Q3 Las Esp M3 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 48

Department of Education

Region III
Division of Bulacan
District of San Rafael East
PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER
Learning Activity Sheet (LAS)
ESP 3 - Modyul 3

Pangalan: _____________________________ Iskor: _______________


Pangkat/Baitang: _______________________ Petsa: _______________

Talakayan:
Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran
Ang kalinisan at kaayusan ng ating pamayanan ay lumilikha ng isang magandang tanawin at
nagpapakita ng ligtas na lipunan. Bawat isa sa atin ay dapat maging responsable at pairalin
ang disiplina sa kalikasan upang makamit natin ang kaaya-ayang tirahan at bayan.
Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), ang lahat ng mamamayan ay dapat
na katuwang sa paggawa ng solusyon sa mga problemang may kinalaman sa ating
kapaligiran. Mapalad ang ating barangay sa tulong ng ating pamahalaan sapagkat may
katuwang tayo sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ating lugar.
Ang paghihiwalay ng mga nabubulok at hindi nabubulok na basura at ang tamang paraan ng
pagtatapon nito ay palagian nating ipinaaalala sa ating mga kabarangay. Ang waste
management o tamang pamamahala ng mga basura ay dapat isagawa ng bawat mamamayang
tulad mo na may malasakit sa ating kapaligiran. Ang pakikiisa sa iba’t ibang programang
pampaaralan na tumutukoy sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ay isang paraan ng
pagmamalasakit sa ating pamayanan at lipunang ginagalawan. Ayon sa Kagawaran ng
Kalusugan, ang kalinisan sa loob at labas ng tahanan ay nakasalalay sa ating pag-iisip at
disiplina. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamilya sa pagpapanatili at
pangangalaga sa kalusugan ng bawat kasapi nito. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng
pagkakaisa at pagtutulungan sa mga gawaing pangkalinisan at pangkalusugan sa tahanan. Sa
pagiging malinis ng tahanan kasama nito ang pansariling kalinisan at kalusugan ng katawan,
isipan, at damdamin ng bawat kasapi. Pinagtutulungan rin ang maayos na pangangasiwa sa
kapaligiran tulad ng simpleng halimbawa nang maayos at maingat na pagtatapon ng basura.
Ang pagkakaroon ng disiplina ng lahat ng miyembro ng mag-anak para sa kalinisan ng
tahanan ay mayroong malaking epekto sa buong pamayanan at umaabot sa iba pang
pamayanan. Inaasahang maisasabuhay ng bawat mag-anak ang katangiang ito para sa
ikabubuti ng lahat.
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
District of San Rafael East
PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER
Learning Activity Sheet (LAS)
ESP 3 - Modyul 4
Pangalan: _____________________________ Iskor: _______________
Pangkat/Baitang: _______________________ Petsa: _______________
Talakayan:
Sumunod sa Batas Trapiko
ni: Mherrien K M. Mariano
Isang hapon, pauwi na mula sa paaralan ang magkapatid na Ryan at Monica, ngunit kailangan
nilang tumawid upang makasakay ng dyip. “Kuya Ryan, halika na tumawid na tayo habang
wala pang dumaraan na sasakyan”, yaya ni Monica. “Pero Monica, hindi tayo dapat
tumatawid kahit saan. Sa pedestrian lane ang tamang tawiran”, sagot ni Ryan. Matapos
tumawid ang magkapatid sa pedestrian lane, biglang pumara ng dyip si Monica.
“Naku Monica, hindi tayo pwedeng sumakay ng dyip dito. Halika, doon ang
tamang sakayan at babaan”, paliwanag ni Ryan sa kapatid. “Pero Kuya Ryan,
bakit kailangan pa nating sumunod sa batas trapiko?”, tanong ni Monica.
“Dapat tayong sumunod sa mga batas trapiko upang maging maayos ang ating
pamayanan at maiwasan ang aksidente”, muling paliwanag ni Ryan sa
nakababatang kapatid.

Tanong:

1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?

