Modyul 9 Panitikan Margie Vicario 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Linggo

PANITIKAN SA REHIYON 4 A: CALABARZON,


10
4B: MIMAROPA, 5: BICOL
Natapos na naman natin ang naunang modyul kung saan marami tayong
mga natutunan kaya tayo’y muling maglakbay sa rehiyon kung saan marami
tayong kaalaman na makukuha. Sabay-sabay tayong matuto at maglakbay mahal
kong mag-aaral.

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahan kong matatamo mo


ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Makilala ang mga manunulat at mga naiambag sa panitikan ng iba’t ibang
rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA at Bicol.
2. Matutukoy ang iba’t ibang akda pampanitikan sa rehiyon ng CALABARZON,
MIMAROPA at Bicol.
3. Mapangatwiranan ang iba’t ibang kaisipang nakapaloob sa rehiyon ng
CALABARZON, MIMAROPA at Bicol.

Handa ka na ba? Dumako na tayo sa isa sa mga


mahahalagang bahagi ng araling ito. Pero bago tayo
dumako sa ating aralin ay sagutan muna natin ang
panimulang pagtataya tiyak kong marami kang
matutunan. Isipin mo lamang na malaki ang pakinabang
nito sa iyo. Huwag kang matakot pagtataya lamang kung
may alam ka na sa ating aralin. Simulan mo na!

PANIMULANG PAGTAYAYA
I. Panuto: Tukuyin ang bawat mga manunulat sa rehiyon na kanilang kinabibilangan. Isulat sa
patlang ang MALAKING TITIK na ‘’C’’ kung ang manunulat ay nakatira sa CALABARZON,
MALAKING TITIK na ‘’M’’ kung ang manunulat ay nakatira sa MIMAROPA, at MALAKING TITIK
na “B’’ kung manunulat ay nakatira sa Bikol.
1. _______ Claro M. Recto 9. ______ Teodoro Agoncillo
2. _______ Celso Alcarunungan 10. ______ Macario Adriatico
3. _______ Angela Manalang-Gloria 11. ______ Merlinda Bobis
4. _______ N.V.M. Gonzales 12. ______ Graciano Lopez Jaena
5. _______ Modesto De Castro 13. ______ Paz Latorena
6. _______ Paz Marquez Benitez 14. ______ Ricardo Demetillo
7. ______ Ildefonso Santos 15. ______ Agustin Misola
8. ______ Abdon Balde

II. Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
A. Ang MIMAROPA ay binubuo ng apat na lalawigan: (1)__________, (2)___________,
(3)_____________, at (4)____________.

[email protected]
B. Ang CALABARZON ay binubuo ng mga anim na lalawigan: (1)___________, (2)___________,
(3)_________, (4)____________, at (5)______________.
C. Bikol ay matatagpuan sa timog Silangan ng Luzon, binubuo ng mga lalawigan: (1)_________,
(2)______________, (3)___________, (4)______________, (5)___________,
(6)________________.

 Iwasto mo ang iyong sagot. Tutulungan ka ng susi sa pagwawasto na nasa huling pahina ng modyul
na ito.
 Naging madali ba sa iyo ang pagsusulit? Aling bahagi ang madali para sa iyo at aling bahagi naman
ang mahirap? Huwag kang mag-alala, panimula pa lamang naman iyan. Sinusukat lamang ang taglay
mong kaalaman tungkol sa panitikan sa rehiyon 4a, 4b at 5.
 Tutulungan kitang maipaunawa sa iyo ang iba’t ibang kasanayang dapat mong matutunan at ang
magagandang ugaling makapagpapaunlad ng iyong katauhan sa pamamagitan ng mga gawaing aking
inihanda. Upang mas madami kang malaman, dagdagan pa natin, basahin nang mabuti ang aralin 1.

