Wastong Pamamahala NG Emosyon Final LP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

WEEKLY LEARNING PLAN

QUARTER: Ikalawang Markahan Grade Level: 8


WEEK: 3 Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao
MELC/s:Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya nang wasto at hindi wastong pamamahala ng mga pangunahing emosyon

DA
OBJECTIVES TOPIC/S CLASSROOM BASED ACTIVITIES
Y

1 A. Nakikilala ang apat na haligi emotional Paunang Gawain:


quotient at ang pangunahing damdamin ng 1. Pagbati
tao. 2. Pagdadasal
B. Nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng PAMAHALAAN 3. Pamamahala ng silid aralin
isang emosyon ang pagpapasiya sa isang NG WASTO ANG 4. Pagtukoy sa mga mag aaral na liban sa klase
sitwasyon na may krisis, suliranin, o EMOSYON 5. Kamustahan
pagkalito.
C. Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga a. Pagtuklas sa dating kaalaman (Elicit)
angkop na kilos upang mapamahalaan ng Sa pagsisimula ng panibagong aralin ang guro ay mag tatanong sa mga mag-aaral patungkol sa
wasto ang emosyon. nakaraang aralin.
.
Mga pamprosesong tanong:
1. Ano nga ang leksyon nung nakaraan?
2. Ibahagi ang natutunan sa nakaraang aralin.

b. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at pag–unawa (Engage)

Gawain 1: Charades
Ang mga mag aaral ay hahatiin sa dalawang pangkat upang gawin ang pangkalahatang gawain.
Panuto:
 Pipili ang bawat grupo ng kanilang magiging representative na syang gaganap bilang taga
pagpahula sa mabubunot nyang mga salita.(bawal mag salita ang taga pagpahula)
 Ang matitira sa grupo ang magiging taga hula
 Bibigyan lang ang bawat grupo ng tatlong minuto para gawin ito
 Kung sinong grupo ang may pinakamadaming nahulaan ang syang mananalo sa larong ito.

Mga pamprosesong tanong:


1. Ano ang napansin ninyo sa gawain?
2. Ano ang naramdaman mo sa gawaing ito?
c. Pagpapalalim (Explore)

Gawain 2.
Panuto: Ang bawat tao ay may iba’t ibang sitwasyong hinaharap. May sarili rin siyang paraan kung
paano niya ito haharapin at kung ano ang emosyon ang ipapakita. Tukuyin mo ang emosyon na
angkop sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa kahon sa ibaba.
MGA PAHAYAG EMOSYON
1. Naku! Hindi pa ako tapos sa aking proyekto. Ipapasa na ito
bukas.
2. Ano ang gumugulo sa isip mo? May maitutulong ba ako?
3. Tiyak na matutuwa si nanay! Mataas ang marka ko!
4. Naniniwala akong kayang-kaya mong mapanalunan ang premyo
sa sinalihan mong paligsahan
5. Huwag ka ngang maingay! Nakikita mong may ginagawa ako.
6. Malapit nang umuwi si Tatay. Ano kaya ang kaniyang
pasalubong.
7.Sobrang trapik naman dito! Hindi na ako makakahabol sa aking
klase.
8. Mother’s Day na sa Linngo. Sorpresahin natin si nanay.
9.Naku! Nandyan na naman ang laging nanunukso sa akin. Huwag
ninyo akong ituturo sa kanya.
10. Akala mo naman kung sino ka! Huwag ka ngang mayabang!
MGA EMOSYON

Pagmamahal Katatagan Pagkatakot


Pag-asam Pagkamuhi Pakagalit
Pagkagalak Pag-iwas Kawalan ng pag-asa
Pag-asa Pighati

Mga pamprosesong tanong:


1. Tungkol saan ang gawain?
2. Base sa mga gawaing ito may ideya na ba kayo kung tungkol saan ang pag-aaralan natin
ngayong araw na ito?

d. Pagtatalakay( Explain)
Itatalakay ng guro ang mga sumusunod:

 Emosyon o Damdamin
 Ito ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kung hindi ng
mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang
indibidwal.
 Ito ang pinaka mahalagang larangan ng pag- iral ng tao.
 Ito din ay may kaugnayan sa obhetong tinatawag na pagpapahalaga

 Emotional Quotient
 Kakayahan ng isang tao na maintindihan ang kanyang emosyon at ang emosyon ng
iba, Kasama na dito ang pagkakaroon ng tamang reaksyon sa mga emosyon.

 Ang apat na haligi ng Emotional Quotient ayon kina Robert Cooper at Ayman Sawat

1. Kaalaman sa sariling emosyon.


 Mahalaga ang pagkilala sa emosyon o damdamin. Mahirap pamahalaan ang
emosyon at lalong magiging mahirap ang pamamahala dito kung hindi batid
ng tao ang tunay niyang damdamin.

