MTB2 Q1 Mod6 Mga-Salitang-Nilinang-sa-Kuwento v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

2

MTB-MLE
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Salitang Nilinang sa Kuwento

CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
MTB-MLE – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Mga Salitang Nilinang sa Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ruzzelle Eunice R. Angeles

Editor: Elena V. Almario, Nerissa D. De Jesus

Tagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy

Tagaguhit: Ruzzelle Eunice R. Angeles

Tagalapat: Cristina T. Fangon, Edeliza T. Manalaysay

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas,


Nestor P. Nuesca, Merlinda T. Tablan, Ellen C. Macaraeg,
Elena V. Almario

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ___________________

Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
2

MTB-MLE
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Salitang Nilinang sa Kuwento
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating
mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-
aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang


makabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga
salitang nilinang sa kuwento sa makabuluhang konteksto.

Subukin

Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit


batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ulilang lubos na si Ana kaya sa ampunan siya lumaki.


A. maitim
B. mahirap
C. mayaman
D. walang magulang

2. Ang pagtulong sa kapwa ay tanda na ikaw ay may


busilak na kalooban.
A. mabuti
B. masama
C. masunurin
D. matigas

1 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
3. Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe.
A. mababa
B. mabagal
C. mabilis
D. mataas

4. “Mahuhuli na tayo sa klase, Pepe. Makupad ka kasing


kumilos,” wika ni Ana.
A. mababa
B. mabagal
C. mabilis
D. mataas

5. Maliliit na sasakyan lamang ang makadadaan sa


makipot na kantong iyan.
A. maganda
B. makitid
C. malawak
D. maluwang

2 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Aralin
Mga Salitang Nilinang sa
1 Kuwento

Sa ating paglaki, unti-unting nadaragdagan ang


ating kaalaman sa pagbasa, pagsulat, pakikinig at
pagsasalita. Ngunit mahalaga rin na nauunawaan natin
ang mga salitang ginagamit natin o kung tama ba ang
paggamit sa mga ito. Sa ganitong paraan, nagiging mas
mataas ang antas ng ating pag-unawa sa mga
babasahing teksto at maging sa pakikipag-usap sa
kapwa-tao.

Balikan

Panuto: Tukuyin kahulugan ng mga salitang initiman.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_________________ 1. Marami sa ngayon ay salat ang


buhay.

_________________ 2. Manhid ang taong iyan.

_________________ 3. Nahabag ako sa pagkawala ng


ama.

_________________ 4. Lagi tayong manalangin sa Diyos.

_________________ 5. Natigalgal ang lahat sa balita.

3 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Tuklasin

Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at bigyang pansin


ang mga salitang initiman ang pagkakasulat. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Ang Hardin ni Dindin

Ako si Dindin, isang ulila. Wala akong magulang na


nakilala mula ng ako ay isilang. Sa ampunan ako
nakatira. Dito sa bahay na ito inaalagaan ng mga
Madre o Pari ang mga batang walang magulang. Pag-
aalaga ng hardin ang gawain ko sa ampunan araw-
araw

Sa aking hardin, kaakit-akit ang mga makukulay at


magagandang bulaklak. Ang mga paruparo, tutubi at
bubuyog ay naglipana na tila hindi napapagod sa
pabalik-balik na pagdapo sa mga bulaklak.
Mayayabong ang mga puno rito kaya maaari kang
magpahinga sa lilim ng mga dahon at sanga nito.

4 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Suriin

Panuto: Sagutan ang mga tanong sa iyong sagutang


papel.

1. Sino ang ulila sa ating kuwento?


2. Saan nakatira ang mga batang ulila?
3. Sino-sino ang nag-aalaga sa mga batang ulila?
4. Ano-ano ang mga naglipana sa hardin?
5. Ano-ano ang mga salita na mahirap unawain sa
kuwento?

May mga salitang sa kuwento na mahirap unawain.


Ang mga ito ay maaaring maunawaan ayon sa gamit ng
mga salita sa pangungusap.

Narito ang mga halimbawa mula sa kuwento.

1. Ako si Dindin, isang akong ulila. Wala akong


magulang na nakikilala mula nang ako ay isilang.

2. Sa aking hardin, kaakit-akit ang mga makukulay at


magagandang bulaklak.

Ang mga initimang salita ay mahirap unawain. Ang


mga salitang may salungguhit ay ang naglalarawan o
nagbibigay kahulugan sa salita upang ito ay
maunawaan.

5 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Mga Tala para sa Guro

Patnubayan ang mag-aaral sa pagsagot ng


mga Pagsasanay.

Pagyamanin

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Kilalanin ang


mga salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat
sa iyong sagutang papel.

