Banghay Aralin Sa Filipino Vii

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

PONEMANG SUPRASEGMENTAL
I. Mga Layunin
Sa loob ng 30-40 minutong aralin tungkol sa Kahalagahan ng paggamit ng
suprasegmental, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Napaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental at


di berbal na palatandaan;
B. Napipili ang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap; at
C. Naibibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/ awiting
panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan sa pamamagitan ng paglalapat ng
ponemang suprasegmental

II. Paksang-aralin
A. Paksa
Kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental
B. Sanggunian
Munro, B. (2013). Wika at Panitikan.https://filipino101-
blog.tumblr.com/post/71637256265/ponemang-suprasegmental
Guinoo, J. (2019). Ponemang Suprasegmental.
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ponemang-suprasegmental-
grade-7
C. Kagamitan
Laptop, Powerpoint Presentation, Google Drive

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Paunang Gawain
1. Panalangin
 Opo Sir (sa ngalan ng ama, ng
John Carl, maaari mo bang pangunahan anak, at espirito santo,… Amen)
ang ating panimulang panalangin sa
araw na ito?
 Magandang Hapon din po Sir!
Magandang Hapon aking mga
minamahal na mga mag-aaral.
 Salamat po Sir!
Maaari na kayong umpo.

2. Pagtatala ng liban

(Tatawagin ng guro ang class monitor)  Wala po Sir.


Maria, may lumiban bas a araw na ito?
Maraming salamat Maria, maaari ka  Walang anuman po Sir!
nang umupo.

3. Pagwawasto ng Takdang-
Aralin

Ngayon ay ilabas ang mga kuwaderno at (Kukunin ang kuwaderno para sa


magwawasto tayo ng inyong mga pagwawasto ng takdang-aralin)
takdang-aralin.

Makipag-palit ng kuwaderno sa katabi (Magpapalitan ng kuwaderno)


upang makapagsimula na tayo sa
pagwawasto.

(10 puntos na takdang aralin)

Ibalik na ang mga kuwaderno sa may-


ari.

Ngayon, itaas ang kamay ng mga (Tataas ng kamay ang mga nakakuha ng
nakakuha ng perpektong puntos? perpektong puntos)

Magaling! Magaling! Bigyan natin ng


tatlong bagsak ang ating mga kaklase na
nakakuha ng perpektong puntos. (papalakpak sa bilang)
(Papalakpak sa bilang ng )Isa, Dalawa,
Tatlo

Itaas naman ang kamay ng mga (Tataas ng kamay ang mga nakakuha ng
nakakuha ng 6 hanggang 9 na puntos. 6 hanggang 9 na puntos)

Magaling! Bigyan natin sila ng


dalawang bagsak. (papalakpak sa bilang (papalakpak sa bilang)
ng) Isa, Dalawa, Tatlo

May nakakuha ba ng 5 pababa na  Wala po Sir!


puntos?

Mahusay! Bigyan natin ang lahat ng


tatlong bagsak. (papalakpak sa bilang
ng) Isa, Dalawa, Tatlo.
4. Pagbabalik Aral

Sa ating pagbabalik aral, ano-ano ang  Sir! Isa sa ating mga natalakay
kaalamang-bayan na natalakay? na kaalamang-bayan ay
bugtong.

Mahusay! Ang bugtong, pahulaan, o


patuturan ay isang pangungusap o
tanong na may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan (tinatawag ding palaisipan
ang bugtong)

Sino pa ang makakapagbigay ng ibang  Sir! Natalakay din natin ang


kaalamang-bayan na ating natalakay? Tula.

Magaling! Ang Tula ay isang anyo ng


sining o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat. Binubuo ang tula ng saknong
at taludtod.Ang tula ay maaaring
distinggihin sa tatlo na bahagi.

B. Pagtatalakay ng Aralin
1. Pagganyak

Ngayon, ay may inihanda akong iba’t


ibang pares ng pangungusap. Basahin
natin ito nang mabuti. Handan a ba
kayo? Umpisahan na natin.  Totoo? Maganda siya?
 Totoo! Maganda siya.
Ang unang pares ng pangungusap ay
Totoo? Maganda siya?
Totoo! Maganda siya.  Magagaling sila?
 Magagaling sila.
Sunod na pares na pangungusap.
Magagaling sila?
Magagaling sila.
 Mahal ka niya?
 Mahal ka niya.
Sunod na pangungusap.
Mahal ka niya?
Mahal ka niya.  May bisita tayo bukas?
 May bisita tayo bukas.
Sunod na pares.
May bisita tayo bukas?
May bisita tayo bukas.  Ikaw ang may sala sa nangyari?
 Ikaw ang may sala sa nangyari.
Sunod,
Ikaw ang may sala sa nangyari?
Ikaw ang may sala sa nangyari.
 Opo
Magaling! Bago tayo magpatuloy,
halina’t ating alamin ang mga bagong
salita na makakatulong sa atin sa ating  Ponema
bagong aralin. Handan a ba kayo?

