siya. "Gustong i-display iyan ng tatay mo, anak. Para hindi ka
mawawala sa alaala namin sa araw - araw."
Pinahid ko ang luha sa aking mata. Ito na ang pagkakataon kong itanong ang isang
bumabagabag sa aking isipan. "Ano pong nangyari kay tatay, 'nay?" tanong ko sa
kanya.
Malungkot na ngumiti sa akin si nanay. Iginiya niya ako paupo ng kawayang upuan na
may barnes. Natahimik siya ng ilang sandali.
"Alam mo naman ang tatay mo, istrikto, pero kahit ganoon iyon, mahal na mahal ka
noon. Concerned iyon sa'yo." panimula nito. Hinawakan niya ang kamay ko. "Medyo
matanda na rin, mahina na ang puso, hindi kinaya ang lungkot at pag-aalala. Galit
na galit iyon sa kanyang sarili. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala mo.
Noong isang taon, bumigay na ang puso niya. Ang tagal mong nawala, anak, ang buong
akala namin patay ka na. Hinanap ka namin sa Manila, pero hindi namin
napagtagumpayang mahanap ka."
Pumatak ng sunod - sunod ang luha ko. Minsang nagalit din ako kay tatay, pero
naintindihan ko naman kung bakit kailangan niya akong palayasin. Kailangan kong
matutong tumayo sa sarili kong paa. Nagkamali ako. Kailangan kong matuto. Sa dami
nang napagdaanan ko sa siyudad, sa tingin ko, napagtagumpayan ko ang bagay na iyon.
Natuto akong tumayo para sa sarili ko. Natuto akong mag-isa. Kinaya ko para sa amin
ng anak ko.
"Sorry po, 'nay... Ngayon ko lang nagawang umuwi. Ngayon lang ako nagkalakas ng
loob na bumalik at harapin ang pamilyang nagawan ko ng kasalanan."
Umiling siya, hinaplos niya ang aking mukha ng marahan. "Kami dapat ang humingi ng
patawad. Kami ang may pagkukulang sa iyo, itinaboy ka namin ng mga panahong
kailangang - kailangan mo kami. Dapat mas ginabayan ka namin." Muli niya akong
niyakap.
"Ang anak mo, Sai? Asan siya? Kumusta? Malaki na ba ang baby mo?"
Umalis siya sa pagkakayakap sa akin. Puno ng pagtatanong ang kanyang mata. She was
anticipating for the answer. Ngumiti ako.
"Maayos naman po siya, 'nay. Sobrang healthy. Parang bolang tumatalbog. Hinabilin
ko po siya sa kaibigan ko sa pag-uwi ko sa probinsya natin." Inilabas ko ang wallet
ko upang ipakita sa kanya ang litrato ng anak kong makulit. Proud na proud akong
ipakilala ang anak ko.
His chubby cheeks were showing in the picture. Bagong kuha ang litratong iyon para
sa I.D. niya sa paaralan. Ang lawak ng kanyang ngiti sa labi. His smile is so
precious.
Tinitigan iyong mabuti ni nanay. Muling namuo ang luha sa kanyang mata. "Aba'y ang
gwapong bata ng apo ko," she said, sobbing. Hinawakan niya ang litrato at paulit -
ulit na tiningnan.
"Ang ganda ng pangalan. Matutuwa ang tatay mo kung makikita niya ito."
If only tatay could see Trojan Miracle, I know our conflicts would be resolved
right away. Kayang - kaya ng anak ko na amuin ang kanyang lolo. He's a bundle of
joy. Sayang lang, hindi niya man lang hinintay na makilala ang kanyang apo. Sobrang
daya ni tatay, hindi niya man lang ako hinintay na umuwi.
"Si Nena po?" tanong ko rito. Sigurado akong mas matangkad na ito sa akin, base sa
mga litratong nakita ko.
"Nasa kolehiyo," nakangiti niyang sagot. "Nasa boarding house sa Lucban. Hindi na
gaanong nagbubulakbol ang isang iyon. Sigurado akong miss na miss ka na noon."
Kinuha niya ang photo albums na nasa mesa at inabot iyon sa akin. Binuklat ko ang
pahina ng album. Tiningnan ko ang bawat litrato. Pictures iyon ng pinsan ko simula
ng umalis ako sa poder nila.
Muling bumuntong - hininga si nanay. "Paano mo nalamang wala na ang tatay mo, anak?
Bakit ka bumalik ng San Andres?"
Nang mapatingin ako sa kanya, seryoso ang kanyang mukha. "Kay R-rambo po, nagkrus
ang aming landas sa Manila..." I answered. "Sinabi niya sa aking wala na si tatay."
Ibinaba ko ang album sa upuan. "Bakit po kayo umalis ng hacienda? Ano pong nangyari
sa dati nating bahay?" Hindi ko inaasahang wala na sila roon sa dati naming
tinitirhan.
"Sa galit ng tatay mo sa nanay ni Cadence, sumugod siya sa mansyon dala ang itak.
Galit na galit siya kung paano ka nila tin-rato at parang dinispatsa na parang
isang basahan. Hindi siya napigilan ng tauhan sa mansyon, bahagyang nagkagulo.
Natamaan ng itak ng tatay mo ang gobernador. Malubha iyong tama." Walang humpay ang
luhang pumatak sa aking pisngi. Ang buong akala ko, galit na galit sa akin si
tatay. Hindi ko akalaing ipagtatanggol niya ako ng ganoon.
"Nakulong ang tatay mo, Sai. Masyadong makapangyarihan ang mga Ponce, hawak nila sa
kamay ang batas. Sa bilangguan din siya inatake sa puso at namatay."
***
"Nanay, asan ka na po? Miss na miss ko na po ikaw! Ang tagal mo naman po d'yan!
Sana sinama mo na lang po kami para hindi ko ikaw ma-miss." wika ni Trojan sa
kabilang linya.
Tumikhim ako para pagtakpan ang garalgal kong boses. Ayokong mapansin iyon ng anak
ko. I wanted to hug him right now. Sigurado akong mapapawi ng anak ko ang lungkot
na nararamdaman ko.
"Andito pa nga po ako sa Quezon. Hintay lang ikaw d'yan, mabilis lang ang tatlong
araw. Saka malay mo, kasama ko na ang lola mo sa pag-uwi d'yan sa atin." Pinasigla
ko ang aking boses.
"Wow! Sige po, nanay. Wi-wait po kita. Bilisan mo po, ha? Miss na miss ko na ikaw!
Love you po! Binili po uli ako ni tita ng Jabilee na toy saka chickenjoy! Sabi niya
kamukha ko raw po si Jabilee, e 'di ba po para siyang bubuyog na mataba? Hindi
naman po ako bubuyog! Mataba lang po ako! Saka nanay, may star po uli ako kay
teacher kasi very good ako!" kuwento ng anak ko.
I could listen to him talk all day and I won't get bored. Trojan knows how to make
nanay happy without him knowing. Sinulit ko ang tawag, hinayaan ko lang siya
magkwento nang magkwento.
"Nanay, hindi naman po ikaw naimik ay! Pagod na po ang mouth ko magtalk!" reklamo
nito.
Napatawa naman ako. "Ikaw naman ang maraming kwento sa ating dalawa, anak. Love na
love ni nanay na marinig ang boses mo."
Marami pa siyang sinabi sa akin. Kinantahan din niya ako ng kanta nila sa room.
Serysong - seryoso ang boses niya, rinig ko namang tumatawa si Emma sa background.
Kinausap ko rin ito para muling ihabilin si Trojan. Alam kong paulit - ulit ako,
pero ganoon talaga kapag isang ina.
Nagpahangin muna ako sa labas. Medyo madilim na rin. Nilibot ko ang kabuuan ng lupa
na kinatitirikan ng bahay. My eyes widened when I heard a horse's neigh. Sinundan
ko ang tunog ng kabayo hanggang makarating ako ng likod bahay.
There I found my pet horse. Meow! Mabilis akong tumakbo rito, I stopped halfway.
Hindi ako sigurado kung nakikilala pa nito ako. Mas lalong lumakas ang tunog na
ginagawa niya nang makita ako.
"Meow... Meow!" Inilapit ko ang aking kamay para haplusin ang kanyang balahibo.
Nang masiguro kong kampante siya sa akin, unti - unti akong lumapit dito.
"Parang kahapon lang tayo hindi nagkita," komento ko. "Ang laki mo na... mas lalong
lumaki ka na."
He was also my treasure. Akala ko wala ng pagkakataong magkita kaming muli. Pero
muli akong dinala ng aking mga paa sa unang saksi ng aking paglaki. Halo - halo pa
rin ang emosyong bumabalot sa puso ko pero masaya akong makitang muli ang alaga
kong kabayo.
Tinawag din ako ni nanay upang kumain ng dinner. I missed her home-cooked meals.
Sinubukan kong lutuin ang mga tinuro niyang pagkain para kahit paano mayroon pa rin
akong alaala ng mga ito. Nakakapanibagong kaming dalawa lang ang kakain sa mesa.
Wala si Nena. Wala si tatay.
Ito yata ang isa sa pagbabagong hindi ko gusto. Hindi ko man lang naabutan ang
tatay ko bago siya pumanaw. Ni hindi ko alam ang nangyari sa kanya. I bit my lip to
refrain myself from crying.
Ang daming pagkaing inihanda ni nanay. Mayroon siyang maliit na garden sa palibot
kung saan pwedeng makakuha ng fresh na mga gulay. It's one of the things I have
missed. Sariwa ang mga gulay sa probinsya. Hindi na rin kailangan pang bumili sa
palengke, madalas may sarili ng tanim sa palibot ng bahay.
"'Nay, sumama na po kaya kayo sa akin pagluwas ko ng Manila... para ma-meet niyo po
ang anak ko." Ibinaba ko ang kutsara't tinidor na hawak.
Mukhang hindi na magkakasya ang dala kong jeans, naparami ang pagkain ko.
Ngumiti ang aking ina. "Gusto ko iyon, Sai. Gusto ko ring makilala ang apo ko. Kaya
lang, hindi pa muna sa ngayon. Marami pa akong kailangang asikasuhin dito. Walang
mag-aalaga kay Meow at sa ibang alaga nating baboy. Hayaan mo, anak. Susunod ako
sa'yo roon kapag naayos kong lahat ang gawain dito." Inabot niya ang kamay ko at
pinisil iyon.
"Excited na akong makilala ang anak mo... excited na akong mayakap si Trojan
Miracle. Sigurado akong tuwang - tuwa ang tatay mo." May namuo na namang luha sa
kanyang mata. "Alam mo, iniisip ko na lang na kung nakayanan mo ang pagsubok sa
lungsod, may nagbabantay na sa'yo ngayon. Malamang binabantayan ka ng tatay mo at
ang apo namin."
I smiled. Nagbabadya rin ang mga luha sa aking mata. "Sigurado rin po ako."
Ako na ang nagpresentang maghugas kay nanay. Pinagpahinga ko na siya, alam kong
sari - saring emosyon din ang lumukob sa kanya sa pagbabalik ko. Si nanay na lang
ang mag-isa sa bahay na ito. Mayroon namang ilang kabahayan ang malapit pero hindi
ko pa rin maiwasang hindi mag-alala.
Kung lilipat naman siyang Manila, sinong mag-aalaga ng naipundar nilang babuyan at
saka si Meow? Kung sakaling makaipon ako, pati ang mga alaga ni nanay ay kasama sa
luluwas ng Manila. Kapag gusto ni Nena, hahanap ako ng kolehiyo na maaari niyang
pasukan. Pwede siyang magtransfer.
Pumasok ako ng kwarto na nakalaan para sa aming dalawa ni Nena. My things were
still here. Iyong mga gamit kong naiwan ay masinop na itinago ng mga magulang ko.
Alam kong naghintay sila ng pagbabalik ko. Natagalan akong bumalik sa kanila. I'm
still not worthy. Wala pa akong napagtagumpayan.
Halos buong gabi akong umiyak. Ramdam na ramdam ko ang lungkot ng pagkawala ni
tatay. There were times, I doubted his love for me. Pero hanggang sa huli, ako pa
rin ang inaalala niya. Umiyak ako para sa pamilyang nagkawatak - watak sa
pagkakamali ko. I felt so guilty.
Noong mga panahong wala ako, sinong naging karamay ni nanay? She has endured a lot.
She has endured so much. Sa kabila ng lahat, mahal pa rin ako ng mga magulang ko.
Hindi ko magawang isipin ang nangyari sa tatay ko. I thought, I was done in the
crying part of my life.
Mas lalo akong nakaramdam ng galit para kay madame Oleya. Wala siyang puso. Wala
siyang kaluluwa.
Maaga akong nagising, halos hindi ako nakatulog sa buong magdamag. Naghilamos ako
ng aking mukha, baka sakaling mawala ang pamamaga ng aking mata. It looked like
bitten by bees. Nag-apply ako ng konting pulbos.
Matapos kong magluto, muli akong umakyat sa aking kwarto upang umidlip ng kaunting
minuto. I let myself rest for a bit.
Basa ko sa lapida. Kahit ilang beses na nilang sinabi sa akin, may parte pa rin sa
aking pagkatao ang ayaw maniwalang wala na talaga si tatay. I was hoping it was
still some kind of joke. Pero iba ang sinasabi ng lapida. That was when I knew it
was real. He was gone. Forever.
Ibinaba ko ang hawak kong basket ng mga bulaklak na napitas ko sa palibot ng bahay.
Iyak ako nang iyak. Hinahaplos ni nanay ang aking likod. Ang sakit sa damdamin.
Sobrang sakit. Parang pinipiga ang aking puso. It was another kind of pain ---
losing a parent.
"Sorry po, tatay. Hindi ako naging mabuting anak. Hindi ko kayo sinunod ni nanay.
Sorry po, hindi ko po sinasadya..." Dinaluhan ako ni nanay upang patahanin. Sa
kanya ako umiyak. Nakayakap ako sa kanya habang binabanggit nang paulit - ulit ang
paghingi ng tawad sa mga pagkukulang ko bilang isang anak.
"Hinding - hindi ka sinisisi ng tatay mo sa kung ano mang nangyari, anak. Mahal na
mahal ka namin." She tried to wipe away the tears in my cheeks.
Inabot niya sa akin ang isang sobre na kanyang hawak. "Ipinabibigay ng tatay mo,
para sa iyo." Mas lalong napahikbi ako.
Humingi ako ng distansya kay nanay. Ilang ulit kong tiningnan ang sobreng
nakapangalan sa akin. Hindi pa iyon nabubuksan. Halos mabasa na ito ng luha ko. I
opened the letter. Huminga ako nang malalim.
Sa bawat sandali, sa paglipas ng bawat minuto, parati kong iniisip kung nasaan ka,
kung kumain ka na ba, kung may maayos kang masisilungan sa malamig na gabi, sa
gabing nagbabadya ang masamang panahon, sa gabing puno ng masasamang loob. Ilang
taon ka na naming hindi nakakapiling ng nanay mo, sa loob ng mga panahong iyon,
wala akong ibang inisip kung hindi ang kapakanan mo.
Siguro dapat mas inuna kong umunawa kaysa magturo ng leksyon. Siguro dapat mas
inuna kong maging bukas ang isipan kaysa pagsarhan ka ng pintuan. Habang tumatagal
kang hindi namin kasama, mas lalo akong nagsisisi sa mga desisyon ko sa buhay
bilang padre de pamilya.
Dapat kami ang unang natakbuhan mo sa problema pero kami ang unang nang-iwan sa iyo
sa ere. Dapat kami itong kasangga mo sa bawat laban pero kami ang unang naging
pagsubok mo.
Nagtiwala ako sa kanya at nanalig na hindi ka pababayaan. Nabigo ako. Para akong
mababaliw sa isiping may mangyaring hindi maganda sa iyo sa isang lugar na hindi mo
kabisado.
Ang tanging hiling ko lang bago ako matulog sa gabi, kung nasaan ka man ngayon,
sana ayos ang iyong kalagayan at masaya ka kasama ang apo namin. Sana ligtas kayong
pareho. Kahit sinasabi ng mga tao, maaaring patay ka na sapagkat hindi ka namin
mahanap, naniniwala pa rin akong lumalaban ka sa hamon ng buhay. Pinalaki ka ng
tatay na hindi nagpapaapi sa kahit sino, sa kahit ano. Naniniwala akong kaya mo.
Mahal na mahal ka namin ng nanay mo. Sana hindi pa huli ang lahat para bumawi si
tatay.
Ang dami kong pagkukulang at pagkakamali. Sana ganoon din ang oras ko upang
makabawi.
Nagmamahal,
Tatay
Hindi maampat ang luha sa aking mata. Halos matabunan na nito ang mga letra.
"Sabi mo 'tay, gusto mong bumawi. Bakit hindi mo ako hinintay? Bakit hindi mo kami
hinintay ni Trojan?"
***
NO SPOILERS.
Kabanata 44
Bisita
Sumilip ako sa pinto. Mayroong bisita si nanay, minabuti ko munang hindi lumabas ng
kwarto. Ayokong kumalat ang balitang bumalik ako ng San Andres, at kung kanino pa
makarating iyon.
"Ay, nako, Teryo, nag-abala ka pa. Maraming salamat sa mga gulayin," masuyong sabi
ni nanay sa bagong dating. "Magkape ka muna, may binili akong pandesal kanina noong
may dumaang naglako."
Likod lang niya ang nakikita ko mula sa aking tayo. Ganoon pa man, may parte sa
aking nagagalak na makakita ng pamilyar na bulto. Totoo ang sinabi nilang hindi
nila pababayaan ang pamilya ko noong papunta akong Manila. Sila ang naging karamay
ng pamilya ko ng mga panahong wala ako.
"Maraming salamat po, Aling Cess sa kape at tinapay. Kapag may kailangan po kayo.
One call away lang ako."
"Salamat din Teryo. Ingat ka." Tuluyang nawala ang lalaki sa paningin ko. Ang sunod
kong narinig ay pagsara ng pinto at pag-alis ng motor.
Bumaba ako sa kusina, binati ko si nanay. Ito ang huling araw ng pamamalagi ko sa
bayan, luluwas na rin ako ng Manila kinabukasan. Hindi pa lubos na hilom ang sugat
na nabuksan nang umuwi ako sa pamilya. Nasasaktan pa rin ako tuwing maiisip ko ang
nangyari kay tatay. Hindi iyon makatarungan.
"'Nay, pwede ko po bang hiramin si Meow? Gusto ko lang po sanang libutin ang
kabuuan nitong malapit sa atin." I haven't done it for quite some time. Isa ito sa
pinaka-gusto kong gawin. This town is my jungle.
Tumango ako. "Sa tingin ko po, alaala ko pa ang bawat galaw." sagot ko.
Kinakalawang, pero alam kong kaya ko pa. Buong kabataan kong ginagawa ang pagsakay
ng kabayo. Natigil lang pero hindi ibig sabihin limot ko na.
"Walang problema. Sa akin lang, mag-iingat ka. Hindi ka na bata, Sai. May anak kang
naghihintay sa'yo." paalala pa ng aking ina.
Ngumuso ako. "'Nay naman. Hindi naman po mawawalan ng ina si Trojan. Hindi po ako
maaksidente. Isa pa, hindi ko naman po patatakbuhin ng mabilis si Meow."
Sinundo ko si Meow sa kwadra. Even my horse seemed excited with our little
escapade. Matapos ang ilang taon, ito ang unang beses na magkakasama kaming muli.
Sinagot lang ako nito ng mga tunog ng kabayo. Inilabas ko siya hanggang sa maliit
na kawayang nagsisilbing gate ng bahay. Hindi ako sigurado kung kailan huling
naipasyal si Meow. But he is really excited.
Back in the days, walang palya ko siyang nailalabas kahit sa palibot lang ng bahay.
Malinis naman ang alaga ko pati ang kanyang saddle. Malamang nililinisan siya ni
nanay.
Mabilis kong naakyat ang saddle niya. Kahit nadagdagdan naman ang aking tangkad,
lumaki rin ang aking kabayo, parang nabalewala iyon. I secured my feet. Marahan ang
lakad ni Meow. Pinagmamasdan ko ang paligid. May ilang bahay naman ang malapit sa
kinatatayuan ng amin.
Maayos na ang daan patungong bayan. Iyon ang daang binaybay ko.
Meow was startled when he heard several neighs a few distance from us. Mukhang
nagpanic ito sa tunog ng parang stampede ng kabayo.
"No, it's okay, Meow. I promise, okay lang. Don't panic." I tried to convince my
horse. But he wasn't listening. Bumilis din ang takbo niya. Kung ano - anong galaw
ang ginawa nito. I was hanging on for dear life.
Tumilapon ako pababa sa gilid ng damuhan ng bigla na lang itong tumigil. Masakit
ang katawan kong bumagsak sa talahiban. Hindi pa rin nagbabago ang kabayo ko. Kung
gaano akong naninibago sa pagsakay ng kabayo, alam kong ganoon din siya. It was
understandable.
Hinayaan ko munang mahiga ako sa mga damo. Bahagyang may kataasan ang kalsada. My
arms were hurting to crawl. Tumigil si Meow. I knew, he was looking for me.
Mas lalong lumakas ang tunog ng mga kabayong sunod - sunod ang takbo. They stopped
near my spot.
"Is that our horse?" rinig kong tanong ng isa. The voice was familiar. Mas lalo
akong tumago sa tayo ko. Mabuti na lang hindi pantay ang daan at parte kung saan
ako nahulog.
"That's a familiar one, I've seen that before." Kilala ko ang mga boses na iyon.
Tumikhim ang isa. "Pamilyar talaga ang kabayong iyan. That's Sai's horse. Si Meow?"
Pinikit ko ang aking mata.
"Anong gagawin niyan dito mag-isa? Should we return it?" boses iyon ng isang babae.
"As if you haven't been around with horse, they walk on their own. Lalo na kapag
bukas ang kwadra." Ilang pamilyar na boses ang narinig ko.
After all those years, there were still familiarity in them. Pero hindi ko narinig
ang pinaka-pamilyar na boses.
Nag-usap pa sila ilang sandali. They decided to bring Meow to my mother's house.
Naiwan akong nakahiga sa damuhan. Hindi naman gaanong malayo ang uuwian ko. Pero
minabuti ko munang manatili sa tayo ko ng ilang minuto. Hinintay kong marinig muli
ang kabayo nilang patungong bayan.
Those are the Ponce, definitely. The name that makes my blood boil.
Ang bilis natapos ng dapat sana ay pamamasyal namin ng kabayo ko. I went back to
the house. Sinalubong ako ni nanay ng may pag-aalala. Ayos naman ako. Medyo
nasaktan lang ako sa pagkahulog sa kabayo. But it was okay.
Hindi naman ito nagtanong kung paano ko naiwasan ang muntik ko nang pagkikita sa
mga taong ayokong makita.
Nang sumapit ang hapon, muli akong dumalaw sa puntod ni tatay. Ako lang mag-isa.
Hindi ko alam kung kailan ako muli makakabalik upang dalawin siya. Wala akong ideya
kung kailan ako makakaahon sa sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ng isang taong
mahalaga sa akin.
Nag-iwan ako ng maraming bulaklak sa palibot niya. Pinanood ko ang paglubog ng araw
katabi ng kanyang lapida. Kinalma ko ang aking sarili bago ako tumungo sa bahay.
Baon ko pa rin ang sulat na binigay niya sa akin saan man ako dalhin ng aking mga
paa.
"Sai, mag-iingat ka sa Manila, anak. Alagaan mo ang sarili mo. Kayo na lang ni Nena
ang meron ako. Susunod ako sa Manila para makilala si baby Trojnan. Hintayin mo
roon si nanay." bilin ni nanay.
I tried to smile. Ganoon din ang nararamdaman ko. Gusto kong umiyak, muli na naman
kaming magkakahiwalay na dalawa pero pinilit kong hindi magpakita ng emosyon. Gusto
kong maging matatag para sa amin ni nanay.
"Hindi ko matatanggap ito, Sai. Para sa anak mo na lang. Nakakaraos naman ako
rito." Umiling ako. Mas lalo kong ibinigay iyon sa kanya.
May parte sa aking binabalot ng lungkot. We're going to be separated once again. It
wasn't because of my wrong choices in life. Pero iyong sakit na mawalay sa pamilya,
hindi pa rin nagbabago. But this time, alam kong mayroon akong babalikan. Mas lalo
kong kailangang magsumikap para sa kanila.
Kumaway ako kay nanay at sumakay ng habal - habal patungo sa bus station sa may
palengke. Alas tres pa lang ng madaling araw. Halos buong araw ang magiging biyahe
ko kung mamalasin ako sa trapiko.
I settled on the seat beside the window. Sinuot ko ang jacket ko para hindi ako
malamigan sa biyahe. I sighed. Sana sa susunod na pagbabalik ko, maayos na ang
lahat. Gusto ko ring dalhin si Trojan Miracle sa lugar na kinalakihan ko ng walang
anumang takot at pangamba.
May tumapik sa tagiliran ko. "Miss, oh." Inabutan ako ng isang babae ng bottled
water. May nakalagay itong phrase na 'Stay Hydrated'. Tumingin lang ako sa kanya.
She shook her head. "Nako, mukhang hindi ka taga-rito. Parang isa sa mga proyekto
dito, sa totoo lang, marami pang magagandang proyekto. Ito lang iyong pinaka-
minimum. Alam mo, minsan lang magkaroon ng matinong politiko." litanya nito.
Sa huli'y tinanggap ko rin ang binigay niya. Well, wala nga namang pangalan ng
politiko. Nagkibit - balikat ako. Mukhang wala na sa mga Ponce ang politika.
***
"Nanay!" Trojan Miracle exclaimed in excitement seeing me. Patalon - talon ito
habang papalapit sa akin. "Miss na miss po kita!"
He was still in uniform. Mukhang kalalabas lang nito galing sa school. Alas singko
nang hapon dumating ako ng apartment. The ride was long and tiring. Mabuti na lang,
ang bulilit ko ang unang sumalubong sa akin sa pagdating ko.
"Tita ninang andito na po si nanay!" Ibinaba ko ang mga gamit kong dala para
makarga ko ang baby ni nanay.
Binuhat ko si Trojan at niyakap ng mahigpit. Hindi bumitiw sa akin ang anak ko.
"Nanay, kumusta po ikaw? Napagod ka po ba? Sa susunod po, sama mo po si Trojan para
hindi ikaw mapagod." Hinalikan niya ako sa pisngi nang paulit - ulit.
Lumabi ang anak ko. "Sad naman po, nanay. Excited pa naman po akong makilala si
lola. Akala ko po wala akong lola at lolo."
"Saan manggagaling si nanay kung wala si lola at lolo?" Natatawa ko namang tanong.
Akmang nag-isip naman anh anak ko sa tanong. Sakto naman ang paglabas ni Emma sa
kanyang kwarto. Yumakap siya sa aming dalawa ni Trojan.
"'Nak, may pasalubong doon, may bigay si lola para sa'yo. Healthy foods." Pagkausap
ko kay Trojan. Humigpit naman ang hawak nito sa akin. He hugged me again.
Hinaplos ko ang buhok ni Trojan. We really have that special bond. Nanay smell daw
iyong naaamoy niya tuwing katabi ako. Nanay's boy talaga ang anak ko.
Nang mapanatag ito, bumaba si Trojan para tingnan ang mga pasalubong ng kanyang
lola. Most of them are fresh fruits and vegetables from her mini garden.
Magugustuhan iyon ng anak ko, hindi naman siya mapili sa pagkain. Kumakain din ito
ng gulay.
"Anong nangyari?" Emma asked me when Trojan Miracle was already playing. Hindi pa
niya kailangang marinig ang usapan ng matanda.
I cleared my throat. "Nalaman ko ang totoo. Hinanap nila ako. Matagal nila akong
hinanap. Nakulong si tatay sa galit sa partido ng ama ni Trojan." Huminga ako ng
malalim. Ang bigat pa rin sa dibdib.
Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kay tatay. Hindi niya sana sinapit iyon.
Mapagpalaya ang katotohanan pero bakit masakit pa rin? Ang hirap pa ring
alalahaninang naging tadhana sa kanila ng hindi nasasaktan. The emotions were still
the same.
Lumapit sa akin si Trojan dala ang litratong hiningi ko sa bahay. Kaming apat iyon.
Ako, si nanay, si tatay at si Nena ang kuha ng litrato. Balak ko iyong i-display sa
kwarto namin. Hindi man nakilala ng anak ko ng personal si tatay, makikita niya pa
rin ito sa araw - araw at lagi kong ipapaalala sa kanya.
"Nanay, sila po ba ang lolo at lola ko?" He asked curiously. Titig na titig siya sa
litrato. Tumango naman ako at ngumiti.
"Si lolo Von, nasa heaven na siya. Si lola Cess, makikilala mo pa. Iyan naman si
tita Nena." Tinuro ko ang bawat tao sa picture. "At s'yempre si nanay."
"E, anong balita doon sa gagong ama ng anak mo?" Hininaan ni Emma ang kanyang boses
upang hindi marinig ng aking anak. Nai-kwento ko na sa kanya ang tungkol kay
Cadence. Galit na galit din ito rito. But I refused to give her any name.
Umiling ako. I haven't heard a single thing about him. Hindi ako sigurado kong
sinadya ni nanay na hindi banggitin ang anumang tungkol sa lalaki pero
nagpapasalamat ako roon. Gusto ko lang ng tahimik na buhay para sa anak ko. My son
will always be my top priority.
Muntik lang ang pagtatagpo ng landas namin ng mga haciendero ng Tagbakan. Bukod
doon, wala na akong ibang balita. It felt like there was no trace of him. He's
probably in America or any country enjoying their wealth.
"Hindi naman kailangan ni Trojan ng ama. Ikaw lang sapat na." Tinapik niya ang
aking braso. "Naaalala ko pa rin kung paano mo ipaglaban ang anak mo, pati yata
kamatayan takot sa'yo, pati ang mga sakit at lagnat, takot dumapo. Ginawa mong araw
ang gabi. Pati tuloy ako nahiyang maging patapon ang buhay."
Pinagmasdan ko ang anak ko. There's no one who could tell me that I need someone to
be contented and to be finally happy. His healthy cheeks, chubby arms and handsome
smile are everything to me. Iyong anak kong patalbog - talbog, sapat na sa akin.
Kahit sobrang nakakapagod ang biyahe, nawala ang pagod ko dahil kay Trojan.
Sumampa ito sa kabilang upuan, pinagmamasdan niya ang ginagawa kong pagbabalat ng
kalabasa. I shook my head slightly.
Tumango ang anak ko. "Okay, iyong sitaw na lang ang putulin mo ng medyo maliliit."
Binaba ko ang kutsilyong hawak at kinuha ang mahabang sitaw. Itinuro ko sa kanya
kung paano iyon gawin bago ako muling nagbalat ng kalabasa.
Fast learner ang anak ko, he is really focused with the task. Kay nanay, always din
siyang very good.
I nodded. Balak kong magluto ng ginataang kalabasa sa dinner na may lahok na sitaw
at talong. Kumakain naman ang anak ko ng kahit anong ihain ko sa kanya sa dinner
table. Hindi siya mapili sa pagkain.
Tumungo ako sa pinto upang pagbuksan ang nasa labas ng pinto. Bahagyang nangunot
ang noo ko nang mapagtanto kung sino ito.
He smiled. "Um, napadaan lang ako sa area. I visited a friend of mine. Naalala kong
malapit ka rito, kaya naisip kong dumaan. I hope I'm not bothering you." paliwanag
ng lalaki.
Well, he does. Busy ako sa pagluluto pero nakakahiya namang maging arogante sa
bisita.
"Hello po!" Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko namalayang nakasunod sa akin ang
makulit kong anak. "Nanay, papasukin po natin ang bisita."
Ako pa talaga ang inutusan ng aking anak. Nilakihan ko naman ang bukas ng pinto.
Handa na akong itaboy ang lalaki kung hindi lang dahil sa anak ko.
"We are currently in the middle of doing something," I told the guy.
Obviously.
"I'm a chef. Katrabaho ko ang nanay mo. We're kind of friends, too. I'm Dustin, the
chef." Humalakhak ang lalaki.
"Ako po si Trojan Miracle, anak po ako ni nanay." magalang na pakilala ng anak ko.
Naglahad pa siya ng kamay dito.
Pasimpleng tumingin ang lalaki sa aking namamangha. Tumango lang ako. Pagdating sa
anak ko, maraming bagay ang nakakamangha.
Tumingin din sa akin ang anak ko. Tumango naman ako. My son beamed at me. Natawa
ako sa reaksiyon niya.
"Pero pwede mo po kami help sa kitchen? Tulog pa po kasi si tita ninang, e."
Mas lalo akong natawa, si Trojan lang yata ang nag-imbita na pinatulong ang bisita
sa pagpi-prepare.
"No, you don't need to help." Bumaling ako kay Trojan. "Doon na kayo sa sala,
aliwin mo ang bisita."
"It's okay. I got it. It's fine, totally." the chef insisted.
Sumama ito patungo sa kusina. Sumunod naman dito ang anak ko. What just happened?
Just like he said, he helped us prepare the dish for dinner. He showed us his
finesse in the kitchen. Panaka - naka naman silang nag-uusap ng anak ko.
Nagpapaturo pa ito kung paano mag-chop ng mabilis na paraan. Binawalan ko lang.
Alam ko namang responsableng bata ang anak ko, pero nag-aalala pa rin ako. Baka
masugat pa siya ng kutsilyo. Ituturo ko rin iyon sa kanya sa susunod, hindi pa lang
ako panatag sa ngayon.
Imbes na ako ang magluto, mukhang pumalit na si chef Dustin sa trabaho ko. Well, he
is a chef. Admit it or not, mas magaling siya sa akin pagdating sa kusina. Naging
sosyal yata ang ulam naming ginataang kalabasa.
After the preparation, tinawag na ni Trojan ang kanyang tita ninang sa pagkain ng
dinner. Pakiramdam ko mas lalong sumikip ang apartment. Lumabas si Emma ng walang
pakialam sa suot nitong sando at shorts. Mukhang lumabas lang talaga ito para
kumain at walang pakialam sa bisita.
"Oh? Siya iyong bisita? Siya dapat ang mahiya. Pamamahay natin ito." sagot nitong
pabalik. Napakamot naman ako sa ulo.
This is going to be the most awkward dinner with only Trojan Miracle as our saving
grace.
Halos mabulunan ako sa tanong ng anak ko. I was more concerned he knew the word
'panliligaw'. Ang bata - bata pa ng anak ko!
"No... kung manliligaw ba ako, payag ka bang ligawan ang nanay mo?" natatawang
tanong nito.
Trojan shrugged. "Pwede naman po, basta po magiging happy si nanay." Nag-thumbs up
pa siya.
Napatingin ako sa anak ko. Parang gustong tumulo ng luha ko sa sinabi niya, pero
pinigilan ko ang aking sariling maiyak sa harapan nila.
Kung alam niya lang, hindi na kailangan ng manliligaw para sumaya si nanay. He's
the only one I need.
"Walang nanliligaw, anak. Ikaw lang ang boy sa buhay ni nanay." Nginitian ko siya.
I coughed hard. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Dustin. Sumipol si Emma sa
narinig.
"Iyon naman pala ang tinu-tumbok kaya nagtatanong ng tungkol sa panliligaw. Aba,
smooth ka, taba, ah." Tatawa - tawa nitong komento.
"Hindi pwede! Bata ka pa! Baby ka pa ni nanay!" Napakamot naman ito sa ulo.
The dinner was a disaster. Hindi pa rin mawala sa isip ko na nagpapaalam na ang
anak ko ng ligaw na iyan! It's not a good joke, parang aatakehin ako sa puso.
Trojan Miracle is just five years old.
Hinatid ko si Dustin sa labas ng apartment namin. "Thank you. I enjoyed the dinner.
You have a beautiful talkative kid. He's a precious gem."
My vision was fixated in the table. I spotted a handkerchief. Lumapit ako at kinuha
ko iyon. I found the chef's initials on it. Sakto namang mayroong kumatok sa
pintuan.
Mabilis akong nagtungo sa pinto upang ibalik kay Dustin ang naiwang panyo.
Napailing ako.
Instead of finding Dustin in the front door, my face turned pale. His trademark
unkempt hair, his evident cheek bones, his thick brows and lashes that make up a
perfect face greeted me as I opened the door.
"Everly,"
***
NO SPOILERS.
If things go south in TGS, will you please keep your faith in me? HAHAHAHA. And kay
Cadence kayo magalit, 'wag naman sa akin.
Chi xx
Kabanata 45
Tatay
How many years have passed? How many tears have shed? How many hopes have crushed?
In order for this moment to come.
Anim na taon ang lumipas. Anim na taon akong nalugmok na mag-isa. I could remember
the exact same words he told me. Mas pinili niya kaming iwan kaysa panagutan. Siya
na lang ang natitirang pag-asa ko noon, at pinira-piraso niya iyon.
Alam ko kung anong magiging reaksyon ng mga magulang ko kapag nalaman nilang buntis
ako. Kung hindi siya naduwaag, kung hindi umurong ang kanyang buntot, siguro hindi
namin mararanasan ang ganoong hirap.
Those scary, lonely nights in the beam of moonlight. Ang ganda ng buwan at mga
bituin, pero hindi noon maikakaila, the city is a dangerous place at night. I am a
prey for any such notorious crimes. Lalo pa't buntis ako.
Seeing him right in front of me has opened the wounds of yesterday. Ang mapait na
kahapong binabaon ko sa limot.
His words rang in my head like poison. Without thinking, my hand flew into his
face. Malutong na sampal, parang tunog ng tsitsiryang binubuksan sa madaling araw.
Pumaling ang kanyang mukha sa gilid. Namumula ang mukha niya sa sampal ko.
Hindi ito natinag sa kanyang tayo. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
"I searched for you everywhere. Anim na taon akong halos mamatay sa paghahanap sa
inyo." seryoso niyang sinabi.
Nagpanting ang tainga ko sa mga naririnig mula sa kanya. "Then, why didn't you just
die?"
"You're more sarcastic now than you were before," Ngumisi siya at humalukipkip. "I
have my drive to go on."
Mas lalo akong binalot ng galit. Anong karapatan niyang sabihing hinanap niya kami
sa mahabang panahon? He didn't care. He never cared like he said. Wala siyang
karapatang baliktarin ang sitwasyon.
Ako iyong umasa na kahit gaano ako kagalit, ganoon din ako katanga para umasa sa
taong walang paninindigan. Ako ang umasang sana magawa niya kaming balikan. Hindi
na para sa akin, kahit hindi na sa akin, basta para lang sa anak ko.
Those hopes have been crushed little by little by my reality. The hopes turned into
stones, stones that guards my every being.
Ang dali sa kanyang gawin ang bagay na iyon, siya itong langit sa aming dalawa. Ako
itong lupa. It was easy for him. Kung gaano kadali sa kanya, ganoon kahirap para sa
amin ng kanyang anak. It almost caused the death of us.
Kaya ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon. Ang kapal kapal ng kanyang mukha.
I was about to say something again, but I was interrupted by a little voice.
"Nanay, help po! Hindi po lumubog iyong tae ko!"
"Yes po, nanay!" Marunong na siyang maglinis sa kanyang sarili. Binuhusan ko naman
bowl. Nagpakarga sa akin si Trojan sa paglabas ng C.R. Baka napasama ang pagkain
niya ng ginataan.
Kumunot ang aking noo. Malakas yata ang lukso ng dugo. Umiling naman ako. "Wala
naman, tulog na ikaw. Sabihan mo si nanay kapag masakit ang tiyan mo, ha. 'Wag na
muna ikaw mag-milk, baka mas lalong sumama ang pakiramdam mo."
"Okay po," I heard him say. "Nanay, may tao po sa sala, nakaupo po siya tapos
nakatingin po sa akin. Nanay, baka po may multo." kalmadong - kalmado ang boses ni
Trojan.
My heart skipped a beat. May tao sa sala? Hindi ko iyon napansin, nakatutok sa anak
ko ang aking atensyon at nakahilig siya gilid kong iyon.
Unti - unti akong humarap upang tingnan ang sinasabi ng anak ko. It was him. It was
his father. Si Cadence. He was sitting on the sofa, waiting for us to arrive at the
scene. Mukhang at home ito. Titig na titig ito sa bawat galaw namin ng anak ko.
Hindi ko alam kung paano siyang nakapasok ng bahay. Sinarado ko ang pinto.
Parang gusto kong tumakbo sa ibang ibayo. Parang gusto kong takasan ang
kasalukuyan. May parte sa aking gustong ipagdamot ang anak ko. Si Trojan Miracle na
mataba na mahal na mahal si nanay. Ayokong nasasaktan ang anak ko. Am I selfish for
feeling the way I am feeling?
Ano bang kailangan pa niya? Tinanggihan niya na kami noon ni Trojan, ngayong maayos
na ang lahat, saka naman siya bumabalik sa buhay namin. Why am I being tested like
this?
"Nanay, multo po ba siya?" Trojan Miracle asked curiously. He looked at me with his
wide eyes. "Bakit po kamukha ko siya?"
Bumaba ang aking anak sa pagkakakarga sa akin. Humawak siya sa laylayan ng aking
damit. He was biting his nail. Madalas niya iyong ginagawa kapag nahuhulog siya sa
malalim na pag-iisip.
Heto na naman ang pakiramdam kong mapupunit ang aking puso anumang sandali. Hindi
ko napigilan ang paglapit ni Trojan sa kanyang ama. "Hindi lang po ikaw mataba. Mas
pogi ka rin po ng konti. Konti lang po. Multo po ba kayo?" Hinawakan niya ang mukha
ng ama.
"Ay, nanay, 'wag po ikaw magworry, hindi po siya multo. Nahahawakan ko po siya,"
Nilingon ako ni Trojan. Wala akong ideya sa dapat kong maramdaman. Naninikip ang
aking dibdib. "Ay, baka po akyat-bahay!" He even told me.
Pinindot - pindot ng anak ko ang kanyang ilong. Cadence was staring in my son's
face with awe, as if processing the life in front of him. He was trying to memorize
every inch of his face. Hinayaan niya lang ang anak kong haplusin ang kanyang
mukha.
"Trojan Miracle Maligno po," He answered politely. "Ano pong name niyo? Sabi po ni
teacher iyong kaklase ko kamukha daw po ng parents nila. Kaya sabi po noong friend
ko, kapag kamukha daw po ng kapitbahay, ibig sabihin, anak daw po ng kabit. Bakit
po magkamukha tayo?" Napakamot siya sa ulo.
Muling tumingin sa gawi ko si Trojan, he was asking for an answer. Nag-init ang
ibabang bahagi ng aking mata. But I wouldn't cry in front of him.
Realization hit him. Biglang tumulo ang luha niya at bumaling kay Cadence. "Ikaw po
ba ang tatay ko?"
Walang tulak kabigin, my son is one of the brightest kids. Ang bilis niyang na-pick
up kung sino si Cadence. Ang bilis niyang nalaman kung ano ito sa buhay niya. Dahil
lang sa magkamukha sila. Para silang pinagbiyak na bunga.
I am not prepared for this day. Ang kinatatakutan ko lang noon ay ang sagot sa mga
katanungan ng anak ko, pero hindi ko alam na may mas malala pa roon. Ni hindi
pumasok sa aking isipan na maghaharap silang dalawa. Akala ko marami pa akong
panahon upang ipaliwanag ang mga bagay - bagay sa anak ko.
Lumapit ako sa kanilang dalawa. Lumuhod ako upang pumantay kay Trojan. Pinahid ko
ang luhang namamalisbis sa kanyang pisngi. "Tanda mo iyong tanong mo sa akin noong
umiiyak ka, ano nga iyon, anak?"
He nodded. "Nasaan po ang tatay ko..." Muling bumalik kay Cadence ang kanyang
paningin bago tumingin sa akin para sasabihin ko. Pinangako ko sa kanyang hindi ko
ipagdadamot ang kanyang identity.
"Nasa harap mo na ang tatay mo, anak..." I bit my lip so hard to stop myself from
crying.
I looked away when Trojan went to hug his father and cried in his arms. Trojan
cried. My little one cried.
"Akala ko po, hihintayin ko pa ang pasko para hilingin ko ikaw kay Santa..." He
said, crying.
Siguro nga, ang selfish ko na ayoko siyang makilala ng anak ko ng personal. Gusto
ko lang sabihin ang identidad niya, pero ang magkita ang dalawa, it was something
out of my plan. Iyon ang hindi ko napaghandaan.
Wala siyang karapatan. He had his chance before, he ruined us. Bakit pa siya
bumalik ngayong maayos na ang lahat?
It is another wound. Something I can't do is make my son hate his own father. Kahit
matagal itong nawalay sa ama, kahit ito ang unang beses nilang pagkikita, alam kong
mahal na mahal siya ng anak ko.
"Tulog na muna, anak." I tried to separate him from his father. Lumabi lang ito sa
akin.
Ramdam kong ayaw pa niyang bumitiw sa ama. They were talking animatedly as if I
weren't in the same room. Parang magkakilala na ang dalawa ng mahabang panahon.
Bata pa si Trojan, naiintindihan ko ang pananabik niya sa ama. Ito ang unang beses
na nakaranas siya ng ganoon. Ito ang unang beses na nakayakap niya ang kanyang ama.
He is curios with that feeling.
Naiinis ako sa isiping hindi ko mabubura ang katotohanang si Cadence ang ama ni
Trojan.
"Go to bed, Miracle." mahinahong sinabi ni Cadence. He kissed his cheeks. "Lagi
kitang dadalawin, bukas babalik si tatay."
I rolled my eyes. Ngayon ko lang yata hihilingin na sana hindi dumating ang bukas
sa kanya. Tumango ang anak ko.
"Hindi, anak." Hilingin mo na ang lahat, 'wag lang ang bagay na iyon. "Wala na
tayong space, hindi na kasya."
"Don't promise what you can't keep. Hindi iyon mangyayari." I hate making promises
to Trojan.
Ayokong umasa ang anak ko sa isang bagay na wala akong kapasidad na ibigay. Ayokong
maulit sa kanya ang nangyari sa akin. Tama ng ako ang masaktan, 'wag na 'wag lang
ang anak ko.
Hinatid ko siya sa pintuan, para sa isang taong sagad ang galit sa buto, ako pa
iyong disenteng hinatid siya sa pintuan.
"Everly," he called my name like how he used to. Kung dati kinikilig ako sa ganoon,
ngayon para isa itong mapait na lasang nagpapaalala sa nakaraan. It won't be used
to me now. It's just nothing but a mere phrase.
"I'm sorry for everything, for my absences in you and Miracle's life. I know, I'm
not deserving but I'll make it up to you."
Ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. I realized, I don't need to hear
any words from him. His explanation wouldn't change anything. He should save his
breath.
"Buti alam mong hindi ka deserving, ano? Buti naman hindi ko na kailangang sabihin
iyon, alam mo naman pala." I gritted my teeth. "Ama ka lang ng anak ko, Cadence.
Don't cross the boundary. Hindi por que't bumalik ka sa buhay niya, kasama ka na
rin sa buhay ko. Hindi ito buy one take one."
Isasara ko na sana ang pinto, pero may nakalimutan pa akong sabihin. I slapped him
once again. Iyong sampal na magpapaalalang magsisisi siyang nagbalik pa siya sa
buhay naming mag-ina.
"Kulang pa ang sampal na iyan para sa mga pasakit na ginawa mo at sa mga paghihirap
kong mag-isa."
I slammed the door on his face. Ilang sandali akong nanatili sa likod ng pinto.
Hindi ko pa kayang lumakad sa kwarto namin ng anak ko.
The strong facade vanished. It was the vulnerable Sai, the vulnerable for my son.
Iyong natatakot sa kahihinatnan ng bukas sa pagbabalik ng isang taong matagal ko
nang nilimot. What will happen now?
They were the ones who did me wrong. Bakit ako ang natatakot sa pagbabalik nila?
Bakit ako itong nangangamba?
Madaling araw pa lang ginising ko na si Emma. Inis na inis ako nitong tiningnan.
Kahit kailan, tulog mantika ito. Hindi man lang niya namalayang nagkakagulo na sa
labas ng kanyang kwarto.
Trojan Miracle just met his father in the living room. Kung hindi ko pa ito
pinatulog, hindi ito hihiwalay sa ama. Sobrang bait ng anak ko. Being kind is a
good quality, but I don't want him to be taken advantage. Hindi pa rin naman niya
naiintindihan ang mga bagay na nangyayari sa ngayon.
Her eyes widened. Agad siyang bumalikwas sa kanyang tayo. "Iyong gagong ama ng anak
mo, ni taba? Paanong nangyari iyon?"
Tuluyang bumangon si Emma. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko ngayon kailangan
ng yakap. Ang kailangan ko ay makaalis sa lugar na ito. Halos hindi ako nakatulog
ng gabi. I was thinking of what I am supposed to do.
Kailanman, hindi sumagi sa utak ko na makakasalamuha kong muli ang mga Ponce.
Inayawan nila kami ng anak ko, kaya ngayon nangangapa ako sa dilim. Wala akong
solidong plano. Trojan would hate me for this, but I wanted us to get away.
Pinakulong nila si tatay, tinaboy nila ako sa lungsod na wala akong kaalam - alam.
Paano ako makakasigurong hindi mangyayari iyon sa anak ko? Paano ako masisigurong
hindi rin mapapagmalupitan ang baby ko kagaya ng sinapit ko sa kanila?
Hindi ko naman kailangang pilitin pa si Emma, agad siyang nag-empake ng kanyang mga
gamit kagaya ng sinabi ko. Muli akong bumalik ng kwarto namin ni Trojan. Umuungot
na naman ang anak ko, tinabihan ko ito ng ilang minuto bago ko muling isinagawa ang
pag-eempake.
Hindi naman gaanong marami ang gamit ko. Damit ni Trojan ang sandamakmak. Sinama ko
na rin ang mga toys niya. Mag-uumaga na ako ng matapos, wala pa akong tulog.
"Nanay, good morning po," may humalik sa aking pisngi. Kakaidlip ko pa lang,
bumungad na sa akin ang best boy ni nanay.
"Opo, nanay." He left wet kisses on my face. "Masaya po ako dahil makakasama na po
natin si tatay."
Agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang mabanggit niya si Cadence. Hindi ko alam
kung kakayanin kong ako mismo ang makasakit kay Trojan dahil sa desisyon ko. I only
want what's best for him.
"Bakit po ang dami nating gamit, nanay?" tanong ni Trojan nang makita ang ilang
bagahe. Nakasuot siya ng we bare bears shirt at maong na shorts at saka ang
paborito niyang sapatos na may palaka.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Emma. "May pupuntahan tayo." Nakangiti kong sinabi.
"Pero surprise muna kung saan."
He looked excited. Mas lalong nadurog ang puso ko. Bakit ang hirap mamili kapag
kasiyahan at kapakanan ng anak ang namamagitan? Gustong - gusto kong maging masaya
siya. Pero kapalit ng kasiyahang iyon, wala akong tiwala sa mga taong maaaring
pumalibot sa kanya. They are heartless.
Sumakay kami ng taxi, hindi magkasya ang lahat ng gamit namin, kaya dalawang taxi
iyon. Si Emma ang lulan ng isa, kami naman ng anak ko ang sa isa. Hawak - hawak ng
anak ko ang stuffed toy niyang si Mr. Johnny.
"Miss, saan?"
Sinabi ko ang address na ibinigay ni Emma. Kinagat ko ang labi ko. Muli kong
pinasadahan ng tingin ang dati naming apartment.
Trojan was playing with Mr. Johnny on the ride. Panaka - naka rin siyang sumisilip
sa bintana ng daan.
Alam kong kailangan kong sagutin iyon ng totoo. Pumikit ako at huminga nang
malalim.
"Lilipat na tayo ng bahay, mas maganda doon, pero pansamantala muna tayo sa nakuha
ni tita Emma." paliwanag ko sa kanya.
"Bakit po?" naguguluhan ang kanyang mata. His eyes widened. "'Nay, alam po ba ni
tatay ang new house po natin?"
I shook my head. "Hindi. Tayo lang tatlo. Kagaya ng dati, anak. Dadalaw pa rin tayo
kay Sister Alex at sa mga bata. 'Di ba gusto mo iyon?" He bit his nail again.
"Nanay! Si tatay po!" Trojan started to cry. My heart was breaking seeing his
tears. "Nanay! Nanay!"
Nabitiwan na niya si Mr. Johnny sa pag-iyak niya. He was trying to grasp my arm.
Ang sakit pakinggan ng pagtangis ng anak ko.
"Nanay, please po! Balik po tayo! Ayoko po roon!" Yumakap siya sa akin habang
umiiyak. Pinahid ko ang kanyang mga luha. "Nanay, please po! Promise, laging good
boy si Trojan."
Hindi naman si Trojan ang problema. Iyong ama niya, at ang pamilya nitong may
lahing demonyo. Trojan is too soft to be hurt by them, I don't want to risk it.
Pero ako itong sinasaktan ang anak ko dahil gusto ko siyang ilayo sa mga taong
maaaring manakit sa kanya.
Bigla na lang tumulo ang mga luha sa pisngi ko. I was crying with him. Tinitigan ko
ang anak ko.
"I'm sorry, baby..." Hinaplos ko ang kanyang mukha. "Mahal na mahal ka ni nanay.
Tahan na, babalik na tayo. You are always a good boy. Ikaw ang best boy kay nanay."
I sighed. Hinalikan ko siya sa noo. Unti - unti namang tumigil ang pag-atungal
nito. Napabuntong - hininga ako. Hindi ko alam kung pagsisihan ko ang ginawa kong
pagbalik sa apartment. Sana hindi. Pero kapag nasaktan si Trojan ng isang beses,
hindi ako magdadalawang - isip na ilayo siya sa kahit sino sa mga Ponce.
Hahayaan kong makapiling ng anak ko ang kanyang ama. I will give him a chance to be
with my kid. Only one chance. Para lang sa anak ko.
Hinding - hindi ko pinadadapuan ng lamok ang anak ko, sa oras na apihin nila ang
anak ko, I will make them pay.
Tinanggap ko ang lahat ng pasakit na mula sa pamilya nila, pero hinding - hindi
iyon mangyayari sa anak ko. Magkakamatayan kami.
Napagod yata ang anak ko sa pag-iyak, kaya halos tulog ito nang makabalik kami sa
tapat ng apartment. Tinawagan ko si Emma upang sabihin ang bagong desisyon ko. Wala
naman siyang sinabi. She just agreed with me. Kung mayroon man siyang puna sa
desisyon ko, mamaya nito ako kakausapin.
There are troops of army around the apartment. Akala mo sasabak sa giyera ang mga
ito.
Lumingon din sa gawi ko ang may pakana ng lahat ng kaguluhang ito. Gov? As in
governor? So, he is a governor? Cadence is a governor? How come? Anong nasasakupan?
May galit sa mga mata nitong sinalubong kami. Sa hindi kalayuan, napagmasdan ko rin
ang pamilyar na pigura. It was Hadley, Cadence's brother. Nagising naman ang anak
ko sa ingay ng paligid. His eyes wandered around.
My heart melted looking at his happy face seeing the familiar place. Kung ganito
kasaya ang anak ko, sino ako upang tumanggi?
"Love you, nanay!" Pinaulanan niya akong muli ng basang halik sa pisngi. Nakita
naman nito ang papalapit na si Cadence. "Tatay! Na-miss ko po ikaw!"
Sinambot naman siya nito ng umakto itong magpapakarga sa ama. Pasimple akong
napairap sa ere. Hindi ko sinalubong ang masamang tingin niya. Wala siyang
karapatang magalit. Kung balak kong ilayo si Trojan sa kanya. He deserved it.
"Lilipat po sana kami ng bahay, pero hindi na po natuloy kasi love ni nanay si
Trojan." He explained.
Naiirita ako sa dami ng tao, kulang na lang magdala ito ng press. Oh, baka naman
may press na ngang kasama?
Sinabi ni Cadence na matagal niya kaming hinanap. He can pull off the high-ranking
officials from the military, why can't he, then? Bakit hindi noon? Bakit hindi niya
kami nahanap noon? Ang kapal niyang sabihin na hinanap niya kami.
***
NO SPOILERS.
Kabanata 46
Custody
Nagkatinginan kaming dalawa ni Emma. Kanina pang naglalaro ang dalawa, kita ko ang
kasiyahan sa mukha ng anak ko. He looks happy being with Cadence. They are just
goofing around.
It's been a week since he found us in the apartment. Hindi ko na rin itinuloy ang
paglipat para kay Trojan. Wala pa kaming malinaw na usapan ni Cadence. Kung pwede
lang na hindi ito kausapin habang buhay, mas maayos sana ang buhay ko.
Walang palya siyang dumadalaw kay Trojan tuwing gabi. Ikinaiinis ko iyon, nasisira
ang pagtulog ng anak ko. But he probably doesn't have any time in the day.
Apparently, he's a governor.
Gobernador ng Quezon.
Bumalik ako ng San Andres ng hindi nalalaman ang bagay na iyon. Walang
pagkakakilanlan sa kanya, ni walang banner na pampulitiko ang nakasabit sa kung
saan. Halos mailuwa ko iyong tubig na ibinigay sa akin noong babae, galing pala
iyon sa walanghiyang lalaki.
Sabagay, ang tagal kong walang balita sa San Andres. Kung hindi ko pa nakadaupang -
palad si Rambo, hindi ko malalaman ang tungkol sa tatay ko. Napabuntong - hininga
ako.
Ngayon ko lang napagmasdan ang kabuuan ng anyo ni Cadence mula sa tayo ko. His hair
was long. Pwede iyong i-puyod. I just realized that now. Naka-low man bun ito. He
never had that hairstyle before.
I glared at Emma. She just shook her head. "Edi hindi matunaw, baka lang kako,
bumulagta na lang iyan sa tingin mong 'yan." Nagkibit - balikat siya. Hindi ko
naman pinansin iyon. Baka matuwa pa ako kung sakaling mangyari iyon.
Hindi talaga magandang andito si Cadence. Nasisira din ang schedule ko sa trabaho.
Pumasok ako sa kwarto namin upang magbihis ng uniform. Pagkatapos ng unos ko sa
buhay, kailangan kong kumayod para sa kinabukasan ng anak ko pati na rin nina
nanay.
Hindi ko pinapasama si Trojan kay Cadence ng hindi ako kasama. Bantay - sarado at
limitado ang galaw nila. Si Hadley pa lang ang nakikilala niya sa mga Ponce. Bukod
dito, wala ng iba.
Kung pwede lang na hindi ko ipakilala sa mga ito si Trojan, kaso huli na. Nangyari
na. Nagpumilit na naman silang pumasok sa buhay ng anak ko. I swear, if Trojan gets
hurt, they will be all doomed.
