Sanaysay at Talumpati (Module 2)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MODULE 2: Pinagmulan ng Sanaysay

Paunang Pagsubok:
GAWAIN A
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Nagsimula ang sanaysay dahil a mga Katipunan ng mga bagay at kanyang damdamin na
pinamagatang Essais.
 C
2. Siya ay kinilalang Ama ng Sanaysay na nagsusulat sa Ingles.
 B
3. Ang sumulat ng aklat na pinamagatang The Compleat Angler noong 1653.
 D
4. Ang sumulat ng Religio Medici at Um Burial.
 A
5. Sumulat ng An Essay at Dramatic Poetry.
 A
6. Ang sumulat ng mga kalipunan ng sanaysay na makikita sa naitala noong 1819.
 A
7. Ang sumulat ng The Indolence of the Filipino People at The Philippine A Century Hence.
 B
8. Ang sumulat ng “Ang mga Piling Sanaysay”.
 D
9. Ang sumulat ng “Buhat sa Aming Sulok”
 C

10. Ang sumulat ng “Ako’y Isang Tinig”.


 B

GAWAIN B
Panuto: Piliin sa kahon ang tinutukoy ng bawat pahayag.
Free Press Pilipino The Compleat Angler
Essais The College Folio/Literacy Apprentice
La Solidaridad Sibok
The Atlantic Monthly/Harper’s Magazine Liwayway
Bato sa Katedral Religio Medici at Um Burial

1. Nailathala ng mga guro ng Philippine Normal College ang munting aklat na Katipinan ng
mga sanaysay.
 Sibok
2. Mga Piling sanaysay na karamihan sa paksa ay tumatalakay sa araling pangwika.
 Bato sa Katedral
3. Kinapapalooban ng mga pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng may akda.
 Essais
4. Naging paksa nito ang tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan.
 The Compleat Angler
5. Naglalaman ng mga sanaysay ni B.S Medina Jr. sa pitak na pinamagatang “lubos na
Sumasainyo”.
 Free Press Pilipino
6. Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga katutubong kaugalian.
 Religio Medici at Um Burial
7. Karamihn sa mga sanaysay na nailathala rito ay ang panunuring Pampanitikan.
 The Atlantic Monthly/Harper’s Magazine
8. Magasing naglathala n maikling kwento at sanaysay.
 Liwayway
9. Ang mga Pilipinong mananaysay na sumusulat sa Ingles ay nakilala sa tulong ng
dalawang ito na Unibersidad ng Pilipinas.
 The College Folio/Literacy Apprentice
10. Isang pahayagang pinangunahan ng mga pangkat ng manghihimagsik.
 La Solidaridad

GAWAIN C
Panuto: Basahin ang sanaysay na pinamagatang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” na
sinulat ni Andres Bonifacio.
1. Ang tinalakay bang teksto ay isang haimbawa ng informative? Patunayan.

 Ang teksto ay isang informative na kung saan nagbibigay ito ng


mga impormasyon na maaaring makapagbigay kaalaman sa mga mambabasa.
2. Anong mahahalagang impormasyon ang tinatalakay sa sanaysay kaugnay ng paksa.

 Nabanggit sa nilalaman ng sanaysay ang magandang kalagayan


ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga kastila. Maayos noon ang
pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa mga karatig nitong bansa gaya ng Tsina at
Hapon. Ngunit lahat ng ito ay nagbago sa pagdaong ng mga Espanyol sa
dalampasigan ng bansa. Nangako sila ng magandang pagkakaibign subalit
pagkaalipin ang ibinigay nilang sukli sa mga kabuihan at pagtiiwalang iginugol
ng mga Plipino sa kanila. Kaya naman binigyang-diin ng akdang ito ang
natutulog na damdaming Makabayan ng mga katutubo.

3. Sa iyong palagay, ano ang layunin ng binasang sanaysay?

 Ang layunin ng sanaysay na ito ay gisingin ang natutulog na


damdaming Makabayan ng bawat Pilipino, noon man at ngayon. Sa
pamamagitan ng paglalahad ng may-akda ng mga tunay na pangyayari sa
panahon ng propaganda at himagsikan ay naipapakita niya sa konkretong
paraan ang kalupitan ng mga Kastila at ang paghihirap ng mga Pilipino sa
kamay nila.

4. Anong damdamin ang namamayani sa tekstong binasa? Ilarawan.

 Isang masidhing damdaming Makabayan ang inilahad ng


nagsasalita sa loob ng sanaysay. Makikita rin ang lakas ng loob ng isang
Pilipinong ihayag ang kanyang pagkasawa sa sistemang Kastila. Kahit na hindi
ito hayagang sinabi ay mababanaagan ito sa kabuuan ng kanyang akda.
Mayroon ding mararamdamang pagkagalit na itinuon para sa mga mapang-
alipustang Kastila.
5. Ipagpalagay mong isa ka sa mga tagalog, ano ang iyong nararamdaman habang binabasa
ang sanaysay? Bakit?

