AP 10 Las 1 Quarter 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
ASTORGA NATIONAL HIGH SCHOOL

Sanayang Papel sa Araling Panlipunan 10


Ekonomiks para sa Ika-sampung na Baitang (Grade 10)

Kasarian sa Iba’t-ibang Lipunan


Module-based
Ikatlong Markahan (Una at Ikalawang Linggo)

Source: www.google.com

Inihanda ni:

Margie M. Lusico, JD
Master Teacher I

Sinuri ni:

Genelyn E. Cornejo, MAIS


Assistant School Principal II

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 0
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t-
ibang bahagi ng daigdig

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. naibibigay ang kahulugan sa sex at gender;
2. nailalarawan ang gender roles sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon;
3. nailalarawan ang gender roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig;
4. napag-iiba ang gender roles noon at ngayon;
5. nakapagpapahayag ng pananaw hinggil sa mga isyu sa kasalukuyan na
may kinalaman sa gender roles
6. Nakaguguhit ng poster na nagpapakita ng kasalukuyang gampanin o role
ng kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ sa Alangalang.
KBI: paggalang

Paalala. Huwag sulatan ang Sanayang Papel. Isulat sa kwaderno o sagutang


papel ang iyong mga kasagutan. Isulat ang pangalan, taon at seksyon, LRN, at
Tirahan.

I. Pagtuklas (Explore)
Gawan 1. Match Maker
Panuto: Tukuyin at piliin kung anong kasarian ang gumagamit sa mga
bagay na nasa loob ng kahon. Ipaliwanag kung bakit ito ay para sa lalaki,
babae, o pareho. Isulat sa sagutang papel.

blouse
rubber shoes
matte lipstick
necktie
shoulder bag
tailored suit
Polo jacket
head band
face powder
boxer shorts

II. Pagkatuto
Konsepto ng Kasarian

Sa bahaging ito ng aralin ay mauunawaan mo ang kahulugan ng sex at


gender, gayundin ang mga katayuan at gampanin ng kababaihan at
kalalakihan mula sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa.
Bago matapos ang aralin, iyong matutuklasan ang pagtingin sa mga lalaki at

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 1
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
babae sa iba’t ibang lipunan sa daigdig. Hinihikayat kitang basahing mabuti
ang mga teksto.

Kahulugan ng Sex at Gender

 Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang


nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa
gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
 Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at
gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. Karaniwang
batayan nito ay ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan, ito
ay ang pagiging masculine o feminine.

Katangian ng Sex Katangian ng Gender


 Ang mga babae ay nagkakaroon  Ang lalaki ay itinuturing namalakas
ng buwanang regla samantalang at matipuno samantalang ang mga
ang mga lalaki ay hindi. babae ay tinitingnan bilang
 Ang mga lalaki ay may titi at mahinhin at mahina.
testosterone habang ang babae ay  Ang mga lalaki ang magtataguyod
may suso at estrogen. sa pamilya samantalang ang mga
babae ay inaasahang gagawa ng
mga gawaing bahay.

Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?

 Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa


kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong
apeksyonal, emosyonal, seksuwal, at malalim na pakikipagrelasyon sa
taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o
kasariang higit sa isa.

 ng pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang


malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang
tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay
ipanganak. Sa simpleng pakahulugan, ang oryentasyon seksuwal ay
tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o
babae o pareho. Ang pagkakakilanlang pangkasarian naman ay ang
personal na pagtuturing sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung
malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa
katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at
iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang ananamit, pagsasalita
at pagkilos. Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang
heterosexual at homosexual.
Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa
miyembro
ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik
ay babae
at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
School I.D.: 303340
Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 2
Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
seksuwal na
pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian.
Bukod sa babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag tayong Lesbian,
Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual o mas kilala bilang
LGBTQIA+.

Lesbian (tomboy) -mga babaeng nakararamdam ng pisikal o


romantikong atraksyon sa kapwa babae (tinatawag sa ibang
bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy).

