Las On Ls1-Filipino-bantas-sharon P. Addulam

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Learning Strand 1

Communication Skills - Filipino

Learning Activity Sheets

Iba’t Ibang Uri ng Bantas

Department of Education • Schools Division Office of Apayao


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Apayao
Capagaypayan, Luna, Apayao

Published by:
Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2021

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation
of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through the Curriculum
Implementation Division (CID)—Learning Resource Management and Development System (LRMDS). It
can be reproduced for educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the
work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided
all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material
for commercial purposes and profit.

Consultants: BENEDICTA B. GAMATERO PhD


Schools Division Superintendent

GINADINE L. BALAGSO
OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Chief Education Supervisor, CID: JOY D. SALENG

Division LRMS Supervisor: JULIET A. RAGOJOS

Education Program Supervisor: ARNOLD A. TOMAS

LAS Evaluators: ALLAN C. GOBRIN

Writer: SHARON P. ADDULAM


District: Alternative Learning System, Upper Calanasan District

FOR EDUCATIONAL PURPOSES ONLY


Subject for Copyright Evaluation

For inquiries or feedback, please write or email:


Department of Education - Schools Division of Apayao, Capagaypayan, Luna, Apayao
Email Address: [email protected]
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM

Pangalan: ______________________________________________________________________________
Lebel: _________________________________________________________________________________
Community Learning Center: ______________________________________________________________
Petsa: _________________________________________________________________________________

GAWAING PAGKATUTO
Iba't ibang Uri ng Bantas

Kasanayang Pampagkatuto at koda:


Natutukoy ang gamit ng iba't ibang bantas.
LS1CS/FIL-PB-PPD-BL/MB-28

Susing Konsepto

Ang bantas ay mga simbolo o pananda na ginagamit sa pagsusulat upang mabigyan ng kahulugan
at kabuluhan ang mga pangungusap nang sa ganun madaling maintindihan ang ibig ipahiwatig ng
manunulat.
Narito ang mga iba’t ibang uri ng bantas at gamit nito:

1. Tuldok (.) - ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos, sa mga salitang dinadaglat
at pagkatapos ng mga tambilang at titik.

Halimbawa: Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa tulong ng kanyang mga magulang at guro.

2. Tandang Pananong (?) - ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong at sa bahaging


pag-aalinlangan at ito'y inilalagay sa panaklong.

Halimbawa: Ano kaya ang mangyayari sa atin kung pinabayaan tayo ng pamahalaan sa gitna ng
krisis na nararanasan natin ngayon?

3. Tandang Padamdam (!) - ginagamit sa katapusan ng mga salita o pangungusap na pandamdam o


nagpapahayag ng matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa: Hala! Ang laki na ng pinagbago ng lugar natin simula nang nawala ako!

4. Panipi (" ") - ginagamit sa mga tuwirang sinsabi ng nagsasalita at sa mga pamagat o pangalan ng
mga paksa.

-ginagamit din sa pagkulong ng mga salitang banyaga

Halimbawa: Ayon kay Dr. Jose Rizal, “ Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa
sa malansang isda”.

5. Kudlit (') - ginagamit na pananda ng nawawalang letra o mga letra sa dalawa o mahigit pang salitang
magkasunod.

Halimbawa: Sila’y nagsisisi sa kanilang desisyon nang pumanaw na ang kanilang anak.

6. Kuwit (,) - ginagamit pagkatapos ng panawag at sa magkasunod na mga salita o parirala na nasa
loob ng pangungusap.
- Ginagamit ito kung kailangan ng saglit na paghinto sa pangungusap.
- Makikita rin sa hulihan ng bating panimula at pangwakas na liham.
- Pagkatapos ng bilang ng petsa at sa pagitan ng kalye, purok at bayan.

Halimbawa: Si Gng. Lourdes Boait, guro sa Tanglagan ES, ay mabait at mapagkumbaba.

7. Tutuldok (:) - ginagamit matapos maipauna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag,
halimbawa, katuturan, banggit o talaan.

Halimbawa: COVID19: Nakamamatay na sakit.

8. Tulduk-tuldok (...) - ginagamit kung may salita o mga salitang iniwawaglit sa pangungusap.

Halimbawa: Hindi niya kayang mamuhay nang walang katuwang…

9. Panaklong- ginagamit na pambukod sa mga salita na hindi direktang kaugnay ng diwa ng


pangungusap

Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal ) ang may akda ng Noli Me Tangere.

10. Gitling (-) –ginagamit sa pag-uulit ng salitang ugat o sa pantig ng salitang ugat.

Halimbawa: Araw-araw nagrerepaso si Marialyn sa kanyang mga aralin kaya naman matataas ang
kanyang mga grado.

