Filipino Cot

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SCHOOL San Carlos Elem.

School Grade Level ONE


GRADE 1 to 12 TEACHER Quarter
DAILY LESSON SUBJECT FILIPINO DATE
PLAN

LAYUNIN
(OBJECTIVE)
A.PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
PANGNILALAMAN napakinggan
(CONTENT STANDARDS)
B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP F2TA-0a-j-1 Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto
(PERFORMANCE STANDARDS)

C.MGA KASANAYAN SA F2PN-IVh-8.5


PAGKATUTO Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan batay sa
(LEARNING COMPETENCIES) story grammar

II. NILALAMAN Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento


(CONTENT)
Pagpapahalaga: Pagiging laging handa at kasipagan.

III. KAGAMITANG PANTURO


(LEARNING RESOURCES)
A. SANGGUNIAN (References)
1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro Mga pahina sa Gabay ng Guro Pahina 223 at MTB-MLE pahina 234-235
Gabay ng kurikulum ng K-12 pahina
2.Mga Pahina sa Kagamitang pahina 223-225,454-455 at MTB-MLE panina 50-52, 220-221
Pangmag-aaral
3.Mga Pahina sa textbook
4.Karagdagang kagamitan mula
sa postal ng Learning
Resources
B. IBA PANG KAGAMITANG Kuwento “ Dyaryo, Dyaryo!”, Word Map,Prediction Chart, Realia (dyaryo),
PANTURO powerpoint presentation Drill Board at task Card

A. BALIK-ARAL SA Itanong sa mga bata ang kanilang mga ginagawa bago matulog at bago
NAKARAANG ARALIN AT/O pumasok sa paaralan.
PAGSISIMULA NG BAGONG
ARALIN.
(Reviewing previous lesson/
presenting the new lesson)
B. PAGHAHABI NG Paghahawan ng balakid
LAYUNIN NG ARALIN. anunsiyo- sa pamamagitan ng pangungusap
(Establishing a purpose for the Ang anunsiyo ay balita na nais ipabatid sa lahat ng
lesson) mambabasa ng dyaryo at nakikinig sa radyo.

namangha- sa pamamagitan ng pagsasakilos

troso- gamit ang larong 4pics


dyaryo- sa pamamagitan ng tunay na bagay

C. PAG-UUGNAY NG MGA a. Pagpapakita ng dyaryo sa mga bata.


HALIMBAWA SA BAGONG 1. Sino sa inyo ang mga nagbabasa ng dyaryo?
ARALIN. 2. Ano ang kahalagahan ng pagbabasa ng dyaryo?
(Presenting examples/instances
of 3. Bakit maraming nagbabasa ng dyaryo.
the new lesson) 4. Kapag narinig ninyo ang salitang dyaryo ,ano ang salitang maiuugnay
ninyo dito?
(Tumawag ng bata upang isulat ang sagot sa word map.
b. Pagsagot sa Prediction Chart. Ipahula ang sagot sa tanong at isulat sa hanay
ng
` Hulang Sagot.

D. PAGTALAKAY NG  Pagbibigay ng pamantayan sa pagkikinig ng kuwento.


BAGONG  Pagbasa bg Kwento.
KONSEPTO AT Dyaryo, Dyaryo!
PAGLALAHAD NG BAGONG
Akda ni Nida C. Santos
KASANAYAN #1
(Discussing new concept and
practicing new skills #1) “Dyaryo! Dyaryo!” ang sigaw ng batang si Primo. Pagtitinda ng dyaryo ang
hanapbuhay ni Primo. Sa kanyang gulang na walo ay marunong na siyang
tumulong sa kanyang nanay at tatay sa mga gawain. Kumikita siya ng halagang
isang daang piso tuwing umaga sa pagtitinda ng dyaryo. Dahil dito, hindi na siya
humihingi ng baon sa kanyang mga magulang.

Isang umaga, maagang nagtinda ng dyaryo si Primo. Marami ang bumili sa


kanya ng dyaryo.Nagtataka si Primo kung bakit lahat ng taong makita niya ay
nais bumili ng dyaryo. Pati ang mga kapitbahay nila na sina Aling Gloria, Mang
Placido, at Aling Trinidad ay bumili rin ng dyaryo. Dumaan si Primo sa bahay ng
kanyang mga kaibigan na sina Brix, Tricia, Troy, at Brando. Nakita niya na ang
tatlo ay nagbabasa na rin ng dyaryo. Pati ang dyanitor nila sa paaralan na si Mang
Bruno ay nagbabasa na rin ng dyaryo. Nagtataka si Primo kung bakit ang lahat ng
tao ay abala sa pagbabasa ng dyaryo. Bahagyang huminto si Primo sa paglalakad
at binasa niya ang nilalaman nito.