"Trojan, anak, time to sleep na..." Lumapit ako sa kanilang dalawa upang sunduin ko
na ang baby ko. Mabilis naman itong tumayo mula sa pagkakakandong sa Papa niya.
Kinuha niya rin si Mr. Johnny.
"Good night po, tatay. Bukas po uli, laro po tayo." Hinalikan niya sa pisngi si
Cadence at niyakap nang mahigpit. "Love you po!"
"Let's play tomorrow, okay?" He said softly. "I love you, too, baby." His eyes
darted on me.
Umiling naman siya. "Hindi na po, nanay." Nakahinga ako nang maluwag. I kissed his
forehead.
"Sabihin mo kay nanay, kapag may nangyari pang ganoon sa school mo." paalala kong
muli.
Tumango naman ang anak ko. "Good night na po, papasok na sa work si nanay.
Tatawagin ko si tita Emma mo para samahan ka, okay? Mahal na mahal ni nanay si
Trojan."
"Love you po, nanay! Ingat po ikaw sa work. Mami-miss ko po ikaw sa pag-sleep."
Natawa naman ako. Laging miss daw ako ng aking anak kahit sa pagtulog. These simple
things are what I treasured the most.
Sinasamahan niya si Trojan hanggang sa tuluyang mkatulog ito, kahit madalas pa ring
hinahanap ako sa gabi.
Hindi naman ako umimik. Una, there's an obvious answer to his question. Secondly,
hindi kami close na dalawa para kausapin niya ako ng mga kaswal na bagay sa buhay
ko.
"Ihahatid na kita."
Humarap ako sa kanya. "Hindi ko kailangang ihatid mo. Kaya ko ang sarili kong mag-
isa."
Tumango siya. "I know, Sai. I know you can handle yourself pretty well. I've always
known. Pero delikado sa labas ng ganitong gabi." mahinahon niyang sinabi.
Tumawa naman ako nang mapang-uyam. I shook my head. "Sa anim na taon, Cadence,
hindi mo alam kung anong ininda ko. Hindi mo alam kung anong sinapit ko para lang
lumaban at mabuhay. The dark. It's not something I'm afraid of. I've been with the
dark a lot of times. Alam mo kung saan at kanino ako mas natatakot? Sa pamilya mo.
They could be as heartless as the danger in the outside world. Isang t'yansa lang
ang ibibigay ko sa'yo para makasama ang anak ko. If you blow that up, there's no
other chance." I said firmly.
Muling bumaha ang alaala kong mag-isa sa lansangan. Ni hindi ko alam ang
patutunguhan ng mga panahong iyon. It was the hardest times. I was still emotional
remembering the days I could not feed my child properly.
Nagpapasalamat ako sa sabaw at kanin na bumuhay sa amin noong mga panahong walang -
wala ako. At pasalamat din akong may nakilala akong isang kaibigan sa kabila ng
lahat.
Pero hindi ibig sabihin noon, ibabaon ko na lang sa limot ang mga bagay na
pinagdaanan kong masalimuot. Kung hindi lang para sa anak ko, hindi ako papayag sa
ganitong set up. Hindi ako papayag na makita pa niya ang batang gusto niyang
ipalaglag noon.
Lahat sa akin bumabalik, lalo na ang galit. Ilang beses akong huminga nang malalim
upang pakalmahin ang sarili ko bago ako sumakay ng tricycle patungo sa trabaho. I
was shaking. Hindi pa rin humupa ang galit ko para kay Cadence at sa pamilya niya.
***
"We're going out again after the shift, hindi ka po ba sasama?" This time, iyong
babaeng bago ang nagtanong sa akin. Nagpalipat yata si Mia sa araw na shift, ang
babae ang kapalit dito. Casey yata ang pangalan ng babae.
Ngumiti ako at umiling. Hindi pa rin yata nila ako tatantanan sa tanong na iyon. My
answer would always be no. May batang naghihintay sa akin sa pag-uwi ko.
"'Wag niyo nang ayain si Ma'am. There's a cute little one waiting for her." Dustin
replied.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. That's the truth. And he met Trojan Miracle.
Ngumisi lang ito at nag-thumbs up. Hinugot ko ang panyo niyang naiwan sa bahay.
Isinoli ko iyon kay Dustin.
Lumapit naman sa akin ang isang waiter. May parte sa aking kinakabahan tuwing
kumakausap ng diner. So far, wala pa namang masamang nangyari sa shift ko. May
ilang reklamo. But it was easily resolved. Pinagpapasalamat ko iyon. Ayoko namang
mawalan ng trabaho.
Sometimes, people need to chill. Servers are also humans, we commit mistakes, too.
Hangga't madadaan naman sa maayos na usapan, pwedeng ma-resolba ng payapa.
Umiling naman ito. "Pinapatawag lang po ang manager." Nagpaalam na ito sa aking
babalik sa trabaho. I blew a loud breath and went to the table.
Bahagya akong kinakabahan dahil hindi naman ako inimporma kung anong problema sa
table. I just hope the diner is open for negotiation. Pero agad na napalitan ang
kaba ko ng inis nang makita ko kung sino ang nasa table seven.
Nang tumapat ako sa kanyang tayo, ibinigay ko pa rin ang ngiting para sa lahat ng
diners. "Mayroon po bang problema, Sir?" I asked him. He should thank me for
knowing professionalism.
"I have no one to dine with,"
Mas lalong lumaki ang asar kong ngiwi. "That's not my problem, Sir. Excuse me. I
have other diners to attend to." Pasimple ko siyang inirapan. Tinalikuran ko na ito
para muling tumungo sa kusina.
"Isn't it your job to make the diners have the best experience while they are in
the restaurant?" Nagpanting ang tainga ko sa naarinig. Muli akong humarap sa kanya.
May ngisi na sa labi ng lalaki.
"Yes, you're technically correct, Sir. However, it's not my fault that you're
lonely and no one wants to accompany you."
Imbes na maasar siya sa sinabi ko, nakangisi pa ito sa akin. Ako ang mas lalong
nainis. His expression irked me. Talagang sinasadya niyang magalit ako.
Sarap niyang tusukin ng tinidor. "I'm not an entertainer here. It's not my job to
entertain the guests. I just make sure the guests are having the best service, but
I don't entertain anyone. Enjoy the food." Hindi ko na tinago ang disgusto ko.
Sumama bigla ang timpla ng mood ko nang magpakita ito sa pinagtatrabahuhan kong
restaurant.
Bumalik ako sa kusina. Um-assist ako sa ibang staffs na kailangan ng tulong. Doon
ko na lang pinokus ang aking sarili. Pati ba naman sa restaurant hindi ko makuha
ang peace of mind? I shook my head.
Hindi ako sigurado kung ilang oras ang itinigal ni Cadence sa restaurant. Pero
mukhang pagkatapos kumain ay umalis din agad ito.
Nabitin ang ngiting iyon nang mapagtanto ko ang kotseng nakaparada sa harap ng
restaurant. Umibis mula sa sasakyan ang lalaking sukdulan ang galit ko.
Kung minamalas pa, wala masyadong dumadaang tricycle ng mga oras na iyon. Papalapit
nang papalapit si Cadence sa tayo ko. I looked around to avoid him.
"Dustin!" Kalalabas lang nito at papasok pa lang sa kotse. Alam kong kasama rin ito
sa mga katrabaho kong gigimik. Takang tumingin ito sa gawi ko. I sprinted towards
him.
Hindi ko nilingon ang papalapit na si Cadence. "Pwede bang makisabay? 'Di ba, nag-
offer kang ihatid ako noong nakaraan? Ngayon ko iyong igra-grab. Wala kang ibang
choice." sunod - sunod kong litanya.
Tumawa naman ang lalaki. "Sure, who am I to refuse? Wala na nga akong choice 'di
ba?"
"Good."
He opened the door for me. Hindi na ako nagpatumpik - tumpik pa, sumakay na agad
ako kaysa maalibadbaran ako sa kakahintay ng tricycle na darating. I need to get
out there as soon as possible.
Sumulyap ako sa kinatatayuan ni Cadence. He was already standing in my spot
earlier. Nakatingin ito sa gawi ng sasakyan ni Dustin. Nakahalukipkip lang ito
roon. He couldn't see me.
"Let's go? Saan ba tayo? Sa apartment na? Hindi ka muna sasama sa amin?"
Napatid ang pagtingin ko sa gawi ng lalaki nang magsalita si Dustin. Umiling ako.
"Sa apartment. Kailangan ko nang energy."
Mas lalo itong napangisi, alam naman niyang si Trojan ang tinutukoy ko.
My heart swells with pride and joy. "Thank you for the kind words, Dustin. He is."
"Are you okay? Parang nakakita ka ng multo." Bumilis ang pagpapatakbo nito nang
makarating kami sa highway.
Gusto ko sanang itama ang sinabi ng lalaki. Hindi naman multo ang nakakatakot, para
itong masamang panaginip na biglang naging totoo. It was worse than seeing a ghost.
Dahil totoo ang bawat pangyayari.
Bumaling ang tingin ko sa labas. The ride wasn't awkward, but there was nothing to
talk about. Isa pa, pagod na pagod talaga ako sa mga pangyayari nitong nakaraang
araw. I enjoyed the peace on the way home. Hindi ako inabala ni Dustin.
"No problem, but..." He laughed. "Can we have dinner some time? Again. With Trojan,
of course. And if you want to bring your friend. In my place naman. Nakakatuwa rin
kasi ang anak mo. Ang dami niyang kwento."
Pinag-isipan ko naman ang sinabi ng lalaki. I'm sure, Trojan would love that idea.
I sighed.
"Sige, we can have that dinner." Wala namang mawawala kong pumayag ako. Ang
pinakamagiging masaya sa lahat ay anak ko.
"Yes, thank you! That made my night. I'm looking forward to that dinner. Let's just
set it when we are not busy." Tumango naman ako.
"That would be nice." Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Lumabas naman ako ng kotse.
"Salamat uli, Dustin."
Ngumiti na lang ako. Hindi iyon mangyayari, I just needed a ride home to avoid
Cadence. He offered me a ride the last time, so I figured out, I can take that one
today. Hindi na siguro mangyayari iyon. Iyong dinner na lang ang kapalit noon.
Ayokong magkaroon ng utang na loob sa tao. Piling - pili lang ang ganoong senaryo,
madalas sa mga tinuturing ko lang na pamilya. But it's hard for other people. It's
hard to owe other people.
Kumaway ako rito ng makapasok ako sa gate ng apartment. May sarili akong dalang
susi upang hindi na magising ng madaling - araw ang landlady namin. Nakakahiya
naman.
Nang makaalis ang sasakyan, nakahinga ako ng maluwag. Pero panandalian lang iyon.
Sa hindi kalayuan, muli kong namataan ang sasakyan ni Cadence. Para akong
nakipagtitigan dito mula sa loob, hindi naman bumaba ang lalaki.
Mabilis akong umakyat sa itaas. Sinarado kong mabuti ang pintuan. This time,
dinoble ko ang pagkaka-lock nito. Pumasok ako sa loob ng kwarto namin ni Trojan. I
sighed in relief seeing Trojan Miracle in the bed. Ang baby na pampatanggal ng
stress ni nanay.
"Kakayanin lahat ni nanay, para sa iyo, anak." Hinalikan ko ang kanyang noo.
Agad namang pumulupot ang kanyang braso sa akin. He really knew. Natatawa akong
humiga sa kama. Maya - maya na ako magbibihis, mas masarap ang yakap ng anak ko.
***
Muntik akong mapatalon sa gulat ng may lumambitin sa aking leeg. I heard my son
giggled. Katatapos lang nitong maligo, kakain lang ito at papasok na rin sa school.
Nakasuot siya ng sandong puti at shorts na uniform.
Tawang - tawa naman ako ng palobohin pa lalo niya ang kanyang tiyan. Chubby nga ang
anak ko, but he's healthy. Hindi naman sa junk foods o sa kung anong pagkain niya
nakuha iyon. He's well-balanced. Kumakain siya ng gulay at iba pang masustansyang
pagkain. Regular din siya sa kanyang pedia.
I bit my lip. "Ano pong tanong mo?" Nakakakaba kapag matalino ang anak. They have
sensible questions that sometimes make me question about things, too.
Kulang din minsan ang kaalaman ko sa ibang bagay. Hindi naman ako nakapagtapos ng
eskwela. I only attained grade ten. Pero hindi ko nagawang mag-senior high. Dahil
sa nangyari. Pinapangarap ko pa ring makabalik sa pag-aaral.
Kapag maayos na ang lahat para sa anak ko, I would go back to school to finish
senior high school. Kung kakayanin pa, balak ko ring magkolehiyo at kumuha ng
accountancy. Pero sa ngayon, para sa anak ko muna. Makakapaghintay naman ang mga
pangarap ko para sa sarili ko.
"Hindi po ba pwedeng magsama tayo sa iisang bahay ni tatay? Lagi po siya pumupunta
rito sa atin para magplay po kami, tapos kikita ko lagi siyang pagod." Kumagat siya
sa pancake, iyon ang gusto niyang kainin para sa lunch, pinagbigyan ko naman ito.
Wala siyang karapatang magreklamo. Kung gusto niyang makasama ang aking anak,
kailangan niyang gumawa ng paraan. Kailangan niyang ipakitang deserving siya para
sa anak ko.
Hindi naman ako ang madudurog kapag hindi siya bumawi sa anak ko, matagal na akong
durog. But Trojan's pain will be another kind of pain. Kapag nasaktan ang anak ko,
baka makipagpatayan ako sa kanila. I don't want my child to suffer the same fate.
Pero dahil andito na, iyon lang sana ang hihilingin ko. Not my child.
Trojan shook his head. "Pansin ko lang po, nanay. Pagod po lagi si tatay kapag
napunta siya sa atin. 'Di ba po, nanay, ganoon naman po sa ibang family, magkasama
ang nanay at tatay saka si baby. Ako po iyong baby."
Napa-buntong hininga naman ako. Ganoon talaga dapat ang pamilya. Pero hindi pa
maiintindihan ng anak ko na hindi kami normal na pamilya sa ngayon. Tanging siya
lang ang nag-uugnay sa aming dalawa ni Cadence.
Nginitian ko siya. Iniba ka muna ang usapan. Sinabi ko sa kanya ang imbitasyon ni
chef Dustin para sa dinner. Nakahinga naman ako ng maluwag ng ma-divert doon ang
topic namin.
Trojan's still fragile. Kailangan ko pang tantiyahin kung ano ang mga bagay na
maaari niyang malaman. Everything will affect him in the future.
"Ubusin mo iyong baon mo, ha. Nasa lunch box iyon. Ingat ikaw." I kissed his
forehead. "Mahal na mahal 'yan ni nanay."
"Ba-bye po, nanay! Ingat po ikaw! Love ko po ikaw ng maraming - marami mga
gazillion, mas malaki kay Godzilla!" Natatawa naman ako. Hindi ko alam kung saan
niya natutunan ang mga ganoong bagay. Napailing ako, mamaya sa pag-uwi niya,
itatanong ko.
Medyo natigil ang maliit na business namin ni Emma nang umuwi ako ng Tagbakan, pero
magpapatuloy ngayong bumalik na akong Manila. Dating gawi, tuwing nasa school ang
anak ko, gumagawa ako ng mga kakanin.
But now, I made sure, I am on time. Ayoko na muling maulit ang mangyaring
makakalingat ako sa oras ng pagsundo sa aking bulilit.
Bumaba ako ng tricycle, pinapasok naman agad ako ng guard sa school. Dumiretso ako
sa room nila Trojan, marami pang mga bata ang hindi sinusundo.
Tumingin sa akin ang adviser niya. Her eyes widened. Bumalot na naman ang kaba sa
akin. It happened once. Not this time, again.
"Wala po akong asawa, ma'am." Pinilit kong ikalma ang nagngangalit kong kalooban sa
kapakanan ng mga batang nasa paligid. I don't want to traumatize them with my
anger.
Alam kong si Cadence ang tinutukoy ng babae. Pinikit ko ang mata ko, I was calming
all my nerves. Wala siyang karapatang sunduin ang anak ko ng hindi nagpapaalam sa
akin.
"Ma'am, sa susunod po, please naman po. Ako lang po ang susundo sa anak ko o kaya
ang awtorisadong magsusundo sa kanya, si Emma lang po. 'Wag na po sanang maulit ang
ganitong pangyayari." I told her calmly.
Hindi naman talaga maipagkakailang kamukhang - kamukha nga ng anak ko ang kanyang
ama. Umuwi ako ng bahay para hintayin silang dalawa. Ito ang una at huling beses na
maaari niyang sunduin ang anak ko.
Ang daming tumatakbo sa aking isipan, paano kung maisip na lang nitong ilayo sa
akin ang anak ko? Makapal ang mukha niya. Siya itong may kasalanan. I was hoping
for a good outcome.
Pero pagabi nang pagabi hindi pa rin sila umuuwi. Kabang - kaba na ako. Halos hindi
na ako mapakali sa kalilibot ko sa bahay. Wala akong numero ni Cadence upang
tawagan ang lalaki.
"Sai, kumalma ka," Emma tried to calm me down. Pero hindi ko magawang kumalma lalo
pa ngayon. "Kapag may ginawa iyon kay taba, papasabugin ko ang ulo noon sa national
tv."
"Si Trojan..." My eyes started to water. Wala talaga akong tiwala kay Cadence, lalo
na sa pamilya niya.
Pinilit kong ikalma ang aking sarili para sa anak ko kahit parang pinipiga ang puso
ko sa bawat minutong lumilipas na wala pa siya.
Napatalon ako patungo sa pintuan ng may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko ito. Ang
anak ko buhat - buhat ni Cadence.
"Nanay! Andito na po si Trojan!" bati nito sa akin, lumapit ang kanyang mukha para
halikan ako sa pisngi. "Na-miss ko po ikaw! Sana kasama ka naming namasyal ni tatay
saka ni tito Hadley! Dami toys! Bibigay ko po sila sa shelter."
I tried to smile back. Malapit na malapit nang tumulo ang luha ko. "Masaya akong
nag-enjoy ka, anak. Pero kay tita Emma ka muna, ha. Mukhang pagod na pagod ikaw.
Mag-uusap lang kami ng tatay mo." Bumaba naman ito kay Cadence upang tumakbo sa
tita ninang niya.
When I reached a safe place, I slapped him. Not just once. Hindi ko mabilang kung
ilang sampal ang ginawad ko sa kanyang mukha. Galit na galit ako. Kabang - kaba
ako. Baka kung ano na ang nangyari sa anak ko. He took my kid without my consent.
Ang kapal ng kanyang mukha!
Hindi siya gumanti. Hinayaan niya lang akong sampalin sila nang paulit - ulit.
Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita ngayon! Ang selfish mo! Tapos, ano? Hindi ka
magpapaalam sa pagsundo sa anak ko?! Cadence, 'wag naman ang anak ko!" I was
shaking. My knees were trembling. Nanlalabo ang aking paningin.
Seryoso niya akong tinitigan. "I'm sorry, Everly." He said in a serious manner.
"But I am really selfish. I want the full custody of my child."
Muli ko siyang sinampal. Hindi niya inulit ang sinabi. "Hindi! Hindi ako papayag!
Anong tingin mo sa akin, basta - basta ibibigay iyon sa'yo ng hindi lumalaban?
Kahit magpatayan pa tayo, hindi mo makukuha sa akin ang anak ko! Anak ko iyon!
Sperm lang ang sa'yo, ako ang bumuhay at gumapang sa hirap para mabigyan siya ng
sapat dahil wala kang bayag na panindigan kami!"
Oo nga pala, laban iyon na pangmayaman. Gusto kong sirain ang kanyang pagmumukha.
Kailan ba ako mananalo? Kailan?! I can endure all the pain, but not losing my
child. I can't. My tears of frustration started to fall.
Laro na naman ito ng mayaman at may kapangyarihan na kayang maipasakamay ang batas.
Muling nagsalita ang lalaki. "It won't have to go that far. Marry me, Sai Everly
Maligno. You'll have me and your son." Nanghina ang aking tuhod, parang bibigay na
ito. But I'd rather fall in the ground than be caught by him.
"Kung hindi lang ako tanga, I'm sure it already happened. We're already married by
now."
***
NO SPOILERS.
Kabanata 47
Marriage
Parang mababaliw na yata ako. Lahat na lang ng bagay, hindi tugma sa akin. Laging
ako na lang ang talunan. Kailan ba magiging pabor sa akin ang kapalaran? Hangga't
ako ang nasa ilalim ng gulong ng buhay, ako ang matatapakan.
"Ganoon din ang ginawa ninyo kay tatay, hindi ba? Ganoon din! Gumamit kayo ng
kapangyarihan para mabulok siya sa selda! Hindi na kayo naawa!" Malalakas na sampal
ang ginawad ko sa kanya.
Cadence's expression changed when I emphasized about my father. Hindi ko mabasa ang
ekspresyon ng kanyang mukha at wala akong pakialam.
"I tried to stop it, Everly. I did everything to stop if from happening," His eyes
looked pained. "I begged my mother not to do it."
I laughed sarcastically. I might go insane after this talk. Then, tears streamed
down my face. Marahas ko iyong pinahid.
"It wasn't enough, Cadence! You begged her? Iyon lang ang ginawa mo? Hanggang doon
lang? Nalimutan ko, you can't clearly stand that witch mother of yours!" Patuloy
ako sa pagluha. "Do you even know what she did to me? Do you even know what
happened to my father? Do you even know that?"
At one point, gusto nang bumigay ng aking tuhod. Gusto ko na lang maglupasay at
kalimutang naganap ang pag-uusap na ito. Pagod na ako. Bumabalatay pa rin ang sakit
ng pagkawala ng aking ama. Ang pinakang nakakalungkot, hindi kami nagkakaroon ng
pagkakataong makapag-usap ng personal at ayusin ang gusot sa pagitan naming dalawa.
He didn't say anything. Tinanggap lang niya ang lahat ng sinabi ko. At wala siyang
karapatang tumanggi. Alam niya sa sarili niya kung gaano siya kaduwag.
Ilang beses akong huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. It felt like I
am going to burst. Pumikit ako nang mariin. I weighed my options. Options? I only
have one option, siniguro niya iyon.
"Sige, Cadence. Papayag ako sa gusto mo. Ibibigay ko ang gusto mo." Seryoso kong
saad. Kasal lang naman ang gusto niya, sige, pero hinding - hindi niya makukuha ang
katawan at kaluluwa ko.
"Siguro ang lungkot - lungkot ng buhay mo. That you have no other choice but force
a woman to marry you." I spat the words like toxin.
"Your son that you wanted to abort," nanggigil kong paalala. "And the woman you
left in her parents's wrath and let her suffer the world's cruelty with no other
but herself. You're fucked up, Cadence."
He deserves my rage.
They say, there is no greater love than a mother's love, and no greater sacrifice
than a mother's sacrifice. Walang makakatumbas. Walang makakapantay.
Simple lang ang naging seremonya ng kasal. Nagsuot lang ako ng bestidang puti.
Kaming dalawa lang ni Cadence ang nagtungo sa opisina ng Chief Justice na nagkasal
sa amin.
Hindi ako sigurado kung kasal nga ba ang napuntahan ko o lamay. Ang kasal yata
naming dalawa ang may pinaka-malungkot na tema.
I agreed to the marriage. Ano bang laban ng isang mahirap na tulad ko? Isang kahig,
isang tuka. Mas pinaglalaanan ko ang kinabukasan ni Trojan. Kung ilalaban ko ang
custody niya, mas malaki ang posibilidad na matalo ako kaysa manalo. I don't want
to lose my child.
Ayokong ako ang makihati ng oras. I should have all the rights, no doubt about
that. But if he would pull some strings, I don't know what else to do. Mababaliw na
yata ako kapag nangyari iyon. Mas mababaliw akong wala sa akin ang anak ko.
Bago ako pumayag sa kagustuhan niyang iyon, ilang ulit ko muna siyang sinampal at
pinagsisipa. Deserve niya ang bawat paglapat ng aking kamay sa kanyang balat. Ang
kapal ng kanyang mukha.
I kissed him like I was kissing a corpse. There was nothing but disgust. We signed
the papers. Mayroon pang picture - taking na naganap. Pero busangot lang ang mukha
ko.
Hinila ako ni Emma sa kanyang kwarto. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. I
was still wearing the white dress.
"Nagpakasal ka? Tinotoo mo? Pinakasalan mo ang gagong iyon?" tanong niya ng
nanlilisik ang mata.
Tumango ako. Napa-face palm ito. She looked at me with so much anger. "Bakit?"
"Para sa anak ko..." Basta para sa anak ko, gagawin ko ang lahat.
"Kung sinabi mo sana, edi inakit ko na lang ang kapatid niyang lalaki. Tapos
pagsasabungin ko ang dalawa."
Napapikit ako sa sagot ni Emma. Kahit kailan talaga ang isang ito. Dinala niya ako
sa kanyang bisig. Niyakap ko rin siya.
"Sai, pwede kang magsumbong kapag inabuso ka niya. Kahit isang hibla ng buhok, o
isang kuko ang nasaktan, isumbong mo. Pwede kang tumanggi, hindi ka niya pwedeng
piliting ibigay ang kagustuhan niyang sex. Pwede iyong kasuhan. Hindi ka pag-aari
ng asawa mo." sunod - sunod niyang paalala.
Ngumiti naman ako. "I know my rights, Emma. Isang pagkakamali niya, dudulog ako sa
mga kalaban niya sa pulitika upang makipagsabwatang pabagsakin siya."
"Ayokong umabot sa puntong papiliin ko ang anak ko sa korte kung kanino niya
gustong sumama. It would break him, Emma. Kahit ako na ang magdusa, 'wag lang
niyang maranasan ang bagay na iyon." I want to protect him in the ways I can. And
it's not always perfect.
Pero ibang usapan na kapag ginawa ni Cadence ang mga bagay na ayaw ko. I'll bring
hell to him.
"Nanay, ang ganda - ganda niyo po! Para po kayong queen!" Ang laki ng ngiti ni
Trojan sa labi. That smile can easily wipe my stress. Makita ko lang siyang
nakangiti, parang pinapawi na noon ang lahat ng lungkot sa buhay ko.
Lumuhod naman ako para pumantay sa kanya. He gently caressed my face and traced
every part of it. Pinindot niya ang tungki ng ilong ko.
"Ano pong meron, nanay? Bakit po ganyan po ang suot mo? Ang ganda po!" Niyakap niya
ako ng mahigpit, binigyan niya ng basang halik ang aking pisngi.
Mabilis siyang bumitiw sa akin. His eyes looked panicky. He looked betrayed. It was
his eyes full of pain that killed my insides.
Tumingin sa akin ang anak ko, mayroon pa ring lungkot sa kanyang mata. I smiled at
him softly. "Lilipat tayo sa bahay ni tatay, 'di ba, gusto mo iyon? Laging kasama
si tatay para magplay kayo?" paliwanag ko kay Trojan. "Kasama na si tatay, anak."
Napakamot siya sa ulo. "Kasama po si tatay? Isang bahay?" Muling tanong niya.
I nodded. His eyes twinkled. Nawala iyong takot at pangamba na bumalot sa kanya
noong una.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko ang saya ng anak ko. Kaya kahit paano,
maayos na rin ako. "Thank you po, nanay. Love na love ko po ikaw." Pinaulanan niya
ng halik ang tungki ng ilong ko.
Bumaling naman siya kay Cadence. "Thank you po, tatay. Love na love ko rin po
ikaw." Trojan hugged him.
"It's nanay you should thank, Miracle. Nanay loves you so much." sinabi naman ni
Cadence. Hinaplos ko lang ang buhok ng anak ko.
Muli siyang bumalik sa akin para yumakap. Sinuklian ko iyon ng mahigpit na yakap.
Hanggang kapiling si Trojan ni nanay, magiging okay si nanay. Ang fluffy ng anak
ko. Napabuntong - hininga ako.
"Nanay, paano po si tita ninang?" tanong ni Trojan habang ini-empake ko ang mga
gamit naming dalawa.
Nanonood lang siya sa ginagawa ko. Paminsan - minsan tumutulong siya sa pagtutupi
ng damit, hindi naman gaano kaayos ang pagtutupi niya kaya inuulit ko pa rin.
Komplikado pa iyon para sa anak ko.
"Kung nasaan si Trojan, andoon din si tita Emma," sagot ko naman dito.
His eyes widened with glee. "Ibig sabihin po kasama rin natin siya?"
I bargained with the devil. May ilang kondisyon ako para sa kanya. Hindi ako
papayag na hindi namin kasama si Emma kung saan man kami mapadpad.
But Emma declined to be in the same house with my so-called husband. Pero lilipat
ito sa katapat na bahay kung saan kami titira, si Cadence ang bahalang magbayad
noon.
Sa bahay pa rin niya sa siyudad, pinapili ako ni Cadence sa kung saang lokasyon ko
gustong manatili. Sa Quezon o dito sa Manila. Balak yata niyang isama pa ako sa
demonyong nanay niya. Hindi. Hindi noon malalapitan ang anak ko.
Umiling ako. "Hindi ko alam, anak. Hindi pa naman nakikita ni nanay. Excited ka na
ba?"
"Ikaw po ba, nanay, happy po ikaw? Kasi po ako, happy na happy. Sobrang big po!"
Iminuwestra pa niya ang sinasabing malaki niyang kasiyahan. Mas lalo akong natawa,
tumayo pa siya para sukatin ang kasiyahan niya. "Happy po ikaw?"
"Oo naman, basta happy si Trojan, happy si nanay." I opened my arms to hug him once
more. Iniwasan naman nito ang mga damit na naitupi ko na bago niya ako yakapin.
I survived the dark days of my life with only Trojan as my hope. And I would
survive whatever this path I'm walking into because I have him in my arms. Wala
akong hindi kakayanin para sa anak ko.
Sana lang hindi niya masyadong dagdagan ang mga kasalanan niya sa amin ng anak
niya. Ang dami niya pang pending na kasalanan.
Sinabi ko rin kay Cadence ang mga batang nasa Shelter, isa iyon sa mga hiling ko.
Since he has connections, I want them to have the Shelter as their home. Might as
well take all the perks of being his wife. If only I can drain his bank account, I
will. Anything that will be drained.
"Wow, ang dami pong big houses!" Trojan was eyeing the surrounding of the village.
His eyes were fixated on the road. At least, he is enjoying the view. Mabuti na
lang hindi namana ng anak ko ang pagiging mahiluhin ko sa biyahe noon.
Simula nang dumating ako sa siyudad, wala akong choice kung hindi labanan ang hilo
sa bawat pagsakay ng sasakyan. Wala namang ibang pwedeng transportasyon kung hindi
ang sasakyan. Nasanay na rin ang katawan ko.
Minsan madalas sa biyahe ang pagtulog ko lalo na kapag marami akong trabaho. Sa
sasakyan lang ako nakakapagpahinga. Hindi pa iyon maituturing na pahinga. Dahil
alerto rin ang buong katawan ko sa paligid.
"Tatay, ang laki po ng house niyo!" My baby boy exclaimed. Manghang - mangha ang
anak ko sa bahay ng kanyang ama.
"It's ours, baby. It's yours. It's nanay's." Hindi naman ako umimik sa pagtatama
niya. Pasimple ko siyang inirapan. "Have you been into many houses, baby?"
Umiling naman ang anak ko sa tanong ng kanyang ama. "Hindi po, dalawa lang po. Sa
bahay po namin ni nanay, iyong inalisan namin. Saka po sa Shelter."
"Shelter? The one with nuns?" tanong ni Cadence, nabanggit ko sa kanya ang tungkol
doon. Hindi naman kami kaswal na nag-usap, pero isa iyon sa hiling ko sa kanya.
"Opo!" sagot ng anak ko. "Sabi po ni nanay, tumira rin daw po ako sa mga madre
dati! Noong hindi pa po kami magkasama sa bahay."
Tumingin sa akin si Cadence, his eyes has some emotions I couldn't name. Hindi ko
alam kung anong pumapasok sa isipan niya.
I looked away. Trojan has always knew that he lived with the nuns. Hindi ko iyon
tinanggi sa kanya. At kahit hindi na siya roon nakatira, palagi naman kaming
dumadalaw sa Shelter.
Minsan iniisip kong kapag lumaki siya at nalaman niya ang totoong kahulugan ng
pagtira niya sa mga madre, baka kagalitan niya ako bilang nanay. Sana hindi.
Sobrang sakit na ipaubaya ko siya sa ibang tao. Ang mga desisyon ko noon ay
hinihingi ng pagkakataon. And all I wanted is for my Miracle to have a good life.
Cadence never knew that part. He never knew my sacrifices, he wasn't there. He
abandoned us.
Tumikhim si Emma para baliin ang namumuong tensyon sa loob ng sasakyan. "So, iyong
katapat na bahay ang akin?" tanong ni Emma. Sinundan ko ng tingin ang itinuro ni
Emma. "Pwede akong magdala ng mga lalaki."
It was a gray bungalow house. Mas maliit ito kaysa sa mismong bahay ni Cadence.
Natawa ako sa huli niyang saad.
"Hindi na, ayoko sa mga walang baya---" I glared at her. Katabi niya lang si
Trojan. "Baya---bas, ano ba naman?"
"Tita ninang, ako po boy! Dadalawin ko po ikaw lagi sa house mo!" presenta naman ng
anak ko. I smiled at their interaction. Silang dalawa naman ang nag-usap na dalawa.
Sinubukan kong tanggalin ang seatbelt para makababa na kami. Nangangalay na rin ang
p'wet ko sa pag-upo.
"You need help?" Akmang hahawakan na niya ang seatbelt, sinamaan ko siya ng tingin.
Umatras ang kamay ni Cadence. I don't need help lalo na kung galing sa kanya.
Pinagpilitan ko namang tanggalin ang seatbelt pero hindi ko pa rin magawa.
Kunot na kunot na ang noo ko. Nang mag-angat ako ng tingin, Cadence was already
smirking. Ang sarap ingudngod sa semento ng ngisi niyang iyon.
"Some things never really changed." Wala akong ideya sa pinatutungkulan niya.
"Nanay, tara na po!" wika ni Trojan. Mas lalo kong pinilit alisin ang seatbelt.
Pati ba naman sa seatbelt nababano ako? "Tatay, help mo na po si nanay!"
Sinunod ni Cadence ang sinabi ng anak. Inalis ko ang pagkakahawak sa seatbelt, mas
lalo pa siyang lumapit. May ilang buhok ang tumatahob sa kanyang mukha. Low man bun
na naman ang ayos ng kanyang buhok. Hindi ko na-imagine sa mahabang buhok si
Cadence.
Ipinakilala niya kami sa mga kasamahan sa bahay. Isang driver, isang bodyguard at
dalawang maids. May katandaan na iyong isa. Si Aling Asuncion. Iyong isa nama'y
bahagyang kasing - edad ni nanay. Si Aling Cecil. Tinanguan ko lang ang mga ito.
Nagmano naman si Trojan sa kanila.
Maninibago akong may kasama sa bahay. Kaya ko namang gumawa ng ako lang. Sa
ganitong bagay nasusukat kung gaano ang agwat ng estado namin ni Cadence. He can't
live without them while I can.
Nagsalo - salo kami sa pananghalian kasama ang lahat ng kasambahay pati driver at
bodyguard. Mukha namang ayos ang mga ito sa trabaho. Mukhang gusto rin sila ng
aking anak. Well, he loves everyone. Natural siyang madaldal sa kahit sinong
makasalamuha niya.
This would be the start of being the wife of the governor. Ni hindi ko alam kung
anong description ng bago kong sideline. I just hope it isn't bad as it sounds. And
I reminded myself this is for my son.
***
I took another leave from my job for the wedding night. I just knew, I would be
exhausted from everything that happened. Ito ang unang gabing tali na ako, may
asawa na ako. Hindi ko alam ang mararamdaman.
For how long will I be a wife of the man I hate the most?
I have no idea, either. Hindi ko lang matatanggap kong ilalayo niya ang anak ko sa
akin. I would rather endure everything than lose my son.
Pinanood ko ang bituin sa langit sa balkonahe ng kwarto. Cadence and I share the
same bedroom. Kasama rin ang anak ko sa kwarto kahit may sarili itong room.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya natutulog na hindi ako kapiling.
That's the most comforting part. At least, hindi ako maiiwang mag-isa kasama si
Cadence sa iisang kwarto.
Nakarinig ako ng yabag patungo sa gawi ko. I saw Cadence from my peripheral vision.
May dala siyang tray ng maiinom. Hindi ko pinansin ang lalaki. Alam kong mayroon
siyang karapatan sa kahit anumang sulok ng bahay. Pero hindi niya ako pag-aari.
"This is our first night together. Nagsisisi ka ba?" Ibinaba ni Cadence ang dalang
tray. Naupo siya sa kabilang sulok ng balkonahe. "I know you are." Bumuntong -
hininga ito.
Hindi ako umimik para magsalita. He knew from the start, I'm doing this for my son.
"Let's talk about things, Everly." He said. "Let's talk about your conditions and
anything."
"Malinaw ang gusto ko, Cadence. Para lang ito kay Trojan. Asawa mo ako pero hindi
mo ako pag-aari. You'll have to ask for my consent first when it's about my son,
Trojan Miracle, and my body. Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. 'Wag mo akong
pilitin sa mga bagay na hindi ko gusto. Itong kasal lang." I said the words firmly.
Matatag ang boses ko para pumasok sa kayang kukote ang bawat salita.
"I don't want your relatives to be with my child, lalong - lalo na sa mama mo. I'm
sorry to say this, but your mother is a bitch and I will never like her to be
around my son." I could taste the poison in my mouth.
Tandang - tanda ko pa rin kung paano niya kami itinaboy noon, kung ilang sampal ang
inabot ko sa kanya at ang ginawa kong pagmamakaawa pero pipi siyang nakinig.
Hinding - hindi niya mahahawakan ang kanyang apo sa akin. Hinding - hindi niya
mararanasan ang pagmamahal ng anak ko. The pure love Trojan can give to the people
he loves. At kawalan niya iyon.
Hindi lang ako ang ginawan niya ng kasamaan, pati ang mga magulang ko. Inalisan
niya ng karapatan at pagkakataong makilala ng anak ko ang kanyang lolo. They did
him dirty. Dahil lang sa makapangyarihan ang mga ito. Hinding - hindi ko siya
mapapatawad sa ginawa niyang iyon.
Wala namang naging komento si Cadence. He just nodded his head. Hindi niya inalis
ang tingin sa akin.
"At panghuli, gusto kong isalba mo ang Shelter for the Angels of Saint Philomena.
Mahalaga iyon kay Trojan. He loves the sisters and the kids in there."
Ilang minutong natahimik ang pagitan namin, ang buong akala ko hindi na ito
magsasalita. But he spoke. "Dumating ba ang puntong kinailangan mo siyang iwan?"
may hapdi sa tono ng kanyang boses.
"Oo, Cadence. Akala mo ba rainbows and butterflies ang naging buhay ko nang
makarating ako ng Manila? Akala mo ba puro kasiyahan ang naranasan ko nang
makarating ako rito? It was the complete opposite. It was tragic. And it still
hurts remembering those times, remembering the hard experiences I had to suffer on
my own. Alone." Dyesi-otso lang ako ng mga panahong iyon, pero halos naranasan ko
na ang lahat ng kagaspangan ng kapalaran.
"And I had to decide the hardest choice in order to save my precious little one.
Dumating ang puntong kailangan ko siyang i-let go, walang - wala ako. Pagmamahal
lang ang mayroon ako ng mga oras na iyon at pagiging isang ina. I needed to choose
the best option so my child could live." Isang patak ng luha ang bumagsak sa aking
pisngi.
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang muli kong pag-iyak. I already have the
hardest experiences, being in this situation is simpler than what I had to endure
all alone.
Napasulyap ako sa tayo ni Cadence. He was facing the other direction but I could
see a glimpse of a trail of tears in his cheek. Napasabunot ito sa sariling buhok.
Dapat lang.
Kailangan niyang pagsisihan ang lahat. It almost killed me and Trojan. Kung hindi
lang fighter ang anak ko, baka pati siya nawala sa akin. If that happened, I don't
know, I would never survive.
Ang anak ko ang nagbigay sa akin ng lakas upang suungin ang bawat hamon. Without
him, I am still lost in the wrong path of life.
"I'm sorry... I'm sorry, Everly. It's all my fault. I deserved every hate you have
on me." Cadence finally said. "Alam kong huli na ang lahat, pero babawi ako. Babawi
ako sa inyo ng anak natin."
I sighed. "All you can do is never disappoint my child, Cadence. Kapag nasaktan si
Trojan, hindi ako mangingiming ilayo siya sa'yo. For real." Pinahid ko ang basa
kong pisngi. "Bakit... bakit ang haba ng buhok mo?" Hindi ko mapigilang itanong.
Iba iyon sa nakilala kong Cadence na hindi naman kahabaan ang buhok na palaging
messy. It felt like he aged for good. Napailing ako. I don't know why I'm so
bothered with his hair.
"It's a promise and a curse," he replied. "someone cursed me that I'll have a long
hair if ever I hurt her, I did. In many ways possible. This long hair will stay
until I win her heart back."
***
NO SPOILERS.
Kabanata 48
Little Ways
Wala akong ideya kung paano akong nakatulog ng mahimbing na may katabing demonyo,
mabuti na lang may namamagitan sa aming dalawa ni Cadence na panay ang yakap sa
akin. Trojan Miracle is really nanay's peace. Siya rin ang nagsisilbing
tagapamayapa sa pagitan namin ng kanyang ama.
"Magandang umaga po, ma'am," bati ni Aling Cecil, iyong kaedaran ni nanay.
Tumugon naman ako. "Magandang umaga din po, Sai na lang po ang itawag ninyo sa
akin. Nakakailang naman po kung ma'am. Pantay - pantay naman po tayo rito." I
smiled.
"Ay, nako po, ma'am. Nakakahiya po, asawa po kayo ni Gov, hindi naman po naaari na
hindi po namin kayo tatawaging ma'am." Apologetic ako nitong tiningnan.
I sighed. Hinayaan ko na lang kung anong gusto nilang itawag sa akin, kung anong
mas komportable sa kanila.
Nakakawindang pa rin sa isiping kasal na ako at sa isang gobernador pa. Sa papel
lang naman kami kasal. Kasal kami para sa anak ko. I never saw Cadence in the
politics. Ang pagkakaalam ko rin ayaw niyang pumasok sa politika noon.
Sabagay, mahabang panahon ang anim na taon upang mabago ang kanyang isipan. Maybe,
he saw something about being a public servant. Sana lang hindi siya kurakot. It
would be scandalous. At hindi iyon magandang impluwensiya para sa anak niya. Ako pa
mismo ang magsasapubliko ng mga katiwalian niya kung sakaling ganoon siya.
"Ma'am, kami na po. Trabaho naman po namin iyan," Mukhang hindi na mapakali si ate
Cecil. "'Wag na po kayong gumawa ng mga gawaing bahay."
Ngumiti lang ako. "Sanay po ako, ate. Laking probinsya din po ako, saka mas nasanay
dito sa Manila ng mga ganitong gawain. Hayaan niyo po, para sa anak ko lang ito.
Kayo na po ang gumawa ng breakfast ni Cadence," sinabi ko sa babae. Tumango naman
ito.
It was just an omelette, french toast and sliced fruits for Trojan. Nang matapos
ako sa ginagawa, umakyat akong muli sa kwarto namin. Bahagyang nakakapanibago ang
paglipat ng bahay. Hindi na gaya ng dati na mabilis marating ang kwarto sa maliit
na espasyo ng apartment.
Cadence was still sleeping in the bed. Mukhang pagod na pagod ito. Gising na ang
anak ko, nakamasid siya sa kanyang Papa habang natutulog. May malaking ngiti sa
kanyang labi habang pinagmamasdan ang ama. He was hugging his father.
Trojan told me it was his request to Santa, to be able to hug and be with Cadence.
Huminga ako ng malalim.
Dahan - dahan akong lumapit sa kanya. Sinundot - sundot ko ang tagiliran nito. His
smile didn't falter.
Maingat siyang kumalas sa pagkakayap niya rito. He was trying to lower his voice so
he wouldn't disturb Cadence's sleeping form. Tumayo siya sa kama at yumakap sa
akin.
"Good morning po, nanay. How was your sleep po?" tanong nito sa akin.
Binuhat ko siya mula sa kama. "Laging maayos ang tulog ni nanay kasi katabi si
Trojan," sagot ko naman at pinindot ang matangos na tungki ng kanyang ilong. Ang
pogi ng anak ko.
"Katabi rin po si tatay, ayi!" He has that teasing smile on his face. Napailing
naman ako.
"Breakfast na, anak," I said softly. Binaling ko na roon ang topic kaysa kung ano
pang maisip ng isang ito. "Pinagluto ka ni nanay ng omelette, 'di ba, gusto mo
iyon?"
"Okay po!" Nang muli akong tumingin dito, inirapan ko ang natutulog na si Cadence.
"Nanay, baba na po ako! Mabigat po ako!" Hinayaan ko namang bumaba ang aking anak
mula sa pagkakarga ko.
Ayaw na ni Trojan nang binubuhat ko siya, ayaw raw niya akong napapagod.
Nagpapabuhat lang ito matapos ang play dates at inaantok na sa bisig ko.
Hinawakan niya ang aking kamay, sabay kaming bumaba ng dining area. Nagmano at
bumati ito sa mga kasambahay na nakasalubong namin.
Maaga ang anak ko para sa pagpunta namin sa bagong school niya. Gustong ilipat ni
Cadence ang anak ko sa isang private school na mas malapit sa bagong lokasyon ng
tinitirhan namin.
Medyo hassle naman para sa anak ko kung sa may kalayuang school pa ito mag-aaral.
Ayos naman iyon sa akin, pero kung ayaw ni Trojan na lumipat ng paaralan, pwede
naman. But my son agreed.
Sumandal pa ito ng upuan habang hawak - hawak ang tiyan na parang minamasa niya
bilang bola. I bit my lip to stop myself from laughing. May kalokohan din talagang
alam ang anak ko.
Pinunasan ko ang gilid ng kanyang labi na mayroong spilled milk, saka any may
parteng dibdib niya. Minsan may dumadaloy na liquids sa parteng dibdib nito.
"Hindi ko pa nakikita, anak. Pero sigurado akong maganda ang new school mo." I
answered.
"Excited na po akong pumunta ng school, nanay!" His eyes widened. "Tatay, good
morning po!" Bumaba si Trojan sa kayang upuan upang salubungin ang kanyang ama.
Tumayo naman ako upang ayusin ang pinagkainan ng anak ko sa mesa.
Hindi ako bumaling ng tingin sa dalawa pero ramdam ko ang paninitig ni Cadence sa
aking tayo.
Nagkatinginan kaming dalawa. His eyes looked betrayed, the same way Trojan looked
at me when I told him we'll be going into a new house.
"Did you eat breakfast without me?" may hinanakit nitong tanong.
"Sige na, anak, ligo na ikaw. Susunod si nanay. Hinanda ko na ang susuotin mo."
Tumango naman ang anak ko at dahan - dahang umakyat ng kwarto namin. My eyes were
on him as he went upstairs.
"Are you going out? Pwede ba akong sumama?" Cadence's eyes are hopeful.
"Pupunta kami sa bagong school ni Trojan. Hindi na kailangan, Cadence. May trabaho
ka pa, hindi ba?" Nilagay ko sa tray ang plato at baso. Binuhat ko iyon patungong
kusina.
"Bayan muna bago pamilya. You're a public servant, act like one." Lumakad ako
patungo sa kusina. Sumunod pa rin sa akin si Cadence hanggang sa kusina.
Narinig ko naman ang mga yabag patungo sa kusina. "Pakain ako!" I heard Emma's
voice. Bigla siyang sumulpot sa harapan namin.
"Ano bang gusto mong breakfast? Ipagluluto kita." tanong ko sa bagong dating.
Napatingin ako kay Cadence na sumunod pa rin hanggang sa lababo. "Everly, ako rin.
Kahit anong breakfast." Kinagat niya ang kanyang labi.
***
"Hi, Mrs. Ponce. I'm Alice, the principal of the Eastwood Kindergarten
International." I cringed hearing how she addressed me. Mrs. Ponce. I don't want to
be like Oleya. Hindi ako Mrs. Ponce.
Hindi naman natinag ang ngiti ng babae. "I'm sorry, Ms. Maligno. Welcome to our
school." Nakipagkamay ako sa babae. "And I'm sure, this cute little boy here is
Trojan Miracle. Such a beautiful name for a wonderful kid."
Nahihiya ito pero nakangiti. Mas lalong humigpit sa akin ang kapit ng anak ko.
Pinisil ko naman ang kanyang kamay. Hindi niya kailangang matakot. Andito naman si
nanay.
Hindi na nga sumama si Cadence kagaya ng kagustuhan ko. Umuwi siya sa Quezon upang
gampanan ang tungkulin at babalik mamaya ng Manila. That's how he managed to play
with my son before.
Nakangiting lumabas si Trojan ng room, parang hindi man lang ito nahirapan sa exam.
Tumalon - talon itong lumapit sa akin.
"Kumusta ang exam, anak? Tuwang - tuwa ka, ah." Inihanda ko na ang pagyakap ko sa
kanya.
"Hindi ko po alam, nanay! Baka po zero ako!" He giggled. Kiniliti ko naman siya sa
tagiliran.
Hindi naman ako magagalit kung sakaling zero nga siya sa exam, I don't want to put
the pressure on my kid when it comes to academics. There are more to the world than
acads. I want my son to enjoy school. I want him to enjoy learning.
Pinapasok muli kami ng principal sa office niya para i-evaluate ang results ng exam
ni Miracle. Nakangiti kami nitong pinaupo sa sofa. Humilig naman sa akin ang anak
ko. His eyes were looking everywhere.
"Congrats, Ms. Maligno. Trojan passed!" Inilahad niya ang kanyang kamay, tumayo ako
at tinanggap ko naman itong nagagalak. "He didn't just pass the exam. He aced it.
Perfect po ang nakuha ng anak niyo. The questions are advanced for his age."
Sumiksik naman ang anak ko sa akin, nahihiya yata ito. Wala naman siya dapat
ikahiya. Proud si nanay sa kanya kahit sinasabi niyang zero siya sa exam.
"Thank you po, teacher." Mas lalong lumawak ang ngisi ko. Nagpaalam na kami sa
principal. She gave us the uniform for Trojan. Nagawan na rin ng school I.D. ang
anak ko.
"Excited ka na ba, anak?" tanong ko rito nang makalabas kami. "Congrats, baby! Ang
galing - galing talaga ng anak ni nanay! Gusto mo bang mag-mall para mag-Jollibee
at maglaro?"
"Kuya manong, sa mall po tayo, lalaro po ako!" si Trojan na ang sumagot. I just
kissed him on the forehead. Tinanguan ko ang driver bilang pagsang - ayon sa anak
ko.
"Nanay, ang laki po ng school, baka po mawala ako roon pero excited na po akong
pumasok at makakilala ng new friends!" Pinaglaruan niya ang aking kamay, he drew
objects on my palm, sometimes traced the mounts. "Saka may playground po sila,
nanay!"
"You'll do well, anak. Ngayon pa lang proud na proud sa'yo si nanay." I assured
him. "Kapag nawala ikaw, magtatanong ka lang sa mga teacher mo roon, okay? Mukha
namang mababait sila. Saka kapag may nang-away sa'yo, ha. Sabihin mo agad kay
nanay."
He nodded his head. "Okay po, nanay. Love you po." Pinisil - pisil ko ang kanyang
kamay hanggang makarating kami ng mall.
Nagtungo kami sa World of Fun, sanay na sanay na si Trojan kaya siya na mismo ang
bumili ng coins, inalalayan ko lang ito. Kahit hindi naman ako naglalaro, siyang -
siya ako kapag nakikita ko ang aking anak. I couldn't understand the games, but he
does and he knows how to win.
Inikutan niya ang lahat ng redemption games na may tickets na binibigay. He went to
Space Diary and Pacman Swirl a little longer. Hindi ko halos namalayan ang dami
niyang collected tickets. Tinulungan ko siyang ipunin ang ticket upang dalhin sa
counter.
He traded it with a minion blue jumper. Sumakay din siya sa carnival park.
Nangunguna ang lakas ng pagtawa ng anak ko sa mga batang naroon.
After playing the games, dumaan kami sa Jollibee upang bumili ng paborito niyang
chickenjoy. Binilhan ko rin ang mga kasama namin sa bahay pati si Emma at saka si
manong driver. We just took out the order, medyo pagod na ang anak ko.
I texted manong driver to fetch us near the front of the mall. Nang makarating kami
roon, andoon na ang sasakyan. Muling binati ni Trojan ang driver.
"Pagod na pagod po, ma'am?" tanong nito habang sinusulyapan ang anak ko.
Tumango naman ako. "Sobra pong nag-enjoy, kaya pagod din naman siya." Natatawa kong
sagot. Itinuwid ko ang kanyang paa, minasahe ko iyon habang nasa biyahe kami para
maka-relax. Nakatulog na ito sa daan pauwi.
"Sa mga pinamili na lang po kuya at sa toys ni Trojan. Salamat po. Sabay - sabay na
po tayong kumain." paanyaya ko rito. Binuhat ko ang aking anak na natutulog.
Yumakap ito sa akin pagpasok namin ng bahay.
"Mukhang napagod si taba, ah." komento ni Emma, humalik ito sa pisngi ni Trojan.
It was Hadley. Minsang beses ko pa lang itong nakita, noong nagpadala ng troops ng
army si Cadence sa apartment. Kasama siya nito, pero hindi ko pa siya nakakausap ng
matino.
"'Wag mong lapitan ang kaibigan ko." Tumawa naman ang lalaki.
"Don't worry, hindi ko pipikutin kagaya ng ginawa ni kuya." Nag-init ang aking
pisngi. Ang sarap iumpog ng kanyang noo.
Sakto namang nagising ang anak ko sa kaguluhan. His eyes looked around. Nanlaki ang
mata nito nang makita ang tito Hadley niya. Agad siyang bumaba sa aking mga bisig.
Tumakbo ito papalapit sa tiyuhin at dumamba sa kanya ng yakap. Napailing naman ako.
Sinamaan ko ng tingin si Emma. Ayokong nakikipaglapit siya sa mga kagaya ni Hadley.
Hindi naman pwedeng parehong nagpakatanga kami sa magkaparehong breed ng lalaki.
Pinagmasdan ko lang ang aking anak na naka-angkla sa kanyang tito Hadley. Hindi ko
pa nakakausap ang lalaki simula pa noon.
***
Inayos ko ang kuwelyo ng suot kong uniporme sa salamin. I want to keep my work.
Wala namang magagawa si Cadence sa kagustuhan kong iyon. Gusto kong magtrabaho,
ayokong umasa sa kanya. Ni hindi ko alam kung hanggang kailan ang ganitong set - up
namin. Isa pa, nag-eenjoy naman ako sa work.
Bahagya kong tiningnan ang repleksyon niya sa salamin. Titig na titig siya sa
ginagawa ko habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Natuon ang atensyon ko sa hubad
niyang katawan.
It wasn't his muscled chest I was looking at. Hindi iyong katawan niya na parang
nililok ng iskulptor. Napako ang paningin ko malaking peklat na halos tuwid sa
parteng iyon ng katawan niya.
"Ihahatid na kita sa trabaho, Everly." Humarap ako sa kanya. I was now face to face
with that scar. Wala naman iyon dati.
"Hindi na, Cadence. Kaya kong pumasok ng mag-isa. Bantayan mo na lang si Trojan.
Madalas ako nitong hinahanap sa pagtulog." Lumabas ako ng rest room ng kwarto.
Kinuha ko ang bag ko sa gilid.
"Kahit iyong driver na lang natin, mas mapapanatag ako kung maihahatid ka niya,"
pagpupumilit pa nito. He went to the table to get an envelope. "Let's spend our
honeymoon in Hongkong. I bought the tickets already."
Nanlaki ang mata ko. Anong honeymoon ang tinutukoy niya? Nae-eskandalo ako.
Ngumisi ito. "Fine, family trip if honeymoon makes you uncomfortable. Ipasyal natin
si Trojan sa Disneyland." Inabot niya sa aking ang envelope. "Don't worry, it's my
own money. Blood, sweat and tears. I'm not a corrupt politician, Everly. It's on
the weekend, hindi mo kailangang um-absent sa trabaho."
Hindi ko alam ang sasabihin sa sinabi niyang family trip. Tinitigan ko lang ang
hawak niyang envelope sa kamay pero hindi ko tinanggap iyon.
"Miss, sa table fourteen po. Mali po yata ang naibigay na food. Papalitan na naman
po ni Jes, pero kung ano - ano na pong sinabi sa kanya. Pinahiya na po siya ng
diner." paliwanag ni Casey.
Napapikit naman ako. I was biting my lip as I went to the table of the complainant.
Isang babae ang bumungad sa akin na pinagsasalitaan ng hindi maganda ang waiter na
nag-serve sa kanila. Nakatingin na sa komosyon ang ibang diners.
"Excuse me, ma'am. What's the commotion over here? Can we talk inside the office?"
mahinahon kong pagkausap sa babae.
She looked familiar. Baka regular customer dito ang babae. Ngumiti ako sa kanya.
"I'm the manager, ma'am. You can talk to me. We can go inside the office and settle
the argument."
Nanliit ang mga matang tumingin nito sa akin. Hindi siya nagsalita ng ilang minuto.
Pinag-aralan niya ang kabuuan ko.
"Kaya pala pamilyar, Sai Everly Maligno? Oh my God! Is that you now? Wow, look at
you! You look cheap as ever. Oh, saan ka naman dinala ng talino mo? Ah, manager
lang? Manager ng isang cheap na restaurant!" pangungutya nito. "Hindi na ako
nagtataka kung bakit ganito ang service dito. Ikaw pala ang nagsu-supervise."
May umilaw sa memorya ko. Ngayon ko natatandaan ang babae. She was my classmate in
Camflora. Si Ruby Pearl.
"We can settle the misunderstanding in the office, ma'am." Hindi pa rin ako natinag
sa lahat ng sinabi niya patungkol sa akin.
None of them was true. Dahil kung siya ang lumagay sa kalagayan ko noon, hindi ko
alam kung paano ito makakapagpatuloy sa buhay.
I survived, I was well-equipped with the knowledge she was mocking. Hindi rin ito
basta - bastang trabaho, lalo na kung mga kagaya niya ang kailangan kong harapin sa
bawat shift.
And I have a wonderful life with my child. It was the best feeling. Hindi ko pa
naaabot ang pangarap ko para sa sarili ko, pero hindi pa naman huli ang lahat. I
could still achieve it.
"No, I'm not settling with this cheap restaurant!" she hissed.
"Okay, if we're cheap, you're intended to eat here, that makes you cheap."
Nakangisi kong sinabi. "Well, then, call the guard, let the guard assist the crazy
lady."