_____________________________________________________________

2. Saan sasakay sina Monica at Ryan?

_____________________________________________________________

3. Bakit pinagsabihan si Monica ng kaniyang kuya Ryan?

_____________________________________________________________

4. Tama ba ang ginawa ni Ryan? Bakit?

_____________________________________________________________

5. Bakit mahalaga na sumunod tayo sa batas trapiko?

_____________________________________________________________
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
District of San Rafael East
PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER
Learning Activity Sheet (LAS)
FILIPINO 3 - Modyul 3

Pangalan: _____________________________ Iskor: _______________


Pangkat/Baitang: _______________________ Petsa: _______________
Talakayan:

Pagpapahayag ang Sariling Opinyon o Reaksyon sa Napakinggang Isyu


ISYU
Mga usapin, argumento, o paksa na kailangang pagtuunan ng pansin upang maresolba o
masolusyunan ang isang pangyayari. Tumutukoy rin ito sa mga pangyayaring nagaganap
ngayon na halos ay pinaguusapan na ng lahat o ng nakararami.

OPINYON
Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw, o saloobin tungkol sa isang salita, isyu, o usapan.
Ito ay ang mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito
sa magkakaibang pinagmulan ng impormasyon. Ginagamitan ito ng mga salitang: sa aking
palagay, sa nakikita ko, para sa akin, sa ganang akin, at iba pa.

REAKSYON
Damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa, o pagkadismaya sa isang
balita, isyu o usapan.

Pang-isahang Pagsusulit 1
Panuto: Ibigay ang sariling reaksyon sa isyu.

Isyu: Pagbubukas ng ilang mga pasyalan sa panahon ng pandemya.

Opinyon:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pang-isahang Gawain 2
Panuto: Magbigay ng opinyon sa isyu.
Isyu: Paglabas ng mga matatanda na nasa edad 60 pataas kahit na ipinagbabawal.

Opinyon:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
District of San Rafael East
PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER
Learning Activity Sheet (LAS)
FILIPINO 3 - Modyul 4

Pangalan: _____________________________ Iskor: _______________


Pangkat/Baitang: _______________________ Petsa: _______________
Talakayan:

Pagsasabi ng Paksa o Tema at Pagbibigay ng mga Sumusuportang Kaisipan


sa Pangunahing Kaisipan ng Teksto, Kwento o Sanaysay na Binasa

Si Maria
Ni: Ma. Micah Ranzl V. Gacusan
Si Maria ay palaging maagang pumapasok sa paaralan. Nais kasi niyang magbasa ng kanilang
mga aralin bago dumating ang kanilang guro. Sa oras ng klase, palagi siyang sumasagot
kapag may tanong ang kanilang guro. Pagdating naman ng bahay, ginagawa muna niya ang
kaniyang mga takdang – aralin bago maglaro o manood ng telebisyon. Ito ang dahilan kung
bakit matataas ang nakukuhang marka ni Maria.

Basahin at Unawain:
Ang paksa ng isang kwento ay tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan o nilalaman nito. Dito
umiikot ang kwento. Dito rin nabubuo ang kaisipan ng mga mambabasa. Ito ay sumasagot sa
tanong na sino o ano ang pinag-uusapan sa teksto, kwento o sanaysay.
Ang pangunahing kaisipan o ideya ay nagsasaad ng pinakamahalagang kaisipan ng teksto o
kwentong binasa. Karaniwang matatagpuan ito sa unahan, gitna o dulo ng isang talata o
kwento. Madali nating matutukoy ang pangunahing ideya ng isang teksto o kwento kung
naunawaan natin ang ating binasa.
Ang pantulong o suportang kaisipan, ideya o detalye ay tumutukoy sa mga pangungusap na
sumusuporta sa pangunahing kaisipan na inilalahad sa talata o kwento. Nagbibigay ang mga
ito ng tiyak na detalye na nagpapalawak sa pangunahing ideya
Basahing muli at unawain ang maikling kwento.
Nasagutan mo ba ang mga tanong sa maikling kwento na iyong binasa? Tignan natin kung
tama ang iyong mga sagot.
1. Ano ang paksa ng maikling kwento na iyong binasa?
SAGOT: Ang kwento na iyong binasa ay tungkol kay Maria. Kung kaya’t ang paksa nito ay
“si Maria”.
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

SAGOT: Ang pangunahing tauhan sa kwento ay “si Maria”.


