AP Grade10 Quarter2 Module Week2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

ARALING PANLIPUNAN 10
Ikalawang Markahan

Ikalawang Linggo
GLOBALISASYON: EPEKTO MO, AAGAPAY AKO!

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Nasusuri ang dahilan, demensyon at epekto ng globalisasyon.

Balikan Natin: TAMA O MALI


Panuto: Isulat ang TAMA, kung totoo ang ipinapahayag at MALI, kung hindi
totoo. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
___1. Nagpapabagal sa globalisasyon → Nearshoring
___2. Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas → huling bahagi ng ika-5 siglo
___3. Gawaing nangangailangan ng mataas na kaalamang teknikal →
Business Proces Outsourcing (BPO)
!!_4. Unang pagbabago sa ika-20 siglo → pag-usbong ng"Estados Unidos
bilang global power matapos ang World War II
___5. Pananalig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya, nagbibigay-daan
sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya, at iba pa
sa pangunguna ng United States → Post- Cold War

Unawain Natin
Epekto ng Globalisasyon
Ang globalisasyon ay mayroong positibo at negatibong mga epekto. Sentro sa isyu ng
globalisasyon ang ekonomiya. Dito tinatalakay ang pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa
pagitan ng mga bansa sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ating mapapansin ang mabilis na
pagbabago sa kalakalan sa mundo. Sa paglipas ng panahon, umusbong ang mga
dambuhalang korporasyon na nagnenegosyo hindi lamang sa bansang pinagmulan nito
bagkus ay pati na rin sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Dinala ng mga korporasyong ito ang mga produkto at serbisyong naging bahagi ng
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa buong mundo.

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang mga kompanya at bansa kasama ang kanilang
kaukulang kita sa taong 2017.
KOMPANYA KITA BANSA GDP
Spotify $4,794 million Mauritania $ 4, 755 million
Netflix $ 11, 693 million Malta $ 11, 278 million
Starbucks $ 22, 386 million Trinidad and Tobago $ 22, 296 million
McDonalds $ 22, 820 million Papua New Guinea $ 22, 568 million
Microsoft $ 89, 950 million Slovakia $ 89, 806 million
Nike $ 34, 400 million Cameroon $ 32, 230 million
Coca – cola $ 35, 410 million Bolivia $ 34, 053 million
Facebook $ 39, 300 million Serbia $ 38, 300 million
Amazon $ 117, 900 million Kuwait $ 110, 873 million
Apple $ 229, 234 million Portugal $ 205, 269 million
Pinagkunan: https://www.businessinsider.com/25-giant-companies-that-earn-more-than-entire-
1
countries-2018-7#visa-made-more-in-2017-than-bosnias-gdp-4
Mayroon ding mga korporasyon na pag-aari ng mga Pilipino na binigyang pansin ang
halaga ng mga ito sa pamilihan ng mga bansa na matatagpuan sa Vietnam, Thailand China
at Malaysia tulad ng SM, PNB, Metro Bank, Jollibee, URC, Unilab, San Miguel Corporation at
International Container Terminal Services Inc.

MGA EPEKTO NG GLOBALISASYON SA IBA’T-IBANG ASPETO

Epekto ng Globalisasyon sa Ekonomiya


Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng globalisasyon. Maiuugnay
din ito sa aspetong teknolohikal at sosyo-kultural ng mga bansa sa daigdig. Sa aspetong ito
mabilis ang paglaganap ng impormasyon, kultura, kaugalian, at iba na may kinalaman sa
interaksyon ng mga tao. Naapektuhan nito ang gawi at nakasanayan ng mga tao sa isang
partikular na lugar sapagkat naiimpluwensyahan ito ng dayuhang kultura. Karagdagan pa,
mas nagiging konektado ang bawat isa dahil sa modernong teknolohiya.

