Senior Pagbasa Q3 M5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

 11




Paggamit ng Cohesive Device
sa Pagsulat ng Teksto

Developed Division Initiated Self-Learning Module

ii

Kagawaran ng Edukasyon– Sangay ng Palawan


Filipino 11- Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Developed Division Initiated - Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Paggamit ng Cohesive Device sa Pagsulat ng
Teksto
Unang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Roger F. Capa, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Keziah S. Ombang


Editor: Cynthia M. Felix
Tagaguhit:
Tagalapat: Nora A. Nangit
Tagasuri: Cynthia M. Felix/Nora A. Nangit
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Mary Therese C. Castro, Ph.D
Nora A. Nangit

Department of Education: MIMAROPA- Sangay ng Palawan


Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: [email protected]
Website: www.depedpalawan.com

iii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa
paaralan.

4
Filipino 11
Ikatlong Markahan
Paggamit ng Cohesive Device
Ikalimang Linggo
sa Pagsulat ng Teksto
MELC:
 Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling
halimbawang teksto – F11PS – IIIc – 90

Layunin:
1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng cohesive device.
2. Nasusuri ang iba’t ibang teksto gamit cohesive device .
3. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling
halimbawang teskto.

Subukin Natin
Panimulang Pagtataya

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong ibigay kung anong uri ng
cohesive device ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa iyong papel.

1. Ang bahagi ng pangungusap ay binabawasan subalit inaasahang


maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap
dahil makakatulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig
ng nawawalang salita.
A. anapora B. katapora C. ellipsis D. substitusyon

2. Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at, dahil, ngunit, kaya, sapagkat,
subalit, sa halip at marami pang iba sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala at pangungusap sa pangungusap.
A. sugnay B. repetisyon C. kolokasyon D. katapora

3. Ito ay ang paggamit ng mga salitang maaring tumukoy o maging reperensiya ng


paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
A. substitusyon B. ellipsis C. reperensiya D. leksikal

4. Ang tawag sa mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha.


A. kolokasyon B. katapora C. leksikal D. ellipsis

5
5. Ito ay Paggamit ng iba’t ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang
salita.

A. ellipsis B. leksikal C. kolokasyon D. substitusyon

B. Panuto: Basahin at tukuyin kung anong uri ng cohesive device ang ginamit sa
bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat sa iyong
sagutang papel.

anapora pag-uulit pag-iisa-isa


katapora pang-ugnay pagbibigay kahulugan
substitusyon ellipsis kolokasyon

________1. Nariyan na naman ang ulan. Ulan na dahilan ng aking kalungkutan ngunit.
Ulan na nakapagbibigay pag-asa at ulan ding nakasisira ng pangarap kapag
ang patak ay malalaki at sobrang malakas. Anong uri ng kohesive device ang
ginamit sa teksto?

________2. Labis ang pagtatampo ni Abe sa kanyang matalik na kaibigan dahil


nakalimutan ang kayang kaarawan.

________3. Si Maymay ay may alagang aso na ang pangalan ay Micai. Ito ay mataba at
may makitamtad at maitim na balahibo.

________4. Lalong lumayo ang pagitan ng mayaman at mahira ngayong may pandemya.

________5. Kukunin ko ang kanyang bagong pantalon kapalit ng levis na kinuha niya
sa akin.

________6. Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang patuloy lumaban sa


hamon na ibinabato ng tadhana sa akin. Siya rin ang dahilan kung bakit ako
nagpapatuloy sa aking pag-aaral. Siya ang aking ina na itinataguyod kaming
limang magkakapatid sa pakikipaglabada.

________7. Napakahalaga ng ating nag-iisang boto. Ang nag-iisang boto na ito ay may
kakayahang magtakda ng magiging kapalaran ng ating buong bansa tulad ng
pagbabago sa ekonomiya, pagsugpo sa korapsyon, pag-angat ng buhay ng mga
kababayan nating naghihirap, pagbabago ng ating komunidad at marami pang
iba.