3. Ano ang pangunahing kaisipan o ideya ng kwento?

SAGOT: Ang pangunahing kaisipan ng kwento na iyong binasa ay ang “mga dahilan kung
bakit matataas ang mga marka na nakukuha ni Maria”.
4. Alin sa mga sumusunod ang pantulong na kaisipan o ideya na nakapaloob sa kwento?

SAGOT: Isa sa mga pangungusap na sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng kwento ay


“Sa oras ng klase, palagi siyang sumasagot kapag may tanong ang kanilang guro”.
1. Ano ang paksa ng talata?
A. bata B. likas na yaman C. mga puno

2. Ano ang pangunahing kaisipan ng talata?


A. Ang mga puno ay likas na yaman.
B. Ang mga puno ay nagbibigay ng maraming benepisyo.
C. Ang mga puno ay nagbibigay lilim sa tao.

3. Alin sa mga sumusunod ang pansuportang kaisipan sa


pangunahing kaisipan ng talata?
A. Ang mga ugat naman nito ang siyang makatutulong upang tayo ay makaiwas sa
malalaking pagbaha.
B. Maaaring magtanim ng puno sa likodbahay
C. May mga masamang epekto ang pagputol sa mga puno.

Pagtataya 1
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat talata. Isulat ang letra ng pangunahing
kaisipan at mga sumusuportang kaisipan sa iyong sagutang papel.
1. (a) Nakatutulong nang malaki ang pag – inom ng sapat na tubig araw-araw. (b) Kailangan
nating uminom ng walong basong tubig o higit pa araw–araw upang mapanatili nating normal
ang lebel ng tubig sa ating katawan. (c) Makaiiwas din tayo sa mga sakit kung palagian
tayong iinom ng tubig. (d) Makatutulong din ito upang maging maayos ang ating
metabolismo. (e) Makapagpapabuti ang pag–inom ng tubig sa daloy at sirkulasyon ng dugo
sa ating katawan.
Pangunahing Kaisipan: __________________________________________________
Pansuportang Kaisipan: __________________________________________________

2. (a) Ang pag–aalaga ng ibon ay mainam na libangan. (b) Nakatutuwang pakinggan ang
kanilang mga huni. (c) Nakaaaliw ding pagmasdan ang kanilang paglipad. (d) Kaysarap
haplusin ng kanilang mga balahibo. (e) Nakawiwili din pakinggan ang mga ibon na
nagsasalita kagaya ng loro.
Pangunahing Kaisipan: ___________________________________________________
Pansuportang Kaisipan: ___________________________________________________

3. (a) Maraming uri ng halaman. (b) May mga halamang maliit lamang. (c) Mayroon ding
malalaki at matataas gaya ng niyog at kawayan. (d) May mga halaman na mabilis lumaki. (e)
Mayroon ding mga halaman na ilang taon ang lumilipas bago tuluyang tumaas.
Pangunahing Kaisipan: ____________________________________________________
Pansuportang Kaisipan: ___________________________________________________

4. (a) Ang mag–anak ay nagsisimba nang sama–sama. (b) Bago kumain ay nagdarasal din sila
upang magpasalamat sa biyayang pagkain. (c) Pagkagising sa umaga ay hindi rin nila
kinalilimutan na magpasalamat sa bagong buhay. (d) Bago matulog ay hindi rin nakalilimot
na magdasal upang magpasalamat sa kaligtasan at buhay. (e) Likas talagang madasalin ang
mga Filipino.
Pangunahing Kaisipan: ____________________________________________________
Pansuportang Kaisipan: ___________________________________________________

5. (a) Maraming uri ng kamay. (b) May mga kamay na makinis at mayroon ding magaspang.
(c) May kamay ng bata, dalaga, binata at matanda. (d) May mga kamay na mapag–aruga gaya
ng kamay ng ating mga magulang. (e) May mga kamay ng kaibigan na humahaplos sa atin sa
tuwing tayo ay may problema.
Pangunahing Kaisipan: ____________________________________________________
Pansuportang Kaisipan: ___________________________________________________
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
District of San Rafael East
PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER
Learning Activity Sheet (LAS)
MTB 3 - Modyul 3