Tinitigan ko lang siya. "Be my guest." Dumating naman ang guards na naghatid kay
Ruby Pearl palabas ng restaurant. Nagsisigaw pa rin ito hanggang sa tuluyang
makalabas.
"I'm sorry for the interruption of your peaceful meal, dear guests." I bowed my
head. "To compensate with the damage, please enjoy a glass of wine for each and
everyone. Thank you."
Bumalik ang lahat sa ginagawa. Hinaplos ko ang aking noo. It was very stressful.
She never changed. Mapagmataas pa rin sa kapwa. Wala naman siyang maipagmamalaki.
Iyong fake designer bags niya? Napabuntong hininga ako.
"It's okay. You don't have to say sorry. Ayos ka lang ba?"
Tumango naman ang lalaki. Nagpatuloy ito sa trabaho. Hanggang uwian, dala ko pa rin
ang damage na ginawa ng babaeng iyon. Nakakainis.
"Rough night?" Dustin asked. Nakababa ang bintana ng kotse nito. "Come on, ihahatid
na kita. Mas lalo kang mai-stress sa paghihintay mo r'yan. I heard what happened."
"It's okay, Dustin. Out of the way iyong bahay namin, lumipat na kami sa bago."
sagot ko sa lalaki.
"No, it's okay. I promise. Wala rin namang gimmick ngayon. Kaya ayos lang. 'Wag ka
nang mahiya. Hindi naman ako naniningil." Humalakhak pa ito.
Napilitan na rin akong sumakay. Trenta minuto na akong naghihintay, wala pa ring
dumadaang tricycle.
"So, saan?"
Sinabi ko ang subdivision ng bahay ni Cadence. His eyes widened. "Big time,
mayayaman ang nakatira sa subdivision na iyon."
Kumurap - kurap siya. "May asawa ka na?" kaswal nitong tanong. "Ang bilis naman,
balita ko pa naman single ka pa noong nakaraan." He laughed.
Hindi ako sumagot. An awkward silence filled the car. Akala ko doon matatapos ang
durasyon ng biyahe.
"How about the dinner? Would your husband mind?" Dustin asked.
I shook my head. "The dinner was promised. Tutuparin namin iyon ni Trojan." sagot
ko sa kanya. "Thank you, Dustin." I went out of the car. Tumango naman ang lalaki,
pinasibad na rin niya ang sasakyan paalis.
Nanatili ako sa labas hanggang sa lumiit sa paningin ko ang sasakyan. When I was
about to go inside, nakuha ng atensyon ko ang taong nasa balkonahe.
Mapagmasid na nakatingin ang seryosong mata nito sa akin. Hindi ko mabasa ang
kanyang ekspresyon. I blinked several times. Walang iba kung hindi si Cadence.
***
NO SPOILERS.
Ikaapatnapu't Siyam na Kabanata
Kabanata 49
Artista
"Thank you, Dustin, for the invitation. Ngayon lang namin napaunlakan." nakangiti
kong sinabi.
Finally, nangyari din ang dinner na ipinangako namin kay chef Dustin. Kasama ko si
Emma at ang aking anak. Inimbitahan niya kami sa unit niya. The unit reminded me of
what happened with me years ago. Sa isang unit nagsimulang gumuho ang pag-asa ko.
Huminga ako ng malalim. I shouldn't think of that. We are here to enjoy the dinner
prepared by the chef. Ang dami niyang inihandang dishes. They looked great, even
the plating was thought thoroughly.
Bigla akong nakaramdam ng hiya, ginataang kalabasa lang ang pinakain ko sa kanya
noon sa apartment. Samantalang pinaghandaan niya ang dinner naming ito.
Hindi ko rin naman kasi inaasahang darating siya. Pero mas lalong hindi ko
inaasahan ang isang taong nagbalik. He wrecked the peace in my world.
"Enjoying the food? Medyo kinakabahan ako, baka hindi niyo magustuhan." There was a
subtle smile on Dustin's face.
"Two thumbs up po, chef!" sagot naman ng anak kong may two thumbs up nga na gesture
ang kamay.
I nodded. Masarap naman talaga magluto ang lalaki. Kaya marami ang tumatangkilik sa
restaurant. Bukod sa pagkain, sigurado akong upang masilayan din siya ang isa sa
mga dahilan.
Nawala naman ang ngiti ng lalaki. Sinipa ko sa ilalim ng table ang paa ni Emma.
Wala rin talaga ang preno ng bunganga nito. It was still offensive. Napangiwi ako.
Curious na curious naman ang anak kong tumingin sa lalaki. "Ano po, chef?" magalang
nitong tanong.
"Desserts!" He enthusiastically said. "Please, excuse me, I'm gonna go get the
desserts. Tumayo naman ang lalaki at nagtungo sa kusina.
Trojan looked excited. Baka nga totoong dessert ang highlight ng dinner, mahilig
din ang anak ko sa pagkaing matatamis.
There were three options of what he brought. "Chocolate cream cheese truffles,
strawberry cream cheesecake and mint chocolate ice cream." Ang daming hinanda ni
Dustin.
Manghang - mangha naman ang anak ko. "Pwede po ba akong tumikim ng lahat ng iyan
po, chef? Konti lang po." Trojan asked cutely. Magkapatong pa ang kanyang dalawang
kamay, para itong nagpi-pray na bigyan siya ng grasya.
"Konti lang, anak, ha. Baka naman sumakit ang tiyan mo n'yan. Ang dami mo pa namang
kinain at maglahok." paalala ko naman dito.
Si Dustin ang nag-asikaso sa anak ko. He gave him a generous slice of the cake, two
truffles and one scoop of mint chocolate ice cream.
Kailangan ko rin siyang painumin ng maraming tubig mamaya. There are too many
sweets. I just put a small amount of strawberry cheesecake on my plate. Hindi ako
masyadong fan ng sweets. Mabilis akong magsawa.
"Thank you, Dustin. We enjoyed the food. Parang may fiesta sa dami ng handa. We are
grateful for the invitation." Totoong nabusog ako sa masarap na hapunan.
"Hey, no problem. You guys are always welcome. Sana hindi pa ito ang huling beses
na makapag-dinner tayo."
Nawala ang atensyon ko kay chef ng may kumalabit sa aking tagiliran. When I looked
down, I saw Trojan reaching out to me. Bahagyang namamawis na ang noo nito. Kumuha
naman ako ng panyo upang punasan ang kanyang noo. Something's not right.
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "Akala ko gusto mo pang makita ang moon at
stars? 'Di ba may telescope si chef Dustin?"
"Sa susunod na lang po," Lumabi ito. "Nanay, masakit po ang tiyan ni Trojan.
Natatae na po ako, nanay. Uwi na po tayo."
He shook his head. "Hindi po sanay ang p'wet ko sa ibang bahay." Paiyak na si
Trojan habang nagpapaliwanag. Mabilis naman akong tumayo. Nagkatinginan kami ni
Dustin. Napangiwi naman ako.
"We can't stay longer. May emergency si Trojan. Gusto na niyang umuwi." Mukhang
naintindihan naman nito ang nais kong ipahiwatig. "Sorry, we have to go."
"Sorry po, chef." sinabi naman ng anak ko. Malungkot ang kanyang mukha.
"Thank you, Dustin for the dinner. Ang sarap ng pagkain." saad ko.
Binuhat ko na si Trojan. Si Emma ang nagdala ng ibang gamit na dala ko. Kumaway ang
anak ko sa lalaki.
"I enjoyed the dinner. Pasensya na, nagkaproblema pa si Trojan big boy."
Hinatid niya kami hanggang sa elevator. Ilang ulit pa akong nagpasalamat sa lalaki
bago tuluyang sumara ang elevator na sinasakyan namin. I was trying to be steady
not to upset his tummy anymore.
Sumakay kami ng taxi pauwi. Patuloy talaga ang pamamawis ng aking anak. Kanina pa
rin ito tahimik. May parte sa aking naaawa at may parte rin sa aking natatawa. Ang
cute talaga ng anak ko.
Hinalikan ko ang kanyang noo. Binayaran ko ang taxi driver nang makababa kami.
Nagpaalam na si Emma sa akin na didiretso na ito sa kanyang bahay. Mabilis naman
akong pumasok ng kabahayan namin.
Binati kami ng mga kasambahay. Tinanguan ko lang ang mga ito, dumiretso ako sa CR
upang guminhawa na ang pakiramdam ng anak ko. Iniwan ko muna siya pansamantala
roon, hindi na gaya sa dati naming apartment, madali ng i-flush dito ang sama ng
loob.
"Sorry, I was worried," Nakarating na pala ang lalaki. May suot itong apron.
"Kumain na ba kayo? Nagluto ako ng dinner. Sabay - sabay na sana tayong tatlo. You
can invite Emma, too."
"Yes, we're done eating. Kumain na kami ng dinner sa unit ni Dustin." Agad na
bumalatay ang isang emosyon sa mata ni Cadence. He looked hurt with what I said.
Kinagat niya ang kanyang labi. "Nagseselos ako, Everly. Nasasaktan ako," pag-amin
nito. "Pwede bang kahit iyong pagkain natin nang sama-sama ibigay mo na sa akin?
Gusto ko lang kayong makasama. I want to spend my time with you. Ang dami ko ng
nasayang na oras, gusto kong bumawi."
Naiinis akong tiningnan ito. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Wala kang karapatang
magdemand, Cadence. Mag-asawa lang tayo sa papel." Pinagdiinan ko ang bawat salita.
"I know, I'm sorry." Umalis siya sa harapan ko. Naiwan naman akong nakatayo roon.
Sa kwarto naman ako dumiretso, nagpalit ako ng damit na mas komportableng suotin.
I could vividly see Cadence's reaction in my mind. The truth is, I was never
someone who want to harm another individual. There are times I am so tempted to do
so. But there is my sane self to stop me from inflicting the same pain I've
experienced.
Alam ko kung gaano kasakit ang mga pinagdaanan ko para iparamdam ang kaparehong
sakit sa ibang tao. Parang kagaya na rin nila ako. Nagtatalo ang puso't isip ko.
Huminga ako nang malalim, bumaba ako sa kusina. Nadatnan ko ang dalawang kasambahay
na kumakain. Nginitian ko ang dalawa.
"Ma'am, kain po! Nako, ang dami pong niluto ni Sir Cadence. Parang buong barangay
ang gustong pakainin, e!" sinabi ni Aling Cecil. Iba't ibang putahe ang nakahanay
sa buong counter.
Umiling naman si Aling Asuncion. "Ang batang iyon talaga, pagkarami - raming
niluto, hindi naman pala kakainin. Ay siya ba'y nag-aaksaya ng pagkain?" reklamo ng
matanda.
Kinagat ko naman ang aking labi. "Kailan pa po siya natutong magluto?" tanong ko sa
mga ito.
Sa pagkakatanda ko noon, pancit canton lang ang kaya niyang lutuin. Wala siyang
alam pagdating sa kusina.
Kumuha siya ng platito. Ipinagsandok niya ako ng lasagna bolognese. I was hesitant
to accept it, busog pa talaga ako sa dinner sa unit ni Dustin pero hinayaan ko na
lang. Tinanggap ko ang pasta na luto ni Cadence.
Naupo ako sa isang stool sa counter. Sumubo ako ng konti. Hanggang naging sunod -
sunod na ang pagsubo ko ng lasagna.
What happened to Cadence the entire six years? How did he know how to cook and bake
goods? Magpapaluto pa siya sa akin ng breakfast, marunong naman pala itong gumawa.
"Ma'am, masarap po talaga," Hindi naman ako sumagot sa sinabi ni Aling Cecil.
Tinapos ko ang nasa platito ko, ako na rin ang naghugas nito.
"How was it?" Hinawakan niya ang pulsuhan ko. Mukhang hindi na ito bad mood ngayon.
Tumaas naman ang kilay ko. "Anong how was it? Bitiwan mo nga ako. Pahawak - hawak
ka d'yan, close ba tayo?" Inis kong kinuha ang kamay kong hawa niya, hindi naman
niya ito pinakawalan.
Humalakhak si Cadence. "How I missed you," There was a long sigh. "How was the
food? I saw you give it a try."
He smiled. "I'm glad you tried it. Thanks, Everly." Hindi ko na ito pinansin,
tuluyan akong pumasok ng kwarto. Natagpuan ko ang aking anak na nakaupo sa kama.
Mayroon na naman itong hawak na pagkain.
Kanina lang halos hindi na ito mapakali, tapos kumakain na naman ito. Napailing
ako.
"Trojan, 'di ba sabi ni nanay, bawal kumain sa kama. Baka may malaglag na crumbs,
aakyatin iyan ng ants."
Nanlaki ang mga mata nito. "Sorry po, nanay." Agad siyang bumaba sa kama dala ang
platito na may lamang lasagna. Lumapit siya sa akin para subuan ako noon. Tinanggap
ko naman ang sinubo ng anak ko.
"Pagkatapos kumain, magto-toothbrush na, ha." Tumango naman ang anak ko. Naupo ako
sa couch, pinaupo ko naman siya sa aking hita. Hinayaan ko lang itong kumain. Mukha
namang gustong - gusto nito ang luto ng kanyang ama.
Pumasok din si Cadence, nadatnan niya ang aming tayong mag-ina. Tumungo ito sa
drawer, may kinuha siyang brown envelope.
Huminga ako nang malalim, ipinaalala ko sa sarili kong nasa harap naming dalawa si
Trojan. Hindi ko siya pwedeng awayin sa harap ng anak ko. Kung mag-aaway man kaming
dalawa, sisiguruhin kong hindi iyon makikita o maririnig ni Trojan.
Umalis naman sa pagkakaupo sa aking lap si Trojan. Naupo siya ng kanya sa sofa.
Tumayo ako para kuhanin ang envelope na hawak ni Cadence. Hindi ko alam kung anong
meron sa envelope, hindi rin ako sigurado kung dapat ba akong kabahan.
Binuksan ko ang envelope na inabot niya sa akin. Ilang papeles ang nakalagay sa
envelope. Binasa ko iyon isa - isa. Those are the papers for the Shelter. Ang
titulo ng lupang pinaglalagyan ng kabuuan nito. My eyes widened.
Hindi na kailangang lumipat ng mga bata. Hindi na kailangang gibain ang minsang
naging tahanan din ng anak ko. Naiiyak ako sa tuwa.
He nodded. I was teary-eyed. Napatalon ako sa tuwa. "Anak, hindi na lilipat ang mga
sisters. Sa kanila na ang Shelter." Napakamot naman si Trojan. Bumaling ako kay
Cadence. "Thank you!"
Sa tuwa ko sa balita, niyakap ko siya. His body stiffened, so did mine. It was
awkward. But it was just my reflexes, I was so happy seeing the papers. Basta -
basta ko na lang niyakap ang lalaki.
"Nanay, ako rin po yakap! Family hug po! Yakap din si Trojan!"
Binuhat siya ni Cadence, muli ako nitong hinapit papalapit sa kanya. Trojan hugged
me and his father, giggling. Hindi ko naman alam ang gagawin ko.
***
Maagang umalis si Cadence ng bahay. Madaling araw pa lang, nakaalis na ito. Bahagya
akong naalimpungatan ng may humalik sa aking noo. Nagpanggap akong tulog. He kissed
my son, as well. Kinumutan niya kaming dalawa.
Bahagya ang pag-ulan ng magising ako ng umagang - umaga na. Wala akong pasok, wala
ring pasok ang anak ko. Linggo ngayon. Imbes na bumangon ako, mas lalo kong niyakap
si Trojan. Tulog na tulog pa ang aking anak, mahimbing ang tulog nito sa aking mga
bisig.
I was just staring at him as he sleeps and mumbles nanay. Siya talaga ang
nagsisilbing kalma sa buhay ko. Hinintay ko nang magising ito para sabay kaming
bumaba sa kusina. May beef tapa na niluto si Cadence bago umalis.
Nagluto lang ako ng itlog at isinangag ko ang kanin para sa breakfast. Naghiwa rin
ako ng prutas at tinimplahan ko ng gatas ang bagong gising.
"Ay, oo. Bagyong Ruel ang pangalan. Bicol region at pa-Quezon ang tama ng bagyo.
Kaya maaga pa lang, umalis na sina Sir. Pinaghahandaan din ang pagdating ng bagyo."
Napatango ako.
Wala man lang akong ideya, mamaya nga ay manonood ako ng tv. Tatama pala ang bagyo
sa Quezon, sana naman ay maayos ang lagay ni nanay sa San Andres. Nagkausap kami
nitong minsan, patuloy pa rin ang komunikasyon naming dalawa.
"Bagyong Ruel mas lalo pang lumakas sa nalalapit nitong pagtama sa kalupaan.
Bahagya itong bumilis ng twenty-five kilometers patungo sa Bicol region at Southern
Tagalog o Southern part ng Quezon kung saan inaasahang magla-landfall ang bagyo.
Ayon sa PAG-ASA, matinding ulan at hangin na umaabot ng one hundred ninety
kilometers per hour at pagbugsong two hundred and twenty five per hour ang aasahan
ng mga residente sa nasabing lugar." I bit my lip.
"Nanay, si tatay, oh, nasa tv! Wow, artista na si tatay!" Tuwang - tuwa naman ang
anak ko. Nagtatalon pa ito sa harap ko. Mukhang mayroong interview si Cadence sa
media na dumating sa lugar ng Macalelon. "Nanay, babatiin kaya ako ni tatay sa tv?
Ang gwapo niya, oh! Mana siya sa akin, nanay!"
He was so excited seeing his father on the television. Natawa naman ako sa reaksyon
ni Trojan. Niyakap ko siya mula sa likuran, sabay naming pinanood ang interview ng
kanyang ama.
"We coordinated with the local municipality mayors and local agencies. Nakaantabay
po tayo at handang tumulong. Inabisuhan na rin po ang municipalities na
maaapektuhan ng bagyo na lumikas ang mga residenteng nasa mababang lugar at malapit
sa bodies of water. Hanggang ngayon po ay abala ang MDRRMC na magpaalala, gumabay
at remesponde sa mga lilikas na residente. Hindi po natin maiiwasan ang pagdating
ng bagyo, but we can minimize the lost of lives. Sumunod lang po tayo sa mga
paalala para maging ligtas tayo. Handa na rin po ang packed goods natin para sa
lahat ng residente." Cadence told the press.
He looked confident without such arrogance. Pormal na pormal din ang pakikiharap
niya sa mga ito. Hindi ko lubos na maisip na papasok siya sa politics.
"Nanay, may bagyo daw po? 'Di ba iyon po ang malakas na ulan? Baka po magkasakit si
tatay!" Humarap sa akin si Trojan. He looked concerned.
Umiling naman ako. "Hindi magkakasakit ang tatay mo," I assured him. Kapag masamang
damo, matagal naman daw mamatay. Kinagat ko ang labi ko sa isiping iyon.
"Bukas na bukas po ang evacuation centers sa paglikas. Maaari pong matawagan ang
hotline numbers, gumagana po ang mga iyon sa pinamigay naming fliers." Ngumiti ito
sa camera. "Hi, baby. Hi Miracle."
Na-cut doon ang balita. Bumalik sa studio ang news report, pero mas nagkomentaryo
pa ang mga ito sa huling sinabi ni Cadence. Tuwang - tuwa naman ang anak ko sa
pagbati ng kanyang ama sa national television.
I was a bit shocked, binalita sa akin ni Aling Cecil na trending daw si Cadence sa
facebook at twitter. Curious na curious daw ang mga tao sa pinatutungkulan nito sa
panghuli ng balita. Ang buong akala raw nila ay single at ready to mingle ang
gobernador.
Napailing naman ako. Pati ba naman buhay ng politiko, patok na patok din sa mga
tao?
We spent the rest of the day inside the house. Nakipaglaro ako kay Trojan. Madalas
ding nasa bahay si Emma para bumisita at makikain na rin. Kahit sa Metro may
kalakasan ang ulan.
My phone vibrated with an incoming call. Napataas naman ang kilay ko ng lumabas sa
screen ang katagang 'Husband'. Hindi ko maalalang si-nave ko ang numero ni Cadence.
Sinagot ko ang tawag mula rito. "Oh, ano?" tanong ko sa kabilang linya. I didn't
greet him.
"Sungit naman ng asawa ko," Cadence chuckled. Mas lalo naman akong naasar. Sa papel
lang naman kami kasal. Pumormal ang boses nito. "Hindi ako makakauwi ngayong gabi.
The typhoon will have its landfall tonight. Hindi ko naman pwedeng iwan sila rito
ng sila lang. They are my people, I have to serve them."
"Naiintindihan ko, saka 'wag ka ng umuwi." Medyo pabiro ang huli kong sinabi.
"Hello po, tatay! Miss you po! Hindi ka po uuwi? Bakit po? Mas lalo ko po ikaw
mami-miss! Naulan po r'yan, tatay? 'Wag po ikaw papabasa ng ulan, ha. Baka po
magkasakit ikaw. Ingat po! Kain po ako ng cupcake, sarap po!" Nakinig lang ako sa
pag-uusap ng dalawa. "Nanay, usap daw po kayo."
"Oh?"
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa kabilang linya, bago muling nagsalita si
Cadence. It was the most unexpected thing he said.
"Love you," Hindi pa man ako nakakapag-react, ibinaba na niya ang tawag.
"Nanay, okay lang po ikaw?" I was snapped back in reality. Tumango naman ako rito.
Ang tagal kong nakatitig sa cellphone.
One night led to more nights. Sa balita lang namin napapanood ang mga kaganapan sa
Quezon. Nasalanta ito ng bagyo kinagabihan ng pagtawag sa amin ni Cadence. Malakas
ang bagyo at siguradong tumumba ang poste ng kuryente at mga puno kaya nahihirapan
ang media na pasukin ang mga lugar.
Ilang ulit ng nangyari ang ganoon noong nasa San Andres pa lamang ako. Sobrang
lakas ng mga bagyong humahagupit na kahit ang signal ng komunikasyon ay nawawala
bukod sa kuryente.
Hindi na mapakali ang anak ko, alalang - alala na ito sa kanyang ama. I bit my lip.
Mukhang nagdilang - anghel ang sinabi ko kay Cadence. Nakaramdam naman ako ng
konsensya.
Ni walang tawag mula sa kanya. Suspended din naman ang klase ng anak ko ng mga
sumunod na araw sa mga pag-ulan sa Metro.
Mas lalo itong umiyak. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. Malawak na
ang imahinasyon ni Trojan, umaabot na siya sa pag-iisip na ganoon. I shook my head.
Niyakap ko ang aking anak. Hindi pa rin ito kumakalma kahit ilang beses ko ng
sinabing walang masamang nangyari kay Cadence.
Napagdesisyunan kong puntahan si Cadence kasama ang anak ko ng masiguro kong maayos
na ang weather. Hindi matatahimik si Trojan hangga't hindi makikita ang kanyang
tatay.
We also pack bags of necessities for the people who lost homes and livelihood. I
was glad to know that there were no lost of lives. Halos lahat naman ay safe sa
nangyaring unos, talagang mga bahay lang at pangkabuhayan ang nasira ng bagyo.
Ipinagdrive kami ni Manong Noel hanggang sa Unisan, pagdating namin doon, kitang -
kita na ang pinsala ng bagyo pero maayos na ang daan. Nalinis na ang kalsada mula
sa mga puno at poste ng kuryente na tumumba dahil sa bagyo.
Hinarang kami ng ilang sundalo sa checkpoint. "Magandang umaga po, ma'am. Hindi po
namin mapapahintulutan ang pagpasok ninyo sapagkat marami pa pong hazards sa mga
susunod na bayan sa katatapos lang pong bagyo."
"Si Gov po?" Bahagyang nag-isip ito. "Nasa parteng Mulanay po, doon po tumama ng
malakas ang bagyo." Tumango ako.
"May dala po kaming konting tulong para sa mga nasalanta ng bagyo," sinabi ko sa
lalaki. "May way po kaya para makausap siya?"
Nag-init naman ang aking mukha. "Asawa po ako," I told the guy.
"Anak po ako, hello po!" singit naman ni Trojan. Kanina pa pala ito nakamasid,
tulog ito kanina.
Tumango naman ito at mukhang nakaintindi. He excused himself to talk with the other
men in uniform. Kinausap nito ang ilang kasamahan, muli itong bumalik sa amin.
"Ma'am, kung okay lang po kami ang maghatid sa inyo sa Mulanay? Mahirap po talaga
ang daan."
Um-oo naman ako sa lalaki. He transferred us to their vehicle. Kasama ang ayuda
naming dala. Sumama rin ang driver para asikasuhin kami ng anak ko.
Hindi maipagkakailang napinsala ang mga bayang dinaanan namin pero patuloy ang mga
tauhan ng munisipyo upang maisaayos ang mga daan. Sa covered court kami ng Mulanay
pumunta.
Excited na bumaba ang anak ko. Ang daming tao. Cadence was easily spotted with the
crowd. May kausap itong press at iba pang mga tao. Agad din itong nakita ni Trojan.
Everyone looked in our direction, even the people with cameras on their hands.
Sunod - sunod na pag-ilaw ng camera ang direksyon namin. Hindi naman natinag ang
anak kong tumakbo sa may cast na si Cadence. Kumaway pa si Trojan sa camera.
May humila sa akin. "Excuse me, miss. Are you the girlfriend?"
***
NO SPOILERS.
Ikalimampung Kabanata
Kabanata 50
Politiko
One thing is for sure, Trojan loved the crowd and he is well-received by the
people. Mukhang susunod pa ito sa yapak ng kanyang ama. Wala namang problema sa
akin iyon. I want him to be someone he want to be.
Susuportahan ko siya sa kanyang mga pangarap, pero kapag naligaw ito ng landas at
nangurakot, papaluin ko talaga siya anuman ang kanyang edad. I'm raising him well.
May humila sa braso ko. "Excuse me, miss. Are you the girlfriend?" I blinked
several times. Hindi agad na-proseso sa utak ko ang tanong. Binitiwan ako ng babae
ng may lumapit sa kanyang isa pang babae.
"Baka naman assistant lang ni Gov," Tumawa pa ito. "Ikaw naman masyadong malisyosa.
Pasensya na, miss, ha."
Iniwan ako ng dalawa ng hindi nakakapagsalita. Napanganga ako. What just happened?
Bumaling ang tingin ko sa harap kung nasaan ang aking mag-ama. Nakakarga na si
Trojan kay Cadence na may cast ang isang braso. Tumaas ang kilay ko nang makita ang
cast nito. Naaksidente ba ang lalaki?
"Parang question and answer tayo," sabi ng isang lalaki sa anak ko. "Anak ka ba ni
Gov? Bakit ang taba mo?"
Tumango naman ang anak ko habang hindi humihiwalay sa ama na may kausap na ibang
tao. The media were diverted to my son. Kumunot ang noo ko nang marinig ang tanong.
"Kaya kawawa naman po ikaw kapag nagkaroon ng emergency, wala ka pong fats na
gagamitin." patungkol niya sa lalaking nagtanong. Napa-face palm naman ako.
May parte sa aking nahihiyang tumuloy sa paglapit sa mag-ama ko. Ang daming matang
nakamasid. Maraming tao sa covered court na nagsisilbing evacuation center ng
maraming pamilya.
Sa kabilang gilid ay mayroong mga taong nagluluto ng pantawid gutom. At marami rin
ang gumagawa ng pagre-repack ng mga delata at instant noodles. Meron ding mga
sabon, hygiene kits at mga damit. Mukhang maayos naman ang pamamalakad ni Cadence.
Napatalon ako sa gulat ng may humawak sa aking kamay. Pinagsalikop nito ang aming
mga daliri. Nag-init ang aking pisngi nang mapagtanto ang ginawa ni Cadence. Wala
na sa mga bisig nito ang anak ko.
I looked around to see him playing with his new found friends. Pinagtutuunan din
ito ng camera ng mga reporters na mukhang aliw na aliw sa anak ko. May dalang toys
si Trojan na pinapahiram niya sa mga batang nasa evacuation.
Kinagat ko ang aking labi ng may buhatin ang aking anak na batang lalaking mas
maliit sa kanya. Tawa sila nang tawa.
"Hindi po, nanay! Kaya po ni Trojan!" Hindi rin mapigilan ang likot ng anak ko,
mangungunsumisyon pa yata ako.
Dumako ang aking paningin sa magkahugpong kamay naming dalawa. Pasimple ko iyong
kinurot, ngumisi lang ang lalaki at hindi pa rin ako binitiwan.
Inginuso ko ang cast sa kanyang braso. "Anong nangyari d'yan?" I asked him.
"I tried to help with the cleaning operations to make the rounds faster. Mas
makakapaghatid kami ng tulog sa bahagyang liblib na barangay. Napuruhan ng bumagsak
na kahoy," paliwanag nitong parang wala lang ang nangyari. "Sorry, hindi ako
nakatawag sa inyo. Nawalan ng signal, hanggang ngayon inaayos pa ang cell sites at
wala pa ring kuryente."
Hinapit niya ang baywang ko papalapit sa kanya upang yakapin, sakto naman ang pag-
flash ng isang camera. Nakahilig ang aking mukha sa dibdib ni Cadence.
"Married." Cadence answered. Bahagyang itinaas niya ang kamay na may singsing.
"That escalated quickly, pwede mo po ba kaming kwentuhan ng mga pangyayari? How
many episodes did we miss? Parang noong campaign period lamang ay sinabi mong
single ka pa."
Humalakhak si Cadence. "I said I was single, but waiting for someone to come home
to me." sagot nito sa tanong ng reporter. "No, waiting is a different thing, I
searched for them and lucky enough to found the love of my life."
Mas lalong nag-init ang aking pisngi sa sinabi ni Cadence. I was in a hot seat with
the questions fired at him. Parang gusto kong lumubog, sigurado naman ako bukas,
nasa tabloid na ang mga pahayag ni Cadence at pinagpipiyestahan na naman sa
facebook at twitter. Wala naman akong accounts sa mga ganoong social media.
Tumingin sa akin si Cadence, nagtama ang aming paningin. "Do you like to have a
pic?" tanong nito. "It's okay if you don't want it."
"O-okay lang," Nakakahiya naman kung tatanggihan ang reporter, baka makasama iyon
sa image ni Cadence. Tinawag ni Cadence ang pawisang si Trojan para sa picture.
Binuhat ko naman ang malikot na bata para hindi na mahirapan si Cadence, pero
nagsumksik ito sa ama. Naupo siya sa balikat ng kanyang tatay. Inalalayan ko naman
ito.
"One, two, three, smile!" The guy said, the camera flashed. I smiled shyly. "Oh,
wacky naman, one, two, three!" Confused akong tumingin sa camera, sumunod ang mata
ko kay Cadence na nakatingin din sa gawi ko. Another click of the camera was heard.
"Thank you, Gov." Nakipagkamay ang lalaki kay Cadence pati na rin sa akin at kay
Trojan. Ibinaba naman ni Cadence ang anak kong nakasampa sa kanuyang balikat.
Pawisan pa rin ito.
"Nanay, lalaro po uli ako! Dami na po ako friends." muling paalam niya sa akin.
Hindi naman ako maka-hindi. Pinaalalahan ko lang itong mag-ingat at 'wag magbuhat
ng mga batang mas maliliit sa kanya. Baka maibagsak, kung ano pang mangyari sa mga
ito.
"Nanay, hindi po ba pwede na gumawa na lang po ng bagong bata? Gawa na lang po kayo
ng bagong bata kapalit po kapag nakabagsak ako ng bata," seryoso siya sa suhestiyon
niyang iyon. His eyes were curios and needing some answers.
Nasapo ko ang aking noo at napapailing. Umakyat sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa
katawan sa sinabing iyon ni Trojan.
"Anak, it doesn't work that way. Buhay iyon ng baby. Mahalaga ang buhay ng kahit
sino. Kapag nawala ang isa, hindi na ito mapapalitan ng panibagong tao.
Naiintindihan mo ba?"
Tumango siya. "Opo, nanay. Sorry po, akala ko po pwede ang ganoon po." Napakamot
siya sa ulo.
"Ingat sa pag-play, ha. 'Wag ka munang kumain ng kung ano - ano, okay? Mahirap
lumuwas ng Manila para lang mag-CR." Trojan nodded again, he gave me wet kisses on
the cheeks.
Nang muli akong tumingin kay Cadence, may kausap pa itong mga kasamahan sa trabaho.
Hindi ko na muna aabalahin ang lalaki. Lumibot ang aking paningin sa paligid. I
spotted the ladies repacking the goods.
Lumapit ako sa mga ito para tumulong. Mukhang mga volunteers ito. I want to help in
my own way.
"Anim pong canned goods, anim pong instant noodles, kalahating dosena pong kape.
Tapos ibubukod po itong mga sabon, toothpaste, shampoo sa iba pong plastic para
hindi po humalo sa mga pagkain. Kasama po niyan iyong kalahating sako ng bigas at
isang gallon ng tubig." I nodded at her.
"Kung mayroon din pong baby o senior citizen sa isang bahay, may gatas po para sa
kanila. Pangatlong araw na po naming nagre-repack. Mabuti na lang po may maayos na
pondo, saka dumadagsa din po ang tulong. Dito po ang instant, sa kabila po ang mga
sariwang gulay." May humaplos sa puso ko sa kaalamang maayos na nagagampanan ni
Cadence ang tungkulin.
Sinunod ko ang sinabi sa akin ng babae. Panaka - naka akong sumisilip kung saan na
nakarating ang anak ko. Ilang supot din ang nalagyan ko ng necessities para sa mga
kababayang nangangailangan.
"Ma'am, kayo nga po ang asawa ni Gov, 'no?" Nakangisi sa akin ang isang babaeng
mukhang teenager. Nagre-repack din ito ng mga pangangailangan.
She shook her head. Mukha itong kinikilig. "Kanina pa po kasi tumitingin sa inyo si
Gov, hindi niyo lang po napapansin kasi busy kayo sa repacking." The girl replied.
Natutop naman ang bibig ko at hindi ko alam ang isasagot sa babae. Pasimple akong
sumulyap sa gawi ni Cadence. To my surprise, he was really looking at my direction.
Sinamaan ko ito ng tingin, kumindat lang ang loko.
"Crush ko siya, ma'am, sorry agad. Pakiramdam ko talaga, isa siya sa genuine na
politiko ngayong araw. And we need more of him."
Cadence's father had his time to be the governor of Quezon. Cadence was a governor
son, and Trojan is the son of the current governor. Samantalang ang kanyang lolohin
din ay gobernador.
Hindi na ako magtataka kung balang araw, iyon din ang tatahaking landas ng anak ko.
I don't like being involved in politics. Madumi ang politika, pero kung sakaling
kagustuhan talaga niya ang maging public servant, hindi ko naman tututulan ang
aking anak.
"Hindi niyo po ba alam kung sinong nakalaban niya noong nakaraang halalan?" tanong
ng babae.
Napakunot naman ang aking noo. Hindi ko maintindihan ang tanong niyang iyon. "Wala
po siyang kaalyado, solo lang po siyang tumakbo. Tumunog lang po ang kanyang
pangalan nang panahon ng kampanya, hindi siya sumabak sa pagka-mayor, diretso agad
sa pagka-gobernador. Sabi ng iba, suntok daw po sa buwan. Pero maganda po ang mga
plataporma ni Gov. And he managed to win the election against his very own father."
Kulang na lang malaglag ang panga ko sa sinabi ng babae. Tumakbo siya kalaban ang
kanyang ama? And he won against his father? Ibig sabihin, nahati ang suporta ng mga
Ponce? Ang daming tanong na bumabalot sa aking isipan. Why did he do that? Why
would he run against his father?
"Sige po, ma'am. Balik na po ako sa pwesto ko kanina. Nice to meet you po,
nakakatuwa po na ang simple niyo po, hindi kagaya ng ibang asawa ng politicians."
Nginitian ako ng babae. "Tracy po pala."
Inilahad niya ang kanyang kamay. I shook her hand. "Sai Everly. Nice to meet you
rin." Tumango ang babae at bumalik sa station ng mga gulayin.
Ipinagpatuloy ko ang gawain pero hindi maialis sa aking isipan ang nalaman ko sa
babae. I don't know what to think about that information. Tinapos ko na lang ang
pagre-repack ng goodies.
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng mayroong umupo sa tabi ko. May dalang inumin
si Cadence at sandwich.
"Hindi ka pa pagod?" bulong niya sa aking may tainga. Sinubo niya sa akin ang
sandwich. Kumagat naman ako pero sinamaan ko siya ng tingin.
Umirap naman ako sa ere. Bahagya akong napanatag ng bigyan din ng merienda ang mga
kasamahan ko sa pagre-repack. Nakakahiya naman kung ako lang ang kakain ng
merienda, ang gobernador pa ang nagpapakain. I bit my lip.
Naalala ko ang sinabi ng batang nakausap ko kanina. It was my chance to ask him the
question.
"Totoo bang naging kalaban mo ang iyong ama sa pagka-gobernador?" tanong ko rito.
Nabitin naman ang kanyang ngisi sa ere.
"Bakit?"
Tinitigan niya ako, inalis niya ang aking buhok na tumatakip sa aking mukha. "Wala
lang, I need some thrill." He answered blandly.
"Liar," Inirapan ko siya. Kilalang - kilala ko pa rin siya. "Alam kong hindi ka
nagsasabi ng totoo."
He sighed. "You'll know soon enough, Everly. I promise." Hinalikan niya ang aking
noo.
Hindi ko pinilit si Cadence na magsabi, alam kong sasabihin niya rin sa akin ang
rason kapag handa na siya. Hihintayin ko na lang ang araw na iyon. We ate merienda.
Na mayroon para sa lahat.
Pati ang anak ko ay kumain din, sinabi ko lang na magdahan - dahan siya sa pagkain
baka pagsaktan na naman ito ng tiyan at gusto na namang umuwi.
Okay naman akong matulog sa kahit saan, even in the covered court. Dumaan naman ako
sa mga panahong walang bubong na pwedeng silungan. May tents naman na nakalaan sa
bawat pamilya.
We are entertained as guests by the family. Tuwang - tuwa ang mga ito sa anak ko.
Pinagbibigyan nila anuman ang hiling nito. Nagpasalamat ako sa pagtanggap nila sa
amin.
"Nakauwi na pala ang batang trending sa epbi at birdie!" bati ni Emma nang
makarating kami nina Kuya Noel sa bahay.
"Twitter," Umirap siya. "Gumawa ka kasi ng account sa social media, saka palitan mo
na iyang phone mo. Ang yaman - yaman ng asawa."
I shook my head. "Kaya nga asawa ang mayaman, hindi ako. Anong meron sa social
media?" Bumaba naman si Trojan sa kanya para salubungin ang dalawang kasambahay.
"Edi trending itong si taba, maraming natuwa. Maraming puna rin. Baka kako, hindi
raw healthy. Aba't sinupalpal ko nga." may tonong inis sa huling sinabi niya.
Napailing naman ako. "Pati ba naman sa social media, nakikipag-away ka? Hayaan mo
na ang mga taong walang magawa sa buhay kung hindi pumuna ng buhay ng iba. They are
not worth your time. We know our truth." I told her.
"Ang daming nagtampo 'kuno' sa asawa mo, hindi na raw nila susuportahan sa susunod
na election sa paglilihim daw sa inyo ni taba." This is why I never attempted to be
on socials. Ayokong makisangkot sa mga usapin, ayoko ng stress.
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. "Even artists don't owe anyone anything, it's
their privacy. Maski si Cadence. At dahil lang doon, hindi na nila susuportahan?
Nasusukat ba ang pagiging efficient government employee niya sa ganoon? Mas
matimbang ba iyon kaysa sa mga proyekto niya? Napaka-sarado ng utak." Iritado akong
umirap sa ere.
"Kalmahan natin, first lady na first lady ang dating, ah." Rinig ko ang tono ng
pang-aalaska nito. Doon ko lang na-realize ang sinabi ko. Kinagat ko ang aking
labi. I rolled my eyes at Emma.
***
Natuloy din ang family trip naming mag-anak ng kasama ako nang maisayos lahat ni
Cadence ang mga nasalanta ng bagyo. Ilang beses na pamimilit ni Cadence at ng aking
anak, pumayag din ako.
Binigyan niya ng sustenance ang mga pamilyang inanod ang lahat ng gamit at bahay
kasama ng baha. Some wanted to have relocation, tinulungan niyang maghanap ang mga
ito ng malilipatan. Binigyan niya ng pananim ang mga magsasakang namatay ang mga
pananim, binigyan din niya ito ng bayad sa mga naluging ani.
At kahit balik na sa dati ang lahat, patuloy pa rin ang pamimigay ng relief goods.
Hindi lang isang bayan kung hindi ang lahat ng dinaanan ng bagyo na nasasakupan
niya.
Isa rin sa mga dahilan ng pagpayag ko, wala nang naiwang trabahong pending si
Cadence para sa mga taong napinsala ng hagupit ng bagyong Ruel. It would be
insensitive to take a vacation while the land he governs suffered.
The first day in Hong Kong was a disaster. Nahilo ako sa pagsakay ng eroplano. Iyon
ang unang beses kong nakasakay ng eroplano at nakalabas ng bansa. Buong maghapon
kaming nanatili sa hotel. Wala namang reklamo iyong dalawa. Inalagaan lang nila
ako.
Tumango ang aking anak na nakasuot ng costume na garfield. Onesie iyon na may hood
at buntot ng pusa. Trojan looks so cute. Plano ni Cadence na terno ang suot naming
dalawa, mayroon kaming headband na kakulay ng suot ng aking anak.
"Opo, tatay!" sumayaw - sayaw pa ito sa kanyang costume na suot. Tawa ako nang
tawa.
Trojan loved the carousel. He was so happy riding the horse with a classic disney
music as it paraded up and down in a manner of counter-clockwise. Tuwang - tuwa ang
anak ko. Magkakatabi kaming nakasakay sa kabayo, habang inaalalayan siya ni
Cadence. The smile on his face lit up the mood.
Sumunod naming pinuntahan ang Adventureland. There was a voyage in the river. We
rode in the boathouse with other tourists. Maraming hayop ang sumalubong sa amin.
Manghang - mangha si Trojan sa mga nakita. May mga elepante, gorilla, hippos pati
mga giant spiders. Na-encounter din namin ang headhunters at ang Canyon of the
Gods.
Pigil na pigil siya ni Cadence, baka bigla na lang tumaob ang sinasakyan namin
dahil sa anak ko. Kung saan - saan tumitingin ang kanyang mata.
After the adventure rides, we visited the castle of magical dreams. Tribute ito sa
thirteen inspiring stories ng prinsesa at reyna ng Disney. Pinanood din namin ang
parade ng mg Disney princesses and princes. Nag-picture kaming tatlo sa wild west
photo fun sa isang empty cell ng isang lumang jail.
"Nanay, tatay, ang saya - saya po ni Trojan! The best po itong araw na ito! Thank
you po! Love na love ko po kayo!" Hinalikan niya kaming pareho sa pisngi.
Wala na ang cast ni Cadence kaya siya na mismo ang may buhat sa anak namin.
Hinawakan niya ang aking kamay halos sa buong durasyon ng paglilibot namin sa buong
Disneyland.
There was no talk between us. Mas nakatuon ang atensyon namin kay Trojan, malikot
pa naman ito, baka bigla na lang mawala. Pero hindi niya binitiwan ang aking kamay,
noong nag-lunch lang kaming tatlo.
Tulog si Trojan pagbalik namin ng hotel. Ibinaba siya ni Cadence sa kama, minasahe
ko naman ang kanyang binti.
"Is it okay to spend our dinner here? I booked a resto, mukhang hindi naman natin
maisasama si Miracle, himbing na himbing na." Inginuso pa niya ang nakahigang anak
namin. Tulog mantika pa naman ito.
I nodded. Wala namang problema sa akin, pwede naman ako kahit saan kumain. Sayang
lang iyong na-book niyang restaurant. Tumawag si Cadence sa reception area para
magpadala ng pagkain sa inookupa naming presidential suite.
He set up the balcony with simple decorations. It was a candlelit dinner. Ang
daming pagkain ang dumating. Hindi yata mawawala ang festivity kapag si Cadence ang
kasama.
"Everly, I asked you. I know, Trojan was so happy. But what about you?" Uminom ako
ng juice---oh, it's wine. Nabigla ako sa tanong niyang iyon.
Muli akong tumango. "Oo naman, masaya ako. Parang bumalik din ako sa pagkabata. I
haven't experienced this growing up." Ni hindi ko alam kung kailan ako namulat na
may place palang ganito.
"At mas masaya ako, Trojan was able to experience this trip. Alam mo ba kung anong
natutunan ko? Kapag nanay na, mas uunahin at uunahin mo ang kapakanan ng anak mo.
Ganoon ako kay Trojan, knowing he was happy, I'm happy, too. It was refreshing that
someone asked me if I were happy. Iisa pa rin ang sagot ko. Masaya ako." Nginitian
ko siya, iyong totoong ngiti. Walang pang-aasar o pagiging sarkastiko.
I was still questioning his actions before, but I want to enjoy this night with him
in the balcony under the moonlight.
"Nanay and tatay, sitting on the tree, K-I-S-S-I-N-G." Sumunod ang malutong nitong
paghagikhik. Agad akong lumayo kay Cadence.
Mabilis niyang inilapit ang kanyang mukha para dampian ang aking labi ng isang
masuyong halik.
***
NO SPOILERS.
Chi xx
Kabanata 51
Masamang Panaginip
The vacation didn't last long but we had a lot of fun. Agad din kaming umuwi ng
Pilipinas, pare - pareho kaming may pasok na tatlo. Ayokong um-absent naman ang
anak ko sa school niya. Cadence is needed in the province. At kailangan ako sa
restaurant para sa trabaho ko.
It had been a little peaceful for the both of us. Pinagbigyan ko na rin ang
kahilingan niyang sabay kami sa pagkain ng breakfast at dinner. Cadence was trying
to make up for those times he wasn't around. Kahit gaano ito ka-busy sa trabaho, he
would make time for my son.
"Iyong kuwelyo mo hindi maayos, noong pumasok ka ba sa C.R. hindi mo man lang
tiningnan ang polo mo?" I asked Cadence.
Sinasabi ko na nga ba, minsan pakiramdam ko dalawa ang pinapalaki ko. Si Trojan na
makulit at iyong pinagmanahan niya. Pati si Cadence, daig pa ang bata kung umasta.
Mas lalong nadagdagan ang konsumisyon ko sa buhay.
Naupo naman si Cadence sa gilid ng kama. Lumapit ako sa kanya para ayusin ang
kuwelyo ng kanyang polo. "Ang tanda na, hindi pa marunong." Umirap ako sa ere.
Humalakhak lang ito at hinapit ang aking beywang.
Hangga't wala sigurong closure ang nakaraan namin, may parte pa rin sa aking ilag.
May parte pa rin ang sarado at nahihirapang magbukas ng damdamin.
"Nanay, tapos na po si Trojan maligo! Bakit po hindi bumula ang shampoo, nanay?
Pero mabango naman po!" May tapis ng tuwalya ang pang-ibaba ni Trojan, samantalang
basang - basa pa iyong ulo niya. It was dripping to his chest and shoulders.
Humiwalay naman ako kay Cadence para salubungin ang anak ko ng tuwalya. Pinunasan
ko muna ito ng towel para hindi gaanong basa ang kanyang katawan. I kissed his
head. Nangunot ang noo ko.
Mabango pero...
Hinawakan naman niya ang aking kamay, tumungo kami ng C.R. kung saan siya galing.
Itinuro niya ang botelya niyang ginawang shampoo, napa-facepalm naman ako.
Hindi ko pinansin ang lalaki, bumaling ako sa anak ko. "Anak, hindi naman ito
shampoo. Feminine wash ito, para kay nanay ito, hindi para sa'yo."
Napakamot siya sa ulo. Pigil na pigil ang tawa ni Cadence. "Ano po iyong fenimine
wash, nanay? Ubos na po kasi iyong shampoo, kaya iyan na lang po ginamit ko. Hindi
naman po bumula, pero mabango po siya." paliwanag ni Trojan.
Kinagat ko ang labi ko. Cadence walked towards us. "Do you know parts of the body,
Miracle?" tanong ng kanyang ama.
"Maliit po iyong sa akin, tatay. Penis po ang tawag, tinuro po siya sa amin sa
school." Nag-init ang mukha ko. Tamang si Cadence ang magpaliwanag sa anak namin ng
mga ganoong bagay.
"Hayaan mo, maliit ka pa, lalaki din iyan," Cadence smirked. Pasimple ko siyang
binatukan. May ganoon pa siyang komento. "Iyong akala mo shampoo na ginamit mo
kanina, para iyon sa private part ng mga babae."
Trojan's eyes widened. He looked at me as if confirming what his father had told
him. Tumango naman ako.
"It's okay, anak. Sa susunod, 'wag mo nang gagamitin, okay? Tawagin mo si nanay
kapag walang shampoo," sinabi ko.
Tatawa - tawang binuhat ni Cadence ang anak namin palabas ng C.R. Hinila rin niya
ang kamay ko.
Ngayong araw namin planong bumisita sa mga madre para dalhin ang magandang balita.
Ilang linggo ng nasa akin ang mga papeles at titulo ng lupa na pinagtatayuan ng
Shelter, marami lang ang ganap nitong nakaraan kaya hindi agad kami nakabisita sa
kanila.
Kasama namin si Emma sa pagdalaw, sila ni Trojan ang magkatabi sa backseat. Ang
dami naming pinamili para sa mga bata pati na rin sa mga sisters. Dala rin ni
Trojan ang kanyang mga laruan para ipamigay sa ampunan.
Pinagbuksan ako ni Cadence ng sasakyan. Siya naman ang bumitbit kay Trojan, dala
rin niya ang ilang bags na may lamang pasalubong sa mga bata.
Agad kong natanaw si Sister Alex, kinawayan niya kami at dali - daling pinagbuksan
ng gate. Pinapasok niya kami sa loob.
Nagmano naman si Trojan sa madre at yumakap siya rito. Matapos nitong gawin,
tumakbo na ito papasok para makipaglaro sa mga bata ng Shelter. Sumunod naman si
Emma rito na dala ang ilang paper bags.
Lumabas si Sister Lily para salubungin kami. Nagmano ako sa mga madre. Ganoon din
si Cadence.
Huminga naman ako nang malalim. "Cadence, si Sister Lily at Sister Alex, sila ang
mga madre ng Shelter," pakilala ko sa mga madre na may magiliw namang ngiti. "Si
Cadence po, asawa ko at tatay ni Trojan. Biological father."
Hindi nawala ang ngiti ng mga ito sa labi. "Ikinagagalak kong makilala ka,
Cadence."
"Nice to meet you both, Sister Lily and Sister Alex. Nagpapasalamat po ako sa
pagkupkop ninyo sa mag-ina ko ng mga panahong wala ho ako sa tabi nilang dalawa."
Hindi ko inaasahang sasabihin iyon ni Cadence.
"Hindi kita huhusgahan, wala rin naman akong karapatan. I don't know your story.
But your family had been through a lot. Lalo na si Sai. And I admire her courage
and braveness to surpass all the struggles just to give the best possible life for
Trojan. Hindi na mababalikan ang kahapon, pero nabigyan ka ng pagkakataong bumawi
at itama ang lahat, 'wag mo ng sayangin." Sister Lily said the words firmly.
Tinapik niya ang balikat ni Cadence. Tumango naman siya sa binitiwang kataga ng
madre. I could see Cadence's tensed shoulders. Bahagya ko siyang kinurot.
The nuns are kind. Sometimes, they are strict and frank, but they are one of the
best people out there. Inalagaan nila kami ng anak ko ng walang halong panghuhusga
sa mata kahit dyesisais lang ako ng ipagbuntis ang aking anak.
Pinatuloy nila kami, sinabi ko ang dahilan ng pagpunta. Sa office kami dinala ng
dalawang madre.
"Mayroon po akong surpresa sa iyon, Sister Lily." I gave her the envelope that
contains the papers of the Shelter.
Tiningnan niya ito pero tinanggap naman. Dahan - dahan niyang binuksan ang envelope
na ibinigay ko.
Her eyes widened reading the papers. Pinakita niya iyon kay Sister Alex na halos
mangiyak - ngiyak nang mabasa ang nakasulat sa mga papel. Seeing their reaction, my
heart swelled with happiness.
"Sai!" Lumapit sa akin si Sister Lily para yakapin ako. "Hindi mo alam kung gaano
mo kami napasaya rito. Hindi na kailangang lumipat ng mga bata. Pinagtagpo talaga
ang ating landas." Pinahid ko ang luha sa aking mata.
Maybe, marrying Cadence wasn't really that bad. Kasama ko na ang anak ko, there are
no court hearings, masaya ang anak ko. Nagamit ko rin ito bilang pambawi sa
Shelter. I gambled and won.
But for how long? How long am I gonna stay in the winning side in this piece of
game called life?
It's a charity event organized by the wives of other politicians. Pormal ang event,
kinakabahan ako sa mga ganoong pagtitipon.
"Yes, Everly. Can we go, please?" Lumuhod siya sa harapan ko, nakaupo ako sa side
ng kama. "It's the first time I'm going with you," He sighed. "Pero kung ayaw mo
naman, hindi naman kita pipilitin."
"Wala akong alam sa party ng mayayaman," Isa iyon sa mga rason kung bakit ayokong
pumunta, I don't belong in that niche.
"Just be yourself---"
Hindi ko pinatapos ang sinabi ni Cadence, agad akong sumimangot sa kanya. "Anong be
myself? Overused na iyang phrase na 'yan! If I want to be myself in that party, I
would wear jeans and shirt, dresses that are comfortable to me. Would I be
accepted? 'Di ba, hindi naman kasi may dress code na sinusunod? I would be the
laughingstock of that event."
Cadence pouted. "Ang talino talaga ng asawa ko. I mean, in how you present
yourself, that frank attitude... that best expression of annoyance... I want them
to know you for who you are," Tumabi siya sa akin at hinalikan ang aking noo.
"Please, Everly."
"Hindi naman tayo magtatagal kung gusto mo. Emma can take care of him. Or Manang
Asuncion and Ate Cecil, they are fond of our child," pangungumbinse pa ni Cadence.
"Yes, thank you, Everly!" Nabigla ako ng dampian niya ng masuyong halik ang labi
ko.
"Sorry," Hinila niya ako payakap. "Minsan hindi ko mapigilan ang sarili ko, miss na
miss kita."
Sakto naman ang event kung kailan wala akong trabaho. Cadence hired a gown
designer. Pwede naman akong bumili sa mall o sa mga boutique. I just chose to wear
a floral slate glittered long dress. It fitted me well.
He also hired a team for make up and accessories. Hinayaan nila ang mahabang buhok
ko na lumugay. Simpleng make-up lang ang nilagay nila sa aking mukha.
Nakamasid lang sa akin si Trojan. He was asking the team if it it won't hurt me.
Bakit daw nagda-drawing sa aking mukha? Nakabantay siya sa bawat ginagawa nila.
Mukhang balak nitong magsumbong sa ama kung sakali.
Natawa naman ako. Gusto pa yatang i-take out ko ang pagkain sa event. Inihabilin
namin si Trojan sa tita ninang niya. Manong Noel drove us to the venue. The charity
event took place in a hotel.
Fundraising would be donated to the charity of the abused and also to raise
awareness to the audience. Malalaking pangalan sa lipunan ang dumalo sa pagtitipon.
Maraming politiko at asawa ng politicians ang nasa event.
Cadence's hand was on my waist, guiding me to the crowd of people. Ang daming tao.
Dumiretso kami sa organizer.
"Gov," Humalik sa pisngi ng asawa ko ang babae. "Is this your wife? Hi, it's nice
to finally meet you. I'm Sasha Alcantara." Ibeneso niya rin ako. Siya yata ang isa
sa mga organizer nitong event.
She just smiled sweetly. "How about you, Sai? How has been your stay so far? Do you
have a particular charity close to heart?" kaswal nitong tanong.
"Um, I love kids... I always have. Hindi naman charity, pero medyo madalas lang
akong mag-volunteer, ganoon." Ako lang yata ang asawa ng gobernador na hindi active
pagdating sa mga ganitong event at gawain.
"That's good. Alam mo kapag may time ka, you can visit us. Let's hangout."
Nilibot pa namin ang ibang table, nasanay na rin ako sa pagngiti sa mga ito at
kaswal na pag-uusap. Nagsimula na ang pa-auction ng iba't ibang artworks, may
paintings, crochets, tapestry art, woodcraft, pottery, dresses na gawa ng mga nasa
foundation. I was amazed with their works.
Hindi naman ito gaya ng inaasahan ko. It was nice to be part of the event, lalo
na't nakatulong sa mga biktima ng domestic abuse at iba pang uri ng pang-aabuso.
Some rich people aren't that pretentious.
Sumakit lang ang aking binti at paa sa ilang oras na pagtayo at paglakad sa
bulwagan.
Inaya ko siya sa labas ng venue. It was grassy outside. S'yempre, iyong pangmayaman
pa ring damo. Naupo ako sa bench. Bahagya kong inililis ang suot kong gown.
Inilabas ko ang aking paang may suot na heels.
Tinanggal ko ang strap ng suot kong heels. Namumula na ang bukung-bukong ko. Sa
totoo lang masakit na iyon. Lumuhod si Cadence para tingnan ang mapupulang bahagi
ng aking paa.
May konting kirot akong naramdaman, tumango ako. Minasahe ni Cadence ang parteng
iyon ng aking paa.
"Sa susunod, wear something comfortable, lalo na sa feet." Magkasunod niyang ginawa
ang pagmasahe sa magkabila kong paa.
"Ang d'yahe naman kung ikaw lang ang matangkad sa ating dalawa."
He smirked. "Well, you should accept that fact, Everly. Don't worry, ang anak naman
natin ang babawi sa height na iyan." pang-aasar pa lalo nito.
Inirapan ko lang siya. "Imagine mo si Trojan, nagmana ang height sa akin, baka
isumpa ako ng anak natin."
Kay Cadence lahat nagmana ang features nito, walang maitatangging anak nga niya si
Trojan. Pero 'wag naman sanang magman ang height nito sa akin.
Cadence shook his head. Pulam - pula ang mukha nito sa pagtawa. He almost fell to
the ground laughing.
"He's cute, nevertheless," He bit his lip. "Baka lang mahirapang pumorma sa mga
babae." Muli kong sinapak si Cadence.
I nodded. Kahit papano, nabawasan naman ang sakit. Pero may kirot pa rin. Hindi ko
muna sinuot ang heels ko para hindi madagdagan.
Tumayo si Cadence, mukha na naman siyang kapre sa pagtayo niyang iyon. Nakaupo pa
ako sa bench. Napailing naman ako.
"Stay here, magpapaalam na akong uuwi na tayo, so you could rest," Hinalikan niya
ang aking ulo. "Sorry, napagod pa kita."