2. Kaangkupan ng emosyon
 Angkop ang pinapakitang emosyon sa bawat sitwasyon.

3. Kalaliman ng Emosyon.
 Ang layunin, mithiin, o adhikain ay mga patnubay natin sa buhay. Kung ano
ang lalim ng ating layunin ganoon din ang lalim ng ating damdamin o
emosyon. Kung gaano katatag at kabusilak ang iyong damdamin ganoon din
katatag at kabusilak ang iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa.

4. Kapangyarihan ng Emosyon.
 Makapangyarihan ang emosyon. Maaring maging alipin ang sinuman ng
emosyon kung hindi siya natututong mamahala nito.
Mga pamprosesong tanong:
1. Anu-ano ang apat na haligi ng emotional quotient?
2. Bakit mahala na magkaroon ng EQ ang isang tao?

 Ang pangunahing emosyon o damdamin ng tao na hango sa aklat ni Esther Esteban na


Education in Values.

Mga Pangunahing Emosyon

Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)


Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)
Pagkatuwa (Joy) Pagdadalamhati (sorrow)
Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa (despair)
Pagiging matatag (courage) Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)

Mga pamprosesong tanong:


1. Ano ang napansin nyo sa unang hanay at ikalawang hanay ?
2. Alin sa mga mukha ng emosyon na nakapaskil ang nakapaglalarawan ng inyong emosyon o
nararamdaman ngayon?
3. Bakit mo ito nararamdaman?
4. Bakit kailangang mapamahalaan ng maayos ang iba’t-ibang emosyon ng tao?

e. Aplikasyon (Elaborate)

Gawain 1: (Roll Play)


Panuto:
 Magbuo ng tatlong grupo.
 Isaisip na sa inyo nangyayari ang sitwasyon. Bigyan ang bawat isa ng gampanin sa magiging
paguusap.
 Buuin ang usapan sa mga pahayag upang maipakita ang inyong magiging damdamin at
wastong pamamahala dito kung maharap sa ganitong sitwasyon. (3 minuto)
 Isadula ang nabuong paguusap. (3 minuto)
 Mga sitwasyon:
o Unang grupo: Isusumbong ka ng iyong kamag-aral na kaya ka lang daw nakakuha ng
mataas na puntos sa pagsusulit ay dahil nakita ka niyang nangongopya sa iyong
katabi!
o Pangalawang Grupo: Tahimik kang nag aaral sa inyong silid-aralan nang bigla kang
binato ng kuwaderno ng iyong mayabang na kaklase.
o Pangatlong Grupo: Nalaman mong mas mataas ang grado ng iyong kaklase sa
Matematika gayong hindi ito masyadong gumagawa ng mga gawain.
Rubriks sa Roll Play
Kagalingan sa pagganap 50%
Angkop na ekspresyon ng
mukha sa ipapakitang 20%
emosyon o sa damdaming
pinalilitaw.
Nilalaman 20%
Mahusay at malinaw na
pagkakabitiw ng mga 10%
pahayag
Kabuuan = 100%

f. Pagsasabuhay ng Pagkatuto(Evaluation) Maikling pagsusulit.

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot sa bawat pangungusap.

1. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagama’t nakapasa siya sa
pagsusulit para sa iba’t ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon , ano ang pinakamainam
niyang gawin upang mapili niya ang angkop na kurso para sa kanya?
A. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda.
B. Pumili alin man sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit.
C. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa pag-
iisip
D. Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli

2. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong kasintahan.
pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kaniyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila na
masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang kausapin sila. Umiwas ka muna
dahil sa iyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil matindi
parin ang iyong galit sa kaibigan mo. Ano ang kabutihang idudulot ng ginawa mo?
A. nakakaiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa
B. napapatunayan ang kabutihan sa sarili at sa iba
C. nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
D. nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin

3. Sa tuwing tuwing tayo ay nakakaranas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon


mahalaga na tayo ay mag relax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-
relax?
A. paglakad-lakad sa parke
B. paninigarilyo
C. pagbabakasyon
D. panonood ng sine

4. Ito ay kagyat na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakikita,


nararamdaman, naamoy, nalasahan, at narinig na binibigay ng interpretasyon ng kanyang
pag-iisip.
A. kilos
B. mood
C. emosyon
D. desisyon

5. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?


A. sutukin na lamang ang pader
B. kumain ng mga paboritong pagkain
C. huwag na lamang siyang kausaping muli
D. isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba.

Inihandani: Mj Emmarie A. Samante

You might also like