________8. Napakabalat sibuyas ng aking kapatid. Hindi mo na mabiro dahil ito ay agad
na nagtatampo.

________9. Nagbigay ng limang libong pera si Justin at tatlong libo naman si Jhon sa
kanilang inaanak na si Jack.

________10. Marami tayong mga kababayan ngayon ang nagbibilang ng poste dahil sa
pandemya. Marami ang nawalan ng trabaho dahil sa hirap ng sitwasyon natin
ngayon.

6
Ating Alamin at Tuklasin

Sa Modyul na ito tatalakayin natin ang cohesive device o kohesyong


grammatical.
Pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang natutukoy muna ang cohesive devise
sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain at makasusulat ka ng sariling halimbawang
teksto.

Ang COHESIVE DEVICE ay kinakailangan upang mas maging mahusay ang


pagkakahabi ng isang teksto o kaya’y gawing mas malinaw ang pagkakaugnay ng mga
salita ng isang tekstong susulatin. Ang mga ito ay mahalaga sa pagbibigay ng mas
malinaw at maayos na daloy ng kaisipan sa isang teksto.
Ito ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.
Narito ang mga pangunahing halimbawa ng cohesive device:

1. Reperensiya (Reference) – Ito ay ang paggamit ng mga salitang maaring


tumukoy o maging reperesiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
Maari itong maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang
malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauuna ang
panghalip at nalalaman kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang
pagbabasa sa teksto). Maaring maging batayan ang posisyon ng panghalip sa
pangungusap o talata upang matukoy kung ito ba ay Anaporaa o katapora.
Halimbawa:
a. Anapora- ang panghalip na ginagamit ay matatagpuan sa hulihan
bilang pananda sa pinalitang pangngalan mula sa unahan.
Halimbawa:
Bayani ang turing natin sa mga frontliners ngayong pandemya tulad
ng mga doctor doktor at nars na walang sawang nagsisilbi sa gitna ng
mapanganib na sitwasyon. Sila ay tunay na dapat bigyang parangal
dahil kung wala sila, wala ng iba pang higit na makakatulong sa ating
mga kababayang maysakit.
(Ang salitang sila sa ikawalang pangungusap ay timutukoy sa mga
bayaning pinag-uusapan sa unang pangungusap. Kailangang
balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy ng
panghalip na sila.

b. Katapora- ang panghalip na ginagamit ay matatagpuan sa unahan


bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.

7
Halimbawa:
“Bilis, dalhin natin siya sa ospital!” ang natatarantang sigaw ni Caleb
sa mga kaibigan habang pangko ang babaing lupaypay at tila wala ng
malay. Kanina lang, matamis pa siyang nakangiti yakap ang alagang
asong si Bruno, ngunit bigla nalang bumagsak sa upuan at tila
nanginginig pa ang kanilang kaibigang si Diana sa hindi malamang
dahilan.
(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Diana, ang
kanilang kaibigan. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng
siya kung ipagpapatuloy ang pagbabasa.)

2. Substitusyon (Sunstitution) – Paggamit ng iba’t ibang salitang ipapalit sa halip


na muling ulitin ang salita.
Halimbawa:
Naubos na ang tinta ng aking bolpen sa dami ng ating isinulat
kanina. Kailangan ko ng bumili ng bago para sa ating susunod na gawain.
(Ang salitang bolpen sa unang pangungusap ay napalitan ng
salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong
tumutukoy sa iisang bagay, ang bolpen.)

3. Ellipsis – May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang


maiitindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makakatulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawawalang salita.
Halimbawa:
Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang pasko,
pinupuno ko ito ng pailaw,

4. Pang-ugnay – Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at, dahil, ngunit, kaya,
sapagkat, subalit, sa halip at marami pang iba sa pag-uugnay ng sugnay na
sugnay, parirala at pangungusap sa pangungusap. Sapamamagitan nito ay higit
na nauunawaan ng mambabasa o taga pakinig ang relasyon sa pgitan ng mga
pinag-ugnay.