Ang unang salita ay tinatawag na


ponema. Sabihin niyo nga ito.

Mahusay!

Ponema ang tawag say unit ng tunog o


pinakamaliit na bahagi ng wika na may
kahulugang tunog. Halimbawa sa
salitang PUSA, may apat itong ponema.
“p” “u” “s” “a”

Nagkakaintindihan ba tayo?
Mahusay!

Ang ikalawang salita ay tinatawag natin


na segmental. Basahin niyo nga ito.

Ang segmental naman ay tinatawag na


makahulugang tunog.

At ang huling salita ay suprasegmental.


Ang suprasegmental ay tumutulong sa
ponemang segmental. Ang mga ito ay
tinatawag natin na tono, diin, haba at
antala.

Ngayon ay basahin natin ang isang tula


tungkol sa isang pamilya na patuloy na
namumuhay sa gitna ng pandemya. Ang
pamagat ng tulang ito ay “Ayuda sa
panahon ng pandemya” at ito ay likha ni
Rhea T. Bejasa. Handa basa…

“Ayuda sa Panahon ng Pandemya”


ni Rhea T. Bejasa

Pito ng pulis ang gumambala sa masikip


na eskinita,
Bata, batuta isang baldeng muta, nahinto
sa tudyuan ang mga bata,
Isa, dalawa, tatlo, apat…pito, pampito sa
hanay ng mga bahay ang
Barong - barong ni Aling Rosa,
DSWD, ang malakas niyang basa,
Tumayo mula sa paglalaba, kahit basa
ang saya.

Sa mukha niya’y mababakas ang saya,


“Mama, nandyan na ba si Papa?”
Tanong ni Bunso, habang nakatingin sa
malaking mama.
“Hindi siya ang iyong ama”. Tugon ng
‘di kumukurap na si Aling Rosa.

Tumingala ang anak na sa mukha’y may


pagtataka,
Bakit tila, masaya ang ina?
Samantalang hindi naman dumating ang
kaniyang ama,
Nagmasid sa paligid, maraming
kapitbahay ang nakaabang sa kanila.

Maya-maya’y dumukot sa bulsa ang


malaking mama,
Isa, dalawa, tatlo, limang lilibuhing pera,
Nakangiting iniabot sa maluha-luhang si
Aling Rosa.
Nangingilid ang luha, tinanggap ang
pera at sa papel ay pumirma.

“Bakit ka umiiyak Mama?” tanong ng


pangalawa,
“Dahil ba uuwi na si Papa?” tinig ni
Bunsong nag-uusisa,
“Tahan na Mama”, wika ng anak na
babaeng nakamata,
Marami-rami pa tayong labada,
Ipinadala ng matandang biyuda.
Garalgal ang tinig, nagsalita si Aling
Rosa,
“Bukas, may kanin at karne na sa ating
mesa.”
May bigas nang mabibili ang inyong
kuya,
Sabay sulyap sa baldeng bukas at
nakatiwangwang na.

“Salamat sa Diyos”, sambit niya


Hindi na tayo magugutom kahit may
pandemya,
May kakainin tayo kahit kakaunti ang
tanggap kong labada,
Sa wakas dumating na ang ayuda.

2. Paglalahad ng paksa
Matapos nating basahin ang tula, ating
suriin
ang iba’t ibang taludtod nito.

A. Basahin ang dalawang taludtod

- Pito ng pulis ang gumambala sa


masikip na eskinita,
- Isa, dalawa, tatlo, apat…pito, pampito
sa hanay ng mga bahay ang
Barong - barong ni Aling Rosa,

Ang salitang pito sa unang taludtod ay


tumutukoy sa laruang hinihipan upang
tumunog. Mayroon ba itong pagkakaiba
sa kahulugang ipinapahiwatig ng  Mayroon po.
salitang
pito sa ikalawang taludtod?  Ang pito sa unang taludtod ay
tumutukoy sa laruang hinihipan. Sa
Ano ang pagkakaiba ng dalawang salita? ikalawang taludtod, ang pito ay sa
bilang.