Muli siyang lumakad papasok ng venue. Sinundan ko lang ng tingin si Cadence. Ako
lang naman ang tao sa mini garden na grassy. Ilang minuto pa ang hinintay ko
hanggang sa makarinig ako ng kaluskos. Sumunod kong narinig ang noises na may
kababalaghang ginagawa.
Akala yata ng mga ito, walang ibang tao sa lugar. Are they gonna do the deed here?
Parang gusto kong manguros at basbasan ang kanilang mga kaluluwa. Bago pa ako
makarinig ng mas malaswa, tinungo ko ang venue upang hanapin si Cadence.
I was lucky enough to see him. Patungo na ito sa direksyon ko. Kumaway ako, pero
hindi nito iyon nakita ng mayroong humarang na babae. She is familiar. Mula ulo
hanggang paa.
My blood easily boiled. It was Oleya. Cadence's mother. Ang babaeng nagtaboy sa
akin sa unit. Dahil doon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. I met the grim of
hopelessness. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit.
Oleya left him with tears. Umiiyak ang babae. Agad naman akong umalis sa may pinto.
Ayokong makita niyang nasaksihan ko ang pag-uusap ng dalawa.
Mukhang may pinag-awayan ang mag-ina. Kung sabagay, sa anim na taon, ano bang alam
ko? Ni hindi nga pumasok sa aking kukote na magiging gobernador si Cadence, lalo pa
ang labanan ang kanyang ama sa politika.
"Here you are," Humarap ako kay Cadence. "Did you wear the heels?" Muli niya akong
pinaupo sa bench. Siya na ang naglilis ng aking gown para tanggalin ang suot kong
heels.
Ngumiti siya. Tinanggal niya ang black shoes na suot. "You wear that, I know, it's
too big for you, but much comfortable than your heels."
"It's okay, Cadence. Kaya ko pa namang tiisin, saka hanggang parking lot lang
naman." sinabi ko.
Umiling ang lalaki. Hindi niya ako pinakinggan, isinuot niya sa akin ang kanyang
sapatos. It was definitely big for me. Pinatayo niya ako.
"Let's go," Siya na mismo ang nagdala ng heels ko. Dahan - dahan lang ang bawat
paghakbang namin, may kalakihan ang sapatos kong suot. Todo alalay sa akin si
Cadence.
Itinataas niya ang aking gown na suot hanggang makarating kaming dalawa sa parking
lot. Tapak lang siya. Mukhang dumating na si kuya Noel na susundo sa amin.
"Thank you," Pinagbuksan niya ako ng kotse.
"No, thank you, Everly." I went inside the car. "Thank you for being with me."
I stayed silent. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking
kamay, hindi niya ito binitiwan hanggang makarating kaming dalawa sa destinasyon.
***
Napakamot siya sa ulo at umiling. "Hindi pa po, pero sabi niyo po, lahat po ng
bagay natutunan po."
He had been bugging me about getting a dog. Napanood niya iyong Secret Life of
Pets, kaya naman humihiling ito ng alagang aso. I was testing him. Baka naman
ngayon niya lang gusto, bukas pagsasawaan din niya. Maigi na iyong sigurado.
"Nanay, sige na po, mangangaroling na po ako sa iyo," Lumabi pa ito. Ngumiti lang
ako sa kanya. "Play na po tayo! Gusto ko na pong mag-play!"
"Wait lang si nanay, okay? Tinatapos ko lang itong maruya, 'di ba paborito mo ito?"
Paborito naman lahat ni Trojan, basta pagkain. "Then, we'll play."
It's been two days since he want a puppy. Isang hiling lang naman niya sa ama,
ibibigay agad noon, pero kailangan niya muna akong mapa-oo.
Puppies are also delicate like a child. Kaya kung gusto ni Trojan mag-alaga ng dog,
hindi lang dapat sa una niya gusto. Baka magsawa ang isang iyon. Pero sa nakikita
ko naman, mukhang pursigido talaga ang anak ko.
Hindi pa ako sigurado kung bibili ba kami ng mayroong breed o mag-aadopt, pero mas
gusto kong mag-adopt. It's actually a good idea to have a puppy in the house.
Wala namang kalaro si Trojan, minsan may ginagawa ang mga tao sa bahay kaya minsan
solo siyang naglalaro. Hindi naman madalas ang ganoon. But I want him to have a
companion. A dog is a man's bestfriend.
"Trojan, luto na ang maruya! Come here na, we'll play!" I called him.
Hindi naman sumagot ang anak ko. Pinuntahan ko ito sa kwarto, baka nakatulog na sa
paghihintay. Wala siya roon. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng bahay. Minsan
inaabot na lang ito ng antok kung saan, doon din siya natutulog.
Cadence renovated a room for him. May sarili siyang playroom. Binuksan ko ang
pinto. There's no one inside. Inayos ko ang medyo nagkalat na mga laruan niya. Toys
don't stay with him. He was sharing it with the kids in the Shelter.
Nag-isip naman ito. "Nasa may garden po ma'am kanina. Dinidiligan ang halaman ng
ganitong oras." Napatawa pa ito. I shook my head.
Dumako ako sa garden. "Trojan! Tapos na si nanay magluto, play na tayo!" Walang
sumagot sa akin. Kanina ko pa ito tinatawag, hindi ito sumasagot.
It was odd. He is the most responsive child. Kahit anuman ang gawin niya, sasagot
ito basta tinawag ko.
My heart started to panic. Lumabas ako ng bahay upang puntahan ang tapat. Nagsimula
akong kabahan.
Rinig ko ang pagtibok ng aking puso. Walang pagsidlan ang aking kaba. Baka... baka
nasa kabilang bahay siya. But he never went there alone.
"Emma, and'yan ba si Trojan?" Kinatok ko ang kanyang pinto nang sunod - sunod.
"Ha? Wala. Hindi naman iyon pupunta rito ng hindi ko susunduin o walang kasama."
May tuwalya pa ang kanyang ulo. Katatapos lang maligo ng babae.
Nagsimulang pumatak ang luha ko. "Nawawala si Trojan, Emma!" Halos ramdam ko ang
panginginig ng aking katawan.
"Hindi!" napalakas ang tono ng boses ko. "Hindi iyon marunong makipaglaro ng tagu-
taguan, mauuna agad ang halakhak niya tapos kapag tinawag siya sa pangalan, sasagot
iyon! Kaya lagi siyang taya!"
Trojan is responsible. Marunong siyang sumunod sa sinasabi ko. Alam niyang bawal
siyang lumabas ng bahay ng walang kasama, hindi pwedeng makipag-usap sa
estranghero, marunong siyang magpaalam at marunong siyang maghintay kaya kampante
ako... ni isang beses hindi niya ako sinuway.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan ang isang tao. Ilang rings palang sinagot na
niya ang tawag ko.
"N-nawawala si Trojan, Cadence." My voice was shaking hard. Nasa Quezon siya para
sa trabaho. "Cadence, nawawala si Trojan!"
***
NO SPOILERS.
Kabanata 52
The Last Piece
Gusto ko lang makita ang anak ko. Gusto ko lang siyang mayakap. Gusto kong isiping
panaginip lang ang lahat. Iyak ako nang iyak. Ilang beses na namin itong hinanap sa
buong kabahayan pero talagang wala ang anak ko.
"Ma'am Sai, ako po yata ang may kasalanan. Pinapasok ko po kasi iyong ano po..."
naiiyak nitong wika. "Iyong nanay po ni Gov," pag-amin ni Aling Asuncion. Naiiyak
na rin ito.
"Natakot po kasi ako sa kanya, ma'am... sinabi ko pong tatawagin ko po kayo... 'pag
balik ko po, wala na siya. Wala na rin yata si Trojan."
Kinagat ko ang labi ko. Hindi naamn ako galit sa mga kasamahan namin sa bahay. I
was more anxious. Pumunta ang nanay ni Cadence ng wala akong kaalam - alam. Mas
lalong tumindi ang kaba sa aking dibdib. Anong ginawa nito kay Trojan?
Inalalayan ako ni Emma patungo sa sala. Binigyan nila ako ng tubig na maiinom. My
body was still shaking. Huminga ako ng ilang ulit.
Hindi ako gumanti sa kahit anong ginawa nila sa akin. I let them have a peaceful
life. Dahil iyon din lang ang kagustuhan ko para sa amin ng anak ko.
Sobra - sobra ng pati ang anak ko ay idadamay nila. Wala silang karapatan. Trojan
is just a kid. Limang taon lang ang anak ko! Ni hindi iyon marunong mang-away.
Hindi noon ipagtatanggol ang sarili niya.
It's my last straw, if something happens to Trojan, hindi... hindi ko alam ang
gagawin ko. Baka makapatay ako ng tao. Ako na lang sana ang inapi nila, 'wag lang
ang ang walang kalaban - laban.
Agad akong tumayo para salubungin siya. Pawis na pawis ang mukha nito. Niyakap niya
ako ng mahigpit.
"What happened?"
"Si Trojan n-nawawala, iyong mama mo p-pumunta rito... baka kinuha nila si Trojan.
Cadence, kailangan kong makita ang anak ko." I was still crying. "Cadence, iyong
anak ko!"
"We'll find him, I promise," Inalalayan niya ako patungo sa sala. They are still
reviewing the footage. My son was just wandering around.
Hindi maampat ang luha ko sa pagtulo, tama nga ang sinabi ni Aling Cecil,
nagdidilig ito ng halaman kanina ng katanghaliang tapat para matuwa ako sa kanya.
He really wanted the puppy.
Pumarada ang isang sasakyan sa tapat ng bahay. Bumaba roon ang pamilyar na bulto ng
babae, kahit malabo ang kuha ng camera. Kilalang - kilala ko mula ulo hanggang paa.
Umaalingasaw ang taglay nitong baho ng pag-uugali.
Hawak ni Cadence ang kamay ko habang pinapanood namin ang screen. Nag-usap sila ni
Aling Asuncion. May hesitasyon sa matanda, pero sa huli ay pinapasok din ito ng
matanda.
I could still see Trojan outside playing with the plants. Nang makaalis si Aling
Asuncion, doon na nakita ni Oleya ang anak ko. Mukhang tinawag niya ang bata.
Siguro inakala niyang bisita ang babae, nakapasok na ito sa premises ng aming
bahay.
Hindi ko marinig ang pinag-uusapan ng dalawa pero nakatingin lang sa babae ang anak
ko. His shoulders started to shake. Trojan was crying.
Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit para sa ina ni Cadence. Sasabog na ako
ng husto. Wala na siyang ginawang matino. Dinamay pa niya ang anak ko sa galit
niya. I never understood her wrath. It was senseless.
Kung galit siya sa ninuno ko, hindi ko iyon kasalanan at mas lalong hindi kasalanan
ni Trojan na dugo't laman niya.
Everyone was busy. Cadence was deploying his men in the vicinity of the village.
Sana hindi pa nakakalayo ang anak ko.
Mababaliw ako kapag mas nanatili ako sa bahay at maghihintay lang ng balita. I want
to be there for my son, gusto ko siyang mahanap. Kakain pa siya ng maruya. Ibibigay
ko pa iyong hiling niyang puppy.
Umalis ako sa pagkakayakap niya. "Don't tell me what to do! And I don't need your
permission! Anak ko iyong nawawala. At kasalanan iyon ng bruha mong ina! Hindi ako
matatahimik ng andito lang at walang ginagawa!" Halos hindi na ako makahinga.
He sighed. "Fine, let me accompany you. I can't let you be alone. Let's go." Hindi
na ako nakipagtalo kay Cadence. Sumama ako sa kanya.
Sumakay kami ng kotse. Tumungo kami sa direksyon kung saan huling nakita ang anak
ko sa direksyon kung saan siya papunta. My eyes were looking outside for him. But
there was no sign of my boy.
Kailangan kong kumalma ngayon, I need to be sane for the sake of my son. Tumigil
kami sa isang parke.
Trojan would love this park. Nagba-baka sakali akong dito siya napadpad. Ramdam ko
na naman ang pagtulo ng luha ko. Bumaba ako ng sasakyan, sumunod naman si Cadence.
Tatahan lang ang aking puso kapag tuluyan ko ng nakita ang anak ko.
"Miracle, baby, tatay and nanay is here. The coast is clear, anak. It is already
safe. Andito na si tatay, sobrang miss na miss ka na ni nanay." sigaw ni Cadence sa
walang katao - taong parke. Bahagyang mainit pa ang panahon.
Pinahid ko ang aking luha, I looked around. Naghiwalay kami ni Cadence para suyurin
ang buong lugar. May asong lumapit sa tayo ko. Mukhang napabayaang aso na iyon. He
reminds me of my son. Trojan want a dog.
Sinundan ko ng tingin ang aso tumakbo ito palayo sa akin. Sumilong siya sa ilalim
ng slide. I followed the dog, my gut feeling tells me to. A chubby hand pats the
dog's head. Mas lalong bumilis ang paglakad ko sa gawing iyon ng playground.
"Trojan!"
Tumingin ito sa akin, agad na nalaglag ang luha sa kanyang mata. "Andito na si
nanay."
"Bakit ka naman umalis ng walang paalam kay nanay? 'Di ba sabi sa'yo ni nanay,
magpapaalam muna? Worried si nanay." Kinulong ko siya sa aking bisig para sa isang
mahigpit na yakap.
"Sabi po kasi ni lola, ayaw niya raw po sa akin, tapos ayaw daw po sa akin ni
tatay. Hindi na raw po sana ako nabuhay. Hindi raw po ako love ni tatay. Hindi niya
raw po ako matatanggap, nanay. Kawawa po si Trojan." Lumuha na naman ang kanyang
pisngi. "Sorry po, nanay. Hindi ko po alam ang gagawin. Na-sad po ako."
I wiped his tears away. Hinalik - halikan ko ang kanyang pisnging may luha. "Hindi
iyon totoo. Walang totoo sa sinabi niyang iyon. Maniwala ka kay nanay." Pinahid ko
rin ang kanyang pawis.
"Hindi po ba ako love ni tatay kaya hindi natin siya kasama dati?" His eyes were
hurt.
May lumuhod sa tabi ko. Cadence found us. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng
mukha ni Cadence. Siya na ang masuyong nagpunas ng mga mata ni Trojan.
"I have my fair share of mistakes to you and your nanay, anak. At babawiin pa iyon
ni tatay. I have said things I shouldn't have, but it was just a way to protect
you. Mahal na mahal ka ni tatay, hindi ka pa man lumalabas sa tiyan ng nanay mo,
mahal ka na ni tatay. My love for you will always be as pure as you are." May
inilabas siya sa kanyang bulsa.
"Kita mo ito, Miracle? That's you when you were in your mother's womb. Lagi ko
itong dala para kahit hindi tayo magkasama, parang kapiling ka pa rin ni tatay.
Walang minutong lumipas na hindi ko kayo inisip ng nanay mo. There are times I
wanted to give up but the thought that you're out there keeps me going. Mahal na
mahal ka ni tatay, Miracle. And no one can say otherwise." Trojan hugged his
father. Hindi ko alam na tumutulo na ang luha ko.
In his wallet, there were pictures of us together. Bahagyang gusot na ang iba pero
nakalagay pa rin iyon sa kanyang wallet. The glimpse of the pictures make me
question things even more, what happened in those six years?
"Sorry po, tatay, na-sad po si Trojan sa sinabi ni lola..." Hindi siya kumawala sa
kanyang ama. He kissed him on the cheeks and looked at me.
"Nanay, pwede po ba natin i-keep itong dog? Sinamahan niya po ako habang mag-isa po
ako rito. Akala ko po magagamit ko na po ang reserved fats ni Trojan."
Tumayo si Cadence, kandong ang anak. I caressed his face softly. "Kung sakali mang
maulit ang nangyari, kay nanay ka tumakbo, 'wag sa labas, anak. Kay nanay o kay
tatay lang. Pero hindi na ako papayag na muling mangyari ang ganito." Niyakap ko
silang pareho.
"Itatanong natin kung walang may-ari ng dog, kapag wala, you can keep the puppy." I
told him.
"Nanay, wala pong may-ari niyang dog, kung meron po, bakit po nila pababayaan?" He
has a point. Matalino talaga ang anak ko.
"Let's go to the vet, Miracle. Ipapa-groom din natin ang bagong baby mo. What would
you name your new pet?"
"Maxwell Asher po, iyong sa Secret Life of Pets po, tatay!" Tumuon ang kanyang
atensyon sa bagong alagang aso. Isinakay iyon ni Cadence sa backseat kasama ni
Trojan.
Cadence called his men to stop the search and told them we found our son. Humupa na
ang tensyon sa aking katawan ng makita ko na si Trojan, pero hanggang ngayon,
nangingibabaw pa rin ang galit ko para sa nanay ni Cadence.
Pinalibutan siya ng mga tao sa bahay, umiyak si Emma ng yakapin ang anak ko. The
search caused them distressed. Pinaliguan ni Aling Cecil ang pet ni Trojan.
Hingi nang hingi ng paumanhin sa akin si Aling Asuncion. Hindi naman niya iyon
kasalanan, pero sana hindi na maulit. Hindi na talaga mauulit.
Mag-isa akong nagpunta sa kusina habang naglalaro sila sa sala. Gusto kong huminga.
It felt like I was going insane.
Tinanggap ko ang baso at nilagok ang lamang tubig. "Can you do me a favor? Can you
drive me where your mother is?" I asked. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko
mako-kompronta ang babae. "It's okay if you don't want to do it. But I'm determined
to confront your mother. Ngayon pa lang sinasabi ko, it would get ugly."
"Hindi kita pipigilan, it's your right. Bukas na bukas din magsasampa ako ng
restraining order para hindi na siya makalapit sa inyo." Muli akong nagsalin ng
tubig sa baso, ininom ko iyon.
Kinuha niya ang aking kamay, sabay kaming lumabas ng bahay. Nagpaalam kami kay
Trojan na may pupuntahan, hindi naman ito nagtangkang sumama. Abala siya sa bagong
alaga niyang aso. He named it Max. Hinabilin ko muna ito kay Emma.
Wala akong imik sa buong durasyon ng biyahe. Tanging pagtibok lang ng puso ko ang
aking naririnig. Ilang beses na nila akong inapi, wala silang narinig sa akin.
Ibang usapan kapag anak ko ang inaway nila. Hinding - hindi ako papayag.
I can endure things, but not when my child is the one affected.
Isang malaking mansyon ang bumungad sa amin ni Cadence. It was probably owned by
the clan. Bumaba ang bintana ng sasakyan ni Cadence, nakipag-usap ito sa guwardiya.
"Sir, long time no see!" Bumukas ang gate, tuluyan kaming pumasok sa loob.
Pumarada ang sasakyan ni Cadence sa harap. Huminga ako ng malalim, pinagbuksan niya
ako ng kotse. Bumaba naman ako ng sasakyan.
"I'm here, Everly." Pinagsalikop niya ang aming kamay. "Anuman ang kalabasan ng
pag-uusap ninyong dalawa, I'll be by your side."
Kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero muli niya iyong inabot at hindi na
binitiwan.
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Cadence, hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Magkahugpong ang aming kamay na naglakad papasok ng mansyon. Bahagya lang akong
nahuhuli, naglulumikot ang aking mata sa paligid.
"Kuya!" Boses iyon ng babae. "I can't believe you're here." Niyakap nito si Cadence
na wala pa ring malay sa presensya ko. "Tatawagin ko si mama."
"No need, I'm here. Cadence, hijo, I'm glad you visited us after so many years."
Mangiyak - ngiyak pa ang babae.
Akmang hahakbang ito papalapit sa asawa ko ng magsalita ang lalaki. "Please, keep
your distance. We're here for one thing." Nagpakita naman ako sa kanila.
"Why is that bitch here?" galit nitong winika. "Ang kapal ng mukha mong tumuntong
sa pamamahay ko!"
"The girl you're calling a bitch is my wife, stop calling her names." There's a
warning bell on his tone of voice.
Sumingit na ako sa usapan. "Paano po kayo kakampihan, kayo lagi ang nasa mali?
Tinanggap ko po lahat ng pang-aapi ninyong ginawa sa akin. Nagkanda-letse letse ang
buhay ko ng palayasin ninyo sa unit ni Hadley, I begged you. Hindi mo ako
pinakinggan. Pinakulong mo pa ang tatay kong walang kalaban - laban, para ano, para
mabulok siya sa kulungan? Doon na rin siya binawian ng buhay! Pero mas lalong
hinding - hindi ko mapapalampas ang ginawa mo sa anak ko. Nananahimik ako!
Nananahimik ang buhay namin para guluhin mo lang! Wala kang karapatang maghabi ng
mga kasinungalingan at ipasok iyon sa kukote ng anak ko para lang masaktan siya!"
Sumabog ang lahat ng sama ng loob ko.
Sumugod siya sa akin para sampalin niya ako. Sinalag ko ang sampal niyang iyon. I
got the better access of her hair. Kinaladkad ko siya hawak ang kanyang buhok
palabas ng pamamahay nila.
I don't care if they own the mansion. Sa dami ng kasalanan niya sa akin, kulang na
kulang pa iyon. Siguro sa pagkabigla, hindi rin napigilan ni Cadence ang ginawa ko
sa nanay niya.
"Tiniis ko ang pangmamata mo sa amin noong nasa hacienda pa kami! Tiniis ko ang
masamang ugali mong wala naman sa lugar! I've never done anything wrong to you.
Pero hinding - hindi ako mananahimik pagdating sa anak ko. Hinding - hindi kita
sasantuhin." Itinulak ko siya apat na baitang na hagdan at muli kong pinaibabawan
upang sabunutan.
Hindi ko ininda ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. It was the least of my
concern.
Mabilis akong binuhat ni Cadence palayo sa kanyang ina bago ko pa ito mabigyan ng
serious injury. His sister was watching us, crying. She looked shocked at what
happened.
Agad niyang dinaluhan ang inang nakahandusay sa hagdan. Umiiyak ito. Pero hanggang
ngayon, hindi ko pa mahanap ang awa para sa babae. Maybe, I never will.
"Ganyan ba? Ganyan bang babae ang inasawa mo, Cadence? Sasaktan ang pamilya mo?"
Tumayo ito sa tulong ni Via. "Inabandona mo ang pamilyang ito ng mahabang panahon
tapos magdadala ka ng salot sa pamamahay ko?! Mamili ka, iyang babaeng 'yan o
kaming pamilya mo?"
I don't want to hear his answer. Cadence should have always choose his family over
me. Inalis ko ang kanyang kamay na may hawak sa akin. Mabilis akong bumaba ng
hagdan at nagtungo ng sasakyan niyang nakaparada sa harapan.
Wala pang isang minuto, sumunod na si Cadence sa sasakyan. He started the engine.
Hindi ko nakontrol ang galit ko sa babae. Lahat ng naipon kong sama ng loob bigla
na lang sumabog.
"I'm not going to say sorry to you or your mother, I'm not really sorry for doing
what I did." winika ko, pinaharurot naman niya ang sasakyan.
Siguro napa-sobra rin ako sa ginawa, pero hindi ko pagsisihang kinaladkad ko siya.
Para iyon sa kasalanan niya sa pamilya ko. Para iyon sa pagpapakulong niya kay
tatay. Para iyon sa pang-aapi sa anak ko.
Hindi ako nagsalita habang nasa biyahe kami pauwi. Hindi rin ito umimik. Malamang
galit ito sa akin na sinaktan ko ang nanay niya. Pero sumusobra na ito.
Ako na lang iyong apihin nila, not Trojan. Not the sweetest boy who never want to
hurt anyone. Ayos lang sa kanyang masaktan, basta hindi siya ang nakakasakit.
I was crying on the ride home. Marahas kong pinahid ang luha ko ng tumigil kaming
dalawa ni Cadence sa tapat ng bahay. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako
ng sasakyan.
Hinanda ko ang ngiti ko para sa anak ko ng pumasok ako ng bahay. "Nanay, welcome
back po! Saan po kayo galing?" tanong nito. "Nituturuan ko po ng tricks si Max,
nanay."
"Very good naman talaga ang big boy ni nanay," I looked at Emma. Inginuso ko si
Trojan, naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin. "Kay tita ninang ka muna,
baby. May aasikasuhin lang si nanay." Hinalikan ko siya sa noo.
"Okay po! Nanay, love ka po namin ni Max!" I smiled. He's already fond with the
dog.
They would never experience the love Trojan could give and the happiness he brings
to the people around him. Kawalan nila iyon.
Tumungo ako sa kwarto. In-empake ko ang mga damit ni Trojan, sunod ang mga damit
ko. Narinig ko naman ang pagbukas at pagsara ng pinto. Alam kong si Cadence iyon.
Tumindig siya sa hamba ng pintuan ng walk-in closet. Ilang beses ko siyang narinig
bumuntong hininga bago ito nagsalita.
"I have always chose you, Everly. And I always will." Huminga siya ng malalim.
"You're the family I've always dreamt of."
Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng damit sa isang bag na malaki. "I loved my mother
so much. Madalas ko siyang makikitang umiiyak noon, kaya mas madalas ko siyang
damayan. I knew my father never loved him. My siblings loved Papa more than her,
that's what she felt. Ako naman ang lagi niyang kasangga."
Wala akong sinabi. I let him talk. Hindi ko alam kung saan mapupunta ang usapang
iyon.
"Unang beses ko siyang sinuway ng dahil sa'yo. She hated you. I don't know why.
Ewan ko ba kung bakit hindi ka niya makita sa paraan ng pagtingin ko sa'yo.
Something changed when I saw her bad treatment on you. Madalas ako ang kakampi
niya, pero hindi ko matanggap kung paano ka niya tratuhin." Humalakhak si Cadence.
It wasn't happy, it laced sadness. "One day, she threatened to harm you and your
family. Kung hindi kita hihiwalayan. I was so afraid to tell you. And I agreed.
Sinabi kong hihiwalayan kita, basta lumbayan niya ikaw at ang pamilya mo. I agreed
just to deceive her. I was only twenty, pero pakiramdam ko ikamamatay ko na kapag
nawala ka."
He chuckled again. "Plinano kong itanan ka, Everly. And your father knew it. He
knew my reasons. Ako lang itong tangang nagpaalam sa pagtatanan. Akala ko mamatay
na ako ng itakin niya ako sa dibdib. Halos hindi ko nagawang lumabas ng ilang araw
matapos ang handaan sa hacienda. But he was kind, siya pa itong gumamot sa akin
dahil ayokong pumunta ng doctor. I just didn't want to complicate things." Humigpit
ang hawak ko sa damit ni Trojan. That explained the scar on his chest.
My eyes welled up with tears. "But first, I wanted to make my mother believe I got
rid of you. Alam kong hindi ka maniniwala sa simpleng break up at hindi niya rin
ito paniniwalaan. Her eyes were on me. Gustong - gusto kong dagdagan ang taga ng
tatay mo noong sampalin kita at sabihin ang mga katagang iyon. I almost ditched the
plan when you showed me the pregnancy test kits. But I had to. I'm sorry." Cadence
lost his cool demeanor.
He cried. I heard the sorrow in his voice.
"Umayon ang plano ko, Hadley took you to the unit instead of me. So my mother
wouldn't notice. Nailayo na kita sa kanya. Hindi ka na niya masasaktan. She
wouldn't harm your family, either. Susunod ako dapat ng sumunod na linggo. Pero
inatake sa puso si lolo. I wasn't the first born, but I am the first child of my
father. It's my last responsibility to the family. Tatlong buwan ang inilagi niya
sa hospital. I didn't call you. Gusto kong ipaliwanag ang lahat kapag nagkita
tayo."
Pinahid ko ang aking luha. "I didn't know how she knew you were in the condo unit.
Saktong libing ni lolo, pinuntahan niya ang unit para palayasin ko. No one was
there except you. Hadley and I were on the funeral."
He cried even more. His voice was shaking hard. Halos hindi niya maituloy ang
pagsasalita. "She had no right to do that. Hadley told you it was family owned, but
I bought it after your name. Pakiramdam ko, mababaliw ako. Maybe, it was easier if
I did. I revoked all my rights as a Ponce. Tanging ilang salapi lang ang hawak ko,
but it was more than enough to find you. But I didn't. I begged her to stop ruining
your family, hindi siya nakinig. Natuloy pa rin ang pagpapakulong niya kay tatay
Von. And the best thing I could is to have him the best lawyer. Natalo siya, pero
medyo mababa ang sentensya." He took a long breath.
"Araw - araw kitang inisip. You're my only drive to continue and knowing you have
our baby. It was long years before I found you. I have no interest in politics, but
it's the only think I could think of to have connections. Hitting two birds with
one stone --- finding you and getting your father a parole, but I failed on the
latter. Bumaba ang sentensya niya, pero hindi niya iyon nagamit." Rinig ko ang
hinagpis sa boses ni Cadence.
Maybe, it was the last piece I needed to know. His piece of the story. The point of
view and his timeline.
"I'm sorry, Everly. I had the best intentions of you, but with the wrong
executions. I failed you big time." He shook his head. "Ang dami kong pagkakamali
sa buhay, putangina, pero mas masakit pa rin noong mawala ako. I should've told
you. You could come up with a better idea. Mas matalino ka. Pero putangina, ang
bobo ko, e. I'm sorry. I'm really sorry. My sorry would not be enough. Please, hurt
me. Please, claim your right to hurt me, because I deserved every ounce of hate you
have on me."
Natahimik ang kabuuan ng kwarto. Tumayo ako para harapin siya. Tears streaming down
my face. Without thinking, I said the words.
***
NO SPOILERS.
Rebelasyon
Cadence granted my request. Buo ang desisyon ko, hindi lang ito basta dala ng
damdamin. I wanted out of the marriage. Nagpakasal lang kami para sa anak ko. It
was a blackmail type. Kung hindi ko siya papakasalan, I would lose the custody of
my own child.
Marami na kaming maling desisyon sa nakaraan. And for once, I want to correct
things. The first step is to annul him. Kahit ang pagpapakasal namin ay hindi sa
tamang rason. It was just for my son.
Kung pakakasalan ko man siyang muli, gusto ko tama na ang lahat. Hindi lang para sa
anak naming dalawa. Pakakasalan ko siya dahil gusto ko siyang makasama panghabang-
buhay, mahal ko siya, iyong mas matindi sa dati at bumalik ang aking tiwala.
Pagmamahal na walang pagdududa at may malinis na intensyon.
It needs to have a core foundation of marriage. It's love. And I'm not yet ready
for that.
Patuloy kaming mabubuwag kung laging mali ang dahilan ng aming aksyon. Kung
talagang gugustuhin ni Cadence, paghihirapan niyang suyuin ako.
But right now, I just need the time and space. I need to a absorb all these things.
Bukod sa annulment, iyon ang hiningi ko sa kanya. Oras at pahinga.
To heal all the bruises. And to finally let go of all the burdens. Both of us
suffered. I don't want to suffer even more with the wrong choices.
I might not be correct, but things that didn't start right, most likely wouldn't
work.
Wala naman akong balak na ilayo sa kanya si Trojan. Trojan loves him. Hindi ko siya
ipagkakait kagaya ni Oleya. I wouldn't be selfish. Hindi ko kayang makitang umiiyak
ang anak ko.
Hindi ko alam kung anong sinabi niya kay Trojan. He seemed to be understanding
everything at a young age. Proud si nanay kay Trojan.
"Nanay, and'yan na po si tatay. May dala po siyang baked pasta raw po. Kain daw po
ikaw." pumailanlang sa kwarto ang boses ng anak ko.
Pumasok si Trojan sa kwarto naming mag-ina. May subo na itong kutsara. It looked
like he was interrupted in consuming his food. Pina-plantsa ko ang mga uniform niya
para sa school.
"Kayo na lang muna ni tatay ang kumain, busog pa si nanay. Saka busy pa sa
pagplantsa ng uniform mo." sagot ko sa kanya.
"Sabi po ni tatay, siya na raw po ang magpaplantsa ng uniform ko, nanay. Para 'di
na po ikaw mapagod." Muli niyang isinubo ang kanyang kutsara.
"Nanay, sabi po ni tatay, mas masarap daw po kapag mainit pa ang baked pasta.
Kumain ka na raw po." Magkasalubong na ang kilay ni Trojan. Naainis na yata ito sa
utos ng ama.
Parang siya itong napupuno sa konsumisyon. "Ang hirap namang magpalaki ng magulang,
baby pa si Trojan."
Nanlalaki ang mga mata ko, nagbukas - sara ang aking bibig. Hindi na niya hinintay
ang sasabihin ko, muli siyang lumabas sa kwarto. Binilisan ko na ang pagtutupi ng
mga damit na pinlantsa ko bago pa muling bumalik si Trojan sa kwarto at masermonan
na naman ako ng anak ko.
Nakahinga ito ng maluwag nang makita niya akong naglalakad sa gawi nila. Lumapit
siya sa akin, hinawakan niya ang aking kamay. Sabay kaming naglakad patungo sa
kusina. Nawala na ang pagkakakunot ng noo ng aking anak.
Trojan was so annoyed earlier. Hindi pa yata ito nakakakain ng marami sa dalang
pagkain ng kanyang tatay. Napagod yata ito na ginawa namin siyang daan sa pag-uusap
namin ni Cadence.
Ngumisi lang ako at ginulo ang kanyang buhok. Kumuha si Cadence ng platito sa
cupboard, nilagyan niya ng baked pasta ang platito at ibinigay sa akin.
I thanked him. We have casual talks. Pero hindi pa iyong malalim na usapan tungkol
sa nakaraan naming dalawa. Kailangan ko pa ng oras.
"Tatay, ang sarap mo na pong magluto, pwede na sa Master Chef!" Napailing naman na
natatawa si Cadence sa sinabi ni Trojan.
"Cadence," I called his name. Tumingin naman ito sa akin. "Gusto ko sanang umuwi ng
probinsya kahit tatlong araw lang, isasama ko sana si Trojan, kung okay lang sa'yo.
I want him to meet his lola. Hindi pa raw makakapunta rito si nanay."
Tumango siya. "No problem. Ihahatid ko na kayo ni Trojan patungong San Andres."
"Salamat," I replied.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng baked pasta na luto niya. Tama naman si Trojan,
masarap ang luto ni Cadence. He evolved from that spoonfed child to someone who now
knows the kitchen. It was something nice.
Was she mad? Hindi ako sigurado. Wala namang binanggit si nanay.
Nag-leave na naman ako sa trabaho para sa ilang araw na bakasyon namin ni Trojan sa
San Andres. Hindi pa ako nasi-sesante sa dami kong leave. They are probably just
giving me more chances because of Cadence.
Simula ng um-ere ang balita na asawa ko si Cadence, mas lalong nadagdagan ang
diners ng Spice Lounge. Mayroong ilang nakakilala sa akin doon.
Trojan has been training the dog with tricks. Madalas niya itong kalaro at kitang -
kita ko ang saya ng anak ko. It makes me happy, too. Walang nagmamay-ari ng aso sa
village.
"Sigurado ka bang kaya mong mag-drive ng ganoon katagal?" Kinuha ni Cadence ang bag
namin ni Trojan sa kamay ko. Inilagay niya iyon sa trunk ng kotse.
Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. "Yes, Everly. Don't worry, I can drive with that
distance." Inginuso niya ang bukas na kotse. "Sakay na."
Nasa loob nang kotse si Trojan kasama si Max na nakalagay sa baby stroller. Cadence
made sure he was comfortable. Binilhan pa niya ito ng maraming snacks para sa
mahabang biyahe. He also cooked meals for us.
Baka abutin kami ng sampung oras sa daan. Nag-aalala ako kung kaya ni Cadence ang
ganoon katagal na walang substitute. Hindi na nito pinasama si Manong Noel.
"Hoy, Cadence!"
Lumabas si Emma mula sa katapat na bahay. "Ingatan mo iyang mag-ina mo, baka
ilibing kita ng buhay kasama ang nanay mo!" banta nito.
Umiling ito. "Thanks for the concern, Emma. I'll take care of them, I promise."
Kumaway lang ako rito. Pumasok ako sa loob ng kotse.
Speaking of her mother, tinotoo ni Cadence ang pagpa-file ng restraining order para
hindi na ito makalapit sa akin o sa anak ko. Kapag nilapitan niya pa ang anak ko at
ginawan ng masama, hindi ako magdadalawang - isip na ipakulong siya. Kagaya ng
pagpapakulong niya sa tatay ko.
Sa dami ng naging kasalanan niya sa akin at sa pamilya ko, hindi na kami magkaka-
ayos pa. Kung mapapatawad ko ito, hanggang doon lang. Hindi siya makakapasok sa
buhay namin ni Trojan.
Hindi na sumama sa amin si Emma, may mga raket din naman ang kaibigan ko. Siguro sa
susunod na lang.
"Gusto mo bang ibaba ang bintana?" Cadence asked. "But the air is polluted in the
city, hindi katulad ng sa probinsya."
Naaalala niya pa rin pala na mahiluhin ako sa biyahe, na gusto kong nakababa ang
bintana tuwing nakasakay sa de-aircon na sasakyan.
I could remember our memories together. Sabay kaming pumasok noon kahit sobrang aga
ng pasok ko. Madalas niyang ibaba ang bintana ng sasakyan para sa akin. Those were
the good times. Napailing ako.
"It's okay, nasanay na rin naman ako sa biyahe dito sa Manila. Ang daming sakay ng
bus o jeep para makarating sa destinasyon." Tumango naman si Cadence.
Natawa naman ako. "Matagal na matagal pa, anak. Ilang oras pa, kaya kung ako sa'yo,
matulog ka muna, okay?" He was sipping his chuckie. "Baka maghalo - halo na naman
ang pagkain mo, ha. Mahihirapang bumalik si tatay."
Tumawa lang ang anak ko, alam niya ang tinutukoy ko. He gave us one of his snacks.
Kumain din daw kami habang nasa biyahe. I'm not really fond of eating on the ride.
It was salted peanuts. Masarap ang isang ito sa biyahe.
"Nanay, subuan mo po si tatay. Kawawa naman siya nagda-drive lang pero hindi naman
po siya kumakain." Nag-init ang aking pisngi.
"Oh, nganga," Bahagya akong lumapit dito. I got a mouthful of peanuts. Sinubuan ko
siya nito.
Isinubo ko sa kanya ang maraming peanuts. Naubo naman ito. Muntik pa yatang
mabulunan si Cadence. Kumuha ako ng tubig para iabot sa kanya. Itinigil niya muna
ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Mabilis niyang ininom ang bottled water na binigay
ko.
"'Wag naman ganoon, Everly." Pinahid niya ang tubig na bahagyang tumapon sa kanyang
damit.
Paandar niyang bulok, parang hindi kami maghihiwalay. The annulment was on the
process. Aminado naman itong desperado siyang makuha kaming mag-ina. He got us by
hook or by crook.
Tulog na si Trojan ng makarating kami sa Lucena. Pagod na yata ito sa pagkain kaya
nakatulog ang batang makulit. Dumaan muna kami sa Jollibee.
Kinagat ko ang labi ko, muling bumalik sa aking alaala ang unang pagpunta ko sa
Manila. Si Hadley pa ang kasama ko noon. It turned out it was Cadence's plan all
along.
Maybe, it worked out if Oleya didn't find me in the unit. Maybe, we wouldn't have
to experience the hardships of life if it weren't for his mother. Siguro magkasama
naming sinuong ang problema kung hindi malupit ang tadhana sa aming dalawa.
But we didn't. Dinala nito kami sa magkaibang daan ng buhay. Both path that hurt us
the most.
"Jabilee!"
Natawa naman ako. Inalis ni Cadence ang suot nitong seatbelt. Pinagbuksan niya kami
ng sasakyan. Kinarga niya si Trojan papasok sa loob. Sumunod naman ako sa dalawa,
ako ang may dala kay Max.
Marami ang nakakilalang bumati kay Cadence. They also said hi to my son. Parang
instant artista ang anak ko. Wiling - wili naman ito sa mga nais makapagpa-picture
sa kanya. Minsan nakakalimutan kong gobernador siya ng lalawigan. People know him.
"Tatay, ako po chickenjoy po! At saka po spaghetti at saka po ice cream! Saka
bilhan din po natin si lola, tatay, pasalubong po natin sa kanya." sabi naman ng
anak ko. I shook my head.
"Tatay will be ordering all that, ikaw, nanay?" Bumaling sa akin si Cadence.
"Come on, hindi pwedeng kami lang full dito, 'di ba, Miracle?"
In-order naman ni Cadence ang request namin. May pa-sobra pa iyon na pasalubong
para kay nanay. We dined in the branch. Sakto namang tanghalian kaming dumating sa
Lucena.
"Mangga ang pinaglihian ko kay Trojan. I asked Hadley to buy me peach mango pie
before. Hindi naman gaanong lasa iyong mangga." I told Cadence. He stiffened.
Tulog na naman ang anak ko, mahaba - haba pa ang biyahe. Ayoko namang matulog, baka
antukin din si Cadence. Mabuti na iyong pareho kaming gising.
"It's fine, Cadence. I shouldn't have brought that up, lalo na ngayong nasa biyahe
tayo," sinabi ko nang makita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha.
"We'll talk about it when we are both ready." Sumulyap siya sa akin at ngumiti.
I nodded.
The way back home was silent. It wasn't the awkward silence. Paminsan - minsang
nagigising si Trojan upang kumain ng kanyang baon.
Hapon nang dumating kami ng Mabato. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Pumarada si
Cadence sa tapat ng bahay. Mukhang natunugan ni nanay ang aming pagdating, nasa
labas na siya para salubungin kami ng bumaba ako ng sasakyan.
"Sai, anak!" Mabilis na tinungo ni nanay ang aking tayo at niyakap ng mahigpit.
"Kumusta ang biyahe? Nasaan ang apo ko?"
Nagmano si Cadence kay nanay. "Kumusta ka? Hindi mo pa rin pinuputulan iyang buhok
mo," puna ni nanay sa lalaki.
"Hindi pa po, 'nay." Pinagbuksan naman nito ng pintuan ang anak naming pupungas -
pungas pa. Surpresa sa akin na ganoon ang trato ni nanay kay Cadence.
Nangingilid ang luha ni nanay ng tingnan ang anak ko. Tumingin din sa kanya si
Trojan na may malaking ngiti sa labi.
"Anak, ito si lola Cess, ang nanay ni nanay. 'Nay, siya po si Trojan."
Mabilis na lumapit si Trojan kay nanay. Kinuha niya ang kamay nito at nagmano. "Pa-
bless po, lola kong maganda."
Pinagpantay ni nanay ang kanilang mukha. Lumaglag ang butil ng mga luha. Kahit ako,
naiiyak sa tagpong iyon.
I've always dreamt of them meeting before. Laging kasama sa kahilingan kong sana
makilala ni Trojan ang aking pamilya at sana matanggap siya ng aking mga magulang.
I know, they got disappointed even more when I got pregnant at an early age. Pero
isa pa rin sa inaasam ko na ang aking anak ang maging daan para magkaayos kaming
muli bilang pamilya.
Pinahid ni Trojan ang luha ni nanay sa pisngi. "Bakit po kayo umiiyak, lola?
Malungkot po ba kayong makita ako?"
Umiling si nanay. "Hindi, apo. Hindi malungkot si lola. Sobrang saya kong makilala
kita. Sobrang saya kong sa haba ng panahon kong inasam na makita ka, natupad na.
Masaya ako kaya umiiyak si lola." Niyakap niya si Trojan. "Kung may parte mang
malungkot sa akin, nawalan ng pagkakataon na makilala ka ng iyong lolo. Sigurado
akong lalambot ang puso noong bato."
"Happy din po ako, lola. Nice to meet you po." Trojan said politely. "Kikiss po
kita lola para hindi na po ikaw iyak. Love you po!"
Malaking bulas man si Trojan, pinilit pa rin ni nanay na buhatin ito. Inalalayan
naman sila ni Cadence. Dinala ko si Max at ilang gamit namin papasok ng bahay.
Dinaluhan naman ako ni Cadence para kuhanin ang mga gamit kong dala, kinuha rin
niya ang natitira sa sasakyan.
Mas matangkad na sa akin si Nena. Akala ko si nanay lang ang dadalawin ko, umuwi
din pala si Nena. Masayang - masaya ako.
Dumako ang paningin niya sa batang buhat ni nanay. "Oo nga! Trending nga kayo ni
kuya Cadence, galit na galit nga sa'yo iyong mga kaklase kong may gusto sa asawa
mo." Agad na nawala ang atensyon nito sa akin, dali - dali itong pumunta sa anak
ko. "Hala, grabe! Ang cute mo! Para kang mamon! Laro tayo!"
Tinulungan ko si Cadence, binitbit ko ang ibang dala niya. Inilagay ko iyong snacks
sa mesa.
"Nena, mamaya ka na um-extra, sa akin muna ang apo ko." suway ni nanay sa pinsan
ko.
"Hello po, tita Nena. Ako po si Trojan Miracle, anak po ako ni nanay. Magkamukha po
tayo." He gave her a kiss on the cheeks. Nilaro - laro ni Nena ang anak ko.
Buong durasyon nilang kinausap si Trojan hanggang sa hapunan. Ang anak ko ang bida.
Masaya ako kung paanong tinanggap si Trojan ng pamilya ko. Bahagya lang akong
nakaramdam ng konting lungkot para kay tatay.
I wish he had a chance to meet my son. I wish he had a chance to know that his
daughter fought all the circumstances to survive.
Hindi na pinaalis ni nanay si Cadence, pinatulog na rin niya ito sa bahay. Hindi
rin ako sigurado kung tanggap pa ito sa hacienda matapos ang mga nangyari. Ito ang
unang beses na magkasama kaming muli sa kwarto.
Nang magising ako, gising na rin ang anak ko at nilulutuan ng agahan ng aking ina.
"Masarap po, nanay! Nagkwento po si nanay tungkol kay lolo, sana po nakita ko po si
lolo!" may lungkot ang bahid ng kanyang boses. Ginulo ko ang kanyang buhok. Hiling
ko rin iyon, pero hindi na ito mangyayari. "Tulog pa po si tita Nena, nanay?"
"Tulog pa, gisingin mo na, anak. Daganan mo, ha. Pero dahan - dahan ikaw pag-akyat,
ha."
Sumaludo naman siya sa akin at tumakbo paitaas para gisingin ang pinsan ko. I shook
my head and smiled evilly. Tumawa naman si nanay sa utos ko kay Trojan.
"Siguro, kung nakikita ng iyong ama si Trojan, nagsisisi iyong pinalayas ka at ang
aming apo," may kahinaan ang kanyang boses. She sighed. "Ang buong akala ng tatay
mo, kaya ka ng buhayin ni Cadence, kaya na niya ang responsibilidad. Hindi naman
namin alam na darating palang palalayasin ka ng kanyang ina."
Muli siyang huminga ng malalim. "Galit na galit ang tatay mo kay Cadence ng malaman
niya ang nangyari, pero mas galit siya kay Oleya. Bakit ikaw ang kailangang
mahirapan? Nagalit din siya sa akin ng tanggapin ko ang tulong ni Cadence. Mas
gugustuhin niya raw na mabulok na lang sa kulungan kaysa tanggapin ang tulong ng
lalaking nangako sa kanyang hindi ka pababayaan, pero nabigo. Nagmakaawa sa akin
iyong bata, lumuhod sa harapan ko, tanggapin ko lang ang pera. Malaking halaga
iyon. Kahit papaano, natumbasan ang laban sa mga Ponce, pero natalo pa rin ang
tatay mo. Iyong tirang pera, pinagpagawa ko nitong bahay at pinampaaral ko kay
Nena. Hindi ko alam kung saan din kami pupulutin noon, nakakulong ang tatay mo.
Wala kaming bahay o kahit mapapagkakitaan."
Hindi ko namalayang pinipigilan ko ang paghinga ko. May luhang tumulo sa aking
pisngi. Lahat kami naghirap ng dahil kay Oleya. Tinapik ni nanay ang braso ko.
"Ramdam kong mahal na mahal ka ni Cadence noon pa man, pero masyado pa kayong bata.
Nakaasa pa siya sa pamilya niya." She sighed again. "Hindi ko rin alam kung
matatawa ba akong nagpaalam siya sa tatay mo na itatanan ka niya." Napailing si
nanay.
Totoo nga ang sinabi niya. The scar on his chest came from my father. He even
mentioned that my father cleaned his wound when he avoided to go to the doctor.
Kaya hindi ko siya nakita ng isang linggo matapos ang handaan sa mga Ponce para
komprontahin sa nasaksihan kong pagpunta ni Marlyn Ruseph sa kanyang kwarto.
Kinagat ko ang aking labi. May isang tanong na bumabagabag sa aking isipan. Gusto
kong malaman ang sagot sa tanong na iyon.
"Kaya galit na galit ang tatay mo, bakit ikaw ang pagbubuntunan ng galit nito? Kung
pwede namang ang asawa niya ang kagalitan niya," Bumuntong - hininga si nanay.
"Hindi ako ang babaeng tinutukoy niya, Sai. Si Catalina. Ang kapatid ko, ang nanay
ni Nena. Siya ang unang pag-ibig ng gobernador."
Nanlaki ang mata ko sa rebelasyon ni nanay. Hindi iyon ang inaasahan kong sagot.
Ang buong akala ko, siya ang babaeng unang minahal ng tatay ni Cadence.
Matagal ng patay ang tiya kaya sa amin na tumira si Nena. Kinupkop siya ng mga
magulang ko at lumaki kaming magkasamang dalawa.
"Hindi ako kunsintidor na kapatid, kinompronta ko ang tiya mo. Doon ko nalaman,
nagkaroon sila ng bunga." Her story took wild turns. Hindi ko ito inaasahan.
Napanganga ako. Pino-proseso pa ng utak ko ang bawat detalye. Wala akong ideya sa
dapat maging reaksiyon ko.
"Hindi. Hindi kayo magkamag-anak ni Cadence. Pinsan mo si Nena sa ina. Kapatid niya
naman ito sa ama. Walang magkaparehang dugo ang dumadaloy sa pagitan ninyo."
pagputol ni nanay sa agam - agam ko.
Hindi ako makapaniwala. I was in total shock. "Alam ba ni Nena?" tanong ko kay
nanay.
Nanay shook her head. That was when we heard a stumbling feet away.
"Nanay!"
***
NO SPOILERS.
Kabanata 54
Annulment
"Nanay, bakit po Meow ang pangalan niya? Hindi naman po siya pusa." tanong ni
Trojan habang pinagmamasdan ang aking kabayo. Buhat ko siya at pilit niyang inaabot
ito upang haplusin si Meow.
Ngumuso lang ako. Masyado pa akong bata ng ipangalan ko sa kanya iyon. It made
sense when I was little. Nang makilala ni Trojan ang alaga kong kabayo, wala na
itong ibang hiniling kung hindi sumakay dito.
Sa ngayon, haplos muna ng mataba niyang kamay ang balahibo ni Meow habang wala si
Cadence.
Usapan namin ni Trojan na maaari lang siyang makasakay sa kabayo kapag kasama si
Cadence. Pumailanlang ang tawa ng aking anak, nakasakay ito sa kabayo kong alaga
habang inaalalayan ng kanyang ama. Marunong akong mangabayo, pero minsan hindi pa
rin ako kampante lalo na ang magpakalma kay Meow.
Nakaakbay sa akin si Nena habang pinapanood namin ang mag-ama. She knew already.
She knew her real identity. Hindi ko alam kung paano niyang tinanggap ang bagong
kaalaman sa pagkatao niya.
Nag-usap silang dalawa ni nanay ng matagal. I saw her crying. Hindi naman ako nag-
usisa, I just hugged her. Kaya pala simula pa man noon, hindi na kami magkamukha at
mas maganda siya sa akin. Nasagot na rin ang katanungan ko kung bakit galit na
galit ang ina ni Cadence sa pinsan ko ng magharap ang dalawa.
Hinding - hindi naman ako sang-ayon sa kahit anong panloloko, pero hindi kasalanan
ng pinsan ko na naging bunga siya ng isang pagkakamali. Hindi pa yata alam ni
Cadence, si nanay ang balak na magsabi sa kanya.
"Ate, paano mo nakayang palakihin si Trojan ng mag-isa? Ang taba - taba pa niya."
biglang tanong ni Nena.
Ngumiti ako. "Hindi naman ako mag-isa. Mayroon akong nakilalang kaibigan at mga
taong itinuring kaming pamilya, ganoon din ako sa kanila." Pinagmasdan ko ang anak
kong tuwang - tuwa habang nakasakay kay Meow.
Ramdam ko ang pagtanggap ng aking alaga sa anak ko. Meow was so gentle to him.
"Noong sobrang lugmok ako, wala akong ibang makapitan kung hindi ang pagiging
malakas," sinabi ko. Pinisil niya ang aking braso. "Saka anak ako ni Von Maligno.
I'm built tough, toughened by struggles."
"Proud na proud ako sa'yo, ate, kinaya mo, kahit wala kami." Walang halong pang-
aalaska ang winika ni Nena.
May mga relasyong kahit nawalay ng matagal, pinagtitibay ng panahon. Ganoon ang
relasyon naming mag-anak. They waited for me even if they had no hope to continue.
"Pero alam mo noong umalis ka, sobra ring nalungkot si tiyo. Pinagsisihan niyang
pinalayas ka niya. Gabi - gabi siyang nakatanaw sa labas, hinihintay kang bumalik."
malungkot ang kanyang boses habang inaalala ang nakaraan.
"Ang aga - aga, Nena, 'wag mo naman akong paiyakin." Nalulungkot ako lalo sa mga
kwento nila tungkol kay tatay.
Sana nagkausap kaming dalawa bago siya pumanaw. Sana naayos muna ang gusot sa
pagitan naming dalawa ng personal. Pero hanggang sana na lang ang lahat ng iyon,
wala ng posibilidad na mangyari.
Dumalaw na rin kami ni Trojan kay tatay, namitas ang anak ko ng sariwang bulaklak
upang ilagay sa puntod ng kanyang lolo Von. Pasimple akong umiyak ng hindi nakikita
nito. Hinayaan ko siyang magkwento ng mga paborito niyang pagkain at activities kay
tatay.
"Nanay, ang saya - saya po! Ang bait po ni Meow na hindi pusa!" Napa-face palm ako.
Rinig ko ang pagtawa ni Cadence.
"Ang weird ng name ng horse ni nanay, 'di ba, Miracle?" gatong pa ni Cadence kay
Trojan.
Inirapan ko siya. "Kaysa naman sa kabayo mong Madonna ang pangalan, ano iyon,
superstar?" may bahid ng iritasyon ang tono ng aking boses. Binu-bully nila ako sa
pangalan ni Meow.
Bumulong si Cadence sa anak ko, tumawa naman ito. Mas lalo akong nakaramdam ng
inis, talagang pinagtutulungan nila akong dalawa. Nakahanap ng kakampi si Trojan sa
paghahanap ng kasagutan sa pangalan ng aking kabayo.
"Tita Nena, buhat mo po ako!" Walang reklamo ang pinsan ko, tinanggap niya ang
obligasyong buhatin ang anak ko.
Ang anak ko pa ang unang nakapansin. Trojan is advanced for his age. Ni hindi ko
iyon pinagtuunan ng atensyon.
"Tao po! Tao po!" sabay - sabay kaming tumungo sa harap ng bahay para tingnan ang
bagong dating.
Bahagyang nanlaki ang mata ko ng pamilyar na mga mukha ang bumungad sa amin sa
maliit na gate ng bahay ni nanay.
Binuksan niya ang gate, kasunod nito ang apat na lalaki na namumukhaan ko. I hardly
recognized them. Something changed in their physical features. Kasama ni Teryo si
Mamag, Jampul at Rambo, saka si Lorenzo, ang pinsan ni Cadence.
"Teryo!"
Tumakbo ako papalapit sa kanila para yakapin ang mga kababatang kaaway ko dati pero
mayroong humawak sa baywang ko. I looked up to see Cadence who was staring at me as
well. I rolled my eyes at him.
Nakipagkamay ako sa mga ito. Tumango sa akin si Rambo. They also shook hands with
Cadence, iyong handshake na pauso ng mga ito. Lorenzo hugged Cadence.
Tinging - tingin ito kay Trojan na buhat ni Nena, nakatutok din ang mata ng anak ko
sa kanya. His eyes never left my child.
"Hello po, tito Lorenzo! Ako po si Trojan Miracle, anak po ako ni nanay at tatay."
Inabot niya ang kamay ni Lorenzo at nagmano sa lalaki. "Hello po sa friends ni
nanay at tatay."
Lorenzo glanced at us. Binuhat niya si Trojan, pinalibutan ito ng grupo ni Teryo.
They were talking to my kid. Ang hindi nila alam, kayang makipagsabayan ng anak ko
sa daldalan.
"How did you make this cute big baby?" natatawang tanong ni Lorenzo.
Inakbayan ako ni Cadence. "S'yempre, both parents are cute. Genetics lang naman
iyon, bo---pis." Nadala ito ng tingin ko. Umiling ako sa kanya, tinanggal ko ang
kanyang brasong nakaakbay sa akin.
Sama - sama kaming kumain ng agahan. Tinulungan ko si nanay magluto ng pagkain para
sa mga bisita namin. Natutuwa akong makita ko silang muli. Trojan was so happy
meeting other people.
I bit my lip. Hindi ko alam ang isasagot ko. May parte sa aking gustong makita ng
anak ko ang lugar na kinalakihan ko, pero ayoko ng gulo. Setting foot to the
hacienda would mean something to Cadence's mother.
Huminga ako nang malalim. "How sure are you? Gusto ko lang ng tahimik na buhay para
sa anak ko, Lorenzo."
"I understand," tugon nito. "Promise, kaya ko ng protektahan ang pamangkin ko. I'm
sorry if we can't protect your family before from tita's wrath. Na-freeze ang
accounts namin noon, we can't rally with Cadence."
Tumango ako. "Hindi ko naman kayo sinisisi. Pero may galit pa rin ako sa mama ni
Cadence lalo na sa ginawa niya sa anak ko." Nabitin ang sunod kong sasabihin ng
marinig ko ang boses ni Trojan.
"Nanay, need mo po ng help?" Nabaling ang atensyon namin ni Lorenzo sa anak ko.
My heart swelled with happiness hearing my child offering his help. Marunong sa
gawaing bahay si Trojan. He would help me with the bed, sometimes, in the kitchen.
"Hindi na, anak. Kaya na ito ni nanay. Enjoy na lang ikaw sa mga tito at tita mo,
okay? Usap lang kami ni tito Lorenzo mo, okay?" Narinig ko naman ang mga yapak na
paalis ni Trojan.
Ang laki ng ngiti ni Lorenzo nang makaalis si Trojan. "Your baby is such a good
boy, hindi mana kay Cadence." Nagkatawanan kaming dalawa. "But seriously, I was so
amazed with Trojan. Masaya kung paano mo siya napalaki kahit ikaw lang. You're such
a badass, Sai."