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa


kanilang kapwa lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at
kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng
Pilipinas na bakla, beki, at bayot).

Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa


dalawang
kasarian.

Transgender - ang isang taong nakararamdam na siya ay


nabubuhay
sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay
hindi magkatugma.
Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa
anumang
uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang
pagkakakilanlan
ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong kategorya o
kombinasyon ng lalaki o babae.

Intersex - kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism,


taong may
parehong ari ng lalaki at babae.

Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong


seksuwal
sa anumang kasarian.

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 3
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Gender Roles sa Pilipinas

Panahong Pre-Kolonyal

 Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa


pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan, ay
pagmamay-ari ng mga lalaki.

 Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ang isang katutubong pangkat sa


isla ng Panay at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay
itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng datu.
Hindi siya maaaring tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan
hanggang sa magdalaga.

 Ayon sa Boxer Codex ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng


maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang
asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang
lalaki.

 Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong
gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon
ng kanilang pagsasama.

 Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala
siyang makukuhang ari-arian.

Panahon ng Espanyol

 Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso


ang bawat pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak.
Gayunpaman, naging malaki ang bahaging kanilang ginampanan sa
pagkamit ng kalayaan laban sa mga Kastila. Ilan sa mga kababaihang ito
ay si Gabriela Silang, maybahay ni Diego Silang na isa ring kilalang
bayani sa panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila. Gayundin, sa
panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina
Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-
aabuso ng mga Espanyol.

 Ayon kay Dr. Lourdes Lapuz, a pioneer in the field of psychiatry, sa


kaniyang pananaliksik na pinamagatang “A Study of Psychopathology and

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 4
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
Filipino Marriages in Crises;” Filipinas are brought up to fear men and
some never escape the feelings of inferiority tha upbringing creates”.

 Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinikita sa


paghahanapbuhay.

Panahon ng Amerikano

 Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan


at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang
nakapag-aral.

 Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at


simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.

 Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli


nilang
pamamaraan.

 Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong Abril 30, 1937, 90% ng
mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng
kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu
na may kinalaman sa politika.

Panahon ng Hapones

 Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan sa pagtatanggol sa


bansa sa abot ng kanilang kakayahan at maging hanggang kamatayan.

 Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong


Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

 Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng


kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.

Kasalukuyang Panahon

 Patriyarkal man ang paraan ng pamamahala tulad sa Pilipinas subalit


nagkaroon din ng puwang ang mga kababaihan at naging lider ng bansa
gayan nina dating Pangulong Corazon C. Aquino at Gloria M. Arroyo.

 Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga
gawaing-bahay.

 Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang mapagkalooban ng


pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan,
at iba pang kasarian o napapabilang sa LGBTQIA+.

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 5
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
Kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas

Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas, mababanggit


ang mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo. Ang Babaylán ay isang
lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon. Nagsilbing manggagamot at
tagapamahala ng katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Español sa
Pilipinas.

Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito ay ang mga asog sa


Visayas noong ika-17 siglo. Hindi lamang sila nagbihis-babae kundi nagbalat-
kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng
mga espiritu. Ilan din sa kanila ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may
relasyong seksuwal.

Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang


Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang
nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad.

Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo

Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kaniyang


asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New
Guinea upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa
kanilang pananatili roon ay nakatagpo nila ang tatlong pangkulturang pangkat;
Arapesh, Mundugumor at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga babae at
lalaki sa pangkat na ito, natuklasan nila ang pagkakatulad at pagkakaiba nito
sa bawat isa.

Sa Arapesh (na nangangahulugang ‘tao’) ay walang pangalan ang mga tao


na naninirahan dito. Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-
aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang
pamilya at pangkat. Samantala, sa pangkat ng Mundugumor (kilala rin sa tawag
na Biwat), ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at
naghahangad ng mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente,
at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat.