MABUTING EPEKTO MASAMANG EPEKTO


- Nagkakaroon ng malayang kalakalan. - Pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan
- Mas napapabilis ang kalakan o ang - Pagkakaroon ng environmental issues
pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. tulad ng Climate Change, Global Warming
- Pagdami ng mga produkto at serbisyong at iba pa.
mapagpipilian - Kahirapan dulot ng paglaki ng agwat ng
- Pagbaba ng halaga ng mga produkto mayayaman sa mahihirap
- Pagdami ng mga dekalidad na mga produkto - Pagdami ng mga taong walang trabaho
- Paglaki ng bilang ng export at import sa isang dahil sa mataas na antas ng kompetisyon
bansa. sa trabaho sa merkado at sa pagsasara ng
- Paglaki ng oportunidad para makapagtrabaho. mga maliliit na negosyo
- Malayang nakapaghahanap ng trabaho ang - Paglala ng problema sa ekonomiya ng
mga tao. mga bansang nakakaranas nito.
- Maiiwasan ang Monopolyo.
- Pagtaas ng pamumuhunan (investment)
A. Epekto ng Globalisasyon sa Teknolohiya at Kultura
Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyo-kultural ay ang
paglakas ng globalisasyong pulitikal. Ang globalisasyong politikal ay ang mabilis na ugnayan
sa pagitan ng magka-ibang bansa. Ito ay nangangahulugang pagbubuo ng isang
pandaigdigang samahan kung saan nagkakaroon ng sistematikong ugnayan ang mga bansa.

MABUTING EPEKTO MASAMANG EPEKTO


- Napabilis ang mga gawain - pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer
- mabilis na transaksiyon sa pagitan viruses at spam na sumisira ng electronic files
ng mga tao. at minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng
- mabilis na pagdaloy ng mga ideya at mga namumuhunan
konsepto patungo sa iba’t ibang - intellectual dishonesty dahil sa madaling pag-
panig ng mundo copy and paste ng mga impormasyon mula sa
- pagkakaroon ng pagkakataon sa internet
mga ordinaryong mamamayan na - isyu ng pambansang seguridad, ginagamit ng
ipahayag ang kanilang saloobin sa ilang mga terorista at masasamang loob ang
iba’t ibang paksa o usapin. internet bilang kasangkapan sa
- Paglago ng iba’t ibang sangay ng pagpapalaganap ng takot at karahasan sa
agham na nakatutuklas ng gamot sa mga target nito
pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga - impluwensiya ng kultura ng ibang bansa.
epidemya. - Hindi pagpapatuloy sa mga nakasanayang
- Paglinang ng kamalayan ukol sa tradisyon.
ibang kultura - Kawalan ng pagpapahalaga sa
- Mabilis na transportasyon at Nasyonalismo.
komunikasyon - Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang
sakit sa iba’t ibang panig ng mundo 2
B. Epekto ng Globalisasyon sa Politika
MABUTING EPEKTO MASAMANG EPEKTO
- Patuloy na pagkakaisa ng mga bansa sa - Paghihimasok ng ibang bansa sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga pandaigdigan mga isyu at desisyon ng
at panrehiyong organisasyon tulad ng UN, pamahalaan
ASEAN, APEC at WHO - Pagbuo ng maliliit na armadong
- Pagtatag ng demokrasya sa mga dating grupong may basbas at suporta
komunistang bansa ng ilang malalakas na armadong
- Pagkakasundo ng mga bansa ukol sa isyu ng grupo sa ibang bansa
kalikasan - Paglaganap ng terorismo
- Pagbilis ng pagbibigay tugon at tulong ng iba’t
ibang mga bansa sa mga nasalanta ng
kalamidad

Mga Tugon sa Hamon ng Globalisasyon


Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala
ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang
mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan. Malaki ang ginagampanan ng
pamahalaan sa pagharap sa hamon ng globalisasyon. Maraming maaaring maging tugon sa
hamon ng mas tumitindi at lumalawak pang globalisasyon. Ang ilan sa mga solusyong ito na
isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ay ang mga sumusunod:
1. Guarded Globalization
Paglilimita ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga
lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante Ilan sa mga halimbawa ng
polisiyang ito ay ang:
• pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang
bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas
nagkakaroon ng mas positibong epekto ang mga produktong lokal; at
• pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay
tulong pinansyal ng pamahalaan. Kilala ang bansang United States sa pagbibigay ng
malaking tulong pinansyal sa mga magsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang
pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibili ang
mga ito. Bukod sa United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking
subsidiya sa kanilang mga namumuhunan.

2. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)


Ayon sa International FairTrade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa
panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Ayon
sa pananaw ng mga ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral
at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Layunin nito na mapanatili ang tamang
presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng
mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga
negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan. Binibigyang
pansin din nito ang ilang mahahalagang dimensiyon ng kalakalan tulad ng pangangalaga ng
karapatan ng mga manggagawa (hal. pagbuo ng unyon), pagbibigay ng sapat at ligtas na
trabaho sa mga manggagawa at paggawa ng mga produktong ligtas sa lahat. Isa itong
alternatibong paraan sa pandaigdigang kalakalan. 3
3. Pagtulong sa ‘Bottom Billion’
Binigyang-diin ni Paul Collier (2007), na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa
suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong
pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa. Nagkatoon ng mahalagang
papel ang mauunlad na bansa sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulong
pinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany, Japan, France at Italy
ay magiging sapat kung magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga
suliraning ito. Partikular ang pagbabago sa sistema ng pamamahala na malaki ang kinalaman
sa paghihirap ng mga mamamayan.

Pag-agapay ng Ating Pamahalaan sa Globalisasyon


Upang makaagapay sa globalisasyon ang mga mamamayan, ang ating pamahalaan
ay bumuo ng mga patakaran at programa para matiyak ang:
ü Pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sector. Mga halimbawa: iskemang build-
operate-transfer at pagpaparenta ng mga pag-aari ng gobyerno sa malalaking
korporasyong dayuhan at lokal. Tinatayang makakalikom ng pondo ang pamahalaan sa
nsabing pagtutulungan at magbibigay rin ito ng trabaho sa mga mamamayan.
ü Pagpapatupad ng privatization ng mga korporasyong nasa pangangasiwa ng pamahalaan
upang mabigyan ng sapat na pondo ang mga korporasyong ito at mapangasiwaan nang
maayos ng mga ekspertong galling sa pribadong sector.
ü Pagsusulong ng ilang patakarang liberalisasyon at deregulasyon sa ekonomiya upang
makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. Ang pagkakaroon ng dayuhang
mamumuhunan sa bansa ay makatutulong upang maibsan ang kakulangan ng trabaho.
ü Paglalaan ng malaking bahagi ng badyet para sa serbisyong panlipunan at pang-
ekonomiya para masuportahan ang mabilis, malawak, at tuloy-tuloy na pagpapaunlad ng
ating bansa.
ü Pagpapatupad ng mga proyekto para sa pag-unlad ng agrikultura, turismo, at industriya.
ü Pagpapabuti ng relasyon at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa.

Ilapat Natin
PROBLEM - SOLUTION CHART ORGANIZER
Panuto: Kompletuhin ang tsart. Punan ang problem-solution chart organizer batay
sa mga kinakaharap na suliranin ng Lunsod ng Paranaque. Isulat ang sagot sa loob
ng tsart.
ASPETO SULIRANIN SOLUSYON
2. Kung ako ang pinuno ng aking bayan,
Politikal 1. iminumungkahi ko na
__________________________________
4. Bilang isang Pilipino, iminumungkahi ko
Kultura 3. na _______________________________
6. Bilang isang environmentalist,
Kapaligiran 5. iminumungkahi ko na
__________________________________
8. Kung ako ang kinatawan ng Department
Agrikultura 7. of Agriculture iminumungkahi ko na
________________________________ 4
Suriin Natin
ANG IYONG HATOL!
Panuto: Gamit ang tsart, magbigay ng tatlong (3) Mabuti at Hindi-Mabuting
Epekto ng Globalisasyon at bumuo ng sariling konklusyon. Isulat ang sagot sa
loob ng tsart.
MABUTI HINDI - MABUTI