Ang Maghapon ni Juan

Araw-araw ay maagang gumigising si Juan upang


maghanda sa pagpasok sa paaralan. Suot niya ang
kumpletong uniporme at di-kailanman nahuhuli sa klase.
Pagdating sa paaralan ay magiliw niyang binabati ang
kanyang guro at mga kamag-aral. Aktibo siyang nakikinig
sa klase. Sabay silang umuuwi ng kanyang matalik na
kaibigan na si Pedro. Pagdating sa bahay ay gagawin na
niya ang kanyang mga takdang-aralin at tutulong na sa
gawaing bahay. Araw-araw ganito ang gawain ni Juan.

6 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
damit na pamasok malapit masigasig
masaya paaralan

____________ 1. Magkasabay na umuwi ang matalik


na kaibigan.

____________ 2. Magiliw na binati ni Juan ang kanyang


guro at mga kamag-aral.

____________ 3. Maagang pumapasok si Juan sa


eskwelahan.

____________ 4. Suot niya ang kanyang kumpletong


uniporme.

____________ 5. Siya ay aktibo sa loob ng klase.

7 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Pinatnubayang Pagtatasa 1

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang kahulugan


ng mga salitang may salungguhit, gamiting gabay ang
mga larawan.

1. Ilapag mo sa hapag ang mga


pagkain.

2. Ayusin natin ang mga damit


sa aparador.

3. Nanalangin sa simbahan.

4. Ang COVID-19 ay mapanganib


na sakit.

5. Si Aling Mila ay nalula sa barko,


hindi siya sanay sumakay dito.

8 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Piliin sa pangungusap ang salitang lilinang sa


mga salitang may salungguhit at isulat sa iyong sagutang
papel.

1. Marikit ang mga rosas sa hardin. Maganda itong


tingnan tuwing umaga.

2. Irog ang tawag ng mahal naming ina sa aming


ama.

3. Punong puno ng kagalakan si Tatay dahil sa


masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

4. Parati tayong manalangin sa Maykapal dahil


tutulungan tayo ng Diyos sa lahat ng pagsubok.

5. Matamlay si Jojo. Siya ay walang ganang kumilos at


kumain.

9 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Pinatnubayang Pagtatasa 2

Panuto: Bigyang kahulugan ang nakasalungguhit na mga


salita ayon sa gamit sa pangungusap. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon at isulat sa iyong sagutang papel.

mabaho masarap masaya


paligsahan madaya

1. Maligaya si Jiah sa pagbabalik ng kanyang ina.


___________ siya ng makita niya ito.

2. Nanalo si Kervin sa patimpalak sa pagguhit. Lagi siyang


sumasali sa mga __________.

3. Malinamnam ang ulam na niluto ng nanay. Nabusog


sila sa __________ na pagkain.

4. _________ sa laro ang taong mapanlamang. Hindi sila


patas maglaro.

5. Masangsang ang nabubulok na basura. __________ na


ang amoy nito.

10 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Malayang Pagsasanay 1

Panuto: Kilalanin ang mga salitang may salungguhit


batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Ayusin
ang mga letra upang makuha ang tamang sagot. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

MLAAIK 1. Mayabong na ang mga puno sa


paglipas ng panahon.

PNGAARPA 2. Marami akong mithiin sa buhay.

MAAPRS 3. Malinamnam ang sisig na niluto ni Tatay.

GANMAAD 4. Bumili si Mayor ng magarang sasakyan.

KATSI 5. Si Angel Locsin ay isang tanyag na aktres.

11 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Malayang Pagtatasa 1

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may


salungguhit ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.

A. tumubo B. ginastos C. nahuli


D. programa E. mabagal

1. Nilustay ni Mario ang kanyang pera.

2. Naantala ang pagdating ng bisita dahil naipit siya sa


trapiko.

3. Dumalo kayo sa ating palatuntunan sa paaralan.

4. Agahan mong gumising dahil makupad kang


kumilos.

5. Sumibol na ang itinanim kong buto ng halaman.

12 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Malayang Pagsasanay 2

Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit


batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Maalinsangan ang panahon ngayong tag-init.


