Module 5 - Pagsulat NG Bionote

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

MODYUL 5 UNIVERSITY OF MAKATI


PAGSULAT NG BIONOTE HIGHER SCHOOL NG UMAK

Oras ng Pagsisimula : ___________


Oras ng Pagtatapos : ___________

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. nalalaman ang mga katangiang dapat taglayin at lamanin ng isang mahusay
na bionote;
2. nailalahad ang kahalagahan ng natutuhan sa pagsulat ng bionote; at
3. nakasusulat ng akademikong papel na bionote batay sa larang na kinabibilangan.

PANIMULA
Sino ang taong iyong hinahangaan o iniidolo? Ano ang iyong pagkakakilala sa
kanya? Bakit mo siya naging idolo o bakit mo hinangaan ang taong ito? Upang sagutin
ang mga katanungan, gamitin ang venn diagram at subukang pagkumparahin ang iyong
mga katangian at ang katangian ng taong iyong hinahangaan at ano ang inyong mga
pagkakatulad.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


PAGSULAT NG BIONOTE

PANGUNAHING NILALAMAN
Marahil ay minsan ka nang naimbitahan upang maging tagapagsalita sa isang
pagtitipon o kaya ay naatasan kang ipakilala ang isang natatanging tao para sa isang
okasyon. May mga pagkakataong humihingi ang mga punong-abala ng isang akade-
mikong sulatin sa isang tao kung siya ay naimbitahan na maging tagapagsalita. Madalas,
ito rin ay kanilang nakukuha sa social media o site tulad ng Linkedin at iba pa.
Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang
indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa. Binibigyang-
diin sa bionote ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o nakamit,
mga paniniwala at mga katulad na impormasyon ukol sa ipinapakilalang indibidwal
hindi lamang ipabatid sa mambabasa o tagapakinig, kundi upang pataasin ang
kanyang kredibilidad. Dahil dito, mahalagang maisulat nang mabuti ang isang
bionote (Bernales, Pascual at Ravina, 2017).
Ayon sa http://www.theundercoverrecruiter.com, maraming mapaggagamitan
ang bionote. Ito ay ang mga sumusunod:
✓ aplikasyon sa trabaho
✓ paglilimbag ng mga artikulo, aklat o blog;
✓ pagsasalita sa mga pagtitipon; at
✓ pagpapalawak ng professional network

Dahil ito ay isang akademikong sulatin, inaasahan ang katapatan sa pagsulat


nito. Ang bionote ay hindi lamang naglalaman ng pagpapakilala sa isang tao kundi
ito rin ay isang paraan upang mataya ang kredibilidad ng tao at husay sa kanyang
larangang pinagkadalubhasaan.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


PAGSULAT NG BIONOTE

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE


Iminumungkahi ng artikulong pinamagatan na Guidelines in Writing Biographical
Notes (mula sa http://www.kaowarsom.be) ang ilan sa mga dapat tandaan sa pag-
sulat ng isang bionote:
a. balangkas sa pagsulat- ano ang uunahin? Ano ang aking ihuhuli?
b. haba ng bionote- micro-bionote (isang impormatibong pangungusap na
inuumpisahan sa pangalan, ginagawa at paano makontak ang paksa sa bio-
note. Ang maikling bionote naman ay may isa hanggang tatlong talatang
paglalahad ng mga impormasyon tungkol sa ipinapakilala, kadalasan ay sa
journal makikita at ang mahabang bionote ay ginagamit sa pagpapakilala ng
isang natatanging panauhin.
c. kaangkupan ng nilalaman- nakadepende sa larangang pinagkadalubhasaan
d. antas ng pormalidad ng sulatin- nakadepende sa awdiyens at okasyon
e. larawan- pormal na larawan o propesyonal ang dating.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE


Tinalakay nina Brogan (2014) at Hummel (2014) ang iba’t ibang hakbang sa
pagsulat ng bionote (hango sa aklat nina Bernales, et al. 2017).
1. Tiyakin ang layunin;
2. Pagdesisyunan ang haba ng susulating bionote;
3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib o pananaw;

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


PAGSULAT NG BIONOTE

4. Simulan sa pangalan;
5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan;
6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay;
7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye;
8. Isama ang contact information
9. Basahin at isulat muli ang bionote

GAWAIN
Pumili ng isang taong hinahangaan sa iyong larang o disiplina o isang taong nag-
bibigay-inspirasyon sa iyo bilang isang tao o mag-aaral. Lumikha ng isang bionote
na naglalaman ng pagpapakilala ng taong ito sa iyong klase. Maaaring isama ang
kanyang larawan sa iyong isusulat na bionote. Ang format ay ang sumusunod:
✓ Arial font style, Font size 12
✓ Short bond paper (8.5 x 11”)
✓ Margin: 1.5” Left, 1” Right, Top at bottom margins
✓ Para sa limitadong kagamitan, maaaring isulat ito sa bond paper at
kuhanan ng screenshot ang iyong gawa at ipasa sa TBL Hub o sa guro.
Gamiting gabay sa pagsulat ng bionote ang sumusunod:
• Organisasyon at pagsunod sa nilalaman at proseso sa pagsulat
• Wastong gramatika at bantas
• Pagsunod sa pormat na itinakda
• Kalinisan at kaayusan ng ginawang bionote

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


PAGSULAT NG BIONOTE

SARILING PAGTATASA/ KABATIRAN


Kumpletuhin ang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.
1. Ang bionote ay mahalaga sa akademiya dahil __________________________
__________________________________________________________________

2. Mahalagang makapagsulat ng bionote upang ___________________________


__________________________________________________________________

3. Upang makatiyak na tama ang impormasyon ng isang tao sa bionote ay dapat


Itong _____________________________________________________________
_________________________________________________________________

TAKDANG-ARALIN
Humanap ng mga talumpati na kadalasang binabanggit sa iba’t ibang okasyon.
Halimbawa sa pagbibigay-pugay sa yumao, talumpati para sa pagtatapos at iba pang
mga talumpati. Maaaring itala ang mga bagay na iyong nakita sa talumpati ito man
ay positibo o negatibo.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


PAGSULAT NG BIONOTE

MGA BATAYAN/SANGGUNIAN
Aklat

Bernales, Rolando A., Ravina, Elmer A. at Pascual, Maria Esmeralda P. 2017. Filipino sa Larangang

Akademiko. Mutya Publishing House Inc., Quezon City

Elektronikong Sanggunian

http://www.theundercoverrecruiter.com

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT

You might also like