11. Tuldok-kuwit (;) - ginagamit sa pagitan ng magkakaugnay na mga mahahalagang sangkap ng isang
mahabang pangungusap. Karaniwang ginagamit pagkatapos ng mga sugnay na ang kasunod ay ang
mga salitang kaya, samakatuwid, gayon din, gayon man, anupa't, bukod

Halimbawa: Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi napag-uukulan ng pansin; gaya ng


kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

Tingnan ang mga pangungusap sa ibaba at lagyan ng tamang bantas ang pangungusap at pagkatapos ay
tukuyin kung anong uri ng bantas ang ginamit dito.

1. Ilan kayong lahat na nainirahan sa inyong bahay

2. Tulong nasusunog ang aming bahay

3. Hala Wala pa akong sagot sa math lagot

4. Ako y isang estudyante na gusto matupad ang mga pangarap

5. Huwag kang magmahal ng hindi mo kasintahan


Gawain 1: Itugma Mo Ako!
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap sa Kolum A at tukuyin ang tamang bantas na dapat
gamitin sa patlang sa Kolum B. Isulat ang letra ng sagot sa patlang bago ang numero ng aytem.

Column A Column B
_____1. Si Neneng ay may tatlong a. Tuldok Kuwit o Semi-Colon (;)
kapatid_ b. Tuldok o Period (.)
_____2. Tulong, holdupper_ c. Tandang Pananong o Question Mark
_____3. Saan pumunta ang tatay mo_ (?)
_____4. Ang mga sumusunod ay d. Tutuldok o Colon (:)
halimbawa ng halamang gamot_ Lagundi, e. Slash (/)
Sambong, Bayabas, Niyog-niyogan at f. Kama (,)
Akapulko. g. Padamdam o Exclamation point (!)
_____5. Si Linda_ Cherry at ako ay h. Qoutation Mark (“”)
matalik na magkakaibigan. i. Kudlit (')
_____6. Ako ay nag igib ng tubig_ j. Tulduk-tuldok (...)
nagluto ng panghapunan_ at nagpakain ng
baboy kahapon.
_____7. _Kailan ka pa ba may pag-alala
sa aming mga magulang mo?_ Tanong ni
Mang Ambo sa anak.
_____8. Kami_y nagtulungan sa
paglilinis ng paaralan para sa darating na
pasukan.
_____9. Wala siyang pakialam sa buhay
ng ibang tao___

Gawain 2: Bantasin Mo Ako!

Panuto: Isulat sa patlang ang mga lipon ng salita na may wastong bantas upang mabuo ang pangungusap.
Ang unang bilang ay sinagutan na para sa iyo.

1. Opo Nanay Magsasaing na po ako sagot ni Maricel


“Opo, Nanay. Magsasaing na po ako,” sagot ni Maricel.

2. Saklolo Tulungan nyo kami


____________________________________________________________
3. Nagluto ako ng almusal naglaba nagwalis sa sala at saka nagpahinga
____________________________________________________________
4. Kailan binaril si Ninoy Aquino sa Manila International Airport
____________________________________________________________
5. Ipinanganak si Bb Lena Flores noong ika 7 ng Agosto 1990
____________________________________________________________
6. Mag uumpisa nang 6 00 ng umaga ang prusisyon mula sa simbahan
____________________________________________________________
7. Talaga Totoo ba ang sinasabi mo
____________________________________________________________
8. Ang huling tula na isinulat ni Jose P Rizal ay ang Mi Ultimo Adios
____________________________________________________________
9. Di lang maganda mapagbigay at maunawain si Gng Tess Hernandez matalino rin siya
____________________________________________________________
10. Ibat ibang prutas at gulay ang ibinibenta ng may ari ng tindahan
____________________________________________________________
11. (bating pambungad ng liham na pangkaibigan) Mahal kong Sarah
____________________________________________________________

12. Araw araw ka bang hinahatid ng kaibigan mo na taga Makati


____________________________________________________________

13. Hoy Bawal magtapon na basura riyan pahiyaw na sinabi ng pulis


____________________________________________________________

14. Maraming hayop ang nakita ng mga bata sa zoo elepante tigre leon unggoy buwaya at ahas
____________________________________________________________

15. (bating pambungad ng pormal na liham) Kagalang galang na Hukom


____________________________________________________________

Gawain 3: Magsulat Tayo!

Panuto: Isulat sa mga patlang ang mga angkop na bantas upang mabuo ang mga pangungusap sa liham ni
Lola Patricia sa kanyang apo.

