SLK Fil 10 Q3 WEEK 2-Mullah-Nassredin

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON VII
DIBISYON NG MANDAUE
Plaridel St., Mandaue City

Mullah Nassreddin
Anekdota mula sa Persia
Para sa Filipino 10
IKATLONG MARKAHAN-LINGGO 2

SARILING LINANGAN KIT

1
PAUNANG SALITA

Ang Self Learning Kit ( SLK) na ito ay ginawa upang


matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na
walang connection sa internet o gadget na magagamit sa
panahong ito ng pandemia na kung saan ay hindi muna
pinahintulutan na makapunta sa paaralan upang mag-aral
ang mga estudyante.

Ang aralin 3.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia ( Iran) na


kakikitaan ng mga kasabihan, relihiyon sa paniniwalang
Sufism, pagpapaunlad ng isang indibidwal sa
pamamagitan ng pandama.
Sa pagtatapos ng araling ito , ikaw ay inaasahang
makapagmungkahi at makapaglalapat ng isang
matalinong desisyon batay sa pangyayaring makapag-
iwan ng kakintalan o aral sa mga mambabasa.

2
KOMPETENSI:

F10PB-IIIb-81
1. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan ,
tagpuan, motibo ng awtor at paraan ng pagsulat.
F10PN-IIIb-77
2. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang
anekdota.
F10PT-IIIb-77
3. Nabibigyang – kahulugan ang salita batay sa ginamit na
panlapi.
F10PU-IIIb-79
4. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip ng anekdota.

LAYUNIN:
1. Nasasagot ang mga katanungan hinggil sa binasang
anekdota.
2. Naibibigay ang mensaheng nais ipabatid ng may-akda sa
mambabasa.
3. Napipili sa loob ng kahon ang akmang kahulugan ng mga
salitang italisado na ginamit sa akda.
4. Nakapagsulat ng sariling anekdota.

3
I-ANO ANG NANGYARI?

GAWAIN :1 Kultura ng Persia Ipakilala


Piliin sa loob ng kahon at isulat sa akmang bilang sa ibaba ang
sagot sa bawat ipinakitang larawan .

Persiano Ziggurat Chabahar Port Imperyong Achaemenid


tomb of Cyrus the Great Taq Kasra ( Arch of Ctesiphon )

1. 2

3. 4.

5. 6.
https://www.tagaloglang.com
1.
2.
3.
4.
5
6

4
II- ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Aralin 3.2
ANEKDOTA

Ito ay maikling kwento ng isang nakakawili at nakakatuwang


pangyayari o insidente sa buhay ng tao.
Layon nitong makapaghatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan
o ang pangyayari ay makatotohanan .
Ang isang anekdota ay isang maikling akda . Bunga nito , dapat
pagsikapan na ang mga pangungusap lalung-lalo na ang
pambungad na pangungusap ay maging kapanapanabik.
Ang isang magandang simula ay magbibigay ng pagganyak sa
mga mambabasa at mahihilig upang ipagpatuloy ang kanilang
pagbasa ng anekdota.
Ang isang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Ito ay
dapat bigyang kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga
pangyayari ay dapat magbigay ng kahulugan sa ideyang nais
ipadama.
Ang isang magandang anekdota ay nagdudulot ng ganap na
pagkakaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.
Ito ay di - dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan
na may mga susunod pang mangyayari.

5
MULLAH NASSREDDIN
Anekdota mula sa Iran ( Persia)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang


pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang
bansa. Lagi itong naaalala ng mga Iranian na dating mga Persiano
noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan
ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian
din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at
puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig
ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasa
hanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang
talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya,
nagtanong siya, “ Alam ba ninyo ang aking sasabihin? “ Sumagot
ang mga nakikinig “ Hindi” Kung kaya’t kaniyang sinabi “ Wala
akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking
sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.
Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli
niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay
sumagot sila ng “oo” sumagot si Mullah Nassreddin “ Kung alam na
pala ninyo ang aking sasabihin , hindi ko na sasayangin ang marami
ninyong oras “ muli siyang umalis .
Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot.
Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang
magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “ Alam ba ninyo
ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ,
ang kalahati ay nagsabi ng “ Hindi” at ang kalahati ay sumgot ng
“oo” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “ Ang
kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi
sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,”at siya ay lumisan.
Mula sa http;//Iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-master-
anecdotes,html