Pangalan: _____________________________ Iskor: _______________


Pangkat/Baitang: _______________________ Petsa: _______________
Talakayan:

Interpretahin: Pictograph

Ang Pictograph ay isang uri ng graph na gumagamit ng larawan


upang ipakita ang mga datos o impormasyong nakolekta o nakuha.
Bahagi ng Pictograph
1. Pamagat- tumutukoy sa pinaka paksa ng graph.
2. Kategorya- tumutukoy sa tiyak na uri ng datos.
3. Legend- Nagbibigay katumbas o bilang sa simbolong ginamit
4. Simbolo- Tumutukoy sa larawan na ginamit upang ipakita ang
mga datos.
Halimbawa:
Tanong:
1. Ano ang Pictograph?
a. uri ng graph na gumagamit ng bar
b. uri ng graph na gumagamit ng larawan
c. uri ng graph na gumagamit ng linya o line

2. Ano-ano ang bahagi ng Pictograph?


a. kategorya,legend
b. kategorya,legend,pamagat
c. kategorya, legend,pamagat, simbolo

3. Ano kahalagahan ng legend?


a. naibibigay ang katumbas o bilang ng simbolong ginamit
b. naibibigay ang kahulugan ng larawan o simbolong ginamit
c. naibibigay ang lahat ng impormasyon na kailangan upang
masagot ang graph

4. Tumutukoy sa larawan na ginamit upang ipakita ang mga


datos.
a. kategorya
b. legend
c. simbolo

5. Ano ang ipinakikita ng isang Pictograph?


a. bar
b. larawan
c. linya
Tanong:
1. Ano ang pamagat ng graph?
a. Paboritong Online Games ng mga bata
b. Paboritong Online Games ng mga kabataan
c. Paboritong Online Games ng mga Matatanda
2. Anong uri ng graph ang ipinakikita?
a. Bar Graph
b. Line Graph
c. Pictograph

3. Anong simbolo ang ginamit upang maipakita ang mga


datos?
a. Pusa
b. Puso
c. Puno

4. Anong online game ang pinaka gusto ng mga bata?


a. Dota
b. Counter– Strike
c. League of Legends

5. Anong online game ang hindi masyadong gusto ng mga


bata?
a. Counter– Strike
b. Dota
c. Pac-Man Doodle
.
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
District of San Rafael East
PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER
Learning Activity Sheet (LAS)
MTB 3 - Modyul 4

Pangalan: _____________________________ Iskor: _______________


Pangkat/Baitang: _______________________ Petsa: _______________
Talakayan:
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
District of San Rafael East
PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER
Learning Activity Sheet (LAS)
Mathematics 3 - Modyul 3

Pangalan: _____________________________ Iskor: _______________


Pangkat/Baitang: _______________________ Petsa: _______________
Talakayan:

“Si Mico, Ang Batang Bibo”


Si Mico ay walong taong gulang pa lamang, subalit lagi na siyang tumutulong sa kanyang
nanay sa pagluluto ng biko. Ang mga nailuluto nilang biko ay itinitinda nila sa Palengke. Ang
pagtitinda ng kakanin ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.
Nabago ang kanilang pamumuhay dahil sa pandemya. Humina ang benta dahil kakaunti na
lamang ang mga namimili. Dahil si Mico ay batang bibo, agad siyang nakaisip ng paraan
upang makatulong sa paglalako ng kanilang mga kakanin. Naiisip niya na i-post sa social
media ang picture ng masarap nilang biko. Naging mabenta ang mga ito.
Ang kaklase niyang si Elmo ay nag-order ng 12 na hurno ng biko, sina Maris at Rona naman
ay tig 14 na hurno samantalang si Roy ay 18 naman. Laking pasasalamat ng mga magulang
niya dahil binigyan sila ng Diyos ng anak na mabait at bibo. Hindi naging hadlang ang
pandemya sa patuloy nilang pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
District of San Rafael East
PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER
Learning Activity Sheet (LAS)
Mathematics 3 - Modyul 4

Pangalan: _____________________________ Iskor: _______________


Pangkat/Baitang: _______________________ Petsa: _______________
Talakayan:

Basahin ang sitwasyon.