"You're the best, thank you, Sai!" He enclosed me in a friendly hug. Nakarinig
naman ako ng pagtikhim. Mabilis na humiwalay sa akin si Lorenzo.
Sumipol ito. "Hindi mo pa nga nababawi, kung makabakod ka." He shook his head,
smirking. "Burn, cousin, burn." Natatawa itong bumalik sa sala kung nasaan ang mga
bisita.
Nagkatinginan kami ni Cadence, ngumuso naman ito. Hindi bagay sa kanya ang
pagnguso. Hindi niya pa rin pinuputulan ang mahaba niyang buhok. Madalas iyon sa
low man bun.
Walang pinagbago ang hacienda. Ang dami pa ring puno ng niyog mula sa bukana ng
Mabato hanggang papasok ng Tagbakan. Bumalik ang lahat ng emosyon ko noong nasa
hacienda pa ako.
Nangibabaw ang pagtawa ng aking anak, nasa hulihan sila at nakasunod sa amin.
Pinara ko ang sasakyan ng papalapit na iyon sa dating bahay namin. Tumakbo ako
patungo sa dating kinatitirikan ng aming bahay.
Kinagat ko ang aking labi, pinigilan ko ang pag-iyak ng makita ang abuhang bahay.
There was nothing left. It was burned down to ashes. Alikabok at abo na lang
natitira.
Yumapos sa likuran ko si Nena. "Tara na, ate. Hindi mo na sana nakita iyan. Ang
mahalaga, magkakasama tayo ngayon." Hinayaan ko siyang higitin ako paalis ng bahay
namin na natupok ng sunog.
Tumango naman ako. Kumukulo na naman ang dugo ko pero wala akong magagawa. The deed
has already done. Nasunog na ang bahay namin sa Tagbakan. Bumalik kami sa sasakyan.
There was guiltiness in Lorenzo's eyes. Hindi na lang ako umimik.
Unang dinaanan namin ang greenhouse. Marami ang namimitas ng mga gulayin. Tumigil
ang mga ito sa ginagawa ng mapansin nila ang pagdating namin. I could see familiar
faces.
"Jutay!" Agad akong bumaba ng sasakyan para salubungin ang kaibigan ko.
Nangingilid ang luha nito sa mata nang makita ako. Yumakap siya sa akin. "Sai!
Kumusta ka na? Alalang - alala kami noong bigla ka na lang nawala. Na-miss kita!"
Siya ang madalas kong kasama sa gulayan. Natutuwa akong makita ang mga pamilyar na
mukha.
"May baby na ako, ayos naman. I'm well. Nakaya ang hamon ng buhay, ikaw ang
kumusta?"
Ngumiti ako. I was proud of what my friend had become. "Masaya ako para sa'yo."
sinsero kong sabi.
Pinahid naman niya ang kanyang luha. "Sobrang nag-alala kami sa'yo, Sai. Masaya rin
akong makita kang muli," I looked around to see the greenhouse. Mas lalo itong
nadagdagan at lumaki.
Kinumusta ko rin si Amy, nagta-trabaho raw ito sa ibang bayan pero madalas pa ring
umuwi ng Tagbakan. Nasulyapan ko si Trojan na manghang - mangha sa mga pananim.
Nakikipag-usap ito sa mga tauhan ng hacienda.
Tumakbo ito papalapit sa amin na may dalang malaking kalabasa. Tuwang - tuwa ito sa
bitbit niya. Mayroon pa siyang nginunguya sa bibig.
"Nanay, binigyan po nila ako ng malaking squash po! Nag-thank you po ako!" he said.
Aratiles.
"Sorry na lang po sa uod nanay, nakain ko po siya. Yum! Yum!" Tumawa pa ang anak
ko. I ended up laughing with him. I shook my head. Pinunasan ko ang amos sa kanyang
mukha.
Ipinakilala ko siya kay Jutay at sa iba pang mga kakilala kong nasa greenhouse.
Trojan has that charm to make people around him happy. My son is just so cute. They
gave him a lot of vegetables. The biggest ones.
Bumati rin sa mga ito si Cadence at Lorenzo. Sila ang nagbitbit ng mga bigay kay
Trojan. He was already eating the fruits. Mukhang magugustuhang manatili ng anak ko
sa greenhouse para lang kumain.
The last stop was in the mansion. Sinalubong kami ng mayordoma. Hanggang ngayon si
Manang Sisa pa rin ang nangangalaga sa mansyon. Andoon ang ilang pinsan ni Cadence,
maliban sa mga kapatid niya. Wala rin iyong pinsan niyang artisa. It was basically
the boys.
Lorenzo, Chance, Raius and Gio played with my son. Sumali si Cadence sa habul -
habulan, partner silang dalawa ni Trojan. Nena joined. Lugi naman ang anak ko sa
mga tiyuhin niya at kay Nena.
"Ito, hindi pa naman kinukuha ng Panginoon," biro ng matanda. Pinagmasdan niya ang
mga lalaking naglalaro sa harapan ng mansyon. "Masaya akong nahanap kayo ni
Cadence. Hindi siya katulad ng kanyang ama. Hindi man lang ito natakot na iwan ang
lahat para sa inyong dalawa. Wala iyang kaalam - alam sa buhay, ni hindi marunong
magluto ng kanyang pagkain, walang alam sa mabibigat na trabaho, iniwan niya ang
buhay na marangya para piliing hanapin ka. Masaya ako para sa inyo. At nakakatuwa
ang anak mo, napaka-galang na bata."
I was out of words. Muling dumagundong ang masayang tawa ng anak ko. "Tatay, bilis
po!" utos nito sa ama. She was right about Trojan.
Iyong tungkol kay Cadence, hindi pa ako handang tanggapin. Pareho kaming nasaktan
at naapektuhan, kung sasabak kaming muli ng hindi pa hilom, mas lalong hindi
magiging bahaw ang sugat at lalong lalaki lang ito.
"Cadence!" Talagang binalandra pa niya ang kanyang katawan. His scar was visible to
my eyes. Ang laki din pala ng natagang parte ni tatay sa kanyang dibdib. "Magdamit
nga kayo ni Trojan, baka magkasakit!"
"Nanay, presko po!" He giggled. Cadence just winked at me. Muli silang tumakbo ng
anak ko para manghabol ng mga kasali sa laro. This time, sila naman ang taya.
Hindi man lang ako pinakinggan, patuloy sila sa pagtakbo. It was fun watching them
interact with one another. Pawisang - pawisan ang anak ko pagkatapos ng laro. Agad
ko naman itong sinuotan ng damit na pamalit niya.
Pagod daw si Trojan, wala naman itong ginawa kung hindi humawak sa ama para hindi
mahulog at pabilisin ng pagtakbo si Cadence ng hindi sila abutan ng mga kalaro.
Tawa lang ang ambag ng malusog na bata.
Sa mansyon na kami naghapunanan, pero hindi na ako pumayag na doon kami matulog.
Kinabukasan ay babalik na kaming Manila. I was so glad my child enjoyed the trip.
***
"The annulment has been granted. Congratulations, you're now a free woman, Ms.
Maligno." Nakipagkamay ako kay attorney. Mas napabilis ang proseso sa koneksyon ni
Cadence. There was already the declaration of nullity of our marriage.
"Ice cream lang pala, akala ko naman magce-celebrate tayo ng bonggang - bongga para
sa annulment mo, tapos ice cream lang pala."
"Choosy ka pa, dati nga kahit ice cream, hindi tayo makabili." I sighed.
"Totoo, masaya akong wala na tayo sa ganoong posisyon ng buhay." Ngumiti ako at
bumuntong - hininga.
It was the darkest times. Kung sakali mang dumating ang isa pang unos, handa na
akong harapin iyon.
Inirapan ko siya. Puro siya kalokohan, paano ko naman mami-miss ang isang iyon?
Katapat lang namin ang kanyang bahay.
Tumayo ako nang makarinig ng pagkatok sa pintuan. Speaking of asawa --- ex-asawa,
Cadence showed up in front of our doorstep. Mukhang katatapos lang nito sa trabaho.
Inirapan lang ako nito. Hinawakan niya ang aking pulsohan at hinila patungong
sasakyan niya.
"Ililibre mo ako, idea mo naman ang annulment. You broke my heart. Kailangan mong
ilibre ako."
"Neknek mo, Cadence!" Sumakay din ako ng sasakyan. Sa loob ng sasakyan ko tinapos
ang ice cream na kinakain. "Kailangan ko pang sunduin si Trojan."
Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Naghiwalay pa lang kami sa papel,
magkasama na naman kaming dalawa. Napailing ako.
Kinapa ko ang aking bulsa. Maluwag na shirt lang ang suot ko at shorts na pambahay.
Hindi ko nakapa ang aking pitaka sa bulsa. Buti na lang may suot akong bra. "Wala
akong dalang pera, Cadence. Naiwan ko sa bahay."
"Doon na lang tayo," turo ko sa stool na nagtitinda ng mga fishball at kwek - kwek
at mga palamig.
"Kuya, sampung fishball po, limang kikiam at saka tatlo pong kwek - kwek." sinabi
ko sa nagtitinda. Bumaling ako kay Cadence. Kita ko rin ang ilang mga babaeng
nakatingin sa kanya. "Anong gusto mo?"
Nag-init ang aking pisngi. Kinurot ko ang braso niyang hawak ko. Inirapan ko iyong
mga babae.
Matapos ang landi ni Cadence, sinabi niya rin ang order niya kay manong. Naupo kami
sa sidewalk para kainin ang binili namin. Nakakahiya namang kumain sa sasakyan ni
Cadence. Maiiwan ang amoy ng suka. Magaling pa naman mag-detect ang anak ko ng amoy
ng pagkain.
Ayokong kumain siya ng street foods, hindi sanay ang kanyang tiyan sa ganoong
pagkain. Baka sumakit ang tiyan nito.
"Pamilyar ka pala sa mga ganitong pagkain." Ubos na ang kinakain ko, palamig na
lang ang hindi pa.
After finishing the street foods, muli kaming sumakay sa kotse para sunduin si
Trojan sa school. Pumarada kami sa parking lot ng paaralan. Nahiya pa akong bumaba
sa suot ko, hindi man lang ako nakapag-jeans.
"Nanay, tatay!" Trojan ran towards us. Pareho niya kaming niyakap. Ki-niss niya ang
pisngi ko. "Nanay, may kinain ka po?"
Nagkatinginan kami ni Cadence. I bit my lip. "Gusto mo bang kumain sa labas, anak?
Kain tayo." Tumango naman ang anak ko. Si Cadence na ang bumuhat sa kanya.
"May ice cream na binili si nanay, anak. Mayroon para sa'yo." He kissed me on the
cheeks.
Kumain kami sa isang restaurant na malapit sa school ng anak ko. Not Jollibee this
time. Baka naman mapurga ito ng Jollibee, puro fast food na lang.
"Uy, ma'am, viral na naman po kayo sa facebook post ng isang netizen, mayroon po
kasing nakapag-picture sa inyong kumakain sa sidewalk kasama si Gov!" balita ng isa
sa mga katrabaho ko.
"Opo, positive comments naman po, ma'am. Gumawa ka na rin po kasi ng account sa
social media." udyok pa nito.
Tumawa lang ako. Wala na akong balak. I know how stressful social media could be.
Mas maganda na iyong wala akong ganoon. Mas tahimik pa ang buhay ko.
Nag-inat ako ng mga braso, tapos na ang shift ko ngayong madaling araw. Nagpalit
ako ng damit. Si Cadence ang susundo sa akin pauwi. Wala siyang palya kahit marami
rin itong gawa.
"Hey,"
Umiling naman ako. I was waiting for Cadence. "Thank you, pero may susundo sa
akin." I declined politely.
He nodded. "Sige, una na ako. Take care, ma'am." Kumaway ako sa kanya hanggang
makasakay ito ng kotse.
Tinitigan ko naman ang phone ko, walang tawag mula kay Cadence o kahit anong text.
Ilang tricycle na rin ang pinalampas ko na dumaan. Ito ang unang beses na late ang
lalaki.
No texts or call.
It would annoy him. Ayaw niyang hindi siya binabati ng hello man lang.
"Hello po, ma'am." Boses iyon ng hindi ko makilalang lalaki. "Ma'am Sai, this is
Victor, head security, nais ko pong ipaalam sa inyo na sinugod po sa hospital si
Gov. Cadence. He came with us in raiding a drug warehouse. It wasn't the first time
Gov. was present, hindi po namin inaasahang mababaril siya."
Nangatal ang buong katawan ko sa narinig. Hindi na nagproseso ang mga sumunod na
sinabi ng lalaki.
***
NO SPOILERS.
Ikalimampu't Limang Kabanata
Kabanata 55
Start Over
Naabutan ko ang ina ni Cadence sa labas ng pinto ng kanyang hospital room. Mayroong
dalawang lalaki ang nagbantay sa pinto. Bahagya kong napakinggan ang kanilang
usapan.
"Sorry po, ma'am. Family members lang po ang maaaring pumasok." sinabi ng isa sa
mga lalaki.
"Anak ko ang nasa hospital room. I'm a family. How dare you?!" gigil na gigil
nitong sambit. Hindi naman umimik ang mga bantay.
"Good morning po, ma'am Sai." bati ng mga guards sa labas ng kwarto ni Cadence.
Nilingon naman ako ni Oleya. Galit na galit ako nitong tiningnan mula ulo hanggang
paa.
"Bakit ho hindi? Sa ating dalawa, ikaw po itong mayroong restraining order. Kayo po
ang walang karapatang lumapit sa amin ng pamilya ko." matigas kong winika.
"You thick-faced bitch!" Akmang mananampal ang babae, sinalag ko naman ang kanyang
kamay.
"Gusto mo po ba ng part two? Wala si Cadence para pigilan tayo. I'm still pissed
off. Galit na galit ako kung paano mo itinrato ang aking anak na kadugo mo." Binawi
nito ang kanyang kamay.
It was my time to slap her in the face. Mukhang hindi nito inaasahan ang galaw ko
kaya hindi siya nakailag. Tumabingi ang kanyang pisngi sa kabila. Kulang pa iyong
sampal na iyon sa dami niyang atraso sa akin at sa pamilya ko.
"Now, leave." I said coldly. "You lost your right to be with my family."
Pinagbuksan ako ang mga tauhan ni Cadence. Hindi ko na nilingong muli ang ginang. I
was trembling just seeing her.
Gising na pala ang lalaki. Pinilit nitong umupo sa kama, dali - dali akong lumapit
sa kanya para alalayan ito.
"And'yan ang nanay mo sa labas, gusto kang dalawin." My tone was flat.
"I only told the men visitation is only exclusive for my family. Did she cause
inconvenience?" Seryoso ang mukha nito.
Umiling ako. "Sinampal ko siya, Cadence. Pasensya na, hindi ko pa rin talaga
malimutan ang ginawa niya kay Trojan." pag-amin ko sa lalaki.
"The only thing that connects us is that she's my mother. But you're my family now.
You're my family I ought to protect even from her." Pinagsalikop niya ang kamay
naming dalawa.
Inirapan ko ito. "Oo, si Trojan lang. Gusto ko sanang mag-alala, pero kung namatay
ka, ibig sabihin noon, you're unworthy of my love. Hindi mo nga kayang labanan si
kamatayan para makasama kami ng anak mo. Kawawa naman ang multo mo, selos na selos
habang may kayakap akong iba." pang-aalaska ko rito.
Sumimangot si Cadence sa narinig. Hinila niya ako papalapit sa kanya. Tumama ang
aking ulo sa kanyang dibdib.
"I don't like that idea, Everly. Ngayon pa lang, nagseselos na ako. Doon pa lang sa
chef mong hilaw, hindi mo alam kung gaano ako pinapatay ng selos." He admitted.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
Iniwasan ko namang tumama sa kanyang sugat sa may tagiliran kung saan dumaplis ang
bala. They wore a vest. Nasaktuhan pa ang loko.
Mapanganib ang politika. Hindi lang politikong ganid ang kalaban ni Cadence. There
are also organizations who hated him for being upright.
"Exactly, Cadence. Iyon ang mangyayari kung hindi mo iingatan ang sarili mo." I
told him.
Truth is, I would be devastated if something happened to him. Ganoon ang nangyari
sa amin ni tatay, hindi man lang kami nagkaroon ng maaayos na usapan para i-settle
ang mga isyu naming dalawa. I don't want it to happen with us.
"Magpagaling ka na. We'll talk about us. We'll talk about the things that hurt us.
We'll free them together. Let's finally close those chapters of our lives. Para
makapagsimula tayo ng panibago." Ngumiti ako sa kanya. "Handa na akong harapin ang
ganoong bagay."
Pinisil niya ang kamay naming magkahawak. "Yes, Everly. I will. I want to know your
story and Trojan. I want to be in the depth with you."
Nanatili kami sa ganoong posisyon. Hinayaan kong magkalapit kaming dalawa ng ilang
minuto. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"When will you pursue your dreams?" biglang tanong ni Cadence. "Kailan mo balak
bumalik sa pag-aaral? I'm already pursuing mine. You're my dream ever since we met,
Everly."
Hindi ko pa iyon naiisip sa ngayon. Wala pa akong gaanong ipon. Pero babalik ako sa
school para tapusin ang aking pag-aaral. Gusto ko ring magkaroon ng diploma. Para
rin iyon kay tatay. He only wanted one thing. And that was to finish college. I
want to fulfill his dreams, too. Kahit hindi na kami magkikitang muli.
Tumango siya. Inayos niya ang buhok kong tumatahob sa aking mukha.
"I know. Ipapaalala ko lang sa bawat araw hanggang sa maging handa ka ng muli.
Mahal na mahal kita."
Kinurot ko siya sa tagiliran. "Ang landi mo." Muli akong yumakap sa kanya. I just
smiled.
Ilang araw pang nanatili sa hospital si Cadence bago ito tuluyang na-discharge.
Ilang beses din namin itong dinalaw ni Trojan. Alalang - alala ang bulilit sa ama.
Ang akala nito mamamatay na si Cadence sa swerong nakakabit sa kanya.
Iyak ito nang iyak, napatahan naman ito ni Cadence. He assured Trojan he wasn't
going to die.
Sinundo namin si Cadence kasama si Trojan at Mang Noel. May dalang card ang anak ko
para sa kanyang ama. It was a get well soon card with drawing of our family.
Cadence laughed.
"Nanay..." Tumingin ito sa akin para manghingi ng tulong. Lumabi siya sa akin.
"Sorry po, nanay. Nabigla po si Trojan." His eyes watered.
"It's okay, Miracle. Wala namang narinig na surprise si tatay," pag-alo nito sa
anak.
"Tatay naman po! Kakasabi mo lang po, e!" Pinahid niya ang kanyang luha.
Tumapat ako kay Trojan. "Okay lang, baby. Sa susunod na lang, kapag surprise,
surprise, ha." Pinahid ko ng panyo ang kanyang luha.
Trojan nodded. "Opo, nanay. Na-excite po si Trojan." Hinalikan niya ako sa pisngi.
Sumakay kami ng sasakyan pauwi. Kagaya nga ng inaasahan, may konting surpresa para
kay Cadence sa malaking bahay. Mayroong dekorasyon ng pa-welcome back sa gobernador
at mga lobo. Nagluto rin ako ng ilang putahe.
"Welcome back, Gov!" sabay - sabay na sabi ng mga kasamahan niya sa malaking bahay.
Nagpasalamat ito sa mga tauhan. Humarap siya sa akin. "Thanks, love." He kissed my
cheek.
Sumandok ito ng pagkain, inabot niya ang pinggan na may laman sa akin. Tinulungan
niya si Trojan na kumuha ng mga gusto nito. Binigyan din ni Cadence ng pagkain si
Max. Si Mang Noel ang naghiwa ng lechon.
"Nanay, mas malaki po ako roon sa baboy," Tumawa pa ang anak ko. Napailing ako.
Pinanggigilan ko ang pisngi niya. "Sabi po ni tita Emma, kamag-anak ko raw po
iyon."
Si Emma talaga, tatamaan ito sa akin. Lagi na lang inaalaska si Trojan. Ang anak ko
lang yata ang masaya kapag sinasabihan ng ganoon, cute daw kasi ang baboy. Ibig
sabihin daw, cute siya.
Nang tuluyang gumaling si Cadence, dinala niya kami sa isang private resort sa
Lobo, Batangas ng weekend. Kasama ang mga kasambahay at si Emma. There were no
other occupants than us. Solong - solo namin ang resort. Babalik din kami sa Manila
ng linggo ng hapon.
"Wow, dagat, nanay! Ito po ang unang beses kong makapunta sa dagat!"
Oo nga pala, hindi ko ito naipasyal sa dagat sa aming bayan. Sa susunod na bumisita
kami ng San Andres, siguradong dadalhin ko na siya sa mga dagat ng lugar.
"Trojan, ang laging paalala ni nanay, hindi pwedeng mag-swim ng walang kasamang
adult. Hindi pwedeng ikaw lang. 'Di ba, may pool naman sa bahay ni tatay, kapag
gusto mong mag-swim magsasabi ka kagaya roon." Muli kong paalala.
Para na akong sirang plaka sa ilang beses kong pagpapaalala sa anak ko. Kapag sa
kaligtasan niya, kahit ilang libo ko pang sabihin.
"Opo, nanay. 'Wag na po ikaw mag-worry. Promise po, magpapasama po ako sa inyo sa
pag-swimming." Niyakap niya ako.
We settled on the cottage. Apat na cottage ang rented ni Cadence para sa mga kasama
namin. Kaming mag-anak ang magkasama sa isang cottage. Tumalon - talon ang anak ko
sa kama.
"Anything you like, Miracle." Ginulo niya ang buhok ni Trojan. "Mapupuno na natin
ang first family album natin."
He took a snap of us in his camera. Inalagay ko naman ang kamay ko roon para hindi
siya makakuha ng litrato. Pawis na pawis ako, ayoko namang makuha iyon sa picture.
Sumunod naman ako sa sinabi ng anak ko. Nilagyan ko muna ng sunscreen ang kanyang
kabuuan. Siya na ang naghubad ng suot niyang polo, pinalitan ko iyon ng rash guard.
Sinuutan ko pa ito ng life jacket, at mayroon din siyang salbabida na hugis donut.
Napakamot ito sa ulo.
Tawang - tawa naman si Cadence sa get - up ng anak namin. May mini salbabida rin si
Max.
"Paano ko po makikita ang ilalim ng sea, nanay? Hindi naman po ako lulubog dito."
He pouted.
"Iyon talaga ang gusto ni nanay, para lumutang lang si Trojan." paliwanag ko naman.
Cadence was teaching him to swim in the pool. Hindi ko alam, pero hindi pa rin
sapat sa akin ang ganoon. I bit my lip.
"It's okay, Everly. I will take care of him. Don't worry about Trojan." Hinubad na
ni Cadence ang life jacket sa anak ko. Binitbit niya ang salbabida. "Let's go.
Let's enjoy this little escapade."
Hawak niya ang isang kamay ko, hawak naman niya si Trojan sa kabila. Hinayaan ko na
lang na hubarin nito ang life jacket. The waves are inviting. Ang peaceful ng
paligid. Ang pino ng puting buhangin.
Walang ibang tao bukod sa aming pamilya. May life guard naman na stand - by sa
isang post. Tumatawang tumakbo si Trojan papalapit sa alon. He played with the
waves.
"Are you sure you don't want to join us?" asked Cadence.
"Okay, I'll be with Trojan. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Dinampian
niya nang masuyong halik ang noo ko.
Ngumuso naman ako sa gawi ng anak namin. "Mas kailangan ka ng malusog na bata,
gusto ng mag-swimming." Kanina pa nito tinatawag ang atensyon ng ama na nasa akin.
"Sigurado ka bang hindi na masakit ang tinahi sa'yo?"
I traced the scar on his chest. "Masakit ba itong tinaga ni tatay?" Pwedeng - pwede
naman niyang ipatanggal ang traces noon. "Wala ka bang balak tanggalin ito?"
Kinurot ko naman ang kanyang dibdib. Patakbong lumayo ito sa tayo ko habang
tumatawa. Binuhat niya si Trojan, they went to a deeper part of the water. Sinakay
niya ng salbabida ang anak namin. Inayos ni Cadence ang suot nitong goggles. Naupo
ako sa buhangin.
Muntik akong mapatalon ng bigla na lang may tumabi sa akin wala pang ilang minutong
nakababad ang anak ko sa dagat. Sinamaan ko ng tingin si Emma.
"Bakit hindi ka sumama sa mag-ama mo?" Hindi ako sumagot. "'Wag mong sabihing wala
kang dalang swimsuit?"
Umirap si Emma. "Malamang, nasa beach tayo! Anong gusto mo? Gown? Tara nga!" Hinila
niya ako patayo.
Muli naman akong sumulyap sa kanilang dalawa. They are still enjoying the beach.
"Hindi naman pababayaan ni Cadence si taba!" Emma hissed. "Subukan lang niya,
ililibing ko talaga siya kasama ng nanay niya!"
Tumungo kami sa isang shop. Kami lang din ang nasa loob nito. I looked around to
see the whole place. Mukhang souvenir shop ito. There are shirts, ref magnets, key
chains and other things.
Gumawi si Emma sa kabilang bahagi ng tindahan. Sumunod naman ako sa kanya. May
kinuha itong pulang one piece.
Tinitigan ko naman ang hawak niya. Hindi ako sanay magsuot ng ganoong damit.
"Dali na, Sai." pamimilit pa ni Emma. Tinulak niya ako papasok ng dressing room.
Napilitan naman akong kunin ang binigay niyang one piece. Kinagat ko ang aking
labi. Ilang minuto akong nakipagtitigan sa salamin. Sa huli, isinuot ko rin ang
pulang bathing suit.
I looked at myself in the mirror. Sinuot ko ang white shorts na kaninang suot ko.
Binuksan ko ang kurtinang tumatahob sa dressing room.
Bumalik ako kung saan ko iniwan ang mag-ama ko. Hindi ko alam kung bakit ako
kinakabahan ng lumusong ako sa dagat. Cadence's eyes stared at me for several
seconds. Agad din itong nag-iwas ng paningin.
Akala ko pa naman life-changing ang pagsusuot ng bikini. Deadma lang ako ng loko.
Si Trojan lang ang pumansin sa akin.
"Ang ganda - ganda niyo po, nanay! Wow, red! 'Di ba po, tatay?"
Inirapan ko siya ng maraming beses. Kay Trojan ako nakipaglaro. Thankfully, I still
knew how to swim. Nangangalawang na ako dahil wala namang dagat na maaaring mag-
swimming sa Manila. Dagat ng basura, mayroon pa. I came from a province with
majestic beauty of beaches, kaya hindi na ako naaliw sa Manila bay.
Matapos ang ilang oras na pagbabad sa dagat, umahon na rin kami. Pinunasan ko si
Trojan ng tuwalya. Pinulupot ko iyon sa kanya pagkatapos. Ininom nito ang dala kong
juice sa kanya.
Cadence handed me his shirt. Naiinis ko namang kinuha iyon. "Nahiya ka pang
sabihing hindi bagay sa akin." iritado kong wika. I was offended with his reaction.
Tumingin naman ito sa akin mula ulo hanggang paa. Sinuot ko ang inabot nitong
shirt.
Iniangat nito ang aking mukha. "You're so beautiful in that red bikini, Everly. You
are so sexy. If I keep on looking at you like that, I might devour you. Baka
masundan talaga ng totoo si Trojan. I was not a gentleman before, I didn't respect
that boundary, I want to respect it now. Kapag ayos na tayo, kahit araw - arawin mo
pa ako." Tinampal ko ang kanyang dibdib.
Humalakhak naman ito at hinila ako papalapit sa kanya. Mahigpit niya akong niyakap.
"Tukso ka. You're a beautiful temptation. Ang tukso, hindi nalalabanan. I can't win
against it. I was avoiding you to avoid the temptation of claiming you. Hindi ito
nalalabanan pero pwedeng iwasan. Gusto ko kapag ready ka na." Pinitik niya ang
tungki ng aking ilong.
May humila sa laylayan ng damit ko. Tinging - tingin sa amin ang anak ko. "Nanay,
gutom na po ang pets ni Trojan sa tiyan." nakanguso nitong sinabi.
Natawa naman ako. Binuhat siya ni Cadence. He held my hand. We went to a restaurant
to let Trojan have his meal. Mahirap na kapag gutom ang anak ko.
Nang dumating ang gabi, we decided to have a bonfire near the beach. Ang mga babae
ang nag-ayos ng grilling station sa labas, samantalang ang mga lalaki naman ang
nanghuli ng isdang iihawin.
I changed into a comfortable shirt and pajamas. Madali akong ginawin lalo na
mahangin ang bandang dalampasigan. We prepared the woods for the bonfire. Nagpaluto
naman si Cadence ng ibang dishes sa chef ng resort.
Umiling naman ako sa matanda. Nagpatuloy ako sa pagpaypay ng grill. Mayroon pa ring
usok na lumalabas mula rito.
"Oh, ayan na ang tumatalbog, mukhang may dalang isda, ah. Nako, yakap pa nga."
komento ni Emma na kasama kong pinapaypayan ang ihawan.
True enough, it was Trojan. Kasunod nito si Max na tumatakbo rin sa kanyang gilid.
May kagat din itong isda sa bunganga.
"Nanay, nakahuli po ako ng fish! Tita ninang, look, oh! Mama Cel, Mama Cion!" He
proudly showed us the fish. Yakap yakap niya pa iyon.
Napailing ako, kinuha naman iyon ni Aling Cecil para hugasan ang isda. "Amoy isda
ka na, anak. Ligo muna ikaw."
"Ako na ang sasama sa batang malikot." Nagpresenta si Aling Asuncion. Bumalik muna
ako sa cottage para ikuha ng damit ang aking anak.
Nakarating na sina Cadence nang muli akong pumunta sa dalampasigan. Marami silang
isdang nahuli. Mayroon din ibang lamang dagat na kasama iyon. Ipinag-ihaw din namin
si Max ng kanyang pagkain.
Pinalibutan namin ng bonfire para sa dinner. Boodle fight ang nangyari. Kumain kami
sa dahon ng saging kasama ang mga putaheng niluto ng chef ng resort. Ipinaghimay ni
Cadence ng isda si Trojan. Sinusubuan ko rin ang anak namin kapag kumakain ang ama.
It was one memorable night for us. Nagkaroon pa ng night swimming bago matulog ang
lahat.
Kanina pa ako pabaling - baling sa kama. Tulog na tulog na ang anak ko. Mukhang
ganoon din si Cadence. Apat kaming nasa kama. Pati si Max ay kasama naming
natutulog.
Maingat akong bumangon. Medyo nanunuyo rin ang lalamunan ko. Kailangan ko ng tubig.
"Do you want to stroll outside?" Sumandal ito sa haligi. He was not wearing a
shirt. Kung makaparada naman ito ng kanyang katawan, por que't may ibubuga. Hmp.
"He's with Max. We can hangout for awhile." He wriggled his eyebrows.
"Sige," Hinugasan ko ang basong ininuman ko. "Mag-usap tayo, Cadence." Kinuha ko
ang isang case ng beer. "While drinking this."
Cadence just smirked. Siya ang nagbitbit ng isang case. Sumunod ako sa kanya sa
dalampasigan. Sinulyapan ko ang anak ko, tulog na tulog pa ito kasama ang kanyang
dog pet. Isinara ko ng marahan ang pinto.
Walang ibang tao sa dalampasigan kung hindi kaming dalawa lang. Bahagyang malamig
na, buti na lang medyo makapal ang tela ng suot ko.
Naupo kami sa buhangin. Nagbukas siya ng isang beer at inabot sa akin. Tinungga ko
naman iyon. I didn't like the taste. Napangiwi ako.
"Have you tried alcoholic drinks before?" tanong ni Cadence ng mapansin ang
reaksyon ko.
I shook my head slightly. Red horse. Malakas ang tama. Malalasing ba ako rito?
"Kung sinong unang makaubos ng inumin, siya ang unang magtatanong." I suggested.
Nilagok ng mabilisan ni Cadence ang kanyang beer. "Atat na atat," komento ko kahit
may kaba akong nararamdaman sa tanong niya.
"Can you please tell me what happened to you after what my mother did? I'm dying to
know, Everly. Para akong mamatay kung saan ko kayo sisimulang hanapin."
Inalala ko ang nangyari sa nakaraan. Mahina ang boses kong nagsalita. "I spent my
whole pregnancy in the streets of Manila, Cadence. I had no one but myself. Ilang
beses akong pinagtabuyan sa paghahanap ng trabaho, it was worst at night. One
night, I thought I would have a roof to stay in, pero masamang loob lang pala ito.
He robbed me. Iyong ipon ko na nakalaan para sa anak ko, nawala iyon. That night, I
was almost killed. And I thought, I lost him." Muling bumalik ang alaala sa aking
isipan.
Mapait akong ngumiti. "I had a concussion, pero wala akong ibang choice kung hindi
bumangon para maghanap ng ipapakain ko sa anak kong nasa sinapupunan. Puro sabaw
lang at kanin hanggang sa maipanganak ko siya, minsan bangus na tsitsirya. Minsan
inisip ko na lang na tapusin ang lahat, handa na ako, pero sumipa iyong anak ko. He
wanted to live, why would I remove that right? Bakit ko iyon ipagkakait sa kanya?"
Kinagat ko ang aking labi. Muli akong napa-buntong hininga.
"Nang maipanganak ko siya sa barong - barong ni Emma. Kahit hindi gaanong maayos
ang pakiramdam ko, pinilit ko ng magtrabaho. But I realized it wasn't enough.
Sinugod ko siya sa hospital ng lagnatin ito. I had no money to pay the bills. Mas
lalo kong sinikap magtrabaho, ginawa ko ang gabi't araw para mapunan ang kulang na
pera. Pero kahit anong gawin ko, hindi iyon magiging sapat. I made the most
heartbreaking decision in my life. Iniwan ko si Trojan sa ampunan. Pero hindi ko
pala kaya, Cadence. Hindi ko kaya na mawala ang anak ko." My tears started to fall.
I would still cry whenever I think about that time.
Walang - wala ako. Pagmamahal lang ang mayroon para sa anak ko. Hindi ko iyon
maipapakain sa kanya.
Ininom ko ang natitirang beer. "Alam mo sa bawat hirap na iyon, lagi kong
hinihiling na sana dumating ka, na sana isalba mo ako. I would stare at night
looking at the vastness of the sky, hoping that you were seeing the same star I was
seeing that night. Ang totoo, Cadence, hindi ko naman talaga kaya. Kinaya ko lang
dahil wala akong ibang choice." Ibinaba ko ang beer na ubos na.
Wala akong lakas para tingnan ang reaksyon niya. I just hugged my legs. Pinahid ko
ang aking luha. Tahimik akong umiyak.
"Ang sama ko para isiping, I wish you tried harder to find us. It was unfair on
your part, alam ko namang ginawa mo ang lahat para mahanap kami."
Silence befell upon us for a couple of minutes. Tanging mga kuliglig sa gabi at
pagtibok ng puso ang naririnig ko.
His arms wrapped around my waist. Tungong - tungo ang kanyang ulo habang nakaluhod.
Ang singhot niya ay unti - unting pumailanlang. Rinig na rinig ko ang lakas ng pag-
iyak ni Cadence. Nanunuot sa aking balat ang pighati at sakit sa pagtangis na iyon.
Muling tumulo ang aking mga luha. Umiyak ako kasabay niya. The pain in our hearts
collided.
"I'm so sorry, Everly. I'm so sorry. Patawarin mo ako. You're right, I should've
tried harder. Dapat... patawarin mo ako." Paulit - ulit iyon.
Wala siyang ibang sinabi kung hindi humingi ng tawad. He didn't mention his
reasons. Hindi niya pinagtakpan ang pagkukulang niya sa mga rasong alam ko namang
balido.
***
NO SPOILERS.
Kabanata 56
Family Day
Nagising ako ng may mabigat na animo'y nakadagan sa akin. Kinusot ko ang aking mata
at bahagyang tinusok - tusok ang bagay na nagpapahirap sa pagdaloy ng hangin sa
aking katawan. Bahagya iyong malambot saka nakarinig ako ng paghalakhak. Akala ko
bundok na ang dumagan sa akin, tiyan lang pala ni Trojan.
Umayos ng higa ang anak ko na binibigyan ako ng basang halik sa kabuuan ng aking
mukha. Magkatabi kaming natulog ni Cadence. Matapos ang iyakan, bumalik kami sa
cottage.
"Good morning, anak. How was your sleep?" Sinulyapan ko si Cadence na mukhang tulog
na tulog pa rin. Max was licking his face. Himbing na himbing pa rin ang tulog
nito.
"Masarap po, nanay. Gutom na po ako." He smiled at me showing his toothy grin. Muli
siyang humiga para yakapin ako. We stayed lying in bed hugging each other for
awhile.
Nang bumangon ako, nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Mukhang tumalab ang
ininom naming alak kagabi.
Sinulit namin ang huling araw sa private resort ng Lobo, Batangas. Cadence took a
lot of pictures of us together.
After last night, I knew our bond became stronger. Napalaya ng pag-uusap naming
iyon ang mga hinanakit ko sa buhay. It reconnected us. The talk and releasing all
our burdens were for the better.
"Nanay, isalapid ko po ang buhok mo. Tinuruan po ako ni tita ninang para gawin ko
raw po sa kanya. Tatay, ikaw din po, mahaba po ang buhok mo." Pinaupo kami ni
Trojan sa ibaba ng kama.
Kinalikot niya ang buhok naming dalawa. He was so patient with our hair. It wasn't
the perfect braid, but Trojan tried.
"Tatay, bakit po mahaba ang hair mo? Pwede po iyon sa boy?" Sinuklayan niya si
Cadence, tumabi naman ako sa kanya.
"Yes, Miracle. Guys can have long hair, while girls can have short hair if they
want. Pwede ang ganoon, anak. You know what you like, 'wag mong hayaang diktahan ka
ng lipunan ng kanilang standards. As long as you don't step on someone on purpose,
you're okay." Trojan hugged his father.
"Okay po, tatay. Love you po." Nagpatuloy siya sa ginagawa niyang pagsasalapid sa
ama.
"Ang pretty at handsome po ng parents ko!" Nagpakuha kami ng litrato kay Trojan.
Ang laki ng ngiti ko sa camera habang naka-akbay si Cadence sa balikat ko.
The weekend was well-spent with the people I love the most. Bumalik na rin si
Cadence sa trabaho. Hindi ako sang-ayon masyado pero hinayaan ko rin ito. He signed
up to be a public servant. Marapat lamang na pagsilbihan niya ang bayan.
Hanggang ngayon, wala akong ideya kung paanong nagagawang magbiyahe ni Cadence ng
madaling araw at uuwi rin ito kinagabihan para makasama kami ng kanyang anak.
Masyado niyang ginawang literal ang katagang kapag gusto may paraan.
"Hindi pa ba kayo lilipat ng bahay ni Trojan? Our home is waiting for you both."
sinabi ni Cadence habang tinutulungan ako sa paghihiwa ng mga kailangan sa putaheng
iluluto ko sa dinner.
Halos siya na ang nagpresentang gumawa ng lahat. "Kung mas komportable kayo sa
bahay ni Emma, ako na lang ang lilipat."
Mahinang pinukpok ko siya ng sandok sa ulo. "Ang demanding naman yata ng manliligaw
ko. May nakita ka bang nagliligawang magkasama sa isang bahay?" Pinandilatan ko
siya ng mata.
Napakamot ito sa ulo at ngumuso. "Oo nga pala. Sorry naman, mahal. Na-excite lang."
I just shook my head. Muli ko siyang pinalo ng sandok. Ang ending si Cadence din
ang nagtrabaho sa kusina, hindi na nito ako pinagalaw. Pinanood ko lang siya habang
nagluluto.
"Paano ka natuto sa mga gawaing bahay?" I asked him. "Hindi pa rin ako
makapaniwalang natuto ka ng mga gawaing bahay."
Hindi namin napag-usapan ang pinagdaanan niya. Wala siyang sinabi. Umiyak lang ito
nang umiyak at puno ng pagsisisi.
"Yours was a lot harder, Everly. Gusto kong magalit sa sarili ko na wala ako ng mga
panahong kailangang - kailangan mo ako. And I would vow that it will never happen
again." Napa-buntong hininga siya. "At the same time, ang panliliit ko para sa
sarili ko ay siya namang pagmamalaki ko para sa'yo. You defied all odds to be with
our son. And that's... I'm so proud. Tatay Von will be proud."
Umiling naman ako. "Don't compare our pain, Cadence. Don't invalidate your pain."
Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Ikaw naman ang magkwento. Anong nangyari sa'yo
matapos kang umalis sa inyo?"
"Nag-hire ako ng private investigators para hanapin ka. It would have been an easy
task, but my mother sued your father. Bumalik ako sa amin para magmakaawa ritong
'wag ituloy ang kaso, but she didn't budge. So, I chose my other option. I gave
your mother all the money I had. Alam kong ayaw na nilang tumanggap ng tulong na
galing sa akin after losing you. I begged." Kinagat niya ang kanyang labi. "Bumalik
uli akong Manila para hanapin ka. Pumasok ako sa construction sites ng makapag-
ipon. Hinuthutan ako ng mga pulis na hiningan ko ng tulong. Sa gabi, I would look
for you on my own. Dala ang ilang litratong nasa wallet ko. Walang palya."
Lumapit ako sa kanya para yakapin siya mula sa likuran. "When I made myself
established without the help of my clan, I made sure those people got fired from
their jobs." He sighed.
"One thing is for sure, mula noon hanggang ngayon, mahal na mahal kita."
Humarap siya sa akin, mas lalo niya akong hinapit. Titig na titig sa akin si
Cadence, ganoon din ako sa kanya.
Ang bilis ng pagtibok ng puso ko, hindi naman nawala ang pagtingin ko sa kanya,
natabunan lang ito ng mga bagay na mas mahalaga at ibang emosyong unang rumehistro
sa akin.
Our lips were inches away. I was anticipating for that kiss for so long. I wanted
it to happen.
"Kung gusto niyong maghalikan, pumasok kayo ng kwarto. 'Wag niyong dungisan ng
kahalayan ang aking kusina." nang-aasar nitong sambit.
Sumimangot si Cadence. "Para isang halik lang, napaka-damot mo, Emma." Humiwalay
ako kay Cadence, hindi lang siya ang nanghihinayang sa halik. Ako rin.
Hindi na namin naituloy ang paglalapat ng labi, binantayan na niya kami hanggang
matapos maluto ang laing. Nag-ihaw din ng tilapia si Cadence. Ako naman ang gumawa
ng sauce noon mula sa gatas ng niyog at sili. Sinugno ang tawag doon. It was a dish
from Quezon.
Cadence built a tent for Trojan. Gustong mag-star gazing ng anak namin. The vent of
the tent was transparent. Mas madaling masisilip ni Trojan ang mga bituin sa
langit.
"Nanay, 'di ba po star po ang sun?" Trojan was hugging me. Cadence extended his
arms to hug us both.
"Kung ang araw ay star, si nanay naman ay north star. She will always guide us
home." Cadence told our son.
"Si nanay din po ang home natin, tatay." Hinalikan ko silang dalawa sa noo pareho.
"But nanay will be incomplete without you both." I told them. "Kaya always stick
with nanay. Mahal na mahal kayo ni nanay."
Itinukod ni Cadence ang kanyang siko sa foam ng tent. Gumilid ito para tingnan ako.
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
Unti - unting lumapit ang mukha ko sa kanya. Napansin lang nito ng ilang agwat na
lang ang layo namin. I kissed him on the lips with the fireworks display and the
stars beaming at us. Gentle kiss.
Trojan was still looking at the fireworks, not minding his kissing parents. Nang
maghiwalay ang labi namin, pulam - pula ang kabuuan ng mukha ni Cadence hanggang
tainga. Hawak pa nito ang kanyang labing hinalikan ko. Natawa naman ako sa reaksyon
ng gobernador.
Masaya ako. I'm happy to see them happy. Contentment filled my heart.
A lone tear escaped my eye. This time, it wasn't from my painful past.
***
Sa wakas, naisipan din ni nanay na dalawin kami sa Manila. Sinundo ito ni Cadence
mula sa San Andres. Hindi naman nakasama ang pinsan ko, mayroon pa silang pasok.
Hindi natanggihan ni nanay ang anak ko.
Ilang beses ko siyang kinumbinse na puntahan kami sa Manila pero hindi iyon
napaunlakan. Isang sabi lang ni Trojan, agad na lumuwas si nanay. Mas mahal ang apo
kaysa sa anak. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiling. Siguro ganoon din si
tatay pagdating kay Trojan.
Gusto ni Trojan na makasama ang pamilya namin sa family day, including Cadence's
family. Lahat ng kanyang tiyuhin ay naimbitahan din nito.
Hindi nito pinansin ang sinabi ko. Nagsumiksik pa siya sa akin. "I need to
recharge, Everly." Ramdam ko ang kanyang pagod.
"Oh, bakit saksakan ba ako ng charger para ma-recharge ka?" Namumuro na naman ang
pagiging sarkastiko ko.
Pinitik ko ang kanyang braso. He was calling me with that pet name of his. Hinayaan
ko lang na yakapin niya ako. Naabutan pa kami ni Trojan sa ganoong posisyon kaya
naman yumakap din ito sa aming dalawa.
Buong pamilya kaming dumalo sa family day ng anak ko, kasama si nanay, ang kanyang
tita ninang pati ang mga kasambahay. Cadence's cousins were attending, too. Susunod
na lang ang mga ito sa venue.
Mukhang hindi family day ang dadaluhan ng anak ko, kung hindi reunion. Baka kami
ang may pinakamalaking pamilyang dadalo.
The venue was held in a function hall of a five-star hotel. Pang-mayaman ang school
ng anak ko, Cadence wanted him to be in the best school possible. He could afford
his tuition, hinayaan ko lang. Alam kong gusto niyang bumawi in any way possible.
Agad na tumakbo ang anak ko sa mga kaibigan niya. Hinila siya ng isa at pinakilala
sa kasamang magulang. It was only his mother. The kids only have one of their
parents in family day. Iyong iba naman, mga kasambahay lang ang kasama.
Hinakot yata ni Trojan ang maraming kapamilyang dala. Kinagat ko ang aking labi.
Alam ko namang mahalaga ang trabaho, pero bilang isang ina parati akong maglalaan
ng oras para dumalo sa okasyon ng anak ko lalo kung dito lang naman sa bansa o
malapit lang sa pamilya ang trabaho ko.
Kailangan din ng mga bata ng oras at pag-aaruga. I want my child to feel the love
and care. It's for me. Kunsabagay, iba't iba naman ang sakripisyo ng magulang.
Naupo kami sa designated seats. Muling tumakbo si Trojan kasama ang isang batang
lalaki papalapit sa amin ni Cadence.
"Nanay, tatay, friends po kami! Si Marcus po!" pakilala ni Trojan sa bata. "Sila
ang magulang ko. Si nanay at tatay."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Cadence. He bit his lip. Sumeryoso ang kanyang
mukha. Kung gaano kalaki ang anak ko, ganoon naman ang liit ng batang ipinakilala
nito sa amin.
"Hello, Marcus. I'm Cadence, Miracle's dad." Umakbay ito sa akin. "This is Sai
Everly, she's Miracle's mom."
"Nice to meet you, Marcus." Kinawayan ko ang bata. Muli itong niyakag ng aking anak
para maglibot sa mga stations ng mga palaro. "Anak, ingat naman ikaw. Baka mo
maitulak si Marcus." paalala ko sa lalaki.
Isang tulak lang ng anak ko, baka mabuwal na sa tayo ang kaibigan niya.
The program started. Biglang umingay ang paligid, napatingin naman kami sa
pinagkakaguluhan ng mga tao. May pa-grand entrance ang mga pinsang lalaki ni
Cadence. All of them are wearing Armani suits. Nakasuot pa ito ng mga salamin. They
are so extra!
Napa-face palm naman ako at napailing. Kumaway sa kanila ang anak ko ng hindi ito
tumatayo mula sa inuupuan para makinig ng programa.
"Gentlemen, please tone down your voices and limit the foul words, our students are
kids, they are young," paalala ng adviser ng anak ko.
"Sure, beautiful."
Nagtawanan naman ang mga ito. "You're a naughty, naughty boy, Raius." Tawa nang
tawa si Lorenzo. Everyone was staring at them. Cadence just shook his head.
Maling - mali yatang isinama ni Trojan ang mga tiyuhin niya sa family day. Mas
malilikot pa ang mga ito kaysa sa mga bata.
Emma and Hadley were paired for the sack race. Mukhang tumatalbog talaga ang anak
ko habang tumatalon silang tatlo ng kanyang tita ninang at tito Hadley. Taga-cheer
kami sa gilid ni nanay. They ended up in second place. My son was just laughing the
whole time.
Some kids don't have parents or guardians in family day. Nag-substitute sina
Lorenzo as their guardians para makapaglaro din ang ibang bata. Hindi kami nanalo
sa fruit relay game of calamansi, walang ibang ginawa si Trojan kung hindi tumawa
kaya lagi itong nalalaglagan ng calamansi.
Bumawi kami sa paper dance. Sumakay si Trojan sa balikat ng ama, samantalang ako
naman ang ay buhat ni Cadence.
Akala ko manggugulo lang ang mga Ponce sa family day ni Trojan. Little did I know,
they would make the other kids family day celebration better. Kita ko ang saya sa
ibang bata.
We didn't win the overall, ang mahalaga, masaya ang anak ko. Nangunguna ang kanyang
tawa. Sama - sama kaming kumain sa isang fine-dining restaurant. Hadley paid for
the meal.
Sumipol si Lorenzo. "Baka naman, may mas nauna kay Trojan. Tinago lang sa inyo."
biro pa nito sa mga pinsan. They just groaned.
Nauna na ang iba, samantalang sumama sa amin ang ilang pinsan ni Cadence para
makipaglaro pa kay Trojan.
Ngumiti sa akin si nanay. "Isa kang mabuting ina, Sai. Sobrang ganda ng pagpapalaki
mo kay Trojan. Mali iyong nabuntis ka ng maaga pero proud na proud si nanay sa'yo
sa pagiging mabuti mong ina."
"Salamat po, 'nay." Hindi mapuknit sa labi ko ang aking ngiti.
"Cadence!"
He poked the tip of my nose. "You're glowing. Ang ganda mo, bagay ka sa akin."
Kumindat pa ito.
Napailing naman ako. "Bolero naman pala ng manliligaw ko." Inirapan ko siya.
I stared at him. He looked more manly now. Hindi ko alam kung dahil sa suwabeng
buhok ba niya iyon o he was refined by the years we were apart.
There was no trace of his twenty-year old self who got rid of me in the batis.
Bumalik na kami ng Tagbakan pero hindi ko man lang nabisita ang batis. Batis was
our spot. Iyon ang tagpuan naming dalawa. Sa tree house malapit sa batis ko isinuko
ang sarili ko sa kanya.
Namula ang kabuuan ng mukha ko ng maalalang ginawa rin namin iyon sa batis.
Hanggang ngayon naman hindi tumatalab ang pamumula sa aking pisngi. I am still the
brown-skinned girl like I was before. At wala akong balak na baguhin iyon.
"I know that look, Everly." Ngising - ngisi ang loko. "What are you thinking, huh?"
Sinuklay ko ng aking kamay ang ilang hibla ng buhok na tumatahob sa kanyang mukha.
"Hindi mo pa rin ba puputulan ang buhok mo?"
Bakit pa niya iyon kailangang itanong sa akin? Ang dami namang nahuhumaling na
babae sa kanya. Alam niyang gwapo siya. Mana sa kanya ang anak namin. Trojan's
features says so much about Cadence. Sinisigaw nito ang mukha ng ama.
Bigla akong napasimangot, kahit ngayon, ang dami ko pa ring kaagaw sa lalaki. I
don't like it. Noon din, ang dami niyang side dishes, may Marlyn Ruseph, saka Ruby
Pearl pa.
Kumunot naman ang noo ni Cadence. "Why would I know? Malay ko sa kanya!"
Natatawa naman ako sa reaksyon nito. Galit na galit. Parang nagtatanong lang, e.
"Mayroon ka pang hindi inaamin, anong ginagawa ng babaeng iyon sa kwarto mo noong
piging? Nakita ko, hinigit mo siya papasok sa kwarto mo, Cadence." inis kong
sinabi. Muling bumalik iyon sa alaala ko.
"That's the first step to make the break up believable. What she didn't know,
Teryo, Rambo, Mamag and Jampul were inside my room, too. Sinayawan nila ng careless
whisper ang babae. Ewan ko, na-trauma yata sa sayaw na iyon. Hindi na bumalik."
tumawa si Cadence sa kanyang kwento tungkol sa babae.
Piningot ko ang kanyang ilong. "D'yan kayo magaling." Napangiti rin ako. "How did
you become friends with Teryo's gang?"
I never asked him that. Nakita ko na lang magkakasama ang mga ito.
"I saw them bully you, so I befriended them. More likely, ako iyong master nila.
And turned out, they were nice people, too." Cadence replied.
Tumango naman ako para sang-ayunan ang sinabi niya. Naaalala kong kasama sila ni
Hadley. Hindi nila pinabayaan ang pamilya ko noong wala ako at wala rin si tatay.
Kahit mayroon ng maliit na taniman si nanay sa palibot ng bahay, they still visit
her to give her vegetables and fruits.
Magkakaaway man kami noon, pero noong mga panahong kailangang - kailangan ko ang
tulong. They didn't hesitate to help me in their own ways.
Ngumiti si Cadence. "Sinuntok ako ni Teryo noong malaman niya ang ginawa ni mama
sa'yo." He said.
"Yes, Everly." Pinisil niya ang ilong ko. "Let's stop talking about them. Baka ma-
in love ka pa kay Teryo kaysa sa akin." Umigting ang kanyang panga.
Sigurado ba siya?
Natawa naman ako. "Ang seloso mo, Cadence. Pati ba naman sina Teryo pagseselosan
mo? I'm grateful for them. Mga kababata ko sila." paliwanag ko.
Iba na ang reaksyon ng mukha ni Cadence na mas lalo kung ikina-siya. It was a bit
funny. Pero sineryoso ko ang mukha ko. Selos na selos ang loko. Wala naman siyang
dapat pagselosan.
Humaba ang nguso ni Cadence. "Liit naman, wala namang ganyanan. Sinasaktan mo ako
ng walang kalaban - laban. Sa liit mong iyan, you have all the power to crash a
powerful kapre like me." Tumawa ako.
Hinabol ko ang kanyang labi para sa isang masuyong halik. I kissed Cadence.
Hinalikan ko siya habang nakahiga kami sa kama.
Tuwing hahalikan ko ito, his body stiffened. Parang hindi ito makapaniwalang ako
ang nag-initiate ng halik sa pagitan naming dalawa.
Ramdam ko ang pagmamahal niya sa bawat galaw ng kanyang labi na humahalik sa akin
palalim nang palalim. His kisses were intoxicating. I missed him so much. Mahal na
mahal ko pa rin siya kahit ilang taon na ang lumipas.
"Tatay, bakit mo po kinakain ang lips ni nanay?" rinig kong tanong ni Trojan.
"Vampire po ikaw?"
Para akong napapaso. Isang matinding paliwanagan ang mangyayari para sa anak ko.
Nasapo ko ang aking noo.
***
NO SPOILERS.
Four chapters to go and huling kabanata. If you want to join the group, Psycho's
Asylum (Stories of PsychopathxXx), malapit na ang anniv!
Chi xx
Kabanata 57
Anniversary
"I'm glad, napa-unlakan mo ang imbitasyon ko," Bumeso sa aking pisngi si Sasha.
Sasha Alcantara. Ang organizer ng event na dinaluhan namin ni Cadence noon. Her
advocacy and her heart go with the abused women.
Mamaya pa namang gabi ang trabaho ko kaya pumayag ako sa nais niyang pakikipagkita.
We visited their camp. Doon namamalagi ang mga babaeng na-rescue sa pang-aabuso.
They have activities to occupy themselves. I loved their crafts. Pinagkakakitaan
nila ang mga artworks na iyon para suportahan ang kanilang sarili.
She toured me around. I was trying to learn everything. Hindi ko alam kung bakit
napaka-natural para sa ibang asawa ng politiko ang ma-involve sa charities and
foundations.
Cadence was in the politics. Sa isa't isa naman ang bagsak naming dalawa. Pag-
aaralan ko na rin ang kalakaran bilang isang butihing asawa ng gobernador.
"That was enlightening," sinsero kong sabi. "Ang dami kong natutunan ngayong araw.
Na-enjoy ko ang pagpunta rito."
Tumango naman ako. "I would love to share my suggestions next time. I think,
maganda iyong resin art na pandagdag, madali lang din."
Sasha nodded. "Yes, that would be cool. We'll try that." sinabi nito. Humalik ako
sa kanyang pisngi at nagpaalam.
Sinundo ako ni Manong Noel. Nasa probinsya pa si Cadence kaya si Manong Noel ang
sumusundo sa amin ng anak ko. Dumaan muna kami ng mall para mamili ng ilang
pangangailangan sa kusina.
Kumaway ako sa kanila ng gumawi ang kanilang tingin sa aking direksyon. They both
ran towards me. Marcus said hi. Hinintay na namin ang sundo ni Marcus bago kami
umalis ng premises ng paaralan. Pinaulanan ako ng halik ng anak ko habang karga -
karga ko si Trojan.
Nag-iinit pa rin ang aking pisngi tuwing naalala kong nahuli niya kaming
naghahalikan ni Cadence. He really thought his father was eating my lips. Akala
niya naging bampira na ang ama.
He even gave his father alternatives to eat. Mayroon siyang donut. Share daw sila
ng pagkain. Cadence talked to Trojan about adult stuffs. Kung para kanino ang halik
sa labi. At bakit may ganoong halik. Pinaliwanag niyang para iyon sa dalawang taong
nagmamahalan na kagaya namin. Nanay at tatay.
Malawak naman ang pag-iisip ng anak ko kahit limang taong gulang pa lang ito.
Naintindihan naman niya ang nais iparating ng kanyang ama.
"May gusto ka bang puntahan, anak?" He wanted to hug me. Pinaayos ko lang ito ng
upo, nasa sasakyan kami. Trojan just drew shapes on my hand.
Umiling ito. "Uwi na po tayo, nanay. Miss ko na po si Max!" Ngumiti naman ako.
Their bond is so tight. Hindi na rin ito mukhang napabayaang aso. Muling nanumbalik
ang masigla nitong katawan. Tumubo rin ang mga balahibo nito. Alagang - alaga siya
ng anak ko.
"Max! Max! Max!" The dog excitedly barked at Trojan. Sumasayaw pa ang buntot nito
papalapit sa anak ko. Trojan gave him his treat.