ARALIN 1 REHIYON IV-A: CALABARZON


 Ang Rehiyon IV-A-binubuo ng limang lalawigan: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
1. CAVITE
 Ang lupain nito'y may sukat na humigit kumulang sa 1,288 km parisukat.
 Ang kabisera o kapitolyo nito ay Imus.
 Mga lungsod: Cavite, Tagaytay at Trece Martires
 Kilala sa magagandang tanawin tulad ng Puerto Azul sa Tanarte, Picnic Grove sa Tagaytay,
Covelandia Resorts, Palace in the Sky sa Tagaytay, Tagaytay Vista Lodge at Taal Lake/Bulkan.
2. LAGUNA
 Ang Laguna ay may sukat na humigit- kumulang sa 1, 760 km parisukat, nagmula ang
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
 Kilala sa mga magagandang tanawin Bundok Makiling, Talon ng Pagsanjan, Devil's Cave sa
Cavinti; simbahan ng Cavinti 1619— kauna-unahang simabahang nayari, Lawa ng Caliraya sa
mga Bato, Bahay ni Rizal sa Calamba atbp.
3. BATANGAS
 Kilala sa tawag na lalawigan ng mga "ala eh".
 Ang bantog na "kapeng barako" at ang masasarap na buko ay sa kanila nanggagaling.
 Kilala ang Batangas sa magagandang barong na yari sa Jusi, pagbuburda at paglalala ng
kulambo at banig.
 Mabundok ang lalawigan at ilan dito'y ang bundok ng Macolod Batulao at iba pa.
 Ilan sa ipinagmamalaki ng Batangas ay ang Bulkang Taal, Punta Balvarte sa Calatagan,
Matabungkay Beach, Wawa Beach Resort, Fortune Island, Anilao at Lobo Beach.
4. RIZAL
 Sa larangan ng pagguhit at musika katangi- tangi ang Bayan ng Angono. Dito isinilang ang mga
bantog na pintor tulad ni Carlos Botong Francisco, ang kinikilalang muralistang Pilipino.
 Naging kabisera ng lalawigan ang Morong dahil sa Batas-Pulitikong Militar ng pamahalaan ang
ipinatupad dito.
 Mayaman sa kultura at tradisyon ang mga mamamayan sa lalawigan ng Rizal.
 Mula sa pag-aasawa o pagpapakasal hanggang sa pagdiriwang ng mga kapistahan. Pati na rin
ang pagdadaos ng Semana Santa.
5. QUEZON
 Tinaguriang pinakamahabang lalawigan sa pulo ng Luzon.
 Madalaaas puntahan sa lalawigan dahil sa mga sikat at naggagandahang simbahan tulad ng
Simbahan ng Lucban, Simbahan ng Mauban at marami pang iba.
LITERATURA NG REHIYON IV-A (CALABARZON)
1. BUGTONG

[email protected]
 Ang mga bugtong ay maituturing na isa sa mga gintong bahagi ng ating kultura na hindi
nakuhang wasakin, sunugin at ibaon sa limot ng mga sumakop sa atin, pagkat marami sa ating
mga bugtong tulad ng salawikain at kasabihan ay di natitik sa mga aklat.
 Halimbawa: Nakaluluto'y walang init, nakapapaso kahit malamig —Yelo
 Ang bugtungan ay maaaring gampanan ng dalawa o higit pang bilang ng mga taong kalahok.
Karaniwang isinasagawa sa mga lamayan sa patay, padasal at iba pa.
 Ang isang panig ay nagbibigay ng bugtong at ang ikalawa naman ay siyang sumasagot.
 Kung sakaling mahulaan ang tumoak na kasagutan, siya naman ang magbibigay ng bugtong at
ang kabilang panig ang magbibigay ng sagot at nagtatagisan ng talino ang mga kabataan.
2. SALAWIKAIN, KASABIHAN AT KAWIKAAN
 Ang bawat salawikain, kasabihan at kawikaan ay nagbabadya ng mga aral sa buhay hango sa
karanasan, pangyayari o balong kadluan ng kagandahang asal at mabuting kaugalian na dapat
pagkunan ng halimbawa ng mga kabataan.
 Salawikain—Kapag ang nauna'y tamis, ang mahuhuli'y pait. Ang taong may tiyaga, anuman ay
nagagawa.
3. ANG PAMAHIIN
 Ang lalawigan ng Laguna ay tulad ng ibang lalawigan na mapamahiin. Maraming mga kilos ang
bibigyan na nagbubunga ng hindi mabuti. May mga batay na nakapagdudulot ng kasiyahan at
mayroon namang nagbibigay ng kapighatian at kalungkutan sa buhay.
 Ilang pamahiin pinaniniwalaan sa Laguna: Masama ang magwalis o magpalis kung gabi,
sapagkat mawawala ang grasya.
4. MGA AWITING BAYAN
 Napakahalagang tandaan ang ilang kaalamang-bayan ng taga- Laguna. Narito ang ilang butil
sa karunungan ng Laguna. Talon Ng Pagsanjan: Handa na ang lunday umupo ng husay at
titingnan natin ang talong Pagsanjan Matulim ang agos kidlat ang kawangis pagbagsak ng tubig
bomba ang tinig.
 Ang awiting ay nagpapakilala ng mga kaisipan at damdamin ng bayang nagpapahayag ng mga
katangian sa buhay.
 Ang mga madamdamin at nakalulugod. Tatlong bagay ang maipapalagay ng mga kantahing-
bayang Pilipino sa pag-aaral ng panitikan.
5. TULANG PASALAYSAY
 Ang ganitong uri ng tula ay nagsasaad ng pag-uulat ng mga bagay-bagay o mga pangyayayari
sa pamamagitan ng berso.
 Si Pedro Gatmaitan ang unang sumulat ng ganitong uri sa tula niyang "Kasal".
 Si Lope K. Santos ay kilalang "Ama ng Balarila" at nakilala bilang nobelista ng lipunang
pampulitika. Sinulat niya ang tulang "Ang Buhay Panggiggera".
MGA KILALANG MANUNULAT SA REHIYON IV
1. Jose Rizal —Laguna —Sa Aking Mga Kabata, Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Huling
Paalam
2. Teo S. Baylen —Cavite —Tinig ng Teenager, Tinig ng Demokrasya, Sampung Hayop
3. Buenaventura S. Medina Jr. —Cavite —Kapangyarihan at Punong-kahoy
4. Alenjandro G. Abadilla —Cavite —Ako ang Daigdig at Sanaysay sa Tula
5. Claro M. Recto — Quezon —Noong Bata Pa Ako
6. Ildefonso Santos —Rizal —Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ang Aking Matanda
7. Lope K. Santos — Rizal —Ako'y si Bukid, Kabayanihan at Ang Panggigera
8. Ligaya C. Tiamson-Rubin —Rizal —Paano Nagsusulat ang Isang Ina