25 Kalye Maligaya
Barangay San Lorenzo
Lungsod ng Cavite
Ika__18 ng Pebrero 2014

Mahal kong Maria__

Maligayang ika__sampung kaarawan__ Kumusta ka na__ apo__ Ipinagdarasal ko na


nakapiling mo ang iyong pamilya at mga kaibigan sa iyong espesyal na pagdiriwang noong ika__5
ng Pebrero__ Anu__anong mga pagkain ang inihanda ninyo__ Nasiyahan ka ba sa mga regalong
natanggap mo__
Gustong__gusto ko talagang dumalo sa iyong pagdiriwang ngunit may ubo__t sipon ako
noong araw na iyon__ Hindi ako pumunta dahil ayaw kong mahawa ka o ang iyong mga panauhin__
Alam mo na ba ang magandang balita__ Mas mabuti na ang aking pakiramdam__ Maaari na
kaming magbiyahe at bumisita sa inyo__ Sabik na sabik ka na naming makita ng Lolo Pedro mo__
Marami kaming pasalubong para sa inyo mula sa aming bukirin__ kamote__ patatas__
papaya__langka__ mangga__ at mais__ Hindi ba__t mahilig kang kumain ng nilagang mais__
Paboritong prutas mo pa ba ang mangga__
Naaalala mo pa ba ang iyong pinsan na si Cory__ Isasama namin siya pagpunta namin sa
inyo__ Tuwang__tuwa siya nang malaman niya na magkikita kayo muli__ Nang inanyayahan ko
siya__ sinabi niya sa akin__ __Talaga__ Lola__ Yehey__ __ Patalun__talon pa nga sa galak si
Cory__ Sigurado ako na magiging masaya kayo sa inyong paglalaro__
Siyanga pala__ maraming salamat sa ipinadala mong liham__ Alam kong nag__aalala ka
dahil nagkasakit ako__ Namana mo ang iyong pagka__mahabagin mula sa iyong ina. Dahil
mabuting tao siya__ mabuting tao ka rin. Naalala ko tuloy itong kasabihan ng mga Pilipino__ Kung
ano ang puno, siya ang bunga__
Pakisabi na lang sa mga magulang mo na darating kami riyan sa unang linggo ng
Setyembre__ Sige__ hanggang dito na lang ang aking liham__ Kung may nais kang pasalubong__
tawagan mo na lang sa telepono si Tita Gina para masabi niya ang mensahe mo sa amin__
Nagmamahal__
Lola Patricia

Pahabol__ Alagaan mo nang mabuti ang iyong sarili at pagbutihin mo ang iyong
pag__aaral__

Pagsasanay
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa napapanahong isyu. Gumamit ng mga iba’t ibang uri ng bantas
sa susulating sanaysay. Pagkatapos makabuo ng sanaysay, i-encode ito at i-print. Tingnan ang pamantayan
bilang gabay sa paggawa ng sanaysay. Kung walang printer, maaari ding ipasa sa pamamagitan ng share
Bluetooth.

Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay

Pamantayan 4 3 2 1 Iskor
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi
ang introduksyon. introduksyon introduksyon nailalahad sa
Malinaw na ang ang introduksyon
nailahad ang pangunahing pangunahing ang
pangunahing paksa paksa gayundin paksa ngunit pangunahing
gayundin ang ang panlahat na hindi sapata ang paksa at hindi
panlahat na pagtanaw ukol pagpapaliwanag sapat ang
pagtanaw ukol dito. dito. pagpapaliwanag
dito. dito.
Diskusyon Makabuliuhan ang Bawat talata ay May Hindi
bawat talata dahil may sapat na kaulanngan sa nadebelop ang
sa husay sa detalye. detalye. pangunahing
pagpapaliwanag at ideya.
pagtalakay tungkol
sa paksa.
Organisasyon Mahusay ang Naipakita ang Lohikal ang Walang
ng mga ideya pagkakasunod- debelopment pagkakaayos ng patunay na
sunod ng ideya; ng mga talata mga talata organisado ang
nagamit din ang subalit hindi subalit ang mga pagkakalahad
mga bahagi ng malinis ang ideya ay hindi ng sanaysay.
tekstong pagkakalahad ganap na
impormatibo nadebelop.
Konklusyon Nakapanghahamon Naipapakita Hindi ganap na May
ang konklusyon at ang naipakita ang kaulanagan at
naipapakita ang pangkalahatng pangkalahatang walang pokus
pangkalahatang palagay o palagay o pasya sa konklusyon.
palagay o paksa pasya tungkol tungkol sa
batay sa katibayan sa paksa batay paksa batay sa
at mga katwirang sa mga mga aktibayan
inisa-isa sa aktibayan at at mga
bahaging gitna. mga katwirang katwirang inisa-
inisa-isa sa isa sa bahaging
bahaging gitna. gitna.
Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakadami at
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
mga bantas, mga bantas, mga bantas mga
kapitalisasyon at kapitalisasyon kapitalisasyon pagkakamali sa
pagbabaybay. at at pagbabaybay. mga bantas,
pagbabaybay. kapitalisasyon
at pagbabaybay.