Napakamot ng ulo si Cadence, kanina ko pa hindi pinapansin ang lalaki. The make up
artists put a light make up on me for the family photo shoot. He hired a
professional photographer to shoot with us.
Kanina lang pinag-uusapan ng mga ito na hiwalay na kaming dalawa ni Cadence.
Umugong na pala ang balitan iyon. Totoo naman ang balita. Pero walang ibang babae
ang makakalapit kay Cadence. Annuled kami, pero akin pa rin ang lalaki.
Trojan was wearing the same suit like his father. Ang pogi ng anak ko. Mas lalong
kitang - kita ang pagkakahawig ng dalawa. Wala man lang namanang facial features sa
akin si Trojan.
Dinala ko siya ng siyam na buwan sa aking sinapupunan tapos kamukha pala ng kanyang
ama. Wala man lang minana sa akin. Napailing ako.
I just wore a white dress complementing their black tuxedos. Nakalugay rin ang
mahaba kong buhok. Max was also in tuxedo. Kasama siya sa family picture.
Dalawang lugar ang kukuhanan ng litrato. Una ay ang living room ng mansyon, sa
garden naman iyong isa venue.
"Are you ready, Gov. Cadence and our first lady and baby boy?" Nagthumbs up ang
anak ko. Emma was on the couch watching the on-going photo shoot. Nakikipagbiruan
ito kay Trojan, tawa na naman ng tawa ang bulilit.
"Of course, the queen will sit on the throne. Gov. Cadence doon ka po sa likod ni
ma'am. Baby boy, nakaupo kayo ni Max sa paanan ni mama. Pwede kayong maglaro ni
Max, pero d'yan lang. Okay? Ready?"
She started capturing pictures. Cadence wanted to have that as a decoration in the
house. Ilalagay din ito sa kapitolyo, sa kanyang opisina.
Nang matapos ang pagkuha ng litrato sa sala, pinakita nito sa amin ang mga larawang
kuha. Hindi ako makapamili sa mga litrato. We looked adorable as a family. Ang
ganda ng mga larawan.
Since the setting is also changed, pinalitan din namin ang kasuotan. I wore a
casual summer outfit. Semi-formal naman ang suot ng mag-ama ko kasama si Max.
"Liit," Sumundot ito sa aking tagiliran. "What did I do wrong? Kanina mo pa ako
hindi pinapansin."
"I asked you what date today is." walang emosyon kong sinabi.
Naglatag ng picnic blanket ang crew, iyon ang theme ng garden photo shoot. There
are foods in there as props, too.
"Nanay, pwede po ba akong kumain?" tanong ni Trojan. Hindi ako sigurado. Pero ayoko
namang nagugutom ang anak ko.
Binigyan ko siya ng ubas. Pasimple niya iyong kinakain. Napa-igtad ako ng mayroong
kamay na pumulupot sa akin baywang. I looked up to see Cadence staring into my
soul.
He bit his lip. "I couldn't remember a single memory of this day with you, Everly.
I'm sorry." Malungkot ang kanyang mata. Cadence looked defeated.
"Okay, then. If you can't remember anything on this day..." Huminga ako nang
malalim. "Mark this day as our anniversary date."
Natawa naman ako. Sunod - sunod ang shot ng camera. There's no posing needed.
Umakto lang daw kami ng normal sabi ng photographer. She'll take our most genuine
reactions.
Inirapan ko siya. "Oo nga, sinasagot na kita." Bumaling sa camera ang mata ko.
Bahagya akong nahiya.
Hindi naman ito nangyari dati. I just assumed we were in a relationship. Ang landi
naman kasi ni Cadence. Akala ko mag-boyfriend at girlfriend na kaming dalawa. Iyon
pala, hindi naman. And now, I want us to be official.
He would constantly remind me of his love. Ni hindi niya ako hinahayaang gumawa ng
mga gawaing bahay kahit pagod din ito sa trabaho. Gusto niyang siya ang gagawa ng
lahat. Sinusundo niya ako sa madaling araw. We would talk about the things that
hurt us. Open kami sa isa't isa.
Higit sa lahat, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. And he is constant with
his words and actions.
"But do you love me? I want you to love me..." mahinang bulong niya. "I love you so
much, Everly."
I smiled. Ang laki ng ngiti ko sa labi. Tumango ako. "Mahal na mahal din kita,
Cadence." sagot ko sa kanya.
Rinig ko ang hagikhik ni Trojan sa tabi. Hinapit ako ni Cadence papalapit sa kanya.
Our lips met in the middle. Masuyo ang dampi ng bawat galaw. Masayang - masaya ako.
"You make me so happy. Damn, I'm so in love with you," Natawa ako ng bigla niya
akong buhatin at isayaw sa ere. Nakakahiya si Cadence! Gusto kong takpan ang aking
mukha.
Nalimutan yata nitong mayroong ibang tao sa garden, saka may picture-taking pang
nagaganap. Kinagat ko ang aking labi, tumahob ang aking ulo sa kanyang dibdib.
"These are such good photos, Gov." komento ng babaeng photographer.
Inayos naman ako ng tayo ni Cadence, binuhat niya rin ang aming anak. Another
couple of shots were taken. Nagawa niya kaming buhating dalawa.
"Love you po, tatay. Love you po, nanay." His eyes widened. "Ibig po ba sabihin,
pwede na po ako humiling ng baby sister?" Kumikislap ang mga mata ng anak ko.
Mahinang tinampal ko ang kanyang dibdib. "E, 'di ba, mag-aaral muna ako, Cadence.
Magtatapos muna ako ng pag-aaral." paalala ko rito.
Ngumiti siya. "Oo nga pala, nanay would go back to school muna, anak. Postponed
muna ang wish na baby. What do you want na lang? Do you want another dog? 'Di ba
may isa pang dog sa pinanood mo?" Ibinaba niya ako. Ginulo niya ang buhok ni
Trojan.
Pinakita niya rin sa amin ang shots niya. I have my favorite photos. Cadence and I
were kissing. Tinatahuban naman ng anak namin ang kanyang mata. It was so cute.
Cadence was so understanding with what I want. Siya rin naman lagi ang nagpapaalala
sa aking tuparin ko ang mga pangarap ko. He wouldn't be a hindrance to achieve my
dreams, but rather support me in everything. Sa ngayon, wala pa ang second baby sa
plano namin.
Next year, balak ko ng pumasok ng senior high school. ABM ang balak kong kuhaning
strand, samantalang grade one na sa pasukan si Trojan. I would like to pursue an
Accountancy course. Alam kong huli na, but still I want to make my parents proud.
Lalong - lalo na si tatay, kung asan man siya ngayon.
I opened my eyes to see my baby boy looking at me with his gentle eyes.
Ngumiti ito ng makitang gising na ako. "Good morning po, nanay. Ang ganda mo po."
Yumakap ito sa akin.
Akala ko dati, paghihirap lang ang nakalaan sa akin. Nang dumating si Trojan,
parang napawi ang lahat. He is the sweetest child with the kindest heart. Ang soft
big boy ni nanay.
Kinusot ko ang aking mata, pumasok si Cadence na may dalang malaking tray. Mukhang
may usapan ang dalawa. Si Trojan ang taga-gising ni Cadence.
Bumalik na kami sa mansyon ng anak ko para makasama ang tatay niya simula ng
sagutin ko ito sa panliligaw. Trojan has his own room pero hindi naman natutulog
doon ang anak ko. Hanggang ngayon hanap pa rin niya ako sa pagtulog.
"Happy first week, love. Good morning." Inilapag niya ang tray sa bed.
He kissed my forehead first before devouring my lips. Tinakpan niya ang mukha ng
anak naming humahagikhik.
May pa-breakfast in bed ang boyfriend ko. Araw - araw niya kaming pinaghahanda ng
agahan ni Trojan kahit maaga rin siyang umaalis ng mansyon para sa trabaho.
Manliligaw pa rin daw ito hanggang pagtanda namin kahit sinagot ko na siya. Parang
bawat araw mas lalong tumatamis ang gobernador.
We ate the breakfast he prepared. Susubuan niya kaming dalawa ni Trojan lalo na
kapag nalilingat ang aking anak sa pakikipaglaro kay Max.
Kasama kami ni Cadence, naimbitahan ito sa isang school activity. Ang gobernador
ang panauhing tagapagsalita. Inayos ko ang polo nitong suot. Sinuklay ko rin ang
kanyang buhok, ako ang nag-ipit noon.
Tumungo kami sa bayan ng Tiaong. Isinama niya kaming pamilya. The teachers greeted
us. Instant artista naman talaga ang anak ko pagdating sa mga tao. Tuwang - tuwa
sila kay Trojan. Cadence delivered his speech with the crowd of students.
Hindi ako sigurado kung nakikinig ba ang mga ito sa speech ni Cadence, o tumulala
lang sa kagwapuhan ng boyfriend ko. Probably, the latter part. Nahingian pa ng
intermission number ang anak ko. Sumayaw lang ito ng exercise nila sa school. It
was so entertaining to watch. Maayos naman ang naging daloy ng programa.
Matapos ang pagbisita namin sa paaralan, dumiretso kami sa kapitolyo kung saan ang
opisina ni Cadence. Binati kami ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Pinaghanda pa
nila kami ng makakain.
It was my first time visiting his office. Tama lang ang laki noon. Hindi gaanong
magarbo. Maraming libro ang nasa shelves na tungkol sa batas. And there is our
picture on the wall, proudly hanging.
Litrato iyon sa sala ng bahay. Formal ang dating ng larawan. I had that shy smile
on my face, Trojan was smiling widely, while Cadence was looking at me. Kahit sa
litrato, nakakapaso ang kanyang titig sa akin.
The picture of us in the garden was framed in the table. Iyon ang isa sa paborito
kong picture namin. Mayroon ding random pictures kami ni Trojan sa kanyang opisina,
mga panahong hindi pa kami nagkakaayos na dalawa. Stolen shots iyon.
"Ha? Okay naman. Maganda itong office mo. Saka hindi mo naman kailangan ng sobrang
laking opisina, public servant ka," Tumango naman ito at humalakhak. "Kapag ikaw
talaga nalaman kong nagnakaw, I would break up with you." banta ko pa rito.
"I'm not going to do that, Everly. I promise. As a Filipino citizen, it's my dream
to have a good governance with good politicians. If I can't find a good politician,
I'll be one." Cadence kissed my forehead.
"Nanay, na-miss ko po ikaw agad! Pati si tatay!" I carried him. "Binigyan po nila
ako ng chocolates at candies! Bait po sila."
"Nag-thank you ka ba, anak?" tanong ko naman. Pinisil - pisil ko ang matambok
niyang pisngi.
"Go ahead, kumain na kayo. Don't be shy. My family is the sweetest." Cadence
encouraged them.
Nagkatulakan pa ang mga ito at nagkatawanan, sa huli ay kumuha rin sila ng pagkain.
Ilang kasamahan niya ang nakausap ko at nakapagpalagayan ng loob.
They were happy that Cadence was elected as governor. Hindi ito takot na mapuna ng
nasasakupan, talagang pinakikinggan nito ang hinaing ng tao. Masaya ako sa balitang
iyon.
***
"Hindi na, baby boy. Kumuha lang ang tita ninang ng ulam. Enjoy kayo, baka may baby
girl na pag-ahon ng pool." Sinamaan ko ito ng tingin. Siya talaga ang pasimuno ng
ganoon kaya humihiling si Trojan ng baby girl.
Humalakhak si Cadence. "Baka ikaw ang makapagbigay ng baby girl kay Trojan."
kant'yaw nito sa kaibigan ko. Hindi siya pinansin ni Emma. Diretso itong naglakad
patungo sa kabilang bahay.
Tumingin naman ako kay Cadence. "Sino naman ang tatay ng magiging anak niya?"
tanong ko kay Cadence.
He just shrugged. Tumatawa itong hinigit ang paa ko patungo sa tubig. Na-out of
balance ako, hindi ko magawang kumampay. Sinalo niya ako at hinalikan sa labi
habang nasa ilalim ng pool. Kinurot ko siya, umahon kaming dalawa sa itaas.
Bumulong ito sa akin. "Habol po natin si tatay, tapos lagi po siyang taya." Cadence
smirked at us. May kalakasan ang boses ng anak ko. Sigurado akong rinig niya iyon.
Kaming dalawa ni Trojan ang partner. Siya ang unang humabol sa amin. Nangibabaw na
naman ang pagtawa ng anak ko tuwing maabutan kami ni Cadence. Competitive ang
nanay, wala akong pakialam kung dating maninisid siya --- I mean, swimmer. I was
trained in the sea.
Kayang - kaya kong makipagsabayan sa kanya. It was a fun game. Tuwang - tuwa ang
anak ko. Lagi kaming naghihiwalay na dalawa para habulin si Cadence kapag kami ang
natataya kaya mabilis namin itong ma-corner.
Trojan nodded, grinning. Natapos itong paliguan ng ama. Inilabas ko naman ang
kanyang damit. Isang comfortable na pajamas at shirt ang pinalit ko sa kanya.
Nagpaalam na naman ito sa aking pupunta sa tita ninang niya. Nagpasama ito kay
Aling Cecil.
Umirap ako sa ere. "Ako na ang mauuna. Sumunod ka na lang pagkatapos ko, bahala
kang lamigin d'yan."
"I'll just make this call. Sa baba na ako maliligo." Hindi na ako sumagot.
Nagdala ako ng tuwalya sa banyo. I took my time to shower. Nagsepilyo na rin ako.
Nang tuluyan akong matapos doon ko lang na-realize na wala akong dalang damit.
Nasanay akong magbihis sa loob ng kwarto sa bahay ni Emma. Ipinantahob ko ang
dalang tuwalya.
Pasimple akong tumakbo ng walk-in closet. I was near the door when I heard
Cadence's voice. Sumipol pa ang loko. Napatalon ako sa ginawa niyang iyon at
natumba sa carpeted floor.
"Fuck!" Rinig kong mura ni Cadence, mabilis niya akong dinaluhan. "Are you
alright?"
Tinampal ko ang kanyang braso. "Ikaw kaya ang madulas!" inis kong turan.
He carried me towards the bed, ibinaba niya ako sa kama. Tanging tuwalya ang tapis
ko sa aking katawan. Minasahe niya ang aking paa pataas nang pataas. Nagkatinginan
kami ni Cadence na agad namang nagbawi ng paningin.
Napapaso ako sa bawat hawak niya. His touch ignited heat between us. "Ni-lock mo ba
ang pinto?"
His eyes darted at me. "Liit, don't tempt me. I don't want to impregnate you now.
Isaisip mo ang mga pangarap mo. You want your dreams to come true, right?" It was a
fun sight seeing the confident governor blabbering things. Natatawa ako sa reaksyon
ni Cadence.
Nanlalaki ang mata nito akong tiningnan, pulam - pula ang kanyang mukha. Napailing
ako kay Cadence. "Is it your first time, governor? Baka nakakalimutan mo, may bunga
na tayo."
"Seriously, Everly, don't tempt me." seryoso ang tono ng boses niya. Umigting ang
kanyang panga.
Mas lalo akong ginanahan sa pang-aalaska rito. "Kung maka-asta ka, akala mo talaga
virgin pa." gatong ko pa sa apoy.
Pinanliitan ako nito ng mata. He was biting his lip. Umiling si Cadence.
Ngumuso ito. "You were the first and last lady I did the deed with. I am celibate
for years."
Lumuwa naman ang mata ko sa sinabi niya. Ako ang una at huli? Pinagloloko ba niya
ako? Wala naman sa akin kung mayroong ibang babae siyang nakasalamuha sa anim na
taon. Ang mahalaga ay kung anong meron kami ngayon. Hindi naman yata ako
makapaniwalang ako lang ang babaeng dumaan sa buhay niya.
"It's true, Everly. I was in love with you when you were fifteen. Since then, you
never left my mind. Why would I do it with anyone else?" Muli niyang minasahe ang
aking paa. "I'm not a saint. Never will be. Pero mahal na mahal kita, that's what I
know."
I was still in shock. Kinagat ko ang labi ko. Bahagya akong lumapit sa kanya at
yumakap. I caressed his face. I stared at him for seconds. His loyalty flashed in
his eyes, it touched my heart.
"Bakit ka ganyan? 'Di ba dapat gago ka? Paano na 'yan ngayon? Mahal na naman kita."
Natatawa ako at naiiyak din sa tanong ko. "I love you, kapre."
Hinaplos ko ang kanyang mukha. Ang mahahaba niyang pilik - mata, ang kilay niyang
makapal, mapulang labi at ang prominente niyang cheek bones. The features that make
up Cadence. The features that make him so handsome.
Unti - unting naglapat ang labi naming dalawa. He claimed my lips with that same
passionate kiss and the same intensity. Maalab. Nakakapaso. Nakakasabik na mga
halik.
This time, wala si Trojan para gambalain ang halikan namin ni Cadence. I kissed him
with only towel covering my body. He's the only man who could make me feel so alive
with his kisses.
***
NO SPOILERS.
Birthday
The sky is full packed of shining stars. Mula sa balkonahe ng kwarto kitang - kita
namin ni Cadence ang mga bituin. It's been a tradition to look at the stars at
night. Minsan kasama namin si Trojan, madalas kaming dalawa lang, tulog na tulog na
ang bulilit.
It was my hope and will always remind me that darkness is needed in order to shine
brightly like them. Things have been going smoothly to me and my family. Matapos
ang matinding unos, maligaya na ako kapiling ng aking pamilya.
Determinado akong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi lang iyon para sa akin, para rin
kay tatay. Minsan man akong nadapa, babangon at babangon pa rin ako. Hindi pa huli
ang lahat para sa taong nangangarap. There's still hope even if one stumbled on the
way.
Ilang beses man akong madapa, mas maraming beses akong babangon.
He always joined me in every stargazing. It was our spot. Matagal na namin itong
ginagawa sa probinsya kahit patago lang iyon.
Inilapag niya sa tapat ko ang mainit - init na hot chocolate. Mayroon pa siyang
nilutong elevated pancit canton recipe. Napangiti ako. Hindi na iyon kagaya ng
dati, pati ang pagluluto niya ng pancit canton, level up na rin.
"Not just your regular pancit canton." Natatawa niyang banggit. "Kain na."
"I just ate dinner, Cadence. Masyado mo naman akong pina-pamper, tataba ako n'yan."
sinabi ko pero sumubo na rin ako ng hinain niyang pagkain. Hiniwa ko ang pula ng
itlog.
"Don't worry, I don't mind. Sa relasyong ito, tatlo tayong tataba." We laughed.
Tumabi siya sa akin at umakbay. I was sipping the hot chocolate. Cadence smiled.
"If there's one thing you could change in your life and you were given a chance,
may babaguhin ka ba?" tanong ni Cadence.
Ibinaba ko ang tasa. I glanced at him. "Masyado namang pang-miss universe ang mga
tanungan mo." Pinitik ko ang kanyang ilong.
Napailing na lang ako. "Ang vague ng tanong, Cadence. Kapag may binago ka, mababago
ang lahat. That's how destiny works. Kung hindi ko kayo kasama sa pagbabagong iyon,
why would I change it, anyway? Oo nga't malubak ang daang tinahak ko, pero andoon
si Trojan. You were there waiting for me in the end." Sumandal ako sa kanyang
balikat.
Nagbabalik na naman si liit at kapre. Muli kaming tumingin sa mga bituin. "Mula
noon hanggang ngayon. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko, natabunan lang."
"Isa lang ang gusto kong mabago. I wish I was there with you when you needed me the
most." May bahid pa rin ng pagsisisi ang kanyang boses.
"I know," saad ko. Ngumiti ako sa kanya. "Alam kong gustong - gusto mo iyong
mangyari. Pero wala na tayong magagawa. And there's no reason to dwell on the past.
Magkasama na tayong dalawa ngayon. Kasama mo na kami ng anak natin. There were
things I would never understand, like the unfairness of the world but they served
as lessons."
Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo. Pumikit ako para namnamin
ang masuyo niyang halik. We reminisced the past. He would constantly ask about our
son. Mula sa first word nito, first birthday experience at lahat ng mga bagay na
gusto niya.
"We'll make that happen, Everly. Pero ikaw, anong gusto mo sa birthday mo? Malapit
na. You're turning twenty-three. Uugod - ugod na." tawa ni Cadence.
"Ang kapal mo, Cadence! Magti-twenty seven ka na nga!" I stuck my tongue out at
him. Siya itong ang lakas mag-sabi ng uugod - ugod, he's nearing his thirty's. Mas
matanda siya sa akin ng apat na taon. Trese anyos pa lang ako, malandi na siya.
Nilalandi na niya ako.
He just chuckled. "I'm serious with my question, anong gusto mo para sa birthday
mo?" Tinitigan niya akong mabuti. Ayan na naman ang nakakatunaw niyang tingin.
Umakto akong nag-isip. I never really celebrated my birthday since I got pregnant.
Mas inaalala ko ang anak ko. Hinihiling ko na lang sa langit ang kapakanan ng aking
anak. My priorities changed when I had Trojan. Basta malusog siya, hindi
nagkakasakit at masaya, I'm already happy with that.
"Hindi ko alam kung ano pa bang pwede kong hilingin, Cadence. I already have you
and Trojan. Magkaayos na kami ni nanay. Pati si tatay. I'm contented." sinabi ko sa
kanya.
"Ako rin, Everly. Wala ng ibang mahihiling pa, kasal na lang natin." Kumindat pa
ito.
Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. "Mahal na mahal kita, Sai Everly Maligno.
Soon to be my wife."
Lumingon ako sa sliding door, nakatayo roon ang anak namin habang nakapameywang.
Seryoso ang tingin nito sa amin. "'Di ba po need mag-sleep para healthy? Kaya pala
ako lang po ang mataba, 'di kayo nag-sleep ng tama. Kailangan pa po kayong
patulugin ni Trojan."
Natawa naman ako sa litanya ng anak ko. Mabilis akong tumayo para punatahan siya.
Naiwan naman si Cadence sa balkonahe para mag-impis ng pinagkainan namin.
"Go back to bed na, baby. Mag-toothbrush lang si nanay. Tutulog na rin." Hinalikan
ko siya sa pisngi.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa. Ang cute cute ng anak namin ni
Cadence. Kiniliti ko ang kanyang tiyan, humagikhik naman ito.
"Tulog na kasi ikaw kanina, hindi ka na namin ginising ni tatay para sa hot
chocolate. Promise, bukas ipaggagawa ka ni tatay ng hot chocolate. 'Di ba, tatay?"
Cadence agreed.
Hinalikan niya sa ulo si Trojan bago kami nilagpasan nito para ibalik ang tray sa
kusina.
"Tulog na rin po kayo tatay. Love you po." Binigyan niya kami ng basang halik sa
pisngi. "Family hug po." Siniksik namin si Trojan ng yakap. He just chuckled.
Having a politician boyfriend, isa lang naman ang kaagaw namin sa atensyon niya ---
ang inang bayan. Ni hindi iyon kompetensiya. Siya muna bago kami.
"Trojan, ang init - init, pumasok kayo ni Marcus sa loob!" tawag ko sa mga ito.
Madalas na bumibisita si Marcus para makapaglaro sila ni Trojan. The kid is a son
of a business tycoon. Solong anak lang ang bata. He's only with his father. Akala
ko nanay nito ang kasama sa family day, hindi pala.
Mayroon silang bagong pinagkakaabalahan ng anak ko. Nagpaturo ang mga ito sa
paggawa ng ice candy kay Aling Cecil. Hating-gabi pa lang gumagawa na ang anak ko
ng ice candy, pinapatigas niya ito buong magdamag para ibenta ng kinabukasan.
I have been asking him what he wanted to buy. Bibilhin ko naman iyon, minsan lang
naman humiling ang anak ko. Si Max lang naman ang hiniling niya. Pero natutuwa rin
ako madiskarte si Trojan at pinaghihirapan niyang makuha ang isang bagay.
Marunong na siya sa mga gusto niya at kung paano niya makakamit. Kasama niya si
Marcus na naglalako ng ice candy.
Pumasok ang anak ko nang busangot ang mukha. Para itong nalugi. Usong sila ni
Marcus sa dalang maliit na styrofoam. Nabahala naman akong sumalubong dito.
Unti - unti na itong humikbi. And seeing my precious on crying also breaks my
heart. Ayokong nakikita siyang umiiyak.
"Nagtitinda lang naman po kami, nanay. Inaway po kami ng group ng taga-village din
po. Binubo niya po ang tinitinda naming ice candy ni Marcus." kwento ni Trojan.
Kinagat ko ang labi ko, ayoko namang umiyak sa harap niya. Pumantay ako sa kanilang
dalawa. Marcus looks serious.
"Tahan na, anak. Hug mo si nanay. Kakausapin ko iyong magulang noong mga salbaheng
bata, hindi ako papayag na inaapi lang kayo. Magkano ba ang ice candy na binubo
nila? Babayaran na lang ni nanay." Pinahid ko ang luha sa kanyang pisngi.
Umiling si Trojan. "'Wag na po, nanay. Gagawa na lang po kami ng bago." sagot nito.
Siya na mismo ang nagpahid ng kanyang luha. Malungkot pa rin ang kanyang mata.
"Trojan, tell nanay. May nabasag ka ba, anak? Kaya ka nag-iipon? Hindi naman ako
magagalit."
It was just a hunch. Narinig ko kasing nag-uusap ang dalawa, nagtatanong si Marcus
kay Trojan kung hindi pa raw sasabihin ng anak ko ang secret nilang dalawa. Maybe,
they broke something in the house.
Nagkatinginan ang dalawa. Nakita ko naman ang takot sa anak ko. I kissed Trojan's
cheeks. "Hindi galit si nanay." I assured him. "Naghanda na ako ng meryenda ninyo.
Kumain na muna kayo roon, okay? May pupuntahan lang si nanay."
Pinigilan ni Trojan ang kamay ko. "Nanay, 'wag na po ikaw makipag-away. Okay lang
po si Trojan." he said.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi naman ako makikipag-away, anak. Kakausapin ko
lang iyong magulang noong nang-away sa inyo. Masama naman iyong ginawa nila.
Kailangan nilang matuto." Ginulo ko ang kanyang buhok. Niyakap niya ako sa baywang.
"Babalik din agad si nanay."
Alam ko ang pupuntahan ko, I know those brats. Kilala ko rin ang magulang ng mga
ito na kinukunsinte lang ang anak. That's why we don't go to the park now.
Nagpagawa na lang ng sariling park si Cadence sa garden namin para sa anak ko.
"It's just an ice candy, it's no big deal," may tono ng inis sa boses ng ginang.
Pinilit kong maging mahinahon. "Maliit man po o malaking bagay, ang point po rito,
wala pong karapatang gawin iyon ng anak ninyo sa anak ko at sa kaibigan niya.
Pinaghirapan iyon ni Trojan." Nauubos na ang pisi ng pasensya ko.
Inis na inis ako. Parang gusto ko itong sapakin ng wala sa oras. "And you don't
deserve to be a parent." I told her.
Nilingon ko siya. "How dare you being so close-minded? Maawa ka naman sa anak mo."
Binigyan ko siya ng isang pamatay na irap.
Nagdire-diretso ako ng paglalakad pabalik ng bahay kung saan naghihintay ang mga
bulilit.
Sinalubong ako ni Trojan ng yakap. Hinintay pa nila ako para kumain kami ng
meryenda ng sabay. Hanggang ngayon, hindi pa rin sinasabi ni Trojan ang dahilan ng
pagbebenta nila ng ice candy. Hinayaan ko na lang muna. Hindi ko siya pipiliting
magsabi kung hindi pa siya handa.
Nakarinig ako ng maingay na pagputok ng isang bagay. Agad akong napabangon sa kaba.
Wala na ang mag-ama ko sa higaan. I was confused with the surrounding. Ang daming
lobo ang nagkalat sa sahig. Bumabagsak ang mga confetti.
Kumpleto ang buong bahay na bumati kasama si Emma. Mayroon silang malaking banner
na may pagbati at pangalan ko.
The room was full of balloons and decors. Hindi ko alam kung paano nila ito nagawa
ng hindi ako nagigising.
Lumapit si Cadence para yakapin ako at hagkan sa labi. Naramdaman ko na lang ang
malamig na bagay sa aking leeg. Nang tingnan ko iyon, it was a necklace with a
heart pendant.
Binuksan ni Cadence ang pendant. There was a picture of my two favorite people.
Picture nila iyon ni Trojan.
"Happy birthday, liit." He gave me a kiss on the head. "My heart is yours."
Lumapit si Emma para batiin ako at isailalim sa isang mahigpit na yakap. She gave
me a cute photo album of us together. Binati rin ako ng mga kasambahay namin na
nag-abalang magluto ng cake. I blew the candles.
Huling lumapit sa akin ang anak ko na mayroong dalang isang box na may pulang
ribbon. "Happy birthday po, nanay. Mahal na mahal po ikaw ni Trojan." Sumampa siya
sa kama para bigyan ako ng yakap at halik.
"Thank you, baby. Mahal na mahal ka rin ni nanay, lagi mong tatandaan." Maingat
kong binuksan ang box na may ribbon. It was a knitted yellow sweater. I bit my lip.
Things made sense now. Tumulo ang luha sa mata ko.
"Kaya ba nagbenta ng ice candy si Trojan para bigyan ng regalo si nanay?" I asked
him.
His eyes were teary, too. "Opo, nanay. Sorry po iyan lang po naipon ni Trojan. Mura
lang po iyan." Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko. I was so touched by my son's
gesture.
Hindi siya nanghingi sa tatay niya o kay tita ninang niya. Pinag-ipunan niya para
maibili ako ng regalo. It was far the best gift I have received aside from my son
himself. He was so thoughtful.
Naiiyak itong yumakap sa akin. "It's the best gift nanay received, anak. Thank
you." Ang sarap sa pakiramdam.
"Para po lagi mo pong ramdam ang yakap ni Trojan, nanay." He wiped away my tears.
"Yellow po nanay kasi happiness daw po. Gusto ko po lagi ka pong masaya."
Hindi lang nila alam masyado nila akong napasaya. Makasama ko lang ang mahahalagang
tao sa kaarawan ko, masaya na ako. Nag-uumapaw ang aking kaligayahan.
This is one of the best birthdays I had aside from my eighteenth birthday. Nabawi
ko noon ang aking anak. Nakasama ko siyang muli.
"What? No, I can't. It's my wife's birthday today. Hindi ba pwedeng kayo na lang
muna? I am also needed here." Cadence excused himself in the lunch table.
Nananghalian kami ng mayroong tumawag dito, sakto namang napadaan ako para kuhanin
iyong desserts sa kusina. Kinagat ko ang labi ko. Hinintay ko ng matapos ang
pakikipag-usap nito sa taong kausap.
Agad na nagbago ang madilim nitong ekspresyon ng makita nito akong naghihintay.
"Are you needed at work?" masuyo kong tanong.
"Sobrang importante ba? Hindi naman ako magtatampo kung uunahin mo iyon. Oo, gusto
kitang makasama ngayon. But I'm also aware that your job requires you to attend the
people's needs." Hinawakan ko ang kanyang kamay. "It's okay, Cadence."
Nag-aalangan niyang kinagat ang labi. "Are you sure, Everly? I'm so sorry, it's
really an emergency. I promise, babawi ako." Hinigit niya ako papalapit sa kanya. I
sighed.
Kung para sa bayan, handa naman akong magparaya sa oras ng boyfriend ko. Buhay din
ang nakasalalay sa kamay ni Cadence. Ramdam ko naman ang kagustuhan niyang makasama
kami.
And I know he would choose my birthday over people that need him and I don't want
that. Sobra - sobra pa ang pagbawi niya sa kanyang mga pagkukulang.
Umalis si Cadence pagkatapos ng lunch. I spent my birthday with Trojan and Emma in
the mall. Nanood kami ng sine, naglaro sa world of fun at kumain ng meryenda.
Masaya ang selebrasyon ng birthday ko, medyo miss ko lang si Cadence.
After spending our time in the mall, umuwi rin kami agad. Bahagyang pagod na si
Trojan. We took a nap in the master's bedroom.
I was woken up by a hand slapping my face. It was Emma. Naka-krus ang braso nito sa
dibdib. Wala na si Trojan sa tabi ko.
"Aba, ano ka si Cinderella, gising na po, mahal na prinsesa!" sinabi pa nito.
Tuliro pa ako at wala sa sarili. "Si sleeping beauty iyon. Mali ka. Kaya kailangan
ko pang matulog." sagot ko naman sa kanya.
"Sabihin mo iyan sa anak mo." Muli akong pinalo ni Emma ng unan para matauhan.
Rinig ko ang pagtakbo ng maliliit na yabag patungong kwarto. Trojan emerged wearing
a tuxedo. Ang pogi ng aking anak.
Nagkibit - balikat sa akin si Emma. Inilabas niya ang big box na may lamang dress,
binili iyon ni Cadence para sa akin. It was for the dinner.
Tumayo naman ako at nagtungo sa banyo. Inayos ko ang aking sarili. Naghilamos ako
at nagsepilyo. Kinuha ko kay Emma ang damit, nagtungo ako sa walk - in closet para
isuot ito. It was in pastel pink tube-like dress that fitted me perfectly. Hanggang
talampakan ko ang damit. Formal daw ang reserved restaurant ni Cadence.
Tinulungan ako ni Emma sa simpleng make up. Siya rin ang nag-ayos ng buhok ko. I
looked decent in the mirror.
Emma took a picture of me and Trojan. Sinundo kami ni Manong Noel para ihatid sa
hotel. Cadence booked the hotel's restaurant for my dinner celebration.
Tumakbo ito papalayo sa akin patungo sa kabilang direksyon. That wasn't the
reservation his father made.
Agad ko itong sinundan. "Trojan, baby, hindi d'yan. Sa kabila iyong restaurant."
Hindi ito nakinig sa akin. Bigla siyang pumasok sa isang malaking main door. Mas
binilisan ko ang bawat hakbang.
Binuksan ko ang malaking pinto. Agad akong nasilaw sa tumamang spotlight sa aking
mukha. It was too bright. Sinalag ko ang aking kamay para takpan ang aking mata
mula sa ilaw.
The spotlight went out. Biglang dumilim ang paligid. "Trojan? Anak?" tawag ko sa
tahimik na paligid.
Muling bumukas ng sabay - sabay ang liwanag. Hindi na masyadong nasilaw ang mata ko
sa pangalawang beses na pagbukas ng ilaw. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid.
Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong pamilyar ang mukha ng malaking function hall.
Everyone I knew was in the function hall. Si nanay, si Nena, ang grupo nina Teryo,
ang mga Ponce, ang ilan kong katrabaho sa Spice Lounge. And my son was grinning
widely in the middle.
May humawak sa braso ko, nilingon ko ang salarin. Bumungad sa akin ang mukha ng
isang gwapong lalaking kamukha ng anak ko. He was also wearing a tuxedo same as my
child. Naka-low man bun ang kanyang buhok na mahaba.
He has a large bouquet of aromatic flowers in his hand. Iniabot niya iyon sa akin.
"Happy birthday, liit. You are so gorgeous. We are now gathered today just to see
the most beautiful woman I laid my eyes on her special day. Mahal na mahal kita."
Cadence smiled subtly.
"Ninakaw ko sa'yo ang pagkakataong magkaroon ng debut celebration with your loved
ones when I impregnated you with our child. Gusto kong bumawi, Everly. I want to
make up for the days I wasn't with you and my mistakes."
Pabiro kong hinampas ang kanyang dibdib ng bouquet. "Akala ko ba may emergency ka?
Bakit ka andito?" Hindi na nakisama ang mata ko, agad kong pinahid ang aking luha.
"Hindi ko yata mapapalampas ang kaarawan mo. I'm sorry, liit. It's just a plan, so
you wouldn't suspect anything." He chuckled.
I did. It was so fun to have the special people in my birthday. Twenty three gifts.
Twenty three messages. Nanay, Nena and Emma gave their messages. Pati ang anak ko
ay kasama sa nagbigay ng mensahe. Twenty three roses.
My first dance was my son. Mas lalo akong humagulhol ng iyak ng hawak niya ang
litrato ng kanyang lolo. My father was supposed to be my first dance on my
eighteenth birthday. Pero wala namang nangyaring ganoon dahil wala ako sa amin para
i-celebrate ang birthday ko. It was a sweet moment.
Isinayaw ko rin sina Teryo, Rambo, Mamag at Jampul at ang magpipinsang Ponce.
Tawang - tawa ako sa feeling F4. I even danced with Dustin. Nakabantay pa sa gilid
si Cadence. Masama ang tingin niya sa lalaki pero sa tuwing tumitingin ako sa
kanya, nawawala ang inis nitong ekspresyon.
Cadence was my last dance. It felt so surreal. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. He
had no idea how he made me so happy tonight, on my birthday.
"You made me so happy, Cadence. Thank you for this." Pinahid niya ang luha ko ng
marahan sa pisngi. His stare was melting me.
Our dance was sealed with a passionate kiss. I am so in love with him, too. I'm so
in love with Governor Cadence Beckham Ponce.
***
NO SPOILERS.
No update for tomorrow. Updates will be resumed the next day (if walang gawa).
Anniversary Celebration of the group. Thank you!
Chi xx
Kabanata 59
Star
"Masakit pa rin ang ulo mo, liit? Do you want me to stay with you? I'll take a day
leave." Cadence was still cuddling me in the bed.
Mataas na ang araw. Siya muna ang nag-asikaso kay Trojan, medyo dumadalas ang hilo
at headache ko.
"Hindi na, ano ka ba? Kailangan ka rin ng mga tao mo. Okay lang ako, mawawala rin
ito." I assured him. Ganoon naman lagi.
"Oo nga, kapre. Kaya bumangon ka na, magligo at magbihis. Mahaba pa ang b'yahe." I
kissed him on the cheek. Humarap siya sa akin at ngumiti.
"Fine, I'll call you to check on you from time to time, okay?" Hinawakan niya ang
aking kamay. Tumango naman ako.
He kissed my forehead. "Mahal kita," He went to the comfort room to take a shower.
Bahagya naman akong pumikit nang madama kong muli ang pagkirot ng aking ulo. Hindi
ko namalayang nakatulog ako.
"Nanay, gising na po ikaw. Hindi ka pa po nakain kanina pa." Trojan was gently
shaking my shoulders.
Wala na si Cadence paggising ko, nag-iwan lang ito ng isang piraso ng rosas sa
ibabaw ng table na mayroong sweet message.
"Hindi po," Umiling pa siya. "May dala po akong lugaw, nanay. Susubuan ko po ikaw.
Para hindi ka po mapagod. Nagpaluto po ako kay mama Cion ng lugaw para sa'yo."
There's a tray next to me. Agad kong nalanghap ang mabangong aroma ng pagkain.
Mainit - init pa iyon. Umayos ako ng upo sa kama. Sumandok si Trojan ng isang
kutsara at inumang ang pagkain sa akin. Hinipan niya pa ito para hindi ako mapaso.
Masaya ko iyong tinanggap.
Big boy na talaga ang anak ko, inaalagaan na niya ako ngayon. Paminsan - minsan
sumusubo rin siya ng lugaw, natatawa naman ito sa tuwing makakalimutang para sa
akin ang kanyang dalang pagkain.
"Thank you, anak." Ginulo ko ang kanyang buhok. "Proud si nanay kung paano ka
lumaki, you're such a good boy." Naubos ko ang lugaw na dala niya.
Yumakap naman ito sa akin ng mahigpit. Hinalik - halikan niya ang aking mukha.
"Walang anuman po, nanay. Masakit pa po ang ulo mo? I-kiss ko po ikaw para mawala."
He proceeded to kiss me in the head. Ngumiti naman ako. Trojan is such an adorable
kid. His kisses weren't scientifically proven, pero para sa akin, nakakapagpagaan
iyon ng nararamdaman. I'm totally feeling better with his sweet gesture.
Nakalimutan ko na ang pagsakit ng ulo ko dahil sa kanya. Days have been busy for
all of us. I took an entrance exam for senior high school for the next sem. Naipasa
ko ang naturang pagsusulit.
Hinintay ko sa isang cafe ang kausap ko, a tall beautiful girl with curly hair
smiled at me. It was Olivia, Cadence's sister. Tinawagan niya ng minsan ang phone
ko para makipagkita. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang aking number.
Tiningnan ko lang ang babae. Wala naman kaming interaksyong dalawa simula pa noon.
I just knew her as Cadence's sister. She and Hadley were intimidating at that time.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, I know what my mother did to you. I just want
to say sorry." She sighed. "At baka pwede mo namang sabihan si kuya, nami-miss ko
na siya, 'wag niya naman akong idamay sa galit kay mama."
Napailing ako. Hindi ko alam na pati ang kanyang kapatid dinadamay niya sa galit ng
kanyang ina. Si Cadence talaga.
"I will tell him that." May inilabas akong isang aromatic envelope, containing
Trojan's invitation para sa nalalapit nitong birthday. Hindi naman nagtagal ang
pag-uusap naming dalawa. "Sorry, nadamay ka pa ni Cadence. Kakausapin ko siya
tungkol doon."
"Thank you," she said. "Thank you for the invitation. Your son is such a cutie.
Kamukhang - kamukha siya ni kuya noong bata pa."
Trojan chose our costume. And his choice was the Jurassic park theme family
costume. What a day to become a dinosaur. Cadence and I wore the same costume. Kami
ang nanay dinosaur at tatay dinosaur, si Trojan naman ang baby dinosaur.
Tawang - tawa ako sa get up naming mag-anak. Marcus also had the same costume.
Nagpagulong - gulong pa ang dalawa.
Lahat ng pinsan ni Cadence ay imbitado. They wore minions costume. His brother and
sister also attended the party. Lorenzo wore a McDonalds costume. Inaaway naman
siya ng mga bata na mas gusto si Jollibee. Emma's costume was fairy godmother.
Ang daming taong dumalo sa pagtitipon, Trojan was so happy. His classmates were
also there to celebrate. Pati ang mga bata sa Shelter at ang mga madre. We managed
to gather them in the garden. Ang daming naghihintay na laro.
"Blow the candles, Miracle." Cadence told our son. "But make your wish first."
He looked at me, then, to his father. Napakamot ito sa ulo. "Ano pong iwi-wish ko
po, tatay? Natupad na po ang wish ko po. Kasama ko na po ikaw. Kasama ka na po
namin ni nanay." Sumulyap sa akin si Cadence, mukhang naiiyak pa ito sa sinabi ng
anak namin.
Pumikit naman si Trojan, bago niya hinipan ang kandila. Lahat kami pumalakpak ng
mai-blow niya ang candle. Humagikhik lang ang anak ko at pumalakpak din. Nagsimula
ang pagkain, sumunod ang palaro.
Incorporated ang traditional Filipino games. Pukpok palayok ang naunang nilaro ng
mga bata, ilang palayok na may lamang candies ang hinanda namin para ma-experience
iyon ng lahat.
Nakikiagaw din ang mga tito ni Trojan sa premyo ng pabitin. It was chaotic funny.
Hindi masyadong makakuha ng prize si Trojan at Marcus dahil sa suot nilang dinosaur
costume. They also had calamansi relay. Ilang bata ang natumba dahil sa laki ng
costumes nila. Wala namang umiyak o nasugatan.
They also had a magic show. Laging napagtripan ng magician si Lorenzo na mayroong
suot na McDo costume. The kids were wowed by the magic tricks. Nagkaroon din ng
dance battle sa mga bata at sa matatandang feeling bata.
It was the best birthday Trojan had. Kumpleto kaming pamilya at kasama ang mga
taong mahalaga sa anak ko. It was an unexpected turned of events, but I'm glad how
it turned out.
Trojan opened his gifts with the Ponce. Mas excited pa ang kanyang mga tiyuhin na
magbukas ng regalo. Marcus was with him, too. Pinayagan ang batang mag-overnight sa
bahay.
Simple lang ang regalo ko sa kanya. I crocheted an octopus-like stuffed toy for
him. Pinag-aralan ko iyon sa youtube. Gladly, I made it on time. He liked my gift.
Kahit patatas ang i-regalo ko kay Trojan, he would treasure it. I know how
appreciative he is.
"Did you enjoy your party?" I heard Hadley asked my son. Nakaupo ito sa tabi ng
lalaki habang binubuksan ang isang regalo.
"Of course, you and your friends are so cute in your costume." He helped him opened
the gift wrapper.
"Ikaw din po, bagay po ang costume niyo ni tita ninang." sinabi pa ng anak ko.
Humalakhak naman ang lalaki. I shook my head. Dumiretso ako sa kusina kung saan ko
naabutan si Cadence at Via na nag-uusap ng masinsinan.
Umalis ako para bigyan ang dalawa ng privacy. I went outside to see the stars,
everyone is occupied with their little world. Ayoko naman silang gambalain. Tumabi
naman sa akin si Emma, humilig siya sa balikat ko.
She sighed. "Masaya ako para sa'yo, Sai. Masaya ako kung nasaan ka ngayon. Masaya
akong masaya ka. Alam ko ang pinagdaanan mo, saksi ako noong mahinang - mahina ka
pero pinilit mong paglabanan ang buhay. Heto ka ngayon, masaya na sa wakas."
nabigla ako sa sinabi ni Emma. Pinisil ko ang kanyang braso.
***
"Lambing. Kapag malambing daw, may ginawang kasalanan ang lalaki." Natatawa kong
komento.
Sumimangot naman ito. Kumunot ang kanyang noo, mas lalo niya akong niyakap. "Who
says that bullshit? Malambing ako kasi mahal kita. Hindi iyon magbabago."
Natawa ako sa reaksyon niya, I was just joking. Pinasadahan ng aking kamay ang
kanyang buhok. Naninibago ako. His long hair was gone. Parang bumalik ang dati
niyang hairstyle. Kahit ano naman ang ayos ng kanyang buhok, ang gwapo pa rin ni
Cadence.
"Anong ginawa mo?" I was shaking my head, smiling. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Piningot niya ang ilong ko. "What? You don't like my new hair? Ayaw mo ba sa
ganitong hairstyle?" sunod - sunod niyang tanong. Hinawakan niya ang buhok.
"Hindi naman. Nasurpresa lang ako. Bagay sa'yo, kahit ano naman." Ginulo ko ang
kanyang buhok. "Nakita na ba ni Trojan?"
Tumango naman siya at ngumisi. "Ang gwapo raw ng tatay niya sa new look." Kumindat
pa ang loko.
"Yabang!" Mahinang kinurot ko siya sa tagiliran. "But you look good. Seryoso, ang
pogi mo."
"I know." Hinalikan niya ako sa labi. "Something tells me, this will be my lucky
night."
"Let's eat outside, Everly. Let's have a date. Kasama si Miracle." He wriggled his
eyebrows. Pinisil niya ang aking pisngi.
Araw - araw naman kaming kumakain ng hapunan ng sabay. It's just a common gesture
for Cadence to take us out for dinner. There are times he would cook for us, and
times when we eat out. Parehong espesyal iyon para sa akin.
I wore a simple pastel dress for the dinner. Same color ang damit naming tatlo.
It's always like that. We are coordinated with the clothes we wear. Inayos ko ang
polo ng dalawa, hanggang ngayon hindi pa rin mag-ayos ng kuwelyo. May pinagmahanan
talaga ang anak ko.
May bagong bukas na restaurant sa Metro. It's located in the rooftop of a tall
building. Mas madalas kami sa ganoong kainan. Kitang - kita ang mga bituin sa
langit. Mayroon daw teleskopyo ang restaurant. Excited ang anak kong makakita ng
mga bituin at buwan.
"Tayo lang ang tao? You rented the place?" Mahina kong tinampal ang braso ni
Cadence.
Alam ko namang mayaman siya, he could buy anything he want, lalo na't pera naman
niya iyon at hindi galing sa nakaw sa kaban ng bayan. Pero hindi naman niya kami
kailangang gastusan ng malaking halaga, masaya na kaming kasama siya. But knowing
Cadence, he would want to give us everything.
Nag-peace sign ito at ngumisi. Umiling ako, kinurot ko siya sa parteng dibdib. The
usherette guided us to our table. Ito lang ang mesa na may dekorasyon. I smelled
fresh scented candles.
Nilibot muna namin ang paligid. The sky was clear, there was a good view of the
city. It was peaceful. Ang damot lang ni Cadence, kami lang ang diners ng
restaurant.
Pinaghila ako ng upuan ng boyfriend ko, pati ang anak namin. Kanina pa nito
sinisilip ang telescope para sa stargazing.
The waiters served us their dishes. Charleston cheese dip, cranberry brie bites,
caprese garlic bread were the appetizers.
Kinagat ko ang labi ko, nagtatrabaho ako sa isang restaurant, pero intimidating pa
rin ang dating ng mga sosyal na pagkain. Mabilis ding na-serve ang main course.
"You don't like the food?" tanong nito nang mapansing hindi ko ginagalaw ang
pagkain ko.
"Ha? Hindi. Medyo nakaka-intimidate lang banggitin ang pangalan nila. Hindi pa rin
ako sanay." Natatawa kong sabi. That's the truth. Naninibago pa rin ang panlasa ko.
Bumaling naman ito sa anak naming gulay lang ang nilalantakan. He loves the mashed
potatoes. Pinahid niya ng napkin ang gilid ng labi nito. Ngumiti ako sa kanilang
dalawa. Ang gandang pagmasdan ng mag-ama ko.
Kanina ko pa rin napapansin ang tinginan nilang dalawa. Parang mayroon silang alam
na hindi ko alam.
Matapos ang dinner, excited na pumunta kami sa telescope. There's two. Inayos ito
ng staff ng restaurant. Si Cadence ang umalalay kay Trojan para makita niya ang
focus ng teleskopyo.
"Nakakainis ka! Nagulat ako." Kinalma ko ang aking sarili. Cadence chuckled. "Ang
ganda ng bituin sa langit. It shines brightly."
He smiled. "I have something for you," Inilabas niya ang isang envelope at binigay
sa akin. Nagtataka naman akong kinuha ang envelope. Naghihintay si Cadence na
buksan ko ito.
"On your shoes." Inginuso niya ito. Sinundan ko naman iyon ng tingin. Mukhang si
Trojan ang may gawa noon. "I'll take care of it."
Humugot siya ng panyo sa kanyang bulsa upang punasan ang aking sapatos. "Go on,
liit. It's my gift for you. Muling inukopa ng dokumento ang atensyon ko. It's a
certificate. Binasa ko ang nakasulat habang pinupunasan ni Cadence ang sapatos ko.
Certificate of Registration
Be it known that the star located in the constellation of Ursa Major at right
ascension 21.072 and declination 19.05, Epoch 2000, shall be henceforth known by
the name Sai Everly Maligno-Ponce.
My eyes widened. Hindi ako makapaniwala sa binasa ko. I looked at Cadence, mas lalo
akong na-supresa ng makita ang kanyang tayo. Katabi niya si Trojan.
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Cadence. "Will you please read the next paragraph?"
I did, trembling. "You are the star that I call home. You are the star that shines
brightly even in the most difficult times. You will always be my favorite star."
Nagsimula ng mag-unahan ang luha sa aking pisngi.
"This time, it is not for convenience. But because we are two people in love with
each other. Can I give you my last name, Sai Everly Maligno, will you marry me
again and make me the happiest?" Binigay ni Trojan ang box ng singsing sa ama.
Kaya pala kanina pa hindi mapakali ang anak namin. He has the ring.
Parehas na nakaluhod ang dalawa with one bended knee. "Nanay, will you marry tatay
again?"
Pinahid ko ang aking luha sa pisngi. Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Tumango ako.
"Oo naman, aayaw pa ba ako? Ang pogi ng dalawang nagpropose." Natatawa kong sinabi,
punong - puno ng kaligayahan ang puso ko.
Sinuot ni Cadence ang singsing sa aking kamay. Mabilis siyang tumayo para yakapin
ako ng mahigpit. Binuhat pa niya ako at inikot sa ere.
He was also crying. Mabilis niyang inabot ang aking labi para halikan ng masuyo.
Sakto ang pagliwanag ng kalangitan sa mga fireworks na kumulay kasabay ng mga halik
ni Cadence.
Ibinaba niya ako. "You make me the happiest. I love you so much, Everly. Mahal na
mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, Cadence." Ngumiti ako.
Nabitin ang ngiting iyon, kumapit ako sa kanya ng mahigpit. Umikot ang aking
paningin. I felt it again. I felt that painful twist in my head. Parang bina-barena
ang ulo ko sa sakit.
"M-masakit..."
That's the only thing I could remember. Their voices and cries echoed in the back
of my head, I passed out. Nasalo naman ako ng matipunong bisig.
Nagising ako sa isang puting kwarto. Mayroong IV fluid na nakakabit sa aking kamay.
Cadence was sleeping on the side of my bed. I was in a hospital room. Ganitong -
ganito ang ayos ng kwarto ni Cadence ng ma-confine din ito sa hospital.
Bigla naman itong napabalikwas ng bangon. Agad niya akong dinaluhan. His eyes
looked worried. "How are you feeling? May masakit ba? Tatawagin ko ang doctor."
Umiling naman ako. Pinindot niya ang isang button, may kinausap siya roon.
Bumalik naman siya sa akin, hinawakan ang aking kamay. Pinaglaruan niya ang
singsing sa daliri ko. "Anong nararamdaman mo, Everly?"
"I'm well, Cadence. Umuwi na tayo. Naghihintay na sa atin si Trojan." marahan kong
sinabi.
Ngumiti ito. "Our son is worried sick." Hinaplos niya ang aking mukha. Inalis ni
Cadence ang buhok kong nakaharang sa aking mukha.
"Sorry, hindi ko naman sinasadyang makita niya ako sa ganoong estado." He shook his
head.
Hindi na ako nakasagot ng dumating na ang doctor. Isang may katandaang doctor ang
tumungo sa hospital room ko. She smiled at me.
"Maayos naman po. Hindi na po sumasakit ang ulo ko." Siguro, kailangan ko lang ng
pahinga. Ganoon naman ang madalas kong ginagawa. Headache is very common.
"We have to run more tests, Mr. Ponce. Since the patient is now conscious, we can
do an MRI scan." Kinagat ko ang labi ko. Kabang - kaba ako ng marinig ko ang MRI
scan na sinabi ng babaeng doctor.
"Kumalma ka, Mr. Ponce. Hindi ako kalaban dito, I'm here to help." mahinahong
pagkausap ng doctor kay Cadence. Pinisil ko naman ang kamay niyang hawak ang akin.
He looked at me, I assured him, it was okay. "On the computed tomography of the
brain, we detected something. We detected some anomaly. The faster we could have
the MRI scan, the better to diagnose what it was. You told me, dumadalas ang
pagsakit ng kanyang ulo." She was pertaining to Cadence on the last line.
I looked away. Tumitig ako sa kisame ng kwarto. Hindi ako sigurado sa dapat kong
maramdaman. Ang alam ko lang, may parte sa aking natatakot. Natatakot sa kung ano
mang magiging resulta ng scan.
"It's going to be fine, liit. It's just probably nothing. Namali lang siguro ng
lumabas sa test, even in the allied field, it could happen. Kaya kailangan ng
second opinion minsan. Mas mabuti ng sigurado tayo." I could hear the denial in his
voice.
Tumingin ako sa kanya, kinuha ko ang kanyang kamay. "'Wag mo akong iiwan, Cadence."
Hinalikan niya ang likod ng kamay ko. "Hindi. I'll be with you on this fight,
whatever it is." His eyes were determined, I believe him.
Pumayag ako sa MRI scan na hinihingi ng doctor. It was intimidating. I laid inside
the large tube during the scan. Wala akong ibang inisip kung hindi maging maayos
ang kalalabasan ng resulta ng test.
Ipinikit ko ang aking mata habang isinasagawa ang scan. Inisip ko ang masasayang
alaala ko kasama ang aking pamilya para hindi ako gaanong kabahan. Paminsan -
minsang kinakausap ako ng technologist.
Magkahawak ang kamay kaming humarap ni Cadence sa doctor. I was holding his hand
like my life depended to it. Maybe.
"There's a bad news I'm going to tell you Mr. and Mrs. Ponce. In the MRI scan, the
result showed there is a tumor in the parasagittal part of the brain. Good thing,
it's a small portion and usually benign. Alam niyo, brain tumor is such a mystery.
Its cause is usually unknown. Is there a situation in the past that you hit your
head or injured your head, Sai? Can be a factor." Humigpit ang hawak ko kay
Cadence.
I nodded at the doctor. Tandang - tanda ko pa ang gabing madilim, I was hit in the
head. I almost died.
"The symptoms are very common. Hindi mo iisiping napaka-komplikadong sakit na ang
tumama sa iyo. Since it's a Grade I tumor, mas referred ko ang surgery. But there
are three options I'm going to discuss, the surgery, the chemotherapy and the
radiotherapy." she explained.
Lumunok ako ng laway, namamawis ang aking kamay pero hindi iyon binibitiwan ni
Cadence. I couldn't even see a glimpse of his reaction.
"Doc," mahina kong tawag sa atensyon nito. Tumingin naman ito sa akin. "Can you
leave us for awhile? Things are not sinking in."
Nakakaintinding tumango naman ang doctor. Tumango ito at iniwan kaming dalawa ni
Cadence sa loob ng kwarto. Pinilit kong tanggalin ang aking kamay, pero hawak niya
ito kahit anong gawin ko. Rinig ko ang bawat paghinga niya.
Nagsimulang tumulo ang luha ko. Akala ko okay na ang lahat, akala ko pagkatapos ng
lahat ng pinagdaanan namin, tapos na rin ang paghihirap. Buhay nga pala ito. Laging
may pahirap.
Humarap sa akin si Cadence. Ang tatag ng kanyang mukha, ni walang bahid ng lungkot.
Mahigpit niya akong niyakap. I let out my cries and pain on his chest. Ang lakas ng
palahaw ko.
"Cadence, h-hindi... hindi ko ito kakayanin..." I cried so hard.
Itinaas niya ang aking mukha para magpantay kami. "Do you remember those days? Nasa
isang lugar kang walang alam, mas madalas kang sa kalye natulog. You were there
alone with our baby in your womb. Nakaya mo iyon ng mag-isa, Sai. Ito. Wala lang
ito. Parang kagat lang ng langgam. Wala ito sa mga pinagdaanan mo." He wiped aways
my tears with his thumb.
"If you feel weak, I'm here. There's always a way. Ihahanap kita ng magaling na
doctor. I will take care of you and Trojan. You can depend on me, Everly."
"Hindi mo ako iiwan?" Bumaluhong muli ang luha sa aking mata. "Do you promise?"
"I will never leave you, I don't make promises, I often broke them. But I will now.
Hinding - hindi kita iiwan."
He sighed and smiled. "Putangina. Ako iyong mauuna sa'yo. I'm not gonna let you be
the first one to go. Hindi ko kakayanin. Mauuna ako, hindi pwedeng ikaw. You'll be
okay without me, it's proven and tested. But I can never be okay without you. Do
you understand that?"
