Babasahin Sa Baitang 12-1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BABASAHIN SA BAITANG 12

Ang pagkakaroon ng Filipino sa kolehiyo ay pagtupad sa Artikulo XIV, Seksyon 6


ng Konstitusyon 1987 na nagsasabing ang Filipino ang dapat maging midyum ng
opisyal na komunikasyon at ng sistemang pang edukasyon. Hindi maisasakatuparan
ang ganitong atas ng konstitusyon kung walang asignaturang Filipino sa lahat ng
antas ng edukasyon. Sa asignaturang Filipino, lilinangin ang kasanayan ng mga
estudyante sa paggamit ng wikang Pambansa sa intelektwal na diskurso na
kinakailangan sa epektibong paggamit nito bilang midyum sa iba pang asignatura. Sa
sitwasyong English ang default language ng CHED at ng mga administrador ng
marami-raming unibersidad, malinaw na “ang pagbura sa Filipino sa kolehiyo ay
hakbang paurong” sapagkat “babawasan pa nito” ang oportunidad para sa
intelektwalisasyon ng Filipino (San Juan”, 2015).

Ang pagpaslang sa wikang sarili ay pagbura rin sa pagkatao mismo ng


mamamayan gaya ng ipinahayag sa posisyong papel ng Fakulti ng Sining at mga Wika
ng PNU (2014): “bukal ng karunungan ng Filipino bilang isang larang na humuhubog ng
kabuuan kaakibat ang pagpapahalaga sa ating pagkamamayang Pilipino. Gamit ang
Filipino bilang larang, itinatampok at binubuo nito ang pagkatao at pagkakakilanlan
ng ating lahi na pundasyon ng ating kamalayan at kalinangan… Kung hangad natin ang
ay marating ang ganap na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino, karapat-dapat itong
gamitin. Kailangang isa-Filipino ang diwa ng mga mag-aaral. Hindi sapat bilang
midyum ng talastasan, kundi isang wika na salalayan sa iba’t ibang diskursong pang
akademiko at panlipunan.”

(bahagi ng pahayag ng Tanggol Wika na matatagpuan sa


https://www.academia.edu/34914308/Alyansa_ng_mga_Tagapagtanggol_ng_wikang
_Filipino_TANGGOL_WIKA_Internal_na_kwento_mga_susing_Argumento_at_Dok
umento_2014-2017)

1. Ayon saligang batas Artikulo XIV, Seksyon 6, ano ang opisyal na midyum
pangkomunikasyon at ng sistemang pang edukasyon?
A. English
B. Filipino
C. Katutubong WIka
D. Tagalog
2. Bakit tinuturing na isang hakbang paurong ang pagbura sa Filipino sa kolehiyo?
A. Dahil ang pagbura ng Filipino sa kolehiyo ay nagpapakita ng hindi makatwiran
at hindi maka-Pilipinong damdamin.
B. Dahil bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagtangkilik ng asignaturang Filipino
sa kolehiyo, kaya hindi ito pwedeng burahin
C. Dahil dadaan sa mahabang proseso ang pagbura ng Filipino sa
kolehiyo,sasangguni ito ng mga saligang batas.
D. Dahil ang pagbura ng Filipino sa kolehiyo ay nagbibigay ng oportunidad na
mabawasan ang intelektuwalisasyon ng mga Pilipino.

3. Ano ang implikasyon ng hakbang ng CHED na tanggalin na ang Filipino sa kolehiyo?

A. Mahalaga ang wikang Pambansa upang tiyakin na globally-competative ang mga


Pilipino at nakahandang tumugon sa hamon ng globalisasyon.
B. Ang Filipino ay hindi sapat bilang midyum ngbtalastasan, kundi isang wika na
salalayan sa iba’t ibang diskursong pang-akademiko at panlipunan.
C. Nauulit na sa elementarya at hayskulang pag-aaral ng Filipino kung kaya
praktikal lamang na hindi hindi na ito ituro sa kolehiyo para makatipid ang
gobyerno.
D. Kolonyal pa rin ang Sistema ng ating edukasyon at ang pagbura sa Filipino sa
kolehiyo ay hakbang paurong sapagkat babawasan pa nito ang oportunidad
para sa intelektwalisasyon.

4. Batay sa sanaysay, alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nabanggit?

A. Mahalaga ang intelektuwalisasyon sa kolehiyo ng Filipino sa pag-unlad ng


edukasyon ng bansa.
B. Ang pagkakaroon ng Filipino sa kolehiyo ay paggalang sa nakasaad sa saligang
batas ng Pilipinas.
C. Ang Filipino bilang wika ay ngtatampok sa pagkakkilanlan ng ating lahi at
pundasyon ng ating kamalayan at kalingan.
D. Ang mga namamahala sa Sistema ng ating edukasyon ang siya ring
pangunahing tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng wikang Filipino.
5. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “ Ang pagpaslang sa wikang sarili ay pagbura rin
sa pagkatao mismo ng mamamayan”?

