Kahulugan at Kabuluhan NG Konseptong Pangwika Self Learning Worksheet in Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino 11

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Kahulugan at Kabuluhan ng Konseptong

Pangwika

Self Learning Worksheet in


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino 11
First Quarter- Week 1

EMALYN A. YAHIN
Developer
Department of Education • Cordillera Administrative Region
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra

Published by:
DepEd Abra-Learning Resource Management and Development Section

COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”
This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum
through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management Section. It can be reproduced for educational purposes and the source
must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version,
an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed in the intext citation. No work may be
derived from this material for commercial purposes and profit.
Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and
other copyrighted contents) included in this Self Learning Worksheet are owned by
their respective copyright and intellectual property right holders, DepEd is represented
by the Filipinas Copyright Licensing Society ( FILCOLS), Inc. in seeking permission to
use these materials. Publishers and Authors do not represent nor claim ownership
over them. This self learning worksheet is intended for educational purposes and will
be subjected for further Learning Resource Copyright evaluation. The inventory of
copyrighted third party content will also be prepared.

This Learning Material is owned by the Department of Education, Schools


Division of Abra, Curriculum Implementation Division,Learning Resource
Management Section accessed at https://lrmsabra.blogspot.com .

ii
PREFACE

This Self Learning Worksheet is a project of the Curriculum Implementation


Division, Learning Resource Management Section, Department of Education, Schools
Division of Abra. This aims to support all Learning Delivery Modalities anchored on the
DepEd K-12 curriculum/ the Most Essential Learning Competencies/ Alternative
Learning System.

Date of Development : June, 2021


Resource Location : Schools Division of Abra
Learning Area : Filipino
Grade Level : 11
Learning Resource Type : Self Learning Worksheet
Quarter : Quarter 1
Week :1
Learning Competency : Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng
mga konseptong pangwika
Code : F11PT-Ia-85

iii
ACKNOWLEDGEMENT

Walang humpay na pasasalamat at pagpupugay ang ipinaaabot ng tagabuo sa


mga taong nagbigay ng mahahalagang kontribusyon, tulong at suporta upang
maisagawa at maging matagumpay ang modyul na ito.
Sa kanyang School Principal na nag– ambag ng di- matatawarang motibasyon
na tapusin ang modyul na ito.
Sa mga kasamahan niya sa Senior High School na walang katapusang
tawanan na gamot sa kanyang kabagutan.
Sa DepEd Schools, Learning Resource Management and Development
Center, sa walang katapusang patnubay at gabay.
Sa kanyang pamilya, sa walang antalang pagsubaybay na tapusin ito.
At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng lakas at determinasyon
upang maisagawa at maisakatuparan ang modyul na to.

EMALYN A. YAHIN
Abra High School/ Bangued District

LEARNING RESOURCE DEVELOPMENT and QUALITY ASSURANCE TEAM

PEDRO B. TALINGDAN
Education Program Supervisor for Filipino

RIZA E. PERALTA RYNWALTER A. PAA


Librarian II Project Development Officer II

RONALD T. MARQUEZ
Education Program Supervisor for LRMS

CONSULTANTS:

HEDWIG M. BELMES
Chief Education Supervisor, Curriculum Implementation Division

SORAYA T. FACULO
Assistant Schools Division Superintendent

BENILDA M. DAYTACA, Ed. D., CESO VI


OIC- Schools Division Superintendent
Assistant Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

Copyright Notice ………………………………………………..……...…..…. ii

Preface ………………………………………………………………...…….… iii

Acknowledgement…………………………………………………. …….…... iv

Pagsusuri at Pagtatalakay…………………………………………………… 1

Gawain 1…...………………………………………………………………….. 4

Gawain 2……………………………………………………….………………. 5

Gawain 3………………………………………………………………………. 6

Gawain 4 ……………………………………………………………………… 7

Gawain 5………………………………………………………………………. 8

Paglalahat……………………….……………….…….……………………… 9

Susi sa Pagwawasto…………………………………………...………… 11

v
Pagsusuri at Pagtatalakay

Kahulugan, Katangian, Kalikasan at Kahalagahan ng Wika

Bakit kaya may wika? Mahalaga ba ito? Nabubuhay tayo sa daigdig ng salita
(Fromkin at Rodman, 1983). Sa pagsasalita gumagamit tayo ng wika. Mayaman ang
wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang
natututuhan at natutuklasan tungkol sa wika.

Ano nga ba ang wika? Ano ang kahalagahan nito? Ano ang taglay nitong
kalikasan at katangian? Ang salitang wika ay nagmula sa wikang Malay at isinalin sa
wikang Ingles, at ito’y nakilala bilang language. Samantalang ang lengguwahe naman
ay umusbong sa wikang Latin na nangangahulugang “dila” sapagkat nagagamit ang
dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog.

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga


simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin
sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.