I nodded.
***
NO SPOILERS.
Chi xx
Ikaanimnapung Kabanata
Kabanata 60
Kasal
Sometimes, acceptance is the most difficult thing to achieve. There's always this
denial phase. When I was first diagnosed, pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Every
ounce of happiness and hope was sucked out of my body. Maraming katanungan ang
gumulo sa aking isipan.
I had my fear and doubts. They encrypted into my system. It was like slowly losing
myself and accepting defeat without fighting a good fight. Hindi ko rin masagot ang
bakit, bakit ako? Do I deserve this? It's such a mystery.
Hindi ko siya nakitang umiyak ng isang beses. He has that encouraging smile
whenever I look at him. He never cried. I never saw him shed a tear. Hindi siya
napapagod na pasiyahin ako.
He had given up so much for me --- even his job.
Nag-away kami. It was one of the biggest fights we had aside from before. I
disagreed on his decision.
He was so calm as he faced me. Ako ang nangingibabaw ang boses. "I don't want it,
Everly. Ayoko ng may kahati kayo sa atensyon ko lalo na ngayon. I want to be with
you when you need me. Hindi sa ibang bayan, hindi iyong mamamatay ako sa pag-aalala
kung anong nangyari, I want to be with you. If I have to give up everything, then,
I will. No hesitation. No questions ask." Hinawakan niya ang aking kamay.
Pinahid niya ang aking luha sa pisngi. Akala ko, makikita ko siyang umiyak sa
frustration sa akin, but he never did.
"Wala na akong pakialam kung tawagin akong duwag ng mga tao dahil umurong ako sa
eleksyon, o kung ano pa man. Ang mahalaga kasama kita. Magkasama tayong tatlo ni
Trojan." He kissed the back of my hand. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Siguro, may ganoon talagang tao na kagaya ni Cadence, handa niyang isuko ang lahat
para sa pagmamahal niya sa akin. His dreams could wait, so he could focus on me.
Hindi ko hiniling, kusa niyang ibinigay.
My son, on the other hand, is the softest big boy. Hindi rin namin inilihim sa
kanya ang totoo kong kondisyon. Umiiyak ito tuwing nakikitang may sumasakit sa
akin.
I want him informed, but I don't want it to be traumatic for him. Minsan tumititig
lang siya ng matagal sa akin at yayakap. Siya pa rin ang pinagkukunan ko ng lakas.
My brave, big boy.
Trojan would feed me. Ayaw niyang pumayag na hindi ako susubuan ng pagkain. Lahat
sila inaalagaan ako. Lumuwas din si nanay para magkasama kami sa siyudad. They were
with me on another lowest point of my life.
"Gising ka pa? May masakit ba?" sunod - sunod na tanong ni Cadence. Bahagya niyang
binuksan ang dim light ng lamp sa bed side table.
Natawa naman ako at umiling. Bumaba si Cadence, umikot siya sa kama para tumabi sa
akin ng hindi nagagalaw ang tayo ni Trojan.
"Wala naman, pinagmamasdan ko lang kayong dalawa. You were peacefully sleeping."
Sumilid si Cadence sa kapirasong espasyo. He hugged me.
"May gumugulo ba sa isip mo?" Tumagilid ako para humiga sa kanyang braso. I drew on
his chest.
There are risks with the surgery. It was the most complicated part of the body.
Isang maling galaw, it could be fatal. Pwedeng mawala ang functions ng aking
katawan. That's what I fear the most.
"Masyado mo naman akong mahal, gusto agad patali," komento nitong may pang-aalaska.
He chuckled. Mahina kong kinurot ang kanyang dibdib.
I was serious. One thing I realized, life could be short and it could be a traitor
to anyone. I want to do the things that would make me happy. My time is limited.
Isa iyon sa mga gusto kong gawin, gusto kong ikasal kay Cadence. Siya ang gusto
kong makasama hanggang makayanan kong labanan ang sakit na ito.
Ngumiti ako. "Gusto ko beach wedding or garden wedding. Ano sa tingin mo?"
"Both, we can have a beach wedding and the reception would take place in a garden
scenery. How about that?"
Tumango si Cadence. "Don't stress yourself with the wedding, let me handle it. Ikaw
lang ang mamili ng gusto mong wedding gown. And anything you want to add on the
wedding." Pinindot niya ang tungki ng ilong ko.
"For keeping it together. For making me feel strong in times I do feel weak. For
being a good father to Trojan. For being a good boyfriend to me." Nagkibit -
balikat ako.
Ang dami kong gusto kong ipagpasalamat sa kanya. I love how he stood by me in my
struggle. Hawak niya ang kamay ko habang sabay naming pinaglalabanan ang
karamdaman.
He gave me that beautiful smile of his that always make my heart flutter. "Bare
minimum pa lang ang nagagawa ko, Everly." Hinaplos niya ang aking mukha. "I won't
let you down again, I promise."
Paniniwalaan ko ang lahat ng sinabi ni Cadence, I don't have any reason to doubt
his intentions again. Pinatunayan niyang karapat - dapat siyang mahalin. He is
worth all my love, our son's love.
"Ate, dapat may bridal shower slash bachelorette party ka rin! Pinagpaplanuhan na
namin ni ate Emma. Magha-hire kami ng stripper!" balita sa akin ni Nena. Nagkanda-
ubo naman si nanay sa sinabi ng pinsan ko.
"Ikaw nga, Nena! Magtigil ka sa ganyan! Mahiya ka naman sa kuya Cadence mo!" saway
ni nanay dito.
Napailing naman ako. "Heto naman si tiya, ang KJ! Huling araw na iyon ng
kadalagahan niya!" She reasoned out.
"Ipapadalaw kita sa tiyo mo, kapag iyan narinig pa ni Trojan," Piningot niya ang
tainga ni Nena. Natawa naman ako sa tagpo ng dalawa.
He kissed tita Nena's cheeks and went to my side. Niyakap niya ako. Hinalikan ko
naman ang kanyang noo. Kasunod niya si Max. Agad itong tumahol nang makita ako.
Now, I understood his behavior. Bago ko pang malaman na mayroon akong brain tumor,
gumaspang ang ugali sa akin ng aso. Max was trying to warn me. He knew.
"Nanay, love you po!" Trojan said sweetly. "Nagugutom na po ikaw? Susubuan ko po
ikaw ng pagkain."
"May party daw po kayo nanay sabi ni tita Nena. Pwede po ako sumama?" His eyes were
hopeful. He pouted his lips.
"Oo naman, ikaw pa ba? Love na love ka namin." Ginulo ko ang kanyang buhok. Umangal
naman si Nena, bawal daw ang lalaki sa party, pero siya itong magha-hire ng
strippers 'kuno'. Hindi pinansin ng anak ko ang pagrereklamo nito.
Natuloy ang bridal shower na plinano ni Emma at Nena. It's just a pajama party.
Pati ang anak ko at si Max ay nakasuot ng pajama. Sa bahay ni Emma ang party. They
designed the whole house with balloons and letter cuts. There are cakes and
different treats.
Cadence also has a bachelor party. May hinanda yata sina Lorenzo para sa fiance ko.
Pinilit ko lang na papuntahin ang lalaki, mas gusto niya pang sumama sa aming
tatlo. Hindi lang pumayag si Nena at Emma.
The two treat me with massage and other girly stuffs for a day.
"Nanay, antok na po ako." Napakamot siya sa ulo. Hawak niya ang kanyang tiyan na
parang minamasahe niya.
Tiningnan ko ang orasan. Late na, kailangan na ngang matulog ni Trojan. Hinatid ko
siya sa dati naming kwarto upang matulog. Magkatabi silang dalawa ni Max.
"Good night po, 'wag din po ikaw mag-sleep ng super late, nanay. Need mo po ng
rest." paalala pa ni Trojan.
"Good night, my baby boy. Tulog na ikaw." I kissed his forehead. Pumikit naman si
Trojan. Pinagmasdan ko ang kanyang natutulog na mukha. I sighed. Ang cute ng anak
ko.
Muli akong lumabas ng kwarto para ayusin ang mga pagkaing hindi naman naubos. To my
surprise, there is a big box on the living room. It transformed into a club-like
vibe. Nanlaki ang mata ko ng higitin ako ni Emma paupo ng sofa. She chained me in
the couch. Hindi ko magawang makaalis.
Natatawa itong umalis ng sala. The lights went off. Bigla na lang dumilim ang
paligid. Tanging christmas lights lang na kumukuti-kutitap ang buhay at mga pulang
ilaw. Akala yata nasa SOCO investigation kami.
Gumalaw ang malaking kahon sa harap ko. Nagsimulang tumugtog ang isang erotikong
kanta. I was hyperventilating. Nae-eskandalo ako.
A tall figure of a man emerged out of the box. Pinigilan ko ang sarili kong
mapasigaw. Pumikit ako, nangangatal ang aking kamay sa pagtanggal ng tinali sa akin
ni Emma.
Wala naman sa usapan namin ang ganito. Tinuloy nila ang planong mag-hire ng
stripper. Baka imbes na pakasalan ako ni Cadence, hindi niya ituloy. Tumatayo ang
balahibo ko sa buong braso, kinikilabutan ako sa nangyayari.
I felt a hand touching me, I squealed. Rinig ko naman ang paghalakhak ng isang
lalaki. Nagmulat ako ng mata, Cadence was staring at my eyes, also. There's a
mischievous glint in his eyes, he was smirking. Hubad ang kanyang pang-itaas.
"Sungit naman, you should claim your prize. I'm the prize, Everly." Tumayo ito ng
tuwid, halos lumuwa ang mata ko ng biglang gumiling si Cadence sa harapan ko. Para
akong papanawan ng ulirat.
I wouldn't die of brain tumor, I would die of embarrassment, hotness and his dance
skills.
"Cadence, bakit ka ba ganyan? Bakit ka pumayag? Ay, ano ba?" Humalakhak ito nang
humalakhak sa reaksyon ko. Hindi ko siya matingnan ng tuluyan. "Nako, kapag lumabas
ito sa press, baka ang maging headline, 'Dating gobernador, nag-porn star na!"
Mas lalo itong bumunghalit ng tawa. Kinalas niya ang pagkakatali ko sa upuan,
kagagawan ni Emma. He made me open my eyes. Nang tuluyan akong magmulat ng mata,
masuyo na siyang nakatitig sa akin. He offered his right hand to me.
Tinanggap ko naman ang kanyang kamay. "Let's dance, Everly." mahinang bulong niya
sa tainga ko.
"Magdamit ka muna," Kinurot ko ang kanyang nipple na lumalabas dahil wala siyang
damit na pang-itaas.
"Ouch, lagi mo na lang kinukurot iyong akin," bubulong - bulong pa ito. "Kapag
sa'yo ang kinurot ko." Ngumisi si Cadence. Hinampas ko ang kanyang dibdib. Nag-init
naman ang aking pisngi.
Itinaas niya ang kamay ko sa kanyang balikat. Humawak siya sa aking baywang. The
music changed, from its erotic music it changed into sweet and slow. Humilig ako sa
dibdib ni Cadence.
Hinayaan ko siyang isayaw kaming dalawa. His arms is the place where I felt secure
the most, where I could draw strength to fight my endless battles. Cadence and
Trojan are my source of strength.
My tears started to fall. Masaya akong umiiyak. Who would have thought that this
brat, mayabang, gago, antipatiko turned into a man of my dreams? Ang swerte ko. Ang
swerte ko sa kanya.
"Mahal na mahal din kita, Cadence." Tears fell. "Mahal na mahal. Ikaw ang lakas at
liwanag ko."
We kissed passionately.
I looked at myself in the mirror. Isang simpleng puting wedding gown ang suot ko.
Mabulad ito at mahaba ang likod ng trahe. There are beads all around it. Lace ang
tela ng upper part. Ako lang ang nakasuot ng kulay puti.
Kinagat ko ang aking labi. My hair was put into an intricate bun. Hindi gaanong
makapal ang make up ko sa mukha. I could still see myself.
Kumatok si nanay sa pinto, nakangiti ito ng tingnan ako mula ulo hanggang paa. Her
eyes were teary. Pinahid niya ng panyo ang kanyang pisngi.
"Maganda po ba, 'nay?" Pabirong tanong ko sa aking ina. Marahan akong umikot para
makita niya ang kabuuan ng suot kong gown. Mas lalong napaiyak ito ng tingnan ako
sa aking bestida.
Lumapit siya sa akin para yakapin ako ng mahigpit. "Ang ganda-ganda mo, bagay sa
iyo ang suot mong traje de boda. Kung makikita ito ng iyong ama, sigurado akong
matutuwa iyon. Kahit naman istrikto si Von, nais niya pa rin ang kabutihan para
sa'yo." She caressed my face lovingly.
"Hangad ko ang kaligayahan para sa iyo, anak. Hangad kong maging matatag ka sa mga
hamon ng buhay." Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil. Mayroon siyang inilagay
sa aking palad. "Ito ang alahas na regalo ng iyong ama sa kasal naming dalawa.
Ipapamana ko na ito sa'yo, Sai. Pwede mong suotin, para kasama mo lagi ang iyong
ama."
Maluha - luha kong tinanggap iyon. "Salamat po, 'nay. Mahal na mahal ko po kayo ni
tatay. Sana po ay mapatawad ninyo ako sa kapangahasan ko noon." Isinuot ko ang
kwintas sa aking leeg.
She smiled. "Matagal ka na naming napatawad. Isa pa, dapat kami ang humingi ng
tawad sa'yo, hinayaan ka naming mag-isa sa masalimuot na mundo." Umiling siya. She
held my hand. "Hindi naman yata katanggap-tanggap na mag-iiyakan tayo. Ang ganda
mo, Sai."
Isang pribadong resort kami ikinasal ni Cadence sa Alibijaban, tinupad niya ang
hiling kong kasal. Samantalang sa hacienda ang reception, he incorporated the
garden theme. His parents weren't invited in the wedding. Tanging mga kapatid lang
niya ang dumalo sa aming kasal.
See-through fabric ang tumatahob, Cadence was standing in the end of the aisle.
Tumakbo si Trojan papalapit sa akin, namamasa ang mata nito.
"Mukha po ikaw si Mama Mary, nanay! Mukha ka po angel." Hinawakan niya ang aking
kamay at hinalikan.
Sila ni nanay ang maghahatid sa akin sa gitna kung saan ako susunduin ni Cadence.
Hindi ako isang proyektong isusumite sa isang lalaki. Marriage is a teamwork.
Tumunog ang kanta ng isang live band. Masuyo ang hagod noon sa pandinig ko.
Nagsimula kaming maglakad. There were few people invited in the ceremony. Tanging
mahahalagang tao lang sa buhay namin. Si nanay, si Emma, si Nena, si Jutay at Amy,
sa wakas na-contact ko rin si Jala. Ilang taon kaming hindi nagkitang dalawa, ang
mga Sisters sa Shelter, Cadence's cousins and siblings, ang feeling F4 ng Tagbakan.
Tinitigan ko si Cadence mula ulo hanggang paa. Ang pogi ng mapapangasawa ko.
Tumigil ako sa gitna ng aisle. There was a subtle smile on his face as he watched
my every step. A lone tear escaped his eye.
Nang makarating ako sa gitna, naglakad naman siya papalapit sa akin. Cadence hugged
my mother. Nakipag-fist bump siya sa anak namin. Kumapit ako sa kanyang braso,
sabay kaming naglakad papunta sa dulo ng aisle kung saan naghihintay ang pari na
magkakasal sa amin.
Inayos pa ng anak ko ang train ng aking suot na gown bago ito bumalik sa upuan.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Cadence. Lumapit ang kanyang mukha para halikan ako
sa labi. Tumikhim naman ang pari.
"A few years back, I remember you two. It was on the evening when you decided to
have a date on the church." Nanlaki ang mata ko. "Tingnan mo nga naman, sa kasal
pala talaga ang uwi ninyong dalawa."
Uminit ang aking pisngi sa komento ng mapapangasawa ko. Nagsimula ang misa ng
kasal. Nakangiti lang ako sa buong durasyon. Magkahawak ang aming kamay ni Cadence
habang pinakikinggan ang seremonya.
"Dearly beloveds and honored guests, we are gathered together here to unite this
man, Cadence Beckham Ponce and this woman, Sai Everly Maligno in the bonds of
matrimony."
Ilang beses kong binalak sumulat ng vow para sa kasal naming dalawa. Pero pinunit
ko rin ang scratches ko. It seemed so rehearsed. I ended up not having anything.
"The first thing I noticed about you, it's your eyes. They can kill with just a
stare. Tuwang - tuwa ako kapag napapairap kita. It's like a fulfillment to me. You
were unforgettable, I always noticed every single thing about you. Hanggang hindi
ko na ito malimutan ng tuluyan." Nanginginig ang kamay ni Cadence habang sinusuot
ang singsing sa daliri ko.
"I promised you the world before, I failed. The thing is, I don't own the world,
but now I can promise you one thing, myself. I will dedicate my whole life to you
and only you. I don't go to churches. Hindi ako maka-Diyos, but you are an answered
prayer, Everly. Mamahalin kita at pakakamahalin sa bawat sandaling ibibigay sa
akin." He smiled, but tears was visible on his cheeks.
Hindi pa ito nagpaawat at hinalikan ako sa noo, tumikhim namang muli ang pari.
"Cadence Beckham Ponce, ang hirap mong mahalin, iyon ang totoo. Mula sa mapang-api
mong ninuno, mga pagsubok na dumating sa buhay ko ng minamahal ka, it wasn't
healthy at that time, we could probably be love at the wrong time, there were so
many reasons to stop loving you." Nagyuko ng ulo si Cadence. Sinuot ko sa kanya ang
singsing.
Huminga ako ng malalim. "I never did. Tanda ko pa noong nanganganak ako kay
Trojan---"
"Nanay, ako po?" My son asked from the crowd. Nagtawanan naman ang mga taong dumalo
ng kasal namin.
"Opo, ikaw po." Kumaway ako sa kanya. "You were the one occupying my mind. Sobrang
sakit. But your memory seemed to lessen my pain. Tanging ikaw lang. Natabunan man
iyon ng mga panahong magkalayo tayo, it didn't fade. It was just in my heart
covered with bricks waiting to be restored. Masaya akong dumating kang muli para
bawiin ako at ang anak natin. You were a wrong choice who proved me wrong, who
proved me you can be better, who proved me you can be a man for me and your son.
Mahal na mahal kita at ilalaban ko ang pagmamahal na iyon anumang pagsubok ang
dumating sa ating dalawa."
Pinahid niya ng panyo ang kanayng luha. Tinulungan ko naman itong magpunas gamit
ang daliri ko. I was also crying.
"By the authority vested in me, I now pronounce you husband and wife." Father said.
It was Cadence's cue to lift up my veil. He was smiling. Nakangiti rin ako sa
kanya. I closed my eyes as I anticipated his kiss. We kissed like it was the first
time. We kissed like there were no people around but us.
Piningot ko ang kanyang ilong. "Sana naman tinaasan mo ang pangarap mo, Cadence."
Natatawa kong sabi.
"You are the standard, Everly." Muli niya akong hinalikan sa labi.
Doble ang handa sa selebrasyon, parang ilang tao ang kasabay naming ikinasal sa
dami ng handa. Cadence and I danced in a traditional way. Sinabitan kami ng
lilibuhing pera ng ilan, para sa mga tauhan ng hacienda. They gave us fresh fruits
and vegetables.
Our loved ones gave messages of advice. Even Trojan spoke to congratulate his
parents. Sobrang happy ng anak ko. He was dancing with joy and so much happiness.
Itinapon ko rin ang bulaklak para raw malaman kung sino ang susunod sa aking yapak.
It was Jala who got the bouquet.
Ang saya kong ikinasal kay Cadence. Ang saya ko sa naging selebrasyon. Mawalan man
ako ng memorya, tatatak iyon sa puso ko.
Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin, tinanggal ko ang lahat ng hair clips na
inilagay sa buhok ko. Marahan ko iyong sinuklay. Pumasok si Cadence sa loob ng
kwarto.
"Ready?" He smirked.
Sumimangot ako sa kanya. Kinuha niya ang suklay sa akin para suklayan ako sa harap
ng salamin. Pumasok naman si Trojan sa loob ng kwarto. Tumayo ako para paupuin si
Cadence sa harap ng salamin.
Ibinigay niya sa akin ang electric hair clipper. Tinanggap ko iyon. We promised to
do it together.
Huminga ako ng malalim, sinimulan kong tanggalin ang buhok ni Cadence. Unti -
unting nalaglag ang kanyang buhok sa sahig hanggang sa maubos ito ng tuluyan.
"Nanay, ako rin po. Tatay, ang gwapo mo po!" Umalis si Cadence sa chair, binuhat
niya si Trojan at iniupo rito. Yumapos sa likod ko si Cadence.
"Sigurado ka ba, anak?" I asked him one last time. Tango lang ang isinagot niya sa
akin.
"Ba-bye hair!"
Ginawa ko kay Trojan ang ginawa ko sa buhok ni Cadence. Nakapikit ito habang
umiikot sa kanyang ulo ang clipper. Within minutes, Trojan was also bald. Gusto
kong umiyak. I was so touched with their support. They want to be with me as I
battle with my sickness.
Hinaplos ni Cadence ang aking braso. "Handa ka na? You're the most beautiful girl
with this look." Hinalikan niya ang aking pisngi.
Tumango ako sa asawa ko. Asawa ko. Ang sarap pakinggan. Ang sarap namnamin.
Pumikit ako, ramdam ko lang ang clipper na hawak ni Cadence. Nawawala ang buhok ko
ng ilang taon. Nang magmulat ako ng aking paningin, I saw my reflection in the
mirror. Kalbo rin ako kagaya ng mag-ama ko. Ngumiti ako.
A new sense of hope radiates in my body. Isang Sai na matatag ang nakikita ko sa
salamin, Sai na alam kong hindi magpapatalo sa hamon ng buhay.
"You look beautiful, love. Ikaw ang pinakamaganda." Nagpantay ang aming mukha. He
smiled at our reflection.
"Oo nga po, nanay. Ang ganda mo po. Kaya pagaling po ikaw ha, mahal na mahal ka po
ni Trojan. Mahal ka po naming lahat." Trojan said softly. Binuhat siya ni Cadence
at pinatayo rin ako.
"Tatay, nanay, we are the eggnog family! Mukha po tayong eggs!" He giggled. Tumawa
naman kami Cadence. He put my hands to his shoulder and Trojan. Hinapit niya ako sa
baywang. Isinayaw niya kaming dalawa ni Trojan. I was smiling hard, a tear streamed
down my face.
I want to remember this picture of our family. Sa tuwing makikita ko ang dalawa,
nae-engganyo akong lumaban. Alam kong hindi ako nag-iisa.
They say, love in the wrong time is so painful. But right at the moment, love with
not enough time is more painful.
In reality, there is no such thing as they lived happily ever after like in
fairytales. Life gives us an unending struggles throughout the journey. Hindi rin
sa kasal natatapos ang lahat. Ang mahalaga, kasama ko ang mag-ama ko.
It's not always happy. There will always be challenges. And there are times that
make us think of giving up. Sometimes, I do.
Ang dami ko ng napagdaanan sa buhay, hindi ito ang magpapabagsak sa akin. May
dalawang itlog na maghihintay ng paggaling ko. I would always come back to them.
***
NO SPOILERS.
Medyo matatagalan ang huling kabanata, medyo mahaba POV ni Cadence.
I'm always thankful that you've come this far. Nasaksihan niyo ang journey ni
Cadence at Sai. Pero ang bida talaga, si Trojan Miracle. I hope you enjoy the story
as much as I wrote it.
Chi xx
Huling Kabanata
Peace. That's how it is. She loves the green scenery, the trees and nature view.
My son was holding a bouquet for the epitaph in front of us. Inilagay niya ang
bulaklak sa ibabaw ng puntod. It's been five years. Matagal na rin. Tinapik ko ang
kanyang braso.
"Anak, be careful with the flowers. That's your mom's favorite." paalala ko kay
Miracle.
***
Tinapon ko ang bag sa couch. Via hugged me. "What's the commotion?"
"We're going to the province! Like yuck! Ano naman ang gagawin natin doon? That's
just for the poor! I don't even know that place even exist, e! I'm going to be
miserable." aniya.
"Ang arte mo, Via! Your attitude is the only poor here. Mana ka kay mama." rinig ko
si Hadley.
Tinaasan ko ito ng kilay. Pinapansin pa niya, kaya lalong magagalit ang isa.
"What happened?" Ako na lang ang walang alam sa balita. School's done.
"Lolo Fausto requested our presence in the hacienda. Tumatanda na ito, gusto niyang
makapiling tayo. What do you think, kuya?" tanong nito.
Mangangampanya rin ang Papa sa balwarte. That's their goal. Naisip nitong tumakbo
sa pagka-gobernador.
Nagkibit - balikat ako. "Hindi ako tatagal doon, I have a life in Manila." sagot ko
sa kapatid ko.
Namataan ko ang papasok ng Mama. Posturang - postura ang ayos nito. Lumapit ako sa
kanya at humalik sa pisngi.
Kung iyon ang request ng matanda, there's no doubt, we can't decline it.
I have never been in that part. Hindi naman tago ang maraming ari - arian ang aming
angkan. Narinig ko na ito ng minsan. Ang Tagbakan. It was a hacienda. Definitely,
boring. What's enjoyable about thick trees and ricefields? Such a waste of time.
Maybe, Via was right. It is going to be a miserable vacation.
Lolo can't make me stay in that forsaken place, unless there's really something
interesting.
Inabot ang biyahe ng mahigit sampung oras. Everyone was tired. Mabako ang daan
papasok ng hacienda, nabulabog noon ang pagtulog ko.
Siniko ako ni Lorenzo. "Feeling celebrity? Ang daming nakaabang." Tumawa ang gago.
May iilang tao ang nakasilip sa labas. They were looking at the vans passing by.
Kumunot ang noo ko nang matanaw ang babaeng nakaupo sa putikan. She was covered
with dirt and mud. Pumailanlang ang tawa ni Lorenzo sa loob ng van.
Tumigil ang van sa tapat ng babae. Titig na titig ito sa tinted na sasakyan. Her
eyes looked like dagger, ready to kill. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng babae.
Morena, matapang ang mata, maganda ang hugis ng ilong. Bumukas ang van.
The girl didn't say anything. She was looking at Khalil. Tumikhim ako. "Leave her
be. Mukha namang pipi ang isang iyan."
Kita ko ang pag-awang ng labi ng batang babae. What I said took her by surprise.
Hindi natinag si Khalil sa sinabi ko. Muling nagsalita ang pinsan ko. The girl
shook her head. Mabilis itong tumayo at tumakbo palayo dala ang timbang naihulog
nito sa putikan.
Maligno, like an entity? Everly is cute, though. It's like promising forever in a
sort of way. She's different. Anak siya ng magsasaka ng hacienda, hindi ko ito
mapasunod sa anumang gusto ko.
She's hardheaded, competitive, and smart. Lagi niya akong naiisahan. Isang beses
lang akong nanalo sa babae, ninakaw ko ang first kiss niya. Sinubukan nitong i-
ligtas ako sa isiping nalulunod ako. I wasn't. Swimming is my sport.
Para siyang droga, hinahanap - hanap ko ang interaksyon naming dalawa. Nasanay ako
sa pang-aasar sa kanya, ngayon ako ang humahanap noon.
Ang bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung saan nagsimula. Palala nang palala sa
bawat araw.
"Kuya, kilala mo iyong Sai?" Lumapit sa akin si Hadley, kumunot ang noo ko ng
banggitin niya ang pangalan ni Everly.
I don't like to call her Sai. It's too common. Everyone calls her that. I want
something different, something that would always remind her of me. Mas maganda ang
second name niya.
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Tinawid ko ang pagitan naming dalawa, kung
hindi ako nakapagpigil, sinapak ko siya sa mukha. Hawak ko ang kanyang damit. Gigil
na gigil ako sa kapatid ko.
"Bitaw!" Umiling si Hadley. "Tangina naman, para jino-joke lang, e. Lorenzo wants
to know if his theory is right. Mukhang gusto mo nga iyong maitim. Ako pa talaga
ang gumawa. Gago."
Nagtagis ang aking ngipin. "Oo, gusto ko. May problema ka? Pagbubuhulin ko kayong
dalawa ni Lorenzo, makita mo."
Sumipol ang mga ito. Sunod na lumabas si Lorenzo at ilang tsismosong pinsan ko. Mas
tsismoso ang lalaki kaysa babae, sila ang patunay noon. Puro pang-aalaska ang
natanggap ko sa mga gago.
Hindi ko maipaliwanag. One thing I'm sure about, this feeling keeps getting
stronger every day.
"'Wag ka ngang sumimangot, that's bad luck. 'Wag kang bad luck, liit. Hindi tayo
mananalo. You like that?" Naka-simangot pa rin si liit.
Liit. Maliit siya. Hindi pa siya abot hanggang balikat ko. She's small yet
determined.
Kinuha niya ang bulador at pum-westo. Babago kong nasubukan ang pangangabayo, I'm
not an expert. I just want to impress her. She knew. Marunong siyang mangabayo.
Was it because of the horse? Or did I just fall for her? Shit!
Nanliliit ang mata niya tuwing nagagalit o nag-aalala. Umiirap siya sa dalawang
rason, galit siya o ayaw niyang ngumiti. She's too frank and looks too cute when
she's mad.
"Gising ka na? Nakaligo ka na rin? Akala ko ba alas nuwebe pa ang pasok mo?" tanong
ng matandang mayordoma. Ngumisi lang ako rito at nagpaalam.
Sumabay ako sa van na pang-alas siyete ang pasok. Being with her early in the
morning would make my day. Pinagdadala ko siya ng hoodie para hindi malamig. Ayaw
niya sa aircon. She hates the smell of the van. Mahiluhin si Everly sa biyahe.
I love doing stuffs for her. Gusto ko ang pakiramdam na sumasandal si Everly sa
aking balikat tuwing nasa biyahe.
People make fun of her natural beauty. Maganda ang kulay ng kanyang balat. Hindi
niya kailangang maging maputi para gumanda. She's already beautiful.
"Do you want to work with me?" tanong ko sa grupo ni Teryo. "With only one rule."
Ito ang kauna-unahang bumu-bully kay Everly. It's keeping my friends close and
enemies closer.
"Never ever bully her again, you'll have to meet my fist firsthand."
Putangina naman.
"Ano na naman? Lagi na lang akong damay. Akala ko ba mga type mo iyong mga chinita,
maputi..." Inis ang mukha ni Lorenzo.
Kumamot siya sa ulo at sumunod sa akin. Ilang araw na akong hindi pinapansin ni
Everly. Ako itong nagtampo, ngayon siya na ang nagpapasuyo. Nagtampo lang naman
ako, inaway niya ang sulat ko. The fuck, how am I supposed to have a good
handwriting?
Kausap ni Lorenzo si Everly. Nakangiti siya habang kinakausap ang pinsan ko. Ang
pagsulyap nito sa gawi ko, hindi niya magawa. Para akong lalasunin ng emosyong
ngayon ko pa lang napangalanan. Selos.
Selos na selos ako habang magkausap ang dalawa. Inis kong sinipa ang bangko,
mabilis ang yapak paalis ng kubo. I stormed out angrily.
Mababaliw na yata ako sa kanya. Hindi ko magawang matiis. There's so much power she
holds on me. Walang mangyayari kong parehong mataas ng pride naming dalawa. Miss na
miss ko na si Everly.
Tumayo ako sa tapat ng pintuan ng kanyang room. Nakasubsob ang kanyang mukha sa
desk. She looked up to see me. And by just a simple glance, umayos na ang lahat.
Napawi na ang tampo ko.
"I was always here, even when you got mad. Are you still mad, Everly?" I bit my lip
hardly. "Ako iyong dapat magalit pero mas nagalit ka naman. It doesn't matter now,
mas mababaliw ako kapag hindi pa tayo nagbating dalawa."
She wasn't listening. Hindi niya narinig ang sinabi ko. Nilapitan ko si Everly.
Agad kong napansin ang kanyang pamumutla.
"Liit, is there something wrong? You're looking pale. What's happening?" Hinawakan
ko ang kanyang pulsohan. It was too cold. I was alarmed. "You're not okay,"
Her tears started to fall in her cheeks. "Cadence, masakit." sumbong niya sa akin.
Kinagat ko ang aking labi, kahinaan ko ang kanyang luha. Naiinis ako kapag wala
akong magawa para patahanin siya.
"Why? Have you eaten something? Kailan mo pa nararamdaman? Let's go to the clinic.
Can you walk? Gusto mo bang buhatin na kita?" I was panicking inside.
Inalalayan ko siya sa pagtayo. I saw a red blood stained on the back of her skirt
uniform. Mayroon akong kapatid na babae. I am exposed in that kind of stuff. It was
even discussed in school.
"Everly, I think, I know what you are suffering right now." Humarap siya sa akin.
"Mayroong blood stain. You're having your first menstruation."
Sinilip niya ang kanyang likuran. I saw panic in her eyes, she shouldn't.
Itinaas ko ang kanyang mukha, tumingin siya sa akin. "Hey, there's nothing to worry
about, okay? It's totally normal. Dalaga ka na, pwede ka nang mabuntis." Hinampas
ako ni Everly sa dibdib.
I shook my head. Wala naman akong balak na buntisin siya ng maaga. Maling - mali
iyon. Siguro, kapag kasal na kaming dalawa. Shit! Kasal na agad ang nasa isip ko.
Sigurado ako. Sigurado akong doon ang punta naming dalawa. Bago iyon, I want her to
fulfill her dreams.
Kailangan niya ng panty. Pareho kaming nakaramdam ng hiya. Kinagat ko ang aking
labi. "Oh, right. You need a panty. I'll be back. Mabilis lang." Ilang beses kong
inulit ang kailangan niya, ang sama ng tingin sa akin ni Everly.
Pinaulit - ulit pa ng ale, nangamatis ang mukha ko. Kapag mahal, ibibili ng panty.
Binayaran ko ang isang set ng panty. Bumili rin ako ng iba't ibang brand ng
napkins. Bahala ng pumili si Everly kung anong napkin siya comfortable. I also
bought the skirt same size as hers. Pati mga pagkain. Everly didn't eat lunch.
"Isa lang naman ang kailangan ko, Cadence. Bakit mo naman binili ang buong set?"
Ibinalik niya sa akin ang box ng panty at ibang brands ng binili kong napkins.
Hindi ko siya matanggihan, ano bang laban ko sa liit na 'to? Lagi naman siya ang
panalo sa aming dalawa.
Something changed with Everly after that incident. She felt shy. She felt bare.
Nadatnan kong kinakausap niya si Meow. Pinanood ko siya. Hindi ako magsasawang
pagmasdan si Everly. My Everly.
"What you told earlier... I won't leave you on purpose, Everly. If that happens,
the situation calls." Hindi ko siya iiwan. Hinding - hindi. Ako ang hindi magiging
maayos kapag nangyari iyon.
I'm happy whenever she is with me, the moments are precious. We found our perfect
place. Ang batis. Kung saan ko siya hinalikan. At unang pagtatagpo naming dalawa.
Pucha naman. Talagang lunod na lunod na ako sa kanya.
Umiling si Everly. "Malandi ka, Cadence. What's the assurance?" She asked.
"Let's both promise on this batis. Isipin natin Styx river ito." Ginulo ko ang
aking buhok.
Shit! Ang galing niyang barahin ang lahat ng sasabihin ko. Hindi man lang
mapagbigyan.
Tinawanan ako nito sa frustration. Ang lakas niya pagdating sa akin. Abot sa mata
ang kanyang pagtawa. The hacienda is beautiful, the nature, the ricefields and the
batis have that peaceful view. But she is the best view. Her smile. Her eyes. Her
face. Her thoughts. Everything about her, exactly.
"Kapag hindi mo tinupad iyong sinabi mo, tubuan ka sana ng tigyawat na malaki sa
ilong para hindi ka makahinga at magiging mahaba ang buhok mo."
My laugh echoed in the mini forest. Inis na inis na naman si Everly. Tumikhim ako
at sumeryoso.
"I swear, I belong to you. From this day forward, I'm yours, Everly." I declared
myself to her and only her. I'm seventeen and taken.
The gym in Camflora was also our spot. Doon kami kumakain ng lunch ni Everly. Mas
gusto ko iyong pagkain niya pero siya ang pinaka-gusto ko.
I never knew the face of love. Hindi ko nakita ang pagmamahal sa parents ko. It was
chaotic to live in our house. They married for convenience, I guess. But mama loves
papa.
Huling away nila, rinig kong nagkaroon ng secret affair si Papa. Tauhan din ng
hacienda. What's worst, nabuntis niya ang babae. My mother knew. Gusto ko ring
magalit kay papa. Ilang taon silang nagsama, they had three kids. He could've filed
an annulment. He didn't. Mas pinalala niya ang sitwasyon.
Pain changes people, they say. It changed my mother. I think, for the worst.
Wala akong balak magtagal sa hacienda. Wala akong balak pumasok ng senior high
school sa Camflora. Wala sa plano kong iwanan ang swimming. Staying here wasn't on
my list of plans.
Pinagbigyan ko ang lolo na magbakasyon sa hacienda. Pagkatapos ng bakasyon, muli
akong babalik ng Manila. I found my purpose. I found the most interesting piece. I
found Sai Everly Maligno. I found my greater half.
Unang beses na magkasalungat ang landas ko kay mama. I was always her protector.
Kami ang laging magkasangga.
I sighed. I hate to see my mother was in tears. Umiiyak siya dahil kay papa, pati
ako, nagiging rason ng kanyang pag-iyak. It's not right.
Ginulo ko ang aking buhok. Bakit hindi? Gusto ko si Everly. Gustong - gusto. Hindi
ko iyon magagawa.
"Ma, you can't just dictate me. Hindi mo madidiktahan kung sino ang magugustuhan
ko. It's just how it is." I stepped towards her direction. "Kahit naman may
magustuhan akong iba, hindi pa rin mababago ang bond natin."
"Hindi mo ako sinusunod ng dahil sa babaeng iyon! See? She's a bad influence to you
already!"
I don't know why she hates Everly. Hindi nababawasan ang kanyang galit. It
intensifies each day. Ayoko sa pagtrato niya sa babaeng gustong - gusto ko.
Walang nagbago sa aming dalawa ni Everly. Mas naging madalas ang pagkikita namin.
Dumadalaw ako sa kanya sa gabi. Sabay naming panonoorin ang mga bituin sa
kalangitan.
She was jealous. Sigurado ako. Selos na selos siya sa bagong dating na babae. I
don't even know her name. Wala akong pakialam.
Inabutan ako ng bottled water ng babae. Alam kong nakatingin si Everly. Magsusungit
ang isang iyon. Hindi ko tinanggap ang tubig na bigay ng babae. Sumigaw si Jala.
Kahit hindi niya ipaalala, hindi ko tinanggap ang tubig.
"Hindi ko tinanggap iyong bottled water, with or without Jala reminding me. Napaka-
selosa ng boss ko. I know you'll feel betrayed or some sort if I did." I chuckled.
Hindi niya ako pinansin.
Nasisiyahan ako sa nangyayari. Not that she is mad. She couldn't deny her feelings
for me. I knew it.
Sakay ako sa kabayo ni Madonna, tinatahak ang daan patungong batis kung saan kami
magkikita ni Everly. Rinig ko ang sunod - sunod na yabag ng kabayo sa likuran ko.
Ipinagsawalang bahala ko iyon pero palapit ako ng palapit sa batis, nakasunod pa
rin ang mga ito.
Kinutuban ako. Marumi ang politika. Gobernador ang Papa. How did they enter the
premises? Mahigpit ang seguridad ng hacienda.
Unang pumasok sa isip ko si Everly. Si Everly. She can't be hurt by these people.
Lumihis ako ng daan, umiba ako ng direksyon, sakaling mailigaw ko ang mga ito. Ako
ang naligaw. They found me.
Three people wearing masks jumped on me. Pinagtulungan nila akong bugbugin. They
are skilled compared to me. Dumipensa ako, hindi pa rin umubra. Wala akong ibang
inisip kundi si Everly. I could only hope she is okay.
Lasa ko ang dugo. It tasted bitter on my mouth. Hindi ko magawang ituon ang braso't
kamay ko para tumayo. Nanlalabo ang aking mata. My face was bruised and bloody. I
was hit by another punch. It was the hardest one so far. And again. Until I lost
consciousness.
***
"Tatay, miss ko po si nanay. Wala siya sa birthday mo..." Miracle said. Binubunot
niya ang mga damo na pumapalibot sa puntod.
Inakbayan ko si Trojan Miracle. Trojan Miracle. Our miracle. A miracle after the
obstacles. He's eleven by now. Alam ko namang miss na miss niya ang kanyang ina sa
paglipas ng bawat araw. Kinagat ko ang labi ko.
I smiled at him. "It's okay, anak. I'm sure, your nanay is happy wherever she is."
Yumakap siya sa akin. Our big boy is the sweetest.
***
Something in my spine was injured, I was paralyzed. Almost. It took years for me to
recover from what I've gotten in that incident. Kung hindi ako natagpuan ng ama ni
Everly, I could be dead.
Si Mang Von ang sumundo kay Everly sa batis. He saw the scared Madonna. Nang
maihatid niya si Everly, muli itong tumungo para i-eksamin ang kabayo. He found me,
almost lifeless.
Tinapos ko ang senior high kahit paralisado ang aking katawan. Wala akong balak
ipaalam kay Everly ang nangyari. Hadley never told her nor my cousins. I had to
undergo therapy.
"Ma, Pa, I've decided to go to the U.S. for my therapy." Bumaling si mama. Natigil
siya sa akmang pagsubo.
Her eyes looked delighted. She was happy with the news. Ilang beses kong
tinanggihan ang pagpunta sa States. I've always wanted to go back to see her in
Tagbakan. Hindi ako pinayagan ng kahit sino sa kanila.
"Is that true, Cadence? I'm happy to hear that. Kailan mo balak umalis?" Mama
asked.
"Anytime, Ma."
"I'll book your flight next week." She told me. I nodded. Walang imik si Papa sa
hapagkainan.
I was in the States for a month for my therapy. After a month, I booked a flight
back to the Philippines without my mother knowing. Bumalik ako ng Tagbakan. I was
there for one thing. Gusto kong makasama siyang muli.
"Kuya, what are you doing here? Hindi ba dapat nasa States ka?" Via interrogated.
Tumakbo ito palapit sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit. "Dahil na naman ba ito
sa girlfriend mong thirteen?" Pucha, thirteen. She's not thirteen and I'm not the
same age.
Kinurot ko ang kanyang pisngi. She was right. I'm here for Sai Everly Maligno.
Who wouldn't? Umalis ako ng walang pasabi at paalam. Hindi ako nag-iwan ng
eksplanasyon. I should've said something. Itinago ko ang nangyari sa kanya. I'd
rather take her hatred than her being worried to me the whole time.
"Sa mga ganyang style mong bulok. Pa-fall ka lang naman. Tapos mang-iiwan."
Tinitigan ko siya habang sinasabi ang mga kataga. "Alam ko namang wala ako sa
posisyong magtanong o magdemand ng sagot mula sa'yo, Cadence. It's honestly up to
you, pero sana naman may basic human decency ka. Pinaasa mo ako. Pinaghintay mo
ako. One single explanation wouldn't hurt. Bakit mo ako iniwan?"
Akala ba niya, iiwan ko siya ng basta - basta? Akala ba niya bigla na lang akong
aalis dahil nagsawa? Maling hindi ko pinaalam sa kanya ang totoong rason. My love
for her was underestimated if she thought of me like that. Hinding - hindi ko siya
iiwan para sa mababaw na rason.
"Ano iyon? Bigla ka na lang nagising tapos wala ka na pala sa Tagbakan at nasa kung
saang lupalop ka na napadpad ng wala man lang pasabi! Wow, hanep! Ano, super sperm
ka ba? Iyong sperm na lumangoy sa pool pero nakabuntis pa rin?" Her tone was too
sarcastic.
I took a deep breath. Naghihintay siya ng sasabihin ko. "That's the thing, Everly.
Hindi ako nagising."
"You want to know the truth?" Inilagay ko sa bulsa ko ang nanginginig kong kamay.
It was trembling. It seemed like it still traumatized me. "That night when I
abandoned you, I was attacked. I was almost there. I could almost see Meow from the
distance. I was almost near. That's when I realized someone was following me. You
know, how dirty politics could be. Hindi naman napatunayan ni Papa, but their hunch
was the dirty family of politicians was behind the attack."
My breathing was heavy. "I was almost there, but I couldn't go. I had to take
another path, to distance them away from you. God knows how much I wanted to be
with you that night, Everly. I just can't because of those people."
Hinayaan kong mag-sink in sa kanya ang mga bagay na nalaman niya. She needed to
think. She needed space. Hindi ko siya matiis. I want to be with her.
"So, tayo na?" Tumitig ako sa maganda niyang mukha. My heart was going berserk.
Shit! I was speechless. Wala akong maisagot sa kanya. "Joke!" Tumawa si Everly.
Iniwan niya akong nakatunganga, sumunod ito para sa practice.
Mas lalo akong iniwasan niya ng mga sumunod na araw. I let her be for awhile.
Sinuyo ko rin naman ito ng mabilis.
Her father didn't like me. I know. Base sa kilos nito at pananalita, wala itong
tiwala sa akin. Iritado ako ng sabihan niyang malandi si Everly sa pagsama sa akin.
Kung magagalit ang ama nito, sa akin dapat. Ako ang peste. Wala siyang karapatang
pagsalitaan ng ganoon si Everly lalo na sa harap ko.
"Hindi po malandi si Sai Everly, Mang Von." I emphasized every word. "At wala po
kayong karapatang pagsalitaan siya ng ganoon."
"Wala ka ring karapatang pagsalitaan ako, bata. i-respeto mo ang pamamahay ko."
Yamot na yamot ako sa narinig. I was disgusted and irked by what he said. Alam kong
dapat kong respetuhin ang Papa ni Everly, nakakatanda ito at magiging father in law
ko pa. Hindi ko mapigilan ang hindi pag-imik.
"I don't believe that respect should be earned. I do believe that it should be
given to everyone equally. Making someone earn respect is a form of superiority.
Pero sa ipinapakita niyo po ngayon, wala po kayong karapatang magdemand ng kahit
anong respeto. Sa atin pong dalawa, mas kilala niyo si Sai Everly. At alam kung
alam ninyong hindi siya ganoon. Mauuna na po ako." Tumalikod ako at nagsimulang
humakbang paalis.
Hindi ko nilingon si Everly. If I did, I would hug her. Mas lalong lalala ang
sitwasyon niya sa pagitan nilang mag-ama. That's the last thing I want.
Kailangan kong patunayan ang sarili ko kay Mang Von. I want him to like me for his
daughter. Mahal na mahal ko ang anak niya.
"I'm sure, Tita Oleya is suspecting na, Cadence. Anong balak mo? You wouldn't fool
her that long. Matutuklasan at matutuklasan noong wala ka sa States. And you were
here in Tagbakan." Raius asked me.
"She would be mad," dagdag ni Lorenzo. Pinapak niya ang junk foods na pulutan.
Ininom ko gin na may halong C2, it tastes like shit. Shit kagaya ng nag-suggest na
ito ang inumin.
"Magagalit talaga iyon. Nagsinungaling ako. Sinuway ko ang utos niya. She would be
mad and it's understandable. Sasaluhin ko na lang ang kanyang galit." I replied.
Iniripan ko ang kapatid ko. "Bakit interesadong - interesado ka?" iritado kong
singhal.
"Tangina, highblood na naman siya. Nagtatanong lang ako, kuya. Hindi ko naman
aagawin sa'yo." Umiiling - iling nitong sinabi.
Pasalamat siya, kapatid ko ang gunggong. I would punch his face hard. Tanda ko pa
ring sinabihan niya ng cute si Everly. I'm still not over that. They laughed.
"Itatanan ko kung gusto niya. Magpapakalayo - layo kami. Pag-aaralin ko siya. Kapag
ready na siya, magpapakasal kaming dalawa at bubuo ng pamilya." Tinungga kong muli
ang shot glass na may lamang alak.
"Bakit at paano mo siya nagustuhan? I mean, there are other girls out there. Why
her?"
The fact is, I don't know either. There are no specific reasons why I love her.
It's too complicated. Mawawala ako sa sarili kapag hindi kaming dalawa. Handa akong
magpasakop sa kanya. Nagising akong siya na ang tinitibok ng puso ko.
I love her. And only her can make me feel all these crazy stuffs.
The Graduation ball has been really helpful. Hindi ako pumayag hangga't hindi ako
ang date ni Everly. She looked good in her white dress. She's beautiful. We danced
in the middle. Titig na titig ako sa kanya habang nagsasalita siya.
Titig na titig ako sa bawat galaw ng kanyang labi. Titig na titig ako sa kanyang
ngiti. Titig na titig ako sa maganda niyang mukha. She didn't even notice.
Her eyes widened. Dinala ko siya sa simbahan. Kung pwede lang, seryoso ako. I will
marry her on the spot. Iyon ang padalus-dalos na desisyong hindi ko pagsisihan.
"Mauuna akong maglakad sa aisle. You can start walking as soon as I arrived there."
I explained to her.
"I've never been this serious. Come on, let's do this. Hindi naman kita pipikutin.
Kahit gusto pa kitang itali, hindi pa naman pwede." She always has a say. Hindi ako
mamimilit kung hindi pa siya handa. But me? I'm ready whenever she want.
"Totoo naman, we can't make this real yet. The ironic thing was, our ancestors
married at the young age. Now, that's just unacceptable."
Nauna akong maglakad sa kanya patungong altar. Hinintay ko siya sa end ng aisle.
Bagay na bagay sa kanya ang kanyang puting bestida. Parang totoong kasal ang
mangyayari. I patiently waited for her until she is ready to walk. Sa akin siya
nakatingin sa buong durasyon. Shit. How can she even do that? She's taking my
breath away.
"How do you feel? Did you hit your head on the fucking floor?" I asked panicky.
"I think..." Titig na titig siya sa akin. Humawak siya sa akin upang kumuha ng
suporta. "I think, I can see an angel now."
Damn it. This girl... I'm fucking in love with this girl. So much.
"Sai Everly Maligno, do you take me to be your lawfully wedded husband, to have and
to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer,
keeping yourself solely unto me for as long as we both shall live?" Kinabisado ko
para sa kasal namin.
"May ibang option ba bukod sa 'I do'?" She was smiling. Ngumuso ako.
"I do, husband." Ngumiti siya sa akin. Pati ang ngiti niya, nakakapagpatunaw ng
buong pagkatao ko. She called me husband. Pucha, it was so cheesy but I felt kilig.
Corny, ampota. E, bakit ba? Kinikilig ako. Tangina naman.
"Do you take me to be your lawfully wedded wife, in sickness and in heath?" Huminto
siya sa pagsasalita. "Hindi ko kabisado."
Always. Sa araw - araw, siya ang pipiliin ko. No matter what happens to us in the
future, she is my home. She will always be my one and only choice. Her eyes
glistened with joy.
"By the authority vested in us, I now pronounce us husband and wife. Can I kiss my
bride?"
She crossed her arms. Tumawa si Everly. It's okay if she wouldn't want a kiss.
Hindi ko ipipilit.
I lifted her up from the ground. Ipinulupot niya ang braso sa leeg ko. Pumikit
siya, naghihintay sa halik. Hindi ko binigo si Everly. I kissed her like how she
was supposed to be kissed. It was with love and passion. Maalab.
Natapos ang halik ng may tumikhim. Everly felt shy. Gusto kong manuntok.
"Akala ko may magnanakaw na nakapasok sa simbahan, magjowa lang pala." Ang pari ng
parokya.
"Magandang gabi po, Father." I cleared my throat. Binati ko pa rin ang pari kahit
hindi ko gusto ang pang-aabala nito.
"Hindi naman kayo nagtatanan, ano?" tanong ng pari. "Momol lang? Mga kabataan
talaga ngayon. Mag-momol na nga lang, napili pa sa simbahan. Walang ligtas points
kay Lord."
"Sorry po, Father. Mauuna na po kami." Hinigit niya ako palayo ng simabahan.
Lumingon akong muli at tumango sa pari. Siya ang gusto kong magkasal sa aming
dalawa. Sa susunod, ang pari nang magkakasal. It's not going to be a roleplay. It
will be real.
"Hindi man lang siya pumunta, Cadence. Para sa kanya naman kaya gusto kong mag-
excel sa pag-aaral. Hindi man lang siya pumunta ng moving - up." I could feel her
frustration. Kanina ko pa pansin ang pagkadismaya niya sa hindi pag-attend ni Mang
Von.
Was it because of me? Galit pa rin ba ito kay Everly ng dahil sa akin? He
shouldn't. I wasn't sure if I'm in the place to talk to him. Gusto kong kausapin
ang kanyang ama. Gusto kong linawin ang namamagitan sa aming dalawa ni Everly at
kung gaano ko kamahal ang kanyang anak.
Hinayaan kong matulog si Everly sa bisig ko. I liked it. I liked how she was
comfortable with me. Her morena beauty just hits different. Ang ganda niya. Ang
ganda - ganda.
"You've been away for years. Kumusta, bro?" Santino de Ayala greeted me with our
handshake. They decided to go in my turf for a quick vacation. Kasama nito ang ilan
sa mga kaklase namin sa STEM noong senior high school.
"Oh, Cadence!" My brow rose. Niyakap ako ng isang babae. What was the name again?
Marlo? Marla? Oh, it was Marlyn Rosasinensis. I forgot. That was a scientific name.
I dodged her hug. Mang-aaway si Everly kapag nakita ang babaeng nakayakap sa akin.
She hated this girl and her guts. Ayokong pag-awayan pa namin ang mga walang-
kwentang bagay. Hindi naman invited ang babae.
"Got injured." Nagkatawanan kami ni Santino. He had an idea about what happened
during the times I was not around.
"Why were you hurt? Nako, hindi ka kasi nag-iingat." sabat nitong Marlyn. Mas
sumidhi ang inis ko. Ang epal, pucha.
I toured them in the hacienda. It wasn't Santino's first time in the farm.
Groupmates kami ng minsan nanghuli ng palaka para sa Biology subject. Never again.
I was right. Walang ibang magandang dulot ang babae kundi away sa pagitan namin ng
asawa ko. We argued about that girl. Wala akong pakialam sa isang iyon. Pangalan
nga hindi ko matandaan.
Hinalikan ko siya sa labi. The kiss deepened between us. Nawawala ako sa halikan
naming dalawa. I should be in control of myself, she was bewitching me. No, it
wasn't right.
I stopped. She was glowing. "You should be in control with this thing, Everly. I
may not control myself, if you are uncomfortable, just tell me to stop." Pigil na
pigil ko ang sarili ko.
Hindi. Hindi pwede. I can't take her now. Bata pa siya. She has to finish school.
She has to fulfill her dreams. Kapag may nangyari sa amin, hindi pwedeng hindi ko
siya pakasalan. No, dapat kasal kami bago namin gawin.
"How about the consequences, Everly. How about that?" Damn it. I sighed. "You're a
minor, you're young."
Siya ang muling humalik sa akin. Sobra sa halik ang ginawa namin. That night, I
claimed her as mine. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Mas lalo pang
umusbong.
Tangina. Gago. Maling - mali. I should've respected her. Ako iyong mas matanda,
dapat ako ang mas nagpigil sa sarili ko. Nahihiya akong pakiharapan ang magulang ni
Everly. I will tell them. Handa akong pakasalan siya. Hindi ako tatakbo sa
responsibilidad.
Ma's in front of me. She slapped me in the face. Galit na galit ang kanyang mukha.
I felt guilty and regretted my decision of not telling her.
"You told me, you were in the States. What are you doing in this place? Bakit
bumalik ka pa? Maayos na ang buhay mo. And you're associating with that lowlife
again?! Oh my gosh, Cadence! Nahihibang ka na ba?" Dinuro niya ako at ang mga
pinsan ko. "And nobody told me?! Hadley, you are responsible of your brother's
welfare! Lorenzo Chase! Chance Macario! Raius!"
Kita ko ang betrayal sa mukha ni Mama. As a son, it wrecks me seeing that betrayed
expression. All her life she was betrayed by everyone around her, including me and
my father. Hindi na dapat ako sumabay sa yapak ng Papa. I did. I betrayed her.
"Sorry, tita---"
"Ma, it's just me. I lied. I orchestrated them to lie for me. Sa akin ka lang
magalit. Pinilit ko lang sila. Ako ang mali. I'm really sorry. I just want to be
here." She almost stumbled. Dumalo ako para alalayan siya, tinabig nito ang kamay
ko.
Tumayo siya ng tuwid, with no one helping her. "For that woman?" galit nitong
turan. "What did I tell you? She's not good for you! Hiwalayan mo siya hangga't
maaga pa, she's a mistake. There are better girls than her."
"Maybe, there are. But it won't change my mind. No, Ma. It's not gonna happen.
Balak ko po siyang pakasalan." I told her firmly.
Everyone gasped.
She shut her eyes closed for a moment. "Itatapon mo ang buhay mo para sa babaeng
iyon? Cadence, are you out of your mind?"
"Ma, we're just the same. Hindi ba't pareho lang tayo na itinapon ang buhay sa
isang tao. Ang pinagkaiba lang natin, sa tamang tao ko itatapon ang buhay ko." She
slapped me once again. It was below the belt. Nasaktan ko si mama.
I just couldn't figure out her hate for Everly. I'm the bad influence, she's the
good catch.
"Nothing, Lo. Mama's just mad at me for not telling her. Kasalanan ko po." I left
out the part about Everly. Hindi ako tinapunan nito ng tingin. She went upstairs.
Kung gusto niya. Laging kung gusto ni Everly. May nangyari sa amin. I have to take
responsibility.
The next few days, mas lalong gumaspang ang ugali ni mama kay Everly. She worked in
the mansion as substitute for ate Rica. Pinagalaw ko na ang galamay ko para
tulungan siya. She would always dismiss me in helping her.
"Ma, I don't like how you treat Everly. 'Wag naman siya ang kagalitan mo, Ma. It's
my fault. Alam kong hindi ka papayag." She was in the terrace of their room. May
dala siyang kopita ng alak.
"I'm twenty! I'm not a child anymore. I'm the first born. I'm totally capable of
thinking and deciding for myself! Don't treat me like a child!" I was so irritated.
Sinampla niya akong muli. "I'm sorry, I shouldn't have lied to you. I shouldn't
have betrayed you like Papa did."
She shook her head slightly. "Isa lang naman ang hinihingi ko, Cadence. Hiwalayan
mo ang babaeng iyon."
Forehead creased, lumingon ako sa gawi ni mama. "Mawawala ang lahat ng kanya,
Cadence. Including her family. Mawawalan sila ng kabuhayan kapag pinalayas sila ng
hacienda. You don't know what I could do to her family. Pwede kong ipakulong ang
tatay niya. Maybe, even her mother."