Mahusay!  Mahalaga ang paglalapat ng


wastong tono sa pagbibigkas upang
B. Bakit mahalaga ang paglalapat higit na maunawaan ang kaisipan na
ng wastong tono sapagbigkas ng taglay ng tula
pahayag na “Bakit ka umiiyak
mama?”

Magaling!

C. Basahin ang dalawang taludtod

- Tumayo mula sa paglalaba, kahit basa


ang saya.
- Sa mukha niya’y mababakas ang saya

Mayroon bang pagkakaiba ang


kahulugan ng salitang “saya” sa
dalawang taludtod?  Mayroon po.

Ano ang kanilang pagkakaiba?  Ang “saya” sa unang taludtod ay


tumutukoy sa palda o bestida.
Ang “saya” sa ikalawang
taludtod ay nangangahulugan ng
tuwa.

D. Ang mga salitang “saya”,


“mama”, “pito” at “bukas” ay
maaaring magbago ang
kahulugan kung bibigyan ng
wastong diin.

Bakit mahalaga ang paglalapat ng


wastong diin sa mga salitang may  Mahalaga ang paglalapat
parehong baybay ngunit magkaiba ang ngwastong diin sapagkat
bigkas? nabibigyang pannsin ang
kahulugang taglay ng salita.
Mahusay!
3. Pagpapalawak ng
kaalaman
Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon,
matutukoy ang kahulugan, layunin, o
intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa
pamamagitan ng ponemang
suprasegmental o ng mga tono, haba,
diin, at antala sa pagbigkas at
pagsasalita.

Tulad ng pag-awit, may tono rin sa


pagsasalita: mababa, katamtaman, at
mataas.

Ngayong araw ay ating aralin


ang kahalagahan ng paggamit ng
ponemang suprasagmental. Ito ay diin,
tono at antala.

Ang una sa mga ito ay ang diin.


Ang diin ay ang lakas, bigat, o
bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang
diin ay isang ponema sapagkat sa mga
salitang may iisang tunog o baybay, ang
pagbabago ng diin ay nakapagpapabago
ng kahulugan nito.

Maaari nating gamitin sa pagkilala ng


pantig na may diin ang malaking titik.

(Ipakita ang mga salita:)

Basahin ang salita

BU-hay (Magbabasa ang mga mag-aaral.)


Ang diin ng salita ay nasa unang pantig.
Kung babasahin natin ito sa ganitong
pamamaraan, ano kaya ang kahulugan Ang ibig sabihin po nito ay kapalaran
ng salita? ng tao.

Tama

Basahin naman natin ang sumunod na


salita.

bu-HAY (Magbabasa ang mga mag-aaral.)

Aling pantig ang may diin? Ang ikalawang pantig po.

Mahusay. Ano naman ang ibig


ipakahulugan ng Ang ibig sabihin po nito ay humihinga
salitang ito? pa o kaya’y gumagalaw pa.

Magaling!

Ang ikalawang bahagi ng ponemang


suprasegmental ay ang tono. Ang tono
ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na
maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin, makapgbigay-kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit
na maging mabisa ang ating pakikipag-
usap sa kapwa.

Sa pagsasalita ay may mababa,


katamtaman, at mataas na tono.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman ,
at bilang 3 sa mataas.

(Ipakita ang mga sumusunod na salita.)

Basahin natin ang mga sumusunod na


salita na may iba’t ibang tono.

pon

ka
ha

Ano ang salitang inyong binasa? Ang salita ay “kahapon”.

Tama. Ang tono ng salita ay maaaring


magbigay ng ibang damdamin sa
nagbabasa.

Mula sa tono ng salitang ating binasa


ano kaya ang damdamin na nais nitong Ang damdamin ng salita ay may
iparating? pag-aalinlangan

Tama. May iba pa bang mga sagot? Ang damdamin ng salita ay tila
may hindi kasiguraduhan.

Basahin naman natin ang sumunod na


salita.
ha

ka

pon

Ang salitang ginamit ay “kahapon” pa


rin. Matapos nating basahin ang salita,
anong uri ng damdamin kaya ang nais Ito po ay nagpapakita ng damdamin
nitong iparating? ng kasiguraduhan.

Napakagaling!

Ang ikatlong bahagi ng ponemang


suprasegmental ay ang antala. Ang
antala ay bahagyang pagtigil sa
pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa
kausap.

Maaaring gumamit ng simbolong


kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis (//),
o gitling ( - ).

Ating suriin ang isang pangungusap na


may iba’t ibang paggamit ng antala.

Basahin ang pangungusap.

Hindi// ako si Joshua.

Ano kaya ang nais ipakahulugan ng


pangungusap na ito? Nagbibigay ito ng kahulugan na
ang nagsasalita ay nagsasabing siya si
Joshua.