5. Kohesiyong Leksikal – Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang


magkaroon ito ng kohesyon. Maari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at
kolokasyon.
a. Reiterasyon – Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.
Maari itong mauri sa tatlo.
1. Pag-uulit o repetisyon

Sa aking paglalakbay sa ibabaw ng mundong mapanlinlang,


sinubukan kong hanapin ang aking matagal nang inaasam-asam, ang
ligaya sa buhay. Medyo malayo-layo na rin ang aking nalakbay sa
paghahanap ng tunay na ligaya. Sa dami dami ba naming nangyari sa
king buhay, nais ko lamang maramdaman ang ligayang inaasam-asam
ng karamihan. Ngunit saan ko bai to hahanapin?

8
Halaw sa Salamat, tunay na ligaya ni Arner Viscara
(paulit ulit na ginamit ang salitang ligaya sa teksto upang ito’y bigyang diin.)

2. Pag-iisa-isa

Namumutla, nangangatog ang buong katawan at nanginginig ang


boses, si Pak Idyo ay walang iniwan sa isang taong inaatake ng malaria. Ang
totoo’y may sakit nga siyang talaga. Parang nakasabit na lang ang tagpi-tagpi
at maruming damit sa napakanipis niyang katawan at nakalubog sa humpak
niyang mga pisyi ang kanyang namumula at nagluluhang mata.
Halaw mula sa “Takipsilim sa Dyakarta” Ni Mochatar Lubis
(salin ni Aurora E. Batnag)

(Makikita sa teksto mula sa takipsilim kung paano inilarawan ang kalagayan


ni Pak Idyo sa pamamagitan ng pag-iisa-isa ng kalagayan ng kanyang
kalusugan.)

3. Pagbibigay-kahulugan

Sa makabagong panahon natin ngayon at sa bumibilis na


teknolihiya, lalo ring lumaganap ang cyberbullying. Ang pambu-bully sa
kapwa gamit ang makabagong teknolohiya katulad ng pagpapadala ng
mensahe ng pananakot o pagbabanta sa text o email, pagpapakalat ng
nakasisirang larawan at video sa social media at maging ang pagpo-post ng
nakasisira at walang basehang komento na nagbubunga ng pagkapahiya,
pagkatakot o kawalan ng kapayapaan ng nagiging biktima.
(Tinukoy sa unang pangungusap ang cyberbullying at ipinaliwanag naman sa
ikalawang pangungusap kung ano ito.)

b. Kolokasyon – Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may


kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaring magkapreha o maari ding magkasalungat.
Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
 nanay- tatay, ate-kuya, lalaki-babae, mayaman-mahirap
 puti- itim, mabait-masama, masaya- malungkot
(Sa unang mga halimbawa, ipinakikita rito na kapag nabanggit ang
nanay, naiisip din natin ang katimbang nito na tatay, o kaya naman
kapag nababanggit ang lalaki kasunod nito ang mga babae. Sa ikalawang
halimbawa naman, makikita natin ang mga salitang ang mga kapareha
ay ang mga kasalungat nito.)

9
Tayo’y Magsanay
Gawain 1: DAPAT ALAM MO!
Panuto: Tukuyin ang sumusunod kung anong uri ng cohesive device ang
inilalarawan ng pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot
at isulat ito sa iyong sagutang papel.
A. REPERENSIYA D. PANG-UGNAY

B. SUBSTITUSYON E. KOHESYONG LEKSIKAL


C. ELLIPSIS F. KOLOKASYON
________1. May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang
maiitindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap
dahil makakatulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais
ipahiwatig ng nawawalang salita.
________2. Paggamit ng iba’t ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang
salita.
________3. Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan
sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaring
magkapreha o maari ding magkasalungat.
________4. Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at kolokasyon.
________5. Ito ay ang paggamit ng mga salitang maaring tumukoy o maging reperesiya
ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.

Gawain 2: SURI-BASA
Panuto: Basahin unawaing mabuti ang bawat bahagi ng pangungusap, suriin at
tukuyin kung anong uri ng cohesive device ang ginamit (anapora, katapora,
ellipsis, subsitusyon, kohesyong leksikal). Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
________1. Sapul nang pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Kiko ay
nakadama siya ng kakaibang pintig sa kanyang puso. Ibig rin niyang
magkaroon nito balang-araw. Isang pangarap na naiguhit sa isipan ng
munting batang si Isko.
________2. Hindi na magagamit pa ang iyong naputol na tsinelas. Bumili ka na ng bago.
________3. Nakahuli ng tatlong baboy damo si Tasyo sa kanilang pangangaso sa gubat
at si dalawa naman ang kay Paulo.
________4. Parrot ang hayop na nais kong alagaan. Bukod sa magaganda na ang mga
kulay ay tunay na mahaba pa ang kanilang buhay kaysa sa mga pusa at
aso.
________5. Ang buhay ng tao sa mundo ay sadyang maikli lamang kaya dapat
pinaghahandaan din pati ang kamatayan.