I balled my fist in anger. She wasn't like this before, she was tolerable. But now,
she isn't.
"I can, in fact, I will." She smiled. "Salot sila sa buhay ko. Salot sila sa akin.
They would be a pest to you. Hindi ka nila masasaktan kagaya ng ginawa nila sa
akin. It's for your own good, Cadence."
"Two choices lang ang meron ka, anak. Break up with her or she'll taste my wrath."
I couldn't answer. I don't want to answer. I went outside of their room. Iritado
akong lumabas ng kwarto. Lumala ang hidwaan sa pagitan namin ni Mama. Everly passed
out. Sinuntok ako ni Mang Von ng ihatid ko siya sa kanila.
"What's your plan, kuya?" I was pacing back and forth.
Pinanonood ako ni Hadley at ng grupo ni Teryo. "I don't know." I was anxious. Lahat
ng desisyong nakasalalay sa akin maaaring malagay si Everly at ang pamilya niya sa
masamang kamay ni mama.
"Why not fake your break up? Make her believe that you broke up with her." He
suggested.
"Hindi ko alam! Mag-isip ka kung paano mo mapapaniwala si Mama!" He said. "But you
can't tell her it's just a fake break up scene."
"Bakit hindi?"
"Totoo bang... totoo bang sinuntok ka ni tatay? Nasaktan ka ba? Sorry, hindi niya
ako pinayagang lumabas ng bahay hangga't hindi pa raw ako magaling. Wala naman
akong sakit."
"I'm okay, Everly." I replied. Sinuri niya ang kabuuan ng aking mukha.
Hindi ako sumagot. Papa saw me with her. Nahiya si Everly kaya nagpaalam na ito.
Piniga ang puso ko. The fake break up would hurt me. What more, the real one? Hindi
ko kakayanin.
"Pumapayag na ako, Ma. I'll break up with her. If you do your threat... kapag
ginawa mo pa rin ang mga bagay na iyon. Don't ever consider me as your son." I
gritted my teeth.
Muli akong umalis ng mansyon. Kinuha ko si Madonna. I was out of my mind for
thinking what I was thinking, but I'm fucking desperate.
Natagpuan ko si Mang Von sa sakahan. Ginulo ko ang aking buhok, bumaba ako kay
Madonna. Hinintay kong matapos ang ama ni Everly sa sakahan.
"Anong kailangan mo, Ponce?" Sinundan ko si Mang Von hanggang sa kubo. He was
sharpening his blade.
Tumigil ito sa paglilinis ng kanyang itak. "Anong sinabi mong putangina ka?"
Ibinaba niya ang itak, sinuntok niya ako sa labi. I lost my balance.
"Umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako sa'yong gago ka!" I spat blood. Tumayo
ako.
"Seryoso po ako, kahit itakin niyo po ako, hindi ako aalis dito hangga't hindi ko
po kayo napapapayag."
"Putangina ka! Bakit ko ibibigay sa'yo ang anak ko?" Nanlilisik ang mata nito sa
galit.
"Gagawin ni Mama ang lahat para mapaalis kayo ng hacienda. Ipapakulong niya po
kayo." I told him.
"Bakit hindi mo layuan ang anak ko para tapos ang usapan? Hindi ako pumapatol sa
babae, Ponce. Pero 'wag mong ipanalanging gawan ng masama ng nanay mo ang anak ko.
Baka hindi ako makapagtimpi." He wasn't bluffing.
I readied myself for what's about to come. Nang dumating ang taga ni Mang Von, I
realized I could never be ready. I felt numb. A gush of blood streamed down my
chest. Hindi ako gumalaw. I took deep breaths and closed my eyes. Yabag na papaalis
ang narinig ko. Baka hindi na ako abutan ng liwanag.
Hilo. I was dizzy. May tumulong sa akin para iupo ako sa silya ng kubo. Nagmulat
ako, tinulungan ako ni Mang Von.
"Huwag kang gumalaw na putangina ka." Nilinis nito ang sugat ko ng tubig. Pinanguya
niya ako ng dahon. The numbness of the wound stopped when he put something. Amoy
alak. "Isa kang tanga. Mayroon kang tapang pero isa ka pa ring tanga."
He made spit the bayabas leaves. Itinapal niya ito sa sugat, kasama ang hinubad
kong damit. Isinakay niya ako sa kabayo pagkatapos.
"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan. Mas matanda ako sa'yo, tangina ka
Hadley." Hadley checked my wounds. Nilagnat ako pero wala si Everly para alagaan
ako.
"Mamaya na ang piging, kuya! You can't go outside looking like that!"
"Mana ka sa akin, bobo ka rin." Muli akong pumikit. "Sabihan mo si Teryo, tuloy ang
usapan namin."
She really thinks I'm interested with her. Tumugtog ang careless whisper. Muli
akong bumalik sa kama para matulog. Sunod - sunod na naghubad ang apat at gumiling
sa harapan ng babae. Hindi ito makapaniwala.
She ran towards the door. Hindi na bumalik ang babae. They high-fived. I shook my
head.
It wasn't the hardest thing to do. Ang pinakamahirap ay paniwalain sila sa break
up. Masasaktan at masasaktan ko si Everly. I'm not prepared for that.
She smiled at me. Ang ganda ng kanyang ngiti. I focused myself on the task at hand.
"Ikaw muna."
"Saan? Kailan ka babalik? Hindi pa tapos ang bakasyon n'yo rito 'di ba?" Hindi
natinag ang kanyang ngiti sa labi. How am I supposed to break her heart? Putangina
naman, oh. Napaka-salbahe ng mama.
Kailangan kong tiisin, for the sake of her and her family. Hindi ko magagawang
hiwalayan siya ng totoo.
"Hindi ko maintindihan. Paano ako? Paano tayo?" Her eyes were confused.
Bumalakid ang sakit sa kanyang mata. I can't. I can't do this. Tangina naman.
Huminga ako. Nasa balintanaw ko ang banta ng mama. It's for her sake.
"You should be thankful I have the decency to end what you think we have. I just
had fun. You had fun. That's it. Nothing more. Nothing less."
Her tears started to fall. Her eyes were pleading. "Cadence, buntis ako." I
stiffened.
Pinakita niya ang mga test kits na kanina pa niya hawak. "Paano kami ni baby? H-
hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito kay tatay. Magagalit sila sa'kin.
Cadence, I need you."
Hindi. Hindi ko kayang saktan si Everly. There could be other ways. My insides were
dying.
"Mawawala ang lahat ng kanya, Cadence. Including her family. Mawawalan sila ng
kabuhayan kapag pinalayas sila ng hacienda. You don't know what I could do to her
family. Pwede kong ipakulong ang tatay niya. Maybe, even her mother." My mother's
voice echoed in my head. Nakasubaybay ang mata ni mama.
"I'm not up for this, Everly. Hindi kita pinilit makipagtalik sa'kin. You gave
yourself to me willingly. Wala akong pananagutan d'yan. Kung gusto mo, ipalaglag mo
ang bata." Heartless. Kailanman, hindi ko magagawang totohanin iyon.
She slapped me. She was crying really hard. Napaka-gago ko.
Pinagbuhatan ko siya ng kamay. It startled her. I hate myself for doing that.
Tangina. Sasabog ako sa galit ko sa sarili ko. "Don't act like a saint, ginusto mo
'yan. 'Wag ka mag-inarte. It was just a game. I don't know why you aren't aware
from the start." I left her in the batis.
"Cadence!"
Ilang beses niya akong tinawag. I didn't look back. If I did, mawawalan ng saysay
ang sinabi ko. I would go back running to her. Hindi pa sa ngayon. Pinahid ko ang
basang pisngi.
"Aalagaan ko po si Everly."
Umiling ang kanyang ama. "Siguraduhin mo, Ponce. Hindi ako mangingiming itarak ang
aking sundang sa dibdib mo." Nasa gilid ng aking leeg ang kanyang itak. "Ipangako
mo sa aking hindi mo pababayaan si Sai. Ipangako mong anomang mangyari magkakaroon
siya ng magandang buhay. Ipangako mong makakapagtapos siya ng pag-aaral. Sa ngalan
ng aking itak, ipangako mo."
Hadley was cooperative. Sila ng grupo ni Teryo ang naghatid kay Everly patungong
Manila. I bought a condo unit for her. Nakapangalan iyon sa kanya. Gamit ang sarili
kong pera. My investments were ready at twenty.
"Kuya, where are you?" I was in the bus stop. Susunod na ako sa siyudad. Doon ko
ipapaliwanag kay Everly ang lahat.
"Si Lolo sinugod sa clinic. Itatakbo siya pa-Lucena." Via's tone was worrisome.
Pinatay ko ang tawag.
I had to choose again. Isang linggo lang siguro. Isang linggo ito sa hospital.
Bumalik siya sa hacienda. But it didn't last for a week. Tatlong buwan. Tatlong
buwan siyang nakaratay sa hospital hanggang pumanaw ito. We grieved as family.
"She's okay. Halata na ang tiyan niya, kuya. Nakita mo ba ang pictures na si-nend
ko sa'yo?" Nagkitang muli kami ni Hadley sa libing ni lolo. Sa kanya ako dumi-
depende ng balita.
I'm excited to see her. Wala akong ibang inisip sa tatlong buwan, kundi siya. It's
always about her.
"Where's mama? Kanina ko pa ito hindi nakikita. I haven't seen her since yesterday.
She wouldn't miss the funeral." Kinutuban ako ng masama. "Hadley, call her! Tell
her to go out and check in a hotel."
San Andres to Manila. That's ten hours. Kung madadatnan siya ni mama sa unit, hindi
ko alam ang gagawin nito. I couldn't risk it. The nightmare turned into reality.
Pinalayas ni mama si Everly ng unit. Wala siyang karapatan. It was Everly's unit.
Hinanap namin siya ni Hadley sa mga karatig na lugar. Ilang araw kaming naghanap sa
Manila bago ako muling bumalik ng Tagbakan upang komprontahin si mama. Bumungad sa
akin si Teryo.
"Gago ka!" Tinanggap ko ng maluwag ang suntok niya. "Sabi hindi mo pababayaan si
Sai!"
Oo, ang gago ko.
Nanginginig ang kalamnan ko. She was smiling at me. Mas lalong uminit ang aking
ulo. Kumulo ang aking dugo.
"Cut the bullshit, Ma! Putangina naman, bakit? Bakit mo nagawang palayasin si
Everly? She's pregnant! She's pregnant with my child!" Via gasped. Kami lang ni
Hadley at grupo ni Teryo ang nakakaalam na buntis si Everly. "Hindi pa ba sapat ang
pagbabanta mo? Kailangan mo pang totohanin?"
Sunod - sunod na tumulo ang luha ko. Inamba ko ang aking kamay para saktan siya,
para pagbuhatan siya ng kamay. My hand stopped midair. Nanghihina ang aking tuhod.
I couldn't.
"Balak mo akong saktan?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Did you just disrespect
me?"
Sinalubong ko siya. "Iyong asawa mo, pinalayas si Everly sa condo unit. Dinadala
niya ang anak ko, Pa!" Wala itong imik. Mas lalo akong nagalit.
"Putangina niyo! Putangina niyong lahat! How am I supposed to chill when I don't
even know where to find Everly?"
"I don't like your tone, young man!" Papa scolded me.
I looked at him with disgust. "It's your fault!" Dinuro ko si Papa. Sinuntok niya
ako sa mukha. "It's your fault! Kung hindi ka duwag, hindi aabot sa ganito! Kung
sinunod mo ang puso mo, hindi natali si Mama sa marriage na wala namang pagmamahal.
Hindi kami mabubuo! Maybe, it's okay that way. Kung hindi ako nabuo, walang sisira
ng buhay ni Everly. Walang mga taong magtatangka ng masama sa kanya!"
"Ngayon, kinukunsinte mo siya kasi iyon lang ang kaya mong ibigay sa kanya!
Bumangon ako sa pagkakadapa sa sahig. Galit kong tiningnan si mama. "You're the
worst person I met. Nahihiya ako. Nahihiya akong ikaw ang nanay ko." I was still
crying. Mama was crying. Via was crying. Muli akong sinuntok ni Papa. "I wish I had
a chance to choose my parents. Hinding - hindi ko kayo pipiliin. Napakasahol
ninyo!"
Duguan ang labi ko. Wala pa ring tatalo sa bitterness na nangingibabaw sa aking
pagkatao.
"From this day on, I'm not part of this family. Ako na mismo ang magtatakwil sa
sarili ko sa pamilyang ito. I wish I was never born."
"Cadence, hijo..."
"K-kuya..."
Naglakad ako palabas ng mansyon.
"Sige, magmatigasan tayo, Cadence!" sigaw ni mama. Wala na akong balak makinig.
Hinabol ako ni Lorenzo at Chance. "I'm telling you, hinding - hindi kita bibigyan
ng mana! All of you, kapag nalaman kong tinulungan niyo ang suwail kong anak,
you'll know what I'd do! Lalong - lalo ka na Hadley!"
Wala akong pakialam sa mana. Ang mag-ina ko ang mahalaga sa akin. Tumawag ako ng
private investigators upang ipahanap si Everly. I withdrew all the money I had from
my bank account, before mama could meddle with it.
I heard a long sigh on the other line. "It's Raius. Tito Benjamin was brought to
the hospital. Tinaga siya ng papa ni Sai. Cadence, kakasuhan ng mama mo si Mang
Von." Mas lalo akong nagalit kay mama. How could she?
Mang Von was arrested. Pinalayas ni mama si Nena at Aling Ces sa bahay nila sa
hacienda. Sinunog nila ang mismong bahay. Nasa hospital si Papa, he's probably
oblivious to what's happening outside.
"You can't do that! Let them go, please. Nangyari na ang gusto mong mangyari." I
tried to reason to her.
Uminom siya sa kopita ng alak. "You told me, I'm the worst. I'm just living up to
that name." There was bitterness on her tone.
"Ma, I beg you, don't do this. Spare them. Kung magagalit ka, ako na lang ang
sasalo. Just not them." Lumuhod ako sa kanyang harapan. I kissed the tip of her
shoe. "Ako na lang po ang pahirapan mo. I would do everything you want me to."
She shook her head. "Hindi ko alam kung anong meron sa kanila, bakit humaling na
humaling kayong dalawa?" She sighed. "I'm sorry, Cadence. I'm sorry, son. Mama
can't grant your request."
There's only two option I have --- magmakaawa kay Mama at bigyan ng mas magandang
tiyansang manalo si Mang Von. I did the first one. Hindi ako pinagbigyan ni mama.
Hiyang - hiya ako ng harapin ng ina ni Everly. Tao pa rin niya akong hinarap sa
kabila ng ginawa ni mama kay Everly at kay Mang Von. Ipinagtimpla niya ako ng kape.
"Alam ko po ang pagkakamali ko, I don't know how else to help. Please, Aling Ces.
Take this. Gusto ko pong makatulong. Alam kong ako ang puno't dulo ng lahat."
Lumuhod ako sa harapan niya. Hindi ako papayag na hindi niya tanggapin ang pera.
It's the only way I know that could possibly save Mang Von in prison. Hindi ako
tumayo hangga't hindi siya pumapayag.
Bumalik ako sa Manila para hanapin si Everly. Nakahanap ako ng trabaho sa isang
construction site. No more privilege life. Isang kahig, isang tuka. Wala akong
ibang source of income kung hindi pagtatrabaho.
"Ano bang palpak mo naman iyan? Paghahalo lang ng semento hindi mo pa maayos?"
Nagtawanan ang mga kasamahan ko sa trabaho. "Hindi uubra rito ang gandang lalaki
mo, boy! Hindi ka namin sasantuhin."
Nakaramdam ako ng hiya. Wala akong kaalam - alam sa buhay. Tuwing gabi, dadayo ako
sa mga karatig na lugar para hanapin si Everly. I only have her pictures in my
wallet. Stolen pictures ko sa kanya, picture naming dalawa noong graduation ball at
sonogram ng baby na nasa sinapupunan niya.
Humingi ako ng tulong sa kapulisan, hindi nila tinanggap ang kaso ng hindi ako
nahuthutan ng pera.
"Ma'am, nagba-baka sakali lang po kung nakita niyo siya." Pinakita ko sa kanila ang
litrato. Umiling ang mga ito at naglakad papalayo.
Alas tres nang madaling araw ang balik ko sa site. Nagising ako ng maramdaman ko
ang malamig na tubig sa aking mukha.
Minsan hindi tubig na malamig, kundi tubig na malansa o mabaho ang binubuhos nila
sa akin. I was the pretty boy, there was no room for a pretty boy like me in the
construction site. Hindi raw ako bagay na construction worker.
Walang palya akong naghahanap sa buong ka-maynilaan tuwing gabi. Inilabas ko ang
wallet ko.
"Sir, baka naman po nakita ninyo ang babaeng nasa picture." Pinakita ko sa kanya
ang litrato ni Everly na nasa wallet. Tinitigan niya namang mabuti ang litrato.
"Nako, hindi." sagot ng lalaki. Tumango naman ako. "Pero parang pamilyar..."
Nabuhay ang pag-asa sa aking dibdib. "Baka isa sa mga na-holdap ko rati." May
tumutok na patalim sa aking tagiliran. May lumapit pang tatlo. "Holdap 'to!"
Hinablot niya ang wallet sa kamay ko. Hindi ako bumitiw. "Ibibigay ko sa inyo ang
wallet. Kailangan ko ang mga litrato." Pakikipagmatigasan ko sa mga lalaki.
"Aba't gusto mong isaksak ko sa'yo ito?" Idiniin nito ang patalim. Muli niyang
kinuha ang wallet sa kamay ko. I punched him in the face.
One attacked me. Natumba ako. Mabilis akong tumayo. They can have the money and the
wallet. All I want is the pictures inside. Litrato na lang ang mayroon ako ni
Everly.
Sunod - sunod na suntok ang natanggap ko sa mga lalaki. They were forcing me to get
the wallet. Kinuha ko ang mga litrato at tinapon sa malayo. Kinuha iyon ng isang
kasamahan nila. Hindi ako tinigilan ng dalawa.
Dinuraan ako ng isang lalaki. "Akala mo ang laki naman ng pera mo. Hayop! Nag-
aksaya tayo ng oras sa walang kwenta!" Pinagsisipa nito ang aking mukha. Mahigpit
na mahigpit ang hawak ko sa pictures.
We all heard a serene coming in our direction. Agad na nagsipulasan ang mga
holdaper. My eyes were already blurry. Hindi ko magawang tumayo. Tatlo ang natamo
kong saksak. I'm sure it was bleeding hard.
Iniangat ko ang litrato. I saw her smiling face. It was the only fuel I have. I am
holding onto her.
Nanlalabo ang paninging tiningnan ko ang langit. The stars were shining brightly.
She loves the stars, and probably, I'm her darkness.
If I would be dead now, at least, I have her in my arms. Her pictures. Her
memories.
I'm so in love with you, Sai Everly Maligno. Always. Will always be.
***
"Hm," Pinilit kong balikan lahat ng memorya sa utak ko. A smile formed my lips
remembering every memory of her in my mind. I shook my head. I could still remember
every detail. "All of them, anak. Even the smallest fragments. Her smile. The way
she rolls her eyes. I treasure all of them."
Ngumiti ako kay Trojan Miracle. "What's your favorite memory of your nanay?" I
asked him.
"Marami po, tatay. Lahat din po paborito ko po. Pero tandang - tanda ko po iyong
ngiti niya noong araw ng kasal ninyong dalawa. Ang saya niya, tatay. She was happy
with us two. But I knew she felt more complete with you. Mahal na mahal ka po
namin, tatay." He hugged me.
I chuckled. Tinitigan naman ako ni Miracle, may maliit na ngisi siya sa labi. "The
first time she rolled her eyes at me, I know, I'm doomed."
He isn't my big baby anymore. We could talk about things. I could see hearts
breaking in time. But knowing my son, he won't break a heart. Pinalaki namin siya
ng tama lalo na ng nanay niya. I'm just so proud.
***
Ilang ulit akong nakatanggap ng tawag mula sa pamilya ko. I never answered anyone.
Tatlong taon akong walang komunikasyon sa kanila. Why would they bother now? I
hated politics growing up. Marumi. Marahas. There were no pure intentions of
helping people. Poverty is just an advertisement to win votes.
I have my own personal intentions joining politics. Few years back, someone was
detained because of me. And I still need to find the love of my life. Kailangan ko
ng koneksyon.
Tatlong taon. Tatlong taon na ang lumipas, wala pa rin akong balita. People
believed she was already dead without any basis.
Everly is just out there. She's smart. Alam kong hindi siya susuko.
Nang manalo ako, inayos ko ang parole para kay Mang Von. Hindi niya ito nagamit ng
ikalimang taon. He died of heart attack. Lumong - lumo ako. Hindi iyon ang gusto
kong mangyari. Gusto kong mahanap si Everly bago siya pumanaw. And even that, I
hadn't have a chance to give him that.
Tangina. Minsan inisip kong sana natuluyan na ako noong araw ng holdap. Hanggang
ngayon, hindi ko pa rin mahanap ang mag-ina ko. Parang gusto ko ng mawalan ng pag-
asa.
"What? Make sure it's good news." banta ko sa kabilang linya. Minasahe ko ang aking
noo.
"I found her. I found Sai." Tiningnan ko ang caller. It was Rambo.
"How? Where? What? Tell me the location! Kailan... paano?" I stood and started
pacing back and forth. My heart was beating fast. Hindi ako mapakali. The long wait
is over.
"Sensya na, boss. Noong isang araw ko pa siya nakita sa grocery store. Ngayon ko
lang naalala, may pinagawa pa sa akin ang pinsan mo." I wanted to be mad at him.
Kinalma ko ang sarili ko.
Ibinaba ko ang tawag. Sinunod kong tawagan ang imbestigador. They had a lead now.
My hand was trembling.
His eyes were curious of me. Titig na titig sa akin ang matambok na bata. He is the
absolute cutest. Gusto kong umiyak sa harapan niya.
"Trojan Miracle Maligno po. Ano pong name niyo? Sabi po ni teacher iyong kaklase ko
kamukha daw po ng parents nila. Kaya sabi po noong friend ko, kapag kamukha daw po
ng kapitbahay, ibig sabihin, anak daw po ng kabit. Bakit po magkamukha tayo?" He
was scratching his head.
Lumingon ito kay Everly. Lumapit siya sa tayo namin. Alam kong pinipigilan niyang
maging emosyonal sa tagpong ito.
Ramdam na ramdam ko ang galit ni Everly. If it weren't for our son, she wouldn't
talk to me about things. I need to explain everything to her. Naduduwag ako. My
reasons weren't enough. Her pain and anger are valid. I deserved all of that.
Inip na inip na akong maging akin siyang muli. Ang tagal naming nagkahiwalay.
Mayroon pang epal na umaaligid - aligid sa mag-ina ko. I came up with that dick
move. I blackmailed her about our son. Maling - mali. Ang gago ko, putangina.
Everly wasn't the revenge type of person. She knew how to win her battles. She knew
how to strategize. Alam niya kung anong makakasakit sa akin. Hindi niya ako
sinaktan ng pisikal pero kumikirot ang damdamin ko tuwing ini-ignore niya ako.
Those simple things hurt.
Paunti - unti bumabalik ang tiwala niya sa akin. Our relationship improved after
the typhoon Ruel. Nang bumisita ang mag-ina ako sa Mulanay ng bumagyo. Tangina, ang
saya - saya ko.
We went to Hong Kong Disneyland after. We kissed for the first time again. Tulog na
ang mag-ina ko, parang baliw pa rin akong nangingiti habang nakatitig sa kanilang
dalawa. This is heavenly.
But after the butterflies, kinuhang muli sa akin ang pag-asa. My mother had to
sabotage me. I still couldn't fathom her anger. Pati si Trojan Miracle na sarili
niyang dugo at laman, galit na galit siya.
Galit na bumalik ng sasakyan si Everly. I looked at her. "You are hopeless, Ma.
After what you did, you have no right to even know my son. Hindi mo siya pwedeng
lapitan. Yes, I'm choosing her over you, over this family. Matagal na. Matagal ko
ng ginawa. Weren't you informed? Noong araw na itinakwil ko ang sarili ko sa
pamilyang ito. I chose her. The fact that I orchestrated a plan of deceiving you in
order to save her and her family. I chose her. It's always her."
Everly wanted an annulment. Hindi ako tumanggi. I owe it to her. I owe her her
freedom. But I would still pursue her. This time, I want to win her heart back. I
want her to be mine again.
"Ang tagal ko ring itinago ang lahat. Iyong bunga ng maling ugnayan ng Papa mo, si
Nena." Yumuko ito. "Pasensya ka na, ngayon ko lang sinabi. Ayokong masaktan si
Nena. Kilala ko si Oleya."
I knew I had sibling from an infidelity. I hadn't see it coming. That little kid
who first threatened me to punch me if I hurt her ate Everly is my sister.
Marami pang bagay akong kailangang malaman. Ipinasyal ko ang pamilya namin sa
Batangas.
"Can you please tell me what happened to you after what my mother did? I'm dying to
know, Everly. Para akong mamatay kung saan ko kayo sisimulang hanapin."
She was hesitating, I could tell it. "I spent my whole pregnancy in the streets of
Manila, Cadence. I had no one but myself. Ilang beses akong pinagtabuyan sa
paghahanap ng trabaho, it was worst at night. One night, I thought I would have a
roof to stay in, pero masamang loob lang pala ito. He robbed me. Iyong ipon ko na
nakalaan para sa anak ko, nawala iyon. That night, I was almost killed. And I
thought, I lost him." Her tone was calm. It seemed like she was narrating a
different story, not the heartbreaking one.
My heart tightened hearing the first verse. I balled my fist. Putangina. Muling
nabuhay ang galit ko sa dibdib para sa aking sarili. I couldn't imagine what she
had gone through.
She became homeless. She was targeted by people with ill intentions. Hindi ko
magawang isipin.
"I had a concussion, pero wala akong ibang choice kung hindi bumangon para maghanap
ng ipapakain ko sa anak kong nasa sinapupunan. Puro sabaw lang at kanin hanggang sa
maipanganak ko siya, minsan bangus na tsitsirya. Minsan inisip ko na lang na
tapusin ang lahat, handa na ako, pero sumipa iyong anak ko. He wanted to live, why
would I remove that right? Bakit ko iyon ipagkakait sa kanya?" Wala akong masabi.
Truth would set us free. Pucha, bakit ang sakit? Bakit ang sakit na malaman ng
nangyari sa kanya?
Hindi ako handa. Sising - sisi ko ang sarili ko. Pumatak ang sunod - sunod na luha.
"Nang maipanganak ko siya sa barong - barong ni Emma. Kahit hindi gaanong maayos
ang pakiramdam ko, pinilit ko ng magtrabaho. But I realized it wasn't enough.
Sinugod ko siya sa hospital ng lagnatin ito. I had no money to pay the bills. Mas
lalo kong sinikap magtrabaho, ginawa ko ang gabi't araw para mapunan ang kulang na
pera. Pero kahit anong gawin ko, hindi iyon magiging sapat. I made the most
heartbreaking decision in my life. Iniwan ko si Trojan sa ampunan. Pero hindi ko
pala kaya, Cadence. Hindi ko kaya na mawala ang anak ko." She cried. Everly cried.
I want to hug her. Wala akong lakas. Nanghihina ako. I was trembling in different
emotions.
Wala siyang kailangang i-hingi ng tawad. Ako ang nagkulang. Ako ang may
pagkakamali. Ak ang dahilan kung bakit siya nahirapan. It was me.
"Alam mo sa bawat hirap na iyon, lagi kong hinihiling na sana dumating ka, na sana
isalba mo ako. I would stare at night looking at the vastness of the sky, hoping
that you were seeing the same star I was seeing that night. Ang totoo, Cadence,
hindi ko naman talaga kaya. Kinaya ko lang dahil wala akong ibang choice."
I bit my lip. I was so broken hearing the truth coming from her. I was so useless.
Kung pwede kong balikan ang nakaraan, itatama ko ang lahat para sa kanya.
"Ang sama ko para isiping, I wish you tried harder to find us. It was unfair on
your part, alam ko namang ginawa mo ang lahat para mahanap kami." It was okay. It
was okay for her to think of that. I should've tried harder.
I was processing it all. Lumuhod ako. Gusto kong sisihin ang tadhana sa lahat ng
nangyari. Pero mas sinisisi ko ang sarili ko. Hindi niya dapat naranasan ang hirap
ng buhay.
Nangako ako kay Mang Von. Nangako ako sa tatay ni Everly. Nangako akong hindi siya
pababayaan. I did. It was my fault. Everything was my fault. I never deserved her.
I would never deserve her. Kahit anong gawin ko, hindi ko siya deserve. But I want
to be the right man for her.
Her truth shattered my whole being. Hindi ko lubos maisip na wala ako sa tabi niya
para damayan siya.
"I'm so sorry, Everly. I'm so sorry. Patawarin mo ako. You're right, I should've
tried harder. Dapat... patawarin mo ako." I had nothing to say, but sorry. Sorry
for everything. Sorry for those times I wasn't there.
Kung pwede ko lang akuin ang paghihirap ni Everly, kahit mamatay ako, I would do it
in a heartbeat.
"Let's start over, Cadence." Niyakap niya ako ng mahigpit. Sabay kaming umiyak.
Everything fell into the right place after knowing our truths. But life has serious
issues. Kung kailan masaya na kaming tatlo. Kung kailan handa na kaming mamuhay as
family. That was when she was diagnosed.
Everly was diagnosed with brain tumor. It broke my heart once again. It broke our
son's heart.
Kinaya niya ang problema noon ng wala ako, kakayanin niya rin ito. Hinding - hindi
ko siya iiwan sa laban niya sa buhay. Kung kailan kung isangla ang kaluluwa ko kay
kamatayan, 'wag lang niyang bawiin ang babaeng pinakamamahal ko, gagawin ko.
I am the undeserving one of this life, bakit hindi na lang sa akin ibigay ang
karamdaman na kailangang maranasan ni Everly?
Lumabas ako ng kwarto. Hinang - hina ang tuhod ko. Tumulo ang luha ko. Hindi ko
magawang umiyak sa harap niya. Hindi ako pwedeng maging mahina. I want to be her
strength as she fought this battle.
"Tatay, why are you crying?" Miracle curiously asked. "Sabi po ni nanay, you never
cried kasi strong daw po ikaw. Bakit po ikaw umiiyak?"
Tumapat ako sa kanya. He wiped my tears. Paiyak na rin ang anak ko. "I wasn't
always strong, anak. Tatay has to be strong for nanay, for you. Nasasaktan din ako.
Pero kailangang maging matatag para kay nanay kasi sa atin siya humuhugot ng
lakas." Pinahid ko ang kanyang luha. "Don't tell nanay, I cried."
I was smiling as I saw her walking in the aisle with nanay Ces and Trojan Miracle.
She's perfect. Ang ganda - ganda ni Everly. I want to fucking cry. She's finally
going to be mine. Matapos ang lahat ng masasakit na nangyari. I'm still her dead
end. I'm still the love of her life.
Damn. Ang dating pangarap ko lang, natupad na. Mahal na mahal ko siya.
She closed her eyes as I cut her hair. I was disheartened. Siya pa rin ang
pinakamaganda kahit sa kalbong buhok. Maibabalik iyon. Ang mahalaga, gumaling siya.
Everly laid on the bed. Hawak ko ang kanyang kamay. She was smiling at me.
"Whatever happens, always remember, I love you. I love you and Trojan. Thank you
for making the best memories. Thank you for making me the happiest."
Isa - isang pumatak ang luha ko. I don't like that tone. Ayokong namamaalam siya.
Hindi niya kami iiwan. She couldn't leave us. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.
Everly is my lifeline. Tumagal ako ng anim na taon, she was my motivation to
continue.
"I'll see you later. I'll see you, Everly. You're okay. You will be." Hinalikan ko
ang kanyang noo bago siya tuluyang kuhanin sa akin ng nurses. She was taken to the
operating room.
Halos mabuwal ako sa aking tayo. Dumating si nanay, si Nena at Emma. Niyakap ako ni
nanay.
Tumagal ng ilang oras ang operasyon. I couldn't eat to wait for the result. Ito ang
pinakamatagal na oras sa buhay ko. Hindi ako madasalin pero nagawa kong kausapain
ang nakakataas ng panahong ito.
Lumabas ang doctor na nag-opera kay Everly. He was emotionless. Kabado ako.
"Doc..."
***
"It's getting dark, Miracle. We should head home. Bukas na lang tayo dumalaw muli."
I patted his shoulder. Ngumuso sa akin ang anak ko.
Pareho kaming napalingon ni Miracle. His eyes widened. Nagningning ang kanyang
mata.
Tadhana Andromeda. When destiny and star collided, we had her. She's two years old.
Malinaw na malinaw na ang kanyang salita. Hinalikan ko sa pisngi si Tadhana.
Bumaba ng sasakyan ang pinakamaganda. She has her short hair already. Everly smiled
at me. It's always the same. Natutunaw pa rin ako sa kanyang ngiti. Patay na patay
pa rin ako. It wouldn't change. Tumanda man kaming dalawa.
"Happy birthday, my love. Pasensya na, medyo natagalan ang appointment ni Hana sa
doctor, hindi agad kami nakahabol." She kissed me on the lips. It always taste
heaven.
Ibinaba niya ang dalang bulaklak sa puntod. The flowers were for my mother. She had
a cancer and we didn't know about it. It became a tradition to visit her on my
birthday. I want her to have her peace. Hindi namin iyon naibigay sa kanya habang
nabubuhay siya.
Yumakap si Miracle sa ina. Mas matangkad na ang anak ko sa nanay niya. He's only
eleven. Sinamaan ako nito ng tingin ng makita ang reaksyon ko.
"I missed you, nanay." Niyakap silang dalawa ni Hana. I went to them for a hug.
Family hug. We're complete with one addition to the family. Our daughter, Tadhana
Andromeda. I'm the happiest. They made me the happiest.
***
WAKAS.
NO SPOILERS.
Thank you!
THANK YOU!!!
Hello patients, hello sa readers na napadaan lang tapos binasa ang story, thank
you, we're finally closing the story of these two!
Thank you for waiting for the updates, for giving me your insights and opinions
about certain topics in the story, I'm learning as well. Thank you for being here.
To be honest, I'm quite shocked with the support I've gotten. It was totally
unexpected.
Ang kwento, bored lang ako last year kasi quarantine season so I decided to make a
new draft. Hindi pa sure kung matatapos ko talaga siya o hindi, but here we are.
Matunog iyong taguan ng anak plots, pero in real life, what I hear most, "hindi
pinanagutan". So, I tried to make that as a concept.
In reading a story, take what's useful, leave what's not. I'm glad you saw the red
flags, hindi ko sure, kung bakit kayo tumuloy basahin. Pero alam ko, mas binasa
natin hindi dahil kay Cadence, kundi para kay Sai.
I hope it raises awareness of how hard teenage pregnancy could be, please don't
romanticize that "Kinaya ni Sai magbuntis ng maaga, kakayanin ko rin" lalo na if
you are a teenager with no financial and mental stability. It would be hard for you
and for your parents. It's supposed to raise awareness, tapos ang nangyari, na-
inspire. Oh, no! You got it all wrong.
FAQs:
Yes.
Hopefully, yes. But let me breathe first. Probably, will announce in the group.
I'm a student, not good at time management. I hibernate during the school months.
May balak po ba kayong i-publish into a hard copy/ book ang TGS?
Pangarap ko po. Hindi ko lang alam kung traditional or self-pub. I would like to
pursue, but the real question is, mayroon po bang bibili?
For Contact:
Email: aramiseduardodf[at]gm4ildotcom
Sana makasali kayo sa group! Just answer the questions. Madali lang po iyon.
Chi xx
Ispesyal na Kabanata
Sai Everly,
I have known your name from him. My only son who loves me dearly. Your name is Sai
Everly... Maligno.
I thought of you as nothing, as someone who would be forgotten easily. Little did I
know, you would be my biggest competitor of his love. Tinuring kitang kompetensya.
Dahil doon ako magaling, to compete for everything... to compete for attention...
to compete for validation... to compete for love. I'm not even an athlete, pero
madalas ako ang maghabol. But the funny thing is, I never won. I was a loser. I was
always the second option, the second choice.
You were like the wind, I never got to see you as a woman, as a person, your
potential, but your importance is visible to my child. Handa ka niyang ipaglaban
kahit sa akin na mismong ina niya. Mali man ang halos lahat ng desisyon ko sa
buhay, at least Cadence got it right.
Isang bagay na hiniling kong sana ganoon din ang Papa niya. Iyong hindi duwag,
iyong kayang ipaglaban ang gusto niya, iyong ipagsisigawan sa mundo ang kung sino
ang mahal niya. Kahit hindi ako.
I wasn't that heartless before. I gave him a chance. I gave him a chance of
choosing what was his heart's desire instead of choosing me. Ayokong piliin niya
lang ako dahil may anak kami. Come to think of it, I wasn't selfish as I am now. I
love the idea of being loved. All my life, I didn't have someone who really did. I
was just a trophy, I guess.
He chose me. He chose us. Turned out, it was for the sake of business and our
child.
We were both victims, I was a victim of loveless marriage --- not really, I loved
him. He didn't. You were a victim of me.
Oo na, choice ko ang mag-stay. I was stupid enough to think that his heart could
change in any day we were together. Of course, hindi. Dahil ni isang araw na
magkasama kami hindi niya ako minahal. It was always her. Just like it was always
you for my son.
I was succumbed by pain and turned me into a monster that I am today. I considered
you as the devil who got my only source love. Ititigil niya ang lahat para sa akin,
until you came along.
I'm sorry for all the deeds and crimes I have done to you, your family and your
sweet child. You don't have to take it. Hindi mo kailangang patawarin ako. I just
want to say sorry. Your anger is valid to all the things I did. I would have said
it to you in person, but I'm too prideful. Pride na lang ang natitira sa akin.
The truth is, you were my insecurity. Nagmahal din naman ako. But why am I wasted?
Why am I not loved back? Gusto ko lang din naman maranasan ang bagay na iyon.
Pathetic.
Cadence loves home-cooked meals, but I'm a terrible cook. Paminsan - minsan lutuan
mo siya. Alam ko namang pag-aaralan niyang magluto para sa'yo, pero lutuan mo rin
siya ng pagkaing may kasamang pagmamahal. He would love that.
Even the villain has a story. And mine's tragic. Sai, this is gonna be our dirty
little secret. You are bound not to tell this to anyone, even your husband. I'm
ill. I have no time to spare. This time, I wouldn't compete for that attention.
To the woman he will give his heart, cherish it. It has pure and unconditional love
--- one thing that he got from me.
To you.
Be happy.
Sincerely,
Oleya Bettina
Christmas Special
Special Chapter
It's been months, I'm already at home, sa bahay na ako nagpapagaling. There are
still follow up check-ups but the operation was successful.
"Ano?" Hinihintay ko ang kanyang sasabihin. He was just looking at me. Huminga siya
ng malalim at hinalikan ang aking noo.
Sobra ang pag-iingat nila sa akin sa bahay. Hindi naman ako imbalido. Kalbo pa rin
ang aking buhok, I was wearing wig. Unti - unti naman itong tumutubo. Trojan
enjoyed being bald. Mas presko raw iyon sa anak kong mahilig sa laro.
"Bakit hindi mo ako pinahirapan? It's your right. Karapatan mo iyon sa laki ng
kasalanan ko sa'yo. For trying to tie you on our first wedding. Ginamit ko pa si
Trojan. I deserved your anger, Everly." He was a bit teary. Hawak niya ang aking
kamay.
Ngumiti naman ako. "Definitely, it was my right, Cadence. It was my right, but it
doesn't mean I have to. Hanggang kailan ako magagalit sa'yo? Hanggang saan ako
aabutin ng galit sa'yo? Years? We lost years unspent together. Kailangan pa bang
dagdagan? Ilang beses na kitang nasampal, Cadence." Pinisil ko ang kanyang kamay.
"I experienced different kinds of pain, firsthand. Alam ko kung paanong masaktan.
Why would I inflict it to others for my satisfaction? I was mad. Pero hindi ako ang
kontrabida ng sarili ko, ako lang din ang mahihirapan at makokonsensya. I suffered.
You suffered. Walang sinuman ang may karapatang i-invalidate ang sakit na
naramdamam mo noon."
Matagal niya akong tiningnan. He sighed. "I still don't deserve you. Everyone says
I don't deserve you and it really is."
"Agreed." Tumawa ako. "Joke lang, you deserve us. Siguro dati, hindi. Boplaks kasi
desisyon mo sa buhay. May pasampal ka pang nalalaman. Noon pa man, duda na ako
roon. Mapang-asar ka, but you were never that kind of guy. You treated me well
during the time we were together. But I've see you grown, Cadence. Hindi na ikaw
iyong lalaking walang bayag na nakilala ko noon, puro lang titi."
Ilang beses siyang naubo sa sinabi ko. Akala mo naman birhen ang asawa ko. Mayroon
na nga kaming anak na napakalusog.
"Bakit ubo ka nang ubo? Virgin ka, Gov?" Umirap ako sa ere. Kinurot ko siya sa
dibdib. "Bukod sa pagiging mapusok natin noong kabataan, we also lack sex
education. Hindi mo nga yata alam kung paano gumamit ng condom. Ultimo pagbanggit
ko ng titi, it makes someone irk or laugh or cough. Ano bang tawag sa private part
mo? Birdie? It's still inappropriate and inadvisable. Nagiging malaswa lang naman
ang isang bagay kapag nilagyan ng malisya. Sex and private parts are still taboos
here. Isang imoral ang pagbanggit at pagiging paksa ng ganoong bagay."
Pulam-pula ito ng matapos ako sa pagsasalita. Binigyan niya ako ng halik sa labi.
"Mahal na mahal kita. You always win, liit." He said in between kisses. "I love
you. Lunod na lunod ako sa'yo."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Bakit ka pumayag na pakasalan ako kahit labag
naman sa loob mo? Kung sinabi mong ipaglalaban mo si Trojan, it would be a
different outcome. Ako na mismo ang magba-back out. Gago ako, I know that. But I
wouldn't let my son suffer with custody battle."
"Manipulative ass." Napailing naman ako at inirapan siya. Huminga ako nang malalim.
"I was so tired, Cadence. Ilang taon kong tiniis ding hindi makasama ang anak ko
tuwing gabi. Nasa bahay-ampunan siya habang ako rumaraket. May kailangan akong
patunayan. Kailangan kong makuha ang anak ko."
At kahit sa balintanaw, may kirot pa rin ang nakaraan. "If I didn't give in to the
marriage, I could lose my son again. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang
makipaglaban sa kalupitan ng tadhana. Walang kasiguruhan. Alam ko namang ako ang
may mas karapatan kaysa sa'yo pero naisip kong kayang - kaya mong bilhin ang
hustisya." Mapait akong ngumiti.
"Tanging katotohanan lang ang kakampi ko, but even the truth can be manipulated to
someone's favor. You can manipulate my truth. If a man can manipulate the truth, he
can twist the law. For law and justice depends on one another as justice is founded
on the truth. Kung manipulado ang katotohanan, paano ko makakamtan ang nararapat sa
akin?" Kahit si Emma, alam kong hindi siya kumbinsido sa naging desisyon ko.
"Justice should be for everyone, right now it's just an ideal thinking. In the
system we live in, it's only accessible for people who can afford it."
"I'm sorry, Everly. None of my apologies could appease all the things that happened
to you. Ako talaga ang puno't dulo ng lahat." Rinig ko ang hirap sa tono ng
pananalita ni Cadence.
Humarap ako sa kanya. "I have forgiven you even before you asked me to..." Pinahid
ko ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Ngumiti ako. Hinalikan ko ang
kanyang noo.
Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Hinalikan niya akong muli sa
labi.
"Whenever I see girls and boys, the girls and boys see me. I remember the Child,
the child remembers me. Wherever there are people, giving gifts, exchanging cards.
I believe that Christmas is the time to budol and kotong." A little voice started
to sing in front of us.
Naghiwalay ang labi namin ni Cadence. Nasa harapan namin si Trojan, mayroon siyang
dalang maliit na drum na pinapatunog niya kasabay ng pagkanta. Sinupil ko naman ang
aking ngiti.
"Nanay, tatay, nangangaroling po si Trojan sa inyo." Our baby boy said after
finishing the song.
Ang lawak ng kanyang ngiti habang pinagmamasdan kami ng tatay niya. Sumandal ako sa
balikat ni Cadence. Kinagat ko ang labi ko.
"Anak, mali iyong lyrics ng kanta. Kanino mo iyon natutunan?" tanong ko kay Trojan.
Lumapit siya sa akin at yumakap. "Kay tito Renzo po, nanay. Sabi niya po pinalitan
na raw po ang lyrics." Nasapo ko naman ang aking noo.
Bakit pa nga ba ako magtatanong? Laging si Lorenzo naman ang salarin pagdating sa
mga kalokohan ng anak ko.
"Kay tita ninang po, tatay. Saka kana mama Cion." Magalang niyang sagot.
"Binigyan po ako ng twenty pesos ni mama Cion tapos candy po at saka kiss kay tita
ninang." Humalik siya sa aking pisngi. "Na-miss ko po ikaw, nanay."
I smiled at him. Iniangat ko siya sa kanyang tayo. Mabigat. Natawa ako. Trojan is
the epitome of sweetness. Wala pang isang oras ito sa kabilang bahay, miss na agad
ako.
"Hindi naman po sila required magbigay ng malaki po, tatay. Dapat thankful po
tayo." My heart melted with his answer.
"Ikaw, Cadence. Pare-pareho kayo ng mga pinsan mo kung anu-anong itinuturo kay
Trojan. D'yan ka magaling sa kalokohan." Sinamaan ko siya ng tingin. Napakamot
naman ito sa ulo.
"Tatay, d'yan ka raw po magaling. D'yan ka raw po ililibing." Nanlaki naman ang
mata ko.
Kay Lorenzo na naman ba? Tatamaan na sa akin iyon, may kasalanan pa iyong isa.
"Narinig ko lang po kay tita Nena, nanay." He showed me his toothy grin. What a
cute baby! Napailing ako.
"'Wag mo namang gayahin lahat ng naririnig mo, anak. Lalo na kapag kalokohan."
paalala ko sa kanya.
"Sorry po, nanay." He hugged me with his chubby hands. Niyakap ko naman siya
pabalik. "Rinig ko lang po. Paano ko po malalaman kapag kalokohan? May tumutunog po
ba na bell?" He looked so curious.
"Nako, walang bell. Sabihin mo na lang kay nanay. Ako na ang magsasabi kong
kalokohan iyon o hindi."
Cadence gave him a thousand. Kahit araw - araw itong nangangaroling sa amin ng
kanyang ama, binibigyan niya pa rin ito ng malaki.
Kami - kami lang din ang kanyang hinaharana ng Christmas songs, saka ang kanyang
mga tiyuhin sa side ni Cadence. Heto nga't kung anu-anong liriko ng kanta ang
itinuturo sa bata.
"Thank you po, tatay! Love you po!" Kay Cadence siya sumampa at humalik sa pisngi
ng ama. "Tatay, may anak na po ako. Kaya kailangan ko pong magtrabaho, 'di ba po,
ganoon ka po, nagtatrabaho para sa amin ni nanay?"
"Kasi po tatay, nakabuntis po si Max." tukoy niya sa kanyang aso. Lumabi si Trojan.
"Kailangan pong panagutan po siya, tatay."
Kita ko ang relief sa mukha ni Cadence sa sinabi ng anak namin. Kung makapag-react
naman ito, parang magagawa iyon ng anak namin. He's just a baby.
"Masyado mo namang tinatakot si tatay, Miracle. You're my son, anak. It's tatay's
responsibility. Kahit sampu pa ang maging anak ni Max, okay lang sa amin ni nanay."
Kiniliti niya ang kanyang tiyan ng paulit - ulit. Tumawa naman nang tumawa ang anak
namin.
"Pero tatay, anak ko po iyon. Gawa na lang po kayo ng ibang anak. Ay, lolo na po
kayo! Tatay, ang tanda niyo na po pala." He giggled. Natawa naman si Cadence.
Pinagsalikop ko ang kamay naming dalawa.
Trojan told me Marcus was mad at him with what happened. Hindi naman daw niya alam
na babae ang aso nito. Kids are kids. Konting laro lang, bati na muli ang dalawa.
Hindi ko alam kung anong usapan nila sa hatian ng puppies.
Walang tigil sa pagkukuwento ang anak namin, aliw na aliw naman ang asawa ko.
Pagdating sa amin ni Trojan, ititigil niya ang kanyang ginagawa mapakinggan lang
kaming dalawa.
Kumatok si Aling Cecil sa glass door ng lanai.
"Ma'am, Sir, may bisita po kayo. And'yan po si Ma'am Oleya sa sala." Nagkatinginan
kaming dalawa ni Cadence.
"Si mamita?" Tumalon si Trojan pababa, halos tumalbog ang anak namin. Humagikhik pa
ito. "Nanay, miss ko po si mamita!"
"Sige na, sumama ka na kay mama Cel, susunod kami ni tatay." I told him.
Humawak naman si Trojan sa kamay ni Aling Cecil pagbaba ng sala. I felt his
excitement. Cadence's mother reached out to us. Mayroon pa rin naman akong
pagdududa sa babae, but Trojan is the happiest.
Agad niyang tinanggap ang kanyang lola. One thing I learned being diagnosed with
brain tumor, maiksi lang ang panahon upang ilaan sa galit at poot.
Cadence smiled. "Mana sa'yo. Tinanong niya pa iyong doctor mo, kung pwedeng ilipat
na lang sa kanya ang sakit mo para hindi na ikaw ang masaktan." Ilang beses na
iyong naikwento sa akin ni cadence, it always touched my heart. Naiiyak na naman
ako.
Sabay kaming bumaba ng hagdan ni Cadence, todo alalay naman siya sa akin. Trojan
was already giving wet kisses to his grandmother.
She is still winning Cadence's heart. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila totally in
good terms. Kaswal naman kami sa isa't isa ni Oleya. We didn't speak to each other
that much, but it was better than before.
Ayokong sayangin ang buhay ko ng puno lang ng galit sa mga taong nanakit sa akin at
sa anak ko.
He was sitting next to her. Nakayakap ang matambok nitong mga kamay sa kanyang
tagiliran.
"Is that what you want, Miracle? Ask your parents first."
Tumingin naman ang anak ko sa direksyon namin ni Cadence. Tumango naman kaming
pareho ng kanyang ama.
The whole family went to the park as to fulfill Trojan's request. It was filled
with many children playing in the ground. Akay ni Trojan ang kanyang lola. He
looked so excited. Katabi ko naman si Cadence na nakaalalay sa akin sa pag-upo sa
bench.
Hangga't maaari, hindi ako dapat mapagod. I missed playing habulan with Trojan. Sa
ngayon, ang mga tiyuhin niya at tiyahin ang kanyang kalaro pati na rin ang kanyang
ama.
Sumulyap naman ako kay Cadence. I nodded my head. "Play with Trojan." Pinisil ko
ang kanyang kamay.
"Paano ka?"
Napairap naman ako sa ere. "I'm going to be fine. Papanoorin ko na lang kayo."
Inginuso ko naman si Trojan na naghihintay. Hakot agad sa atensyon ang anak ko.
Siya ang pinaka-healthy sa mga batang nasa parke.
"I'll be back." Hinalikan ni Cadence ang noo ko. "I love you, my life."
Patakbo nitong dinaluhan ang anak namin. Trojan waved at me with his chubby arms.
Pinagmasdan ko ang interaksyon nilang tatlo kasama ang ina ni Cadence. A satisfied
smile formed my lips.
"Thank you for letting me see my child and grandson." I heard her say.
She kept a safe distance with me. Tama lang na maayos na naririnig ko ang kanyang
salita.
I sighed. "I'm not doing this for you... not even for Cadence." Matapat kong
sinabi. "I'm doing it for the purest heart I've ever known." Muling dumako ang
aking paningin kay Trojan hanggang tumakbo na naman ito at mawala sa paningin ko ng
panandalian.
Hindi na ako nagsalita. She didn't say anything after that. I just enjoyed my
peaceful observation in the park.
I still have the indifference towards Cadence's mother at times. Pero sa tuwing
nakikita ko kung paanong tratuhin ni Trojan ang kanyang lola, lumalambot ang puso
ko para sa anak ko.
Napawi ang ngiti ko sa labi ng bigla kong matanaw ang umiiyak na matambok na batang
lalaki. Hikbing - hikbi ito. I looked around to find Cadence, but he was nowhere to
be found. Mukhang nagkasalisi ang dalawa.
Parang basang sisiw, pero sa laki ng anak ko, hindi naman siya mukhang sisiw.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi sa naisip.
"Nanay, ni-hug po ako ng batang girl na hindi ko kilala." He answered me. Yumakap
siya sa akin.
"What's the problem, anak? Friendly hug lang naman pala." Niyakap ko siya pabalik.
Mas lalo naman itong nataranta sa sinabi ko. "Nanay, baka po mabuntis ako. 'Di ba
po bawal mag-hug at kiss ang boy at girl?"
Iyong awa ko naman, nauwi sa pagtawa. He is so innocent. I kinda warned him about
kissing a girl. Tinanong niya kung paanong nabuo ang baby ng dogs ng mabuntis ni
Max ang aso ni Marcus. Hindi ko naman alam na ganoon ang maiisip niya. Hay, ang
anak ko talaga. He's the cutest.
"What happened?" Magkapanunod na dumalo si Cadence at ang kanyang ina.
Medyo tumahan na naman ang anak ko sa pag-iyak. Pinahid niya ang luha sa pisngi ng
kanyang palad.
"What?!"
Tawang - tawa naman ako sa naging reaksyon nila. Hinalik - halikan ko naman ang
anak kong umiiyak na naman. I was just joking.
Lumuhod si Cadence para pumantay kay Trojan. "Anong nangyari sa baby ni tatay?" He
asked him softly.
"Ni-hug at kiss po ako ng girl, tatay." Sumbong niya sa ama. I bit my lip even
more. "Sabi ni nanay, nag-kiss daw po ang dog namin ni Marcus kaya nabuntis iyong
dog niya. Mabubuntis po ba ako?" tanong nito ng may pangamba.
Humalakhak naman si Cadence sa narinig. Umiling pa ang magaling. Alam ko agad kung
anong iniisip ng asawa ko.
"Of course not, Miracle. You won't get pregnant with that. Only women have the gift
of carrying and nurturing a child inside their belly." Ginulo niya ang buhok ng
anak namin. "It's just means, lalaking crush ng bayan ang baby boy ko. Mana kay
tatay."
Tumikhim naman ito. Binuhat niya si Trojan. "I was just joking, big boy. But don't
worry, you're not pregnant." He wiped the tears on his cheeks. Yumakap naman ito sa
ama.
***
Trojan wanted the mini Santa Claus costume. Iyon ang pinasuot namin sa kanya.
Kumpleto sa get up ang anak ko, mayroon pa siyang balbas at wig. He loves it so
much. Gustong - gusto niya si Santa.
I never really knew on Christmas he was wishing for his father. Nalulungkot ako
tuwing naiisip ko iyon. Matalino ang anak ko, noon pa lang alam niyang ang pamilya
ay binubuo ng nanay at tatay. Trojan didn't really ask about his father, but he
knew.
The pupils from his previous school kept on taunting him about his father. Hindi
naman niya sinabi sa akin. Ganoon na lang ang galit ko sa mga taong inaaway ang
inosenteng anak ko.
They could hate me, but not my child. Ibang usapan kapag si Trojan.
We clapped our hands after Trojan's mini performance. Kumanta siya ng ilang
pamaskong awitin para sa kanyang tiyuhin. He's a big bundle of joy. Hindi lang sa
amin ni Cadence, tuwang - tuwa ang lahat ng nakakilala sa anak ko.
Pumagitna naman sa amin si Cadence. "Puro kiss lang ang binibigay mo sa anak ko."
"He doesn't complain with what he gets, Cadence. He's growing up being grateful.
Hindi mana sa'yo." Sinapok ni Cadence si Santino sa turan nito.
Tumakbo papalapit sa amin si Trojan. He has a big smile on his face as he reached
us for a hug. Binuhat naman siya ng kanyang ama. Pinaulanan niya kami ng halik ni
Cadence. "Nanay, nag-enjoy po si Trojan mag-sing at dance."
"That's very good, anak." Marahan kong sinundot ang kanyang pisngi.
"Let's open the gifts, Miracle. Want mo 'yon?" Lorenzo asked him.
"Really po, Tito Renzo? Want ko!" Excited na bumaba si Trojan sa bisig ng ama at
umabante sa kanyang tito Lorenzo. "Tatay, bubukas na po kami ng gifts!"
Most of those gifts were for Trojan. Siya naman ang star ng pasko namin.
"May gifts din po ako sa inyo na card para kay nanay at tatay, kay tita ninang,
tita Nena, kay lola ko po at kay mamita ko po, saka po sa marami kong tito tapos
kana mama Cion." Inilabas naman niya ang box na nakatago sa gilid ng Christmas
tree.
He opened the box with cards and handed each and everyone of us a personalized
card. Mayroon ding chocolate na cloud 9 sa card. My heart was filled of joy with
Trojan's effort to make his loved ones feel special.
Agad kong pinahid ang luha ko sa mata. I know in my heart, I raised him well.
Ngayon pa lang, proud na ako sa kanya.
It was a fun night. Matapos ang exchange gifts at programa, mainly, pinagkaguluhan
lang ang anak ko. Antok na antok si Trojan na humimlay sa bisig ng ama. He enjoyed
opening his gifts so much.
Marahang binaba ni Cadence ang mahimbing na anak namin sa kama. Halos ayaw pa
nitong bumitiw kay Cadence. Tinapik ko ng marahan ang kanyang braso at pumalit kay
Cadence sa pagkakayakap.
Matapos ang ilang minuto, tuluyan ng nakatulog ang anak ko. I kissed him on the
forehead.
"Okay lang ako, let's savor the moment first." Hinila ko siya patungo sa balkonahe.
Sakto namang patuloy pa rin ang pagpapaputok ng makukulay na fireworks. Cadence
hugged me from the back. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng walang namumutawing
salita sa pagitan naming dalawa.
"Ikaw pa rin ang araw-araw kong pipiliin," panimula ko. Humarap ako sa kanya. I
smiled at him. "Cadence, they may know better. But my heart knows best."
I can finally say, it wasn't so stupid to fall for the former governor's son.
'Cause finally, he's with me. I am so in love with Cadence Beckham Ponce. And he
loves me more than I can imagine.
The journey had been tough. But still I'm standing strong --- Sai Everly Maligno-
Ponce.