Isa rin ito likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng kaisipan at


damdamin at mga hangarin sa pmamagitan ng isang kaparaanang lumiikha ng tunog,
at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas.

Inilarawan ni Henry Gleason, na ang wika ay isang masistemang balangkas ng


sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura

Ano nga ba ang ibig ipakahulugan ni Henry Gleason sa kanyang tinuran na


depinisyon sa wika. Isa- isahin natin ang mga katangian ng wika na kanyang
nabanggit sa kanyang depinisyon ng wika.

1. Masistemang balangkas- Kung pagsasama-samahin ang mga tunog ay makakabuo


ng makabuluhang yunit ng salita, ng parirala, ng sugnay, pangungusap at ng talata.
Mayroong sinusunod na pamantayan o mga hakbang upang makabuo ng mga
salitang gagamitin. Kapag nakabuo ng mga salita, maaari na itong ayusin bilang
parirala, pangungusap, o talata.

2. Binibigkas na tunog- Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay
may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nalilikha natin at kung
gayo’y kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man sa lahat ng
pagkakataon. Samakatuwid, ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa
pagsasalita na nagmumula sa hanging nangagaling sa baga o ang pinanggagalingan
ng lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng mga tunog o
artikulador, minomodipika ng resonador.

1
3. Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo- Pinagkakasunduan ang anumang wikang
gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang- araw- araw na pamumuhay.

4. Upang magamit ng mga taong may isang kultura- Magkaugnay ang wika at kultura
at hindi maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang
nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o
salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura.

Sa pangkalahatan, batay sa mga kahulugan ng wika na tinalakay, masasabi na


ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o
sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao. Kasangkapan ang
wika upang maipahayag ng tao ang kanyang iniisip, maibahagi ang kanyang
karanasan, at maipadama ang kanyang nararamdaman. Gayundin, bawat bansa ay
may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at kaisipan ng mga mamamayan nito.
Sa wika nasasalamin ang kultura at pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa.

Kalikasan ng Wika

1. Pinagsama-samang tunog (Combination of Sounds) - dahil sa binigyan ng simbolo


(letra) ang mga tunog, ang pagsasama- samang ito ay lumikha ng mga salita.

2. May dalang kahulugan (Words have meanings)- bawat salita ay may dalang
kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung ginagamit na sa pangungusap.

3. May ispeling- bawat salita ay may sariling ispeling o baybay

4. May gramatikal na estruktura (grammatical structure)

- Ponolohiya (pagsasama ng tunog upang bumuo ng salita)

- Morpolohiya – pag-aaral ng mga salita

- Sintaks (pagsasama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap)

- Semantiks (ang kahulugan ng mga salita at pangungusap)

5. Sistemang Oral-Awral (Oral-Awral System)- sistemang sensora sa pisikal ng tao,


pasalita (oral), pakikinig (awral) - dalawang mahalagang organo (bibig at tainga) na
nagbibigay hugis sa mga tunog na napakinggan

6. Pagkawala ng Wika (Language Loss)- maaaring mawala kapag di nagagamit

7. Iba-iba- dahil sa iba’t iba ang kultura ng pinagmulang lahi, ang wika ay iba- iba sa
lahat ng panig ng mundo

-2-
- may etnograpikong pagkakaiba sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic
groups) ang mga lahi o lipi.

Kahalagahan ng Wika

1. Kahalagahang Pansarili - Naipapahayag niya ang kanyang damdamin ng personal


at napapaunlad ito gamit ang bawat kaalaman sa kapaligiran at ekstensyon.

2. Kahalagahan Para sa Kapwa- Dahil sa wika, nagkakaroon ng isang maayos na


relasyong panlipunan.

3. Kahalagahang Panlipunan- Wika ang dahilan kung bakit minamahal sinumang


nilalang ang kanyang sariling kultura, at mula sa pagmamahal na ito, uusbong ang
kanyang pagkakakilanlan.

4. Kahalagahang Global/Internasyonal- Ang wika ay tagapagpalaganap ng kaalaman


o karunungan na nagagamit saan man sa mundo.

Sa wika nasasalamin ang kultura at pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa.


Sa madaling salita, ang wika ay mahalagang bahagi ng ating buhay. Bilang indibidwal
hanggang sa pagiging bahagi natin sa ating lipunan.

-3-
Gawain 1: Tukuyin Mo!

A. Panuto: Tukuyin ang mga pangungusap kung ito ba ay tama o mali. Isulat ang T
kung tama ang sagot M naman kung mali

____1. Bawat salita ay may dalang kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung
ginagamit na sa pangugusap.

____2. Ang wika ay hindi nawawala kahit hindi na ginagamit o wala ng gumagamit.

____3. Pinagkasunduan ang kaayusan ng mga napiling tunog para sa isang wika,
ganoon din ang bilang ng tunog.

____4. Hindi sa wika nasasalamin ang kultura at pinadaanang kasaysayan ng isang


bansa.