Si nanay at tatay ay madalas umaalis ng bahay. Ito ay dahil
namimili sila ng mga sariwang gulay upang itinda sa aming
barangay. Kami lang ng aking ate ang naiiwan sa aming bahay.
Isang araw sa halip na gulay ang kanilang dala sa
kanilang pag-uwi, dalawang kahon ang kanilang bitbit at sa
amin ay nakangiti. “Halikayo mga anak at mayroon kaming
masarap na pasalubong sa inyo” ang sabi ni nanay. Dali-dali
kaming lumapit at masayang binuksan ang kahon. Laking tuwa
namin ng makitang pizza pala ang sa amin ay pasalubong.
Sabay kaming kumain ng aking ate at makalipas ang ilang
minuto ng aming pagkain. Napansin ko na marami pa rin ang
laman ng kahon ng aking ate. Ngunit ang sabi naman niya ay
parehas lang kami ng kinain at napangalahati namin ang laman
nito. Sa iyong palagay tama ba ang ate ko?
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
District of San Rafael East
PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER
Learning Activity Sheet (LAS)
Araling Panlipunan 3 - Modyul 3

Pangalan: _____________________________ Iskor: _______________


Pangkat/Baitang: _______________________ Petsa: _______________
Talakayan:

Pagkakakilanlang Kultural ng Kinabibilangang Rehiyon


Ang ating rehiyon ay mayaman sa kultura, ating kilalanin ang ilan sa mga ito na matatagpuan
sa mga lalawigan nito.
 Aurora
Ang Aurora ay dating bahagi ng Lalawigan ng Quezon at naging ganap na lalawigan batay sa
Batas Pambansa blg. 7 noong Agosto 1979, sa ilalim ni Pang. Ferdinand E. Marcos. Baler
ang naging kabisera nito.
Ang Lalawigan ng Aurora ay hango sa pangalan ng maybahay ni Pang. Manuel L. Quezon na
si Aurora Aragon Quezon. Kaya ang Araw ng Aurora ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero 19
ng bawat taon bilang pagdaraos ng araw ng pagkakatatag nito at araw din ng kanyang
kapanganakan. Tagalog at Ilokano ang karamihang naninirahan dito.
Ipinagdiriwang sa bayan ng Casiguran ang Sinabengan Festival. Ang salitang “sinabengan”
ay nangangahulugan ng mga pagkaing nakukuha sa dagat. Ang labanan ng indakan sa kalye
ay nagpapakita kung gaano kayaman ang bayang ito sa mga pagkaing dagat. Sa bayan ng San
Luis ay ipinagdiriwang naman ang Sabutan Festival tuwing Agosto 22-25. Itinatampok dito
ang kahalagahan ng pagtatanim ng halamang sabutan na ginagamit upang makagawa ng iba’t
ibang produkto
tulad ng sombrero, pamaypay, placemats, pitaka at katutubong kasuotan. Nagkakaroon din ng
tagisan sa pagpapakita ng iba’t ibang katutubong gawain tulad ng sayaw, awit, at eksibit na
nagpapayaman ng ating kultura.
 Bataan
Ang Bataan ay isang lalawigang napaliligiran ng katubigan sa kanlurang bahagi nito ngunit
may matataas ding anyong lupa. Karamihan sa mga popular na tabing dagat (beach) ay
matatagpuan sa lalawigang ito. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay dito.
Tagalog at Kapampangan ang wika rito.
Ilan sa mga kilalang produktong mula sa Bataan ay mga kakanin, produktong dagat gaya ng
tuyo, tinapa, bagoong, daing, patis at tinapay na uraro. Sikat din ang lalawigang ito pagdating
sa mga gawaing-kamay (handicrafts).
Isang pagdiriwang sa Bataan na binibigyang halaga ang napapanahong pangingitlog at
pagprotekta sa mga nauubos nang mga pawikan. Ito ay ang Pawikan Festival na
ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 22-25 sa Morong Bataan. Iba’t ibang gawain ang