• Ngayong nabatid mo ang tungkol sa kasaysayan ng pantikan ng rehiyon 4 A, handa ka na bang


sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong natutunan. Masasagot mo iyan.
Isagawa mo.

[email protected]
Panuto A : Batay sa natutunan mo sa aralin 1, sumulat ng dalawang
saknong ng tula, may sukat 12, binubuo ng 4 na taldudtod at tulang malaya. Isulat sa patlang.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Panuto B: Kilalanin ang isinasaad sa pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
1. _________ Kilala sa tawag na lalawigan ng mga "ala eh".
2. _________ Sa larong ito nagtatagisan ng talino ang mga kabataan.
3. __________ Sinulat nya ang tulang "Ang Buhay Panggiggera".
4. __________ Sinulat niya ang ‘’Noong Bata Pa Ako’’
5. __________ Tinaguriang pinakamahabang lalawigan sa pulo ng Luzon.

 Panibagong kaalaman! Tiyak na magiging katuwang mo sa mas malalalim na gawain. Higit mong
mapauunlad ang iyong kaalaman tungkol sa panitikan sa ng rehiyon 4 A..
 Ngayon upang mas marami pa ang kaalaman na malalaman dumako tayo sa aralin 2

ARALIN 2 REHIYON IV-B: MIMAROPA


1. MARINDUQUE
 Kilala ang Marinduque sa tradisyon nitong Moriones tuwing Mahal na Araw.
 Noong una ay bahagi lamang ng Balayan o Bonbon na ngayon ay Batangas ang Marinduque,
ngunit noong panahon ng Amerikano pinagtibay ng Philippine Commission ang Batas Blg. 125
na naglalayong ang maging kabisera ng lalawigang Marinduque ay ang Boac. Kabilang sa
magagandang tanawin dito ang Balacanan sa Boac, Elephant, Tres Reyes Island at ang Kweba
sa Torrijes.
2. ORIENTAL MINDORO
 Tanyag ang lalawigan sa “tamaraw” at magagandang tanawin. Ito ay may sukat na humigit
kumulang 4,365 kilometrong parisukat.
 Ang Lawa ng Naujan ay maituturing na yaman ng lalawigan at Mamburao ang kabisera ng
lalawigan na may sukat na 5,880 kilometrong parisukat.
 Kabilang daw ito sa pangkat San-hsii o “The Three Island”. Sinasabing naunang
nakipagkalakalan ang mga Intsik kaysa mga kastila at ayon naman kay Felix de Huerta ay mga
Paring Agustino ang unang pangkat na dumating sa Mindoro at sumunod naman sa kanila ang
mga Jestwista. Ang magagandang tanawin ng lalawigan ay ang Aplaya ng Aganao, Balete ng
Calapan, Beach sa Puerto Galera at Tabon ng Tamaraw.
 Noong una ay bahagi lamang ng Batangas ang magkaisang Oriental at Occidental Mindoro
subalit sa bisa ng R.A. No.205 ang Oriental at Occidental Mindoro ay pinaghiwalay.
3. ROMBLON
 Kilala ang Romblon sa tawag na ‘’Isla ng Marmol’’. Nagtulungan ang mga taga- Romblon at mga
taga Isla ng Banton upang maprotektahan ang mga tao laban sa mga Muslim at Dutch. Noong
panahon ng kalagitnaan Rebolusyon ng Pilipinas ay napailalim ang Romblon kay Mariano Riego
de Dios at naging malaya sa bisa ng Batas Blg. 2724 at naging ganap ang pagkalalawigan sa
bisa ng Batas Blg. 38 na inesponsor ni Kong. Modesto Femilleza.
[email protected]
 Kabilang sa magagandang tanawin ng lalawigan ang Talon ng Cataja, Lambingan sa Sibuyan,
Talon ng kawa- kawa sa Lumbang, Talon ng Cajidiocan at Mablaran sa San Andres, Bonbon,
Margie’s Tiamban at Lampasok Beaches.
