STORYLINE
STORYLINE
STORYLINE
Biglang nagwala ang survivor at sumigaw ng sumigaw. Nang masaksihan ng babae ang
ginagawa ngayon ng survivor, lalo siyang natakot. Damang-dama niya ang sakit nito. Hindi niya
namalayan napaiyak na rin ang bababe sa takot. Nagulat na lang siya sapagkat nakagawa pala
siya ng ingay na siyang ikinalingon agad ng survivor sa kaniyang pinaroroonan. Unti-unting
lumapit ang survivor sa aparador. Nagbasag na rin ng bote ang survivor at tinutok ito sa
aparador. Lalong kinabahan ang babae sapagkat mukhang mahuhuli na siya nito. Napalunok
siya sa kaba ng may hawak pa itong patalim. Baka kung anong gawin nito sa kaniya. Ngunit
biglang nilipat ng survivor ang patalim sa kaniyang sarili, tumingin siya sa salamin at tinutok ang
patalim sa kaniyang leeg. Nagulat ang babae sapagkat nasa harap lang niya ang survivor na
balak pa atang magpakamatay sa harap niya. Pipigilan na niya sana ito ngunit unti-unting
binaba ng survivor ang patalim sa kaniyang leeg sapagkat nakakita ang survivor ng isang sulat
mula sa kaniyang magulang. Binasa niya ang sulat habang iyak ng iyak.
Sulat: Anak, sa lahat ng oras, maging matatag ka ha? Dumating man ang sakuna o pandemya…
o kung sakaling hindi kami makayanan ang virus na ito, sana mas piliin mo pa ring mabuhay at
maging masaya. Mabuhay ka para sa sarili mo at para na rin sa amin. Magtapos ka ng pag-
aaral anak, naniniwala kami sa kakayahan mo. Mahal na mahal ka namin at tandan mo na ang
kalaban mo ay hindi tao. Ang tao ay nakikita, ngunit ang kalaban ngayon ay hindi. Mabuhay ka
anak at sana ipangako mo na magiging successful ka.
Lumabas ang babae na nasa aparador at iyak ng iyak. Nawala bigla ang survivor at
nagbago ang itsura ng bahay. Ang bahay na pinuntahan nya ay ang mismong bahay nya
sapagkat ang babaeng survivor, ay siya. Napatigil na lang siya sa iyak ng biglang tumawag sa
kaniya ang trabahador niya at sinabing, payag siyang ikwento ang pinagdaaanan niya.