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Konklusyon: (4 puntos)

Tayain Natin
Panuto: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan.
Piliin ang Letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

___1. Ito ay ang pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin


ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang
makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
A. Fair Trade C. Liberalisasyon
B. Guarded Globalization D. Pagtulong sa Bottom Billion
___2. Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa
pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang
sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati
na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan.
A. Fair Trade C. Liberalisasyon
B. Guarded Globalization D. Pagtulong sa Bottom Billion
___3. Marami sa mga pamilya ng OFWs ay nakakaranas ng pangungulila sa kanilang kaanak
na humahantong sa pagkawasak nito. Paano kaya sila matutulungan?
A. Makisimpatya sa kanila.
B. Bigyan sila ng sulat isa-isa.
C. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kaanak.
D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila.
___4. Ang transnational crime ay isang seryosong krimen na isinasagawa ng ng isang
organisadong grupong kriminal na may layuning magkamal ng salapi. Alin sa mga
sumusunod na hakbang ang pinakamainam na solusyon upang malutas o maiwasan
ang transnational crimes ng mga bansa sa buong mundo?
A. Gumawa ng sariling polisya sa migrasyon upang maiwasan ang terorismo.
B. Isara ang bansa sa mga dayuhan upang masigurong walang terorista.
C. Maglaan ng pondo pansuporta sa mga nagsusulong ng taransnational crimes.
D. Makipagpalitan ng kaalaman at intelligence report sa ibang bansa upang
maisulong ang seguridad ng rehiyon.
___5. Ang teknolohiya ay tumutukoy sa aplikasyon ng siyentipikong pamamaraan upang
mapadali ang gawain. Paano nagdulot ng hindi mabuting epekto ang teknolohiya sa
kabila ng pagpapabilis nito ng oras at pagpapalapit nito sa mga malalayong lugar.
5
A. Lumaganap ang kultura ng konsumerismo o pagkahumaling sa pagbili ng material
na bagay.
B. Umusbong ang kultura ng karahasan tulad ng terorismo, hacking, child
pornography, cyber bullying.
C. Nagiging banta ang dominasyon ng mga Amerikanong industriya ng entertainment
at advertising na unti-unting lumilipol sa mga kultura ng iba’t ibang komunidad sa
mundo.
D. Lahat ng nabanggit.

Likhain Natin

Paggawa ng Poster

Makabuo ng isang poster na nagpapahayag kung paano


Layunin (Goal) tayo makaagapay sa hamon ng globalisasyon.

Gampanin (Role) Isang kritikal na artist


Mga mag-aaral sa Ikasampung Baitang at mga Magulang
Mga Manunuod (Audience)
Kakulangan sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral
Sitwasyon (Situation)
Poster
Produkto (Product) Ang poster ay isang larawan na maaring drawing o imprenta
na siyang nagpapahiwatig ng mensahe.
Pagsunod sa hakbangin sa paggawa ng poster at paggamit
Pamantayan (Standard) ng rubrik sa pagmamarka.

Mga Hakbangin sa Paggawa ng Poster


1. Gumuhit ng larawan sa isang katumbas na ¼ na bahagi ng kartolina na maaaring sa
likod ng lumang kalendaryo o anumang matigas na karton na nagpapakita ng
pangunahing ideya na may kinalaman sa paksa.
2. Kulayan ang iginuhit na larawan.
3. Matapos mabuo ang poster, kunan ito ng larawan at ipadala sa messenger ng guro
para markahan o bigyan ng grado.
4. Matapos itong markahan ng iyong guro, ipost ito sa group messenger at Facebook
upang maipakita ang iyong nilikha.

You might also like