4. PALAWAN
 Ipinagmamalaki ang Palawan sa ganda, linis at yaman nito. Ito ay pangalawa sa pinakamalaking
lalawigan sa bansa na may sukat na humigit kumulang 14,896.3 kilometrong parisukat.
 Sa bisa ng Batas Blg. 1365, pinangalanang Palawan at ang kabisera ay Puerto Prinsesa. Kilala
ang Palawan sa sikat na underground river, ito’y isang ilog sa ilalim ng kweba na may daang-
daang paniki at mga ibong lumilipad gayundin ang mga larawang nakaukit sa dingding ng kweba.
Kabilang sa magagandang tanawin ng Palawan ang Tabon Caves sa Quezon Island, Ursusa
Island sa Brookes Port, Ulugan Bay sa Puerto Prinsesa, Palawan Beach Resort, The Cliffs of El
Nino at lahat ng beaches na puting buhangin.
LITERATURA NG REHIYON IV-B (MIMAROPA)
1. BUGTONG
 Isa sa bahagi ng ating kultura nang maglihi’y namatay, kung kailan tahimik. Sagot: sinigwelas
Nang mag-anak ay nabuhay. Saka nabubuwisit. Sagot: lamok
 Walang pinasukan, kung kailan mo pinatay. Sagot: pag-iisip
 Nakapasok sa kaloob-looban saka naman humaba ang buhay. Sagot: kandila
 Walang itak, walang kampit, gumawa ng mahal na ipit. Sagot: gagamba
 Dulong naging puno, punong naging dulo. Sagot; tubo
2. SALAWIKAIN, KASABIHAN AT KAWIKAAN- NAGBABADYA NG ARAL SA BUHAY
 Mayaman ka ma’t marikit / Maganda ang pananamit / Pagwala kang tagong bait/ Walang halagang
gahanip.
 Kapag ang nauna’y tamis, ang mahuhuli’y pait.
 Ang taong mapanaghili, lumiligaya man ay sawi.
 Kapag ang tubig ay matinig, asahan mo at malalim.
3. PAMAHIIN-MGA KILOS NA MAARING MAGDULOT NG KASIYAHAN AT KAPIGHATIAN
 Masama sa magkapatid ang magpakasal ng sukob sa taon, dahil ang isa raw sa kanila ay
magdaranas ng hirap.
 Masama ang magwalis o magpalis kung gabi, sapagkat mawawala ang swerte.
 Masama ang kumanta kung nagluluto sapagkat makapag-aasawa siya ng balo.
 Pagdating sa bahay ng ikakasal, ang lalaki ang dapat munang pumanhik upang hindi siya maging
talun-talunan o ander de saya.
4. AWITING BAYAN
 Ang lahat ng bagay sa mundong ibabaw Dunong man o layaw bihirang makamtan Kundi
magtiyaga sa bawat paraan Ay hindi makukuha ang bawat mga Kinakailangan sa sariling buhay
Magnais man tayong magtanim ng mga halaman Ay di mag-aani kundi paghihirapan Kung laging
pangarap at titingnan- tingnan Ibig man mag-ani walang aanihin At hindi tinamnan ang lupa’y
nasayang. LAHAT NG BAGAY SA MUNDO
KILALANG MANUNULAT
1. Dr. Jose P. Rizal(Calamba) 12. Teodoro Agoncillo
2. Efren Abueg 13. Lope K. Santos(Rizal)
3. Teo S. Baylen(Cavite) 14. Bienvenido Lumbera
4. C.C. Marquez 15. Ligaya G. Tiamson- Rubin(Rizal)
5. Alejandro B. Abadilla(Cavite) 16. Caspar Aquino De Belen
6. Rogelio Ordonez 17. N.V.M. Gonzales(Romblon)
7. Buenaventura S. Medina Jr.(Cavite) 18. Simplicio Bisa
8. Pascula Poblete 19. Celso Alcarunungan
9. Claro M. Recto(Quezon) 20. Paz Marquez Benitez
10. Modesto De Castro 21. Paz Latorena
11. Ildefonso Santos(Rizal) 22. Macario Adriatico

• Ngayong nabatid mo ang tungkol sa mga uri ng pantikan sa ng rehiyon 4B, handa ka na bang sagutin
ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong natutunan. Masasagot mo iyan. Subukin mo.

