Pagsusuri NG Musika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

A.

Ligaya" (o sa Ingles ay "Joy") ay unang musika ng Eraserheads sa kanilang album


na, Ultraelectromagneticpop!. Ang awiting ito ay naging Top Ten sa 97.1 WLS-FM.

Ang awiting Ligaya ay isang paboritong awitin ng kabataang Pilipino na kahit ilang
dekada na ang lumipas ay hindi lumalaos ang paksa na tungkol sa pag-ibig.
B. KOMPOSITOR
Si Ely Eleandre Basiño Buendia, na mas kilalang Ely Buendia, ay isang Pilipinong
mang-aawit, kompositor at lead vocalist ng sikat na banda na Eraserheads. Siya ang
kompositor ng kantang “Ligaya”.
C. MANG-AAWIT
Ang bandang Eraserheads ang umawit sa kantang “Ligaya”. Isa silang banda sa
Pilipinas na nabuo noong taong 1989. Ang banda ay naging isa sa pinakasikat at
pinakamatagumpay na banda sa kasaysayan ng musika ng Pilipinas. Isa sa mga
sumikat nilang awitin ay ang kantang LIGAYA na kasama sa kanilang album na
Ultraelectromagneticpop! na inilabas noong taong 1993 kasabay ng ilan pa nilang
mga sumikat na awitin.
D. MGA ELEMENTO
1. PITCH
2. RITMO
Pang-apatan
3. DYNAMIKS - Mezzo Forte (di gaanong malakas), Crescendo (Papalakas),
Forte (malakas)
4. MELODIYA
4/4.
5. TEKSTURA - Homophonic
6. HARMONY -
7. TIMBRE - Tenor (boses)
8. TEMPO
Ang kantang Ligaya ay pinapatugtug ng 125 Beats Per Minute (Allegro), or 31
Measures/Bars Per Minute.

E. ANYO NG MUSIKA

F. MUSIKAL NA INSTRUMENTO

G. MENSAHE NG KANTA
Sa unang dalawang saknong, isinasalaysay ng sumulat ng kanta ang mga
ginagawa niya upang maipakita ang kanyang pagmamahal sa babaeng kanyang
napupusuan. Makikita din mula sa mga salita sa awitin na tila hindi napapansin ng
babae ang mga ginagawa niya para dito. Maliban rito, makikita rin sa mga salita ng
lalaki na tila may hinihintay siyang “sagot” mula sa babae.
Sa koro naman ng awitin, ipinagtapat na ng lalaki ang kanyang hinihingi mula sa
babae – ang sagutin siya. Ipinangako ng lalaki na iibigin niya ang babae at ipapakita niya
ito oras-oras. Pagtitiwala lamang ang hinihingi ng lalaki mula sa kanyang minamahal at
hindi daw nito kinakailangang mangamba dahil tapat at tunay ang iniaalay niyang pag-
ibig dito. Sinabi rin ng lalaki na sila’y mamumuhay ng tahimik at maligaya kung
sasagutin na siya ng babae.
Makikita sa awiting “Ligaya” ang magagandang katangian ng lalaki na nagsasalita
sa awitin. Ipinakiktita dito ang lahat ng mga kayang gawin at kakayahan ng lalaki,
mapatunayan lamang ang pagmamahal sa kanyang iniibig. Bilang isang mag- aaral
sa kolehiyo at babae, isang magandang kaisipan ang nais ipabatid ng awiting
“Ligaya” ukol sa pagliligawan. Masarap isipin na may mga lalaki pang handang
gawin ang lahat mapatunayan lamang ang pag- ibig sa kanyang nagugustuhang
babae.
Batay sa mga nilalaman ng awiting “Ligaya”, mapag- iisip ang modernong
kabataan na katulad ko kung ano ang mararamdaman sa pagkakataong handang
gawin ng isang tao ang lahat para mapatunayan ang kanyang tapat na intensyon.
Kung ilalagay ko ang sarili ko sa estado ng babae sa awitin, ako ay matutuwa sa mga
ipinapakitang pagkakataon ng isang lalaki para sa akin. Bihira na ang mga ganito sa
kasalukuyang panahon. Sa modernong panahong ito ng teknolohiya, na kung saan
ang pagliligawan at pag- iibigan ay nangyayari na lamang sa tulong ng social media,
isang malaking hamon para sa aming mga kabataan lalo na sa mga lalaking
nanliligaw ang nilalaman ng awitin. Hamon ito upang sa kabila ng teknolohiya ay
mapatunayan ang tunay na intensyon at nilalaman ng puso ng isang tao.

You might also like