4a's Lesson Plan
4a's Lesson Plan
4a's Lesson Plan
Baitang 5 – ESP
“Mapanuring Pagiisip”
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ang pag unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan.
MELCS
Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri
sa mga:
➢ balitang napakinggan
➢ patalastas na nabasa/narinig
➢ napanood na programang pantelebisyon
➢ nabasa sa internet
I. Layunin
Sa Araling ito, ang mga mag aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahalagahan ng pagsusuri
2. Nasusuri gamit ang mapanuring pag iisip ang katotohanan sa
hindi sa nabasa, napakinggan at napanood na programa o
balita.
3. Naisasagawa ang angkop na mapanuring pag iisip sa pagsusuri
II.Paksang Aralin:
III. Pamamaraan:
a. Pangunahing Gawain
● Panalangin
Ang Guro ay magtatawag ng estudyante upang
pangunahan ang panalangin
● Pag uulat ng liban
Ang Guro ay magtatala ng mga lumiban sa klase
● Pagganyak
Ang Guro ay ipapakilala ang larong Detective Game.
Sa larong ito, ang mga estudyante ay inaasahan
gagamitin ang mapanuring pag iisip para suriin kung
saan nakalagay o makikita ang mga bagay o gamit na
hinahanap sa nasabing larawan.
b. Panlinang na Gawain
● Aktibidad (Activity)
Ang Guro ay bibigyan ng maikling pagsusulit na Tama o
Mali ang mga estudyante tungkol sa mga napapanahong
Balita.
● Pagsusuri (Analysis)
Ang Guro ay isa isang tatawagin ang mga estudyante para
sabihin at idepensa base sa kanilang napakinggan,
napanood at nabasang balita ang kanilang sagot.
● Paghahalaw (Abstraction)
Tatalakayin ng Guro ano ang mapanuring pag iisip at paano
ang tamang pagsusuri sa mga programa, balita o
impormasyon na napakinggan, napanood o nabasa.
● Paglalapat (Application)
Ang Guro ay magpapakita ng sampung litrato, sasabihin
lamang ng estudyante kung ang larawan na kanilang
nakikita ay ‘fake o real news’
IV. Ebalwasyon
Pagpupuntos
Mga Krayterya 1 2 3 4
V. Takdang Aralin