 Para sa akin, isang masidhing damdamin rin ang mararamdaman


ko dahil sa mga nababasa kong katotohanan na sana’y noon pa lang ay
napagtanto at kayang maipaglaban ng mga Pilipino. Masakit isipin na inaalila
tayo sa sarili nating bayang tinubuan ng mga banyagang walang Karapatan
para sa ag-aari ng ating bayan.

6. Sa kasalukuyang panahon, paano mo mahahalintulad ang pagsakop ng mga Kastila sa


unti-unting pag-aari ng China sa mga islang pag-aari ng Pilipinas?
 Maihahalintulad ko sila sa paraan kung paano nila kaibiganin ang
Pilipinas, pagkakaroon ng kasunduan. Pareho ang estratehiya nila para makuha
nila ang gusto nila. Sa una ay pagkakatiwalaan ngunit kapag nakuha na ang
tiwala ay pagtatraydor naman pala ang layunin.

GAWAIN D
Panuto: Magsaliksik ng isang sanaysay sa iba’t ibang bansa ang may pagkakahalintulad ng
nabasa mong sanaysay. Magbigay ng opinion tungkol dito. Isulat ang sanaysay sa sagutang
papel.

“Higit sa lahat, itinuturo nito ang pagtatanong kung sapat


ba ang ginagawang serbisyong pampubliko ng ating mga
inihalal.”
Ang araw na sumisikat sa silangan na siya pa ring araw na tinutukoy ni Andres Bonifacio ay
malinaw na nagtuturo sa ating mga matang matagal nang napuwing na subukang imulat muli
ang mga ito sa mas matayog na liwanag at hindi dito sa nakumpurmisong paglilingkod.
Itinuturo ng katuwiran na wala tayong ibang mahihintay kundi ang napipintong
kapahamakan, lalo’t lalong kataksilan, lalo’t lalong kapangyarihan, at lalo’t lalong pagdanak ng
dugo. Itinuturo ng katuwiran na huwag nating sayangin ang ating hinlalaki sa balotang ang
mga pangalan ay iyong mga kulang sa pakialam at panay taga-tango lamang sa mga hilaw na
deriktiba ng nasa upuan. Higit sa lahat, itinuturo nito ang pagtatanong kung sapat ba ang
ginagawang serbisyong pampubliko ng ating mga inihalal. Hindi nito nilulundo ang pagkikipit-
balikat sakaling hindi nila maabot ang orihinal na panuntunan ng serbisyong ating pinapairal
sa tuwing pangkaraniwang manggagawa ang sa ati’y nagkakasala. Hinihimok nito ang ating
kalooban hindi tungo sa pagkakaroon ng iisang kulay, kundi para sa nag-iisang biyayang ating
kinamulatan at lalong dapat ingatan— itong demokrasyang napuno na ng pilat.

At ngayong tayo’y may kinakaharap na pandaigdigang krisis dulot ng pandemya, ito na sana
ang huling delubyo na ating mararanasan para lamang ating mabatid na may mali at may
kakulungan sa kasalukuyang pamamalakad. Maraming ulit siyang binantaan ng publiko ukol
sa mga napipintong kapahamakan, subalit ang mga ito ay kanya lamang binalewala kasama ng
kanyang mga tagapagsalita. Ang pinaka magandang lunas ay kaniya nang pinalampas, at
ngayon, maraming karumihan pa rin ang pilit niyang itinatago at panlilinlang na inilalantad.
Nasaan na ang bilyon-bilyong piso? Nasaan na ang malasakit at serbisyo? Nasaan na ang
sinasabing handa at kaya ito ng ating gobyerno?

Ito na ang panahon na dapat ipakilala ang ating mga sarili na tayo ay may mataas na rekisito,
may dangal, at may karunungang kumilatis kung sino ang mga ganid, mahina, tapat, at
madaya. Dapat nating simulan ang paghahanap sa mga bagay na kailanman ay hindi na dapat
nakubli: mga responsibilidad na kinalimutan, mga pananagutang itinanggi, mga batas na
binali, mga karapatang ninakaw, at mga buwis na naglaho, sapagkat ito na ang pinaka
malaking ambag na maaari nating gawin. Dapat mabatid ng mga Pilipino, lalong higit ng mga
DDS, na ang pagiging makabansa ay hindi nasusukat sa pagsuporta sa administrasyon, kundi
sa antas ng kamalayan at pag-ibig sa bayan, lalong higit sa mga mahihirap, maski iyong
matagal nang naglantad bilang mga kritiko ng pamahalaan. Hindi lahat ng nagagalit ay
nangangahulugan ng hindi pagsunod, at hindi lahat ng taong suwail ay mula rin sa ating
makatuwirang pagkagalit. Nawa ay inyong mapagtanto na iba ang sumusuway sa
nangangarap, at ang nanggigising sa nang-aasar.