10
Ating Pagyamanin

Malayang Gawain 1: IBAHAGI MO


Panuto: Sumulat ng isang tekstong naratibo na may paksang “Ang Aking Buhay sa
Gitna ng Pandemya” gamit ang mga cohesive device na anapora, katapora,
subsititusyon, ellipsis at kolokasyon. Isulat ang iyong sagot sa iyong papel. (10 puntos)
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_____________.
Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor
10 Nakapagsulat ng isang mahusay na tekstong naratibo gamit ang mga kohesive device.
8 Nakapagsulat ng isang tekstong naratibo ngunit hindi lahat ng kohesive device ay
nagamit.
6 Dalawang cohesive device lamang ang nagamit sa tekstong naratibo na isinulat.
4 Isang cohesive device lamang ang nagamit sa tekstong naratibo na isinulat.
2 Nangangailangan ng pag-ulad.

Malayang Gawain 2: MAGBAHAGI KA PA


Panuto: Sumulat ng isang tekstong importibo gamit ang cohesive device na
kohesyong leksikal. Isulat ang iyong sagot sa iyong papel.

_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor


10 Nakapagsulat ng isang tekstong impormatibo gamit ang mga kohesive device.
8 Nakapagsulat ng isang tekstong impormatibo ngunit hindi lahat ng kohesive device
ay nagamit.
6 Dalawang cohesive device lamang ang nagamit sa tekstong impormatibo na
isinulat.
4 Isang cohesive device lamang ang nagamit sa tekstong impormatibo na isinulat.
2 Nangangailangan ng pag-ulad.

11
Ang Aking Natutuhan
DUGTUNGAN MO
Panuto: Isulat ang mga natutunan mo sa kabuuan ng araling tinalakay. Dugtungan
ang nasimulang mga pahayag.

Natutuhan ko sa araling ito na _______________________________________________


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor
Puntos Krayterya
5 Naibahagi nang malinaw at maayos ang natutuhan.
4 Bahagyang naibahagi nang malinaw at maayos ang natutuhan.
3 Naibahagi ang natutuhan.
2 Naibahagi ang natutuhan ngunit walang kaugnayan sa paksa.
1 Sumulat ngunit hindi natapos.

Ating Tayahin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng cohesive device ang ginamit sa teksto. Piliin
ang tamang sagot at ilagay sa iyong sagutang papel.

1. Maraming bata ang naabuso sa kasalukuyan dahil sa pandemya. Ang mga bata
ay pinagtatrabaho nang maaga upang makatulong sa magulang dahil na rin sa
kahirapan.
A. Reperensiya B. ellipsis C. kohesyong leksikal D. kolokasyon

2. Dalaginding na si Ineng. Siya ay pinamimitakan na ng araw dahil sa kanyang


katamtamang edad na lubos na kinagigiliwan ng kanyang mga tagahanga.
A. Reperensiya B. ellipsis C. kohesyong leksikal D. kolokasyon

12
3. Walang halaga ang kagandahan ng isang tao kung ang kanyang kalooban ay
napupuno ng karumihan.
A. reperensiya B. ellipsis C. kohesyong leksikal D. kolokasyon

4. Ang bawat pagngiti niya ay may katumbas na nakabibinging tili sa aking


kalooban. Sino ba naman ang di-mahahalina sa kanyang nangingislap at
nangungusap na mga mata. “Oh crush! Kailan mo kaya ako makita? “
A. reperensiya B. ellipsis C. kohesyong leksikal D. kolokasyon

5. Limang beses akong humingi ng kanin sa Mang Inasal at kay Waldo ay tatlo.
A. reperensiya B. ellipsis C. kohesyong leksikal D. kolokasyon