____5. May masistemang balangkas ang wika.

____6. Napagkasunduang gamitin ng mga tao ang wika.

____7. Kailangang manatiling puro ang wika at hindi dapat tumanggap ng pagbabago.

____8. Wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga


mamamayan nito.

___ 9. Dahil sa iba’t ibang kulturang pinagmulan ng lahi ng tao, ang wika ay iba- iba
sa lahat ng panig ng mundo.

___10. Lahat ng wika ay pantay- pantay sapagkat mayroon itong kanya- kanyang
taglay na natatangi sa isa’t isa.

-4-
Gawain 2 Bigyang Kahulugan!

Panuto: Isulat sa kahon kung ano wika para sa iyo.

WIKA

-5-
Gawain 3 Sagutin Mo!

Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Mahalaga ba sa iyo bilang isang mag- aaral na malaman ang mga katangian
at kalikasan ng wika? Bakit?
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa wikang iyong ginagamit?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Paano mo naman pinahahalagahan ang wikang ginagamit ng ibang tao?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

-6-
Gawain 4 Sagutin Mo!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano- ano ang kahalagahan ng wika sa iyo bilang mag- aaral?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ano- ano ang kahalagahan ng wika sa pakikipagkaibigan?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Ano- ano ang kahalagahan ng wika sa lipunang iyong ginagalawan?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

-7-
Paglalahat

Kahulugan, Katangian, Kalikasan at Kahalagahan ng Wika

Inilarawan ni Henry Gleason, na ang wika ay isang masistemang balangkas


ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit
sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura

Katangian ng Wika

1. Masistemang balangkas- Kung pagsasama-samahin ang mga tunog ay


makakabuo ng makabuluhang yunit ng salita, ng parirala, ng sugnay, pangungusap
at ng talata. Mayroong sinusunod na pamantayan o mga hakbang upang makabuo
ng mga salitang gagamitin. Kapag nakabuo ng mga salita, maaari na itong ayusin
bilang parirala, pangungusap, o talata.

2. Binibigkas na tunog- Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog
ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nalilikha natin at
kung gayo’y kasangkapan ng kominikasyon sa halos lahat kung hindi man sa lahat
ng pagkakataon. Samakatuwid, ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa
pagsasalita na nagmumula sa hanging nangagaling sa baga o ang
pinanggagalingan ng laks o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na bagay na
lumilikha ng mga tunog o artikulador minomodipika ng resonador.

3. Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo- Pinagkakasunduan ang anumang wikang


gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang- araw- araw na pamumuhay.

4. Upang magamit ng mga taong may isang kultura- Magkaugnay ang wika at
kultura at hindi maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang
nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o
salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura.

Kalikasan ng Wika

1. Pinagsama-samang tunog (Combination of Sounds) - dahil sa binigyan ng simbolo


(letra) ang mga tunog, ang pagsasama- samang ito ay lumikha ng mga salita.

2. May dalang kahulugan (Words have meanings)- bawat salita ay may dalang
kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung ginagamit na sa pangungusap.

3. May ispeling- bawat salita ay may sariling ispeling o baybay

9
4. May gramatikal na estruktura (grammatical structure)

- Ponolohiya (pagsasama ng tunog upang bumuo ng salita)

- Morpolohiya – pag-aaral ng mga salita

- Sintaks (pagsasama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap)

- Semantiks (ang kahulugan ng mga salita at pangungusap)

5. Sistemang Oral-Awral (Oral-Awral System)- sistemang sensora sa pisikal ng tao,


pasalita (oral), pakikinig (awral) - dalawang mahalagang organo (bibig at tainga) na
nagbibigay hugis sa mga tunog na napakinggan

6. Pagkawala ng Wika (Language Loss)- maaaring mawala kapag di nagagamit

7. Iba-iba- dahil sa iba’t iba ang kultura ng pinagmulang lahi, ang wika ay iba- iba sa
lahat ng panig ng mundo- may etnograpikong pagkakaiba sapagkat napakaraming
minoryang grupo (ethnic groups) ang mga lahi o lipi.

Kahalagahan ng Wika

1. Kahalagahang Pansarili - Naipapahayag niya ang kanyang damdamin ng personal


at napapaunlad ito gamit ang bawat kaalaman sa kapaligiran at ekstensyon.

2. Kahalagahan Para sa Kapwa -Dahil sa wika, nagkakaroon ng isang maayos na


relasyong panlipunan.

3. Kahalagahang Panlipunan- Wika ang dahilan kung bakit minamahal sinumang


nilalang ang kanyang sariling kultura, at mula sa pagmamahal na ito, uusbong ang
kanyang pagkakakilanlan.

4. Kahalagahang Global/Internasyonal- Ang wika ay tagapagpalaganap ng kaalaman


o karunungan na nagagamit saan man sa mundo.

11
11

You might also like