Repleksyon:

1.Ang aking natutunan sa mga Gawain ay____________________________________________


_______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

2. Ang gusting gusto kong Gawain ay______________________________________________


_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

3. Ang nais ko pang gawin at pag-aralan ay__________________________________________


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

Sanggunian
https://www.academia.edu/24656672/Ang_mga_ibat_ibang_uri_ng_bantas_at_mga_gamit_nito
https://www.scribd.com/presentation/17128224/Filipino-1-Paglalagay-Ng-Wastong-Bantas
https://www.scribd.com/presentation/17128224/Filipino-1-Paglalagay-Ng-Wastong-Bantas

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: Itugma Mo Ako!


1. b
2. g
3. c
4. d
5. f
6. f
7. h
8. i
9. j
10. a

Gawain 2: Banatsin Mo Ako!

1. “Opo, Nanay. Magsasaing na po ako,” sagot ni Maricel.


2. Saklolo! Tulungan n’yo kami!
3. Nagluto ako ng almusal, naglaba, nagwalis sa sala, at saka nagpahinga.
4. Kailan binaril si Ninoy Aquino sa Manila International Airport?
5. Ipinanganak si Bb. Lena Flores noong ika-7 ng Agosto 1990.
6. Mag-uumpisa nang 6:00 ng umaga ang prusisyon mula sa simbahan.
7. Talaga? Totoo ba ang sinasabi mo?
8. Ang huling tula na isinulat ni Jose P. Rizal ay ang “Mi Ultimo Adios.”
9. ‘Di lang maganda, mapagbigay, at maunawain si Gng. Tess Hernandez, matalino rin siya.
10. Iba’t ibang prutas at gulay ang ibinibenta ng may-ari ng tindahan.
11. (bating pambungad ng liham na pangkaibigan) Mahal kong Sarah,
12. Araw-araw ka bang hinahatid ng kaibigan mo na taga-Makati?
13. “Hoy! Bawal magtapon na basura riyan!” pahiyaw na sinabi ng pulis.
14. Maraming hayop ang nakita ng mga bata sa zoo: elepante, tigre, leon, unggoy, buwaya, at ahas.
15. (bating pambungad ng pormal na liham) Kagalang-galang na Hukom:

Gawain 3: Magsulat Tayo!


25 Kalye Maligaya
Barangay San Lorenzo
Lungsod ng Cavite
Ika-18 ng Pebrero 2014

Mahal kong Maria,

Maligayang ika-sampung kaarawan!


Kumusta ka na, apo? Ipinagdarasal ko na nakapiling mo ang iyong pamilya at mga
kaibigan sa iyong espesyal na pagdiriwang noong ika-5 ng Pebrero. Anu-anong mga pagkain ang
inihanda ninyo? Nasiyahan ka ba sa mga regalong natanggap mo?
Gustong-gusto ko talagang dumalo sa iyong pagdiriwang ngunit may ubo’t sipon ako
noong araw na iyon. Hindi ako pumunta dahil ayaw kong mahawa ka o ang iyong mga panauhin.
Alam mo na ba ang magandang balita? Mas mabuti na ang aking pakiramdam! Maaari na
kaming magbiyahe at bumisita sa inyo. Sabik na sabik ka na naming makita ng Lolo Pedro mo.
Marami kaming pasalubong para sa inyo mula sa aming bukirin: kamote, patatas, papaya,
langka, mangga, at mais. Hindi ba’t mahilig kang kumain ng nilagang mais? Paboritong prutas mo pa
ba ang mangga?
Naaalala mo pa ba ang iyong pinsan na si Cory? Isasama namin siya pagpunta namin sa
inyo. Tuwang-tuwa siya nang malaman niya na magkikita kayo muli. Nang inanyayahan ko siya,
sinabi niya sa akin, “Talaga, Lola? Yehey!” Patalun-talon pa nga sa galak si Cory. Sigurado ako na
magiging masaya kayo sa inyong paglalaro.
Siyanga pala, maraming salamat sa ipinadala mong liham. Alam kong nag-aalala ka dahil
nagkasakit ako. Namana mo ang iyong pagka-mahabagin mula sa iyong ina. Dahil mabuting tao siya,
mabuting tao ka rin. Naalala ko tuloy itong kasabihan ng mga Pilipino: Kung ano ang puno, siya ang
bunga.
Pakisabi na lang sa mga magulang mo na darating kami riyan sa unang linggo ng
Setyembre. Sige, hanggang dito na lang ang aking liham. Kung may nais kang pasalubong, tawagan
mo na lang sa telepono si Tita Gina para masabi niya ang mensahe mo sa amin.

Nagmamahal__
Lola Patricia
Pahabol: Alagaan mo nang mabuti ang iyong sarili at pagbutihin mo ang iyong pag-aaral.

You might also like