6. Paggamit ng iba’t ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
A. substitusyon B. pag-uulit C. pagbibigay-kahulugan D. pag-iisa-isa

7. Labis ang kasiyahang naidudulot sa magulang ng mga anak na marunong


sumunod sa payo, masipag, mabait, magalang, matulungin sa kapwa at higit sa
lahat ay may takot sa Diyos.
A. substitusyon B. pag-uulit C. pagbibigay-kahulugan D. pag-iisa-isa

8. Marami akong natutunang aral ngayong tayo ay dumaranas ng pagsubok. Mga


aral na kung saan ay nakapagbago ng pananaw ko sa buhay. Mga aral na
hinding hindi ko malilimutan.
A. substitusyon B. pag-uulit C. pagbibigay-kahulugan D. pag-iisa-isa

9. Marupok at inaanay na ang kawayang lames ana ginagamit ni Pilo sa kanyang


pag-aaral. Kilangan na niya ng bago.
A. substitusyon B. pag-uulit C. pagbibigay-kahulugan D. pag-iisa-isa

10. Si Lito ay naniningalang pugad kay Rina. Limang taon na ang kangyang
panliligaw subalit hindi pa rin siya sinasagot.
A. substitusyon B. pag-uulit C. pagbibigay-kahulugan D. pag-iisa-isa

B. Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag gamit ang angkop na


cohesive device na hinihingi ng bawat bilang.

1. Mahalagang sumunod tayo sa mga batas na itinakda ng IATF ngayong may


pandemya. ____________________________________________________ (reperensiya)
2. Mahirap pagkatiwalaan ang kaibigang mapaglubid ng buhangin.
_____________________________________________________________ (pagbibigay
kahulugan)
3. Lubos kong iniidulo ang aking ina.
________________________________________________ (pag-iisa-isa)
4. Maraming itinumbang puno ang bagyong odet sa aming bayan.
______________________________________________ (substitusyon)
5. Karamihan raw ng mga kabataan ay hindi sumusunod sa patakarang social
distancing ____________________________________________ (ellipsis)

13
Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor
Tama Nakagawa ng pangungusap gamit ang hinihinging cohesive device ng
hinihingi nang numero ng hindi nalalayo sa paksa.
Mali Nakapagsulat ng pangungusap gamit ang cohesive device na hinihingi ng
numero subalit malayo sa paksa o kaya’y walang naisulat na
pangungusap.

14
15
ANG AKING NATUTUNAN
Gamitin ang rubrik na
ibinigay sa modyuk para sa
pagbibigay ng iskor.
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA A.
1. C 6. A
2. A 7. D
3. D 8. B
4. A 9. A
5. B 10. C
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA A.
Gamitin ang rubrik na
ibinigay sa modyuk para sa
pagbibigay ng iskor. SUBUKIN A
1. ellipsis
2. sugnay
3. reperinsiya
PAGYAMANIN TAYO’Y MAGSANAY 4. kolokasyon
5. substitusyon
GAWAIN 1: A. DAPAT ALAM
IBAHAGI MO MO! SUBUKIN B
Gamitin ang rubrik 1. ellipsis
1. pag-uulit
na ibinigay sa 2. substitusyon
modyuk para sa 3. kolokasyon 2. pag-ugnay
3. anapora
pagbibigay ng iskor. 4. kohesyong
4. kolokasyon
leksikal
5. substitusyon
GAWAIN 2: 5. reperensiya
MAGBAHAGI KA PA B. SURI BASA 6. katapora
Gamitin ang rubrik 1. katapora 7. pag-iisa-isa
8. pagbibigay
na ibinigay sa 2. substitusyon
kahulugan
modyuk para sa 3. ellipsis
9. ellipsis
pagbibigay ng iskor. 4. anapora
5. kolokasyon 10. katapora
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian

Reyes, Alvin Ringgo C. Komunikayon at Pananaliksik sa WIKA AT KULTURANG


PILIPNO. Makati City, Philippines: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016.

Dayag, Alma M. et.al. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik.Phoenix Publishing House.Inc. Lungsod ng Quezon

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone No. (048) 434-0099

16

You might also like