[email protected]
Panuto: Tukuyin ang mga isinasaad sa pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
1. ___________ Kilala sa tawag na Isla ng Marmol.
2. ___________ Sa bisa ng batas na ito ay pinangalanang Palawan at ang kabisera ay Puerto
Prinsesa.
3. ___________ Makikita sa lugar na ito ang sikat na underground river.
4. ___________ Tanyag ang lalawigan sa “tamaraw” at magagandang tanawin.
5. ___________ Sa bisa ng batas na ito ang Oriental at Occidental Mindoro ay pinaghiwalay na
noong una ay bahagi lamang ng Batangas ang magkaisang Oriental at Occidental Mindoro.
6. ___________ Siya ay ang kasalukuyang komisyonerang Wikang Filipino na isa sa tagapangun
at kasapi sa Tanggol Wika.
7. ___________ Isang ilog sa ilalim ng kweba na may daang-daang paniki at mga ibong lumilipad
gayundin ang mga larawang nakaukit sa dingding ng kweba.
8. ___________ Kilala ang pangkat San-hsii sa tawag na ito.
9. ___________ Siya ang may-akda ng maikling kuwento na may pamagat na ‘’Ang Mabangis na
Lungsod”.
10. ____________ Kilala sa tradisyon nitong Moriones tuwing Mahal na Araw.

 Panibagong kaalaman! Tiyak na magiging katuwang mo sa mas malalalim na gawain. Higit mong
mapauunlad ang iyong kaalaman tungkol sa panitikan sa ng rehiyon 4b.
 Ngayon upang mas marami pa ang kaalaman na malalaman dumako tayo sa aralin 3.