Maaaring siya’y napagkamalan lamang


na ibang tao.

Magaling. Basahin naman ang


ikalawang pangungusap.

Hindi ako, si Joshua.


Ano naman ang nais ipakahulugan ng
pangungusap? Ipinapahiwatig ng nagsasalita
na siya ay hindi si Joshua.
Napakahusay. Sila ang tatlong bahagi ng
ponemang suprasegmental.

Bakit kaya mahalaga ang pagbibigay ng


wastong diin, tono at antala sa ating
binabasa? Mahalaga ang mga ito upang
matukoy natin ang ibig
ipakahulugan ng mga salita sa
ating binasa.

Mahusay. Ano pa? Mahalaga ang mga ito upang


mabasa natin nang buong
husay ang iba’t ibang tula,
talata at kuwento.
Kayong lahat ay magagaling!

4. Paglalahat

Balikan natin an gating aralin ngayong


araw. Anu-ano ang mga bahagi ng
ponemang suprasegmental? Ang mga ito ay ang diin, tono at
antala.

Mahusay! Bakit mahalaga na gamitin


natin ang mga ito nang wasto sa
pagbibigkas ng mga salita? Mahalaga ang mga ito upang
matukoy ang wastong kahulugan ng
mga salitang binasa.

Magaling! Ano pa? Mahalaga ang mga ito dahil tumutulong


sila sa pagtukoy ng paksa ng mga
tekstong ating binasa.
5. Pagpapahalaga

Ang mga bahagi ng ponemang


suprasegmental ay napakahalaga. Ito ay
nakatutulong upang magkaroon ng
epektibong komunikasyon.
Kung gagamitin natin ang mga
ito sa pakikipag-usap, sinu-sino ang
mgakabilang sa komunikasyon? Ang nagsasalita at ang kausap.

Magaling! Sinu-sino naman ang


kabilang sa pasulat na komunikasyon? Ang may-akda at ang nagbabasa.

Tama. Ano kaya ang maaaring


mangyari kung hindi natin gagamitin
nang wasto ang ponemang
suprasegmental? Maaaring hindi magkaintindihan ang
magkausap.

Ano pa? Maaaring ibang paksa o


kaisipan ang matanggap ng
nagbabasa o nakikinig.

Magaling! Lagi ninyong tatandaan na


dapat nating gamitin nang wasto ang
ponemang suprasegmental upang
makapagpahayag ng tamang
impormasyon.

IV. Pagtataya
A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang may iba-ibang
diin.Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito.

1. SA:ma = sa:MA =
2. LI:gaw = li:GAW =
3. GA:lah= ga:LAH =
4. PU:la= pu:LAH =
5. BU:koh= bu:KOH =

B. Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin nito.Maaaring


gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa
sagutang papel.

1. kumusta = ____, pagtatanong na masaya


kumusta = ____, pag-aalala

2. kunin mo = ____, pag-uutos


kunin mo = ____, pagtatanong

3. mahusay = ____, pagpupuri


mahusay = ____, pagtatanong

Mga sagot:

A.

1. SA:ma = makisapi sa:MA = hindi mabuti


2. LI:gaw = pagpapakita ng pagmamahal li:GAW = nawala
3. GA:lah= pamamasyal ga:LAH = laging umaalis
4. PU:la= isang kulayu pu:LAH = pansinin o kutyain
5. BU:koh= isang prutas bu:KOH = ibunyag

B.

1. kumusta = 213, pagtatanong na masaya


kumusta = 231, pag-aalala

2. kunin mo = 321, pag-uutos


kunin mo = 213, pagtatanong

3. mahusay = 231, pagpupuri


mahusay = 213, pagtatanong

V. Takdang Aralin
Sa isang talata, isulat ang isang sitwasyon na kailangan ang wastong paggamit ng
ponemang suprasegmental. Gamitin ang pamantayan sa pagsusulat ng talata.

PAMANTAYAN
5 PUNTOS 3 PUNTOS 2 PUNTOS
Naisulat nang buong Naisulat ang paksa ng Hindi naisulat at
PAKSA husay ang paksa ng talata ngunit mayroon naipakita ang paksa ng
talata kaunting alinlangan talata
Naipakita nang buong
Mayroong kaunting Hindi nagamit nang
husay ang wastong
maling paggamit sa maayos ang bantas,
PAGSULAT paggamit ng bantas,
bantas, pagbabaybay o pagbabaybay at ang
pagbabaybay at
malalaking titik malalaking titik
malalaking titik

Inihanda ni:

JOMARI T. SAYSON

You might also like