(Pagsasapanahon ng Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio)


Ni Joshua Perez

OPINYON:
Sa aking pagkakabasa ay, maaaring ito nga ay kahalintulad ng akda ni
Andres Bonifacio na siya ring nag-aasam na maimulat ang mga matang nakapikit ng mga
ninuno noon. Bulag sa katotohanang mali ang ginagawa ng mga mananakop sa
napagkasunduan. Isang pagtataksil ang ginawa nila. Sa ginawang sanaysay naman ni
Joshua Perez, para sa akin, may maganda at hindi maganda rin ang naidulot ng pagkakaupo
ng naihalal na pangulong Duterte. Una sa lahat, dahil sa kanya ay nababawasan ang mga
gumagamit ng droga at nagkaroon ng disiplina ang tao. Ngunit masasabi natin na may hindi
rin magandang naidulot ito dahil sa kanyang pamamaraan. Maraming buhay ang Nawala,
maraming Karapatan ang Nawala rin sa mga taong nasa proseso na sana ng pagbabago sa
sarili at mayroon ding mga sibilyan na nadamay sa mga pangyayari. Gaya ng unang mga
mananakop ay may maganda at hindi rin ang naidulot nito sa ating mga Pilipino. Kaya
naman sa darating na eleksyon ay matuto tayong pumili ng maaari natin pagkatiwalaan
upang mamalakad sa ating bansa hindi kagaya noon na ang mga Kastila ay sinilaw tayo sa
mga pangako at kasunduan. Matuto tayong huwag agad magtiwala sa salita lamang.

GAWAIN E
Pumili ng isang paksa sa ibaba at gawan ito ng sanaysay.
1. Higpit ng magulang
2. Malupit na amo
3. Nakakasakal na pagmamahal
4. Modyul, maawa ka!
5. Covid, Tama na!

Modyul, Maawa ka!


Ako ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo. Pangalawang taon na gumagamit kami ng
modyul upang nang sa ganoon ay maipagpatuloy namin ang aming pag-aaral. Hindi lang isa,
dalawa o tatlo ang asignatura kung hindi ay nasa pito o walo. Kung iisipin pa lang ay masakit
na sa ulo. Sa araw-araw na gawain sa bahay at iba pa ay mahirap pagsabay- sabayin.
Maraming gawaing bahay, nag-aalaga ng bata at kung minsan ay nasa bukid kami.
Nilalaan ko ang sabado at linggo dahil ito ang araw ng aming klase, sa ibang asignatura ay
nagkakaroon kami ng google meet na kung saan ay nagkaklase kami. Ang iba naman ay
modyul na lang ang ibinibigay. Kapag linggo naman ay nagbibigay na sila ng mga gawain. Kaya
naman tambak talaga ang gagawin namin. Isa ito sa pinakamahirap na parte ng ginagawa
namin sa ngayon dahil sa pandemya dahil mahirap pagsabay sabayin ang lahat ng gagawin.
Kung minsan nga ay kunti na lang ang tulog minsan nga wala ng tulog magawa lang at
maipasa sa oras ang mga modyul. Kahit minsan lang, maawa ka naman samin modyul, kahit
minsan lang paranas naman ng walang iniisip na modyul o kahit walang iniisip na talaan ng
oras para sa pagpasa. Pagod na ang katawan pagod din ang isip.
Ang lahat ng bagay ay mayroong dahilan. Lahat ng paghihirap na ito ay may sukling
kagandahan para sa kinabukasan. Kaya naman napagtanto ko na sa hinaharap, ito rin ang
gagawin ko. Wala naman katapusan ang pag-aaral ‘di ba? Bilang isang guro sa hinaharap,
kailangan kong pagdaanan ang mga ito at pagdadaanan ko pa rin ito. Para sa kinabukasan,
laban lang!

REPLEKSIYON:
Magbigay ng opinion tungkol sa aralin na iyong natutuhan.
 Sa modyul na ito nalaman ko na ang sanaysaya pala ay nabuo sa pamamagitan ng
sariling damdamin, nakagagawa ng sariling kuru-kuro at naipapadama ang sailig saloobin.
Nalaman ko din na ayon kay Alejandro G. Abadilla na ang sanaysay ay ang pinagsanib na mga
salitang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay. Nabubuo ang isang sanaysay sa papamagitan ng pagpapahayag ng sariling
karanasan kung saan mas kapanipaniwala sa mga mambabasa sapagkat naihahalintulad nila
ito sa kanilang sariling karanasan. Ang sanaysay ay may dalawang uri ,ito ay ang pormal at di
pormal kung saan sa pormal ito ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa
pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw
ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang
pinag-aaralan samantalang sa di pormal o palagayan naman mapang-aliw, nagbibigay-lugod
sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal at
ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan
ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at
madaling maintindihan.

You might also like