May anunsiyo sa dyaryo na masama ang klimang mararanasan, may mga


paalala na maghanda lalo na sa malaking pagbaha na may kasamang mga troso
mula sa bulubundukin. Namangha si Primo sa balita. Kaagad siyang umuwi ng
bahay at ibinalita sa magulang ang maaaring mangyari sa maghapon at
magdamag. “Mabuti na lamang at naubos na ang tinda kong dyaryo,” ang sambit
ni Primo.

E. PAGTALAKAY NG Pagsagot sa Prediction Chart.


BAGONG KONSEPTO AT
PAGALALAHAD NG Prediction Chart
BAGONG KASANAYAN #2 Tanong Hulang Sagot Tunay na Nangyari
Bakit
(Discussing new abalang-abala
concept and sa
pagbabasa
practicing new skills #2)ng dyaryo ang mga
(EXPLORE)tao?

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Saan nagana pang kwento?
4. Ano ang ginagawa ni Primo tuwing umaga?
5. Magkano ang kinikita ni Primo sa pagtitinda ng dyaryo tuwing umaga?
6. Kung siya ay magtitinda ng dyaryo sa loob ng isang Linggo magkano kaya
ang kanyang kikitain?
7. Ano ang napansin ni Primo sa mga tao?
8. Bakit abala ang mga tao sa pagbabasa ng dyaryo?
9. Ano ang anusiyo sa dyaryo?
10. Sa inyong palagay, dapat ba na maghanda ang tao kapag may ganitong
anunsiyo?
11. Ano ang gagawin mong paghahanda kung ikaw mismo ang nakabasa ng
ganitong anunsiyo?
12. Bakit kailangan na paghandaan ang ganitong uri ng anunsiyo?
13. Ano ang masasabi mo kay Primo?
14. Kung ikaw si Primo ,tutularan mo ba siya sa kanyang pagiging masipag?
15. Ano ang mensahe ng kwento?
16. Anong bahagi ng kwento ang naibigan mo? Bakit?
17. Anong aral ang iyong natutunan?
18. Ano ang mahahalagang pangyayari ang naganap sa kwento?
(Hayaang ipahayag ng mga bata ang kanilang sagot sa tulong ni Dora the
Explorer at kaibigan niyang si Map.)

F. PAGLINANG SA  Pamantayan sa pangkatang Gawain


KABIHASAAN (Tungo sa
 Pangkatang Gawain
formative assessment)
Developing mastery (Leads to
formative assessment) Pangkat ROB THE ROBOT
Panuto: Basahin ang kwentong Si Pagong at Si Matsing. Pagsunud-
sunurin ang mga pangyayari sa kuwento gamit ang mga
larawan.

Pangkat STARSTRUCK
Panuto: Basahin ang kwentong “Puno ng Buhay” at isadula ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari nito.

Pangkat IDOL SA KUSINA


Panuto: Basahin ang paraan ng pagsasaing. Pagsusunod- sunurin ang
mga ito gamit ang bilang 1-5.
_____a. Hinaan ang apoy para ma-in-in ang kanin.
_____ b. Hugasan ang bigas nang mabuti.
_____ c. Kumuha ng tatlong takal na bigas.
_____ d. Hayaang kumulo ang tubig hanggang sa makati ito.
_____ e. Lagyan ang bigas ng tatlong takal na tubig.

G. PAGLALAPAT NG Panuto: Ayusin ang larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng pangyayari.


ARALIN SA PANG-ARAW- Isulat sa drill board ang bilang 1-3
ARAW NA BUHAY
(Finding practical/application
of concepts and skills in daily
living)
PAGLALAHAT NG ARALIN Ano ang dapat isaalang-alang sa muling pagsasalaysay ng kuwento?
(Making generalizations and
abstractions about the lesson)
(ELABORATE)

H. PAGTATAYA NG ARALIN Panuto: Basahin ang kuwento. Ayusin ang larawan batay sa tamang pagkasunod
(Evaluating Learning) sunod ng pangyayari sa kuwento. Isulat sa patlang ang numero 1-5.
(EVALUATION)
Tuwing Linggo, nakaugalian na ng pamilyang Cruz ang pagsisimba. Sama-
sama silang pumupunta sa simbahan. Tahimik silang nakikinig sa sermon ng
pari. Pagkatapos ng misa, namasyal sila sa parke. Nang makaramdam ng gutom,
sila ay kumain sa labas. Tuwang tuwang umuwi ang mag-anak sa kanilang
tahanan.

I. KARAGDAGANG GAWAIN Panuto: Basahin ang kwentong “Dakilang Tagapag-ingat nina Inay at Itay” Filipino
PARA SA TAKDANG pahina454-455 . Gumawa ng timeline upang ipakita ang sunod-sunod
ARALIN AT REMEDIATION. nito.
(Additional activities for
application or remediation) “Dakilang Tagapag-ingat nina Inay at Itay”
(EXTEND)
V. REMARKS

Prepared by:

________________________________
TEACHER III

Checked by:

___________
Master Teacher - I

Noted by:

________________
PRINCIPAL II

You might also like