ARALIN 3 REHIYON V: BICOL


 Bikol ay matatagpuan sa Timog Silangan ng Luzon, binubuo ng mga lalawigan ng Camarines
Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate.
 Ang Bikol na hawig sa Cebuano ay sinasalita sa Masbate at iyong lalawigang malapit sa
Kanlurang Bisaya ay may halong Hiligaynon.
 Iba rin ang Bikol ng Sorsogon, Catanduanes at Albay bagama’t ang Bikol. Naga ang ginamit sa
kanilang panulatan. Sa kabila ng maraming wikang ginagamit dito marami sa kanila ay bihasa
sa Ingles a Filipino na siyang ginamit nila sa pagsulat ng tula, dula, maikling kwento at nobela.
 Kakaunti ang nalalaman sa Panitikang Bikol na nasusulat sa katutubong wika maliban sa
Daragang Magayon at Sarong Banggi. Karamihan sa mga akdang nasusulat sa wikang Bikol ay
hindi nailimbag at kalat-kalat pa, bagamat mayaman ito sa bugtong, salawikain, awiting-bayan
at kwentong-bayan. Ang mga ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Marami ring mito at
alamat ang matatagpuan kaugnay ng mga magagandang lugar, lawa at bulkan.
 Ang mga matatanda ng lugar ay patuloy na ginagamit ang ariwaga o sasabihon (kasabihan)
para bigyang diin ang kahalagahan ng katapatan, kasipagan, pagtitiyaga at iba pang
magandang ugali sa mga kabataan. Isang misyonerong Kastila ang humanga sa kakayahan ng
mga Bikolano sa pagsulat ng tula at musika.
URI NG PANITIKAN
1. Ariwaga o Sasabihon (Kasabihan) binubuo ng 2-4 taludtod na may sukat at tugma. Naglalayon
na ipaalala sa mga kabataan ang magagandang ugalian.
2. Salawikain ay karaniwang tumatalakay sa moral, kabutihang loob at nagpapahiwatig ng pawang
katotohanan tungkol sa buhay.
 Ang salawikain o kasabihan ay malaking ginagampanan sa buhay ng mga Bicolano noon.
Ang mga ito ay nagiging batayan na ginagamit kadalasan lalo na sa pagpapaalala sa mga
tao ng maaaring kalabasan ng maling gawa.
Narito ang ilan sa mga halimbawa:
a. Ang masinaginsagin maanghit pa sa kanding. Ang nagkukunwari ay maanghit pa sa
kambing.
[email protected]
b. Ang natotohanan guro uwak na dai ikatago. Ang katotohanan ay tulad ng uwak na hindi
naitatago.
c. Ang ngusong marnotabrutal siring sa ganong makinuto. Ang ngusong maingay ay tulad ng
sa manok na pumuputak.
d. Kun minasimbag na dae pinaghahapot tanda na may gibong maraot. To answer without
being asked is a sign of guilt.
e. Dai mo ikasopog an dai mo pakapag-adal kundi pagka-dai nin ugale. Do not be ashamed of
your illiteracy but of your discourtesy.
f. An maraot saindo dai na guibohan sa ibang tao. Ang masama sa iyo huwag mong gawin sa
iba.
g. Marhay pa an magsolo-solo can magiba ica con maraot na tao. Mabuti pang nag-iisa kaysa
may masamang kasama.
h. Marhay pa man waraan ca nin respeto nin magna tao. Better to lose money than to lose the
respect of others.
i. Ang maraot na pinaghalian maraot man an sabtan. Ang isang bahay na galing sa masama,
sa masama rin mauuwi.
j. Ang katotohanan garo uwak na daik ikatago. Truth is like a crow that cannot be hidden. b.
Ang sinuman lalapit sa kalan ay tiyak na mauulingan.
3. Tigsik (toast) binubuo ng pagbigkas ng maikling tulang bilang parangal o papuri sa isang tao o
bagay. Ginaganap sa isang tigsikan (drinking party).
a. Itinotoast ko ang payapang gabing ito na siyang dahilan ng ating pagdiriwang dahil ang
minimithi nating bulaklak ay naririto.
b. Itinotoast ko ang lahat ng nilalang ng Diyos maliit man o malaki walang pagkakaiba malaki
man o maliit, pare-parehong may silbi.
4. Patodan o Paukod (Bugtong)
a. Isda ko sa Mariveles nasa loob ang kaliskis(sili)
b. Pag busog nakatayo paggutom nakaupo(sako)
c. Payong ng ita di nababasa (dahon ng saging)
5. Awiting-bayan Awiting Bayan-likas sa mga Bikolano ang pagkahilig sa pagkatha ng mga awiting
may ritmo (Ballad) na tumatalakay tungkol sa kanilang buhay at kapaligiran tulad ng
kabayanihan, pagputok ng bulkan, bagyo at iba pang anyo ng kalamidad.
1. Abiyabi (happy song) 5. Kunigrat (triumphant song)
2. Ambahan (leisure song) 6. Daniw (drinking songs)
3. Angoy (sad song) 7. Horosa (song commemorating
4. Kundiman, Harana at Panawagan (love 8. Sarongbanggi
song)
TULANG LIRIKO
1. Awit
2. Rawit-dawit– tinatawag na dingorog-orogosusuman– binubuong anim hanggang walong pantig
sa bawat taludturan at may tugma (Cruz, 2003)
AWITING BAYAN O KANTANG SUANOY
 Suanoy ang mga awiting bayan sa Bicol. Ang mga awiting bayan sa Bikol ay mga pagpapahayag
ng nararamdaman at paniniwala ng mga tao na nilikha sa paraang paawit. Nagpapakita ng
pagkakaiba lalo na sa paksa, paghahandog, melodiya at paraan ng pagkanta. Ito ay tumatalakay
sa unang dalawang aspeto, ang paksa at paghahandog.
 Ang paksa ay tungkol sa pamagat ng kanta, at ang paghahandog ay ang paraan ng pagpapalawak
sa paksa ng mga kanta. Ang lahat ng talaan ng mga taong Ita sa Bundok Iriga may mga kanta:
a. Dinusa kanta tungkol sa pag-ibig
b. Tolbon ang mga awitin na kinakanta sa pista
c. Diwata ang awitin sa kalungkutan at sa kapighatian dahil sa pagkamatay ng isang
kamag-anak.
 Sa mababang lugar naman ay maraming mga awiting bayan na umusbong tulad ng: awit,
kundiman, tagulaylay at hoarasa. Ang mga uri ng awit ay mga kwentong awitin tulad ng mga
awiting pandulaan, awit sa mga inuman, awit sa mga paggawa at oyayi, o kantang panyoknok.
[email protected]
a. Sague awiting pangritwal
b. Angoy ay mga awiting para sa namatay na ninuno ay dumago, awitin sa burol.
c. Tagulaylay o mga awiting panggera
d. Hoarasa inaawit matapos ang isang kalamidad tulad ng pagsabog ng mga bulkan,
matinding bagyo at lindol. Marami sa mga awit kundiman ang maririnig sa kasalukuyan
ngunit ang kumakanta ay pawang mga matatanda.
Tula
1. Loa–isang tula ng papuri naginagamit sa pagsisimula at pagwawakas ng mga madramang
pagtatanghal, sa mga tula ng pag-ibig, kurido, kabayanihan at iba pa.
2. Tagay (toast)–tinatawag nilang tigsik, kansin o abatayo-binubuo ng apat na taludtod sa bawat
saknong, nagpapasigla ng kanilang kwentuhan, pumapaksa sa pananampalataya, kaugalian,
pag-ibig at iba pa.
Mga Kilalang Manunulat
1. Merlinda Bobis 3. Angela Manalang-Gloria 5. Agustin Misola
2. Graciano Lopez Jaena 4. Ricardo Demetillo 6. Abdon Balde

• Ngayong nabatid mo ang tungkol sa mga uri ng pantikan sa ng rehiyon 3, handa ka na bang sagutin ang
susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong natutunan. Masasagot mo iyan. Subukin mo