A. mainit C. maligamgam
B. malamig D. masarap

2. Kinuha ni Ivy ang lampara upang maging tanglaw sa


gabing madilim.
A. ilawan C. tungkod
B. kalan D. upuan

3. Si Prinsesa Jemimah ay galing sa maharlikang angkan.


A. mahirap C. mataba
B. malaki D. mayaman

4. Paslit pa lamang si Kiko noong pumanaw ang kanyang


mga magulang.
A. bata C. matanda
B. binata D. wala

5. Malimit na dinadalaw ni Lester ang kaniyang inang


may sakit.
A. hindi kailanman C. madalas
B. madalang D. minsan

13 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Matagal nang nakaratay si Mang Ben dahil sa


kanyang sakit.
( nakatagilid nakatalikod nakahiga )

2. Malawak ang bakuran nina Mel kung saan sila


naglalaro.
( Malapad Makipot Maliit )

3. Para sa mga dukha ay napakahalaga ng bawat


butil ng bigas.
( mayaman mahirap mataas )

4. Ibinahagi ni Jona ang labis niyang baon sa kaniyang


kaibigan.
( sobra dakila kulang )

5. Maliksing nagtakbuhan ang mga bata sa pagpunta


sa palaruan.
( mabagal mabilis makupad)

Isaisip

Ang mga mahihirap na salitang nababasa natin sa


mga teksto ay nalilinang sa pamamagitan ng _________
______________________________________________________.

14 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Isagawa

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may


salungguhit batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Ayusin ang mga letra upang makuha ang
tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang kasagutan.

IKUMAY 1. Tumangis si Bea sa pagkamatay ng


kanyang alagang ibon. _______________

HAMUKU 2. Kailangan nating mangalap ng mga


larawan ng magagandang pasyalan
sa Balanga para sa ating proyekto.
____________________________

DSIOY 3. Palagi tayong magpasalamat sa


Maykapal sa lahat ng biyayang
pinagkakaloob Niya sa atin. _____________

M H A I R P A 4. Walang pambili ng gamit sa paaralan si


Sabel dahil sila ay dukha lamang.
_______________

LIGPAHANSA 5. Nanalo si Perla sa patimpalak sa


pagguhit na ginanap sa kanilang
paaralan. _________________________

15 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Tayahin

Panuto: Punan ang patlang ng nawawalang titik upang


mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
salitang nabuo.

1. Naglaro si Macoy sa putikan kaya umuwi siyang


m __ __ u m __.

2. Naubos ni Miles ang isang platong pansit palabok


dahil ito ay m __ s __ __ a p.

3. Nag-aaral mabuti si Shine para m __ __ b __ t niya


ang kanyang pangarap.

4. Ginagaya ang sipag at tiyaga ni Bb. Joy kaya


naging m __ __ e __ o siya ng mga guro sa Balanga
City.

5. Nais ni Folyn na makapagtayo ng m __ __ a __ s


na gusali.

16 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Karagdagang Gawain

Panuto: Kompletohin ang sumusunod na pangungusap.


Piliin at isulat sa sagutang papel ang angkop na salita sa
loob ng kahon na bubuo sa pangungsap

dalubhasa tanyag mahalimuyak


kasunduan magtampisaw

1. _______________ ang bagong pabangong binili ni


Nena.

2. Nagkaroon ng _______________ sina Pagong at Matsing


kung paano hahatiin ang puno ng saging.

3. Masarap _______________ sa malamig na tubig ng batis.

4. Si Dr. Angeles ay _______________ sa kanyang


propesyon.

5. Si Ai Ai Delas Alas ay _______________ na komedyante.

17 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
CO_Q1_MTB 2_MODULE 6 18
Subukin Balikan Suriin
1. D 1. Salat 1. Dindin
2. A 2. Manhid 2. Madre at Padre
3. D 3. Nahabag 3. Hardin
4. B 4. Manalangin 4. Paruparo
5. B 5. Natigalgal 5. Dindin
Pagyamanin
Pinatnubayang Pinatnubayang Pinatnubayang Pinatnubayang
Pagsasanay 1 Pagtatasa 1 Pagsasanay 2 Pagtatasa 2
1. malapit 1. mesa 1. maganda 1. masaya
2. masaya 2. lalagyan ng damit 2. mahal 2. paligsahan
3. paaralan 3. nagdasal 3. masaya 3. masarap
4. damit na pamasok 4. malubha 4. Diyos 4. madaya
5. masigasig 5. nahilo 5. walang gana 5. mabaho
Malayang Pagsasanay Malayang Pagtatasa Malayang Pagsasanay Malayang Pagtatasa
1 1 2 2
1. MALAKI 1. B 1. A 1. Nakahiga
2. PANGARAP 2. C 2. A 2. Malapad
3. MASARAP 3. D 3. D 3. Mahirap
4. MAGANDA 4. E 4. A 4. Sobra
5. SIKAT 5. A 5. C
5. Mabilis
Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain
1. UMIYAK 1. m a d u m i 1. mahalimuyak
2. KUMUHA 2. m a s a r a p 2. kasunduan
3. DIYOS 3. m a a b o t 3. magtampisaw
4. MAHIRAP 4. m o d e l o 4. dalubhasa
5. PALIGSAHAN 5. m a t a a s 5. tanyag
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-
Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education
Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-
Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education
Patnubay ng Guro sa Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.

19 CO_Q1_MTB 2_MODULE 6
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like