A. Ang wikang Filipino ay bahagi na ng buhay ng tao, kung ito’y mawawala, wala na
ring saysay ang buhay nito.
B. Isa sa pinakapangunahing pangangailangan ng tao ay ang wika, hindi
mabubuhay ang tao kung walang wika.
C. Wika ang pangunahing sangkap sa komunikasyon, kung wala ang wika hindi
magkakaunawaan ang mga mamamayan.
D. Opisyal na wika ng Pilipinas ang Wikang Filipino, kung ito ay mabubura,
mabubura rin ang pagka-mamamayang Pilipino.

6. Ano ang argumento ng may-akda sa teksto?

A. Malilinang lang ang intelektuwal na diskursong kasanayan ng mga estudyante


kung mananatili ang asignaturang Filipino sa edukasyon lalo na sa kolehiyo.
B. Tanging Pilipino lamang ang tatangkilik sa wikang Filipino, kaya hindi ito
maaaring burahin sa isipan at diwa, bagkus dapat itong payabungin at gamitin.
C. Mahalaga ang asignaturang Filipino dahil ito ay alinsunod sa isinasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon, na Filipino ang opisyal na wika
ng Pilipinas.
D. Karapatan ng mamamayang Pilipino ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan, isa na
rito ang pagkakaroon ng sariling wika at paggamit nito sa edukasyon maliban
sa ito ay nakasaad sa batas.

7. Alin sa sumusunod ang kondisyonal na pangungusap?

A. Hindi maisasakatuparan ang ganitong atas ng konstitusyon kung walang


asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon.
B. “Ang pagbura sa Filipino sa kolehiyo ay hakbang paurong” sapagkat
“babawasan pa nito” ang oportunidad para sa intelektwalisasyon ng Filipino.
C. Sa asignaturang Filipino, lilinangin ang kasanayan ng mga estudyante sa
paggamit ng wikang Pambansa sa intelektwal na diskurso na kinakailangan sa
epektibong paggamit nito bilang midyum sa iba pang asignatura.
D. Ang pagkakaroon ng Filipino sa kolehiyo ay pagtupad sa Artikulo XIV,
Seksyon 6 ng Konstitusyon 1987 na nagsasabing ang Filipino ang dapat maging
midyum ng opisyal na komunikasyon at ng sistemang pang edukasyon.
8. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mamuno sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa
Filipino, alin sa sumusunod ang pinakamainam mong gagawin para mapanatili ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo?

A. Paggawa ng mga campaign ad na nagpapakita ng patriyotismo o pagsuporta sa


sariling kultura ng bansa at i-post sa social media.
B. Magsawalang-kibo, hayaan na lang na ang gobyerno o ang mga opisyal sa
unibersidad ang magdesisyon kaugnay sa isyu.
C. Manguna sa paggamit at pagtangkilik ng wikang Filipino sa buong unibersidad,
sa lahat ng pagkakataon hindi lang sa panahon ng buwan ng wika.
D. Sumangguni sa mga dalubwika, mga batas na sumusuporta sa pagpapanatili at
paggamit ng sariling wika, at ilahad ito sa presensiya ng mga namunuan sa
unibersidad.

9. Alin ang pinakamahalagang kaisipang ipinapahayag sa binasang sanaysay?

A. Sa sitwasyong English ang default language ng CHED at ng mga administrador


ng marami-raming unibersidad, malinaw na “ang pagbura sa Filipino sa kolehiyo
ay hakbang paurong”.
B. Ang pagkakaroon ng Filipino sa kolehiyo ay pagtupad sa Artikulo XIV,
Seksyon 6 ng konstitusyong 1987 na nagsasabing ang Filipino ang dapat
maging midyum ng opisyal na komunikasyon at ng sistemang pag edukasyon.
C. Sa asignaturang Filipino, lilinangin ang kasanayan ng mga estudyante sa
paggamit ng wikang Pambansa sa intelektwal na diskurso na kinakailangan sa
epektibong paggamit nito bilang midyum sa iba pang asignatura.
D. Gamit ang Filipino bilang larang, itinatampok at binubuo nito ang pagkatao at
pagkakakilanlan ng ating lahi na pundasyon ng ating kamalayan at kalinangan.
Kung hangad natin na marating ang ganap na intelektwalisasyon ng wikang
Filipino, karapat-dapat itong gamitin.
10. Ipagpalagay na ikaw ang Pangulo ng CHED o Commission on Higher Education,
sang-ayon ka ba na burahin ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo? Bakit?