Panuto: Tukuyin ang mga isinasaad sa pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
1. ________________ Ito ay nagiging batayan na ginagamit kadalasan lalo na sa pagpapaalala sa
mga tao ng maaaring kalabasan ng maling gawa.
2. ________________ Binubuo ng pagbigkas ng maikling tulang bilang parangal o papuri sa isang
tao o bagay.
3. ________________ Ito ay karaniwang tumatalakay sa moral, kabutihang loob at nagpapahiwatig
ng pawang katotohanan tungkol sa buhay.
4. ________________ Ang lugar na ito’y hawig sa Cebuano ay sinasalita sa Masbate at iyong
lalawigang malapit sa Kanlurang Bisaya ay may halong Hiligaynon.
5. ________________ Ito ay nakasulat sa wikang Bikol na inubuo ng 2-4 taludtod na may sukat,
tugma at aglalayon ipaalala sa mga kabataan ang magagandang ugalian.

 Panibagong kaalaman! Tiyak na magiging katuwang mo sa mas malalalim na gawain. Higit mong
mapauunlad ang iyong kaalaman tungkol sa panitikan sa ng rehiyon 5.
 Ngayon upang mataya ko na talagang marami kayong kaalaman na natutunan, simulan nating sagutin
ang pangwakas na pagsusulit.

BUOD
Ang Rehiyon 4-A: Cavite , kilala sa magagandang tanawin tulad ng Puerto Azul sa Tanarte, Picnic
Grove sa Tagaytay, Covelandia Resorts, Palace in the Sky sa Tagaytay, Tagaytay Vista Lodge at Taal
Lake/Bulkan.
Laguna: dito nagmula ang pambansang bayin na si Dr. Jose Rizal.
Batangas: Kilala sa tawag na lalawigan ng mga "ala eh".
Rizal: Sa larangan ng pagguhit at musika katangi- tangi ang Bayan ng Angono. Dito isinilang ang
mga bantog na pintor tulad ni Carlos Botong Francisco, ang kinikilalang muralistang Pilipino.
 Mayaman sa kultura at tradisyon ang mga mamamayan sa lalawigan ng Rizal.
 Mula sa pag-aasawa o pagpapakasal hanggang sa pagdiriwang ng mga kapistahan. Pati na rin
ang pagdadaos ng Semana Santa.
Quezon: Tinaguriang pinakamahabang lalawigan sa pulo ng Luzon.
LITERATURA NG REHIYON IV-A (CALABARZON)
1. Bugtong
2. Salawikain, Kasabihan At Kawikaan
3. Ang Pamahiin
4. Mga Awiting Bayan
5. Tulang Pasalaysay

[email protected]
 Si Pedro Gatmaitan ang unang sumulat ng ganitong uri sa tula niyang "Kasal".
 Si Lope K. Santos ay kilalang "Ama ng Balarila" at nakilala rin bilang nobelista ng lipunang
pampulitika. Sinulat nya ang tulang "Ang Buhay Panggiggera".

MGA KILALANG MANUNULAT SA REHIYON IV


1. Rizal—Sa Aking Mga Kabata, Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Huling Paalam
2. Teo S. Baylen —Cavite —Tinig ng Teenager, Tinig ng Demokrasya, Sampung Hayop
3. Buenaventura S. Medina Jr. —Cavite —Kapangyarihan At Punong-Kahoy
4. Alenjandro G. Abadilla —Cavite —Ako ang Daigdig at Sanaysay sa Tula
5. Claro M. Recto — Quezon —Noong Bata Pa Ako
6. Ildefonso Santos —Rizal —Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ang Aking Matanda
7. Lope K. Santos — Rizal —Ako'y si Bukid, Kabayanihan at Ang Panggigera
8. Ligaya C. Tiamson-Rubin —Rizal —Paano Nagsusulat ang Isang Ina
REHIYON 4B
Marinduque: Kilala ang Marinduque sa tradisyon nitong Moriones tuwing Mahal na Araw.
Oriental Mindoro: Tanyag ang lalawigan sa “tamaraw” at magagandang tanawin.
Romblon: Kilala ang Romblon sa tawag na Isla ng Marmol
Palawan: Ipinagmamalaki ang Palawan sa ganda, linis at yaman nito. Sa bisa ng Batas Blg. 1365 ito ay
pinangalanang Palawan at ang kabisera ay Puerto Prinsesa. Kilala ang Palawan sa sikat na underground
river.
LITERATURA NG REHIYON IV-B (MIMAROPA)
1. Bugtong
2. Salawikain, kasabihan at kawikaan- nagbabadya ng aral sa buhay
3. Pamahiin-mga kilos na maaring magdulot ng kasiyahan at kapighatian
4. Awiting bayan
Manunulat
1. Efren Abueg
2. C.C. Marquez
3. Rogelio Ordonez
4. Pascula Poblete
5. Modesto De Castro
6. Ildefonso Santos(Rizal)
7. Teodoro Agoncillo
MANUNULAT NG REHIYON V
Merlinda Bobis
Gracia Lopez Jaena
Ricardo Dometillo
Abdon Balde
Angela Gloria Manalang

Binabati kita sapagkat natapos mo na ang modyul 9.