isinasagawa sa mga araw na ito, art eksibit, parada ng iba’t ibang produktong dagat at
pagsasaksi sa pagpapakawala sa dagat sa mga napisang pawikan.
 Bulacan
Ang Bulacan ay kilala bilang tahanan ng magigiting na bayani at alagad ng sining, isang
makasaysayang lalawigang tanyag sa mayamang kultura at kalinangan.
Patunay ay ang makasaysayang Simbahan ng Barasoain na isa sa pinakamahalagang
gusaling panrelihiyon sa Pilipinas at tinaguriang Duyan ng Demokrasya sa Silangan.
Idineklara ito bilang pambansang dambana. Dito rin unang naganap ang pagpupulong ng
Unang Kongreso at pagbalangkas sa unang Saligang Batas.
Dahil sa lokasyon nito, mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan at mga industriya. Pangunahing
pinagkakakitaan pa rin sa lalawigan ang pagsasaka, pangingisda, at mga gawaing-kamay
bagamat maraming korporasyon at uri ng kalakalan ang magtatagpuan dito.
Kilala rin ang lalawigan sa paggawa ng mga malikhaing gawang-kamay tulad ng alahas,
buntal na sombrero, gamit na yari sa balat ng hayop, kasangkapang yari sa kahoy, burdang
kasuotan at paggawa ng paputok at pailaw. Ilan naman sa mga produktong pagkain na kilala
sa Bulacan ay ang ensaymada, pastilyas, minasa, chicharon at kakanin.
Sikat na pagdiriwang sa Bulacan ang Singkaban Festival, isang makulay at natatanging
pagdiriwang na nagsisimula
tuwing Setyembre 8 hanggang Setyembre 15. Iba’t ibang gawain at pagtatanghal tungkol sa
sining at kalinangan ng Bulacan ang matutunghayan sa pagdiriwang tulad ng balagtasan,
indakan sa kalye, awiting kundiman, at eksibit ng mga sikat na lutuin. Nagbibigay din ng
gawad pagkilala sa mga Dangal ng Liping Bulacan ang pamahalaang panlalawigan.
 Nueva Ecija
Ang Nueva Ecija ay ang pinakamalawak na lalawigan sa Rehiyon III. Ito rin ang
nangungunang prodyuser ng bigas sa Gitnang Luzon.
Tagalog, Ilokano at Kapampangan ang wikang gamit ng mga Novo Ecijano. Hindi rin
pahuhuli ang lalawigang ito sa masasarap na pagkain gaya ng longganisa o batutoy sa kanila,
sorbetes at mga kakanin.
Isa sa kilalang pagdiriwang sa Nueva Ecija ay ang “Pandawan Festival” na ginaganap
tuwing huling linggo ng Abril sa bayan ng Pantabangan. Ito ay mula sa salitang “pandaw” na
nangangahulugang kasaganaan sa paghuli ng mga isda at ibang lamang tubig. Isa sa
pinakamahalagang kaganapan ng pagdiriwang kung saan ipinakikita ang maganda nitong
tanawin , ang Pantabangan Dam, ang siyang dahilan kaya ito dinarayo. May mga
pagtatanghal ding isinasagawa sa pagdiriwang na ito, gaya ng eksibit ng mga produktong
lokal, gawaing sining at kultura, may indakan sa kalye, bangkarera, paligsahan sa pagluluto at
katutubong palaro. Sa pagdiriwang na ito nasasalamin ang pagpapahalaga sa ating kultura.
Pandawan Festival
 Pampanga
Ang Pampanga ay kilala sa kanilang katapangan dahil sa pakikiisa sa paglaban sa mga
dayuhan. Patunay nito ay ang pagiging kabilang sa walong sinag ng araw na makikita sa
watawat ng Pilipinas. Gayonpaman, isa pa rin ang lalawigang ito sa may pinakamayamang
kultura sa rehiyon. Makikita ito sa mga pagdiriwang at produktong tampok sa bawat bayan.
Nakilala ang mga Kapampangan sa pagiging malikhain. Gumagawa sila ng iba’t ibang hugis,
disenyo at makulay na parol sa mga okasyon tulad ng Pasko. Patunay nito ay ang
pagdiriwang nila ng Ligligan Parul tuwing Disyembre. Pinaiilawan at ipinakikita nito ang
mga higanteng parol na gawa ng iba’t ibang barangay sa Lungsod ng San Fernando.