A. Oo, dahil ang asignaturang Filipino ay presente ng ginamit sa anim na taon sa


sekundarya.
B. Hindi, dahil noon pa man ang asignaturang Filipino ay bahagi na ng kurikulum
sa edukasyon.
C. Oo, dahil sa kolehiyo hindi na masyadong ginamit ang wikang Filipino
karamihan sa ginamit ay wikang Ingles.
D. Hindi, dahil ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino at paggamit sa wikang
Filipino ay nagpapakita ng pagiging nasyonalismo.

Panahon na upang linawin natin ang isyu ng wika. Kailangan natin ang
pambansang patakaran. Manindigan tayo sa simulain at pananalig na wikang
Filipino; ang pangunahing wika sa Republikang ito. Ang wikang Ingles ay
mananatiling wikang banyagang tagapuno sa ating mga pangangailangang
internasyonal (pambansa man marahil), at ang ating mga wikang katutubo, sa
gusto natin o sa ayaw ay mananatiling wika ng ating mga tahanan. Sa ibang salita,
sakitin nating mga Pilipino ang pagpapalaganap at pagpapabulas sa wikang
pambansang Filipino na kasangkapan ng lahat ng mga Pilipino sa kanilang mga
pagtatalastasan bilang mga magkakababayan.

Sa Timog-Silangang Asya’y huli na tayo sa gawaing ito. Di na tayo dapat na


magpaliban pa ng panahon. Magpasya tayo ngayon, o hindi na kailanman.

(Huling bahagi ng, “Wika at Demokrasyang Panlipunan” ni Ponciano B. P. Pineda)

1. Tungkol saan ang isyu sa binasang teksto?


A. Demokrasya C. Patakaran
B. Pakikipagtalasatasan D. Wika

2. Ano ang kailangang patakaran upang masolusyunan ang isyu?


A. pambansang patakaran C. pandayuhang patakaran
B. pandaigdigang patakaran D. pangkatutubong patakaran
3. Ano ang pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas?
A. Filipino C. Katutubo
B. Ingles D. Pilipino

4. Anong uri ng teksto ang inyong binasa?


A. Argumentatibo C. Naratibo
B. Impormatibo D. Persuweysib

5. Ano ang pangunahing layunin ng teksto?


A. magbigay ng impormasyon
B. mangatwiran sa isang paksa
C. magsalaysay ng pangyayari
D. manghikayat sa mga mambabasa

6. Makatwiran ba ang paninindigan ng tekstong binasa? Bakit?


A. Oo, dahil Pilipino tayo sa puso, isip at salita.
B. Oo, dahil ang Filipino ay para sa mga Pilipino.
C. Oo, dahil wika ang tulay sa pakikipagtalastasan.
D. Oo, dahil tungkulin nating pagyamanin ang sariling wika.

7. Sakitin ba nating mga Pilipino ang pagpapalaganap at pagpapabulas ng wikang


pambansang Filipino? Bakit?
A. Oo, dahil mas tinatangkilik ang dayuhang lenggwahe.
B. Oo, dahil mas namumukod tangi ang paggamit ng sariling lenggwahe.
C. Oo, dahil ginagamit ang dayuhang lenggwahe bilang wikang panturo.
D. Oo, dahil namamayani ang paggamit ng dayuhang lenggwahe sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan.
8. Bilang mamamayang Pilipino, sa paanong paraan mapapahalagahan ang wikang
pambansang Filipino at mga katutubong lenggwahe?
A. pagsasantabi sa paggamit ng dayuhang lenggwahe
B. paggamit ng wikang Filipino at English kung kinakailangan
C. paggamit ng wikang Filipino at katutubong wika bilang wikang opisyal at
wikang panturo
D. paggamit ng wikang Filipino at katutubong wika sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan

9. Kailan nga ba dapat na gamitin ang wikang Ingles?


A. gamitin kung kinakailangan
B. gamitin kung kausap ay banyaga
C. gamitin kung na sa labas ng bansa
D. gamitin bilang wikang opisyal at wikang panturo

10. Kailan masasabing tunay na malaya ang isang bansa?


A. Tunay na malaya ang isang bansa kung mayroon itong sariling wika.
B. Tunay na malaya ang isang bansa kung marami itong tinatangkilik na wika.
C. Tunay na malaya ang isang bansa kung pinapahalagahan nito ang sariling
wika.
D. Tunay na malaya ang isang bansa kung tunay na malaya rin ang gumagamit
nito.

You might also like