Umaasa ako na magpagtuloy ka sa susunod na modyul at
magagamit mo ang iyong natutuhan sa ating pag-aaral.

MGA MUNGKAHING BABASAHIN


Alejandro, Rufino. 2001. Wika at Panitikan IV. Manila: Vibal Publishing House.
Anderson, Robert et. al. 1993. Element of Literature First Course. USA: Harcourt Brace Jovanovich, Inc..
Arrogante, Jose A. et al. 2004. Panitikang Filipino- Antolohiya. Mandaluyong City: National Bookstore.
Arrogante, Jose et al. 1991. Panitikang Filipino- Pampanahong Elektroniko. Mandaluyong: National
Bookstrore.
SANGGUNIAN
Casanova, Arthur P. Panitikan sa Pilipinas, Recto Manila, Rex Bookstore, 2005
Gaboy, Luciano L. Empirical - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni
Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

[email protected]
Felipz. Panitikan ng Pilipinas, Pinoy Henyo Beta, PinoyHenyo.com, 2007, nakuha noong 25 Abril
2009.
Isau. Panahon ng Nobela, google.public.translators, nakuha noong 25 Abril 2009.
Panganiban, J. Villa, Panitkan ng Pilipinas, Quezon City, Bedes Publishing House 1992
Panitikang Pilipino, paglalarawan ng kurso (Course Description, Health Services Management
Program), Lorma Colleges, Carlatan, Lungsod ng San Fernando, Lorma.edu, nakuha noong 25
Abril 2009.
Panitikang Filipino, Tungkol Saan ang Modyul na Ito? at iba pa, Wikispaces.com, pahina 1-51,
nakuha noong 25 Abril 2009.
Panitikang Pilipino, Panimula, jheff6.Tripod.com, 2005, nakuha noong 25 Abril 2009.
Rivas, Virgilio Aquino. Continuation from Literary Approaches by Virgilio Rivas, Kafka’s
Ruminations, An Instructional Tool in Teaching Philosophy and Related Disciplines, Daily/Weekly
Personal Journal, 27 Hulyo 2006.
Sauco, Consolacion P. Panitikan ng Pilipinas, Panrehiyon (PDF), Goodwill Trading Co., Inc., ISBN
971-574-081-2, ISBN 978-971-574-081-4
ELEKTRONIKONG SANGGUNIAN
www.google.com Panitikan ng Pilipinas

PANGWAKAS NA PAGTAYAYA

A. Panuto: Tukuyin ang isinasaa sa pahayag at isulat ang sagot bago ang bilang.
1. Isang tula ng papuri na ginagamit sa pagsisimula at pagwawakas ng mga madramang
pagtatanghal, sa mga tula ng pag-ibig, kurido, kabayanihan at iba pa.
2. Ito ang tawag sa mga awiting bayan sa Bicol.
3. Ito’y tinatawag tigsik, kansin o abatayo-binubuo ng apat na taludtod sa bawat saknong
nagpapasigla ng kanilang kwentuhan, pumapaksa sa pananampalataya, kaugalian, pag-ibig
at iba pa.
4. Ito ang tawag sa awit ng pag-ibig ng mga taong Ita sa Bundok Iriga.
5. Ito ay ang mga awitin na kinakanta sa pista
6. Ang awitin sa kalungkutan at sa kapighatian dahil sa pagkamatay ng isang kamag-anak.
7. Ito’y ang tawag sa awiting pangritwal.
8. Ito ay ang mga awiting para sa namatay na ninuno.
9. Awitin sa burol
10. Awiting inaawit matapos ang isang kalamidad tulad ng pagsabog ng mga bulkan, matinding
bagyo at lindol.
B. Suriin at tukuyin ang bawat manunulat sa ibaba kung anong rehiyon nabibilang sila. Isulat ang
sagot bago ang bilang.

11. Teo S. Baylen 15. Ligaya C. Tiamson-Rubin 19. Buenaventura S. Medina


12. C.C. Marquez 16. Alejandro B. Abadilla 20. Pascula Poblete
13. Agustin Misola 17. Rogelio Ordonez
14. Lope K. Santos 18. Graciano Lopez Jaena

[email protected]
C

Anu-ano ang pagkakaiba ng panitikan ng bawat rehiyong


tinalakay? Isulat sa loob ng kahon ang sagot.
Pangatwiranan ang iyong sagot. Isulat naman sa ibaba
ang iyong natutunan.

[email protected]

You might also like