Sa Tchambuli (tinatawag din na Chambri), ang mga babae at lalaki ay may


magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay inilalarawan na
nakahihigit ang gampaning pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang
naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya. Ang mga lalaki naman ay abala
sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento. Mahigpit ang
lipunan para sa mga kababaihan lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng
LGBTQIA+ sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya. Mahabang panahon
ang hinintay ng mga kababaihan sa rehiyong ito upang sila ay makalahok sa
proseso ng pagboto.

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 6
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 200 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM)
sa 30 bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Tinatayang tatlong milyong
kababaihang may edad na 15 ang sumasailalim sa prosesong ito taon-taon. Ang
FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda)
nang walang anumang benepisyong medikal, ngunit patuloy pa rin ang
ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang
kanilang ginagawalan. Ito ay isinasagawa sa mga batang babae na may edad
0―15 taong gulang. Ayon sa kanilang paniniwala, mapananatiling walang bahid
dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon
ang paniniwala at prosesong ito na maaaring magdulot ng impeksiyon,
pagdurugo, hirap sa pag-ihi at maging kamatayan.

Sa bahagi naman ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga


lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos
silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United
Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng
karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBTQIA+.

Maging ang paglalakbay ng mga kababaihan ay napipigilan sapagkat may


ilang bansang hindi pinapayagan ang mga babaeng maglakbay nang mag-isa o
kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal
at pisikal).

III. Paglahok (Engage)

Gawain 2. Jumbled Letters

Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salitang
binibigyang-kahulugan sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel
ang tamang kasagutan.

1. (EXUAALS) Tumutukoy ito sa mga taong walang nararamdamang


atraksyong seksuwal sa anumang kasarian.

2. (RNGEED) Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na


naranasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.

3. (YGA) Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa


lalaki.

4. (RNESNTERGAD) Tumutukoy ito sa isang taong nakararamdam nasiya


ay nabubuhay sa maling katawan.

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 7
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
5. (ESX) Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.

Gawain 3. Hugot Line


Panuto: Tukuyin kung anong yugto nang kasaysayan ng gender roles sa
Pilipinas ang pinahahayag sa sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat
sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A. Kasalukuyang Panahon D. Panahon ng Espanyol


B. Panahon ng Arabo E. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapones F. Panahong Pre-Kolonyal

1. Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinita sa


paghahanapbuhay.
2. Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
3. Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga
gawaing-bahay.
4. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at
simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
5. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit,
maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa
sandalling makita niya itong may kasamang ibang lalaki.

Gawain 4. Fact or Bluff


Panuto: Balikan ang bahagi ng Suriin kung saan mababasa ang gender roles
sa Africa at Kanlurang Asya, basahin at suriin ang sumusunod na
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang Fact kung tama ang
ipinahahayag ng pangungusap at Bluff naman kung mali.

1. Ang mga tao sa pangkat ng Arapesh ay walang pangalan.

2. Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o


matanda) nang walang anumang benepisyong medikal, ngunit patuloy pa
rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng
lipunang kanilang ginagawalan.

3. Sa Kanlurang Asya ay may mga naitalang kaso ng gang rape sa mga


lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila
matapos silang gahasain.

4. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at proseso ng FGM na


maaaring magdulot ng iba’t ibang komplikasyon at maging kamatayan.

5. Sa lipunan ng Tchambuli ay nakahihigit ang gampaning pangkabuhayan


ng mga babae kaysa sa lalaki.

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 8
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
IV. Paglalapat (Apply)

PHOTO ESSAY
Panuto: Gumuhit ng mga larawang nagpapakita ng kasalukuyang
gampanin o role ng kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ sa lipunan.

V. Pagtataya (Evaluation)
Tunghayan sa kalakip na pagsusulit.

Gawain 2. Jumbled Letters Gawain 3. Hugot Line Gawain 4. Fact or


Bluff

Mga Sangunian:
Araling Panlipunan 10 Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

School I.D.: 303340


Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 9
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)
School I.D.: 303340
Address: Brgy. Astorga, Alangalang, Leyte 10
Cellphone No.: 09465208742
FB Account: Astorga National High School (Official Page)

You might also like