6
PAGPAPAUNAWA:

1. Si Mullah Nassreddin ay isang’ Pilosopo’( Philosopher), na ang


ibig sabihin ay isang taong nagmamahal sa karunungan at sa
katotohanan.
2. Gayunpaman, ‘pilosopo’rin ang tawag natin sa taong
masyadong nililiteral ang pag-unawa sa mga bagay-bagay.
3. Si Mullah Nassreddin ay dalubhasang ‘Pilosopo’ at tagapayo
ng mga hari sa kanilang lugar. Dakilang guro sa pagpapatawa
na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo
ng kaisipan at paniniwala na di-makakasakit subalit
nakapagbibigay-sigla sa mambabasa.
4. Marahil kapag tinanong ka kung anong nagustuhan mo sa
anekdotang Mullah Nassreddin ay agad mong sabihing “wala”
dahil wala naman siyang sinabi sa tuwing siyaý naimbitahan
bilang tagapagsalitang panauhin bagkus ay puro
pagtatanong at agad lumisan ,iniwan ang mga taong
nagulumihanan.(Iyan ang literal na pagpapakahulugan).
5. Ngunit ,hindi mo ba naisip na tinuruan ni Mullah Nassreddin ang
mga tao na magkaroon ng mataasang lebel sa pag-iisip ?
dahil sa tuwing lisanin sila ni Mullah ay napapaisip sila kung ano
ba ang nais nitong ipabatid sa mga tao? Sa katunayan,
nagkaroon sila ng pagkakasundo kung ano ang kanilang
isasagot sa tanong nito. Nakailang beses silang sumubok
upang maging tumpak ang kanilang mga kasagutan. Hindi
man diritsahang sinabi ni Mullah ay malinaw ang mensahe na
hindi kailangan ng mga tao ng isang ‘’pilosopo’’o Philosopher
upang matuto kundi sa pamamagitan ng pagtutulungan at
pag- aambagan ng mga ideya at kaisipan sa isa’t-isa. Ang
Kalahating may alam ay kailangang turuan ang kalahating
walang alam nang sa gayon ay magkaroon ng
pagkakaunawaan ang sanlibutan. Ito ang isang
makatotohanang nais ipabatid ng may-akda sa anekdotang

7
Mullah Nassreddin sa mambabasa..( Iyan ang pagpapalalim
na pagpapakahulugan at hindi literal).

III- ANO ANG NATUTUHAN?

GAWAIN 2: Ating Suriin


A. Sagutin ang mga gabay na tanong:
1.Ilarawan si Mullah.
2.Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?
3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya
ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?
4.Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah?
Patunayan ang sagot.
6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?
7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota
anong paksa ang nais mong isulat? Bakit?
8. Paano naiiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba
ang kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?

B. Suriin ang mahalagang bahagi ng anekdotang “Mullah


Nassreddin”Gawin ito sa pamamagitan ng pagbuo ng tsart na
nasa ibaba.
MULLAH NASSREDDIN

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

8
Wakas:

GRAMATIKA AT RETORIKA:

Pagsasalaysay – ay isang diskurso na naglalatag ng mga


karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling
pangyayari , pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na
pinakamasining , pinakatanyag at tampok na paraan ng
pagpapahayag . Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat , epiko at
mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang
bansa man.
Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat
ng pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod
dito , mahalaga ring napapanahon at may dalang lugod at
kabutihan sa mga mambabasa.

GAWAIN 3: Karunungan , Ipangalandakan !


