1st Summative Test in Esp
1st Summative Test in Esp
1st Summative Test in Esp
I. Suriin ang mga sitwasyon at iguhit ang masayang mukha (😊) kung ito ay nagsasabi ng katotohanan anuman ang
maging bunga at malungkot na mukha (☹) naman kung hindi.
1. Inamin ni Jessica na siya ang nakabali ng ruler ng kanyang kuya kahit alam niyang hindi na siya
pahihiramin nito.
2. Sinabihan ni Fe ang kanyang nakababatang kapatid na huwag isumbong sa kanilang nanay na napunit niya
ang kurtina upang hindi sila mapalo nito.
3. Hinayaan mo lang na mapalo ng iyong tatay ang kuya mo dahil ito ang napagkamalang kumuha ng pera sa
kanyang pitaka.
4. Nakita mong itinulak ni Phine si Jho kaya nahulog ito sa kanyang kinatatayuan pero dahil ayaw mong
madamay ay hinayaan mo na lamang ito.
5. Sinabi mo sa iyong tatay ang nawawala mong baon kahit alam mong pagagalitan ka niya.
6. Ipinapaalam ko agad ang totoong pangyayari upang mabigyang solusyon ang problema kahit alam kong
magagalit sila sa akin.
7. Sinasabi ko agad sa aking mga kaibigan ang aking kasalanan upang hindi sila madamay.
8. Sinisigurado kong pawang katotohanan lamang ang aking sasabihin kung ako ay tinatanong upang alamin
ang totoo.
10. Tatakpan ko ang kasalanang nagawa ng aking kapatid upang hindi siya mapalo ni nanay.
II. Lagyan ng tsek (/) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita na ito ay nakapagsusuri ng katotohanan bago
gumawa ng anumang hakbangin tulad ng pagsangguni sa taong kinauukulan at ekis (X) naman kung hindi.
_____1. Hinintay ni Fe ang opisyal na anunsiyo mula sa presidente ng samahan bago niya ibinahagi ang impormasyon
sa ibang kasapi.
_____2. Sinabihan ni Liza ang kaniyang mga kaklase na hindi matutuloy ang pagsusulit na ibibigay ng kanilang guro
upang hindi sila makapaghanda at ng sa gayon ay siya ang makakuha ng mataas na iskor.
_____3. Nagpabili agad si Roy sa kaniyang ama ng laruang nakita niya sa isang patalastas.
_____4. Bagong istilo ng buhok ang ipinakita ng artista sa isang noon time show. Marami ang gumaya sa mga kaklase
ni Ali. Hindi gumaya si Ali dahil taliwas ito sa pamantayan ng paaralan.
_____5. Laganap ang fake news ngayon. Ipina-aalam ni Lina sa kaniyang magulang ang anumang impormasyon na
kaniyang nalalaman.
_____6. Naipaliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa bagyo dahil nakuha ko ito sa
ulat mismo ng PAG-ASA na siyang awtoridad sa pag-uulat sa kalagayan ng panahon.
_____7. Sinasabi ko agad sa aking mga kaibigan ang balitang naririnig ko mula sa aking kapitbahay.
_____8. Sinisigurado kong tama ang impormasyong sasabihin ko upang maiwasan ang pagbibigay ng maling
impormasyon sa iba.
_____9. Lagi kong tinatandaan na hindi lahat ng balitang naririnig o nalalaman ay totoo kaya inaalam ko kung sino
ang tamang awtoridad na aking lalapitan upang matiyak ang katotohanan tungkol dito.
_____10. Maiiwasan kong makapagbigay ng maling impormasyon sa iba kaya tinitiyak ko na sa tamang kinauukulan
ako magsasangguni.
UNANG MARKAHAN
1ST GAWAING PAGGANAP
Ano ang nasa isip mo nang pinagsama-sama ang iyong karanasan sa napanood mong balita o programa sa telebisyon.
Itala ang mga ito sa kahon A, B, at C. Sa loob naman ng puso, itala ang kabutihang dulot ng iyong napanood sa
telebisyon na pumukaw sa iyong damdamin.
A.
B.
C.