Sinasabi ring ang lutong Kapampangan ang pinakasikat sa mga lutuing Pilipino. Kaya naman
ang Pampanga ang tinaguriang Sentrong Kulinari ng Pilipinas. Ang isa sa mga pagkaing
kilala rito ay ang sisig, kung saan ipinagdiriwang sa Lungsod ng Angeles ang Sisig Festival.
Ilan pa sa mga pagkaing tampok sa lalawigan ay ang batute tugak (stuffed frogs), bringhe,
taba ng talangka at camaru (mole crickets). Kilala rin ito sa paggawa ng masarap na
longganisa, tocino at tsokolate batirol.
Ang mga Kapampangan lalo na ang mga taga Betis ay kilala naman sa husay sa pag-uukit ng
mga kasangkapang gawa sa kahoy tulad ng mesa, pinto, at upuan.
 Tarlac
Ang Tarlac ay isa ring malawak na kapatagang matatagpuan sa Rehiyon III. Pagsasaka ang
pangunahing hanapbuhay dito. Tubo at palay naman ang pangunahing produkto rito. Sa
lalawigang ito matatagpuan ang malalaking industriya ng asukal.
Isa sa ipinagmamalaking pagdiriwang ng mga taga Tarlac tuwing Enero ay ang Malatarlak
Festival o mas kilala ngayon bilang Melting Pot Festival. Ang salitang Malatarlak ay
nagmula sa isang uri ng damo na tumubo sa lalawigan kung saan nagmula ang salitang
Tarlac. Ang pagdiriwang na ito na ginaganap sa Lungsod ng Tarlac bilang paggunita sa mga
sinaunang tao na nagtatag ng sibilisasyon sa lalawigan- ang mga Aeta. 11
Kinatatampukan ito ng iba’t ibang gawain gaya ng pagpapakitang gilas ng pagsayaw sa saliw
ng tradisyonal na tugtugin, eksibit ng mga pagkaing kilala sa lalawigan gaya ng kakanin,
puto, Tarlac-longganisa, mga pagkaing gawa mula sa sangkap na tubo, mais, at mangga.
Makikita rin sa pagtatanghal ang mga produktong yari mula sa tubo, kawayan at talahib.
Tunay na makikilala ang lalawigan dahil sa kanilang kultura.
 Zambales
Bagamat ang malaking bahagi ng Zambales ay napaliligiran ng anyong tubig. Ito naman ang
itinuturing na pangalawa sa pinakamalawak na lalawigan sa Gitnang Luzon.
Dahil sa lawak nito, nakilala ang lalawigan sa mga tanim nitong pinakamatamis na bunga ng
mangga. Kaya isa sa pinakatanyag na pagdiriwang dito tuwing Marso o Abril ay ang Mango
Festival o Dinamulag Festival (isang uri ng manggang kalabaw). Kinilala ng Guiness Book
of World Records noong 1995 ang mangga ng Zambales bilang pinakamatamis na mangga sa
buong mundo. Iba’t ibang gawain ang tampok sa pagdiriwang gaya ng indakan sa kalye,
parada ng mga karosa, laro ng lahi, at trade fairs ng iba’t ibang produkto. Isa pang kilalang
pagdiriwang sa Zambales ay ang Paynauen “Duyan” Festival na ginaganap sa bayan ng Iba
tuwing Abril 25 hanggang Mayo1. Ito ay isinasagawa bilang paggunita sa araw ng
pagkakatatag ng lalawigan noong 1611. Iba’t ibang gawain ang isinasagawa sa pagdiriwang
12 na nagpapayaman ng kanilang kultura. Ang paynauen ay salitang Zambal na
nangangahulugang pahingahan kaya tampok ang parada ng duyan sa pagdiriwang na ito.
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
District of San Rafael East
PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER
Learning Activity Sheet (LAS)
Araling Panlipunan 3 - Modyul 4

Pangalan: _____________________________ Iskor: _______________


Pangkat/Baitang: _______________________ Petsa: _______________
Talakayan:

Kahalagahan ng Mga Makasaysayang Lugar at Mga Saksi Nito sa Pagkakakilanlang Kultural


ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

You might also like