A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang initiman sa
pangungusap.Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang
salita ng tamang sagot.

a. Lumisan b. nalito c. napahiya


d. sayangin e. naimbitahan

_______1.Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


________2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at
huwag itong aksayahin.
________3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
_______ 4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
________5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng
mga tao.

9
6-10 Iguhit sa patlang ang kung ang pahayag ay

tama at kung ang pahayag ay mali

6. Pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa


pagsulat ng pagsasalaysay.______
7. Ang Mullah Nassreddin ay anekdota mula sa Europa.______
8. Ang anekdota ay isang kuwentong nakawiwili at
nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.______
9. Si Mullah Nassreddin ay isang dalubhasang Pilosopo at taga-
payo ng mga Hari sa kanilang lugar._________
10.Ang pagsasalaysay ay itinuturing na pinakamasining,
pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. _______
11-15 ( 5 pts.)
Batay sa anekdotang Mullah Nassreddin maglahad ng iyong mga
natututunan na nais ipabatid ng may-akda sa mga mambabasa.

GAWAIN 4: Magsalaysay:
Pagsusulat ng sariling anekdota ( Isulat sa isang buong bondpaper) (
Maaaring sa paraan ng komik strip ang mga may kakayahan sa
pagguhit)

1. Mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay


mula ng kumalat ang Covid 19 sa bansa o bago paman
dumating ang naturang pandemia na kung saan itoý
kinapulutan mo ng aral.
2. Mula sa iyong karanasan, ano ang iyong natutunan?
Ipaliwanag ( Isulat ito sa ibaba ng iyong sariling anekdota).
3. Tiyaking magagamit mo ang mga sumusunod na
pamantayan:
3.1 Ang pamagat ay maikli ngunit nakakahikayat-----------10
3.2 Mahalaga ang paksa o diwa. ----------------------25
3.3 Maayos at di-maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.---------------------------------------------------- 25

10
3.4 Kaakit-akit na simula at may kasiya-siyang wakas.------25
3.5 Mapupulutan ng magandang aral sa mga
mambabasa_______________________________________15
Kabuuan________________________________________ _100

SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1 Gawain 1
1. Imperyong Achaemenid
2. Persian
3. Ziggurat

4. Taq Kasra ( Arch of Ctesiphon)


5. Tomb of Cyrus the Great

6. Chabahar Port

Gawain 2 sariling opinion

Gawain 3
1. nalito
2. sayangin
3. napahiya

4. naimbitahan
5. lumisan

6. thumbs up
7. thumbs down
8. thumbs up

9. thumbs up
10. thumbs up

11-15 sariling opinyon o pananaw

Gawain 4 Batay sa rubriks

11
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA, Ph.D., CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed.D.


Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, Ed.D.


LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO, MAEd


Education Program Supervisor in Filipino

MARILOU D. GACANG
________________________
Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL OFFICE

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed.D. JD, CESO VI


Regional Director

DR. EMELIANO B. ELNAR, JR.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE

12
LRMDS-Education Program Supervisor

DR. ELAINE PERFECIO


Filipino Regional Education Program Supervisor

13
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1
1. Imperyong Achaemenid

2. Persian
3. Ziggurat
4. Taq Kasra ( Arch of Ctesiphon)

5. Tomb of Cyrus the Great


6. Chabahar Port

Gawain 2 sariling opinion

Gawain 3
1. nalito
2. sayangin
3. napahiya
4. naimbitahan
5. lumisan

6. thumbs up
7. thumbs down
8. thumbs up

9. thumbs up
10. thumbs up

11-15 sariling opinyon o pananaw

14
Gawain 4 Batay sa rubriks

15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1

26
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA, Ph.D., CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed.D.


Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, Ed.D.


LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO, MAEd


Education Program Supervisor in Filipino

________________________
Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL OFFICE

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed.D. JD, CESO VI


Regional Director

DR. EMELIANO B. ELNAR, JR.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMDS-Education Program Supervisor

DR. ELAINE PERFECIO


Filipino Regional Education Program Supervisor

27
28

You might also like